2 BATA SHOOT SA BUTAS, TODAS, 2 SUGATAN

(NI ANNIE PINEDA)

MISTULANG hinigop ang apat na bata na ikinasawi ng dalawa makaraan mahulog ang mga ito sa butas na daluyan ng tubig habang nanghuhuli ng ibon, Linggo ng hapon sa ng Bacolod City.

Kinilala ang namatay na sina Adrian Bagundol, 10, at Robert Porcino, 6, habang dinala naman sa ospital sina Edgardo Monserati Jr., 6, at Paul Soquiño, 8, pawang mga residente ng Purok Star Apple, Barangay 27.

Batay sa report ng Police Station 4-Bacolod, dakong alas 4:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Murcia Milling Corporation habang patuloy ang konstruksiyon ng Mega World property Development, na sakop ng Bgy. 41 ng nasabing bayan.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nagtatakbo ang mga biktima para manghuli ng ibon hanggang sa mapadpad sila sa loob ng compound ng Mega World kasama ang isa pang bata na si Prince Justine.

Sinaway umano ng guwardiya ang mga bata na lumabas ng compound dahil delikado subalit hindi umano nakinig ang mga ito.

Dito, lumusot ang apat na biktima sa malaking butas dahilan para mahulog ang mga ito sa daluyan ng tubig ng may lalim na 6 hanggang 7 talampakan.

Tuluyan nang inanod sina Bagundol at Porcino na agad nilang ikinamatay habang masuwerte naman nakakapit sa puno ng kahoy sina Monserati Jr., at Soquiño,  na agad dinala sa ospital habang si Justine ay hindi na sumunod pa sa apat.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

DIDAL ALANGANIN SA OLYMPICS

Margielyn Didal-2

(NI ANN ENCARNACION)

NANGANGANIB na maagang mapatalsik ang Olympic medal hopeful at 2018 Asian Games gold medalist na si Margielyn Didal makaraang bumaba ang rankings nito sa mga skateboarder sa buong mundo.

Mula sa dating No. 10 ay dumausdos sa ika-13 si Didal, ayon sa World Skateboarding Ranking.
Hindi nakalahok ang 20-anyos na Pinay skateboarder mula Cebu sa 5-star International Skateboarding Open sa Qingfeng, China noong Setyembre 3 hanggang 8 dahil sa kawalan ng panggastos.

Samantala, tumapos lamang siya na pang-15 mula sa kabuuang 20 na nakapasok sa semifinals ng SLS World Championships noong Setyembre 19 – 22 sa Sao Paulo, Brazil.

Nagawa ni Didal okupahan ang ikawalong puwesto pagpasok sa semifinal round ng Women’s Street Skateboarding subalit kinapos sa Olympic qualifying points kaya’t hindi tuluyang nalaglag sa kompetisyon.

Please follow and like us:
Read More

2 ESTUDYANTE HULI SA PINAGNAKAWANG ISKUL

crime robber12

(NI KIKO CUETO)

BACOLOD, Negros Occidental: Timbog ang dalawang estudyante, kabilang ang menor de edad, na nagnakaw umano sa mismong eskwelahan na pinapasukan nila.

Kinilala ang dalawa na sina Alyas ‘Jun,’ 18, at Alyas ‘Paul’, 16.

Sa report, nagnakaw umano ang dalawa ng gamit mula sa kanilang paaralan sa lungsod na ito, Linggo ng madaling-araw.

Mismong ang security guard ng eskwelahan ang nakahuli sa dalawang bata.

Tinatangay sana nila ang tatlong electric fan, 2 bluetooth speaker, shorts, pabango at iba pang kagamitan, mula sa isang classroom.

Sinabi ng pulis na nakiusap na huwag pangalanan ang paaralan.

Iginiit naman ng isa sa mga teenager na nagawa lang nila ito dahil kapos sila sa pera.

Gayunman, kakasuhan ng robbery ng paaralan ang kanilang dalawang  estudyante.

 

Please follow and like us:
Read More

19-ANYOS NEGOSYANTE PATAY SA TANDEM     

(NI KIKO CUETO)

CEBU CITY: Patay ang 19-taong gulang na negosyante nang pagbabarilin ng dalawang gunman sa Barangay Mabolo,

Linggo ng gabi.

Sa report, sinasabing nagmamaneho ng kanyang sports utility vehicle ang biktimang kinilalang si Jeffrey Gomonit.

Bigla na lamang may tumabi na naka motorsiklo at naka-bonnet na suspek, saka siya pinaputukan.

Hindi inabutan ng mga pulis ang mga gunman.

“May iba din kasing nilalakad ang ating mga roving police nang mangyari ito,” paliwanag ni Lt. Pablito Saldo, deputy chief ng Mabolo police.

Kabilang aniya sa mga iniimbestigahan ng pulisya ang indibidwal na kinatagpo ni Gomonit sa isang mall sa downtown Cebu bago ang pamamaril.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

PASLIT NATUSTA SA 18-MINUTONG SUNOG

(NI ANNIE PINEDA)

SA loob lamang ng 18-minutong sunog, nalitson nang buhay ang isang batang lalaki nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay, kaninang umaga sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Mon Harry Anhao, 5, ng Sitio Proper Agus, Barangay Agus, Cebu City.

Batay sa report ng pulisya, dakong 9:17 kaninang umaga nang magsimula ang sunog sa isang gymansuim sa likuran bahagi ng bahay ng pamilya Anhao.

Kuwento ng ama ng biktima na si Pedy Anhao, hindi niya agad naisalba ng anak dahil nagluluto ito sa isang karinderya sa lugar.

Mabilis naman rumesponde ang mga pamatay-sunog at naapula ang sunog bandang alas 9:35 ng umaga kung saan natagpuan ang sunog na bangkay ng bata.

Sa insiyal na pagsisiyasat, lumabas na short circuit ang pinagmulan ng sunog mula sa nakasaksak na electric fan.

Please follow and like us:
Read More

BIGTIME OIL PRICE HIKE IPATUTUPAD BUKAS   

(NI ROSE PULGAR)

MAGPAPATUPAD ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Pangungunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, Total, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines at Chevron ang dagdag presyo na P2.35 sa kada litro ng gasolina, P1.80 kada litro ng diesel, at P1.75 sa kada litro ng kerosene epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng big time oil price hike ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Magugunita na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P1.35 sa kada litro ng gasolina, P0.85 kada litro ng diesel, at P1.00 sa kada litro ng kerosene.

 

Please follow and like us:
Read More

3 PATAY SA MOTORBIKE NA BUMANGGA SA PUNO

accident121

(NI BONG PAULO)

TATLO  katao ang nasawi, kabilang na ang isang menor de edad, matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa puno sa National Highway partikular sa Barangay Singkatulan, Makilala, North Cotabato madaling araw ng Linggo.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ruel Tolintino Laureta, ng Pulang lupa, Mlang, North Cotabato; Jonathan Soyat Doceo, 17, at Garry De Asis, 35, kapwa ng Barangay New Janiway, Mlang, North Cotabato.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Makilala PNP traffic section, binabaybay ng Kawasaki Bajaj na motorsiklo na minamaneho ni Laureta ang daan patungong Mlang Cotabato sakay ang dalawa pang nasawi pero pagsapit sa pinangyarihan ng insidente ay sinubukan nitong mag overtake sa isa pang motorsiklo pero nang mapansin ng drayber na may kasalubong ay mabilis na naikabig ang manebela pabalik hanggang sa nawalan ng kontrol ang drayber at bumangga sa puno ng Talisay, ala-1:30 ng madaling araw.

Napag-alamang lango sa alak ang drayber na pauwi na sa bayan ng Mlang nang mangyari ang aksidente.

Please follow and like us:
Read More

DALAGA PINASOK SA BAHAY, PINATAY SA SAKSAK

(NI GINA BORLONGAN)

BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng isang magandang dalaga makaraang tadtarin ng saksak ng manyakis na kapit-bahay na hinihinalang nasa ilalim ng impluwensya ng droga, nang manlaban ang biktima sa Barangay Pajo, Meycauayan City, Bulacan, Linggo ng madaling araw.

Base sa report na nakalap ng pulisya, nakilala ang biktimang si Lezzel Mendova,

residente ng Maligaya St., Barangay Pajo,Meycauayan City, na nasawi

habang inooperahan sa pagamutan bunga ng mga saksak sa dibdib,tagiliran at braso.

Target ngayon ng manhunt operation ng pulisya ang suspek na si Satur dela Pena, alias Tomtom, kapitbahay ng biktima na tumakas matapos isagawa ang krimen kungsaan maging sa facebook ay nakakalat na ang mukha ng suspek bilang babala sa publiko sa ginawang krimen.

Dakong alas12:30 ng madaling araw noong Linggo nang pasukin ng suspek ang tinitirhan ng dalaga at tinangka itong reypin ngunit nanlaban ang biktima kaya paulit-ulit itong sinaksak ng suspek na tumakas nang makitang duguan ang dalaga.

Naidala pa sa pagamutan ang biktima ngunit nasawi rin habang may nakakita sa suspek  na siyang nanggaling sa bahay ng biktima bago ito natagpuang duguan.

 

Please follow and like us:
Read More

3 PULIS TULOG SA DUTY, KAKASUHAN

(NI KOI HIPOLITO)

NAGSAGAWA ng surprise inspection ang direktor ng National Capital Region Police Office na si PMGen. Guillermo Eleazar, Lunes ng madaling araw sa mga presinto ng mga kapulisan ng nasasakupan ng Southern Police District.

Nahuling natutulog ang dalawang Mobile Patrol officer na kinilalang sina PCpl Eugin Ybasco at PCpl Jayson Monsales na parehong nakatalaga sa isang Police Community  Precinct (PCP) ng Las Piñas Police Station habang naka standby ang mobile ng Police Assistance Desk sa kahabaan ng Alabang Zapote Road, Pamplona Dos sa Las Piñas City.

Sa kasunod din na pag-ikot ng hepe ay namataan naman sa kalapit  ding presinto ang isa pang pulis na nakahiga kaya’t agad itong nilapitan ni Eleazar. Dito na nakumpirma na si PSSgt. Danny Cerbito ay natutulog habang naka-duty bilang desk officer ng Police Community Precinct (PCP2).

Agad na pinadisarmahan ni Eleazar ang mga nasabing pulis at sinabi nito na sisiguruhin niyang makakasuhan ang tatlong pulis ng kasong administratibo at paiimbestigahan din sa kapabayaan o neglect of duty.

Pinagre-report sa kanyang opisina ang mga nasabing pulis kasama ang kanilang hepe at precinct commander.

Please follow and like us:
Read More

TSERMAN NILIKIDA SA HARAP NG BRGY HALL

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Pinabulagta ng hindi pa kilalang gunman ang isang barangay chair habang sugatan naman ang tatlo katao na mga tauhan nito sa quarry sa naganap na pamamaril sa harap ng barangay hall sa Sitio Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan, North Cotabato, Linggo ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Bong Matalam Bacana, 43, incumbent barangay chair ng Barangay Kayaga, habang sugatan naman sina Uwaw Matikayan, Tatuan Kalantingan at Tagani Tapulid na lahat residente sa nasabing lugar.

Sa ulat na nakarating kay Police Major Realan Mamon, hepe ng Kabacan PNP, nag-uusap sa harap ng barangay hall ang mga biktima nang pagbabarilin dakong alas-9:15 ng gabi.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na mabilis namang naisugod sa ospital pero idineklarang patay ang Barangay chairman habang patuloy namang ginagamot sa isang ospital sa Kidapawan City ang tatlong nasugatan.

Sa panayam kay Cotabato Provincial Police Office spokesperson Pol. Lt. Col. Bernard Tayong, personal grudge at may kinalaman sa kanyang trabaho ang sinusundang anggulo sa pamamaril.

Sa loob lamang ng buwang ito ay dalawang kapitan na ang pinaslang sa nasabing bayan, nitong Setyembre 14, pinagbabaril at napatay naman ang punong barangay ng Lower Paatan na si Kapitan Ben Candaganan.

 

Please follow and like us:
Read More

ARIELLA, WILLIE, ‘DI NAG-SWAK AFTER MAG-DATE

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay naging kontrobersyal ang pandudura diumano ni Kylie Verzosa kay Maxine Medina sa isang eksena nila sa teleseryeng ‘Los Bastardos.’ Humingi naman ng paumanhin si Kylie kay Maxine apat na araw pagkatapos kunan ang naturang eksena. Ayon sa kaibigan ng dalawa na si Ariella Arida ay talagang ikinagulat niya nang mabalitaan ang tungkol dito. “Siguro mga ganitong bagay, may mga bagay talagang hindi mo maiiwasan at mabibigla ka na lang siguro sa mga eksena. On my part, co-actors naman kayo, it’s better siguro na mag-usap kayo before and after you do the scene. Parang gano’n,” nakangiting pahayag ni Ariella.

Samantala, matatandaang naging co-cost ang beauty queen ni Willie Revillame sa isang programa. Mula noon ay naging malapit ang dalawa at parehong single ngayon kaya nauugnay pa rin sa isa’t isa. “Tito Boy, alam naman ni Kuya Will, in fairness, mataas ‘yung respeto ko kay kuya Will. Ang tagal ko ring nag-work with him and I can attest Tito Boy na never ko naman na feel na… alam mo ‘yon,” paglilinaw ng dalaga.

Ayon pa sa Miss Universe 2013 3rd runner up ay hindi siya niligawan ni Willie at wala talagang namagitan sa kanila. “Wala po, kaya I’m super… ang taas ng respeto ko kasi kung ako may ma-feel ako na something na parang against my paniniwala sa buhay, hindi ako magtatagal sa gano’n. We’re still in good connection, good friends,” giit ng beauty queen-actress.

Inamin naman ni Ariella na minsan na rin silang lumabas ni Willie pero hindi nagkaroon ng espesyal na ugnayan. “Last year, pero hindi nag-work,” pagtatapat niya. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

PVL OPEN CONFERENCE: BANKO, BANGKAROTE SA AIR FORCE

(NI LOUIS AQUINO)

MAGAAN na tinalo ng Air Force ang BanKo, 26-24, 25-8, 25-21, sa Premier Volleyball League Open Conference, Linggo sa Arena, San Juan.

“Tabla na, babawi kami five-five pero hindi kami hihinto, dire-diretso pa rin kami,” ani Lady Jet Spikers coach Jasper Jimenez. “Padayon lang, tuluy-tuloy lang. Ibig sabihin ng padayon, Air Force padayon, dahil ‘yung commanding general namin is bisaya, ibig sabihin ng padayon is tuluy-tuloy lang,” sabi nito.

Muntikan makuha ng Perlas Spikers ang opening set, 24-22, ngunit hindi pumayag ang Air Force na pumalo ng apat na magkakasunod na puntos upang agawin ang unang set.

Pagdating ng second set ay binulaga ng Lady Jet Spikers ang kalaban sa pagkamada ng 8-1 kalamangan at walang awang tinapos ang set sa 25-8.

Pagdating ng third set ay hindi na binitiwan ng Air Force ang momentum at tuluyang binangkarote ang Banko.

“Actually napag-aralan namin [ang BanKo]. Kasi noong natalo kami, mabagal sila, mas mabagal kami. So ngayon iniba namin ang game plan, binilisan namin. Naging effective naman,” ani Jimenez.

Dahil sa pagkatalo ay bumaba ng bahagya ang Banko sa 6-4 ka-tie ang Pacific Town Army sa No. 3 spot.

Please follow and like us:
Read More

‘MALAKANYANG BOY’ UNTOUCHABLE?

MALACANANG

Anti-corruption drive ng gobyerno peke?

(EXCLUSIVE SA PERYODIKO FILIPINO)

PEKE at palabas lang na galit ang Malacanang sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at wala umano itong plano na lansagin o tanggalin sa puwesto ang mga guma­gawa ng pera at nagpupuno ng kanilang bulsa.

Rep France CastoIto ang mga binitiwang salita ni ACT party-list Representative France Casto kaugnay sa pagbubunyag na ginawa ng PeryodikoFilipino Inc. na isang ‘Malakanyang Boy’ ang protektor at kolektor ng ilegal na  Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Cebu na naunang nahulihan ng 182 empleyado na pawang walang lisensiya at permit.

“Kung totoo ang ganyang situwasyon, peke ang kampanya ng ating gobyerno, ng Malacanang doon sa corruption,” ani Castro sa panayam ng PeryodikoFilipino Inc.

“Nasa loob pala ng Palasyo ang protektor at kolektor ng mga ilegal na POGO.”

Nabatid ng pahayagang ito na nagbibigay umano ng suhol na P36 milyon bawat buwan ang POGO sa Cebu na ilegal na nag-ooperate kapalit ng kanilang nakukuhang proteksyon sa mga ahensiya ng pamahalaan na ibinibigay ni ‘Malakanyang Boy’ na tumatayo umanong kolektor.

Naunang ibinunyag ng PeryodikoFilipino Inc. na demoralisado ang hanay ng Phi­lippine National Police (PNP) sa Region 7 matapos pakawalan ng Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office ang mga naarestong empleyado ng Xin Juang Jeng Ching Ltd. kabilang ang 31 ‘high profile’ Chinese  sa raid na isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)  nitong Setyembre lamang sa 12 palapag na gusali ng Tower One Plaza Magellan sa lungsod ng Lapu-Lapu.

Natuklasan ng mg tauhan ng CIDG na ang Xin Juang Jeng Ching Ltd. Ang nasa likod ng 22bet.com website kung saan nagtratrabaho ang 182 dayuhan na naaresto sa isinagawang operasyon.

Upang mapakawalan ang 31 ‘high value’ Chinese na kabilang sa 182 Chinese employees ng nasabing ilegal na POGO, nag-alok ang mga ina­resto ng P150 milyong suhol sa pamamagitan ng kanilang interpreter.

Dahil dito, nagplano ang mga pulis ng entrapment operation subalit isang opisyal umano ng Malacanang na nakabase sa Visayas ang nakialam at pinatigil ang operasyon laban sa nasabing POGO dahil nakatimbre na umano ito sa PNP, National Bureau of Investigation (NBI) at maging sa Palasyo.

Nang hindi kumagat ang raiding team sa suhol ay itinaas ito sa P250 Million hanggang sa umabot sa P500 Million su­balit nagulat na lamang ang mga ito nang pagdating sa prosecutor’s office ay pinakawalan ang mga inaarestong dayuhan kaya pinaniniwalaang ito ay dahil sa impluwensya ng ‘Malakanyang Boy’.

Sa pag-analisa ni Castro sa detalye, sinabi nito na kahit sino naman ay magdududa na nagkaroon ng suhulan at may kinalaman si ‘Malacanang Boy.’

“Nakakaduda talaga na nagkaroon ng aregluhan kasi bakit basta na lang pinakawalan ang mga dayuhan? Bakit ‘for further investigation’ ang rekomendasyon ng piskalya?,” ayon kay Castro.

Iginiit pa nito na mara­ming ulat na karamihan sa mga POGO workers ay walang permit upang magtrabaho sa bansa.

“Kasi nga unang-una, itong mga POGO na ito ay may nakikitang paglabag sa batas. Kung totoo ang mga Chinese na pinakawalan, maraming anomalya, wala pa sigurong permit ang mga iyan at ang mga passport ay defective,” giit pa ni Castro.

Duda din ang mambabatas na posibleng mas malawakan ang katiwalian sa mga ilegal na POGO na nag-ooperate sa bansa at daan-daan milyon ang sangkot na halaga para sa kanilang proteksyon lalo na’t nagkalat ang POGO sa bansa higit sa Metor Manila.

“Eto (Cebu ilegal POGO), isang probinsya pa lamang, isang kaso pa lang, malamang nangyayari ang ganyang anumalya sa iba’t ibang units ng POGO kaya, masasabi natin na hindi seryoso ang Malacañang na lutasin ang katiwalian,” ani Castro. BERNARD TAGUINOD

Please follow and like us:
Read More

BEBOT NA INMATE TODAS SA ASTHMA ATTACK

crime44

(NI HARVEY PEREZ)

NASAWI habang ginagamot sa Sta. Ana Hospital ang  isang 49-anyos na babaeng person under police custody (PUPC) nang atakehin ng kanyang sakit na hika sa  loob ng piitan ng Manila Police District- Police Station 10, Linggo ng umaga sa  Sta. Ana. Maynila.

Kinilala ni PCMMS Donald Panaligan ng MPD-homicide dection ang biktima na si  Angelita Bisa, ng no. 2141 Interior 3 Jesus St., Barangay 834, Zone 91, Pandacan, Maynila, na idineklarang patay dakong alas 11:20 ng umaga.

Nabatid na  alas 3:50 ng madaling araw  nang magreklamo ng paninikip ng dibdib at pagkahilo si Bisa kaya isinugod siya sa nasabing pagamutan ni P/Corporal Lito Laurio.

Kaagad na dinala sa emergency room si Bisa at ilang oras ay
dumating ang mister ni Bisa na si Edgardo, kasama ang anak nila pero nasawi rin ang biktima makalipas ang ilang oras.

Ayon sa pulisya, Agosto 12 nang maaresto ang biktima dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 section 11, kilala bilang Comprehesive Dangerous Drug Act of 2002.

Habang nakakulong lalong lumala ang sakit na hika ng inmate.

 

 

Please follow and like us:
Read More

ESPEKULASYON LANG

KAAA BOOM

MISTULANG espekulasyon na lamang ang naging pahayag ni Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na patuloy na nagre-recycle ang ilang tiwaling pulis ng ilegal na droga kaya hindi maubos-ubos ang shabu sa bansa. Bakit?

Kasi sa impormasyon na ating nakuha, sa listahan ng PDEA na mga pulis ay ilan sa mga ito ang matagal nang tinanggal sa serbisyo habang ang iba ay napatay na o pinatay na.

So bakit ito nasabi ni Aquino na sinisi ang PNP sa patuloy na pagdami ng droga? Teka…teka.

Kailan na nga ba nakahuli ng big fish ang PDEA o ‘yung mga kilo-kilong shabu? Hindi ko na yata maalala kung kailan o meron man samantalang ang PNP ay sandamakmak ang narerekober na mga shabu katulad na lamang nitong  nakaraang linggo di ba P204 milyon na ha­laga ng shabu ang narekober ng National Capital Region Office (NCRPO) nang magsagawa sila ng operasyon sa Pasig City.

Nadakip si Manolito Lugo Carlos, alyas Lito and Tonge na sinasabing ‘right hand’ ng isang convicted drug lord sa Natio­nal Bilibid Prison (NBP), na ayon kay NCRPO Director Major General Guiller­mo Lorenzo Eleazar, ang nasabing suspek ang siyang promotor sa pagkalat ng droga sa buong kamaynilaan, Central Luzon at Calabarzon maging sa NBP! Ang galing ‘di ba?

Saglit, saan kaya nagmula ang kilo-kilong shabu na hawak ni Carlos? Hindi kaya may nakalusot na naman sa ating mga pantalan na droga? Hindi kaya nakalusot na naman sa Bureau of Customs (BOC)?

Sa ganang akin, hindi na dapat idiin ng PDEA ang PNP sa halip, gawin na lamang ng PDEA ang kanilang trabaho at paigtingin ang kanilang pagbabantay sa mga pa­liparan at pantalan upang masawata ang pagpasok ng droga galing sa ibang bansa o kundi naman hulihin ang mga shabu laboratory na siyang nagma-manufacture ng ilegal na droga. ‘Di ba may Tama ako?

7 pushers ‘di umubra sa QCPD PS 3

Katahimikan at kaayusan ang prayoridad ni P/Col. Ronnie Montejo, bagong talagang district director ng Quezon City Police District (QCPD) para sa lungsod at higit sa lahat para sa seguridad ng mamamayan.

Para makamit ang kampanya, binanggit ni Montejo sa kanyang inaugural speech sa pagtanggap sa posisyon noong Setyembre 17, 2019 sa change of command ceremony na ginanap sa Kampo Hen. Tomas Karingal, na naniniwala siya na ang pagpapaigting pa rin sa giyera laban sa ilegal na droga ang dapat na prayoridad.

Bukod dito, ang pagpapaigting ng kampanya sa droga ay bilang suporta sa kampanya ni Pangulong Duterte, dagdag ni Montejo.

Isa sa agad na sumunod bagamat, talagang araw-araw ang ginagawang paglilinis sa kanilang area of jurisdiction laban sa droga ay ang Talipapa Police Station 3 na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Benjamin G. Gabriel Jr.

Sa pamamagitan naman ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Dondon M. Llapitan, nagresulta sa pagkakadakip ng pitong kilalang drug pusher ang kanilang isinagawang buy-bust operation, ilang oras ang nakalipas matapos magtalumpati si Montejo. Ang galing di po ba?

Ang pitong nadakip ay hindi pipitsugin kasi sila ay nasa drug watchlist ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC). KEEP UP THE GOOD WORK PNP! KAAA… BOOM! (KAAA..BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

SABLAY ANG IBINIDA NI PRES. DUTERTE NA SIYA NAGPA-AMBUSH KAY LOOT

CHRISTIAN BOMB

SA harap ng mga bagong appointed na mga opisyal ng pamahalaan sa Malacañang ay ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos na ipa-ambush si ret. Police General at dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

“Loot, p…..mo, nanalo pa na mayor, inambush kita, animal ka, buhay pa rin.” Iyan ang kumpletong statement ni Pangulong Duterte patungkol kay Loot.

Si Loot, noong May 2018, kasama ang kanyang pamilya ay tinambangan ng mga hindi kilalang lalaki sa Daanbantayan, Cebu. Sa ambush na ito, nasugatan si Loot at tatlo niyang kasamahan.

Ang paniniwala noon ni Loot ay mga kalaban niya sa pulitika sa bayan niya sa Daanbantayan ang nagpa-ambush sa kanya, pero dahil sa ibinidang ito ni Pangulong Duterte ay alam na ngayon ng da­ting police general turned politician kung sino ang nagpa-ambush sa kanya at sa kanyang pamilya.

Dahil sa ibinidang iyan ni Pangulong Duterte ay halos maturete sina Presidential spokesman Salvador Panelo at Sen. Bong Go sa pag-twist sa sinabi ng Presidente, na ayon kay Panelo ay Bisaya raw kasi ang Pangulo, na ang laman daw talaga ng sinabi nito ay “Loot, inambush ka na, buhay pa rin” at sa bahagi ni Sen. Go, ayon sa kanya ay nagbibiro lang daw ang Presidente.

Ang sinabi kasing ito ni Pangulong Duterte ay maaaring gamiting dag­dag-ebidensya sa kanya kaugnay sa kinakaharap niyang kaso sa International Criminal Court (ICC) na may kinalaman sa extrajudicial killings na nangyayari sa bansa.

Bukod diyan, maaa­ring ikagalit din ng mga opisyal at miyembro ng AGFO (Association of Generals and Flag Offi­cers) ang ibinidang ito ni Pangulong Duterte, dahil si Loot ay dating heneral na miyembro ng AGFO.

Sa totoo lang, kaya todo-pagtatanggol sina Panelo at Sen. Go tungkol sa isyung ito ay dahil alam nila na malaking sablay ang ibinida ng Pangulo na siya ang nagpa-ambush kay Loot at sa pamilya nito.

oOo

TIMBRE: Paging PNP Chief, Director Ge­neral Oscar Albayalde…Sa Tarlac at Angeles City, nagkalat na raw ang mga illegal gambling na color games, hi-lo at drop balls ni alyas “Ricky”…sa Quezon City ay parang legal na raw ang pasakla nina “Amang” at “Willy.” (CHRISTIAN’S BOMB/ CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

2 NPA TODAS SA MILITAR

PATAY

(Ni JG Tumbado)

Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang patay sa panibagong engkuwentro sa pagitan ng militar sa bulubunduking bahagi ng Barangay sa bayan ng Panganiban sa Catanduanes araw ng Linggo.

Nabatid kay Army Lt. William Hiponia, company commander ng 83rd Infantry Battalion, nagsasagawa umano ng combat operation ang kanyang tauhan katuwang ang Provincial Mobile Force Company ng Catanduanes Provincial Police Office (CPPO) at Panganiban Municipal police sa Barangay Taopon ng makasagupa ng mga ito ang nasa 7 mga rebeldeng komunista dakong ala-1 ng madaling araw.

Nagkaroon ng pagpapalitan ng putok sa magkabilang panig at matapos ang sampung minutong bakbakan ay bumulagta ang dalawang hindi pa makilalang rebelde.

Umatras ang kalaban kung saan iniwan na ang napatay nilang kasamahan at maging ang ginamit na AR15 assault rifle at ibat ibang mga bala sa encounter site.

Patuloy pa ang pagtugis ng militar at pulisya sa mga nagsitakas na kalaban na sinasabing patungo sa bundok na sakop na ng katabing bayan.

Please follow and like us:
Read More

HAZING SA PMA

yourservice

NAULIT. Akala ko wala na ang hazing sa ating mga paaralan pagkatapos ng kaliwa’t kanang pagkamatay ng mga initiates. Mas nakagugulat ang pagkamatay ng isang plebe sa loob ng premyadong institusyon ng ating militar — ang Philippine Military Academy. Unang lumabas sa balita — tila isang simpleng kasong medikal lamang.

Ngunit pagkatapos ng pagsusuri ng kapulisan sa pagkamatay, ito pala’y sanhi ng hazing dulot ng tinatawag nating “blunt force trauma” na likha ng pagpapahirap sa kanya ng kanyang mga kapwa kadete sa loob ng PMA.

Dinala raw siya, ayon sa ulat na aking nabasa, sa PMA Hospital ngunit pinabalik din ng mga doktor doon dahil iba ang kanilang resulta ng pagsusuri. Di kalaunan ay nagsuka na ang biktima at natagpuan na lamang patay sa kanyang higaan.

Hindi ko alam kung ako’y malulungkot, matatakot, maiinis, magagalit o mabubuwisit sa pangyayaring ito. Akala ko naman ay wala nang hazing sa PMA o kung meron man ito’y resonable o inalis na ang pagpaparusa sa katawan ng plebe. Mali pala ako. At sa rea­lisasyong ito — mayroon pa rin kayang hazing sa ating mga paaralan — pribado man o pambubliko? Hindi na ba talaga natin ito mabibigyan ng solusyon at maghihintay na lamang tayo ng susunod na biktima?

Sigurado ako na magiging laman na naman ng mga pahayagan ang insidenteng ito — sa te­lebisyon, sa mga panayam sa ating mga opisyal ng PMA at siguro magi­ging laman ito ng imbestigasyon sa Kongreso. Hanggang ito’y malimutan muli at mapalitan ng ibang insidente na bibihag ng atensyon ng publikong Pilipino.

Sapat na ba ang ating batas tungkol sa hazing? Bakit tila hindi natatakot ang mga gumagawa pa nito? Saan nagkulang ang ating batas laban sa ha­zing? Nagkulang nga ba?

O ang dapat nating tignan ay ang mga nagpapatupad ng mga probisyong ito sa loob ng kani-kanilang paaralan? Mga tanong. Kay daming tanong. Habang naghihintay tayo ng sagot, unti-unting nadaragdagan ang mga biktima ng hazing.

Sa aking munting palagay, normal lang ang mga ganitong kaugalian at gawain sa loob ng isang institusyong militar — ngunit meron itong hangganan. Hindi maa­ring gawing palusot ang aktibidad na hazing upang walang awang parusahan ng pisikal ang isang plebe. Walang karapatan ang sinoman na manakit. Tila nawala na sa ating mga kabataan ang tunay na hangarin ng hazing noon — ang pagpapatibay ng kalooban, at katatagan ng karakter ng isang tao — upang maging tapat at karapat-dapat maging bahagi ng isang grupo. Hindi pananakit ang susi ng pagtanggap sa grupo, kundi kung papaano mo maipakikita ang iyong tibay ng damdamin, tapat na saloobin at ang uri ng iyong pagkatao sa harap ng krisis o suliranin.

Siguro naman may ibang paraan upang malaman natin kung karapat-dapat maging kaanib o miyembro ang isang neophyte o plebe sa isang orga­nisasyon, kapulungan o fraternity. Naniniwala ako na maaring humanap ng mga makabagong paraan — mga intelehenteng paraan — upang makapagpasya ang iba’t ibang organisasyon, fraternity, sorority, o kapulungan imbes na gumamit pa ng isang makalumang kagawian tulad ng hazing. (@YOURSERVICE / ATTY. DAVID AQUINO)

Please follow and like us:
Read More

RK, NA-DEPRESS DAHIL SA REJECTIONS

RK BAGATSING

boy abundaHindi naging madali para kay RK Bagatsing na pasukin ang show business kahit naunang sum-abak at sumikat ang nakatatandang kapatid na si Raymond Bagatsing. Madalas lamang daw noon na sumasama si RK sa kanyang kuya kapag nagte-taping ito. “When I was growing up I was watching my brother Raymond Bagatsing, doing his thing. Sumasama pa ako sa mga tap-ing niya. Pinakamatagal kong sama sa kanya, nagti-taping siya ng ‘Marinela,’ what’s funny was ang director was FM Reyes, ang mga bida no’n Camille Prats, Serena (Dalrymple) and Shaina (Magdayao). Now after ilang years I’m taping ‘Nang Ngumiti Ang Langit’ directed by FM Reyes and kasama ko si Shaina, parang in retrospect,” nakangiting pahayag ni RK.

Nagtatrabaho ang binata noon sa isang kompanya nang maisipang subukan na rin ang pagiging artista pero hindi ito naging madali. “My life before this was a lot of rejections. Second guess-ing, over thinking, I didn’t know what to do with my life. I was working in a company na I was earning pretty good. I was up for promotion but I wasn’t sure if that’s the job I want to do for the rest of my life. Parang naisip ko na, ‘Gusto ko pa bang pumasok sa office ng 7 (a.m.) to 4 (p.m.) or 9 to 5 for the rest of life?’ And then I was contemplating. Siguro po meron pa akong mga bagay na gustong gawin sa buhay or i-explore. So from having a secured job, secured pay every month, nag-move ako sa pagiging freelance in pursuing my acting career,” kwento niya.

“It wasn’t easy because hindi naman ako na parang pumasok lang. I started sa commercial and siguro sa thousands of auditions and castings, bilang pa rin sa daliri ko ‘yung nakuha ako. After that saka nag-start ‘yung TV, films. Doon ako nag-start mag-audition nang mag-audition, gano’n pa rin, ‘yung ratio nang makuha ka sa project. To be honest there’s a period in my life na na-depress ako. Every actor na tatanungin mo if they want to be in this business, they all want this one big break. You can’t help but think, ‘Para sa akin ba talaga ‘to?’ May mga times na madi-depress ka talaga. Mas lalong napu-fuel ‘yung insecurities mo sa sarili. Nadaanan ko lahat ‘yon,” dagdag ng aktor.

May ilang mga bagay namang natutunan si RK dahil sa mga napagdaanan niyang pagsubok noon. “You have to decide, you have to move on. Kahit gaano kasakit ‘yung rejections na nata-tanggap mo, hindi mo kailangang masaktan sa isang bagay na hindi mo nakuha. It’s really meant for someone else. It’s all about timing. For me, darating din ‘yung break na hinahanap mo. You really have to keep moving forward, don’t give up,” pagtatapos ng binate.

-Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More

KASAMBAHAY NAGNAKAW NG P2.7-M, TIMBOG

arrested12

JG TUMBADO)

NAHULI sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ang isang 20-anyos na babaeng kasambahay matapos umanong nakawin ang P2.7 milyon mula sa kanyang among negosyante sa bayan ng Kalibo, Aklan noong Sabado.

Inabutan pa ng mga tauhan ng Kalibo municipal police ang suspek na si Cheryl Nabor na nasa jetty port terminal habang nag-aantay ng kanyang biyahe patungo sa bayan ng Caticlan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tinangay umano ng suspek na si Nabor ang perang nagkakahalaga ng P2.7 milyon na nakatago sa cabinet ng kuwarto ng kanyang amo.

Subalit nasa P2.6milyon na lamang umano ang nabawing pera mula kay Nabor na hindi na tumanggi pa sa akusasyon laban sa kanya.

Napag-alaman pa sa report na 13-anyos pa lamang umano ang suspek nang unang mamasukan ito sa biktima bilang kasambahay.

Hindi umano makapaniwala ang biktima na magagawa sa kanya ang pagnakaw ni Nabor na itinuring na niyang anak.

Kasalukuyang nakapiit na sa Kalibo police detention cell si Nabor at nahaharap sa kasong robbery.

Please follow and like us:
Read More