MISTER NAG-SUICIDE HABANG KA-VIDEO CHAT ANG MISIS

(NI ANNIE PINEDA) HINDI nakayanan ng isang janitor ang labis na pangungulila sa kanyang asawa dahilan para tapusin ang sariling buhay nito sa pamamagitan ng pagbigti, sa Iligan. Kinilala ang biktimang si Lindif Lungtad Ligutom, 26, janitor sa paaralan ng MSU IIT at residente ng Purok 7 Tambo, Hinaplanon, Iligan City. Batay sa report ng pulisya, dakong alas 9:30 ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakabitin sa pintuan ng kanilang bahay. Sa pagsisiyasat ng pulisya, Agosto 14, nang umalis papuntang ibang bansa ang misis ng biktima para doon magtrabaho.…

Read More

ATENEO MUNTIK MASILAT NG LETRAN

(NI LOUIS AQUINO) MUNTIK nang ma-upset ng Letran ang Ateneo de Manila University ngunit sa huli ay nanaig ang UAAP champions Lady Eagles, 25-16, 22-25, 25-13, 25-20, sa pagsisimula ng Premier Volleyball League Season 3 Collegiate Conference Sabado sa FilOil Flying V Centre, San Juan. Nanguna para sa Ateneo si Faith Nisperos na pumalo ng 19 puntos kasama ang 17 attacks at dalawang aces, habang pitong aces sa kabuuang 13 ng Lady Eagles kasama ang eight kills ang kinamada ni Vanessa Gandler. “We have to adjust our rotation because Ponggay…

Read More

JULIA INULAN MULI NG BASHING SA POST ABOUT JOSHUA

(NI ROSE GARCIA) NAGBITIW daw ng salita si Julia Barretto, ito ay sa kabila ng katotohanan na break na sila ng ka-loveteam na si Joshua Garcia na “I will love that guy until my last breath.” Ang dahilan daw na nasabi ito ni Julia ay dahil very supportive raw sa kanya kahit anong mangyari at kilalang-kilala raw siya ni Joshua.” Pero dahil na rin sa pagkaka-ugnay niya sa break-up nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, gayundin sa break-up nila ni Joshua, tila kahit na nagbitiw ng ganitong statement si Julia,…

Read More

DATING BILANGGO TINADTAD NG BALA

crimeshooting

(NI ROSE PULGAR) PATAY ang isang dating bilanggo ng Mandaluyong City Jail na may kasong droga nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Barangay 145 Zone 16 Pasay City. Tadtad ng tama ng bala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang biktimang si Fernando Ibanez, 57, ng Twin Pioneer St., Extension, Barangay 189, Zone 20, ng nabanggit na lungsod at namatay noon din. Lumalabas sa report  na natanggap ni Police Col. Bernard Yang , hepe ng Pasay City…

Read More

P400-K CASH, CREDIT CARDS, TINANGAY NG ‘BASAG-KOTSE’ 

crime robber12

(NI NICK ECHEVARRIA) NILIMAS ng mga hindi pa nakikilalang miyembro ng “Basag Kotse” ang P400,000 na cash, credit cards at ATM cards mula sa isang  puting Toyota Fortuner (VAN 99) sa Marikina City, na pag-aari ng isang negosyante. Nabatid na bandang alas-8:00 ng gabi nitong Biyernes nang iparada ng negosyanteng si Tony Pangan, 39, ang kanyang kulay puting Toyota Fortuner (VAN 99) sa harap ng Alchemy sa kahabaan ng Lilac St., Brgy. Concepcion Dos, Marikina City, para magkasiyahan kasama ang kanyang mga kaibigan. Bandang ala-1:00 na ng madaling araw nitong…

Read More

CATRIONA GRAY KINONDENA ANG GINAWA SA TRANSWOMAN

Hindi rin napigilan ng ating Miss Universe na si Catriona Gray na mag-react sa nangyari sa transwoman na si Gretchen Diez na pinagbawalang gumamit ng comfort room for women sa isang mall at dinala pa sa police station. Tulad din ng ibang netizens and celebrities, kinondena rin ni Catriona ang ginawa sa transwoman at sey niya sa kanyang mahabang post sa Instagram account, ang naturang insidente raw ay nagpapatunay na kailangan na talagang i-implement ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill. “LGBTQ+ rights are HUMAN rights…

Read More

2 BABAENG CUSTOMS OFFICIAL SUGATAN SA PAMAMARIL

crime32

(NI LYSSA VILLAROMAN) SUGATAN ang dalawang babaeng opisyal ng Bureau of Customs (BoC) matapos na silay ay harangin at barilin ng apat na hindi kilalang suspek,  Biyernes ng gabi sa Makati City. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Maricon Manalo, 56, OIC sa Formal Entry Division (BoC) at ng Parkview Homes, Barangay Sun Valley, Paranaque City at Marietta Lasac, 60, Principal Appraiser sa naturang division ng BoC at ng Barangay Sun Valley, Paranaque City. Ang dalawang biktima ay naka-confine sa Makati Medical Center matapos magtamo si Manalo ng…

Read More

ELECTION OFFICER, ISA PA PATAY SA ROAD MISHAP

motoraccident12

(Ni JG TUMBADO) Isang election officer ang nasawi matapos masangkot sa aksidente sa kalsada sa Catarman, Samar. Nasawi habang isinusugod sa ospital ang 45 taong gulang na si Gerald Apelo, election officer sa bayan ng Mapanas. Batay sa imbestigasyon ni Patrolman Ramil Pedringal ng Catarman Municipal Police, sakay si Apelo sa kanyang motorsiklo patungo sa bayan ng Catarman ng siya ay masalpok ng kasalubong nitong motorsiklo sa bahagi ng national highway sa Barangay Pambujan dakong alas-6 ng gabi ng Biyernes. Nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng kabilang…

Read More

NAGPAHIRAM NG CELLPHONE; SINAKSAK NANG BINAWI

crime34

(NI ANNIE PINEDA) DUGUAN ang isang caretaker makaraan saksakin ito ng kawatan na ang istilo ay manghihiram ng cellphone sabay saksak, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Cauayan City. Kinilala ang biktimang si Dominique Liquanan, 21,  caretaker ng restoran, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Ricarte Cristobal, 21, kapwa residente ng Sillawit, Cauayan City. Batay sa report ng Cauayan City Police Station, naganap ang insidente sa nasabing lugar habang ang biktima ay nakatayo lamang sa kalsada. Dito, nilapitan siya ng suspek at unang nagpapakilala na isang Jay-Ar Pasamonte, saka…

Read More

3 PATAY SA PAMAMANHIKAN, TRAK LUMANGOY SA DAGAT 

(NI ANNIE PINEDA) NAUWI sa madugong trahedya ang pamamanhikan ng isang pamilya makaraan tatlo ang nasawi habang 12 ang sugatan nang mawalan ng preno at mahulog sa dagat ang sinasakyan nilang mini canter truck, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Negros Oriental. Kinilala ang mga namatay na sina Jenalyn Lubrido Capriano, 40; Maricel Dalmacio Lubrido; at Haide Cantoy Lubrido, 53, habang ginagamot naman sa ospital ang 12 sugatan kasama ang driver ng truck na kinilalang si Rolanda Amaca, mga taga Bacolod City. Batay sa report ng San Carlos City Police…

Read More

REBELDE NAGBALIK-LOOB SA GOBYERNO, ITINUMBA 

(NI ANNIE PINEDA) HINDI inakala ng isang lalaki na ang pagbabalik-loob nito sa gobyerno ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan matapos itumba ng umano’y  kanyang dating mga kasamahan rebeldeng New People’s Army (NPA), sa probinsya ng Makilala, Cotabato. Kinilala ang biktimang si Arnulfo Cartalaba, 46, may asawa at habal-habal driver habang sugatan si Arnold Gahil, 34, kapwa residente ng Brgy Biangan Makilala North Cotabato. Batay sa report ng Makilala-PNP,  naganap ang insidente sa bahagi ng Purok 1A , Barangay Kisante, Makilala, Cotabato. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang mga biktima ng…

Read More

CHINESE SINISI SA PAGTAAS NG KASO NG KIDNAPPING

crime kidnapping12

(NI AMIHAN SABILLO) PAGDAGSA ng mga Chinese national na nagsusugal sa bansa ang dahilan kung bakit tumaas ang bilang ng mga kidnapping incidents sa mga Tsino. Ito ang inihayag ni Police Lt. Col Elmer Cereno, tagapagsalita ng PNP-Anti kidnapping group. Ayon kay Cereno,  nakapagtala umano sila ng 52 kaso ng casino-related kidnapping incidents kung saan naaresto ang 119 Chinese kidnappers. Sa paunang imbestigasyon ng PNP-AKG marami umano ang mga Chinese nationals na nagsusugal sa bansa na dinadala ng mga junket operators mula sa mainland China, na pawang hinihikayat na magbakasyon…

Read More

EMPLEYADO NG DUMAGUETE LOCAL GOV’T HULI SA SHABU

SHABU-ARRESTED

ARESTADO ang 46-anyos na empleyado ng lokal na pamahalaan ng Dumaguete City sa ikinasang anti-drug operation sa Barangay Camanjac, Biyernes ng gabi. Nabatid sa sa hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Negros Oriental na si Grace Cruz, itinuturing na high-value target ang naarestong suspect. Anim na taon na umanong nagtatrabaho ang suspect sa lokal na pamahalaan sa Special Enforcement Unit ng lungsod. Dalawang malaking sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P68,000 ang nakumpiska sa suspect. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous…

Read More

PSC DISMAYADO SA MAHINANG PROMOSYON NG 30TH SEAG

psc21

(NI ANN ENCARNACION) DISMAYADO si Philippine Sports Commission (PSC) chairman at Team Pilipinas chef de Mission William “Butch” Ramirez sa kawalan ng promotional materials, visual advertisement at information campaigns tungkol sa 30th South East Asian Games. Kaya’t nais ni Ramirez na gamitin ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation Inc. ang natitirang apat na buwan bago ang SEAG, sa pagpopromote sa kada dalawang taong torneo na ihohost ng bansa sa ikaapat na pagkakataon. “We would like to see signs on all venues, competition and non-competition, that this is…

Read More

P500,000 SHABU MULA BILIBID NASAMSAM; 2 HULI

(NI JG TUMBADO) UMAABOT sa P500,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang miyembro ng sindikato ng droga na nagpapakalat sa Southern Luzon, Huwebes ng gabi. Kasabay ng anti drug operation ay ang pagkakadakip sa dalawang suspek na nakilalang sina Ruel Casao, 47 at Warren Villena, 41, sa Barangay Bolbok pasado alas 7 ng gabi sa Batangas City. Ayon kay Batangas City police chief Lt. Col. Sancho Celedio, nasamsam mula sa mga suspek ang 80 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P540,000. Sinasabi sa report na si Casao ang…

Read More

TSERMAN ‘IMPORMANTE’ NG MILITAR,  ITINUMBA NG NPA

leyte12

(NI JG TUMBADO) PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng apat na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Hilongos sa probinsya ng Leyte. Nakilala ang biktima na si Juan Loquisa, 43, ng Barangay San Antonio na dead on the spot sa lugar bunsod ng dalawang tama ng bala sa kanyang ulo. Batay sa inisyal na report ng Hilongos Municipal Police, kasama ng biktima ang kanyang biyenan at dalawa pa nang isagawa ang pagpaslang kay Loquisa sa labas ng bahay nito Huwebes ng…

Read More

DALANGIN NG BAYAN, IBALIK ANG STL

STL-4

Mahirap walang pagkain sa mesa (Ni Jun V. Trinidad / Huling labas) NGUNIT may ilan din namang STL kubradores na pilit lumalaban sa kabila ng desperasyon sa biglang pagkawala ng legal na hanapbuhay. “Sa hirap ng buhay ngayon, hindi dapat umasa lang sa pangungulekta ng taya para makaraos sa 24 oras. Kailangang humanap din ng ibang pagkakakitaan,” katwiran ni Maria Sheila Sarguilla, 53, isa sa mga dating kubrador ng loterya na nawalan din ng trabaho. Pinagkakaabalahan ngayon ni Sarguilla ang pagbebenta ng iba’t ibang kakanin sa bangketa – mainit na…

Read More

TINAMBAKAN: MAPUA PANALO SA JRU

(PHOTO BY MJ ROMERO) HINDI pinaporma ng Mapua Cardinals ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 83-63,  sa NCAA Season 95 seniors basketball tournament Biyernes sa Filoil Flying V Centre, San Juan. Pinagbidahan ni Laurenz Victoria ang Cardinals sa kinamadang 24 points sa 5-of-9 three-point shooting na sinamahan pa ng apat na rebounds. Nagdagdag naman si Rookie Paolo Hernandez ng career-best 20 points, five boards, three assists, at two steals. Dahil sa pangatlong sunod na pagwawagi ay nagimprub ang kartada ng Cardinal sa 3-5 panalo-talo kapareho ng JRU. “I’m happy and…

Read More

YAM IPINALIT KAY ERICH

MAY creative differences  nga sa gitna nina Erich Gonzales at mga production people ng new series ng Dreamscape, ang  Love Thy Woman. Si Yam Concepcion ang ipinalit kay Erich sa role na Dana Wong. So sobrang for  adults only na mga eksena kaya sumuko sa role. As in sobrang sexy o graphic ang mga bed scenes. Maapektuhan ang personal lovelife ni Erich pag ipalalabas na sa TV ang mga eksena. Mas nagiging daring na ang mga eksena sa TV series ng Kapamilya Network. Lalo na  ang mga lumalabas na mga series…

Read More

KORAPSYON SA BCDA/CLARK

BOMBAHAN NA FINAL

MATINDI raw ang korapsyon sa Clark, Angeles City sa ilalim ng pangangasiwa ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). Marami raw locator ang nagtatanong, kung bakit para yatang may mga pinapaboran na kompanya sa Clark? Duda tuloy nila ay laganap ang korapsyon o lagayan dito. May alam kaya rito ang BCDA, Clark Development Corporation (CDC) at Clark International Airport Corporation (CIAC)? Mukhang may mga tao silang kasabwat, kung hindi man sila at bakit pinapaboran ang isang kompanya na ang nakuhang lupain ay ekta-ektarya? Sa paanong paraan sila kumikita? Halimbawa, uupahan…

Read More

PAGPASOK NG MGA DAYUHAN DAPAT NAAAYON SA BATAS

RESPONDE.jpg

PINAIIMBESTIGAHAN ng ilang mambabatas ang biglaang pagdami ng mga Tsinong manggagawa sa Pilipinas partikular na tinutukoy ngayon ay ang mga nasa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Nakababahala ang pagdagsa nila mula sa Tsina lalo na may mga ilang ulat na hindi umano dumaan sa tamang proseso at walang tamang working visa ang mga ito. Ang ilan sa kanila ay nakapapasok bilang turista ngunit tumutuloy na bilang mga manggagawa kaagaw ang mga Pilipino sa trabaho rito sa ating sariling bansa. Heto na nga at pinatatawag na ng Kamara ang mga taga-Bureau…

Read More

URONG SULONG: ANG PAGBAWI NG BENEPISYO SA MGA EMPLEYADO

yourservice

MADALAS tayong makabalita mula sa ating mga kababayang manggagawa na minsan binabawi ng kanilang mga amo ang kanilang mga benepisyo — mga benepisyong matagal nang binibigay sa kanila taon-taon. Kadalasan, ginagawa na lamang dahilan ng mga amo na binabago nila ang istraktura ng kanilang mga benepisyo o kinakailangan nang magtipid dahil sa kahinaan ng negosyo o para maiwasang malugi at mawalan ng trabaho ang lahat. Dahil dito, karamihan sa mga ina­lisan o binawian ng mga benepisyo ay pumapayag kesa naman mawalan ng trabaho. Maaari bang gawin ito? Ito’y madalas na…

Read More