1 PATAY, ISA SUGATAN SA MOTORSIKLO VS VAN

accident121

(NI FRANCIS SORIANO)

PATAY ang rider habang sugatan naman ang angkas nito matapos makipagsalpukan sa isang van sa Valenzuea City, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Roldan Capillo, 33, ng Area 6 Purok 4 Maysan, habang ginagamot naman sa naturang pagamutan ang angkas nitong si Rodel Corpin na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.

Ayon sa ulat,  dakong  ala-1:30 ng madaling araw, kapwa tinatahak ng Yamaha Sporty (9684-BH) na minamaneho ni Capillo angkas si Corpin at ng Isuzu Ref Van (WQB-787) na minamaneho naman ni si Christian Idava, 26, ng Sulukan St. Bubulong Malaki San Ildefonso Bulacan, nang maganap ang aksidente.
Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide and Physical Injury ang driver ng van na si Idava.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

PEKENG PMAer BUKING SA KOTONG SA MGA ADIK

ARRESTED-3

(NI HARVEY PEREZ)

KALABOSO ang inabot ng isang lalaki na nagpanggap na opisyal  Philippine Army at kabilang sa  Philippine Military Academy (PMA) class 2012  matapos mabuko sa ipinrisintang ID, Sabado ng hapon sa loob ng barangay hall ng Brgy.714 Zone 78 Disr.V Malate, Maynila.

Nahaharap ngayon sa  kasong usurpation of authority  sa Manila Prosecutor Office ,ang suspek na si Mac Stanley Lozada, 29, at ng  Malate Maynila.

Nabatid kay  Brgy.Chair Arnel Palo, ng Brgy 714 Zone 78 Dist.5 , Malate nagpunta sa barangay hall ang suspek na nakasuot kumpletong uniporme ng Philippine Army (PA) , alas 5:30 ng hapon.

Nagpakilala umano ang suspek na miyembro  ng PMA Class 2012 at may ranggong Captain.

Kinausap umano nito si Palo para  ibigay sa kanya ang pangalan ng mga residente sa kanilang barangay na sangkot isa illegal na droga at kinakailangan umano na magbigay ng pera sa kanya ang mga ito para  hindi sila mailagay sa watchlist at hindi maaresto.

Hiningi umano ni Palo ang ID ng suspek pero ang  ipinakita nito ay isang pekeng military ID na may ranggong PFC, gayundin sa kanyang suot na uniporme ay makalagay ang ranggong Captain.

Sa puntong ito, nagduda si Palo hanggang sa mapaamin ang suspek na hindi siya miyembro ng PMA at anumang ahensiya ng gobyerno.

Sanhi nito, binitbit ang suspek sa Manila Police District-Police.Station 9 para sa disposisyon.
Sa impormasyong nakuha,nalaman na ang suspek at kanyang kinakasama ay may isang buwan pa lamang na nakatira sa lugar.

Please follow and like us:
Read More

SPECIAL TASK FORCE BINUO SA PINATAY NA PULIS-QC

(NI JEDI PIA REYES)

AGAD nang iniutos ang pagbuo ng Special Investigation Task Group ng Quezon City Police District (QCPD) upang siyasatin ang pagbaril na ikinamatay ng aktibong pulis na nakatalaga sa Anonas Police Station (Police Station 9).

Pasado alas-6:00 ng Sabado ng gabi nang puntiryahin ng dalawang suspek si Police Master Sergeant Anthony Lacson, 40, sa Anonas Road kanto ng Pajo Street, Barangay Quirino 2A, Project 2.

Si Lacson na nagsisilbing desk officer ng presinto ay sakay ng kanyang motorsiklo nang habulin at pagbabarilin ng mga suspek. Nang sumemplang ang pulis, lumapit pa ang mga suspek at muli itong binaril ng malapitan bago tumakas.

Wala pang pagkakakilalan ang mga suspek na may taas na 5’6″ hanggang 5″7″, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot na mga itim na jacket at maong na pantalon.

Bagama’t naisugod sa Quirino Memorial Medical Center si Lacson, hindi na rin siya umabot nang buhay.
Lumalabas sa cursory examination sa pulis na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Hindi pa batid ang motibo ng krimen .

Kasabay nito, tiniyak ni QCPD Director Police Brigadier General Joselito Esquivel na hindi sila titigil sa pagtutugis ng mga salarin kasabay ng apela sa sino mang nakasaksi sa krimen na makipagtulungan sa kanila para sa ikakaresolba ng kaso.

Please follow and like us:
Read More

OVERALL CHAMP ASAM SA 30TH SEAG

poc

(NI ANN ENCARNACION)

NAIS ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman at Team Pilipinas chef de mission sa 30th South East Asian Games William “Butch” Ramirez na maging overall champion ang bansa bilang host ng biennial meet.

Sa ngayon ay patuloy ang pakikipagkonsultasyon ni Ramirez sa lahat ng National Sports Associations (NSAs) upang matiyak ang kahandaan ng ating mga atleta sa kanya-kanyang sasabakang kompetisyon sa SEAG sa darating na Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“Tanging NSAs lamang ang nakakaalam kung ilang ginto ang kanilang kayang mapanalunan sa ihohost ng bansa na 30th SEA Games kaya madalas natin silang kinakausap kung ano ang kanilang mga pangangailangan upang maihanda ng maayos ang ating mga pambansang atleta,” ani Ramirez.

Kumpiyansa si Ramirez na makukuha ng Pilipinas ang ikalawang pangkalahatang kampeonato sa ikaapat na pagkakataong paghohost ng bansa sa multi-sports competition.

Si Ramirez din ang Team Pilipinas chef de mission noong 2005 kung saan nasungkit natin ang kauna-unahang pangkalahatang kampeonato sa pagsukbit ng kabuuang 113 ginto,  84 pilak at 94 tanso.

“Hindi imposible na mag-champion tayo dahil tayo ang host. Malaki ang budget ang inilaan natin at gagastos tayo ng malaki para sa ating mga atleta, para masiguro natin na mananalo sila.”

Please follow and like us:
Read More

ULO NG BIYENAN GINAWANG PUNCHING BAG NG MANUGANG 

(NI SIGFRED ADSUARA)

ISINUGOD  sa ospital ang isang 66-anyos na lola nang mistulang gawing punching bag ang ulo nito ng kanyang “manugang”  na nagalit matapos siyang awatin ng una sa Naic, Cavite.

Ginagamot sa Naic Mediacare Hospital ang biktimang si Aiderline Zamora, isang balo ng Brgy. Bancaan, Naic, Cavite dahil sa tinamong sugat sa ulo mula sa kanyang manugang na si Jason Mark Lumpas, 32, isang merchandiser ng Block 34 Lot 27, Bella Vista Brgy Santiago, Gen Trias City, Cavite.

Sa ulat ni PMSgt John Paolo Millona ng Naic Municipal Police Station, dakong alas-8:00 Sabado ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa Brgy Bancaan, Naic, Cavite.

Nang malasing ang suspek ay  nagsimula itong mag-ingay hanggang sa magwala ito.

Inawat ng biyenan nito ang suspek subalit imbes na pakinggan ay lalong nagalit hanggang sa hindi ito nakapagtimpi ay pinag-uumbag nito sa ulo ang biktima at naawat lamang ito nang dumating ang mga barangay tanod sa lugar at inaresto ito.

Tinuluyan namang sampahan ng kaso ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

BIGA NG SKYWAY BUMAGSAK

(NI JESSE KABEL)

LIBU-LIBONG motorista  ang naabala bunsod ng malubhang daloy ng trapiko sa kahabaan ng North Luzon Expresway nang mapilitang isara ang ilang lane nito nang bumagsak ang biga o coping beam na ikinakabit sa column ng tinatayong Skyway.

Kasalukuyang pinag-aaralan pa ng mga enhinyero DPWH at nang kompanyang gumagawa ng SLEX-NLEX extension project kung bakit bumagsak ang 58-ton na coping beam malapit sa Balintawak southbound exit bandang alas-2 ng madaling-araw, nitong Linggo.

Ayon sa rigging engineer na kinilalang si Reggie Garcia sinabi nito na  “noong maiangat nagkaroon ng problema doon sa lifting log pero ‘yun ay nasa design naman… Wala namang may gusto, bumigay ‘yung lifting log at ‘yan ang nangyari,” ani Garcia.

Ayon sa pamunuan ng NLEX wala namang nasaktan sa nasabing insidente.

Kinailangan ibaba muli ang  coping beam para sirain na itong tuluyan at palitan ng bago.

Lumalabas pa sa pagsisiyasat na  coping beam ay may apat na  lifting eye o lifting log na siyang pinagkakabitan ng kadena ng crane.

Sinasabing may 4 na lifting eye sa coping beam at 2 rito ang nasira.

Dahil sa aksidente , isinara pansamantala ang isang southbound lane na nasakop ng crane kaya sa isang lane lamang pansamantalang nakadaraan ang mga motorista.

Dahil dito, bumigat  ang trapiko sa Balintawak  kaya’t pinaaalalahanan ang mga motorista na maaari silang dumaan sa halip sa Mindanao Avenue.

Please follow and like us:
Read More

BEAUTY SALON HINOLDAP, PERA NG CUSTOMERS NILIMAS

(NI NICK ECHEVARRIA)

SINIMOT ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang pera at mga gamit ng pitong customers ng isang beauty salon na kanilang hinoldap sa Marikina City, Sabado ng hapon.

Naganap ang insidente sa GAB Pigmentation Beauty Salon sa 2nd Floor ng MEC Bldg. 2, Pitpitan St., Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.

Ayon sa Marikina City Police Station (CPS), bandang ala-1:00 ng hapon nang pasukin ng dalawang armadong suspek ang nasabing salon, sabay tutok ng baril sa receptionist at sa pitong babaeng customers nito.

Kinilala ang mga biktima na sina Angela Amor Pucan, 19, receptionist na natangayan ng kanyang cellphone at P25,000 na kita ng salon; Aileen Felongco, 38,  nakuhanan din ng cellphone na nagkakahalaga ng P19,000 at P5,000 cash; tinatayang P5,000 din ang natangay kay Jacalme Rosario,46, radio technologist.

Tig-P3,000 cash naman ang nakuha kina Helda Masiclat, 48, at Sharon Bueno, 50, habang tinatayang P5,000 cash naman ang natangay kay Elsie Villapando, 55 government employee, samantalang P1,700 naman mula kay Maricel Sadian, 39, seafarer.

Nasa P40,000 na cash at isang cellphone na nagkakahalaga ng P49,000, mga credit cards at ATM ang natangay naman mula sa customer na si Myrna Santos, operation supervisor.

Hindi rin pinatawad ng dalawang suspek ang biktimang si Clifford Tuesca, 26, customer ng

Bakasyunista Travel Agency, na nakasalubong ng mga ito sa hallway at natangayan din ng cellphone.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek na nakuhanan ng CCTV habang papatakas sakay ng isang motorsiklo.

Please follow and like us:
Read More

PIPI ‘DI MAKAPANGLIGAW SA CRUSH NAGBIGTI

(NI ANNIE PINEDA)

DAHIL umano hindi maisabi ang kanyang pagmamahal sa kanyang nililiyag na babae, tinapos na lamang ng isang binata na pipi ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti , sa Roxas City.

Kinilala ang biktimang sa alyas Noy Dala, at residente ng Barangay Cagay, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng pulisya, nakita ang biktima na nakabitin sa puno ng kahoy sa labas ng kanilang bahay gamit ang lubid.

Kuwento ng ina ng biktima na si Madelyn Dala, nagulat na lamang siya nang makita ang anak na nakabitin sa punong kahoy at wala nang buhay.

Sinabi nito na wala naman problema ang kanyang anak sa kanilang pamilya maliban sa pag-ibig nito.

Posible umanong desperado ang biktima na masabi ang mga matatamis na pag-ibig nito sa babaeng kanyang nililiwagan at tiyak na hindi rin siya sasagutin kaya nagawa na lamang nitong magpakamatay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung totoong nagpakamatay ang biktima o kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

BALA NG KALIBRE .45 TUMAPOS SA BUHAY NG GURO

(NI ANNIE PINEDA)

NALIGO sa sariling dugo sa loob ng sinasakyan tricycle ang isang guro makaraan barilin ng hindi pa kilalang suspek, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Davao del Sur.

Kinilala ang biktimang si Felipe Capisos Niemis Jr., 52, ng Barangay Zone 2, Digos City at isang Senior High School teacher sa nasabing lugar.

Batay sa report ng Sta. Cruz Municipal Police Station, naganap ang insidente sa sakayan ng tricycle sa nasabing lugar .

Kuwento ng driver na si Marvin Jamunan, sumakay sa kanyang tricycle si Niemes para sana magpapahatid sa Integrated Bus Terminal na sakayan patungong Sta. Cruz.

Bigla na lamang siyang nakarinig ng putok sa pag-aakalang gulong ng kanyang tricycle ang sumabog, pero nang silipin ang kanyang pasahero nakita niyang naliligo sa sariling dugo ang biktima habang papatakas ang suspek.

Nagawa pang dalhin sa ospital ang biktima pero idineklara na rin itong patay.

Sa pagresponde ng mga pulis, nakapulot sila ng isang basyo mula sa .45 kalibre na baril.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen.

 

 

Please follow and like us:
Read More

KOREANO NAG-SUICIDE SA HOTEL

(NI KOI HIPOLITO)

PATAY ang isang Korean national na may tama ng bala sa ulo nang matagpuan sa loob ng hotel sa Pasay City nitong Sabado ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Gunhyung Kim, 19. Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay nito.

Batay sa ulat nakatanggap ng tawag sa telepono bandang 6:45 ng gabi ang Pasay City Police Station tungkol sa natagpuang bangkay ng isang Koreano sa loob ng Winston Hotel sa Pasay City.

Ayon sa supervisor na si Ayie Calcena, tinawagan nila ang biktima para ipaalam na tapos na ang oras nito sa pag-okupa ng kuwarto subalit wala umanong sumasagot ng telepono. Minabuti ni Calcena at ng isang staff na katukin ang kuwarto ng biktima subalit hindi pa rin ito lumalabas kaya’t napilitan na ang mga empleyado na buksan ang pinto gamit ang isang duplicate key.

Doon ay tumambad ang wala nang buhay na biktima. Nasa tabi nito ang isang isang cal.22 na baril.

Nagsasagawa na ang SOCO Camp Crame ng technical investigation sa crime scene para alamin kung may foul play sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

MAG-UTOL TINADTAD NG BALA, INILIBING 

(NI ANNIE PINEDA)

PANINIWALAAN biktima ng salvage o summary execution makaraan pagbabarilin ang magkapatid na lalaki kung saan inilibing ang bangkay ng isa ng mga hindi pa kilalang suspek, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Ilocos Sur.

Kinilala ang mga biktimang sina John Glenn Taguibao at Johanes Paul Taguibao na 23-anyos, kapwa residente ng Barangay Nagtupacan, Sta. Maria Ilocos Sur.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente gabi ng araw ng Biyernes sa Brgy. Maynganay Norte, Sta. Maria, Ilocos Sur.

Lumabas sa pag-imbestiga ng pulisya, nitong Sabado ng madaling araw, nakita ang bangkay ni Johanes sa isang bakanteng lote sa Barangay Maynganay Norte na may walong tama ng bala sa di-pa mabatid na kalibre baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang ang bangkay ni John Glenn ay nakitang nakabaon sa lupa sa naturang barangay at tadtad rin ng bala ng baril ang katawan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa pamamaslang sa magkapatid at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito.

 

Please follow and like us:
Read More

AWAY LUPA: LALAKI PINAGBABARIL NG BAYAW 

(NI ANNIE PINEDA)

DAHIL sa away lupa, binaunan ng mga bala ng baril ang isang mister ng kanyang bayaw na dating miyembro ng Philippine Army (PA), iniulat kaninang umaga sa probinsya ng La Union.

Kinilala ang biktimang si Feliciano Florentino, habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Nilo Espinila, 61, kapwa residente ng Brgy. Bangcusay, San Fernando City, La Union.

Batay sa report ng pulisya,  dakong alas 2:00 ng hapon ng Sabado, nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng magbayaw sa nasabing lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa hanggang sa naungkat ang tungkol sa lupa.

Dito, kumuha ng baril ang suspek at pinagbabaril si Florentino sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Kuwento naman ng misis ng biktima, matagal na silang pinagbabantaan ng kanyang kapatid na suspek na papatayin dahil sa away sa lupa.

Nakatakda naman sampahan ng kasong pagpatay ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

HULING AWIT 

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang lalaki na huling kanta na pala nito nang dumalo sa isang birthday party ng kanilang kapitbahay nang tarakan ng kainuman dahil umano sa pang-aagaw ng kanta, sa Isabela.

Kinilala ang biktimang si Rey Borja, 43, magsasaka, habang tugis naman ang suspek na kinilalang si Jun Ramirez, 32, kapwa residente ng Barangay Aurora, bayan ng Quezon, Isabela.

Batay sa report ng Quezon Police Station, dakong alas 10:20 Sabado ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng isang Marissa Laggui, na siyang may kaarawan at bisita nito ang dalawa.

Habang nagkakasiyahan sa inuman, bigla na lamang umanong kinanta ng biktima ang nakasalang na awit na umano’y isinalang ng suspek.

Pilit umanong kinukuha ng suspek ang mikropono sa biktima pero hindi umano pinagbigyan, dahilan para kumuha ito ng kutsilyo at tinarakan sa dibdib si Borja saka mabilis na tumakas.

Isinugod naman sa Quezon Community Hospital ang biktima ngunit wala na rin itong buhay nang idating.

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong homicide.

 

Please follow and like us:
Read More

GYM INSTRUCTOR, 2 PA HULI SA DRUG BUST

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY–Tatlong lalaki, isa sa kanila ay gym instructor, ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad dito sa lungsod, alas 12:40 ng madaling araw, Linggo.

Kinilala ang gym instructor na si Elnor Paraiso Magali, alyas “Dodong”, 27, Purok Islam, dalang Lopez Jaena sa Brgy. Zone 1.

Ang pangalawang suspek ay nakilalang si Christian Roy Daug-Daug alyas “Roy”, ng Purok Gemelina, Brgy. San Jose ng lugar.

Nahuli rin ang isang Amerodin Mangandong Imam, ayon kay Provincial Drug Enforcement of Davao Sur (PDEA) sa pagpanguna ni IA III Meldred Driz-Romero.

Isinagawa ng Digos City Police Office (DCPO) ang naturang operasyon sa Purok Anahaw, Mabini Ext., Brgy. San Miguel.

Ayon sa PDEA, nakuha sa posisyon ni Magale ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu, P2,000 marked money at mobile phone na gamit umano sa transaksyon.

Sa posisyon naman ni Imam nakuha ang dalawang pakete ng shabu at ilang drug paraphernalia at ang sinasakyang kulay pula na Honda wave motorsiklo, na may plakang LA51278.

Habang si Daug-Daug ay nakunan lamang ng mga drug paraphernalia.

Ayon sa mga otoridad, may timbang na .04 gramo ang nakuhang druga at may street market value na P4,000.00.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o comprehensive anti-illegal drugs act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

GRANDSLAM PRESSURE 

(NI ANN ENCARNACION)

MAS tumindi ang pressure sa San Miguel Beer na masungkit ang ikalawang grandslam title sa Philippine Basketball Associaiton (PBA) matapos maibulsa ang Commissioner’s Cup title kontra TNT Katropa.

Unang napanalunan ng Beermen ang Philippine Cup title kontra sa Magnolia Hotshots sa decider Game 7 noong Mayo bago tinalo ang TNT Katropa sa Game 6 noong Biyernes at isukbit ang ikalawang titulo.

“Naabot na natin ang 2/3 ng target, 1/3 na lamang ang natitira,” sabi ni Robert Non, SMB’s representative sa PBA Board.

Hindi pa rin nakalilimutan ni Non ang masaklap na nangyari dalawang taon na ang nakararaan kung saan halos abot-kamay na nila ang grandslam subalit nabigo sa ikatlong at huling titulo na PBA Governors’ Cup nang matalo sa semifinals sa sister team Barangay Ginebra, na tinalo sa finals ang Meralco Bolts.

Limang koponan lamang ang naka-grand slam sa 43 taong PBA league; Crispa Redmanizers, Alaska, San Mig Coffee, at San Miguel team nina Ramon Fernandez, Hector Calma at Samboy Lim sa ilalim ni coach Norman Black noong 1989.

Sa apat na grandslam teams, tanging Crispa lang ang nakadalawang grandslam, at ito ang tatangkaing pantayan ng Beermen.

At para maisaktuparan ang kanilang misyon, kukunin ng Beermen ang serbisyo ng isang NBA G-League player sa katauhan ni Dez Wells para sa 2019 Governor’s Cup, ayon sa ulat ng Spin.ph.
Ang 27-anyos at 6-foot-5 na si Wells ay naglaro ng isang taon para sa Xavier bago lumipat sa Maryland kung saan siya tinanghal na First Team All-Big Ten ng coaches noong 2015.

Naglaro rin siya para sa Oklahoma City Blue sa NBA G-League bago sa Greece at Italy. Huli siyang naglaro para sa VL Pesaro sa Serie A sa Italy at nag-averaged ng 8.75 points, 3 rebounds at 1.25 assists.

Nabatid na maglalaro na ito para sa San Miguel sa East Asia Super League Terrific 12 sa Macau sa susunod na buwan (Setyembre).

Hindi makakasama sa Macau si June Mar Fajardo na inaasahang magpapahinga muna matapos ang Gilas Pilipinas obligations sa FIBA World Cup ngayong buwan, at Marcio Lassiter na nagpapagaling pa rin sa MCL sprain injury.

Please follow and like us:
Read More

JANELLA AMINADONG DATING ‘PABEBE’

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

AMINADO si Janella Salvador na “pabebe” pa raw ang boses niya dati. Isa si Janella sa suki ng ABS-CBN’s Himig Handog dahil isa si Janella sa interpreter muli ngayong 2019 Himig Handog.

Ang kantang “Nung Tayo Pa” na isinulat ni Rex Torremoro at Elmar Jann Bolano ang entry nila at obviously, isang break-up song.

Sabi ni Janella, “Feeling ko kasi, itong song na inoffer nila sa akin this time, very different from all the other songs that I sang before.

“First break-up song ko siya at parang power ballad din ang dating niya at heartfelt. Sabi ko, masaya naman ako habang ginagawa ko siya. Ang ginawa ko na lang, ninamnam ko yung song habang nirerecord ko siya.”

Nasa 4,000 daw ang entries na pumasok hanggang sa nasala ito to 12 finalists. At sa top 5 placers, mananalo ang mga ito respectively ng 1 million pesos, P500,000, P200,000, P150,000 at P100,000 cash prizes. Puwedeng ma-stream sa lahat ng digital music stores worldwide ang mga kanta at ang grand finals ay sa October 13 sa “ASAP Natin ‘To.”

 

Please follow and like us:
Read More

TIME IS UP

the big one

‘The Big One’, hinog na — JICA

(Ni Fernan J. Angeles / Unang Labas)

KUNG pagbabasehan ang siklo ng mga naganap na pagyanig ng lupa sa ating bansa, halos tiyak na at nalalapit ang paggalaw ng mga bitak sa lupa o ang higit na kilala bilang earthquake fault system na bumabagtas sa limang lalawigang sakop ng dalawang rehiyon kabilang ang Metro Manila.

Sa pinakahuling pagsasaliksik ng pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (Jica), lumalabas na ang West Valley Fault System na bumabagtas sa Metro Manila at apat pang karatig lalawigan ay ¬gumagalaw kada 350 taon at sa bawat paggalaw nito ay nagdudulot ng malalakas na pagyanig — sukdulang lakas na aabot sa magnitude 7.2 lindol.

Ang nasabing faultline, na nagdulot ng mga matitinding pagyanig ng lupa nitong nakalipas na 1,400 taon, ay huling gumalaw 356 taon na ang nakakaraan — nangangahulugang hinog na ang nasabing siklo at mataas ang posibilidad na maganap na ang pinangangambahang ‘Big One’ anumang oras ngayon.

Bukod sa nasabing faultline, marami pang ibang bitak sa Metro Manila ang tinukoy ng JICA sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. Sa mga natukoy na active faultlines, ang West Valley Fault, anila ang ay kakayahang magdulot ng pinakamatinding dagok.

“Of the many natural disasters such as typhoons, volcanic eruptions, droughts and tsunamis that visit the Philippines, earthquakes “pose the greatest threat to life, property and the economy,” saad pa ng bahagi ng JICA study na nagbabala din ng sukdulang dusa at delubyo kabilang pa ang pagkalugmok ng ekonomiya ng bansang nakasandal sa Metro Manila na nag-aambag ng 35 porsiyento ng kabuuang gross domestic ¬product ng buong bansa.

Sa parehong pag-aaral, nababadya din anila ang pagkawasak ng 40 porsiyento ng mga kabahayan at 35 porsiyento ng mga nakatayong pangkalahatang pasilidad (tulad ng mga paaralan, ospital, simbahan at maging ang mga tanggapan ng pamahalaan sa loob ng 1,100 ektaryang sakop ng West Valley Fault System.

Nakikinita na din sa nasabing pag-aaral ang pagbagsak ng mga imprastraktura tulad ng mga tulay, kalsada at iba pa, maging ang pagkaparalisa sa suplay ng kuryente, pagkaputol ng suplay ng tubig at komunikasyon.

Higit pa sa mga ekonomiya at imprastraktura, pinangangambahan din ang pagkamatay ng may 55,000 katao (35,000 direktang biktima ng lindol at 20,000 naman mula sa mga kaakibat na aksidente tulad ng sunog.

“The human loss, together with properties and economy losses of Metropolitan Manila will be a national crisis,” lahad din ng mga dalubhasang Hapon sa likod ng naturang malalimag pagsasaliksik.

Bahagi ng West Valley Fault sa Metro Manila.

Quezon City:

Bagong Silangan

Bagumbayan

Batasan Hills

Blue Ridge B

Libis

Matandang Balara

Pansol

White Plains

Ugong Norte

Loyola Heights

Pasong Putik Proper

(Pasong Putik)

Payatas

Marikina City:

Barangka

Industrial Valley

Malanday

Tumana

Pasig City:

Bagong Ilog

Ugong

Makati City:

East Rembo

Pembo

Rizal

Comembo

Taguig City:

Bagumbayan

Bagong Tanyag

Upper Bicutan

Central Bicutan

Lower Bicutan

Maharlika Village

Pinagsama

North Signal Village

Central Signal Village

South Signal Village

Ususan

South Daang Hari

Muntinlupa City:

Alabang

Bayanan

Buli

Cupang

Poblacion

Putatan

Sucat

Tunasan

Please follow and like us:
Read More

KAHULUGAN AT LAYON NG BUHAY

PINOY ABROAD

ANO ba ang meaning and purpose of life? Ito ang paksa o pinagtuunan ng pansin ng pantas na si Haring Solomon sa aklat ng Ecclesiastes o Aklat ng Mangangaral. Sa final answer niya tungkol sa kahulugan at layunin ng buhay na matatagpuan sa katapusan ng chapter 12 ng book of Ecclesiastes ay in-explore niya ang iba’t ibang alternatibo sa pagtuklas ng kahulugan ng buhay.

Natuklasan niya na maraming mga mangmang na tao ang lumilikha ng paraan para masumpungan ang kahulugan ng buhay. Ang iba ay nagpapakalunod sa pag-inom ng alak, pambababae, pagkamal ng maraming pera, magkaroon ng kapangyarihan, magtayo ng magagarang bahay, magkaroon ng iba’t ibang sasakyan, at maglibang sa pagtatanim ng magagandang bulaklak, nagsasaliksik ng ibang karunungan at iba pa.

Maging si Haring Solomon na mayaman at marunong na tao ay sinubukan ang lahat ng bagay, alak, babae at nagtayo ng magarang palasyo at hardin. Nagsuot ng mamahaling damit at sumakay sa magagarbong chariot. Sumaliksik din ng karunungan at nakipag-ugnayan sa iba’t ibang hari at siya’y hinangaan.

Sa kabila ng karangyaan at tagumpay ni Haring Solomon at nakatuon lang ang pansin sa mga ganitong bagay, sinabi niya na: “Pagkatapos, inisip kong mabuti ang mga ginawa ko at ang pagod na aking pinuhunan. Nakita kong ang lahat ay pawang walang kabuluhan; tulad lang ito ng paghahabol sa hangin.” (Mangangaral 2:11)

Walang makapagbibigay ng kasiyahan sa kanyang pagsasaliksik sa kahulugan at layunin ng buhay! Sapagkat ang lahat ng kanyang sinubukan ay pawang limitado at pansamantala lamang. Halimbawa, nagkamal ka man ng malaking kayaman subalit ito’y mapupunta lamang sa iyong mga maiiwan sa buhay. Ito rin ay walang kabuluhan! “This too is meaningless” (Ecclesiastes 2:17-19). Maging sa pagsasaliksik ng karunungan, ito’y wala ring kabuluhan lalo na kung pansarili lamang.

Ang final purpose of life ay hindi masusumpungan sa anomang nilikha. Bawat magandang bagay ay may kanya-kanyang tamang panahon at lugar subalit kung dito lang tayo naka-focus o dito lang umiikot ang buhay natin, ito’y magiging walang kabuluhan, at tulad lang ito ng paghahabol sa hangin.

Kaya’t ito ang payo ni Haring Solomon, “Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa Diyos.” (Mangangaral 12:13). (PINOY ABROAD /  Guiller Valencia)

Please follow and like us:
Read More

TALAMAK ANG KORAPSYON SA DPWH

BAKBAKAN NATIN

NAKASASABIK ang iaanunsyo ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) tungkol sa dalawang miyembro ng gabinete ng administrasyong Duterte na iniimbestigahan ng ahensiya tungkol sa korapsyon.

Sabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, nasa “final stage” na ang imbestigasyon laban sa dalawa.

Pinag-aaralan na lang ang “penalties” na ipapataw sa dalawa, tugon ni Belgica.

Sino kaya ang dalawang ito?

Syempre, hindi na kasama si Secretary Emmanuel Piñol, sapagkat lumitaw sa imbestigasyon ng PACC na hindi ito nagpayaman habang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Ang paglilinis sa pangalan ni Piñol ay nakasaad sa PACC Resolution No. 14, series of 2019 na inilibas nitong Hunyo 10 ng taong kasalukuyan.

Tinanggal na siya sa DA ni Pangulong Rodrigo Duterte at itinalagang hepe ng Mindanao Development Authority (MDA).

Ang alam kong napabalita sa media na iniimbestigahan ng PACC ay sina Secretary Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE), Isidro Lapeña ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at National Commission on Indigenous People (NCIP) Chairman Leonor Oralde-Quintayo.

Ang kaso ni Lapeña ay may kinalaman sa ismagling ng P6.4 bilyong shabu.

Tungkol naman sa reklamong pangingikil ng P6.8 milyon sa Azizzah Manpower Services kaugnay sa pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa ang imbestigasyon ng PACC laban kay Bello.

Walang detalyeng nakarating sa media hinggil sa partikular na kasong kinasangkutan ni Quintayo.

Marahil, ito’y dahil sa hindi sikat na opisyal si Quintayo – ‘di tulad nina Piñol, Lapeña at Bello.

Masuwerte itong si Secretary Mark Villar, sapagkat hindi ito napapabalitang nasangkot sa anomang katiwalian at korapsyon simula nang maging kalihim ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH), samantalang alam ng publiko na talamak ang katiwalian at korapsyon sa DPWH.

Hindi naman tayo ipinanganak kahapon hinggil sa beteranong katiwaliang nangyayari sa DPWH.

Ang DPWH ay palaging pasok sa sarbey tungkol sa katiwalian at korapsyon sa pamahalaan.

Mayroon ngang balita dati na may ilang ‘matitikas’ na matataas na opisyal sa DPWH na hindi pwedeng “exempted” sa komisyon sa malalaking proyekto ng DPWH.

Kung wala mang reklamo ng katiwalian at korapsyon laban kay Villar, hindi nangangahulugang literal na wala ng katiwalian at korapsyon sa DPWH.

Kung hindi man isinasalang sa tinatawag na “lifestyle check” si Villar, hindi rin ibig sabihin na walang tiwali at korap na opisyal sa DPWH.

Tanungin natin sina DPWH – NCR Director Ador Canlas at Assistant Director Juby Cordon kung tama ako o mali.

Tanungin din natin sina DPWH – Region 4 – A Director Samson Hebra at Assistant Director Yolanda Tangco.

Sila ay pawang beterano na sa DPWH.

Ang mga opisyal at inhinyero sa DPWH ay kilalang-kilala ang mga beteranong kontraktor.

Magpapalit-palit man ng mga pangalan ng kompanya ang mga kontratistang ito ay pihadong malalaman ng mga opisyal at inhinyero sa DPWH ang mga ito.

Ang mga kontratistang ito ay sumasalang sa subasta bago manalo at makuha ang proyekto.

Dito na sa proseso ng pagsusubasta ng proyekto ng DPWH ‘niluluto’ ang korapsyon.

Dapat iniimbestigahan din ng PACC kahit hindi kasapi ng gabinete ni Duterte, sapagkat napapalitan at natatanggal ang mga miyembro nito alinsunod sa kagustuhan ng pangulo ng bansa.

Matanggal man ang isang kalihim ng kagawaran, hindi awtomatikong natatanggal ang katiwalian at korapsyon.

Tandaan, hindi awtomatikong napapalitan at natatanggal ang mga “career officer” ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. (BAKBAKAN NATIN / Nelson Badilla)

Please follow and like us:
Read More

‘KUYOG MENTALITY’

BOMBA KA DAY

MINSAN may isang estudyanteng nagpasaklolo dahil tinangka siyang dukutan.

Itinuro niya ang lalaking dumukot sa wallet niya, mabuti na lang at agad niyang naramdaman kaya hindi nadekwat ang pera niya.

Dahil nasa may terminal siya ng tricycle nang mga sandaling iyon ay agad naalerto ang ilang tsuper.

Nang sabihin ng estudyante na: ‘Magnanakaw oh’ sabay turo sa lalaki ay agad itong pinaligiran ng mga ‘pa-hero’ na tsuper.

May nanadyak, may nanapak. Sige kani-kanya silang pasiklab.

Ang ending ng kwento? Ayun nakatakas ang magnanakaw.

Ang siste kasi, matapos magpakawala ng kamao ng isang sumaklolo, bumalik na ito sa kanyang tricycle. Ganundin ang isa pa, at ang isa pa. Hanggang ang kawatan, nakatakbo.

May isang nagtangkang pigilan ito, niyapos niya pero nakapiglas pa rin dahil wala namang ibang tumulong.

Yon mga ‘pa-hero’ na unang sumaklolo, nagkasya na lamang na habulin ng tingin ang tumatakbong snatcher.

Yon iba, pangisi-ngisi pa na para bang proud na nakasapak sila.

Napaisip ako, gusto ba talaga nilang tumulong o binigyang kasiyahan lang ang sarili sa pamamagitan ng pananakit sa iba?

May isa pang pagkakataon na nasaksihan ko ang ilang kalalakihan na parang mga boksingero na trip mag-practice.

May isang bangag na solvent boy o batang hamog ang nagtangkang mag-carnap ng jeepney. Siguro dala ng pagkabangag, napagtripan nitong imaneho ang nakaparadang jeep.

Wala siyang direksyon, parang bago pa lang natutong magmaneho.

Sa kanyang pagtakas, ilang sasakyan ang ginasgasan at sinagi niya kaya nagtulong-tulong ang mga tsuper na habulin siya hanggang maabutan nila. Trapik naman kaya hindi gaanong nakalayo ang tinedyer na carnapper.

Nang abutan, may isang hinila pababa sa jeep ang binatilyo at doon na nagsimula ang walang patumanggang pananakit.

May sumuntok, nanadyak, may sumasakal. Maya-maya pa, may dugo na sa mukha ang tinedyer.

Habang hindi magkamayaw ang mga sumasapak, may isang sumigaw ‘PATAYIN NA YAN!”

Nilingon ko, may edad nang lalaki. Parang kulang pa sa kanya na duguan na ang nasa harapan niya gusto niya talaga, humantong pa sa krimen.

Mali ang ginawa ng binatilyo dapat siyang maparusahan.

May tamang proseso. Nahuli na, dalhin sa presinto at kasuhan kung maaari na siyang kasuhan at ipaubaya na sa mga awtoridad. Iyon ang dapat mangyari.

Pero bakit wala na atang nakakaisip ngayon na ang mali ay hindi kailanman maitatama ng isa pang pagkakamali.

Ang binatilyong bangag na gumawa ng kasalanan, dapat bang patayin na lang?

Ang pagiging matulungin ay isa sa mga katangiang hinahangaan ng mga dayuhan sa ating mga Pinoy pero sa kasalukuyang panahon, tila nabago na ang kahulugan nito sa nakararami.

Yun bang ang pagtulong ay hindi naman dala ng hangaring makabuti sa kapwa kundi para mabenepisyuhan ang sarili.

Pansinin nyo sa social media. Kung ano ang trending topic naroon ang halos lahat ng ‘magagaling’. Hindi lang nagbibigay ng kanilang opinyon kundi naglalabas din ng galit o pagkamuhi sa taong inaakusahan na gumawa ng mali.

Ang nakatatawa pa riyan, kung husgahan nila o bantaan ang buhay ng taong ‘nagkasala’ ay para bang sa kanila ito may atraso.

Lutang na lutang sa socmed ang ‘kuyog mentality’ ng mga Pinoy ngayon kaya naman malas mo lang kapag may hindi natuwa sayo at ginawan ka ng kwento. Asahan mo na ang pag-alipusta sa iyong pagkatao, maging ang mga pagbabanta mula sa mga taong ni minsan ay hindi mo nakasalamuha. (BOMBA KA DAY! / Jocy Barlizo)

Please follow and like us:
Read More