SENIORS, PWDs LIBRE NA SA PARKING FEE SA LAS PINAS

(NI LYSSA VILLAROMAN)

SIMULA December 1 ang lahat ng senior citizens at persons with disability (PWDs) sa Las Pinas ay libre na sa parking fee sa loob ng tatlong oras sa lahat mga business establishment at office.

Base sa City Ordinance No. 1623-19 “Senior Citizens and Persons with Disability (PWDs) Free Initial Rate Parking Fee” na ipinaasa ni Vice-Mayor April Aguilar, na ang lahat ng senior citizens sa lungsod pati na rin ang mga PWDs na nagmamaneho o nakasakay sa isang sasakyan na magpa-park sa isang commercial establishement o pay parking areas ay hindi na kailangan magbayad ng kanilang parking fee ng sa loob tatlong oras.

“This is one way of providing social services to our senior citizens and PWDs because their welfare is one of our priorities,” pahayag ni Vice Mayor Aguilar.

Pinasasalamatan din ni Aguilar ang lahat ng mga business establishment sa kanilang koopersayon sa pagpayag na bigyan ng libreng parking fee ang senior citizens at PWDs ng lungsod.

Kung flat rate policy naman ang singil ng mga commercial  establishments ay wala pa ring babayaran ang mga senior citzens at PWDs huwag lamang lalagpas ng apat na oras.

Sinabi pa ni Vice-Mayor Aguilar na ang mga parking booth attendants o cashier na hindi susunod sa ordinansa ay magmumulta ng mula sa P1,000 hanggang P3,000 at 30 araw hanggang 6 na buwan na pagkakakulong.

Sa pahayag naman ni Mayor Imelda Aguilar ang naturang ordinansa ay isang malaking tulong sa kanilang programang ‘Tuluy-tuloy na Serbisyo Program’ para sa kapakanan ng mga senior citizen at PWDs ng lungsod.

Ayon pa dito, sa kasalukuyan ay may mahigit 80,000 na senior citizens ang nakarehistro  at 15,200 naman ang PWDs sa lungsod.

 

Please follow and like us:
Read More

PRINCIPAL HULI SA SCHOOL BUY BUST

(NI ANNIE PINEDA)

SA halip na paaralan, rehas na bakal ang kinabagsakan ng isang principal ng paaralan makaraan madakip ito ng mga awtoridad sa buy bust operation, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Maguindanao.

Kinilala ang nadakip na si Nasser Kali Tando, 54, school principal ng Mirimar Elementary School at residente ng Brgy Poblacion 2 Parang Maguindanao.

Batay sa report ng Parang Police Station, nagsagawa ng operasyon ang operatiba sa loob ng naturang paaralan at nagpanggap na poseur buyer ang police assets at positibong nakabili sila kay Tando.

Nakuha mula sa suspek ang apat na paketeng naglalaman na shabu, mark money at drug paraphernalia.

Ayon sa pulisya, mismong sa loob ng paaralan ng nagbebenta ng droga ang suspek at mga estudyante ang mga parokyano nito.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si Tando na nakakulong Parang PNP.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI PINASLANG SA KOTSE

cebu200

(NI ANNIE PINEDA)

NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa pagkakatagpo sa bangkay ng isang lalaki na may tattoo sa likod na “HGL 200 o Happy Go Lucky’ at may mga tama ng bala ng baril katawan, iniulat kanina sa Cebu City.

Inilarawan lamang ng pulisya ang biktima na nasa 5’7 ang taas, nakasuot ng kulay puting  jersey na may numero 11 at naka-imprentang  Irving sa likod at stripe na kulay pulang short.

Bukod sa tattoo nito sa likod na HGL , may tattoo rin na rosas sa kanyang dalawang balikat at dibdib.

Ayon sa Talisay City Police Station, dakong alas 3:49 ng hapon ng Martes nang matagpuan ang biktima sa loob ng kulay pulang Toyota Vios na nakaparada sa Purok Tumpok, Barangay Zone 15, ng nasabing lungsod.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa nasabing lugar, nakita nila ang biktima na may tama ng bala sa katawan na agad nitong ikinamatay.

Nakapulot din ang pulisya ng mga basyo ng bala na pinaniniwalaan mula sa M16 rifle, 1- deformed slug bullet at mga metallic fragment.

Naniniwala naman ang mga awtoridad ang tattoo ng biktima ay kahulugan ng Happy go Lucky at hinalang galing piitan ang biktima sa Muntinlupa.

Inaalam na ngayon ang tunay na pagkakakilanlan sa biktima at motibo sa krimen.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) para alamin kung sino ang may-ari ng naturang sasakyan.

 

Please follow and like us:
Read More

KZ NAKAAARTE

(NI GORGY RULA)

NGAYON nag-showing ang pelikulang The Art  of Ligaw na pinagbidahan nina Epy Quizon at KZ Tandingan.

First movie ito KZ na nagi-enjoy din sa pag-arte.

Maganda ang feedback sa performance ng magaling na singer na nakakaarte pala.

Kaya okay lang daw sa kanya na pasukin na rin ang pag-aartista.

“Basta kung meron pa pong ganung offer, okay lang po sa akin,” napapangiting pahayag ni KZ na nagkaroon ng premiere night na ginanap sa Trinoma Cinema nung Martes nang gabi.

Sa November 13 ang showing nito, pero sa November 9 ay magkakaroon din ng premiere night sa Davao na kung saan doon kinunan ang kabuuan ng pelikula.

APEKTADO NG LINDOL SA MINDANAO

Sa premiere night ng The Art of Ligaw nung Martes nang gabi naikuwento

ni KZ na apektado sila ng lindol sa Mindanao.

Taga-Digos sina KZ na naapektuhan din ng malakas na lindol.

Mabuti at wala naman  daw nangyari sa bahay nila pero takot na takot si KZ dahil nandun ang pamilya niya at buntis pa raw ang kapatid niya.

“Unang-una po talaga, nag-worry ako nang sobra sa sister ko na pregnant, naiwan dun sa amin. So, yun ang una namin inalam nung first day pa lang.

“Hindi namin siya puwedeng ilipad dito kasi nung unang earthquake po, muntik na siyang makunan. So, she can’t fly. Sobra kaming nag-worry.

“Actually po, nung unang lindol pa lang, my Mom, my sister and my brother were almost trapped sa  isang mall na ano, tapos gabi pa nangyari.

“So, sobrang traumatic yung experience  na yun para sa pamilya ko. Lalong-lalo na sa sister ko kasi she almost lost her baby. Pero ngayon po ay healthy naman yung baby, so kailangan lang niya mag-rest.

“Nung nalaman na namin na okay na yung kundisyon niya at ang bahay namin. Sabi ko sa tatay ko, ‘Dad hindi naman puwedeng walang gawin,” kuwento ni KZ.

Nung Lunes ay pumunta siya ng Cotabato para magbigay ng tulong sa mga kababayan niya roon.

“Sabi ko sa Daddy ko, baka puwedeng magbigay din tayo kahit konti.

“So, nag-organize kami, mga kaibigan namin dun sa Digos kinoordinate namin. Sobrang sakto na nandito yung parents ko, sa kanila pinadala yung mga ano. Humabol na lang po ako after ng work,” dagdag niyang pahayag,

Nagpasalamat si KZ kay Angel Locsin dahil sa dami raw ng tulong na ipinamigay niya sa mga kababayan niya roon.

“Miss Angel, maraming salamat po pala sa inyong pagpunta doon. Alam ko galing pa kayo sa Halloween party, pero dumeretso kayo dun,” mensahe ni KZ sa Kapamilya actress.

 

 

Please follow and like us:
Read More

TITSER KINATAY SA LOOB NG BAHAY 

(NI ANNIE PINEDA)

NALILIGO sa sariling dugo at wala nang buhay nang matagpuan ang isang guro sa loob ng kanyang tahanan nang pasukin ng dalawang hindi pa kilalang kalalakihan, Martes ng gabi sa Catanduanes.

Kinilala ang biktimang si Melrose Baloloy, 37, nagtuturo sa Maysuram Elementary School, at residente ng Brgy. Toytoy, Caramoran, Catanduanes.

Batay sa report ng Maysuram Police Station, dakong alas 11:30 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente may dalawang lalaking pumasok sa bahay ng biktima at pag-alis ng mga ito ay nakita nang tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang guro na naging dahilan ng agaran kamatayan nito.

Samantala, nadakip na rin ang 18-anyos na lalaking suspek sa pagpatay kay Donn Carlos Bagadiong, 28, guro sa Brgy. Valencia, sa bayan ng Virac, Catanduanes noong Nobyembre 3.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa magkasunod na pagpatay sa dalawang sa nasabing probinsya.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO PAPUNTA SA KASAL, PINASLANG

(NI BONG PAULO)

CARMEN, NORTH COTABATO – Patay ang isang 76-anyos na lolo nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang gunman habang sakay ng motorsiklong papunta sa kasal sa Sayre National Highway sa Barangay Kimadzil, Carmen, Cotabato, Miyerkoles ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Salik Datol, ng Patadon, Kidapawan City habang sugatan naman si Thoto Badal Endigay, 45, ng Pagalungan, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Carmen PNP, pasado alas 9:10 ng umaga nang pagbabarilin ang mga biktima habang lulan ng motorsiklo papuntang kasalan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa Barangay Aroman ng bayan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng caliber 45 pistol na ginamit sa pamamaril.

Patuloy na iniimbestigahan ang krimen.

Please follow and like us:
Read More

AKTRES INIRERETO NG KAPATID SA MAIMPLUWENSIYANG TAO

(NI GORGY RULA)

TOTOO kayang inirereto raw nitong kontrobersyal na aktres sa isang maimpluwensyang tao ang kapatid niya?

Marami ang nagtataka sa closeness nitong maimpluwensyang tao sa pamilya nitong aktres.

Hindi masagot ang tanong ng karamihan kung ano ang konek nitong maimpluwensiyang tao, iyon pala interesado siya sa kapatid nitong kontrobersyal na aktres. Okay lang  talaga  ito sa buong pamilya?

Mahirap nang dagdagan pa ito at mahahalata na.

Please follow and like us:
Read More

EVACUEE NA BABY PATAY SA DEHYDRATION

(NI BONG PAULO)

PATAY ang anim na buwang sanggol matapos na hindi makayanan ang sobrang init at magkaroon ng severe dehydration sa ilalim ng tent (trapal) kung saan namalagi ang mga magulang matapos ang malakas na lindol sa Purok Lubi New Bulatukan, Makilala, North Cotabato, Martes ng umaga.

Sinabi ni Municipal Health officer Dr. Georgina Sorilla, nitong linggo ay nakitaan anya ng mga rashes ang bata na nakilalang si Windcesz Arella Piala.

Agad naman siyang nilapatan ng gamot hanggang sa isinugod na sa ospital nitong Martes pero idineklarang patay ng mga doktor.

Nabatid na pansamantalang nakatira ang kanyang pamilya sa tent matapos na masirang kanilang bahay dulot ng pagyanig.

Ayon sa doktor, severe dehydration ang sanhi ng pagkamatay ng anim na buwang batang babae.

Samantala, apela naman ngayon ni Sorilla lalo na sa mga nasa evacuation center na makipagtulungan sa kanila at kung makararamdam ng sakit ay agad na makipag-ugnayan o lumapit sa mga doktor na nasa incident command post ng LGU upang agad na malapatan ng lunas.

Sa ngayon ay patuloy nilang tinututukan ang kalusugan lalo na ng mga kabataan na nasa iba’t ibang mga evacuation center ng bayan.

 

Please follow and like us:
Read More

YOSI KAPALIT NG BUHAY

suicide12

(NI ANNIE PINEDA)

MINABUTI na lamang ng isang binatilyo na tapusin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti nang pagbawalan umano ito ng kanyang nobya na magsigarilyo, iniulat kaninang umaga sa Iloilo City.

Kinilala ang biktima sa pangalan Nico, 17-anyos at residente ng Brgy. Divinagracia, La Paz, Iloilo City.

Batay sa report ng Lapaz Police Station, nakita ang biktima sa labas ng kanilang bahay nakabitin gamit ang nylon cord at wala nang buhay.

Lumabas sa imbestigasyon, bago ang insidente, sinabi ng pamilya, nahuli ang biktima ng kanyang nobya na kinilala sa pangalan Nene, na naninigarilyo na naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

Dahil dito, nagbanta umano ang nobya na maghihiwalay sila kapag hindi nito tinigilan ang nasabing bisyo, hanggang sa nakita na lamang ang biktima ng kanyang kapatid na nakabigti.

Sinubukan pang isugod ng kanyang pamilya ang biktima sa ospital pero idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Please follow and like us:
Read More

4 PULIS SIBAK SA PAGGAMIT NG CELLPHONE SA DUTY

(NI JG TUMBADO)

APAT na bagitong pulis ang sinibak sa puwesto makaraang maaktuhang gumagamit ng cellphone sa kalagitnaan ng kanilang duty sa Isla ng Boracay sa Aklan.

Pinabalik sa mother unit sa Police Regional Office 7 (Western Visayas) ang mga pulis na sinasabing nag-Facebook at online games na Mobile Legends (ML) habang oras ng kanilang trabaho.

Ayon kay PRO-Western Visayas spokesperson Police Lieutenant Colonel Joem Malong, ang apat na pulis, kabilang ang isang policewoman, ay lumabag sa panuntunan laban sa paggamit ng cellphone sa oras ng duty.

Hindi muna pinangalanan ang mga nasibak na pulis.

Kaugnay nito, sinabi ni Malong na mahigpit ang paalala nila sa kanilang mga tauhan sa pagsunod sa patakaran at maging responsable sa kanilang tungkulin bilang alagad ng batas.

Kasalukuyang isinailalim sa restrictive custody sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) sa Regional Office at nahaharap sa kasong administratibo.

Please follow and like us:
Read More

PULIS-QC INAMBUS NG RIDING IN TANDEM

(NI LILY REYES)

PATAY ang isang  kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang ambusin  ng riding in tandem, Martes ng gabi ilang metro lang ang layo sa sa QCPD HQ sa Kampo Karingal, Quezon City.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si  Police  Lieutenant  Ernesto Mendoza, 52, ng District Logistics Division ng QCPD.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation & Detection Unit (CIDU)  ng QCPD, kalalabas lang umano ni Mendoza sa Kampo Karingal sakay ng kanyang  Hyundai Accent  na may plakang  DAD5607  bandang alas  8:10 ng gabi.

Pagsapit  ng pulis  sa tapat ng Montessori  sa may kanto ng Malingap St. at  Mapagkawanggawa St.,  Brgy. Teachers  Village ay bigla umanong  pinaulanan ng bala ang sasakyan ng pulis ng dalawang hindi kilalang lalaki sakay ng isang motorsiklo.

Nagtamo ng multiple gunshot wounds  sa katawan ang biktima na ikinamatay nito noon din.

Narekober  ng Scene of the Crime Operatives (SOCO)  ang 11  fired cartridge cases  at dalawa  (2) fired bullets.

Ayon kay acting QCPD  Director, Police Colonel Ronnie S Montejo, bago umano ma assign si Mendoza sa QCPD-DLD, si Mendoza ay galing ng District  Special Operations Unit o DSOU noong 2025 bago siya mailipat  sa PRO 13  (CARAGA) noong 2016.

Kaugnay nito, itinatag  ni Montejo  ang SITG Mendoza  para mangasiwa sa gagawing imbestigasyon kaugnay sa pagkaka ambush kay Mendoza.

Ang Special Investigation  Task Group (SITG) ay pamumunuan ni  QCPD Deputy District Director for Operation  PCOL  Enrico  Vargas  at  PS-9 Acting Station Commander  PMAJ Feliciano  Almojuela bilang  assistant ni Vargas at  maglalagay din ng walong mga imbestigador na mangangalap ng mga  ebidensiya.

 

Please follow and like us:
Read More

BABY BOY TINADTAD NI MOMMY

baby feet12

(NI JG TUMBADO)

MATINDING depresyon ang dahilan kung bakit nagawang paslangin ng isang 30-anyos na ina ang kanyang sariling anak na isang taong gulang sa pamamagitan ng pagtataga nito sa bayan ng Mataas na Kahoy sa Batangas.

Labis na ikinagulat na rin ng pulisya nang magtungo sa kanilang himpilan ang mismong suspek na si Aiza Lorcha, upang ipagbigay alam ang ginawa nitong karumal-dumal na krimen.

Ayon kay Police Col. Edwin Quilates, Batangas Provincial Police Office (BPPO) Director, nakararanas umano ng sakit na “postpartum depression” ang suspek na umanoy karaniwang tinataglay sa mga ina kung kaya’t ito ang hinihinalang nagtulak sa kanya para gawin ang krimen.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente habang magkasama ang mag ina sa kanilang bahay sa Barangay 2A pasado alas-5:00 ng hapon ng Martes.

“Kasama pa nila ang uncle ni Lorcha sa bahay ng alas 3 ng hapon subalit umalis din ito para manundo ng bata sa eskwelahan at naiwan ang baby na umiiyak sa kanyang ina”, pahayag ni Quilates.

Subalit pagbalik umano ng tiyuhin sa bahay ay agad siyang tinungo ni Lorcha para sabihing pinatay niya ang kanyang anak.

Isinugod pa mismo ng mag-tyuhin ang bata sa Metro San Jose Medical Center (MSJMC) subalit nalagutan na ito ng hininga bunsod ng tatlong tama ng taga sa katawan.

Wala naman ang ama ng bata nang oras na naisagawa ang krimen ng ina dahil sa trabaho nito sa Lipa City.

Nakapiit na sa nabanggit na police station si Lorcha at nahaharap sa kaso.

Please follow and like us:
Read More

VICE, ION, 1 TAON NANG MAGKARELASYON

boy abunda(NI BOY ABUNDA )

HINDI  na itinatago sa publiko nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang tunay na relasyon. Madalas na nagkakabiruan ang mga kasamahang hosts sa ‘It’s Showtime’ kung ano ang tunay na namamagitan sa dalawa.

Masayang-masaya ang Phenomenal Unkabogable Star dahil sa estado ng relasyon nila ni Ion. Isang taon nang opisyal na magkasintahan ang dalawa ngayon. “One year na, oo freedom is blessed. It’s liberating, mas masarap kumilos, hindi nakakangawit.

Wala kang iniisip, mas nae-enjoy namin ang buhay. He’s very happy, I’m very happy. Kasi dati ‘yon ang parang iniinda kong sakit eh, ‘yung parang hindi naman ako kayang ipagmalaki ng mga lalaking nakakarelasyon ko, minamahal ko.

Tapos sabi ko ‘yung nararamdaman kong gano’n. Bakit ko ipaparamdam kay Ion, na hindi ko mai-out, at hindi ko masabi nang direktahan at masabi. Kasi siya ang nauna eh, Siya ‘yung nagpo-post sa Instagram noon pa eh, ako bihira eh. Deserve ni Ion ‘to kasi mabuti naman siyang tao. So bakit ko naman siya ikakahiya,” makahulugang pahayag ni Vice.

Malaki ang pasasalamat ng komedyante sa lahat ng mga kapamilya, kaibigan at mga tagahangang sumusuporta sa pagmamahalan nila ng binata. “I am happy and overwhelmed dahil talagang ‘yung reaction nila, ‘Yon ngang post ko sa Instagram, almost eight hundred thousand likes na (agad). Sabi ko nga ang ganda ng suporta ng mga tao. Parang mahal na mahal nila kami ni Ion,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay magkasamang nagbakasyon sina Vice at Ion sa Japan para sa kanilang Halloween break. “Usually, Hong Kong talaga ako ‘pag Halloween, eh ayaw namin ngayon doon kasi natatakot ako, magulo, kaya naghanap kami. Initially Korea talaga so last minute decision ‘yung Japan,” pagtatapos ni Vice. -Reports from JCC-  

Please follow and like us:
Read More

BIKTIMA NG HAZING PAPANAGUTIN — REP. NOGRALES

Rep Fidel Nograles-3

NAIS ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles na maamyendahan ang umiiral na Anti-Hazing Law upang maparusahan na rin kahit ang mga biktima nito.

Ito ay dahil naniniwala ang kongresista na sa ganitong paraan ay matatapos na ang tinatawag na kultura ng impunity.

Ipinunto ni Nograles na maraming mga estudyante ang sumasali sa fraternity kahit alam nilang maaaring makaranas ng hazing.

“Umaasa tayo na sila’y mapipigilang sumali sa isang samahan na may kultura ng hazing kung may sapat silang kamalayan dito, gayundin, maaaring maparusahan ng batas,” pahayag ni Nograles.

Sinabi pa ni Nograles na pupuwede naman ding maging state witness ang biktima na nakaligtas sa lupit ng hazing.

“Kung may mga biktima tayo na handang proteksiyunan ng batas, mabigyan sila ng katiyakan laban sa posibleng paghihiganti, marahil sa susunod na hazing cases ay higit na magtatagumpay tayo kaysa mabigo,” ayon sa mambabatas.

Nakasaad sa isinusulong na batas ni Nograles na kailangang may mahanap na dalawang elemento sa biktima bago ikonsiderang kasabwat ng hazing.

Una, ang aplikante ay dapat nagkusang-loob at nagbigay pahintulot o pumayag na siya ay maging biktima ng hazing.

Pangalawa, ang biktima ay dapat na sadyang makipagtulungan sa aktwal na pagpapatupad ng hazing, nangangahulugan na ang ginawang hazing ay totoong nangyari at ang biktima ay kusang-loob na pinahintulutan ito na gawin sa kanya.

“Kung mawawakasan natin ang kultura ng impunity sa mga organisasyon na umaabuso sa kanilang hinihikayat na miyembro, dapat nating gawin na mas mahigpit ang anti-hazing law,” diin ni Nograles. “Gaya nga ng madalas sabihin, walang maaapi kung walang nagpapaapi,” dagdag pa ng kongresista.

Please follow and like us:
Read More

ALDEN OPEN NA SA KANYANG INSPIRASYON

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

ANG Asia’s Multimedia Star at ‘The Gift’ lead star na si Alden Richards ay open na ngayon sa kung sino ang inspirasyon niya.

Hindi pala Pinay ang bet ni Alden, ang Thai rapper na miyembro ng isa sa pinakasikat na South Korean girl group na Blackpink ang crush na crush ng actor, si Lisa Manoban.

Nakaka-ilang social media post na si Alden na ang cute nito na nagpa-fanboy kay Lisa. Ang recent post nga niya na may caption na “Kahit man lang sa laro makaholding hands.”

Itina-tag din si Lisa ng mga netizens. Aba, hindi naman madedehado si Lisa sakali at suklian niya ng atensiyon ang pagka-crush at pagpapaka-fanboy ni Alden sa kanya, ‘no!

Kahit napakahilig namin sa mga Korean, este kay Lee Seung Gi lang pala, masasabi naming napakalaki ng kaguwapuhan ni Alden kumpara sa ibang Korean stars, huh!

APPENDECTOMY FAILS AGA’S WIFEY FOR ALMOST PERFECT ATTENDANCE

Hindi nakasama si Charlene Gonzales sa premiere night ng pelikulang Nuuk dahil ayon kay Aga Muhlach, nasa hospital daw ito at ooperahan for appendicitis.

Nalungkot si Charlene dahil lahat daw ng premiere night ng movie ni Aga ay kasama ito.

Mapapanood pa rin naman ni Charlene ang movie dahil ngayong araw na ito pa lang ito showing. Matutuwa si Charlene, gayundin ang mga nakaka-miss kay Aga na mapanood sa big screen.

Ibang-ibang Aga ang mapapanood sa kanya sa Nuuk. Drama na may pagka-thriller ang movie. Tama ang director na si Veronica Velasco na parehong magaling na actor at actress sina Aga at Alice pero, mas nasurpass pa raw ang expectation sa ipinamalas nilang performance sa movie.

Bukod sa not-the-usual Pinoy movie ang Nuuk, bonus pa na halos 90% ng pelikula ay kinunan sa Nuuk, Greenland.

Personally, bukod sa mapanood muli sa big screen sina Aga at Alice, excited kami na makita ang Nuuk. At nang mapanood nga namin ito, hindi na kami nagulat kung bakit ang Nuuk ang may highest percentage of suicidal.

Ang Nuuk ay mula sa produksiyon ng VIVA Films.

HISTORICAL GAG SHOW PA-BONUS ESPESYAL

Kahit na isa pa rin sa top-rating at patuloy na pinapanood ang Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi sa GMA-7, masasabing “history” na ang longest running gag show na ito ng network na ngayon ay nagse-celebrate ng ika-24th anniversary.

Longest-running at multi-awarded gag show, ang GMA network’s “Bubble Gang.” Every year, sinisigurado nila na may espesyal silang handog sa mga loyal viewers nila.

Kaya sa November 15 at 22, may special episodes ang Bubble Gang, a two-part superhero telemovie entitled, “The ScAvengers.”

The man behind the success of Bubble Gang, Michaen V will play the character of Allan Peter Kuya Thanos. Sabi nga niya, “Medyo baliw at ambisyosong project ito. Sa totoo lang, laro lang yung gusto namin and yet gusto namin ipakita na kahit kami naglalaro, yung quality hindi mawawala. So this time around, it’s a visual treat na talagang sa teaser pa lang gugulatin namin kayo.”

Malaki ang pasasalamat ni Bitoy sa mga loyal viewers nila tuwing Biyernes ng gabi na never nga namang bumitiw sa kanila for 24 years.

Bukod kay Bitoy, sina Antonio Aquitania, Mykah at Diego ang alam naming mga orihinal na cast member ng Bubble Gang.

Magkakaiba na ang bilang ng taon bilang regular ng Bubble Gang sina Paolo Contis, Kim Domingo, Boy 2 Quizon, Sef Cadayona,Betong Sumaya, Analyn Barro, Archie Alemania, Mikoy Morales, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Lovely Abella, Arra San Agustin, Jak Roberto, Denise Barbacena.

Kasama rin sina Arny Ross, Liezel Lopez at Roadfill.

Sa The ScAvengers, may special participation din si Mayor Isko Moreno as Yorme and Spiderman star. Jacon Batalon as Need.

Nabanggit ni Paolo na masaya raw sila. Mas masaya raw sila ngayon. So we asked Bitoy na siyang original at naiwan sa BG kung masasabi nga niyang mas masaya ngayon than before.

“Every Monday naman masaya. We make it a point na maging masaya at kahit isang araw lang na pagsasama-sama.”

Pero natatawang sabi nito, hindi naman daw niya sasabihin na mas masaya ngayon with the new cast than the original.

 

 

Please follow and like us:
Read More

COA: NFA PUMALPAK

NFA-4

(Ni Nelson Badilla / Ikatlong Bahagi)

ANG National Food Authority (NFA) na nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ay pangunahing instrumento ng pamahalaan para sa kabuhayan ng mga magasaka.

Direktang trabaho ng NFA na tiyaking may sapat na bigas na makararating sa palengke upang may makain ang bawat pamilyang Filipino.

Ang NFA ang natatanging ahensiya ng pamahalaan na nakatutok sa bigas upang makatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga magsasaka at magkaroon ng bigay ang bawat pamilyang Filipino.

Noong 2018 kung saan napakatindi ng krisis na kinakaharap ng mga magsasaka tungkol sa bigas at maging ang mamamayang Filipino, mahalagang matukoy ang eksakto at kongkretong ginawa ng NFA upang makatulong sa mga magsasaka.

Napakahalaga ng 2018, sapagkat kritikal ang taon na ito sa kalagayan ng mungkahing Rice Tariffication Law (RTL) – kung ito ay ipapasa ng Kongreso o hindi.

Nadiskubre ng COA na umabot lamang sa 61,784 metriko toneladang palay ang binili ng NFA sa mga magsasaka at ilang samahan ng mga magsasaka noong 2018.

Napakalayo sa tudla ng NFA na 388,889 metriko toneladang bigas para sa nasabing taon, sapagkat 15.89 porsiyento lamang ang katumabas nito sa tudla.

Idiniin din ng COA sa ulat nito na pumalpak ang NFA maging sa Strategic Rice Reserve (SRR) dahil 0.1 araw ang SRR ng NFA, sa halip na magkasya sa labinlimang araw.

Ang Government Rice Buffer Stock (GRBS) ay sapat lamang sa tatlong araw, imbes na magkasya sa loob ng tatlumpong araw na siyang itinakdang target ng NFA.

Dahil sa kapalpakang ito ng pamunuan ng NFA, idineklara ng COA na kapus ang murang bigas sa mga pelengke, partikular sa unang dalawang kwarter ng 2018.

Ang napakaliit na bilang ng murang bigas ng NFA ang isa sa mga nagtulak-pataas sa presyo ng iba’t ibang klaseng bigas sa nasabing panahon.

Ang limitadong bigas sa merkado ay resulta ng kawalan ng sapat na pera ng NFA na bumili ng maraming bigas mula sa mga magsasakang Filipino.

Ito’y dahil ang pitong bilyong pisong inilaan ng DA sa NFA upang ipambili ng bigas ay pinambayad sa utang nito sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Ngunit, inilihim ito ng DA at NFA noon sa publiko, lalo na sa mga magsasaka.

Walang binanggit ang mga opisyal ng DA at NFA hinggil sa pagbabayad ng P7 bilyong utang ng NFA sa LBP at DBP gamit ang P7 bilyong pambili ng NFA sa mga palay ng mga magsasaka.

Kahit si DA Secretary Emmanuel Piñol ay napakatahimik sa media tungkol sa isyung ito.

Ayon sa COA, tinawagan nito ng pansin ang pamunuan ng NFA na huwag ipambayad ang P7 bilyon sa bilyun-bilyong utang nito sa dalawang bangko ng pamahalaan, ngunit lumilitaw sa pagsisiyasat ng COA na binalewala ng pamunuan ng NFA ang naturang panawagan.

Pinagsabihan ng COA ang pamunuan ng NFA na huwag gamiting pambayad sa utang ang P7 bilyong piso noong 2018, sapagkat ganito rin ang ginawa ng pamunuan ng NFA noong 2017.

Noong 2017, P5.1 bilyong pondo na pambili ng palay ang ipinambayad ng NFA sa utang nito sa ilang bangko, wika ng COA.

Ibig sabihin, regular nang ginagawa ng pamunuan ang pagbabayad ng utang nito sa LBP at DBP gamit ang pondong inilaan ng DA sa NFA upang bilhin nito ang mga bigas ng mga magsasakang Filipino. (Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More

RTC JUDGE SA ILOCOS SUR PINASLANG

crime12

HINDI na umabot nang buhay sa ospital ang isang hukom matapos barilin ng hindi pa kilalang salarin habang pauwi ng bahay, Martes ng hapon, sa San Fernando, La Union.

Si Judge Mario Anacleto Banez, ng RTC Court Branch 25 ng Tagudin, Ilocos Sur, ang nagbasura sa kasong isinampa laban sa Cordilleran human rights worker na si Rachel Mariano.

Inabsuwelto ni Banes si Mariano na nakulong sa Tagudin, Ilocos Sur matapos pagbintangan na mastermind umano  sa pananambang sa mga sundalo sa Quirino, Ilocos Sur.

Sinabi ni Banez na walang sapat na ebidensya laban kay Mariano.

Dagli namng kinondena ng Cordilleran Human Rights Alliance ang nangyari sa hukom.

“We strongly condemn this brutal attack on Judge Bañez, which we believe is an attack on the core of the justice system he sought and worked so hard to prevail – fair, just and noble. A system where those who are denied of rights can find refuge and protection,” pahayag ng grupo.

Please follow and like us:
Read More

AMBUSH NG DOLE LABOR OFFICER, TUTUTUKAN NG MPD

(NI HARVEY PEREZ)

NAGSASAGAWA na ngayon ng masusing imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) sa pananambang sa  senior labor and employment officer ng Department of Labor and Employment (DOLE) ,Lunes ng hapon sa Malvar St., Malate,Maynila.

Binigyan-diin ni  MPD Director P/BGen. Bernabe Balba,  na patuloy sa pagkalap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan  para mabilis  na maresolba ang kaso ng pagpatay sa biktimang si Helen Dacanay, 59, senior labor and employment officer na nakatalaga sa DOLE Manila head office, at residente ng Block 11, Lot 1, Casimiro THMS Queensrow East, Molino, Bacoor, Cavite.

Gayundin, inaalam na ng MPD kung nahagip ng CCTV ng  barangay at mga establisimyentong malapit sa crime scene ang pananambang.

Nalaman sa  imbestigasyon ng MPD-homicide section, alas 4:45 ng hapon noong Lunes nang maganap ang krimen sa Malvar Street, sa nabanggit na lugar.

Galing umano si Dacanay sa kanyang tanggapan sa DOLE Manila head office, na matatagpuan sa 4th Floor ng DY International Building, San Marcelino Street, kanto ng Malvar Street, at sakay na ng itim na Honda Brio, na may plakang ACA-7338, at habang binabaybay ang Malvar Street, pagitan ng Singalong at Benitez Streets, ay bigla na lang tambangan at pagbabarilin ng dalawang suspek, riding in tandem.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang biktima.

Nakatakas ang mga suspek na hindi nakilala ng mga testigo dahil sa suot na bull caps at face masks ng mga ito.
Ligtas naman at hindi  tinamaan ng bala si Atty. Agata Ann Daquigan,  labor arbiter sa DOLE main office at kasama ni Dacanay sa sasakyan nang maganap ang krimen.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang hindi bababa sa 14 na basyo ng bala, na indikasyon  na walang balak ang mga suspek na buhayin pa ang biktima.

Kinondena naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang pagpatay kay Dacanay.

Umapela rin si Bello ng mabilisang imbestigasyon para makuha ng biktima ang  hustisya.

Gayundin,nagpaabot ang kalihim ng pakikidalamhati sa pamilya ng biktima at tiniyak na pagkakalooban ang mga ito ng kaukulang tulong.

 

Please follow and like us:
Read More

‘KAMAY NA BAKAL’ SA CALABARZON!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

KILALANG mahusay, masipag at tapat sa tungkulin si dating Manila Police District (MPD) Director Brig. Gen. Vicente Danao, Jr. kung kaya’t nang maitalaga ito sa kaharian ng Maynila ay kaagad itong nagpakitang gilas kung saan inabutan nito ang mahigit sa 2000 case folder na halos hindi na gumagalaw.

Ayon kay Danao, simula nang manungkulan siyang MPD director ay kaagad niyang inaksyunan ang mga natutulog na kaso kaya’t sa pag-alis nito sa lungsod ng Maynila ay halos isang daang folder cases na lamang ang natira.

Kinagiliwan si Brig. Gen. Danao ng Manileño dahil sa kanyang pagpapairal ng katahimikan sa lungsod kung kaya’t nagustuhan siya ni Mayor Francisco Domagoso subalit nang magkaroon ng balasahan sa PNP ay walang nagawa si Domagoso kundi tanggapin ang kapalit ni Danao na si Brig. Gen. Bernabe Balba na isa ring mahusay na opisyal ng PNP.

Sa aking panayam kay Danao sa programang (Facebook Live at YouTube Channel) LATIGO NI BATUIGAS, sinabi nito na ipatutupad niya ang kamay na bakal at paiiralin ang disiplina sa kapulisan.

Kabilang din sa tututukan ni Danao ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drugs, anti-criminality campaign at corruption sa hanay ng kapulisan.

“Sisiguraduhin natin na hindi masasangkot sa ilegal na droga ang mga pulis, Paano natin maipatutupad ang programa sa illegal drugs kung may involve na pulis? kaya hindi natin papayagan na may pulis na involve sa ilegal na droga,” ani Brig. Gen. Danao.

Ang Region 4A na nakasasakop sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay kilalang maraming krimen na nangyayari at may mga pulis rin na sangkot sa katiwalian kaya mismong si Danao ay aminado na may mga pulis pa ring tiwali, subalit hindi niya papopormahin ang mga ito at nakahanda siyang patawan ng mabigat na kaparusahan.

Kay General Vicente Danao, sir… Congratulations! Sa magaganda mong programa sana isama mo na ang illegal gambling lalo na ang mga peryahan na may pasugalan na karamihan sa mga nagsusugal ay menor de edad. Sina alyas “Evy” at “Yolly” umano ang mga pergalan operator sa Cala¬barzon at ipinagmamalaki ng mga ito na legal ang kanilang mga pasugalan o pergalan. Abangan may karugtong! (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

CAYETANO WALA NANG PALABRA DE HONOR, SAKIM PA?

CHRISTIAN BOMB

ANG sabi ni Speaker Alan Cayetano na kung gugustuhin daw ni Marinduque Rep. Allan Lord Velasco ay tatapusin na niya ang kanyang termino bilang speaker hanggang June 30, 2022.

Hindi katanggap-tanggap kay Velasco ang sinabing iyan ni Cayetano dahil may malinaw silang kasunduan at ito ay ang term sharing sa pagiging speaker ng House of Representatives.

Ayaw sana noon ni Velasco ang sistemang term sharing sa posisyong speaker dahil mas marami ang kongresistang kapartido niya sa PDP-Laban kumpara kay Cayetano na kakaunti lang ang mga kapartido nitong Nacionalista Party (NP) sa Kongreso.

At dahil alam ni Cayetano na tagilid siya sa laban kaya’t kinausap niya noon si Pangulong Duterte na mag-term sharing na lang sila ni Velasco, na sinang-ayunan naman ng Presidente.

Sa kasunduan, si Cayetano ang unang uupong speaker sa loob ng 15 buwan at si Velasco naman ang susunod na speaker sa loob ng 21 buwan.

Kaya iyong sinabi ni Cayetano na puwede niyang tapusin hanggang June 30, 2022 ang pagiging speaker niya ay mali kasi kung ipipilit niya ‘yan at balewalain ang napagkasunduan nilang term sharing ni Velasco ay lalabas na bukod sa wala siyang palabra de honor, ay sakim pa siya sa kapangyarihan.

oOo

TIMBRE: Paging Bulacan PNP Director, Col. Chito Bersulana, sa Area H sa Sapang-Palay, San Jose del Monte City ay may pa-color games at drop balls daw sina alyas “Tessie” at alyas “Leslie. Paging Batangas PNP Director, Col. Edwin Collates, sa Lipa City raw ay may pa-sakla si alyas “Gerry Muslim”. Paging Cavite PNP Director, Col. William Segun, sa Bacoor City raw ay may pa-jueteng si alyas “Areza”. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

ANG 2019 BAR EXAMS

yourservice

NAG-UMPISA na po ang taunang pagsusulit para sa mga nais maging abogado — ang 2019 Bar examinations — na gaganapin sa loob ng campus ng University of Sto Tomas sa Lungsod ng Maynila. Taon-taon, sa buwan ng Nobyembre (dati ito’y ginagawa tuwing buwan ng Oktubre) ay dumadagsa ang libo-libong indibidwal na kukuha ng bar exam sa unang pagkakataon (yung iba naman ay sa pangalawang pagkakataon) upang makamit ang inaasam na pangarap — ang maging isang ganap na abogado sa Pilipinas. Sa taong ito, higit walong libo ang kukuha ng bar at malalaman natin kung sino sa kanila ang papalaring pumasa at kumuha ng kanilang panunumpa bilang isang miyembro ng hanay ng mga Pilipinong abogado sa Mayo o Hunyo sa susunod na taon.

Ang pagsusulit na ito ay nahahati sa walong subjects — Political at Labor laws sa unang Linggo (naganap noong Nobyembre 3); ang kukunin naman sa susunod na linggo ay ang Civil at Taxation law (Nobyembre 10); susundan ito ng Mercantile at Criminal law (Nobyembre 17) at ang huling pagsusulit ay ang Remedial law at Legal and Judicial Ethics and Practical Exercises (Nobyembre 24). Ang pagsusulit ngayon ay sasailalim sa tinatawag nating two-examiner rule kung saan ang bawat pagsusulit ay magkakaroon ng dalawang examiner. Pagkatapos ng bar examinations ngayon Nobyembre ay maghihintay ang ating mga barrister ng ilang buwan upang malaman ang resulta.

Kadalasan, nilalabas ng Korte Suprema ang resulta ng pagsusulit sa susunod na taon — Abril o Mayo. At pagkatapos nito, ang mga mapalad na pumasa ay lalagda ng kanilang pangalan sa Roll of Attorneys at manunumpa bilang mga bagong abogado.

Sa mga nais kumuha ng pagsusulit sa susunod na taon — ang kinakailangang isumite sa Korte Suprema (sa opisina ng Bar Confidante) ay kopya ng birth certificate, marriage certificate (kung naaayon), dalawang “Testimonials” mula sa mga ganap nang abogado, Opisyal na transcript ng mga grado sa kolehiyo at sa law school, sertipikasyon mula sa registrar ng law school, picture at isang self-addressed stamped envelope.

Sa aking munting palagay — hindi nag-uumpisa ang pag-review para sa bar examinations pagkatapos ng graduation sa law school. Nag-uumpisa ang review sa First Year ng law school pa lamang. Ugaliing mag-aral, sa unang pagkakataon hindi para pumasa sa klase kundi maging handa para kumuha ng bar examinations. Ang iyong kaalaman ng batas at ng mga kasong binabasa natin mula sa mga pahina ng mga desisyon ng Korte Suprema ay matututunan mula sa umpisa ng pagpasok sa law school at patuloy tayo sa pag-aaral kahit tayo’y maging abogado na. Ang preparasyon sa law school — ang dedikasyon, sakripisyo at disiplina — ang siyang susi upang tayo’y maging handa sa pagkuha ng bar examination. Tandaan, hindi lamang ini-estima ng bar examination ang inyong kaalaman sa mga batas, sa mga prinsipyo o konsepto — kundi ang inyong kakayahan mag-isip at humanap ng maayos at tamang paraan upang mabigyang solusyon ang mga suliraning legal — malaki man o maliit. Ang bar examination ay isang pagsusulit ng inyong kakayahan bilang isang propesyonal at isang tao — na maisama sa hanay ng mga abogado ng bayan. (@YOURSERVICE / ATTY. DAVID AQUINO)

Please follow and like us:
Read More