EX-COP ITINUMBA SA SEMENTERYO 

(NI ANNIE PINEDA) DUGUANG bumulagta sa sementeryo ang retiradong pulis matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek nang dumalaw ang una sa puntod ng kaanak, sa Ilocos Sur. Kinilala ang biktimang si Reynaldo Castro, 61, ng Barangay Baliw Laud, Sta. Maria, Ilocos Sur. Batay sa report ng Ilocos Sur-PNP, dakong alas-2:50 Lunes ng hapon nang maganap ang insidente sa sementeryo sa Barangay Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya , nagtungo ang biktima sa sementeryo kasama ang dalawang trabahador nito para dalawin ang sumakabilang-buhay na…

Read More

TEACHER PISAK ANG ULO SA TRUCK

accident121

(NI CHERK BALAGTAS) PISAK ang ulo ng isang babaeng guro nang magulungan ng  truck habang angkas  ng  motorsiklo sa Lungsod ng Malabon, Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Elsa May Enrique-Atega, 39, guro sa Maypajo High School at residente ng Block 39 Lot 18 Phase 2 Area 2, Kaunalaran Village, Lungsod ng Navotas, habang sugatan naman ang co-teacher niya na si Leo Cantilang, 31, ng Tindalo Street, Tondo, Lungsod ng Maynila, matapos tumilapon  sa minamanehong motorsiklo. Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang truck driver na si Jaynard Ibuyat,…

Read More

ABANTO SUSPENDIDO 

(NI ANN ENCARNACION) NAGDESISYON si University Athletic Association ofthe Philippines (UAAP) Basketball Commissioner Jensen Ilagan na tuluyan nang suspindehin si Nick Abanto ng University of the East dahil sa “unsportmanlike foul kay William Navarro ng Ateneo. Matapos ang mahabang pagrerebyu sa laro noong Oktubre 20 sa pagitan ng Ateneo at UE, nagdesisyon ang UAAP technical committee na palitan ng unsportsmanlike foul ang non-call foul laban kay Abanto na nangangahulugan ng one-game suspension. At dahil dito, hindi makapaglalaro si Abanto sa darating na game ng UE kontra Far Eastern University sa…

Read More

MANILA FIRE: 2 VOLUNTEER SUGATAN; 200 PAMILYA APEKTADO

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ) NAGTAMO ng mga sugat at paso ang dalawang fire volunteer habang may 100 bahay yari sa light materials ang natupok sa nasunog na tatlong palapag na residential house, Martes ng tanghali sa Quiricada, Sta.Cruz, Maynila. Nabatid  kay FSupt. Rodolfo Denaga, ng Manila Bureau of Fire Protection, alas  11:50 ng tanghali  naganap ang sunog sa bahay ni Jennifer Garcia,  sa  1606 Quiricada St.  Sta.Cruz, Maynila. Ang sunog ay umabot sa Task Force Bravo at idineklarang fire control ala 1:36 ng hapon. Mahigit 200 pamilya ang…

Read More

BATA EDAD 2-14, NASAGIP SA ONLINE PORN

(NI ROSE PULGAR) NASAGIP ang pitong bata na umanoy ibinubugaw sa online at isang babae at lakaki ang naaresto makaraang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Taguig City Police at PNP-Anti Trafficking Person Division ang isang bahay sa Barangay Tuktukan, Taguig City, Lunes ng gabi. Base sa isinumiteng report ni Police Col. Alexander Santos, hepe  ng Taguig City Police kinilala ang dalawang nadakip na suspect na sina Rowena Cayanan Penasales, 32, ng Mendiola St. Barangay  Tuktukan, at Edgar  Castaneda Jimenez, 42, ng no. 721 Daang Hari St.…

Read More

CHINESE NATIONAL NATAGPUANG PATAY SA BUBONG NG HOTEL

(NI HARVEY PEREZ) NASAWI ang isang Chinese national na hinihinalang tumalon mula sa ika-20 palapag  ng  tinutuluyang condominium at bumagsak sa bubungan ng katabing hotel ,Lunes ng hatinggabi sa Ermita,Maynila. Inaalam ng   Manila Police District-homicide section kung nagpakamatay o itinulak ang  biktimang si Wang Haoran, 31, nanunuluyan sa Unit 2007 Birch Tower sa 1622 J. Bocobo Street, Malate. Nabatid na bago nakitang patay ang biktima bubungan ng Eurotel hotel , alas 11:50 ng hatinggabi,nakita pa ang biktima sa reception area ng tinutuluyan niyang condominium, alas 11:00 ng gabi. Ilang  concerned…

Read More

CHINESE NANDAKMA NG DIBDIB NG DALAGITA, KULONG

(NI ROSE FULGAR) SA kulungan ang bagsak ng isang Chinese national matapos dakmain ang dibdib at paghahalikan ang isang dalagita sa isang kalsada sa San Isidro, Martes ng madaling araw. Kinilala ang suspect na si Xuesong Peng, 26,binata, empleyado ng stock finances at nakatira sa San Isidro St., Carmencita, Barangay Talon 3, ng naturang lungsod. Sa ulat ng Las Pinas City Police, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidete sa San Isidro St., sa Barangay Talon 3. Kasalukuyan nakatayo sa nasabing lugar ang biktima na itinago sa pangalang ‘Grace’,…

Read More

MARJORIE DAHILAN NG ATAKE SA PUSO NG KANILANG AMA?

(NI VINIA VIVAR) SI Gretchen Barretto naman ay kasalukuyang nasa San Francisco ngayon para makasama ang nag-iisang anak na si Dominique Cojuangco na kasalukuyang naka-base roon. Pero bago umalis ay nagiwan muna siya sa Pinas ng isa pang pasabog kung saan ay ibinunyag niyang ang kapatid niyang si Marjorie Barretto ang dahilan kung bakit inatake ang kanilang ama. May nagkomento kasing netizen na hindi raw niya napansin ang Barretto matriarch na si Inday Barretto sa birthday celebration ng kanilang ama noong Setyembre. Komento ng netizen, “pansin ko lang last bday…

Read More

BINATILYO NATUSOK NG BAKAL SA LEEG

crime12

(NI ANNIE PINEDA) MISTULANG na-barbeque ang isang binatilyo makaraan matusok ang leeg nito sa bakal na nakaparadang kuliglig nang kunin ang bola habang naglalaro ng basketball, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Pangasinan. Kinilala ang biktimang si John Imbat, 15, grade 9 student, ng Brgy. Imbalbalatong, Pozorrubio Pangasinan. Batay sa report ng Pozorrubio Police Station, nagba-basketball sa lugar, kasama ang mga kaibigan, nang mapadpad ang bola sa nakaparadang kuliglig, dahilan para habulin niya ito. Dahil sa pagmamadali hindi na napansin ng biktima ang bakal na nakausli sa kuliglig na may…

Read More

BALIK-PBA NI ABUEVA: A LONG PROCESS — MARCIAL

NATUTUWA man si PBA commissioner Willie Marcial sa public apology video na pinost sa kanyang Instagram account ni Phoenix forward Calvin Abueva, inamin nito na matatagalan pa bago tuluyang alisin ang indefinite ban na ipinataw sa kanya. “What he did was good. We have been talking, but the process (of lifting the suspension) is still long,” ani Marcial. “If he’ll be able to do what we talked about, and I gave him a list of things to do, if he can do all those, then we’ll talk again,” dagdag nito.…

Read More

IT’S NOT MY BATTLE–JULIA BARRETTO 

(NI VINIA VIVAR) BALIK- trabaho naman si Julia Barretto matapos ang pagyao ng kanyang lolong si Miguel Barreto. Last Monday ay dumalo siya sa story conference ng pagsasamahan nilang series ni Tony Labrusca sa iWant base sa mga larawang inilabas ng ABS-CBN sa social media. Nakapanayam ng media ang young actress and of course ay napag-usapan ang tungkol sa controversy ng pamilya. “I think it’s also nice if everybody would give the family the privacy and the respect to resolve their issues. Pero wala po kasi akong kinalaman diyan. “Hindi…

Read More

LALAKI BINIYAK NG KAINUMAN 

(NI ANNIE PINEDA) BINIYAK ang isang lalaki ng kanyang kalugar habang nag-iinuman matapos umanong maungkat ang dati nilang away, Linggo ng gabi sa Capiz. Kinilala ang biktimang si Marlon Pasco, 40, habang nadakip ang suspek na kinilalang si Jose Ronnie Calanza, 46, kapwa residente ng Poblacion Ilawod, Dumarao, Capiz. Batay sa report ng pulisya, bago ang insidente, nag-iinuman pa ang suspek at biktima at nang malasing ay naungkat ang dati nilang alitan na nauwi sa mainitang pagtatalo. Dito, kumuha ng itak ang suspek na may habang 18 pulgada at pinagtataga…

Read More

MISIS NAPUNDI; BABAERONG MISTER PINATAY

crime

(NI ANNIE PINEDA) PINUTOL na ng isang misis ang umano’y pagiging babaero ng kanyang mister dahilan para ataduhin niya ito ng saksak matapos ang pagtatalo, Linggo ng gabi sa Cauayan City. Kinilala ang biktimang si Rolly Bautista, 42, habang kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at misis nitong si Lea Bautista, 42, at kapwa residente ng Brgy. Bagong Sikat, San Mateo, Isabela. Batay sa report ng Isabela-PNP, dakong alas 6:00 ng gabi ng Linggo nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa matapos ang pagtatalo. Dito, kumuha…

Read More

MISIS KINATAY NI MISTER SA SELOS

(NI ANNIE PINEDA) MINSAN pang napatunayam na walang mabuting dulot ang matinding selos makaraan pagsasaksakin hanggang sa mamatay ang isang misis ng kanyang mister, sa Cagayan de Oro City. Kinilala ang biktimang si Jen Banaag Palin, 29, habang ang nadakip na suspek ay kinilalang si Ryan Palin, 30, kapwa residente ng Sitio Kilaa, Barangay Alga, Catarman, Camiguin. Batay sa report ng pulisya, Linggo ng umaga nang madiskubre ng mga kaanak ang biktima sa bahay nito sa naliligo sariling dugo at tadtad ng saksak sa katawan habang tumakas ang mister. Dinala…

Read More

PBA PAPASOK SA CHINA

(NI RAVENSON BIASON) TATRABAHUHIN nina PBA Commissioner Willie Marcial at Board Chair Ricky Vargas na makapasok ang PBA sa China. Ngayong araw (Martes) ay nakatakda silang tumungo sa Changsha para makipagpulong kay Mo Yanfei, presidente ng Hunan World Research Internet Company Limited, para sa posibleng pagsasaere ng PBA sa China. Kaya naman masasabing, “NBA’s loss is PBA’s gain.” Nagkataon kasi na nagkaroon ‘fallout’ sa pagitan ng China at ng NBA dahil sa kontrobersyal na tweet ni Houston Rockets team manager Daryl Morey na nakikisimpatya sa mga raliyista sa Hongkong. Kasama…

Read More

NICK ABANTO POSIBLENG MASUSPINDE

POSIBLENG masuspinde si Nick Abanto ng University of the East. Ito ay kung mapatutunayan ng UAAP technical group na sinadya niya ang pananakit kay Will Navarro ng Ateneo sa laban nila noong Linggo kung saan nanalo ang Blue Eagles, 84-50. Sinabi ni UAAP basketball commissioner Jensen Ilagan, nirerebyu pa nila ng technical group ang laro ng dalawang team, partikular ang tagpo kung saan sa pag-aagawan sa rebound ay tumama ang braso ni Abanto sa ulo ni Navarro na ikinatumba nito. Dahil sa nangyari ay napilitan si Ateneo coach Tab Baldwin…

Read More

MAG-INGAT SA MENINGO (1)

meningococcemia-5

Meron ngunit di kailangang mag-panic (Ni Nenet L. Villafania) KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na isang 53-anyos na babae ang namatay dahil sa meningococcemia sa isang hospital sa Tanauan City, Batangas noong huling linggo ng Setyembre. Ayon kay DOH Calabarzon Director Eduardo Janairo, kumpirmado ito base sa mga test results ng Research Ins­titute for Tropical Medicine (RITM). Ang mga sintomas na naranasan ng biktima ay mga pasa at galos sa katawan, pananakit ng ulo, at mataas na lagnat ang nagtulak sa mga awtoridad upang kumuha ng sample ng dugo…

Read More

P50-K KADA BANYAGA SA BI-NAIA

BAKBAKAN NATIN

MISTULANG karinderyang bukas ang ating bansa sa loob ng bente-kuwatro oras araw-araw para sa mga dayuhang gustong makapasok sa bansa. Kaya, walang dapat ikagulat ang mamamayang Filipino kung bakit maraming dayuhan sa Pilipinas ngayong panahon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte. Ngunit, nakapagtataka na maraming banyaga ang dumadayo at nakapapasok sa bansa sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sa kalaunan ay mababalita sa media na nahuli ng mga pulis dahil walang “wor­k­ing permit.” Ang mga banyagang nadakip ay mga Intsik na nagtatrabaho bilang “sex workers,” empleyado sa mga kompanyang…

Read More

ISANG KISAP MATA ANG BUHAY

NIPIS

MALUNGKOT na Lu­nes ang sumalubong sa mga opisyales at miyem­bro ng National Press Club at Remate, Ang Dyaryo ng Masa, kaugnay sa pamamaslang sa kolumnistang si Jupiter Gonzales, alyas “Spider” at kasama nitong si Christopher Tiongson sa Arayat, Pampanga. Ang buhay nga talaga ay isang kisapmata. Hindi mo aakalain na ang taong kasama mo lang nang Linggo ng umaga sa isinagawang clean up drive sa Navotas City Centennial Park and Bay at feeding program ay pinaslang nang gabi sa Pampanga. Ang masaklap, manga­ngapa na naman sa motibo nang pamamaslang ang…

Read More

CUTTING TRIP TALAMAK SA ANTIPOLO; MAYOR YNARES DEDMA

BOMBA KA DAY

IMPOSIBLENG hindi pa nakararating sa tanggapan ni Antipolo Mayor Andrea Ynares ang kawalanghiyaan ng maraming jeepney driver sa kanyang lungsod. Matagal nang ginagawa ng mga jeepney driver dyan partikular ang mga may rutang Cubao-Antipolo vice versa ang trip-cutting. Kadalasan imbes na hanggang Cubao bumibiyahe lang sila hanggang Sta. Lucia-Ro­binson at Santolan LRT. Katuwiran ng mga mokong na driver, lugi sila kung isasagad hanggang Cubao ang biyahe dahil kinakain ng matinding trapik ang kanilang oras kaya imbes makapitong balik ay minsan lima o kung minamalas-malas at talagang tumukod mula palang sa…

Read More