BRGY. CHAIRWOMAN SA NARCOLIST PATAY SA TANDEM

(NI HARVEY PEREZ)

TODAS ang isang barangay chairwoman  na nasa listahan ng  narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos  pagbabarilin ng suspek na riding in tandem habang nakaupo sa tapat ng kanilang barangay hall , kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Walang buhay nang dumating sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Barangay Chairwoman Aileen Guidotong, 47 ng Barangay 314, sanhi ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman ang mga suspek na magkaangkas sa hindi naplakang motorsiklo.

Ayon sa  imbestigasyon ng  Manila Police District-homicide section , dakong alas  6:40 ng gabi nang maganap ang insidente habang nakaupo ang biktima sa harap ng kanilang barangay hall sa Lope de Vega Street sa Sta. Cruz, nang dumating ang mga suspek at kaagad siyang pinaputukan ng apat na ulit.

Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya ang motibo  ng pagpaslang sa biktima at pagkakilanlan ng suspek.

Nalaman na noong Abril, 2018, nagpalabas ng listahan ng nacolist ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan kabilang ang pangalan ng biktima sa listahan.

 

Please follow and like us:
Read More

HEART PAPUNTA ULIT NG CHINA TO FINISH AN ACTION MOVIE

(NI GORGY RULA)

DOON din sa Starstruck ay sandali naming nakatsikahan si Heart

Evangelista na aalis na naman pala pa-China para tapusin ang action movie na ginagawa niya.

Nilinaw namin sa kanya ang isyu tungkol sa kapatid niyang si Camille Ongpauco na nagkaroon pala ng baby kay Andrew Wolf.

Sinasabi kasi ng ibang netizens na kasal daw si Camille sa ibang lalaki, tapos nabuntis ni Andrew.

“She’s single,” sabi ni Heart. Kaya wala raw conflict.

Masaya lang daw sila ngayon dahil may nadagdag na bagong miyembro sa pamilya.

Nandun daw ang suporta nila kay Camille.

We support each other and we’re so happy, because I have a beautiful niece,” pakli ni Heart.

Tanggap naman daw si Andrew sa pamilya kaya nga kasama siya sa ilang family gatherings nila na nakikita naman sa social media.

“I guess natuto na sila sa experience namin,” napapangiting sagot sa amin ni Heart, na ang ganda ganda ngayon sa bagong look niyang mala-Monica Belluci na hairstyle.

 

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAKIPAGLIBING; TODAS SA HIT AND RUN

hitandrun8

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang 34-anyos na lalaki na nanggaling sa pakikipaglibing ang hinihinalang biktima ng hit and run sa bayan ng Calauag sa lalawigang ito noong Biyernes.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Joselito Ajero at residente ng Barangay Sabang Uno sa nasabing bayan.

Natagpuan ang sugatang bangkay ng biktima sa isang panig ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Sumilang bandang 12:30 makalampas ang hatinggabi ng Biyernes.

Walang nakasaksi sa hinalang pagkakabunggo ng sasakyan sa biktima. Naging basehan lang ng pulisya ang mga sugat ng biktima sa iba’t ibang parte ng katawan at lokasyon ng bangkay.

Napag-alaman ng imbestigador na si Ajero ay dumalo pa sa libing ng isang residente ng nasabing barangay bago natagpuan ang kanyang bangkay sa tabi ng highway.

 

Please follow and like us:
Read More

CHINESE NATIONAL NA NAKAPOSAS NAHULOG SA MALL

crime12

(NI DAVE MEDINA)

NAMATAY ang isang Chinese national matapos mahulog mula sa ikaanim na palapag na gusali, Biyernes ng umaga, sa Las Pinas City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Yang Kang, 27, at nagtatrabaho sa Vista Mall sa Alabang-Zapote Road, Pamplona 2, Las Pinas City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay natagpuan ng security guard ng naturang mall dakong alas-7:30 ng umaga habang nagsasagawa ng inspeksyon.

Sa pahayag ng security guard sa pulisya, natagpuan ang biktima na walang malay sa ibaba ng gusali at nakaposas kung kaya agad niya itong pinagbigay alam sa malapit na Police Community Precinct.

Agad namang isinugod sa Las Pinas District Hospital ang biktima upang mabigyan ng lunas.

Subalit, ayon sa pulisya, dakong alas-9:48 ng umaga nang makatanggap ng tawag mula sa Asian Hospital sa Muntinlupa City sa pagkamatay ng biktima.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay nahulog mula sa ika-6 na na palapag ng naturang mall subalit isang palaisapan kung bakit ito ay nakaposas nang matagpuan.

 

Please follow and like us:
Read More

EX-PBB HOUSEMATE ARESTADO SA MAKATI RUMBLE

(NI ROSE PULGAR)

HAWAK ngayon ng Makati City Police ang isang contestant ng reality show sa isang TV Network makaraang masangkot sa isang rambulan sa Barangay Magallanes, Makati City, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni Police Major Gideon Ines, Deputy Chief for Investigation ng Makati City Police, ang nadakip na aktor na si Karlos Lorenzo Gutierrez, 22, binata, dating housemate ng Pinoy Big Brother at naninirahan sa no. 46 Samar Ave cor. Eugenio Lopez, South Triangle, Quezon City.

Base sa isinumiteng report ni Ines, dakong ala-1:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Karrivin Plaza, Pasong Tamo Ext. Barangay Magallanes.

Lumabas sa imbestigasyon, unang inireport ng isang Sweenie Gorrecita, security guard sa Police Community Precinct (PCP)-4 ng Makati City Police Station ang kaguluhan na umanoy kinasasangkutan ng aktor.

Agad naman nagresponde ang mga awtoridad sa pangunguna ni Police Staff Sgt. Allan Agbayani at Police Corporal Jhonatan De Guzman Jr, sa nasabing lugar.

Pagdating nina Agbayani at De Guzman ay naabutan pa nila ang aktor at sinubukan ng mga ito na payapain subalit pinagmumura pa umano sila ni Gutierrez.

Hinamon din umano ng aktor ang mga pulis at pinagbantaang ipatatanggal sa serbisyo.

Binitbit ng mga pulis si Gutierrez at dinala sa himpilan ng pulisya na patuloy na nagwawala.

Napayapa lamang ang aktor nang dumating ang ilang kaibigan at kaanak sa nasabing himpilan .

Kasalukuyan nakakulong ngayon sa detention cell ng Makati City Police at actor at nahaharap sa kasong Alarm and Scandal and Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agents of Such Person.

Sa ngayon ay patuloy pa rin nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya at inaalam na rin ang naganap.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PAULEEN IRITADO SA KUMAKALAT NA PIC

(NI GORGY RULA)

IRITA si Pauleen Luna nang  tinanong ko kung siya iyung nasa litrato na ikinalat ng isang site na  sanggol na kalong kalong ni Vic Sotto.

Hindi raw kasi siya iyun.

“Hindi ako yun kuya! Si Paulina yun. Sarap nga idemanda yung site na nag-post niyan!” text sa akin ni Pauleen,

Mabuti at hindi pa raw ito nakarating kay Bossing Vic kaya hinahayaan na lang niya.

Iyung sa  kanya raw nung six years old siya nang sumali siya sa Little Miss Philippines na si Bossing Vic pa nga ang nag-interview sa kanya.

Hindi naman yung sanggol pa lang nagkita na sila ni Bossing Vic.

Ang alam daw niya mga 1 or 2 years old pa lang nun si Paulina sa litrato na iyun. Kaya sana mag-ingat na lang daw iyung mga netizens na nagkakalat ng ganung litrato.

Sa ngayon ay sobrang nakatutok si Pauleen sa baby nilang si Talitha.

Sobrang kulit na raw kasi ngayon at lagi siyang hinahanap.

“Mommy na nang Mommy pag wala pa ako. Kaya, nakukunsensya ako kapag wala pa ako sa bahay,” pakli ni Pauleen.

Kaya hindi na muna siya tumatanggap kahit guestings lang dahil gusto niyang nakakasama lagi si Baby Tali,

Kahit nga si Bossing Vic ay tuwang-tuwang kinukuwento sa amin na OA na raw sa kakulitan ang anak niya.

“Ayaw magpakarga. Gusto niya ilapag mo lang siya, akala mo naman kaya niya. Maya maya nadadapa.

“Pero hindi naman siya iyung nakakainis na kulit. Nakakatuwa naman,” nakangiting kuwento ni Bossing.

Ayaw na magpa-pressure ni Pauleen na masundan na sana si Talitha dahil sobrang focused naman sila ngayon sa pag-aalaga sa bagets.

Pero siyempre, gusto naman nilang magkaroon na ng kapatid, pero bahala na raw si Lord.

DINGDONG  CUTE PA RING SUMAYAW

Sobrang ingay sa studio nung nakaraang Biyernes nang gabi sa taping ng

Starstruck dahil pinagbigyan na ni Dingdong Dantes ang request ng lahat na sumayaw siya.

Sa totoo lang, ang cute pa rin talagang sumayaw ni Dingdong pero parang tingin niya matanda na siya sa pagsasayaw at ibigay na lang daw sa mga bagets.

Hindi naman niya puwedeng tanggihan ang request ng mga fans kaya humataw na ito ng sayaw kasama ang mga founding members ng phenomenal 90s dance groups na sina Jon Supan at Rene Sagaran ng Manouvers, Jim and James Salas ng UMD, Danili Barrios at Chris Cruz ng Streetboys at ang pinsan niyang si Arthur Solinap na co-member niya sa Abstract dancers.

Ang saya ng opening number na iyun dahil hindi pa rin talaga sila kumukupas at ang cute pa rin nilang sumayaw.

Dumaan naman sa matinding acting challenge ang walong finalists  na kung saan nag-action sila kasama ang magaling na Kapuso actress na si Jean Garcia under the direction of Dominic Zapata.

Hindi pa tanggal ang nasa bottom spots na sina Jeremy Sabido at Ella Cristofani. Kaya lalaban sila sa aktingan tests sa dalawang nasa bottom na sina Radson Flores at Lexi Gonzales.

Abangan mamayang gabi kung sino sa boys at girls ang magpapaalam pagkatapos nilang magtunggali sa aktingan.

Please follow and like us:
Read More

BINATILYO DEDO SA PINALIPAD NA MOTORSIKLO

accident121

(NI ANNIE PINEDA)

MAAGANG binawian ng buhay ang isang binatilyo habang kritikal ang angkas nito makaraan paharurutin ang minamaneho nitong motorsiklo, sa Tabango, Leyte.

Kinilala ang namatay na si Carlos Dahonan Jr, 16, habang patuloy naman inoobserbahan sa Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) Tacloban ang sakay nitong si Jopel Ridolosa, kapwa residente ng Brgy. Manlawaan bayan ng Tabango, Leyte.

Batay sa repot ng pulisya, naganap ang insidente sa Sitio Crossing, Brgy. Poblacion, Tabango, Leyte.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, galing sa Bgy. Campocpoc  at mabilis umano ang patakbo ng binatilyo sa minamanehong motorsiklo patungong Poblacion.

Nawalan ng kontrol sa manibela si Dahonan dahilan para bumaligtad ang mga ito sa kalsada at nahulog pa sa kanal.

Kaagad naman dinala sa Tabango Community Hospital ang mga biktima pero sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga si Dahonan habang inilipat sa EVRMC si Ridolosa dahil sa tindi ng pinsalang tinamo nito sa katawan at ulo.

Nabatid na wala rin suot na helmet ang mga biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

TRUCK NAHULOG SA BANGIN, DALAGITA PATAY  

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang dalagita na nakisakay lamang sa dump truck ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan na ikinasugat ng driver at pahinante nang sumalpok sa poste ang trak at nahulog sa bangin, sa Baguio City.

Wala nang buhay nang makuha sa bangin ang 16-anyos na dalagita, residente ng Mankayan, Benguet.

Ginagamot naman sa ospital ang 55-anyos na drayber na residente ng Isabela at 43- anyos na pahinante nito mula sa Tublay, Benguet.

Sa pagsisiyasat ng Tuba Police, may iniwasang kasalubong na sasakyan ang drayber ng dump truck kaya bumangga ito sa poste at saka tumama sa concrete barrier sa Kennon Road Camp 2, Tuba, Benguet.

Dahil dito, tumilapon ang dalagita at nahulog sa bangin na tinatayang nasa 100 talampakan ang  lalim.

Nabatid na nakisakay lang umano sa dump truck ang biktima na papunta sa Barangay Camp 1.

Dinala naman sa kustodiya ng Tuba Police ang drayber at patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Posible rin maharap ito sa kasong  reckless imprudence resulting to homicide.

Please follow and like us:
Read More

ANAK KRITIKAL SA SAKSAK NG AMA

aklan12

(NI ANNIE PINEDA)

KRITIKAL sa ospital ang isang anak nang pag-uundayan ito ng saksak ng kanyang sariling ama dahil sa sinitang bitbit na kutsilyo, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Aklan.

Kinilala ang biktimang si Josegani Santillan, Jr, 25, habang nadakip naman ang suspek at ama nitong si Josegani Santillan, Sr., 60, kapwa residente ng Sitio Laguna, Brgy. Union, Nabas, Aklan.

Batay sa report ng Nabas Police Station, pauwi na ang mag-ama galing inuman nang sitahin umano ng batang Santillan ang matanda tungkol sa dala nitong kutsilyo.

Sa halip na itabi ng matandang Santillan ang dala nitong patalim, itinarak niya sa kanyang anak na tinamaan sa tiyan, dibdib, balikat at mga kamay.

Nagtulung-tulong naman magkakapitbahay na dalhin sa Aklan Baptist Hospital ang biktima para lapatan ng paunang lunas at kalaunan ay inilipat din sa Aklan Provincial Hospital at patuloy na inoobserbahan.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Please follow and like us:
Read More

‘FAITH HEALER’ NA TULAK TIMBOG SA DROGA

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang kilalang “faith healer” na umano’y isa ring drug pusher ang inaresto ng pulisya sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito noong Biyernes.

Sa report ng pulisya, kinilala ang suspek bilang si Reymundo Gatdula, 43, residente ng Barangay Bocboc.

Natimbog ang suspek pagkatapos niyang pagbentahan ng shabu ang isang ahente ng pulis sa iskoran na naganap sa nasabing barangay noong Biyernes ng umaga.

Nakumpiska kay Gatdula ang apat na plastic sachets ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,360.

Batay sa impormasyon ng pulisya, ang suspek ay isang kilalang manggagamot o faith healer sa nasabing lugar.

Subalit napag-alaman ng awtoridad mula sa ilang residente at nakumpirma ng lokal na “asset” ng pulisya na ang suspek ay nagbebenta rin ng shabu kasabay sa kanyang panggagamot.

 

Please follow and like us:
Read More

ABANGAN: PASABOG NI MAGSAYO VS UTHOK  

(NI DENNIS INIGO)

KAABANG-ABANG ang pasabog ni boxing champion Mark “Magnifico” Magsayo sa title bout kontra kay veteran Panya Uthok ng Thailand sa “Pride of Bohol” na magaganap sa Bohol Wisdom gymnasium sa Tagbilaran sa Agosto 31.

Taglay ang kanyang sensational fourth-round knockout victory sa nakaraang pagsabak noong Abril, ipinarating ni Magsayo ang buong kumpiyansa na tatalunin ang Thai opponent para sa vacant WBC Asia at IBF Pan-Pacific featherweight titles.

“Handang-handa na ako sa laban na ito. Pipilitin ko talagang manalo para sa mga kababayan ko sa Bohol,” saad ni Magsayo sa kanyang pagdalo sa 34th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

“I’m really happy to be given the chance to fight again infront of my townmates, kaya talagang puspusan ang paghahandang ginagawa ko,” dagdag ng 24-anyos na boksingero tangan ang handsome ring record na 19 wins, kasama ang 14 knockouts.

Ito ang ikalawang pagkakataon sa loob ng tatlong taon na sasabak si Magsayo sa harapan ng kanyang mga kababayan simula nang biguin si Shota Hayashi ng Japan via unanimous decision upang mapanatili ang WBO International featherweight belt sa Tagbilaran, Bohol noong November 2017.

Tinanong hinggil sa kanyang homecoming fight, sinabi ni Magsayo na mas kampante siya ngayon at kumpiyansa. “Nung unang laban ko sa Bohol,  medyo tense at excited. Ngayon mas handa na.”

Ang hindi pagkakaunawaan sa kanyang dating manager, ALA Promotions, ang nagtulak kay Magsayo  sa mahabang two-year break bago nagbalik sa ring at pinabagsak si Erick Deztroyer ng Indonesia sa Singapore noong Abril.

“Everything is OK now. Sila talaga ang nag-alaga ng husto kay Mark  pero tapos na yun kontrata at hindi na na-renew. Nagpaalam naman sa kanila (ALA Promotions) si Mark. And now he’s fighting under Vladimir Boxing Promotions,” paliwanag ng misis at manager nitong si Frances.

Umaasa ang husband and wife tandem na hahantong sa kumbinsidong panalo ang laban kay Uthok (53-6 win-loss na mayroont 35 KOs) na magbibigay ng pagkakataon upang mapalinya si Magsayo sa napakailap na world title.

“We will have another fight for him (Magsayo). Then maybe he’ll be ready for a world title fight early next year,” sabi pa ni Frances.

Sinabi naman ng coach ni Magsayo, si Rissan Muelas, na magiging maganda ang laban ng Filipino sa Thai veteran. “He (Magsayo) has  the speed, the timing and the stamina to handle Uthok. The Thai likes to get inside and mix it up, so we’re now working on Mark’s stamina to enable him to stay alert for 12 full rounds.”

Please follow and like us:
Read More

MARIKINA NAKATUTOK SA PAGSUGPO SA DENGUE

(NI MAC CABREROS/PHOTO BY ITOH SON)

PINATUTUTUKAN ni Marikina Mayor Marcelino  “Marcy” Teodoro ang nakamamatay na dengue sa kanilang lungsod.

Sa pagbisita ni Mayor Teodoro sa Amang Rodriquez Memorial Medical Center, hiniling nito kay Director, Dr. Imelda Mateo, na ipagkaloob ang lahat na medical attention sa mga pasyente dito kung saan nailista na sa 26.

“I told the director of the hospital to accommodate all dengue patients, even they are not residents of Marikina City,” pahayag Mayor Teodoro. “Also, I told the hospital administrators to take good care of the dengue patients and to strictly monitor their conditions, and to provide all necessary help that they could give.”

Naunang idineklara ng Department of Health (DoH) ang national dengue epidemic matapos maitala sa 146,062 kaso simula Enero taon kasalukuyan saan mahigit anim na raan nang nasawi. Magagamit na ngayon ng mga LGUs ang kanilang Quick Response Fund para kalusugan ng mamamayan.

Bukod sa clean up drive, nagbabahay-bahay ang mga barangay officials at health workers para sa malawakang anti-dengue information campaign.

Please follow and like us:
Read More

UTAK SA PAGPATAY SA EX-VICE MAYOR, ARESTADO

(NI ANNIE PINEDA)

ARESTADO ang suspek na kilala sa alyas “Bulldog” na itinuturong utak sa pagpatay sa dating alkalde ng bayan ng Ajuy Iloilo City, nang madakip ito ng mga awtoridad, Biyernes sa Iloilo International Airport.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte, nadakip ang suspek na si Vicente “Itik” Espinosa, o mas kilala sa alyas “Bulldog”, na mastermind umano sa pagpatay kay dating Ajuy vice-mayor Ramon Rojas noong 2008.

Ayon sa pulisya, naaresto si Espinosa matapos ihain ang warrant of arrest paglapag nito sa Iloilo International Airport galing Manila.

Sinabi ng awtoridad, matagal na nilang minanmanan ang suspek simula nang maglabas ang korte ng warrant laban sa kanya sa pagpatay kay Rojas na pinsang buo umano nito.

Hindi naman pumalag si Espinosa nang posasan ng mga awtoridad at hindi na rin nagbigay pa ng kanyang komento.

Nabatid, na ibinasura ang unang kaso na isinampa laban kay Espinosa kaugnay ng pagpatay kay Rojas pero binaligtad lang ng Korte Suprema ang desisyon at iniutos ang pag-aresto sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

ATE PATAY SA SAKSAK NI UTOL 

stab

(NI ANNIE PINEDA)

BUMULWAK ang dugo sa tiyan ng isang ate makaraan pagsaksakin ito ng kanyang kapatid na lalaking lango sa alak, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Iloilo City.

Kinilala ang biktimang si Heidi Concepcion Adorable, 61, habang nadakip naman ang suspek at kapatid nitong si Romeo Concepcion, 52, at kapwa residente ng Zone 1 Calumpang, Molo, Iloilo City.

Batay sa report ng Molo Police station, naganap ang insidente sa bahay ng isang Myla Gangje, kapitbahay ng magkapatid sa nasabing lugar.

Kuwento ni Gangje, malapit na kaibigan ni Adorable, nag-iinuman ang suspek at asawa nito nang dumating ang biktima nagulat na lamang sila nang tumayo si Romeo at pinagsasaksak sa tiyan ang kanyang ate .

Tinangka naman umawat ang mag-asawang Gangje, pero maging sila ay sinubukan rin saksakin ni Concepcion, kaya humingi na sila ng tulong sa mga kapitbahay.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima pero nalagutan na rin ito ng hininga.

Mabilis naman naaresto ang suspek ng mga rumespondeng pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente at nakuha kay Concepcion ang kutsilyo na ginamit nito sa pagpatay.

Sa himpilan ng pulisya, labis naman ang pagsisisi ng suspek sa ginawa at sinabing hindi niya alam na napatay niya ang kanyang ate.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung gumagamit ng droga ang suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong pagpatay si Concepcion.

 

Please follow and like us:
Read More

BANGKAY SA SAKO LUMUTANG SA TAAL LAKE

crime123

(NI CYRILL QUILO)

PINANINIWALAANG biktima ng summary execution ang isang lalaking natagpuang patay na palutang-lutang sa Taal Lake, sa Brgy. Ambulong, Tanauan City, Batangas.

Ayon sa report ng PIO ng Batangas Provincial Police Officer na si PCapt. Kermin Amor Cabrales, bandang ala 1:15 ng hapon nang makatanggap ng tawag ang Tanauan Police Station sa Brgy.Ambulong Officials na isang bangkay ng lalaki sa sako ang lumulutang na nakasuot ng asul na pang itaas at itim na pantalon .
May tattoo ito sa braso at nakatali ang mga kamay.

Inakala ng mga ibang pasahero ng isang bangka na patay na hayop lamang ang palutang-lutang sa lake.

Nang iahon ay natuklasan na bangkay ito ng biktima.

Ayon pa kay PMaj.John Eric Antonio ng Tanauan Police Station, maaring nanggaling sa ibang lugar at dinala ng malakas na alon ang biktima sa lake bunsod ng ilang araw na pag-ulan .

Please follow and like us:
Read More

KARATE PILIPINAS HAHATAW SA 30TH SEAG

(NI DENNIS INIGO)

KUMPIYANSA ang Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. (KPSFI) na mas mahihigitan nila ang naging performance sa Malaysia sa paghataw sa 30th SEA Games.

Kinubra ng Pilipinas ang tatlong silver medals sa pamamagitan nina John Paul Bejar (-55kg), Jayson Macaalay (-60kg) at Rexor Tacay (-67kg),  dagdag pa ang apat na bronze medals na mula kina Fil-Japanese Junaa Tsukii (-50kg), Mae Soriano (-55kg), James delos Santos (men’s individual kata) at women’s team kumite na kinabibilangan nina Tsukii, Soriano, Erica Celine Samonte at Kimverly Madrona noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur.

Bagama’t wala pang final line-up ang karatedo team, tiniyak ni KPSFI president Richard Lim na makakasama ang tatlong silver medalists sa mga sasabak sa biennial meet sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“Our coaching staff will select the athletes who will be included in the line-up but those who won the silvers in Malaysia are assured of slot in the team,” pahayag ni Lim sa 34th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Forum sa National Press Club kamakalawa.

Ayon kay Lim, maraming international exposures ang mga atleta. Ang kata (form) team ay nasa Osaka, Japan samantalang ang kumite (sparring) team ay aalis sa Setyembre 1 patungo sa Turkey para sa one-month training at Turkish Open.

“We are giving our athletes the chance to improve on their skills. They will be assessed by the coaches because we want only the best athletes in our SEAG team,” sambit ni Lim.

Kamakailan lang ay nakakuha ang Pilipinas ng 19 golds, 8 silvers at 4 bronzes sa 39th Karatedo Goju-kai International Championship sa Singapore.

Samantala sasabak rin ang national athletes sa 7th Karatedo Goju-kai Asia-Pacific Championship sa Lapu Lapu City, Cebu sa Setyembre 27 hanggang Oktubre 1.
Mahigit sa 700 atleta mula sa 16 bansa ang lalahok sa kompetisyon sa Hoops Dome sa Lapu Lapu City.

Magkakatuwang ang Philippine Sports Commission, Cebu provincial government, Lapu Lapu City government, Department of Tourism Region 7 at KPSFI sa hosting ng tournament.

Nagpasalamat naman si Mayor Jonard Chan sa PSC at KPSFI at sinabing “this is a great development in promoting sports tourism not just in Cebu, but for the whole country. Lapu-Lapu City is ready to welcome and accommodate our Asian countries all throughout the games.”

Ang weekly sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission,  NPC,  PAGCOR,  CBA at HG Guyabano Tea Leaf Drink ay ipinalabas ng live sa Facebook via Glitter Livestream.

 

 

Please follow and like us:
Read More

LANDBANK NAWALA SA EKSENA SA P10 B PONDO SA RICE TARRIFICATION LAW

LANDBANK-FARMERS2

 (Ni Nelson S. Badilla / Ikaanim na bahagi)

Tulong sa magsasaka, nasaan na?

GANAP nang batas ang Republic Act No. 11203 o ang Rice Tarrification Law (RTL) ilang buwan na ang nakalipas.

Ang RTL ay sinasabing magwawakas sa suliranin ng bansa hinggil sa mataas na presyo ng bigas at kakapusan ng bigas na mabibili sa palengke, sapagkat tinanggal na nito ang limitasyon sa pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.

Kaakibat na layunin ng R.A. 11203 ang pagkakaroon ng P10 bilyong pondo taun-taon na tulong pinansiyal sa mga magsasaka upang lumaki ang kanilang produksyon.

P1 bilyon lang pautang sa magsasaka

NOONG Disyembre ng nakalipas na taon, inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kalahati ng P10 bilyong pondo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para ngayong taon.

Ang RCEF ay itinatag ng R.A. 11203 upang pangasiwaan ang P10 bilyong nakalaan sa mga magsasaka.

Tinukoy ni Senadora Cynthia Villar na sa P5 bilyong inilabas ng DBM, dapat P1 bilyon dito ang napunta sa Land Bank of the Philippines (LandBank) na nakatakdang ipautang sa mga magsasaka na napakababa lamang ang interes.

Ang P1 bilyon na pangtustos sa pagsasanay ng mga magsasaka at bayad sa mga magsasanay sa kanila.

Ang layunin ng pagsasanay ay upang higit pang maging prodaktibo ang mga magsasaka.

Maliban diyan, mayroon pang P3 bilyon sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) para sa mismong “training” ng mga magsasaka, banggit ni Villar.

Ang natitirang P5 bilyon ay nakalaan sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) na siyang bibili ng mga makinaryang pang-agrikultura.

May kontrobersya agad sa P5 bilyon

ISANG malaking palaisipan ngayon kung saan napunta ang P5 bilyong inilabas ng DBM noong Disyembre.

Kaya, naghain ng resolusyon si Villar upang matukoy ng Senate Committee on Agriculture and Food kung paanong ipinamahagi o kung saan napunta ang P 5 bilyon.

Sabi ng mambabatas sa media: “I have to exercise my oversight function to make sure they follow the law. Kasi this is very important, this is the competitiveness of our farmers.”

“We have liberalized the importation of rice so we have to make our farmers as competitive as soon as possible,” patuloy niya.

Nagsumite rin si Senador Francis Pangilinan ng resolusyon upang imbestigahan ng Committee on Agriculture and Food kaugnay sa epekto ng liberalisasyon sa pag-angkat ng bigas sa kita ng mga magsasaka.

Limang buwang batas pa lamang ang R.A. 11203, ngunit gusto nang malaman ni Pangilinan kung matutulungan nga nitong iangat ang buhay ng mga magsasaka, sapagkat nakarating sa kaalaman ng senador na bumababa ang kita ng mga magsasaka sa kasalukuyang panahon.

Aniya, “Farmers tell us that their earnings dropped further with the implementation of the law. ‘Rice tariffication is killing us’ said one farmer from Nueva Ecija who approached us.”

“The impact of the law on our farmers is swift and brutal but the implementation of the provisions aimed at easing this severe effect is slow if non-existent. Where is the help from the P10-billion RCEF?,” ratsada pa ng mambabatas.

“Who benefited from this policy? It looks like we’ve suffered a double whammy,” tugon ni Pangilinan.

Ayon sa grupong Bantay-Bigas, hindi umaabot sa P20 kada kilo ng presyo ng palay na binibili ng mga negosyante sa mga magsasaka.

Nangangamba ang Bantay-Bigas na posible pa itong bumaba nang husto sa mga susunod na buwan dulot ng pagdagsa ng bigas mula sa ibang bansa.

Sa pag-ikot ng manunulat na ito, nakitang hindi bumaba sa P30 bawat kilo ng bigas, sapagkat pumapalo ito ng P40 hanggang mahigit P50 bawat kilo.

Subalit, P1 bilyon lang ang perang ipapautang sa mga magsasaka mula sa P10 bilyong RCEF.

Please follow and like us:
Read More

DIREK CATHY KINUMPIRMA ANG PAGBABALIK NI JLC

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

PAGKATAPOS ng balitang hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, na nasundan pa na nag-file ng T.P.O. (Total Protection Order) si Ellen against John Lloyd, ang sumunod na napag-usapan ay ang pagbabalik na raw muli ng actor sa showbiz.

Na tila nakumpirma ng blockbuster director na si Cathy Garcia. Tumawag daw sa kanya si John Lloyd at tinanong ito kung totoo ang nabalitaan na magreretiro na siya.

Nagsabi raw si John Lloyd na gagawa pa sila at hintayin siya at mag-uusap sila.
Aside sa gagawing movie ni Direk Cathy with Piolo Pascual after ng matagumpay na Hello, Love, Goodbye ay may dalawang movie pa raw siyang gagawin sa Star Cinema bago ituloy ang planong pagreretiro na nga.

Please follow and like us:
Read More

HINDI DAPAT MAKAPORMA ANG CHINA SA SUBIC

ITO ANG TOTOO

LUMALABAS na gusto talaga ng China i-kontrol ang Subic Bay, dating lugar ng US Naval Base ng Estados Unidos, bukod pa sa kalawakan ng West Philippine Sea na walang pakundangan na nilang binabalahura.

Ito Ang Totoo: napaka-istratehiko nga naman ng Subic Bay hindi lamang sa larangan ng komersiyo kundi pati sa aspeto na pang-militar at seguridad sa bahaging ito ng Asya.

Kaya nang magsara ang Hanjin, ang kompanyang Koreano na gumagawa ng mga dambuhalang barko, kumilos din ang mga Intsik para maka-take-over sa mga pasilidad nito.

Gayunman, tiniyak na ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Wilma T. Eisma na sa mga susunod na buwan ay muling magbubukas ang shipbuilding facility sa ilalim ng kompanyang ayaw pa niyang pangalanan pero sigurado hindi raw Intsik.

Ito Ang Totoo: katakot-takot naman ang usapan nitong mga nakaraang araw kaugnay ng Grande at Chiquita Islands dito pa rin sa Subic, na umano’y kinukuha rin ng mga Intsik.

Sa harap ng mga paglapastangan ng China sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, nakaaalarma lalo ang presensiya ng mga Intsik sa balat ng lupa ng Pilipinas.

Naglipana na nga sila sa laganap na Online Gambling na umuokupa ng mga buong hotel, apartments, restaurants, pati dating eskuwelahan, at iyon nga, pati mga isla sa bibig ng Subic Bay ay gusto pa kunin.

Ito Ang Totoo:  hindi na dapat isyu ang pag-okupa ng mga Intsik sa dalawang isla dahil ibinasura na ng SBMA Board ang proposal ng kompanyang nakipagsabwatan sa mga Intsik, ang GFTG Property Holdings, Inc. sa pamamagitan ng pagbebenta ng mayoryang shares sa Sanya ng China.

Noong Mayo 19, 2019 naganap ang pagbasura na, ayon kay Eisma, ay sa kadahilanang lalabag sa konstitusyon ang panukalang proyekto ng GFTG Property Holdings Corp.

Naghahanap na lang daw ang SBMA ngayon ng ibang investor na magdi-develop sa naturang mga isla bilang tourist attraction. Ito Ang Totoo. (ITO ANG TOTOO! / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:
Read More

UTOL PINATAY SA SAKSAK NI KUYA

crime34

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Kamatayan ang sinapit ng isang 39-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin mismo ng kanyang nakatatandang kapatid matapos mag-away ang mga ito sa Sitio Bato, Barangay San Mateo, Aleosan, North Cotabato, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Randy Calambro, 39, may asawa, habang ang suspek na kanyang nakatatandang kapatid na si Leonard Calambro, 44.

Sa imbestigasyon, alas 9:15 ng gabi nitong Huwebes, lango sa alak ang suspek nang nagkaroon ng mainit na pagtatalo hanggang sa pinagsasaksak nito ang kanyang kapatid gamit ang kutsilyo.

Mabilis na isinugod ang biktima sa pagamutan pero kalauna’y binawian ng buhay habang boluntaryo namang sumuko ang suspek sa PNP.

Sa ngayon, nasa kostudiya na ng Aleosan PNP ang suspek habang nakatakda itong sasampahan ng kasong homicide sa korte.

 

Please follow and like us:
Read More

NAKAWAN SA ROSEBETH LODGE

BOMBAHAN NA FINAL

IBANG klase raw mang-api ng parokyano itong konsehal ng Balaoan, La Union na may-ari ng Rosebeth Lodge na matatagpuan sa Brgy. Paras, Candon City.

Imbes daw kasing humingi ng paumanhin matapos manakawan ang kanilang mga kostumer ay tila ang mga ito pa ang sinisi ng konsehal.

Sabi umano ng konsehal ay, kung may pagkukulang ang kanyang mga tauhan na bantay ng kanilang motel ay mayroon ding pagkukulang ang mga nag-check-in sa kanila.

Aba Madam, sagot niyo ang seguridad ng inyong kliyente.

Hindi nila pagkukulang na nanakawan sila, kayo ang may pagkukulang.

Nakaka-high blood kayo ah!

Malinaw ang sinabi ng nagreklamong si Mang Ben na bago sila nag-check-in ay tinanong pa niya ang tauhan ng lodging house kung ligtas ba ang kanilang pananatili roon.

Himayin po natin ang kwento.

Batay po sa hawak ng BOMBAHAN NA na blotter o police report ng Candon PNP, dakong alas-7:10 ng umaga noong Hulyo 27, 2019 nang iulat ang nakawan sa Rosebeth Lodge at apat agad ang biktima sa loob lamang ng isang gabi.

Ang mga biktima ay sina Jane Bumagat Bautista, 50-anyos, OFW na nagbabakasyon lang kasama ang anak na si Anjo at mister na si Ruben. Ang mga ito ay residente ng Paniqui, Tarlac na nag-check-in sa room 16.

Natuklasan ng mag-anak kinabukasan na wala na ang kanilang bag kung saan nakalagay ang 850 Euro money at P50K na kanilang winithdraw bago pa man sila nag-check-in sa nasabing lodging house.

Nanakawan din si Vanessa Saleng Rivera, 19-anyos, estudyante, residente ng Brgy. Pila, Cabugao, Ilocos Sur na nag-check-in sa room 3 at natangayan naman ng itim na Acer laptop na nagkakahalaga ng P28,000.00.

Biktima rin sina Justo Bassig Banatao, 42-anyos, residente ng Brgy. San Fermin, Caoayan, Isabela, na nag-check-in sa room D; Via De Leon Gadingan, 23-anyos, ng Brgy. Mabayag, Galimuyod at Zet Tudayan Ortiz, 22-anyos, residente ng Brgy. Palacpac, kapwa sa nasabing siyudad na umokupa sa room 20.

Sa panayam ng BOMBAHAN NA kay Mang Ben, sinabi nitong narekober ang kanilang bag sa likuran lang ng lodging house ngunit wala na ang laman nitong pera. Iniwan naman aniya ng magnanakaw ang kanilang mga passport at iba pang mahahalagang papel.

Sa parte ring iyon ng lodging house natagpuan ang bag ng isa pang biktima at wala na ring lamang pera.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Candon PNP, nakita sa CCTV na nakakabit sa gate ng lodging house na may taong sumungkit ng bagay mula sa room 16 na siyang inookupahan ng pamilya ni Ruben, dakong alas-3 ng madaling araw.

Ngunit ang CCTV recording ay biglang naputol kaya hindi na nakita ang mga sumunod na pangyayari.

Duda tuloy ni Mang Ben ay ‘inside job’ ang pagnanakaw sa kanila dahil maging duplicate ng susi ng kanilang kuwarto ay hindi sila binigyan ng mga tauhan ng Rosebeth Lodge.

Sinabi pa ni Mang Ben na nadiskubre nila kinabukasan na ang bintana kung saan sinungkit ang kanilang bag ay bukas ang salamin at tinakpan lang ng kurtina para magmukhang sarado.

“Kung may nai-record sa CCTV na may nanunungkit ng aming gamit, bakit hindi agad pinuntahan ng nagmo-monitor sa CCTV para masita ang magnanakaw?,” tanong na may himig paghihinala ni Mang Ruben.

Sa panayam ng BOMBAHAN NA sa ilang tauhan ng Candon PNP, malinaw na may kapabayaan ang management ng nasabing lodging house dahil wala umano itong security guard na nangangalaga ng seguridad ng kanilang mga parokyano at sira-sira rin ang bakod nito sa likurang bahagi.

Maging ang CCTV nito ay nasa parteng gate lang ng lodging house nakalagay kaya’t hindi malinaw ang kuha nito sa magnanakaw na nanungkit ng bag sa room 16.

May karugtong.

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA mag-email joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:
Read More