3 NIRATRAT SA BARUNG-BARONG; 2 PATAY, 1 SUGATAN

crimeshooting12

(NI JULIE DUIGAN)

NAMATAY noon  din dahil sa tama nang bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang kaanib ng Batang City Jail (BCJ) , habang nasa malubhang kalagayan ang kanilang kasamahan, matapos ratratin habang nasa loob ng barung-barong sa Tondo, Manila, Lunes ng madaling araw.

Sina Herwin Tribidino , 19, ng  Blk.5 Ext.54 Baseco Compoiund Port Area ; at Allan Bautista,19, helper ng Bldg.15 Temporary Housing Aroma Compound sa Brgy.105 Tondo, ay kapwa  namatay noon din ,  habang patuloy na inoobserbahan sa Gat.Andres Bonifacio Medical Center , sanhi ng tama ng bala sa likod si Reynaldo Delposo ,18, ng Blk.11 sa Brgy.649 Baseco Compound, Port Area.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Jansen Rey San Pedro, kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang pagbabarilin ang tatlong biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya , natutulog ang mga biktima  nang may kumatok sa pinto, at napilitang bumangon si Bautista ngunit nagulat nang pagbabarilin  ng nag-iisang suspek na nakasuot ng face mask.

Tumakas ito kasama ang lookout.  Takot namang magsalita ang ilang saksi sa krimen.

Please follow and like us:
Read More

1 CHINESE NATIONAL, 2 PA, NAILIGTAS NG PNP-AKG

crime kidnapping12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASAGIP ng mga tauhan ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang tatlong biktima ng kidnapping sa magkakahiwalay na operasyon nitong linggo.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Elmer Cereno, tagapagsalita ng  PNP-AKG, nakilala ang mga nailigtas na mga biktimang sina  Adora Taberna, Noia Mae Mendoza at isang Chinese national na si Lilang Qui.

Lumalabas na unang nailigtas ng PNP-AKG  si Mendoza sa isang hotel sa Ermita, Maynila nitong Biyernes (Agosto 9),  matapos mapaulat na ilang araw na itong nawawala.

Sumunod namang nasagip nitong Sabado ang Chinese national na si Qui sa isang ring hotel sa Roxas Blvd sa Maynila kasama ang tatlo pang kababayan na hindi pa batid ang mga pangalan matapos silang ikulong ng kanilang mga kidnappers kung saan nakita pa sa kuha ng CCTV kung paano ini-lock ng mga suspek ang isa sa mga silid ng mga biktima sa nasabing hotel.

Sa isang inn sa Dagupan City, Pangasinan naman natunton ng PNP-AKG ang kidnap victim na si  Taberna  na tatlong araw na ring iniulat na nawawala na dinukot umano sa Caba, La Union, makaraang hindi makabayad sa P500,000 sa dalawang lalaki na pinagkakautangan nito.

Gayunman duda ang PNP-AKG sa kaso ni Taberna na posibleng ‘kidnap me’ matapos mabatid na problemado ito sa pera at nagbabakasakali umanong  makahingi sa kanyang nobyong Amerikano sa pamamagitan ng nasabing modus na sinisikap na mai-establish ng pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

LEVEL-UP PHL TRACK CYCLING  

(NI ANN ENCARNACION)

PALALAKASIN pa ng Pilipinas ang isa sa pinagkukunan nito ng mga medalya sa iba’t ibang torneo sa loob at labas ng bansa, ang track cycling.

Isa ang track cycling sa mga isport na napagtatagumpayan ng mga Pilipino sa kada dalawang taong South East Asian Games kaya nais ng isa sa mga national team coaches na si Ednalyn Calitis Hualda na mapalakas pa itong lalo sa pamamagitan ng pagtungo sa South Korea para sa serye ng training at coaching clinic.

Bitbit ni Hualda ang dalawang batang rider na sina Joshua Bonifacio at Rex Luis Krog na dating nasa Under-21, sa pagsabak sa Yangyang International Track Event simula Agosto 13 hanggang 16,  2019.

Masusubukan nina Bonifacio at Krog ang OMNIUM I, isang serye ng track events, para sa kanilang dagdag na kaalaman at eksperiyensa bilang future gold medallist sa track cycling ng bansa.

Ilan sa makakasagupa nila an mga siklista mula sa Iran, Indonesia, Thailand , Malaysia, Myanmar at host Korea.

Hangad ni Hualda na maiangat ang disiplina sa cycling sa ilalim ng road race program ng  Philcycling sa pangunguna ng pangulo nito na si Bambol Tolentino.

Please follow and like us:
Read More

RIDER SUMEMPLANG, PISAK SA BUS

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

PISAK ang isang rider makaraan magulungan ito ng pampasaherong bus nang sumemplang umano ito sa pag-overtake, sa Iloilo City.Kinilala ng biktimang si John Martinez, 37, at residente ng Barangay Ito Norte, Cabatuan, Iloilo.
Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng Ceres bus na si Richard Sayat.

Batay sa report ng Dumangas-PNP, dakong alas 4:30 ng hapon ng Linggo nang maganap ang insidente sa kalsada ng Brgy. Balabag, Dumangas, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, binabaybay ng biktima ang nasabing lugar nang mag-overtake umano ito sa kasunod na motorsiklo subalit bigla na lamang siyang nawalan ng kontrol sa manibela dahilan para sumemplang ito.

Sakto naman na kasunod rin ang Ceres bus dahilan para pumailalim ito at magulungan ang katawan.

Kaagad naman dinala sa Don Jose Monfort Medical Center sa Barotac Nuevo, Iloilo si Martinez, pero nalagutan din ng hininga makalipas ang ilang oras.

Kusa naman sumuko sa pulisya si Sayat at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Please follow and like us:
Read More

BIYUDO TINAGA, BINARIL SA MUKHA

(NI ANNIE PINEDA)

SA tindi umano ng galit ng suspek, tinaga na binaril pa ang isang biyudo nang matagpuan ang bangkay nito sa bukid, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Negros Occidental.

Kinilala ang biktimang si Oming Lacida, 50, magsasaka, at residente ng Sitio Hilayan, Brgy. Prosperidad, San Carlos City.

Batay sa report ng San Carlos-PNP, nakita na lamang ang bangkay ng biktima sa bukid na may mga tama ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan at tama ng bala ng baril sa mukha.

Posible umanong matindi ang galit ng suspek sa biktima at ginawa ang karumal-dumal na pagpatay kay Lacida.

Nagpapatuloy ang ginagawang follow-up operation ng pulisya para sa pagkakakilanlan sa suspek at sa agarang ikadarakip nito.

 

Please follow and like us:
Read More

SI MATTEO ANG NAUNA; GAYA-GAYA BA SINA BINOE, DIET AT GERALD?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

DATI, sinasabing pulitika lamang ang pinapasok ng mga artista. Ngayon pati military service na. Nasimulan lang iyan ni Matteo Guidicelli, na sumailalim naman talaga ng ilang buwang training sa special action force, at tumira talaga sa kampo. Nakita rin siguro ng military na magandang impluwensiya iyon sa mga kabataan, at ang pagsali ni Matteo ay ginamit na nilang bahagi ng promotion ng military service.

Si Matteo, officially ay binigyan nila ng 2nd Lieutenant rank.

Aba hindi nagtagal, kasama na rin daw si Robin Padilla sa reserve force ng Philippine Army. Si Gerald Anderson na nag-train lamang ng tatlong araw sa kampo, at maliwanag na para lang naman iyon sa isang seryeng kanyang gagawin ay kasali na rin daw. Si Diether Ocampo ang huli, kasama na siya sa reserves ng Coast Guard. Mukhang iyan na naman ang nauuso ngayon?

Pero minsan dapat nating linawin iyan. Totoo ba na talagang kasali sila roon? Kasi mayroong mga organisasyon na nagbibigay ng military uniform at military rank pa na hindi naman talagang authorized para gawin iyon. Hindi nga ba kahit na si DILG Undersecretary Martin Dino ay nasita pa dahil sa pagsu-suot ng military uniform.

May umiiral na batas laban sa pagsusuot ng military uniform kung hindi ka talaga authorized na magsuot noon. Maski iyang mga artista sa pelikula at sa telebisyon, ikinukuha pa ng permit ang pagsusuot nila ng military o police unform kahit na sabihin mong para sa show lamang iyon.

Hindi ninyo masisisi ang militar kung maghigpit. Maraming mga nahuling NPA na ang gamit ay military colors. Marami ring kaso ng mga bank robbery na ang mga kriminal ay naka-suot ng military fatigue uniform. Kahit na nga ang mga sasakyan, bawal na pinturahan na kakulay ng sa pulis o military. Kaya iyang mga artista, o hindi man artista na sali nang sali, siguruhin muna ninyo ang sinasalihan ninyo.

Magbabago na raw si Gerald Anderson, at inaamin niyang may natutuhan din siyang leksiyon dahil sa nangyaring controversy sa kanilang dalawa ni Bea Alonzo. Naging aware siya na naging napaka-negative ng kanyang image dahil doon.

Pero naniniwala nga ba kayo na ganoon kabilis ang pagbabago?

Siguro dapat na maging maingat din ang mga nililigawan niya, at tanggapin na nila ang katotohanan na baka hindi pa siya talagang seryoso at kung magkaroon ng problema, iwanan na lang niya silang bigla. Huwag nang magtaka kung “ma-Bea” rin kayo. Talagang ganoon eh.

 

 

Please follow and like us:
Read More

P.6-M SHABU NAKUMPISKA SA 5 ARESTADO SA CEBU BUY BUST 

(NI NICK ECHEVARRIA)

UMAABOT sa halagang P639,000 ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng awtoridad sa dalawang magkakahiwalay na anti-drug operations sa Cebu City, ngayong Lunes.

Sa nasabing operasyon, lima katao ang dinakip ng mga operatiba ng Labangon at Calamba police na kinabibilangan nina Dahlia Ducay, 26, at Joseph Hernane, 49, sa  Sitio Mahayahay 2, Barangay Calamba 2, Cebu City pasado alas-12:10 ng madaling araw.

Nabatid mula kay P/Cpl. Keth Vincent Gabica, imbestigador, na ang dalawang nadakip ay parehong nasa  drug watclist ng Cebu City Police Office.

Isinuko ni Ducay sa mga pulis ang pitong medium at isang  large sachets ng umano’y mga shabu, isang coin purse, weighing scale na digital at isang P200 bill, habang nakumpiska naman kay Hemane ang dalawang medium sachets ng shabu.

Sa kabuuan ay nasa 58 gramo ng droga ang nakumpiska sa dalawang suspek na may katumbas na halagang P394,400.

Sumunod namang naaresto ng mga tauhan ng Labangon Police Station bandang alas-5:10 ng umaga ng parehong araw ang tatlo pang mga suspek sa gumagamit at nagtutulak ng droga kasama ang isang habal-habal driver sa ikinasang buy bust operation sa Filter Site, Barangay Tisa, Cebu City.

Nakilala ang tatlo na sina Francis Pabalate, 36, Vincent Yuson, 31, at Nestor Casas, 43, na nahulihan ng 36 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P244,800.

Sasampahan ngayon ang limang nadakip ng mga kasong paglabag sa nilalaman ng Republic Act 9165 na mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Please follow and like us:
Read More

DALAGA NI-RAPE, PINATAY NG TIYUHIN, 4 KAIBIGAN

maguindanao map12

(NI ANNIE PINEDA)

KAAWA-AWA ang sinapit ng isang 22-anyos na dalaga makaraan gahasain at patayin ito ng lima, kabilang ang sariling tiyuhin, habang nasawi ang isa sa mga suspek nang kuyugin at bugbugin ng mga residente, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon kay Parang MPS Chief Police Lt. Col. Ibrahim Jambiran, hindi pinangalanan ang 22-anyos na biktima at graduating student, ng Parang Maguindanao.

Batay sa report, natagpuan ang bangkay ng biktima na puro at sugat sa katawan sa likuran bahagi ng Parang National High School sa bayan ng Parang sa Maguindanao, noong  Agosto 10.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nadiskubre ang sulat ng biktima para sa kanyang ina at sinasabig ginahasa ito ng kanyang tiyuhin.

Kaagad naman nagsagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad at nadakip ang dalawa sa limang suspek subalit, kinuyog ng mga residente ang mga ito at namatay ang isa sa bugbog.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

PAMANGKIN TINUBO NG TIYUHIN, PATAY

crime600

(NI SIGFRED ADSUARA)

PATAY ang isang lalaki nang tubuhin ng kanyang tiyuhin matapos ang akusasyon sa nakawan sa Imus City, Cavite.

Namatay noon din ang biktimang si Felipe Bobis, may-asawa, walang trabaho ng Brgy Bulihan, Silang, Cavite  habang arestado naman ang tiyhun nitong si Jaime Laureles, 50, may-asawa, driver ng Block 16 Lot 3 Regal Homes, Brgy Alapan 1-A, Imus  City, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Jessie Villanueva ng Imus City Police Station, dakong alas-11:00 Linggo ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa Brgy Alapan 1-A, Imus City kung saan bumisita umano ang biktima sa kanyang tiyuhin.

Nagkayayaan umanong mag-inuman ang magtiyuhin nang sa kalagitnaan ng kanilang kuwentuhan ay naungkat ng suspek ang pagnanakaw ng biktima sa kanya.

Hindi nagustuhan ng biktima ang akusasyon sa kanya ng kanyang tyuhin kaya nauwi sa mainitang pagtatalo  na humantong sa palitan  ng maaanghang na salita hanggang sa kumuha ng tubo ang suspek at pinalo sa ulo ng kanyang pamangkin na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Naaresto naman ang suspek sa isinagawang follow up operation ng pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

2-ORAS HOSTAGE DRAMA: LALAKING DEPRESSED ARESTADO

ARRESTED-3

(NI NICK ECHEVARRIA)

MATAPOS ang tinatayang dalawang oras na negosasyon ng mga nagrespondeng pulis, ligtas na pinakawalan ng hostage taker ang kanyang 12-anyos na biktima sa Boac, Marinduque, nitong Linggo.

Naganap ang insidente bandang alas-8:25 ng gabi sa Brgy. Tampus ng nasabing bayan nang gawing hostage ng suspek na si Trovador Mabitad Buban, 38, ang biktima na kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Boac Municipal Police Station (MPS), alas-6:40 ng gabi nang matanggap nila ang tawag mula sa isang  kahera ng Petron Gasoline Station na nakilalang si Letty Cachombo, kaugnay sa nagaganap na hostage taking.

Agad nagpadala ng kanilang mga tauhan ang Boac MPS para payapain ang hostage taker at makaraan ang tinatayang dalawang oras na negosasyon, ligtas na pinalaya ang biktima habang maayos naman na naaresto ang suspek kasama ang ginamit na armas.

Sa salaysay ng asawa ng suspek sa mga imbestigador ng Boac MPS, dumaranas ng labis na depression ang kanyang mister na nauwi sa hostage taking sa menor de-edad na kanilang kapitbahay.

Isasailalim naman ng Municipal Social Workers Department (MSWD) sa debriefing ang biktima na posibleng na-trauma sa nangyari.

Nahaharap ngayon sa kasong  Serious Illegal Detention, Attempted Homicide kaugnay sa  RA 7610 at paglabag sa  PD 9 na inamyendahan ng  BP 6 ang nadakip na suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLA PATAY SA GUHO, APO SUGATAN

(NI ANNIE PINEDA)

NALIBING nang buhay ang isang lola habang sugatan ang kanyang apo nang gumuho ang lupa sanhi ng walang patid na buhos ng ulan kagabi sa probinsya ng Benguet.

Kinilala ang nasawi na si Gloria Rolando Langawan, 72,  habang sugatan ang kanyang apo na si Ben Rafael Langawan,10, kapwa residente ng Barangay Bangao, Buguias, Benguet.

Batay sa report ng Buguias Municipal Police Station, bandang alas 10:00 ng gabi ng Linggo, natutulog ang maglola sa loob ng kanilang bahay nang bigla na lamang gumuho ang lupa.

Halos natabunan ng lupa ang lola na agad nitong ikinamatay habang dinala naman sa Lutheran Hospital ang apo para lapatan ng lunas ang tinamong sugat.

 

Please follow and like us:
Read More

ACTOR LAGING NASA HOME CLINIC NG BADING NA INTERNIST

hunk

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ALAM mo Tito KC, mukhang masyado ngang health conscious ngayon ang poging male star na may kasamang dentista last week.

May isa pa kasing tsismis, si pogi raw ay dumalaw sa bahay ng isang doctor dahil may clinic din naman iyon sa kanyang bahay. Isang  “internist” ang doctor. Espesyalista sa internal medicine. Inabot din nang magdamag ang check up ng actor sa clinic.

Tinatanong din ng ilan, ano kayang internal organ niya ang kanyang ipina-check. Bading din daw ang internist.

Kung sa bagay mabuti rin naman na nagiging health conscious na ang poging male star ngayon.  At least pinangangalagaan niya ang kanyang kalusugan. Isipin mo nga naman, may asawa na siya at magdadalawa na ang anak niya. Kailangan talaga healthy siya para mas maihanda niya ang kinabukasan ng kanyang mga anak.

Tama ba ako Tito KC?

 

Please follow and like us:
Read More

MONTERO VS MOTORSIKLO: 1 PATAY, 1 KRITIKAL

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang driver ng motorsiklo ang natodas at malubhang nasugatan naman ang kanyang back rider matapos aksidenteng sumalpok ang kanilang humahagibis na sasakyan sa isang Montero SUV sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon, noong Sabado.

Nakilala ang biktima na si Junrey Palacio, 27, ng Barangay Ilayang Talim, sa siyudad na ito.

Sa imbestigasyon, bumangga ang humarurot na motorsiklo sa Montero na minamaneho naman ni Ariel Asinas habang lumiliko siya sa isang bahagi ng diversion road sakop ng Barangay Domoit bandang alas-8:30 ng umaga.

Sa lakas ng pagkakasalpok sa kaliwang bahagi ng Montero ay tumilapon sa sementadong highway ang dalawang sakay ng motorsiklo.

Dead on the spot si Palacio samantalang grabe namang nasugatan ang kanyang sakay na si Juvy Alvasan, 35, at mabilis na isinugod sa Quezon Medical Center sa kalunsuran.

Parehong walang suot na crash helmet ang dalawang motorcycle riders na lumalabag sa Republic Act 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009).

Napag-alaman ng mga imbestigador na walang driver’s license ang namatay na driver at maging ang kanyang motorsiklo ay expired din ang rehistro sa Land Transportation Office (LTO).

Please follow and like us:
Read More

PARKING LOT FIRE: 6 JITNEY, 1 SUV NADAMAY

fire

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASUNOG ang anim na unit ng jitney, isang SUV Montero at 1 motorsiklo na nakaparada sa isang compound sa Pasig City, Lunes ng umaga.

Naganap ang sunog sa isang parking area sa Castillo Street,  Brgy. Kalawaan, bandang alas-8:20.

Ayon sa  PCP 2 ng Pasig City Police Station, itinawag sa kanila ng caretaker ng nasabing parking lot na si Armando Jimenez ang sunog na agad naman nilang nirespondehan.

Mabilis naapula ang apoy na idinekalarang fire out ni FO3 Ramirez, fire investigator, makaraan ang sampung minuto.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga tauhan ng Bureau Fire Protection (BFP) sa Pasig ang naganap na sunog para matukoy ang pinagmulan at ang kabuuang pinsala na iniwan nito.

 

Please follow and like us:
Read More

‘DI PINAPORMA: AIR FORCE DINOMINA NG CREAMLINE

(PHOTO BY MJ ROMERO)

AGAD nagparamdam ang Creamline sa unang araw ng 2019 Premier Volleyball League Season 3 Open Conference nang talunin sa straight sets ang Air Force, 25-23, 25-20, 25-15, kahapon sa Filoil Flying V Centre, San Juan.

Bumida para sa Creamline si Michelle Gumabao na nagtala ng 14 points/kills, habang nagambag si Alyssa Valdez ng 13 points, 10 hits, two service aces, at one block.

“We’re really expecting a long and hard match, but definitely in the first set, even as a team, nag-adjust din kami,” sabi ni Valdez matapos ang game.

Matapos ang shaky first two sets, nakuha ng Creamline ang tempo ng laro para sa 10-7 na nauwi sa 18-9 advantage sa pagtutulungan nina Gumabao at Valdez, na pinalo ang huling tira tungo sa nasabing panalo.

“Overall, we’re really adjusting and coping sa system na dinadala sa amin ni coach Tai (Bundit). We have a lot of things to improve on going to the next games pa,” ayon sa three-time PVL MVP.

Nagdagdag si Risa Sato ng 11 markers, siyam mula kay Jema Galanza , habang kumamada ng 23 excellent sets si Jia Morado para sa Cool Smashers.

On point ang services ng defending champ Creamline na umsikor ng six aces kumpara sa isa lang ng Air Force.

Nanguna para sa Lady Jet Spikers si Dell Palomata na nagtala ng 14 points, habang nagambag ng 10 si May Ann Pantino.

Please follow and like us:
Read More

 LALAKI INAMBUS NG TANDEM SA HARAP NG INA

CRIME12

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY, Davao del Sur–Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Digos City Police Office (DCPO) upang malaman ang motibo ng pamamaril sa isang 30-anyos na lalaki habang ito ay nagmamaneho ng kanyang multicab, alas 4:55 ng hapon ng Linggo.

Kinilala ang nasawi na isang Kevin Zamora, residente ng Brgy. Sinayawan, sa bayan ng Hagonoy, Davao del Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa Rizal Avenue kanto ng Mary Crumb Street sa Barangay Zone 1 nitong lungsod.

Pauwi na ang biktima kasama ang kanyang ina na nakasakay sa harapan ng multicab nang bigla na lang dumating ang dalawang lalaking nakasakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril si Zamora.

Ayon sa mga nakakita sa insidente tumakas ang mga suspek matapos tadtarin ng bala ang biktima.

Agad binawian ng buhay ang biktima ngunit ligtas naman ang ina nito.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang DCPO upang matukoy ang mga suspek at makasuhan sa pamamaslang.

Please follow and like us:
Read More

PAGDIRIWANG NG SAKRIPISYO SA MUSLIM: EID AL-ADHA

EID AL-ADHA

(Ni EDZER LANUZA)

ANG August 12 ay idineklarang regular holiday sa bansa upang makiisa ang lahat sa pagdiriwang ng  Eid al-Adha o Eid ul-Adha na  isang Islamic festival sa mga Muslim.

Ginugunita sa araw na ito ang  pagpayag ni Ibrahim (kilala bilang Abraham) na sundin ang utos ni Allah (Diyos) na isakri­pisyo ang  kanyang anak na si Isaac.

Sinusunod ang pagdiriwang  na ito ng lahat ng mga kapatid nating Muslim kasama ang Druze sa buong mundo. Ang ibig sabihin ng Eid al-Adha o Eid ul-Adha ay “Fiest of the Sacrifice.”

Ito ang pangalawa at pang­huli sa dalawang kapistahang Eid na ipinagdiriwang ng mga Muslim, na ibinatay sa Kuran. Tulad ng Eid al-Fitr, sinisimulan ang Eid al-Adha sa maikling panalanging sinusundan ng sermon (khuṭba).

Pumapatak ang Eid al-Adha tuwing ika-10 araw ng buwan ng Dhul Hijja mula sa kalendaryong Islamiko. Nagtatagal ng tatlong araw ang pagdiriwang o higit pa, depende sa bansa.

Isinasagawa ang Eid al-Adha pagkatapos ng paglalakbay  sa banal na lugar (tinatawag na pilgrimage) mula sa  bundok ng Arafat  kung saan naroroon ang Hajj.

Ang Hajj ay taunang Islamic pilgrimage sa Mecca, Saudi Arabia, ang pinakabanal na lungsod para sa mga Muslim. Isang kautusan at  obligasyon sa relihiyon na isagawa ng lahat ng may edad na mga Muslim na  walang kapansanan at may pinansiyal na kakayahan na isagawa ang pilgrimage.

Sinusuportahan din ang mga pamilya sa panahong wala sila sa kanilang mga tahanan o nasa pilgrimage. Sa Islamic terminology, ang Hajj ay pilgri­mage para sa Kaaba, o “House of God”, na nasa sagradong siyudad ng Mecca.

Ang ritwal sa Hajj ay isinasagawa sa loob ng lima, o anim na araw, nagsisimula sa ika-walo at nagtatapos ika-13 sa araw ng Dhu al-Hijjah, ang huling buwan sa Islamic calendar.

Isa ito sa five pillars ng Islam, kasama ng Shahadah, Salah, Zakat at Sawm. Ang Hajj ay ikalawa sa largest annual gathering ng Muslims sa buong mundo, matapos ang Arba’een Pilgrimage sa Karbala, Iraq.

Samantala, nangyayari ang Eid al-Adha sa ika- 70 mga araw pagkalipas ng katapusan ng buwan ng Ramadan.

PISTA NG PAGSASAKRIPISYO, WALANG PASOK

 Ang Eid al-Adha ay isang public holiday. Itinuturing itong ‘day off’ para sa general population, kaya’t ang mga paaralan at karamihang mga establisimiyento ay sarado.

Ikinukusiderang mas sagrado ang Eid al-Adha mula sa dalawang Islamic holidays ( ang isa ay ang Eid al-Fitr)  na ipinagdiriwang sa buong mundo taun-taon.

Kinikilala sa pagdiriwang na ito ang pagpapaunlak ni Ibrahim (Abraham) na ihandog ang kanyang anak bilang pagtugon sa kautusan ng Diyos.  Pero bago ang pagsunod, nagbigay ang Diyos ng isang tupa kapalit ng alay.

Sa paggunita sa intervention, ang hayop ay inihain at hinati sa tatlong bahagi. Isa ay ibinigay sa mahihirap at nangangailangan, ang isa ay itinago sa tahanan, at ang ikatlo ay ibinigay sa mga kaanak.

KAHULUGAN NG BINDING OF ISAAC SA HEBREW 

Mababasa ang kuwento nina Abraham at Isaac sa Gene­sis 22. Sa biblical narrative, hiniling ng Diyos kay Abraham na ihandog ang kanyang anak na si Isaac, sa Moriah.

Patungkol ang pangyayaring ito sa isang malalim na pananampalataya at pagsunod sa Diyos. Nang  si Abraham ay 99-anyos na, ipinangako ng Diyos na siya at ang asawang si Sarah,  89, ay magkakaroon ng anak na lalaki.

Makalipas ang isang taon, natupad ang pangako ng Diyos, isinilang ni Sarah ang kanilang anak na si Isaac. Nang lumaki ito, sinubok ng Diyos si Abraham na  kunin ang kanyang anak at ialay sa kanya bilang burnt sacrifice.

Bagaman puno ng kalungkutan at pighati, sinunod ni Abraham ang sinabi ng Diyos nang walang pag-aalangan at dinala si Isaac sa bundok. Nagtitiwala at naniniwala siya na gagawa ng paraan ang Diyos na huwag mawala ang kanyang anak.

Nang maigapos si Isaac, nagpakita ang anghel ng Panginoon at pinatigil siya at nagsabi, “Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa bata, o gawan man siya ng anoman: sapagka’t talastas ko ngayon, na ikaw ay natatakot sa Dios, sa paraang hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak.” Genesis 22:12.

Sa passage, naganap ang pangyayari sa “mount of the LORD” sa lupain ng Moriah.” Sa 2 Chronicles 3:1 tumutukoy ang  “mount Moriah” sa lugar ng Solomon’s Temple. Kaya’t pinaniniwalaang ang lokasyon ay sa Temple Mount sa Jerusalem.

Please follow and like us:
Read More

LOOK-ALIKE LANG BA NI JACKIE RICE ANG P2 MILLION/NIGHT

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NATATAWA si Jackie Rice doon sa kumalat sa internet na pictures niya kung saan iniuugnay siya sa prostitusyon. Sinasabi pang para maka-date mo si Jackie, P2 milyon ang ibabayad mo dahil iyon ang presyo sa kanya ng kanyang handler. Tinawanan lang iyon ni Jackie dahil sino ba naman ang maniniwala sa ganoon?

Pero iyan ay hindi na bagong raket. Natatandaan namin, may ilang panahon na rin naman ang nakararaan na si “Alma Moreno” ay sinasabing “maaari ring maka-date sa Cebu”. Ang nakakatawa, wala naman ang tunay na Alma Moreno sa Cebu at nasa Maynila, mag-asawa sila noon ni Mang Dolphy.

Iyon pala ang raket nila ay “look alike”. Ipinakikita sa mga interesado ang pictures ng tunay na artista, at ang mga ad layout ng kanilang pelikula, para paniwalain na ang ihahatid nila para maka-date ng kliyente nila ay artista nga, at kumikita sila nang malaki.

Hindi lang iyan, kasama pa namin noon ang reporter na si Eddie Littlefield, nang tuklasin naman namin at imbestigahan para sa isang tabloid ang sinasabing look alike, nina Aga Muhlach, Gabby Concepcion at Richard Gomez. Dalawa ang look alike ni Aga, isang taga-Novaliches at isang taga-Malabon. Dalawa rin ang kamukha ni Gabby, iyong isa nga puntong Bisaya pa kung magsalita. Isa lang ang look alike ni Mayor Goma, pero malabo dahil 5’7” lang ang height.

Palagay namin ganyan rin ang ginagawa kay Jackie Rice, may nakuha silang look alike ng actress at iyon ang ipinapasa nila sa mga naloloko nilang kliyente na karamihan ay mga foreigners.

Mayroon pa ngang mas malaking raket na milyon din ang deal. Niloloko nila ang mayayamang bading na pinaniniwalang ang makakasama nila ay mga kilalang Korean actors na napapanood sa mga Korea novela na inilalabas sa telebisyon. Mayroong kamukha si Rain. Mayroon ding look alike si Lee Min Ho. May look alike din si Song Joong ki. Mayayamang Pilipinong bading naman ang target nilang kliyente, pero ang ipinakikilala nila sa mga Chinese male prostitutes talaga.

Kaya kung maniwala kayo na kaya nilang ibugaw ang mga artista, mag-isip muna kayo. Pero sa totoo lang, may isang Malate pimp na contact naman ng mga totoong artistang pa-booking,pero iyan iyong mga maliliit na artista lang na lumabas sa indie, o hindi pa mga sikat.

MAGKANO ANG IBINAYAD NI  DENTISTA SA MAGDAMAGANG PROPHYLAXIS SA ACTOR?

Tito KC, ito ang isang blind item na hindi ko mapapalampas. Kahit na sabihin mong may anak na ang actor, hindi naman maikakailang good looking siya talaga at pinagnanasaan pa rin. Isang gabi, nag-check in siya sa isang hotel sa Tagaytay para sa isang one day staycation. Matapos na mag-check in, ang hinihintay naman ng mga tauhan ng hotel na dumating kasunod niya ay ang kanyang asawa at anak.

Pero ang dumating, isang babaing may edad na, na kilalang dentist, at nagsabing expected siya ng actor. Pinapasok naman siya matapos na kumpirmahin ng actor na hinihintay nga niya ang “kanyang dentista”. Alas nuebe na raw nang umaga nang lumabas ang “dentista” sa kuwarto ng actor, batay sa record ng security ng hotel. Mukhang napakaraming mineral deposits sa mga ngipin ng actor kaya inabot nang magdamag ang kanyang dentista sa ginawang “prophylaxis” sa kanyang mga ngipin.

Dentista iyon eh, siyempre ngipin lang ang titingnan. Alangan namang “executive check up” ang ipinagawa sa kanya ng actor eh dentista lang siya. Ang nagtatawang tanungan nila “magkano raw kaya ang ibinayad ng dentista sa actor” para sa overnight na prophylaxis?

 

Please follow and like us:
Read More

TRAFFIC POLICY NG MMDA PABOR SA MGA NAKA-KOTSE, SUV’S AT SPORTS CARS

CHRISTIAN BOMB

SA kabila na pumapalpak ang “yellow lane” policy ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nang magmistulang parking lot ang kahabaan ng EDSA, ay tuloy pa rin daw ang plano ng MMDA na bakuran ang yellow lane para makontrol ang daloy ng mga bus sa EDSA.

Nagkaroon ng lakas ng loob ang MMDA na ituloy ang palpak nilang polisiya sa trapiko dahil kinampihan pa sila ng Malacañang sa isyung pagpapatupad nila ng yellow lane sa EDSA.

Magugunitang ma­tinding batikos mula sa mga bus commuter ang inabot ng MMDA dahil sa maladelubyong sitwas­yon ng trapiko sa EDSA simula noong nakaraang Biyernes dahil sablay ang kanilang traffic scheme.

Tinatawag pa nga ng mga bus commuter na anti-poor at anti-commuter ang polisiya ng MMDA dahil maluwag ang lanes para sa private vehicles habang ang dalawang yellow lanes para sa mga bus ay nagmimistulang malaking parking lot.

Sa kabila nga na nakatikim ng matinding batikos, ayon sa MMDA ay paninindigan nila ang kanilang desisyon na mas mahigpit na pagpapatupad sa yellow lane para sa mga bus sa EDSA.

Ang palusot ni MMDA traffic chief Col. Edison Nebrija, ay ang kawalan daw ng disiplina ng mga motorista, partikular ng city bus drivers ang sanhi ng masikip na daloy ng trapiko at hindi raw ang polisiya nila sa kalsada ang dapat sisihin sa naganap na mala-delub­yong trapik sa EDSA.

Dahil nga pinanindigan na ng MMDA ang polisiya nila sa EDSA kahit na ito ay palpak, ang plano nila ngayon ay lakihan ang yellow lanes at lagyan ng mga fence at baller ang EDSA para tiyaking manatili sa tamang lanes ang mga motorista.

Ayon pa sa MMDA ay ipupwersa na nila ang tamang paggamit ng lanes at ang mga susuway ay huhulihin.

Kung susuriin ang statement na ito ng MMDA, dito makikita na wala silang malasakit sa mga mamamayan na bus lang ang kayang sakyan patungo sa kanilang mga pupuntahan.

Hindi ramdam ng MMDA ang nangyari, na dahil sa palpak nilang polisiya sa kalsada, lalo sa EDSA ay maraming pasahero ang hindi na pumasok matapos ma-stranded sa matinding trapiko, samantalang ang iba naman ay kailangang maghintay nang matagal para makagamit ng rest room hanggang makaabot ng bus terminal at may mga naobligang commuters na bumaba ng bus at maglakad na lang ng pagkalayo-layo sa kanilang patutunguhan sa kasagsagan pa mandin ng ulan.

Dahil sa polisiyang iyan ng MMDA, diyan makikita na anti-poor talaga ang sistemang ipinatutupad nila sa EDSA, na ibig sabihin, wala silang pakialam kung makatikim man ng grabeng trapik ang mahihirap na sumasakay ng bus, basta’t para sa kanila (MMDA) ay huwag lang matrapik ang mga nakapribadong sasakyan.

Ika nga, ang traffic policy na ito ng MMDA ay pabor sa mga naka-kotse, naka-SUV’s at sports cars.  (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN (VAWC)

yourservice

TAONG 1994, higit isang dekada na ang nakalilipas, ipinatupad ng ating Kongreso ang Republic Act No. 9262, na epektibong lumikha ng pa­raan kung paano natin tinuturing ang karahasan sa tahanan – lalo na kung paano natin maaaring protektahan ang kababaihan at mga bata mula sa pisikal, emosyonal, sikolohikal at pang-ekonomiyang pang-aabuso mula sa kanilang dating asawa, kasintahan, at dating partners.

Ayon sa batas na ito, kinikilala na ang “karahasan batay sa kasarian ay isang uri ng diskriminas­yon na pumipigil sa kakayahan ng kababaihan na matamasa ang mga karapatan at kalayaan batay sa pagkakapantay-pantay sa kalalakihan.”

Anong mga remedyo ang makukuha ng kababaihan mula sa batas na ito? Ang batas ay partikular sa kasarian o “gender-specific” —  dahil maaari lamang nilang isampa ang mga aksyon laban sa mga nagkasala, kung lalaki o babae man ang nagkasala. Ang batas ay sumasakop sa mga relasyon —  nakaraan man o kasaluku­yan,  kasal, live-in, sekswal o pakikipag-date —  ang batas na ito ay nagbibigay ng remedyo sa pamamagitan ng isang order sa proteksyon sa isang aksyong sibil o sa isang kriminal na pagkilos, bukod sa kriminal na aksyon para sa paglabag nito. Ginagawa nito ang proseso ng pagkuha ng isang “restraining order” laban sa mga may sala na mas madali at mas agaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga “protection order” mula sa parehong mga hukuman at mga opisyal ng barangay.

Sa madaling salita, ang batas na ito ay nagbibigay-daan para sa pagpapalabas ng tatlong uri ng mga tinatawag nating “protection orders”  mula sa barangay, isang Temporary Protection Order, at isang Permanent Protection Order. Ang “protection order” ng barangay ay ibinibigay ng punong barangay o ng isang barangay kagawad.

Ang pansamantalang mga order sa proteksyon at mga permanenteng proteksyon ay nanggagaling naman sa mga hukuman sa pamamagitan ng trial. Ang Temporary pati na rin ang Permanent Protection Order ay ibinibigay rin ng mga korte — ang pagkakaiba lamang sa kanila ay ang dating limitado sa tagal kaysa sa huli.Sa ngayon, maaari nating sabihin na sa kabila ng mga hamon at kahirapan sa pagpapanukala at pagpapatibay ng naaangkop at epektibong batas para sa kababaihan, ang ating bansa ay naging matapang at matatag at tuluyang humahakbang upang masi­guro ang pagkakapantay-pantay ng kasarian. Sa ngayon, maaari nating ipagmalaki ang “VAWC” na nagpoprotekta at iginagalang ang mga karapatan ng kababaihan at itinataguyod ang kanilang nararapat na lugar bilang pantay na kalahok sa pagbuo ng bansa.  (@YOURSERVICE / ATTY. DAVID AQUINO)

Please follow and like us:
Read More

HABANG TAYO AY PAUWI, SILA NAMAN AY PAPASOK!

GO FOR GOLD final

HINDI maalis sa kanila na mag-alala. Iniwan nila ang kanilang pamilya sa kasagsagan ng isang bagyo na maaaring ikapahamak ng kanilang mga mahal sa buhay. Kay hirap, lalo na para sa isang padre de pamilya, na wala sa bahay para sa kanyang pamilya sa oras ng peligro. Lalo na palapit na ang isang bagyong humahatak at nagpapalakas sa Habagat sa ating bayan.

Sino ang magbibigay ng lakas ng loob sa mga takot na bata? Sino ang mangunguna sa pagtaas ng mga gamit? Sino magdedesisyon pag kritikal na ang sitwasyon? Sino ang gagabay sa paglikas? Sino ang poprotekta sa kanilang pamilya? Sino ang magbabantay sa mga gamit na naiwan sa bahay?

Sa panahon na kritikal ang pagiging buo ng isang pamilya, ay siya namang panahon na kailangan nilang iwanan ito para magsilbi sa bayan.

Marami sa kanila, hindi kilala, tila mga walang pangalan na di maaalala kapag tapos na ang peligro. Iilan lang silang nagsasakripisyo para ang karamihan sa atin ay makatulog nang mahim­bing. Iilan lang sila na iiwanan ang pamilya sa oras na pinakakailangan sila nito.

Habang milyun-milyon sa atin ang magkayakap sa kaligtasan ng ating mga pamilya at proteksyon ng ating mga kabahayan, iilan lang ang mga bayaning ito na mag-isang basang-basa at nanginginig sa lamig habang nakabilad sa panga­nib at posibleng sakuna.

Sila ang mga ope­ratiba ng bawat lungsod, munisipyo, at ahensya ng pamahalaan na may kina­laman sa disaster at relief operations. Sila ang bantay sa ilog, ang operator ng pumping station, ang driver ng mga rescue vehicle, ang mga tao sa Central Command Center, ang mga nagtatrapik sa lansangan, ang mga sundalo at pulis na nakaantabay, ang naghahanda at nagluluto ng mga kakainin sa magdamag, ang mga tao sa evacuation center, at marami pang iba.

Kasama rin diyan ang ating mga kasama sa media na linalagare ang mga assignment na itinatawag sa kanila ng newsdesk na hindi iniisip ang sariling kapakanan.

Ngayon na panandaliang dumaan ang panganib dulot ng bagyo at habagat, mainam sana na hanapan natin ng pa­raan kung paano natin pasasalamatan ang mga bayaning ito – na itinaya ang kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay para makasama ng karamihan ang kanilang pamilya sa mga pinaka-kritikal na oras ng bagyo.

Sa amin sa Marikina, personal na nakatutok sa kaganapan ang City Administrator na si Ryan Salvador at mga kababayan namin na bumubuo ng Marikina City Rescue 161 tulad ni Citas De Vera, ang MCDRRMO, si Lou Navarro at mga kasama namin dati sa Marikina PIO, Colonel Josef at mga tao niya sa OPSS, si Engr. Ken Sueno at mga tauhan ng Engineering Dept., atbp.

Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat sa buong Pilipinas! (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More