GRADE 8 STUDENT, SINAKMAL NG BUWAYA 

palawan 12

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISANG grade 8 student ang sinagpang at tinangay ng buwaya habang naninisid sa paghuli ng isda, kasama ang kanyang tiyuhin at mga pinsan sa Balabac, Palawan, Linggo ng gabi.

Base sa report ng amain ng biktima sa Balabac Municipal Police Station (MPS) nitong Lunes ng umaga,  nakilala ang biktima na si Romilo Sappayani Miranda, 15, Grade 8 student, ng Indalawan National High School, at residente ng Bryg. Rabor sa nasabing bayan.

Base sa salaysay ni Pablo Tanain Sarmiento, tiyuhin ng biktima, magkakasama silang nanisid para manghuli ng isda kasama ang dalawa pang pinsan sa lawa ng Sitio Bual, Brgy, Indalawan noong gabi ng Linggo.

Matapos ang kanilang pagsisid, napansin ng isa sa kanyang mga pinsan na si Ismael Sarmiento ang gamit na flashlight ng biktima na nakalutang sa tubig sabay ang biglaang pagsulpot ng isang buwaya sa kanyang kanang tagiliran habang kagat sa batok ang biktima at tuluyang tinangay sa malalim na bahagi ng dagat.

Bagamat natawag ni Ismael ang pansin ng kanyang tiyuhin at mga pinsan ay wala na ring nagawa ang mga ito sa pangamba na baka pati sila ay lapain ng naturang buwaya.

Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga tauhan ng Alabac MPS, Philippine Coast Guard, PNP Maritime Group at Barangay officials ang biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

PVL COLLEGIATE PLAYER OF THE WEEK: ADAMSON’S TRISHA GENESIS

HINIRANG na Sports Vision PVL Collegiate Conference Player of the Week si Trisha Genesis ng Adamson University matapos ihatid ang Lady Falcons sa semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Collegiate Conference.

Nakuha ng Adamson ang napakaimportanteng ikaapat na panalo kontra Ateneo de Manila Universtiy, 14-25, 25-21, 25-15, 25-21, noong Linggo para makaabante sa PVL Season 3 semifinals.

Kumamada ang tubong Sta. Rosa, Laguna ng game-high 19 points kabilang ang 12 attacks, anim na service aces at siyam na excellent receptions sa naturang panalo kontra Ateneo.

“Ang saya po kasi last year nga po kahit anong laban, hindi kami nananalo [against Ateneo]. So ngayong year po talagang pukpok kung pukpok, laban kung laban. Tanggalin po sa isip na talo noong nakaraan kasi ang mahalaga po ay ngayon,” ani Genesis.

Tinalo niya ang teammate na si Louie Romero, University of Santo Tomas’ Eya Laure, De La Salle-College of St. Benilde’s Klarisa Abriam, San Beda University’s Nieza Viray, at San Sebastian College’s Reyann Cañete para sa weekly award mula sa mga reporter sa print at online na kumokober sa liga.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE BINURDAHAN NG SAKSAK SA KATAWAN

(NI LILY REYES)

LABINLIMANG tama ng saksak  sa  iba’t ibang parte ng katawan  ang  tumapos sa buhay   ng isang hindi kilalang babae, Linggo ng gabi sa Quezon City.

Ayon sa isang saksi, bigla na lang umanong  nagtatakbo ang biktimang nakilala lang sa pangalang  ‘Apple’    palabas galing sa looban ng Agham Road at humingi   ng tulong pasado alas- 9:00 ng  Linggo ng gabi.

Sumakay umano ang babae  at naupo  sa isang nakaparadang  pedicab  makalipas ang ilang saglit ay  nawalan ng malay  ang babae  at bumagsak doon din.

Karamihaan umano ng tama ng saksak ng biktima ay sa likurang bahagi ng kanyang katawan.

Bakas pa ang dugo sa eskinita sa Sitio San Roque kung saan sinasabing nanggaling ang biktima nang dumating ang mga   imbestigador ng Quezon City Police District.

Napag-alamang tatlong araw pa lang umanong  umuupa doon si ‘Apple’ kasama ang asawa na suma-sideline bilang jeepney driver.

Ayon sa may-ari ng paupahan, nakausap pa niya ang asawa ng biktima para sabihin ang nangyari.

Tumanggi raw itong puntahan ang kanyang asawa at baka madamay at patayin din daw siya.

Hinahanap ngayon ng mga pulis  ang asawa ng biktima para makakuha ng karagdagang detalye.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGONG LPA PAPASOK SA PAR

ulan1

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG Low Pressure Area(LPA) ang inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR) sa Miyerkoles, sa oras na maging bagyo ay tatawagin itong bagyong ‘Marilyn’, na ika 13 bagyong na pumasok sa bansa ngayong taon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) ang nararanasang pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon ay bunsod ng hanging habagat.

Apektado ang mga lugar ng Metro Manila, Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley Region, Rizal at at Central Luzon.

Sinabi ni  Pagasa weather forecaster Raymond Ordinario na bagamat may Low Pressure Area(LPA) malapit sa PAR ay wala pa itong direktang epekto sa bansa, sa Miyerkoles pa ito inaasahang papasok sa PAR at magiging ganap na bagyo.

Nagbabala ang Pagasang posibilidad ng pagbaha at landslide sa mga lugar na apektado ng hanging habagat.

Samantala sinabi ng Pagasa hydrology division na patuloy ang pagtaas ng antas ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa monitoring ng Pagasa ay nasa  183.68 meters ang water level ng dam.

Maliban dito ay tumaas din ang antas ng tubig sa Ipo Dam na nasa 100.96 meters gayundin sa San Roque, Pantabangan at Magat Dams.

Una nang sinabi ng Pagasa na inaasahan nilang magnonormal na ang antas ng tubig sa mga Dam sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre dahil na rin sa inaasahang pag-uulan dala ng bagyo.

 

 

Please follow and like us:
Read More

POT SESSION SA RESTOBAR, 6 TIKLO

(NI FRANCIS SORIANO)

KALABOSO ang anim katao, kabilang na ang dalawang menor-de-edad, matapos maaresto at matiklo sa kanilang pot session sa loob ng restobar sa Maria’s Backyard Restobar Brgy. Baritan, Malabon City, nitong Linggo.

Kinilala ni PCOL Jessie Tamayao, hepe ng Malabon City PNP ang mga suspek na sina

Arvi Villamar y Blancada, 21, ng B3-L28, Site 8, Phase 2, Area 3, Brgy. NBBS, Christian Jimenez y Masotes, 21, ng B1-L22, Phase 2, Area 2, NBBS, Apollo Dormiendo, 21, ng B2,- L26, Phase 2, Area 2.

Ang tatlong menor-de-edad ay isang , 17-anyos,  isang 16-anyos at  17- anyos na kapwa residente sa nabangit na lugar.

Ayon sa mga taga PCP-7, kasalukuyang nagsasagawa ang mga operatiba nito ng  Oplan Galugad/Bakal sa nabangit  na establishments nang lumapit at isuplong ng guwardya ang ongoing pot session ng anim na suspek dakong  ala 2:45 ng madaling araw noong linggo na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito.

Narekober sa mga suspek ang isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na hinihinalang dried leaves ng marijuana fruiting tops,  isang improvised pipe/glass tube na naglalaman ng dried leaves nng marijuana at  isang disposable lighter.

Please follow and like us:
Read More

SANGGOL INILIBING SA TANGKE NG INIDORO NG OSPITAL

zambo123

(NI ANNIE PINEDA)

KAAWA-AWA ang sinapit ng isang bagong silang na sanggol na lalaki nang matagpuan ang bangkay nito sa loob ng tangke ng inidoro , kaninang umaga sa probinsya ng Zamboanga City.

Batay sa report ng pulisya, alas 8:00 ng umaga nang matagpuan ang sanggol na nakasabit pa ang umbilical cord na nasa tangke ng inidoro sa loob ng palikuran ng Doctor’s Hospital sa nasabing lungod.

Ayon sa utility worker ng ospital, naglilinis siya ng kubeta at ikakabit na sana nito ang hawakan ng toilet tank para sa paglabas ng tubig nang hindi ito gumana.

Tinignan niya ang loob ng tangke ng inidoro at bumulaga sa kanyang harapan ang bagong silang na sanggol at halos nangingitim na.

Agad naman ipinaalam sa pamunuan ng ospital ang pangyayari at inayos na muna sanggol para mabigyan ng maayos na libing.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung sino ang responsable at mga magulang ng sanggol para mapanagot.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na mapabilis ang imbestigasyon dahil posibleng mismong sa ospital iniluwal ang sanggol ng kanyang ina.

 

Please follow and like us:
Read More

PDU30 TALO

(NI ANN ENCARNACION)

WALANG panalo si Pangulong Rodrigo Duterte dahil kapwa bigo ang Pilipinas at China, kahit pa sa konsolasyon na maging kinatawan ng rehiyon sa 2020 Tokyo Okympics.

Matatandaan na bago pa man nagsimula ang FIBA World Cup ay nagbiro si PDU30 na hindi mananalo ang Gilas Pilipinas at kung siya ang pappipiliin ay mas pupusta raw siya sa China.

Ngunit kapwa luhaan ang Gilas at World Cup host China makaraang mabigo sa huli nilang mga laban kontra Iran at Nigeria, ayon sa pagkakasunod.

At dahil sa 95-75 panalo ng Iran laban sa Pilipinas, nagkaroon ito ng “higher aggregate margin of victory” (plus-7) kumpara sa China (minus-10) kaya’t nakuha nito ang karapatan na maging kinatawan ng Asya sa 2020 Olympics.

Samantala dahil sa pagkabigo ng China kontra Nigeria, 86-73, ang huli naman ang magiging kinatawan ng Africa sa Tokyo Olympics.

I FELL THEIR PAIN–Bolick

NAPAIYAK si Gilas Pilipinas rookie player Robert Bolick Jr. matapos mabokya ang Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup sa Beijing, China

Ayon kay Bolick nalulungkot siya para sa mga kasamahan niya at bumubuo sa national coaching staff dahil hindi sila nanalo kahit isang beses sa FIBA.

Nalasap ng Gilas ang ikalimang sunod na kabiguan laban sa Iran, na muling sasabak sa 2020 Olympics matapos maagaw sa China ang karapatan na maging Best Team in Asia.

“I can feel their pain,” emosyunal na sabi ni Bolick. “I feel bad for the coaching staff, they had to… they really work hard, and they…we only had 10 days to prepare. I really feel bad for them kasi lahat ng blame napupunta sa kanila. I really feel bad for the coaching staff.”

Ikinalungkot din ng Gilas rookie ang mga nasayang na pagkakataon sa koponan para manalo subalit hindi nito nagawang makumpleto upang makapaguwi ng kahit isang panalo mula sa World Cup.

“I hope to do better, some of the games are winnable games, hindi lang kami nagkakaanuhan eh, hindi lang kami masyadong nagkaka-in synch, offensively and defensively,” aniya.

“I think it is an eye opener for us, for our country. Give more time to prepare, especially in this kind of magnitude, World Cup, the best teams are here eh, hindi na ito biro. So it just sucks for me. Siyempre bata pa ako, but for Gabe, for those senior guys, feeling nila last na nila eh, I feel their pain,” hinagpis ni Bolick.
Ikinainis pa ni Bolick ang pagyayabang umano ng Iran bago matapos ang game sa pagitan nila.

“The thing that they (Iran) did, they were jumping, shouting and everything. It’s gonna be a motivation for me. I, for sure, I won’t let it happen again… Babawi kami next time, hindi na sila tatalon for sure,” sabi pa nito.

Please follow and like us:
Read More

MAS MAKATUTURAN BA SI JAKE ZYRUS?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MUKHANG mas makatuturan ang sinasabi ngayon ni Jake Zyrus tungkol diyan sa SOGIE bill. Tama ang obserbasyon ni Jake na nagsabing kung ang batas ay laban sa diskriminasyon sa anumang klase ng tao na nakakaranas nang ganoon sa iba’t ibang dahilan, magiging pabor siya sa panukalang batas.

Pero inamin niyang ang napansin niya ay tila laban lamang iyon sa sinasabing diskriminasyon ng isang sektor lamang. Papaano nga naman ang iba? Mukhang hindi rin malinaw sa mga sumusuporta riyan sa SOGIE bill, ang ibang epekto ng panukalang batas.

isang madre na ipinagpipilitan ang batas, pero hindi masagot kung papayagan nila ang mga transwomen sa kanilang exclusive girls’ school. Lalo siguro niyang hindi masasagot kung may isang transwoman na magpunta sa kanila para maging madreng kagaya niya. Kung hindi nila papayagan iyon, masasabi bang discrimination din?

Kaya nga ang sinasabi ni Jake, sana unahin ng mga mambabatas ang mas malalaking problema ng bansa, kagaya nga noong paghihirap ngayon ng mga magsasaka dahil sa napakamurang halaga ng kanilang palay, at nalulugi na sila. Maaari rin nga namang mas pagtuunan pa ng pansin ang edukasyon na kulang na kulang naman talaga, kaysa riyan sa SOGIE bill na iyan na nagsimula lang naman dahil sa isang transgender na  hindi pinapasok sa CR ng mga babae sa isang mall.

Iginigiit ni Jake na siya ay isang transman, pero alam niya kung ano ang kanyang sex simula nang ipanganak siya. Hindi niya ipinipilit kung ano ang gusto niya kung di kung ano ang reality, kaya ginagamit pa rin niya ang CR para sa mga babae dahil babae naman siya.

Parang hindi nga masyadong problema iyan ng mga lesbians eh, ang talaga nang nagpipilit na kilalanin silang babae ay iyong mga gays, na hindi pa rin lahat.

NAGULAT BA KAMI SA PAGKAHULI KAY DEBORAH SUN?

Hindi na kami nagulat nang lumabas ang balita na nahuli si Deborah Sun, na Jeanne Louise Porcuna  Salvador  sa tunay na buhay, kasama ang kanyang anak na si Angela Porcuna sa isang condominium sa Cubao, dahil sa kaso ng droga. Ang condo ay sinasabing pag-aari ng aktres na si Ara Mina, na dahil naawa naman sa kapwa aktres ay pinayagang doong muna tumira sa kanyang condo nang walang bayad dahil wala ngang matuluyan.

Nagsimula siyang tumira sa condo na iyon matapos niyang makalaya sa Correctional Institution for Women, kung saan naman siya nakulong ng ilang taon din dahil sa kasong isinampa laban sa kanya ng aktres ding si Lorna Tolentino.

Iyang si Deborah, ay anak ni Leroy Salvador kay Baby Porcuna.

***

Kaya ba may istambay na  poging bros…

 MAY LQ SI SHOWBIZ GAY AT ANG FAVE TALENT?

Mukhang may problema na nga ang showbiz gay sa kanyang favorite talent. Sikat na kasi talaga sa ngayon si “favorite talent” at mukhang minsan ay “hindi na pumapayag sa mga requests” ng showbiz gay. Kaya ngayon nga, sinasabing may alaga siyang “brothers”.

Wala naman daw commitment si showbiz gay sa “brothers” na pasisikatin niya ang mga iyon. Basta binibigyan niya sila ng datung kung kailangan nila.

Ganoon yata talaga ang buhay ngayon.

 

Please follow and like us:
Read More

DUELO SA TONDO: 1 PATAY, 1 SUGATAN

(NI HARVEY PEREZ)

NASAWI ang isa habang sugatan naman ang tiyuhin ng suspek makaraang mauwi sa duelo ang  matagal nang alitan ng magkapitbahay, Lunes ng umaga sa  Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni  PSg Roderick Magpale, ng Manila Police District-homicide section, ang biktima ay nakilalang si  Rommel Reyes, 40, ng 805 Coral Street, Tondo, na nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo habang sumuko naman ang suspek na si Joel Mural, 33, ng 801 Coral Street, Tondo.

Habang nasugatan naman ang tiyuhin ng suspek na si Elmo Mural, 55, sa  kanang palad makaraang tamaan ng ligaw na bala, habang tinatangkang awatin ang dalawa.

Nalaman na  ang insidente  ay naganap dakong alas-8:50 ng umaga sa  tabi ng Ilog sa Pilapil Street, sa Tondo.

Nabatid na matagal na umanong may alitan sina Rommel at Joel at nang mag-krus ang landas ng mga ito, na kapwa armado ng baril, ay nagkagirian na  ang mga ito.

Una umanong binaril ng  biktima ang suspek pero  hindi pumutok ang kanyang baril kaya  nang gumanti ang suspek ay tinamaan siya sa dibdib.

Sa kabila na bumagsak na ang biktima nilapitan pa ito ng suspek at  pinaputukan sa ulo, na nagresulta ng kanyang kamatayan .

Naaresto naman ang suspek matapos na pakiusapan ng kanyang ina na barangay Kagawad na sumuko na sa mga pulis na nagresponde.

 

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI WALANG AMBAG SA ALAK, TINUBO

(NI ANNIE PINEDA)

DAHIL umano sa mahilig sa libre, patay ang isang obrero makaraan hatawin ito ng tubo sa ulo ng kainuman nang umano nag ambag sa alak, iniulat kaninang umaga sa Baguio City.

Kinilala ang biktimang si Chistopher Balanni, tubong Banaue, Ifugao at residente ng Itogon, Benguet, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Kazy Binuhe Nahuyaman, 25, binata, tubong Hingyon, Ifugao at residente ng Ucab, Itogon, Benguet.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng kubo na tinutulugan ng bitkima at suspek sa First Gate, Ucab, Itogon, Benguet.

Lumabas sa imbestigasyon, bago ang insidente nag-iinuman ang biktima at suspek sa kubo hanggang sa maubos ang alak.

Nabitin umano si Nahuyaman kaya sinabihan nito si Balanni na bumili naman ng alak pero tumanggi umano ang huli na nauwi sa pagtatalo.

Dito, kumuha ng tubo ang suspek at hinataw sa ulo ang biktima saka tumakas.

Dinala naman ng iba nilang kasamahan si Balanni sa Baguio General Hospital and Medical Center, pero idineklara na rin itong patay. Nakonsensiya naman ang suspek at kalaunan ay sumuko ito sa mga awtoridad at nakatakdang sampahan ng kasong pagpatay.

Please follow and like us:
Read More

ROAD RAGE NG 2 RIDER; 1 TEPOK

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI umubra ang yabang ng isang rider sa gitna ng kalsada makaraan pagsasaksakin ito sa dibdib ng kapwa rider na naalitan sa daan matapos umanong pagmumurahin ng una ang huli, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Aklan.

Kinilala ang namatay na si Nomer Icawalo, 35, at residente sa Barangay Tambuan, Malinao, Aklan.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Rico Berlandino, 18, ng Barangay Cabayugan, Malinao aklan.

Batay sa report ng Malinao Police Station, naganap ang insidente sa nasabing bayan nang magkasabay sa daan sina Icawalo at Berlandino sakay ng kanilang motorsiklo hanggang sa nagkatitigan ng masama.

Bigla na lamang umanong uminit ang ulo ng biktima at pinagsisigawan niya saka pinagmumura ang suspek na ikinagalit ni Berlandino kaya iniharang ang motorsiklo nito sa daanan ni Icawalo.

Bago pa man umangal ang biktima ay pinag-uundayan na ito ng saksak sa dibdib na agad niyang ikinamatay.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek pero kalaunan ay agad din nadakip ng mga rumespondeng pulis sa ginawang follow-up operation.

Nakatakda naman sampahan ng kaukulang kaso laban sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

PANDAY KRITIKAL SA GUNTING NG BARBERO 

crime600

(NI ANNIE PINEDA)

KRITIKAL sa ospital ang isang panday makaraan saksakin ito ng gunting ng barbero nang magkrus ang kanilang landas dahil sa matagal na nilang alitan, kaninang madaling-araw sa probinsya ng Capiz.

Kinilala ang biktimang si Arnel Fajader, 45, ng Brgy Consolacion, Dumalag.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Garson Nobleza, residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Dumalag Municipal Police Station, dakong ala 1:30 ng madaling araw ng Lunes nang maganap ang insidente sa Brgy. San Rafael sa bayan ng Dumalag.

Lumabas sa imbestigasyon, may sayawan na nagaganap sa nasabing bayan at parehong nagtungo ang dalawa nang magkita ang mga ito ay naungkat ang kanilang dating away.

Kinuha ng suspek ang dala ang nitong gunting at pinagsasaksak ang biktima sa dibdib at tiyan .

Agad naman dinala ang biktima sa ospital at hanggang ngayon ay patuloy na inooberbahan.

Nadakip naman ng mga awtoridad ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

RIDER NA TEACHER PATAY SA GUTTER

accident121

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang pampublikong guro matapos sumadsad at bumangga sa konkretong gutter ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Sorsogon City, Linggo ng gabi.

Sa report ni P/Major Malou Calubaquib, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 5, naganap ang insidente bandang alas-8:30 sa Sitio Baribag, Brgy. Bibingcahan sa nasabing lungsod.

Hindi na umabot nang buhay sa Sorsogon Provincial Hospital, sa Sorsogon City ang biktimang si Noel Rodulfo Dolotallas, 50, public elementary teacher, residente ng Brgy. San Roque, Bacon District.

Pauwi na umano ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo na nang mawalan ito ng kontrol pagsapit sa kurbadang bahagi ng nabanggit na lugar dahilan para dumulas at mapunta  sa kabilang linya ng kalsada at bumangga sa konkretong gutter.

Dead on arrival ang nasawing guro sa Sorsogon Provincial Hospital, dahil sa lakas ng pagkakabangga batay sa deklarasyon ng sumuring doktor.

 

Please follow and like us:
Read More

WARRIORS SINUWAG NG TAMARAWS

(PHOTO BY MJ ROMERO)

NAKASUNGKIT ng panalo ang Far Eastern University laban sa University of the East, 81-65, sa UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Inakay ang Tamaraws sa panalo nina Wendell Comboy at L-Jay Gonzales nang umiskor ang mga ito ng 24 at 14, ayon sa pagkakasunod.

Ito ang career-best nina Cowboy na nagtala ng 6-of-9 shooting sa tres, at Gonzales na nagposte rin ng walong rebounds, walong assists at tatlong steals.

“At least naka-isa na kami, but sinasabi ko na sa mga players, play every play, play every possession,” sabi ni FEU coach Olsen Racela.

Kinamada ni Senegalese Alex Diakhite ang 19 sa kanyang kabuuang 21 points sa second half, na sinamahan pa ng 15 rebounds at apat na shot blocks, ngunit hindi ito naging sapat para maipanalo niya ang Red Warriors, ngayon ay may 0-2 panalo-talong kartada.

Halos ganito rin ang kinalabasan ng salpukan ng FEU at UE sa UAAP Season 82 women’s basketball makaraang payukuin ng una ang huli, 70-59.

Nanguna si Clare Castro na nagpakawala ng 20 puntos, 13 rebounds, at anim na blocks para sa unang panalo ng Lady Tamaraws.

“Wala silang malaki, so kailangan natin gamitin si Clare,” sabi ni Lady Tamaraws coach Bert Flores. “Pag nilabas mo si Clare, halos bulilit na ang players namin eh.”

Nag-ambag naman si Choy Bahuyan ng 16 points, anim na rebounds, tatlong steals at dalawang assists habang nagdagdag si Fatima Quiapo ng 12 points, anim na rebounds at apat na assists para sa FEU.

Nagtala naman ng double-double si Princess Pedregosa para sa UE sa kanyang 21 points, 14 rebounds, dalawang assists at dalawang steals habang ang teammate niyang si Jearzy Ganade ay may 14 points at 14 boards.

Please follow and like us:
Read More

PIOLO ‘DI MAKAIWAS SA SWEETS

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

AMINADO si Piolo Pascual na mahilig talaga siyang kumain nang matatamis. Para sa aktor ay hindi naman ito masama sa katawan basta kontrolado at kinakailangan ding mag-ehersisyo.

“Minsan nakakaubos ako ng three to four doughnuts. At the end of the day, it’s all a matter of balance. Like ako kunyari ‘pag gusto ko may craving ako for something sweet, if I can finish like half a dozen box of doughnuts. I know I have to work out. I have to train, I have to sweat if off,” bungad ni Piolo.

Sa edad na 42 ay kapansin-pansin pa rin ang magandang pangangatawan ng aktor. Kapag walang trabaho ay puspusan umano ang ginagawang pagpapawis ni Piolo. “If marami kang mag-divert or just limit your lifestyle. You know the things that you have to avoid. Okay lang ‘pag once in a while may mga craving ka, you balance it out with exercise.

I don’t eat as much food when I’m eating as much sugar. You make sure to burn it. I’m always conscious about what I have to burn and how I have to look because I am my own product. So I make sure that I have a balanced diet as well. Even if I have my sugar fix, I make sure I balance it out with a training or work out,” pagbabahagi niya.

Samantala, kahit walang teleserye ay kabi-kabila naman ang ginagawang pelikula ni Piolo bilang aktor at bilang movie producer.

“I finished a movie with Lav Diaz. The Lav Diaz that was shown for Cinemalaya. I finished a movie with Brillante Mendoza celebrating the 100 years of Philippine Cinema. And also, we’re participating sa Pista ng Pelikulang Pilipino with ‘I’m Ellenya L.’ with Maris (Racal) and my son Iñigo (Pascual). I’m finishing a film with Alessandra de Rossi that we are co-producing. November, were starting the film. I’m finishing up an album, hopefully we get to launch it before Christmas season,” nakagiting pahayag ng aktor. -Reports from JCC-   

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKING NAG-AMOK PATAY SA PARAK

zamboanga map12

(NI KIKO CUETO)

ZAMBOANGA City — Patay ang isang lalaki na nag-amok sa Barangay Cabatangan nang barilin ng pulis na rumesponde sa lugar.

Sa report, nagwawala ang lalaki na kinilalang si Arnel Francisco at naghahamon ng away.

Agad nagsumbong sa pulis ang mga residente at pinuntahan ito.

Pagdating ng responde sa halip na kumalma ay nanutok pa ito ng patalim sa mga pulis dahilan para siya ay barilin.

Sinabi ni Kagawad Efren Jalon na hinaharass na ni Francisco ang ilang residente nang walang  dahilan.

Sinubukan umanong pakalmahin ng mga kaanak si Francisco pero hindi ito tumigil.

Ayon kay Kagawad Jalon, malaki ang posibilidad na lango sa alak ang suspek nang mangyari ang insidente.

 

 

Please follow and like us:
Read More

GINANG NANGISAY SA POSO 

(NI ANNIE PINEDA)

NAGKIKISAY ang isang ginang habang nag-iigib ng tubig sa poso nang aksidenteng makuryente sa kanilang water pump, iniulat sa probinsya ng Ilocos Norte.

Kinilala ang biktimang si Merly Viada, 50, at Laoag City, Ilocos Norte.

Batay sa report ng pulisya, abala ang biktima pagbomba ng tubig nang bigla na lamang itong nakuryente dahilan para magkikisay ng matumba at nasugatan sa noo.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima pero wala na rin buhay nang idating.

Paniwala ng pamilya Viada, nagkaroon ng nag-short circuit ang water pump matapos mabasa dahil sa tabi lamang ito ng poso na siyang dahilan ng pagkakuryente ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

PAG-IYAK HINDI SENYALES NG KAHINAAN

PAG-IYAK-2

(Ni Edzer Lanuza / Huling bahagi)

BAKIT mainam maglabas ng luha? Ang pag-iyak ay natural  res­ponse ng tao sa saklaw ng mga emosyon kabilang ang  kalungkutan, pamimighati, kaligayahan at kabiguan.

Pero di lamang ito ang mga benepisyo sa kalusugan ng pag-iyak. Hindi nga karaniwang umiyak, at inaasahan namang parehong umiiyak ang lalaki at babae.

Sa United States, umiiyak ang mga babae sa average na 3.5 times per month at ang mga lalaki, sa  average na 1.9 times a month.

Ang pag-iyak ay natural res­ponse rin sa irritants gaya ng alikabok na napupunta sa mga mata.

Kabutihan sa  pag-iyak

Tinatangka ng taong pigilin ang kanyang pag-iyak, senyales daw ito ng kahinaan. Pero iminungkahi ng siyensa na kung pipigilin ang pag-iyak, di mapapakinabangan ang hanay ng mga benepisyo nito.

Natuklasan ng mga mana­naliksik na ang pag-iyak ay may hatid na:

Soothing effect

Ang self-soothing ay nag-aayos ng kanilang sariling mga damdamin, nagpapakalma sa sarili, at nagbabawas nang pagkabalisa o pagkabagabag.

Noong 2014, natuklasang ang pag-iyak ay may  direct, self-soothing effect. Ipinaliwanag kung paano binubuhay ng pag-iyak ang  parasympathetic nervous system (PNS), tumutulong sa taong mag-relax.

Nakakakuha ng suporta mula sa iba

Ang pagluha ay nakakatulong para guminhawa  ang nararamdaman sa sarili, gayun­ding nakakakuha ito ng tulong mula sa mga taong nakapalibot sa paligid.

Lumabas sa pag-aaral, ang pag-iyak ay may pangunahing kalakip na pag-uugali, pamamahayag ng suporta mula sa ibang tao. Kilala ito bilang interpersonal or social benefit.

Nakakatulong para mapaginhawa ang sakit

Natuklasan sa research na karagdagan sa self-soothing, ang paglalaglag ng emotional tears ay naglalabas ng oxytocin at endorphins.

Sa nasabing chemicals, nagagawang makaramdam ng mabuti sa sarili. Napapaginhawa ang physical at emotional pain. Nasusulong din ang pakiramdam ng kagalingan.

Napapabuti ang mood

Ang pag-iyak ay nagtataas ng diwa ng iba at nakakaramdam ng kaginhawahan. Ang oxytocin at  endorphins ay tumutulong sa pagbuti ng mood. Kaya tinawag itong  “feel good” chemicals.

Naglalabas ng toxins at nagpapawi ng stress

Kapag umiyak ang isang tao, bilang pagtugon sa stress, ang kanilang mga luha ay naglalabas ng maraming stress hormones at iba pang chemicals.

Naniniwala ang mga researcher na ang pag-iyak ay nagbabawas ng levels ng mga chemicals sa katawan, nauuwi sa pagkabawas ng stress.

Tumutulong para makatulog

Sa isang pag-aaral noong 2015, natuklasan na ang pag­luha ay nakakatulong sa mga sanggol para makatulog nang mabuti. Inaalam pa kung ang pag-iyak  ay may  sleep-enhancing effect sa adults .

Bagaman, sinusundan ito ng pagpapakalma sa sarili, pagbuti ng pakiramdam, at  pain-relieving effects kaya nakakatulog agad ang tao matapos umiyak.

Panlaban sa bacteria

Tumutulong ang pag-iyak sa pagpatay sa bacteria at para mapanatiling malinis ang mga mata. Dahil ang mga luha ay nagtataglay ng fluid tinatawag na lysozyme.

Sa 2011 study, natuklasang ang lysozyme ay may powerful antimicrobial properties na maaaring makatulong sa pagbabawas sa panganib na makukuha sa  bioterror agents, tulad ng anthrax.

Nagpapabuti ng paningin

Ang basal tears, nailalabas sa tuwing kumukurap ang tao, ay nakakatulong sa pagpapanatiling mamasa-masa ng mga mata at naiiwasan ang pagkatuyot ng mucous membranes.

Ayon sa National Eye Ins­titute, ang lubricating effect ng basal tears ay nakakatulong sa tao para makakitang mabuti. Kapag natuyo ang membranes, lumalabo ang paningin.

Please follow and like us:
Read More

STUDENT TAKOT MAKULONG, NAGBIGTI 

(NI ANNIE PINEDA)

SA takot na makulong matapos ireklamo ng paglamas ng didbib sa isang babae, minabuti na lamang tapusin ang sariling buhay ng binata sa pamamagitan ng pagbigti, sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang biktimang si Jovannie Abuhan, 18 anyos, Grade 8 student sa Macabalan National High School at residente ng Parola, Barangay Macabalan.

Batay sa report ng Macabalan Police Station, bandang alas 9:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto gamit ang pisi na pantali sa manok.

Nadiskubre rin sa silid ng biktima ang suicide note na nakasaad “Sorry Ante Sharon, gibuhat nako ni” (Pasensiya na Tita ginawa ko ‘to.)

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente inireklamo si Abuhan ng isang babae sa kanilang lugar na hindi pinangalanan dahil sa pagdakma at nilamas ang dibdib nito at iba pang parte ng katawan.

Posible umanong natakot ang biktima na makulong kaya nagawa na lamang niyang magpakamatay.

Nabatid, na ulila na ang biktima sa mga magulang at inampon na ito ng kanyang tiyahin simula 9-anyos pa lamang.

 

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI LUMIYAB, TIGOK; 1 KRITIKAL

(NI ANNIE PINEDA)

LUMIYAB sa gitna ng palayan ang isang lalaki habang kritikal sa ospital ang kaibigan nito makaraan tamaan sila ng kidlat, sa Capiz.

Kinilala ang namatay na si Frederick Medalla habang sugatan ang kaibigan nitong si Fredy Uadan, kapwa residente sa bayan ng Ivisan, Capiz.

Batay sa report ng pulisya, naglalakad ang mga biktima sa gitna ng palayan kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Danilo Macato pauwi sa kani-kanilang tahanan nang biglang bumuhos ang ulan.

Dahil sa walang masilungan mabilis na tumakbo si Macato at may ilang metro na ang layo nito kina Medalla at Uadan hanggang sa gumuhit ang langit sa lakas ng kidlat at tinamaan ang dalawa dahilan para bumulagta sa palayan.

Kaagad naman dinala sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang dalawa pero hindi na naisalba pa ang buhay ni Medalla sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa katawan habang patuloy na nilalapatan si Uadan.

Please follow and like us:
Read More

SA MARIKINA, LAHAT PANTAY-PANTAY!

GO FOR GOLD

MALAKING kaginhawaan para sa mga Marikenyo ang ordinansa na pinabubukas ang LAHAT ng gates sa mga subdibisyon at kalye ng Marikina.

Lalo na siguro sa pagbubukas ng 24/7 ng mga gates ng Loyola Grand Villas at Katipunan Extension na nagdudugtong ng Marikina sa Balara, Quezon City!

Hindi lang taga-District 2 ang makikinabang diyan dahil hindi lang naman mga taga Parang, Fortune, Marikina Heights, Concepcion Dos, Concepcion Uno, atbp. ang dumadaan diyan.

Pati mga taga-District 1 ay nakikinabang diyan. Lalo na ngayon na ubod ng traffic ang Bonifacio, Barangka palabas sa Aurora Blvd.

Pati nga hindi taga Marikina, tulad ng San Mateo at Montalban, ay makikinabang diyan dahil may alternate route na silang magagamit papasok at pauwi.

So, marami talaga ang natuwa at nag-aabang sa mga darating na araw sa desisyong ito ng pamunuan ng Marikina. Kung dati ay sarado ang crucial at kritikal na access road na ito ng LGV mula 9pm-hanggang 5:30 am, ngayon ay parati na itong bukas, 24/7 ika nga!

Yan ang political will! Kakaiba talaga sa Marikina!

Marami ang humanga at nagpasalamat dahil pati ang Monte Vista, Cinco Hermanos, at iba pang villages ay bubuksan at madaraanan na ngayon. Bukas na lahat! Wala ng harang!

Salamat talaga sa Ordinansa No. 068, Series of 2019. Lahat yata ng konsehal pumirma rito. Kaya, maraming salamat din sa inyo mga Konsi.

Inaasahan na luluwag ang daloy ng trapiko sa Marikina gawa ng stroke of genius na ito. Lalo pa nga at ilang buwan pa ang kalbaryo ng mga motorista dahil sa kinukumpuning tulay sa Marcos Highway.

Pati kaming mga residente sa Twinville, Fairlane, Greenheights, St. Benedict, atbp. ay apektado ng pagbubukas ng mga gates na ito. Pero, suporta kami sa city government at kay Mayor Marcy Teodoro at kay Vice Mayor Marion Andres dahil patas ang pagpapatupad nila ng batas. Ika nga ng GMA 7, “Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan!”

Kung dati ay may palakasan at may mga “anak ng Diyos” na hindi applicable ang batas… sa bagong Marikina, asahan ninyo na pantay-pantay ang lahat!

Basta para sa greater good, marami ang willing magsakri­pisyo. Lalo na mga Marikenyo na aral sa disiplina at urbanidad kay dating Mayor Bayani “BF” Fernando. Kay sarap magsakripisyo dahil LAHAT ay nagsasakripisyo.

Sana lamang ay hindi ito gamitin sa politika dahil buhay naming mga residente ang nakataya rito.

Natural, nakiusap din kami kay Mayor Marcy kung pwedeng huwag nang buksan ang side streets ng Twinville dahil out of the way ito at bihira naman daanan. At saka, bukas naman ang Rosas at Ilang-Ilang Streets bilang alternate route sa JP Rizal papuntang Farmers Road. Pero, handa kami magsakripisyo kung walang exceptions.

Nangako naman daw ang pamunuan na sila ang magi­ging responsable sa inaasahan na pagtaas ng krimen sa mga lugar na kakaiba ang sitwasyon tulad ng Concepcion, Nangka, IVC, atbp.

Suportahan po natin ang patas na pagpapatupad ng Ordinansa 68! (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

EX-ACTRESS DEBORAH SUN, ANAK, 2 PA HULI SA DROGA  

(NI LILY REYES/PHOTO BY JACOB REYES)

HULI sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD)  ang  dating aktres na si Deborah Sun at anak nito, kasama ang dalawa pa, Linggo ng madaling araw, sa Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Nakapiit sa Police Station 8 ng QCPD  ang aktres na si  Jean Louise Salvador,  lalong kilala sa pangalang Deborah Sun, 60, ang anak nitong si  Angela Salvador, 45, Gonzalo Gonzales, 49,  at Gerald de Guzman, 53, kapwa mga nakatira sa  Unit 803 Royal Mansion Mont Real St., Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Ayon kay  QCPD-PS-8 Commander, P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, nakatanggap umano sila ng impormasyon na ang mga suspek ay  may  ginagawang iligal sa nasabing unit kung kaya agad sila nakipag-coordinate sa  PDEA-NCR  at agad na ikinasa ang buy bust operation.

Nang matiyak na nasa loob na ng nasabing unit ang mga suspek ay  agad  na isinagawa ang buy bust operation kung saan ay  naaktuhan ang  suspek na  si De Guzman na nakikipag-abutan ng droga sa poseur buyer  na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga  suspek.

Nakumpiska  mula  sa mga suspek ang humigit sa isang gramo ng shabu na tinatayang nasa P6,800  at ang  P1,000 marked money.

Sinampahan ng mga kasong  Violation Of Sec.  11 and 12 ang apat na suspek  na bukod sa Sec. 11 and 12 ay may kasama pang Sec. 5 ang suspek na si De Guzman.

 

Please follow and like us:
Read More

BAKA MAY ALAS SI FAELDON KAY PRES. DUTERTE

CHRISTIAN BOMB

TAMA ang naging desisyon ni Pangu­long Rodrigo Duterte na tanggalin na sa puwesto si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon.

Nag-ugat ang pagsibak kay Faeldon dahil sa ginawa nitong pagpapalaya sa mga bilanggong drug lord, rapist at murderer, gamit ang batas na Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Bagamat malapit si Faeldon kay Pangulong Duterte, ay napilitan na ang Presidente na siya ay sibakin dahil nagalit sa gobyerno ang publiko sa ginawa nitong pagpapalaya sa mga presong sangkot sa mga karumal-dumal na krimen.

Hindi na sana umabot na nagalit sa gobyerno ni Pangulong Duterte ang taumbayan sa isyung pagpapalaya sa mga preso, kung nuong nasangkot si Faeldon sa drug smuggling  at tara system sa Bureau of Customs (BOC) ay sinibak na niya ito sa pamahalaan.

Ang naging problema nuon, sa kabila na nalantad sa Senado ang mga kabulukan sa Customs nuong si Faeldon pa ang commissioner ng BOC, ay mas kinampihan ito ni Pangulong Duterte sa halip na pakinggan ang panawagan ng mga senador na tanggalin ito sa gob­yerno.

Nagtaka ang publiko kung bakit sa kabila ng mga nabunyag na katiwalian sa Customs sa panahon ni Faeldon ay pinag-resign lang ito ng Presidente sa BOC at pagkaraan ay ipinuwesto bilang deputy administrator sa Office of Civil Defense (OCD) ng Department of National Defense (DND) at saka itinalaga bilang director general ng BuCor.

Bagamat sibak na sa BuCor si Faeldon ay mara­mi pa rin ang nagdududa na baka bigyan uli ito ng panibagong posisyon ni Pangulong Duterte sa kanyang gobyerno.

Malaking pagkakamali kung sakaling bigyan uli ito ng bagong posisyon ni Pangulong Duterte sa kanyang gobyerno, dahil kapag ginawa niya ito ay magdududa na ang taumbayan na may itinatagong alas si Faeldon laban sa Presidente.

oOo

TIMBRE: Paging PNP Chief Director General Oscar Albayalde! Isang alyas “Millora,” may pa-jueteng na sa Pangasinan; alyas “Toto Lacson” nagpapasakla sa Makati City; alyas “Tessie” may color games at drop balls sa Batangas; alyas “Lorna” may pa-bookies sa Maynila. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

TAKDANG ARALIN

yourservice

TAMA ba itong nabalitaan ko? Na may mga miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso na naglalayong ipagbawal ang pagbibigay ng takdang aralin sa ating mga mag-aaral sa elementarya? Nabalitaan ko rin na ang layunin ng panukalang batas na ito ay mabigyan ng sapat na panahon ang mga batang mag-aaral na makasama ang kanilang mga magulang lalong-lalo na sa mga araw na walang pasok tulad ng Sabado at Linggo. Eto pa — sang-ayon daw ang Kalikim ng Kagawaran ng Edukasyon sa panukalang batas na ito — na dapat daw ang pagtuturo at pag-aaral ay sa loob lamang ng silid- aralan. Ayon din sa aking nabalitaan, pag ang panukalang ito’y naging batas na — maari nang iwan ng mga mag-aaral sa paaralan ang kanilang mga aklat at iba pang gamit pang-paaralan.

Sa akin lamang — parang mali — tila pinoposasan natin ang kamay ng ating mga guro sa kanilang pagtuturo. Tila nili­limitahan natin amg mga paraan upang magturo ang ating mga guro at matuto ng mga aralin ang ating mga mag-aaral. Tandaan natin, hindi lamang sa loob ng paaralan tayo may natututunan — kung ito’y hindi totoo — bakit pa tayo nagkakaroon ng field trips sa mga museo — tulad sa Pambansang Museo ng Pilipinas na malapit sa Bulwagan ng Siyudad ng Maynila; sa mga pabrika na representante ng ating industriya tulad ng mga pagawaan ng pagkain, sasakyan, electronics; sa mga makasaysayang lugar tulad ng bahay ni Gat. Jose Rizal, sa Intramuros at sa Nayong Pilipino.

Hindi lahat natututunan sa loob ng mga libro — kinakailangan din na­ting buksan ang mga mata ng ating mga batang mag-aaral sa realidad na bumabalot sa kanilang pang -araw-araw na buhay.

At hindi ako sang-ayon na nawawala ang tinatawag nating “bon­ding” ng bata sa kanyang mga magulang kung sila’y bibigyan ng takdang aralin lalo na pagdating ng Sabado — naalala nyo pa ba ang larawan ng isang ina na tinuturuan and kanyang anak na naging ilustrasyon ng kanilang ugnayan dulot sa pag-aaral sa loob ng tahanan.

Siguro nakalimutan na ito ng karamihan. Sayang naman.

Siguro naman, alam ng ating mga guro kung paano magbigay ng tama at resonableng takdang aralin sa ating mga batang mag-aaral. Sa aking mun­ting palagay, importante ring masanay at matuto ang mga mag-aaral na magsumikap mag-aral ng mga takdang aralin sa tahanan dahil nabubuo ang mga kakayahang magagamit nila pag sila’y nagtatrabaho na. Kailan pa ba natin sila tuturuan? Pag nasa kolehiyo na? Kung saan hindi na sila sanay gumawa ng takdang aralin sa tahanan dahil buong buhay nila sa elementarya ay hindi sila binigyan ng pagkakataong gawin ito?

Tama at marangal ang hangarin ng panukalang batas — ngunit maaari siguro nating gawin ito na hindi isinasakri­pisyo ang pagbibigay ng takdang aralin. Tandaan, ang paggawa ng takdang aralin ay kalakip ng pagkalahatang programa ng pagtuturo at pag-aaral. Dahil sa pagbibigay ng takdang aralin, napapalayog natin ang mga bagay- bagay na dapat aralin na wala ng panahon gawin sa loob ng ilang oras sa paaralan.

Bigyan natin ng tiwala at unawa ang ating mga guro sa usaping pagbibigay ng takdang aralin — dahil nasa kanilang mga kamay ang kinabukasan ng ating kabataan. (@YOURSERVICE / ATTY. DAVID AQUINO)

Please follow and like us:
Read More