NISPEROS PVL PLAYER OF THE WEEK

(NI LOUIS AQUINO) NAPILING Player of the Week ng Sports Vision Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Collegiate Conferencence ang spiker na si Faith Nisperos ng Ateneo Lady Eagles. Naging markado si Nisperos nitong Linggo sa panalo ng Ateneo kontra sa Letran, 25-16, 22-25, 25-13, 25-20, matapos magposte ng 19 puntos. Sa kabila ng pagkawala ng key players na sina Deanna Wong at Ponggay Gaston, nagawa pa rin manalo ng Lady Eagles sa pangunguna ng rookie na si Nisperos, high school standout mula sa National University. Maging si Ateneo coach…

Read More

BEBOT NIRAGASA NG TREN

(NI CHERK BALAGTAS) HINDI pa rin kilala ang babaeng namatay nang salpukin ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Lungsod ng Caloocan, Linggo ng hapon. Ang nasawi ay inilarawan na nasa pagitan ng edad 30-40 taong gulang, may taas na 5’2, katamtaman ang katawan at nakasuot ng gray na t-shirt at floral printed na shorts. Sa ulat ng Caloocan City Police ay ganap  alas-5:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa PNR Railtrack na sakop ng Interior 10, Barangay 33 ng nasabing lungsod. Binabagtas ng PNR train ang…

Read More

MPD STATION COMMANDER ‘ABSENT’ SA PRESINTO,  SINIBAK

MPD LOGO

(NI HARVEY PEREZ) SINIBAK sa kanyang puwesto ni Manila Police District  Director PBGen. Vicente Danao ang station commander ng MPD-Police Station 9 nang hindi abutan ni Manila Mayor  Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa kanyang puwesto matapos  na mag-ikot, Lunes ng madaling araw sa  Maynila. Nabatid na kaagad ini-relieve si PColonel Glen Ganipac , station commander ng MPD-PS 9 matapos itong hindi makita ni Moreno nang puntahan  sa kanyang presinto. Itinalagang kapalit ni Ganipac si PColonel Ian Ang, dating taga MPD Strategy Management Planning, para maging kapalit ni Ganipac. Ayon kay…

Read More

BABAE BINISTAY NG 2 GUNMAN

shooting6

(NI KEVIN COLLANTES) PATAY ang isang babae nang paulanan ng bala ng dalawang hindi kilalang lalaki sa Tanay, Rizal, Linggo ng gabi. Wala nang buhay nang idating sa Tanay General Hospital ang biktimang si Danica Manuel, residente ng naturang lugar, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas ang mga hindi kilalang salarin. Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, nabatid na nakatayo lamang ang biktima sa gilid ng Sampaloc Road, sa Barangay Plaza Aldea, Tanay, nang bigla na lang lapitan at kaagad…

Read More

DANCE SHOWDOWN, NAUWI SA RAMBOL; 1 PATAY

crime34

(NI KEVIN COLLANTES) NAMATAY ang isang lalaki nang saksakin ng hindi kilalang suspek matapos na mauwi sa rambol ang dance showdown ng kani-kanilang grupo habang nag-iinuman sa loob ng isang resto bar sa Tanay, Rizal, Linggo ng madaling araw. Isang tama ng saksak sa katawan ang ikinamatay ng biktimang si Eris San Juan, habang inaalam pa naman ng mga awtoridad kung sino ang nakasaksak sa kanya. Sa imbestigasyon ng Tanay Municipal Police Station, nabatid na bago ang krimen ay masayang nag-iinuman si San Juan at  apat pa niyang kaibigan sa loob…

Read More

TATAY BINARIL SA HARAP NG ANAK

north cotabato 12

(NI BONG PAULO) PATAY ang isang haligi ng tahanan nang paslangin ng dalawang gunmen sa harap mismo ng kanyang anak sa isang mababang Paaralan sa Barangay Silik sa bayan ng Pikit, North Cotabato, Lunes ng umaga. Kinilala ang biktima na si Elmer Amahan Baclayon, 27, magsasaka at residente ng Barangay Kolambog ng nasabing bayan. Ayon kay Police Corporal Paul Vincent Fulleros, imbestigador ng Pikit PNP, alas-7:00 ng umaga habang inihatid ng biktima ang kanyang anak na lalaki nang biglang lumapit ang dalawang mga suspek at pinagbabaril ito. Nagtamo ng maraming…

Read More

100 KABAHAYAN NASUNOG SA CAINTA

(NI KNOTS ALFORTE) TINATAYANG aabot sa 100 kabahayan o 200 pamilya ang apektado nang sumiklab ang apoy sa informal settlers sa Cainta, Rizal, ngayong Lunes. Agad pinauwi ang mga estudyante dahil kalapit lamang ng nasusunog na kabahayan ang ICCT School, na umabot sa ikatlong alarma ang sunod. Ayon sa inisyal na report, dakong alas-9:10 ng umaga nang may tumawag sa BFP Cainta hinggil sa nasusunog na kabahayan sa Sitio Bagong Sibol, Brgy San Isidro, Cainta, Rizal. Agad na nakalikas ang mga nakatira dala ang kani-kanilang mga gamit habang patuloy sa…

Read More

POLICE STATION NIRATRAT, HINAGISAN NG GRANADA

NPA

(NI JESSE KABEL) ILANG ULIT na niratrat at saka hinagisan ng granada ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang police station sa Legazpi City, Linggo ng gabi. Target ngayon ng military at pulis ang mga tumakas na rebeldeng responsible sa panghaharas sa istasyon ng pulis kung saan nadamay ang kalapit na simbahan at isang bahay. Nagtamo ng maraming butas ang  bubungan  ng police community precinct 4 sa Barangay Taysan dahil sa sumambulat na rifle grenade mula sa  M-203 grenade launcher. May ilang bintana rin ang nabasag.…

Read More

LASING NA PULIS-CAVITE, NAMARIL, ARESTADO

PNPLOGO1

(NI SIGFRED ADSUARA) NAWALAN sa katinuan dahil sa kalasingan ang isang 38-anyos na pulis Cavite nang barilin nito ang isang  pipi’t bingi na lalaki habang naglalaro ng volleyball sa Trece Martires City,Cavite. Ginagamot ngayon sa Gen. Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si Hermes Guevarra, alias Metmet, ng Block 7 Lot B-7, L-42, Phase 1, Regina Ville 2000, Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite, matapos barilin ni PMSgt Paulo Gagua, 38, nakatalaga sa Trece Martires City Police Station, at residente ng B-16, L-8, Phase 1, Regina Ville 2000, Brgy. Inocencio, Trece…

Read More

PULIS NAG-AMOK SA KASALAN, 1 PATAY

(NI JG TUMBADO) ISINAILALIM sa hospital arrest ang isang bagitong pulis matapos itong masugatan sa pag-aamok nito sa isang wedding reception kung saan isa ang nasawi at isa pa ang sugatan sa San Jose Del Monte, Bulacan, araw ng Linggo. Nakilala ang suspek na nagpapagaling sa ospital dahil sa tama ng bala sa kanyang braso si Patrolman Jessie James Gubat, nakatalaga sa San Jose Del Monte City Police na kasalukuyang bantay sarado ng kanyang mga kabaro. Sa ipinarating na report kay Police Regional Office 3 Director Col. Joel Coronel, pasado…

Read More

2 POLICE ESCORT NG MGA GURO, SUGATAN SA AMBUSH

patikul sulu12

(NI NICK ECHEVARRIA) DALAWANG pulis ang sugatan habang inihahatid ang mga guro mula sa Department of Education (DepEd), sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu, Lunes ng umaga. Naganap ang insidente sa Brgy. Igasan, Patikul, Sulu bandang alas-7:45 ng umaga habang nagsasagawa ng route security ang nasabing mga pulis bilang escort ng mga guro na nakatalaga sa Silangang bahagi ng Patikul nang paulanan ng bala ng mga bandido. Sa report ng Police Regional Office BARMM kay PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac, nakilala ang dalawang…

Read More

KIM NALUNGKOT SA BFF NA SI ERICH

(NI VINIA VIVAR) AYAW nang makihalo pa ni Kim Chiu sa contoversy nila Gerald Anderson, Julia Barretto at Bea Alonzo. In her recent interview with some members of the entertainment press ay natanong ang akres kung ano ang masasabi niya tungkol sa issue ng tatlo at maikli lang ang naging pahayag niya tungkol dito. “Wala, huwag na tayo sumali dun kasi lahat naman sila, (may) pinagdadaanan sila ngayon and siyempre hindi biro yun, masakit yun. So lahat sila, may pinagdadaanang pain, so respetuhin na lang natin yung mga desisyon nila,”…

Read More

BABAENG DUMALAW SA PARTNER SA BILIBID, PINASLANG

crimeshooting12

(NI KIKO CUETO) PATAY sa pamamaril ang isang babae nang tambangan ng riding-in-tandem sa labas mismo ng istasyon ng pulis malapit sa gate ng Bureau of Jail Management and Penology. Kinilala ang biktima na si Crystal Faith Jastava, 24, residente ng Bago City, Negros Occidental. Sa imbestigasyon ng pulis, dakong 11 ng umaga noong Linggo nang bumisita ang babae sa kanyang live-in partner na nakulong dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga. Gumamit umano ang biktima ng pekeng pangalan para makapasok sa BJMP Male Dormitory. Sinabi ng pulis na may…

Read More

EX-DENR SEC GINA LOPEZ PUMANAW NA

(NI KIKO CUETO) PUMANAW na si dating Environment secretary, at ABS-CBN Foundation chief Regina Paz “Gina” Lopez sa edad na 65. Sa pahayag ng ABS-CBN, sinabing namatay si Lopez dahil sa multiple organ failure. Kilalang environmental activist si Lopez at nagsilbi na chairperson ng ABS-CBN Foundation Inc (AFI). “Gina was the pillar of strength that pushed AFI to achieve what seemed to be impossible. Her caring heart and selfless kind of love inspired people within and beyond the organization to help and serve others,” sabi ng ABS-CBN sa pahayag. “While we…

Read More

TIME IS UP

JICA-1

‘The Big One’, hinog na — JICA (Ni Fernan J. Angeles / Huling Labas) KAUGNAY ng kinakatakutang malakas na lindol na inaasahang yayanig sa malaking bahagi ng Metro Manila, inilabas na din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs), ang talaan ng mga barangay na direktang hagip ng East at West Valley Fault na bumabagtas sa mga lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, Laguna at Metro Manila. Gamit ang Valley Fault System Atlas, mga koleksiyon ng detalyadong mapang naglalarawan ng mga lugar na sakop ng faultline, 12 barangay ng mga…

Read More

4 ARESTADO SA P5-M SHABU SA PAMPANGA

(NI JG TUMBADO) AABOT sa P5-milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam mula sa apat na suspek na dinampot ng pulisya sa bypass road, Barangay Sindalan, San Fernando City, Pampanga, Linggo ng umaga. Kabilang sa mga dinakip ang tatlong high value target na sina Acmali Francisco, alyas Balbas; Mohammer Haji Ganda; at Jalal Mauyag Sumdad. Kasama rin sa inaresto ang isang Michael Evance Villacorta, alyas Kim, na nasa watchlist din ng pulisya. Una nang ikinasa ng mga otoridad ang buy bust operation matapos ang ilang araw na surveillance sa…

Read More

EX-HOUSTON PLAYER, BAGONG IMPORT NG TNT

(NINA ANN ENCARNACION, LOUIS AQUINO) GAYA ni Terrence Jones, isang dating player din ng Houston Rockets, si KJ McDaniels, ang magiging import ng TNT Katropa sa 2019 Governor’s Cup. Umaasa ang TNT management na makatutulong nang malaki ang 26-anyos na si McDaniels sa kanilang kampanya sa pangatlo at huling PBA conference ngayong taon. Naging second round pick ng Philadelphia 76ers noong 2014 si McDaniels at nang sumunod na taon ay napunta sa Rockets kung saan nakasama niya si Jones sa 2015-2015 NBA season. Naglaro din si McDaniels sa Brooklyn Nets,…

Read More

LORENZANA, TIYOPENG DEFENSE SECRETARY

CHRISTIAN BOMB

IBINULGAR ni AFP Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana na limang warship ng China ang pumasok nang walang paalam sa dagat na nasa teritoryo ng Pilipinas. Nakababahala na ang ginagawang ito ng puwersa ng China dahil nadadalas na ang pagdaan ng kanilang mga Chinese military warship nang hindi man lang nagpapaalam sa Philippine government. Dahil diyan, binatikos ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang ginawang ito ng China. Ang problema lang kay Lorenzana, hanggang batikos lang siya. Naturingan siyang Defense secretary ng bansa pero walang aksyon sa ginagawang…

Read More

KRIS, THINGS HAPPEN FOR A REASON — DEREK

(NI GORGY RULA) NASA Instagram account ni Kris Aquino ang palitan ng mensahe nila ni Derek Ramsay na nagbibigay ng mensahe nang pampalubag loob sa nangyari sa MMFF entry sana nilang (K)Ampon. Wala naman daw mababago ang pagkakaibigan nila pagkatapos naunsyami ang pelikulang pagsasamahan sana nila. Nag-comment si Derek sa isang IG post ni Kris na; “@krisaquino things happen for a reason and I’m positive you and I will work on something amazing soon. You are so right that rules are rules.” Sinagot naman ni Kris ng “@ramsayderek07 thanks for…

Read More

HINDI PUWEDE ANG PUWEDE NA, PUWEDE BA?!

GO FOR GOLD final

HINDI talaga quality-conscious ang Filipino. Lagi nating naririnig ang, “Okey na yan.” O, “pwede na yan” sa pang araw-araw. Sa marketing, sinasabi na price-driven ang consumption ng ating mga kababayan. Ang desisyon ng majority kung ano ang bibilhin ay nadidiktahan ng kung ano ang mas affordable o ano ang pinakamura. Lalo na siguro sa masa, walang gaanong brand loyalty kaya’t madali ang brand switching if the price is right. Tama po ba? Kaso, hindi natin napapansin na sa katitipid natin – mas lalo tayong napapamahal. Wrong economics! Ika nga ng…

Read More

KAPIT-TUKO

yourservice

ANG tinatawag nating serbisyo publiko ay itinuturing na isang pribilehiyo hindi lamang sa ating mga batas kundi maging sa ating Saligang Batas. Sabi nga nila — “public service is a public trust” — ito’y isang konsepto sa ating batas na nagsasabing hindi natin pagmamay-ari ang anomang katungkulang ating hinahawakan. Kaya kung anoman ang ating posisyon o katungkulan o kapangyarihang pinanghahawakan sa pamahalaan — lahat ito’y ipinagkaloob lamang sa atin ng ating mga kababa­yan. At nakakamtan lamang natin ito sa dalawang paraan — unang-una sa halalan kung saan ikaw ay pipiliin…

Read More