PVL COLLEGIATE CONFERENCE: EAGLES PINASADSAD NG FALCONS

(NI LOUIS AQUINO/PHOTO BY MJ ROMERO)

SINORPRESA ng underdog Adamson University ang Ateneo, 14-25, 25-21, 25-15, 25-21, at tuluyang umabante sa semifinals ng PVL Collegiate Conference Linggo sa Arena, San Juan.

Kumamada ang sophomore spiker na si Trisha Genesis ng 19 points, 12 attacks, anim na aces, isang block, at siyam na excellent receptions para pangunahan ang Lady Falcons, wala pa rin talo sa apat na games.

Nag-ambag naman ang teammate niya at rookie na si Lucille Almonte ng 14 points, 15 digs at 11 excellent receptions upang akayin ang Adamson sa semifinals sa Pool A.

Pinuri ni Adamson coach Lerma Giron ang Lady Falcons kasabay ang paalala sa mga ito kung ano ang tunay na goal nila–UAAP crown.

“Itong PVL, it’s a good tool and good experience sa amin pero we’re looking forward sa UAAP whatever the result nitong PVL bonus na ‘to,” ani Giron.

Nanguna para sa Lady Eagles si Erika Raagas na umiskor ng 16 points, habang nagdagdag ng 12 points si Ponggay Gaston.

Dahil sa pagkatalo ay nahulog sa ikalawang puwesto ang Ateneo sa Pool A sa 3-1 panalo-talong kartada nito.

Please follow and like us:
Read More

MAY ORDERS PA RIN ANG JOHN LLOYD CRUZ SCENT UNTIL NOW

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

NAKATSIKAHAN  ko pala yung Marketing ng Aficionado Germany Perfume ni Joel Cruz, naikuwento sa akin na sinilebrayt daw nila ang endorsement nina Erich Gonzales at Jason Abalos ang endorsement sa kanila na naka-10 years na raw sila.

Binibigyan ni Joel ng importansya ang mga endorsers nila na kung puwede lang hindi raw nila ito tatanggalin dahil sabi nga nila ang ibig sabihin nga raw ng Aficionado ay loyal at devoted.

Kaya hanggang ngayon ay endorser pa rin pala nila si John Lloyd Cruz dahil hindi pa tapos ang kontrata sa kanila.

Matagal din nilang endorser si John Lloyd di ba? Parang siya nga ang mukha nun ng Aficionado, pero ngayon marami na silang endorsers. Pero in fairness kay Lloydie, may mga orders pa rin daw ng mga pabango niya.

Kahit mukhang madungis at mabaho ang itsura niya ngayon na nakikita sa mga social media, gusto pa rin siya ng mga fans at binibili pa ang produkto niya.

Mabenta rin ang ibang products na ini-endorse ng ibang celebrity endorsers nila gaya nina Vice Ganda, Jason, Erich at pati nga alaga kong si Pauleen Luna.

Ang naikuwento lang sa akin na  hindi na nila itinuloy ay ang endorsement ni Jake Zyrus, kasi kinuha raw nila nung Charice Pempengco pa siya.

Magmula nang magpalit daw ito ng image at itsura, hindi na rin mabenta ang ini-endorse niyang produkto. Kaya apektado talaga, hindi na rin nakipag-negotiate ang Aficionado sa kanya.

Dagdag pa raw na medyo mahirap na ang kausap na manager dahil nagpalit na ito.

Inggit ako…

KAHIT INACTIVE SA TV AT WRITING, KUMIKITA ANG INVESTMENTS NI BUTCH FRANCISCO

Naku! Naikuwento sa akin ni Gorgy na  nakausap daw nila sa radio

program nila ni Morly Alinio sa DZRH si Butch Francisco.

Parang nanawagan si Butch sa radio nila sa isang tenant niya na nagrenta ng bahay niya sa Baguio.

In fairness, kahit matagal nang walang programa si Butch sa TV, ang dami dami pa rin niyang datung ha!

Hindi siya apektado kahit matagal nang wala ang Startalk namin.

Ang dami niyang na-invest na bahay, at nung natsugi na ang Startalk namin, nagkaroon siya ng time na ayusin ang ipinapatayo niyang bahay malapit sa may New Manila.

Natapos na nga raw ito, at doon nakatira si  Butch ngayon.

Napuntahan nga raw siya dun ni Gorgy, gandang-ganda ang bakla sa bahay niya.

Ngayon, may bahay kasi siya sa Baguio at ipinapaupa niya ito.

Biglang nilayasan daw siya nung umupa sa kanya, at naiwan dun ang ibang gamit.

Nag-iwan daw ng tsekeng pambayad sa upa ng ilang buwan, na mahigit 100 thousand yata yun, closed account naman daw pala yung tseke. Kaya tumalbog!

Naku! Kung sa akin nangyari yun, na-Instagram ko na agad siya day!

Pero hindi na nga gaanong binanggit yan ni Butch, nanawagan lang siya dun sa tenant niyang iyun na kung ano raw ang gawin dun sa mga gamit na iniwan niya.

Ang pinakamahal daw na gamit na naiwan ay ang welding machine niya.

Alam ko mahal din yun. Kaya kung wala raw balak na bayaran pa nung tenant niya ang tumalbog na tseke, ibebenta na lang ba ni Butch yung welding machine na yun?

Diyos ko day! Hindi ko pinangarap na makitang naglalako si Butch ng welding machine.

Kaya dapat inayos muna nung tenant niyang iyun bago ito umalis.

Kaya nanawagan si Butch sa radio program nina Gorgy, na ang pangalan daw nung tenant si Mario Boringot na taga-CamSur.

Baka bumalik na siya sa CamSur, baka puwedeng makipag-areglo naman daw sa tao ni Butch na nag-aayos ng bahay niya sa Baguio.

Baka puwedeng ayusin na ang mga gamit daw niyang naiwan, dahil balak niya yatang ipaayos ang bahay. At siyempre, bayaran an yung tumalbog na tseke ano!

Ang bongga bongga talaga ni Butch, kahit hindi na siya gaanong active sa TV, ang dami dami pa rin niyang datung at nagagamit pa niya ang mga na-invest niyang property.

Kaya magandang leksyon din yan sa atin sa showbiz eh? Habang maganda ang kita sa showbiz career, mag-ipon talaga at mag-invest gaya nang ginagawa ni Butch.

 

Please follow and like us:
Read More

GINANG NATUSTA SA NASUNOG NA BARUNG-BARONG

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG ginang ang binawian ng buhay nang makulong sa nasusunog niyang barung-barong sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City, Linggo ng madaling araw.

Patay na ang biktimang si Marystel Sotongon, 38, nang matagpuan ng mga kapitbahay at mga tauhan ng Antipolo Fire Station, na nagtulung-tulong upang apulain ang sunog sa tahanan ng biktima sa Sitio Alimogmog, Barangay Sta. Cruz.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-12:30 ng madaling araw ay nasa kasagsagan nang mahimbing na pagtulog ang biktima nang sa hindi pa batid na kadahilanan ay bigla na lang sumiklab ang apoy sa kanyang barung-barong.

Nang makita ng mga kapitbahay ang sunog ay nagtulung-tulong silang kumuha ng tubig upang apulain ito at iligtas ang biktima na nakulong sa loob.

Dumating din agad ang mga tauhan ng Antipolo City fire station sa pangunguna ni FO1 Porferio Robles, ngunit nang matagpuan nila ang biktima ay wala na itong buhay.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang pinagmulan ng apoy, gayundin ang mga halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

 

Please follow and like us:
Read More

4-ANYOS ANAK NG PULIS, NALUNOD SA RESORT

lunod2

(NI JG TUMBADO)

SINASABING nalingat sa pagbabantay ng magulang ang naging dahilan kung kaya’t nasawi ang apat na taong gulang na lalaki nang malunod habang naliligo sa isang swimming pool sa bayan ng Alicia, Isabela.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor ang buhay ng biktima na tinukoy na si Joven Rein Gines ng isugod ito sa Lucas-Paguila District Hospital.

Nabatid kay Police Captain Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela Provincial Police Office (IPPO), nangyari ang insidente sa Chormel Resort sa Barangay Sto. Tomas, Sabado ng gabi.

Lumalabas sa report na hindi napansin ng magulang ang batang biktima na nagtungo na pala ito sa pangmatandang swimming pool.

Pero paliwanag ng ama ng biktima na si Police Lieutenant George Gines, agad sinagip ang bata mula sa pool at binigyan ng first aid bago dalhin sa naturang ospital.

Inaalam naman ng pulisya kung may nakabantay na lifeguard o wala sa resort ng mangyari ang pagkalunod ng bata upang madetermina kung papanagutin ang may ari ng resort kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

FANS NI KATHRYN NAGPUPUYOS ANG GALIT SA VIVA ENT

 (NI GORGY RULA)

NAGPUPUYOS sa galit ang fans ni Kathryn Bernardo, pati ang mga KathNiel supporters sa Twitter post ng Viva Entertainment na kuha sa event na Ponds na dinaluhan ng mga endorsers na sina Heart Evangelista, Kahtryn Bernardo, Nadine Lustre, Gabbi Garcia at Ylona Garcia.

Sa post na iyun ng Viva na group picture ng mga nabanggit na endorser, may inilagay pa silang malaking mukha ni Nadine at natakpan si Kathryn.

Tanging si Kathryn lang talaga ang hindi nakita, na mabuti pa nga medyo napasilip pa si Ylona na katabi nito.

Malaking isyu ito sa mga fans ni Kathryn dahil may malisya ito sa kanila.

Kung anu-ano na ang sinasabi nila laban sa Viva, pero si Nadine ang naapektuhan nang husto dahil sa kanya ibinunton ang galit ng mga fans.

Kinumpara pa nila  sa post ng Star Magic Philippines dahil naka-crop si Nadine.

Para sa mga fans, mas naintindihan daw nila kung naka-crop. Pambabastos daw iyung takpan ang mukha mo ng pagkalaki-laking litrato ni Nadine.

Kaya halos iisa ang sinasabi nila na obvious daw na insecure o threatened daw talaga sila sa kasikatan ni Kathryn.

Hindi raw ba nila matanggap na ang mga pelikula ni Kathryn ay kumikita ng milyun-milyon, samantalang sobrang semplang naman daw ang peikula ni Nadine?

Nang tiningnan namin kahapon sa Twitter account ng Viva Entertainment, na-delete na ang post na yun.

Sa ngayon ay nasa bakasyon daw muna si Nadine.

Wala pa kaming nasagap kung ano ang plano nila ngayong wala na sa poder nila ang ka-loveteam nitong si James Reid.

MAGSISIMULA NA ANG TATAOB KAY COCO

Mamayang gabi na magsisimula ang bagong action serye ng GMA 7 na

Beautiful Justice pagkatapos ng 24 Oras.

Isa sa magpapakitang-gilas dito ng nalalaman niya sa martial arts ay si Bea Binene na isa sa mga bida kasama sina Yasmien Kurdi at Gabbi Garcia.

Matagal ding nagwu-Wushu si Bea at dahil sa marami silang mga action scenes, magagamit dito ni Bea ang alam niya sa Wushu.

Yung sword nga na gamit ni Bea sa teaser nito ay iyun ang ginagamit niya kapag nasa training siya ng Wushu.

Nanghihinayang nga si Bea dahil matagal na raw siyang hindi nakapag-training dahil sa wala na siyang oras.

Mabuti at nabalik dito sa Beautiiful Justice ang training niya sa Wushu, pero pang-screen na lang talaga, dahil medyo mahina na raw siya ngayon sa naturang martials arts.

“Dito naman po kasi sa Wushu, wala kaming black belt o ano. Sa routines kasi kami….mahirap siyang i-explain eh. Kasi, hindi siya sparring…more in visuals siya eh.

“Ang sparring namin pang-MMA, wrestling. Eh hindi naman ako dun.

“Dun ako sa parang dance, as in visual para mag-perform ka.

“Tapos dun nyo po makikita yung ranking.

“Sa competition kasi, age group, lalaki babae…saka sa routine na parang pataas nang pataas. Pahaba nang pahaba yung routine, pahirap nang pahirap.

“Kahit flexible  ka dun eh. Pag nagku-compete ka kailangan mo talaga training kasi yung flexibility mo yung stamina mo ganun,” paliwanag ni Bea tungkol dito sa Wushu.

Hindi pa raw niya gaanong naipapakita dito ang alam niya sa Wushu, pero nasa story naman daw na trained siya sa naturang martial arts kaya eventually, maipapakita rin niya ito.

Gusto na nga sanang balikan ni Bea ang araw-araw na training sa Wushu, pero nahirapan daw siya sa training.

Bukod sa mga trabaho niya sa TV, may mga negosyo rin siyang personal niyang inaasikaso. Kaya nung sinundot namin ang tanong kung saan na niya naisisingit ang lovelife, ngiti lang ang sagot niya,

Kahit anong pilit naming itanong ang tungkol sa non-showbiz boyfriend, “Basta!” lang ang sagot niya at iniiba na niya ang usapan.

Talagang iniiwasan na ni Bea na ipubliko ang lovelife niya. Mas gusto niyang tahimik na lang, kaya wala talaga siyang sagot tungkol dito.

CONGRATULATIONS SA FINAL FOUR NG STARSTRUCK: KIM, SHAYNE, ALLEN AT LEXI

In-announce na kagabi ang Final Four sa StarStruck na sina Kim de Leon,

Shayne Sava, Allen Ansay at Lexi Gonzales.

Natanggal sina Abdul Raman at Pamela Prinster kagabi dahil sila ang nakakuhang mababang score sa huling artista test na ginawa nila.

Matinding drama ang ginawa na lumalabas, dapat magaling ka talagang umarte at dito sila nalagpasan ng mga kapwa finalists.

Nung Biyernes kinunan ang tanggalan na kagabi lang napanood.

Pero kahit natanggal, sumali pa rin sila sa mall show na ginanap sa Fishermall.

Napaka-professional nga ni Pamela na kahit pumanaw na ang lola niya kahapon ng umaga, dumalo pa rin siya sa mall show nila.

Hindi lang daw siya sure kung makakasama pa siya sa finale nito, dahil kailangan na raw niyang umuwi ng Aklan para sa burol ng lola niya.

 

Please follow and like us:
Read More

BIFF NASA LIKOD NG ISULAN BOMBING  — WESMINCON

(NI BONG PAULO)

PINANINIWALAANG mga teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) Dawlah Islamiyah ang nasa likod ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat, Sabado ng umaga.

Ito, ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana,  kungsaan extortion ang isa sa mga motibo sa pagsabog na ikinasugat ng walo katao.

Sinabi nito na nasa P250,000 extortion money ang hinihingi ng teroristang grupo sa pangunguna ng Dawlah Islamiyah Abu Toraife group.

Sinabi ni Sobejana, mismong ang local government ng Isulan ang kinikikilan ng teroristang grupo at dahil hindi ibinigay ang kanilang kahilingan ay muling naglunsad ng pagsabog ang mga ito.

Kinumpirma rin ni Sobejana na parehong grupo lamang ang nagpasabog nuon sa Carlitos Restaurant noong April at ang pagsabog, Sabado ng umaga.

Aniya, pinalitan lamang ng teroristang grupo ang pangalan na responsable sa pagsabog kahapon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang signature ng improvised explosive device (IED) na ginamit sa pagsabog ay mula sa teroristang grupo.

Nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang joint investigation ng AFP at PNP hinggil sa insidente.

Apela naman ni Sobejana sa publiko na maging mapagmatyag at ireport sa mga otoridad kung may napapansin silang mga hinahinalang galaw ng isang indibidwal.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE PATAY SA LIVE-IN PARTNER

crime22

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isang babae nang barilin ng kinakasama matapos ang mainitang pagtatalo , sa Barangay San Isidro, Antipolo City, Linggo ng madaling araw.

Ang biktimang si Angela Shynne Villanieva, 24,  ay isinugod pa sa pagamutan ng suspek na si Joel Tongco, 42, driver, at residente ng Block 56 Lot 9, Bagong Nayon 2, Barangay San Isidro, ngunit binawian din ng buhay dahil sa tama ng bala sa katawan.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng Antipolo City Police na dakong alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa tahanan ng biktima sa Block 9 Lot1, Phase 1, Barangay San Isidro.

Ayon kay Lang Bonite, 27, nakasaksi sa krimen, narinig pa niyang nagtatalo ang mag-live in partner hanggang sa makarinig na lamang ng putok ng baril.

Nang alamin ang pinagmulan ng putok, nakita pa umano ng testigo ang suspek habang buhat-buhat ang duguang biktima na isinakay nito sa isang tricycle at saka isinugod sa pagamutan.

Kaagad namang ipinaalam ng testigo sa mga kaanak ng biktima ang pangyayari at humingi ng tulong sa pulisya.

Inaresto ni Pat. Marvin Ibasco ng Antipolo Police ang suspek at ikinulong.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang isang kalibre .38 revolver na may live ammunition at isang basyo ng bala.

Please follow and like us:
Read More

VICE GANDA VS OGIE

KUNG kay Vice Ganda ay issue ang pagkakaroon ng separate comfort room para sa mga LGBTQ+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer), magkasalungat naman sila ng opinyon ng kanyang kaibigan at dating manager na si Ogie Diaz.

Para kay Ogie, hindi big deal ang pagkakaroon ng hiwalay na toilet para sa LGBTQ community at pwede namang sundin pa rin ang kinalakhan na natin ukol sa paggamit ng public CRs.

“Akin lang naman ito. Tungkol ito sa mga kapatid sa LGBTQ+. Kung ano ang gender n’yo nu’ng ipinanganak kayo, ok lang naman, du’n pa rin kayo mag-CR. Kasi, nakalaan din yon sa yo, nagkataon lang na nakabihis-babae ka. “Tulad kunwari sa mga transgender/transexual, kung feeling n’yo, eh mas kumportable kayong sa female CR pumasok, gow!

For as long as hindi n’yo naman gustong kabugin ang mga babae sa loob. Maayos naman kayong papasok at hindi magmamaldita o magsisiga-sigaan,” ang simula ng post ni Ogie sa kanyang Facebook

Please follow and like us:
Read More

2 PATAY, 1 SUGATAN SA KOTSE NG NIGERIAN NATIONAL  

accident12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NASAWI ang dalawa katao, habang bali ang hita ng isa pa nilang kasama nang makaladkad ng sasakyang ng isang Nigerian national habang naglalagay  ng warning  signage sa isang hinukay na poste ng isang telecommunication company sa Gen Trias City, Cavite.

Dead on the spot ang biktimang si Roderick Dela Rosa, 47, habang namatay  habang ginagamot sa Gen Trias Doctors Medical Center si Nico Pajaron, 18, habang kritikal naman ang isang alias Raz, pawang mga construction worker at residente ng Sitio Tirona, Brgy santaigo, Gen Trias City, Cavite

Naaresto naman ang driver ng isang Nissan Sentra (UEA 552) na si Oluwafemi Ogunrinde, 28, binata, isang Nigerian national at residente ng MS4 B4 L10 Lancaster New City, Navarro Gen. Trias City, Cavite nang makorner sa Liora Homes Subd., Pasong Camachile 2, Gen Trias City, Cavite.

Sa ulat ni P/Corporal Ronald Didal ng Gen Trias City Police Station, dakong alas-2:45 Linggo ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Arnaldo Highway , Pasong Camachile 2, Gen Trias City, Cavite kung saan ang mga biktima ay naglalagay ng warning  signage sa isang hinukay na butas ng poste ng Globe Telecom.

Minamaneho naman ng suspek ang kanyang Nissan sentra habang binabagtas ang nasabing lugar at dire-diretso lang nitong nabangga at nakaladkad ng ilang metro ang katawan ng mga biktima.

Ikinatuwiran ng driver na hindi nito nakita ang tatlo dahil hindi umano nito akalain na may nagtratrabaho ng madaling araw.

Kasong reckless imprudence resulting in double homicide, serious physical injuries and damaged to property ang isinampa laban sa suspek.

 

 

Please follow and like us:
Read More

3 HULI SA HOLDAP NG CAB DRIVER

(NI FRANCIS SORIANO)

KULUNGAN ang kinabagsakan ng tatlong kalalakihan matapos itong ireklamo at maaresto sa follow-up operation ng Caloocan PNP dahil sa robbery sa Phase 3, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City, nitong Sabado.
Kinilala ni PCol. Carlito Gaces, hepe ng Caloocan City Police Station, ang mga suspek  na sina Ralph Bertulfo, 34, cellphone technician, ng Phase 3, Package 2, Block 54, Lot 3, Barangay 176, Bagong Silang; Oliver Ramil, 45, ng Area A, Libis, Barangay 175, Camarin at Jiener  Billones, 23, ng Phase 80, Block 66, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Virgilio  Suganob, 58, taxi driver, ng Phase 1, B27, L8, Pabahay 2000, Muzon, San Jose Del Monte Bulacan.

Ayon kay Gaces, dakong alas 5:00 ng umaga noong Biyernes ay nagtungo ang biktima sa PCP-3 upang ipagbigay alam sa awtoridad na siya ay naholdap ng kanyang pasahero dakong alas 3:30 madaling araw.

Dito ay agad na nagsagawa ng follow-up operation ang PCP-3 sa pangunguna ni PMAJ Jobbie Astucia na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek dakong alas-3:30 ng hapon.

Narekober sa mga suspek ang  cellphone, improvised 12 gauge shotgun (sumpak),  dalawang 12 gauge Iive ammunition, improvised handgun (pengun),  tatlong  live ammos ng caliber .38, pistol replica at 1 hand grenade.

 

 

Please follow and like us:
Read More

ALDEN GUSTONG MAKILALA SI CATRIONA

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

KAHIT wala pang kasintahan ay masaya naman daw ngayon si Alden Richards. Para sa aktor ay mukhang malapit nang mangyari na magkaroon siya ng bagong nobya. “Naisip ko po magkakapanahon na tayo diyan ngayon. Malapit na, parang ito na po ‘yung time na ‘yon. Kasi ngayon naka-establish na po ako ng medyo okay na foundation and sources para maging solid ‘yung future ng family ko because of the businesses that I’ve been with. Parang ngayon po is the perfect time naman para sa sarili ko. Ngayon po kasi may ina-eye na ako, pero tingnan natin,” makahulugang pahayag ni Alden.

Kapansin-pansin ang madalas na pagla-like ng aktor sa Instagram posts ni  Catriona Gray. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw talagang makilala ni Alden ang Miss Universe 2018. “Miss Universe natin naman siya and what’s not to like, siyempre Miss Universe. And I heard she’s a very good person so I’m looking forward to meeting her,” pagtatapat ng binata.

Samantala, maraming natutunan si Alden mula sa kanyang mga karanasan noon partikular na ang hirap bago pa nakamit ang tagumpay. Malaki ang pasasalamat ng aktor para sa lahat ng rejections na kanyang naranasan nang maraming beses. “Nagpapasalamat po ako sa kanila kasi kung hindi naman din po dahil sa kanila, hindi po ako magiging ganito kalakas at hindi po ako magkakaroon ng lakas ng loob na gumawa ng mga bagay na sobrang laki ng risk at stake. It goes to show na after doing these things by myself, mas lumakas po ‘yung confidence ko po to make decisions and jump in to decisions na kahit po hindi ako sigurado sa outcome, magsisi po ako kung hindi ko siya magawa,” paglalahad ng aktor.  -Reports from JCC- 

 

Please follow and like us:
Read More

SHABU SESSION SA HOTEL; 2 MALAYSIAN TIKLO

(NI KOI HIPOLITO)

HIMAS-REHAS at mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang Malaysian national na inaresto sa tinuluyang hotel, Sabado ng hapon sa Pasay City.

Nakilala ang mga suspek na sina Hong Choag Chia, 26, at si Moh Jing Hua, 28.

Base sa report ng Pasay City Station Drug Enforcement Unit kay Pasay City acting-chief of police PCol. Bernard R. Yang, isang tawag sa telepono galing sa general manager na si  Dam Parcon, ng nabanggit na hotel ang kanilang natanggap tungkol sa nasabing insidente.

Ayon kina Rodolfo Quintal Jr., 42, security guard at Julius Rhee Roylo, 30, empleyado, nadiskubre umano nila ang mga nakakalat na drug paraphernalias na hinihinalang ginamit ng mga suspek nang mag-check out ang mga ito kaya’t agad nilang  pinigilan ang mga banyaga at tinawag ang kanilang manager para ireport ang kanilang nakita na agad naman tumawag sa mga otoridad.

Please follow and like us:
Read More

TRIKE DRIVER NA NPA TIMBOG SA PASIG

npa12

(NI NICK ECHEVARRIA)

ARESTADO ang isang aktibong miyembro ng New People’s Army (NPA) na kasama sa listahan ng regional most wanted person ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Pasig City, Sabado ng hapon.

Ayon sa report ng  Eastern Police District (EPD), nakilala ang  suspek na si  Joselito Naag , 45, na dinakip sa bisa ng  warrant of arrest  mula sa Regional Trial Court ng Legazpi City sa Albay, sa mga kasong murder, frustrated murder at robbery.

Si Naag ay inaresto ng awtoridad sa harap ng kanyang tahanan sa kahabaan ng Christ the King St., Tawiran Extension, Brgy. Santolan, Pasig City, bandang alas-5:30 ng hapon.

Nasa tanggapan ng EPD ang naarestong suspek para isailalim sa booking procedures at medical examination para sa kaukulang disposisyon.

Please follow and like us:
Read More

8 PUGANTENG CHINESE SA ONLINE GAMES HULI NG BI

(NI FROILAN MORALLOS)

IPATATAPON palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI), ang walo pang puganteng Chinese national na wanted sa People’s Republic of China kaugnay sa mga kasong economic crimes sa kanilang bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na ang walong Chinese ay na-aresto sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) sa isang condominium malapit sa Circuit Shopping Complex sa Brgy. Carmona, Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina He Ying, Wang Yaoguang, huang Tiancan, Lu Xiaoyu, Gong Xiaofei, Chu yingshiuang, He Mei at Shan Hongwei.

Batay sa report na nakarating kay Morente mula sa Chinese Embassy dito sa Pilipinas, ang walong pugante ay may kasong economic crimes sa kanilang bansa.

Sangkot din ang mga ito sa fraudulent mobile application na kung tawagin sa China ay  ‘Fast 3 Lottery’.

Dagdag pa ng Chinese Embassy, libu-libong kapwa Chinese ang naging biktima ng mga suspek sa kanilang ilegal na operasyon sa pamamagitan sa pagtaya sa online game of chance ng grupo.

Napag-alaman mula sa Embahada ng China na kumita ang grupo ng aabot sa bilyones sa kanilang raket.

 

Please follow and like us:
Read More

PRAYER

PINOY ABROAD

MALAWAK na paksa ang panalangin. But I want to share prayer that was taught in the Bible by Jesus Christ our Lord himself.

May mga pagkakataong naitatanong ng ilan sa atin kung bakit may mga panalangin na tinutugon at mayroon din namang hindi.

Sabi nga, you receive not because you ask not and you ask in wrong motives.

May nagtuturo na ang sagot sa panalangin ay maaaring oo, hindi, o maghintay.

Nais kong mag-focus kung kanino tayo dapat manalangin o tumawag. Bawat relihiyon ay may Diyos na tinatawagan; halimbawa, kay Allah, Buddha, Krishna, Odin at sa iba pa.

Maging sa ibang sekta, may nananalangin kay Mary at sa ibang santo na sa palagay naman nila sila’y tinutugon. Maging ang mga Satanista ay tinutugon ang kanilang panalangin.

Malinaw ang turo sa Banal na Kasulatan na ang Diyos ay nagpapaulan sa mabuti at masama. Alam natin na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Subalit ito ay limitado, di tulad ng natatanggap ng mga ‘anak ng diyos’ o nagtitiwala sa tunay na Diyos na buhay na sila ay tumatanggap ng pagpapala na may kagalakan at may kapanatagan ng kalooban. Dahil nga, ang tinatanggap nila ay mula sa Amang nasa langit.

If we’re going to follow the teaching of our Lord Jesus Christ, malinaw na sabi niya na para makamit natin ang ating kahilingan sa Amang nasa langit ay kailangan natin itong hingin sa kanyang pangalan (Jesus).

Sa John 14:13, mababasa ang ganito “At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak.”

To glorify the Father through his son Jesus we should ask in Jesus name!

Bilang mga Christian, ito ang dapat nating sundin. Hindi kanino mang pangalan tayo manalangin. Jesus is the way, the truth, and the life and no one comes through Father except through our Lord Jesus (John 14:6).

Mahirap mang tanggapin ang exclusivity ng Panginoong Hesus but that is the truth!

“For by him were all things created, that are in heaven, and that are in earth, visible and invisible, whether they be thrones, or dominions, or principalities, or powers: all things were created by him, and for him.” (Colossian 1:16)

Mangyaring manalangin tayo nang direkta sa ating Amang nasa langit sa pamamagitan ng pangalan ni Hesus! (giv620@yahoo.com) (PINOY ABROAD / GUILLER VALENCIA)

Please follow and like us:
Read More

PAG-IYAK, NAGPAPATIBAY NG DAMDAMIN

PAG-IYAK-3

Mas maraming babae ang umiiyak kaysa lalaki

(Ni Edzer Lanuza / Ikatlong Labas)

NALILIKHA ang mga luha sa panahon ng emotional crying na may chemical composition kaiba sa ibang uri ng mga luha.  Nagtataglay ito ng maraming hormones prolactin, adrenocorticotropic hormone, at Leuenkephalin, at  elements potassium at  manganese.

Sinasabing ang layunin o pinagmumulan ng  pagluha ay bilang pagtugon sa  pagbabata ng sakit, hanggang sa mas kumplikado pa, kabilang ang non-verbal communication para matamo ang altruistic helping behavior mula sa iba.

Ang iba ay naglalahad na ang pag-iyak ay naghahatid ng ilang biochemical purposes, gaya ng pagpapaginhawa sa stress at para luminaw ang mga mata.

Ang pag-iyak ay pinaniniwalaang isang outlet o resulta ng pagsambulat ng intense emotional sensations, gaya ng matinding paghihirap, pagkabigla, o kaligayahan.

Iyan ang dahilan kung bakit may mga taong umiiyak sa panahon ng masasayang mga sandali, gayundin sa mga napakasakit na mga pangyayari.

Noong 2017, sinuri ni Carlo Bellieni, Italian neonatologist at  bioethicist, ang weeping behavior, at napagtibay niyang karamihan sa mga hayop ay umiiyak, pero tanging mga tao lang ang may psychoemotional shedding of tears, kilala bilang “weeping”.

Ayon sa German Society of Ophthalmology, na naghambing sa iba’t ibang scientific studies sa pag-iyak, ang karaniwang babae ay umiiyak sa pagitan ng 30 at 64 times a year, at ang lalaki ay umiiyak sa pagitan ng 6 at 17 times a year.

Nagagawang umiyak ang mga lalaki sa pagitan ng dalawa hanggang apat na minuto,  at ang mga babae ay umiiyak nang hanggang anim na minuto.

Ang pag-iyak  ay nauuwi sa paghagulgol sa mga babae mula sa 65% kaso, kumpara sa mga kalalakihan na  6% lamang. Hanggang sumapit ang adolescence, walang pinagkaibang natagpuan sa mga kasarian.

Mas umiiyak ang mga babae kaysa mga lalaki  mula sa ilang mas mayayaman, mas demokratiko, at mas pambabaeng mga bansa. Ang “feminine” countries ay Sweden, Norway, Netherlands, Denmark at  Slovenia.

Mga Palatandaan ng Depresyon

-Kahirapan sa konsentrasyon, pag-aalala sa mga bagay, o paggawa ng mga desisyon

– Pakiramdam na pagod na pagod, o walang lakas.

– Nakakaramdam ng guilt, walang halaga o walang tutulong sa sarili.

– Mapag-alala sa maraming bagay, o walang pag-asa

– Kahirapan sa pagtulog o sobrang pagtutulog.

-Pagiging iritable o walang pahinga

-Walang kasiyahan sa mga bagay na dating ikinasisiya.

-Sobrang pagkain, o walang gana sa pagkain

-Hindi maipaliwanag na sakit, kirot o cramps.

-Problema sa panunaw na hindi nalulunasan ng mga gamot.

-Madalas na pagkabalisa o pagkabagabag.

-Suicidal thoughts o pag-iisip na saktan ang sarili.

Kung isa ka sa nakakaramdam ng mga sintomas ng depresyon, o may kakilala, makipag-usap sa eksperto o doctor tungkol sa karamdamang ito.

Please follow and like us:
Read More

BABAENG OFW, 2 PA HULI SA P3.4-M DROGA 

(NINA ROSE PULGAR, KOI HIPOLITO/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

ARESTADO ang tatlo katao, kabilang isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) at nakumpiskahan ng halagang P3.4 milyong halaga ng droga sa isinagawang buy- bust operation ng pinagsanib puwersa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Taguig City Police at Quezon City Police, Sabado ng hapon sa Western Bicutan , Taguig City.

Kinilala ni Police Col. Alexander Santos, hepe ng Taguig City Police, ang mga nadakip na sina Joel Undong, 30, tricycle driver,  ng Zamboanga St. Maharlika Village , Taguig City, Zainab Pamansag, 27, isang OFW, ng Victoria St. Intramuros, Manila at si Aiza  Abdul, 29, ng no.10 Basilan St. Salam  Mosque Compound , Culiat, Quezon City.

Ayon kay Santos, dakong alas-2:30 ng hapon nang maaresto ang mga suspect sa FTI Terminal Arca South, Western Bicutan nang nasabing lungsod.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer sa mga suspect na bumili ng kalahating kilo ng droga na nagkakahalaga ng isang P1 milyon.

Nang aktong iabot ng tatlong suspect ang nasabing droga dito na dinakma ang mga ito hanggang sa maaresto.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang 10 plastic sachet na naglalalaman umano ng droga na may timbang na 500 na gramo na may street value na P3.4 milyong piso.

Agad na dinala sa tanggapan ng PDEA ang mga suspect at sasampahan ng kasong Violation of Section 5 of Article II AT paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Taguig Prosecutor’s Office.

Please follow and like us:
Read More

AWAY SA BABAE; LALAKI KINATAY NG KARIBAL

(NI HARVEY PEREZ)

NASAWI ang isang  tricycle driver nang pagsasaksakin ng lalaking naging karibal niya sa isang babae, Biyernes ng gabi sa Escolta, Sta.Cruz, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Matronilo  Zambales, ng Brgy. 303 Zone 29 Sta. Cruz, Maynila na nasawi sa dami ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nadakip naman sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District-Police Station 3 , sa kanyang bahay ang suspek na si Jamael Madali, 37, ng Guzman St. Quiapo, Maynila.

Ayon sa  imbestigasyon ni PCMS John Charles Duran, ng MPD-homicide section, naganap ang insidente dakong alas 11:10 ng gabi sa nabanggit na lugar  nang mag-krus ang landas ng dalawa.

Sinabi ng testigo na si Renz Rumusud, nakita umano niya na nagsasagutan ang biktima at suspek kaya lumapit siya at namagitan sa dalawa.

Nabatid na naawat naman ang dalawa at umalis ang  suspek,pero makalipas ang ilang minuto ay bumalik ang suspek na armado na ng patalim at pinagsasaksak ang biktima hanggang bumagsak sa kalsada at nawalan ng malay.

Nabatid na may matanda nang  alitan ang dalawa dahil sa babae na unang nakasama ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

BUS NAHULOG SA BANGIN; 3 PATAY

accidentsign1

(NI BONG PAULO)

TATLO katao ang naiulat na nasawi makaraang mahulog ang isang pampasaherong bus sa isang bangin sa Purok Euphobia, Brgy Lutiman, Alicia, Zamboanga Sibugay Province, Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Gertrudes Buhat Baya, 73, ng Brgy Samonte, Talusan, ZSP; Rina Ahay Mualam, 14, estudyante at Salma Mualam, 35, kapwa nakatira sa Brgy Buhangin Mahaba, Olutanga, ZSP

Sa ulat ni Pol. Lt. Col. Helen Galvez, tagapagsalita ng PRO -9 nangyari ang aksidente alas-7:10 ng umaga kung saan binabaybay ng isang Lizamay Express Bus (JVC 315) kulay asul na minamaneho ni Noriel Bucoy Andico, 41, ng Brgy Luboc, Sirawai, Zamboanga Del Norte ang nasabing highway nang mawalan umano ito ng kontrol.

Batay sa ulat, pumalya umano ang makina ng bus kaya nahulog ito sa bangin na nagsanhi ng pagkamatay ng tatlo at pagkakasugat ng apat na iba pa.

Kinilala ang apat na sugatan na sina Victor Antiampo, 62; Medivina Antiampo, 55, kapwa residente ng Brgy Fama, Olutanga, ZSP; Karim Jarol, 62 at Sapiya Jarol, 62, ang dalawang huli ay mga residente ng Brgy Buhangin Mahaba, Olutanga, ZSP.

Sakay ng nasabing bus ang 45 na pasahero nang maaksidente buhat sa bayan ng Olutang patungo sana sa Zamboanga City nang mangyari ang aksidente.

Hawak na ngayon ng pulisya ang drayber ng bus.

Dinala naman sa Lanchita Medical Hospital ang mga sugatan.

Please follow and like us:
Read More

DILG KUNTENTO SA ROAD CLEARING NG LGUs

PANANAW

KUNTENTO ang DILG sa ginagawa ngayon ng mga Metro Manila mayor at Provincial governors sa road clearing operation na inatas sa kanila.

Ipinatawag ang mga Metro Manila mayor noong isang buwan upang ipaliwanag sa kanila ang bagong  DILG Memoramdum Circular no. 2019 -121, ang road clearing operation, hindi lang dito sa Metro Manila kundi maging sa mga lalawigan. Ito’y ayon sa direktiba ni Pang. Rodrigo Roa Duterte sa DILG sa pangunguna ni DILG Sec. Eduardo Año, mula July 29, 2019 na magtatapos ngayon Sept. 19, 2019 o 60 days na ibinigay na palugit ng DILG sa kanila upang linisin ang Metro Manila na may kaparusahang 2 buwan suspension sa kanyang serbisyo ang hindi makatutupad nito.

Sa iniulat ngayon ni Sec. Año, meron nang 139, 959 meters road at 52,831 meters na sidewalk sa metro Manila ang cleared na sa obstructions at illegal structures at ang resulta ay 1,444 illegal vendors at 49 terminals ng jeepneys, tricycles, pedicabs at iba pa. Kasama ang 1,292 illegal parking vehicles, 813 na mga Booth, monoblock ang nawala na sa ating mga lansangan.

Ang mga nagunguna na halos 80% ng cleared sa Metro Manila ay ang siyudad ng Marikina, Pasay, San Juan, Valenzuela, Pateros, Makati at Malabon.

Hinihikayat din ni Sec. Año ang mga mayor sa buong bansa na sundan ang mga ginagawa ng mga Metro Manila mayor sa mabilis nilang pagkilos. Sa mga lalawigan naman, nangunguna ang Palawan, Guimaras, Batanes at Romblon.

Ayon naman sa report ni DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya na siyang nag-monitor para sa mga region at lalawigan na nagunguna naman sa road clearing operation ng mga LGU’s sa mga region na may mataas ang rate, ay ang Metro manila, kasunod ang Cagayan Valley 77.5% , Central Luzon 62.3% Central Visayas 58.3%, CALABARZON 53.5% at Western Visayas na may 53.6%.

Sa Pananaw ng inyong lingkod, wala naman imposible kung tayong mamamayan ay sama -sama na nagtutulungan para sa ikagaganda ng ating mga kapaligiran na nararapat lang upang makatulong naman ang bawat namumuno ng siyudad, bayan at lalawigan, ang maiayos ang ating mga lugar para maiwasan ang trapik at maging maayos, malinis para magandang pamayanan at para na rin sumunod ang tao sa tamang disiplina para sa bayan.

Naalala ko tuloy noong unang sampa ko lang dito sa Maynila ay takot akong dumura kung saan-saan, takot ako magtapon ng basura sa daan at takot ako tumawid kung wala sa tawiran. Dito natin makikita na kaya natin ito, huwag tayong pasaway dahil para rin sa atin ito. Sabi nga, “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.”

Congrats po sa inyong lahat! Happy birthday pala kay Mama Mary. (PANANAW / CYNTHIA GABINAY)

Please follow and like us:
Read More

TIYAKING MATIBAY ANG EBIDENSIYA

BAKBAKAN NATIN

BUGBOG-SARADO na naman ng Senado ang isang ahensiya ng pamahalaan dahil sa katiwalian at korapsyon.

Sa pagkakataong ito ay ang Bureau of Corrections (BuCor) na nagkataong tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno nitong si Nicanor Faeldon.

Nabunyag sa media na napakalaking bilang mula sa libu-libong bilanggo na napalaya mula noong 2014 dahil sa konsepto ng “good conduct time allowance” (GCTA) na siyang nilalaman ng Republic Act. No 10592 ay hindi kuwalipikado, sapagkat pawang sangkot sila sa mga karumaldumal na krimen at hindi nagpakita ng totoong magandang asal sa loob ng mga kulungan ng BUCOR tulad ng New Bilibid Prison (NBP).

Ang matindi sa GCTA ay mayroon palang katapat na halaga ito upang makalaya ang isang bilanggo kahit hindi siya kuwalipikado.

Ibig sabihin, mayroong kumikita sa GCTA.

Mayroong katiwalian at korapsyon!

Pokaragat na ‘yan!

Mayroon nang ilang taong lumantad upang patunayang “for sale” ang GCTA.

Magaling kung ga¬yon!

Ngunit, ang posis¬yon ko rito ay dapat tiyaking mayroong matibay na ebidensiya laban sa mga korap na opisyal at kawani ng BuCor na kumita mula sa GCTA.

Idiniriin ko ito, sapagkat napakarami ng imbestigasyong isinagawa ang Senado sa nakalipas na mga taon hinggil sa samu’t saring katiwalian at korapsyon sa kahit anong ahensiya ng pamahalaan, ngunit wala namang nangyayari sa bandang huli.

Tingnan ninyo ang Bureau of Customs (BOC) kung saan si Faeldon din ang pinuno nang imbestigahan ng Senado at Kamara de Representantes ang P6.4 bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa matatalas na mga mata ng mga taga-BOC at ang talamak na “tara system.”

Ngunit, anong nangyari kay Faeldon at mga kasamahan niya sa Magdalo na dinala niya sa BOC?

Hindi ba’t napawalang sala ang kaso nila, samantalang hindi pa ito nakararating sa Office of the Ombudsman.

Isinalang din noon ng Senado ang mahigit P10 bilyong pork barrel na kinasangkutan ni Janet Lim Napoles, ng mga senador at kongresista, ngunit wala pang napatunayang nagkasala na mga senador at kongresista na sangkot sa nasabing mahigit P10 bilyong pork barrel.

Naging mainit at malaliman din ang imbestigasyon ng Senado tungkol sa “fertilizer scam” na kinasangkutan ni Gloria Macapagal Arroyo at iba pang matataas na opisyal ng Department of Agriculture (DA), ngunit sa bandang huli’y napawalang sala rin sila ng Sandiganbayan bunga ng kakapusan ng matibay, malakas at sapat na ebidensiyang magdidiin kina Arroyo at mga kasama hinggil sa nasabing fertilizer scam.

Kaya, tulad ng mga nakaraang putok na putok at masyadong maingay na imbestigasyon sa Senado ay mauuwi rin sa wala ang imbestigasyon ng Senado ngayon hinggil sa garapalang mabilis na pagpapalaya sa mga drug lord at mga taong gumawa ng mga karumal-dumal na krimen tulad ng pangingidnap, panggagahasa at pagpatay alinsunod sa GCTA.

Napakaganda sana ng ginagawa ng mga senador, sapagkat nalalaman ng publiko kung sinu-sino ang mga kriminal at mga magnanakaw ng pera ng pamahalaan mula sa mga opisyal at kawani ng BuCor, ngunit nakadidismayang isipin dahil nakikita nating sa bandang huli ay idedeklara ng Sandiganbayan na inosente silang lahat.

Pokaragat na ‘yan! (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More