NINANG KO SI KRIS, DON’T COMPARE US – MARIAN

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

Mabilis na kinontra ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang pagkukumpara sa kanila ni Kris Aquino.

Kung dati raw kasi, si Kris ang Endorsement Queen, mukhang naagaw na niya ang korona dahil halos buwan-buwan yata, may bago siyang endorsement na nilo-launch. Kung hindi man, renewal of contract.

Eh, sa isang endorser, ang isa sa pinakamasasabing effective ka, ‘yong nirerenew ang kontrata dahil ibig sabihin, happy ang brand o kompanya.

Sa naging renewal of contract ni Marian sa Reverie by Beautedérm Home ay nag-react si Marian sa comparison sa kanila ni Kris.

 

Ikinumpara si Marian kay Kris na diumano’y naungusan na niya ito sa pagiging most-in-demand endorser.

Sey niya, “Hindi, huwag ganoon. Ang hirap mag-compare ng isang tao sa ibang tao so walang comparison. Ayoko ng comparison at Ninang ko ‘yan, nirerespeto ko ‘yan.”

Si Kris ay isa sa mga ninang nina Marian at Dingdong Dantes sa kasal.

Sabi pa ni Marian, may kanya-kanya sila.

“Iba ang sa kanya at iba ang bigay sa akin ng Panginoon. Very thankful ako dahil dati kasi noong single ako, wow, may endorsement, ipon ako. Ngayon, kapag nanay ka, iba. Salamat Lord at nakakaipon ako para sa magandang future sa mga anak ko.”

Sa isang banda, mismong ang may ari ng Beautederm na si Ms. Rei Tan ang nagpatunay na simula raw nang kuhanin nila si Marian bilang endorser, isang buwan pa lang, tumaas na ang sales ng three times.

Please follow and like us:
Read More

BABAE PATAY SA LIVE-IN PARTNER NA SEKYU

crime43

DUMAGUETE CITY — Sinasabing selos ang ugat para patayin ng isang security guard ang kalive-in matapos ang isang mainitang pagtatalo sa lungsod na ito, Huwebes ng gabi.

Bago ang trahedya ay nag-iinuman ang mag-partner hanggang humantong sa selosan ang usapan.

Ayon sa mga saksi, hindi na umano naawat ang dalawa nang kapwa mag-away nang maungkat ang usapan sa dating ka-relasyon ng biktima.

Sa gitna ng pagtatalo ay kinuha ng suspect ang service firearm at pinaputukan ang biktima. Tatlong tama ng bala sa leeg, dibdib, at likod ang tinamo nito.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek.

Kasong homicide ang hinahanda laban sa security guard.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS, BOARD MEMBER, PATAY SA GUHO SA APAYAO 

(NI JG TUMBADO)

KAPWA nasawi ang isang pulis at provincial board member makaraang matabunan ng gumuhong lupa habang nasa loob ng bahay sa kasagsagan ng pagbuhos ng malakas na ulan sa bayan ng Kabugao sa Apayao, Huwebes ng gabi.

Sa report na nakarating sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakitulog lamang umano ang mga biktima na sina Board member Tolentino Butch Cacho Mangalao at Police Corporal Romel Gumidam Jr.  matapos ang kanilang dinaluhang public consultation sa lugar.

“Initially, they are engaging in barangay consultation and then inabot sila doon ng malakas na ulan. Nagpahinga sila sa isang bahay and then yung bahay nila was hit by landslide,” pahayag ni Police Colonel Byron Tegui-in, ang Provincial Police Director ng Apayao.

Inilipad ng mga awtoridad ang bangkay ng dalawa patungo sa bayan ng Calanasan mula Kabugao bago ihatid sa kani-kanilang pamilya.

Isa ang Apayao sa mga labis na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Quiel.

Please follow and like us:
Read More

KADETE NAKITANG PATAY SA PMA ACADEMY SWIMMING POOL

PATAY na nang matagpuan ang isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa ilalim ng swimming pool ng eskuwelahan sa Baguio City, Biyernes ng hapon.

Pagkalunod ang inisyal na dahilan ng pagkamatay ni Mario Telan, Jr., 4th class cadet.

Ayon sa imbestigasyon, hinanap ang biktima ng upper-class cadets bandang ala-1:20 ng hapon.

Tinungo nila ang Jurado Hall ng PMA kung saan nakita ang mga gamit ng kadete sa loob ng comfort room ng swimming pool.

Makalipas ang isang oras, nakita ang katawan ng kadete sa ilalim ng swimming pool, dakong alas-2:44 ng hapon.

Isinugod ang biktima sa Fort del Pilar Station Hospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Nangako din ang pamunuan ng PMA na gagawin ang lahat ng imbestigasyon upang mabatid ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Sinuspinde naman ang swimming classes sa akademya hanggang hindi natatapos ang imbestigasyon.

Nakidalamhati rin ang PMA sa pamilya ng kadete at nangakong ibibigay ang kakailanganing tulong ng pamilya.

 

Please follow and like us:
Read More

200 MANGINGISDANG VIETNAMESE NAPADPAD SA ZAMBALES 

(NI JG TUMBADO)

NASA halos 200 mangingisdang Vietnamese na lulan sa kanilang anim na fishing vessels ang napadpad sa Zambales at napilitang tumigil dahil na rin sa pangangailangan nila ng pagkakanlungan mula sa sama ng panahon sa West Philippine Sea.

Araw ng Huwebes nang tuluyang makapasok sa karagatang sakop ng Subic Bay Freeport Zone ang mga bangkang pangisda ng Vietnamese kung saan sa abiso na rin ng Vietnamese Embassy sa Department of Foreign Affairs (DFA) ay inalerto nila ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard kung kaya’t ligtas silang nakarating sa pampang at natakasan ang delubyong dala ng bagyong si ‘Quiel’.

“The Embassy would like to ask the competent authorities to allow the Vietnamese fishing vessels and ships carrying the Vietnam’s flag to be anchored in the Philippines safe ports and safe places,” ang ipinalabas na pahayag ng embahada ng Vietnam sa DFA.

Kasabay nito ay agad nagsagawa ng humanitarian aid ang lokal na pamahalaan ng Olongapo sa pangunguna ng alkalde na si Atty. Rolen “Lenj” Paulino Jr at Chairman/Administrator ng SBMA na si Atty. Wilma Eisma.

Mga bigas, delata at tubig ang agad ipinadala sa mga dayuhang mangingisda sa pamamagitan ng Philippine Coast Guard at habang nananatili ang mga ito sa Subic ay patuloy silang bibigyan ng humanitarian assistance hanggang sila ay makabalik sa kanilang bansa.

 

Please follow and like us:
Read More

BLACK PROTEST RALLY SA INARESTONG ‘AKTIBISTA’

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ)

SUMUGOD ang ilang militanteng grupo sa harap ng  Manila Police District (MPD) headquarters para sa isang ‘black protest’  upang igiit ang pagpapalaya sa tatlong aktibista na inaresto  sa pagsalakay sa tanggapan ng militanteng grupong Bayan, noong Nobyembre 5 ng madaling araw sa Tondo,Maynila.

Nabatid na alas 11 ng umaga nang dumating sa MPD Headquarters ang mga militanyeng grupo pinangungunahan ng grupong Bayan hitbit ang tarpaulins may nakasaad na ” Stop the Attack, Defend People’s Right”.

Kasabay nito, nanawagan din ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na palayain ang mga bilanggong politika.
Hiniling ng grupo na itigil ang pag-atake laban sa mga tagasuporta nito at itigil ang pagtatanim ng mga ebidensya sa mga tanggapan ng iba’t ibang organisasyon

Kabilang sa mga inaaresto ng mga pulis sina  Ram Carlo Paculba Bautista, Manila campaign director ng Bayan;  Alma Estrada Moran, secretariat ng Manila Workers Unity, at Reina Mae Asis Nasino, Manila coordinator ng Kadamay

Ang tatlo ay  inaresto sa  pagsalakay ng mga awtoridad sa Bayan Manila office na matatagpuan sa 672 Flora Street, kanto ng Clemente Street sa Tondo ,ala  1:15 ng madaling araw. Noong Nobyembre 5.
Armado ang mga pulis ng search warrant no. 5945 (19) sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at SW # 5944 (19) sa kasong paglabag sa RA 9516 (Illegal possession of explosives) na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Judge Cecilyn E. Burgos-Villavert, ng Branch 89, nang isagawa ang raid.

Nakakuha rin ang mga pulis ng  ilang sandata, na kinabibilangan ng isang bushmaster caliber 5.56 xm15-E26; dalawang short magazine sa cal. 5.56 mm; 45 pirasong live ammo sa caliber 5.56 mm; isang colt MK4 Series 80 caliber 45; isang magazine para sa caliber 45; walong live ammunitions para sa caliber 45; isang colt automatic caliber 45 na may SN 753234; isang  magazine para sa kalibre 45; walong live ammunition para sa kalibre 45; at dalawang hand grenade.

Nakuha rin naman ng mga pulis  mula sa tanggapan ang mga bag, iba’t ibang uri ng cellphones at mga laptop.

Please follow and like us:
Read More

PELIKULANG ELCANO AND MAGELLAN, PINALAGAN

(NI  DAHLIA S. ANIN)

INALMAHAN ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang naging ganap ni Lapu-Lapu sa pelikulang Elcano and Magellan.

Ang pelikula ay umiikot sa kwento kung saan nangyari ang kauna-unahang ekspedisyon na isinagawa ng mga Portugese upang libutin ang buong mundo.

Pinalagan ng ahensya ang paglalarawan kay Lapu-Lapu bilang kontrabida, pati na rin sa pagsasalarawan nila ng mga sinaunang tao na dinatnan nila sa Pilipinas.

“Tagpagmana tayo nung pagkilala na yun kay Lapu-lapu na naging simbolo ng paglaban at paninindigan, at palayain ang bansa natin sa anumang banta ng pananakop,” ani NHCP Senior History Researcher Christopher Alfonso.

Dagdag pa ni Alfonso, hindi naman nakahubad ang ating mga ninuno na dinatnan nila, sa katunayan ay nagsusuot sila ng damit at puro ginto ang palamuti sa kanilang katawan. Sibilisado na umano ang mga tao noon sa bansa, bago pa man sila makarating dito.

Pero para naman sa ibang historian, patas lang umano ito, dahil para sa pananaw naman ng ibang Pilipino ay kontrabida din sila Magellan.

Ipinauubaya naman na ng Malacañang sa MTRCB ang desisyon kung ipapalabas sa bansa ang naturang animated film.

Ayon naman sa MTRCB, trailer pa lamang ng pelikula ang ipinasilip ng local distributor at hindi pa napapanuod ang buong pelikula.

 

Please follow and like us:
Read More

AFP SA MAKAKALIWANG GRUPO: SA KORTE KAYO MAGREKLAMO

(NI AMIHAN SABILLO)

“SA korte kayo nagreklamo.”

Ito ang payo ni AFP Spokesperson Bgen Edgard Arevalo sa mga makakaliwang grupo na umaangal sa pag-aresto ng AFP at PNP sa kanilang mga kasamahan sa Bacolod City. Ito ay matapos akusahan ng mga militanteng grupo ang pulis at militar ng ‘harassment’ sa kanilang pag-raid sa mga umano’y tanggapan ng Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis at National Federation of Sugar Workers noong Oktubre 31.Ang operasyon ay nagresulta sa pagkaaresto ng dose-dosenang mga leader at miyembro ng NPA At pagkakasamsam sa samu’t-saring armas at pampasabog.

Tanong ni Arevalo, paano naging ‘harassment’ ang naturang operasyon, gayung may hawak na search warrant ang mga operatiba na inisyu ng Korte.

Tungkol naman sa sinasabi ng mga militanteng grupo na planted ang 32 baril At 120 bala na nakuha sa mga arestadong suspek, sinabi ni Arevalo na alinsunod sa batas ay nasa kanila ang responsibilidad na patunayan ang kanilang alegasyon.

Iginiit ni Arevalo na walang exempted sa batas, at kahit sabihin ng mga militanteng grupo na sila’y lehitimong organisasyon, sakop pa rin sila ng mga proseso ng korte tulad ng sinumang ordinaryong tao.

TANGGAPAN NG IBON FOUNDATION ‘DI SINALAKAY – NCRPO

Itinaggi ngayon ng NCRPO o National Capital Region Police Office na may nilulutong operasyon ang kanilang mga tauhan sa tanggapan ng IBON Foundation

Ito ay matapos kumalat sa social media ang ulat hinggil sa isasagawang ocular inspection ng mga pulis sa nasabing tanggapan

Batay sa post ng naturang thinktank group, isang Col. Joaquin Alba umano ang nagtimbre sa kanila ng nasabing inspeksyon sa harap ng sunud-sunod na pagsalakay sa opisina ng mga progresibong grupo

Sinabi ni Sinas, wala umanong katotohanan ang naturang ulat lalo’t hindi na konektado sa NCRPO si Alba at wala namang dahilan para puntahan at silipin ang nasabing tanggapan

Sa huli, nanindigan si Sinas na ang kanilang mga operasyon ay nakasalig sa mga hawak nilang impormasyon at dokumento gayundin ay naayon sa mga umiiral na batas.

Please follow and like us:
Read More

I FEEL U MORISSETTE — KIEL ALO

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

ABA viral KC ang mga video mo sa birthday concert ni Kiel Alo na special guest si Morissette Amon. Dahil sa pag-umpog ni Morissette sa dingding  bago ang performance nila Kiel Alo sa Music Museum noong Miyerkoles ng gabi.

Dahil sa ginawa, hindi na nakapag-show si Morissette.

Bago mag- show kasi, ayon mismo kay Kiel, nag-interview sa kanila si Mario Dumaual ng TV Patrol at napanood ko ang video interview mo KC ito ang mga sinabi ng alaga ni Jobert Sucaldito, “Tinanong siya (Morissette) tungkol doon sa, sa ano, sa father niya. ‘Tapos in-explain niya lahat ng pinagdadaanan niya and all. ‘Tapos after daw po no’n ay parang na-offend daw po siya.”

Na-interview raw silang dalawa bago ang concert.

Inusisa ng entertainment press na nasa concert si Kiel kung ano ang sa tingin niya ang tanong na naka-offend kay Morissette?

“Sabi ni Tito Mario Dumaual, ‘Kumusta kayo ng tatay mo?’ ‘Yun lang naman. Pero ‘yon nga, siguro ang term should be hurt. Na-hurt siya. Kasi may sinabi si Tito Mario Dumaual na, ‘Di bale, hindi naman matitiis ng isang ama ang kanyang anak!’ ‘Tapos ‘yon, akala ko ok kasi nag-ano pa ako sa kanya, ‘yun nga, wala raw kasi siyang ginawa kundi prayers, and sabi ko nga, ‘yun nga kung may pinagdadaanan, na dasal lang, na iluhod lang natib, ‘yon, ‘tapos sa boses niya, sabi ko, ‘Pray ka lang kasi walang imposible kay Lord!’ ‘Yun lang po. Akala ko ok na kasi mag-start na ang show, ‘tapos in the middle (of the show) before I dance na kasama si Ate Aira Bermudez, ayun, narinig ko na na inunpog daw ni Morissette ang ulo niya sa padrr, ‘tapos umiyak nang umiyak, ‘tapos hindi na siya makakanta.”

Nang tanungin naman si Kiel kung ano ang naramdaman niya sa ginawa ni Morissette at hindi na nga sila natuloy na mag-duet dahil umalis na ito sa Music Museum ay sinabi niyang, “Para po sa akin, naiintindihan ko si Morissette kasi para po sa akin lahat tayo ay may pinagdadaanan. Maaari maliit para sa akin, pero malaki para sa kanya. Maaaring maliit para sa inyo, pero malaki para sa akin. So, iniintindi ko po siya sa part na siguro nga ganoon kasakit. Pero ako po, eh, iba po siguro ang orientation ko at tinuro sa akin ni Nanay (his manager Jobert) na whatever happens, kahit na one time nga ‘yung talent ni Nanay na namatayan, he finished the show. Pati nga mga foreign finished the shows even kung anuman ang mangyari bevause it’s part of being professional singer. ‘Yon lang po ang sa akin, pero kung ano man po, lahat naman tayo may pinagdadaanan.

“So, ako man din po, pero kung may trabaho po, I make it a point to be professional kahit may taba ako,” pagbibiro na lang ni Kiel.

Sa isip niya ay pinagdasal ni Kiel si Morissette at inisip na lang na hindi pa time para mag-duet sila, “Pero in God’s time.”

Marami naman ang naartehan kay Morissette sa ginawa niya at sina Annabelle Rama at Daisy Romualdez na nagpunta roon para manood ay naimbiyerna sa kanya.

At least may intermission ang Barretto family feud.

Mas madrama, may pa-untog-untog pa. Di kaya rakista si Morissette dahil headbanger siya?

 

Please follow and like us:
Read More

DRIVER NAKITANG PATAY SA TAXI

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG driver ang natagpuang patay sa loob ng kanyang minamanehong taxi sa Barangay Mayamot, Antipolo City, nitong Huwebes.

Nabatid na alas-8:35 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Russeliano Pinili, sa driver’s seat ng kanyang minamanehong Toyota Avanza taxi na may plakang UWL-106, na nakaparada sa Orchids Street, Green Heights Newtown, Barangay Mayamot.

Sa salaysay sa Antipolo City Police ng mga testigong sina Carlito Tijano at Roselito Digayo, bago nadiskubreng patay ay naghatid pa ng pasahero sa naturang lugar ang biktima, Miyerkoles ng gabi.

Gayunman, dahil malakas umano ang ulan at baha na sa lugar ay nagpasya itong manatili na lamang muna doon hanggang sa humupa ang baha.

Nagulat na lamang umano sila nang kinabukasan ay nasa lugar pa rin ang taxi at nang tingnan ay nakitang wala na itong buhay kaya’t kaagad itong inireport sa mga awtoridad.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na namatay sa natural na paraan ang biktima dahil wala namang anumang sugat na natagpuan sa katawan nito.

Please follow and like us:
Read More

SARAH, MATTEO DAPAT MAGSAMA MUNA SA PELIKULA BAGO ANG KASAL

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ALAM ninyo kung ano ang magandang ideya, ngayong umamin na sina Sarah Geronimo at Matteo Gudicelli na engaged na nga sila nang isang taon na, mas maganda kung hindi muna gagawin ni Sarah ang pelikulang kasama si Daniel Padilla. Itigil na rin muna iyong character film ni Matteo Guidicelli. Dapat pagawin muna sila ng isang project na magkasama bilang isang love team bago sila pakasal.

Ano nga ba ang dahilan para hindi pa nila sabayan iyang “real life love team” na iyan kung sakali. Alam naman ninyo ang mga fans, mahilig sa mga makatotohanang love team. At tandaan ninyo, kung sakali ngayon lang magkakasama sina Sarah at Matteo sa isang project. Hindi ba iyon naman ang gusto ring mangyari ni Matteo kaya siya lumipat ng management company?

Alam niyang mas maganda ang kanyang chances kung may back up siya ng isang malaking network, pero gusto niyang magkasama na sila ni Sarah eh, kaya siya lumipat. Iyon lang naman ang masasabi mong considerations sa desisyong iyon.

Ang dami-dami nilang sinusugalang love team na wala rin naman, bakit hindi nila sugalan ngayon sina Matteo at Sarah, na nakikita naman ng marami na may potentials nga lalo na ngayong aminin na nila na engaged sila at may plano nang pakasal. Basta naunahan pa kayo ng kasal niyan wala na. Baka maulit na naman sa inyo iyong mas mahaba ang pila sa bilihan ng popcorn kaysa sa pumapasok sa sine.

Baka iyan din ang muling mag-aangat kay Sarah matapos ang pelikula niyang hindi masyadong hit. Iyan din ang makapaghahanda kay Matteo para sa isang solo movie na balak nilang ipagawa sa kanya. Makakatulong din iyan nang malaki kay Matteo para ang kanyang image ay mas maibaba pa nang kaunti sa masa.

Iyang mga ganyang bagay, pinag-iisipan na iyan.

STILL UNRESOLVED AFTER 18 YEARS ANG DEATH  NI NIDA BLANCA

May nagpaalala lang sa amin kahapon, labing walong taon na nga pala ang nakaraan simula noong paslangin ang aktres na si Nida Blanca at matagpuan siyang wala nang buhay sa parking lot ng Atlanta Building sa Greenhills kung saan naroroon noon ang office ng MTRCB. Board member noon si Nida ng MTRCB.

Kung anu-anong theory ang lumabas sa nangyaring krimen, hanggang sa ipinako nila ang kanilang atensiyon bilang suspect ang kanyang asawang si Rod Strunk. Iyong mga kaibigan nilang malapit sa kanila, hindi naniniwala na magagawa ni Rod Strunk na patayin o ipapatay si Nida. Ang ebidensiya lang naman nila, bumili daw ng swiss knife si Rod. Eh hindi naman sinabing swiss knife ang isinaksak kay Nida.

Basta tapos na daw ang kaso, kasi sabi nila nag-suicide na raw si Rod Strunk nang tumalon mula sa second floor ng tinitirahan niyang hotel sa US. Talaga bang nag-suicide siya o nalasing lang at nahulog mula sa second floor? Bakit sigurado ba sila talagang si Strunk ang may kagagawan noon? Hindi ba itinanggi iyon ng kanilang witness na si Philip Medel?

 

Please follow and like us:
Read More

3 ANGGULO TINUTUTUKAN SA PINASLANG NA BRODKASTER

(NI NICK ECHEVARRIA)

AGARANG ipinag-utos ni Central Visayas PNP Director P/BGen.Val de Leon ang masusing imbestigasyon sa ambush-slay ng isang  radio blocktime broadcaster sa Dumaguete City, nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, tatlo ang posibleng motibo sa krimen ang tinututukan ngayon sa pananambang sa 67-anyos na si Dindo Generoso.

Isa sa mga anggulo ang pagiging  hard-hitting radio broadcaster umano ng biktima na posibleng may nasagasaan sa kanyang programa sa radyo, gayundin ang paghahain nito ng kandidatura sa mayoralty election noong 2016, subalit idineklarang nuisance candidate, at ang land dispute sa pamilya ng biktima.

Si Generoso na isang blocktime broadcaster sa 96.7 dyEm FM Station sa Dumaguete, ay tinambangan at napatay habang minamaneho ang kanyang kotse (YKU 946) papasok sa kanilang himpilan ng radyo bandang alas-7:30 ng umaga sa Brgy. Piapi, Huwebes ng umaga.

Pitong basyo ng kalibre .45 baril ang narekober ng mga nagrespondeng pulis sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

“We are now cooperating with the Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) for the immediate solution of this. We will not stop until those involved are brought to justice,” pahayag ni de Leon.

Si Generoso ang ika-15 sa bilang ng mga miyembro ng media na napatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

OPISYAL NG PNP BINOGA SA ULO

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos barilin sa ulo ng makailang ulit ng hindi pa nakikilalang suspek sa bayan ng Batuan, Masbate, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang biktima ng pamamaril na si P/SMsgt Oscar Alegada, 43, nakatalaga sa Batuan Municipal Police Station (MPS) at nakatira sa Poblacion ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Masbate Police Provincial Office na ipinarating sa Camp Crame, nangyari ang pananambang sa napatay na police personnel bandang alas-7:10 ng gabi habang nakikipag-usap  kay Mylene Olarita, ng NUP, sa gilid ng kalsada sa Brgy. Canvanez, Batuan sa nabanggit na lalawigan.

Naisugod pa sa ospital sa San Fernando, Masbate ang biktima subalit hindi na ito umabot nang buhay dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo mula sa tumakas na suspek.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang salarin at inatasan na rin ang mga kalapit na police stations sa lugar na maglatag ng checkpoint para sa posibleng pagkakakadakip nito.

 

Please follow and like us:
Read More

P40-M SHABU NASABAT SA PASAHERO SA NAIA

HINDI nakalusot na maipuslit ng umano’y drug courier matapos masabat sa kanya ang P40 milyong halaga ng shabu sa NAIA Terminal 3, Biyernes ng madaling araw.

Naaresto ng ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – NAIA ang suspek na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan.

Nabatid sa Bureau of Customs na galling sa Cambodia ang pinigil na pasahero.

Nakuha sa pag-iingat nito ang anim na kilo ng shabu na may street value na P40.8 milyon.

 

Please follow and like us:
Read More

WILL JUDAY REPEAT HISTORY MADE BY NORA  IN CAIRO?

(NI JERRY OLEA)

BONGGA sina Judy Ann Santos, Allen Dizon at Yuna Tangog. Kitang-kita sila sa omnibus trailer ng 41st Cairo International Film Festival (Nobyembre 20-29, 2019), kung saan kasama sa Main Competition ang pelikula nilang Mindanao na idinirek ni Brillante Mendoza.

Ano kaya kung sundan ni Juday ang mga yapak ng Superstar na si Nora Aunor? Magiging masayang-masaya tayo kung magkakatotoo para sa Young Superstar ang kasabihang, “History repeats itself.”

Nag-best actress si Nora sa CIFF 1995 para sa The Flor Contemplacion Story, na tinanghal na Best Film (Golden Pyramid).

At sa Metro Manila Film Festival 1995, nag-best actress si Nora para sa Muling Umawit Ang Puso.

Si Joel Lamangan ang nagdirek ng The Flor Contemplacion Story at Muling Umawit Ang Puso, na parehong prinodyus ng Viva Films.

Llamado rin si Juday na mag-best actress sa MMFF 2019 para sa Mindanao.

SARAH AT MATTEO ENGAGEMENT NAKAKA-GOOD VIBES

Nakaka-good vibes ang engagement nina Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli, at ang PDA nina Vice Ganda & Ion Perez sa social media.

Panay-panay ang pag-congratulate sa kanila maging ng kapwa celebrities.

Taob ang nakaka-Sahayad na eksena ng rumored lovers na sina Ruru Madrid & Bianca Umali matapos ang premiere night ng Cara X Jagger sa SM Megamall.

Nakakalukring lang iyong mga nagko-comment ng “Sana oil” para kina Vice at Ion. Masyadong “madulas” ang dating.

Mas bet kong sabihan ang magsing-irog ng It’s Showtime ng, “Sana Halls.”

HOW 2 BE U JANNO

Dapat magpasalamat si Janno Gibbs kay Morissette Amon. Hindi sinipot ni Janno ang concert ng baguhang si Kiel Alo sa Music Museum, pero ang nadidikdik nang husto ay si Morissette na nag-walk out doon.

Alin ba ang mas malaking kasalanan? Iyong hindi dumating sa concert at walang pasabi kung bakit, o iyong nag-rehearse pero nawala sa mood na mag-show dahil na-hurt sa interview?

Kaya ba hindi napag-uusapan ang pagiging no-show ni Janno eh dahil La Ocean Deep na siya, samantalang relevant pa si Morissette?

‘ADAN’ FEARLESS LESBIAN MOVIE

Walang takot ang lesbian movie na Adan at musical film na Damaso na makipagsalpukan sa takilya sa animated sequel na Frozen 2 sa Nobyembre 20.

Sabik na sabik ang moviegoers sa Frozen 2, kung saan tutuntunin ni Elsa ang pinagmulan ng kanyang magical powers. Kaabang-abang ang journey nila nina Anna, Kristoff, Olaf at Sven kung saan iba’t ibang panganib ang kanilang kakaharapin.

Siguradong magma-magic sa takilya itong Frozen 2. Iyong 2013 film na Frozen eh $1.276B ang worldwide gross. Kabilang diyan ang $400M sa North America, at $247M sa Japan.

In fairness, iba sa Frozen ang crowd o target audience ng Adan at Damaso. Good luck sa kanila, lalo pa’t sa Nobyembre 27 ang showing ng nangangamoy-blockbuster ding Unbreakable nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, at Richard Gutierrez.

 

Please follow and like us:
Read More

EX-COP, 1 PA, HULI SA RADIO BROADCASTER AMBUSH

ISANG dating pulis at isa pang katao ang nasa pangangalaga na ng awtoridad at sinasabing persons of interest sa pananambang at pagpatay kay radop broadcaster Dindo Generoso sa Dumaguete City.

Ang dalawa ay dinakip Huwebes ng hapon matapos makilala sa nahagip na CCTV sa lugar.

Sakay ng kanyang kotse ang biktima at patungo sa radio program sa dyEM FM Bai Radio.

Sinabi sa report na dalawang lalaking lulan ng motorsiklo ang bumaril sa biktima sa Barangay Piapi.

Walong bala sa katawan ang ibinaon ng mga suspect bago lisanin ang crime scene.

Ayon kay Police Col. Julian Entoma, direktor ng Negros Oriental Provincial Police Office, hindi muna nila ilalantad ang pagkakakilanlan ng dalawang perons of interest habang hinahanap pa ang isa pang suspect.

Ang pulis ang nagsilbing driver ng motorsiklo habang ang isa ang ‘spotter’ sa pagpaslang.

 

Please follow and like us:
Read More

KABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA BAGSAK DAHIL SA RICE TARIFFICATION LAW – REP. CABATBAT

Rep Cabatbat-Magsasaka

(Ni Nelson Badilla / Huling bahagi)

BAGSAK ang buhay ng mga magsasaka dulot ng pagkakaroon ng Rice Tariffication Law (RTL).

Ito ang pahayag ni MAGSASAKA party-list Rep. Argel Joseph Cabatbat sa ­Diaryo Bomba.

Idiniin ni Cabatbat na ang pangunahing resulta ng RTL ay dumagsa nang d­umagsa ang inangkat na bigas sa bansa.

Ang layunin, aniya, ng RTL ay ang walang limitasyong pag-angkat ng bigas.

Nasa 95 porsiyento ng bigas sa bansa ay galing sa mga magsasakang Filipino, kaya ang kulang ay limang porsiyento lamang, wika ni Cabatbat.

Nangangahulugang limang porsiyento lang kailangang angkating bigas mula sa ibang bansa na mas mababa sa 800 metriko toneladang bigas, tugon ng mambabatas.

“Pero, ang reyalidad [ay] 2.6 milyong metriko ­tonelada ang inangkat natin mula sa ibang bansa,” banggit ni Cabatbat.

Naniniwala rin ang kongresista na pinaluwag ng RTL ang daanan ng rice smugglers.

Iginiit ni Cabatbat, “Dahil sa krisis na dinulot ng mga masasamang epekto ng Rice Tariffication [Law], hindi lang maliit ang kita ng mga magsasaka ngayon, [kundi] sobrang lugi pa nila. ­Masuwerte na mabibili ng P17.00 per kilo ang ani dahil nitong mga nakaraang buwan, maraming report na nakaabot sa atin na 11 – 12 pesos bawat kilo ang bentahan [ng palay mula sa ani ng mga magsasaka], tapos may mga lugar na P8 ang bawat kilo.”

“Pero, kahit sabihin ­nating P17.00 mabibili ang bawat kilo ng palay [na siyang iniutos ni Agriculture Secretary William Dar sa National Food Authority (NFA)], papatak lang ng halos limang piso ang kita ng mga magsasaka per kilo, o mga P20,000 bawat isang ektarya ng lupa, which is the average hectarage of a Filipino farmer. Multiply natin sa dalawang crop cycles, [lalabas] P40,000.00 kada taon o P3,330 kada buwan lang ang kita ng magsasaka,” patuloy ni Cabatbat.

Sa ganyang kita sa loob ng isang taon, malinaw na bagsak na bagsak ang kita ng mga magsasaka, tugon ng bagong mambabatas.

Aniya, ang P3,300 kita bawat buwan ay hindi sapat upang makabuhay ng pamilya.

“Base sa guidelines ng NEDA (National Economic Development Authority), below food poverty rate na iyang kitang ganyan eh. Kung hindi sapat iyan para bumuahy ng sarili, ‘wag nating i-expect na makakabuhay ang magsasakang Filipino ng pamilya niya. Kulang na kulang ito [para] pampaaral ng anak, lalo na pambili ng pagkain at gamot. Baka nga sa pagbabayad ng utang lang mapunta ang lahat ng kikitain ngayong ani eh.”

Ayon sa NFA, maliban sa P17.00 kada kilo ang pagbili nila ng palay ng magsasaka, ipinasa ng NFA Council ang karagdagang P3.00 kada kilo ng buffer stocking incentive (BSI) noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Maliban sa P17.00 at P3.00, magbibigay din ang NFA ng dalawampung sentimo bawat  isang kilong palay para sa pagpapatuyo nito, dalawampung sentimo uli para sa paghahatid ng palay sa NFA buying station at karagdagang tatlumpong sentimo para sa pangkooperatibang pagbabago.

Kaya, P20.70 ang matatanggap ng magsasaka kapag binili ng NFA ang kanyang palay bawat kilo,  pahayag ng ng NFA.

Batay sa talaan ng NFA, mula Enero hanggang ­Hulyo ng taong kasalukuyan ay ­umabot na sa 286,805 metriko tonelada o 5,736,100 sako ng palay ang nabili ng ahensiya.

Ang kabuuang halaga nito ay P5.936 bilyon.

Iginiit ni NFA administrator Judy Carol Dansal na “We continue to focus on aggressive palay procurement from our local farmers as mandated by Republic Act 11203 or the Rice Liberalization Law not only for buffer stocking purposes during calamities and emergencies but to provide a ready market for our ­farmers’ produce and cushion the impact of the low farm gate price.”

Mayroong 303 NFA ­buying stations na nakapuwesto sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nang tanungin ng Diaryo Bomba  si Rep. Cabatbat tungkol sa mga nararapat gawin ng Kongreso, DA at NFA upang umangat ang buhay ng mga magsasaka, ganito ang naging sagot ng mambabatas: “Holistic dapat ‘yan. There is no panacea or single cure sa ­usapin ng pag-angat ng buhay ng magsasaka. Unang hakbang d’yan ay ang pagtutok ng mga ahensiya ng gobyerno natin na iahon ang ating mga magsasaka [mula] sa hirap. Alam n’yo po kasi, ang karaniwang pokus lang kasi ng gobyerno ay kung paano mapakain ang mamamayan – saan man ito galing, kahit imported pa ‘yan. Tama naman ito, pero subukan kaya nating mag-invest sa mismong magsasaka, sa tao, dun sa mga nagbubungkal ng lupa mismo. Tiyak ko susunod ang buong agrikultura na lalago kapag pinangalagaan natin ang ating mga magsasaka.”

Please follow and like us:
Read More

P6.8-M SHABU SA TEABAGS NASAMSAM SA P’QUE BUY BUST

(NI ROSE PULGAR)

NASA P6.8 milyong halaga ng shabu na nakalagay sa lalagyan ng tsaa ang nakumpiska sa lalaking naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Paranaque City, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Police Brig. General Nolasco Bathan ang nadakip na si Bayan Salamat Ibrahim, 32, ng 10 C Ninoy Aquino Avenue, Barangay San Dionisio ng nabanggit na lungsod.

Lumabas sa report ng pulisya, dakong ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang madakip ang suspect ng pinagsanib na pwersa ng Caloocan City Police at Paranaque City Police sa Russia St., Brgy. Don Bosco ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Bathan, nakatanggap ng report ang Caloocan City Police hinggil sa pagbebenta ng droga ng suspect.

Nakipag-ugnayan ang Caloocan Police sa tanggapan ng Paranaque City Police hanggang bumuo ng team para sa buy-bust operation laban sa suspect.

Isa sa mga pulis ang nagpanggap na bibili ng droga at nang magpositibo ay dito na nila dinakip ang suspect.

Nakumpiska sa suspect ang shabu na 1 kilogram na nagkakahalaga ng P6.8 million, na nakalagay sa malaking tea bag na may brand na “Refine Chinese Tea”, 5 pirasong P1,000 bills at 95 pirasong P1,000 bills  boodle money, na ginamit sa buy bust operation, isang kulay puting Toyota Vios  na may plakang ABH-9953 at cellphone.

Sasamapahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002 ang suspect sa Paranaque Prosecutor’s Office.

Please follow and like us:
Read More

KAABANG-ABANG ANG ANUNSYO NI DIGONG

KAAA BOOM

NALALAPIT na ang pag-aanunsyo ni Pangulong Rodrigo ‘Roa’ Duterte kung sino ang pipiliin nito na maging pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Nakarating sa ating impormasyon na sa araw na ito (Nobyembre 8), kasabay ng kaarawan ni dating Chief PNP Oscar Albayalde itataon ng ­aking lolo Digong kung sino ang pipiliin nito na maging hepe ng PNP.

Teka sino-sino nga ba ang kandidato sa ­pagiging PNP chief? Sa aking pagkakaalam tatlo ang inirekomenda ni Department of Interior and Local ­Government (DILG) ­Secretary Eduardo Año kay Pangulong Digong, ito ay sina Acting Chief Lt. ­General Archie Gamboa, Lt. General Camilo Cascolan at Major General Guillermo Lorenzo Eleazar na dating NCRPO Director at ngayon ay TCDS na o ikaapat na pinakamataas na opisyal ng kapulisan.

Sa mga nabanggit ko, alam na kung sino ang mas kilala ng publiko – ito ay walang iba kundi si ­Eleazar. Bakit ko ito nasabi?

Nakita ng madlang pipol ang kasipagan ni Eleazar mula nang pamunuan nito ang Quezon City Police District (QCPD) kung saan unang ginawa nito ay nilisin ang kanilang hanay sanhi upang ipatapon nito sa Mindanao ang daan-daan iskalawag na pulis o yung mga nadadawit sa ilegal na droga.

Dahil sa pinakitang kahusayan ni Eleazar sa QCPD, ilang buwan lamang ang lumipas ay nabingwit agad nito ang kanyang estrelya at doon naging ganap na siyang heneral.

Kaliwa’t-kanan ang ginawang operasyon ni Eleazar sa Quezon City laban sa illegal drugs kung saan kilo-kilong shabu ang narekober nito habang bumaba rin ang crime rate sa nasabing lungsod.

Hindi lamang sa Quezon City nagpakita ng husay si Eleazar kundi pati sa Region IVA na mahigit isang buwan din niyang pinamunuan bago naupo bilang NCRPO director.

Dito naging laman palagi ng mga balita si Eleazar dahil sa mga matagumpay na operasyon ng kanyang mga tauhan kaya naman kinilala ang NCRPO bilang Best Region ng PNP.

Dahil dito, hindi na ako magtataka kung bakit People’s Choice ng publiko si Eleazar, may ‘K’ kasi ang heneral, K as in may kakayahan na linisin ang buong PNP sakaling pakinggan ng lolo Digong ko ang pulso ng madlang pipol. KAAAA….BOOM! (Kaaa… Boom!! / Joel Gorospe)

Please follow and like us:
Read More

IWASAN ANG MGA PRODUKTONG MAY ASF

BAKBAKAN NATIN

MALIBAN sa pagiging ­journalist, isa rin ako sa maraming Filipino na mahilig kumain ng longganisa at hotdog.

Katunayan, ­longganisa o hotdog ang madalas na agahan ng aking pamilya, bukod sa itlog.

Kaya, malaking bagay sa pangkaraniwang tao na tulad ko na malaman kung ang ­binibili naming longganisa, hotdog, karne ng baboy o anomang produktong ­galing sa baboy ay ligtas pa rin o hindi ngayong panahong mistulang bagyong umiikot ang ASF sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kahit sabihin pang hindi nagkakasakit o sa mas masahol ay hindi naman nakamamatay ang kumain ng baboy na mayroong ASF, napakaimportante pa ring alam ng mamimili na walang ASF ang bibilhin niyang longganisa, hotdog o baboy.

Kaya, natuwa ako nang aminin ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) nitong ­Nobyembre 4 na ang produktong longganisa at hotdog ng Mekeni Food Corporation ay mayroong ASF.

Kung mayroon pang ibang kumpanya bukod sa Mekeni, sikat man o hindi, ay napakahalagang ihayag ng mga opisyal ng DA at BAI upang malaman ng publiko ang katotohanan.

Ang ASF ay sakit ng baboy na kumakalat at unti-unting sumisira sa industriya ng baboy sa bansa ngayon.

Inihayag ni Ronnie Domingo, BAI Officer-In-Charge, sa press conference na ang sampol ng skinless longganisa at Picnic Hotdog na ipinadala ng Mekeni sa BAI nitong Oktubre para alamin kung ligtas kainin o hindi ay nagpositibo sa ASF.

Napakainam ang ginawang pagkumpirma ng DA at BAI sa resulta ng pagsisiyasat nito sa mga produkto ng Mekeni.

Hindi tulad noong una na halatang itinatago ng dalawang opisyal ng DA ang resulta ng pagsisiyasat ng BAI sa mga produkto ng Mekeni.

Kahit na kinukulit ng ilang journalist kung anong kilala at malaking kumpanya ang nagpositibo ang produkto sa ASF.

Ang sagot ba naman ay “for further testing.”

Pokaragat na ‘yan!

Tuloy, napagdiskitahan ng publiko ang media na siyang nagtatago ng katotohanan hinggil sa resulta ng ASF testing ng DA at BAI.

Hindi po itinago ng media ang testing ng DA at BAI sa mga produkto ng malalaking kumpanya tulad ng Mekeni Food Corporation na nakabase sa Pampanga.

Ilang opisyal po ng DA at BAI ang sadyang naglihim sa media.

Dapat nga ay tanggalin ni DA Secretary William Dar ang mga pilyong opisyal!

Ayon kay Domingo, ipinatanggal na ng Mekeni ang kanilang mga produktong longganisa at hotdog na nasa mga pamilihang bayan.

Sana nga lahat!

Ang mahirap ay kung mayroon pang ibinebentang longganisa at Picnic Hotdog ng Mekeni sa mga palengke.

Gayunpaman, mainam nang iwasan ng publiko ang mga produktong longganisa at hotdog ng Mekeni hangga’t walang kasiguraduhang ligtas ang kanilang mga produkto, batay sa magiging desisyon ng DA at BAI.

Ang pag-iwas ng mga mamimili ang siyang  pinakamahusay na dapat gawin ng bawat isa sa atin, lalo pa’t inamin ni Domingo na ang DA at ang Department of Health (DOH) “is organizing a composite team to do further investigations related to this issue.”

Sa panahong laganap ang ASF kung saan napakarami nang baboy ang namamatay o ipinapapatay upang matiyak lamang na hindi kumalat sa ­maraming panig ng bansa ang ASF sa mga babuyan, kailangan ang lubos na pag-iingat nating lahat.

Uulitin ko po, kahit sabihing hindi nakahahawa sa tao o nakamamatay ang ASF, higit na mainam ang kalusugan ng tao kaysa magpatuloy ang negosyo ng mga kumpanyang baboy ang produktong inaalok.

Alam ko na kayong mga mambabasa ay higit na maraming nalalaman kaysa inyong lingkod.

Kaya, tawag o magtext na sa: 0998–565–0271. (BAKBAKAN NATIN / Nelson Badilla)

Please follow and like us:
Read More

DAPAT LANG GAWING BIGAS AT HINDI CASH

CHRISTIAN BOMB

DALAWAMPU’T isang senador ang bumoto pabor sa resolusyon na ­palitan ng bigas ang cash na tinatanggap ng mga benepisyaryo ng 4Ps o Pantawid ­Pamilyang Pilipino Program ng pamahalaan.

Tama ang desisyong ito ng Senado.

Base sa imbestigasyon ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) ay kanilang natuklasan na ang perang ibinibigay nila sa mahihirap na benepisyaryo ng 4Ps ay ipinangbibisyo lang, na kundi ipinangsusugal ay pinangbibili ng alak o shabu.

Ang 4P’s ay programa ng pamahalaan na nagbibigay ng buwanang P200 sa bawat miyembro ng mahihirap na pamilya, na kung tawagin ay “poorest of the poor” upang ­maipandagdag sa pambili ng ­pagkain para hindi magutom ang mga anak ng mga maralitang Pilipino, pero sa halip na ipambili ng pagkain, karamihan sa kanila ay ipinangbibisyo lang ang tinatanggap na biyaya sa gobyerno.

Dahil pasado na sa Senado ang resolusyong bigas na lang at hindi na cash ang ibigay sa mga benepisyaryo ng 4Ps ay nakasisiguro na ngayon ang pamahalaan at ang publiko na sa sikmura na ng mga maralita ­mapupunta ang ayuda sa kanila ng gobyerno at hindi sa kanilang bisyo.

ASEAN SUMMIT MAS IMPORTANTE KAY DUTERTE

Niyanig ng magnitude 6.6 lindol ang Mindanao nito lang October 31 at kinabukasan, November 1, umalis ng bansa si Pangulong Duterte para dumalo sa ASEAN Summit sa Thailand.

Dahil sa ginawang iyan ni Pangulong Duterte ay batikos ang ­inabot niya sa netizens sa social media, kasi nagawa niyang lumabas ng Pilipinas sa panahon na maymatinding ­trahedyang tumama sa bansa.

Sa Thailand noong November 2011, ang bansang ito ay ­sinalanta ng matinding baha dulot ng bagyo at sa panahong iyon ay may APEC Summit sa United States (US), pero ang ginawa ng noo’y prime ­minister na si Yingluck ­Shinawatra ay kinansela ang pagdalo dito upang personal na tutukan ang trahedyang tumama sa kanilang bansa.

Dapat ay tinularan ni Pangulong Duterte ang ginawa ni dating Thailand PM Shinawatra, pero hindi niya ito ginawa.

Sobrang lakas ang lindol na tumama sa Mindanao at patunay diyan na nasa 21 na ang iniulat na namatay at ­inaasahang madaragdagan pa dahil marami pa ang missing.

Sa ganyang sitwasyon, dapat personal na nakatutok dito ang Presidente dahil buhay at kabuhayan ng mga Pilipino ang nakataya rito, pero mas binigyang halaga niya ang ASEAN Summit kaysa ­kapakanan ng mamamayang naging biktima ng lindol.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-OIC Archie Gamboa at NCRPO Director, Gen. Debold Sinas, nag-o- operate na raw ngayon ang mga color games, beto-beto, hi-lo at drop balls nina alyas “Roy” sa Cubao, Quezon City; “Elmer” sa Himlayan, QC, Parañaque City at Pateros; “Mike” sa Pasay City at “Edrian” sa Las Pinas City.

Paging Manila Police chief, Gen. Bernabe Barba, isang alyas “Lito” raw ang nagpapa-jueteng at lotteng sa Maynila. Paging Eastern Police chief, Gen. Johnson Almazan, isang alyas “Kit” daw ang may pa-jueteng sa Marikina City. (CHRISTIAN’S BOMB / Christian Hernandez)

Please follow and like us:
Read More