BEBOT TINODAS SA APARTELLE

crime08

(NI GUILLERMO OCTAVIO) ISANG hindi nakilalang bebot  ang na pinatay ng lalaking kasama niyang nag-check-in sa isang apartelle, Huwebes ng madaling araw sa Caloocan City. Umaagos pa ang dugo mula sa ilong nang matagpuan ang bebot sa isang kwarto ng HSIRI Apartelle sa 208 A. Mabini St., Maypajo alas-3 ng madaling araw. Nabatid na alas -12:04 ng hatinggabi nang mag-check in ang biktima at kasamang lalaki sa naturang apartelle at pumasok sa room no. 220. Makalipas ang tatlong oras, nakita ng desk personnel na si Jesica Edquilang ang paglabas ng…

Read More

DJ MOVES HEAVEN AND EARTH FOR KATHRYN’S ENDEAVORS

(NI OGIE N. RODRIGUEZ) NAGDIWANG ang milyun -milyong  fans ng KathNiel worldwide dahil muling nakita ang magkasintahang Phenomenal Box Office King & Queen and King and Queen of Hearts na sila Daniel Padilla At Kathryn Bernardo together. Pinatunayan ni DJ ang kaniyang pagmamahal at laging pagsuporta kay Kathryn at sa pamilya  Bernardo. Si Daniel kasi ang naging guest of honor sa ribbon-cutting ceremony ng pinakabagong branch ng KathNails by kcmb Nail Salon & Spa. Ang KathNails ay ang nail salon chain na pag aari ni Kathryn at ng Bernardo family.…

Read More

METRO BANK HINOLDAP; P1-M PABUYA VS ROBBERS IBIBIGAY NI ISKO

armed robbery12

(NI JULIE DUIGAN) PAGBUKAS  pa lang ng banko, Huwebes ng umaga nang looban ng dalawang nakasuot ng uniporme ng security guard ang isang sangay ng Metro Bank habang umano’y may iba pang lookout sa labas at kulimbatin ang hindi pa batid na halaga sa Binondo, Manila. Hinalang inside job ang isa sa anggulong binubusisi ng Manila Police District -Theft and Robbery Section, makaraang makitaan ng dalawang nakasuot ng security guard at mabilis na sumakay sa motorsiklo. Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-9:00 ng umaga, nang pasukin ang nasabing banko…

Read More

P100-K MEDICAL ASSISTANCE SA MARIKINA RESIDENTS

(NI KEVIN COLLANTES) MAGANDANG balita para sa mga residente ng Marikina City dahil inianunsiyo na ni Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro na handa silang magkaloob ng maximum na P100,000 medical assistance sa bawat residente nito na mangangailangan ng tulong. Ayon kay Teodoro, naaawa siya sa mga taong nangangailangan kaya’t nagpasyang lakihan ang ibibigay na tulong para sa medical assistance na kakailanganin ng mga ito. “Naawa ako sa mga taong nangangailangan. If sa ibang LGU mababa ang binibigay nila, dito sa Marikina ay hindi ganoon. Hanggang sa P100, 000 ang tulong na…

Read More

21 STUDENTS SA ILOCOS NORTE; 10 SA BACOLOD, ‘SINAPIAN’

(NI KIKO CUETO) AABOT sa 21 na estudyante ang pinaniniwalaang sinaniban umano ng masamang espiritu sa Ilocos Norte. Sa report, nagwawala at sumisigaw ang mga estudyante ng Marcos National High School. Dinadasalan pa ng mga guro at kakalse ang mga estudyante na sinaniban umano. May ilang estudyante din ang sumisigaw tapos ay biglang tumatawa. Ang iba na nahimasmasaman ng mas maaga, niyakap ang magulang na umiiyak. Kwento ng principal ng eskwelahan, pagkatapos ng blessing ng bagong gusali ng kanilang paaralan na Marcos National High School, saka nangyari ang naturang pagwawala…

Read More

PULIS BINARIL SA ULO NG TAUHAN SA NEGOSYO

crime

(NI NILOU DEL CARMEN) LOS BAÑOS, LAGUNA — Patay ang isang pulis matapos barilin ng kanyang sariling tauhan sa kanyang negosyo sa Los Baños, Laguna, Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni PLtCol Louie Dionglay, hepe ng Los Baños Police, ang biktima na si Police Staff Master Sergeant Dominic Obligado, 43, nakatalaga sa Lucena City Police Station. Batay sa report, nakikipag-inuman ang biktima sa mga kaibigan sa Barangay  Tuntungin-Putho  alas 9:50 ng gabi, nang biglang dumating ang suspek na si Ruel Nabatilan, alyas Burnok at binaril ang biktima gamit ang kalibre 45 baril. Nagtamo…

Read More

TOTOY KRITIKAL SA BUGBOG NG 2 BULLY

(NI ALAIN AJERO) NAKARATAY sa pagamutan ang isang totoy na nawalan ng malay nang mag-tag-team ang dalawa ring totoy at suntukin saka  hampasin ng bato sa ulo ang biktima dahil sa umiiba na umano ito ng barkada, sa Navotas City. Nananatili sa Tondo Medical Center ang 15-anyos na biktimang itinago sa pangalang  Kevin, grade 10 habang isinailalim na sa pangangalaga ng Bahay Pag-asa ng Navotas City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang mga suspek na sina alyas Steph, 17, at Klay, 16. Ayon sa pulisya, nagtalo muna sa loob…

Read More

RETIRADONG ARMY COLONEL LUMUSOB SA BRGY HALL, ARESTADO

arrested76

(NI MAC CABREROS) LITERAL na pinalambot sa kulungan ang isang retiradong colonel ng Philippine Army nang arestuhin ng pulisya matapos na ‘sumalakay’ at maangas na inastahan ang Barangay chair at kagawad sa loob ng Barangay Hall sa Mandaluyong City. Panay ngayon ng paghingi ng tawad si Retired Col. Rogelio De Leon, 75, sa nagrereklamong sina Richard Bassig, 42, at Fernando Alcaraz, 64, chair at Kagawad ng Brgy. Daang Bakal, nasabing lungsod. Nahaharap si De Leon ng kasong Grave Oral Defamation at Grave Threat nang pumasok sa opisina ng Bantay Bayan…

Read More

NANAY UMAYAW SA SEX: 3-ANYOS PINATAY SA SAKAL NI TATAY

gensan12

(NI ANNIE PINEDA) KAAWA-AWA ang sinapit ng tatlong taon na gulang na batang babae sa kamay ng kanyang sariling ama na adik sa droga matapos itong bugbugin at sakalin nang hindi umano pagbigyan ng kanyang misis na makipag-sex, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng General Santos City. Kinilala ang biktimang si Carla Jean Tobio habang naaresto naman ang ama at suspek na si Raldy Boy Tobio, kapwa residente ng nasabing lungsod. Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang bata ng kanyang ina na si Rowena na malamig na…

Read More

BRGY SECRETARY, 4 PA, LAGLAG SA SHABU

(NI SIGFRED ADSUARA) SWAK sa kulungan ang isang barangay secretary at apat nitong kasama nang maaresto sa isang buy bst operations sa Gen. Trias City, Cavite. Kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 Art. II ng RA 9165 ang isinampang kaso laban kina Benedicto Saringo, Barangay Secretary ng Pasong Kawayan 2, Gen. Trias City, Cavite; Shirley Trinidad; Jose Rey Lusong; at Ric Fauni, residente ng Sitio Canatuan, Brgy San Francisco, Gen. Trias City, Cavite. Sa ulat ni PCpl Marnol Cunanan, ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-12:30 Huwebes ng…

Read More

HINDI TAYO PUWEDENG MABUHAY SA TAKOT –DANIEL

(NI ROMMEL PLACENTE) SABAY na nag-guest sa Magandang Buhay noong Martes sina Ian Veneracion at Daniel Padilla. Kaya sabay silang pinag-guest sa nasabing morning show   ay dahil nagging very close sila. Nagsimula ang friendship nila noong nagkasama sila sa defunct drama series ng Kapamilya network  na Pangako Sa ‘Yo na gumanap sila rito bilang mag-ama. Nahilig sa motorbike si Daniel dahil naimpluwensiyahan siya ni Ian na naunang nahilig mag-motor. Ayon sa mommy ni Daniel na si Karla Estrada ay natatakot daw siya kapag nagmo-motor ang kanyang anak. “Ang kaluluwa…

Read More

2 PASLIT KAPWA NI-RAPE, PINATAY SA HIWALAY NA LALAWIGAN

(NI ANNIE PINEDA) MAAGANG binawian ng buhay ang dalawang limang taon gulang na batang babae matapos silang gahasain ng kanilang mga sariling tiyuhin sa magkakahiwalay na probinsya sa Bulacan at Bukinon, iniulat Huwebes ng umaga. Hubo’t-hubad na nagpalutang-lutang sa ilog nang matagpuan ang biktimang si Ashley Nicole Silva, 5-anyos ng Calumpit Bulacan. Arestado naman ang suspek at tiyuhin na kinilalang si Marvin Mengolia, 23-anyos, ng nasabing lugar. Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang bangkay ng biktima sa ilog sa nasabing lugar dahilan para iahon ito. Lumabas sa…

Read More

RADIO ANCHOR PATAY SA AMBUSH 

CRIME12

(NI ANNIE PINEDA) PATAY ang isang miyembro ng mamamahayag makaraan tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, Miyerkoles ng gabi sa Kidapawan City. Kinilala ang biktimang si Eduardo ‘Ed’ Dizon, anchorman ng Brigada News FM-Kidapawan City, at residente ng nasabing lugar. Batay sa report ng pulisya, dakong alas 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang sakay ang biktima ng kanyang kotse . Pauwi na si Dizon nang tambangan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit .45 kalibre na baril. Nang makitang duguan na ang biktima ay tumakas…

Read More

MAGNOLIA NAPANIS SA PAINTERS

(NI RAVENZON BIASON) KAHIT may bagong import ang Rain or Shine Elasto Painters, pinatunayan ni Beau “Extra Rice” Belga na kaya nilang manalo sa tulong ng local players nang talunin ang Magnolia Hotshots, 86-82, Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum. Nagbida si Belga sa naturang panalo nang magposte ng 22 puntos, 5 rebounds at 1 assist habang nagambag ang bago nilang import na si Carl Montgomery ng 20 puntos. Si Montgomery ang pumalit sa na-injured na si Denzel Bowles. Pinangunahan naman ang Pambansang Manok nina Ian Sangalang sa pagbuslo ng 24 puntos,…

Read More

SI DIREK CATHY ANG MOTIVATION NI ALDEN

(NI VINIA VIVAR) ANG direktor nila sa Hello, Love, Goodbye na si Cathy Garcia-Molina ang naging motivation pala ni Alden Richards para magpursigeng magpapayat. Kwento ni Alden sa presscon ng first team-up movie nila ni Kathryn Bernardo last Tuesday night sa ABS-CBN Dolphy Theater, sa look test pa lang daw nila ni Kathryn for the movie, napansin na niyang may hinahanap sa kanya si direk Cathy. “During the look test po, we did a couple of looks, kami po ni Kath, actually, more on my part po, well, si Kath…

Read More

TALIM ISLAND AYAW MAABUSO, AYAW MAGING CASINO

TALIM ISLAND

(Ni Fernan J. Angeles / Huling labas) NABATID sa ilang residente ng Talim Island na sakop ng mga bayan ng Binangonan at Cardona sa lala-wigan ng Rizal na hinihimok sila ng isang grupong kumakatawan sa mga kumpanya ng business tycoon na si Lucio Tan na ibenta ang kanilang pag-aaring lupa sa mataas na halaga. Iginigiit ng emisaryo ng negosyante na ang lugar ay gagawing malaking proyektong pangturismo na magbibigay ng maginhawang buhay sa mga mamamayan ng nasabing pamayanan. Tutol sa proyekto ni Tan Gayunpaman, nanati­ling may agam-agam ang marami sa…

Read More

KARAPATAN NG ISANG NANGUNGUPAHAN

BOMBAHAN NA FINAL

ISA na naman pong tagasubaybay ng Bombahan na ang bibigyan natin ng espasyo upang mailahad ang kanyang hinaing na may kinalaman sa kanyang inuupahang kwarto. Ipinadala ng ating tagasubaybay na nagpapatago sa pangalang San ang kanyang email nitong nakaraang Hunyo 28 lamang. Narito ang isinasaad sa kanyang email: “Tanong ko lang po. Ako po ay nangu­ngupahan sa paupahan ng auntie ko. Wala po kaming pinir­mahang kontrata at mahigit dalawang taon na po akong nangungupahan sa ka-nila. Minsan hindi ko nababayaran ang upa ko. At may sistema siya kung paano ma-monitor…

Read More

USAPANG RESPONSABLENG GUN OWNER

PANALO KA

NAKATUTUWA ang dumaraming kababayan natin na nakakahiligan ang practical shooting bilang isang professional sports. Sa kabilang banda, nakapangingilabot na malaman na mala­king porsiyento sa bilang ng mga naiuulat, batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), na sanhi ng krimeng patayan ay may kaugnayan sa baril. Sa practical shooting muna tayo. Ako man ay nakakahiligan na ang pagsali sa mga shooting competition ilang taon na ang nakararaan. Nitong mga nakaraang linggo lamang, aking napag-alaman na may mahigit 200 na re­histradong gun clubs na sa ating bansa. Dumarami na rin ang…

Read More

HINDI LANG MAYNILA, SANA SA BUONG BANSA

ITO ANG TOTOO

MAAGA pa para sabihing matagumpay nga ang determinadong paglilinis ng bagong ma­yor ng lungsod ng Maynila na si Isko Moreno. Ito Ang Totoo: ilang beses nang nagtangka ang mga naunang admi­nistrasyon na linisin ang Divisoria, Quiapo at iba pa pero naiiba ang estilo ni Isko, bagay na hinahangaan ng marami. Marami ang natutuwa, meron ding hindi, lalo na ang mga apektadong vendor at kanilang mga pamilya. Isa na tayo sa natutuwa dahil ipinatutupad ni Mayor Isko ang tama, ang pagsunod sa batas at patakaran para magkaroon ng kaayusan. Ito Ang…

Read More