TIMBOG SA DROGA SI MA’AM

naga cebu12

(NI JG TUMBADO)

TIMBOG ang isang 27-anyos na public school teacher sa ikinasang anti-drug operation sa Naga City sa Cebu, gabi ng Lunes.

Ayon kay Major Maria Luisa Calubaquib, nahulihan ng shabu si Noemi Iglesia, kasama ang dalawa pa na sina Julius San Vicente, 27 at Bien Patrick Pasibe, 23, nang pagbentahan nila ang isang poseur buyer sa bahagi ng Jacob St. Barangay Bagumbayan Sur dakong alas 11:50 ng gabi.

Bukod sa isang plastic sachet na nakuha sa buy bust ay nasamsam pa mula sa posesyon ng mga suspek ang apat pa na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Inamin ng guro na sideline nito ang pagbebenta ng ilegal na droga sa gabi pagtapos nitong magturo sa umaga at hapon.

Samantala, natagpuang wala nang buhay at may tama ng bala sa ulo ang isang lalaki na umanoy sinasabing tulak ng ilegal na droga sa Lucena City.

Dakong alas 4:30 ng hapon araw ng Lunes nadiskubre ang bangkay ng biktima na si Anthony James Villanos, 37, sa tabi ng kalsada sa Barangay Ibabang Talim na sinasabing biktima ng summary execution.

Narekober ng pulisya ang dalawang basyo ng bala ng .9mm pistol sa lugar ng krimen.

Sinabi ni Police Lt. Col. Reydante Ariza, hepe ng Lucena police, si Villanos ay isa sa mga itinuturong sangkot sa ilegal na kalakalan ng shabu mula sa bayan ng Tayabas hanggang Lucena.

Please follow and like us:
Read More

VICE MAYOR HULI SA P1.3-M SHABU, ARMAS

maguindanao map12

(NI BONG PAULO)

ARESTADO ang vice mayor ng Datu Unsay, Maguindanao sa inilunsad na Law Enforcement Operation ng pinagsanib na pwersa ng AFP, CIDG-BARMM, PNP at PDEA-ARMM sa tahanan ng dating opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Sitio Ameril, Barangay Manggay, Talitay Maguindanao, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni PDEA BARMM Director Juvenal Azurin, ang nadakip na si Datu Unsay Vice Mayor Bai Janine Ameril.

Nabatid na target sana ng ikinasang operasyon si Mike Sittie, alyas Kumander Mike, na nahaharap sa patong-patong na mga kasong kriminal at may warrant of arrest.

Unang pinasok ng grupo ang bahay ni dating ARMM Assemblyman Sidic Ameril ngunit tanging ang maybahay lamang nito na vice mayor ang nadatnan ng mga otoridad, alas-5:00 ng umaga.

Nakuha mula sa bahay ng mga Ameril ang iba’t ibang uri ng high-powered firearms at mga bala, at mga hinihinalang shabu na nagkakahalaga umano ng P1.3 milyon.

Nilinaw naman ni Azurin na hindi nila ni-raid ang bahay ng mga Ameril, kundi nakita lamang nila ang mga nakumpiskang baril at iligal na droga nang pasukin nila ang bahay.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PDEA-BARMM ang nadakip na si vice mayor at patuloy na iniimbestigahan.

Please follow and like us:
Read More

BUS VS WING VAN; 1 TODAS, 8 SUGATAN

accident121

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Isang 50-anyos na babae ang nasawi habang hindi bababa sa walo katao, halos mga pasahero ng bus, ang nasugatan sa inisyal na ulat sa banggaan ng bus at wing van truck sa Mc Arthur Highway, Central 1 Barangay Binugao Toril, Davao City, Martes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Judy Tepacia Mejares, 50.

Sa ulat na nakarating kay Police Col. Alexander Tagum, hepe ng Davao City Police, nangyari ang aksidente ala-1:15 ng hapon.

Ang wing van ay minamaneho ni Nick Barcelona Lopez, 37, ng Purok 9 Livara Compound Tacurong Sultan Kudarat, ay patungo ng Digos na direksiyon habang ang Mindanao Star Bus (M01-15-002647) ay papasok ng Davao City Proper.

Ang bus ay minamaneho ni Zandro Saiden Abdulwahab, 37, ng Cotabato City.

Ayon sa ulat, nasa parehong magkasalungat na direksiyon ang dalawang mga sasakyan na nasangkot nang magkasalpukan.

Dahil sa lakas ng impact, wasak ang unang bahagi ng bus na ikinasugat ng ilang mga pasahero na sina Jeffrey Abarquez, 29,; Theresa Gonzales, 55, Bayugan 1, Agusan del Sur; Lizel Ramos, 25, ng  Bansalan Davao del sur; Lucrecia Aller Gomez, 74, retired teacher at ang kanyang kapatid na si Patrocenia Aller Gomez, 81, kapwa residente ng Ubas compound Matina, Davao City; Dorotea Masangay, 81, ng Mercedez Caraga Davao Oriental at Emediline  Masangay, 51, ng Duha San Rafael Maa, Davao city.

Ang mga sugatan ay dinala sa iba’t-ibang pagamutan sa lugar.

 

Please follow and like us:
Read More

2 BAR GIRLS TIMBOG SA BENTAHAN NG PARTY DRUGS

(NI DAVE MEDINA/PHOTO BY RAFAEL TABOY )

TIMBOG ang dalawang bar girls sa isang  entertaintment hub sa Makati City, Lunes ng hapon dahil sa pagbebenta umano ng ecstasy pills o party drugs.

Nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga kagawad ng Makati Police sa mga suspek na kinilalang sina Karylle Tecson,  bar manager ng # 3255 A. Mabini St. kanto ng Zamora, Bgy. Poblacion; at Janine Sibug, entertainer, ng F. B. Harrison St., Pasay City.

Hinuli ang mga suspek dakong alas 4:30 ng hapon sa Makati Ave. kanto ng Burgos St. nang positibong mabilhan ng poseur-buyer ng P3,000 halaga ng droga.

Nasamsam sa mga suspek ang 10 puting tableta ng hinihinalang ecstasy na may street value na P25,000 buy bust money na P3,000, kulay itim na shoulder bag, 2 celfone, 2 ID, 1 itim na wallet at 1 kahon ng pain reliever.

Ayon kay Makati City Police Chief PCol. Roger Simon, nagbebenta ng party drugs ang 2 suspek sa mga kapwa nila entertainers sa P. Burgos St., at sa iba pang mga bar sa nabanggit na Lunsod.

Hindi naman inaalis ng mga pulis sa kanilang imbestigasyon ang posibilidad na nagbebenta rin ang mga suspek sa kanilang mga customer.

Depensa ng dalawang babaeng suspek na isinet -up lang sila ng ibang kasamahan matapos ang pangangakong babayaran kapag iniabot ang droga.

Mahaharap ngayon sina Tecson at Sibug sa kasong paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o  RA 9165.

Please follow and like us:
Read More

NAT’L BASKETBALL LEAGUE: LIFETIME BAN SA IRIGA COACH  

(NI ANN ENCARNACION)

DAHIL  sa pakikisangkot sa rambulan, pinatawan ng lifetime ban ang Iriga City Oragons head coach na si Pablo Lucas sa National Basketball League (NBL).

Nabatid na sinuntok ni Lucas ang isang nanood ng quarterfinals game sa pagitan ng Iriga at Taguig City noong Linggo sa Hagonoy Sports Complex.

Ayon sa organizers ng NBL, hindi katanggap-tanggap ang pagkakasangkot sa rambol ng isang team coach na naganap mismo sa stands sa ikaapat na yugto ng laban sa pagitan ng Oragons at Generals.

Nangyari ang insidente habang naka-timeout, 3:49 minuto sa ikaapat na yugto at lamang ang Generals, 72-67.

Kitang-kita sa video nang suntukin ni Lucas ang isang spectator habang nagaganap ang kaguluhan sa bleachers.
Itinigil ang naturang laro, na ayon sa NBL ay ipagpapatuloy sa Huwebes, ganap na alas-6 ng gabi sa Philippine Army gym sa isang closed-door match para madetermina ang panalo.

Hawak ng Taguig ang twice-to-beat advantage kontra Iriga City sa quarterfinal series at ang magwawagi ay haharapin ang kasalukuyang kampeon na Paranaque Aces.

“This is a clear violation of existing rules that coaches are not allowed to leave the playing court without distinct authorization from NBL officials. Violence, is in no way tolerated by our organization,” pahayag ng liga sa memo na pirmado ni NBL chairman/president Celso Mercado matapos ang deliberasyon sa insidente.

“Effective immediately, Head Coach Pablo Lucas is hereby slapped with a lifetime ban on all NBL related games and activities. He shall also not be permitted any access to venues sanctioned by NBL,” nakasaad sa memo.

Please follow and like us:
Read More

LADY ENGINEER NILOOBAN, PINATAY SA SAKSAK

(NI BONG PAULO)

BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng isang 41-anyos na engineer matapos pagsasaksakin hanggang sa mapatay sa loob mismo ng kanyang bahay sa Barangay Benetiz, Banga, South Cotabato, gabi nitong Lunes.Kinilala ni Banga Chief of Police, Major Joseph Forro III ang biktima na si Madelyn Rendon 41, residente ng nasabing lugar.

Nagtamo ng 15 malalaki at malalalim na saksak sa katawan si Rendon na isinugod pa sa pagamutan subalit binawian ng buhay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpasaklolo pa ang biktima kung saan naabutan itong duguan ng mga kapitbahay habang nakita naman ang isang tao na tumatakas, pasado alas-9:00.

Inihayag naman ni Forro na maaring hindi iisang tao lamang ang may kagagawan ng krimen.

Maaring nakapasok ang suspek sa pamamagitan ng pagsira ng grills sa bahay ng biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek sa pananaksak sa biktima.

Isa sa mga sinusundang mga suspek ay posibelng ang mga trabahador ng biktima sa kanyang hardware store matapos makatanggap ito ng pagbabanta dahil sa nagkaroon umano ng komprontasiyon sa pagitan nito at mga trabahador hinggil sa nawawalang semento sa hardware store bago pa man nangyari ang krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

IVANA ALAWI: P4-M SA 4 ORAS

(NI GORGY RULA)

CONGRATULATIONS pala sa PPL Entertainment ni Perry Lansigan na nagdiwang ng kanilang 10th anniversary kahapon.

Nagkaroon sila ng misa sa Café Romulo’s at lunch kasama ang mga talents nila, staff at malalapit na kaibigan.

Isa sa napag-usapan namin doon ay ang seksing alaga ng PPL na si Ivana Alawi na pinag-usapan online dahil sa kumalat na post na nagpapa-booking ito ng napakalaking halaga.

Ipinost ni Perry sa kanyang Instagram account ang post ng isang site na may sexy picture ni Ivana nabu-book daw ito ng 2.4M sa dalawang oras at mahigit 4M sa apat na oras.

Nasa caption ng post na iyun; “Do not believe anything you see. Spread LOVE not FAKE NEWS!” at may hashtag na #ivanaNOTforhire

Nasa Morocco lang ngayon si Ivana dahil may inayos pala siyang mga papeles doon na ipinamana ng kanyang ama.

Nalaman naming pumanaw pala ang ama niya nung December last year at sa kanya raw ipinamana lahat na mga properties na naiwan.

Doon nalaman ni Ivana na meron palang mga properties doon sa Morocco, sa Bahrain at aalamin pa raw ang sa US.

Siya lang daw ang nag-iisang tagapagmana, kaya kailangan pa ba ni Ivana na magpa-booking?

NAKIKIRAMAY KAMI SA LEGAZPI FAMILY

Mabilis na kumalat ang balitang pumanaw na ang veteran actor na si Lito Legaspi nung nakaraang Linggo ng umaga.

Nalaman ko lang sa staff ng The Boobay and Tekla Show na naka-schedule ang taping ngayong araw.

Guest dapat si Carmina Villaroel kasama ang kambal niyang sina Mavy at Cassy, pero pina-cancel na ito ng aktres nung Linggo pagkatapos nangyari ito sa kanyang father-in-law.

Ayon sa unang lumabas na balita, nung Biyernes pa pala isinugod sa Cardinal Santos Hospital si Lito dahil nakaramdam daw ito ng paninikip sa dibdib.

Unfortunately, bumigay na siya at pumanaw ng bandang alas-10:00 ng umaga.

Ang kanyang mga labi ay nakaburol sa Loyola Funeral Homes sa Marikina City, pero wala pa kaming nakuhang impormasyon kung kailan ililibing.

Nakikiramay po kami.

 

Please follow and like us:
Read More

MISTER NABURYONG SA NAGGER NA MISIS, NAGBIGTI

(NI HARVEY PEREZ)

WALA nang buhay nang madiskubre ng kanyang misis  ang isang 37-anyos na lalaki matapos pagbintangan na may ibang ‘babae’ , Martes ng umaga sa Tondo,Maynila.

Kinilala ni PSSg Niño Baladjay, ng Manila Police District-homicide section, ang biktima na  si  Christopher Pincas , ng Gate 14 Area –B Parola Compound.

Alas 7:45 ng umaga nang makita ni Analyn, misis ng biktima, ang mister na nakabigti sa kanilang bahay, gamit ang  isang nylon cord .

Alas 12:00 umano ng madaling araw nang huling makita ang biktima matapos nitong makipagkwentuhan sa ilang  kapitbahay.

Nabatid kay Analyn na na nagkaroon umano  silang hindi pagkakaunawaan ng mister dahil sa umano’y pambabae ng biktima.

Wala namang direktang inamin ang misis ng biktima na mayroon babae ang mister.

Posible umanong  naburyong ang biktima sa pagseselos ng kanyang misis kaya nagpakamatay.

Please follow and like us:
Read More

MISIS PATAY, 1 KRITIKAL SA VAN

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang misis ang ginawa nitong pagbabantay sa inuman sa kanyang mister ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan makaraan mahagip ito ng humaharurot na van habang nakaupo sa nakaparadang motorsiklo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Negros Oriental.

Kinilala ang biktimang si Connie Gulay, 35, ng Purok 4, Barangay Cangmating, Sibulan, Negros Oriental.

Sugatan naman ang isang Reggie Eullaran, 31, kapitbahay ng biktima sa nasabing lugar.

Kusa naman sumuko sa pulisya ang suspek at driver ng van na kinilalang si Ronelo Sayson.

Batay sa report ng pulisya, Sabado ng gabi nang maganap ang insidente sa tabing kalsada sa Sibulan Negros Oriental.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nakaupo lamang ang biktima sa nakaparadang motorsiklo habang hinihintay ang asawa nitong nakikipag-inuman nang bigla na lamang siyang mahagip ni Sayson at Eullaran.

Sa lakas ng pagkakasalpok, bumagsak si Gulay sa sementadong kalsada at tumama ang ulo habang sugatan si Eullaran.

Kaagad naman dinala sa Negros Oriental Provincial Hospital ang mga biktima pero nalagutan ng hininga si Gulay, Linggo, alas 2:00 ng madaling araw habang patuloy na ginagamot sa ospital si Eullaran.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries si Sayson.

 

Please follow and like us:
Read More

14 KASAPI NG SIMBAHAN NALASON SA FELLOWSHIP

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY — Labingapat katao ang agad dinala sa pagamutan matapos mahilo sa pinagsaluhang pagkain sa mismong araw ng kanilang fellowship noong Lunes.

Sa ulat ng Buhangin Police Station nangyari ang insidente sa Palm Drive, Buhangin, nitong lungsod.

Dinala sa Southern Philippines Medical Center ang mga biktima na pawang mga miyembro ng Seventh Day Adventist sa naturang lugar.

Ayon sa pulisya, isinagawa ng simbahan ang quarterly fellowship kung saan nagsalu-salo ang mga kasapi nito sa tanghalian.

Napag-alaman na kumain ang mga biktima ng inihandang bihon, tuna at chicken pastel ngunit makalipas ang ilang oras ay nagsimula ng makaramdam ng pananalit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka habang humihina ang kanilang katawan.

Sinabi ng mga otoridad na nailigtas sa pagamutan ang mga biktima habang iniimbestigahan pa nila kung ano ang nakalason sa mga ito.

Please follow and like us:
Read More

SHABU SESSION SA PUNERARYA; BRGY KAGAWAD, 3 PA, HULI

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY—-Kinasuhan na ng mga otoridad ang isang opisyal ng barangay at tatlong kasamahan nito matapos mahuling nag-shabu session sa loob ng isang punerarya sa McLeod St., Barangay Toril Poblacion, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga kinasuhan na sina Kagawad Marcelo Papalid Ramos, 46, Jimmy Sayman Abi-Abi, 42, isang embalmer; Rogelio Pedeles Tayan Jr., at Elinai Roda Rasay, 27, makeup artist, at residente ng Villarosa, Barangay Lubogan.

Ayon kay Brigadier General Marcelo Morales, director ng Police Regional Office (PRO) Davao Region, ang kagawad na si Ramos ay isa sa mga high-value targets ng Toril Police Station.
Nakuha sa mga suspek ang 11 na mga pakete ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P45,000 at mga drug paraphernalia.
Nasa kustodiya na ng Toril PNP ang mga naarestong suspek kung saan kinakaharap ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na naipasa sa tanggapan ng piskalya noong Lunes.

 

Please follow and like us:
Read More

PAMANGKIN ‘DI PINAUTANG; TIYAHIN BINARIL

crimeshooting12

(NI KIKO CUETO)

CAGAYAN De Oro — Timbog ang 25-taong gulang na lalaki nang barilin ang tiyahin na hindi nagpautang sa kanya.

Kinilala ang suspek na si alyas Jun, ng Barangay Tagpangi.

Ayon sa report ng pulis, may kausap ang tiyahin ni ‘Jun’ nang biglang paputukan ito.

Sinabi ni Police Staff Sergeant Francis Marianas, ng Lumbia Police, sa pangalawang putok na namalayan ng biktima na siya na pala ang puntirya ng pamamaril.

Dahil dito, agad na nakatakbo ang tiyahin at saka nagtago.

“Napansin ng biktima ang suspek na nasa bintana ng kanilang bahay hawak ang kanyang baril,” ayon kay Marianas.

Agad niyang isinumbong sa mga pulis ang namaril na si ‘Jun’ kaya agad itong nahuli.

Narekober din ng mga pulis ang improvised 22mm rifle mula sa suspek.

Inamin ng suspek, nagalit siya sa kanyang tiyahin nang tumanggi itong pautangin ang kanyang asawa na pinagbabantay niya ng tindahan.

“Hindi ko naman talaga siya papatayin, gusto ko lang siyang takutin dahil hindi niya pinautang ang asawa ko,” sabi ni Jun.

Ayon sa pulis, desidido ang biktima na sampahan ng kasong attempted murder ang suspek, na nahaharap din sa kasong illegal possession of firearm.

 

Please follow and like us:
Read More

ENCHONG HINDI NAILANG SA MGA BETERANANG AKTRES

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

ISANG malaking karangalan para kay Enchong Dee na makatrabaho si Anita Linda sa pelikulang ‘Circa.’ Isa ito sa mga kaalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na mapapanood na sa mga sinehan simula September 13. Gumanap si Enchong bilang apo ng beteranang aktres sa nasabing pelikula.

“May mga time na kailangan mas malakas ‘yung pananalita mo para mas maintindihan niya. Parte naman siya ng buong trabaho, ng buong pelikula. Ang nakakatuwa kasi kay Tita Alice (totoong pangalan ni Anita Linda), kapag mahahaba ‘yung linya klaro sa kanya, memorized niya. ‘Yung mga maiikli minsan na batuhan, do’n minsan may lapses. It’s okay kasi magaling naman si direk (Adolf Alix, Jr.) nabibilib ako kasi sabi ko how I wish I have that sharp memory when I reach that age,” nakangiting kwento ni Enchong.

Kasama ng aktor sa bagong proyekto ang ilan pang mga beteranong artista sa bansa katulad nina Jaclyn Jose, Gina Alajar, Elizabeth Oropesa at Ricky Davao.

Ayon kay Enchong ay hindi na siya nakaramdam nang pagkailang sa mga eksena kasama ang mga ito. “At an early age, may nagsabi kasi sa akin at ilagay ko sa sarili ko na don’t let anyone intimidate you. Kasi pagdating sa set, your co-actors are your co-actors. Kumbaga, sa isang school classmates kayong lahat. After ng cut, do’n mo ibibigay sa kanila lahat ‘yung respeto. Pero kapag nagtatrabaho kayo, we’re all co-actors. They have their own medals, pero at the end of the day, this is work,” paliwanag ng binata.

Malaking bagay para kay Enchong na makatrabaho ang ilan sa mga pinakamagagaling na artista sa Pilipinas. Para sa aktor ay marami rin siyang natutunan mula sa mga dalubhasa sa pag-arte.

“’Pag nai-intimidate kasi ako sa isang artista do’n ako natataranta. Doon ako mas lalong hindi nakakapag-perform. Ang swerte ko kasi si Tita Gina (Alajar) naging nanay ko na sa MMK. No’ng una, kay Tita Jaclyn (Jose), hindi naman sa natakot, kasi in your head alam mo na she’s an award-winning actress. She made history. Tapos napapansin ko sa kanila ‘pag nagkakaroon kami ng eksena, parang binabato lang nila. Sabi ko, ‘Ah, gano’n ba?’ So batuhan na lang tayo, at least hindi ka nag-o-over acting. Ang nakakatuwa kasi natutunan ko rin na hindi naman pala kailangang malalaki ‘yung acting. Pwede naman pala ‘yung ganito lang, nag-uusap tayo pero nando’n lahat ‘yung emosyon, nando’n lahat ng mensahe ng karakter,” pagbabahagi ng aktor. -Reports from JCC-    

 

Please follow and like us:
Read More

TAXI NAWALAN NG KONTROL, 1O SUGATAN

accident12

(NI MAC CABREROS)

SAMPU katao ang nasugatan, kabilang ang isang rider, nang araruhin ng isang taxi sa Pasig City, Lunes ng gabi.

Dinala sa ospital upang malapatan ng lunas ang mga biktima matapos mabangga ng sasakyan ni Roberto Marquez, 58, alas-7:30 ng gabi.

Sa ulat, binabagtas ng taxi ni Marquez ang kahabaan ng Pasig Boulevard corner Banaag Street, Brgy. Pineda, nang mawalan umano ng preno at mabangga ang dalawang motorsiklo at nagtuluy-tuloy hanggang sa araruhin ang walo pang katao na naghihintay ng masasakyan.

Dinala sa Rizal Medical Center at Medical City ang mga biktima habang ikinulong sa himpilan ng pulisya ang driver at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple injuries at damage to property.

Please follow and like us:
Read More

BUTANDING AT TAO

butanding

(Ni Mac Cabreros / Unang Labas)

Parehong walang magkatulad

NAKAKITA ka na ba ng butanding, balilan o supok na sa ingles ay whale shark? Kung hindi pa, kunin ang isandaang piso na nakasubi sa iyong wallet at makikita sa likod ng papel na perang kulay ube ng Pilipinas na nakalimbag ang larawan nito.

Ngunit, lubos kayang batid ng ating kababayan kung ano itong isdang ito?

Alam din kaya ng ating mga kababayan na tulad nating mga tao, walang magkatulad o magkaparehong butanding? Ayon sa mga dalubhasa, madaling matukoy o makilala ang butanding (Rhincodon typus) dahil sa kanilang marka sa balat kung saan magkakaiba ang pattern ng marka malapit sa kanilang hasang na siyang magsisilbing ‘fingerprint’ ng mga ito.Tamang-tama ang kasabihan ditong “ Just as no two human fingerprints are alike, no two whale sharks have the same spot pattern.”

Bagama’t dambuhala o malaki  kung saan abot sa 62 talampakan ang haba at may bungangang abot sa limang talampakan at kauri ang mga pating, hindi dapat katakutan ng mga tao ang  mga butanding sapagkat ang mga ito ay tinaguriang ‘gentle giant’ at puwedeng lumangoy ang mga tao malapit sa kanila. Puwede ring makipaglaro sa mga higanteng ito na nasa dagat.

Mga plankton o maliit na isda at maging itlog ng iba’t ibang marine species ang pagkain ng mga butanding. Filter fed o  kumakain ang mga butanding sa pamamagitan nang pagbuka ng malaking bunganga nito at hihigupin ang tubig saka ilabas sa hasang nito ang tubig at masala o maiwan sa bunganga nito ang kanyang pagkain.

Nakikita ang butanding sa piling lugar sa Pilipinas gaya sa Donsol (Sorsogon), Pasacao (Camarines Sur), Bonuan (Pangasinan), Southern Leyte at Batangas. Sinasabi ng mga eksperto na madalas naiispatan ang mga butanding sa mga nabanggit na lugar upang manginain gayundin upang mangitlog o magparami.

Ang paglangoy ng mga butanding sa mga nabanggit na lugar ay siya namang nagpadaloy upang umusbong ang eco-tourism ng lugar.

Isa sa sumigla at umangat ang Donsol, Sorsogon dahil sa eco-tourism bunsod nang pagdagsa ng butanding sa Ticao Pass, kung saan mula sa fifth class ay naging first class municipality.

Dahil dito, pinapahalagahan at inaalagaan ng Pamahalaan ng Donsol ang mga butanding. Bawal na bawal sa lugar na ito ang paghuli, pagkain at pagbebenta ng butanding. (May karugtong)

Please follow and like us:
Read More

ESTUDYANTE LAGPAK KAY PROF, TUMALON SA SCHOOL, TODAS

crime12

(NI JG TUMBADO)

HINIHINALANG problema sa pamilya at paaralan ang dahilan ng pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon nito mula sa mismong gusali ng paaralan ng 19-anyos na college student sa Olongapo City, Lunes ng umaga.

Idineklarang dead on arrival ni Dr. Raymond Ramos, City Health Physician sa ospital, ang biktimang mag-aaral sa Gordon College sa Barangay Tapinac, residente ng San Jose St., Bangal, Dinalupihan, Bataan.

Ayon kay Olongapo City Police Office (OCPO) Director Lt. Col. Benjamin Sembrano, alas 8:20 ng umaga nang wala nang buhay na madiskubre ni Allan Mallari, internal security ng paaralan, ang bangkay ng estudyante sa loob ng compound ng nabanggit na paaralan.

Lumalabas sa imbestigasyon, nahagip ng CCTV camera ang biktima na umupo umano sa railings ng ikatlong palapag at saka tumalon at diretsong bumulusok sa ground floor ng gusali.

Nabatid na may iniinda umanong problema sa pamilya ang biktima base na rin sa ilang impormasyon na nakita sa kanyang cellphone at napag-alaman din na nakadagdag pa sa problema ng estudyante ang isinumiteng school project nito na umanoy tinanggihan naman ng kanyang professor.

Sinisiguro naman ng pulisya na walang naganap na foul play sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

SUICIDE BOMBER SA INDANAN BOMBING, BABAE; PIPE BOMB GINAMIT

(NI AMIHAN SABILLO)

SINABI  ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na babae ang  suicide bomber at tukoy na din ang improvised explosive device (IED) na ginamit ng babaeng Caucasian.

Ito ang kinumpirma ni Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt.Gen. Cirilito Sobejana at idinagdag na ‘pipe bomb’ ang ginamit sa pagpapasabog sa harap ng detachment ng 35th Infantry Battalion.

Ayon sa heneral, ang sumabog na IED ay signature ng teroristang Abu Sayyaf, malinaw umano na si ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan ang nasa likod ng panibagong suicide bombing attack sa Indanan.

Samantala, natukoy na babae ang suicide bomber base ito sa ginawang pagsusuri sa mga nakuhang pira-pirasong katawan nito gaya ng pugot na ulo, kamay at suot na tsinelas.

Dahil dito ay ipinaubaya na ng AFP sa PNP SOCO ang pagsagawa ng DNA testing para matukoy kung anong nationality ng babaeng suicide bomber.

Inaalam na rin nila sa ngayon kung ito ang babaeng Egyptian na sinasabing nakapasok sa bansa na isa sa mga suicide bomber.

Matatandaan na nauna nang sinabi ni Sobejana na may pitong banyagang terorista ang kanilang namonitor sa Mindanao.

” Nasuri na namin ng mabuti, yung dismembered part of the body yung ulo, kamay at paa babae talaga at yung tsinelas niya pambabae talaga, tapos Caucasian looking , hindi ko lang alam kung ma trace sa DNA testing kung anong nationality, tapos parang pipe bomb ang ginamit na naka pulupot sa kaniyang katawan,” pahayag ni Lt. Gen. Sobejana.

Please follow and like us:
Read More

DOLE AT PCAB WALANG AKSYON LABAN SA DATEM INC.

BAKBAKAN NATIN

KAHIT kailan ay huwag nating kalimutan na napakahalaga at estratehiko ang papel na ginagampanan ng mga manggagawa sa ating lipunan.

Kung wala ang manggagawa, pihadong walang kikilos upang sumulong, umunlad at umasenso ang isang bansa.

Hindi rin uunlad, aangat at aasenso ang buhay ng mga kapitalista kung walang manggagawa.

Kaya, hindi dapat pinababayaan at winawalanghiya ng mga kapitalista ang kanyang mga manggagawa.

Hindi rin dapat balewalain at pabayaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Contractor Accreditation Board (PCAB) ang mga manggagawa, kabilang na iyong nakabase sa industriya ng konstruksiyon.

Nitong nakalipas na linggo, nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa DOLE at PCAB na rebyuhin at pag-aralan ang lisensya at akreditasyong ibinigay sa Datem, Inc. matapos makarating sa TUCP ang impormasyong mayroong mga manggagawa ang naturang kompanya na namatay habang nagtatrabaho sa mga proyekto nito.

Ang Datem, Inc. ay isang malaking construction firm.

Ayon sa TUCP, maraming paglabag sa “labor standards and construction occupational safety and health protocols” ang Datem, Inc.

Hindi raw iniuulat ng Datem, Inc. sa pulisya at DOLE ang mga namamatay nitong mga manggagawa habang nagtatrabaho, patuloy ng TUCP.

Sabi ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP, hindi pa umaaksyon ang DOLE at PCAB sa kanilang mga reklamo laban sa Datem, Inc. hanggang sa kasalukuyan.

Hindi ako nagtataka kung hanggang ngayon ay walang aksyon ang DOLE sa panawagan at kahilingan ng TUCP, sapagkat madalas namang matagal kumilos ang DOLE.

Malaki na nga ang problema ng mga manggagawa laban sa halos lahat ng kapitalista sa iba’t ibang panig ng bansa, lalo pang dagdag ng sakit ng ulo ang mga opisyal ng DOLE dahil sa kanilang pagpapabaya sa mga manggagawa.

Hindi ko kabisado ang PCAB, ngunit mukhang kahawig nito ang DOLE, sapagkat hanggang ngayon ay hindi iniintindi ng mga opisyal ng PCAB ang panawagan at kahilingan ng TUCP.

Ang panawagan ng TUCP ay seryoso at malaking usapin dahil tungkol ito sa mga namatay na mga construction worker ng Datem, Inc. at sa mga batas-paggawa na nilabag umano ng nasabing kompanya.

Kailangang umaksyon ang DOLE at PCAB upang malaman at matukoy nang eksakto kung mayroong batayan ang reklamo ng TUCP laban sa Datem, Inc. (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More

LALAKI HULI SA PUSLIT NA .22 KALIBRE SA NAIA 

naia3

(NI FROILAN MORALLOS)

NASAKOTE ng mga kinatawan ng Philippine National Police – Aviation Security Group PNP-AVSEGROUP)  ang isang papaalis na pasahero dahil sa tangkang pagpuslit nito ng isang .22 caliber pistol palabas ng bansa.

Kinilala ng Aviation police ang naturang pasahero na si Leandro Gatdula.

Naharang ito ng mga tauhan ng Office for Transportation Security (OTS), personnel sa security check counter sa departure area , bago siya makasakay sa kanyang Incheon, South Korea Asiana Airlines flight.

Ayon sa pahayag ng X-ray scanning operator na tauhan ng Office for Transportation Security (OTS), mayroon siyang napansin na imahe ng baril sa loob ng bagahe nitong suspek.

Agad niya ipinarating sa opisina ng Aviation police at sa ikinasang interception operation ng mga ito, bumungad sa kanila ang anim na piraso ng bala, magazine at baril sa loob ng bagahe ni Gatdula .

Si Gatdula ay nahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag ng R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act , at sa ngayon nasa kustodiya itong  suspek sa aviation police para sa karagdagan na imbestigasyon .

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

PHILIPPINE EMBASSY SA UAE PAHIRAP SA OFWs

KAAA BOOM

INIREREKLAMO ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ang Philippine Embassy sa United Arab Emirates (UAE). Bakit?

Imbes kasi na maging refuge sana ang nasabing embahada para sa mga minamaltrato nating kababayan ay tila bangungot pa umano ang kanilang nararanasan.

Sa sumbong na nakarating sa atin mula sa mga OFW na ilang buwang nanatili sa embahada bago nakauwi sa ating bansa ay hirap umano ang kanilang dinanas habang nasa konsulada dahil umano sa kakulangan ng pondo. Nakupo! Anong nangyari? Nasaan ang pondo?

Nagsiksikan daw ang ating mga OFW sa isang maliit na kuwarto dahil na rin sa paglobo ng mga Pinay na minamaltrato ng kanilang amo at mga naloko ng illegal recruiter.

Alam kaya ng lolo Digong ko na maraming OFW na nakararanas pa rin ng pang-aapi sa nasabing bansa?

Nakarating pa sa ating kaalaman na ang ilan sa mga kababayan natin na nasa pangangalaga ng embahada ay mayroong malulubhang sakit at dahil sa siksikan sila sa isang kuwarto ay may posibilidad na magkahawaan sila.

Ang siste, matagal ang hihintayin ng ating mga kababayan bago sila makabalik ng bansa dahil ubos daw ang pondo kaya naman kahit nahihirapan ay wala silang magawa kundi magtiis at magdasal na maisama sila sa listahan ng pababalikin sa bansa.

Hindi rin makatawag ang ating mga OFW sa kanilang mga kamag-anakan o pamilya dahil pagpasok na pagpasok raw sa konsulada ay kinukumpiska ang kanilang mga cellphone.

Ano daw ‘yun? Bakit?

Anong problema, bakit kinukuha nyo ang cellphone ng ating mga OFW? May news black out? Mayroon ba kayong lihim ng guadalupe riyan sa UAE Philippine Embassy?

Ayaw nyo bang malaman na nitong nakaraang araw ay mayroong 70 OFWs ang mapalad na napauwi bunsod na rin sa isinagawang ‘noise barrage’ ng mga OFW sa konsulada kaya natakot kayo at nagawa niyo silang pauwiin? May tama ba ako?

Bukod sa siksikan ay dumaranas din ng gutom ang ating mga kababayan. Mantakin mo, ginagawan na lamang ng paraan ng mga cook para mapagkasya ang pagkain tulad ng dinadamihan daw ng sabaw ang kanilang lutuin para makakain ang lahat. Subalit kapos pa rin ito dahil ang ilan daw ay hindi nakakakain.

Buti na lamang ang ilan ay may mga kaanak na nagtatrabaho rin sa naturang bansa kaya nakapagdadala ng pagkain ang mga ito para sa ating mga OFW.

Ang ilan daw sa ating mga kababayan ay tumatakas na lamang sa konsulada at sila na ang bumibili ng ticket para makabalik na sa Pinas at makasama ang kanilang pamilya.

Para matakasan ang bangungot na kanilang dinaranas sa embahada.

Nakarating na kaya kay DOLE Secretary Silvestre Bello ang pagmamaltrato sa ating mg OFW sa UAE? Nakaabot na kaya sa kaalaman nito na ang ating konsulada ay punong-puno at nagsisiksikan ang ating mga kababayan?

Sa ganang akin, sana man lamang mabigyan ito ng atensyon ng ating pamahalaan kaya naman nananawagan tayo kay Lolo Digong o kay Senator Bong Go dahil inutil daw ang ating konsulada sa UAE! Kaaa Boom! (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

SOLIMAN: MAGSASAKA, PANAHON NA UPANG  UMANGAT ANG PAMUMUHAY

NIPIS

ANG inyong lingkod ay para lang si Dora the Explorer na dahil nais makatuklas ng kung anu-anong bagay ay kung saan-saan nakakarating at suwerteng nakatiyempo ng isang taong makapagbubukas ng isipan kaugnay sa problema ng pamahalaan at ng bayan kaugnay sa bigas.

Totoong suwerte dahil nakakiskisang siko ng NIPIS ang rice trader na si Jomerito “Jojo” Soliman sa bloodletting na isinagawa sa Sky Med Health and Laboratory Center Inc. sa Dasmariñas St., Binondo, Manila noong Sabado kung saan nagtungo ito upang magdonate ng dugo.

Naglakas ng loob ang inyong lingkod na magtanong kaugnay sa kanyang maitutulong sa problema ng bansa kaugnay sa bigas na kanya namang pangunahing negosyo.

Sinabi ni Jojo Soliman na tama ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Food Authority (NFA) na bilhin ang palay ng mga magsasaka sa medyo mataas na presyo sapagkat ito ang tamang panahon upang umangat ang mga ito sa kanilang pamumuhay.

Ang kikitain ng mga magsasaka ay magiging sagot sa gastusin nila sa araw-araw bukod pa sa puhunan na rin sa kanilang muling pagtatanim.

Upang makatulong sa mga magsasaka na basa ang palay, handa si Soliman, kabilang sa nagtataguyod ng Rosita Soliman Foundation kasama ang mga miyembro ng Rotary Club of Raha Sulayman-Manila, na ipahiram ang kanyang makina sa pagpapatuyo ng palay.

Sinabi rin ni Soliman na handa siyang ipagamit sa mga magsasaka ang kanyang gilingan ng palay o rice mill sa iba’t ibang bahagi ng norte na ang babayaran lang ng mga ito ay minimal amount.

Malaki ang pagnanais ni Soliman na makatulong sa ating mga kababayang magsasaka upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga ito dahil batid niya ang hirap na pinagdaraaanan ng mga ito upang maitaguyod lang ang pagsasaka sa bansa.

Ayon pa sa negosyante, kapag nagiling na sa kanyang rice mill ang palay ng mga magsasaka, bahala ang mga ito na magbenta sa palengke sa mas mataas na halaga upang kumita naman ang mga ito at hindi na pagsamantalahan ng mga negosyante nang-iipit sa mga ito.

Nabatid na kaya alam ni Soliman ang pinagdaraanan ng mga magsasaka ay dahil halos animnapu’t limang (65) taon na ang kanilang negosyo at halos apat na henerasyon na ang dinaanan kaya’t malabong maging rice smuggler siya.

Matatandaang noong maupo si Presidente Digong, lumabas ang balita na rice smuggler si Soliman na sa bandang huli ay nalinis ang kanyang pangalan. Natural, negosyo ang lakad nito kung kaya’t ang kanyang kalaban ay gumawa ng paraan upang mawakwak siya at masira ang pangalan. Pero may kasabihan nga “You can never put a good man down,” kaya’t vindicated si Soliman nang lumabas ang totoo na siya pa nga ang biktima ng ilang tiwaling tauhan ng Bureau of Customs (BoC).

Nasabi rin ni Soliman na sana ay bigyang pansin ang mga magsasaka sa rice tarrification law sapagkat talaga namang kaawa-awa ang kalagayan ng mga ito. Aniya, sa Pilipinas lang mababa ang kategorya ng mga magsasaka dahil sa ibang bansa, sila ang kinikilalang mga bayani at pag-asa ng bansa lalo na ang mga rice consuming countries.

Idinagdag ni Soliman na sana, matapos mabili ng NFA ang palay ng mga magsasaka sa mataas na presyo, magbigay din ang mga ito sa bawat bayan ng makinang pantuyo ng palay upang sa ganoon ay hindi baratin ng mga negosyanteng namimili ng palay ang produkto ng mga magsasaka.

Kapag tuyo, ani Soliman, mas mahal ang benta at mas malaki ang kita ng mga magsasaka na sa umaga pa lang ay nasa bukid na at doon na inaabot ng takipsilim upang masiguro na maayos ang kanilang mga pananim.

Iginiit pa ng negosyante na sumusuporta sa Raha Fire Volunteer at Raha Medics na sakaling magbibigay ng mga makinang magiging kapakipakinabang sa mga magsasaka tulad ng pantuyo sa palay at gilingan, huwag na itong gawing pera na ibibigay sa halip ay makina na kaagad upang hindi na mapamahal ang pagbili at gugugol pa ng panahon sa paghahanap ang mga magsasaka. May posibilidad nga naman kasi na makuha ng mahal pero mahinang klase kaya mas makabubuting ang pamahalaan na mismo ang bumili. (NIPIS / LEA BOTONES)

Please follow and like us:
Read More