2019 WORLD CHAMPIONSHIP: ‘DI NADALE NI DIDAL

Margielyn Didal-2

NABIGO si Filipina skateboarder Margielyn Didal na dumerecho sa finals ng 2019 World Championship sa Sao Paulo, Brazil. Tumapos lang na 15th place sa semifinals ng World Championship ang gold medalist sa nakaraang Asian Games na si Didal makaraang makatipon ng 10.4 puntos. Tanging top 8  sa naturang tournament ang umabante sa final round. Kabilang sa Super Crown finalists sina: Mariah Duran ng United States, Pamela Rosa at Rayssa Leal ng Brazil, Yumeka Oda at Aori Nishimura ng Japan, Candy Jacobs ng Netherlands, isa pang  American na si Alexis Sablone,…

Read More

JM HAHARAPIN ANG KASONG FRUSTRATED MURDER

(NI ROSE GARCIA) Hindi na natapos ang mga ‘unos’ o ‘gusot’ sa buhay ng Kapamilya actor na si JM de Guzman. Bukas na libro naman ang pinagdaanan niya ng ilang beses dahil sa droga at kung paano rin niya ginawang makabangon palagi rito. Yun nga lang, sadyang may mga tao sigurong kahit na sinisikap mong maging maayos ang buhay, sadyang itinadhana na may mga ‘twist & turns,’ may mga humps along the way. Bigla ngang may isyu na diumano’y sinampahan si JM ng frustrated murder case sa Quezon City Prosecutor’s…

Read More

CALL CENTER AGENT HULI SA MARIJUANA

(NI KEVIN COLLANTES) BAGSAK sa kulungan ang isang call center agent nang mahulihan ng pake-pakete ng marijuana sa Barangay dela Paz, Pasig City nitong Sabado ng gabi. Sa imbestigasyon ng Pasig City Police, lumilitaw na dakong 11:00 ng gabi nang maaresto ang suspek na si Robert Quijano, 36, sa 14 Edward Street, Christine Village, Barangay Dela Paz. Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek. Kaagad namang nag-aplay ng search warrant sa hukuman ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa…

Read More

BABAENG ELECTRICIAN NG POGO, HULI SA BOMB JOKE

(NI SIGFRED ADSUARA) LAKING pagsisisi ng isang 22-anyos na babaeng electrician na nagtatrabaho sa mga ipinatatayong gusali ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) matapos itong arestuhin at kasuhan dahil lamang sa pagbibiro na may bomba ang kanyang bag sa Kawit, Cavite. Kasong paglabag sa PD 1727  (Malicious Dissemination of False Information of the willful making of any threat concerning bomb), ang isinampa laban sa suspek na si Kimberly Hita, isang electrician ng Meadows 1, Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite, dahil sa reklamo nina Dante Cobitan, 40 at  Joan Golosino, 24,…

Read More

I NEEDED TO GIVE MYSELF SOME TIME –LOVI

(NI ROSE GARCIA) HINDI pa rin talaga nagbabalik ‘completely’ ang magaling na Kapuso actress o ang Primera Aktres na si Lovi Poe sa teleserye simula nang mag-break siya from showbiz. Limang buwan din nawala si Lovi para magpahinga pero at the same time, nag-aral din daw siya ng acting with a one-on-one coaches. Sey niya, “I was in LA, I took a break. I feel like I just needed to, probably give myself some time, ‘coz I feel like, I’ve been working since I was fifteen and everyday feels like…

Read More

NAGSAWA SA HIRAP

(NI ANNIE PINEDA) TINAPOS  ng isang magsasaka ang paghihirap umano nito sa buhay sa pamamagitan ng pagbigti, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Cagayan. Kinilala ang biktimang si Santiago Capili, 34, ng Cabatakan West Lasam, Cagayan. Batay sa report ng PNP Lasam, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakabigti sa kanilang terrace at wala nang buhay. Kuwento ng misis ng biktima, bago ang insidente Set. 19, ng gabi, habang sila ay natutulog , nagsabi pa sa kanya ang mister tungkol sa problema nito sa hirap ng pamumuhay. Kinabukasan paggising ng…

Read More

BANGKAY NG BABAE LUMUTANG SA DAGAT 

(NI ANNIE PINEDA)   NAKATAOB na nagpalutang-lutang nang matagpuan ang bangkay ng isang babae sa sa karagatan sakop sa bayan ng Estancia, Iloilo, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Nelissa Vilches, 37 anyos , at residente ng Barangay Salong, Batad, Iloilo City. Batay sa report ng Estancia Police Station, dakong alas 9:00 ng umaga ng Sabado ng matagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima nakalutang sa Isla ng Barangay Loguingot ng naturang bayan. Kaagad naman rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast guard-Iloilo City at iniahon ang bangkay…

Read More

5-ANYOS NAKITANG PATAY SA KOTSE

(NI ANNIE PINEDA) MAAGANG binawian ng buhay ang isang batang babae nang matagpuan ito sa loob ng pribadong sasakyan, iniulat kaninang umaga sa General Santos City. Dead-on-arrival nang idating sa ospital ang 5-anyos na batang babae na hindi pinangalanan ng Bgy. Tambler, General Santos City. Ayon kay Dr. Jette Oco, city health office ng nasabing lungsod, lumabas sa kanilang pagsusuri na namatay ang bata sa suffocate o nawalan ito ng hangin sa loob ng sasakyan na nakasarado ang buong pintuan nito. Paniwala ng mga awtoridad, posibleng nakatulog ang bata sa…

Read More

VLOGGER NA SI JULIA

(NI VINIA VIVAR) MAY You Tube vlog na rin si Julia Barretto at an first video na in-upload niya ay ang mga behind the scenes niya sa ASB-CBN Ball 2019 habang nasa hotel room siya at naghahanda. Sey ni Julia sa kanyang IG post, isang taon na rin daw niya itong pinag-isipan. “It’s official, I’m going to be on Youtube! I’ve been thinking really long and hard about this for almost a year already. Thank you to everyone who encouraged me to finally do this,” ang announcement niya sa IG.…

Read More

GANG WAR: 2 MINOR NA MAGKATROPA SINAKSAK; 1 PATAY

(NI ORLANDO DINOY) BANSALAN, Davao del Sur – Dalawang menor de edad ang sinaksak ng mga hindi pa kilalang suspek sa Brgy. Poblacion Uno, Linggo ng madaling araw sa isa umanong gang war. Kinilala ni Police Major Rodante Varona, hepe ng pulisya, ang mga biktima na sina Welmar Arapok, 15 at Gabriel Jamal, 13, pawang residente ng Cosmos Street, Brgy. Poblacion Dos sa lugar. Ayon kay Varona, nangyari ang pananaksak sa isang abandonadong bahay sa lugar. Napag-alaman na si Arapok ay idineklarang dead on arrival sa Mabama Doctors Hospital matapos…

Read More

SUSPEK SA ‘BOOKIES’ NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM

(NI JUN V. TRINIDAD) QUEZON – Isang hinihinalang sangkot sa mga nakaraang operasyon ng iligal na Small Town Lottery (STL) o ‘bookies’ ang niratrat hanggang sa mapatay sa Lucena City sa lalawigang ito noong Sabado. Sa report ni Lt. Colonel Reydante Ariza, Lucena police chief, kinilala ang biktima na si Shervin Suarez, 23, at residente ng siyudad na ito. Nagmamaneho si Suarez ng kanyang kotse nang bigla na lamang siyang dinikitan ng riding-in-tandem na salarin at paulit-ulit na binaril. Bumaba pa ang isa sa mga salarin at hinaltak ang duguang…

Read More

MATCH MADE IN HEAVEN NGA BA ANG MARKRIS?

(NI VINIA VIVAR) MAY nabuo na agad na pangalan ng loveteam ang mga netizens para kina Kris Aquino and Batangas Vice Governor Mark Leviste. MarKris ang tawag sa kanila ngayon dahil nga sa palitan nila ng mensahe sa Instagram. Bigla na lang kasing nag-comment si Vice Gov. sa post ni Kris the other day. Aniya. “looking for someone single, aged 41?” Marahil na rin, ito ay dahil sa post ni Kris na may Facebook account na raw siya at iniimbitahan niya ang mga single men na i-add siya as a…

Read More

PEKENG PARI LAGANAP

antipolo

(NI KIKO CUETO) NANAWAGAN ang Archdiocese of Antipolo sa publiko na mag-ingat laban sa dumaraming nagpapanggap na pari na nanghihingi ng pera para umano sa simbahan mula sa mga deboto. Ito ay matapos silang makatanggap ng mga reklamo kaugnay sa nasabing raket. Sinabi ni Antipolo Bishop Francisco de Leon, marami na sa kanilang mga parishioner ang nabiktima. Ito ang dahilan sa kung bakit nagkakaproblema umano sa kanilang simbahan. Sa report, madalas na nagsasagawa ng house blessing umano ang mga pekeng pari at nanghihingi ng pera o gift card. Hinimok din…

Read More

PAGPAPATUPAD NG K-12 MAGANDA O MASAMA ANG BUNGA?

K-12

(Ni Mac Cabreros) SINIMULAN ng Department of Education (DepEd) ang Senior High School o SHS ng K to 12 program noong 2016 kung saan nadagdagan ng dalawang taon ang basic education. Sa nakalipas na taon (2018) mahigit isang milyon ang unang batch ng SHS graduates. Layon ng SHS na mahubog o mapanday ang mga estudyante sa napili nilang larangan o track na Academic, Technical Vocational at Livelihood, Arts and Design at Sports upang handa silang pumasok sa trabaho o magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Ngunit, handa nga ba ang mga…

Read More

2 BUWAN BABY, IBINITIN, INIHULOG NG TATAY SA SEMENTO

crime

(NI JG TUMBADO) KINARATE saka inihulog umano sa semento ng isang lalaki ang kanyang sariling anak sa Sta. Cruz, Laguna. Kalaboso ngayon ang suspek na si Robert Binaya na nahaharap ngayon sa kasong parricide. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, umuwing lasing si Binaya at nakitang nakahiga ang paslit na biktimang si Daniel. Hinawakan umano ng suspek sa mga paa ang bata at ibinitin patiwarik. Kinarate rin umano nito ang sanggol sa ulo at pagkatapos ay inihulog sa semento. “Hindi ko naman po ibinagsak. May kutson naman po doon sa higaan…

Read More

EX-DJ, 3 PA, HULI SA SHABU

(NI LILY REYES) HULI ang apat katao, kabilang ang isang dating radio DJ, sa anti-illegal drugs operation, Biyernes ng gabi sa Quezon City. Sinalakay ng  Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) operatives  ang drug den ng mga suspek  sa Barangay Bahay Toro,  Project 8, Quezon City. Kinilala ng mga  PDEA agents  ang mga naarestong suspek na sina dating  DJ na si  Marieto Laureno alias  ‘Papa Tolits.’ ,  Arbie Chua may-ari ng bahay na sinalakay , Louwy Manabat at  Winne Hunter. Nakumpiska sa mga suspek ang  shabu na nagkakahalaga ng P170,000 . Ayon kay PDEA-NCR director Joel Plaza , nakatakas  ang isa pang  drug supplier na…

Read More

NAGKAALAMAN NA!

PANANAW

NAIIRITA si Presidential son, Cong. Paulo Duterte na siyang Deputy Speaker ng mababang kapulungan ng Kongreso kay DOT Sec. Berna Romulo – Puyat na ikinagulat ng publiko noong Huwebes sa deliberasyon ng 2020 national budget. Ayon sa mambabatas, sasama sana siya sa deliberasyon at ratipikasyon ng budget ng departamento ni Sec. Puyat noong Martes, Sept. 17, para maklaro ang mga isyu at concern laban sa DOT chief tungkol sa nangyayari umano sa kanyang departamento. Plano sana niyang umupo sa deliberasyon at tanungin ang kalihim tungkol sa mga nakararating na reklamo…

Read More

LALAKING MAY BITBIT NA PAYROLL MONEY HINOLDAP, PINATAY

(NI ROSE PULGAR) PATAY ang isang lalaki na may dalang payroll money ng isang travel and tours nang pagbabarilin ng tatlong nakamotorsiklo sa Paranaque City, nitong Biyernes. Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Michael Angelo Mamuad, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi matukoy na kalibre ng baril. Patuloy pang inaalam ng Paranaque City Police ang pagkakakilanlan ng dalawang suspect na sakay ng motorsiklong walang plaka. Sa inisyal na ulat, naganap ang pamamaril sa likod ng parking area ng…

Read More

PASASALAMAT

PINOY ABROAD

(OH give thanks to the LORD, for he is good; for his steadfast love endures forever! Psalms 118:1) ANG pagpapasalamat sa Diyos ay hindi opsyonal para sa mga Kristiyano. Maraming talata sa Bibliya na nag-uutos sa atin na magpasalamat sa kanya. Bukod sa ­ating talata para sa araw na ito, sinasabi ng mga Awit 100:4 na dapat tayong “pumasok sa kanyang mga pintuan na may pasasalamat, at sa kanyang mga hukuman na may papuri! Magpasalamat sa kanya; pagpalain ang kanyang pangalan!” Habang sa Awit 95:2 ay ganito ang sinasabi: “Halina’t…

Read More

MAY KUMIKITA SA PARAÑAQUE PROSTITUTION DEN

BAKBAKAN NATIN

BIHIRANG maging laman ng balita ang Lungsod ng Parañaque dahil bihirang magawi ang mga journalist sa nasabing lungsod kung saan ang alkalde ay si Edwin Olivarez. Ang masama, minsan lang akong makahagip ng balita tungkol sa Parañaque ay negatibong balita pa. Pokaragat na ‘yan! Minsan, napakapanood ako ng balita na nagsasabing maraming Intsik sa Parañaque. Ang iba sa kanila ay nagbilihan na lupa at nagpatayo ng gusali. Nalaman ko na kaya maraming Intsik sa lungsod ni Olivares ay dahil mayroong mga establisimyento sa lungsod na ginagamit sa Philippine Online Gaming…

Read More