MMFF 2019 TOP 8

MMFF 2019

Kahapon ng hapon  in-announce  sa Club Filipino ang apat na pelikulang napili sa labin-limang finished films na isinabmit sa Selection Committee ng Metro Manila Film Festival

Pasok ang entry ni Coco Martin na Tripol Trobol kasama sina Jennylyn Mercado at Aiai delas Alas.

Inaasahan din namin at gustung-gusto naming makapasok ang pelikula ni direk Brillante Mendoza na Mindanao.

Nang ipinakita ang trailer, gustung-gusto na namin at nakikita talagang magaling si JudyaAnn dito.

Pasok din ang pelikulang Culion na historical ang genre na kung saan isa rin si Iza Calzado sa mga producers, kaya excited siya sa pelikulang ito na nakapasok sa MMFF 2019.

Ang di namin inaasahang nakapasok ay ang Write About Love ng TBA Studio na Romance ang genre. Bida rito sina Rocco Nacino at Miles Ocampo.

Ang sabi nila, maganda raw ang kuwento ng pelikula at sinasabi nilang mahihirapan itong lumaban sa box-office. Pero malay natin, baka pang-millennials ito at baka maging surprise sa box-office.

Bukod sa apat na pelikulang napili, in-announce na rin ang apat na script na napili.

Ang The Mall the Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis, ang Mission Unstapabol nina Vic Sotto at Maine Mendoza, ang Miracle at Cell No. 7 nina Aga Muhlach at Bela Padilla at ang horror na Sunod ni Carmina Villaroel.

Marami ang nanghinayang sa di pagpasok ng entry ng Regal Entertainment na The Heiress.

Dumating pa naman doon si Mother Lily na pagkaupo niya ay may nakapagbulong na sa kanyang di nakapasok ang entry ng Regal na The Heiress.

Pero kaagad namang natanggap ni Mother.

Gusto na nga ni Roselle Monteverde na umalis doon si Mother Lily, pero hindi niya ginawa.

Nag-stay siya hanggang sa natapos ang announcement.

Base sa trailer ng mga entries na ipinakita, mukhang maganda naman daw kaya hangad din ni Mother na mag-hit ang lahat na mga pelikulang kalahok.

Pinag-uusapan na rin doon ang Summer MMFF next year, pero sabi ni Mother Lily, iba raw talaga ang MMFF sa Pasko dahil may bonus at may pera talaga ang mga tao.

Bubuksan ang MMFF ng isang makulay na parada sa December 22 na gaganapin sa Taguig, dahil ito ang host ng naturang filmfest.

Sa December 27 ang awards night na ang unang plano ay sa Cultural Center of the Philippines gaganapin dahil sa ipinagdiriwang ang 100 Years of Philippine Cinema.

Please follow and like us:
Read More

‘PINAS SASAWSAW SA $600B-SPORTS TOURISM

Speaker Alan Cayetano

(Ni CESAR BARQUILLA)

TINATAYANG mahigit $600 bilyong industriya ang ‘sports tourism’ sa buong mundo kaya’t napapanahon na tutukan at palakasin ng Pilipinas ang sports sa bansa.

Naniniwala si House Speaker Allan Cayetanao na bagama’t nakapagbalangkas ang pamahalaan ng school curriculum sa math at science, tila napabayaan naman ang ‘arts, music, history, at sports.

Kapansin-pansin din aniya ang kakulangan ng sports facilities sa mga pampublikong paaralan kaya’t timing ang paglalaan ng pondo ng pamahalaan para sa mga bagong sport facilities para sa darating ng 30th Southeast Asian Games sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Pinuri din ni Cayetano ang pagtatayo ng Philippine National High School for Sports para hikayatin ang mga kabataang Pinoy na mahilig sa sports at mailayo sila sa temptasyon ng iligal na droga.

Please follow and like us:
Read More

DINUKOT NA TEACHER PINALAYA SA RANSOM NA HALOS P300-K

sulu

(NI JESSE KABEL)

PINALAYA ng kanyang abductors ang isang public school teacher, na dinukot noong Setyembre, kahapon ng umaga sa Jolo, Sulu, ayon kay LtCol Gerald Monfort, spokesperson  ng Joint Task Force Sulu.

Sa report na isinumite kay Lieutenant General Cirilito Sobejana, commander ng Western Mindanao Command, inabandona ng mga kidnapper ang 58-anyos na guro na si Rosona Singua, sa loob ng isang hotel sa  Jolo, Miyerkoles ng umaga.

Nabatid na naglatag ng dragnet operation ang military at pulis kasunod ng nakatakdang pagbibigay ng ransom ng pamiliya ng biktima na umaabot sa P 283,000.

Kinumpirma ni Col Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, nagkaroon ng bayaran bago pinalaya ng abductors ang guro na nagmula sa Zamboanga City. Binihag ito sa loob ng 18 araw.

Ayon kay Sobejana, matapos matanggap ang ulat hinggil sa pagpapalaya sa bihag na teacher ay ipinag-utos niya ang isang massive hot pursuit operation habang sinusundan ang isang isang 22-anyos na babae nakilalang si Nurina Jura,  residente  Martirez, Jolo, na siyang tumangap ng pera hanggang sa sakayan ng bus papuntang Sulu kung saan nabawi ang ransom money.

Isa pang abductors na kinilalang si Nurjia Asakil ang nadakip ng mga awtoridad.

“ A surveillance and payoff operation was conducted at Jolo port at 5:45 am today, where a bag of ransom money amounting to P283, 000.00 was handed over by the victim’s sister  to a young lady whereby the former was advised that her mother was checked in at room 2 of ANR Hotel,”ani Encinas.

Ipinagalugad din ng heneral ang ilang lugar at mga kabahayan kung saan sinasabing natagpuan ang biktima.

Ang biktima ay sinundo ng ilang kababaihan na umanoy magsasama sana sa biktima sa dadaluhang kasalan sa Dipolog City subalit isinakay sa isang barko at doon nalamang dinukot na ang biktima.

Nabatid na kinabukasan ay nakatanga ng tawag ang pamiliya ng biktima na humihingi ng malaking halaga kapalit ng buhay at kalayaan ng guro.

“Witnesses said that the abductors of Singua were a young lady, 3 middle-aged ladies, and a gay,” said Maj. Gen. Corleto Vinluan, Jr., JTF Sulu Commander.

Agad na isinailalim sa medical examination si Singua at isinalang sa custodial debriefing sa Sulu Provincial Police Office.

 

Please follow and like us:
Read More

ELECTRICIAN NAHAGIP NG ELEVATOR HOIST, KRITIKAL

(NI FRANCIS SORIANO)

KRTIKAL pa rin sa sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at balakang ng isang 62-anyos na electrician technician matapos mahagip ng bumagsak na elevator hoist sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, ang biktimang si Renato Apostol ng No. 33, Paraiso St. Brgy. 97 Tondo Manila.

Base sa inisyal na imbestigasyon  nina PSSg Mardelio Osting at PCpl Michael Oben dakong alas-4:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa Whizmo Garments Corporation sa No. 6870 Victoneta Ave.m Brgy. Potrero habang tinangkang i-test ng welder ang inaayos na elevator system.

Gayunman, nang mag jammed ang elevator hoist at aksidenteng bumagsak ito at nahagip sa ulo at balakang ni Apostol.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS PATAY SA YAKAP NA ARMALITE

(NI DONDON DINOY)

KIBLAWAN, Davao del Sur-  ISANG miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang agad binawian ng buhay matapos maputukan ng sariling armas, Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Police Master Sergeant Brigham Wayner Pascual, 41, ng Purok Lomboy, Lapu-Lapu Extension sa lungsod ng Digos at nakadestino sa Kiblawan Police Station.

Ayon kay Police Captain James Carumba, hepe ng Kiblawan Police Station, nakahiga ang biktima sa duyan na nasa likod ng kanilang istasyon nang bigla na lang umalingawngaw ang putok ng armas.

Sa pagresponde ng mga kasamahan nito nakita na lang na naliligo na sa sariling dugo ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad napag-alaman na pumutok ang lumang M-16 armalite rifle na nakapatong sa dibdib ng biktima.

Hindi umano naka-safety ang naturang armas kung kaya’t agad na pumutok at tumagos sa ulo ng biktima na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Naniniwala ang mga otoridad na aksidenteng nakalabit ng biktima ang kanyang armas habang naidlip dahil mula alas 2:00 hanggang alas 4:00 ng madaling araw ang duty nito.

Narekober din sa crime scene ang isang basyo ng bala ng nasabing armas.

Ngunit, kumbinsido naman ang pamilya na aksidente nga ang nangyari at hindi nagpakamatay ang biktima dahil wala naman itong dinadalang problema.

Please follow and like us:
Read More

MISTER SINAGASAAN, SINAKSAK; LOVER NI MISIS KALABOSO

(NI FRANCIS SORIANO)

NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang isang 37-anyos na mister matapos sagasaan at saksakin ng kalaguyo ng misis sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col Carlito Gaces, ang biktima na si Jonathan Dela Cruz, 37, messenger at residente ng 351 Tangke St. Malinta, habang ang suspek naman ay nakilalang si Jamil Jesse Caro Tobias, 20, ng 356 GSIS Road, Brgy Gitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal.

Ayon kay Gaces, naglalakad sa kahabaan ng Mac Arthur Highway si Dela Cruz dakong alas-12:15 ng madaling araw nang bungguin umano ng suspek gamit ang minamanehong motorsiklo sa kanto ng Gov. Santiago St. Brgy. Malinta. Matapos nitong bundulin ay saka naman inudayan ng mga saksak ang biktima na maswerteng makailang at mabilis na nakahingi ng saklolo sa nag papatrulyang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Dahil dito ay kasong attempted murder at illegal possession of deadly weapon ang isinampa ng pulisya laban kay Tobias sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Samantala,  una nang inireklamo umano ng biktima si Tobias at kanyang asawa ng adultery at death threat  noong Setyembre 14.

Please follow and like us:
Read More

7 GINTO TARGET NI YULO

(NI ANN ENCARNACION)

HALOS dalawang dekada na (1991) sapul nang isagawa ni swimmer Eric Buhain na magwagi ng limang gintong medalya sa Southeast Asian Games.

Matapos ito ay wala pang Pilipinong atleta na nakapagwagi ng higit sa tatlong gintong medalya sa mga sumunod na edisyon ng SEAG.

Kaya naman tatangkain ni world gymnastics champ Carlos Edriel Yulo na hindi lang pantayan kundi higitan pa si Buhain sa pamamagitan ng pagsungkit ng ginto sa pitong gymnastic events sa darating na biennial meet na ihohost ng bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Nangako naman ang Philippine Sports Commission (PSC) na ibibigay nila ang kanilang buong suporta kay Yulo upang maabot nito ang inaasam na pitong gintong medalya sa 30th SEAG.

Ayon kay Gymnastics Association of the Philippines secretary general Bettina Pou, ipinabatid sa kanila ng bagong Pinoy pride ang hangarin nito na mawalis ang pitong events sa men’s gymnastics sa SEAG upang matulungan ang bansa na maging pangkalahatang kampeon sa biennial meet.

Ito’y matapos ang makasaysayang pagwagi ng ginto ni Yulo sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany.

“He promised to sweep all of his seven events in the men’s gymnastics competition of the SEA Games” sabi ni Pou.

Itinala ni Yulo ang makasaysayang pagsungkit ng gintong medalya sa paborito nitong event na floor exercise at maging unang Pilipino na nakagawa nito sa prestihiyosong kompetisyon sa mundol, na nagbigay din sa kanya ng tiket tungo sa Tokyo Olympics.

Ipinangako naman mismo ni PSC Chairman William  ‘Butch’ Ramirez na ibibigay nila kay Yulo ang lahat ng pangangailangan nito kabilang ang pagbubuo ng sarili nitong team na binubuo ng physiotherapist, sports nutritionist at sports psychologist upang bantayan ang kanyang preparations sa SEA Games at Olympics sa Enero 2020.

“The government will go all out in supporting Caloy and other deserving athletes as they prepare for the SEA Games and the Olympics next year,” sabi ni Ramirez, siya rin chief of mission ng Team Philippines.

Please follow and like us:
Read More

KABAYO SA RILES (2)

PNR-17

Bagong Bihis na PNR

(Ni Mac Cabreros)

DUMAAN sa krisis ang Manila Railroad Company noong World War 1. Ngunit noong Pebrero 4, 1916, nakasinghap ng bagong pag-asa nang ipasa ng Philippine Assembly ang Act No. 2574, kung saan inarmasan ng karapatan ang Governor-General para mapasakamay ng gobyerno ang ari-arian ng MRR kung saan nagbayad ang gobyerno ng P8 milyon at balikatin ang utang na P53.9 milyon. Tuluyang naging pag-aari ng gobyerno ang MRR noong Enero 1917 hanggang sa maluklok si Jose Paez bilang unang Filipino bilang general manager dito.

Noong 1920’s, unti-unting umusad ang arangkada ng railway sa pamumunoni Paez. Inilarga ang P30 milyong programa sa Dagupan-San Fernando sa La Union North line at ang extension ng South main line hanggang Legazpi sa Albay. Naging maayos ang takbo ng Maynila hanggang Bicol noong 1941.

Nang sumiklab ang World War II, kinontrol ng sundalong Kano ang MRR noong Disyembre 1941 kung saan pinagsisira ang impraktura ng railway.

Lalo pang lumala ang kalagayan ng railway nang manakop ang mga Hapon hanggang sa umabot sa P30 milyon ang halaga ng nasirang imprastraktura.

Pagkatapos ng giyera, tanging 452 kilometro na lamang ang operasyon makaraang kumpunihin ng mga sundalong ng Amerika at Filipinas para gamitin pang-military operation. Naibalik sa Philippine government ang

MRR property noong Pebrero 1, 1946.

Noong 1950’s, pinalitan ng diesel engine ang steam engine ng mga tren.

Nabinyagan naman ang MRR bilang Philippine National Railways sa bisa ng Republic Act 4156.

Sa pagdaan ng mga panahon sa ilalim ng ilang administrasyon, nagkaroon ng ilang problema ang takbo ng mga sasakyan ng PNR kaya’t nagkaroon din ng pagbabago sa pangalan, logo, disenyo at modelo ng mga tren.

Sa ngayon, isinusulong ng Department of Transportation (dating Ministry of Public Works, Transportation and Communications (MPWTC)  na  isaayos ang operasyon ng PNR  sa Manila-South Commuter Railway o NSCR (kilala rin Clark-Calamba Railway) kung saang babagtas sa 147 kilometrong elevated railway mula New Clark City sa Capas, Tarlac hanggang Calamba, Laguna.

Build, Build, Build Program ni PRRD

Ibinida ni Transport Secretary Arthur Tugade, ang pagsasaayos ng operasyon ng PNR ay bahagi ng build, build, build program ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapagkalooban ng safe, convenient and comfortable travel ang sambayanan.

Sinabi pa ng kalihim na nasa construction stage ang Tutuban-Malolos (Bulacan) ang unang bahagi ng NSCR at inaasahang magiging operational ang 37.6 kilometrong railway sa ikatlong bahagdan ng 2021 kung saan abot sa

340,000 kada araw ang bibilis ang biyahe sa 35 minuto lamang.

Nakatakda na ring pasimulan ang ikalawang bahagi ng NSCR na 74 kilometrong Malolos-Clark.

Abot sa 300,000 katao kada araw naman ang makikinabang sa sandaling bumiyahe ang tren ng Solis (Manila) – Calamba (Laguna ) na babagtas sa 55.6 kilometro.

Hubad na Katotohanan

Sa pagbabagong bihis ng PNR, gaano ng aba kaganda ang kalalabasan ng image nito?

Naiulat na ibinandera ng pamunuan ng PNR-DOTr na nagbibigay sila ng libreng pamasahe sa mga istudyante. Awtomatiko namang nagkakaloob sila ng 20 porsyentong discount sa mga senior citizen at indibiduwal na may-kapansanan (Person with Disability).

Sa kabila nito, naging laman ng balita ang pagsiksikan ang mga pasahero ng tren ng PNR biyaheng Tutuban (Manila) patungong Calamba, Laguna. Literal na hindi mahulugang karayom ang mga pasahero o posibleng magkapalitan ng mukha. Nagkahalo-halo rin ang amoy ng mga pawisang pasahero at ilan ang nahihimatay. Ilan naman ang pinagkakasya ang katawan sa lagayan ng bagahe. Ika nga pasahero: “tiisin/hamakin ang lahat, makauwi lamang.”

Sinasabing nababahiran ng korupsyon ang larawan ng PNR.

Ito’y matapos ilantad ng Presidential Anti-Corruption Commission na ilegal ang paggamit sa P50.9 milyong pondo ng railway projects bilang bayad sa security services.

Ayon PACC, maituturing na technical malversation ang ginawa ng kasalukuyang pamunuan ng PNR na  paglabag sa Section 3 ng Republic Act (RA) No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Rule 10, Section 46A ng Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service (RRACCS).

Habang sinusulat ito, wala pang linaw kung saan patungo ang kasong nakaumang sa pamunuan ng PNR. Hindi rin tiyak kung saang direksyon ang babagtasin ng biyahe ng PNR na sinasabing de kalidad ang operasyon ngunit may nakatagong hubad na katotohanan.

Please follow and like us:
Read More

SERYE NG PAGPAPASABOG SA BASILAN NAPIGILAN

(NI AMIHAN SABILLO)

NAPIGILAN ng militar ang planong pagpapasabog ng teroristang Abu Sayyaf sa lalawigan ng Basillan.

Ito ay makaraang matunton ng AFP ang pinagkukutaan ng teroristang grupo sa Barangay Calang Canas, Maluso, na naging resulta sa ilang oras na labanan.

Ayon kay Wesmincom Commander Lt.Gen. Cirilito Sobejana, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagtipun-tipon ng mga bandidong Abu Sayyaf kaya agad naglunsad ng opensiba ang operating units ng 68th Infantry Battalion.

Ang pagtipun-tipon umano ng mga teroristang grupo ay para planuhin ang pagpapasabog sa probinsiya.

Aminado ang heneral na nais na naman magpapansin ng teroristang Abu Sayyaf sa Basilan.

Tiniyak ng heneral na hindi magtatagumpay ang bandidong grupo.
Martes ng madaling araw nang magkasagupa ang militar at nasa 15 armadong ASG members sa Maluso,Basilan.

Sa ngayon hinihintay pa ni Sobejana ang ulat sa Basilan hinggil sa casualties.

 

Please follow and like us:
Read More

MAJ. GEN GUILLERMO ELEAZAR, SUSUNOD NA CPNP!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

MARAMI ang naniniwala na inihahanda na ng malakanyang si dating National Capital Region Police Office(NCRPO) director Major General Guillermo T. Eleazar bilang susunod na chief PNP makaraang alisin ito sa kanyang puwesto at ilipat bilang Chief Directorial Staff ng PNP na siyang pang-apat sa pinakamataas na puwesto sa pambansang pulisya.

Si Major General Guillermo Eleazar ay nagpakitang gilas nang italaga ito bilang NCRPO Chief kung saan napakarami niyang accomplishments, lalo na ang pagdisiplina sa mga abusado at tiwa-ling pulis kaya nanumbalik ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan.

Sa kasagsagan ng kampanya sa ilegal na droga na inilunsad ni Pa¬ngulong Rodrigo Duterte, lalong naging agresibo si Eleazar at kaliwa’t kanan ang kanyang isinagawang raid sa mga hideout ng tulak ng droga at maging ang mga drug lord ay kanyang nahuli at ipinakulong.

Kaya walang duda na siya na ang pipiliin ng ating Pangulong Duterte na susunod na hepe ng pambansang pulisya dahil sa kanyang mga kuwalipikasyon at dedikasyon sa trabaho. Ang mga kandidato sa pagka-PNP chief ay sina Lt. General Camilo Cascolan at Lt. General Archie Gamboa pero kung ikukumpara natin, mas higit ang naging accomplishment ni Eleazar kaya ang gusto ng mga Pilipino ay siya na ang susunod hepe ng pambansang pulisya.

Kung si Major General Guillermo Eleazar na ang susunod na maging PNP chief at papalit sa magreretirong si Director General Oscar Albayalde ay tiyak nasa magandang kamay ang PNP at makatitiyak si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging tapat ito sa kanyang administrasyon bukod pa sa mapagaganda ang kalagayan ng PNP at ipagpapatuloy ang cleansing sa pambansang pulisya para mawala na ang “Ninja Cops”.

Bilang bagong Chief of Directorial Staff ng PNP, nakatutok sa buong hanay ng PNP si Eleazar para masiguro na nasa maayos ang mga miyembro ng PNP at gumagawa ito ng tama sa kanilang mga trabaho dahil iyan ang kanilang sinumpaang tungkulin – ang  bigyan proteksiyon ang mga Filipino.

Kaya kay Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong GO, sana naman pakinggan ninyo ang boses at kahilingan ng taumbayan na si Eleazar ang ilagay ninyo bilang susunod na hepe ng pambansang pulisya. (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

SHABU SESSION SA MOTEL; MAG-DYOWA, ARESTADO 

(NI ANNIE PINEDA)

KULUNGAN ang kinabagsakan ng mag-syota makaraan mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa loob ng isang resort matapos mag-check-in, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Capiz.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina John Rodney Obuyes, 32, ng Brgy. Milibili, Roxas City at kasintahan nitong si Kristel Kaye Abellavito, 29, ng Brgy. Balatucan, Panit-an, Capiz.

Batay sa report ng Ivisan Police Station, dakong alas 11:00 ng gabi nang mahuli ang mga suspek sa loob ng isang resort sa Brgy Ilaya-Ivisan, Ivisan, Capiz.
Lumabas sa pag-imbestiga ng pulisya, pumasok ang dalawa sa resort at nag-check-in at saka nag-trip na suminghot ng droga.

Dahil sa bukas ang pinto ng kanilang silid na inupahan, nakita sila ng roomboy na napadaan na sumisinghot ng shabu at may lumalabas pang usok.

Kaagad naman ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang pangyayari at sa pagresponde naabutan pang sumisinghot ang mga suspek at lango sa droga na agad pinosasan.

Nakuha mula sa mga suspek ang nakatuping aluminum foil, improvised tooter, plastic sachet, lighter at may latak pa ng shabu.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 11, 12 at 15 o RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

DAPAT IBALIK ANG KINALTAS NA BUDGET SA DOH

CHRISTIAN BOMB

PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang probisyon sa batas na nagsasabing hindi dapat bababa sa P31,000 ang suweldo ng mga government nurse.

Dahil dito, ikinatuwa ito ng Filipino Nurses United (FNA), samahan ng mga nurse sa bansa.

Sinabi ni FNU president Maristela Abenojar na mula noong 2002 ay hindi naipatutupad ang Republic Act No. 9173 o ang Philippine Nursing Act dahil walang pondo para rito, at dahil sa na-ging desisyon ng Supreme Court (SC) ay maoobliga na ang gobyerno na maglaan ng pondo para ipatupad ito.

Bagamat good news ito sa mga nurse, ang problema ay kung kailan maipatutupad ang kanilang dagdag-suweldo.

Ang Kongreso ang naglalaan ng pondo sa bawat sangay ng pamahalaan, at sa nakaraang deliberasyon sa 2022 national budget, kinaltasan ng mga kongresista ng P16.6 billion ang budget ng Department of Health (DOH).

Dahil sa ginawang iyan ng Kongreso ay sinabi ni Sen. Ralph Recto na posibleng mawalan ng trabaho ang may 7,000 nurse sa mga pampublikong ospital dahil wala nang maipangsusuweldo sa kanila ang DOH.

Para walang maganap na tanggalan sa trabaho at ang desisyon ng SC na gawing salary grade 15 ang mga nurse na may katumbas na suweldong P31,000 kada buwan, dapat ay ibalik ng mga kongresista ang kinaltas na budget sa DOH at kung maaari nga ay dagdagan pa ang pondo nito, dahil ang mga nurse ang siyang kaagapay ng gobyerno sa pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan.

oOo

TIMBRE: Paging Mayor Benjamin Magalong… Nag-operate na raw ang “mini-casino” ni alyas “Paul” sa Dampa, Brgy. Legarda at Brgy. Bokaokan, City of Baguio, drop balls ni alyas “Tuy-oy” sa Dangwa/Mallcom Plaza, drop balls ni alyas “Jimmy” sa Magsaysay; drop balls ni alyas “Buda” sa Slaughter. Paging PNP-Region 3 commander, Gen. Jigs Coronel, isang alyas “Boy” daw nagpapa-jueteng sa Bulacan. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

BALIKAN – PUGAD NG BALASUBAS

yourservice

MAY isang nagtanong, galing sa isang makulit na ibon — maari bang i-hold ang iyong huling sahod at clearance dahil hindi nagbabayad ng utang ang isang kliyente mo sa bangkong pinagtatrabahuhan mo?

Eto ang kwento ni Clara, na nagsilbing tagapamuno ng isang branch ng isang tanyag na institusyong pinansiyal sa Pilipinas. Marami siyang naipapasok na kliyente — yung iba para makabili ng sasakyan, yung iba para may karagdagang pondo sa negosyo, at yung iba naman ay para sa pagpapatayo o pagbili ng bagong tahanan. Magaling si Clara — marami siyang naipasok na kliyente at nakinabang naman ang opisinang kanyang pinapasukan. Ngunit, sa tagal ng kanyang pamamasukan — dumating din ang panahon na kinailangan naman niyang humanap ng ibang pagtatrabahuhan. Ayon sa batas at sa kalakaran sa opisina, binigay niya ang kanyang liham na nagbibitiw na siya sa katungkulan at lilipat na ng opisina. Sa kasamaang palad, sinabihan siya ng kanyang amo na hindi siya mabibigyan ng clearance man lang at lalong hindi nila ibibigay ang huling sahod nya sa kadahilanang ilan sa mga kliyenteng na process nya ay hindi nagbabayad ng inutang sa kompanya. Paano na ngayon si Clara? Ganito ba talaga ang kanyang trabaho sa kanila?

Ang pagkakautang, lalo na sa mga kompanyang ang negosyo ay magpautang, ay nababalot ng mga probisyon ng kontrata na nilagdaan ng representante ng kompanya at ng taong umuutang. Nang siyasatin ang mga rekord, napag-alaman na si Clara ay taga process lang ng mga loan application ng mga inirekomenda niyang kliyente. Ito’y parte ng kanyang tungkulin sa kompanya at isa sa mga trabaho niya. Wala sa kontrata ang kanyang pangalan, at hindi rin siya tumayong guarantor. Wala sa kontrata na nagsasabi na kargo o responsibilidad ni Clara na siguraduhing magbabayad ang mga taong nagsumite ng aplikasyon upang umutang. Malinaw na walang kinalaman si Clara sa aspeto ng pagbabayad ng utang at ang kanyang tanging responsibilidad ay ang pagproseso ng mga kinakailangang papeles upang mapagbiyan ang taong umuutang.

Sa aking munting palagay — labag sa batas ang ginawa ng employer ni Clara. Unang-una, ang sahod niya ay kinita na niya at kanya na iyon at walang maaring pumigil sa pagbibigay ng kanyang sweldo. Dahil siya’y aalis na ng kompanya, dapat hayaan ng kanyang amo na magpa-clearance si Clara upang maisaayos nya lahat ng kanyang mga kailangang i-turn over sa kompanya at ma-release na ang kanyang sahod kasama ang pro-rated niyang 13th month pay, at kung meron man — ang mga hindi niya nagamit na leave credits.

Malinaw na mali ang employer — unang una, hindi kasama si Clara sa kontrata ng pagkakautang. Wala siyang kinalaman dun, ni hindi nga siya ginawang guarantor o co-borrower. Dahil dito, walang batayan sa batas na pigilin ng employer ang sahod ni Clara o pigilin ito sa pagproseso ng kanyang clearance. Dahil dito, maaring dumulog si Clara sa tanggapan ng DOLE upang magreklamo at kung hindi sila magkaayos sa mediation ay maaring sampahan na ng kaso ang kompanya sa National Labor Relations Commission o NLRC upang maprotektahan ang interes ni Clara ayon sa batas.

Tandaan, huwag hayaang balewalain ang inyong karapatan sa pagtatrabaho lalo na sa aspeto ng inyong sahod at benepisyo laban sa mga pugad ng balasubas. (@YOURSERVICE / ATTY. DAVID AQUINO)

Please follow and like us:
Read More