SHABU SA PUMP BOAT NASABAT NG PH MARINES

(NI JESSE KABEL)

LIMANG kalalakihan na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf  at 28 heat sealed  plastic sachets na naglalaman ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Marine Battalion Landing Team 8 ng Philippine Navy Marines at Banguingui Municipal Police Station sa karagatang sakop ng Brgy Tainga, Bakkaw, sa lalawigan Sulu.

Ayon kay Capt, Felix A. Serapio, Phil. Navy (Marine) Director, Marine Corps Public Affairs Office, isang joint law enforcement ang kanilang inilunsad matapos makatangap ng intelligence information hinggil sa mga hinihinalang drug dealers at mga kasapi ng Abu Sayyaf terror group na parating mula sa karagatang sakop ng barangay Tainga.

Nang harangin ng awtoridad ang dalawang pump boat na itinuro ng mga impormante ay na-recover sa mga hinihinalang ASG members ang mga hinihinalang shabu na nasa 28 plastic sachets, mga drug paraphernalia at isang magazine assembly para sa  caliber 45 at may limang bala.

Agad na dinala ng mga sundalo ang kinumpiskang droga at dalawang pump boat, kasama ang limang suspek, sa Bangungui Municipal Police Station para sa paghahain ng kaukulang kaso.

Please follow and like us:
Read More

MAG-AMA TODAS, 2 KRITIKAL SA BUMANGGANG PICK-UP

accident121

(NI JG TUMBADO)

TODAS ang isang 63-anyos na lolo at maging ng kanyang 21-anyos na anak na lalaki nang salpukin sila ng isang pick-up habang sakay sa kanilang “kuliglig” sa bayan ng Calamaniugan,  lalawigan ng Cagayan, gabi ng Miyerkoles.

Kapwa binawian ng buhay habang ginagamot sa District Hospital ang mag-amang sina Inocencio Fermin Sr. at Inocencio Jr. ng Barangay Fula sa bayan ng Buguey.

Bukod sa mga nasawi ay dalawa pang iba ang nasa maselang kondisyon sa ospital na nakilalang sina Prince Jay Columna at Juliet Miranda, na parehong sakay din sa kuliglig.

Nabatid sa report kay Police Lt. Ma. Teodora Cabral, hepe ng Camalaniugan police, nag overtake umano ang driver ng pick-up na nakilalang si Ernesto Rabit Jr., sa isang sasakyan sa bahagi ng national highway ng Barangay Cullit.

Subalit hindi na umano nagawang bumalik sa linya si Rabit at dire- diretsong sumalpok sa kasalubong na kuliglig na nasa kabilang linya.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang driver na si Rabit at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide with physical injuries and damage to properties.

 

Please follow and like us:
Read More

BELA NA-BASH NG TEAM JULIA SA DINNER WITH BEA

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

VERY close or best friend talaga ang status friendship ni Bela Padilla at ang nakatatandang kapatid ni Julia Barretto na si Dani Barretto.

Kaya understandable nang mag-react at makatikim ng sangkatutak na pambabash si Bela nang makita ng mga fan ni Julia na kasama ito sa grupo ng ilang Kapamilya stars na nag-dinner kabilang si Bea Alonzo at nang i-upload ni Angel Locsin sa Instagram stories niya ang picture nila na may hashtag na Para Kay B.

Ipinaliwanag naman agad ni Bela na wala siyang kinalaman sa pa-hashtag at kung ang intensiyon nga ay para kay Bea o kung anuman, sey niya, it doesn’t matter to her. Nagpaliwanag na rin daw siya kay Dani at gayundin kay Marjorie Barretto ng nangyaring dinner.

Binigyang diin nito na okay siya kay Dani at gayundin kay Marjorie sa kabila nang insidenteng yun.

Pero tila hindi “benta” sa netizens ang katwiran ni Bela na nagso-social media detox daw siya. Na ang paliwanag niya nang mag-guest siya sa Tonight with Boy Abunda, talagang nag-unfollow raw siya ng 2,000 na sa mga pina-follow niya sa Instagram. Hindi pa lang daw niya naa-unfollow pa ang iba dahil naging busy siya.

Inamin nitong ini-unfollow niya si Julia, pero dati pa raw at hindi ang isyu nito ngayon ang dahilan.

Ang point naman ng ilang netizens, kung totoong socmed detox si Bela, ano’t sa 4,000 na pina-follow niya, isa si Julia sa mga una niyang ini-unfollow, considering na kapatid ito ng bestfriend niya.

Sabi pa ng isang netizen, siguro naman daw, sa 4,000, mga 1/4 do’n, eh, hindi niya ka-close at all.

Meron din naman na nag-agree sa paliwanag ni Bela at pinuri ito at sinabihang, iba raw talaga si Bela kapag nagsasalita. Maldita pero pero smart at direct to the point.

Itong isyu ng Julia-Gerald Anderson at Bea Alonzo ay parang sakop na rin ang test of friendship, huh!

THE GIFT NI ALDEN CYCLONE ANG ARRIVE

Malakas ang dating ng mga pictures na naglabasan na kuha sa first taping day ng “The Gift” ang title ng bagong primetime series ni Alden Richards na naisulat din namin dito kahapon.

Kasama niya sa eksena si Jo Berry, though siyempre, hindi malinaw kung ano ang relasyon nila sa serye. May kuhang nakasakay sa kariton si Jo habang tulak-tulak ni Alden.

Walang duda na mga vendors sila sa Tutuban kunsaan kuha ang scene. So, most likely, sa first taping day ng The Gift, nasagot na rin siguro kung bakit may picture ito na nasa Mayor’s office ni Isko Moreno kasama ang iba pang Kapuso star. Posibleng courtesy call ang ginawa nina Alden dahil ang location nila sa serye ay sa Manila.

Wala pang official na announcement mula sa GMA-7 kung ano ang saktong character description ni Alden sa bagong soap, pero ang balitang ay may third eye at tila healing power pa.

In-terms of leading lady, feeling namin hindi naman siguro zero leading lady, parang sa Victor Magtanggol din na kahit paano, may love interest pa rin naman. At susme, hindi naman na siguro kaso yun ngayon, especially after the blockbuster record of “Hello, Love, Goodbye” kung magkaroon man ng solid leading lady si Alden sa kahit anong proyekto niya.

Happy naman ang ilang netizens na naalala ang madalas sabihin ni Jo noon na paborito niyang artista si Alden at ngayon ay ka-eksena na niya ito. May picture pa na buhat-buhat siya ng Pambansang Bae.

Please follow and like us:
Read More

OFW NA MISIS PINATAY NI MISTER SA INIWAN NA UTANG

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang misis na ang kanyang pag-uwi mula sa ibang bansa, ay kanya na palang huling hininga, matapos itong pagsasaksakin ng kanyang asawa dahil umano sa mga pagkakautang, iniulat sa Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktimang si Emilyn Lariosa, overseas Filipino worker sa bansang Malaysia at residente ng Tabina, Zamboanga del Sur.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Erwin Lariosa, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, Agosto 5, kauuwi lamang ng biktima galing sa bansang Malaysia nang salubungin ito ng away ng suspek sa halip na yakap ng pagkasabik at pangungulila habang nasa ibang bansa ang biktima.

Makalipas ang isang araw , muling inaway ni Erwin si Emilyn at kinompronta tungkol sa mga utang na kanyang iniwan na siya naman pinaggastos sa kanyang pag-alis para sa mga dokumento.

Nagdilim ang paningin ng suspek at kumuha ito ng kutsilyo saka pinagsasaksak ng maraming beses ang biktima sa harap mismo ng kanilang tatlong anak na agad nitong ikinasawi.

Sinampahan na ng kasong parricide ang suspek na ngayon at nakakulong sa piitan ng Zamboanga del Sur-PNP.

 

Please follow and like us:
Read More

MASAHISTA KINATAY, 5 TANOD INARESTO

(NI NILOU DEL CARMEN)

KALUNUS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang lalaking masahista na natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa Barangay Muntingpulo, Lipa City, Batangas, Martes ng umaga.

Nakagapos sa likuran ang mga kamay nito at tadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matagpuan sa masukal na lote sa gilid ng isang kalsada.

Nakilala lamang ng mga awtoridad ang isinalvage na bangkay noong Miyerkoles matapos matunton ng kanyang mga kaanak sa pinagdalahang punerarya sa lungsod ng Lipa.

Kinilala ito na si Patrick Jones Nadera, 33, tubong bayan ng Taal, nakatira sa isang dorm sa Barangay Sabang, Lipa at nagtatrabaho bilang masahista sa isang spa sa naturang lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Lipa City police na pinahirapan muna at pinatay ito sa ibang lugar bago itinapon ang bangkay.

Sa follow-up operation ng Lipa City police, inaresto nitong Huwebes ang limang barangay tanod ng Barangay Sabang  na umano ay sangkot sa krimen.

Nakumpiska rin sa mga ito ang baril na umano ay siyang ginamit sa pagpatay at ang Suzuki multi cab na pag-aari ng barangay na siyang pinagkargahan sa biktima.

Nasabit ang mga tanod matapos na malamang sila ang mga naka-duty noong gabi na patayin ang biktima at makilala na ang kulay gray na barangay patrol vehicle ang ginamit sa pagtatapon sa bangkay.

Nasa kostudiya  na ang mga ito ngayon sa Lipa City police habang patuloy pa ang isinsagawang imbestigasyon at inaalam ang iba pang mga pangyayari kaugnay sa krimen at kung bakit pinatay ang biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

TRUST RATING NI BEA MAS MATAAS KAY DU30 SA 87%

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

“AND the winner by a technical knockout is Bea Alonzo.”

Parang ganyan ang narinig namin noong isang gabi nang gamit ang kanilang mga facilities, nagsagawa ng isang spot survey ang mga tauhan ng isang survey firm tungkol sa controversy nina Bea, Gerald Anderson at Julia Barretto. Parang bumagsak sa isang suntok ang dalawang kalaban, dahil gamit ang 1200 samples, lumalabas na 87% ang mas naniniwala kay Bea. Aba eh lumalabas na mas mataas pa iyan sa approval ratings ni Presidente Digong, kaya ano pa ba ang dapat pag-usapan ngayon.

Wala nang paki si Bea. Ganyan kataas ang approval ratings niya sa publiko sa kabila ng kung anu-anong nasabi na laban sa kanya. Aba eh matibay siya. Kaysa sa maghanap pa siya ng isang ghost writer na sasagot sa mga akusasyon sa kanya, ang intindihin na lang niya ay kung ano nga bang magandang project ang kailangan niyang unahin, at kung anong endorsement offer ang kailangan niyang tanggapin agad. Kung ganyan kataas ang approval ratings mo, aba hindi magagawa ng mga advertisers na pigilin ang mga ad endorsements mo. Magagawa lang nila iyan kung sira ang iyong kredibilidad.

Tingnan ninyo ang social media, malaking malaki rin ang lamang noong tinatawag na Team Bea kaysa sa ‘timtiman”. Kaya nga ano pa ba ang pag-uusapan?

In the first place Tito KC, ang tanong nga ay tama ba naman ang pinagtatalunan? Ikaw ang tinatanong ko dahil alam ko mas may impormasyon ka sa mga bagay na ganyan.

KAABANG-ABANG CELINE VS. DORIS

Lumalabas walang kuwentang laban iyan dahil maliwanag naman kung sino ang mas pinaniniwalaan ng mga tao, para tuloy ang mas gusto na naming abangan ngayon ay ang away naman Asec Celine Pialago ng MMDA at ni Doris Bigornia ng ABS-CBN.

INUUTUSAN MONG MAG-SUICIDE ANG MGA SINEHAN

Siguro nga masasabi nating sa lahat ng mga festivals ng mga pelikulang indie, pinaka kinikilala na iyang Cinemalaya. Kasi nasa ilalim iyan ng CCP. Iyan din ang pinakamatagal nang festival ng mga pelikulang indie. Pero kung iisipin mo, doon sa isang mall ay may apat na screenings lamang sila sa isang maliit na sinehan. Slide screening iyon. Ibig sabihin iba-ibang pelikula ang palabas sa bawa’t screening. Bilang suporta, mas maliit pa ang admission prices. Pero iilang tao rin ang nanonood sa mga pelikula.

Kung iyong Cinemalaya ay ganyan, eh di lalo na ang ibang festivals. At ano ang aasahan mo sa mga pelikulang indie na ipinipilit nilang kailangang ipalabas sa mga sinehan ng isang linggo? Ano iyan inuutusan mong mag-suicide ang mga sinehan? Mag-isip naman sana tayo ‘day.

Usap-usapan lang ito Tito KC ha, totoo nga kayang isinumpa talaga si direk kaya kahit na anong pelikula ang kanyang gawin ay hindi kumikita? Sa totoo lang, wala pa kaming natatandaang kumitang pelikula ni direk kahit na ok naman ang mga artistang nabobola pa niyang gumawa ng kanyang pelikula.

May nagsasabi namang baka raw may malas lang na kasama si direk, at basta nawala ang malas susuwertihin din siya. Pero alin man doon ang totoo, isang bagay ang tiyak na tiyak namin, maglulupasay na naman sa takilya ang pelikula niyang ilalabas na.

Pareho lang kasi sila ng artista niya sa pelikula na kapwa “laon” na. (‘Di ba dapat ‘pag laon ay maalsa na?-Ed)

Ang buhay nga naman lalo na kung walang suwerte talaga.

 

Please follow and like us:
Read More

12 BEBOT NAILIGTAS SA ‘SEX DEN’ NA KTV BAR

(NI KIKO CUETO)

DAET, CAMARINES NORTE — Nailigtas ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa 12 babae na ibinubugaw umano sa KTV bar sa Barangay Lag-on sa lungsod na ito.

Sa imbestigasyon, sinasabing umano na sa halos isang dekada na nag-ooperate ang bar at isinailalim sa surveillance ng NBI kung saan nabisto na may nangyayaring prostitusyon sa loob nito.

Sa isang entrapment operation, agad na natimbog ng NBI ang may-ari ng bar na si alyas “Charlie.”

Gayunman,  itinangi  ni “Charlie” na may milagrong nagaganap sa loob ng KTV bar.

“Nagkataon na may nangailangan siguro maski tanungin ang lahat ng tauhan na bawal ‘yan sa amin at wala kaming ina-allow. Nagtataka ako na nangyayari ang mga ganun,” sabi ng may-ari.

Sinabi ni Rex Solano, team leader ng NBI – Naga district office, pinagbabayad umano ng P1,500 ang mga parokyano.

“Siya ang nag o oversee. Sa halagang P1500, pwedeng iakyat ang babae sa may VIP. Doon na nagkakaroon ng solicitation of sexual favors,” ani Solano.

Kasong paglabag sa 9208 o Anti-Human Trafficking In Persons Act ang isinampa ng NBI laban sa may- ari ng bar.

 

Please follow and like us:
Read More

KOLEHIYALA NI-RAPE, NA-VIDEO NG 6, SA BDAY PARTY

(NI ANNIE PINEDA)

PINAPAK ang isang 23-anyos na kolehiyala matapos pagpasa-pasahan gahasain ng anim na kalalakihan kanyang ka-schoolmate na Criminology students, nang paunlakan ang imbitasyon ng isa sa mga suspek, iniulat sa Cagayan de Oro City.

Nadakip naman ang apat sa mga suspek na kinilalang sina Jemboy Tonacao, 21, tubong Manticao, Misamis Oriental, nangungupahan sa Julio-Pacana Streets, sa lungsod; Junel Pabingwit, 24, residente ng Sto.Nino, Lapasan;  Clint Caballero, 18, residente ng Xavier Heights, ng nasabing lungsod at Jason Veter, 16, habang tugis naman ang dalawang nakatakas, at pawang mga BS criminology student sa nasabing paaralan.

Personal na nagtungo sa himpilan ng Police Station-5 CDO, ang 23-anyos na biktimang hindi pinangalanan, Tourism management student, ng Southern Philippines College (SPC), sa lungsod, para pormal na magsampa ng kaso laban sa mga suspek.

Kuwento ng biktima, bandang alas 5:00 ng hapon dumating siya sa boarding house ni Tonacao, na siyang may kaarawan at naabutan na niya ang mga itong umiinom kaya tinagayan na rin siya at kanya naman pinagbigyan.

Habang nasa kalagitnaan ng inuman, bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkahilo at antok, kaya hindi na niya namalayan nakatulog siya.

Pagsapit ng alas 7:00 ng gabi naramdaman niyang tinakpan ng isa sa mga suspek ang kanyang mukha ng blanket habang ginagahasa siya nina Tonacao Veter habang kinukuhanan naman ng video ni Caballero at nagsilbi naman lookout ang iba. Hanggang sa makaraos at susunod naman gagahasa ang iba.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng mga suspek ang ginawang panggahasa at pagkuha video.

Nahaharap ngayon sa kasong rape ang mga suspek.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BABY PATAY SA SUNOG

fire

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isang taong gulang na baby nang iwan ng kanyang ina sa kanilang tahanan, ngunit minalas namang matupok ng apoy sa Cainta, Rizal, Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa Cainta Municipal Police Station, ang bangkay ng biktimang si Andrei Bronosa, ay natagpuan na lamang ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa loob ng kanilang tahanan matapos maapula ang apoy.

Nabatid na dakong alas-8:22 ng gabi nang maganap ang sunog sa tahanan ng biktima sa Masipag Street, Riverside 2, Barangay Sto. Domingo, sa Cainta.

Sa imbestigasyon, lumitaw na iniwan ng kanyang ina ang biktima sa mezzanine ng kanilang tahanan dahil may pinuntahan ito, ngunit pagbalik ay laking pagkabigla nang makitang nasusunog na ang kanilang tahanan.

Kaagad namang nakaresponde ang mga pamatay-sunog ngunit hindi na naisalba pa ang sanggol.

Dakong alas-8:44 ng gabi nang ideklara ng awtoridad na nasa unang alarma na ang sunog at tuluyang naideklarang fire under control dakong alas-8:53 ng gabi.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy, gayundin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

 

Please follow and like us:
Read More

NADINE: HINDI NAMAN PWEDE NANGHUHULA LAGI ANG PARTNER MO

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MAINIT pa ring pinag-uusapan ngayon sa apat na sulok ng show business ang paghihiwalay bilang magkasintahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia at Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Para kay Nadine Lustre ay malayong humantong sila ng kasintahang si James Reid sa hiwalayan dahil sa ilang mga sikreto. “Communication, trust. Kailangan may tiwala kayo sa isa’t isa, ‘yon lang naman, communication,” bungad ni Nadine.

Matatandaang February, 2016 nang umamin sina James at Nadine na opisyal na ang kanilang relasyon bilang magkasintahan. Mula noon ay marami na ring napagdaanang pagsubok ang dalawa pero nananatiling matatag ang kanilang pagmamahalan. “’Yon ang pinakamahalaga kong natutunan sa relationship ko with James. Kahit ano pa ang nararamdaman ko kahit nakakahiya, kailangan sinasabi mo talaga. Hindi naman pwede nanghuhula lang ang partner mo palagi,” dagdag pa ng dalaga.

Samantala, makakasama namin si Nadine bilang hurado sa pinakabagong reality show ng ABS-CBN na ‘Your Moment.’ Inaasahang ipalalabas sa Kapamilya network ang bagong programa sa pagpasok ng 2020. “I’m super excited. I really love working with Tito Boy. I’m just really honest ‘pag nagja-judge and with our show, parang it’s more of entertainment. Ako, I love being entertained. So kung ano ‘yung nararamdaman ko, sinasabi ko lang naman,” nakangiting pahayag ng aktres.

Nakaranas ng online bashing si James noon mula sa netizens  sa pagiging isa sa mga hurado ng ‘Search for the Idol Philippines’ na nagtapos kamakailan. Umaasa na si Nadine na siya naman ang makararanas ngayon ng mga pinagdaanan ng kasintahan. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

SUNDALO NABIKTIMA NG INVESTMENT SCAM, NAG-SUICIDE 

suicide16

(NI ANNIE PINEDA)

DAHIL umano sa malaking halagang pagkakautang, nagawa umanong tapusin ang sariling buhay ng isang kasapi ng Philippine Army (PA) sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili, iniulat nitong Miyerkoles sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang biktimang si Army Technical Sgt Rogelio Asuncion, 43, miyembro ng 4th ID, Philippine Army , tubong Negros Occidental ng Western Visayas, at naka-assign sa Camp Edilberto Evangelista, Barangay Patag, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang biktima sa loob ng nasabing kampo na naliligo sa sariling dugo at may tama ng bala ng .45 kalibre na baril sa dibdib.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, duda noong una na posibleng aksidente lamang nakalabit ng biktima ang kanyang baril habang nililinis.

Ngunit lumabas sa imbestigasyon, problemado umano si Asuncion sa kanyang mga kasamahan na mabayaran ang higit sa P300,000 halaga na kanyang kinolekta at na-invest umano sa KAPA.

Para mabayaran ang mga kasamahan , sinubukan umanong mag-loan ng biktima sa AFPSLAI pero hindi umano ito naaprubahan.

Nabatid na 23-taon na sa serbisyo si Asuncion.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

MISIS PATAY, MISTER SUGATAN SA AMBUSH

crimeshooting12

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang misis habang sugatan ang kanyang mister makaraang tambangan ng mga hindi pa kilalang suspek habang sakay ng pick-up, kasama ang anak at isang kaanak, sa Tuguegarao City.

Kinilala ang namatay na si Eunice Aquino Mallorga, sugatan ang mister na si Rex Anthony Mallorga, 2-anyos na anak at isa nilang kaanak na kinilalang si Simon Baloran, pawang residente ng Buntun, Tuguegarao City.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente Miyerkoles ng umaga sa highway ng Barangay Dugayong Piat, Cagayan .

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, minamaneho ni Rex Anthony ang pick- na pag-aari ng amo na si Rizal Cagayan Vice-Mayor Joel Ruma, sakay ang kanyang asawa’t anak at si Baloran para sana magpakarga ng gasolina.

Pagsapit sa nasabing lugar, bigla na lamang silang pinaulanan ng bala ng M16 rifle ng mga suspek na lulan ng isang kotse.

Dito, nasapol si Eunice ng mga bala na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan sa kabila ng tama ng bala sa katawan nagawa naman paandarin ni Rex ang pick-up pero nahulog sila sa matubig na palayan.

Tumakas naman ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente, nakapulot sila ng higit sa 30 basyo ng bala mula sa nasabing kalibre na armas.

Kinumpirma naman ni Ruma na mekaniko/driver niya si Anthony simula noong Enero.

Nagpapagaling naman sa isang pribadong ospital sa lungsod ang mga sugatan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

AWOL NA PULIS TIMBOG SA DROGA

(NI KNOTS ALFORTE)

MAITUTURING na malaking isda sa Antipolo City ang pagkakadakip sa isang Awol na pulis habang gumagamit ng droga kasama ang iba pang parokyano sa bahay nito sa  Purok Sumulong Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Hindi na nakapalag si Robert Lauigan, alyas Don Robert Charlie Lauigan, 53, nang salakayin ang kanyang hideout.

Ayon sa report kay Rizal Police Provincial Director P/Col Renato Sanao Alba ni Antipolo Chief of Police P/Lt.Col Alvin Consolacion, dakong alas-2:15 Miyerkoles ng hapon nang isagawa ang operasyon ng Police Antipolo at SWAT team sa bisa ng warrant of arrest sa suspek.

Naaktuhan ito na gumagamit ng shabu at ang kanyang mga parokyano sa kanyang bahay. Kinilala ang mga nahuling ka-jamming na sina Mark Sison, 22, Armida Manalastas, 24, at Monica Morales, 27, pawang ng Brgy. Dela Paz,  Antipolo City.

Nakuha sa kanila ang umaabot sa 50 gramo ng shabu na may street value na P350,000, isang 9MM Cal. pistol at isang 38 cal. revolver at mga bala nito at  isang fragmented hand grenade.

Dinala na sa Antipolo lock-up jail ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Please follow and like us:
Read More

AUG.12 IDINEKLARANG HOLIDAY 

DUTERTE-SONA

(NI DAHLIA S. ANIN)

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte na holiday sa  Agosto 12 bilang paggunita sa Eid al-Adha o ang Feast of Sacrifice ng mga kapatid na Muslim.

Kinumpirma ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga mamamahayag.

Wala pang detalye kung ito ay regular holiday o special non-working holiday ngunit ilalabas din ang opisyal na detalye nito, ayon din kay Medialdea.

Ang Eid al-Adha ay ang pag-alala sa sakripisyong ginawa ni Abraham bilang pagsunod sa kautusan ni Allah.

Ipinagdiriwang ang pistang ito sa Mecca, ang pinakabanal na siyudad ng mga Islam kung saan sila nag-aalay ng hayop, nagdiriwang ng pista kasama ang kanilang mga pamilya at kamag-anak at nagsasagawa ng mga charitable acts sa kanilang kapwa.

 

Please follow and like us:
Read More

LANDBANK NAGPAUTANG SA CREDIT FIRM NI RJ JACINTO

RJ JACINTO-4

(NI NELSON S. BADILLA / IKAAPAT NA BAHAGI)

ISA sa mga pinautang ng Land Bank of the Phi­lippines (LandBank) ay ang opisyal ng pamahalaan at negosyanteng si Ramon “RJ” Jacinto.

Si Jacinto ay presidential adviser mula Marso 22, 1995 hanggang Marso 1, 1998, panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Batay sa rekord ng Sup­reme Court (SC) at Department of Justice (DOJ), umabot sa P464 milyon ang utang ni Jacinto sa ngalan ng First Women’s Credit Corporation (FWCC).

Sinaliksik ng Diaryo Bomba  ang nasabing utang ni Jacinto upang malaman ng publiko ang mga kaganapang itinakbo sa P464 milyon mula noong 1997.

Tsekeng inisyu sa LandBank

Batay sa rekord ng SC, naglabas ng siyam na tseke si Jacinto sa LandBank o LBP noong 1998 na umabot sa P464 milyon ang kabuuang halaga.

Walo rito ay inilabas ni Jacinto mula Hunyo 8 hanggang Oktubre 8, 1998, matapos magmature ng “Restructuring Agreement” sa pagitan ni Jacinto at LandBank.

Inisyu ni Jacinto ang nasabing mga tseke bilang pangulo ng FWCC kung saan ang nasabing organisasyon ay nagkaroon ng P400 milyong utang sa LandBank, ayon sa credit line agreement ng FWCC at LandBank na mayroong petsang Agosto 22,1997.

Nang ipapalit na ng LandBank ang siyam na tseke sa Philippine National Bank (PNB) makaraang magmature ang P400 milyon na utang, binalewala ito ng bangko dulot ng istatus na “payment stopped” o “drawn against insufficient funds.”

Sa ibang salita, tumalbog ang mga tseke.

Estafa case versus RJ Jacinto

Sa pagtalbog ng mga tseke, naghain ng kasong paglabag  sa Batas Pambansa 22 o Bouncing Checks Law ang LandBank laban kay Jacinto sa piskalya ng Lungsod ng Makati.

Hinarap ni Jacinto ang kaso na nauwi sa kanyang panalo sa piskalya.

Sa kanyang counter-affidavit, iginiit ni Jacinto na walang batayan ang kasong kriminal na isinampa laban sa kanya ng LandBank, sapagkat ang kanyang pananagutan sa P400 milyon na  inutang sa LandBank ay naglaho bunga ng “Restructuring Agreement” sa pagitan ng FWCC at ng LandBank na pumalit sa lumang kasunduan ng dalawang partido.

Kinatigan ng piskalya ng Makati ang depensa ni Jacinto sa kaugnay sa kasong isinampa sa kanya ng LandBank.

Ibinasura ng piskalya ang kasong isinampa ng LandBank kay Jacinto, sapagkat nakumbinsi ang piskalya na napalitan ang lumang kasunduan sa pagitan FWCC at LandBank ng Restructuring Agreement ng dalawa.

Binago ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng piskalya, sapagkat kumbinsidung-kumbinsido ang kagawaran na lumabag sa BP 22 si Jacinto.

Naniniwala ang DOJ na malakas, matibay at sapat ang mga katibayan upang iakyat sa korte ang kasong kriminal laban kay Jacinto, ayon sa desisyon nito noong Oktubre 25, 2000.

Inakyat ni Jacinto ang kaso sa Court of Appeals (CA) kung saan ibinasura nito ang desisyon ng DOJ.

Sa desisyon nito noong Agosto 6,2002, iginiit ng CA na hindi lumabag sa BP 22 si Jacinto.

Kaya, hindi dapat umusad ang kaso laban kay Jacinto.

Nagtungo sa SC ang DOJ kung saan hiniling nitong pag-aralan at baguhin ang pasya ng CA laban sa DOJ hinggil sa nasabing kasong kriminal ni Jacinto.

Please follow and like us:
Read More

LAWYERS’ KILLINGS PINATUTULDUKAN NI REP. NOGRALES

Rep Juan Fidel Nograles-2

KAILANGAN nang tuldukan ang nangyayaring karahasan sa mga abogado at tiyakin ang kanilang kaligtasan at pag-iral ng batas.

Iginiit ito ni House Committee on Justice Vice Chair at Rizal 2nd District Rep. Juan Fidel Nograles.

Kasabay nito ay nanawagan ang mambabatas ng imbestigasyon sa pagpatay sa mga abogado, piskal at huwes.

Kahapon ay inihayag ni Nograles ang kanyang pag-akda sa House Resolution No. 185 dahil panahon na umanong kumilos ang gobyerno sa sunud-sunod na pagkitil sa buhay ng mga abogado na tinawag nitong “mga bantay sa Rule of Law.”

“Ang pag-atake sa abogasya ay pag-atake sa Rule of Law,” ayon sa abogadong mambabatas kasabay ng paliwanag na sa ilalim ng mga Batayang Prinsipyo sa Papel ng mga Abogado (Basic Principles on the Role of Lawyers), “nasa kamay ng gobyerno ang pagtitiyak sa paninilbihan ng mga abogado upang sila ay makaganap ng kanilang tungkulin nang walang pananakot, hadlang, harassment o hindi tamang panghihimasok.”

Ang Basic Principles on the Role of Lawyers ay ipinasa ng United Nations Congress on the Prevention of Crime and the Treatment of Offenders sa Havana, Cuba noong 1990, ayon kay Nograles, na may Master’s Degree in Law mula sa Harvard University.

Ayon pa sa mambabatas, na siyang nangasiwa sa isang free legal aid program sa Rizal bago mahalal sa Kongreso, “kapag napaparalisang maglingkod ang mga abogado dahil sa takot, dito nagsisimulang humina ang pag-iral ng Rule of Law. Huwag nating payagang mangyari ito.”

Mula Hulyo 2016, umaabot na sa 41 abogado, piskal at mga huwes ang napapatay sa bansa.

Kasabay nito, umapela rin si Nograles sa Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP) na bumuo ng task force na tututok sa pagresolba sa mga krimeng ito.

“Kapag ang mga kriminal na ito ay patuloy na mamamayagpag sa lipunan nang walang habas, lalong tatapang ang iba pang kriminal na gumamit ng dahas at pananakot huwag lamang makapagsilbi sa kanilang mga tungkulin ang mga abogado,” daing pa ni Nograles.

“Panahon na po para umaksyon. Di na natin pwedeng hayaan na lumala pa ang problema na ito,” pagtatapos ng mambabatas. (PFI REPORTORIAL TEAM)

Please follow and like us:
Read More

PALPAK ANG DAMAGE CONTROL NG TEAM JULIA

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

LAUGH kami nang laugh Tito KC, at kamuntik pa kaming mabulunan doon sa kinakain naming chicharon, na may laman from Cebu, dahil sa nabasa naming statement ng nga netizens tungkol sa sinabi ni Julia Barretto na siya ay biktima ng cyberbullying.

Kamuntik pa nga naming mabuga ang iniinom naming soda, dahil doon sa parte ng statement niya kung saan sinasabi niyang “you have charged everybody to destroy me for you”.

Sus Tito KC, para bang hindi natin naririnig kung papaanong magsalita si Julia sa mga press conferences. Parang hindi natin napapanood kung papaano siya sumagot sa mga interview sa kanya sa TV. Hindi ganyang magsalita si Julia. Kung pakikinggan mo pabebe pa nga iyan eh. Papaano naman ako hindi matatawa sa ganyang statement na alam mong hindi naman galing kay Julia. Iyon namang mga tao, react nang react na halos batuhin na siya kagaya nang gusto nilang gawin kay Magdalena.

Lahat nang ito ay nangyari dahil sa hindi mahusay na damage control.

Ano ba ang talagang sitwasyon? Break na sina Julia at Joshua, at kung ano man ang dahilan ay wala na tayong pakialam. Niligawan siya ni Gerald na inamin naman noon. Hindi man niya inaamin, nag-fall din siya kay Gerald. Si Bea naman, ang feeling nasulot ang kanyang boyfriend, at sinabi niyang ayaw na niya. Ganoon lang kasimple iyan. Kung iyan nagkaroon ng isang effective damage control, hindi na mangyayari iyan kaya lang sabog-sabog ang depensa nila eh.

Nangagalaiti ang nanay niyang si Marjorie. Mamaya sinisisi ng kapatid niyang si Dani si Joshua. Nagtatalak din ang lola niyang si Inday. Tapos ngayon nga ang statement na hindi naman talaga sa kanya.

Una hindi ganoon ka-articulate si Julia. Kung totoo ngang ang ghost writer niya ay isang lawyer, iba po ang sistema ng showbusiness kaysa sa korte, however, in the absence of a better reason, a statement is hereby written to be posted in social media.

Kung ang ghost writer ay writer talaga, ‘day pag-aralan mo rin ang “ghosting” bukod sa pagiging isang ghost writer. Hindi lahat ay naging kasing successful ng pelikula nina Patrick Swayze at Demi Moore. Hindi lahat ay hinahangaan, may pinagtatawanan at isa ang statement na iyan. The fact is hindi na maaaring baliktarin ang mundo at mabago ang sitwasyon. The order is just to “deodorize” the situation.

Ang kailangan lamang niya ay isang epekibong damage control. Epektibo ha!

DATI NA ANG SULUTAN

Hindi ito ang first time na may ganyang sitwasyon. Ganyan-ganyan din ang nangyari ilang dekada na ang nakaraan. May isang actor na may girlfriend na aktres din. Iniwan ng actor ang aktres at nanligaw sa isa pang aktres. Nasulot din, pero hindi ganyan kalala ang sitwasyon pagkatapos, kasi epektibo ang damage control. Professionals ang gumawa, hindi amateurs. Ang mga gumawa, may tahid na sa showbusiness at alam ang mentalidad ng fans, iyon ang wala sila.

Kung hindi lumabas ang matapang na statement na iyan ni Julia, palagay namin matatabunan na ang issue eh, at baka hindi pa umabot sa ganyan ang controversy. Eh kaso lalo pang pumutok iyon, at masasama pa ang sinasabi ng mga tao. Tawagin man ninyo silang sawsawero, pakialamero, bashers at kung anu-ano pa, pero kumakalat ang kanilang opinion, tama man o mali.

Eh dito sa Pilipinas, mas nakikita ang mali kaysa sa tama. Kaya ang sitwasyon nila ay mas lalo pang lumala. Hindi ako kasali riyan Tito KC, basta ngayong araw na ito, gusto kong kumain ng laing, sukdulang makati ang dahon ng gabi. Wala akong pakialam.(Ako rin, gusto ng laing ni Atty. Direk Jojie V Alonso. Rapsa ang extra viand sa pa-press con niya for Belle Douleur.)

Gusto ko rin sana ng kuhol kung may makukuha, masarap sipsipin iyon eh.

 

Please follow and like us:
Read More

3-ARAW PAG-ISYU NG CLEARANCES, PERMITS MAY SUMUNOD NA KAYA?

BOMBAHAN NA FINAL

MUKHANG nabalewala ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Dueterte na pabilisin ang paglalabas ng clearances at permits na iniisyu ng Local Government Units (LGUs).

Noong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, binanggit niya na dapat sa loob ng tatlong araw ay mailabas na ang clearances at permits mula sa LGUs kung wala naman itong problema.

Inutusan ni Pangulong Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na sabihan ang lahat ng local chief executives tulad ng mga mayor at governor na huwag nang pabalik-balikin ang sinomang kukuha ng clearances at permits mula sa kanila.

Inihalimbawa pa ni Pangulong Duterte, ang Davao City na sa loob lamang ng isang oras ay kaya nang ilabas ang clear-ance at permit mula sa kanila.

Bakit aniya hindi kayang gawin ng ibang LGUs?

Sa ganitong kalakaran na matagal bago nailalabas ang clearances at permits ay pumapasok ang korapsyon.

Nais ng Pangulo na pabilisin ito, ang problema lang, maging ang DILG ay tila aligaga ata sa pagpapatupad nito.

May suhestiyon ang mga silipero ng BOMBAHAN NA kay Pangulong Duterte. Dapat daw magkaroon din ng parang SO-NA ang bawat cabinet secretary para nalalaman ng taumbayan kung ano ang ginagawa nila.

Dapat mag-ulat din sila ng kanilang ginagawang trabaho sa kanilang mga boss – ang taumbayan.

Mayroon din kasi nito ang city mayors na tinatawag na State of City Address o SOCA.

Hindi tuloy nalalaman ng taumbayan kung natutulog lang ba sa pansitan ang cabinet secretary o talagang nagtatrabaho siya.

Sabi nga nila, ang cabinet secretary ay alter ego ng Presidente ng bansa, kaya naman kung ano ang ipag-utos sa kanila ay dapat nilang gawin nang walang pag-aalinlangan.

Hindi lang daw sila nagre-report sa Pangulo ng bansa kundi maging sa taumbayan din na nagpapasweldo sa kanila.

Napakahalagang malaman ng taumbayan kung may sumunod na ba sa mga mayor at governor sa sinabi ni Pangulong Duterte na dapat sa loob ng 3-araw ay nailabas na ang clearances at permits na kinukuha ng taumbayan sa mga LGU sa kanilang lugar.

Ang mangyayari tuloy niyan, si Pangulong Duterte ang mapapahiya sa taumbayan dahil binalewala ng mga LGU ang kanyang sinasabi sa SONA.

Sabi naman ng mga LGU na pasaway at ayaw sumunod sa Pangulo, ba­gaman ikabubuti ng taumbayan ngunit hindi ga-nun kadali ang magpatupad ng nasabing kautusan.

Buwisit! Pasaway!

Kaya ayaw n’yong ipatupad dahil ayaw niyong mawala ang korapsyon sa inyong mga nasasakupan!

Sabi nga ng isang sili­pero, kaya ayaw ng mga politiko na umunlad ang kanyang mga kababayan ay para manatili itong mahirap at umasa na lang sa kanya.

Kung anong sinabi ni Mayor sa kanyang kababayang hikahos sa buhay ay sunud-sunuran ito, ganun ang gusto nila.

Kaya kahit sinong umupong presidente sa bansa kung ganito lagi ang mentalidad ng mga elec­ted official ay hindi uun-lad ang Pilipinas.

Kaya kung ganyan ang inyong mga pananaw, ‘wag na po tayong mag­hanap ng magandang kinabukasan para sa ating mga anak.

Wala pong ibang magpapaunlad sa Pilipinas kundi mga Pilipino rin.

Magtulungan po tayo para sa ikauunlad ng ating Inang Bayan.

Tulungan po natin si Pangulong Duterte para sumulong na ang Pilipinas.

Kung hindi ngayon, kelan pa?

oOo

Pasabugin ang katiwalian isumbong sa BOMBAHAN NA mag-email joel2amongo@yahoo.com.

Please follow and like us:
Read More

DUTERTE MANONOOD NG GILAS VERSUS ITALY 

(NI ANN ENCARNACION)

MATAPOS sabihin na hindi mananalo ang Gilas Pilipinas, bumawi si Pangulong Rodrigo Duterte at nagpahayag na panonoorin niya ang laban ng national team kontra Italy sa 2019 FIBA World Cup sa Foshan, China.

Ito ang tiniyak ni dating Special Assistant to the President at ngayo’y Senador Christopher Lawrence Go matapos na laitin ng pangulo ang Gilas Pilipinas.

“Panonoorin talaga niya (Duterte) ang laban natin kontra Italy dahil importante ito sa kailangan na dalawang panalo para makapasok tayo sa susunod na round. Napagkuwentuhan nga namin na huwag na natin isipin ang Serbia dahil talagang malakas pero dito sa Italy ay may mas tsansa tayo kaya gusto niya manood,” aniya.

Ipinaliwanag ni Go na susuportahan ng pangulo ang national team sa World Cup dahil makakasabay ito mismo sa ikalimang pagbisita nito sa China para makipagpulong kay President Xi Jinping.

Kasalukuyang nasa training camp sa Spain ang Gilas at noong Martes ng gabi (Miyerkules sa Pilipinas) ay kanilang tinalo, 102-80, ang Congo sa isang tune-up match sa Palacio Multiusos de Guadalajara.

Pinamunuan ni naturalized player Andray Blatche ang national team sa tinipong 25 puntos, nagdagdag si Japeth Aguilar ng 22, at 16 puntos si Mark Barroca.

Lahat ng 10-player pool ng Gilas ni coach Yeng Guiao ay nakaiskor laban sa ranked 82nd sa mundo na Congo.
Ilang oras bago ang tune-up game ng Gilas at Congo, nagbiro ang Pangulong Duterte na walang tsansang manalo ang Gilas sa World Cup.

“Problema unang kalaban natin Italy. Wala, talo tayo, walang laban,” sabi ni Duterte Martes ng gabi sa oathtaking ng Filipino-Chinese businessmen sa Malacanang.

“We will lose dito sa Italya. Ang lalaki kaya niyang mga %@#$ na yan,” sabi ni Duterte.

Nabatid na Italy ang unang makakalaban ng Gilas sa FIBA World Cup.

Please follow and like us:
Read More

CHINA, ‘DI PA KAYANG MAKIPAG-GIYERA

PANALO KA

SA ngayon, hindi pa kayang makipag-giyera ang China sa alinmang bansa lalo na ang US dahil mahina pa siya sa tinatawag na global geopolitics.

May ilang bansa na nalalansi ng China sa pamamagitan ng pautang nito pero hindi ibig sabihin na kakampi sa kanya ang mga ito kapag nag­kagiyera.

Sa personal kong opinyon, lahat ng ginagawa ng China sa West Philippine Sea (WPS) pati na ang lantarang paglabag nito sa soberenya ng ating bansa ay pakitang-gilas. Alam ng US ‘yan, at mukhang ang gobyerno na lamang natin ang hindi nakaaalam.

Ginagamit lamang ng Palasyo ng Malakanyang ang lahat ng isyu sa WPS para mailihis ang mamamayan sa mga tunay na isyung direktang nakaaapekto sa pang-araw-araw na buhay.

“Survival strategy” ito ng kasalukuyang administrasyon dahil hindi matatapos ang gusot sa WPS sa 2022. Bahala naman ang susunod na administrasyon na gumawa ng sarili nitong istratehiya.

Sa madali’t sabi, hindi basta-basta na sasakupin ng China ang Pilipinas dahil alam nitong malaki ang pakinabang ng US at iba pang bansa sa ating bansa.

Sa geo-political-military na perspektiba, malalim ang samahan ng ating Armed Forces of the Philippines (AFP) at US counterpart nito. ‘Yan ang hindi pa nakukuha ng China, ang tiwala ng AFP. At pustahan tayo, pati buong tiwala ng Pangulo ay hindi pa nakukuha ng China.

Bakit biglang ku­mambyo ngayon ang gob­yerno at kinukontra na ang pang-aabuso ng China sa ating soberenya?

Bibisita uli ang Pa­ngulo sa China nitong mga susunod na araw at sinasabi ng Palasyo na babanggitin na niya ang panalo ng bansa sa arbitrasyon laban sa China. Makikinig kaya ang pangulo ng China na si Xi Jin Ping? Hindi nga nito pinakikinggan ang international community.

Sa kabilang banda, ang pagbanggit lamang ng Pangulo sa panalo sa arbitrasyon sa usapan nila ng pangulo ng China ay magpapataas na sa morale ng AFP at ng mamamayang Pilipino. Pero teka, baka naman “press release” lamang ‘yan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo. E, alam naman natin ang kanyang kalidad bilang tagapagsalita ang Palasyo.

Sakaling mabanggit nga ito ng Pangulo sa  kanilang usapan, kaabang-abang ang magiging sagot ng pangulo ng China.

Uulitin ko, sa dami ng aking nakausap na eksperto sa larangan ng geo-political-military malabong papasok ang China sa giyerang hindi nito mapapanalunan. Dahil sa bandang huli, magsisimula siya uli, ‘ika nga, “from scratch”.  (PANALO KA! / FLORANTE SOLMERIN)

Please follow and like us:
Read More