HUBAD NA LARAWAN NG TATAY NG ESTUDYANTE IPINADALA SA GURO

cellphone12

(NI HARVEY PEREZ)

NAGSAMPA ng kasong unjust vexation,ang isang guro laban sa tatay ng isa niyang estudyante matapos padalhan ng hubad nitong larawan ang kanyang cellphone sa Sta. Mesa,Maynila.

Sa kabila ng pagkabigla, isang linggo pa ang pinalipas ng gurong si Eve, hindi tunay na pangalan, 48,  bago naglakas ng loob na isumbong ito sa kanilang principal.

Nabatid  sa reklamo ng guro kay PMSg Thelma Samudio,ng Manila Police District-Children and Women Protection Unit  sa headquarters, kinilala nito na si
Ruben Santos, 50,  ng Pinagkaisahan , Makati, City ang nagpadala sa kanya ng hubad nitong larawan.

Ayon sa biktima, noong Oktubre 10, bandang 12:15  ng tanghali, nang magbukas ito ng kanyang celfone, at laking gulat ng ginang , nang tumambad sa kanya ang  larawan ng hubad na lalaki na mismong ari nito ang nakaharap sa cellular phone.

Kinompronta umano nito ang suspek na umamin naman na sa kanya ang larawan na hubad pero idinipensa nito na ‘wrong sent’ lamang.

Hindi umano sinasadya na sa guro maipadala ang larawan na ipadadala sana niya sa kanyang girlfriend.

Please follow and like us:
Read More

2019 AMATOS SPOR HAFTASI KARATE: LIM NAKATISOD NG GINTO SA TURKEY

(NI RAVENSON BIASON)

PINANGUNAHAN ni Jamie Berberabe Lim, anak ni former PBA star Samboy ‘Skywalker’ Lim, ang Philippine team nang manalo ng gintong medalya sa 2019 Amator Spor Haftasi Karate Championship sa Turkey.

Dinomina ni Lim, nagtapos ngayon taon na Summa Cum Laude sa University of the Philippines Diliman, ang kanyang nakalabang Turkish, 8-0, sa Senior Female -68kgs Kumite division para sa kaisa-isang ginto ng Pilipinas sa nasabing tournament.

Pitong iba pang Filipino athletes naman ang nanalo ng tatlong silver at apat na bronze medals sa Amator.

Si Lim at iba pang miyembro ng Team Philippines ay patuloy na naghahanda para sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Please follow and like us:
Read More

MUNICIPAL TREASURER PATAY SA AMBUSH

(NI BONG PAULO)

PATAY on the spot ang acting Municipal Treasurer ng President Quirino sa Sultan Kudarat nang tambangan ng hindi pa nakilalang mga suspek habang sakay ang biktima sa kanyang sasakyan, sa Purok 1, Barangay Tinaungan, President Quirino, Sultan Kudarat, hapon nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Rey Torres, 46, residente Barangay Katico ng nasabing bayan.

Sakay ng isang puting van ang biktima na pag-aari ng bayan at pauwi na sa kanyang bahay nang tambangan, alas-4:50 ng hapon.

Ayon kay P/Capt Jessie Silva, hepe ng President Quirino PNP, wala pa silang matukoy na motibo sa ngayon sapagkat magsisimula pa lamang silang kumalap ng ebidensya na makapagtutukoy sa motibo at kung sino ang nasa likod sa pagpatay sa acting municipal treasurer.

Naka-recover ng ilang empty shell at slug ng cal. 45 armas ang SOCO sa pinangyarihan ng pananambang.

Sinabi ni Silva na lahat ng posibleng anggulo ay kanilang titignan upang mabigyan ng hustisya ang kamatayan ng nasabing opisyal.

Wala namang malaman na dahilan ang misis ng pinaslang na acting treasurer dahil wala namang sinasabi ang biktima na may threat ito.

Sa ngayon ay hawak na ng pulisya ang cellphone ng biktima habang dadalhin naman sa PNP crime laboratory office ang mga basyo ng bala para sa ballistic cross examination.

Please follow and like us:
Read More

P11.5-M SHABU NASABAT SA CEBU

(NI JG TUMBADO)

TINATAYANG nasa P11.5 million halaga ng high grade shabu ang nasabat ng pulisya sa drug raid sa sinasabing hideout sa Barangay Labangon, Cebu City.

Sa nabanggit na operasyon ay kasabay ng pagkakadakip ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (DEU) sa isang Mark Rosales na siyang target ng search warrant.

Ang raid ay isinagawa pasado alas 2:00 ng madaling araw ng Huwebes sa pinagkukutaan ni Rosales sa nabanggit na lugar.

Nasamsam kay Rosales ang nasa 1.7 kilo ng shabu na nakabalot sa malaking plastic bag na may packing tape.
Matagal na umanong isinailalim si Rosales sa masusing pagmamanman ng DEU under cover agents.

Napag-alaman na si Rosales ay dating waiter bago naging full-time trader ng ilegal na droga.

Inaalam na rin ng pulisya ang mga sources ni Rosales na siyang pinanggagalingan ng shabu.

 

Please follow and like us:
Read More

NURSE, 1 PA SA BENTAHAN NG SEX, DROGA SA QC, KALABOSO

arrested12

(NI LILY REYES)

ARESTADO ang dalawang lalaki na umano’y  hindi lang pakikipagtalik ang ibinibenta  kundi  pati na rin droga, sa buy-bust operation na ikinasa ng Quezon City Police District (QCPD), Miyerkoles ng gabi sa Proj. 4, Quezon City.

Kinilala ni QCPD-Proj. 4 Police Station 8 Commander, PCol  Jeffrey Bilaro, ang mga suspek na sina Rowell Pagsolingan, 34, binata, isang nurse, ng  58 D A.  Luna St.,  cor  Datu  Sumakwel St.,  Brgy.  Bagumbuhay, Proj. 4, Quezon City at  Ralph Duran,  33, binata,  ng 65  Delnacia Drive Brgy.  Talipapa, Quezon City.

Sa imbestigasyon  ay nabatid  na ang buy bust operation ay naganap bandang alas 11:00 Miyerkoles ng gabi matapos  makatanggap ng impormasyon ang Station Anti-Illegal Drugs ng PS-4 na may bebentahan ng droga sa tapat ng 58-D A. Luna St.,  Datu Sumakwel St., sa nasabing lugar.

Sa pamamagitan ng isang pulis na nagpanggap na buyer, nalaman ng otoridad ang “chemfun” o yung pakikipagtalik na may kasamang paggamit ng droga.

Dahil ditto, ikinasa na ang buy-bust operation kung saan target ang isang male nurse

ang naaresto at nasamsaman ng 4.05 gramo ng shabu  na nagkakahalaga ng P27,540. Si  Pahsolingan at Duran ay kapwa  sinampahan ng kasong   Violation of Sec. 5 at 11 ng  RA 9165 at kasalukuyang nakapiit sa nasabing himpilan ng pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

‘SESYON’ SA KOTSE, 2 TIMBOG

(NI FRANCIS SORIANO)

HIMAS- rehas ngayon ang dalawa katao, matapos maaresto ng mga nagpapatrulyang awtoridad na humihithit ng marijuana sa loob ng kanilang sasakyan sa Valenzuela City, nitong Miyerkoles.

Kinilala ni Valenzuela City Police Chief PCOL Carlito Gaces, ang mga naarestong suspek  na sina Vel Christian Mayor, 31, businessman at  Mark Kevin Balatbat, 29, kapwa residente ng Doon St., Brgy. Maysan.

Ayon sa ulat ni PCMS Restie Mables, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek nang mga nagpapatrulyang tauhan ng PCP-10 nang maaktuhan humihithit umani ng hinihinalang marijuana sa loob ng kanilang sasakyan na kulay pulang Mitsubishi Adventure na may plakang (AQA-3463) sa Service Road, Rumarao St., Brgy. Parada.

Narekober din sa mga suspek ang isang pipe na may bahid pa ng sunog na dahon ng marijuana, isang glass tube na may bahid din ng pinatuyong dahon ng marijuana, resealable plastic sachet na may laman na marijuana at isang sling bag na naglalaman ng dalawang glass tube na may laman ng pinatuyong dahon ng marijuana, kulay silver na metal grinder at pera.

Please follow and like us:
Read More

ESTUDYANTE IPINAHIYA NG TEACHER, NAGTANGKANG MAG-SUICIDE

suicide

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI pa rin nagigising ang isang 16-anyos na estudyanteng nakaratay sa ospital matapos tinangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti, nang ipahiya umano ng kanyang guro matapos mahuling nangongopya sa kalagitnaan ng eksaminasyon, iniulat kaninang umaga sa Balete, Aklan.

Problemado ang lola ng biktima kung saan kukuha ng pambayad sa pribadong ospital dahil sa halos isang buwan na rin nasa Intensive Care Unit (ICU) ang apo nitong binatilyo.

Batay sa report, naganap ang insidente Setyembre 21, ng hapon sa loob ng silid-aralan ng biktima at kumuha ng exam.

Habang nag-iikot ang kanilang guro ay nahuli umano itong nangongopya kaya kinuha ang kanyang test paper, nilamukos at pinalabas ng silid.

Dahil dito, labis umanong dinamdam ng biktima ang ginawa ng kanyang guro dahil napahiya siya sa kanyang mga kaklase at pag-uwi ng bahay nito, kumuha siya ng lubid saka itinali sa leeg at nagbigti.

Agad naman itong nakita ng kanyang lola ay nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay saka dinala sa ospital ang biktima at patuloy pa rin inoobserbahan.

Aminado naman ang guro sa kanyang ginawa, pero hindi siya naniniwalang iyon ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng kanyang estudiyante.

Nabatid, na transferee ang biktima sa paaralan at ang lola nito ang tumatayong guardian dahil ang kanyang ina ay nagtatrabaho.

 

Please follow and like us:
Read More

PASLIT KINATAY NG KALARO 

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang batang babae na ang pakikipaglaro nito sa kanyang kapitbahay na binatilyo ang magiging dahilan ng maaga nitong kamatayan makaraan pagsasaksakin ng huli, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Laguna.

Kinilala ang biktimang si Eleona Mychie Remoquillo, 7, habang nadakip naman ang suspek na si Danilo Ebajo, ng Barangay Cuyab, San Pedro Laguna.

Batay sa report ng San pedro police station, Miyerkoles ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nakaupo lamang ang biktima sa labas ng kanilang bahay ng tawagin ito ng suspek at inayang maglaro.

Tumungo naman ang biktima sa bahay ng suspek sa pag-aakalang maglalaro sila subalit habang nasa loob ng bahay ay pinagsasaksak ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima pero nalagutan na rin ng hininga habang nadakip ng suspek ng mga rumespondeng awtoridad.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang suspek para alamin ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

MARATHON QUEEN TABAL TUTOK SA NEW RECORD

(NI ANN ENCARNACION)

NAKAPOKUS ngayon si defending Southeast Asian Games marathon queen Mary Joy Tabal na maka-back-to-back sa biennial meet na ihohost ng bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Si Tabal na isa rin Olympian ay puspusan ngayong nagsasanay sa ilalim ng tatlong coaches na sina John Duenas at Japanese Yuhei Sato at Akio Usami para matiyak na maipagtatanggol ang kanyang titulo sa marathon event sa 30th SEA Games.

Si Duenas ang personal coach niya, habang si Sato ang head ng women’s long distance team sa Nippon Sports Science University, at si Usami naman ay marathon veteran sa 1968, 1972 at 1976 Summer Olympics.

Target din ng Cebuanang si Tabal na higitan ang kasalukuyang SEAG marathon record na hawak ni Ruwiyati ng Indonesia na 2:34:29 oras na naitala noong Disyembre 13, 1995 SEA Games sa Chiang Mai, Thailand.
Nanalo ng gintong medalya si Tabal noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur kung saan nagtala siya ng 2:48:26 oras.

“We’re currently in the thick of our preparations, which means mileage is getting higher, track workouts are getting harder, legs are getting heavier, miles per miles per week, long runs, long intervals, beingable to run on tired legs, mind over matter going to our peak period,” sabi ng 30-anyos na marathon queen.

“I have never been this focused and motivated totrain harder for this was my longest SEA Games preparation,” sabi pa ni Tabal.

Please follow and like us:
Read More

MAINE-CARLO FILM BINOYKOT NG ALDUB FANS

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

BAGAMA’T buo ang suporta ng mga taga-Eat Bulaga sa premiere night ng pelikula ni Maine Mendoza, kapuna-punang hindi ganoon katindi ang naging suporta ng kanyang mga fans lalo na ng Aldub. May mga fans kasing nagsasabi na hindi raw talaga sila pumunta dahil ayaw nilang makita kung sakali na kasama ni Maine sa premiere ang totoong syota niyang si Arjo Atayde.

Para sa kanila, sapat nang malaman nila ang totoo, ayaw na nilang makita pa kung sakali.

Kahapon, first day ng pelikula, wala kaming nadaanang pila sa napuntahan naming mall. Aalamin natin kung magkano ang totoong kinita ng pelikulang iyan.

 

Please follow and like us:
Read More

SEX ORGIES, DRUGS SA PRIVATE PARTIES 

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

“TOTOO, ilang beses din akong nakumbida sa mga private parties nila. Aaminin ko na kadalasan umaabot iyon sa sex, pero kahit na minsan hindi ako gumamit ng droga,” pag-amin ng isang sexy male star model na noon ay madalas matsismis na kasali sa mga gay orgy parties na madalas ganapin sa ilang mga private places sa bandang Ortigas.

“Binabayaran lang kami bilang mga guest,” pag-amin pa niya. Sinabi niyang may ilang mga male stars at gay stars na nakita rin niya sa mga parties na napuntahan niya. Hindi rin niya tiniyak kung gumagamit ang mga iyon ng droga. Ang sabi lang niya, “siguro kasi normal ang mga party drugs sa mga ganoong parties.”

Sinabi niyang hindi na raw siya sumasama sa mga ganoon ngayon, pero aminado siya na marami pa ring parties ang nangyayari sa banda ng Ortigas at maging sa BGC.

 

Please follow and like us:
Read More

UAAP SEASON 82 MEN’S BASKETBALL: WARRIORS SADSAD SA ARCHERS

(NI LOUIS AQUINO/PHOTO BY MJ ROMERO)

INAKAY ni Justine Baltazar ang La Salle tungo sa 65-59 panalo kontra University of the East sa pagpapatuloy ng UAAP Season 82 men’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena.

Nagpaulan ng 23 points at 12 rebounds si Baltazar at kumuha ng three assists para pangunahan ang Green Archers sa 5-5 record.

Huling 10 puntos niya ay ginawa sa final eight minutes upang mailayo ng bahagya ang Archers sa Red Warriors, 57-52, sa natitirang 3:50 minuto.

Nanatili naman ang UE sa laban matapos makapuntos si Alex Diakhite para manguna ang warriors ng dalawang puntos, 61-59 sa natitirang oras na 1:16 habang naging mahigpit naman ang laban para kay Encho Serrano na umiskor ng four-point cushion para sa Archers.

Nag-commit ng dalawang crucial turnovers sina Rey Suerte at Alex Diakhite ng UE sa huling minuto na tumiyak sa panalo ng La Salle.

Dahil sa pagkatalo ay dumausdos ang Red Warriors sa 3-8 kartada.

Please follow and like us:
Read More

ECO-TOURISM ROAD, TAPUNAN NG ‘SALVAGE’ VICTIMS

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isa na namang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki at hinihinalang biktima ng ‘salvage’ ang natagpuan sa tabi ng eco-tourism road sakop ng bayan ng Sariaya sa lalawigang ito noong Martes.

Sa report ng pulisya, natagpuan ang bangkay na may tama ng bala sa ulo sa tabi ng highway sakop ng Sitio Bagong Pook sa Barangay Talaan Aplaya, alas-6:00 ng umaga.

Itinalo ng packaging tape ang dalawang kamay ng biktima sa likod ng katawan. Maging ang bibig at mga mata ay pinaikutan din ng tape.

Sa deskripsyon ng pulisya, ang biktima ay may edad na 30-35, 5’4 ang taas, medium built ang katawan, naka-beach shorts, asul na Nike na tsinelas at pulang sumbrero.

Ilang beses nang may mga natatagpuang bangkay ng biktima ng ‘rubout’ sa nasabing lugar.

Sa unang bahagi ng Oktubre ay isa ring bangkay ng lalaki na may mga gapos din ng tape ang mga kamay at may tama ng baril sa ulo ang natagpuan sa tabi ng eco-tourism road sakop ng nasabing barangay.

Noong Oktubre 2018 ay dalawa ring bangkay ng hinihinalang ‘salvage’ ang magkasama rin na natagpuan sa tabi ng highway sa naturang lugar.

Ayon sa mga imbestigador, ang mga bangkay ay pinatay sa ibang lugar at itinapon sa eco-tourism road upang iligaw ang pagsisiyasat.

Please follow and like us:
Read More

2 BATA, 2 PA, PATAY, HIGIT 60 SUGATAN SA COTABATO QUAKE

(NI KIKO CUETO)

APAT na ang kumpirmadong patay kasunod ng magnitude 6.3 na lindol na tumama sa bayan ng Tulunan, North Cotabato at kalapit na lugar Miyerkules ng gabi.

Sa report, sinabi ng pulis na kabilang sa namatay ang 7-taong gulang na bata na nadaganan ng gumibang pader sa Tulunan.

Namatay din ang 2-taong gulang na bata sa Davao del Sur, na nabagsakan ng mga bagay habang natutulog.

Kinilala ang biktima na si Cristine Roda.

Natabunan naman ng landslide ang bahay sa Barangay Malawanit, Magsaysay.

Nailigtas ang isang lalaki at dalawa niyang anak. Pero namatay ang nanay.

Aabot naman sa 60 tao ang sugatan sa Tulunan, North Cotabato, at sa Magsaysay at Digos sa Davao del Sur.

Sa Kidapawan City, North Cotabato, na nakaramdam ng ng intensity 7 sa lindol, inilabas ang mga pasyente mula sa Midway Hospital nang hinihinalang may naging sira sa ospital.

Sa labas o sa outdoor tennis court nagpalipas ng gabi ang mga pasyente habang mabilis na sinusuri ang integridad ng gusali.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum, maituturing na “moderately strong” ang lindol.

Sinasabing tectonic quake ang lindol at naitala ng 7:37 p.m. ng gabi 22 kilometero southeast ng Tulunan at may lalim na 15 km.

Nakapagtala ang Phivolcs, 246 na aftershocks kanilang naitala.

Sinabi naman ng Department of Energy (DOE) na ang lindol ay naka-apekto sa Mount Apo geothermal power plant, na dahilan ng blackout sa ilang bahagi ng South Cotabato, North Cotabato at sa buong siyudad ng of Kidapawan.

Bukod sa Kidapawan, North Cotabato, South Cotabato, at Davao del Sur, naramdaman din ang lindol sa Sarangani province, Davao City, General Santos City, Sultan Kudarat, Maguindanao at Compostela Valley.

Napag-alaman din na may isang babae na nakunan kasunod ng mga afetrshocks dahil sa lindol.

“More than 200 aftershocks na iyong naramdaman natin,” sinabi ni Psalmer Bernalte, pinuno ng the disaster office sa Kidapawan.

“Iyong isang buntis, nag-miscarriage… Nalaglag lang iyong kaniyang baby dahil na-shock [noong] nagkaroon ng lindol,” dagdag nito sa panayam sa DZMM.

Please follow and like us:
Read More

MISTER PINATAY SA SAKAL ANG MISIS BAGO LUMAKLAK NG LASON

(NI ANNIE PINEDA)

MINSAN pang napatunayan na walang mabuting dulot ang matinding selos, matapos mapatay ng isang mister ang kanyang misis sa sakal matapos umanong magtalo dahil sa selos, saka naman napagkamatay ang suspek sa pamamagitan ng pag-inom ng lason, sa Tacloban City.

Kinilala ang mga namatay na sina Rhea Mae Azucena, 28, at Jeffrey Azucena, 30, kapwa residente ng Barangay 109-A V&G Subdivision, Tacloban City.

Batay sa report ng San Jose Police Station 1 ng Tacloban City, madaling araw ay narinig ng mga kapitbahay ng mag-asawa na nagtatalo sa loob ng kanilang bahay.

Kinaumagahan, nakita na lamang ang bangkay ng babae na may sugat sa leeg sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, habang ang lalaki ay nakita sa kanilang kusina. Kapwa wala nang buhay ang mga ito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, posible umano na dahil sa galit ng mister sa kanyang misis ay sinakal niya ito hanggang sa bawian ng buhay at pagkatapos ay nagpakamatay naman sa pamamagitan ng pag-inom ng nakakalasong bagay.

Nabatid na madalas umanong mag-away ang mag-asawa dahil sa selos.

 

Please follow and like us:
Read More

5.3 LINDOL YUMANIG SA DAVAO ORIENTAL

ISA na namang 5.3-magnitude earthquake ang yumanig sa Davao Oriental, Huwebes ng umaga, ilang oras matapos yanigin ng 6.3 magnitude ang ilang bahagi ng Mindanao, Miyerkoles ng gabi.

Bandang alas-4:53 ng umaga nang maganap ang lindol sa 120 kilometers northeast ng Manay town.

Naitala rin ang intensity 3 sa Alabel, Sarangani, intensity 2 sa Tupi at General Santos City sa South Cotabato, at intensity 1 sa Kiamba, Sarangani.

Sinabi ng Phivolcs na ang lindol ay hindi aftershock ng naunang liondol na tumama sa Tulunan, North Cotabato, Miyerkoles ng gabi.

Hindi inaasahang lilikha ng pinsala ang lindol ngunit inaasahan ang mga aftershock.

Ang lindol sa North Cotabato ay naramdaman sa ilang bahagi ng Mindanao at nag-iwan ng apat na kataong patay at higit sa 30 sugatan.

 

Please follow and like us:
Read More

LEEG NILASLAS; 14-ANYOS NATAGPUANG PATAY SA DAMUHAN

crime

(NI ANNIE PINEDA)

LASLAS ang leeg at pinaniniwalaan ginahasa muna saka pinatay ang isang 14-anyos na dalagita nang matagpuan ang bangkay nito sa damuhan, sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Justine Endayo, ng Purok Caimito, Barangay Guimbawian, bayan ng Pinamungajan, Cebu.

Batay sa report ng Pinamungajan PNP, nakatanggap sila ng report hinggil sa pagkakatagpo sa bangkay ng biktima sa may damuhan sa nasabing lugar.

Sa pagresponde, nakita nila ang biktima na laslas ang leeg, maraming pasa sa iba’t ibang parte ng katawan at nakatakip ng kumot ang mukha.

Lumabas sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima noong Linggo ng gabi sa loob ng kanilang bahay kasama ang nakababata , pero kinabukasan  ay sinasabing nawala na ang biktima.

Napag-alaman na ang mga magulang ng biktima ay wala sa bahay dahil naglalako ang mga ito ng gulay sa palengke sa nasabing lungsod.

Isasailalim na sa otopsiya ang bangkay ng biktima para alamin kung ginahasa ito bago patayin at inaalam na rin ang pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran ikadarakip at mapanagot.

 

Please follow and like us:
Read More

ENDO MAGWAWAKAS NA (1)

ENDO-1

Hanggang Saan, Hanggang Kailan?

(Ni Nenet L. Villafania)

KARANIWANG nari­rinig sa mga manggagawa ang katagang ‘endo’ o end of contract. Nagkaroon na naman ng bagong Tagalog word, mula nang pausuhin ng mga Fili­pino-Chinese businessmen ang pagtatapos ng kontrata ng isang empleyado, upang makaiwas sa mga benepisyo.

Bakit may endo?

Paliwanag ni Fiscal Aris Panaligan ng Manila Public Attorney’s Office, ginagamit ng ilang employer ang endo para mapaglaruan ang batas.

“Sa batas natin, kapag nagtrabaho ang isang emple­yado ng mahigit sa anim na buwan at hindi siya inalis sa employment mo, automatic na magiging regular empoyer sya,” ani Panaligan. “Pag endo o end of contract, tinatapos ang kontrata, kadalasan, hanggang five months lang, kaya wala silang sabit.”

Umiiwas din umano ang mga employer sa mandatory obligation na mga benefits sa mga manggagawa. Nakasaad din kasi sa batas na kapag ang empleyado ay na-regular at umabot ng sampung taong pagtatrabaho sa isang kum­panya, babayaran ng kumpanya ng halagang isang buwan ang bawat taon ng kanyang serbisyo sakaling magretiro siya o matanggal sa trabaho.

Paano makapagtrabaho ng may “endo”?

Noong araw, kapag mag-a-apply ka sa trabaho, direkta kang nagtutungo sa Human Resource  ng kumpanya. Ngunit mula noong mid-90s, nag-usbungang parang kabute ang mga employment agencies na siyang nagha-hire ng mga empleyadong itatalaga sa iba’t ibang kumpanya para magtrabaho ng hanggang limang buwan. Paliwanag ni Fiscal Panaligan, lalabas na hindi ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ng empleyado ang employer kundi ang employment agency. Doon din siya kukuha ng sweldo at hindi sa accoun­ting office ng kumpanya, dahil may “cut” din ang agency sa arawan nilang kita.

“Ang problema dito,” ani Panaligan, “walang kontrol ang contractor sa mga workers na ipinasok sa isang kompanya. Kung ano ang i-assign sa kanila, yun na. At kung sobra sa oras, hindi rin kontrolado ng agency. Syempre, susunod ang worker dahil takot siyang mawalan ng trabaho, lalo pa sa hirap ng buhay ngayon.”

Tapos na ang “endo”

Wow naman! Totoo ba ito? Wala nang “endo”? Maniwala naman tayo. Kasi, may nakasalang na batas ngayon sa Kamara na naglalayong tapusin ang labor-only contracting at endo. Nilagdaan ni President Rodrido Duterte nitong nagdaang May 1 (Labor Day) ang isang executive order kontra sa kontraktuwalisasyon.

Pero sa totoo lang, walang kapangyarihan ang executive branch para tapusin ang “endo”. Siguro, mababawasan, pero hindi agad-agad mawawala, lalo pa at naisabatas dahil sa impluwensya sa mga dating mambabatas ng mga negosyanteng mahilig maglagay.

Malaki kasi ang matitipid kung iilang buwan lamang ang kontrata sa trabaho. Sa gano­ong paraan, hindi sila magiging regular at hindi rin magkakaroon ng benepisyong ibinibigay sa regular na manggagawa tulad ng health benefits at insurance. Yung mandatory lamang sa batas ang makukuha ng mga sumasailalim sa “endo” tulad ng SSS at Philhealth.

Sa madaling sabi, hanggang hindi naipapasa sa Kongreso ang pagwawakas ng contractualization, walang magagawa ang presidente kahit pa kabilang ito sa mga pangakong binitiwan niya noong nangangampanya pa lang siya sa pagkapangulo.

In other words, kahit lang draft ng EO ang pirmahan ng presidente, wala naman siyang kapangyarihang ipatupad ito. Kailangan ang legislative power dahil nakasaad  iyon sa Labor Code of the Philippines, kung saan naroon ang mga provisions laban sa contractualization ngunit may mga areas na pinapayagan, tulad ng pag-hire ng ekstrang empleyado pag may special ocassions. Yung, seasonal hiring ba, tulad ng Pasko, Valentine – o sa kung sa mga tubuhan tulad sa Batangas at sa Negros, kapag panahon lamang ng iluhan o anihan ng tubo.

Pero mismong si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello III ang nagsabing imposible ang total ban ng “endo”. Bakit ‘ka n’yo?

“Kung total ban on contractualization ang gusto natin,” pahayag ni Bello, “dapat mapawalang bisa o amyendahan ang isang partikular na probisyon sa labor code. Walang kapangyarihan ang executive order na magdagdag o magbawas o magbago sa isang batas na ipinasa na ng Kongreso. Implementing details lang ng batas ang pwede nitong ibigay. Congress talaga ang dapat buligligin. Sana, maintindihan ng mga trabahador ang limitasyon ng exe­cutive order at huwag nilang masyadong sisihin ang Pa­ngulo.”

Pero tuloy na nanindigan ang Malacañang na sa kahit ano’ng paraan, hindi tatalikod si Duterte sa pangakong tatapusin ang endo, kahit sa totoo lang, napakahirap pilitin ng mga maliliit na negosyante dahil wala raw silang pera, o kaya naman ay ayaw nila sa worker dahil tamad o kung anupamang dahilan.  Ayaw rin naman umano ng Palasyo na gipitin ang mga negosyante dahil baka mas mawalan ng trabaho ang mga Filipino kapag nalugi sila.

“Siguro, dapat, may compromise na katanggap-tangap sa lahat,” dagdag pa ni Bello.

Please follow and like us:
Read More

DALAGITA NI-RAPE NG KA-CHAT; P1-K IBINIGAY KAPALIT NG PURI

(NI ANNIE PINEDA)

TULALA ang isang 15-anyos na dalagita matapos itong gahasain ng kanyang ka-chat sa social media nang makipagkita sa isang beach resort, iniulat kahapon sa lalawigan ng La Union.

Sinamahan ng kanyang ina ang biktima sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI-RO1) para pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek na kinilalang si Renan Oreiro, ng Tagudin, Ilocos Sur.

Batay sa reklamo, naganap ang insidente noong Setyembre, malapit sa dagat sa Barangay Paratong Norte, Bangar, La Union, nang makipagkita ang biktima sa suspek kasama ang kaklase nito.

Dito, na umano inalok ng suspek ang biktima ng sex kapalit ng P1,000.

Inilatag ang entrapment operation ng mga ahente ng NBI Region 1 laban sa suspek sa isang beach resort sa San Fernando La Union, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa R.A. 7610 o Child Abuse at Anti-Human Trafficking si Oreiro.

 

Please follow and like us:
Read More

BADING, ‘BFF’, SABAY NAG-SUICIDE SA TULAY

dagupan

(NI ANNIE PINEDA)

PINATUNAYAN ng magkaibigan ang ‘best friends forever o bff),’ dahil hanggang sa kamatayan ay sinamahan ng isang lalaki ang kaibigan nitong bading na magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa tulay, iniulat kahapon ng umaga sa lalawigan ng Dagupan City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jerry Soriano, miyembro ng LGBT at Michael Balolong, kapwa ng Bonuan Catacdang, Dagupan City.

Batay sa report ng Dagupan Police Station, bago ang insidente, nag-inuman pa ang mga biktima sa bahay ng kanilang amo, saka tumalon saTanap Bridge Bonuan Catacdang Road Dagupan City.

Bandang alas 11:35 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Soriano habang si Balolong naman ay alas-3:00 ng hapon.
Nakita rin ang suicide note ni Soriano para sa kanyang pamilya na nagpapaalam at nagpapasalamat.

Lumalabas sa imbestigasyon na sinamahan ni Balolong na magpakamaty si Soriano.

Inaalam na ngayon ang dahilan ng pagpapakamatay ng mga biktima.

Please follow and like us:
Read More

PAGLOBO NG MGA ILLEGAL ALIEN

PASABOG

ILANG kawani ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasa likod ng paglobo ng mga illegal alien sa bansa.

Nadiskubre ng ilang mamamahayag na nagkokober sa NAIA na ilang empleyado ng BI ang nasa likod ng pagdami ng mga ilegal na dayuhan dahil sa sabwatan ng nagpapanggap na reporter at mga tiwaling kawani ng ahensiyang ito.

Ginagamit ng mga tiwaling kawani ng BI itong nagkukunwaring reporter na front liner pagdating sa pagsalubong sa dumara­ting na mga turistang Intsik na pinagkakakitaan ng limpak-limpak na salapi ng grupong ito.

Ang grupong ito ay dekada nang nag-o-operate sa loob at labas ng airport. Resulta sa modus ng mga kumag na ito, kaya nilang magpalit ng sasakyan na SUV buwan–buwan.

OMG! Commissioner, gets mo ito? ako gets ko na!

Ang ibig sabihin nito Manong Com, log-tu o pikitmata ang mga pinagkakatiwalaan mo sa NAIA? Sabagay malalang sakit na ito ng mga walang kaluluwa at tiwaling em­pleyado ng BI.

Por Dios Por Santo!

Paano nga naman makikita ng ‘boss-abos’ kung lingguhan lang itong nagpapakita sa kanyang opisina? Ano ba ‘yan Pa­ngulong Digong? Kawawa ka naman, nagkukumahog ka na mawala ang mga kawatan sa gobyerno pero pakiwari ng inyong lingkod, lalong lumalala sa BI.

Sige nga, sino sa BI ang walang bahid? Bakit ang ilan sa inyong kawani can afford bumili ng luxury na mga sasakyan. Mil­yones ang halaga!

Immigration Officer, granting but not admitting? wow pare, spoke­ning dollar. Okey sumahin natin, sumasahod kayo ng P40,000 monthly, ibawas ang gasolina, pagkain, gastos sa bahay, estud­yante, kasama na ang tubig at kuryente. Sige, ilan ang matitira sa P40,000 mo ?

Kaya kayo ha! magsumikap at magbanat ng buto at hindi panlalamang sa kapwa ang atupagin.

Tandaan, Public Office is a Public Trust! Nasaan? Nasaan?

“Good things can come out of the worst places. It then fills the sky, over flowing.” Emojiemoji. (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:
Read More

MGA MENSAHE PARA SA BOMBAHAN NA

BOMBAHAN NA FINAL

ALAS-10:38 ng umaga nitong nakaraang Oktubre 6 nang may mag-text sa BOMBAHAN NA.

Ang buod ng mensahe ay negatibo laban sa nagbitiw na PNP chief na si Gen. Albayalde at sa kanyang mga dating tauhan na tinaguriang mga “ninja cop”.

Tinanong din ng texter kung bakit wala akong isinusulat tungkol kay Albayalde.

Ang texter ay nagpatago sa alyas na Amigo ng Romblon.

Bilang tugon, nais ko munang humingi ng paumanhin sayo “Amigo” dahil ngayon ko lang nabigyang-pansin ang mensahe mo.

Sa tingin po ng BOMBAHAN NA, mas mabuti ang ginawa ni Albayalde na nag-resign kasi sa dami ng mga heneral na nagdiin sa kanya ay lalo pang nalulubog sa kahihiyan ang buong organisasyon ng PNP.

Hindi po biro na tatlong ka-mistah niya ang nagdiin sa kanya sa usapin ng ‘agaw-bato’ ng ninja cops sa Pampanga ilang taon na ang nakalipas.

Hintayin na lang po natin ang susunod na kabanata dahil may mga impormasyon ang BOMBAHAN NA na sasampahan ng kaso si Gen. Albayalde.

oOo

Pinaaalis ng landlord

Isang alyas Bernadette naman ang nagpadala ng email sa Bombahan na nitong Oktubre 2 at humi­hingi siya ng payo kaugnay ng kanyang inuupahang commercial space.

Nakasaad sa email ni Bernadette na noong Setyembre 10, taong ito ay binigyan sila ng palugit na sampung araw ng kanilang landlord para lisanin ang inuupahang commercial space.

Ani Bernadette, 13-taon na silang umuupa sa lugar at may kontrata na halos pabor sa nagpapaupa pero ngayong taon ay wala na umano silang pinirmahang kontrata.

“Pinaaalis kami para ilipat sa inuupahan namin yung isang nagnenegosyo na tinamaan ng widening at clearing operation dito sa lugar namin. Sa dami naming umuupa at kami ang halos pinakamatagal, kami pa ang pinaalis. Samantalang yung iba, hindi naman. Kung magsasampa po ba ako ng kaso sa may-ari, may laban po ba kami? Kasi ang laking perwisyo sa amin dahil naapektuhan ang aming hanapbuhay.” Bahagi ng email ni Bernadette.

oOo

Sinisingil ng interes

Isa pang tagasubaybay ng BOMBAHAN NA ang nagpadala ng email para idulog ang kanyang problema sa bahay na inuupahan niya mahigit tatlong taon na ngayon.

Ayon sa nagrereklamong si alyas John, isang OFW, na taga-Tabaco City sa Albay, naospital ang kanyang misis kaya hindi sila nakapagbayad ng isang buwang upa.

Nagulat si John nang padalhan siya ng mensahe ng kanilang landlord na nagsasabing kailangan nilang magbayad ng interes dahil sa pagka-delay ng kanilang bayad sa upa.

Ang banta pa raw ng landlord ay kung hindi nila tutubuan ang renta ay maghanap na sila ng ibang matitirhan ngayong Oktubre.

Isinumbong din ni alyas John na walang iniisyung official receipt ang may-ari ng paupahan tuwing magbabayad sila kundi tanging papel na sulat-kamay ang nilalaman.

Tanong pa niya, “Ano po ang maaaring hakbang namin kontra sa nagpapaupa kung ang kondisyon niya tulad ng nasulat ko ay hindi karapat-dapat para sa umuupa?”

oOo

Binabaha ang inuupahan

Tanong naman ni alyas “Shayne”, ano ang dapat gawin kung ang inuupahang bahay ay binabaha sa loob taliwas sa sinasabi ng nagpapaupa na maayos ang bahay?

Dahil umano sa pagpasok ng tubig sa kanilang tirahan ay may mga gamit nang nasira kina Shane. Tanong niya, “May karapatan po ba ka­ming umalis at ipasagot sa kanila ang gastos sa paglilipat ng mga gamit?”

Ayon pa kay Shane, makailang ulit na nilang ipinaalam sa kanilang landlord na malakas ang tubig na pumapasok partikular sa kusina tuwing bumubuhos ang ulan pero wala itong aksyon.

oOo

Salamat po sa inyong pagtangkilik sa BOMBAHAN NA, mangyaring hintayin na lamang ang aking tugon sa inyong email.

oOo

Pasabugin ang katiwalian, magsumbong sa BOMBAHAN NA, mag-email joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa 0977-751-18-40. (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

NAUNA SI MAYOR OCA

NIPIS

NANG ipag-utos ng Department of Interior and Local Government ang pagpapaluwag ng mga kalsada upang maibsan ang problema sa trapiko base sa kautusan ni Pa­ngulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo, taong kasalukuyan, nauna na ang pamunuan ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan.

Mabilis ang pagtalima ng alkalde ng Caloocan sa kautusan ng DILG  gamit ang ‘Oplan Sagabal’ na siyang sumuyod sa ilang subdibisyon sa North Caloocan upang wasakin ang mga sagabal sa mga kalye bukod pa sa pagpapabukas nito sa mga gate ng mga subdivision upang makasiguro na madaraanan ang mga ito upang  magluluwag ang daloy ng traffic sa kanyang nasasakupan.

Tahimik lang naman ang pagkilos ni Mayor  Oca at maging ang kanyang anak na si Congressman Dale Gonzalo “Along” Malapitan, Caloocan City 1st District Representative kaya’t  ramdam na ramdam ng mga residente ang kanilang mga ginagawa upang maisaayos ang daloy ng trapiko.

Maraming pagbabago na rin namang naipatupad ang alkalde ng Lungsod ng Caloocan tulad ng pagkakaroon ng bagong City Hall mula sa Mabini St. ay nailipat na sa East Grace Park, mayroon na ring Caloocan City Sports Complex sa Bagumbong, maayos na mini-city hall sa North Caloocan at ma­rami pang iba.

Dahil sa mga naipagawa ng mga Malapitan, ramdam na ramdam ng mga mamamayan ng Caloocan City ang pag-unlad, ang progresong kanilang matagal na inantabayanan. Dito nila ibinase ang pagmamahal sa kanila ng alkalde.

Naniniwala kasi itong si Mayor Oca na “walang imposible kung mayroon tayong sipag, tiyaga at determinasyon upang mapa-unlad ang ating buhay,” na  isinasalin niya sa kanyang mga anak na si Along na gayundin ang panuntunan lalo na sa pagpapakita bilang ehemplo sa mamamayan.

Sa aking pagkakatanda, maraming mga bakod ng residente ng Sunriser Village ang giniba dahil sa kautusan ni Mayor Oca na alisin ang mga balakid at paluwangin ang kal­ye upang madaanan ng maayos ng mga sasakyan na makikiraan sa nasabing lugar.

Nainis ang inyong lingkod dahil hindi nakita ng pamunuan ng barangay at ng city hall ang mga sagabal sa kalye ng Llano mula Silanganan hanggang tapat ng Llano Elementary School  na talaga namang nagsisikip kapag naglabasan na ang mga sasakyan sa umaga at mga trak naman sa gabi.

Dahil sa pagbubukas ng Sunriser Village sa mga dumaraan, posibleng malagay sa panganib ang buhay at ari-arian ng mga nakatira roon.

Subalit hindi puwedeng ihagis kay Mayor Oca ang sisi dahil ipinatutupad nito ang tagubilin ng DILG na linisin ang mga kalsada mula sa mga sagabal pero iba ang pag-unawa ng mga opisyal ng barangay na laging gamit ay sumusunod lang sila sa utos ng pangulo.

Naman! Naman! Ang sabi ng pangulo, linisin ang mga bahagi ng pag-aari ng pamahalaan na ginagamit ng mga pribadong mamamayan sa kanilang negosyo o pagkakakitaan.

Natapos na ang 60 days na palugit na ibinigay ng DILG sa mga Local Government Units upang linisin ang mga nasasakupan nila na nagiging dahilan nang mabagal na daloy ng trapiko. At nagsabi ang DILG na magtutuloy-tuloy ang kanilang programa upang mas mapaluwag pa ang mga daanan sa bansa.

Pagtutuunan ng pansin ang mga maliliit na kalye na marami ring sagabal sa pagdaan ng mga sasakyan at mga tao.

Sa Caloocan, hindi na kailangang tingnan ang nagawa ni Mayor Oca dahil nauna na ito sa paglilinis ng mga maliliit na kalye at maging pribadong subdibsiyon kaya dapat na bigyang papuri ito sapagkat hindi pa man iniuutos ng DILG, nauna na si Mayor Oca Malapitan.

Pahabol: Congratulation kay P/MGen. Guillermo Lo­renzo Eleazar, dating director ng National Capital Region Police Office sa pagkakatalaga nito nilang The Chief Directorial Staff ng Philippine National Police. Gayundin, congrats kay P/BGen. Debold Sinas, bagong director ng NCRPO na pumalit kay Eleazar. (NIPIS /  LEA BOTONES)

Please follow and like us:
Read More