3 TODAS SA TANDEM

crime43

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

PALAISIPAN sa mga pulis ang pagkamatay ng tatlong lalaki, kabilang ang isang 43-anyos na negosyante na itinumba umano ng riding-in-tandem hitmen sa Caloocan City.

Sa kasalukuyan ay blangko pa ang pulisya kung ano ang motibo at sino ang pumatay kina Marlon Rapiz, 37, ng 44 Sociodad St., Brgy. 151; Carlo De Guzman, 43, negosyante, ng Blk 20, Lot 3, Villa Roma II, Saog Marilao, Bulacan; at ang kasama nitong nakilala lang sa alyas na ‘Jason Kid,’ ng Valenzuela City.

Nabatid na naglalakad  ang biktimang si Rapiz sa North Diversion Road nang harangin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo malapit sa kanto ng Progreso St., Brgy. 154  dakong alas-6:20 ng gabi noong Biyernes saka pinagbabaril na dagling ikinamatay ng biktima.

Matapos ang insidente ay parang walang nangyaring tumalilis ang mga suspek.

Bago ito, noong Miyerkules ng gabi ay niratrat at napatay din ng dalawang lalaking lulan ng a kulay itim at asul na motorsiklo sina De Guzman at Jason Kid malapit sa Caloocan Cockpit Arena sa Diamond St., Brgy. 166, Caybiga.

Ayon sa ulat, sakay sina De Guzman at Jason Kid ng Mitsubishi Adventure (ZGL-699) at tinatahak ang Diamond St. dakong alas-11:15 ng gabi pagkagaling sa sabungan nang pagbabarilin sa harap ng Lina’s Grill ng mga nakabuntot na suspek.

Agad na tinamaan si Jason Kid na nagmamaneho ng sasakyan habang nakababa pa si De Guzman at tinangkang tumakas ngunit tinugis ng mga suspek at nang masukol ay pinagbabaril at iniwan lang nang matiyak na patay na ito.

 

Please follow and like us:
Read More

1 PATAY, 24 SUGATAN SA KARAMBOLA NG MGA SASAKYAN

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Namatay ang isang tsuper ng trailer truck at sugatan naman ang 24  katao matapos  araruhin ng isang pampasaherong bus ang tatlong sasakyan at isang bahay sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Biyernes.

Sa report ni Major Alejandro Onquit, Atimonan police chief, habang lumulusong sa isang kurbadang bahagi ng Maharlika Highway ang bus ng Elavil Tours Philippine Inc. na patungong Bicol na minamaneho ni Aldin Madera ay nag-overtake ito sa isang traysikel.

Subalit bago pa nakabalik sa kanyang linya ang bus ay sumalpok ito sa kasalubong na trak  na minamaneho naman ni Ireneo Abayon.

Sa lakas ng banggaan ay nawala sa kontrol ni Madera ang bus na bumangga rin sa traysikel at isa pang motorsiklo hanggang sa tumbukin din ng umalagwang sasakyan ang bahay sa tabi ng highway sakop ng Barangay Angeles bandang 4:40 ng hapon.

Dead on the spot si Abayon sanhi ng grabeng pinsala sa katawan.

Ang 24 na sugatan na kinabibilangan ni Madera at 16 niyang pasahero, dalawa pahinante ng trak, limang pasahero ng traysikel, isang tsuper ng motorsiklo at isang nakatira sa bahay, ay isinugod sa Doña Martha Memorial District Hospital at Nuestra Senora Delos Angles General Hospital sa kabayanan. 

 

Please follow and like us:
Read More

84-ANYOS PEKENG COLONEL, ARESTADO SA BARIL, BALA

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

Sa kulungan humantong ang isang 84-anyos na nagpakilalang colonel sa Valenzuela City nang mahulihan ng mga hindi lisensyadong baril.

Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang mga pulis sa Don Cecilio J. Santos St., Karuhatan, Valenzuela City nang maispatan si Emerenciano Castro,  ng Capt. Cruz St., Barangay Parada na nakasuot ng camouflage jacket na may markang ‘Pulis’  sa likod at ‘Col. EA Castro’ sa harap habang may naka-holster na baril sa baywang.

Nang hingan ng dokumento para sa kanyang armas ay nagpakilala ang suspek na isa siyang retiradong police colonel at sa halip na magbigay ng papeles para sa kanyang baril ay nag-abot ng PNP retiree identification card.

Inaresto ang suspek at nang beripikahin kung tunay nga itong pulis ay lumabas na hindi retiradong pulis ang suspek.

Nakumpiska kay Castro ang isang .380 caliber pistol,  isang magazine na may lamang pitong live ammunitions, isang  9mm pistol, dalawang magazine ng 9mm na may 10 live ammunitions, sari-saring identification cards at dokumento at P 9,000  cash.

Kinasuhan ang suspek ng paglabag sa  Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions, Usurpation of Authority,  at Falsification of Public Documents.

Please follow and like us:
Read More

SA NZ ANG SHOOTING NG FILM NI MAUREEN

(NI GORGY RULA)

NEXT month na pala magsisimula nang mag-shoot si Maureen Wroblewitz ng first movie na pagbibidahan niya under Reality Entertainment.

Sa New Zealand kukunan ang halos kabuuan ng pelikula, kaya lumipad na roon ang direktor nilang si direk Katski Flores para mag-ocular.

Maghahanap na rin daw sila roon ng posibleng makaka-partner ni Maureen dahil meron din daw mga Pinoy na nag-aartista roon.

So far kasi wala pa silang napili sa mga artistang nag-audition. May mga ilan na silang puwede raw pero hindi pa nakapag-pairing kay Maureen kung may chemistry sila.

Maganda kasi ang role ng leading man at siyempre maaring siya ang magdadala kay Maureen.

Maganda ang kuwento at bagay na bagay kay Maureen kaya maingat ang mga taga-Reality sa project na ito.

Kailangan daw talagang mag-swak sa kuwento at babagay silang dalawa.

Sabi nga ng ilang taga-Reality na nakausap namin, baka naman si JK Labajo ang hinihintay na tuluy-tuloy daw ang pagpayat?

Gusto rin kasi ni JK na gawin dahil si Maureen lang nga ang nag-iisang pina-follow niya sa Instagram account at siya lang ang ‘buwan’ sa buhay niya.

* * * *

Magsisimula pa lang itong drama series sa isang malaking TV network,

pero may mga kumakalat nang kuwentong hindi raw nagkakasundo ang direktor at ang Executive producer  nito.

Hindi yata gamay ni EP ang style ng trabaho ni direk dahil halos nauubos daw ang oras nito sa katsitsika sa taping.

Naloloka raw si EP dahil hindi raw nila natatapos ang breakdown sa araw na iyun dahil mas aligaga pa raw si direk sa pagdadaldal.

Mabuti pa nga raw ang 2nd unit director dahil sumusunod sa instruction at natatapos ang breakdown.

Nakarating kay direk ang kuwentong iyun at nalulungkot siya dahil ganun daw pala ang isyu sa kanya.

Sana iniisip naman daw nila na pilot week ang ginagawa nila at medyo mahirap gawin dahil madugo ang karamihang eksena.

Bakit daw sa pagdadaldal niya isinisisi ang delay gayung may iba pa raw sana silang kinu-consider.

Hindi raw ba naging cause of delay ang production design?

Minsan hindi raw nakukuha ng assistant director ang instruction, kaya nag-uulit, hindi raw ba nakaka-delay iyun?
Kaya medyo naalarma ang mga executives ng network na ito, nakiusap na lang silang huwag na sanang negahin, dahil hindi naman daw maiwasan ang mga ganung problema.

Kahit nakipagtsikahan daw si direk sa ilang staff at artista, tinitiyak naman daw niyang hindi iyun nakaka-delay at work-related naman daw ang pinag-uusapan.

Siyempre, ang tagal na ni direk sa network na iyun, alam naman daw niya ang sistema, kaya bakit daw naging isyu na ngayon ang pakikipagtsikahan niya sa set?

Sana nga nagkaayos na sila alang-alang sa programa nilang kasisimula pa lang.

PAGIGING CHEF FALL BACK NI ERIN

Ipinakilala ng GMA 7 sa media ang mga bagong talents na kasali sa mga bagong drama series na sinimulan nila.

Isa na rito ang dating miyembro ng GirlTrends na si Erin Ocampo na matagal-tagal din siyang nawala dahil sa nabuntis ito.

Hindi naman itinatago ni Erin ang pagkakaroon niya ng anak sa balladeer na si Michael Pangilinan. Isang baby boy ito na tinawag nilang si Kiel, hango rin sa madalas na tawag kay Michael na si Kel. Tatlong taon na ang bagets na madalas na naman daw nahihiram ni Michael.

Matagal na raw silang hiwalay ni Michael pero okay daw sila ngayon para sa kanilang anak.

Hindi naman daw nagkukulang si Michael sa kanyang responsibilidad bilang ama.

“Okay naman po eh.

“Nahihiram niya every weekends.

“As a tatay, sobrang focus siya kay Kiel everytime sa kanya.

“Nakikita ko naman kung papano niya inaalagaan yung bata, naga-update po siya sa akin eh.

“So, nakikita ko naman pong gusto niya talagang magpaka-tatay. Okay na po yun sa akin,” napapangiting pahayag ni Erin.

Malaki ang pasasalamat ni Erin sa GMA 7 dahil binigyan siya ng chance na makabalik sa showbiz, dahil for nine years daw siyang nag-aartista, parang nababagalan daw siya at ang dami niyang pinagdaanan.

Nag-aral pa raw siya ng Culinary Arts dahil naisip na rin niyang meron dapat siyang fallback kung sakaling hindi talaga siya mag-succeed sa showbiz.

Pero ngayong Kapuso na siya, sunud-sunod naman daw ang mga guestings na binibigay sa kanya, at regular na nga raw siya rito sa Beautiful Justice na magsisimula na  bukas pagkatapos ng 24 Oras.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PASLIT NABAGOK, PATAY

crime12

(NI ALAIN AJERO)

PATAY ang isang tatlong-taong-gulang na batang babae matapos mabagok sa kanilang bahay, Biyernes ng umaga sa Caloocan City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Our Lady of Grace Hospital ang biktimang si Ashley Mae Estaniel.

Nabatid na naganap ang insidente alas-7:15 ng umaga sa bahay ng biktima sa 143 Maria Clara St., 7th Avenue, Brgy 110 at naiulat sa pulisya ala-1 ng hapon.

Ayon sa saksing si Louie Jay Gomez, 29, natutulog siya sa kanilang bahay nang makarinig ng kalabog at nang tunguhin ang pinagmulan nito ay nakitang nakadapa ang paslit at walang malay sa sahig.

Dagling ginising ni Gomez ang ama ng bata na si  Dexter Estaniel, na nagtakbo sa kanyang anak sa nasabing pagamutan kung saan ito idineklarang dead-on-arrival.

 

Please follow and like us:
Read More

86-ANYOS LOLO UNANG PINALAYA SA GCTA, SUMUKO

cell

(NI JG TUMBADO)

ISA na sa mga babalik ng selda ang 86- taong gulang na lolo na boluntaryong sumuko sa himpilan ng pulisya alinsunod sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat bumalik sa kulungan ang lahat ng napalaya dahil sa maling pagpapatupad ng  Good Conduct Time Allowace (GCTA).

Biyernes ng umaga nang magtungo si Lolo Ireneo Busano kasama ang kanyang mga kaanak para alalayan siya na maisuko ang sarili sa Villaba Municipal Police Station, sa probinsya ng Leyte.

Sinabi ni Villaba acting police chief Master Sergeant Sherwin Cabarle, simula nang malaman umano ni Lolo Ireneo, residente ng Barangay Balite, ang utos ng Pangulo ay labis na nag-alala ito sa kanyang seguridad subalit dahil na rin sa payo at tulong ng kanyang kaanak ay maayos na sumuko ito.

Si Busano ay nahatulan ng reclusion perpetua dahil sa qualified rape noong March 23, 2004 at nakulong sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte at napalaya nito lamang buwan ng Marso 18, 2019 dahil sa good behavior nito sa ilalim ng GCTA law na pinirmahan ni dating Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon.

Samantala, nasa kabuuang 37 na ang bilang ng mga nagsisuko sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na napalaya dahil sa GCTA.

Base sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula sa orihinal na 25 ay umakyat na ito sa 37 nitong Biyernes.
Tinukoy ng PNP na ang lugar na may pinakamalaking bilang ng mga sumuko ay ang Cagayan Valley, sumunod ang Central Visayas; Bicol Region; Western Visayas; Central Luzon; Calabarzon, Eastern Visayas, National Capital Region at Cordillera Administrative Region.

Karamihan sa mga nagsisuko at nabigyan ng laya dahil sa GCTA ay pawang may mga kasong heinous crimes at convicted na ng korte gaya ng rape (13), murder (13), robbery with homicide (4), robbery with rape (2), robbery with murder (1), murder homicide (1), double frustrated murder (1) and grave threats, attempted rape with homicide (1) at parricide (1).

Please follow and like us:
Read More

‘THIS IS MY LAST CARD’

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

ANIM ang mga bagong Kapuso stars na ipinakilala sa press ng GMA Artist Center at contract stars nila. Kasama rito si Erin Ocampo na dating member ng GirlTrends.

Si Erin ang ina ng anak ni Michael Pangilinan. Matagal na silang hiwalay pero in fairness, nagpapaka-nanay at tatay naman daw sila sa tatlong taong gulang na anak na si Kiel.

Sabi naman ni Erin, “Okay naman po. Nahihiram niya si Kiel every weekend. At nakikita ko naman na gusto niya talagang magpaka-tatay sa anak niya.”

Malaki ang pasasalamat ni Erin sa GMA dahil sa pagbibigay raw sa kanya ng ikalawang pagkakataon pagdating sa career niya.

Kasama si Erin sa bagong primetime series ng GMA-7 na “Beautiful Justice” at sabi nga niya, “Ito na ang last card ko. Kailangang galingan ko.”

Thankful din daw siya sa pinanggalingang network kunsaan siya nag-umpisa, pero ngayon sobrang saya raw niya na nabibigyan siya ng magagandang projects.

Kaya raw double effort siya na galingan ang lahat. Nakikinig daw siya sa sinasabi ng director niya at sobrang inaaral niya ang script.

Inamin niyang dumating na rin siya sa puntong inisip na baka hindi para sa kanya ang showbiz, pero ngayong nabigyan siya ng second chance, “Last card ko na ‘to talaga!”

RAMDAM  NI JON ANG MAINIT NA PAGTANGGAP BILANG KAPUSO

Puring-puri ng dating Hashtag member at ngayo’y isa ng Kapuso na si Jon Lucas ang co-star niya at bida ng Pinoy adaptation na Korean drama na Descendants of the Sun na si Dingdong Dantes.

Dahil galing ABS-CBN at kamakailan lang halos formal na ipinakilala sa press bilang isa ng Kapuso si Jon, first time lang din niyang makasama si Dingdong.

Sabi nga ni Jon, “First time kong maka-work si Dingdong. Masayang-masaya ako. Bata pa lang po ako, napapanood ko na siya at alam ko naman po kung ano na ang narating ng isang Dingdong Dantes.”

Naibibida raw niya sa pamilya niya tuwing umuuwi siya mula sa taping nila ng D.O.T.S. na sa Nueva Ecija pa at kahit noong nagti-training sila bilang bahagi ng roles nila as part of the Armed Forces of the Phillipines kung paano raw makasama ang Kapuso Primetime King sa kanilang lahat.

“Palagi kong kinukuwento sa kanila, sa Daddy ko, sa pamilya ko na iba pala talaga si Kuya Dong. Never kong na-feel sa kanya na big star siya.”

Nakakausap din daw niya ito sa mga eksena nila, nakakakuha raw siya ng mag tips dito at bilib din siya na si Dingdong pa raw ang nagre-request na makapagbonding sila.

Natawa si Jon na dahil puring-puri nga si Dingdong kung sa pinanggalingan daw ba nitong network ay may hindi naging magandang karanasanan sa mga naka-trabaho.

“Wala naman po, kahit naman po sa kabila, okay rin pong katrabaho lahat ng big stars,” sey niya.

Masayang-masaya raw si Jon na isang Kapuso ngayon dahil sa pag-welcome raw sa kanya ng lahat. Nararamdaman daw niya yung mainit na pag-welcome sa kanya.

Sey niya rin, talagang nag-desisyon na rin daw siyang lumipat nang mag-expire na ang kontrata niya sa kabila dahil gusto rin daw niyang maranasan na maka-trabaho pa ang ibang artista at the same time, kinonsider rin daw niya na mas marami siyang dapat buhayin ngayon kaya mas gusto niyang marami pang magawang trabaho.

 

Please follow and like us:
Read More

10 KILO HIGH GRADE SHABU NASAMSAM SA TUMAOB NA SPEEDBOAT

(NI JG TUMBADO)

NAGULANTANG ang mga awtoridad sa pagkakadiskubre sa may 10 kilo ng high grade shabu mula sa tumaob na speedboat sa karagatang sakop ng Zambales nitong Biyernes ng umaga.

Wala nang crew o tauhan nang marekober ang nasabing speedboat habang nasa tabi lamang nito ang dalawang kulay asul na plastic drum na palutang-lutang malapit sa dalampasigan ng Barangay Loc-loc sa bayan ng Palauig.

Ayon sa report ng Palauig Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa ilang residente sa lugar kaugnay sa pagkakatagpo sa nabanggit bangka.

Sinasabing una nang inabandona ng crew ang bangka at maging ang karga nito madaling araw pa lamang ng Biyernes.

Kasama ng Palauig police ang ilang tauhan ng PNP Maritime Unit at Philippine Coast Guard (PCG) ay tinungo ang lugar kung saan bumulaga ang bulto bultong shabu na nakapaloob sa dalawang malaking plastic drum.

Tinatayang nasa P80 milyon ang halaga ng nasabat na iligal na droga.

Pormal nang nai turn over ang kontrabando sa pangangalaga ng Zambales Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga awtoridad kung saan nagmula ang nasabing speedboat kasabay na rin sa pagtukoy kung sino ang nagmamay-ari nito.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAKAPIRING, NAKAPOSAS, PINATAY SA QC

shooting incident123

(NI LILY REYES)

WALANG awang pinatay ang isang hindi kilalang lalaki  habang ito ay naka piring  at nakatali ang mga kamay ng barilin at saksakin kahapon ng madaling araw sa Quezon |City.

Sa report PLt.Col. Elmer Monsalve, hepe ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), tinatayang  nasa 30 – 40 anyos ang edad ng hindi pa nakikilalang biktima, 5”0’ ang taas, naka suot ng brown  na sando at maong na short at may  tattoo sa noo na   ‘Richard Soria’ at “mommy Lea at Tikla” naman sa dibdib  at  ‘GOD is good at all time’ sa may tiyan.

Sa imbestigasyon ni PSSgt. Juvy Fallasgon ng CIDU, bandang alas 4:00 kahapon ng madaling araw ay nakarinig umano ng sunod-sunod na putok si  Jose Macarisas, habang nag-iigib ng tubig.

Agad na pinuntahan ni Macarisas ang pinagmulan ng mga putok ng baril sa may Quirino Highway  Brgy. Balongbato, at tumambad sa kanya  ang duguang bangkay ng biktima na naka piring, nakatali ng nylon cord ang dalawang kamay, may 27 tama ng bala  at mga saksak sa katawan.

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Macarisas, namataan niya ang armadong lalaki na mabilis na sumakay sa isang Pajero na hindi niya na plakahan bago humarurot sa may Qurino Highway.

Ayon sa CIDU, dalawang araw lamang ang pagitan dahil isang bangkay din ng babae  ang pinagbabaril habang nakaposas  bago itinapon sa nasabing barangay.

Dahil dito, ay mahigpit na ipinag utos ni  QCPD Director PBrig. Gen. Joselito T. Esquivel , sa ang 12 station commander na  na maging alerto at regular na magmanman sa kanilang nasasakupan laban sa  mga kilabot na kriminal.

 

Please follow and like us:
Read More

MAY SEX PHOTOS PA; TATAY HULI SA RAPE NG ANAK

(NI ANNIE PINEDA)

HALOS maglumuhod na humingi ng tawad sa harap ng 13-anyos niyang anak na dalagita ang isang miyembro ng Philippine Military Intelligence Group (PMIG) nang gawin niya itong parausan, iniulat kaninang umaga sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Gilbert Llnora, ng Brgy. Puerto.

Batay sa report ng Puerto Police Station, dumulog sa kanilang tanggapan ang 13-anyos na dalagita na anak ng suspek para humingi ng tulong sa ginawang panggagahasa sa kanya ng ama.

Sa reklamo ni Nena (di tunay na pangalan) , nagsimula ang panggagahasa sa kanya ng ama noong siya ang 8 taon gulang pa lamang noon hanggang sa umabot na siya ng 13-anyos ay hindi na siya tinantanan ng ama sa ginagawang kahalayan.

Sinabi pa nito, na natakot siya kaya hindi niya magawang makapagsumbong hanggang sa nagkaroon na lamang siya ng lakas na loob at pinutol na nito ang kababuyag ginagawa sa kanya ng ama.

Nabatid, na ang ina ng biktima ay nagtatrabaho sa ibang bansa .

Mabilis naman nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at nakuha mula rito ang kanyang ID ng PMIG, kalibre 375 na may limang bala, at cellphone na puno ng mga hubad na larawan ng kanyang anak.

Sinampahan na ng kasong multiple rape ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

KOREANO NALIBING SA HUKAY; BABAE SUGATAN

accident12

(NI SIGFRED ADSUARA)

MISTULANG inilibing sa hukay ang isang 20-anyos na Koreano nang mahulog ang minamanehong kotse sa isang hukay habang sugatan ang kasama nito nang nawalan ng kontrol sa kanyang manibela at bumangga sa isang puno sa Dasmarinas City, Cavite.

Namatay noon din ang biktimang si Kin Jinsoph, binata at pansamantalang nanunuluyan sa Brgy Santiago, Gen. Trias City, Cavite habang ginagamot sa Dela Salle University Hospital ang sakay nitong si Mhyca Brazal, 20, dalaga, ng 1208 Grand Canyon, South Park Home Subd., Tunsan, Muntinlupa City, dahil sa tinamong pinsala sa katawan.

Sa ulat ni PSSgt Donato Almenario ng Dasmarinas City Police Station, dakong ala-3:00 kahapon ng madaling araw nang naganap ang insidente sa tapat ng gasolinahan sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. San Agustin 1, ng naturang  lungsod kung saan minamaneho ng biktima ang isang Toyota Corolla na may plakang VEP 521 at sakay si Brazal, patungo sa south direction.

Pagsapit sa tapat ng gasolinahan ay nabangga nito ang bahagi ng gutter sa center island dahilan upang mawalan ng kontrol ang kanyang minamanehong kotse  at dumiretso hanggang sa mabangga nito ang isang puno at mahulog sa isang malalim na hukay.

Lumalabas sa imbestigasyon na nakainom ang dalawa habang nagmamanaheo ang Koreano.

 

Please follow and like us:
Read More

BLAZERS BINIGO NG KNIGHTS

(NI LOUIS AQUINO/PHOTO BY MJ ROMERO)

MAGAAN na tinalo ng Letran ang  St. Benilde, 88-64, kahapon sa first round ng NCAA Season 95 seniors basketball tournament sa Cuneta Astrodome, Pasay.

Pinangunahan ni Jerrick Balanza ang Knights sa pagkamada ng 26 points habang nagdagdag si Bonbon Batiller ng 10 points.

Simula pa lang ng laro ay lumamang na ang Letran, 12-1, at pinalobo pa ito hanggang sa 17 bago nagising ang St. Benilde at bahagyang nakalapit, 46-35, sa pagtatapos ng first half.

Ngunit pagpasok ng third quarter ay muli na naman umatake ang Knights na nagpakawala ng 16-5 bomba upang ilayo na naman ang iskor sa 62-40. Umabot pa ang kalamangan hanggang 30 dahil sa back-to-back treys nina Balanza at Jeo Ambohot, 82-52.

“Aside from the win, gumanda ang ranking natin lalo na sa top four. Pero mas masaya ako na nailabas na namin yung laro namin na matagal ko nang hinahanap,” sabi ni Letran coach Bonnie Tan.

Dahil sa panalo ay nakapwersa ng three-way tie para sa second place ang Knights, 6-3.

Samantala ito ang ikatlong pagkabigo ng Blazers sa huling apat na games matapos ang perpektong 5-0 start ngayong season.

Please follow and like us:
Read More

SHARIAH LAWYER NILIKIDA SA LOOB NG MOSQUE

north

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Patay ang isang Shariah lawyer nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman habang nasa loob ng mosque at katatapos lamang ng ‘sambayang’ o pagsasamba sa Barangay Olandang sa bayan ng Midsayap, North Cotabato, Biyernes ng tanghali.

Nakilala ang biktima na si Datu Khadaffy Dilangalen Blao.

Sa report ng Midsayap PNP, nasa loob ng mosque ang biktima sa Barangay Olandang, pasado alas-12:00 ng tanghali at katatapos lamang na magsimba nang lapitan ito ng suspek at agad na pinagbabaril.

Dead on the spot si Blao dahil sa mga tinamong tama ng bala sa ulo at iba’t iba bahagi ng kanyang katawan mula sa caliber .45 pistol.

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklong minamaneho ng kasamahan nito.

Sinabi ng ama ng biktima na si Datu Quezon Blao na hindi nila kilala ang suspek at palaisipan pa rin sa kanila kung bakit binaril at pinatay ang kanyang anak.

Please follow and like us:
Read More

NIA EMPLOYEE INAMBUS NG TANDEM

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Dead on arrival sa Cadulong Medical Hospital ang isang kawani ng National Irrigation Administration (NIA) nang pagbabarilin ng riding in tandem suspek sa Baranagay, Batulawan, Pikit, North Cotabato, Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Pikit PNP, nakilala ang nasawi na si Bryan Aman Maliganan, 35.

Sakay umano ang biktima ng kanyang motorsiklo galing sa kanilang bahay nang dikitan ng riding tandem suspek at pinagbabaril, alas 7:55 ng umaga.

Naganap ang pamamaril nang huminto ang biktima dahil nagkaroon ng bigat sa daloy ng trapiko.

Patay noon din ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang batok mula sa caliber .45 pistol base sa nakuha sa crime scene.

Mabilis na tumakas ang mga suspek na lulan ng motorsiklo at walang plaka patungong Barangay Dilanggalen.

Hindi pa batid kung ano ang motibo sa krimen. Ito na ang ikatlong pamamaril na naganap sa loob lamang ng isang linggo.

Please follow and like us:
Read More

8 SUGATAN SA PAGSABOG NG BOMBA SA SULTAN KUDARAT

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY- Walo katao ang sugatan matapos ang pagsabog sa palengke ng Isulan, Sultan Kudarat, alas 7:02 Sabado ng umaga.

Ayon kay Police Lt. Colonel Joven Bagaygay, hepe ng Isulan PNP, nangyari ang pagsabog sa harap ng Manolette Bakeshop, sa  Kalawag 3, partikular umano sa terminal ng mga motorsiklo.

Isa umano sa pitong mga biktima ay traffic enforcer samantalang ang iba ay mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS).

Kinilala ang mga biktima na sina:

1.) Jay Carnaso
2.) Razin Galano
3.) Jarren Amido
4.) Nino Virgo
5.) Jomar Aquino
6.) Gerald Cartagena
7.) Terrence Agadas.

Sa inisyal nga imbestigasyon, isang improvised explosive device ang sumabog.

Agad namang kinordon ng mga miyembro ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Sultan Kudarat at Isulan PNP ang area kung saan nangyari ang pagsabog.

Wala pang maiturong grupo ang pulisya kung sino ang nasa likod ng pagsabog.

Nangyari ang pagsabog ilang araw matapos ang ginawang komemorasyon ng lokal na gobyerno sa nangyaring pagsabog noong Setyembre 3, 2018.

 

Please follow and like us:
Read More

PAG-IYAK SA HARAP NG PUBLIKO

PAG-IYAK

(Ni Edzer Lanuza / Ikalawang Labas)

IBA-IBA ang pag-iyak dahil sa pagkakaiba na rin ng kultura. Sa Japan, ang mga top manager na umiiyak sa harapan ng publiko ay nanghahanap ng pang-unawa at pagtanggap.

Sa panahon nang pag­lilibing sa mga Palestinian,  malakas nilang kinakatok ang mga kabaong at nagpapaputok sa ere sa kanilang labis na pagdadalamhati.

Maraming paraan ng agresyon, kapootan

Sinasabing abnormal ang pag-iyak sa publiko. Umiiyak at nagdadalamhati ang mga Palestinian sa kanilang mga tahanan. Umiiyak ang mga manlalaro pagkatapos ng pagkapanalo.

Hindi sila umiiyak dahil sa performance, pero dahil sa kanilang pagpupunyagi at sa lahat ng paghihirap. Hindi ba masama ang pag-iyak?

Ang kilalang kasabihan na ang pag-iyak ay mabuti o malusog ay hindi tama. Ang pag-iyak ay nakakapagod. Ang inhalation time sa pag-iyak ay sobrang maiksi kaya ang tibok ng puso ay tumataas hanggang sa 200 pulses kada minuto.

Tumataas din ang blood pressure ng 135 percent, na nauuwi sa pagbababa ng oxygen sa  dugo. Minsan, sumasakit pa ang iyong ulo at nagkakaroon ng problema sa mata.

Pag-iyak, di nakagiginhawa?

Ang pagpapahupa ay sanhi ng reaksyon ng iba. Kaya kung sa pag-iyak lamang ay hindi makabubuti. Ang katotohanan, napapayapa ang umiiyak dahil sa ibang tao na nakikinig o pag-aalaga para ito ay mapahinahon.

Pagkatapos, madalas na nakararamdam ng pagkapahiya ang isang umiyak.  Sa paglayo ng iba, lumalala ang nararamdaman nito kaysa dati.

Pagluha, proteksyon din?

Ang pag-iyak ay paglalabas ng mga luha o balon ng mga luha sa mga mata sa pagtugon sa isang emotional state, pain o sa physical irritation ng mga mata.

Ang kaligayahan, pagkagalit  o kalungkutan ay mga damdamin na nauuwi sa pag-iyak. Ang anyo ng pag-iyak ay inillalarawan bilang  “complex secretomotor phenomenon.”

Naipapakilala sa paglalabas ng mga luha mula sa la­crimal apparatus, nang walang anomang iritasyon sa ocular structures, nagbibigay ng ka­ginhawahan at pumoprotekta mula sa conjunctivitis.

Ang related medical term ay lacrimation, kung saan tumutukoy din sa non-emotional shedding of tears. May iba’t ibang uri ng pag-iyak, ang paghagulgol o paghikbi, pagluha o pagtangis, pagtaghoy, pagnguyngoy, paghiyaw at pag-iyak.

Sa paghikbi o paghibik, kadalasang may kasama itong isang set ng iba pang mga sintomas, tulad ng mabagal pero may erratic inhalation, paminsan-minsang pagtigil sa paghinga  at muscular tremor.

Isang neuronal connection sa pagitan ng lacrimal gland (tear duct) at sa areas ng human brain ang nag-uugnay sa emosyon ang naitatatag mula sa pag-iyak.

Maging Hayop ay Umiiyak

Samantala, pinagtalunan ng scientists kung tanging mga tao lang at hindi ang mga hayop ang naglalabas ng mga luha bilang pagtugon sa emotional states.

Isinulat ni Charles Darwin sa The Expression of the Emotions in Man and Animals, na inihayag sa kanya ng mga tagapangalaga ng Indian elephants sa London Zoo na ang mga elepante ay umiiyak dahil sa kalungkutan.

Sinasabing tanging tao lang ang may kakayahang lumuha subalit maging ang elepante rin ay lumuluha kapag sila ay malungkot.

May mga nagsasabing umiiyak ang kanilang alagang aso subalit ang totoo ay naglalabas lang sila ng pawis kapag mayroon silang puwing sa mata. (May karugtong)

Please follow and like us:
Read More

ABOGADO PINATAY SA LOOB NG FAST FOOD CHAIN

crime

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG abogado ang patay nang pagbabarilin ng hindi kilalang salarin habang kumakain ng tanghalian kasama ang kanyang mga kaanak sa loob ng isang fast food chain sa Antipolo City, nitong Huwebes.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ng biktimang si Atty. Irineo Michael Cabugoy, 73, habang nakatakas naman ang mga hindi kilalang salarin sa krimen.

Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police na dakong 11:50 ng umaga nang maganap ang krimen sa loob ng isang kilalang fast food chain sa Barangay San Roque.

Magkakasama umanong kumakain ng tanghalian ang biktima at ilang kaanak nang sa di pa batid na kadahilanan ay bigla na lang lumapit ang salarin at kaagad na pinaputukan ang biktima saka tumakas.

Naisugod pa sa Antipolo Doctor’s Hospital ang biktima ngunit binawian rin ito ng buhay.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang krimen para sa agarang ikareresolba nito.

Please follow and like us:
Read More

DIRECTOR NA, CONTRACTOR PA?

BOMBAHAN NA FINAL

ISANG alyas GreGar ang inginuso ng silipero sa BOMBAHAN NA na director na, contractor pa ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), New Clark City sa Pampanga.

Ang BCDA ang naatasan na bumuo ng New Clark City sa pamumuno ni Vince Dizon.

Natural, maraming proyekto rito dahil gagawin itong siyudad mula sa dating base militar ng mga Kano.

Kaya naman maraming naglalaway na mga kontratista para makakuha ng kontrata sa kabi-kabilang itinatayong imprastraktura sa gagawing siyudad na katulad ng Hong Kong.

Aba’y isa na riyan ang director ng BCDA na tinaguriang ‘director na, contractor’ pa. Siya ay si alyas GreGar na kilalang-kilala sa BCDA-Clark.

Panong hindi siya makikilala eh, ginagamit niya ang pangalan ni Exec. Sec. Salvador Medialdea?

Kaya malakas ang loob niya na maging kontraktor sa Clark kahit na director siya ng BCDA. Ganun!?

“Di po ba sir bawal yan sa batas, kasi conflict of interest po ‘yan?” tanong ng silipero ng BOMBAHAN NA.

Ipinagyayabang din daw ni GreGar na siya ang nagpasok kay Vince Dizon.

Kung ikaw ang nagpasok, bakit mas mataas ang posisyon niya sa ‘yo? Ungas!

Paging, Sec. Medialdea baka hindi nyo po alam nagagamit na ang inyong pangalan.

Sir, pakihagupit nyo nga po itong si alyas GreGar. Mababasa po ang papel niyo dahil sa kanya.

May mga tao talaga na hindi pinapansin ang tinatawag na ‘conflict of interest’ basta’t kikita sila, wala silang pakialam.

Baka ganun si alyas GreGar, kasi kung may kahihiyan siya hindi niya gagawin yan.

Napakahigpit kaya ng panuntunan ng pagiging manggagawa sa gobyerno, maging opisyal ka man o hindi.

Nariyan ang magsusumite ka ng listahan ng yaman mo (Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN) bago ka pumasok sa gobyerno. Kelangan din simple lang ang pamumuhay mo.

Layunin niyan para ma-monitor kung nangurakot ka habang nasa gobyerno.

Ikukumpara ang kayamanan mo sa kinikita mo sa pamamagitan ng sweldo mo sa gobyerno at sa negosyo kung mayroon man.

Ang iba ay magaling magtago, kung kani-kanino nila ipapangalan ang kanilang mga nakulimbat sa gobyerno habang sila ay nakapwesto.

Tulad ng maraming politiko na sila mismo ang kontraktor sa mga proyekto sa kanilang nasasakupang lugar.

Hindi man direktang nakapangalan ang kontraktor pero pag sinuri mo, lalabas at lalabas talaga na may kinalaman sila sa kompanya.

Ay naku! Humahaba tuloy ang balbas ni BOMBAHAN NA kapag kurapsyon na ang pinag-uusapan sa gob­yerno.

Siguro panahon nang gumawa ng eksenang sinabi ni Pangulong Duterte na kung sino ang gumagawa ng kalokohan sa gobyerno ay sampalin ng inaapi nilang ordinar­yong tao.

Para makarating sa Palasyo ang kaguluhan na nangyari.

Hanggang ngayon po kasi ay napakarami pa ring walanghiyang empleyado ng gobyerno.

Mga nagnanakaw ng oras dahil oras ng trabaho ay pagse-selfie o Facebook ang inaatupag.

Namihasa kasi sila sa pagbubulakbol sa mahabang panahon. Kaya tama lang na ang mga bossing nila ang mag-umpisang gumawa ng hakbang para madisiplina sila.

Pagpalain po tayo ni Lord, Amen!

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA, mag-email joel2amongo@yahoo.com (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

CHOP-CHOP NA BANGKAY NI NANAY ISINILID NG ANAK SA BAG

zamboanga sibugay

(NI ANNIE PINEDA)

INILAGAY sa bag ang pira-pirasong katawan ng isang ginang nang katayin ito ng sariling anak na lulong sa droga, sa probinsya ng Zamboanga City.

Kinilala ang biktimang si Alona Villareal habang napatay din ang suspek na anak nitong si Dondie Al Sharif Nur, nang manlaban sa mga pulis.

Batay sa report ng pulisya, natagpuan ng mga kapitbahay ang chop-chop na katawan ng biktima na nakalagay sa bag at itinapon sa basurahan.

Kuwento ng mga kapitbahay, madalas sinasaktan ng suspek ang kanyang ina sa tuwing walang pagkain na naabutan sa bahay kaya napilitan na lamang na manghingi ang ina nito ng pagkain .

Isang araw ang makalipas, hindi na nila nakita pa ang biktima na lumabas ng bahay para manghingi sa kanila ng pagkain, hanggang sa nakita nilang may bitbit na bag ang suspek at itinapon.

nusisa naman kung ano ang laman ng bag at doon na tumambad sa kanilang harapan ng pira-pirasong katawan ni Villareal.

Sa pagresponde ng mga pulis, naabutan ang suspek na may hawak na kutsilyo at tinangkang saksakin ang operatiba kaya napilitan na itong barilin at tinamaan sa katawan na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Nabatid na hindi nagtatagal sa trabaho ang suspek dahil sa bisyo nito sa iligal na droga at madalas na nawawalan sa tamang pag-iisip.

 

Please follow and like us:
Read More

HIGIT P17B PORK BARREL ILAAN SA MGA PASYENTE

BAKBAKAN NATIN

NAPAKARA­MING nakaratay na mga pasyente na pawang mahihirap sa mga pampublikong ospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa araw-araw.

Ngunit, kahit sa pampublikong ospital na ginagamot ang mga pas­yente, malaki pa rin ang kanilang babayaran.

Ang sinasabi nating malaki ay hindi isang li­bong piso ang halaga kundi mahigit P50,000 hanggang mahigit P100,000 ang babayaran.

Syempre, hindi sila makalalabas ng ospital kapag hindi nagbayad ng kahit magkano bilang paunang bayad, tapos magbibigay na ng “promis­sory note” na babayaran ang balanse sa takdang araw na hindi lalampas sa isang buwan mula sa paglabas ng pasyente sa ospital.

Napakalaking problema talaga ng mahihirap kapag sila ay nagkakasakit dahil sa sobrang mahal ng presyo ng mga gamot.

Ano pa kaya kung sila ay maospital ng ilang araw.

Naniniwala akong malaki ang maitutulong ng mga mambabatas sa kanila.

Ang bawat isa sa 24 na mga senador ay P200 milyon ang pork barrel bawat taon, samantalang P100 milyon naman sa 305 kongresista.

Bawasan natin ng kalahati ang P200 mil­yon ng mga senador at pagsama-samahin natin itong lahat ay aabot sa P2,400,000,000.

Kung P50 milyon naman ang ibabawas sa pork barrel ng bawat kinatawan ng mababang kapulungan ng Kongreso ay aabot ito sa P15,250,000,000 sa kabuuang lahat.

Kung pagsasamahan natin ang dalawa ay aabot ito sa kabuuang P17,650,000,000.

Napakalaking halaga nito upang maging pondo upang tulungan ang libu-libong pasyente, kundi man, milyun-milyon.

Sa pondong ito kukunin ang pambili ng mga gamot, bayad sa paggamit ng kuwarto mula sa ilang araw na pagkakaospital ng mga pasyente, bayad sa mga doktor at iba pang bayarin.

Kung mayroong pondong nakatabi para sa kanila, siguradong wala nang iintindihing iba pa ang mga kamag-anak ng mga pasyente kundi bantayan, asikasuhin, alagaan at magdasal sa Panginoong Diyos upang mapabilis ang paggaling ng mga may sakit.

Hindi ba’t maganda ang ganitong ideya?

Alam kong maraming mambabatas na sasabihing mali at isang napakalaking kalokohan ang nasabing ideya, sapagkat P50 milyon ang mawawalang pera sa mga kongresista at P100 milyon naman sa mga senador.

Mas mainam ang binabanggit ko kaysa makurakot lang ang pork barrel ng mga mambabatas na matatakaw sa pera. (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More

ANO ANG GAGAWIN NI FAELDON SA SBMA AT SUBIC FREEPORT?

ITO ANG TOTOO

KINIKILABUTAN ang mga taga Subic Bay Freeport at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa umugong na paglipat dito ni Nicanor Faeldon bilang SBMA Chairman & Administrator mula sa Bilibid Prison bilang Bureau of Corrections director.

Ito Ang Totoo: mula pa pagpasok ng 2019 ay matunog na talaga ang pangalan ni Faeldon na papalit kay kasaluku­yang SBMA Chairman & Administrator Wilma T. Eis­ma.

Walang nakikitang dahilan para palitan si Eis­ma, maayos naman ang pamamalakad nito kung pagbabatayan ang mga istatistiko sa investments, kita at direksiyon ng Subic Bay Freeport.

Gayunpaman, sini­ser­yoso ng marami ang pagpapalit kay Eisma dahil kung tinutumbok ni Faeldon ang SBMA/Subic Bay Freeport, hindi nito kailangan ng dahilan dahil sa lakas nito kay Pangulong Rodrigo Duterte, kahit anong gustuhin niya ay makukuha niya.

Ito Ang Totoo: magkahalo ang reaksiyon ng mga negosyante at residente ng Subic Bay Freeport nang sumabog ang nakapanlulumong pagpapalaya ni Faeldon sa halos dalawang libong convic­ted criminals kasama ang mga napatunayang gumawa ng heinous o karumal-dumal na krimen.

May natutuwa dahil baka hindi na ilagay sa SBMA/Subic Bay Freeport si Faeldon dahil nga sa kinasangkutang ano­malya sa pagpapalaya ng mga preso.

Ang iba, lalong nag-aalala dahil baka mapabilis ang paglipat nito sa SBMA at Subic Bay Freeport bunga ng problema sa Bureau of Corrections.

Ito Ang Totoo: noong hepe ng Bureau of Customs si Faeldon, parati ito sa All Hands Beach sa Subic Bay Freeport, kausap ang isa sa mga key personnel niya noon sa Port of Subic.

Kung ano ang kanilang pinag-uusapan, tiyak importante ito para sa kanila na kung pangsarili o para sa bayan ay Diyos lang ang nakaaalam.

Kung matutuloy si Faeldon sa Subic, tingin ng marami sobrang pang-aalipusta na ito sa mga taga-Olongapo, mga locator at residente ng Subic Bay Freeport.

Ito Ang Totoo: ang paglipat ni Faeldon sa Subic ay magiging  patunay na si Duterte ay walang malasakit.

Kung hindi naman, salamat. Walang kasalanan ang mga taga-Subic Bay Freeport, Olongapo, Bataan at Zambales para pagdusahin sa pamamahala ng isang kagaya ni Faeldon. Ito Ang  Totoo! (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

BABAENG NAKAPOSAS ITINUMBA SA QC

(NI LILY REYES)

MASUSING inimbestigahan ngayon ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD- CIDU) ang pagkamatay ng  39–anyos na babae na  umano’y empleyada ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na binaril habang nakaposas sa  may Barangay Balong Bato sa Quezon City.

Kinilala ng hepe ng CIDU na si PLt. Col. Elmer Monsalve ang biktima base sa nakitang ID ng BIR  na si Jennifer Punsalan, 39 , nakatira sa Dasmariñas City,  Cavite.

Ang biktima ay nakitang duguang nakahandusay na may tama ng bala sa ulo, katawan at nakaposas pa ang kamay.

Sa report ng  CIDU, bandang  alas  11:30 ng gabi nang makarinig ng mga putok ng baril ang residente na  si Esmale De Vega sa may Quirino Highway, Brgy. Balong Bato. Nang alamin ng saksing si De Vega ang pinagmulan ng putok sa kanilang  lugar ay tumambad sa kanya ang kalunos – lunos na si Jennifer na wala nang buhay, naliligo sa sariling dugo at nakaposas ang kamay.

Naniniwala ang  pulisya na maaaring atraso ang motibo ng nasabing krimen, kung  kaya itinumba ito  ng hinihinalang  sindikato  para iligaw sa imbestigasyon ang mga otoridad.

 

Please follow and like us:
Read More