FAMILY FEUD: DALAGITA PINATAY SA LOOB NG BAHAY  

(NI JG TUMBADO) PATAY ang isang 16-anyos na dalagita matapos pasukin at pagbabarilin sa loob ng bahay sa Iloilo City, Lunes ng gabi. Isang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni Noemi Mana-ay habang ang hindi pa mabatid na mga suspek ay patuloy pang tinutukoy ng mga awtoridad. Nabatid sa report kay Police Col. Martin Defensor Jr., Director ng Iloilo City Police Office (ICPO), nasa kusina ng bahay ang biktima sa Barangay Mandurriao nang pasukin at pagbabarilin ng mga salarin pasado alas 9 ng gabi ng Lunes.…

Read More

APP VS TSUNAMI, INILUNSAD NG PHIVOLCS

(NI ABBY MENDOZA) INILUNSAD ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang isang website application na nagbibigay impormasyon sa tsunami risk. Ang GeoAnalyticsPH ay isang app na isinagawa ng GeoRisk Philippines, isang website na nagbibigay ng summary reports sa tsunami exposure sa mga barangay, municipalities at mga probinsiya. Ang GeoAnalyticsPH ay maaring makita sa  https://geoanalytics.www.georisk.gov.ph/ Ayon kay Mabelline Cahulogan, ng GeoRisk Philippines, ipinakikita ng app ang populasyon na tatamaan ng tsunami gayundin kung gaano kalaki ang parating na tsunami. “The website application aims to be the central source of information…

Read More

29 EVACUEES NALASON SA DONASYON NA PAGKAIN

(NI JG TUMBADO) NASA 29 indibidwal na pawang mga evacuees ng dalawang magkasunod na lindol sa Mindanao ang iniulat na nalason sa pagkaing rasyon na ipinamamahagi sa loob ng evacuation center sa Barangay Malabuan, Makilala sa Cotabato. Ayon sa nakarating na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nangyari ang food poisoning nitong ng Lunes, Nobyembre 4, sa nabanggit na lugar. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, kumain ng pananghalian ang mga evacuees ng ‘pastel’, uri ng pagkain na naglalaman ng manok at itlog. Makalipas ang limang oras…

Read More

DALAGITA, 9 PA, NASAKOTE SA MAKATI BUY BUST

arrested

(NI DAVE MEDINA) NASAKOTE at naaresto ang 10 katao, kabilang ang isang menor de edad, sa pagsalakay na isinagawa ng mga operatiba makaraan ang buy bust operation ng pulisya sa Camia St., Bgy. Pembo, Makati City, Martes ng umaga. Ayon kay Makati City Police Chief PCol. Rogelio Simon, lima sa mga naaresto ay mga babae at isa ang menor de edad. Target aniya ng buy bust operation ang isang alyas Jayson pero naaktuhan sa lugar ang siyam pang suspek kaya matapos makabili ng droga ang poseur buyer ay agad silang…

Read More

CONVOY NG RELIEF GOODS NAAKSIDENTE

accident12

(NI JG TUMBADO) APAT na sasakyan na may kargang mga relief goods na nakatakda sanang magdala ng tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Makilala, Cotabato ang nagkarambola sa gitna ng kalsada Lunes ng hapon. Kabilang sa mga nasangkot sa aksidente ang dalawang pickup truck at dalawang van na bahagi ng convoy sa relief operations. Ayon kay Cotabato City Police Office (CCPO) Chief Col. Portia Manalad, ang itinuturong dahilan ng nabanggit na aksidente ay ang biglaang paghinto ng isang kotse sa gitna ng national highway na sakop ng Barangay Bulatukan,…

Read More

LOLA TINAGA NG LOLO DAHIL SA TALONG

(NI ANNIE PINEDA) HINDI inakala ng isang lola na dahil lamang sa kanyang tanim na talong ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan makaraan pagtatagain ito ng kapitbahay na lolo na pinagbintangang nagnakaw ng mga bunga ng kanyang talong, iniulat kaninang umaga sa Cebu City. Kinilala ang biktimang si Prisciano Baraclan 64, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Magdaleno Ypanto, 60, at kapwa residente ng Sitio Acacia Barangay Tungkop, Minglanilla, Cebu . Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa nasabing lugar nang sugurin umano ng biktima ang…

Read More

WEDDING GOWN PERSONAL NA KUKUNIN NI SARAH L. SA EUROPE 

(NI VINIA VIVAR) UMALIS patungong Europe si Sarah Lahbati para kunin ang kanyang wedding gown sa nalalapit nilang kasal ni Richard Gutierrez. “Left for Europe to pick up my wedding dresses for a few days without my boys!  I’ll be gone for only more than a week but this will feel like a year to me  lol thank God for FaceTime!!!  I’m gonna miss you all so much,” ang caption ni Sarah sa kanyang IG post na larawan nilang mag-anak. Ikakasal sina Sarah at Richard sa March, 2020 dito sa Pilipinas.  

Read More

MISIS, LOVERBOY, HULI SA AKTO NI MISTER

cebu city12

(NI ANNIE PINEDA) KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang misis at kanyang loverboy makaraan mahuli sila ng kanyang mister na nagtatalik sa loob ng isang lodging house, iniulat kaninang umaga sa Cebu City. Kinilala ang mga suspek na 37-anyos, residente sa Brgy. Cadulawan , Cebu at kalaguyo nitong 31-anyos,  taga-Naga City. Batay sa report ng Minglanilla Police Station, nahuli ang mga suspek sa loob ng lodging house sa Brgy. Calajoan, Minglanilla, Cebu. Ayon sa mister, matagal na siyang kinukutuban na may ibang lalaking kinalolokohan ang kanyang misis kaya minonitor niya ang mga…

Read More

DEPRESSED NA PARAK, NAGBARIL

(NI JESSE KABEL) DEAD on the spot ang isang kagawad ng Philippine National Police nang magbaril sa sarili  sa hallway ng isang hotel sa Catarman, Northern Samar. Sa ulat ng Catarman Police Office, kinilala ang biktima na si Patrolman Willard Castillo, 27, nakadestino sa Northern Samar Police Provincial Office. Ayon kay Pol. Maj. Eddie Esidera, Chief of Police ng Catarman Police Station, nag-check-in sa naturang hotel ang biktima kasama ang kanyang ama at nagpaalam ito na may bibilhin lamang sa labas. Subalit ilang minuto ang nakalipas ay nagulantang ang mga…

Read More

MAY TEMBLOR PA SI GONG YOO KAY ANNE CURTIS

(NI VINIA VIVAR) MAY hang-over pa si Anne Curtis ng memorable trip niya sa Seoul, South Korea last week kung saan ay na-meet nga niya ang kanyang favorite South Korean actor na si Gong Yoo sa Louis Vuitton event. Pagpasok niya sa It’s Showtime last Monday ay ito agad ang napag-usapan nila at nagtititili pa rin si Anne sa sobrang saya. “Ang sayaaahhh!” tili niya nang tanungin ni Vice Ganda kung kumusta ang Haloween niya. “Sobra akong saya as in. As in! Na-meet ko na kasi si Gong Yoo in…

Read More

81-ANYOS KUBRADOR NG STL PATAY SA VAN

accident12

(NI JUN V. TRINIDAD) QUEZON – Todas ang isang 81-anyos na lalaking kubrador ng Small Town Lottery (STL) matapos aksidenteng mabangga ng humaharurot na van sa Maharlika Highway sakop ng bayan ng Atimonan, sa lalawigang ito noong Lunes. Sa report ng Atimonan police station, kinilala ang biktima na si Rolando Montejo Sr., residente ng Barangay Tagbakin. Tumatawid ang biktima sa highway sakop ng nasabing barangay, bandang alas-6:20 ng gabi habang nangongolekta ng taya sa STL nang salpukin ito ng humahagibis na Toyota Hi-ace Commuter van na minamaneho ni Robert Dosdo,…

Read More

CLAUDINE HANDA SA DEMANDA NI ATE MARJORIE 

(NI ED DE LEON) NATUWA naman kami nang makita namin ang picture ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto, kasama ang kanilang inang si Inday Barretto na kasama niya sa isang lunch,  kasama rin ang kanilang mga kaibigan. Ang nakatawag ng aming pansin, isa sa mga kasama nila sa picture ay ang paring si Fernando Suarez, na pinasalamatan pa nila dahil sa kanyang mga panalangin. Si Suarez ba ang bagong spiritual adviser ng magkapatid na Barretto? Ano ang malay ninyo, baka nga isang spiritual adviser ang kailangan para matahimik ang…

Read More

HOTSILOG CON SHABU

arrestwomen12

(NI KIKO CUETO) TIMBOG ang isang babae na dadalaw sana sa kaibigan na nakapiit  sa Fairview Police Station, nang tangkaing magpuslit ng ‘hotsilog’ na may nakapaloob na hinihinalang shabu. Napag-alaman na ang hinihinalang shabu ay nasa ilalim ng kanin, na may kasamang hotdog at itlog. Nakalagay ang mga droga sa sachet. Tiyempo naman na nabulilyaso ang modus operandi ng 27-taong gulang na babae nang magkamali pa ang jail guard at pabaliktad na nabuksan ang styro. “Nagpupumilit siyang bumisita at magbigay ng pagkain kaya nagduda na rin kami,” ani Police Lt.…

Read More

REYES SIBLINGS HAHARUROT

(NI DENNIS INIGO) UMANGKAS pa kayo! Ito hamon ng magkapatid na sina Quiana at Wenson Reyes na ngayon ay umuukit na ng kanilang pangalan sa larangan ng isport na motorcross. Ngunit kakaiba ang magkapatid na sina Quiana at Wenson,  na sa kanilang murang edad ay taglay na ang walang takot,  palaban at determinadong pusong mandirigma ng mga beteranong atletang Filipino. Mapanganib ang isport na motocross ngunit hindi ito alintana ng 15-anyos na si Quiana (female category) at 13-anyos na si Wenson (male). Hindi kinakikitaan ng kaba ang magkapatid na matapang…

Read More

P36-M SHABU NASABAT SA PASAY CITY

(NI KOI HIPOLITO/PHOTO BY JOVEN ORTEGA) AABOT sa anim na kilo ng mga pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P36 milyon ang nakumpiska sa dalawang big time drug pusher ng mga operatiba ng Philipphine Drug Enforcement Group (PDEG) sa buy bust sa Roxas Blvd.Baclaran ng Pasay City. Kinilala ang suspek na target ng operasyon na si Emerson Fernandez at isang hindi pa kilalang suspek. Batay sa ulat, nakipagtransaksyon ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa mga suspek para bumili ng iligal na droga at nagkasundo na magtagpo…

Read More

MGA MAGSASAKA INIWAN, INILAGLAG NG NFA

MAGSASAKA-NFA

(Ni Nelson Badilla / Ikalawang Bahagi) NITONG nakalipas na taon, mistulang sunud-sunod na ‘bagyo’ ang pumasok sa mga palayan at palengke sa mara­ming panig ng bansa, kabilang na ang Bulakan na siyang pinakamalapit sa Metro Manila na pinagkukunan ng bigas. Napakataas ng presyo ng bigas bawat kilo, sapagkat kapos na kapos ang suplay ng bigas noong 2018, banggit  ng noon ay kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Emmanuel Piñol. Ngunit, idiniin ni Piñol noong Setyembre ng nakalipas na taon na walang krisis sa bigas dahil walang “rice shor­tage.”…

Read More

HAMON SA MANILA WATER AT MAYNILAD

BAKBAKAN NATIN

IKALAWANG beses na ngayong taon na may problema sa tubig sa Metro Manila. Kaso, ang nagaganap ngayong buwan ay mas masahol kaysa sa naunang problema, sapagkat Manila Water Company, Inc. at Maynilad Water Services, Inc. na ang sangkot dito. Ibig sabihin, higit na maraming negosyante at residente ang apektado ng kakapusan ng suplay ng tubig. Hindi tulad noong Pebrero hanggang Abril, mga kustomer lang ng Manila Water ang may problema sa tubig, kabilang na kami. Sabi ng pamunuan ng Manila Water at Maynilad Water Services, Inc., ang problema sa tubig…

Read More

LAHAT LABAN SA SMB

MAGPALAKAS at pigilan ang San Miguel Beer na maka-grandslam. Ito ang misyon ng mga koponan sa kanilang patuloy na players-swapping, na pinapayagan naman ng PBA Commissioner’s Office. “Naghahabol yung teams natin sa trade deadline.” Ito ang pag-amin ni PBA Commissioner Willie Marcial kung bakit patuloy ang pagpapalit ng players ng mga team sa loob ng mga nakaraang linggo. Ayon kay Marcial, hanggang November 8 ang trade deadline kaya’t ligal ang ginagawang players-swapping ng mga koponan. Sa loob ng tatlong linggo, 14 na players ang nakasama sa trading block kabilang sina…

Read More

NCRPO DIRECTOR SINAS ALAMIN MO

NIPIS

PAG-UPO sa puwesto ni NCRPO chief P/BGen. Debold Sinas mula sa Region 7, marami na kaagad ang hindi nakagusto sa kanyang ugali kaya’t may ilang pagkakataon na may mga nakabangga na kaagad siya dahil sa talim ng kanyang dila. Unang nakabangga niya ay ang presidente ng NCRPO Press Club na si Lily Reyes na hindi kumibo sa ginawa niyang pambabastos nang tanggalan niya ng opisina kasama ang ilang miyembro ng media. Bukod sa nais niyang ora-orada ang pag-alis na gawin ni Reyes at mga kasama ay halos agawin na niya…

Read More