INUMAN NG 2 KAWANI NG MMDA NAUWI SA SUNTUKAN, 1 PATAY

(NI KOI HIPOLITO) NAMATAY habang ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang isang empleyado ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos suntukin ng kapwa nito empleyado sa isang inuman bandang alas-5:40 ng hapon sa Hagonoy, Pumping Station, C6 Road, Barangay Hagonoy, Taguig City. Nakilala ang biktima na si Alberto Delgado, 57, MMDA utility at residente ng Reyes St., Barangay New Lower Bicutan sa Taguig, habang ang suspek ay kinilalang si Jazz Orena, 33, MMDA mechanical operator, ng Block 4 Extention, Barangay West Rembo ng Makati City. Base sa ipinadalang report kay…

Read More

PRICE ROLLBACK SA PRODUKTONG PETROLYO

oil45

(NI ROSE PULGAR) MAGPAPATUPAD ng katiting na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga (Oktubre 22). Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, PTT Philippines , Seaoil, Phoenix Petroleum Philippines, Petro Gazz, Chevron, at Total ang bawas presyo na P0.25 sa kada litro ng gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel at P0.25 sa kada litro ng kerosene na epektibo ng alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang…

Read More

12 FIXERS TIMBOG SA QC

(NI JEDI PIA REYES) TINUTUNTON na rin ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang mga tauhan nitong hinihinalang kasabwat ng mga fixer ng ahensya na nahuli sa inilunsad na operasyon, Lunes ng umaga. Ayon kay LTO Law Enforcement Service Acting Director Atty. Clarence Guinto, handa umano ang ilan sa mga hinuling fixer na ituro ang kanilang kasabwat mula sa LTO. Aabot sa 12 fixers umano sa LTO na nag-ooperate sa Barangay Pinagkaisahan, Quezon City ang dinampot ng LTO at Quezon City Police District (QCPD) at iniharap sa media. Ang isa…

Read More

ENFORCER NA LOLO SINAGASAAN NG TINIKITAN NA DRIVER

crime12

(NI GUILLERMO OCTAVIO) PATAY ang isang enforcer matapos umanong sagasaan ng isang truck driver na hinuhuli dahil sa paglabag sa batas trapiko, sa Caloocan City, Lunes ng umaga. Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Jesus Paulite, Jr., 61, ng Caloocan City Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM), ng Sta. Maria, Bulacan, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan matapos sagasaan ng Mitsubishi tractor head na may plakang 030101, na minamaneho ng nadakip na suspek na si Rommel Cabillos. Napag-alama na nagmamando ng trapik sa kanto ng…

Read More

PARAK BINARIL SA TUPADA

(NI GUILLERMO OCTAVIO) AGAW-buhay ang isang pulis nang barilin sa tupadahan sa Caloocan City. Kinilala ang biktima na si Senior Master Sergeant Carlito De Guzman na nakatalaga sa NPD-Mobile Force Battalion. Napag-alamang may nagnguso sa pulisya na may nagtutupada at bumabatak sa isang bahagi ng Barangay 188. Bukod dito, sinabi rin ng nagnguso na may mga armadong lalaking nakapaligid sa gradas. Kasamang rumesponde si De Guzman sa nasabing tupadahan ala-1:30 ng hapon noong Sabado ngunit naispatan agad ng mga armadong lalaki , pinagbabaril at nahagip sa tiyan. Nang makitang bulagta…

Read More

2 PULIS BINUGBOG, TINANGAYAN NG BARIL NG TAMBAY

(NI ALAIN AJERO) SUGATAN ang dalawang pulis matapos romansahin ng gulpi ng isang pangkat ng mga kalalakihan sa harap ng resto-bar sa Malabon City. Kinilala ang mga biktima na sina P/Cpl. Jefferson Apit, nakatalaga sa Malabon Police Community Precinct (PCP) 7; at Pat. Janrex Anguluan, ng PCP-1 habang malayang nakatakas ang mga hindi nakilalang suspek. Nabatid na nasa paradahan ng IAMS Restobar sa  Brgy. Tañong ang mga biktima Linggo ng madaling-araw para umano bumili ng pagkain nang pagtulungan ng mga suspek si Cpl. Apit na pasakay na sa kanyang motorsiklo.…

Read More

2 PATAY, 2 PULIS, REPORTER SUGATAN SA ANTIQUE

(NI NICK ECHEVARRIA) DALAWA ang patay habang apat na iba pa ang sugatan, kabilang ang dalawang pulis at isang reporter, sa naganap na pamamaril sa San Jose, Antique, Lunes ng umaga. Nakilala ang mga nasawi na sina Ana Anacleto, 24, at Erven James Checa, 32, habang sugatan naman sina P/Sgt. Cyril Valdevieso, P/SSgt Albert Talidong at Stephen Checa, correspondent ng isang lokal na newspaper sa Iloilo, at kapatid ng napatay na si Erven. Ayon kay P/Lt.Col. Mark Darroca, Chief ng San Jose Police, naaresto ang suspek na nakilalang si Venom Dio, na…

Read More

INAABANGAN ANG PASABOG NG NANAY NI JULIA BARRETTO

(NI ED DE LEON) SINABI ni Atong Ang na ang tanging relasyon niya kay Gretchen Barretto ay magka-sosyo sila sa casino at sa sabong. Usually sa mga sugalan, may tinatawag na mga “financier”, at sa kanila kumukuha ng pera ang mga nagsusugal kung kinakapos. May tubo naman iyon at doon sila kumikita. Sinabi rin ni Ang na kasosyo rin niya ang long -time partner ni Gretchen na si Tony Boy Cojuangco sa Okada. Kasabay noon, sinabi ni Atong na ang talagang kaibigan at ka-close ni Gretchen ay hindi rin siya…

Read More

 2 GAY MILLIONAIRE INTERESTED KAY BIGGIE MATINEE IDOL

hunk

(NI ED DE LEON) ISANG din namang male model na noon pa napabalitang ‘malambot din ang kilos” kung hindi man “bumabalikwas din ang kilay”, ang umaaming naka-date daw niya nang tatlong ulit ang sikat na matinee idol ngayon na natsitsismis ring may “malaking pag-asa sa kinabukasan”. Mukhang happy and contented naman daw, batay sa kanyang mga kuwento, ang male model na bumabalikwas ang kilay. Totoo pala ang tsismis kung ganoon, na nagrereklamo din daw minsan ang girlfriend ng matinee idol na hindi siya makalakad nang diretso pagkatapos ng kanilang mga…

Read More

TABLOID COLUMNIST, 1 PA, PATAY SA AMBUSH

(NI JG TUMBADO) PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng riding in tandem ang isang kolumnista at maging ng isa pa nitong kasama habang sakay sa kotse sa bayan ng Arayat, Pampanga Linggo ng gabi. Nakasalampak pa sa driver’s seat nito at wala nang buhay bunsod ng apat na tama ng bala ng baril sa ulo at katawan nang datnan ng pulisya ang biktima na si Jupiter Gonzales, kolumnista ng diyaryong Remate at kasamang si Christopher Tiongson, na dead on arrival sa Arayat District Hospital. Batay sa report kay Police Lt. Colonel…

Read More

PIA: VHONG AND I, WE’RE COOL, WE’RE GAME!

(NI BOY ABUNDA) MASAYANG -masaya si Pia Wurtzbach dahil naging bahagi siya ng ‘Hope in A Star’ online campaign. Isa itong adbokasya na mayroong layunin na makatulong sa pag-aaral o edukasyon ng mga batang kapus-palad sa bansa. “Any time that I can offer my time and my help for a good cause, I always offer. I don’t feel like I’m exclusive to one advocacy lang naman. If I can offer my services to other advocacies then I’m game to do it. When I saw the campaign that they were doing…

Read More

NPA KINONDENA SA RECRUITMENT NG ‘CHILD WARRIORS’; 2 NA SUMUKO

NPA

(NI JUN V. TRINIDAD) QUEZON – Mariing kinondena ng militar ang umano’y patuloy na recruitment ng New People’s Army (NPA) ng mga ‘child warriors’ matapos matuklasan na ang tatlo sa 26 na sumukong rebelde sa lalawigang ito noong nakaraang linggo ay mga ‘menor-de-edad’. “We condemn in strongest sense the NPAs’ evil act of violating our children’s innocence,” ani Brig. General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., commander ng Army 2nd Infantry Division sa pahayag. Binigyang-diin ni Burgos na may ‘written and unwritten rules in warfare’ na nagbibigay proteksyon sa mga babae at bata…

Read More

FLIPTOP RAPPER BINARIL SA ULO

BALA sa ulo ang tumapos sa buhay ng kilalang Fliptop rapper na si LilJohn sa Imus City, Cavite, Linggo ng hapon. Namatay noon din sa sa Barangay Carsadang Bago 1, Imus City, Cavite ang 35-anyos na si Jon Ross Delos Santos o mas kilala bilang ang FlipTop rapper na si LilJohn. Sinabi ni Police Lt.Col. Junar Alamo, hepe ng Imus City Police, nakaupo ang biktima sa motorsiklo nito sa tapat ng tindahan ng pagkain sa main road ng Legian 2B subdivision nang barilin sa ulo. Itinakbo pa siya sa ospital…

Read More

UAAP SEASON 82 MEN’S BASKETBALL: PERFECT ATENEO

NANATILING walang talo ang Ateneo na  tinapos ang kampanya ng University of the East sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament  makaraang ilampaso ito, 84-50, Linggo sa Ynares Center, Antipolo. Dahil sa panalo, nag-imprub ang kartada ng Ateneo sa 12-0 at nangangailangan na lang ng dalawang panalo para awtomatikong makapasok sa finals. Bumida sa Blue Eagles sina Isaac Go 13 puntos, Ange Kouame 11 points, eight rebounds at three blocks, at Thirdy Ravena 11 points, seven boards at two assists. Sa simula lang lumamang ang Red Warriors, 4-0, at pagkaraan…

Read More

TINGIN SA TINGI (3)

LANDFILL

Itatak sa Isip, Puso ang Disiplina (Ni Mac Cabreros) TINAYAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Asian Development Bank (ADB) na kapag nagpa­tuloy ang bultong paggamit ng sachet, mangangailangan ang bansa ng 200 bagong landfill na kasing laki ng Metro Manila o 600 metro kilometro sa darating na mga taon. Batid ng ating pamahalaang, lalo ng DENR, local government units (LGUs) at iba’t ibang sektor o grupo, na lawak at tindi ng masamang epekto ng basura sa kalikasan, sa kabuhayan ng mamamayan, at ekonomiya ng bansa. Dahil…

Read More

2 PATAY SA LANDSLIDE SA DAVAO

(NI AMIHAN SABILLO) PATAY ang dalawa katao makaraang tamaan ng intensity 6 na lindol sa Davao Del Sur, Sabado ng umaga. Ayon kay Mark Timbal, spokesperson ng National Disaster Risk Reduction and Mangement Council (NDRRMC), ala-1:00 ng umaga niya natanggap ang report na nadaganan ng lupa ang mga kabahayan sa ibaba ng bundok sa munisipalidad ng Magsagsay. Sa ngayon, hindi pa matukoy ni Timbal ang pagkakilanlan at edad ng dalawa. Sinabi na maliban sa 2 patay, 18 naman ang injured o nasugatan dahil sa landslide sa Brgy. Poblacion at San…

Read More

‘WAG NA SANANG MAGKAMALI MULI SI PRRD

KAAA BOOM

WAG na sanang muling magkamali si Pa­ngulong Rodrigo ‘Roa’ Duterte sa pagpili ng magiging hepe ng pambansang pulisya. Bakit? Alam naman natin ang nangyari kay dating PNP Chief General Oscar Albayalde na bago matapos ang kanyang termino ay nasira pa ang kredibilidad matapos siyang iugnay ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa 2013 drug raid kung saan ni-recycle daw ng labindalawa niyang dating tauhan na tinaguriang ‘ninja cops’ ang shabu na kanilang nakumpiska. Nakaabot sa aking ka­a­laman na masusi na raw pinag-aaralan ng aking Lolo Digong ang pagpili sa mamumuno…

Read More

PWEDE NAMAN PALA ANG DALIAN TRAINS PINAGDUSA PA ANG MRT COMMUTERS

CHRISTIAN BOMB

PORMAL nang ginamit ng MRT-3 ang isa sa 48 Dalian trains na inangkat ng administras­yong Aquino sa isang kompanya sa China noong late 2015. Sa pagpasok ng gob­yernong Duterte noong July 2016, hindi ginamit ang naturang mga tren dahil ayon sa Department of Transportation (DOTr) ay hindi raw ito akma sa riles at napakadelikado raw gamitin. Dahil sa isiniwalat ng DOTr, nagkaroon ng imbestigasyon dito ang Senado, at kinuwestyon nang todo-todo ng mga pro-Duterte senator ang mga dating tauhan ni ex-Pres. Aquino sa Department of Transportation and Communications (DOTC) dahil…

Read More

PROBLEMA SA TRAPIK AT PARADAHAN

yourservice

RAMDAM na ramdam na natin ang hirap sa trapiko hindi lamang sa kahabaan ng EDSA kundi maging sa mga lagusan into. Dati-rati naman ay hindi ganito kahirap bumiyahe. Pero ngayon, talagang laking pahirap na ang trapiko sa bagal. Isama pa natin dito ang mga sagabal sa daan tulad ng mga inaayos na kalsada, mga sirang sasakyan, mga interseksyon na nagbuhol-buhol dahil ayaw magbigayan ang mga motorista. Isama mo pa ang mga ginagawang imprastruktura tulad ng skyways. Malimit na nating nababalitaan ngayon ang walang humpay na clea­ring operation ng MMDA at…

Read More