BANKO HINOLDAP NG SEKYU

armed robbery12

(NI NILOU DEL CARMEN)

KALABOSO ang isang security guard matapos tangkain nitong holdapin ang kanyang binabantayang bangko sa Sta. Rosa City, Laguna, noong Lunes ng umaga.

Ayon sa report ng Sta. Rosa City police, kabubukas pa lamang ng Prestige Bank sa Barangay  Tagapo, Santa Rosa City, dakong alas 9:00 ng umaga nang magdeklara ng holdap ang guwardiya na si Romeo Dimaano Jr., 34.

Agad nitong inutusan ang teller na ilagay ang mga pera sa inilabas nitong bag.

Unang   inakala ng mga teller na nagbibiro lamang ang sekyu subalit nang itutok nito ang kanyang service fire arm ay natuklasan nilang seryoso ito.

Nalansi naman ito ng isa sa mga teller at sinabihan na lumapit sa vault dahilan para makalabas ang isa pang teller at makahingi ng tulong.

Nang dumating ang mga pulis, nakadapa na sa sahig ang suspek at nadisarmahan na rin ito ng mga empleyado ng banko.

Ayon kay Lt. Col. Eugene Orate, hepe ng Sta. Rosa police, sinabi  umano ni  Dimaano sa interogasyon na nagawa niya ang krimen dahil sa kagustuhan nitong magkapera upang maipagpagawa ng bahay ang kanyang pamilya.

 

Please follow and like us:
Read More

PUSLIT NA SIGARILYO NASABAT NG MILITAR

(NI JESSE KABEL)

BULTO-BULTONG smuggled cigarettes ang nasabat ng militar at Philippine Coast Guard sa isang  commercial vessel sa  Zamboanga City International Pier sa ulat ng Philippine Army, Martes ng umaga.

Sa ulat na ibinahagi ni  Western Mindanao Command chief , Ltgen Cirilito Sobejana, nasamsam ang mga kontrabandong sigarilyo mula sa MV Mary Joy 1 .

Nagsagawa ng law enforcement operation ang pinagsanib na elemento ng Task Force Zamboanga, Philippine Coast Guard, at  Task Force Aduana sa  Zamboanga wharf .

Ayon kay Col. Antonio John Divinagracia, Task Force Zamboanga Commander, nakatangap sila ng impormasyon na libu-libong halaga ng puslit  na sigarilyo ang ipapasok sa kanilang area of responsability.

“Joint operations are intensified to curtail shipment and importation of contrabands in western Mindanao,” ani Divinagracia

Iba-ibang brands ng sigarilyo na itinago sa mga carton ng prutas at isda ang nadiskubre at nasamsam ng mga sundalo nang sampahin ang MV Mary Joy na isang passenger vessel mula sa  Jolo, Sulu.

“Operations are coordinated and strengthened to assist law enforcers in pursuing smugglers and suppressing illegal importation of goods within the borders of western Mindanao,” pahayag naman ni Sobejana.

Please follow and like us:
Read More

LIBRENG SAKAY NG ANGKAS

angkas12

(NI DAHLIA S. ANIN)

NAG-ALOK ng libreng sakay ang motorcycle ride application na Angkas para sa mga pasaherong apektado ng limitadong operasyo ng LRT 2.

Ang libreng sakay ay tuwing Martes hanggang Huwebes mula Recto-Santolan at vice versa, mula alas 8:00 hanngang 10:00 ng umaga at alas 5:00-7:00 ng gabi

Matatandaang limang araw na walang biyahe ang LRT 2 matapos masunog ang power rectifier sa riles sa pagitang ng Katipunan at Anonas Station.

Nagbalik na ang partial na operasyon nito ngayong araw mula Recto hanggang Cubao lamang at sinasabing aabutin pa umano ng siyam na buwan bago matapos ang pagkumpuni sa nasirang bahagi nito.

 

Please follow and like us:
Read More

TIYUHIN BINURDAHAN NG SAKSAK NG PAMANGKIN

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY sa saksak ng pamangkin ang kanyang tiyuhin sa isang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Tubod, Surigao del Norte, nitong Lunes.

Pitong tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Eugene Cortes habang nakilala naman ang pamangkin nitong suspek sa krimen na si Jason Biol.

Batay sa imbestigasyon, lango sa alak ng umuwi ng bahay si Cortes Lunes ng gabi at nagbababasag at nagsisigaw ito kaya’t inawat ng suspek.

Subalit nagbitiw umano ng mga masasakit na salita si Cortes kay Biol na dahilan naman para ikagalit nito hanggang kumuha na ng kutsilyo at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang una.

Matapos ang krimen ay nagtungo na ng himpilan ng pulisya si Biol para isuko ang sarili sa pagpatay sa tiyuhin.

Sa piitan ng Tubod Municipal police, sinabi ng suspek na sobrang sama ng kanyang loob dahil sa paulit-ulit nang ginagawa ang pagwawala ni Cortes sa tuwing umuuwing lasing ito sa kanilang bahay.

 

Please follow and like us:
Read More

MINOR NA RAPIST ARESTADO SA BULACAN

(NI GINA BORLONGAN)

ISANG 17-anyos na binatilyo ang nadakip dahil sa panghahalay sa isang 14-anyos na dalagita sa

Malolos City habang pitong iba pa, kabilang ang apat na nagsusugal ng ‘pusoy’ ang nadakip sa isinagawang policee response at anti-illegal gambling operation sa Bulacan, Lunes ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, itinago sa pangalang Danny Boy,17,ang rape suspect na gumahasa umano sa isang 14-anyos na dalagita sa Barangay Mojon, Malolos City.

Ni-rape umano ng suspect ang biktima nitong Lunes at agad nahuli nang magsumbong ang biktima.

Samantala, apat naman ang nadakip ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa

Barangay Batia,  Bocaue matapos mahuli sa aktong naglalaro ng pusoy at narekober ang dalawang deck ng playing cards at pera.

Samantala, tatlo katao pa ang nadakip sa police response sa Meycauayan City, Bocaue

at Baliwag dahil sa iba’t ibang kaso at patuloy na ipinatutupad ng kapulisan ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad sa Bulacan.

Please follow and like us:
Read More

GASOLINAHAN NAGLIYAB 

(NI KIKO CUETO)

NANG dahil sa hindi pagpatay sa makina habang nagpapakarga, nasunog ang isang gasolinahan, sa Dapa, Surigao del Norte.

Sa report, sinasabing nagmula ang sunog nang magkarga ng gasolina ang isang tricycle driver nang hindi pinapatay ang makina.

Isang pump boy ang nagtamo ng paso sa insidente.

Dahil sa gasolina, nahirapan ang mga bumbero at inabot ng tatlong oras bago naapula ang apoy.

Kinailangan pang gumamit ng kemikal ang mga nagrespondeng bumbero para tuluyang mapatay ang apoy.

Tinatayang aabot sa isa’t kalahating milyong piso ang halaga ng nasunog.

 

Please follow and like us:
Read More

35 BABAENG CHINESE SA PROSTI DEN, NA-RESCUE SA RAID

(NI DAVE MEDINA)

UMAABOT sa 35 babaeng Chinese ang nailigtas mula sa prostitusyon maghahatinggabi ng Lunes sa isang hotel na pinaniniwalaang ginawang prostitution den sa Makati City.

Inilunsad ang raid ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Makati City police sa pangunguna ni  Maj. Gideon Ines Jr., at matapos ang entrapment at rescue operation sa 9th Flr., na nagsilbing showroom, at sa 10th Flr., at Penthouse ng MAXX Hotel, sa Makati Ave., ng Brgy. Poblacion, Makati City, bandang alas-11:00 ng gabi nitong Lunes, ay na-rescue ang sinasabing prostitutes na mga Chinese.

Ayon kay Makati City Police chief, PCol. Rogelio Simon, ang mga babaeng Chinese na iniaalok sa online ay binabayaran ng mula  P20,000 hanggang P30,000 ang serbisyo.

“Buong  hotel, prostitution den talaga. Nasa 35 lang (Chinese women),  all the rest mga employees na, mga 10 yung employees at 21 na mga parokyano. Itong hotel front ng prostitution. Makikita sa mga ebidensya na gumagamit sila ng sex gadgets, condom at iba pang sex paraphernalia,” sabi ni PCol. Simon.

Nakuha sa lugar ng prostitusyon bilang mga ebidensya ang iba’t ibang sex paraphernalia, costume, sex toys, tally board, mga libro at marked money na hindi nabanggit ang halaga.

Please follow and like us:
Read More

3 DAYUHAN  INARESTO NG PDEA, MARIJUANA, PEKENG DOLYAR NASAMSAM

(NI NICK ECHEVARRIA)

INARESTO ng mga tauhan ng PDEA-Special Enforcement Service (PDEA-SES) ang dalawang Nigerian at isang Liberian national matapos mahulihan ng Marijuana at mga pekeng dollar sa isang magarang condominium sa Pasig City, Lunes ng gabi.

Bitbit ang search warrant mula sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 152 laban sa isang Godwin Korte, alias “Godwin” sinalakay ng mga tauhan ng PDEA-SES at RO ng NCRPO ang Room 406 ng Rio Grande Building, Riverfront Residences sa nasabing lungsod, subalit hindi inabutan ang pakay.

Gayunman matapos ang ginawang paghahalughog, inaresto ng mga awtoridad ang tatlong kasamahang dayuhan ni Godwin na nakatira sa nasabing condo matapos makasamsam ng isang malaking brick at siyam na pakete  ng marijuana kasama ang dalawang bundle ng mga pekeng $100.

Kinilala ang mga naaresto na sina Daniel Ukha, Nigerian national, na nakulong na noong isang taon sa La Union Provincial Jail sa kasong paglabag sa RA 9165, Eddie Waylee, Nigerian at Harmmony Onyebuchie na isang Liberian.

Ang nasabing brick ng narekober na marijuana mula sa tatlong suspek ay may timbang na 424 gramo habang ang 9 na pakete naman ay may bigat na 20 gramo na na may kabuuang halaga na P60,000.

Nag-ugat umano ang operasyon matapos ireklamo ng mga katabing unit ang maingay at mabahong amoy ng marijuana at ang labas-masok na mga hindi kilalang tao na lantarang  nag-aabutan  ng droga sa swimming pool ng nasabing lugar.

Ayon kay PDEA-SES regional director Levie Orits, inabot ng dalawang linggo ang surveillance sa 4th floor ng nasabing condo unit room 406 bago isagawa ang operasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

QC HALL EMPLOYEES MAKATATANGGAP NG ANNIV BONUS, HMO

(NI LILY REYES)

TATANGGAP  na sa susunod na linggo ng anniversary bonus ang lahat ng mga empleyado ng QC hall.

Mismong si  Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nag-anunsyo nito bilang bahagi ng kanyang State of the City Address (SOCA), Lunes ng hapon  na ginanap sa QC Albert hall.

Dumalo sa nasabing okasyon  ang iba’t ibang opisyal ng pamahalaan  tulad nina  Senate President Tito Sotto, dating House speaker Sonny Belmonte, QC Councilors, miyembro ng Executive department, mga opisyal sa private sector, miyembro ng Iglesia ni Cristo,  Muslim Affairs, mga empleado at elderly at iba pa.

Sa speech ni Mayor Joy, sinabi nito na nilagdaan na niya ang ordinansang nagkakaloob ng anniversary bonus sa mga empleado ng  city hall at maglalaan din sa  lokal na pamahalaan ng P90 milyong pondo para mabigyan ng HMO o healthcare benefits ang lahat ng cityhall employees.

Ito ay para makatiyak  na nasa  maayos ang lahat kung kaya  nagpalabas siya ng Executive Order-1 na bubuo sa Internal Auditing System upang matiyak na ang local na pamahalaan ay tumutupad sa lahat ng batas at regulasyon para sa kapakanan ng mga taga QC.

Palalakasin din ng lokal na pamahalaan ang 122 at 8888  na emergency at public service hotline para tawagan ng mga taga QC sa oras ng pangangailangan bukod sa pagbubukas sa QC Facebook page na mas kumbinienteng line of communication para sa mamamayan ng lunsod.

Plano ng local na pamahalaan na gawing P27 bilyon ang pondo sa taong 2020, mas malaki ng 30 percent sa nagdaang taon para maibigay sa mga taga QC ang higit nilang pangangailangan.

Una nang inireport ng alkalde ang pinatinding kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa African Swine Fever (ASF) at ang pagkakaroon ng Task Force Forever na palagiang pagbabantay sa kaayusan ng mga lansangan kahit tapos na ang 60 days clearing operation ng DILG.

 

Please follow and like us:
Read More

TONY:  NAGIGING EVIL ‘YUNG WORLD NATIN!

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

PALABAS pa rin sa ilang mga sinehan ang pelikulang ‘Ang Henerasyong Sumuko Sa Love’ na pinagbibidahan nina Jerome Ponce, Myrtle Sarrosa, Albie Casiño, Jane Oiñeza at Tony Labrusca. Ayon kay Tony ay tiyak na makare-relate ang mga manonood sa kanyang karakter bilang si Kurt sa nasabing pelikula. “Kasi lahat tayo affected sa high competition ng society. Lahat ng tao ngayon gusto maging boss agad. Hindi tulad ng mga magulang natin na nagsa-start sila dito sa baba. Tapos magtatrabaho, mapo-promote hanggang maging boss. Ngayon everybody wants to be the boss, everybody wants to be on top. I think a lot of people will be able to relate to Kurt’s hardships and his struggle with being an overworked millennial,” nakangiting pagbabahagi ni Tony.

Mas maiintindihan umano ng mga manonood lalo na ng mga magulang kung ano ang pag-uugali at pinagdadaanan ng mga kabataan lalo na ang mga millennial kapag napanood ang naturang proyekto. “Makikita nila kung bakit nga ganyan ‘yung mga millennials. Especially because we live in the Philippines, we’re a conservative country. Sometimes we don’t understand why kids are acting in a certain way. Dahil sa henerasyon naman nila hindi gano’n. I have a younger sister na Gen Z and hindi ko siya maintindihan. As in hindi ko gets. I don’t know how her brain works. Hindi ko get bakit ganyan siya magsalita, bakit ganyan ‘yung ugali niya. For me, I have to take time to put myself in her shoes din,” paliwanag ng aktor.

Para kay Tony ay malaki rin ang naging epekto ng social media sa panahon ngayon. Sa halip na mapabuti ay nagkakaroon ng masamang dulot ang paggamit ng social media sa ilang netizens. “Naaapektuhan ako na ang feeling ko masyado nang nagiging evil ‘yung world natin. I think social media plays a huge part in that. The hate I see online, honestly breaks my heart kasi. I just wish that people would be a little bit more understanding because everybody wants to be heard. Everybody wants to be understood but nobody wants to listen,” pagtatapos niya.-Reports from JCC- 

 

Please follow and like us:
Read More

MALAMIG NA PANAHON PARATING NA – PAGASA

PATAPOS na ang hanging habagat at nasa transition period na para sa pagdating ng hanging amihan na nangangahulugan na asahan na ang unti-unting paglamig ng klima.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) hindi agad agad ang paglamig ng temperatura kundi dahan dahan lamang subalit mararandaman na rin ito, ang peak ng Amihan ay karaniwang pagsapit ng buwan ng Disyembre hanggang Pebrero.

“Recent observations and analysis showed that the general wind pattern has shifted from southwesterly to easterly. This signifies that the southwest monsoon season has officially ended,” ayon sa Pagasa.

 

Please follow and like us:
Read More

BUHAY GURO SA BAHAY KUBO

TEACHER-3

(NI MAC CABREROS / Ikalawang labas)

INIHAYAG ng mga guro na kung hindi maibibigay o maipararamdam ang kanilang mga hiling ay mananatiling hungkag ang selebrasyon ng National Teachers Month at World Teachers’ Day.

May punto ang grupo. Paano nga tayo magdiriwang kung ang katotohanan ay mas maraming bagay ang dapat ikalungkot? Paano tayo magdiriwang sa loob ng isang araw kung buong taon naman tayong pinahihirapan? Paano tayo magdiriwang kung pati ang gastusin sa pagdiriwang na ito ay atin pang pinag-aambagan?

Ayon pa TDC, mandato ng DepEd na ipatupad ang itinatakda ng Magna Carta for Public School Teachers na noon pang 1966 isinabatas. May obligasyon ang DepEd na suportahan ang hinaing ng mga guro para sa P10,000 umento. Pero, batid kaya ng DepEd na kulang ang P3,500 kada taon na chalk allowance? Alam din kaya ng DepEd na maraming guro ang namamatay sa mga sakit na maari sanang malunasan? At, paano ginigisa sa sariling mantika ng GSIS?

Maraming salamat pero…

Nitong Oktubre 5 na mismong World Teachers’ Day, ipinagkaloob ang P1,000 Teachers’ Day incentive.

“While we are thankful for the incentive for we consider this as a birthday gift, we ask the DepEd to raise the level of our teachers by providing for long-term solutions to our socio-economic woes,” reaksyon Benjo Basas, National Chairperson ng TDC.

Noong nakaraang taon, magugunitang nagsagawa ng 12-day picket sa labas ng DepEd Central Office sa Pasig City upang iparating ang kanilang hinaing gaya ng takdang haba ng oras ng pagtuturo, patakaran sa overtime pay, pagkuha ng serbisyo ng non-teaching personnel at pagkakaloob ng libreng medical check-up sa mga guro.

Pinunto pa ng mga grupo na nagtataka sila kung bakit mas mataas ang sahod ng mga pulis at sundalo gayong pareho lamang ang kanilang serbisyo-publiko

Sa panayam, inihayag naman Education Secretary Leonor Magtolis Briones na ipinapatupad lamang nila ang itinatakda ng batas kung saan pinopondohan ng Kongreso.

Please follow and like us:
Read More

TRAFFIC ENFORCER BINISTAY NG BALA NG TANDEM

gun12

(Ni KOI HIPOLITO)

Binawian ng buhay ang isang traffic enforcer matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng hindi naplakahan na motorsiklo bandang 9:30 ng umaga nitong Lunes sa kahabaan ng Edsa Extension sa tapat ng Double Dragon Plaza, Brgy. 76 sa lungsod ng Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Joey De Chavez, nasa hustong gulang at regular na Traffic Enforcer sa Pasay City Government.

Base sa report ng isang nakasaksi sa krimen, nakarinig umano siya ng sunod-sunod na putok ng baril malapit sa kanyang pinagtatrabahuan at bigla na lamang umanong nagtakbuhan ang ilan mga by stander sa lugar.

Ang bumaril na dalawang suspek ay sumakay ng isang motorsiklo patungo ng North Bound sa Edsa Extension.

Napag-alaman ng mga rumespondeng otoridad sa misis ng biktima na nakakatanggap ng  pagbabanta sa buhay ang kanyang namatay na asawa dahil sa kanyang trabaho.

Nanawagan naman si Pasay City police chief PCol. Bernard Yang, sa iba pang  mga

posibleng nakasaksi at nakakilala sa mga salarin na agad makipag-ugnayan sa Pasay City Police Station para mapanagot at madakip ang mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

CLAUDINE WORRIED SA AMA

Claudine Barretto-3

pwede ed deleonInamin ni Claudine Barretto, worried siya sa kalagayan ng father niya kaya siya nga mismo ang nakabantay doon. Nagce-celebrate sila ng 82nd. birthday ng father nila, nang maidlip iyon tapos nagkaroon na ng seizure. Isinigod nila iyon sa ospital at iyon na nga, inatake na pala. Napasok iyon sa ICU ng ospital. At ang kasunod nga noon ay ang tuluy-tuloy na pag-uusap nila kung ano ang dapat na gawing kasunod.

Aminado si Claudine, hindi pa siya handang mawala ang ama, kaya nga humihiling siya ng panalangin para sa father niya. Umaasa siyang sa awa ng Diyos, magtatagal pa ang kanyang buhay.

Minsan iyang magkakapatid na iyan, may issues din sa sarili nila. Pero pagdating sa kanilang pamilya, nagkakasundo naman sila.

Sinabi ni Claudine na sila namang lahat ngayon ay natutulung-tulong sa pangangalaga sa kanilang ama. Kasi lahat naman sila close talaga sa father nila. Kasi kahit naman noong araw, tahimik at understanding ang kanilang ama sa kanilang magkakapatid.

Iyon talaga ang dangers noong ganoong edad na. Nariyan na ang lahat ng risk ng sakit na maaaring dumating nang walang dahilan. Mahina na kasi ang katawan ng isang tao kung siya ay matanda na. Buti nga ang father nila, palibhasa ay alaga nga at wala namang masyadong problema, malakas pa at nakayanan pa ang mga sakit na tumama sa kanya.

Mayroong iba, mga mas bata pa. Magugulat ka dahil oras na atakihin sa puso, patay agad.

Ipanalangin na nga lang natin na sana maka-recover na agad ang father nina Claudine, at nang sa ganoon ay maasikaso naman niya ang career niya at mga anak niya.

oOo     

AMALIA IHAHATID NA SA HULING HANTUNGAN NGAYONG ARAW

AMALIA-2Nanatiling matahimik at nasa ayos ang naging burol ng movie queen na si Amalia Fuentes sa Our Lady of Mt. Carmel Mortuary sa New Manila, Quezon City hanggang sa huling gabi ng lamay.

Kahit na pinayagan naman ng pamilya maging ang mga tagahanga na gustong magbigay ng kanilang last respects sa yumaong movie queen, napantili nila ang kaayusan. Natitigil lamang ang public viewing kung may isinasagawang misa.

Mga alas 8 ngayong umaga ay may misa ulit at pagkatapos ay aalisin na sa Our Lady of Mt.Carmel ang mga labi ng movie queen para maihatid na sa kanyang huling hantungan.

oOo

YUCKY MATINEE IDOL MAY AMOY

Pogi pa naman si male star, pero aywan nga ba kung bakit ang habit daw niya ay hindi naghuhugas at gumagamit lamang ng toilet paper. Delikado pa naman iyan lalo ngayon at bumabalik na naman ang polio. Doon nakukuha iyan. Pero ang mas masama, sinasabi ng mga nakakasama niya sa trabaho na may amoy daw talaga siya dahil doon.

Noong araw pa iyang tsismis na iyan eh. May isang talent manager nang nagsabi ng ganyang kuwento rin noong araw pa. Pero may nagsasabi namang iba na baka tsismis lang, dahil bakit nga raw ba naging paborito iyan ng mga bading na nag-aabang sa basketball court sa isang subdivision sa kanilang city noong araw.

Huwag mo naman sabihin Tito KC na tinitiis na lang ng mga bading ang smell dahil pogi siya.

 

Please follow and like us:
Read More

SAAN NAPUNTA ANG P19.5-M PROYEKTO NG FTI NA IBINIGAY SA JEFF ENTERPRISES?

BAKBAKAN NATIN

NAPAKAHALAGA ng tanong na ito na dapat sagutin ng mga may-ari o namamahala ng Jeff Enterprises upang malinawan kung ano ang eksaktong nangyari sa P19,533,453.54 pondong inilaan ng Department of Agriculture (DA) sa proyekto ng Food Terminal Inc. (FTI) sa lungsod ng Taguig at maging ng mga opisyal ng FTI.

Napakahalaga ng isyung ito, sapagkat ang pinag-uusapan natin dito ay hindi isandaang piso kundi mahigit labingsiyam na milyong pisong pera ng pamahalaan na tiyak akong galing sa buwis na ibinayad ng mga negosyante at pangkaraniwang mamamayang Filipino sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nitong Oktubre 4, isiniwalat ko rito sa Bakbakan Natin! na iniwang nakatiwangwang ng Jeff Enterprises ang P19.5 milyong proyekto ng FTI na pagsasaayos ng gilid ng Langka at Cucumber Roads sa FTI Complex sa Taguig.

Kasama sa proyekto ang paglalagay ng imburnal at syempre maging ang pagpapasemento ng bangketa ng nasabing mga kalsada.

Sinabi ko rin noong Oktubre 4 na sinimulan ng construction workers ng Jeff Enterprises ang implementasyon ng proyekto ilang araw bago maganap ang eleksyon noong Mayo.

Nabanggit ko rin na ilang araw matapos ang halalan, iniwan na ng Jeff Enterprises ang P19.5 milyong halaga ng proyekto.

Dahil sa pag-iwan sa proyekto, ang mga binungkal na kalsada ay naimbakan ng mga basura at tubig tuwing umuulan.

Ipinarating ko sa DA, sa pamamagitan ni DA Communication Office na si Noel Reyes, noong Oktubre 4 ang pag-abandona sa proyekto.

Kinabukasan, ipinarating ni Reyes sa akin na ipararating ng DA sa FTI ang aking isiniwalat.

Mahalagang masagot ang kinahinatnan ng P19,533,453.54, sapagkat ito ang magpapaliwanag kung bakit iniwan ng Jeff Enterprises ang proyekto ng FTI.

Oktubre na ngayon, kaya mahigit apat na buwan nang iniwanang nakatiwangwang ang proyekto.

Palagay ko naman nanalo ang Jeff Enterprises sa bidding kaya nakuha nito ang naturang proyekto.

Kung hindi, may anomalya kung paano nakuha ng Jeff Enterprises ang P19.5 milyong proyekto.

Ngunit, napakapagtataka talaga kung bakit biglang iniwan ang proyekto.

Hindi pa ba nagbibigay ng pera kahit paunang bayad ang FTI sa Jeff Enterprises upang lumarga ang proyekto?

Mayroong tarpaulin ang nasabing proyekto kung saan nakalagay ang pangalan ng FTI, ang pangalan ng Jeff Enterprises, ang titulo ng proyekto, at syempre ang multi milyong halaga ng proyekto.

Dapat, binabantayan ng mga opisyal ng FTI ang proyekto upang malaman nila ang inaabot nito.

At kung binabantayan ng mga opisyal ng FTI ay pihadong hindi nila hahayaan ang Jeff Enterprises na iwanang nakatiwangwang ang nabanggit na multimilyong halaga ng proyekto.

Gusto ko sanang kunin ang pahayag ng Jeff Enterprises, kaso, ang tanggapan pala nito ay sa Apolinario dela Cruz Street sa lungsod ng Tayabas sa lalawigan ng Quezon.

Dapat makarating ito sa Senate Committee on Agriculture upang habang binubusisi, sinisiyasat at pinag-aaralan nang husto ang hinihinging badyet ng DA para sa 2020 ay matanong ng mga senador ang mga opisyal ng DA at FTI kung bakit biglang iniwan ng Jeff Enterprises ang P19,533,453.54 halaga ng proyekto ng FTI sa Taguig.

Naniniwala akong kailangang mangyari ito upang hindi masayang ang pera ng pamahalaan, upang hindi maulit ang ginawa ng Jeff Enterprises, upang hindi magpabaya ang mga opisyal ng FTI sa susunod na mga proyekto nito, upang managot kung sinu-sino ang mayroong mga kasalanan sa naganap na krimeng pag-iwan sa multimilyong proyekto ng FTI. (BAKBAKAN NATIN /  NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More

MABUTING NAKAPAG-ISIP SI PRRD

NIPIS

NOONG isang linggo bago umalis si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Russia, nagkaroon ng laglagan sa imbestigasyon sa Senado kaugnay sa droga kung saan muling nabuhay ang usapin sa ‘ninja cops.’

Marami pala ang ninja cops na ang original ay pawang mula sa Manila Police District tulad nang unang nabanggit sa pagdinig sa Senate Blue Ribbon committee kung saan sinabi pang isinasalya ng mga pulis na sangkot sa droga ang kanilang mga nakumpiskang bawal na gamot sa drug queen na si Guia Gomez Castro.

Kaya lang biglang nagbago ang takbo ng pagdinig at nauwi sa usapin na ang mga ‘ninja cops’ ay pawang mga alaga umano ni Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde noong siya ang Provincial Director ng Pampanga.

Nagisang mabuti si Albayalde sa Senado na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon matapos ilaglag nina dating Criminal Investigation and Detection Group chief  Gen. Benjie Magalong, ngayon ay mayor ng Baguio City, at Philippine Drug Enforcement Agency director Aaron Aquino.

Bago nagtungo si Presidente Digong sa Russia, nagkaroon umano nang pagkakataon sina Magalong at Aquino na humarap sa una at magsalita ng mga impormasyon hinggil sa droga. Kaya naman nang nasa Russia ang ‘haligi ng bansa’ nasabi nito na dalawang heneral sa PNP ang protektor ng droga.

Nabanggit pa nga umano ni Magalong sa ilang kaibigan niya at kakilala sa media nan ang magtungto sila  kay Pangulong Duterte, napakatapang at lakas ng loob ni Aquino na magsumbong kay Pangulong Duterte subalit pagdating sa Senado ay parang asong bahag ang buntot kaya’t ilang beses niya itong sinabihan na “Aaron, magsalita ka.”

Dahil sa sumbong umano nina Magalong at Aquino kay Pangulong Digong, nabigla na rin ang pangulo sa mga binitiwang salita niya sa Russia  na ‘dalawang heneral ang protektor ng droga sa bansa. ‘

Subalit maaaring nakapag-isip ang pangulo at napag-aralang mabuti ang takbo ng pangyayari sa Senado. Posibleng nabasa rin ng president na may motibo ang mga gumigiba kay Albayalde.

Kasi nga naman, bakit naman kung kailan magreretiro na si Albayalde sa Nobyembre 8 ngayong taon ay saka pa nila ilalabas ang mga pangyayaring may kaugnayan sa droga.

Hindi kaya sindikato ito ng Philippine National Police sa pagtatalaga ng susunod na PNP chief o ng posibleng kapalit ni Albayalde?

Kapag sirang sira o basing basa ang pangalan ng kasalukuyang PNP chief ay hindi na ito papaniwalaan ng tao lalo na ni Pangulong Duterte kaya’t hindi na ito makakapag-endorso ng bata niya sa PNP bilang kapalit niya sa puwesto.

Natural, mauupo ang iba pang contender at higit sa lahat ay ang Davao group o Davao connection.

Kaya naman nabigo ang ilang umaasa na pagdating ni Pangulong Digong ay sisibakin na sa puwesto si Gen Albayalde dahil sa pagputok ng pangalan nito na ‘may alagang mga pulis na sangkot sa droga.’

Mabuti na lang, nabigo ang mga may pakana ng iskandalo dahil naiba ang ihip ng hangin. Pagdating ng pangulo sa bansa, wala muna siyang naging aksyon sa imbestigasyong isinagawa ng Senado at sa halip ay inatasan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa pagkakasangkot ni Albayalde sa ‘ninja cops.’

Kasi nga naman sa hearing sa Senado, puro salita at walang matibay na ebidensiya na magsasangkot kay Albayalde sa mga akusasyon sa kanya.

O, eh di matatahimik na pansamantagal este pansamantala ang mga mandirigmang salto sa plano nila na mapagtulungan ang PNP chief na kung sakali nga namang nakalusot sila sa plano ay posibleng masungkit ng mga bata nila ang puwesto at doon pa lang magkakatotoo na may mga pulis na sangkot sa droga.

Sobrang NIPIS kasi ng mga akusasyon ninyo kay Albayalde. Sana, bago maglabas ng anumang akusasyon, dapat may mga hawak na ebidensiya upang hindi pumalpak ang plano.

Kaya ngayon, doble trabaho muli si Albayalde upang maisaayos ang problemang nilikha ng mga upperclassman niya sa Philippine Military Academy. Parang hindi nag-iisip ang mga ito na ang kasiraan ng puno ng PNP ay kasiraan ng buong kapulisan.

Bakit kaya hindi subakan ni Pangulong Duterte na mula sa Philippine National Police Academy ang ipalit na PNP chief kay Albayalde? Marami namang mahuhusay na opisyal mula sa PNPA pero ipinipilit lagi ang PMA. Baka sakaling kapag PNPA ang nakaupo ay magtulungan ang mga ito sa halip na magkainggitan. (NIPIS / Lea Botones)

Please follow and like us:
Read More