PASLIT, GINAHASA SAKA PINATAY

RAPE-6

(Ni ANNIE PINEDA)

KAAWA-AWA ang sinapit ng isang batang babae matapos gahasain saka patayin ng hindi pa kilalang suspek, nang matagpuan ang walang saplot na bangkay nito sa masukal na bahagi sa Camarines Sur.

Kinilala ang biktimang si Jasmine Rentorua Bellen, 5-anyos, at nakatira sa Brgy. Marangi sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur.

Batay sa report ng pulisya, 1:25 ng madaling araw dumulog sa tanggapan ng San Fernando-PNP ang magulang biktima para ipa-blotter ang anak nito na nawawala .

Ayon sa magulang ng bata, pumasok ang anak nito sa paaralan at hindi na nakauwi pa kaya labis ang kanyang pag-aalala.

Kinabukasan ng Sabado, alas 9:45 ng umaga, natagpuan ng ilang residente ang bangkay ng bata sa masukal na lugar at wala na itong saplot katabi ang bag at payong nito.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan sa suspek at mapanagot sa karumal-dumal na ginawang krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

RODJUN CRUZ AT DIANNE MEDINA IKAKASAL NA

RODJUN CRUZ-DIANNE MEDINA

pwede ed deleonNakipagkita na sina Rodjun Cruz at  Dianne Medina kay Rev.Fr. Reginald Malicdem na siyang rector ng Manila Cathedral para sa kanilang canonical interview. Iyang Canonical interview, o kung minsan ay tinatawag ding pre-nuptial interview ay pakikipag-usap ng paring magsasagawa ng kasal ng dalawang tao upang matiyak ang kanilang tunay na damdamin sa pagpapakasal, at kung wala ngang magiging impediment sa kanilang kasal sa simbahan.

Para sa simbahang Katolika kasi, iyang kasal ay hindi isang seremonya lamang kung di isang sakramentong ibinigay ni Kristo, kaya nga kailangan ang lahat ng paghahanda para matiyak na maayos ang pagdiriwang ng sakramento ng kasal.

Karaniwang pagkatapos niyang canonical interview, ang simbahan ay nagpapalabas pa ng wedding banns, ito iyong abiso na gusto na nga nilang magpakasal. May announcement na ginagawa tungkol sa mga bagay na iyon sa loob ng tatlong araw ng Linggo, para kung may tumututol sa kasal, o kaya ay may nakakaalam ng kahit na anong bagay na makakapigil sa kasal ay magkaroon ng panahon na iyon ay maiparating sa paring magkakasal.

Maliban diyan, kailangan ang marriage license na kinukuha naman mula sa gobyerno, dahil bagama’t ang kasal ay isang sakramento, kinikilala ng simbahan ang lahat ng mga batas na legal na ginagamit ng pamahalaan para ang kasal ay mapanatiling legal.

Pagkatapos ng lahat ng iyan at saka pa lamang ang kasalan. Sa ngayon ganyan sila kaingat sa pagdiriwang ng sakramento ng kasal lalo na nga sa simbahan. Hindi na puwede iyong mga ministro ng kung anu-anong iglesiang walang simbahan at nakatayo lang sa city hall.

oOo

SA OUR LADY OF MT. CARMEL BASILICA ANG HULING MISA PARA KAY AMALIA

Inaasahan nilang magiging matahimik ang paghahatid sa movie queen na si Amalia Fuentes bukas pagkatapos ng isang misang gaganapin sa Our Lady of Mt.Carmel Basilica sa New Manila, Quezon City. Ang huling misa para kay Amalia ay sa ganap na alas 8 ng umaga. Hindi nila sinabi kung saan ang kanyang huling hantungan, para maiwasan na nga ang pagkakagulo ng mga tao sa kanyang libing.

Gusto ng kanyang pamilya na iyon ay maging pribado, para sa kanila na lamang.

oOo

NAGING P.W.D. ANG MALE STAR NANG MAKA-NIIG ISANG GABI SI DAKOTANG AKTOR

“Magugulat nga ang girlfriend niya sa laki ng male star na iyan. Mas biggie siya kaysa sa kuya niya, at mas hot pa iyan kaysa sa isang kuya niya na naging male sexy star noong araw”, sabi ng isang showbiz gay, na nagyayabang na natiyempuhan na niya ang male star na nasa blind item noong isang araw. May tsismis pa nga siyang isang gay male star din ang hindi raw nakalakad nang diretso nang apat na araw matapos na maka-date noon si male star, “at bata pa siya noon, eh di lalo na ngayon”.

Maski naman noon pa, pantasya ng mga gays ang male star, kasi nga pogi talaga at nakakatawag ng pansin ang kanyang boyish looks. Marami talaga ang nag-aabang sa kanya kahit na sa mga fashion shows na kanyang sinalihan, pero hindi naman lahat sila ay nagiging masuwerte sa kanilang “pagtatangka” sa male star. Ngayon lalo na silang walang chances dahil may girlfriend na nga iyon na “mapagbigay din”.

Ganoon lang talaga.

Please follow and like us:
Read More

11 HIGH SCHOOL STUDENTS, NALASON SA PORK GUISADO

NALASON

(Ni JG TUMBADO)

Nasa labing isang mag-aaral mula sa Manguiao National High School sa bayan ng Asturias sa lalawigan ng Cebu ang magkakasabay na isinugod sa ospital matapos umanong malason sa nakain nilang tanghalian sa loob ng paaralan araw ng Sabado.

Pawang mga kababaihan ang sinasabing nabiktima ng “food poison” at sa mismong infirmary clinic ng kanilang paaralan sila naitakbo pasado alas 7 ng gabi.

Ayon kay Police Staff Sergeant Benjie Nunez, desk officer ng Asturias municipal police, pawang mga nagrereklamo sa nararanasang matinding sakit ng tiyan ang mga estudyante ilang sandali matapos makakain  ng fried rice at pork guisado bilang tanghalian sa loob mismo ng kanilang paaralan ganap na alas-11 ng tanghali.

Nabatid na walo sa labing isang mag-aaral ang nakalabas na ng ospital kahapon ng umaga ng Linggo habang nananatili parin ang tatlo dahil kinakailangang parin silang obserbahan ng mga doktor.

Sinasabing nagsasagawa ang mga biktima ng tatlong araw na camping event sa naturang eskuwelahan na nagsimula noong araw ng Biyernes, Oktubre 4, 2019.

Napag-alaman na dala bilang kani-kanilang baon ang nabanggit na pagkain na kanilang niluto noon pang Biyernes at itinabi ang ilang mga hindi nakain para gawing pananghalian kinabukasan na sinasabing napanis na.

Lumabas sa findings ng doktor na nagkaroon ng sakit na “acute gastritis secondary to food poisoning” ang mga estudyante dulot ng sirang pagkain.

Please follow and like us:
Read More

JACK RUSSEL TERRIER ANG CO-LEAD NI SARAH G.

ANG GARA NI VINIAFor the first time ay walang leading man si Sarah Geronimo sa kanyang bagong movie na Unforgettable at sa halip ay aso ang kanyang kasamang bida, ang Jack Russel Terrier na si Milo.

Pero walang problema kay Sarah kung wala siyang leading man dahil aniya ay liberating daw sa pakiramdam at para maiba naman na hindi naka-depende sa loveteam kungdi sa ganda talaga ng story.

In fact, matagal na palang dream ni Sarah na makagawa ng isang full length dog movie and finally ay natupad na ngayon.

Conceptualized and co-directed by the multi-awarded and internationally acclaimed director Jun Lana (Die Beautiful, Bwakaw) and award-winning filmmaker Perci Intalan (Bwakaw, Distance, Dementia), ginagampanan ni Sarah sa Unforgettable ang role na Jasmine, a young woman on a journey to Baguio na ang goal ay dalhin ang asong si Happy sa kanyang lolang may sakit dahil naniniwala siyang magiging instrument ang alaga sa paggaling nito.

“It’s a different role. Very challenging for me,” Sarah said in an interview after winning the Best Actress award from the PMPC Star Awards for her role in “Miss Granny”.

Ang isa pang dapat abangan sa pelikula ay ang mga amazing tricks na ginawa ni Milo who also starred in Vice Ganda’s box office hit, “Fantastica”.

In fairness naman sa doggie co-star ni Sarah, sikat na rin ito, huh! Viral ang kanyang mga videos sa internet at nakapag-guest na siya sa iba’t ibang TV shows showcasing his abilities.

Ilan sa nakakamanghang tricks ni Milo ay umarteng patay, mag-alis ng medyas ng kanyang master, magmasahe at magdasal bago kumain at marami pang iba.

Kaya naman hindi kataka-takang lagi raw nae-excite si Sarah (who is also a dog lover by nature) na pumunta sa shooting para makita si Milo.

Showing na sa mga sinehan ang Unforgettable sa October 23 at kasama rin sa movie sina Regine Velasquez, Anne Curtis, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Yayo Aguila, Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial and Gina Pareño.

oOo

REGINE NA-DISCRIMINATE SA NEW YORK

Nakatutuwa ang bagong vlang video ni Regine Velasquez na ipinost niya sa kanyang You Tube vlog kung saan ay ikinuwento niyang na-discriminate raw siya sa isang Louis Vuitton store sa New York, way, way back.

Kwento ni Asia’s Songbird, may gusto raw siyang bilhin na LV shoes kaya pumasok siya sa store noong nasa NY siya. Pero hindi raw siya pinapasok.

“Sa umpisa pa lang, sinabi agad sa akin, wala akong size. Sabeeh?” kwento ni Regine. “Sabi ko, “can I at least, try them all?” Sabi ng guy, “no.” Sabe talaga! Gano’n! Na-discriminate agad ang lola n’yo. So, na-depress ako nang very very light,” patuloy ni Songbird.

At dahil depressed siya, nagpunta raw siya sa katapat na store na puro branded shoes din ang ibinebenta at nagwala raw siya ro’n.

“Ang ending ko, ang inuwi ko ay 20 pairs of shoes. Kasi na-depress ako,” sey niya.

Bale ba ay na-discriminate rin daw siya at first sa store na ‘yun dahil walang pumapansin sa kanya pero ‘yung ibang customers ay ina-assist.

Until may lumapit daw na guy sa kanya at tinanong if she needed help.

“So, lahat ng itinuro ko, binili ko talaga. So, ang happy niya. Super happy siya. Samantalang ‘yung mga bwisit na ibang nandu’n, nagtitinginan sila kasi ‘yung mga nagsusukat do’n, wala namang binili, teh,” kwento pa ni Songbird.

At hindi pa du’n natapos ang kwento. Nang marami na raw siyang bitbit ay bumalik siya sa LV store at dahil nakita raw ang marami niyang dala, pinapasok na raw siya sa loob. Saka pa lang daw niya nabili ang gusto niyang shoes.

Habang nagkukuwento siya ay hawak-hawak niya ang LV shoes na pinangarap niyang mabili. Ang nasabing vlang video kasi ay closet tour ng bahay nila at makikita ang katakot-takot na collection niya ng shoes and dresses na rin.

Pati ang mga netizens na nanood ng video ay naaliw kay Regine base na rin sa kanilang komento. Puring-puri nila ang pagiging totoo ni Songbird na wala raw kaere-ere at pretensyon.

Please follow and like us:
Read More

RIDER PATAY SA KARAMBOLA NG 8 SASAKYAN

accident12

(Ni MAC CABREROS)

Isang babaeng motorcycle rider ang nasawi nang mabangga ng pampasaherong jeep na sinasabing nawalan ng preno at umararo sa anim pang sasakyan sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City kamakalawa.

Namatay makaraang maipit sa nagbanggaang sasakyan si Grace Anne Pajemago habang sugatan ang isang driver na si Benjamin Celestra Jr, 42, nang magkarambola ang walong sasakyan alas-8:55 ng umaga ng Sabado sa  EDSA-Shaw Flyover, nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, tinatahak ng mga sasakyan ang Shaw Blvd patungong Silangan kung saan nasa pinakaloob na linya ang nasawing biktima. Pagdating sa pababang bahagi ng flyover ay nawalan ng brake ang PUJ (TXF-916) na minamaneho ni Wilfredo Gigante y Paylan at nasagi ang Subaru Sedan Hatchback (CS-5181) na minamaneho ni Alvin Nathaniel Sy Tan at ang Nisaan Almera (CS-F2 E822) na minamaneho ni Eduardo Aquino y Cruz.

Nagtuloy-tuloy ang jeepney at pagkanan nito ay nabangga ang Toyota Hi-Ace (AAL-5949) na minamaneho ni Celestra na siyang bumangga at maipit ang motorsiklo ng nasawing biktima na Yamaha Mio na walang nakarehistrong plaka.

Nadamay din sa karambola ang ZKU-146 Mitsubishi Outlander  ni Derrick Ferdinand Figueroa y Calzado at TXJ-541 PUJ  ni Narciso Alberto y Dela Paz at AAL-2209 Toyota Innova ni Jay Arcan y Borbon, ayon pa sa ulat.

Bukod kina Pajemago at Celestra, walang tinamong pinsala sa katawan ang iba pang driver ng nagkarambolang sasakyan.

Sinampahan ng kasong Reckless imprudence resulting to Multiple Damages to Property, Physical Injury at homicide si Gigante.

Please follow and like us:
Read More

BEBOT NA LIDER NG NOTORIOUS CRIME GROUP, TIMBOG

arrested12

(Ni RENE CROSOSTOMO)

BINITBIT ng mga tauhan ng Manila Police District  (MPD), ang babaeng tinaguriang lider ng notoryus na crime group kamakalawa ng hapon sa Tondo, Manila.

Si Roselyn Rodriguez Y Aranaz, alyas Rosalie Rodriguez, 25, anyos ng Purok 3, Isla Puting Bato at Leader ng  Roselyn-Rodriguez Crime Group ay inaresto sa bisa ng  warrant of arrest na inisyu ni Br. 29 Judge Roberro Quiroz ng Manila Regional Trial Court noong  Marso 21, 2019 sa kasong theft.

Batay sa ulat ng MPD-Moriones Police Station 2, ang suspek ay ban umano sa lahat ng malls sa National Capital Region at Region 3 dahil sa bihasa umano ito sa pandurukot , salisi at akyat bahay.

Kasama umano sa grupo ni Roselyn ang ilang babae na miyembro nito na kapwa naaresto rin sa iba pang mga kaso.

Si Rodriguez ay naaresto bandang 5:15 ng hapon sa  nabanggit na lugar nina P/ Capt. Nestor Gozon  Mercado, P/ SSg Jade Borromeo, P/ Cpl Julius Fajardo, P/ Cpl Daniel Jonson, at Patrolman Darius Astoveza.

Nabatid na si Rodriguez ay gumagamit umano ng droga.

Please follow and like us:
Read More

RIDER BASAG ANG MUKHA SA NAKAPARADANG TRAK

accidentsign1

(Ni ANNIE PINEDA)

BASAG ang mukha ng isang binata makaraan pumailalim sa trak ang minamanehon nitong motorsiklo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Naga City.

Kinilala ang biktimang si Ryan Ray Margallo Avila, nasa hustong gulang at residente ng Pamukid San Fernando, Camarines Sur.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 4:00 ng madaling araw nang maganapa ng insidente sa Sabang, Mabolo Milaor, Camarines Sur.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, minamaneho ni Avila ang motorsiklo nito nang bigla na lamang siyang sumalpok at pumailalim sa nakaparadang trak sa nasabing lugar.

Kuwento ng residente na si Maenalyn, nakarinig na lamang siya ng malakas na pagsalpok sa labas ng bahay dahilan para lumabas siya at inaalam.

Dito, nakita niya ang biktima sa ilalim na trak at matindi ang tama sa ulo at mukha na naliligo sa sariling dugo dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang pangyayari at inaalam kung nasa impluwensiya ng alak ang biktima habang nagmamaneho.

 

Please follow and like us:
Read More

SAGUPAAN NG MILF AT BIFF: 11 PATAY

REBELDE-2

(Ni ANNIE PINEDA)

NASA 11 ang kumpirmadong namatay sa naganap na bakbakan ng dalawang grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa probinsya ng Maguindanao.

Kinilala ang namatay na sina Manaut Musbil, Mads Maytum, Tongan Tot, Laguiali Ali, Poangan Ganda, Kho Mamaluba at Jeomar Salansamen, pawang mga miyembro ng MILF-Task Force Itihad.

Habang apat ang napaulat na nasawai at tatlo ang nasugatan sa panig naman ng BIFF-ISIS Inspired Group sa ilalim ng grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife.

Batay sa report, naganap ang sagupaan sa Sitio Tinolusan Barangay Dasawao Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.

Ayon kay Barangay Dasawao Barangay Chairman Abdulracman Kanda, nagsilikas na rin ang mga sibilyan sa hangganan ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha at Pikit North Cotabato sa takot na madamay sa engkuwentro ng naturang mga grupo.

Sinabi pa ng mga saksi, nakita nilang isinakay ng MILF ang pitong nasawi sa bangka sa Rio Grande de Mindanao palabas ng Sitio Tinolusan Brgy Dasawao Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.

Sa ngayon, nakamonitor na ang tropa ng pamahalaan na posibleng anoman oras at muling sumiklab ang gulo sa dalawang grupo.

Please follow and like us:
Read More

RURU PAPALITAN NA LEADING MAN NI MAUREEN

RURU-MAUREEN

Mukhang hindi na matutuloy si Ruru Madrid na maging leading man ni Maureen Wroblewitz sa launching movie nito.

Hinihintay ko lang ang official announcement ng Reality Entertainment, pero naririnig ko nang si Ruru na sana ang napili pagkatapos nilang magpa-audition ng possible leading man ng Asia’s Next Top Model.

Ang problema lang ay ang schedule ni Ruru dahil bago matapos ang buwang ito ay aalis na ang buong team sa New Zealand na kung saan doon kukunan ang kabuuan ng pelikula.

Kasagsagan naman iyun sa promo ni Ruru ng pelikula niyang Cara X Jagger na kung saan naka-partner niya si Jasmine Curtis Smith.

Sa November 6 ang showing nito, iyung buong promo period nila ay nasa New Zealand naman siya para sa shooting.

Nahihiya naman si Ruru na iwan lang kay Jasmine ang promo kaya baka hindi niya ito matatanggap.

Gustung-gusto pa naman ni Ruru itong Cara X Jagger dahil si Jasmine ang ka-partner niya at  ang dami raw niyang natutunan sa magaling na aktres.

“I always wanted to work with Jasmine kasi syempre…Jasmine is very talented, napakarami na niyang nagawang pelikulang talagang sobrang solid na kahit ako hindi ko ini-expect na ganun siya kaganda, pero gumagawa siya ng mga ganung klaseng pelikula.

“She’s very passionate din about sa work niya, so sabi ko marami akong matutunan diyan,” puri niya sa kanyang leading lady.

Ang laki raw nang naitulong ni Jasmine sa kanya rito, kaya kaagad silang nagkasundo habang ginagawa nila ang pelikula.

“Si Jasmine kasi ang tipong tao na ipinarating niya sa akin na kailangan ko siyang i-trust.

“Minsan siyempre parang napapatulala ako sa kanya na sinasabi kong ‘ang ganda ng babaeng to, ang galing.

“Honestly, isa siya sa nakatrabaho ko na tingnan ko lang siya sa mata nandun na agad kami sa moment na iyun sa eksena,” dagdag na pahayag ni Ruru.

Wala pa akong balita sa Reality Entertainment kung sino ang second choice nila kung talagang hindi pumuwede si Ruru.

oOo

ARRA BATANG MADRASTA; ALMIRA ISANG TUNAY NA STEPMOM

MADRASTA CASTMagsisimula na ngayong araw ang bagong afternoon drama ng GMA 7 na

Madrasta, tampok sina Arra San Agustin, Thea Tolentino at Juancho Trivino.

Medyo nabataan nga kami kay Arra para gumanap na Madrasta pero sabi niya 24 na raw siya at bumagay naman daw sa kuwento ang role na ginagampanan niya.

Kasama rin sa seryeng ito si Almira Muhlach na isa pala talagang madrasta.

Committed ngayon si Almira sa isang businessman at meron na raw itong anak. Kaya naging madrasta siya sa anak ng karelasyon niya.

“We are a blended family. I have my own kids, meron din siyang anak. Okay naman kami. Possible naman eh,” pakli ni Almira nang nakatsikahan namin sa mediacon ng Madrasta.

Kahit ang tatlong anak niyang babae kay Bong Alvarez ay may madrasta na rin pero napakabait daw nito  sa kanyang mga anak.

“I’ve never met her but she’s very nice to my children.

“My children are very close to her. They talked on the phone, when she goes abroad,” pahayag ni Almira tungkol sa pakikitungo  ng mga anak niya sa kanilang madrasta.

Kaya masaya na raw siya ngayon dahil okay naman daw sila ni Bong kahit wala silang komunikasyon.

Masaya raw siya dahil nairaos niya ang tatlong anak niyang nakapagtapos na at okay na okay na raw ang kanilang buhay.

Okay naman ang showbiz career niyang si Alyssa, ang pangalawang anak daw niyang si Aila ay tinatapos daw ang pagdu-doctor sa FEU, at ang bunsong anak niyang si Ina ay nag-graduate na Magna Cum Laude sa University of Asia and the Pacific sa kursong Entrepreneurial Management.

“Yung mga napagdaanan ko hindi ko akalain na nalagpasan ko pala siya.

“Ang importante kasi na naging maayos ang mga anak ko.

“Naging maayos ang buhay nila. Solo yun as in ginapang ko talaga,” pagmamalaki ni Almira.

“That’s what I like about my children kasi sinuklian nila yung dugo at pawis. Sinuklian nila yung nag-aaral nang mabuti,” dagdag niyang pahayag.

Sa ngayon ay masaya na raw siya sa piling ng partner niya at wala pa naman daw silang planong magpakasal, pero gusto raw sana niya yung settled na talaga sila.

“Yung partner ko  ngayon, he knows that I still believe in marriage. Because I want to set good example to my children na iba pa rin ang kinakasal ka, nagkamali lang si Mommy sa napili,” masayang pahayag n Almira.

oOo

AIAI, CHRISTIAN AT LANI NAHIHIRAPAN SA THE CLASH

THA CLASHWalo ang napiling clashers na pasok sa round one ng The Clash.

Kailangan maupuan ang 32 seats ng Top of The Clash at doon magsisimula ang bakbakan nila sa isa’t-isa.

Kaya matinding tapatan ang susunod na mapapanood, na kung saan

Nahihirapan na ang mga Clash panel na sina Aiai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.

Gusto kasi nila iyung kakaibang mga clashers ang mapipili para may bagong ma-produce ang The Clash.

Sa totoo lang, isa sa excited sa second season ng The Clash ay ang original host na si Regine Velasquez.

Masaya raw  siya para kina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na hosts nito dahil bumagay naman daw sila.

“I’m happy for them. Ako pa kaya ang nag-announce na may second season,” napapangiting pahayag ni Regine sa mediacon ng Iconic concert nila ni Sharon Cuneta.

Please follow and like us:
Read More

4 NA TULAK SA GENSAN, KALABOSO

shabu12

(Ni DONDON DINOY)

GENERAL SANTOS CITY – APAT na kalalakihan ang nasakote ng mga operatiba sa magkakahiwalay na operasyon na nagbebenta ng iligal na droga noong Sabado, Oktubre 5.

Ayon kay Police Major Rexor Canoy, tagapagsalita ng General Santos City Police Office, unang naaresto ng mga otoridad ang isang Mark John Beguiso,30-anyos, binata, residente ng KPS, Barangay Labangal ng nabangit na lungsod.

Pangalawang natimbog ang isang Ely Talaib, 32-anyos, binata na residente sa Purok 6, Barangay Conel.

Sunod na nadakip ang isang Christopher Masucol, 27-anyos na residente ng Ondok Gawan, Barangay San Jose.

Huling naaresto ang isang Jayson dela Cruz Macasocol, 28, walang trabaho at nakatira sa Purok 24, Sitio Tinago, Brgy. West.

Sinabi Canoy na ang apat na mga suspek ay minanmanan ng City Drug Enforcement Unit.

Sa isinagawang buy-bust, nakabili umano ng tig-iisang sachet ang mga otoridad sa halagang P500 na marked money.

Napag-alaman din na si Macasocol ay dati ng nakapiit sa General Santos City Jail dahil sa kasong robbery at droga.

Sa ngayon, inihanda na ng mga otoridad ang kasong paglabag sa Comprehensive Anti-Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek na pawang nakakulong ngayon.

Please follow and like us:
Read More

BIHIRANG MAGTAGPO, LAGING MAGKASALUNGAT: BATAS AT KATARUNGAN

JUSTICE-LAW

(Ni Guillermo Octavio)

“Kapalaran kung hanapin, `di matagpuan, at kung minsa’y lumalapit nang `di mo alam,” ito ang nilalaman ng awiting nagpasikat sa namayapang mang-aawit na si Rico J. Puno.  Tunay nga, may mga pangayayari sa buhay ng tao, masama  o mabuti, na dumarating nang di inaasahan at may mga katapusang magkaiba sa mga kwentong pareho ang simula. Patunay lang ito na hindi natin hawak ang ating sariling kapalaran at higit ang kapalaran ng iba.

Isang halimbawa ang kasaysayan nina Bonifacio Asuncion,  may-asawa, taxi driver, ng 2531 M Delos Reyes St., Gen. T. de Leon, Valenzuela City at Benilda Macabante, ng 25 Arthur St., Marulas Valenzuela City.

Alas-6:20 ng umaga noong Mayo 2, taong 2017, sumakay si Macabante sa taxi (ABH-1419) na minamaneho ni  Asuncion sa Mc Arthur Hiway, Marulas, Valenzuela City at nagpahatid sa Pasay City at habang daan, napansin ng babaeng pasahero na panay ang sulyap sa kanya sa rearview mirror ng driver at napuna rin nito na ginagawang kambiyo ni Asuncion ang kanyang ‘pototoy’ habang sumusulyap sa hita niya.

Sa halip na matakot, ini­labas ni Macabante ang kanyang cellular phone at kinunan ng video ang kamanyakan ni Asuncion bago mabilis na ini-upload sa Facebook kung saan naging viral at umabot sa halos isang milyon ang nakapanood.

Hindi tumigil si Macabante sa kanyang unang aksyon at dumulog pa sa Valenzuela City Police at ibinigay ang plaka ng taxi ni Asuncion dahilan upang matunton ang kinaroroonan ng manyak na tsuper.

Kinasuhan si Asuncion ng unjust vexation at ikinulong kahit na ipinipilit nitong tiyan niya ang kanyang hinihimas dahil kumakalam na ang sikmura niya sa gutom at hindi ang kanyang pototoy.

Kinalaunan ay humingi din umano ng tawad si Asuncion kay Macabenta dahil sa kanyang ginawa.

Subalit iba naman ang naging kapalaran ng isang babaeng katulad ni Macabante na nakunan ng video ang ang driver din ng taxi na kanyang sinasakyan nang mag-Mariang palad ito, base sa sinulat ni Matthew Walsh sa www.sixthtone.com, na  nangyari sa Shengzhou, isang lungsod sa sentro ng Zhejiang, sa Tsina noong  gabi ng Abril 23, 2017.

Nalathala na isang babaeng may apelyidong Wang ang nag-book ng taxi sa pamamagitan ng ride-hailing app na Didi Chuxing at sa loob ng taxi ay napuna niya na ang tsuper na nakilala lang bilang isang Xu ay nagpaparaos sa pamamagitan ng paglalaro ng kanyang ‘manoy’ gamit ang kamay na hindi nakahawak sa manibela.

Kinunan ni Wang ng video ang ginagawa ng manyak na driver at ipinadala sa mga kaibigan sa pamamagitan ng messaging App na WeChat subalit hindi niya inalerto ang mga pulis ngunit nagrehistro naman ng reklamo sa Didi.

Lingid kay Wang, ipinasa ng isa sa kanyang mga kaibigan ang nasabing video sa kanyang sariling social network at dito na nagsimulang malasin si Wang dahil  kinuwestiyon siya at maging si Xu ng mga pulis kung saan hindi itinanggi ng lalaki ang kanyang ginawang pagma-Mariang palad dahilan upang isailalim siya sa “administrative detention” sa loob ng walong araw matapos umamin sa salang “indecent conduct.”

Pagkatapos ng imbestigasyon, paalis na sana sa  himpilan ng pulisya si Wang nang taas-noo at buo ang dignidad subalit iba ang naging takbo nang pangyayari dahil ipinakulong siya ng tatlong araw dahil sa pagpapakalat umano ng malaswang materyal.

Napukaw ang atensyon ng netizens sa social media dahil sa sinapit ni Wang dahil ipinadala lamang daw umano nito ang video sa mga kaibigan bilang patunay sa kahalayan ng tsuper ng kanyang nasakyang taxi at ang kanyang kaibigan ang nagpadala nito sa mas malawak na komunidad.

Para sa nakararami, ino­sente si Wang  subalit sinabi ni Deng Xueping, isang abogado, na base sa Article 68 ng Public Security Administrative Punishments Law ng Tsina, mali ang gumawa at nagpakalat ng mga malaswang materyal at ang gumamit ng computer o telecommunications networks para magpakalat ng malaswang impormasyon.

Ayon kay Deng, “Masturbation videos belong in the category of obscene recor­dings, Filming [the driver masturbating] counts as manufacture, and posting it on WeChat counts as dissemination.” Idinagdag pa nito na ang pagpapadala ng pornographic ima­gery o video content, maging sa telepono may o computer, ay walang dudang labag sa batas at ang mga gumawa nito ay nararapat na usigin.

Samantala, mayroon pang ilang nagsabi na ang paratang na “indecent behavior” kay Xu ay mabigat dahil hindi naman umano hinawakan ng tsuper ang kanyang pasahero. “Indecent behavior is, in essence, anything that infringes on another person’s sexual rights or humiliates them in some way,” ayon kay Deng na ibinatay sa  Article 44 ng nauna nang nabanggit na batas sa Tsina.

Ngayon, kung pakaiisipin, tumpak ang sinabi ng isang karakter na ginampanan ni Sen. Lito Lapid sa isa sa kanyang mga pelikula na “Maraming butas ang batas, Inay!”  Napatunayang totoo, na ang batas at katarungan ay hindi magkasingkahulugan, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa ibang bansa tulad ng Tsina.

Please follow and like us:
Read More

5 CHINESE NATIONAL SA POGO KIDNAPPING, ARESTADO

kidnap12

(NI JESSE KABEL)

TIKLO ang limang Chinese national at tatlong Filipino na pawang hinihinalang kasapi ng isang grupo ng mga bigtime loan shark o sindikatong  sangkot sa human trafficking nang dukutin nila ang  dalawang Chinese  na  nagtrabaho sa isang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) firm sa Bonifacio Global City sa  Taguig Metro Manila.

Sa report na inilabas ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) Biyernes ng hapon, isang rescue operation ang ikinasa ng kanilang mga tauhan matapos hingan ng tulong ng mga biktima.

Sa nasabing dragnet operation ay na-rescue ang dalawang  biktima na kinilalang  sina Zhang Jia at Wang Zhe.

Habang nahaharap naman sa kasong abduction at illegal detention ang mga inakusahang  Chinese kidnappers na sina Chen Xingding, Zou Tian Cong, Gao Zhan, Yu Yang at Wang Jian Bo.

Kinilala rin ng PNP-AKG ang mga Pinoy na kasabwat ng grupo na sina Pepe Mengullo, Welson Borlado at Jose Marlito Borja.

Ang mga Pinoy na pawang security officers ay unang  hinuli dahil sa obstruction of justice, subalit kasalukunyang inimbestigahan kung  posibleng regular na kasabwat  ng grupo na  ang modus ay dumukot ng mga taong may utang sa kanila.

Ayon kay Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan ng PNP-AKG, pinangakuan ng mga suspek na Chinese ang mga biktima ng sahod na 10,000 Chinese Yuan kada buwan o P72,400.

Subalit nang makapasok na sila sa POGO ay  7,000 Yuan lamang ang kanilang natanggap.

Nabatid na siningil pa ang mga biktima ng ginastos sa pagproseso sa kanilang mga dokumento.

Nabatid sa salaysay ng mga biktima, September 16 nang iwan nila ang POGO firm at magdesisyong asikasuhin na ang kanilang travel documents pabalik ng China.

Subalt nang kukunin na nila ang kanilang mga dokumento ay dito na sila itinago ng mga Chinese na suspek at nanghingi ng ransom kapalit ng kanilang kalayaan.

Nakapagbayad ang pamilya ng mga biktima sa mga suspek ng 287,000 yuan o higit P2 milyon subalit hindi rin sila pinakawalan.

Hanggang sa may makausap na  isang  kaibigan ang dalawang biktima na nahingan nila ng tulong at ipinag bigay alam sa pulisya.

Please follow and like us:
Read More

UAAP MEN’S BADMINTON TITLES; HINAKOT NG NU

(PHOTO BY MJ ROMERO)

PINAKYAW ng National University ang UAAP men’s badminton titles matapos pasukuin ang Ateneo, 3-1, kahapon sa PNP Sports Center Badminton Courts.

Maliban sa nadepensahan ang kanilang titulo sa ikaanim na sunod na pagkakataon, kinuha rin ng Bulldogs ang dalawa pang importanteng titulo sa torneo–Most Valuable Player at Rookie of the Year.

Tinalo ng tandem nina rookie Solomon Padiz Jr at graduating senior Keeyan Gabuelo ang NU sina Keoni Asuncion at Arthur Salvado ng Ateneo para mapanatili ang korona sa UAAP men’s badminton.

Dahil sa impresibong laro, tinanghal na Most Valuable Player si Gabuelo at Rookie of the Year naman si Padiz.

Ang naturang panalo ang ika-51 ng Bulldogs simula pa noong UAAP Season 77.

Napantayan din ng NU ang Ateneo para sa “most championships” (6) sa UAAP men’s badminton tournament.

Please follow and like us:
Read More

BYE AMALIA, TONY R.I.P.

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

“LIFE is so fleeting.”

Magkakasunod namang malulungkot na balita ang sumasalubong sa atin pagdating ng weekend.

Ilang linggo lang ang nakaraan nang nabalitaan natin ang pagpanaw ng kaibigan naming sina Isah Red at direk Mel Chionglo, ngayon naman sina Tony Mabesa at Amalia Fuentes.

Hay naku! Life is fleeting talaga. Kaya nga laging sinasabi na dapat love love na lang. Wala nang kanegahan at i-enjoy na lang ang mga araw kasama ang mga mahal natin sa buhay.

Ayoko na talaga mag-entertain ng mga kanegahan.

Sa akin na lang sila naninegahan hahaha!

Mas type ko na lang harbat na lang nang harbat, at kung pupuwede lang, magbiyahe kasama ang mga taong malapit sa yo.
Sa biyahe kasi dun mo talaga nakikilala ang mga taong nakakasama. Doon mo nakikita ang tunay nilang karakter.

Doon mo nalalaman kung sino ang napakatagal sa banyo, sino ang super hilig mag-shopping, sino naman ang napakatipid, sino ang masaya lang kasama, o kung sino ang reklamadora.

Kapag puro kanegahan, o reklamo nang reklamo, ay ayoko na silang isama uli.

Sa totoo lang,  dun ko na-enjoy si Isah kasi talagang sumasama lang siya. May katarayan siya, pero hindi reklamadora. Ini-enjoy lang niya kung anong meron.

Anyway, balik tayo kina Tony at Amalia, pareho pala silang nagka-Pneumonia tapos nun inatake sila sa puso.

Si Tony raw, na-hospitalize siya pagkatapos niyang magka-Pneumonia at pagkatapos nun inatake na siya sa puso.

Ganundin daw ang nangyari kay Amalia. Pero matagal na rin kasi siyang nakaratay pagkatapos niyang ma-heart attack sa South Korea nung 2015 ilang buwan lang pumanaw ang nag-iisang anak niyang si Liezel Martinez.

Magmula nun hindi na nakikita sa publiko si Amalia. Ang naalala ko lang nung dumalo siya sa family reunion nila na iyak lang siya nang iyak.

Kasama rin si Amalia sa pinarangalan sa Sine Sandaan at sa mga Icons na pinarangalan ng Eddy’s Awards.

So far, wala pa akong balita sa burol ni Tony at kung open ba sa public ang burol ni Amalia.

Sinabi kasi ng apo niyang irespeto ang pagluluksa nila in private. Kaya makibalita pa ako.

CONSERVATIVE ANG PANGANAY NI OGIE PATI ANG RAPPER BF NITO    

Masasabing cool dad itong si Ogie Alcasid.

Kinuwento niya nung nagpa-pocket presscon siya para sa concert niyang Ogie and the Hurados na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa October 10.

Natutuwa si Ogie sa panganay na anak niyang si Leila dahil napaka-independent daw nito.

Hindi raw niya kasi bini-baby ang anak niya, tho 22 years old na ito.

Pero nakikita raw niyang marunong na ito sa buhay.

Nagulat nga siya minsan nang tinanong daw siya ni Leila tungkol sa investment. “Marami ka ng pera anak?” tanong daw niya kay Leila.

“Yang mga batang yan, gawin nila ang gusto nilang gawin kahit anong sabihin mo. So, I’m just there to….parang tayo naman di ba? Nung bata tayo hindi naman tayo…yung ‘anak dito ka lang. You did what you wanna do

“I want it to be that way as a parent…I look at her as an adult. So, whatever decision she makes…siya na yung nagbabayad ng bills niya. She has her own account. If she has a travel, I don’t pay for that. Natututo siyang magtipid, mag-budget,” pahayag ni Ogie.

May mga ipinagbabawal pa rin naman daw siya na sinusunod naman ng anak niya.

“I think she puts a limit to herself also. She doesn’t sleep over. No one can sleep in our house.

“She and her boyfriend goes to same church,” dagdag na kuwento ni Ogie.

Kilalang rapper itong boyfriend ni Leila na si Curtismith, Mito Fabie ang tunay na pangalan.

“He’s very God-fearing. He’s a good influence to Leila,” puri ni Ogie dito sa boyfried ng anak niya.

Minsan nga ay niyayaya pa raw niya ito ng inuman sa bahay nila, at gustung-gusto ring kalaro ni Nate. Kaya masaya si Ogie sa mga anak niya na masunurin at hindi umaabuso.

Kahit nga ang isa pa niyang anak na si Sarah na sa Australia, 17 years old pa lang daw iyun, pero may boyfriend na napakaguwapo raw.

“Hindi ko lang alam eh, baka puppy love lang. Bata pa eh,” sabi naman ni Ogie.

Samantala, proud dad si OGie kay Leila na magaling din palang songwriter.

Pero hindi raw niya makakanta ang mga kantang nagawa ng anak niya.

“Hindi ko kaya yung mga kanta niya.

“She’s got style. I think she’s very sophisticated. Her music is in mainstream pop.

“Parang cross between jazz and soul, and blues. Para siyang Norah Jones. Yung bago niyang tracks na pinadinig niya sa akin, sabi ko ‘wow saan nanggagaling yun,” napapangiting kuwento ni Ogie.

Pero malay natin, baka magka-concert din sila ni Leila kasama si Regine, di ba?

 

Please follow and like us:
Read More

MAY TAKDANG PANAHON SA LAHAT NG BAGAY

PINOY ABROAD

MADALAS na­ting marinig ang mga salitang, “Walang permanenteng bagay sa mundo.”

Minsan nasasambit ito ng mga taong dumaraan sa pagsubok. Pa­raan para mapanatag ang kalooban at mabiyan sila ng pag-asa na isang araw ay mababago ang sitwasyon para sa ikabubuti.

Maging ang Greek philosopher na si Herac­litus ay naniniwala rito kaya nga tinuran niya na “There Is Nothing Permanent Except Change.

Maaaring pagbabago ito sa sitwasyon, pakikipagrelasyon o kahit sa nararamdaman sa isang tao o bagay.

May kanya-kanyang panahon ang lahat ng bagay.

“For everything there is a season, a time for every activity under heaven.”

Nakasaad ito sa Ecclesiastes 3.1.

Sabi ng mga Biblical scholar, ang Ecclesiastes ay isa sa mga wisdom lite­rature; tulad ng aklat ni Job, Psalms, Proverbs at Song of Songs. Wisdom literature, as name implies, ay nagpapahayag ng wisdom o karunungan sa mga mambabasa.

Ang aklat na ito ay nagpapahayag tungkol sa nature of the world God created.

Sa daigdig ng Diyos, there is a time for everything.

Para kay Solomon, walang permanente sa daigdig na ito. Bawat bagay ay nagbabago, ang resulta, ang lahat ay limitado to a particular moment. Bawat bagay ay may kanya-kanyang ka­panahunan.

Sa Ecclesiastes 3:2-3, maliwanag ang paha­yag ni Solomon na may, “Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapaga­ling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo.

A time to kill and a time to heal.”

Kung mayroon ka mang hinihiling at hindi mo pa nakakamit, maaa­ring hindi pa iyon panahon kaya hindi pa ibinibigay sa iyo ng Panginoon.

Magtiwala ka lang dahil maaaring inihahanda ka lang niya sa pagdating ng iyong mga kahilingan.

Kaya nga, dahil sa  changing, seasonal, temporal nature of God’s world, hindi dapat tayo naka-focus sa isang bagay o gawain na magiging sentro ng ating buhay. Dahil kung magkakaga­yon, tayo’y mabibigo.

Pangaral ni Solomon, “God has made everything beautiful in its own time.”

(Ecclesiastes 3:11), subalit kung pilit na­ting panghahawakan ang anomang bagay bilang permanente, mami-miss natin ang totoong kahulugan at layunin ng buhay.

Ano ba ang tunay na kahulugan at layunin ng buhay (true meaning and purpose of life), ayon kay Solomon? Sabi niya, ”God’s purpose is that people should fear him.”

(Ecclesiastes 3:14). Things come, go, and return once again in an ongoing cycle.

(Ecclesiastes 3:150).

Ang tanging permanente ay ang Diyos at ang takot sa kanya ay pinakamahalagang investment na permanente sa ating makabuluhang buhay.

Ang totoong layunin natin sa buhay ay harapin ang ating kapanahunan at sa pagdating nito sa ating buhay ay alamin natin kung ano ang gusto ng Diyos out of it!

Huwag po natin kalimutan na tanggapin si JesuCristo bilang Panginoon at sariling

Tagapagligtas! You’ll know the true meaning and purpose of your life! (givalencia777@gmail.com) (PINOY ABROAD / GUILLER VALENCIA)

Please follow and like us:
Read More

SYSTEM ENCODING CORP. ‘PASOK’ SA 186 KASONG PAGLABAG SA TAX CODE

BAKBAKAN NATIN

SANA malakas at sapat ang ebidensiya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa System Encoding Corporation (SENCOR) upang manalo ang pamahalaan sa 186 kasong kriminal na isinampa nito sa Department of Justice (DOJ) nitong Oktubre 3.

Kung mahina ang mga kaso, syempre talo ang pamahalaan dito.

Hindi po ba BIR Commissioner Caesar Dulay?

Sa 186 kasong kriminal na ito ay umabot sa kabuuang P156 milyon ang hindi binayarang buwis ng SENCOR sa BIR ng lungsod ng Makati sa magkakahiwalay na mga taon, batay sa rekord ng BIR.

Sa isinampang 186 mga kasong kriminal, isinama ng BIR ang “res­ponsible corporate officers” ng SENCOR na sina Michael Victor S. Martel (pangulo), Jose V. Martel, George Vincent S. Martel, Olga S. Martel, Katrina Olga S. Martel at Tessielin I. Alvarez (mga opisyal) at Josephine Chen (ingat-yaman).

Isa-isahin natin kung bakit 186 lahat ang kaso para sa P156 mil­yong buwis.

Batay sa mga dokumentong ipinadala ng BIR – Makati sa DOJ, ang SENCOR at ang pitong opisyal nito sa pa­ngu­nguna ni Michael Victor Martel ay lumabag sa Tax Code of the Philippines nang 36 na ulit na “willful attempt to evade or defeat the payment of Expanded Withholding Tax” mula Setyembre 2014 hanggang Disyembre 2018.

Umabot naman sa 45 na bilang ng “willful attempt to evade or defeat the payment of Withhol­ding Tax on Compensation” mula Setyembre 2014 hanggang Disyembre 2018,” ayon sa BIR.

Bukod sa 36 at 45 na mga kasong paglabag sa Tax Code ng ating bansa, labindalawang kaso pa ng “willful attempt to evade or defeat the payment of Fringe Benefits Tax” ang ikinaso ng BIR sa SENCOR at sa pitong opisyal nito na ang mga taong sakop ay mula Setyembre 2014 hanggang Disyembre 2018.

Idiniin pa uli ng BIR ang SENCOR at ang pitong opisyal sa pangu­nguna pa rin ni Michael Victor Martel sa karagdagang 36 na kasong “willful failure to pay/remit Expanded Withholding Tax” na sakop ang piryud na Setyembre 2014 hanggang Disyembre 2018.

Kinasuhan pa rin ang SENCOR at mga opisyal nito ng 45 bilang ng “willful failure to pay/remit Withholding Tax on Compensation” para sa panahong Setyembre 2014 hanggang Disyembre 2018, ayon sa rekord ng BIR.

At ang pinahuling kasong kriminal ay 12 bilang ng “willful failure to pay/remit Fringe Benefits Tax” mula pa rin noong Setyembre 2014 hanggang Disyembre 2018.

Iginiit ng BIR na i­lang seksiyon ng National Internal Revenue Code of 1997 ang nilabag ng SENCOR at ng pitong opisyal nito na ang kabuuang buwis na hindi nabayaran ay pumalo sa P156 milyong lahat.

Ang SENCOR ay korporasyon na ang negosyo ay mayroong kinalaman sa “know­ledge information” tulad ng “data conversion system” at “data processing service.”

Matatagpuan ang SENCOR sa Insular Life Building sa Ayala Avenue, lungsod ng Makati.

Sabi ng BIR sa kalatas nito, “Notices for the payment of the unpaid taxes were issued by the BIR and received by the respondent company but to no avail. The fraudulent acts of Respondent SENCOR in filing eFPS returns without the corresponding payments thereof covering the said period constitutes prima facie evidence of tax evasion that is criminally punishable under the Tax Code.”

Napakaganda ng ginawa ng BIR, ngunit sana ay wala tayong mabalitaang ‘nagka-aregluhan’ na sa pagitan ng i­lang korap na mga opisyal ng BIR at sa SENCOR. (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More