LEE SEUNG GI TO INVADE PHILIPPINES

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

MAY Korean invasion sa Pilipinas this year. At tingin namin, sa tagal na K-drama at K-pop addict ang mga Pinoy, ngayong taon, 2019 na ang pinakamaraming Korean artists na nag-show sa bansa.

Halos linggu-linggo yata kung hindi Korean actor/actress ay Korean Idols ang nagpa-fan meeting at nagku-concert.
Personally, ang pinakabonggang darating sa bansa ay ang South Korea’s Triple Threat Star na si Lee Seung Gi. Siya ang isa sa pinaka-much awaited Korean star to have a fan meeting sa bansa.

Siyam na taon na hinintay at nirerequest ng mga Airen Philippines na magdaos ng fan meeting sa bansa ang Korea’s Superstar na ang huling drama na ipinalabas sa bansa at sa Netflix ay ang comeback drama niya from military service, ang “Hwayugi.”

Nag-trending si Lee Seung Gi sa bansa pagka-announce officially na darating nga siya sa Manila sa October 12.

Halos lahat ay nagulat na kasama na ang Pilipinas sa bansa na pupuntahan niya sa Asia.

Marami ng Korean actors ang nag-fan meeting sa bansa, pero makakasigurado kami na iba ang fan meeting ni Seunggi pagdating sa quality. Bilang isang Ballad King, hindi lang ito magpapa-cute on stage, pero mae-experience ng live ng mga fan kung paano siya mag-perform. Ang fan meeting na mistulang mini-concert.

Ilan sa mga drama na nagawa niya at naipalabas na sa bansa ay ang Shining Inheritance, My Girlfriend is a Gumiho, Gu Family Book at ang Hwayugi nga. Pinagbidahan din niya ang iba pang hit Korean drama tulad ng The King 2 Hearts at You’re All Surrounded. Inaabangan naman sa September 28 ang action, suspense drama niya na “Vagabond.”

Details in-terms of venue and ticket selling is yet to be announced. Ang “2019 Lee Seung Gi Asia Fan Meeting Vagabond Voyage is produced by CDM Entertainment, Hook Entertainment at ABS-CBN.

Please follow and like us:
Read More

TOKYO OLYMPICS ‘DI PA NAGSISIMULA; HIDILYN DIAZ PANALO NA!

hidilyn12

(NI LOUIS AQUINO)

MAY nanalo na.

At ito’y walang iba kundi si Asian Games gold medalist Hidilyn Diaz na nakakuha ng P2-million sponsorship para sa kampanya niya sa 2020 Tokyo Olympics.

Kamakalawa ay pinirmahan na ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Phoenix Petroleum Philippines para sa P2 million training fund ni Diaz.

“Ang PSC hindi nila kayang sagutin lahat kasi may ibang requirements sa pagti-training, sa mga coaches medyo mahal. Sabi ko, hanap ako ng mga kaibigan na pwedeng tumulong,” sabi ni Senador Bong Go na present din sa nasabing MOA signing.

“After initial meetings kay Dennis at sa kaniyang abogado, pumayag naman silang tumulong sa pagti-training ni (Hidilyn),” dagdag niya. “Malaki ang potensyal ng batang ‘to. Sayang ang talento ni Hidilyn kung di natin bibigyan ng buong suporta.”

Nakilala si Diaz matapos manalo ng silver medal sa weightlifting sa Rio de Janeiro noong 2016.

Nakakuha naman ng tatlong silver medals si Diaz sa 2019 Asian Weightlifting Championship na ginanap sa China.
Ayon kay Ramirez, pinondohan na nila si Diaz ng P4.5 million ngayong taon para sa training nito sa China, kasama ang kanyang buwanang sahod, food allowance at para sa kanyang coach na si Julius Kaiwen Gao.

Please follow and like us:
Read More

KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN: SUNDALO, 2 PA, PATAY

accident135

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Tatlo katao ang naiulat na nasawi, kabilang na ang isang kasapi ng sundalo, matapos araruhin ng isang SUV na Montero Sports ang sinasakyan nilang motorsiklo at payong-payong na sasakyan sa naganap na aksidente sa Barangay Macabiso ng bayan ng Sultan Mastura, sa lalawigan ng Maguindanao, Huwebes ng gabi

Nakilala ang mga biktima na sina Daud Asnan, 30, Abdillah Ali 60 anyos kapwa residente ng Barangay Gang, Sultan Kudarat Maguindanao at ang isang miyembro ng militar na si Staff Sergeant Arlan Orete.

Ayon kay Sultan Mastura PNP Chief Investigator, Police Chief Master Sergeant AmirHan Isnain, inararo umano ng Montero SUV na minamaneho ni Minandang Sendad ang dalawang motorsiklo sa nasabing lugar, alas-9:40 ng gabi.

Nabatid na ang dalawang namatay na sina Asnan at Ali ay sakay ng payong-payong habang si Staff Sergeant Arlan Rosete naman ay sakay ng single motorcycle.

Sa ngayon nasa kostudiya na ng Sultan Mastura PNP ang driver na si Sendad at inihahanda ang mga kasong kanyang kakaharapin habang ang mga bangkay ng mga biktima ay nakuha na rin ng kanilang mga kaanak.

 

Please follow and like us:
Read More

P5-M SHABU, MARIJUANA NALAMBAT SA CEBU

(NI JG TUMBADO)

TINATAYANG nasa P5 milyon halaga ng shabu at marijuana ang nasamsam ng pulisya sa magkakahiwalay na anti illegal drugs operations sa Cebu City.

Sa bulubundukin at tagong lugar ng Barangay Tagba-o nadiskubre ng mga awtoridad ang nasa 11,200 marijuana stalks nitong araw ng Huwebes.

Batay sa report, nasa P4.4 milyong ang halaga ng marijuana na binunot at sinira ng mga tauhan ng City Mobile Force Company sa lugar mismo kung saan natagpuan ang mga ito.

Samantala, sa Barangay Labangon ay inilunsad naman ang drug bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Group ng Cebu City Police Office (CCPO) na nagresulta sa pagkakadakip sa 23- anyos na pedicab driver na si Jason Dayap.

Nahulihan si Dayap ng nasa 80 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P500,000.

Ang naturang magkahiwalay na operasyon ng Cebu City Police ay bahagi umano ng kanilang tinatawag na Oplan Amazon.

Please follow and like us:
Read More

2 PEKENG LADY DENTISTS, TIKLO

(NI ANNIE PINEDA)

REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng dalawang babaeng pekeng dentista, matapos mahuli ng mga awtoridad sa entrapment operation, sa Davao City.

Kinilala ang mga dinakip na sina Sheena Mae Zabal at Lorie Jane Cirilo at kapwa ng Barangay Ubalde, Agdao District, Davao City.

Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa ginagawa ng mga suspek sa kabila ng hindi sila lisensyado para bumunot ng ngipin o gumawa at pagkabit ng braces.

Sinabi pa ng awtoridad, matagal na umanong nag-aalok ng murang serbisyo sa pag-aayos ng retainers at braces ang mga suspek.

Isa sa mga pulisya ang nagpanggap na pasyente at ng aktong kunin ng mga suspek ang halagang P500 na marked money agad na dinakma ang mga ito sa pinosasan.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9484 o Philippine Dental Act of 2007 sina Zabal at Cirilo.

 

Please follow and like us:
Read More

MABIGAT NA PARUSA IPAPATAW NG DOLE SA GMA-7

eddie garcia12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

SINABI ni Labor Secretary Silvestre Bello na sa kanilang imbestigasyon ay lumabas na nagkaroon ng kapabayaan ang GMA Network sa pagpapatupad ng safety standards sa kanilang taping, na kung saan walang nakitang safety officer. Sinabi rin niyang kung may safety officer na naroroon at marunong nang tamang handling,”maaaring hindi lumala ang bunga ng aksidente at hindi namatay si Eddie Garcia”.

Natisod ang beteranong actor sa cable na ginagamit sa mga ilaw sa taping at bumagsak. Sa pag-aakalang siya ay inatake lamang sa puso dahil sa init, binuhat siya ng mga tao roon at isinakay sa taxi patungong ospital. Hindi naingatan ang kanyang leeg na fractured na pala noon. Kung may isang safety officer, malamang nilagyan siya agad ng “neck brace” bago binuhat at hindi na lumala ang problema.

Pero wala pang opisyal na dokumento tungkol dito. Paglabas ng dokumento, sinasabi ni Bello na ipapataw sa GMA ang pinaka mahigpit na parusang multang P100,000 dahil sa kapabayaan. Maaaring lumaki iyan dahil maaari silang pagbayarin ng P100,000 sa bawa’t araw hanggang hindi nila nakukumpletong bayaran ang multa.

Hindi rin natin alam kung ano ang aksiyon ng naiwang pamilya ni Eddie Garcia. Kausap nila ang kanyang long time partner na si Lilibeth Romero, pero may habol pa rin diyan ang legal niyang anak na si Edwin kung sakali. Iyong resulta ng imbestigasyon at parusang ipinataw mismo ng DOLE ang siyang magiging matibay na ebidensiya kung maghahabol pa nga ang pamilya ni Eddie Garcia laban sa GMA.

Masakit na pananagutan iyan dahil wala namang may gusto sa nangyari. Iyan ay isang aksidente. Pero isang katotohanan na matindi ang occupational hazards sa shooting ng isang pelikula o taping ng isang television show at iyan ay hindi dapat pabayaan.

Ang masakit pa para sa network, kung may magbabalik sa kasaysayan pagkatapos ng maraming taon, mauungkat pa ring si Eddie Garcia ay namatay sa set ng GMA.

 XIAN DAPAT KUMUHA NG MAGALING NA A.D.

Nakalulungkot naman, wala kaming narinig na pumuri sa first directorial job ni Xian Lim kung di ang kanyang ka-love team na si Kim Chiu. (Meron naman, isang director na in love kay Xian-Ed).

Maski na ang mga pra la la boys, girls and gays na noong una ay excited sa pelikulang idinirek ni Xian, nanahimik matapos mapanood ang pelikula.

Iyong mga kritiko, halos lahat ay nagsabing nahilo sila sa pelikula ni Xian. Dapat kasi naalalayan iyan ng isang mahusay na AD para hindi nangyari iyan.

Si Gladys Reyes, natuwa dahil naging bida ang kanyang asawang si Christopher Roxas for the first time sa pelikula ni Xian. Hindi namin alam kung natutuwa pa rin siya matapos na mapanood iyon.

 

Please follow and like us:
Read More

5 STUDENTS NAG-SWIMMING, NALUNOD SA TAYABAS BAY

(NI DANN RIVERA)

MULANAY, QUEZON –Limang estudyante ng Bondoc Peninsula Agricultural High School(BPAHS) ang tinangay ng malakas na alon habang ang mga ito ay nagsu-swimming sa dagat, bahagi ng Brgy. Sta. Rosa, nabanggit na bayan Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Mulanay PNP, ang mga biktima na sina Edgar De Villa, 15, Grade 8 residente ng Brgy. Anonang, Richard Rapia, 15 Grade 8, Roiel Remo,13, Grade 8, na kapwa residente ng Brgy. Burgos at ang magkapatid na kambal na sina Jamewill Buesan at Jaymar Buesan, 15, Grade 9 at residente naman ng Sitio Inawitan, Brgy. Burgos.

Batay sa report ni Police Major Joselito Araja, hepe ng pulisya, dakong alas 10:00 ng umaga ng magkayayaan ang mga estudyante na maligo sa dagat, at sa kasagsagan ng paglalaro ng mga ito sa tubig ng tangayin ng malakas na alon patungo sa malalim na bahagi ng karagatan.

Nagsagawa ng retrieval and rescue operation ang Mulanay PNP, Mulanay MDRRMO at barangay officials na nagresulta ng pagkakasagip sa dalawang estudyante na sina Rapia at Remo, habang ang kambal at isa pang estudyante na si De Villa ay hindi pa natatagpuan at patuloy pa rin ang isinasagawang paghahanap ng mga awtoridad sa tatlo pang estudyante.

Please follow and like us:
Read More

‘DI KO KAYANG TANGGAPIN NA MAWAWALA KA NA SA AKIN’ 

suicide12

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI matanggap ng isang binata ang pakikipaghiwalay ng kanyang nobya dahilan para wakasan ang sariling buhay  sa pamamagitan ng pagbigti, sa Midsayap Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Jerome Borbe Jison, 22, residente ng Bagong Silang Caloocan City, at nangungupahan sa isang boarding house sa Brgy. Sadaan Midsayap, Cotabato.

Batay sa imbestigasyon ng Midsayap PNP, nakita na lamang ang biktima ng kanyang kasamahan sa trabaho na nakabigti sa loob ng kanyang silid gamit ang kumot.

Kuwento ng saksi, nagtataka na sila kung bakit hindi pa lumalabas sa kanyang boarding house ang biktima para pumasok sa trabaho, dahilan para pasukin na nila ito.

Tumambad sa kanilang harapan ang nakabitin na biktima at wala nang buhay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, posibleng labis na dinamdam ng biktima ang pakikipaghiwalay ng nobya na nauwi sa pagpapakamatay nito.

Nakuha naman sa tabi ng biktima ang cellphone nito at nabasa ang mga palitan ng text messages ng kanyang girlfriend bago ginawa ang pagpapakamatay.

 

 

Please follow and like us:
Read More

71-ANYOS LOLO PISAK SA BATO SA QUARRY SITE

crime12

(NI ANNIE PINEDA)

BASAG ang ulo ng isang lolo makaraan mabagsakan ito ng malaking bato sa isang quarry site, iniulat sa probinsya ng Albay.

Kinilala ang biktimang si Melchor Balderama, 71-anyos at residente ng Brgy. Lidong, Sto. Domingo, Albay.

Batay sa report ng Sto. Domingo PNP, nagtungo sa quarry site ang biktima kasama ang kaibigan para sana kumuha ng graba at buhangin.

Subalit, habang nasa gitna ng quarry site si Balderama, bigla na lamang gumuho ang malaking bato at nabagsakan ang biktima.

Napag-alaman na may taas 10 metro ang taas ng pinagkukunan ng mga ito ng buhangin at bato.

Nakita naman ng kanyang mga kasama ang pagbagsak ng biktima pero inabot pa ng higit sa 30-minuto ang kanilang pagtulong sa takot na baka may sumunod pang bumagsak at sila ang matamaan.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara na rin itong patay.

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE: ‘MAS IMPORTANTE ‘YUNG SARILI KO!’

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay ginulat ni Nadine Lustre ang lahat sa kanyang ginawang pag-atras na gawin ang pelikulang ‘Miracle In Cell. No. 7’ na pagbibidahan dapat nila ni Aga Muhlach. Ayon sa aktres ay kinakailangan niya ring magpahinga muna kaya tinanggihan ang nasabing Filipino adaption ng Korean drama. “Ako naman, I mean, changes do happen.

Sa akin po kasi I feel like this time, pang-3rd movie ko na po kasi ito if ever. I really felt that I really needed a break. Kasi this point medyo nabu-burn out na rin po ako. Nakadalawang pelikula na ako this year. Mahirap din po kasi gumawa ng pelikula. More than the shoot dates and promotion, since it’s an MMFF film, parang naisip ko na masyadong magiging hectic ‘yung schedule. Mahihirapan din po ako at the end of the day. Ayaw ko naman po na parang umayaw dahil pagod ako, dahil burned out ako,” paliwanag ni Nadine.

Para sa aktres ay maganda talaga ang bagong pelikula at malaking karangalan din na makakalahok ito sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. “It is a good project, it’s a good material. Kaya lang po para sa akin, mas importante po para sa akin ‘yung sarili ko. Kasi I’m not rushing naman po eh. Hindi naman po ako nagmamadali. I mean, yes, it’s a good project, but just to say na walang darating na magandang project in the future. Para sa akin po, mas uunahin ko ‘yung sarili ko,” giit ng dalaga.

Nagpapasalamat si Nadine sa pamunuan ng Viva dahil naunawaan siya sa ginawang desisyon. “They completely understand. Parang sabi ko, ‘Gusto ko po magpahinga.’ Kasi sobrang exhausting naman po talaga ng dalawang magkasunod na movies and promo pa also. Naintindihan naman po nila and they understand kung gaano naging ka-hectic ‘yung schedules ko these past few months. I mean, ever since na nag-start ‘yung year, sunud-sunod na po ako. They felt that I needed a break, too,” pagbabahagi niya.

Kumpirmadong si Bela Padilla ang pumalit sa aktres upang magbida sa nasabing proyekto. Masaya umano si Nadine dahil si Bela ang napiling pumalit sa kanya.  “I’m happy because Bela is a good actress, also a good writer. She takes what she does seriously and she loves it. Okay lang naman po, I’m happy that it’s Bela,” pagtatapos ni Nadine -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

KUYA NAGHURAMENTADO, PATAY SA DALAGITANG KAPATID 

crime145

(NI ANNIE PINEDA)

TULUYANG pinatahimik ang isang lalaki ng kanyang dalagitang kapatid matapos guluhin ang birthday party ng kanilang ina sa loob ng bahay, sa Albay.

Namatay ang 33-anyos na lalaking hindi pinangalanan, habang dinakip naman ng mga awtoridad ang 17-anyos na dalagita at kapwa residente ng Barangay Nagas Oas, Albay.

Batay sa report ng Oas- Albay PNP, masayang nag-iinuman ang pamilya ng magkakapatid sa loob ng kanilang bahay dahil sa ika-60 kaarawan ng kanilang ina.

Kinagabihan, nalasing ang biktima at nagwawala ito hanggang sa sirain pa ang kanilang bahay kaya tinangka itong awatin ng mga kapatid, pero maging sila ay inaway din.

Nawalan ng malay ang kanilang ina dahil sa ginawang panggugulo ng biktima pero nang magkamalay na ito nakita niyang hinampas ng matigas na bagay sa batok ng kanyang anak na dalagita ang biktima.

Bumagsak sa sahig ang biktima na agad naman dinala sa ospital pero nalagutan na rin ito ng hininga.

Rumesponde naman ang mga pulis sa lugar at dinakip ang dalagita saka tinurn-over sa PNP -Women and Children’s Protection Desk (WCPD) at ngayon ay nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nahaharap sa kasong homicide.

Kuwento naman ng ina ng suspek at biktima, ugali na anak niyang lalaki (biktima) ang maghuramentado sa tuwing nalalasing at kinasuhan niya na rin ito.

Please follow and like us:
Read More

PULIS NA NANUTOK NANG ‘DI MAKAPAG-OVERTAKE , SISIBAKIN

PULIS-2

(NI KOI HIPOLITO)

INIREKLAMO ang isang pulis na umano’y nanutok ng baril nang hindi makasingit sa linya ng sasakyan sa Commonwealth, Quezon City.

Nagtungo sa tanggapan ni NCRPO Chief PMGen.Guillermo Eleazar ang

biktimang si Christopher Johnson Ong, 31, residente ng 3rd Floor, PS Bank, Mindanao Ave.Branch, Brgy. Bahay Toro sa Quezon City.

Habang positibong kinilala naman ni General Eleazar ang inirereklamong pulis na si PMSgt.Wilson Aquino, naka-assign sa Tactical Motorcycle Reaction Unit (TMRU-PS3) ng Quezon City Police District (QCPD) at isa pang suspek na nakasuot din ng t-shirt na may tatak na ‘pulis’.

Base sa kuwento at ipinakitang video na kuha ng dashcam ng biktima kay Eleazar, sakay siya ng kanyang KIA KC2700(XCL-957) sa kahabaan ng Commonwealth South Bound, patungo sa Quiapo, Manila, nang sumingit sa kanyang linya ang isang kulay puting SUV subalit hindi umano niya ito napagbigyan.

Kasabay ito ng pagharang sa kanyang harapan ng isang SUV na Montero na may  plate number ABA-1201. Nagbukas ng bintana ang sakay nito saka naglabas ng baril at itinutok sa biktima at pilit na kinukuha ang kanyang lisensya. Bumaba umano ang pulis na suspek na may dalang shotgun sa sasakyan at binantaan ang biktima na huwag sumingit sa kanilang sasakyan kahit na patuloy na humihingi ng dispensa. Natigil lang umano ang pulis nang bumaba ang kasamahan nito na nakasuot ng kulay berdeng tshirt at iniwan ang biktima.

Agad naman ipinag-utos  ng NCRPO Chief ang pagsibak sa puwesto sa suspek na kasalukuyang naka-leave ngayon at mahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo.

“We are here to serve and protect not to intimidate or threaten our citizens.This will serve as a lesson for everybody at nagpapasalamat ako dahil na-expose ang mga pulis na abusado. Huwag kayong matakot,  nasa likod nyo ako at hindi natin hahayaan ang mga katulad ng pulis na ito na abusuhin ang ating mga mamamayan,” ani Eleazar.

Please follow and like us:
Read More

DUGO NG KAPITAN DUMANAK SA PALENGKE

(NI NILOU DEL CARMEN)

NAGING madugo ang umaga sa Alaminos public market sa Alaminos, Laguna matapos pagbabarilin ang isang barangay captain na nagmamay-ari ng isang puwesto ng tindahan ng karne sa loob mismo ng palengke sa Barangay Poblacion 3, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ng mga imbestigador ang biktima na si Romeo Sagario, barangay captain ng Barangay San Andres.

Batay sa report, nasa kanyang tindahan ang kapitan dakong alas 4:30 ng umaga,  at abala sa pagtitinda nang humalo sa mga mamimili ang tatlong  suspek.

Bigla na lamang pinagbabaril nang malapitan ang biktima na  nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad ding tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril na nglakad papalayo sa crime scene.

Isinugod naman sa SPC Medical Center sa San Pablo City ang biktima subalit ideneklara itong dead on arrival ng doktor.

Nahagip naman ng mga ligaw na bala ang dalawa pa na sina Rufo at Marites Manalo na tinamaan sa kanilang kamay at paa at ginagamot pa rin sa ospital.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari at inaalam ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin.

 

 

Please follow and like us:
Read More

MAGPAPA-AUDITION FOR ALDEN’S NEW LEADING LADY

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

ANG bait talaga ni Alden Richards na sinabi pala niyang willing siyang sagutin ang pamasahe ng ibang co-stars nila sa Hello, Love, Goodbye para makasama lang sila sa international screening nito.

Last Thursday lumipad sila ni Kathryn Bernardo pa-Dubai para daluhan ang mga naka-schedule na screening doon  at sa Abu Dhabi. Meron pa raw sila sa Saudi, UAE, Oman, Kuwait at Bahrain, pero hindi ko lang alam kung pupuntahan din nila iyun.

Pero sabi sa akin, pagbalik nila rito may naka-schedule pa raw sila sa Singapore at baka doon makasama ang ilang co-stars na sasagutin ni Alden ang plane fare ha?

Naging close na kasi ni Alden sina Joross Ganboa at Jeff Tam magmula nang mag-shoot sila sa Hongkong kaya gusto niya talagang magkakasama rin sila sa ilang international screening na dadaluhan nila.

Ang dinig ko nga pati sa bagong soap ni Alden na gagawin sa GMA 7 ay ni-request niyang isama si Joross. Ewan ko lang kung matutuloy doon ang aktor dahil may gagawin din yata siya sa ABS-CBN 2.

Napag-usapan na rin ang drama series ni Alden na may tentative title na The Gift, naghahanap pa raw sila ngayon ng leading lady na i-partner sa kanya.

Bagong mukha raw ang gusto nila na babagay kay Alden.

Magpapa-audition siguro yan sila. Abangan na lang natin.

KRIS-GABBY HISTORY MAKAKALKAL

Wala pang inilalabas na statement ang Quantum Films tungkol sa latest

development ng MMFF entry nilang (K)ampon.

Ang sabi naman kasi ni Noel Ferrer, wala pa rin daw silang pinadalang

advice sa MMFF Executive Committee sa mga babaguhin sa casting nila.

Kagaya ng Viva Films nang ipinalit nila si Bela Padilla kay Nadine Lustre na makaka-partner ni Aga Muhlach sa Miracle at Cell No. 7.

Hinihintay lang daw nila ang pasabi ng Quantum na si Gabby Concepcion na ang ipinalit nila kay Derek Ramsay.

Pero ang narinig ko naman ay nagsimula na raw mag-shooting si Gabby eh. Kaya mukhang siya na nga talaga ang makaka-partner ni Kris Aquino sa pelikulang ito.

Naku! Kung matutuloy din ang guesting ni Herbert Bautista sa pelikulang ito, mapapag-usapan na naman ang lovelife ni Tetay dahil dumaan din sa lovelife niya si Gabby na ako raw ang tinuturo na nagtulak na ma-in love kay Gabby.

Sa kadaldalan ni Kris, tiyak na makakalkal na naman yang past nila ni Gabby.

JAVI BENITEZ KINAKARIR ANG PAGIGING ACTION STAR

Suportado ko siyempre ang pagpasok ni Javi Benitez sa showbiz.

Bongga nga itong binata ng Papa Albee Benitez ko dahil talagang kinakarir

ang pag-action niya.

Action na action kasi ang ginagawa niyang pelikulang Kid Alpha One na sinu-shoot pa rin pala niya hanggang ngayon.

Proud na proud si Javi na ipinakita sa amin ang teaser ng Kid Alpha One at kitang-kita mo talagang sobrang maaksyon.

Siyempre, tatak Richard Somes yan na direktor nila sa pelikulang ito.

Sabi ni Javi, mala-Jason Statham daw ang mga action scenes niya rito na talagang pinag-aralan niya nang husto.

Limang buwan na siyang nagri-training ng Filipino Martial Arts dahil nagagamit niya dito sa movie niya.

Pero nag-enjoy din si Javi sa participation niya sa The General’s Daughter.

Mga pitong araw din daw siyang nag-taping sa teleseryeng iyun at markado naman ang role lalo na’t magagaling na artista ang mga kaeksena niya.

Sobrang bait pa raw sa kanya ni Angel Locsin, kaya hinding-hindi raw niya makakalimutan ang pagsali sa kanya sa naturang teleserye.

“It was a good experience kasi after si Angel was asking  ‘o okay ka lang ba? Sobrang sweet niya,” sabi ni Javi.

Medyo mabigat nga ang mga eksena niya sa teleseryeng iyun, kaya kabadung-kabado siya.

“Siyempre, kabado talaga…parang naging challenge na siyempre nandun ka na eh, kailangang panindigan na. Mukhang happy naman sila sa eksena.

“Si Angel nakahawak sa mukha ko, tapos nagtinginan kami, my God, si Darna nakatingin sa akin,” natatawang kuwento ni Javi.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

SUB LEADER NG MAUTE, 1 PA, SUMUKO SA LANAO

(NI AMIHAN SABILLO)

BALIK- pamahalaan na ang dalawang sinasabing miyembro ng local terrorist group sa Lanao Del Norte matapos sumuko ang mga ito.

Ayon kay Lt. General Cirilito Sobejana, Commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom) “With the neutralization of their potential leaders, the capability of local terrorist groups in Lanao area is now dwindling.”

Sinabi pa ni Sobejana, sumuko ang 2 terorista sa tropa ng 49th Infantry Battalion sa Poblacion, Bayabao, Butig, Lanao del Sur nitong Martes.

Pinangalanan ni Sobejana ang mga sumuko na sina Hadji Omar Olama, alyas Omar/Ivan na dating sub-leader ng Maute Group at kanyang tagasunod na si Ibrahim Abbas Olama, alyas Abbas.

Bitbit ng dalawang terorista sa kanilang pagsuko ang mga baril at bala.

Umaasa naman si Sobejana na dahil sa pagsuko ng dalawa ay hihina nang tuluyan ang puwersa ng mga local terrorist sa Mindanao.

“While we continuously conduct our focused military operations, we encourage all the remaining bandits to submit themselves to the government forces and take advantage of the livelihood programs and other services offered by the national government and its stakeholders,” pagtatapos ni Sobejana.

 

Please follow and like us:
Read More

OBIENA, TOPS ATHLETE OF THE MONTH 

(NI DENNIS INIGO)

MULING nagbigay ng karangalan sa bansa si pole vault champion Ernest John Obiena sa international scene,  at ito’y sa ikalawang pagkakataon sa loob lamang ng apat na buwan.

Matapos pamunuan ang pole vault competition sa Asian Athletics Championships sa Doha,  Qatar noong Abril, nagsalansan ng isa pang kasaysayan si Obiena nang isukbit ang gold sa 30th Summer Universiade sa Napoli, Italy noong Hulyo 12.

Ito ang natatanging ikalawang ginto ng Pilipinas sa Universiade, ang ‘Olympics’ of student-athletes. Ang una ay nang iuwi ni GM Wesley So ang chess gold noong 2013 Kazan Universiade.

At dahil sa kabayanihan ni Obiena, sinaluduhan siya ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) at piniling  “Athlete of the Month” para sa buwan ng Hulyo.

“Obiena’s historic gold medal in pole vault in the Napoli Universiade will stand as one of the greatest individual achievements in sports by the  Filipino athletes,” pagmamalaki ni TOPS president Ed Andaya.

“Before Obiena, only GM Wesley So managed to capture a gold medal for the country in the 60-year  history of the Universiade,” dagdag ni Andaya, personal na kinober ang pamamayagpag ni  So sa Kazan noong 2013.

Napasakamay ni Obiena ang napakailap na  monthly citation ng TOPS kontra kina eight-division world champion Manny Pacquiao,  nagwagi via split decision kay American fighter Keith Thurman nitong Hulyo 20, at swimming sensation Jasmin Mikaela Mojdeh, muling nagtala ng dalawang junior records sa ASEAN Schools Games sa Indonesia noong Hulyo 25.

Ang tatlong kandidato, sina Pacquiao (January), Mojdeh (February) at Obiena (April), ay pawang napagkalooban na ng award ng TOPS.

Ang TOPS, kinabibilangan ng editors, columnists, reporters at photographers ng mga pangunahing tabloids sa Pilipinas, ang siya ring presentor ng “Usapang Sports,” weekly forum na ginaganap sa National Press Club at inisponsoran ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drink at mapapanood nang live sa Facebook via Glitter Livestream.

Samantala, boxing at  karate  ang magiging paksa ngayon sa 34th “Usapang Sports”  ng TOPS.
Ibubulgar ni boxing idol Mark “Magnifico” Magsayo ang kanyang darating na laban kay Thai veteran Panya Uthok para sa WBC Asia featherweight championship sa Bohol Wisdom School gym sa Tagbilaran City sa Agosto 31.

Ikukwento naman ni  Karate Pilipinas Sports Federation Inc. president Richard Lim ang matagumpay na kampanya ng ating mga atleta sa nakaraang 39th Karatedo Gojukai  Int’l Championship 2019 sa Singapore at maging ang paghataw ng 7th Karatedo Goju-kai Asia Pacific Championship sa Lapu-Lapu City sa Setyembre 27- Oktubre 1.

Darating din si Games and Amusements Board (GAB) Boxing Contact Sports officer-in-charge Jackie Lou Cacho sa TOPS forum.

Please follow and like us:
Read More

ESTAFA CASE NAKATAMBAY SA PISKALYA

RJ JACINTO-SC

LANDBANK INATASAN NG SC NA KASUHAN SI RJ JACINTO

(Ni Nelson S. Badilla / Ikalimang na bahagi)

INIAKYAT ng LandBank of the Philippines (LandBank) ang kasong P464 milyong estafa o paglabag sa Batas Pambansa 22 ni Ramon “RJ” Jacinto sa Supreme Court (SC) noong Agosto 2002.

Naghain ng petisyon ang LandBank sa SC na rebyuhin ang desisyon ng Court Appeals (CA) na ikinatalo at ikinalugi ng LandBank ng P464 milyon dahil sa paborableng desisyon ng huli kay Jacinto.

Jacinto, pinakasuhan ng estafa ng SC noon pang 2010

SA pagsasaliksik ng Diaryo Bomba, nadiskubreng noong 2010 na natapos ng SC ang kaso laban kay Jacinto.

Sa desisyon ng ikatlong dibisyon ng mataas na hukuman, kinatigan nito ang mga argumento ng DOJ laban sa CA.

Ayon sa desisyon na ang naging ponente ay si Associate Justice Martin Villarama, mayroong matibay, malakas at sapat na batayan upang sampahan ng DOJ ng kasong kriminal ang noo’y presidential consultant na si Jacinto kaugnay sa sinasabing paglabag nito sa Batas Pambansa 22 (BP 22) o Bouncing Checks Law o estafa.

Ibig sabihin nito, pinaburan ng SC ang apila ng LandBank na kilalanin at ipatupad ang resolusyon ng DOJ noong Oktubre 25, 2000.

Sa nasabing desisyon ng kagawaran, nagkaroon ng batayan upang sampahan ng kasong paglabag sa BP 22 si Jacinto.

Idiniin ng pontente ni Villarama na hindi lusot sa kaso si Jacinto dahil nagkaroon ng “Restructuring Agreement” ang First Women’s Credit Corporation (FWCC) at ang LandBank noong Hunyo 3,1998 o limang araw bago sumapit ang tinatawag na “maturity date” ng nilagdaan at inisyu ni Jacinto na mga “post-date checks” na ang kabuuang halaga ay P464 milyon.

Si Jacinto ang nakapirma sa tseke, sapagkat siya ang pangulo ng naturang kompanya na pautang ang negosyo.

Ang sinasabing Restructing Agreement ay siyang panibagong kasunduan o kontrata sa pagitan ng LandBank at FWCC kaugnay sa P400 milyong inutang ng FWCC noong 1997 sa nasabing bangkong pag-aari at pinamamahalaan ng pamahalaan.

Tinumbok at binaril ng mataas na hukuman ang argumento ni Jacinto noon sa CA na nabalewala ang kanyang pananagutan o wala na siyang kinalaman sa multimilyong utang ng FWCC sa LandBank, sapagkat ang nautang kontrata ng dalawang partido ay napalitan ng Restructuring Agreement.

Isinaad sa ng dibisyon ni Villarama na: “There was no express stipulation in the Restructuring Agreement that respondent [Jacinto] is released from his liability on the issued checks and in fact the letter-agreement between FWCC and LBP (or LandBank) expressly provide that respondent’s joint and several signatures continue to secure the loan obligation and the postdated checks issued continue to guaranty the obligation.”

Samakatuwid, pasok si Jacinto sa kasong estafa, ipinunto ng ponente ni Villarama.

Pasok si Jacinto sa bagong kasunduan ng FWCC at LandBank

INILATAG at ipinaalala ng SC wala sa siyam na “post -dated checks” na linagdaan at inisyu ni Jacinto sa LandBank ay mayroong petsang Hunyo 8 hanggang Oktubre 30,1998 makaraang magkaroon ng Restructuring Agreement sa pagitan ng FWCC at LandBank.

At tinukoy din ng SC ang isa sa mga mahahalagang nilalaman o probisyon ng bagong kasuduan na tinawag ng dalawang partido na Restructuring Agreement na nagsasabing: “This agreement shall not novate or extinguish all previous security, mortgage, and other collateral agreements, promissory notes, solidary undertaking previously executed by and between the parties and shall continue in full force and effect modified only by the provisions of this agreement.”

Nilinaw at idiniin ng SC na pasok pa rin si Jacinto sa bagong kasunduan ng FWCC at LandBank, sapagkat walang nakasaad sa nasabing bagong kasunduan na hindi na kasama si Jacinto sa panibagong napagkaisahan ng dalawang organisasyon.

Sumang-ayon ang mga noo’y Associate Justices Conchita Carpio-Morales, Lucas Bersamin at Jose Catral Mendoza sa desisyong inakda ni Villarama.

Mahalagang idiniin ang naturang paksa sa desisyon ng SC, sapagkat ito ang mga bumaril at nagpabagsak sa argumento ni Jacinto na nagpanalo sa kanya sa CA laban sa DOJ noong 2002.

P464 milyong estafa case ni Jacinto ‘nakatambay’ sa piskalya

MATAPOS maglabas ng pinal na desisyon ang SC noong Agosto 2010, naghain uli ng reklamo ang LandBank sa piskalya ng Lungsod ng Makati kung saan kasama na si Ramon Jacinto sa kasong P464 milyong kasong estafa.

Inalam ng manunulat na ito kung ano ang kinahinatnan ng kaso mula noong 2010 kung saan nabanggit ng isang opisyal sa tanggapan ng piskalya ng Makati naka-archive ang kaso laban kay Jacinto.

Hindi maaaring maglabas ng anumang detalye ang piskalya sa Diaryo Bomba tungkol sa nasabing kasong kriminal, sapagkat hindi bahagi ng kaso o walang kinalaman sa kaso ang writer na ito.

Kahit tungkol sa status ng kaso ni Jacinto, ay walang karapatan ang manunulat na ito na malaman ang nasabing usapin, diin ng mga opisyal at kawani sa tanggapan ng piskalya ng Makati.

Ang kanilang pahayag ay nakabatay sa Manual of Prosecutors na inilabas ng DOJ.

Ayon sa beteranong propesor ng abogasya at lider-manggagawang si Atty. Jose Sonny Matula, ang Manual of Prosecutors ay nakabatay sa Administrative Circular ng DOJ.

Sa pangungulit ng Diaryo Bomba, inamin na lang isang opisyal sa piskalya na “nasa archive ng prosecutors office” ang kaso ni RJ Jacinto.

Ang ibig sabihin nito ay “nakatabi” o “nakatambay” sa tanggapan ng piskalya.

Please follow and like us:
Read More

MAINE KONTRABIDA NI BOSSING SA MMFF ENTRY MOVIE

(NI GORGY RULA)

ANG saya nang mukha ni Maine Mendoza nang sandali naming nakatsikahan sa story conference ng MMFF entry ng APT at Mzet Films na Mission Unstapabol, The Don Identity na ginanap sa  Novotel sa Cubao nung nakaraang Miyerkules nang hapon.

Excited daw siya sa bagong project niya na kasama uli si Vic Sotto dahil kumportable raw siya talagang si Bossing Vic ang kasama niya.

Pangatlong MMFF movie na nilang dalawa pero this time, hindi raw sila mag-ama.

Sabi kasi ni Bossing Vic, nakikita nilang gustung-gusto ng mga supporters nila na mag-ama silang dalawa kaya nga lumalaban sa rating ang sitcom nilang Daddy’s Gurl sa GMA 7.

Pero dito sa bagong gagawin nila, parang magkakontra raw silang dalawa.

“Ibang-iba ito eh. Para sa akin first time itong gagawin kong pelikula, at first time din naming magsama ni Maine na hindi kami mag-ama.

“Magkakontra kami rito.

“Ang role dito ni Maine, another challenge for her na hindi lang pa-cute lang. Ito, complete package sa kanya,” sabi ng Eat Bulaga host.

Kaya na-excite din ang mga fans nang ipinost ko sa Instagram ko dahil bago raw ito para sa kanila na magkalaban ang dalawang bida.

Kaya tinanong ko rin si Maine kung challenging ba sa kanya na magkakontra sila rito ni Bossing Vic.

“Mas exciting sa akin kesa sa challenging kasi feeling ko naman marami na rin naman talagang nag-aabang every year ng MMFF movie ni Bossing.

“Alam naman nila na nag-iiba naman talaga kapag movie ni Bossing. So, masa excited kami na gawin to,” pakli ni Maine.

Pero iba raw talaga ang feeling kapag naging bahagi ka ng MMFF lalo na kapag kasama ka sa magpaparada na nakikita mong tuwang-tuwa ang mga fans.

“Iba pa rin kasi pag parte ka ng MMFF, talagang ginagawa pa rin lahat para mapasaya ang mga tao,” sabi pa uli ng EB’s phenomenal star.

Doon na rin sa storycon kinumusta ko kay Maine ang isa pang pelikulang ginagawa niya sa Black Sheep, ang Isa Pa With Feelings kasama si Carlo Aquino.

Nagsimula na raw silang mag-shooting kaya tinanong ko na rin kung kilig-kiligan din ba silang dalawa rito gaya nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

“Sakto lang. Hindi siya outright kilig-kiligan, pero…hindi ko masabi. Hindi ko matantiya.

“Tingnan na lang natin kapag mabuo na namin, pag lumabas na ang trailer kung kiligin ang mga tao,” nakangiti niyang sagot sa akin.

Pero nakita raw niya agad na magaling talagang aktor si Carlo.

“Magaling si Carlo, wala akong masabi. Magaling siya talaga.

“Pero mga light scenes pa lang po kasi ang nagagawa namin, and nakaisang araw pa lang kami. So tingnan natin,” sabi niya.

Sinundan ko uli ng tanong kung may kissing scene din ba sila rito.

“Iyun po ang hindi ko alam kasi pinag-uusapan pa,” medyo naalangan niyang sagot.

Malay natin, baka isa rin yan sa pasabog sa pelikula nila.

Nabanggit na rin sa amin ni Maine na napanood na niya pala ang Hello, Love, Goodbye at tuwang-tuwa raw siya para kina Alden at Kathryn.

“Maganda siya.  Magaling silang dalawa, tapos napapakilig ako,” masaya niyang tsika sa amin.

Habang pinapanood daw niya ang mga kilig-kiligan scenes ng dalawa, minumuwestra niyang napapakagat siya sa daliri kasi nakakakilig naman daw talaga.

“Happy ako sa kanila,” sabi pa ni Maine.

KATDEN FILM CONTINUES TO WREAK HAVOC OF LOCAL BOX OFFICE RECORD

Patuloy pa ngang sinisira ng Hello, Love, Goodbye ang box-office record

ng mga Pinoy films na ipinalabas sa mga sinehan.

Natalo na nito ang record ng Alone/Together na nangunguna sa takilya

ngayong taon.

Ang inaabangan na lang ng lahat ay kung kaya ba nitong lagpasan ang

box-office record ng The Hows of Us.

Hindi pa kasi puwedeng ibilang ang mga international screenings dahil ipalalabas pa lang.

Pero marami na raw silang naka-schedule sa iba’t-ibang bansa.

Napakiusapan na nga si Alden na daluhan ang ilang screening kasama si Kathryn pero mas gusto ni Alden na kumpleto ang buong main cast.

Willing pa nga siyang sagutin ang pamasahe ng ibang cast para kumpleto raw sila at sabay na ring maka-bonding niya uli ang mga ito.

Naging close na kasi silang lahat at masaya raw talaga kapag magkakasama sila.

Inaalam pa kung saan siya makakapunta dahil sisimulan na rin ni Alden ang bagong drama series niyang gagawin sa GMA 7.

 

Please follow and like us:
Read More

NOTORYUS NA TULAK, TIGBAK

crime

(NI ANNIE PINEDA)

TIGBAK ang isang pinaniniwalaang malaking sindikato ng tulak na droga matapos umanong makipagbarilan sa mga awtoridad sa ginawang buy-bust operation sa Lumban, Laguna, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang napatay na suspek na si Reynante Coralde, ng Barangay Bagong Silang , Lumban, Laguna.

Ayon sa Laguna police, dakong alas 10:00 ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa suspek subalit nang arestuhin na ito ay nanlaban at pinaputukan ang operatiba.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek na agad nitong ikinamatay.

Nakuha mula kay Coralde ang P250,000 halaga ng hinihinalang shabu at .45 kalibre na baril na ginamit nito sa pagputok.

Napag-alaman, nakulong ng limang taon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Santa Cruz, Laguna si Coralde na may kinalaman sa kasong droga.

Please follow and like us:
Read More

GAME 3 KATROPA VS BEERMEN: UNAHAN MAKA-2

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO)

INAASAHANG mas pisikal na laro ang magaganap sa pangatlong paghaharap ng TNT KaTropa at San Miguel Beer ngayong Biyernes matapos maitabla ng Beermen ang serye sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ganap na alas-7 ng gabi muling magsasagupa ang Katropa at Beermen na mag-uunahang makakuha ng bentahe sa Game 3 ng kanilang best-of-seven final series sa Araneta Coliseum.

Animo dumaan sa ‘butas ng karayom’ ang Beermen na kinailangan ang double overtime bago tinalo ang Katropa, 127-125, Miyerkoles para maidikit ang serye sa 1-1.

Sinamantala ng Beermen ang pagkakatalsik sa laro nina TNT import Terrence Jones at keyman Troy Rosario para maitakas ang panalo sa Game 2.

Napatalsik si Jones matapos ang ikalawang technical foul dahil sa pagbangga sa bantay niyang si Chris Ross ng Beermen sa first overtime.

Nasayang din ang mainit na laro ni Rosario nang matawagan ng ikaanim at huling foul sa rebound play kontra kay June Mar Fajardo sa natitirang 1:15 minuto ng laro.

Mula sa 17 puntos na pagkakaiwan ay nagawa ng Katropa, sa pangunguna ni Rosario na nagtala ng career-best 34 points sa kanyang 8-of-12 three point shooting, na makahabol. Ngunit dala ng experience ay nanaig sa huli ang SMB.

Inaasahang muling sasandigan ng Beerme si Chris McCullough na kumamada ng 32 puntos, 22 rebounds at pitong assists. Nagambag sina Romeo ng 29, 25 si Ross, 19 si Cabagnot at 12 points at 10 rebounds naman si Fajardo.

Nagtala naman si Jones ng kabuuang 28 puntos, 13 boards, pitong assists, limang steals at tatlong blocks bago napatalsik sa laro.

Please follow and like us:
Read More

MGA EX-GENERAL AT JUETENG LORD DAPAT PAKASUHAN NI DUTERTE SA ANOMALYA SA PCSO

CHRISTIAN BOMB

DAHIL daw sa corruption kaya’t ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng palaro o pasugal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), pero makalipas lang ang dalawang araw ay pinayagan ng presidente na muling mag-operate ang lotto.

Ang hindi na lang pinayagan ni Pangulong Duterte na mag-operate ay ang small-town lottery (STL), Peryahan ng Bayan at Keno, dahil ang mga namamahala raw sa mga pasugal na ito ng PCSO ang sangkot sa corruption.

Pinatotohanan naman ni Sen. Panfilo Lacson ang mga anomalya sa PCSO, at ang sangkot daw dito ay ang mga ex-military at police generals na nabigyan ng STL franchise.

Sinegundahan ni PCSO Board Member Sandra Cam ang isiniwalat ni Sen. Lacson at sa puntong ito, muli niyang pinangalanan ang sangkot sa mga anomalya at sila ay sina dating PCSO Chairman Jorge Corpuz at dating PCSO General Manager Alexander Balutan.

Ang dalawang ex-general daw na ito ang nagbigay ng prangkisa ng STL sa mga kapwa nila ex-military at police generals, na ang ginawa naman daw ay ang STL franchise na napasakanila ay ibinigay naman sa mga jueteng lord kaya ang resulta, ang malaking kita para sa operasyon ng STL na ginawang jueteng operations ay hindi napupunta sa PCSO, kundi sa bulsa ng mga gambling lord bumabagsak.

Hindi na bago ang isyung corruption na iyan sa PCSO dahil noon ay nagkaroon na ng imbestigasyon diyan ang Senado at Kamara, at noon pa lumutang na ang STL ay ginawang front ng mga jueteng lord sa kanilang iligal na operasyon.

Ilang araw matapos ang mga imbestigasyon noon sa Senado at Kamara ay nag-resign si Corpuz bilang PCSO chairman dahil daw sa kanyang kalusugan, at kalaunan ay nag-resign din si Balutan.

Bagamat wala na sa PCSO sina Corpuz at Balutan, nananatiling hawak ng ilang ex-generals ang STL franchise na siyang ginagamit sa jueteng operations ng mga gambling lord, hanggang dumating sa puntong napuno na si Pangulong Duterte sa corruption sa PCSO kaya ipinatigil ang ilang palaro o pasugal ng ahensyang ito.

Ang banta ni Pangulong Duterte ay papangalanan daw niya mga sangkot sa anomalya, at sana nga pangalanan na at sampahan ng kaso para makulong bilang kabayaran sa ginawa nilang pagbubulsa sa kita ng PCSO, na dapat sana mga mahihirap na humihingi ng tulong pampagamot sa PCSO ang nakinabang dito at hindi ang mga corrupt na ex-general at mga kasabwat nilang jueteng lord. (CHRISTIAN’S BOMB / Chirstian Hernandez)

Please follow and like us:
Read More

“NO BREAK POLICY” SA BID AT MODUS NG CHINESE NATIONAL SA BANSA!

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

IMINUNGKAHI ng Department of Transportation (DOTr) na ipatupad ang “No break policy” sa mga opisyal ng Bureau of Immigration lalo na kung maraming nakapila sa mga Immigration counter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Secretary Arthur Tugade, mas higit na mababawasan ang mahabang pila sa mga Immigrations counter at mababantayan pa umano ang record ng mga turista na pumapasok ng bansa. Idinagdag pa ni Tugade na kailangan din ng karagdagang rapid response team o strike team force mula sa Manila International Airport Authority para sa pagbabantay sa mga immigration counter.

Sa kasalukuyan ay 500 personnel lamang ang naka-deploy sa tatlong terminal ng NAIA na nasa shift schedule kaya iminungkahi ng kalihim ng “No break Policy”.

Sa panayam ng inyong lingkod kay Ma’am Dana Sandoval, spokesperson at Deputy Chief ng IRD, sinabi nito na higit nilang binabantayan ang mga immigrations counter para ma-monitor ang pagpasok ng mga turista at kahit kakain lamang ang isang personnel ay hindi nawawalan ng tao ang immigration counters dahil may shifting sila.

Napakaganda ng mungkahi ni Secretary Arthur Tugade dahil maiiwasan nga naman ang matagal na pila ng mga tao sa immigration counter. Mismong ang inyong lingkod ay naobserbahan ang mahabang pila sa mga counter, pero tuloy-tuloy naman ang paggalaw nito.

Ang importante ay dapat magdagdag ng personnel ang BID para lalong maserbisyuhan ang mga pasaherong pumapasok sa terminal o paliparan sa buong bansa.

Ang ating pakiusap lamang kay BID Commissioner Jaime Morente, Sir, sana naman higpitan pa ninyo ang pagbabantay sa mga undocumented Chinese national na halos umaabot na sa 1.3 milyon ang nakapasok sa bansa dahil sa maluwag ang ating gobyerno sa pagpapasok sa mga ito.

Kamakailan lamang ay may mga Chinese national na hinuli ng NBI dahil sa pangingidnap sa kanilang kababayan na ang kanilang modus ay alukin na mag-travel sa Pilipinas pero kalaunan ay kanilang pauutangin para magsugal sa mga casino hanggang mabaon sa utang. Kapag hindi nakabayad ay kanilang ikukulong at ipatutubos sa mga kamag-anak ang biktima.

Diyan lamang sa lungsod ng San Jose Del Monte, may isang “Godfather” ng mga Chinese national na nagngangalang alyas Jojo Lim at Vicson Lim na maraming hawak na mga Intsik na itinatago umano sa kanilang warehouse sa isang barangay sa lungsod. Kapareho ang kanilang modus operandi, aalukin ang kanilang kababayan na mapera na mag-travel sa Pilipinas at tuturuang magsugal sa casino at kapag lulong na ay kanilang pauutangin hanggang masimot ang dalang pera. Kapag walang-wala na ay mapipilitan na itong mangutang at doon na ito sasamantalahin ng mga kababayang pasok sa ganitong uri ng sindikato. Abangan ang mas matitindi pang expose. (HAGUPIT NI BATUIGAS / Mario Batuigas)

Please follow and like us:
Read More