TATAY ‘DI NASARAPAN SA ULAM; MISIS, ANAK SINAKSAK

crime34

(NI ANNIE PINEDA) KRITIKAL ang mag-ina makaraan pagsasaksakin ng kanilang padre de pamilya habang kumakain nang hindi umano masarap sa nilutong ulam, probinsya ng Cauayan. Kinilala ang mag-inang Gloria De Guzman, 52, at anak nitong si Angelito De Guzman, 24, binata, pintor, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Edward Carag, 51 anyos, pawang residente ng Sipat St. Purok 7, Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela. Batay sa report ng PNP Cauayan, nasa hapag-kainan ang tatlo at kumakain nang bigla na lamang uminit ang ulo ng suspek at kumuha…

Read More

69-ANYOS RAPIST LOLO, ARESTADO

arrested123

(NI ANNIE PINEDA) ARESTADO ang 69-anyos na lolo na nahaharap sa tatlong bilang ng kasong panggagahasa nang madakip ng mga awtoridad sa ginawang opersayon, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Capiz. Kinilala ang suspek na si Krisigono De Juan, ng Brgy. Caridad, Jamindan, Capiz at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Amaga, Sigma, Capiz. Sa pinagsamang puwersa ng Jamindan Municipal Police Station at Sigma Municipal Police Station, dakong alas 9:00 ng umaga Agosto 13, nang madakip ang suspek sa Bgy. Amaga ng nasabing bayan. Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas…

Read More

JESSY MENDIOLA: LET PEOPLE GO. DON’T FIGHT FOR CLOSURE!

(NI VINIA VIVAR) MAY payo si Jessy Mendiola sa sarili at pati na rin sa ibang tao kung paano i-handle ang mga taong ayaw sa ‘yo. Say niya sa kanyang post sa Instagram Story, kahit pa mag-react siya, hindi naman magic ‘yun na mababago niya ang mga isip ng mga tao at mamahali’t irerespeto na siya. “I’m slowly learning that even if I react, it won’t change anything, it won’t make people suddenly love and respect me. It won’t magically change their minds. “Sometime, it’s better to just let things be.…

Read More

MURDER SUSPECT NANG-AGAW NG BARIL, PATAY

crimeshooting12

(NI HARVEY PEREZ) NAPATAY ang  isang 22-anyos na lalaki na inaresto sa bisa ng warrant of arrest  nang mang-agaw ng baril ng isang pulis dahil ayaw makulong sa kasong murder at iligal na droga, Miyerkoles ng madaling araw sa loob ng Manila Police District-Police Station 1, sa Tondo, Maynila. Nalaman  na ipinu-proseso ang mga dokumento ng suspek na si  Joshua Bajar ,22, ng Building 33 Aroma Compound ,Temporary Housing ,Vitas Tondo, dakong alas 12:30 ng madaling araw nang agawin nito ang baril ni  P/SSG Jayson Emata. Nakita umano  ni Patrolman…

Read More

DUMP TRUCK SUMIRKO: 1 TIGOK, 14 SUGATAN

accident135

(NI BONG PAULO) PATAY ang isa katao habang 14 ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang isang dump truck at nahulog sa kanal kaya tumilapon ang mga sakay nito sa naganap na aksidente sa Sitio Upper Riverside, Poblacion, Siayan, Zamboanga del Norte, Martes ng gabi. Dead on Arrival sa Siayan Diagnostic Center ang 18-anyos na sakay nito na si Junjun Montecillo, ng Brgy. Licabang, Dumingag. Sugatan naman sina Alvin Dunque, Jomar Maata, Jessie Secretaria na mga residente ng Tukuran, Zamboanga del Sur. Kabilang din sa mga nagtamo ng sugat sina…

Read More

SCHOOL HEAD, BGY OFFICIALS SA QC PWEDE NANG MAGSUSPINDE NG KLASE

(NI JEDI PIA REYES) PUPUWEDE nang magpalabas ng sariling desisyon patungkol sa suspensyon ng klase ang mga pinuno ng mga paaralan at barangay kapag masama ang panahon. Ayon sa Quezon City Public Affairs (QCPA), naipabatid na sa School Disaster Risk Reduction and Management Councils (SRDDMC) ng lungsod ang nasabing hakbang, alinsunod na rin sa rekomendasyon ng Department of Education (DepEd). Binigyang-diin ng QCPA na ang mabilis na pagdedesisyon ay makatutulong upang maiwasang mayruong masaktan o magbuwis ng buhay dahil sa epekto ng Habagat o bagyo at iba pang sakuna. Maging…

Read More

ROOKIE COP PUMAILALIM SA TRAK, PATAY

accident12

(NI ROSE PULGAR) BINAWIAN ng buhay  ang isang pulis na nakatalaga sa Makati City Police Station nang magulungan ng isang rumaragasang  trak na nakabundol sa kanya, Miyerkoles ng umaga sa lungsod. Kinilala ang nasawi na si  Patrolman Francis Ecalner, 25, at nakatalaga sa Makati City Police Community Precinct (PCP) 4. Si Ecalner ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ikinasawi nito. Agad naman sumuko sa mga awtoridad ang tsuper ng cargo truck na si John Paul Lansang, 24. Sa isinumiteng report  ni…

Read More

MOIRA, ‘DI PA RIN MAAYOS ANG ILONG SA MALING PROCEDURE

(NI BOY ABUNDA) ILANG buwan na nanatili sa bahay si Moira dela Torre pagkatapos ng pinsalang tinamo dahil sa isang procedure na ginawa sa kanyang ilong. Ayon sa singer ay mayroong pagkakamali sa ginawang non-invasive procedure sa kanya. “Well basically may nagkamali. My nose went on necrosis and it was a very simple procedure, but it went wrong. Hindi po siya naagapan agad because we had no idea what was happening. I was at high risk of being blind, of aneurysm, of heart attack and stroke. For three months I…

Read More

2 PATAY SA BREAK-IN NG MOTORSIKLO

accident121

(NI MAC CABREROS) NASAWI ang dalawang magkaibigan nang sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo, gabi ng Martes sa Marikina City. Naging huling biyahe nina Derrick Uy Rañola, 37, collector at Benikko Empedrado, 26, isang OFW, nang maaksidente ang mga ito mag-11:00 ng gabi sa M. A Roxas St., Brgy. Calumpang,  nasabing lungsod. Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, lumitaw na magkaangkas ang dalawa sa Yamaha Sniper MX 150 Motorcycle na wala pang plaka at minamaneho ni Ranola. Binabagtas ang M.A. Roxas St., nang mawalan ng kontrol sa manibela si Ranola hanggang…

Read More

BAR SHOOTOUT: 2 PATAY, 1 SUGATAN SA COTABATO

DALAWA katao ang iniulat na napatay habang isa ang kritikal nang pagbabarilin ang mga ito ng hindi pa kilalang suspect sa Cotabato City. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Anwar Sabang, 35, at isang alyas Thoe, kapwa mga residente ng Sultan Kudarat Maguindanao. Sugatan naman si Monies Guintawan, 45, ng Bubong Road Cotabato City. Nabatid sa Cotabato City Police Office na masayang nagiinuman ang mga biktima sa loob ng Gastric Place sa Tamse Road, Brgy Poblacion 3, nang biglang pagbabarilin ng mga suspect gamit ang kalibre .45 na…

Read More

SINAKMAL NG BUWAYA; ULO, BINTI NG 10-ANYOS NABAWI

palawan 12

KALUNUS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang 10-anyos na bata na naiulat na nawawala matapos lapain ng buwaya sa Barangay Salang, Balabac, Palawan. Noong Linggo pa naiulat ang pagkawala ng bata at nahanap ng awtoridad ang ulo at kanang binti ng bata sa isang search and rescue operation. Ayon sa ama ng biktima, sakay ng maliit na bangka ang kanyang tatlong anak para bumili ng asukal at kape sa tindahan na nasa kabilang ilog. Ngunit sa pag-uwi ay sinabing sinakmal ng buwaya ang bata na nakaupo sa huling bahagi ng…

Read More

NCAA JUNIORS BASKETBALL: ARELLANO PINIGIL NG LSGH

(PHOTO BY MJ ROMERO) PINUTOL ng CSB-La Salle Greenhills ang five-game winning streak ng Arellano sa 74-66 panalo Martes sa NCAA Season 95 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre, San Juan. Pinasan ni RC Calimag ang Greenies sa kanyang 19 points, four rebounds, at two assists habang nagambag ang kanyang mga teammate na sina Kobe Palencia ng 17 points; Jiam Quiambao, 13 points, at Gian Arciaga, 10 points. Maaga pa ay kinontrol na ng LSGH ang game nang magtala ng 10-puntos na kalamangan, 58-48, na nagawang hadlangan ang…

Read More

SHABU SA DRIVER’S LICENSE BUKING, RIDER KULONG

(NI SIGFRED ADSUARA) BUKING ang nakatagong shabu sa driver’s license ng isang 41-anyos na  motorcycle rider na naunang sinita dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet nang malaglag ang sachet ng shabu sa kanyang lisensiya  sa Bacoor City, Cavite. Kasong paglabag sa Sec 11 ng RA 9165 ang isinampang kaso laban sa suspek na si Choody Cruz, ng 16 Medicion 2B, Imus City, Cavite. Sa ulat ni Corporal Christian Jovita ng Bacoor City Police Station, dakong alas-3:00 Martes ng hapon nang parahin ng Bacoor City police  ang minamanehong motorisklo ng…

Read More

3 PULIS NAAKTUHANG TULOG SA PRESINTO, SINIBAK  

PNPLOGO1

(NI JG TUMBADO) PINAGSISIBAK sa puwesto ang tatlong pulis na nakatalaga sa Catmon at Sogod Municipal police station sa probinsya ng Cebu dahil bukod sa nahuling mahimbing na natutulog habang nasa kalagitnaan ng kani-kanilang duty ay hindi pa akma ang pagsusuot ng kanilang police uniform. Ang pagkakasibak sa tatlong pulis ay base sa mismong utos ni Police Colonel Roderick Mariano, director ng Cebu Provincial Police Office (CPPO), kasabay ng paghahain ng kasong administratibo laban sa mga ito. Ayon kay Mariano, pinagsusumite rin nito ang hepe ng Catmon at Sogod police…

Read More

STL KUBRADORES MAPIPILITAN SA JUETENG

JUETENG-7

(Ni Jun V. Trinidad / Pangalawang bahagi) TILA nawawalan na ng pag-asa ang ilang nagpapataya ng STL na muling magbubukas ang la­ngit para sa panawagan nila na ibalik ang pinagmumulan ng kanilang hanap-buhay bagaman tinawag na nila ang mga santo na tulungan sila habang ang ilan ay naglakad pa ng paluhod upang bigyang linaw ang kaisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang STL upang magkaroon sila ng legal na trabaho. Ito ay dahil ayaw na ng marami sa mga kubradores na bumalik sa dati nilang trabaho na itinuturing na…

Read More

ARANETA, 2020 OLYMPICS CHEF DE MISSION

(NI ANN ENCARNACION) ISANG dating atleta na naging national football striker ang magsisilbing chef de mission ng Team Pilipinas na sasabak sa 2020 Tokyo Olympic Games. Ito ay matapos  italaga sa naturang posisyon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang pangulo ng Philippine Football Federation (PFF) na si Mariano “Nonong” Araneta Martes ng umaga. Inihayag mismo ni Tolentino ang pagkakapili kay Araneta sa harap ng 35 pangulo ng national sports associations (NSAs) sa isinagawang POC general assembly sa Diamond Hotel. Unang  pagkakataon na uupo sa mataas na…

Read More

BLACK SAND MINING SA APARRI, CAGAYAN DAPAT IPATIGIL!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

NANGANGAMBA ang mga residente ng Appari, Cagayan dahil sa patuloy na dred­ging operation ng isang dayuhang kompanya kung saan natatakot ang mga mamamayan sa masamang epekto ng paghuhukay sa kanilang ilog. Ayon kay Joel Aquino at iba pang residente, umaabot na sa kanilang mga bahay ang tubig dahil sa pag-apaw ng ilog simula nang maghukay ang Chinese company. Nangangamba sila na gumuho ang mga gilid ng ilog kung patuloy ang paghuhuhay ng dayuhang kompanya. Nitong nakaraang Martes ay naglabas na ng kanilang resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Aparri na humihiling…

Read More

SUNUD-SUNOD NA BEST ACTRESS TAPOS FLOP ANG PELIKULA

(NI GORGY RULA) MAHIGIT kalahating bilyon na ang kinita ng Hello, Love, Goodbye na dalawang linggo na sa mga sinehan. Patuloy pa rin itong nagpapakita ng lakas sa takilya, dahil ang dami palang mga nag-uulit na panoorin. Domestic gross pa lang iyun, at hindi pa kasali ang mga international screenings talagang dinadagsa pa  rin daw ng mga manonood. Kaya malaki raw talaga ang posibilidad na maabot nito ang record ng The Hows of Us. Kasabay nang pananalasa sa takilya ng HLG, meron namang pa-hashtag ngayon ang mga JaDine fans ng #JusticeforIndak. Ang pagkakaintindi ko…

Read More

MANDATO NG PNP, TO SERVE AND PROTECT NANG WALANG KAPALIT

CHRISTIAN BOMB

BATIKOS mula sa mamamayan ang inabot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pahayag na puwedeng tumanggap ng regalo ang pulis mula sa publiko na humihingi ng tulong sa kapulisan. Ang pambabatikos ng mamamayan sa isyung ito ay patunay na hindi katanggap-tanggap sa publiko ang sinabing ito ng Pangulo dahil puwedeng pagmulan ng mas matin­ding corruption sa PNP ang pagtanggap ng regalo sa mamamayan kapalit ng kanilang trabaho. Mantakin n’yo, dinoble na nga ni Pangulong Duterte ang monthly sa­lary ng mga pulis, na ang suweldong ito ay hindi naman sa bulsa…

Read More

KARAHASAN SA ATING LIPUNAN

yourservice

MARAHIL napapanahon na a­ting pag-usapan ang isang isyu na matagal nang nais solusyuhan ng ating pamahalaan — ito ay ang dumaraming insidente ng karahasan laban sa ating kababaihan at mga bata. Kung tutuusin, marami na tayong mga batas na naglalayong sagutin ang problemang ito, isa-isahin natin sila: Una, ang Republic Act No. 6727 — ang batas na ito’y nagbabawal ng anomang diskriminasyon laban sa ating kababaihan lalong-lalo na sa lugar ng trabaho. Sunod dito ay ang Republic Act No. 6955 — na nagbabawal sa tinatawag natin noong  “mail-order-bride” kung saan…

Read More