SEX VIDEO NG STARLETS LAGANAP SA SOCMED

porn12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

SINASABI ko na sa iyo Tito KC, hindi lang basta scandal iyang mga sex video na iyan. Hindi natin namamalayan na mayroon nang sex video industry na ang pagpapakalat ay nangyayari sa internet.

Simple lang ang operasyon. May isang may hawak ng sex video, at iaalok niya iyon sa mga potential customers gamit ang social media. Makikita mo iyan sa Facebook, Twitter at maging sa Instagram. Kung interesado ka, ipadadala mo sa contact ang bayad. Kung nakaipon na sila ng mga isang libong orders, na umaabot sa 500 libong piso, ipadadala na nila ang video sa mga nagbayad. Tiyak iyon may magpo-post noon sa internet, pero hindi bale nakuha na nila ang puhunan at malaking tubo nila.

Iyong mga male starlets na gumagawa ng sex video, hindi talaga biktima. May bayad sila. In fact, may umamin na binayaran siya ng 150 thousand, mas malaki kaysa sa talent fee sa isang indie film na ganoon din naman ang ipinagagawa sa kanila.

Ang problema kung ganoon ay hindi lamang iskandalo. Mayroon nang porno industry sa Pilipinas at iyan ay hindi lamang local, kalat iyan sa buong mundo dahil may umo-order din mula sa abroad, kaya may mga video na lumalabas sa mga gay sites na ang base ay nasa abroad. Basta iyon naman ay tinanggap ng gay site, nagbabayad din sila sa nag-upload sa bawa’t download naman doon ng kanilang mga members. Talagang malawak na ang porno industry, at hindi masasabing lahat ng may sex video ay biktima, maaaring kumikita rin sila talaga.

 

Please follow and like us:
Read More

MRT-3 MAY LIBRENG SAKAY SA EDAD 18 PABABA

mrt312

(NI KEVIN COLLANTES)

MAY libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mga menor de edad o mga batang nasa edad 18-anyos pababa sa Miyerkoles, Nobyembre 6.

Ito, ayon sa Department of Transportation (DOTr), ay bilang pakikiisa umano sa pagdiriwang ng 27th National Children’s Month sa nasabing araw.

Batay sa paabiso ng DOTr-MRT-3, nabatid na maaaring makasakay nang libre ang mga menor de edad mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi sa Miyerkoles.

Para sa mga estudyante, maaaring iprisinta ang kanilang school IDs sa mga station personnel ng MRT-3 na nasa service gate upang makalibre ng sakay.

Ang MRT-3 ang nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City hanggang sa North Avenue, Quezon City via Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Please follow and like us:
Read More

MARJORIE TO SUE CLAUDINE

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ITO lang yata ang ikalawang pagkakataon na nakita naming may social media post si Inday Barretto. Una ay noong ipinagtanggol niya ang anak ni Marjorie na si Julia noong kasagsagan ng controversy noon kina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Pero maski noon, may duda kung si Inday Barretto nga mismo ang gumagawa noon o kung may “ghost writer” siya dahil aminado naman siyang hindi siya techie.

Noong Linggo, lumabas na naman ang isa niyang post, at iyon ay tungkol sa video na inilabas ng kanya ring mga anak na sina Gretchen at Claudine na nagpapakita sa isa pa niyang anak na si Marjorie na may sinasabi tungkol sa isang “Inday na maarte na ang sarap sapakin”.

Sa post, sinabi ni Inday Barretto na siya ang tinutukoy ni Marjorie sa nakuhang video at kuha diumano iyon sa ospital matapos ang isang mainit nilang pagtatalo tungkol sa kanilang bahay sa Subic. Mabilis ding nawala ang post sa @estrellabarretto account, pero nirepost naman ni Claudine na nagsabi pang “nagsalita na si mommy. The truth will always prevail”.

Mabilis naman iyong sinagot ni Marjorie na nagpayo sa kanyang kapatid na uminom muna ng gamot na pampakalma at humandang makipagharap sa kanya sa korte. Maliwanag ang kanyang banta, idedemanda niya si Claudine.

Sanay naman sa korte si Claudine. May panahon ngang halos araw-araw siyang nasa korte, may araw pang dalawang kaso ang dinidinig sa maghapon noong kainitan ng problema nila ng asawang si Raymart Santiago. Masasabing sanay na sa korte si Claudine.

Hindi pa nagsasalita si Gretchen. Palagay namin mas naghahanda pa siya ng matinding panlaban kay Marjorie. Tiyak din, sabi ng isang source, “hindi pababayaan ni Gretchen si Claudine kung magdemanda man si Marjorie”. Pero ang sinasabi nga nila, kung magkakaroon ng kaso sa korte, kanino papanig si Inday Barretto?

Kung kanino papanig at tatayong testigo si Inday, iyon ang may panalo.

 

Please follow and like us:
Read More

SALPUKAN NG 2 MOTORSIKLO; 1 PATAY 

accident121

(NI ANNIE PINEDA)

TEPOK ang isang rider habang sugatan ang mag-ama makaraan magsalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo, iniulat kaninang umaga sa probinsiya ng Bukidnon.

Kinilala ang namatay na si Leroy Perez,46, residente PN Roa, Brgy. Canitoan, Bukidnon.

Ginagamot naman sa ospital ang mag-ama na kinilalang sina Ceazar Piquero, 47, at anak na si Ramson Piquero, 14, kapwa residente sa Purok 2, Bukidnon.

Batay sa report ng Baungon Police Station, naganap ang insidente sa Purok 4 Brgy. Matog, Baungon, Bukidnon.

Lumabas sa imbestigasyon, binabaybay ng dalawang motorsiklo ang nasabing kalsada, nag bigla na lamang umanong umagaw ng linya si Perez na siyang linya ng mag-amang Piquero.

Sa bilis ng pangyayari, nagkasalpukan ang mga ito at parehong bumagsak sa kalsada.

Kaagad naman dinala sa ospital ang mga biktima pero kalaunan ay nalagutan din ng hininga si Perez habang patuloy na ginagamot ang mag-ama.

Please follow and like us:
Read More

AWAY SA LUPA: MISIS BINOGA NI MISTER, PATAY 

gensan12

(NI ANNIE PINEDA)

PARA makuha ang mas malaking parte ng lupa, binaril at napatay ng isang mister ang kanyang misis nang hindi ito pagbigyan ng huli na makuha ang malaking parte ng lupa na kanilang pag-aari, iniulat kaninang umaga sa probinsiya ng General Santos City.

Kinilala ang biktimang si Faith Tiwado, 56, habang tugis ang suspek at asawa nitong si Edi Tiwado, at kapwa residente ng sa Sitio Cawayan, Brgy. Lower Mainit, Malungon, Sarangani Province.

Batay sa report ng Malungon Police Station, natagpuan na lamang ang biktima sa kanilang bahay na tadtad ng tama ng baril sa dibdib at katawan at wala nang buhay.

Lumabas sa imbestigasyon, matagal ng hindi nagkakaunawaan ang mag-asawa at pinagtatalunan ang hatian sa lupa na umabot na sa korte at hindi sumipot ang suspek sa mga pagdinig.

Nabatid, nagtalo umano ang mag-asawa sa kanilang bahay dahil gusto umano ng suspek na mas malaki ang parte nitong makukuha sa mga anak at asawa subalit hindi pumayag ang biktima dahilan para pagbabarilin ito saka tumakas ang suspek.

Sa pagresponde ng pulisya, tumakas na ang suspek at nakakuha ng mga basyo ng mula sa .45 kalibre na baril at 9mm pistol na pinaniniwalaan ginamit ng suspek sa krimen.

Sinampahan na ng kasong parricide ang suspek at patuloy na pinaghahanap.

Please follow and like us:
Read More

KUYA KINATAY NG 3 UTOL

(NI ANNIE PINEDA)

HALOS mahiwalay ang ulo ng isang magsasaka makaraan pagtulungang pagtatagain ng tatlo niyang nakababatang kapatid dahil umano sa agawan sa lupa, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Capiz.

Kinilala ang biktimang si Roger Voluntad, 43, habang ang mga suspek ay kapatid nitong na kinilalang sina Piji Voluntad, 35; Fernando Voluntad, 29, at Gerald Voluntad, 25, pawang mga residente ng sang Barangay Manayupit, Maayon, Capiz.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa Barangay Maalan, Maayon, Capiz, nang harangin ng mga suspek ang kanilang kuya sakay ng motorsiklo.

Lumabas sa imbestigasyon, pauwi na sana ang biktima sakay ng motorsiklo angkas ang kanyang asawa at tatlong anak nang harangin sila ng mga suspek.

Huminto si Roger at nagulat nang makita ang tatlo nitong kapatid at walang habas siyang pinagtataga ni Piji, dahilan para bumagsak ito sa kalsada.

Sa halip na umawat ang dalawa pa nitong kapatid, pinagtulungan pa siya nitong pagsasaksakin sa iba’t ibang parte ng katawan at leeg na halos na mahiwalay na sa katawan na agad nitong ikinamatay.

Ayon sa misis ng biktima, matagal na umanong may alitan ang magkakapatid dahil sa pinagtatalunang lupa na sinasaka ni Roger.

Matapos ang insidente nadakip naman ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

ROLLBACK SA PRODUKTONG PETROLYO BUKAS

oil45

(NI ROSE PULGAR)

MULING magpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas (Martes) ng umaga.

Pinangunahan ng kompanyang Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines, Petro Gazz, Chevron, at Total ang bawas presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina, P0.25 sa kada litro ng diesel at P0.10 sa kada litro ng kerosene epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ng pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na bawas presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas presyo na P0.45 sa kada litro ng gasolina at P0.10 sa kada litro ng diesel habang wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene.

 

Please follow and like us:
Read More

KIDNAPER NG MGA BATA SA BACLARAN, ARESTADO

cell

(NI ROSE PULGAR)

NADAKIP ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang isang babae na dumukot sa isang apat na taong gulang na babae na nailigtas rin ng mga awtoridad, Linggo ng gabi sa Baclaran, ng naturang lungsod.

Kinilala ni Police Col. Robin Sarmiento, hepe  ng Paranaque City Police ang nadakip na suspect na si Marian Berdino, 45, nakatira sa Pulang Bato, Masbate City, Masbate.

Matiwasay naman naaibalik sa kanyang ama ang paslit na itinago sa pangalang “Kitty”.

Ayon kay Hasmin Sangka, 33, vendor, ama ng paslit, ng 2094 GG Cruz St. Barangay Baclaran, alas- 9:30 ng gabi habang naglalaro sa kalsada ang kanyang anak sa tapat ng kanilang bahay nang biglang hatakin at kargahin ng suspect ang paslit na mabilis na lumayo sa kanilang lugar.

Masuwerte naman aniyang nakita ang pangyayari ng kanyang kapatid na si Fatima Sangka, 26, isa ring  vendor, nakatira sa Lt. Garcia St. nang nasabing lungsod.

Agad humingi ng tulong si Fatima sa mga pulis na nasa lugar na mabilis na hinabol ang suspect hanggang sa makorner ito sa Lt. Garcia St. kung saan ito naaresto.

Agad dinala sa nasabing himplan ng pulisya ang suspect at sa loob ng istasyon, paiba-iba ang sinasabi ng suspect kung bakit niya tinangay ang bata.

Sa alegasyon ng suspect, kaya lamang niya kinarga ang bata upang yayain nitong maglaro

Napag-alaman pa na hindi ito ang unang pagkakataon na may nahuling mandurukot ng bata sa Baclaran.

Nitong Marso ng kasalukuyang taon, isang 19-anyos na babae rin ang nadakip nang dukutin ang isang limang taong gulang na batang lalaki.

Sa ngayon ay patuloy pa rin nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad habang nakatakdang sampahan ng kasong kidnapping ang nadakip na suspect.

Please follow and like us:
Read More

EX-REPORTER, BUMBERO HULI SA BUY BUST

ARRESTED-9

(NI SIGFRED ADSUARA)

ARESTADO ng Cavite Police ang isang retiradong bumbero at isang dating reporter sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Iniharap ni PBGen Vicente Danao , Jr, Regional Director , PRP 4A ang suspek na si Wilfredo Palmares, 66, ng Sitio Sulok Brgy Panapaan 3, Bacoor City, Cavite at Marvin De Guzman, 62, dating nagsusulat sa Toro at sa Splash, isang weekly tabloid sa Laguna, at residente ng Manila Hilyon Village, Brgy. Nioh 2, Bacoor City.

Nauna dito, nagsagawa ng buy bust operation ang Bacoor City Police sa magkakahiwalay na lugar kung saan target ang mga suspek at nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Bukod sa dalawa, 41 pang katao ang inaresto kung saan humigit kumulang sa 69 gramo ng shabu ang nasamsam na nagkakahalaga ng P500,000.

Inamin ni Palmares na gumagamit siya ng shabu na pampagising tuwing nagbabatay ng mga alagang baboy habang pampagising din ang dahilan ni De Guzman kung bakit gumagamit ng shabu.

Samantala, tinatayang 145 na kumpiskado at 747 na for safekeeping na matataas na armas ang i-turn over sa Cavite Police Provincial Office sa pagbisita ni Danao sa Camp BGen Pantaleon Garcia, Imus City, Cavite.

Please follow and like us:
Read More

BASHER PINATULAN; NAPAHIYA KAY HEART

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

NAKATIKIM kay Heart Evangelista ang basher niya na sinabihan siyang nakatatawa siya sa kanyang suot na Gucci or Chanel shoes habang nagsasayaw ng folk dance.

Nag-post kasi si Heart ng larawan nila ng mister na si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero habang nagsasayaw sila ng folk dance sa Kasanggayahan Festival sa Sorsogon province.

Caption ni Heart sa larawan, “we did it! Congratulations to us 7,127 Sorsoganons for breaking the Guinness World Record for largest Filipino folk dance!

“My dear @escuderochiz, I am so proud of you for planning and conceptualizing this whole thing for your province. It wouldn’t have been such a success without you.”

Sa comments section ay may netizen na nagkomento ng “You look funny in your gucci or channel sandals you should have worn an abaca slippers which bicol region is known for.”

Hindi ito pinalampas ni Heart at sinagot niya ang basher.

“Huh? I wasn’t wearing Gucci dear . I was wearing abaca sandals from @aishefootwear. Check muna kasiiiiiii” sagot ni Heart.

Pinagtawanan tuloy ng netizens ang basher na wagas kung makahusga gayung spelling lang ng Chanel ay hindi alam.

 

Please follow and like us:
Read More

ROAD RAGE: BRGY TANOD BINARIL SA DIBDIB 

(NI JG TUMBADO)

PATAY sa pamamaril ang isang 23-anyos na barangay tanod sa umanoy away-trapiko o road rage sa Dasmarinas City sa Cavite.

Nakilala ang biktima na si Samim Sarilama, tanod ng Barangay H2, habang tumakas naman ang lalaking bumaril sa kanya na isang delivery van driver sa kalagitnaan ng kanilang alitan sa trapiko.

Nabatid kay Police Lt. Col. Nerwin Ricohermoso, chief of police ng Dasmarinas, pauwi na sana ang biktima kasama ang kanyang pamangkin na si Abdul Khair Jaffar sakay ng tricycle nang sila ay mapahinto dahil sa nakatigil na closed van sa gitna ng kalsada na kanilang daraanan pasado alas 3 ng madaling araw ng Linggo.

Dito umano bumaba ang biktima mula sa minamaneho nitong tricycle para kausapin ang driver ng closed van na iparada nang maayos ang kanyang sasakyan.

Subalit, sa kalagitnaan ng argumento ay bumunot ng baril ang driver ng van at pinaputukan nito ang biktima sa dibdib.

Agad tumakas ang suspek matapos ang pamamaril sa biktima.

Dead on arrival sa ospital si Sarilama na napuruhan ng bala ang kanyang dibdib.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek sa road rage.

 

Please follow and like us:
Read More

DIDAL BACK-TO-BACK CHAMP

(NI ANN ENCARNACION)

HINAKOT ni Margielyn Didal ang dalawang nakatayang korona sa magkahiwalay na sinalihang torneo sa The Netherlands at California bilang pagpapakita ng kanyang kahandaan sa pagsabak sa 30th Southeast Asian Games at mapasama sa 2020 Tokyo Olympics Qualifying Tournament.

Muling ipinakita ni Didal ang husay sa skateboarding na nagbigay sa kanya ng gintong medalya sa 18th Asian Games at 2019 Exposure All Women’s Skateboarding Championships nang pagreynahan ang Ladies Day Skate competition sa The Berrics na ginanap sa The Netherlands, at 2019 Exposure All Women’s Skateboarding Championships sa Huntington Beach, California, USA.

Ang Ladies Day Skate competition at The Berrics ang isa sa pinakapopular na skateboarding hub sa mundo na nagsagawa ng dalawang events sa isang araw.

Ang kambal na panalo ay nagpatatag sa hangarin ni Didal at kinabibilangang Skateboarding and Roller Sports Association in the Philippines na makadagdag ng medalya sa darating na 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ang mas magandang balita, makakatulong ang dalawang bagong napanalunang titulo sa kanyang kampanya para sa Olympic ranking competition ngayong Nobyembre 10 sa Rio de Janeiro, Brazil bago siya bumalik sa bansa para sa SEAG na gaganapin sa bagong gawang Skate Park sa Tagaytay.

Please follow and like us:
Read More

NADINE NAG-SORRY SA MGA NASAKTAN SA POST NG AMA

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

FINALLY ay nagsalita na rin ni Nadine Lustre tungkol sa cryptic posts ng kanyang amang si Ulysses “Dong” Lustre sa Facebook noong nakaraang buwan na feeling ng fans ay si Kathryn Bernardo ang pinariringgan.

Ayon kay Nadine sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda, nang nangyari raw ‘yon ay off siya sa social media at nalaman daw niya after more than a week na.

“We talked about this, pero before he did this, I haven’t talked to him about anything. I’m not my dad, so we don’t have the same brain, you know, we don’t think alike,” pahayag ni Nadine.

Kasunod nito ay humingi siya ng paumanhin para sa kanyang ama.

“Kung sinuman ‘yung na-offend niya or nasaktan niya with what he said, ako, humihingi na po ako ng paumanhin. But I talked to him about it and I told him na it wasn’t right, what he did,” sey ng aktres.

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS NALASING, NI-RAPE NG MAGPINSAN 

(NI ANNIE PINEDA)

INARESTO ang magpinsan matapos umanong pagsalit-salitan gahasain ang isang misis na kanilang kalugar nang yayain ng inuman, sa Isabela.

Kinilala lamang ang mga suspek sa alyas Berto, 35, at Epoy, 28, kapwa residente ng Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela.

Batay sa report ng pulisya, dumulog sa kanilang himpilan ang 29-anyos na misis kasama ang kanyang mister para pormal na magsampa ng kasong panggagahasa laban sa magpinsan.

Kuwento ng biktima, pauwi na siya sa kanilang bahay nang madaanan niya ang mga kalugar na nag-iinuman kasama ang mga suspek at niyaya siya ng mga ito na mag-inuman.

Dahil sa kalugar, pinagbigyan ng biktima ang mga itong makipag-inuman at makalipas ang ilang oras ay nalasing na ito kaya nagpasya na siyang umuwi.

Habang naglalakad pauwi, sinundan siya ng mga suspek at doon na siya niyakap at pinagsamantalahan ng magpinsan. Aniya, hindi na niya nagawa pang manlaban sa takot na patayin siya ng mga suspek.

Sa himpilan ng pulisya, unang itinanggi ng mga suspek ang paratang sa kanila, pero kalaunan ay inamin din at sinabing nagawa lamang nila ang kahalayan dahil sa sobrang kalasingan.

Nakatakdang sampahan ng kasong rape ang dalawang suspek.

Please follow and like us:
Read More

PROBLEMA NG MGA MAGSASAKA, LUMALA

MAGSASAKA-7

(Ni Nelson Badilla / Unang Bahagi)

HINDI na mainit na isyu ngayon ang problema ng mga magsasaka hinggil sa mababang presyo ng kanilang ina­ning palay.

Ang mainit ngayon ay ang African swine fever (ASF), ang sakit sa baboy na kumakalat ngayon sa ilang panig ng bansa.

Nangangahulugan bang tapos na ang problema ng mga magsasaka tungkol sa mababang presyo ng palay dahil hindi na ito ibinabalita sa media?

“Hindi,” ang sagot ng iba’t ibang samahan ng mga magsasaka kahit ipinag-utos noong unang linggo ng Set­yembre ni Agriculture Secretary William Dar na bilhin ng National Food Authority (NFA) ang palay ng mga magsasaka sa presyong P17.00 kada kilo.

Ang desisyon ni Dar ay resulta ng impormasyong nakarating sa kanyang tanggapan na masyadong mababa ang presyo ng palay sa maraming panig ng bansa. Mayroong  P6 bawat kilo ng palay.

Sa pana­yam sa media noong unang linggo ng Setyembre, idiniin ni Joseph Canlas, tagapangulo ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL), na ang presyo ng palay sa bayan ng Arayat sa Pampanga ay hindi pa umabot ng sampung piso bawat kilo.

Ani Canlas, mataas pa ang presyo ng darak na nasa P12 bawat kilo kumpara sa P6 ang palay bawat kilo.

Ipinunto niya na siguradong hindi mabubuhay ang mga magsasaka sa napakababang halaga ng palay bawat kilo.

Sampung piso naman bawat kilo  sa Cagayan Valley, ayon sa Danggayan Dagiti Mannalon ti Cagayan Valley (Danggayan). Hindi nalalayo ang presyo ng palay sa Bulacan.

Walang saysay ang desisyon ni Dar, pahayag ni Ignacio Ortiz, tagapangulo ng AMGL-Nueva Ecija.

Ani Ortiz, hindi makatutulong sa mga magsasaka ang P17.00 bawat kilo ng palay.

Hindi nito maiaangat ang kabuhayan ng mga magsasaka, tugon ni Ortiz.

Idiniin pa ni Ortiz na “Yung buying price ng NFA na P17 kada kilo [ay] isang dekada nang nakapako habang ‘yung gastos ng mga magsasaka [ay] ilang beses nang tumaas” mula noon.

Ayon kay Ortiz, si­mula nitong Marso ng taong kasalukuyan ay pumapalo na sa P14.79 bawat kilo ng palay ang gastos ng bawat isang magsasaka, kabilang na ang interes sa inutang ng magsasaka.

Kaya, naniniwala ang samahan ni Ortiz na hindi makabubuhay kung bibilhin ang kanilang palay sa pitong piso kada kilo hanggang sampung piso.

Sa nasabing presyo na pito hanggang sampung piso kada kilo ng palay ay pihadong lalong mababaon sa utang ang mga magsasaka – higit silang maghihirap kumpara sa mga nakalipas na taon.

Ang kalagayan naman ng mga magsasaka sa iba’t ibang rehiyon ay hindi nagkakalayo. Pare-pareho silang dumausdos nang todo ang kita ngayong 2019.

Isang malaking isyu sa sektor ng magsasaka ang deklarasyon ni Secretary Dar na bibilhin ng NFA ang palay ng mga magsasaka sa P17.00 bawat kilo, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit, batay na rin sa mga pahayag o posisyon ng mga samahan ng mga magsasaka, hindi natapos ang suliranin ng mga magsasaka kahit nagmistulang naging mabait ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka nang bilhin ng NFA ang mga palay ng mga magsasaka sa halagang P17.00 bawat kilo, sapagkat ang iginigiit ng mga magsasaka ay matagal nang P17.00 ang presyo ng palay kada kilo, ngunit hindi uma­ngat ang kanilang buhay.

Madalas pa ring nangu­ngutang ang mga magsasaka upang magroon lamang ng salaping ipandurugtong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Sa madaling salita, hindi nawawala ang problema ng mga magsasaka subalit mas lalo pa itong lumaki. (Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More

LOVER BOY PATAY SA MISTER NG KA-CHAT 

(NI ANNIE PINEDA)

PINAGTATAGA hanggang mapatay ang isang helper matapos pagdudahan ng suspek na lover boy ng kanyang misis nang marinig nito ang usapan sa cellphone na magkikita, sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang biktimang si Jun Cordejon,37, ng Urdaneta City at namamasukan sa Brgy. San Felipe Sur, Binalonan Pangasinan.

Kusa naman sumuko ang suspek na kinilalang si Jimmy Biado, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, nagpapastol ng mga itik ang biktima nang biglang dumating ang suspek na armado ng itak at walang habas na pinagtataga si Cordejon sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Nabatid, bago ang insidente, narinig ng suspek ang biktima at misis nito na nag-uusap sa cellphone at nagkasundong magkikita. Bago pa man magkita ang dalawa ay inunahan ng suspek ang kanyang misis at saka pinatay si Cordejon.

Sinabing matagal na umanong pinaghihinalaan ng suspek na may relasyon ang biktima at kanyang asawa dahil sa minsan may mga nababasa rin siya sa mga text.

Nakakulong ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong pagpatay.

Please follow and like us:
Read More

NAGWALA SA EROPLANO; PASAHERO KULONG SA BOMB JOKE

(NI FROILAN MORALLOS)

HINULI ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation group ang isang pasahero na nagwala sa loob ng eroplano dahilan upang mag-panic ang mga nasa loob nito at mabalam ang biyahe ng isang oras.

Kinilala ang suspek ng mga tauhan ng PNP Avesegrp na isang Ramon Barrios, pasahero papuntang Cebu.

Batay sa report, nangyari ang insidente bandang alas 9:47 kahapon ng umaga sa runway ng Davao International Airport bago mag-take off ang flight. Biglang nagwala si Barrios sa hindi malaman na dahilan.

Agad na pinigil ng pilot ang pag-take off, at pinababa ang lahat ng mga pasahero, crew at maging ang mga bagahe upang halungkatin ang kinaroroonan ng bomba.

Makaraan ang ilang minuto, sa isinagawang inspeksiyon ng mga tauhan ng PNP sa tulong ng sniffing dogs sa bawat bagahe , walang nakitang bomba, bagkus abala ang naging dulot nito.

Ang flight GAP 2364 ay dapat makaalis dakong alas 9:47 kahapon ng  umaga sa Davao International Airport, ngunit dahil sa idinulot na gulo ni Barrios, delayed ito ng mahigit sa isang oras bago makaalis.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), si Barrios ay sasampahan ng kasong kriminal sa korte dahil ang bomb joke, isang criminal offense, na may kaakibat na pagkulong at maging civil liability .

 

Please follow and like us:
Read More

PACIO TODO ENSAYO VS CATALAN

(NINA DENNIS INIGO, EM RUBIN)

MAIGTING ang paghahanda ngayon ni reigning ONE Strawweight World Champion Joshua “The Passion” Pacio laban sa malupit na kaliwang suntok ni Rene “The Challenger” Catalan sa kanilang paghaharap sa Masters of Fate sa Nobyembre 8 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinatumba ni Pacio ang 40-anyos na wushu artists at dating ONE Strawweight World Champion na si Yoshitaka “Nobita” Naito sa ONE: REIGN OF VALOR noong Marso, sa pamamagitan ng kanyang malupit na kamao.

“You can’t underestimate Rene because his hands have already been proven, particularly his left hand,” pahayag ni Team Lakay head coach Mark Sangiao sa ABS-CBN sports.

Sinabi naman ni Pacio na wala siyang balak na i-underestimate ang kanyang kalaban. “His greatest strength would be his wushu striking, and I would not consider his ground game to be his weakness as we have seen in his past bouts. In his tenure as a martial artist, he was able to develop his other skills, and that is why I have a huge level of respect for him (Catalan).”

Bagama’t alam niya na may inihandang diskarte ang tropa ni Catalan, sasaliksikin pa rin nila Pacio at ng kanyang team ang ilang kahinaan ng una, partikular kung kaya pa nitong tumagal sa loob ng 5 rounds.

Samantala iginiit ni Pacio na wala silang alitan ni Rene Catalan bukod sa kanilang magiging bakbakan sa ONE: Masters of Fate kung saan dedepensahan niya ang kanyang Strawweight World Title sa ikalawang Pinoy vs Pinoy title fight sa ONE Championship.

Noong una ay hindi pabor si Catalan na maglaban sila ni Pacio pero kinalaunan ay tinanggap niya ang laban dahil umano sa mga negatibong komento ng mga supporter ng Team Lakay tungkol sa kanya at kanyang team.

Dagdag nito, nagalit sa kanya ang fans ng Team Lakay dahil sa kanyang reaksyon sa pahayag ni Pacio na tatapusin nito ang kanilang laban sa loob ng 15 minuto, na aniya’y itinanggi ng kampeon.

Sinabi naman ni Pacio, tanging respeto ang mayroon siya para sa kanyang kapwa Pinoy fighter. “I’ve been reading comments about how sad it is being a Pinoy versus Pinoy match, but this is just sports. In the end, you can expect respect between us. I respect Rene Catalan.”

Please follow and like us:
Read More

KAYA BANG LINISIN NI OIC GENERAL GAMBOA ANG PNP?

KAAA BOOM

MUKHANG hindi kayang linisin ni P/Lt. General Archie Gamboa, nakaupong Officer in Charge (OIC) ng Phi­lippine National Police (PNP), ang kanilang hanay. Bakit?

Nang maupo si Gamboa nitong October 14, binantayan na siyempre ng publiko ang magiging galaw at desisyon niya pero base sa obserbasyon ng ilan, patuloy ang pangi­ngibabaw ng ‘bata-bata’ system.

Kesehadang binol­dyak pa sila ng aking Lolo Digong, nagmistulang “tengang kawali” si Gamboa kaya nang ipatupad nito ang major revamp, ang mga ‘mistah’ pa rin daw ni dating PNP Chief Oscar Albayalde at Senator Bato Dela Rosa o class PMA 1986 ang “nabiyayaan” at kung hindi man, ay ang grupo ng mga opisyal na mga miyembro ng tinatawag na ‘Davao Group’ sa loob ng PNP.

Isang malaking palaisipan din sa publiko ang tila “pagsambot” o pagsalo ni Gamboa sa isang ‘ninja cop’ at ang “pagdiin” naman niya kay Albayalde! Ano’ng nangyari?

Ang tinutukoy natin dito ay ang hindi pagsibak sa serbisyo kay P/Lt. Joven de Guzman Jr., na pinatawan na lang ng 59-day suspension habang ina­prubahan naman ang pagsasampa ng kasong korapsyon at pagsangkot sa ilegal na droga ng CIDG laban kay Albayalde hinggil sa isyu ng ‘13 ninja cops’ na pawang mga tauhan ni Albayalde noong siya pa ang “PD” (provincial director) ng Pampanga Provincial Police Office (PPPO) noong 2013.

Isa si De Guzman sa 13 na tinaguriang ninja cops na sa halip maalis sa serbisyo ay nilipat lang sa Rizal PPO kasama ang tatlo pang sangkot sa kontrobersya.

Ang Rizal PPO ay nasa ilalim ng kaklase ni Albayalde na si P/BGen. Edward Carranza, bilang “RD” (regional director) ng Calabarzon PNP.

Nakarating sa aking kaalaman na nitong buwan ng Mayo sa Antipolo City, muling sumabit sa eskandalo ang grupo nitong si De Guzman kung saan mistulang “pinagnakawan” umano nila ang kanilang ‘biktima’ na isinabit nila sa transaks­yon sa ilegal na droga.

Dahil dito, inirekomenda ng PNP-IAS (Internal Affairs Service) kay Gamboa na sibakin sa serbisyo sina De Guzman, P/MSgt. Donald Roque, Rommel Vital at Cpl. Romeo Encarnacion Guerrero Jr. subalit sa naging anunsyo ni Gamboa noong Oktubre 21, nakalusot na naman si De Guzman habang nadismis ang kanyang tatlong tauhan.

Bakit hindi masibak-sibak si De Guzman? Kanino bang bata ito?

Isa pang nakadidismaya ay ang pagtatalaga ni Gamboa kay P/BGen. Debold Sinas bilang bagong NCRPO director.

Pagkaupong-pagkaupo kasi ni Sinas ay nagpakita na agad ito ng hindi magandang asal sa mga miyembro ng media kabilang na ang pagbabawal niya sa ambush interview. Isa pang malaking katanungan ng madlang pipol ay nang sabihin nina Gamboa at Sinas na ang konsentrasyon na ngayon ng PNP ay ang mga “HVT” (High-Value Target) o ‘yung mga drug lord. Ibig bang sabihin ay hindi na manghuhuli ng maliliit na pusher ang kapulisan?

Hindi kaya lumakas ang loob ng mga nagbebenta ng droga sa kalye kung hindi na sa kanila nakatuon ang konsentrasyon ng PNP? Kaaa….Boom! (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

ADMINISTRASYON AT OPOSISYON MAGKAISA LABAN SA DROGA

CHRISTIAN BOMB

NAGPAPATUTSADAHAN na naman ang administrasyon at oposis­yon sa isyu ng kampanya laban sa droga.

Dahil sa nasiwalat na pamamayagpag ng “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa droga at sa pagtaas ng bilang ng mga drug addict sa bansa, pinatutsadahan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na palpak daw ang “war on drugs” nito at dapat daw ay baguhin na ang style sa paglaban sa droga at hindi sa pamamagitan ng madugong giyera kontra droga.

Hindi nagustuhan ni Pangulong Duterte ang patutsada ni VP Robredo, kaya’t ang sabi ng Presidente ay ibibigay niya ang police power sa Bise Presidente para pamunuan ang paglaban sa droga sa loob ng anim na buwan, na agad namang tinugon ng oposisyon na kulang ang anim na buwan at mas mainam pa raw ay kusa nang magbitiw sa puwesto ang Pangulo at ipaubaya na sa Bise Presidente ang pamumuno ng bansa.

Dahil diyan, sumali na rin sa patutsadahan ang iba pang maka-administrasyon at maka-oposis­yon.

Para kasi sa mga maka-administrasyon, tagumpay ang “war on drugs” at patunay raw ang pagbaba ng crime rate sa bansa, pero ayon sa oposisyon ay bigo raw dahil kung pagbabasehan ang data, imbes mabawasan ay mas dumami pa raw ang naging lulong sa droga.

Ang patuloy na patutsadahan ng administrasyon at oposisyon sa isyung ito ay hindi makatutulong para mawakasan na ang problema ng droga sa bansa.

Imbes magpatutsadahan, dapat ay magkaisang maglatag ng solusyon sa paglaban sa droga ang administrasyon at oposisyon, at baka sakali, kapag napagsama-sama ang ideya nila ay tuluyan nang matigil ang bentahan ng droga at drug addiction sa bansa.

oOo

TIMBRE: Paging Eastern Police District (EPD) Director, Gen. Johnson Almazan, isang alyas “Rose” daw ang may pa-lotteng at bookies sa Marikina City. Paging Southern Police District (SPD) Director, Gen. Nolasco Bathan, tuloy pa rin daw ang bookies ni alyas “Toto” sa Makati City at lotteng ni “Joy” sa Para­ñaque City. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

ANG GURO NATIN NGAYON

yourservice

LAHAT tayo’y dumaan sa pag-aaral, maging sa elementarya ito, sa high school, sa kolehiyo o maging sa tinatawag nilang graduate school. Kadalasan, pag nagkakaroon tayo ng pagkakataong bumalik sa ating paaralan — makikita muli natin ang ating mga guro na andun pa rin — patuloy na nagtuturo, patuloy na nagsasakripisyo upang maibahagi ang kaalaman at karunungan sa mga murang isip ng kabataan.

Ngunit naiisip ba natin ang kanilang kalagayan? Ang kanilang sakripisyo? Totoo natutuwa tayong makita muli ang ating mga guro ngunit kadalasan ay hindi natin alam ang kanilang pinagdaraanan para lamang matupad nila ang kanilang tungkulin bilang guro — bilang tagahubog ng pag-iisip ng mga pinuno natin sa kinabukasan. Kalimita’y hindi natin alam kung paano nila sinakripisyo ang kanilang mga pangarap — ang kanilang mga panaginip — maging ang kanilang sarili at personal na buhay ay naisasantabi na nila para lamang matupad ang kanilang sinumpaang tungkulin bilang guro, bilang pangalawang magulang sa loob ng paaralan. Marami tayong nakikitang mga guro na tumatandang dalaga, tumatandang binata — para lamang mabigyang daan ang tungkuling hubugin sa kaalaman at karunungan ang kanilang mga mag-aaral.

Nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng kanilang sakripisyo at kontribusyon sa lipunan — kadalasan natin silang isinasantabi, binabalewala, hindi pinapansin.

Kadalasan, nalilimutan na natin sila pagkatapos nating mag-aral. Sino sa atin ang may huling alaala ng kanilang mga guro noong graduation pa?

Ang tinatawag na­ting pang-habambuhay na pagtuturo sa paglipas ng panahon ay nagmimistulang bokasyon na nila — hindi na ito tungkulin, hindi na ito trabaho — kundi ito’y isang pamumuhay o piniling bokasyong ma­ging isang ulirang guro, tagapagturo, pangalawang magulang, sa mga mag-aaral na taon-taon ay dumadaan sa pinto ng ating mga paaralan.

Kaya’t kung makikita natin silang naglalabas ng hinaing sa pamahalaan, nagbibigay ng mga komento at humihingi ng karagdagang sahod at mga pribilehiyo — ating intindihin na sila’y nagsilbing haligi ng ating buhay noong tayo’y mga bata pa.

Sila ang tumayong mga pangalawang magulang natin noong tayo’y may suliranin, may problema, may agam-agam at may panghihina. Mula sa kanila ay nagkaroon tayo ng tapang na harapin ang kinabukasan. Dahil sa kanila ay nagkaroon tayo ng talino at diskarte upang umunlad ang ating mga buhay. Dahil sa kanila, nagkaroon tayo ng sariling pag-iisip at pagkatao.

Sa aking munting palagay — kinakailangan nating bigyan na ng seryosong pansin ang kalagayan ng ating mga guro. Rebisahin na natin ang antas ng kanilang sahod at dagdagan natin ang kanilang mga benepisyo na makatotoo at totoong matutugunan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan. Makiisa tayo sa pagsulong ng batas na magbibigay na ng makabuluhan at dikit sa realidad na benepisyo kapalit ng kanilang sakripisyo at dedikasyon sa pagtuturo. Hindi po biro ang araw-araw na tumayo at magturo sa mga mag-aaral. Kalakip sa tungkulin nito ay pagmamahal, dedikasyon at katapatan sa tungkulin bilang guro. Tandaan din natin na malaking responsibilidad ang ipinapataw natin sa kanilang mga balikat — sa kanila nakasalalay ang kinabukasan nating lahat spagkat nasa kanilang mga kamay ang kahihinatnan ng mga murang pag-iisip at ang paghubog nito upang maging tapat na miyembro ng lipunang Pilipino. (@YOUR SERVICE / ATTY. DAVID AQUINO)

Please follow and like us:
Read More