TIRADOR NG GAMIT NG MGA DALAW SA OSPITAL, KALABOSO

jail

(NI SIGFRED ADSUARA)

ARESTADO ng Cavite police ang isang 29- anyos na tirador ng mga gamit sa mga dalaw sa ospital nang naaresto ito habang nag-aabang ng mabibiktima sa Dasmarinas City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Dasmariñas City Custodial Center ang suspek na si  Jeffrey Toledo, binata ng Brgy San Antonio 1, Dasmariñas City, Cavite dahil sa reklamo ni Ronald Enad, 19, isang construction worker ng Mulawin, San Vicente 2, Silang, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Richard Domingo ng Dasmarinas City Police Station. dakong alas-7:20 kahapon ng umaga ng naaresto ang suspek sa loob ng pagamutan ng Dasmariñas City, sa Brgy Burol 2, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa biktima, dakong alas-11:33 ng  umaga noong  October 4 ng tangayin ng suspek ang kanyang Lenovo cellular phone habang nasa loob siya sa male ward ng ospital.
Kahapon ng umaga ay muli nitong nakita ang suspek na pagala-gala sa loob na tila naghahanap ng mabibiktima at hawak pa nito ang ninakaw niyang celfone dahilan upang ipagbigay alam nito kina Abraham Salim Panolong at Efren Donato Reyes, kapwa guwardiya ng ospital na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.
Narekober sa suspek ang cellfone ng biktima.
Nagpaalala naman ang pamunuan ng Dasmariñas City police partikular sa mga dalaw ng ospital na bantayan ang kanilang mga gamit at maging alerto dahil posibleng may galamay pa ang suspek na pagala-gala sa mga ospital.

Please follow and like us:
Read More

FISH VENDOR, KULONG SA DROGA

SHABU-17

(NI FRANCIS SORIANO )

Kasong paglabag sa anti-illegal drugs law sa Caloocan City Prosecutor’s Office ang kahaharapin ngayon ng isang 30-anyos na kelot at fish vendor matapos itong mahulihan ng droga noong Linggo nang tanghali.

Ayon sa ulat na pinarating ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (DEU) head P/Capt. Deo Cabildo kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, naaresto nila ang suspek na si Mecelyn Gomez alyas “Pogi”, 30, ng 226 Macabalo St. Marulas Brgy. 36 nasabing lungsod.

Base sa ulat, nakumpiska ng awtoridad sa suspek ang tatlong transparent plastic sachet ng hindi pa matukoy na halaga na hinihinalang shabu.

Please follow and like us:
Read More

ISA SA HOLDAPER NG TRUCK NA NAG-VIRAL SA TONDO, KINUWELYUHAN

HOLDAPER-2

(Ni RENE CRISOSTOMO)

DAHIL sa isinagawang follow – up opearation ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT), natimbog ang isa sa apat na lalaki na nangholdap ng isang van driver na nag-viral  sa social media sa Mel Lopez Boulevard na dating Road 10, Tondo , Manila.

Napag-alaman sa ulat na iprinisinta ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isa sa suspek na si Christopher Dumapi alyas “Toper”, nasa hustong edad.

“Akala natin magtitino ang mga lokong ito. Lumala pa eh. Hindi lang sila nangunguha ng materyales sa trak. Pinapasok na ‘yung driver,” ayon sa alkalde.

Nabatid na isang netizen ang nakakita sa ginawa ng mga holdaper at nai-video at saka ipinost sa Facebook.

Nakita sa video na  puwersahan binuksan ng apat na kalalakihan sa pintuan ng truck na nakahinto dahil sa  matinding trapik sa naturang lugar.

Inakyat ang driver at saka tinutukan ng patalim ang driver na walang takot na ginawa sa matinding sikat ng araw, habang bitbit pa ang patalim.

Agad namang  nagsagawa ng anti-criminality operation ang tauhan ng MPD SMaRT , para matunton ang mga suspek

Nauna nang nag viral sa social media ang ginawa ng apat na suspek nitong nakaraang Oktubre 6 .

Bukod sa kasong kinahaharap ni Dumapi , nadiskubre pa na may nakabinbin pa itong warrant of arrest sa Manila Regional Trial Court Branch 33.

Kinilala  pa ni Moreno ang tatlo pang suspek na sina Jack Dumapi, Junjun Barola, at Jimwell Jimenez na patuloy na tinutugis .

Gayunman , pinasalamatan naman ni Isko ang netizen na kumuha ng video ng panghoholdap.

“Maraming salamat sa iyo. Kung hindi dahil sa’yo, hindi mo inupload, hindi natin mabibigyan ng hustisya ang ginawang pang-aabuso sa driver ng truck,” ayon sa alkalde.

Nanawagan naman si Moreno sa mha kaanak ng iba pang mga suspek na isuko ang mga ito at harapin ang ginawa nilang criminal.

Please follow and like us:
Read More

MGA KANDIDATA SA MISS EARTH MAY COURTESY CALL SA KAPITOLYO NG MISAMIS ORIENTAL

MISS EARTH

PARA sumikat lalo ang  local tourism, several candidates for this year’s Miss Earth Beauty Pageant ay bumisita sa   Cagayan de Oro and Misamis Oriental kahapon,  October 6 hanggang  Oct.8 na parte ng mga pre-pageant activities. Among the activities lined up for the beauties include a fashion show at Centrio Mall, mangrove planting at Tubajon Aquamarine Park in Laguindingan and visit at Initao-Libertad Protected Seascape & Landscape.

Duamating kahapon ang mga, kandidata mula Austria, Italy, Croatia, Malta, Puerto Rico, Brazil, Paraguay, Kenya, Reunion Island, China, Tonga, India, Liberia, at Vietnam. May courtesy call sila sa kapitolyo ngayong Lunes, October 7.Kasama nila si Miss Philippines Air 2019 Ana Monica Tan  na taga-Misamis Oriental bilang tour guide nila.

MISS EARTH  2019 MALAPIT NA!

Miss Earth 2019; Date: October 26, 2019: Entertainment: Shontelle: Venue: Cove Manila at Okada Manila, Parañaque,( Broadcaster: Philippines)

Miss Earth is an annual international environmental-themed beauty pageant promoting environmental awareness. The contest is the third largest beauty pageant in the world in terms of the number of national-level competitions to participate in the world finals. Along with Miss Universe, Miss World, and Miss International, this pageant is one of the Big Four international beauty pageants – the most coveted beauty titles when it comes to international pageant competitions. The reigning titleholders dedicate their year to promote specific projects and often address issues concerning the environment and other global issues through school tours, tree planting activities, street campaigns, coastal clean ups, speaking engagements, shopping mall tours, media guesting, environmental fairs, storytelling programs to children, eco-fashion shows, and other environmental activities. The Miss Earth winner is the spokesperson for the Miss Earth Foundation, the United Nations Environment Programme and other environmental organizations. The Miss Earth Foundation also works with the environmental departments and ministries of participating countries, various private sectors and corporations, as well as the World Wildlife Foundation.

oOo

PINOY HOLLYWOOD PRODUCER

ARSY-GRINDULO.jpgSI Arsy Grindulo Jr., ay self-made Fil-Am high-profile businessman from California who has established WFL Productions. Pinakilala siya ng fave singer at actress at  former Mutya ng Pilipinas titleholder  na US-based na for the longest time Rosemarie De Vera, who still performs in gigs and concerts in the place where her family is based sa Diaryo Bomba senior columnist George Vail Kabristante na gumawa ng feature article about him.

Arsy caught the local cinema world by storm, bringing into the country a multi-awarded movie for local distribution titled “Ascension,” a sci-fi horror-suspense-thriller directed by Ross Wachsman, a graduate of Yale University and USC School of Cinematic Arts and a recipient of the prestigious Annenberg Fellowship awards.

“Ascension” is co-executive produced by Max Borenstein, a creator, writer and producer of Steven Spielberg’s “Minority Report” series on Fox. He is also the writer of worldwide box office hit “Godzilla, Kong: Skull Island” and the 2019 blockbuster film “Godzilla 2.”

oOo

BRITISH-SPANISH STAR ANA MULVOY TEN

Ana_Mulvoy-TenThe female lead is Ana Mulvoy Ten known for playing the character of Amber Millington on the British boarding school drama, ‘House of Anubis.’

Mulvoy, who plays Angela, has some mental issues, but strives to maintain harmony with her family.

Mulvoy, who plays Angela, has some mental issues, but strives to maintain harmony with her family. She takes care of her little sister Chloe while keeping peace with her difficult older sister Becca who shows extreme bizarre behavior. Angela believes she is possessed by an “otherworldy” force with evil intentions for their little sister.

The second film, “A Mermaid for Christmas,” is co- executive produced by Arsy with Michael Caruso, an actor, director and writer known for “DeVanity,” “Winterthorne” and “Ladies of the Lake: Return to Avalon.”

Another co-producer is Kyle Lowder, a leading actor of the daytime soap operas known for his role as Brady Black on “Days of Our Lives” and as Rick Forrester on the “Bold and the Beautiful.”

Said mermaid movie combines classic Christmas themes with an escapist feel-good fantasy for the family in time for the coming holiday season.

The local theatrical release of said ventures is under Madame Lea Javier, a respected veteran in the mainstream booking circuit for independently produced films and with the imprimatur of Dominic Du, the top honcho of marketing and booking industry in the country.

Arsy Grindulo Jr. dreams of co-producing a globally appealing romantic feature film with serious local actors and craftsmen. This, of course, depends on the outcome and commercial success of the two films at hand, so-called his baptism of fire.

We suggested a lot of local box-office stars kay Arsy like the KathNiel at KathDen for his global film. Ang kilala lang ng asawa niya na may subscription ng The Filipino Channel ay si Kim Chiu lamang. ( NI KC GUERRERO)

Please follow and like us:
Read More

DATING PULIS TININGA SA ULO

GUNMAN-3

(Ni ROSE G.PULGAR)

Binaril sa ulo ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin ang isang dating pulis Pasay habang kumakain kasama ang kanyang anak sa isang karinderia at isang babae naman ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala kamalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead on the spot sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Joselito Lopez,46 anyos, dating nakalatalaga sa  Station Intelligence Unit ng Pasay City Police at naninirahan sa sa Apelo Cruz St. Extention, Malibay Pasay City makaraang magtamo ng dalawang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo.

Samantala patuloy naman nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang ginang na nakilalang si Arlene Israel,31 anyos, nakarira sa no. 455 Tramo St. EDSA  nang nasabing lungsod makaraang tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang hita.

Batay sa isinumiteng report ni Police Col. Bernard Yang, hepe  ng Pasay City Police  dakong alas 10:55 kamakalwa ng gabi nang maganap ang pamamaril habang kumakain ang biktima kasama ang kanyang anak na lalaki na nasa edad na 21 sa Cusi-Nah Resturan na matatagpuan sa Zamora St. Barangay 95 Zone 11 nang lapitan umano ng dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin at sabay na pinaputukan ng dalawang beses sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Natulala na lamang ang anak na binata ng duguang bumagsak sa harap niya ang kanyang ama.

Matapos  ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng isang hindi naplakahang motorsiklo sa di batid na direksyon.

Hindi pa mabatid ng Pasay City Police kung may kinalaman sa dating trabaho ni Lopez ang ginawang pagpatay sa kanya.

Si Lopez ay dating nakatalaga sa Intelligence Unit at sa Drug Enforcement Unit sa nasabing lungsod.

Base sa report , may kinakaharap umano ng kaso ang nasabing pulis sa Office of the Ombudsman (hindi na binanggit na kaso) hanggang sa nagkaroon ng dismissal at natanggal sa serbisyo.

Sa ngayon ay inatasan naman ni Col Yang ang kanyang mga imbestigador na magsasagawa ng masusing imbestigasyon hinggil dito at busisisiin din ang close circuit television (CCTV) camera kung nahagip ito para sa pagkakilanlan ng mga salarin.

Please follow and like us:
Read More

2 TANOD TODAS SA PICK-UP

accident12

(Ni JG TUMBADO)

Dedbol ang dalawang barangay tanod matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pick-up sa Barangay Bugo sa Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Saturnino Taburnal, 60-anyos at Benjamin Lumani, 62-anyos na kapwa barangay tanod sa Barangay Casinglot sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Lumalabas sa imbestigasyon na, nakainom ng alak ang dalawa at maaaring nabahala na masita sa checkpoint lalo’t wala silang suot na helmet.

Sa pagmamadali ay nagpagewang-gewang umano ang takbo ng motorsiklo kaya bumangga sa kasalubong na pick-up.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi ng Toyota Hi-Lux na minamaneho ng isang Arl Saluaga Rellido, 46-anyos ng Sta. Ana, Tagoloan sa Misamis Oriental.

Nahaharap sa kasong reckless Imprudence resulting in multiple homicide si Rellido na kasalukuyang nakaditine sa himpilan ng pulisya.

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NG PULIS NILOOBAN: 1 BULAGTA, 1 ARESTADO

buy-bust dead

(Ni NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang suspek habang arestado naman ang isa pa matapos pasukin at pagtangkaang nakawan umano ang bahay ng isang opisyal ng pulis sa bayan ng President Quirino, Sultan Kudarat, Linggo ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Taras Duma Abdul, 35-anyos, samantalang ang nadakip na kasamahan nito ay nakilalang si Aries Mamolandi, 20 y/o kapwa tubong Buluan, Maguindanao.

Ayon sa President Quirino Municipal Police Station (MPS) pasado alas-6:00 ng gabi nang madatnan ni P/MSgt. Noel Fortez galing sa kanyang mahabng duty na na bukas ang main door ng kanyang bahay sa Purok Cadena de Amor, Barangay Poblacion, sa nasabing bayan.

Naging alerto ang pulis kaya dahan-dahan umano itong pumasok  sa kanyang bahay hanggang sa makita nito sa loob ang isang lalaki na may hawak na .45-kalibreng baril, na mabilis na tumakas sa likurang bahagi ng bahay kasama ang isa pang suspek matapos niyang komprontahin.

Agad namang nakatawag si Fortez sa kanyang mga kasamahang pulis na naglatag ng checkpoint sa palibot ng nasabing Barangay habang hinahabol naman nito ang mga suspek.

Sa gitna nang habulan pinaputukan ng isa sa mga supek si Fortez kaya napilitan itong gumanti at napuruhan si Abdul na agad nitong ikinamatay habang nadakip naman ang kasabwat na si Mamolandi.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang kanilang getaway tricycle, isang fragmentation grenade, isang .45-caliber pistol, isang 9mm pistol, shabu at mga paraphernalia.

Naniniwala naman si P/Lt. Col. Lino Capellan, spokesperson ng Police Regional Office 12, na ang dalawang suspek ang nasa likod ng mga kaso ng nakawan at holdapan sa President Quirino at sa mga kalapit na bayan nito tulad sa Lambayong, Isulan and Tacurong City sa Sultan Kudarat, at Buluan, Maguindanao.

Nakakulong ngayon ang naarestong si Mamolandi sa detention cell ng President Quirino MPS habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Please follow and like us:
Read More

HEAD NURSE, TINODAS NG TANDEM

riding

(Ni NILOU DEL CARMEN)

Patay ang isang babaeng head nurse matapos na ito ay pagbabarilin ng riding-in- tandem suspect habang nagmamaneho ng kanyang sports utility vehicle   (SUV)  sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna Linggo ng gabi

Kinilala ang biktima bilang si Arlene Saludo, 44-anyos, residente ng Barangay Batino, head nurse ng Calamba Doctor’s Hospital.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, inihatid umano ng biktima ang kanyang anak na lalaki at bumaba na  Mayapa Road, malapit Canlubang exit ng lumapit ang isa sa mga suspek at pagbabarilin ito.

Mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang salarin matapos ang pamamaril.

Isinugod naman sa kalapit  lamang na San Jose Trauma Hospital and Medical Center ang biktima subalit ideneklara na itong dead on arrival ng doktor dahil sa mga tinamong tama ng bala sa leeg.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at nangangalap na rin ng mga CCTV footages sa lugar para makilala ang mga salarin.

Please follow and like us:
Read More

P10.2M SHABU NAKUMPISKA SA HIGH VALUE TARGET

High Value Target

(Ni KOI HIPOLITO)

ARESTADO ng mga operatiba ng Bohol Provincial Police Office ang dalawang suspek sa magkahiwalay na drug buy-bust operation kabilang ang itinuturing na high alue target  sa buong probinsiya noong Linggo ng hapon sa Barangay Cogon, Tagbilaran, Bohol.

Nakilala ang suspek na si Alan Ben Caberte, 46, Level 2 High Value Target ng buong probinsya sa Bohol at  residente sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, nag-ugat ang nasabing operasyon matapos na unang masakote ng mga otoridad ang isang tulak na si Eva Marie N. Osiones sa Barangay Tiptip at inginuso si Caberte bilang kanyang supplier kaya’t agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at inilatag ang nasabing operasyon laban dito subalit nakahalata ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon at nagtatakbo ito sa loob ng kanyang bahay na agad naman hinabol at nakorner ng mga kapulisan at nadiskubre ang 1.5 kilo ng mga pinaghi-hinalaang shabu na meron street market value na 10,200.000. at nakuha din sa posisyon ng suspek ang P100.000. bill na marked money.

Sinasabing si Caberte ay tauhan ng isang drug lord na nakakulong ngayon sa New Bilibid Prison base narin sa nakuhang impormasyon sa mga text messages sa cellphone ng suspek.

Mahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Violation of Sec.5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002) sina Caberte at Osiones na parehong nakakulong na sa Tagbilaran Custodial Facility.

Please follow and like us:
Read More

RURU NAKAPAG-SENSUALITY WORKSHOP

RURU MADRID-3

boy abundaAliw ang kuwento ni Ruru Madrid na so far, hindi pa talaga masasabing nagta-tackle ng mga sensitive roles tulad ng isang gay at may intimate scenes sa kapwa niya actor.

Puwedeng sabihin na sa kabila ng ganda ng katawan ngayon ng Kapuso actor at nagpo-post din naman ito sa kanyang social media account na naka-topless siya, pero hindi naman daw niya nililimitahan ang sarili niya rito.

“Ako, as long as kailangan talaga sa istorya, kailangan talaga sa eksena, gagawin ko siya. May limitation siguro.”

Open daw siya sa gay role, kissing scene. At dito nga niya naikuwento ang sensuality workshop na nasalihan niya.

“Yung gay role kaya ko, pero hindi ko pa alam kung kakayanin kong makipag-molmol sa kapwa ko actor. At dito niya naikuwento ang ginawa niyang exercise kasama ang Kapuso male star rin na si Mike Tan sa pa-workshop ng GMAAC kay Anthony Vincent Vova.

Sabi ni Ruru, “Actually yung nangyari, sensuality workshop. Eh ako, matigas ako. Hindi ko inexpect na nagmukha siyang babae sa paningin ko.

“Grabe yung yakapan namin, so ganun na katindi. Hindi kami naghalikan, pero mapi-feel mo yung tension talaga.”

Sa ngayon, sa romantic drama na “Cara x Jagger” muna mapapanood si Ruru at magpapakilig kasama ang leading lady niya na si Jasmine Curtis-Smith under APT at Cignal Entertainment at ipalalabas na sa November 6.

Natuwa si Ruru nang marinig ang comment ng ilang press na may chemistry rin sila on-screen ni Jasmine.

oOo

CRISTINE ITINATAGO SA ANAK ANG PAG-IIYAK

May mga nakakapansin palang netizens kay Cristine Reyes na nagbago raw ito o malaki raw ang pinagbago from before. Para raw bigla itong naging tahimik at reserved.

Isa sa comment, “She used to be really fun, loud & out-of the-box personality before.. pero now shes quiet and reserved. pain really changes you.” Dugtong naman ng isang netizen, “pain and motherhood changed her.”

Ang pinanggagalingan ng comments ay nang mag-guest si Cristine sa Tonight with Boy Abunda at bigla na lang itong napaluha nang matanong tungkol sa betrayal.

“Marami na, marami na akong na-ecounter na nagsinungaling,” sey ni Cristine.

“Iba’t-ibang rason.”

Para kay Cristine, betrayal o panloloko na raw ang pagsisinungaling kapag nasa isang relasyon ka.

Sey pa niya, “Ako, dun pa rin ako sa honest na tao. Ang hirap pagtiwalaan ng taong nagsisinungaling.”

Matagal nang nabalita na hiwalay na si Cristine sa asawa nitong si Ali Khatibi. At sa halos karamihan ng events na pinupuntahan ng actress, ang anak niya lang ang kasama niya.

Hindi nagdedetalye si Cristine sa dahilan ng hiwalayan nila, pero may halo kaya itong pagsisinungaling o panloloko dahil habang sinasagot ni Cristine ang tanong ni Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda ay bigla itong naging emosyonal at naiyak.

Cute na cute nga kami nang umattend ng ABS-CBN ball si Cristine na sa halip na lalaki o mag-isang rumampa sa red carpet, ang anak niyang babae ang nagsilbing escort niya o date niya.

Puwedeng sa pakikipagrelasyon o sa mga na-link kay Cristine in the past, kung may maibabato o makukuwestiyon man sa kanya, pero bilang Nanay, walang-duda na kung gaano siya kabait na tiyahin sa mga pamangkin, mas lalo na sa anak nila ni Ali na si Amarrah.

Tinanong tuloy si Cristine ni Kuya Boy kung down ito, nakikita ng anak na umiiyak siya.

“I try to hide it,” naluluha pa rin sagot ni Cristine.

“Kasi, kailangang makita ako ni Amarrah na– kailangang meron siyang someone na alam niyang will stand for her and I wanna be that person na alam niya, kaya siyang protektahan.”

Please follow and like us:
Read More

RIDER NAG-OVERTAKE, PATAY SA PUNO

accident12

(SIGFRED  ADSUARA)

DAHIL sa punongkahoy na hindi pa napuputol sa ginagawang road widening, nasawi ang isang 20-anyos na estudyante habang sugatan ang dalawang angkas nito nang bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa puno sa ginagawang road widening sa Silang, Cavite.

Dead-on-arrival sa Tagytay Medical Center ang biktimang si John Rey Erci ng Brgy Ulat, Silang, Cavite habang inoobserbahan pa sa nasabing opsital si Gerald Tamundong, 17 ng  Brgy. Putting Kahoy Silang, Cavite at  John Michael Palino , 19, kapwa estudyante at residente ng Brgy. Iruhin Central Tagaytay City, Cavite.

Sa ulat ni Corporal John Aldrine Patam ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-9:00 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente sa Brgy Pasong Langka, Silang, Cavite kung saan magkaka-angkas ang tatlo sa isang motorsiklong Kawasaki MC.

Ayon kay Patam, galing  ang nga biktima sa anibersaryo ng kanilang kapatiran at papauwi na ang mga ito at pagsapit sa nasbaing lugar nang tinangka nilang mag-overtake sa isang sasakyan, gayunman, pang-arangkada ng kanilang motorisklo nang tumama ito sa isang punong kahoy.

Isinugod ang tatlo sa ospital subalit namatay habang ginagamot si Erci.

Inaalam din kung nakainon ang magbabarkada. .

Ayon kay Patam, ang nasabing punongkahoy ay nasa gitna pa ng kalsada sa isang ginagawang road widening na hindi pa napuputol.

Please follow and like us:
Read More

BUHAY GURO SA BAHAY KUBO

GURO-3

(Ni Mac Cabreros / Unang labas)

TAON-TAON ay nagpupugay ang buong mundo sa mga guro na siyang tumatayo bilang pangalawang magulang ng mga bata.

Mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 ay ipinagdiriwang ang National Teachers’ Month samantalang deklarado bilang World Teachers’ Day ang Oktubre 5. Panahon ito ng pagkilala at papuri sa mga guro. Panahon ng pagbibigay ng bulaklak, mabubuting talumpati at paulit-ulit na pagbigkas ng mga linyang “Pagtuturo ang Pinakamarangal na Propesyon.”

Bukod dito, panahon din ito ng mga diskuwento sa mga produkto o serbisyo na iniaalok sa mga guro mula spa, buffet restaurant, sine, derma cli­nic, amusement park at maging funeral service.

Ikinalulugod ng Department of Education (DepEd) ang mga discount na ito. Maging sa hanay ng mga ay ikinatutuwa rin ang mga ga­nito kung saan nakikiisa ang pribadong sektor sapagkat ipinakikita nito ang dalawang bagay – pagkilala sa pagdiriwang sa natatanging araw ng mga guro na nararapat lamang bigyan ng diskuwento sa ilang mga produkto o serbisyong hindi abot-kaya ng mga guro sa isang normal na sitwasyon.

Ngunit sapat ba ito para kina Maam at Sir?

Ayon sa grupong Teachers’ Dignity Coalition: Sa kabila ng pagpapasalamat, nais naming ulit-ulitin na hindi sapat ang mga diskuwentong ito upang ibsan ang aming paghihirap o pagpapakasakit para sa kapakanan ng mga bata at ng bayan. Hindi nito naiiangat ang antas ng aming propesyon.

May punto ang grupo. Ayon sa mga eksperto sa financial literacy, ang mga diskuwento ay hindi nakatutulong upang makatipid, bagkus lalong nagtutulak lamang sa indibiduwal upang gumastos o bumili ng produktong mas mura kahit hindi priyoridad na pangangailangan. Bukod dito, tila nawawalan ng saysay ang benepisyo dahil hindi naman napapakinabangan ng nakararaming guro dahil nasa National Capital Region (NCR) at palibot nito gayundin sa iba pang rehiyon ang mga establisyimentong nagkakaloob ng diskuwento.

“Ang mga discount ay panandalian, kung hindi man ay pang-uuto lamang.

Ang kailangan naming ay pagbibigay ng mga pangmatagalang solusyon sa aming suliraning pangkabuhayan,” pahayag TDC.

“Ang kailangan namin ay makatarungang sistema ng pasahod na hindi nakatali sa salary standardization law (SSL). Ang kailangan namin ay P10, 000 across-the-board na umento para sa mga guro at kawani ng DepEd,”

“Ang kailangan namin ay P10,000 teaching aids allowance. Ang kailangan namin ay pagpapatupad ng overtime pay, special hardship allowance, free medical service at hospitalization, paid study leave at iba pang benepisyong itinatakda ng Magna Carta for public School Teachers o RA 4670,”

“Ang kailangan namin ay makalaya sa mga ‘di makatarungang polisiya ng GSIS. Ang kailangan namin ay ang tunay na pangangalaga at malasakit ng DepEd at buong pamahalaan!” deklara TDC.

Sinabi pa ng grupo na: “kung hindi ito maibibigay o maipararamdam man lang sa mga guro, mananatiling hungkag ang selebrasyon ng National Teachers Month at World Teachers’ Day.” May Karugtong

Please follow and like us:
Read More

FIFA WORLD CUP BID SISIMULAN NG PSC

fifa world cup-1

(ANN ENCARNACION)

DUMATING kahapon ang mga opisyales ng mga bansa sa Asya para sa 5th ASEAN Ministerial Meeting (AMMS-5) on Sports at Senior Officials Meeting on Sports (SOMS-9) na pangungunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman Wil-liam “Butch” Ramirez.

Ang AMMS-5 at SOMMS-9 ay magsisimula ngayong araw ng Lunes sa Sofitel Hotel, Pasay City at magtatapos sa Oktubre 10.

Kabilang sa tatalakayin ang mga malalaking regional projects at activities base sa napagkasun-duan sa ASEAN Work Plan on Sports for 2016-2020.

Kabilang sa ASEAN Work Plan on Sports for 2016-2020 ang ASEAN bid para sa pagsasagawa sa rehiyon ng FIFA World Cup, pagbubuo ng eSports SEA Foundation.

“It will be a series of meetings set by the ASEAN secretariat themselves,” sabi ni PSC Executive Director Merlita Ibay, siya din magsisilbing point person sa naturang mga pagpupulong.

Magpapartisipa ang mga delegasyon mula sa UNESCO, SEARADO, FIFA, UN Women, ASEAN Chess Federation, ASEAN Para Sports Federation, ASEAN Football Federation, at Right to Play Thailand Foundation.

Please follow and like us:
Read More

PAGBUHAY SA ‘NINJA COPS’ MAY HIDDEN AGENDA BA?

KAAA BOOM

ANO nga ba ang totoo sa isyu ng pagbuhay sa tinaguriang “ninja cops”? may hidden agenda ba o isa lamang black ope­ration para sirain ang hanay ng Philippine National Police (PNP) na ngayon ay pinamumunuan ni PNP Chief Genaral Oscar Alba­yalde? Bakit ganito ang aking katanungan?

Kasi, Nobyembre 8, 2019, magreretiro na sa serbisyo si General Albayalde tapos biglang lumutang ang matagal nang isyu ng ninja cops? Sa nasabing petsa,  singkuwenta y sais na siya, ang “compulsory age” para sa retirement ng isang pulis at paglisan nito sa PNP.

Simula nang maupo noong Abril 2018 si Albayalde, hindi matatawaran ang kanyang accomplishment lalo na ang pagsuporta sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa ile­gal na droga.

Ipinagpatuloy nito ang sinimulan noon ni dating PNP chief at ngayo’y Senador Ro­nald “Bato” Dela Rosa at makikita natin na naging matagumpay ang operasyon ng PNP para hulihin ang mga drug lord partikular na sa National Capital Region na pinamumunuan ni P/Major General Guillermo Lo­renzo Eleazar.

Hindi lamang puro droga ang matagumpay na inatupag ng PNP kundi pati na rin ang pagbaba ng krimen kung saan nang maupo si Albayalde hanggang nitong mga nagdaang linggo ay walang narinig na nega­tibo laban sa PNP chief – ibig sabihin, maayos ang pagpapatakbo ni Alba­yalde sa PNP.

Pero ngayong nalalapit na ang kanyang pagreretiro, bakit kaya biglang nagkaroon ng negatibong isyu laban sa PNP? Binuhay ang ‘patay’ nang ninja cops.

Dahil sa sinasabing karamihan sa ninja cops ay nasa NCR (Metro Manila), minabuting makipag-coordinate kamakailan ni NCRPO Director, PMaj. Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar kay PDEA Chief, Gen. Aaron Aquino para tingnan ang talaan.

Hayun, lumalabas pala sa talaan na karamihan na nasa listahan ay hindi na aktibo – AWOL na. Simula nang malaman nilang kabilang na sila sa sinusubaybayan ng PNP ay nag-AWOL na ang mga ito. So, hindi na sila pulis o matatawag na ninja cops. Hindi na pulis e. Malinaw! Ano pa man, hinahanting na ang mga nalalabi pang nag-AWOL na pulis.

Maalala ko nga noong bagong upong QCPD Director si Eleazar, hindi matatawaran ang kanyang giyera laban sa ninja cops sa Kyusi. Buong unit ng Batasan Police Station 6 – Station Drugs Enforcement Unit ay kanyang pinagsisibak matapos na masangkot sa droga ang ilan sa kanila. Pinagsisibak din niya ang bumubuo ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) nang ilan ding pulis dito ang nasangkot sa pag-recycle ng droga. Isa nga sa kanila ay napatay sa buy-bust operation ng QCPD.

Kung susuriin, ang sentro ng isyu sa pagbuhay ng ninja cops ay sa NCR. Indirectly tinitira ang NCRPO dahil res­ponsibilidad daw nito ang pulisya sa bawat sulok ng Metro Manila. Sino ang hepe ng NCRPO ngayon, hindi ba si Eleazar?

Inaasahan din na si Elea­zar ang ieendorso ni Albayalde kay Pangulong Duterte na ipapalit sa kanya.

Ngayon, ba’t pilit na ginigiba ang kredibilidad ni Albayalde? Para sabihin na walang kuwenta ang kanyang irerekomenda bilang susunod na PNP Chief? KAAA … BOOM! (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

TALO ANG TAXPAYERS SA PAGIGING OWWA OFFICIAL NI MOCHA

CHRISTIAN BOMB

BINATIKOS ng publiko ang mu­ling pagbibigay ng posisyon sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang avid supporter na si Mocha Uson.

Si Uson na da­ting board member ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) at da­ting assistant secretary ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) ay itinalaga ni Pres. Duterte bilang deputy executive director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Hindi ito nagustuhan ng publiko dahil mistulang ipinakikita ni Pres. Duterte na kahit walang sapat na kuwalipikasyon, basta’t supporter niya ay magkakaroon ng posisyon sa pamahalaan at tatanggap ng malaking suweldo.

Noon pa man ay tutol na ang iba’t ibang sektor na mabigyan ng posisyon sa gobyerno si Uson dahil kilala ito bilang tagagawa ng fake news sa social media, pero sa kabila nito ay itinalaga pa rin ito ni Pres. Duterte sa iba’t ibang posisyon sa pamahalan.

Ngayong OWWA official na si Uson, siya ay may salary grade 29, na ibig sabihin ay tatanggap siya ng buwanang suweldo ng mahigit P155,000, bukod pa sa ibang biyayang kanyang matatanggap bilang go­vernment official.

Iyan ang hindi matanggap ng publiko, na ang tulad ni Mocha na tinaguriang ‘fake news queen’ sa social media, ay pasusuwelduhan ng taumbayan ng ganyan kalaking halaga.

Ika nga, sa pagiging OWWA deputy executive director ni Uson, talo ang taxpayers.

oOo

TIMBRE: Pa­ging PNP Chief General Oscar Albayalde… Sa Dasmariñas, Cavite ay nagbalik daw ang operasyon ng color games ni alyas “Jessica”. May drop balls at beto-beto naman daw sa Alabang, Muntinlupa City si alyas “Baby”. Namamayagpag na raw ang jueteng ni alyas “Ronald” sa Abra at isang alyas “Bong” daw ang may pa-video karera sa Cainta, Rizal.  (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

SIRANG BAHAY

yourservice

UNTI-UNTING lumalabas ang mga pangyaya­ring bumabalot sa pagkamatay ng isang kadete sa Philippine Military Academy. Matapos ang pagkamatay ni Cadet Dormitorio, araw-araw nating nabalitaan, ayon na rin sa ulat ng Baguio Police, ang mga pangyayaring naganap mula nang siya’y pumasok sa PMA hanggang sa oras ng kanyang pagkamatay.

Hindi na panlulumo ang nararamdaman ng karamihan — kundi galit. Isang kabataan ay walang awang binugbog, sinaktan, minaltrato at pinatay — oo pinatay, ng mga taong dapat ay siyang mag-aruga, magturo at magbigay ng gabay at ins­pirasyon sa mga bagong kadete. Ngunit kabaliktaran yata ang nangyayari sa loob ng mga pader ng institusyong ito — tila nagiging lugar ito kung saan binibigyan nila ng pagkakataong ilabas ng mga kadete ang kanilang karahasan sa mga walang labang kadete. Alam naman nating lahat na mahirap maging sundalo, at nangangailangan nilang magsanay sa pakikibaka. Ngunit, kasama ba rito ang pananakit ng mga walang kamalay-malay na kabataan? Kasama ba sa pagsasanay ang sistematikong kaugaliang pananakit ng mga batang plebo na walang laban? Ganito na ba natin sinasanay ang ating mga sundalo at mga magiging pinuno ng ating bansa — na manakit nang mas bata dahil hindi ito lalaban at madali itong takutin?

Nung una, tatlo lang daw ang maaaring sampahan ng kaso ngunit sa isang bagong ulat mula sa mga pulis — kasabwat din pala ang mga ka­klase niya sa pananakit kay Dormitorio. Ganun ba ang tinatawag nating pakikipag-isa — sama-sama bang saktan ang isang kasamahan upang maipakita natin na nagkakaisa tayo bilang mga sundalo ng kinabukasan?

Marami ring nagsasabing kasama sa kultura ang hazing. Na mas magiging matatag kang sundalo kung ikaw ay dumaan sa hazing. Hindi ako sundalo, hindi ko maaring bigyan ng opinyon ang pag-iisip ng ganito ngunit mayroon lamang akong tanong — mas nagiging matatag ba ang sundalo kung natututo siya sa murang gulang na manakit ng kapwa kadete? Nagiging matatag ba ang isang sundalo kung iniisip niyang tama ang pananakit at pagpatay sa isang kadete sa ngalan ng pagkakaisa?

Sa aking munting palagay — maling-mali ang nangyari. At kahit ano pang palusot sa ngalan ng kaugalian, pagsasanay o kultura sa loob ng PMA, ay hindi maitatama ang nangyari na. Ang totoo’y, hinahayaan ninyong maging asal animal ang inyong mga kadete, binibigyan ng pagkakataong manakit sa ngalan ng pagkakaisa — hindi naman natin pwedeng sabihing ito’y ginagawa nila sa ngalan ng karangalan. Maling-mali at masama ang nangyari. Ngayon niyo ipakita ang karangalan at pagkakaisa sa oras ng paglilitis. Ngayon niyo sabihin ang inyong mga palusot sa lahat ng magulang na nawalan ng anak dahil sa kaugaliang ito. Sira ang sistema, sira na ang bahay ninyo.

Panahon na isipin natin ang isang totoo at makabuluhang pagbabago sa pamamalakad ng institusyong ito. May magsasabing hindi lamang sa PMA kundi sa ibang paaralan din may hazing — dahil ba ito’y nagaganap din sa iba, ito’y tama na? Sa suma tutal, sa huling paglilitis — walang kabutihan ang naidulot kundi ang paghubog ng mga tao, na sa murang edad pa lamang ay maituturing nang — mamamatay tao. (@YOURSERVICE / ATTY DAVID AQUINO)

Please follow and like us:
Read More