SASAKYAN NAHULOG SA PARKING AREA NG HOTEL

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG driver ang nasugatan nang umano’y mawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong pick-up, na nagresulta sa pagkahulog nito mula sa ikalawang palapag ng parking area ng isang hotel sa  Ortigas Center, Pasig City, Biyernes ng umaga.

Ayon kay P/MSgt. Allan Matula, ng Pasig City Police, ang biktima ay nakilala lang na si Rocky Pagaran Yabut, driver ng silver na pick-up na may plakang NBI-8838 at pagma-may-ari ng isang Rolan Roque.

Si Yabut, na sinasabing posibleng nabalian ng leeg at kaliwang braso, ay naisugod na sa Rizal Medical Center at nilalapatan ng kaukulang lunas.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng pulisya na bago mag-alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa parking area ng Malayan Plaza Hotel, sa ADB Avenue, Ortigas Center.

Nasa ikalawang palapag umano ng parking area ang naturang pick-up nang sinasabing mawalan ng kontrol dito ang driver kaya’t humarurot at biglang nahulog mula sa ikalawang palapag ng parking area hanggang sa tuluyang bumagsak nang patagilid sa kalye ng Topaz Road, kanto ng Opal Road.

Tumalsik rin sa kalsada sa ibaba ang bakal na rehas na harang ng parking area nang banggain ng sasakyan.

Dahil sa tindi ng impact ng insidente ay wasak ang harapan at tagilirang bahagi ng sasakyan habang sugatan ang driver nito, na kaagad namang dinaluhan ng mga rescuer at naisugod sa pagamutan.

Mabuti na lamang at walang nabagsakan ang sasakyan at rehas na bakal, kaya’t walang nadamay sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

MOTOCROSS CHAMP PATAY SA ENSAYO

(NI BONG PAULO)

KARIT ni kamatayan ang sumalubong sa isang 18-anyos na kampeon sa motocross racing matapos pumalya ang pinag-eensayuhang motorsiklo nito dahilan ng pagkakadisgrasya AT pagkamatay sa Motocross Racing ground sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Carmen, Agusan del Norte.

Kinilala ang biktima na si Jhonkim Portes Peligrino, residente ng Purok 16, Brgy. San Vicente, Butuan City.

Nabatid na ang biktima ay bantog na kampeon sa mga motocross racing sa kanilang lugar.

Ayon sa nanay ng biktima na si Zenaida Peligrino, nag-practice umano ang kanyang anak para sa patimpalak sa hapon kungsaan aksidenteng pumalya ang minamaneho nitong sasakyan dahilan para ito ay tumilapon sa lupa.

Dahil sa lakas ng impact, nagkasugat ang biktima na mabilis namang isinugod sa  MJ Santos Hospital, subalit dakong alas-3:00 ng hapon ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa attending physician na nagtamo umano ang biktima ng ‘internal hemorrhage’ sa kanyang dibdib na naging sanhi ng pagkamatay nito.

 

Please follow and like us:
Read More

BABALA NI PACQUIAO: THURMAN ‘DI AABOT NG 12TH ROUND

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

LAS VEGAS – “HINDI matatapos ang 12-round.”
Ito ang pag-analisa ni eight division word champion Manny Pacquiao sa kalalabasan ng 12-round WBA welterweight showdown nila ni Keith ‘One Time’ Thurman Sabado (Linggo sa Manila) sa MGM Grand Garden Arena.

“There is a big percentage that this fight will not go 12 rounds.  That is not a prediction, just my analysis,” ani Pacquiao.

Kung tutuparin nga raw ni Thurman ang pahayag nito na makikipagsabayan kay Pacman, dalawang bagay lang ang mangyayari sa Amerikano–mana-knockout o kusang aayaw.

“If he goes toe-to-toe with me that will be lovely.  It will make it a shorter fight.” wika ng Pambansang Kamao.

Nananatiling paboritong magwawagi ang Filipino boxing icon. Sa pinakahuling betting odds, ang 40-anyos na Fighting Senator ay -155, habang +135 naman si Thurman, mas bata ng sampung taon kay Pacquiao.

Nangangahulugan, na ang pustang $155 kay Pacquiao (kung mananalo) ay kakabig lamang ng $100. Habang, ang pustang $100 kay Thurman ay $135 naman ang balik.

Ang pusta namang Pacquiao by KO (1st & 2nd round) ay 50/1 ($1=$50). Kung KO sa 3rd at 4th at 12th round nama’y 40/1 ($1=$40). At 30/1 kung mana-knockout ni Pacquiao si Thurman sa 5th-11th round.

Habang mas mataas na 60/1 naman kung iiskor si Thurman ng 1st o 2nd round KO ($1=$60). 50/1 sa 3rd,  4th at 12th round. At 40/1 ($1=$40) mula round 5th-11th round.

Samantala, hindi na nag-ensayo si Pacquiao kahapon. Sa halip, nagpahinga na lamang ito bilang paghahanda sa official weigh-in ngayong Biyernes (Sabado sa Manila).

Inaasahang magaang na makukuha ni Pacquiao ang 147-pound weight limit.

Aabangan naman kung sosobra sa timbang si Thurman, na napabalitang nahirapang magbawas. Pero agad na pinabulaanan ng kampo nito ang balita.

Please follow and like us:
Read More

NADINE KULANG PA SA BOX OFFICE APPEAL  

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MATAPOS sabihin ng ABS-CBN na isang baguhan nilang artista ang finally ay lalabas na Darna, at saka naglabas ng statement si Nadine Lustre na hindi naman daw siya nag-audition, at “hindi ako talagang nag-effort para sa Darna, although I am happy na may nakaisip na kaya ko iyon”.

Actually hindi talaga si Nadine ang nagsimula niyan kungdi si Erik Matti, iyong tinanggal na director ng Darna, matapos na lumabas na hindi na nga rin magagawa iyon ni Liza Soberano dahil nabalian nga ng finger. Nasabi lang naman ng dating director ng pelikula na kung siya ang tatanungin, palagay niya si Nadine ang bagay.

Pero noon pa man, sinabi naman ni Nadine na hindi siya sumali sa auditions noon. Hindi naman daw siya sinabihan ng mga managers niyang sumali, at saka bakit nga naman sasailalim sa audition na ganoon ang isang aktres na kapapanalo lamang ng tatlong mahahalagang acting awards.

Pinag-usapan lang iyan dahil nakumbinsi siyang sumigaw ng Darna doon sa blog ni Donnalyn Bartolome, pero maliwanag din namang sinabi ng sexy singer at blogger na iyon ay dahil lang sa paniwala niyang bagay na Darna si Nadine, mangyari man iyon o hindi.

Kung si Nadine nga ang kanilang kinuha, siguro masasabing malamang sa hindi na kumita ang pelikula dahil may following na rin naman siya on her own, at kapapanalo nga lang ng tatlong importanteng best actress awards.

Sa parte naman ni Nadine, kailangan sana niya ang isang pelikulang gaya nga noong Darna dahil kahit na nanalo siya ng maraming awards, medyo kulang pa siya sa box office. Hindi pa siya nakakagawa ng malaking hit maliban doon sa mga tambalan nila ni James Reid.

‘DI SAKLAW NG POWERS  NI CHAIR LIZA

Hindi na kami makapagbigay ng opinion tungkol sa kasong iniharap ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines laban sa Film Development Council, dahil nga nakasampa na iyon sa korte, sa Quezon City RTC. Hinihiling ng mga may-ari ng sine na pigilin ang pagpapatupad ng isang memorandum na inilabas ni FDCP Chair Liza Dino, na sinasabi nilang tuwirang pakikialam sa kanilang negosyo na hindi naman saklaw ng kapangyarihan ng FDCP batay sa batas na lumikha doon.

Ang giit ng FDCP, nagkaroon naman daw ng agreement. Pero lumalabas na hindi pala, kaya nga mayroon ngayong demanda laban sa kanila.

“NA-SET UP”NA MODEL ACTOR SUSPENDIDO ANG SOCMED ACCOUNT

Matapos na mabalitang hinuli ng PDEA ang model at part time actor na si Aeron Henry Cruz, sinasabing siya ay nakapag-piyansa naman daw, nakalabas na ng kulungan, at sinasabing “na-set up lang siya”. Pero walang statement mula sa part time model-actor mismo. Suspendido ang kanyang social media account. Kung sakali, kaso naman iyan at siguro pagdating sa korte, mapapatunayan naman niya kung ang pagkakahuli sa kanya ay isang set up lamang.

Ang sinasabi naman ng arresting team, nagkaroon sila ng isang linggong pag-iimbestiga bago nila hinuli ang mga suspect, pero iyong kasama niyang babae, umaming nagtutulak talaga siya ng droga “dahil sa matinding pangangailangan”. Si Aeron naman, simula sa una ay nagsasabing wala siyang kinalaman doon at nayaya lang dahil “mayroon daw inuman”.

 

Please follow and like us:
Read More

DUMP TRUCK NAHULOG SA BANGIN; 11 PUPILS PATAY

(NI JG TUMBADO)

LABING-ISANG elementary school pupils ang nasawi habang nasa 20 iba pa ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang dump truck sa bayan ng Boljoon sa lalawigan ng Cebu.

Nabatid sa ulat ng Boljoon Municipal Police, nangyari ang malagim na trahedya sa paibabang bahagi ng kalsada sa Barangay Upper Becerril pasado alas 7 ng umaga ng Biyernes.

Ang mga mag-aaral na nasa edad 10 hanggang 12 ay patungo sana sa kanilang sports activity sa paaralan sa Barangay Poblacion nang mangyari ang sakuna.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang binabagtas ng mini dump truck ang pababang daan ay bigla umanong nawalan ng preno at tuluy-tuloy na bumulusok sa bangin ang sasakyan.

Napag-alaman na hindi agad naisugod sa ospital ang mga biktima dahil sa kawalan ng ambulansya kaya isinakay na lamang sa ibang truck ang mga ito.

Kabilang sa mga nasugatan ay ang iba pang mag-aaral at ang driver ng dump truck na nakatakdang isailalim sa kostudiya ng pulisya.

Please follow and like us:
Read More

TUBIG SA ANGAT DAM TUMAAS SA CRITICAL LEVEL

(NI DAHLIA S. ANIN)

MAS mataas na sa kritikal level ang antas ng tubig sa Angat Dam matapos ang tuluy-tuloy na pag ulan na dala ng Bagyong Falcon.

Sa tala ngayong araw ng ala 6:00 ng umaga, umakyat na sa 160.16 meters ang lebel ng tubig sa dam mula sa 158.29 meters nitong Huwebes ng umaga.

Umaray ang ilang konsumer noong mga nakaraang araw dahil sa halos 19- oras na water interruption ang ipinatupad ng Maynilad at Manila Water

Nagpaalala naman ang National Water Resources Board (NWRB) na mag-ipon pa rin ng tubig ang mga residente hanggang sa tuluyan ng makarecover ang Angat dam.

Tumaas din ang lebel ng tubig sa Ipo dam mula 100.43 meters umakyat na ito sa 100.93 meters, pati ang La Mesa dam 72.27 meter sa 73.09 meters.

Gayundin ang Ambuklao mula 742.22 meters tumaas ito sa 743.11. Ang Binga dam din ay tumaas sa 568.34 mula sa 567.92. Mula naman sa 188.91 meters tumaas sa 189.02 ang Pantabangan dam.

Tumaas din ang antas ng tubig sa Magat dam mula sa 180.36 meters umangat ito sa 180.60 meters at ang Caliraya dam mula sa 286.62 naging 286.35 meters.

Please follow and like us:
Read More

2,000 PULIS-EPD PAPADER SA SONA

epd12

(NI MAC CABREROS)

DALAWANG libong pulis mula Eastern Police District ang mapabibilang sa ‘pader’ ng National Capital Region Police Office na ipupuwesto sa Batasang Pambansa kaugnay sa ika-4 na State of the Nation Address
(SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes (Hulyo 22).

Ayon EDP Director BGen. Nolasco K. Bathan, magmumula ang mga EPD personnel sa Task Group (TG) East Command, Security Task Group (STG), Sub-Security Task Group( SSTG), Reserve and Monitoring.

Tutulong sila sa pagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa lugar kung saan inaasahang daragsain ng mga grupo na magsasagawa ng kilos-protesta, ayon Director Bathan.

“As we all expect, this event is important to the people and everybody is expected to hear what the President’s statement to the nation will be as he shared with citizens government’s service delivery plans,”
pahayag Bathan.

Pinaalalahanan din nito ang kanyang mga tauhan na bantayan ang pananamantala ng mga ‘anay ng lipunan.’

Please follow and like us:
Read More

4 PULIS HINARANG, BINARIL SA ULO NG 20 NPA

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI man lamang nakaganti ang apat na miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang tambangan at paulanan ng bala ng nasa 20 kasapi ng teroristang New People’s Army (NPA), iniulat nitong Huwebes sa Sitio Yamot, Barangay Mabato, sa bayan ng Ayungon, Negros Oriental.

Kinilala ang mga namatay na sina Police Corporal Relebert Beronio, ng Mabinay, Patrolman Raffy Callao, taga bayan ng Tayasan, Patrolman Roel Cabellon, ng Mabinay, at Patrolman Marquino de Leon, ng Ayungon, at pawang tauhan ng Regional Mobile Force Safety Battalion ng Barangay Mabato, sa bayan ng Ayungon.

Batay sa report ng Negros-PNP, dakong alas 2:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon, sakay ang apat na pulis ng dalawang motorsiklo para magsagawa ng surveillance sa nabanggit na lugar nang parahin ang mga ito ng mga NPA at dito na pinagbabaril sa ulo na agad nilang ikinamatay.

Bago tumakas ang mga suspek ay pinagkukuha pa ang service firearm ng mga biktima.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up operation ng mga awtoridad para sa pagtugis sa mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

LPA BALIK-PINAS, NAGING BAGYO

pagasa

UPDATED

(NI DAHLIA S. ANIN)

ISANG Low Pressure Area (LPA) ang lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ang muling bumalik at tuluyan nang naging bagyo.

Ayon sa PAGASA, bumalik sa loob ng PAR ang LPA bandang alas 7:00 ng umaga ng Biyernes at naging ganap ng bagyo na pinangalanang ‘Goring’ makalipas lamang ang isang oras.

Noong Miyerkoles pa binabantayan ang LPA na ito na namataan sa 180 kilometro Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Samantala, magdudulot naman ng pag ulan southwest monsoon (Habagat) sa ilang bahagi ng Northern Luzon.

Makakaranas naman ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Metro Manila habang nagbabala naman tungkol sa thunderstorm sa natitirang bahagi ng bansa.

Please follow and like us:
Read More

JIMUEL AT HEAVEN, BREAK O COOL OFF LANG?

(NI ROMMEL PLACENTE)

KUNG hiwalay na sina Joshua at Julia, mukhang hiwalay na rin sina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao.

Napansin kasi ng netizen na in-unfollow na ng dalawa ang isa’t-isa sa social media.  Wala na ang pangalan ni Jimuel bilang follower ni Heaven sa Instagram account nito and vice versa. Kung sila pa rin, dapat ay nanatiling follower nila ang isa’t-isa, di ba?  Mukhang hindi maganda ang naging paghihiwalay nila.

Parehong endorser ng BNY Jeans sina Heaven at Jimuel.

Paano kung magkikita sila sa mga event nito, magdededmahan kaya sila?

Please follow and like us:
Read More

3 MIYEMBRO NG PAMILYA, DRIVER PATAY SA AKSIDENTE

PATAY ang tatlong miyembro ng pamilya at driver habang siyam katao ang sugatan matapos ang karambola ng mga sasakyan sa Barangay Malay Lopez, Quezon, ayon sa ulat ngayong Biyernes.

Kinilala ng Quezon Provincial Police ang mga nasawi na sina

Raymundo Acebuche, misis na si Maryjoy Claire, at ang 20-anyos na anak na si Raquel. Patay din ang driver na si Paterno Carnate Jr.

Sakay ang mga biktima ng Toyota Hiace van.

Sugatan naman ang dalawa pang anak ng mag-asawa na sina Roselyn, 24, at 20-anyos na si Rafael.

Ayon sa report, bumabaybay din ang Hino bus na minamaneho ni Marlon Ricon sa Maharlika Highway nang mabangga ang sasakyan ng mga biktima bandang alas-11:55 ng gabi nitong Huwebes.

Matapos mabangga ang van, sumalpok din ito sa nakaparadang tricycle at Honda Civic sa lugar.

Agad isinugod sa Magsaysay Memorial Hospital ang mga biktima ngunit namatay ang apat.

Arestado ang driver ng bus at inihahanda na ang kaso laban sa kanya na Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide, Physical Injury, and Damage to Property.

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG ‘FALCON’ NAKALABAS NA NG PH

NAKALABAS na ng bansa ang bagyong ‘Falcon’, ayon sa weather bureau Pagasa.

Si Falcon ay namataan sa 655 kilometers north northeast ng Basco, Batanes bitbit ang maximum sustained winds ng hanggang 80 kilometers per hour (kph) at bugso na 100 kph, ayon pa sa Pagasa.

Wala na rin ang low-pressure area na namataan nitong Miyerkoles sa bansa.

Namataan ito sa 310 km west northwest ng Sinait, Ilocos Sur.

Ibinaba na rin ang  Tropical Cyclone Wind Signals sa buong bansa.

Gayunman, magkakaroon pa rin ng mga pag-ulan sa Metro Manila at bahagi ng Luzon.

Please follow and like us:
Read More

BAKIT ITINAPON SI JOSHUA KAY JANELLA?

(NI ROMMEL PLACENTE)

BINUWAG na  nga ABS-CBN  ang loveteam nina Joshua Garcia at Julia Barretto matapos  ang break-up ng  dalawa.

Sa bagong serye kasi na ginagawa ni Joshua sa Kapamilya network, ang The Killer Bride, ay hindi si Julia ang kapareha niya rito, kundi si Janella Salvador.

Na dapat ay si Julia, ‘di ba?  Ang huling serye na ginawa nina Joshua at Julia ay ‘yong Ngayon at Kailanman na ipinalabas last year. Dapat ay nasundan na iyon. Pero ‘yon nga, walang follow-up.

Instead ay ipinareha si Joshua kay Janella.

Naisip  most likely ng Dos, na wala nang dating ang lovetam nina Joshua. Most likely, ‘di tinangkilik ng televiewers. ‘Di click sa fans, lalong ‘di patok sa  advertisers.

Sayang ang loveteam na Joshua at Julia, na umingay din naman.

Samantala, sa tanong kay Joshua  kung anong masasabi niya sa bagong tandem nila ni Janella,  sagot niya,|”I’m happy, siyempre. Kasi may sumusuporta. Kasi, sabi ko nga, ‘yong mga artista, makakita lang ‘yan ng konting suporta sa mga tao, nakakagaan na talaga magtrabaho. Parang, ‘Gagawin ko ‘to for them para proud sila sa akin’.

Ganun!

 

Please follow and like us:
Read More

TB OUTBREAK SA CALOOCAN BJMP?

(NI CHERK BALAGTAS)

PATULOY na kinukumpirma ang impormasyong nakalap ng Diaryo Bomba sa umano’y tuberculosis outbreak sa Caloocan City Bureau of Jail Mangement and Penology (BJMP) na ikinasawi ng limang preso dahil sa naturang sakit.

Sinubukang hingian ng panayam ang Caloocan City Health Department sa nasabing usapin ngunit wala umano doon si Dra. Maybelle Sison na siya lang umanong otorisadong magsalita sa isyu dahil nasa forum umano ito sa Maynila, ayon sa nakapanayam.

Bagama’t nang sadyaing puntahan ang Caloocan City BJMP ay wala namang kapansin-pansing kakaiba sa mga nagtatrabaho doon na karaniwang magsusuot sana ng mga face masks sakaling may kaparehong outbreak.

Ayon naman sa tanggapan ng Caloocan City Public Information Office (PIO) kay Kate Javier, media officer, wala pa umano silang natatanggap na impormasyon hinggil sa nasabing usapin at kasalukuyan pa rin umano nila itong kinukumpirma.

Kamakailan ay nagsagawa ang city government, sa pangunguna mismo ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan, ng medical mission sa BJMP para masigurong maayos ang kalagayan ng mga detainees.

 

Please follow and like us:
Read More

MAYWEATHER AYAW NANG SUMUGAL KAY PACQUIAO

WALANG interes si Floyd Mayweather na lumaban pang muli kay Manny Pacquiao.
Sinabi ni Leonard Ellerbe, chief executive ng Mayweather Promotions, malabo nang magkaroon ng Mayweather-Pacquiao Part 2.

“Floyd has no interest,” sabi ni Ellerbe sa boxingscene.com. “He has zero interest. He’s been doing this all his life. And after a while, you get burned out. He’s given the sport everything.”

Pinaniniwalaang kumita ang retirado nang si Mayweather ng $300 million sa 2015 bout nila ni Pacquiao.

Itinuturing na “most lucrative fight in history” ang naturang laban na kumita ng mahigit $600 million.

Ipinahayag ng long-time trainer ni Pacquiao kamakailan na gusto niyang magkaroon ng Mayweather-Pacquiao Part 2 dahil hindi 100% fit noon ang Pambansang Kamao, nagkaron ng shoulder injury bago ang fight day kaya’t natalo sa puntos.

Ngunit wala sa isip ni Mayweather na lumaban ulit kay Pacquiao at kuntento nang panoorin ang Filipino boxing icon na makikipagbakbakan kay Thurman sa July 20 sa Las Vegas.

“He’s living his best life,” ayon kay Ellerbe. “He’s traveling, spending time with his kids, spending time with his family. He’s doing all the things that he never got a chance to do because boxing has consumed his life ever since he was 5 years old.

“So truly, he’s getting to do stuff for really kind of the first time in his life. And he’s really enjoying it,” dagdag nito.

Please follow and like us:
Read More

FACEBOOK BILANG KANLUNGAN NG MGA KRIMINAL

CRIMINAL IN FACEBOOK

(Ni Edzer Lanuza / Unang labas)

Ayon sa experts, ang social media sites, tulad ng Facebook, ay isang bagong daan hindi lang sa pagtatamo ng self-power o self-importance kundi  sa pagsasagawa ng iba’t ibang uri ng krimen.

Sa buong mundo, may mahigit 2.38 bilyong katao ang aktibong gumagamit ng Facebook, o  monthly active users (MAU) sa pinakahuling ulat ng Facebook March, 2019.

Nangangahulugan nang pagtaas nito ng 8 porsiyento sa Facebook MAUs taun-taon. Napakalaki rin ng bahagi ng ­Facebook sa ating digital marketing communications program.

Isipin mo kung gaano karami ang mga taong ­gumagamit ng Facebook, Instagram, WhatsApp, o Messenger sa araw-araw o daily active users (DAU).

Sa report ng Facebook DAU noong March 2019, umabot sa 1.56 bilyong katao ang karaniwang nagla-log in sa ­Facebook araw-araw at ikinukunsiderang daily active users.

Kung ikaw ay nagne-negosyo online, malaki ang promising audience mo para sa iyong marketing efforts dahil sa patuloy na lumalaking bilang ng Facebook users na aktibo at consistent sa pagbisita sa iyong site.

Ang edad na 25 hanggang 34, ang sumasaklaw sa 29.7 porsiyento ng mga gumagamit nito. Ito ang pinakaraniwang age demographic, na prime target demographic sa maraming businesses’ marketing, kaya may pagkakataong maugnay sa  key consumers ng Facebook.

Bawat segundo, lima ang bagong profiles na ginagawa at ipinapasok ng iba’t ibang tao. Ang implikasyon, lumalaki ang potential audience mo sa Facebook.

Ang Facebook users ay  76 porsiyentong babae (sa 100 porsiyento sa lahat ng babae) at 66 porsiyentong lalaki (sa lahat ng 100 porsiyento lalaki). Kaya parehong gender ang maabot mo sa Facebook.

MAY 83M FAKE ­PROFILES

Hindi lahat ng gumagamit ng Facebook ay nagsasabi ng totoo. Kaya marami rin ang gumagamit ng estratehiya para sa kanilang kapakinabangan.

Pero sinasabi nga, fake man o hindi, sila pa rin ang potensyal na mga consumer pagdating sa inyong mga negosyo o anupaman.

Napakaraming dahilan kung bakit gumagamit ng fake profiles.  Kabilang ang professionals na gumagawa ng testing at research, at mga taong  nagtatago ng kanilang identity.

Umaabot sa 300 milyon bawat araw ang photo uploads, mula sa source na Gizmodo, ang mga larawang ginagamit o ipinapadala ng users. Pahiwatig na maraming larawan at impormasyon bilang estratehiya sa iba.

Killer, nagtatago sa networking site

Lumabas sa pag-aaral na may anim na uri ng killer gamit ang Facebook para magsagawa ng krimen.  Inilarawan ng ­criminologists ang murderers na nagtatago sa networking site.

Kinilala ng researchers sa Birmingham City University ang uri ng killers na gumagamit ng Facebook, sa kauna-unahang pag-aaral sa social networking site, na maaaring makaapekto sa  criminal behaviour.

Sinuri ng experts mula sa university’s centre of applied criminology ang mga kaso ng murder kung saan naiulat ang site bilang isang mahalagang factor.

Natuklasan nilang napakaraming krimen ang ­nagaganap mula sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa maling ­paggamit o epekto ng Facebook.

Please follow and like us:
Read More

22 HULI SA PEKENG DOKUMENTO SA QUIAPO

(NI KOI HIPOLITO)

KULUNGAN ang bagsak ng hindi bababa sa 22 indibidwal na mga sangkot sa pagpapakalat at paggawa ng mga pekeng dokumento at mga iba’t ibang identification cards ng mga ahensya ng gobyerno matapos salakayin at magsagawa ng search operations ang mga tauhan ng Regional Special Operations Unit (NCRPO-RSOU) bandang alas-10:23 ng umaga nitong Huwebes sa Quezon Boulevard, Manila.

Ayon sa ipinadalang report ni RSOU Chief PCol. Rogarth Campo kay NCRPO Chief PMGen. Guillermo Eleazar, inaresto ang 22 mga suspek matapos silbihan ng tatlong search warrant na inisyu nina Hon. Marlina M. Manuel ng Regional Trial Court, Branch 25 at Hon. Tammy Ann C. Reyes Mendillo ng Branch 22, Hon. Silvino T. Pamlio ng RTC, Branch 26 ng Maynila, ang bahay ng suspek na target ng nasabing operasyon na si alyas “Jing-jing”.

Nasamsam sa ginawang paghahalughog ng mga otoridad ang mga bulto-bulto ng mga iba’t ibang mga pekeng dokumento, mga pekeng id cards, computer machines na may kasamang mga accessories at mga dry seals na gamit sa kanilang mga iligal na aktibidades.

Nakakulong na ngayon sa RSOU Custodial Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang mga nahuling suspek at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Art.172 (Falsification by Private Individual and used falsified documents) of the RPC, Sec 31 of Art 11 of RA 4136 and PD 1730 (Declaring the Syndicated printing, manufacture, Distribution, Possesion or use of fake official Bureau of Land Transportation Forms, Documents, Plates and Stickers as offenses involving Economic Sabotage) sa Manila Prosecutors Office.

Please follow and like us:
Read More

ARI TINURUKAN NG BABY OIL;  LALAKI MALUBHA 

(NI JG TUMBADO)

ISANG  ex-convict ang nakaratay ngayon sa ospital bunsod ng pamamaga ng kanyang ari na tinurukan ng baby oil may isang taon na ang nakalilipas sa lalawigan ng Aklan.

Laking pagsisisi ng 26-anyos na si alyas “Dexter” sa kanyang sarili at dahil sa pag-aakalang makadaragdag ito ng kumpiyansa sa kanyang pagkalalaki sa halip ay nasa balag ng alanganin ang buhay nito.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Aklan Provincial Hospital si Dexter dahil sa sobrang kirot na nararanasan at pamamaga sa kanyang ari.

Nabatid na isang taon na ang nakalipas nang turukan ng kanyang kapwa preso si Dexter ng baby oil sa kanyang ari habang nakakulong ito sa Aklan Rehabilitation Center (ARC), dahil sa kasong illegal possession of deadly weapon.

Ayon kay Dexter, sa unang araw ng kanyang pagpasok sa piitan ay pumayag siyang magpaturok ng “baby oil” bilang bahagi umano ng initiation rites sa mga baguhang preso.

Subalit, nitong nakaraang araw lamang ay nakaranas na ng pananakit ng kanyang ari si Dexter at nilagnat rin ito ng tatlong araw dahilan para dalhin na ito sa nasabing ospital.

Lumabas sa pagsusuri ng mga doktor, naimpeksiyon ang ari ni Dexter at namamaga na ito ng halos kasing-laki na ng lata ng sardinas.

Sinabi pa ni Dexter na pinaniwala siyang dodoble ang size ng kanyang ari kapag tinurukan ito ng baby oil.

Problema ngayon ng lalaki ang kanyang kalagayan dahil wala siyang maituro kung sino ang nagturok sa kanya kung saan ang dati nitong mga kakosa ay inilipat na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

 

Please follow and like us:
Read More

“PULIS MAGITING PROGRAM” MAGBIBIGAY INSPIRASYON SA MGA TAUHAN NG PNP

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

HINDI tumitigil sina PNP Chief Director General Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Guillermo Eleazar sa pagsasagawa ng mga programa at cleansing sa hanay ng kapulisan upang tuluyan nang manumbalik ang tiwala ng taumbayan.

Marami na ang nakasuhan, nakulong at natanggal sa serbisyo na mga pulis dahil sa hindi pagkunsinte nina Albayalde at Eleazar sa mga pulis na gumagawa ng pang-aabuso at paglabag sa batas pero hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa na malilinis nang tuluyan ang kanilang hanay.

Panibago na namang programa ang inilunsad nina Albayalde at Eleazar katulad na lamang ng ­“Pulis Magiting Program” na naglalayong mabigyan ng pagkilala at inspirasyon ang mga pulis na gumawa nang mabuti sa ­kapwa at para lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang serbisyo sa taumbayan.

Isang halimbawa si Corporal Claro Fornis ng Police Community Precinct 1, ng Makati City Police Station na nag-viral sa social media. Siya ­tumayong guardian ni ­Angela Perez, na nakakulong ang mga magulang dahil sa kasong illegal drugs.

Sa kabila naman ng cleansing sa PNP, dalawa na namang pulis at isang asset ng mga ito ang inaresto ng kanilang kapwa pulis makaraang ireklamo ng isang Robert Tamondong, 28 anyos, nakatira sa Tambakan 2, Eusebio Avenue, Barangay San Miguel, Pasig City.

Ayon sa reklamo ng biktima, nilapitan siya ng mga suspek na sina P/Cpl. Roy Duman-ag, 27, P/Pat. Arsenio Velardo, 29, kapwa nakatalaga sa PCP 5 Drug Enforcement Unit at ang police asset na si Francisco at sinabi ng mga ito sa biktima na huwag kang tumakbo dahil isa kang drug addict. Kasunod nito ay kinapkapan ang biktima at kinuha ang kanyang P850 cash at isang silver wedding ring na naging dahilan upang magsumbong ang mga kamag-anak niya sa mga pulis na agad namang isinagawa ang pagdakip sa mga suspek. Nabawi sa kanila ang singsing ng biktima.

Diyan natin hinahangaan si Major General Guillermo Eleazar dahil mabilis siyang umaksyon at walang sinasanto na mga kabaro basta nagkamali, tiyak kulong at tanggal. Hinikayat naman ni Eleazar ang mga biktima na magsampa ng reklamo laban sa mga suspek para tuluyan nang makulong at matanggal sa serbisyo.

Sa dami ng mga accomplishment ni Major General Guillermo Eleazar, walang duda na siya na ang pipiliin na maging PNP Chief sa pagreretiro ni General Oscar Albayalde. Mabuhay ka General Eleazar sir. Keep up the good work! (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

RAPIST/KILLER NG BABY KINASUHAN NA

(NI LYSSA VILLAROMAN)

TULUYAN nang sinampahan ng kasong rape with homicide ang 27-anyos na construction worker na pangunahing suspect sa pangagahasa at pagpatay sa isang taong gulang na batang lalaki noong Martes ng madaling araw sa Makati City.

Sumailalim na sa inquest proceedings sa Makati City prosecutor’s office dakong alas-2:00 kahapon ng hapon ang suspect na si Gerald Reparip, stay-in worker sa pinagtratrabahuhan niyang barracks sa Cabulusan St. Muntinlupa City.

Bago pa man dalhin si Reparip nang Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Makati City police sa Makati City prosecutor’s office ay isinailalim muna ito sa isang drug test sa Southern Police District (SPD) upang mabatid kung ito ay gumamit ng ipinagbabawal na droga bago nito gawin ang naturang krimen.

Ayon kay Makati City police SIDMB chief P/Major Gideon Ines, ang pagsasagawa ng drug test kay Reparip ay upang malaman kung nagsasabi ito ng totoo dahil ayon sa kanyang testimonya ay lasing lamang ito nang magawa niya ang krimen na noong una ay kanyang mariing itinanggi ito.

Kinalaunan ay inamin na rin ni Reparip ang kanyang ginawang kalaswaan sa mahigit isang taong gulang na biktima na kinilalang si Jimboy makaraang makitaan ng dugo ang kanyang suot na brief.

Please follow and like us:
Read More

UNDERDOG KAY PACQUIAO; PABOR KAY THURMAN  

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

LAS VEGAS – Hindi tinablan si Keith ‘One Time’ Thurman ng binasang bible verse ni eight division world champion Manny Pacquiao hinggil sa pagpapakumbaba.
Matapos ang final press conference, Miyerkoles (Huwebes sa Manila) para sa kanilang 12-round WBA welterweight match, muling umatake ang bibig ni Thurman nang makapanayam ng iba’t ibang sangay ng mga miyembro ng media.
Bilang huling mensahe bago matapos ang press conference, isang verse mula sa bibliya ang binasa ni Pacquiao na hango sa Jeremiah 9:23-24, kung saan nagsasaad na huwag magyabang sa sinuman, sa halip ay maging mapagkumbaba.

Hindi naman ito pinansin ni Thurman, sa halip, umaapaw ang kumpiyansa nitong pinroklama na mananalo siya at pupusta sa sarili na kanyang patutulugin si Pacquiao sa first, second o seventh round ng kanilang sagupaan.

Pero hihintayin pa muna niya umanong tumaas ang ‘odds’ bago niya ilatag ang pusta, upang mas malaki aniya ang kakabigin niyang panalo dahil sa pagiging underdog.

Base sa sports book dito, ang first o second round knockout (pabor kay Thurman) ay 60-1 ang odd. Habang ang Thurman by 7th round KO ay 40-1 naman.

“Well, to be honest, we were waiting because so many people are betting for Pacquiao,” pahayag ni Thurman (29-0, 22KOs). “So, we’re waiting. We believe that the odds are gonna keep being not in my favor, which gonna allow me to really maximize my bets.

“So, I went to the bank today. We got the money ready, but we haven’t gotten the ticket yet. Because, you know, they’re still gonna shift. It’s not Friday night. All the fans aren’t here at the MGM yet. And, you know, them Asians have been getting it in. I think I’ve offended a lot more other Filipinos than I did Manny Pacquiao.
“And then we’re going for first-round knockout, second-round knockout and then, lucky-number-seven-round knockout,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni Thurman na pupusta siya ng $10,000 sa laban.

At ang reaksiyon ni Pacquiao sa tinuran ni Thurman: “Salamat sa donasyon.”

Please follow and like us:
Read More

ANG SAMA NAMAN NG ADYENDA NI REP. ALAN PETER CAYETANO

BAKBAKAN NATIN

WALA tayong magagawa kung susunod ang mayorya ng mga kongresista sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging speaker ng mababang kapulungan ng Kongreso si Taguig City-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Kinilala kasi ng mayorya ng mababang kapulungan na “boss” si Duterte – na dapat sundin ang kanyang desisyon.

Karamihan sa mga mambabatas ay hindi pumalag kay Duterte kahit lantaran ang kanyang mga pagkakamali sa ilang isyu, sapagkat alam nila ang mangyayari sa kanila.

Syempre, tuwang-tuwa naman si Cayetano, sapagkat matutupad ang kanyang pangarap na maging ikaapat sa pinaka-makapangyarihang opisyal ng pamahalaan kahit sa loob lamang ng limang buwan.

Ang masama sa ipinakita ni Cayetano ay agad niyang inilabas ang kanyang “pangunahing adyenda,” samantalang hindi pa naman siya opisyal na inihahalal na speaker ng Kamara del Representantes.

Gusto ni Cayetano na pahabain ang termino ng kongresista, gobernador, alkalde at iba pang halal na mga opisyal ng pamahalaang lokal, sapagkat kulang daw ang tatlong taon na isang termino upang gampanan ang kanilang trabaho.

Hangad ni Cayetano na apat na taon bawat termino nang walang limitasyon o limang taon, ngunit may limitasyon.

Alam naman ng lahat ng Pilipino na marami nang magagawa sa loob ng tatlong taon ang mga mambabatas, alkalde, gobernador at iba pa kung talagang gugustuhin ng mga nahalal na opisyal ng pamahalaan.

Si Duterte na boss ni Cayetano ay kongkretong halimbawa na mayroon agad ginawa, isang araw matapos na opisyal na manumpa bilang pangulo ng bansa.

Agad niyang inutusan ang Philippine National Police (PNP) na aktibong kumilos laban sa iligal na droga.

Kaya, hindi nagdalawang-isip ang pamunuan ng PNP na gawin ang utos ng kanilang commander-in-chief.

Agad na tinanggal sa puwesto ang tatlong heneral na sangkot sa iligal na droga hanggang sa kalaunan ay tuluyang natanggal sa PNP.

Bagay na hindi nagawa ni dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III hanggang sa huling oras ng kanyang termino.

Nawala rin agad ang modus operandi na tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na hindi napahinto ni Aquino.

Si Cayetano kasi ay gustong nakaupo nang matagal sa pamahalaan, kaysa umaksyon nang umaksyon.

Kaya, apat na Cayetano ang nakapuwesto sa kanila (ang kapatid niyang si Pia ay senadora, kapatid niyang si Lino ay alkalde ng lungsod ng Taguig at ang asawa niyang si Lani ay kongresista rin ng ikalawang distrito ng Taguig, samantalang ang ginagamit nitong address simula nang maging asawa niya si Alan ay iyong nasa Brgy. Bagumbayan na bahagi ng distrito uno).

Ang gusto ba ni Rep. Cayetano ay apat na taon ang isang termino nang walang limitasyon bago maipasa ng mga miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas, halimbawa, ay magtataas sa sahod ng mga guro, nurse at journalist?

Kailangan bang walang limitasyon ang termino ng mga kongresista upang buwagin ang Regional Wage and ­Productivity Boards (RWPBs) ng ­Department of Labor and Employment (DOLE), sapagkat hindi naman nagawang “nakabubuhay” ang sahod ng mga manggagawa.

Madalas na naglalaro sa P10 hanggang P25 lamang ang itinataas na sahod ng mga manggagawa sa napakatagal nang panahong kontrolado ng RWPBs ang kapangyarihang magtaas ng sahod ng mga manggagawa upang makabili ng ilang tali ng kangkong o talbos ng kamote.

Kaya napakaraming manggagawa sa bansa na mahigit P200 lamang ang arawang sahod.

Hindi ako nagtataka kung pagpapahaba ng termino ang pangunahing adyenda ni Cayetano bilang speaker, sapagkat mukhang ito ang lihim niyang pakay sa pangungulit kay Duterte na magkaroon sila ng “term – sharing” ni Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.

Kung ganito, hindi naman siguro malaswang magpahayag ng opinyon na “ang sama naman ng adyenda ni Rep. Alan Peter Cayetano.” (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More

BOLADAS SA SONA NG PRESIDENTE

CHRISTIAN BOMB

SA Lunes, Hulyo 22, 2019 ay SONA (State of the Nation Address) na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pang-apat na niya itong SONA.

Tulad ng mga nakaraang Presidente, asahan nang hitik lamang sa mga boladas ang SONA ni Pres. Duterte.

Pinaganda o inimbentong estadistika ng ­gobyerno ang asahang laman ng SONA ng Pangulo.

Ang karaniwang laman ng SONA, na gawa ng mga salamangkero ng Malakanyang ay kung paano pagagandahin ang pangit na reyalidad o tunay na pambansang kalagayan upang patuloy na iduyan sa ilusyon at panlilinlang ang mamamayan, lalo na ang nasa hanay ng masa.

Asahan nang palilitawin sa SONA na papaunlad ang ekonomiya, nababawasan ang talamak na katiwalian sa burukrasya, napangangalagaan at hindi nasasalaula ang demokratikong mga proseso, napaghahari ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.

Natural din, palilitawing bida o bayani at nagsasakripisyo nang husto ang Presidente ng bansa para “matapat” na mapaglingkuran ang sambayanan.

Bukod diyan, tiyak na kasama ang panawagan sa mga kritiko ng administrasyon na kinakailangang magkaisa na ang lahat, magtulungan, para sa ikauunlad pa ng Pilipinas.

Ilang ulit nang ipinagyabang ni Pres. Duterte na ihahatid niya sa minimithing kaunlaran ang Pilipinas at ang mamamayang Pilipino, pero ang katotohanan, hanggang ngayon ay lugmok pa rin sa kahirapan ang bansa at patunay riyan ang kaliwa’t kanang pangungutang ng gobyerno sa ibang bansa, lalo na sa China.

At habang lugmok sa kahirapan ang mamamayan, nagpipiyesta naman sa grasya at pribilehiyo ang mga nasa katungkulan, at kasama na riyan ang mga sundalo at pulis.

Napakaraming boladas ang nagaganap sa SONA ng Presidente upang maipinta lamang sa mata ng publiko na maganda’t mahalimuyak ang pambansang kalagayan, pero ang katotohanan ay lalo lang ibinubulid ng rehimen sa kumunoy ng karalitaan at kawalang-pag-asa ang Republika at ang kahabag-habag na pamumuhay ng nakararaming ordinaryong mamamayan. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNADEZ)

Please follow and like us:
Read More