PORTER NAPITPIT SA RAMPA NG BARKO

crime145

(NI ANNIE PINEDA)

MISTULANG piniga ang katawan ng isang porter makaraan maipit ito sa rampa ng barko nang pagsampa sa daungan, sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Joel Rayco, 35, ng Barangay Talisay  Sta. Fe isla Bantayan, Cebu.

Batay sa report ng Sta. Fe Police Station, dakong alas 4:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa Sitio Pantalan, Barangay Talisay, Santa Fe, isla ng Bantayan ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya,  dumating ang barko sa daungan at nakaabang na ang mga porter para sa pasaherong magpapakarga ng kanilang mga gamit.

Subalit, habang ibinababa ang rampa ay naipit ang biktima at halos ilang minuto pa ang makalipas bago ito makalas na agad naman dinala sa ospital pero idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Desidido naman ang pamilya ng biktima na magsampa ng reklamo sa pamunuan ng kompanya ng barko.

 

Please follow and like us:
Read More

TATAY SANGKOT SA INVESTMENT SCAM, 5-ANYOS ANAK, TINODAS 

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI na nakapasok pa sa loob ng kanilang bahay ang mag-ama makaraan pagbabarilin ang mga ito ng mga hindi pa kilalang suspek matapos bumaba ng kanilang sasakyan, Biyernes ng gabi sa Koronadal City.

Kinilala ang mga biktimang sina Bryan Togonon, 31, at anak nitong si Nicolo Bryzon Togonon, 5-anyos, kapwa residente ng Prk. Abrenica, Brgy. GPS, Koronadal City.

Batay sa report ng Koronadal City PNP, alas-8:20 ng gabi ng Biyernes nang dumating sa kanilang bahay sina Bryan kasama ang kanyang asawa at dalawang anak na ang isa ay 3-buwan sanggol,  lulan ng kanilang kulay puting Mitsubishi Mirage, galing sa pagbili ng gatas.

Pababa na sana ng sasakyan ang mga biktima nang sumulpot ang mga suspek at pinaulanan ng bala ng baril ang kanilang sasakyan at tinamaan sa iba’t-ibang parte ng katawan ang mag-amang Togonon habang masuwerteng hindi tinamaan ang misis at kargang nitong sanggol.

Mabilis naman tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Dinala sa ospital ang mag-ama pero kalaunan ay nalagutan din sila ng hininga.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, sangkot umano si Bryan sa isang investment scam at hindi ito nakapag-pay out ng halagang P10-milyon.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung may kinalaman sa investment scam ang motibo sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS, KAWATAN PATAY SA BARILAN SA SIMBAHAN 

(NI ANNIE PINEDA)

DAHIL sa sinumpaang tungkulin, nagbuwis ng buhay ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang maka-engkuwentro nito ang mga kawatan ng ikinamatay na isa, Biyernes ng hapon sa lalawigan ng Isabela.

Kinilala ang namatay na si S/Sgt. Richard Gumarang, ng Tuguegarao Police Station at ang suspek na kinilala lamang sa pangalan ‘Cris’, habang nadakip naman ang dalawang kasamang suspek na kinilalang sina Jayson Saringan, 29, at Edgar De Castro, 32, at tinutugis ang isa pa nilang kasama.

Batay sa report ng pulisya, dakong ala-1:00 ng hapon ng Biyernes nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Bgy. Turod,  Bugallon Ramon, Isabela.

Bandang alas 12:00 ng tanghali nakatanggap ng report ang Tuguegarao-PNP sa naganap na holdapan sa parking area sa St. Peter Metropolitan Cathedral, Tuguegarao City.

Kuwento ng biktimang si Lorena Carag, 45, nasa loob siya ng kanyang sasakyan sa nasabing lugar nang lapitan ito ng mga suspek at tinutukan ng baril saka kinuha ang kanyang bag na may laman na P10,000

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kulay pulang kotse na Toyota kaya naharang ang mga ito ng mga awtoridad sa ginawang checkpoint.

Sa halip na sumuko ang mga suspek ay nagtangkang tumakas ang mga ito at pinaputukan ang mga pulis dahilan para gumanti ng putok ang mga awtoridad subalit minalas si Gumarang at tinamaan na kanyang ikinasawi habang namatay din si ‘Cris’ nang tamaan sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nadakip naman ang dalawang suspek habang nakatakas ang isa.

Nakuha mula sa mga suspek ang Toyota Innova na kotse na ginamit sa krimen at M16 A1 rifle.

Nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at aalamin na rin sa Land Transportation Office (LTO) kung kanino nakapangalan ang sasakyan.

 

Please follow and like us:
Read More

TEACHER, 2 ANAK KINATAY NG MISTER; SUSPECT NAG-SUICIDE

(NI ANNIE PINEDA)

PINANINIWALAAN sinumpong sa sakit sa pag-iisip ang isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) na mister dahilan para pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang kanyang misis at dalawang anak saka nagpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili, sa probinsya ng Butuan city.

Kinilala ang nasawing suspek na si Rogelio ‘Jocjoc’ Ravelo Jr, 35, dating overseas Filipino worker (OFW), asawa nitong si Alfonsita Roales Ravelo, 39, elementary school teacher, at dalawa nilang mga anak na sina RJ Ravelo, 9 at CJ Ravelo, 3, pawang mga residente ng Sitio Gapas-Gapas Brgy. San Pedro, Cantilan, Surigao del Sur.

Habang dinakip naman ng mga tauhan ng Cantilan Municipal Police Station ang kapatid ni Alfonsita na si Alex Luarez, 47, residente sa Bagong Silom, Cantilan, Surigao del Sur, na isa rin sa suspek sa pagpatay sa pamilya ni Ravelo.

Batay sa report ng pulisya, natagpuan na lamang ang mga bangkay ng biktima sa loob ng kanilang bahay at tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakita ng tig-aapat na saksak sa dibdib ang dalawang bata habang ang kanilang ina ay may mga saksak sa kamay na senyales na nanlaban pa ito sa suspek.

Nakuha rin sa tabi ng bangkay ni Rogelio ang kutsilyo na ginamit sa krimen.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente humingi pa ng tawad si Jocjoc sa kanyang ama na si Rogelio Sr.

Nabatid, na galing sa Middle East ang suspek at pinauwi ito ng kanyang amo dahil sa kakaiba nitong ikinikilos at kumbinsidong may problema ito sa pag-iisip.

Pag-uwi ng bansa ni Jocjoc, napansin na madalas nagsasalita mag-isa at hindi kanais-nais ang lumalabas sa bibig nito ganun din ang kakaibang ikinikilos.

Samantala, isa rin umano sa suspek si Alex dahil minsan na rin umano itong nagbanta sa pamilya ng kanyang kapatid kapag hindi nakapagbayad ng malaking pagkakautang at ang lupa nila ang sinisingil bilang kabayaran.

Ayon sa pulisya, wala rin silang nakikitang puwersahan pinasok ang bahay ng pamilya Ravelo , bukod sa magulong kagamitan sa kusina.

Nagpapatuloy naman ang ginawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari.

 

Please follow and like us:
Read More

ABOGADONG PULIS PATAY SA AMBUSH

(NI ROSE PULGAR)

PATAY ang isang abogado, na isa ring retiradong miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos itong pagbabarilin ng dalawang kalalakihan Sabado ng madaling araw sa Muntinlupa City.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .45 baril, nasawi noon din ang biktimang si Jesus Acpal, 68, nakatira sa Block 46, Lot 46, Arellano St., Katarungan Village ng nabanggit na lungsod.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang mga kagawad ng Muntinlupa City Police at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

Sa report na nakarating sa tanggapan ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente dakong ala-1:05 Sabado ng madaling araw sa panulukan ng Arellano at Fernandez St., Katarungan Village, Muntinlupa City.

Kararating lamang ng biktima kasama ang anak nitong lalaki sa kanilang bahay at sakay ang mga ito ng kulay itim na Toyota Fortuner na may plakang ZLP-438.

Habang binubuksan ng biktima ang gate ng kanilang bahay ay biglang dumating ang mga suspect na armado ng  baril.

Walang salitang pinagbabaril ng mga suspect ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Pagkatapos ng pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek na naglalakad lamang na parang walang nangyari.

Isang concern citizen ang tumawag ng 911 upang ipaalam ang insidente at dito na nga naabutan ng mga pulis ang duguan at wala nang buhay na biktima.

Napag-alaman na isang abogado ang biktima at retired PNP din ito. Sa ngayon  ay iniimbestigahan pa ang nasabing insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

BASAG-KOTSE SUSPECT NAAKTUHAN, BUMULAGTA

(NI HARVEY PEREZ)

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Basag-Kotse matapos manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 9 na aaresto rito nang  maaktuhan binabasag ang  salamin ng isang sasakyan, Sabado ng madaling araw sa harapan ng Harrison Plaza Mall, sa M. Adriatico St., Malate, Maynila.

Ayon kay PLtCol Richard Ian Ang, ng MPD-PS 9,  ang suspek na nasa edad 30-35, may taas 5’3-5’5, may tattoo sa dibdib na  ‘Boy Cadua’ at ‘Charben Duarte’ sa tiyan,  nakasuot ng kulay itim na t-shirt at purple na short pants at nasawi dahil sa tama ng mga bala sa katawan.

Nalaman na  ala 1:45 ng madaling araw nang mahanap ang langyayari sa nabanggit na lugar.

Nagsasagawa umano ng anti-criminality  operation ang mga tauhan ng MPD-PS 9 nang pagsapit sa lugar ay namataan ang suspek sa aktong binabasag ang passenger window ng isang kulay itim na Toyota Fortuner na may plate number na ZMF-168  na nakaparada sa lugar.

Kaagad na sinita  ng mga pulis ang suspek at sa aktong aarestuhin ay bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis pero nagmintis dahilan para gumanti ang mga pulis dahilan para tamaan ang suspek.

Dinala pa ng crew ng MC 178 na si  PCpl. Jeffrey Espino, ang suspek sa Ospital ng  Maynila pero idineklarang dead on arrival.

Narekober sa suspek ang isang .38 revolver at 6 na bala na nakuha sa tabi ng suspek.

Please follow and like us:
Read More

REGINE HATE ANG TRAPIK

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

MUKHANG banas na banas na talaga si Asia’s Songbird Regine Velasquez  sa malalang traffic sa Pilipinas kaya naman napa-tweet siya nang ‘di oras at nagbigay ng kanyang suggestion kung paano ito mababawasan.

“May suggestion bakit kaya hindi I try ng mga kumpanya na iba ibang oras ang labas ng mga tao. Para sa ganon medyo gumaan ang traffic. Kaya lang ang dami nila ano yun pag uusapan ba nila?? o bawat lugar ba??? Ay ewan,” tweet ni Songbird.

Dahil dito ay bumuhos ang komento ng mga netizens at kanya-kanya rin silang suhestyon.

“May suggestion din po ako sana yung mga big company na may sariling bldg may rooms cla para dun nlng m22log employees nila hndi n uuwe ng bahay para weekends or restday lng uuwe o dba Iwas traffic lalo n ksi halos lahat employee my car like call center,” komento ng isa.

“Nice idea. Flexi time, work from home, opportunities in provinces, no to provincial rate, reduced private car, but most important thing is improved public transfortation and above all self desciplined and I thank you,” pahayag naman ng isa.

May nagbiro naman na si Regine raw ang naka-imbento ng traffic noong panahon ng mega-hit R2K concert nito.

“Ate.. you invented the traffic right? Year 2000 po yan nangayari. Hahaha chos! #R2K #ICONICCONCERT,” pagbibirong tweet ng netizen.

 

Please follow and like us:
Read More

NAMBOSO KAY TITSER, HULI

(NI SIGFRED  ADSUARA)

SWAK sa kulungan ang isang 34-anyos na lalaki nang naaktuhan habang sinisilipan ang isang teacher na naliligo sa Rosario, Cavite.

Kasong Unjust vexation, Disobedience,  resisting arrest to agent of Person in Authority at paglabag sa Sec. 12 Article II of R.A 9165 ang isinampa laban sa suspek na si Rolando Aquino, ng DO Jimenez St., Brgy Wawa 1 Rosario, Cavite,  dahil sa reklamo ng 39-anyos na teacher, ng Brgy Wawa, Rosario, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Joeyluz Pulasan ng Rosario Municipal Police Station, naligo ang biktima dakong alas-3:30 Biyernes ng hapon nang napansin na tila nabaklas ang bubong ng kanilang banyo hanggang sa nakita ang mga matang nakatitig sa kanya.

Nagsisigaw ito at tumawag ng saklolo sa kanilang kapitbahay na tiyempo namang napadaan ang ilang barangay Tanod.

Tinangka pa ng suspek na manlaban hanggang sa hindi rin nakapalag nang tuluyan siyang bitibitin.

Nang kapkapan ang suspek, narekober sa kanyang katawan ang 3 pirasong foil strip na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakakulong ngayon sa Rosario Custodial Center ang naarestong suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

81-ANYOS LOLA NAHULOG SA JEEP, PATAY

crime44

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang 81-anyos lola makaraang mahulog sa sinasakyan nitong pampasaherong jeep na nahagip ng isang cargo truck sa Camarines Sur, Biyernes ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Elzabeth Gueruela ng Brgy. Bikal, Libmanan, sa nasabing lalawigan.

Ayon sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nahagip umano ng papalusong na Mitsubishi Fuso double deck stake truck na may kargang 56 units ng iba’t ibang motorsiklo na nawalan ng preno ang pampasaherong jeep na nasa northbound pagsapit sa crossing ng Brgy. Tara, sa bayan ng Sipocot bandang alas-3:00 na nagresulta sa pagkakahulog ng biktima.

Bagama’t naisugod pa sa Sipocot District Hospital hindi na ito umabot nang buhay matapos magtamo ng malubhang pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homecide ang driver ng truck na nakilalang si Manuel Fuertes, 50, sa Bgy Turbina, Calamba, Laguna.

 

Please follow and like us:
Read More

SARCASM ANG SAGOT NI KC SA BASHER

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

SINAGOT  ni KC Concepcion ang basher na ikinumpara siya kina Madam Auring, Michael Jackson (RIP) at Arci Munoz na marami raw dagdag-bawas na ginawa sa mukha, meaning, nagparetoke.

“Kala ko si MADAM AURING Sa dami ng dagdag -bawas mo sa mukha, dami mo ng kamukha ‘Michael Jacson , Arci Munoz, ang lips hanggang tenga na., sige banat at hila pa hanggang umabot ang cheekbones mo sa noo,” komento ng basher sa isang post ni KC.

In fairness, maganda ang sagot ng dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Sa halip na magalit ay idinaan na lang niya sa biro or pwede ring sarcastic.

“Nakaka proud ka te effort talaga sa pag enumerate.” Komento ni KC at nilagyan ng heart emoji.

Kung bakit nga paboritong i-body shame si KC ng netizens at lagi na lang kung ano-anong panlalait ang sinasabi sa kanya. Mabuti na lang at pinaiiral ng dalaga ang kanyang pagka-edukada at hindi naman siya nagpapakita ng pagkapikon sa kanyang mga sagot.

Kamakailan lang ay tinawag siyang mukhang clown at nagpa-plastic surgery at pinakamatindi ay ‘yung akusasyong buntis siya na maayos ding sinagot ni KC.

NAGBABALIK-TV SI KUYA DICK

Mukhang malaki ang gagampanang role ng nagbabalik-telebisyon na si Roderick Paulate sa upcoming series ng GMA-7 na One of the Baes topbilled by Ken Chan and Rita Daniela.

Lumikha agad ng ingay si Kuya Dick (tawag kay Roderick) nang mag-viral ang video niya na kuha sa set ng One of the Baes matapos itong makakuha ng million views sa Facebook.

Komento ng marami, wala pa rin daw kupas si Kuya Dick sa pagpapatawa at mukhang isa siya sa inaabangan sa nasabing serye.

Bukod kay Dick, magagaling din ang iba pang veteran stars na kasama sa tinaguring “millenial fairytale series” na sina Amy Austria, Melanie Marquez, Tonton Gutierrez, at Jestoni Alarcon.

Malapit nang mapanood ang One of the Baes na talaga namang pinaghandaan nang husto nina Ken at Rita.

 

Please follow and like us:
Read More

10 SASAKYAN INARARO NG TRAK; 10 SUGATAN

accident12

(NI MAC CABREROS)

HIGIT sa 10 katao ang nasugatan nang araruhin ng truck ang 10 sasakyan sa Pasig City.
Pinaghahanap ngayon ng awtoridad si Elvie Magallanes, driver, habang naaresto at nakakulong ang pahinanteng si Sylvio  Macallia.

Sa pahayag ni Macallia sa pulisya, binabagtas nila ang kahabaan ng Ortigas Avenue, Barangay Ugong, patungong Silangan alas-4:35 ng umaga ng Biyernes nang mawalan ng preno ang truck na Dongpeng wing van truck at may plakang ABJ 6544.
Dahil madulas ang kalsada dahil basa ito sa ulan, hindi na napigilan ng driver ang truck at nasalpok  ang sasakyan sa unahan na nagresulta ng domino collision sa 10 sasakyan kung saan higit sa 10 katao ang nasugatan o nasaktan, ayon sa ulat.
Reckless Imprudence resulting in Multiple Injuries and Multiple Damage to properties ang inihahandang kaso kina Magallanes at Macallia.

Please follow and like us:
Read More

NEGOSYANTE NIRATRAT

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang negosyanteng nakasakay sa kotseng BMW ang pinatay ng hindi pa nakikilalang salarin sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito noong Biyernes.

Ang biktima ay nakilalang si Orlando Evangelista, 51, ng Barangay San Agustin sa nasabing bayan, ayon sa report ni Colonel Audie Madrideo, Quezon police director.

Hindi naman binanggit sa ulat ng pulisya kung anong klaseng mga negosyo mayroon si Evangelista.

Bumibili ng tanim na rambutan ang suspek sa isang magtitinda sa tabi ng highway sakop ng Barangay Bulakin bandang 8:10 ng gabi habang nakaparada ang kanyang kotseng BMW 3161 four door sedan nang biglang sumulpot ang gunman na may dalang kalibre 9mm na baril at niratrat ng sunod-sunod na putok ang negosyante.

Pagkatapos ng pamamaril ay mabilis na tumakas ang salarin – na may suot na black jacket na may hood, itim na pantalon at nakatsinelas – sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasabwat.

Isinugod ang biktima sa San Pablo City Medical Hospital sa karatig na siyudad subalit hindi na ito umabot nang buhay sa nasabing pagamutan sanhi ng mga grabeng tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang salarin at inaalam din ang mga posibleng motibo sa likod ng pamamaslang.

 

Please follow and like us:
Read More

BALLISTICIAN PATAY SA TEST FIRE SA DND ARSENAL

crime500

(NI JG TUMBADO)

ISANG 57 taong gulang na ‘ballistician’ o gumagawa ng bala ng armas ang patay makaraan itong mabaril ng kanyang kasamahan sa loob mismo ng bagong gawang gusali ng Department of National Defense (DND) Government Arsenal sa Barangay Lamao, Limay, Bataan.

Nakilala ang biktima na si Juanito Oria, residente ng Barangay Capunitan sa bayan ng Orion.

Nabatid sa report kay Limay Municipal police chief, Major Emelito Dela Cruz, nangyari ang insidente sa loob ng Ballistics Accuracy Testing Range sa nabanggit na government installation nitong Huwebes.

Kasama ng biktima ang isa pang ballistician na si Luisito Hacinas, 40, habang nasa kalagitnaan sila ng test fire ng isang M16 armalite rifle sa may 200 metrong saklaw na layo ng testing area.

Nagsisilbi umanong ‘firer’ ng naturang riple si Hacinas habang ang biktima na si Oria ay nakaposisyon malapit sa target area habang ang isa pang kasamahan ng dalawa ay nagsisilbing tagapalit ng target papers sa pamamagitan ng radio communication.

Maya-maya pa ay nag-umpisa nang mag test fire si Hacinas at makaraan ang pinakawalang 30 bala mula sa M16 ay hindi na umano nakasagot sa radyo si Oria kahit na ito ay paulit-ulit itong tinatawagan.

Nalaman lamang na aksidenteng tinamaan ng ligaw na bala ang likod ni Orias at tumagos sa kanyang tiyan, nang makita na itong nakahandusay sa sahig.

Mabilis na isinugod ng biktima sa St. Michael Hospital sa Orion, Bataan si Orias subalit idineklara na itong dead on arrival.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng pangyayari habang isinailalim naman sa kostudiya si Hacinas.

Please follow and like us:
Read More

EROPLANO BUMAGSAK SA PAMPANGA, PILOTO PATAY

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISANG 2-Seater White Quick Silver Ultra Light plane na may body no. RPS2785 ang bumagsak sa Arayat Pampanga, Biyernes ng hapon na agad ikinamatay ng piloto nito.

Nakilala ang piloto ng bumagsak na eroplano na natagpuan bandang alas-3:00 sa isang rice field na sakop ng Purok 4, Brgy. Lapaz Turu, Arayat ng nabanggit na lalawigan, na si Mark Hogget, 55-anyos, British national at nakatira sa Camella Homes, Tarlac City.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, isang tawag ang natanggap ng Arayat Police Station mula sa Barangay Captain ng Lapaz Turu para iulat ang bumagsak na eroplano na agad namang inaksyunan ng mga tauhan nito.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakita ng mga residente na lumilipad sa himpapawid ang 2-seater plane sa nasabing lugar nang bigla na lamang umano itong bumaligtad at bumulusok pababa hanggang sa bumagsak ito na nagresulta sa pagkamatay ng dayuhang piloto.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing eroplano na pag-aari ng Angeles Flying Club.

 

Please follow and like us:
Read More

RENT-A-CAR SYNDICATE NABUWAG

RENT-A-CAR

(Ni Fred Salcedo)

MARAMING security featute ang mga bagong labas na sasakyan sa ngayon kaya mahirap na para sa mga notorious na carnapper na tirahin ito. Noon kasi, basta may alam kang mahusay na lock smith o gumagawa ng susi, madali na makapagbukas ng kotse o sasakyan gamit ang hawak na master key. Pero dahil sa ebolusyon ng teknolohiya, nagkaroon na ng iba’t ibang paraan ang mga kumpanyang gumagawa ng mga sasakyan upang mapigilan na manakaw ang mga ito.

Kaya naman ang sindikato na umiikot at nabubuhay sa ganitong trabaho ay nag isip ng paraan kung paano sila makakagawa ng paraan upang manatili sa ganitong hanapbuhay.

Kaya nga naisip nilang sindikatuhin ang mga nagpapa-rent ng iba’t ibang bagong sasakyan.

Noong una, ang ginagawa ng sindikato ay kukumbinsihin ang ilang may sasakyan na ibenta sa kanila ang mga sasakyang hindi na ka­yang hulugan na matapos magpalitan ng mga dokumento o papeles at natanggap na ng bumili ang susi at nagkakaonsehan na.  Matapos magba­yad ng konting cash at mag isyu ng tseke, biglang mawawala na ang bumili, tatalbog na ang tseke at hindi na makikita ang taong bumili dahil lumipat na ng bahay o kaya naman ay hindi niya totoong bahay ang ibinigay na address. Kaya ang kawawang may ari ng kotse, nganga.

Modus ng sindikato

Noong Setyembre 12, 2019, nagtungo sa rent a car business ni Tommy Roperto, 54, ng Sta Rosa Hills, Silang, Cavite ang isang babaeng nagngangalang Joanna May Turingan, 30, ng Tejeros, Makati City at nirentahan ang tatlong sasakyan ni Roperto na isang Montero, isang Mirage  at isang Avanza.

Napagkasunduan na ibabalik ang sasakyan sa Setyembre 15, 2019 kaya’t nagbayad si Turingan ng P22,000 para sa nasabing tatlong sasakyan.

GPS naka Off

Noong Setyembre 15 na dapat na isoli ang sasakyan, bigla na lang napansin ni Ro­perto na patay na ang GPS ng kanyang mga sasakyan kaya bigla siyang kinabahan at mabilis na binuksan ang back up GPS ng Montero at natukoy na nasa Visayas Avenue ang sasakyan.

COP ipinalutas ang kaso

Mabilis na nagtungo sa Quezon City Police District – Masambong Police Station si Roperto at humingi ng tulong.

Nang mabatid na biktima ng bagong modus ng carnapping ang lumapit sa istasyon, hindi na nagpatumpik tumpik pa ang station commander na si P/Lt. Col. Rodrigo Soriano at mabilis na inatasan ang kanyang mga tauhan na lutasin ang kaso.

Huli AWOL na pulis,  3 pa

Sa tiyaga ng mismong hepe ng Masambong Police Station na si Lt Col Soriano.at mga pinagkakatiwalaang tauhan,  natunton ang kinaroroonan ng Montero. Naaresto ang mga suspek na sina John Rey Bautista, AWOL PNP ng Dagat Dagatan Malabon City, Albert Hipolito, 39, Travel and Tours  Coordinator, ng Barangay Tandang Sora, Quezon City, Christopher Orosco, 39, car agent ng Grace Park, Caloocan City at Roderick Sarang, 43, mekaniko, ng Barangay Santol, Quezon City. Nabawi ang Montero at Avanza subalit ang Mirage at pinaghahanap pa dahil nasa pangangalaga umano ni Turingan na pinaghahanap na rin.

Mga suspek armado

Dahil pawang nagulat nang arestuhin sila, hindi nagawang makapanlaban ng mga suspek. Sina Bautista, Hipolito at Orosco ay naaresto sa sinasakyang Montero habang si Sarang ay lulan ng Avanza.

Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang  glock service firearm ni Bautista na may kasamang mga magazine at mga bala, Beretta baril at mga bala, tatlong mobile phones at iba’t ibang IDs.

Pasalubong sa Bagong DD

Tahimik lang si Lt. Col. Soriano at hindi ipinaalam ng personal sa incoming District Director na si P/Col. Ronnie Montejo ang magandang accomplishment na nagawa niya at ng kanyang mga tauhan sa Masambong Police Station. Pero ang totoo, maituturing na magandang pasalubong ang pagbuwag sa sindikato ng carnapper kung saan AWOL na pulis ang isa sa mga ito.

Please follow and like us:
Read More

BOARD MEMBER NA KAPA OFFICIAL TIKLO SA NBI

BOMBAHAN NA FINAL

NOONG Hulyo 18, 2019, inilabas natin sa BOMBAHAN NA na isa sa nakinabang ng bilyun-bilyong perang investment ng mga miyembro ng Kapa-Community Ministry International Inc. (KAPA) ay board member ng Mindanao na si Arvin Malaza.

Si Malaza ay naaresto ng mga ahente ng Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) nitong nakaraang Setyembre 18, 2019 dahil sa muli nitong pagbubukas ng KAPA.

Bilib ang BOMBAHAN NA sa tapang nitong si Malaza sa kabila nang ipinatigil na ang operas­yon ng KAPA ni Pangulong Duterte ay itinuloy niya pa rin ito.

Kaya dapat lang sa kanya na hulihin at alam nyo bang paikot-ikot lang ito sa Metro Manila bago siya nahuli ng NBI.

May mga ginagawa pa itong miting sa ilang hotel sa Metro Manila pero hindi matiyempuhan ng mga ahente ng NBI.

Pero kahit anong pagtatago ay natiyempuhan pa rin siya.

Kaya nitong nakaraang Setyembre 18, 2019 ay naglatag ng entrapment operation ang mga ahente ng NBI Davao Regional Office laban kay Malaza kaya timbog ang mama sa mga awtoridad.

Pano naman kasi, muli niyang binuksan ang operasyon ng KAPA.

Kaya ginawa ng NBI ay pinainan siya ng P10k kaya kumagat, ayun huli siya.

Bakit Malaza, naubos na ba ang pera ng mga tao na nag-invest sa inyo kaya gusto mo na naman mag-operate?

Kamakailan, nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa muling pagbuhay ng KAPA’s investment scam.

Hindi nga sila nagkamali, buti na lang naglatag ang mga taga-NBI ng entrapment kaya ayun, huli si Malaza.

Ngayon Malalazahan mo na ang malamig na rehas na bakal dahil sa laki ng inyong nakuhang pera sa taumbayan. Baka sa kulungan ka na malagutan ng hininga sa tagal ng iyong pagkakakulong.

Sana mga bossing na taga-NBI, malambat nyo rin itong Joel A na pinuno ng KAPA.

Si Joel Apolinario po ang Joel A na ‘yan hindi po si BOMBAHAN NA Joel A rin.

‘Di bale pong mahirap si Joel A ng BOMBAHAN NA, basta’t ala po tayong kinunan ng pera para lang ikayaman natin, masaya na po tayo.

Balik po tayo sa KAPA, mga sir sa NBI na humahanting pa sa mga sangkot sa KAPA’s investment scam, Kapain nyo pa nang mabuti. May mga politiko pang kasama nito na nagkamal din ng bilyong piso mula sa kawawang nag-invest sa grupong yan.

May mga info rin natanggap ang BOMBAHAN NA na itong si Joel Apolinario (Joel A) ay nagpa-plastic surgery na. Baka nasa Metro Manila lang siya. Hindi nyo alam taga-NBI baka nakakaharap nyo na siya.

Medyo talasan nyo pa ang pang-amoy niyo.

Ayon sa silipero ng BOMBAHAN NA, limang politiko ang nasa likod ng KAPA kaya lumaki ito.

Isa pa lang ang nalalambat nyo – si Malaza pa lang.

Ngayon naman may artista pang gustong bumida ay gagawan pa raw ng pelikula itong si Joel A.

Mr. Actor, may sama ka ba ng loob kay Pangulong Digong kaya ka nagpapasiklab kay Joel A?

Wow Ha!

Maging makatotohanan po tayo, para pagpalain po tayo ni Lord, Amen.

oOo

Pasabugin ang katiwalian, magsumbong sa BOMBAHAN NA, mag-email joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:
Read More

TOP 6 DRUG PERSONALITY SA NOVALICHES PATAY SA ENCOUNTER

(NI LILY REYES/PHOTO BY JIMMY CARBO)

PATAY  ang  28-anyos na lalaki na tinaguriang no. 6 drug personality  sa Novaliches  makarang makipagbarilan ito sa mga operatiba ng Novaliches Police Station 4 ng Quezon City Police District (QCPD) habang isini-serve ang search warrant, Huwebes ng hapon sa Quezon City.

Ayon kay acting Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Colonel Ronnie Montejo, ang sinasabing  number 6 drug personality ng Novaliches ay kinilalang si  Riyad Sunga,  ng 267  Saturnina Compound, Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Napag-alaman kay  Novaliches Police Station (PS 4)Commander, PLtCoL Rossel Cejas, na bandang  alas 5:15 kamakalawa ng hapon nang ihain  ang search warrant  sa bahay ng suspek.

Sa report ay nabatid na armado ng search warrant  na pinalabas ni  Acting 2nd Vice Executive Judge  Ferdinand Baylon laban sa  suspek  dahil sa kasong  violation of R.A. 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga operatiba nang sila ay paputukan ng papatakas na suspek na nagresulta  ng palitan ng putok na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Narekober ng mga operatiba  mula sa  bahay ng suspek ang 5 sachets ng  shabu na nagkakahalaga ng P34,000,  pitong sachets ng  dried marijuana leaves.

Samantala, nakarekober naman ang SOCO  team   sa crime scene ng 1 snub nose cal. 38 revolver na walang  serial number loaded with 3 fired cartridge cases at 1 live ammunition, 1 misfired ammunition,  sling bag na may laman na  10 sachets ng  shabu, 2 silver bracelets at  pera.

 

Please follow and like us:
Read More

NAPAPANAHON ANG MODERNISASYON

RESPONDE.jpg

ISANG aksidente muli ang kumitil sa buhay ng abot 20 nating mga kababayan nitong Martes. Ang masayang bakasyon ng mga magkapamilya at kapitbahay ay humantong sa trahedya nang mahulog sa bangin ang isang truck sa T’boli, South Cotabato.

Agarang nagpatawag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang pulong kasama si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade at iba pang mga opisyales. Ipinahayag ng pangulo ang kanyang mabigat na utos na mas maging mahigpit sa pagpapatupad ng ating mga batas ukol sa kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayan sa kalsada.

Ilang taon nang isinusulong ang modernisas­yon sa mga pang-publiko at pribadong transportas­yon. Ngunit parati itong nauudlot dahil sa kaliwa’t kanan na lumalaban dito. Sa dinami na ng buhay na nawala nang dahil sa kapabayaan sa kalsada at sa mga sasakyan eto na nga at nagpahayag na ang Pangulo na “non-negotiable” ang modernisasyon ng public transport.

Ayon sa pag-aaral ng Japan International Coope­ration Agency, umaabot sa P3.5 billion kada araw ang talo ng Pilipinas dahil na rin sa trapiko sa Metro Manila. Sa tala naman ng World Health Organization, umaabot sa P1.35 million ang road traffic deaths taon-taon at ang road crash ay pang-walong sanhi ng pagkakitil ng buhay sa mundo.

Saan nga ba ang problema? O mas mainam na tanong ay sino nga ba ang problema? Sa dami ng batas natin ay tila wala ni isa ang nakalulutas at nakapagbibigay lunas sa ka­lagayan natin ngayon. Ang isang nakapagtataka pag tayo ay nasa ibang bansa ay masunurin tayo sa kanilang mga batas pang-trapiko at pangangalaga ng mga sasakyan. Ngunit pag tayo ay nasa ating sariling bansa tila hari ang lahat, mapa-pribado o publikong tao sa hindi pagsunod ng batas.

Tama nga ang pa­ngulo. Panahon na para pagtibayin ang moder­nisasyon sa transportasyon, pampubliko man o pribadong sektor. Kailangan ang pakikilahok ng bawat isa sa atin. Hindi ito magi­ging madali para sa lahat pagkat kasama rito ang mahigpit na pagpapatupad ng road worthiness ng sasakyan, mas madalas na pagsusuri sa mga ito, ang dagdag bayad sa bayarin ng inspeksyon, ang mas mahirap na kwalipikasyon para sa aplikasyon at pag-renew ng Driver’s License at gayundin ang pagre­histro ng sasakyan kasama ang insurance at ang mas mataas na multa sa paglabag sa batas.

Ilan lamang ito sa mga pagbabago dala ng mo­dernisasyon. Ngunit ang sakripisyo na ating ibibigay ngayon ay siya namang mag-aayos sa ating problema sa mga darating na taon. Tulungan natin ang administrasyon!  (RESPONDE ORA MISMO / Kuya Joe)

Please follow and like us:
Read More

UNTOUCHABLE NA TULAK SA PASIG

BOMBA KA DAY

MAYROON daw matikas na drug persona­lity sa lungsod ni Mayor Vico Sotto.

Ang matikas na tulak ay si alyas Amigo na pagala-gala raw dyan sa Barangay Palatiw sa lungsod ng Pasig.

Mukhang hindi apektado itong si alyas Amigo sa programa ng admi­nistrasyong Duterte laban sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot kaya pa­tuloy ang pamamayagpag nito at ng kanya umanong chikababe.

Si Amigo, na laging armado ng “eskwela” (kalibre .45), ay ang kaisa-isa umanong supplier ng droga sa Palatiw at kinasisindakan ng kanyang mga kalugar. Trip daw kasi ng mokong ang manakit at manutok ng baril.

Ang kinatatakutang tulak ng Palatiw, kasama ang kanyang chikababe na kilala bilang alyas Nep na may apat na anak sa apat na drug lords, ay aktibo sa pamumudmod ng droga sa Palatiw at karatig barangay. Mayroon din siyang tatlong pointmen na nagbebenta ng shabu sa mga bayan ng Cainta, Taytay at Antipolo.

Nakapagtataka naman tila lingid sa kaalaman ng barangay at lokal na pulisya ang pamamayagpag ni Amigo. Bakit patuloy at walang takot pa rin ang operasyon ng kumag.

Ano kayang masasabi ni P/Col. Moises Villa­ceran?

Dati nang talamak sa droga ang lungsod ng Pasig, katunayan dyan natunton ang tinaguriang shabu tiangge ng drug lord na si Amin Imam Boratong taong 2006.

Nakakulong na si Boratong na hinatulan ng korte na mabilanggo nang habambuhay. Posible ka­yang ‘latak’ ng grupo ni Boratong itong si alyas Amigo?

Mainam sigurong pabantayan ni Col. Villaceran sa kanyang mga tauhan ang Palatiw at baka maispatan nila si alyas Amigo. Idamay na rin ang chikababe nito na kasosyo niya sa kanyang iligal na aktibidad. (BOMBA KA DAY! / Jo Barlizo)

Please follow and like us:
Read More