4 SCRIPT NAPILI NA PARA SA MMFF 2019

(NI GORGY RULA)

INI-ANNOUNCE na ngayong Miyerkoles ang apat na script na napili ng Screening Committee ng Metro Manila Film Festival.

Isang script bawat genre ang pinili nila kaya iyun ang sagot kung bakit hindi napili ang ilang entries na pinagbidahan ng mga kilalang artistang laging namamayagpag tuwing MMFF.

Sa fantasy, pasok ang Momalland nina Vice Ganda at Anne Curtis. Sa Drama naman ay ang Pinoy adaptation ng Viva Films na Miracle in Cell #7 nina Aga Muhlach at Nadine Lustre.

Ang Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa comedy, at ang (K)Ampon ng Quantum Films nina Kris Aquino at Derek Ramsay naman ang sa horror.

Iyun pa rin ang choices ng screening committee na sinasabi nilang ibinase pa rin nila sa script na malaki raw ang bahagi ng commercial viability at Filipino Cultural Sensibility.

Bago pa ang announcement, nagsimula nang mag-shooting sina Vice Ganda para sa kanilang Momalland.

Kahit nga ang pelikula ni Coco Martin ay nasa pre-production at maaring magsisimula na silang mag-shoot.

Sana makapasok ang pelikula niya sa finished films.

Marami pa ang inaasahang magagandang material tampok ang mga kilalang artista, gaya ng Mindanaw ni Judy Ann Santos, ang Isa Pang Bahaghari ni Nora Aunor, ang The Heiress ni Maricel Soriano, ang It It ni Robin Padilla at marami pa.

     ***

Nakatutuwa ang suporta ni Dingdong Dantes sa ginagawa ngayon ni  Marian Rivera na pag-donate ng sobrang gatas sa ibang nanay na hindi gaanong makapag-produce ng maraming gatas para sa kanilang sanggol.

Ipinost ng isang close sa kanila na aligaga si Dingdong sa pag-pack ng mga gatas ni Marian.

Maraming naipon ang Kapuso Primetime Queen at si Dingdong din mismo ang nag-enganyo sa asawa niya na i-donate ito sa mga batang di makapag-breastfeed sa kanilang nanay.

“Sobrang dami eh. Alam kong marami ang nangangailangan, at hindi lahat na mga mommy makapag-produce ng ganito kadami. Kaya gustung-gusto kong i-share ang milk ko sa mga nangangailangan,” pahayag ni Marian sa isang kaibigang nag-post ng video na iyun sa Instagram.

Katulong pa si Zia sa paglagay sa ice chest na nilalagyan nila ng maraming ice para hindi ito masira.

Nakikita roon sa video na proud na proud si Dingdong na sinasabing galing lahat iyun kay Marian.

Ipinagmamalaki niyang ipinost sa kanyang Instagram account na proud siya para sa kanyang asawa.

Sabi niya; “There are many things I admire about my wife, but one of them that really makes her a superwoman in my eyes is her dedication to breastfeeding.

“Being a witness to what she went through with Zia, and with what she is providing for Sixto, I know that producing that precious milk is not easy. And because she is blessed with this, I salute her for choosing to donate her  excess  expressed milk to those who need  it most.”

Noon pa man ay isa itong advocacy ni Marian, na nakapag-donate din siya noon nung nagpapa-breastfeed siya kay Zia.

Samantala, panibagong achievement na naman itong kay Dingdong na kinuha siyang brand ambassador ng Caltex sa kanilang National Geographic Record Rides event na ginanap sa Blue Leaf Filipinas Belle Avenue sa Paranaque noong nakaraang Miyerkoles, July 10.

Nababagay daw sa Kapuso Primetime King ang tagline na ‘Enjoy the Journey’.

Sabi sa kanilang press release, nababagay si Dingdong ang bagong campaign nila dahil napaka-positive, friendly, genuine at adventurous na nai-encourage ang mga tao na i-enjoy at i-experience nang husto ang lahat na mga gusto nilang gawin.

Pero ang pagiging adventurous ay talagang na-enjoy nang husto ni Dingdong lalo na’t nakakapag-ikot siya sa mga pinupuntahan nila para sa programa niyang Amazing Earth.

“Yung mga pinupuntahan kasi namin hindi siya yung normal na tourist spots na nababalitaan natin.

“Halimbawa, kung sabihin mo Rizal, nandiyan ang Hinulugang Taktak, mga ganun. Yung mga pinupuntahan namin mostly yung mga protected areas, yung mga kasuluk-sulukan na hindi natin akalaing nandun pero napakaganda.

“Yung mga discoveries na ganun linggu-linggo parang nakakatuwa dahil kahit na may iba akong ginagawa sa TV, pero naba-value ko ito kasi educational siya at the same time, nai-enjoy parang nagbababakasyon ako every week di ba?” nakangiting pahayag ng Kapuso actor.

 

Please follow and like us:
Read More

PACQUAIO MAGPAPA-IMPRESS SA PRESS

IPAKIKITA ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa media bukas ang resulta ng kanyang training para sa unification bout niya kay Keith Thurman sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Manila). Bubuksan ang Wild Card Gym sa Los Angeles para sa media para personal nilang makita ang paghahanda ng 40-anyos na si Pacquaio laban sa kapwa kampeon na si Thurman.

Ayon sa longtime publicist ng fighting senator na si Fred Strernburg ng Sternburg Communications, bibigyang pagkakataon ang press na mainterbyu si Pacquiao bago ito magsimula ng kanyang workout.

Maging ang Team Pacquiao kabilang si head trainer Buboy Fernandez, training adviser Freddie Roach, at strength and conditioning coach Justin Fortune ay magpapaunlak umano ng interbyu.

Si Pacquiao ay nasa huling linggo na ng training sa City of Angels at base sa naging tradisyon na, dederecho siya sa Las Vegas Lunes ng hapon (Linggo sa Manila) para sa fight week.

Target ni Pacquaio na madungisan ang perpektong 29-0, na may 22 knockouts na rekord ng Amerikano at mapag-isa ang kanyang WBA “regular” welterweight at “super” title ng kanyang kalaban.

Samantala, kung noong mga nakaraang linggo ay panay ang “trash-talk” ni Thurman laban kay Pacquaio, nitong Martes ay bigla itong kumambiyo at sinabing napahanga siya sa “one-sided win” nito kontra kay Adrien Broner noong Enero.

“I was impressed by his performance against Adrien Broner. It was inspiring. After watching him, I got out into the streets and ran at one in the morning. Because I just watched a 40-year-old man beat a much younger man. Manny has done so much, but he wants to do more,” sabi ni Thurman.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI PUMALAG SA 5 HOLDAPER, KRITIKAL

crime34

(NI ROSE PULGAR)

NASA malubhang kalagayan ngayon sa pagamutan ang isang 34-anyos na lalaki matapos itong holdapin at pagsasaksakin ng limang holdaper makaraang pumalag, sa Taguig City Martes ng gabi (Hulyo9).

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Jonathan Vitamog, binata, empleyado at naninirahan sa SSS Brigada Centennial Village, Western Bicutan Taguig City makaraang magtamo ng ilang tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Lumalabas sa report ng Taguig City Police, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa C-5 Waterfun Bridge Underpass, Barangay Western Bicutan ng naturang lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon, habang naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar nang biglang sumulpot ang limang kalalakihan na ilan dito ay armado ng kutsilyo at sabay na nagdeklara ng hold-up.

Pumalag ang biktima mula sa mga holdaper dahilan upang saksakin at nang duguang bumulagta ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

Isinugod ang biktima ng ilang concerned citizen sa pagamutan.

Ayon sa Taguig City Police, sangkot sa ilang serye nang panghoholdap ang mga suspect sa area ng  Barangay Western Bicutan ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam na rin kung may nakalagay na closed circuit television (CCTV) kung nahagip ang insidente para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

Please follow and like us:
Read More

KATHRYN PINAHIRAPAN NANG HUSTO NI DIREK

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

MABUTI  na lang at hindi sumuko si Kathryn Bernardo sa halos isang buwan pagsu-shooting nila sa Hong Kong ng Star Cinema movie na “Hello, Love, Goodbye.”

As in, sa lahat ng cast, including Alden Richards, si Kathryn daw ang talagang napahirapan nang husto ng director nila na si Direk Cathy Garcia.
Bilang OFW sa Hong Kong at dumaan sa hirap ng buhay ang role ni Kathryn bilang si Joy. Eh, alam daw ni Direk na lumaking maayos si Kathryn at hindi naman naranasang ma-deprived.

Pero sa proseso ng movie, deprived si Kathryn. May instruction si Direk Cathy na walang kakausap dito lalo na sa cast. Sa production naman, related lang sa shoot para makausap si Kathryn.

At kahit ang boyfriend na su Daniel Padilla, bawal niya rin itong makausap kahit sa telepono.
Aminado naman si Kathryn na talagang naging mahirap sa kanya. “Na-deprived ako sa ganung ka-open na communication.”

Na-confiscate raw ang phone niya nang malaman ni Direk Cathy na kinausap niya si Daniel.

“Noong malaman po niya, kasi bawal akong kausapin sa set, so kailangan kong i-release. Galit na galit ako noong kinuha kasi siya na lang ang tao na nakikipag-usap sa akin.

“Basta kapag may heavy scenes, dun daw kino-confiscate ang phone niya.

Natatawang inamin ni Kathryn na “na-aning! Na-aning po!” raw siya sa ginawang method of acting sa kanya.

Kahit noong sorpresang dalawin ni Daniel si Kathryn sa Hong Kong, itinago pa rin daw ito sa kanya hangga’t ‘di niya tapos ang heavy scene na gagawin sa araw na yun. After shooting na lang daw nang sabihin na may naghihintay sa kanya kaya napatalon siya sa tuwa.

Pero ini-assure naman ni Direk Cathy si Kathryn na pagkatapos daw na mapanood nito ang movie sa July 31, puntahan siya at sabihin kung galit pa rin siya sa director.

Obvious naman na happy si Kathryn sa kinalabasan ng pelikula nila ni Alden. At kung si Kathryn ay may pang-torture si Direk Cathy, same with Alden din na kaya pala nagpapayat ng todo ay na-challenge sa puna sa kanya ng director na ang taba niya.

Halos maiyak at talagang napayakap na lang din si Alden kay Direk Cathy nang marinig ang papuri sa kanya na nagkamali raw siyang akalain na mukhang nakaka-arte si Alden dahil ang totoo, hindi lang daw ito nakaka-arte, magaling umarte.

In fairness, matagal na kaming hindi nae-excite na mapanood ang isang local film at may ganito kaming nararamdaman sa unang tambalan nina Alden at Kathryn.

DINGDONG THANKFUL NG TRUST

Sunud-sunod halos ang mga endorsements ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Aba, ang bongga ng bagong endorsement ni Dingdong, siya lang naman ang tinap ng Caltex para maging celebrity endorser/ambassador nila. Kasabay nito ang achievement ng Caltex sa The Guinness World Records that recently powered a 28-year old car to set a world-record of fastest 1,000 meter that ascend up Doi Chang Mountain, Thailand at sa highest peak nito in under 7 minutes.

May palagay kaming malaking bagay rin ang hilig ni Dingdong sa motor at riding na isa siya sa nakita ng Caltex to be their effective endorser.

Nang tanungin nga namin si Dingdong kung ano ang nararamdaman niya sa nangyayari sa kanya ngayon bilang endorser, “Well, nagsisimula naman ang lahat ng ito sa tiwala. And ang Caltex din ang isa sa pinagkakatiwalaan ko ever since. Ito rin ang partner ko araw-araw.

“I’m thankful with their trust. Patuloy lang akong grateful sa tiwala ng mga kumpanya.”

Sa isang banda, magiging busy lalo si Dingdong ngayon dahil magsisimula na siya ng taping ng bagong primetime series na Descendants of the Sun. At ongoing pa rin ang Amazing Earth at StarStruck batch 7 niya sa GMA-7.

May remaining five shooting days pa rin daw sa kanyang Pinoy adaptation ng Korean film na “A Hard Day.”

 

 

Please follow and like us:
Read More

PUPIL NAHULOG SA PUNO NG DUHAT SA LOOB NG SCHOOL , PATAY

crime44

(NI JG TUMBADO)

NASAWI ang isang grade 5 pupil ng San Ramon Elementary School sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur matapos itong mahulog sa puno ng duhat na kanyang inakyat sa loob mismo ng kanilang paaralan.

Nitong July 8, araw ng Lunes, sumakabilang buhay ang 9-anyos na si John Llyod Imperial matapos ang dalawang araw na pakikipaglaban kay kamatayan sa Intensive Care Unit (ICU) ng Bicol Medical Center.

Batay sa report ng Pamplona Municipal Police, nagkayayaan umano ang magka klase kabilang ang biktima na umakyat sa puno ng duhat na nasa loob ng compound ng kanilang paaralan.

Habang umano’y umaakyat sa naturang puno ang biktima ay nakita ito ng trabahador at kanya itong sinaway.

Subalit hindi ito nakinig at tumuloy lang sa pag-akyat sa may 27 talampakang taas na puno.

Sa imbestigasyon, bigla na lamang umanong nabali ang sanga na kinakapitan ng bata at tuluyang nahulog  ito at padapang lumagapak sa lupa.

Dahil sa tindi ng pagbagsak ng katawan sa lupa ay naratay ito ng ilang araw sa ospital bago tuluyang binawian ng buhay.

Ngayong Miyerkoles, July 10, ang ikasampung  kaarawan ng bata na ipinagdiwang ng kanyang mga kaanak at maging ng mga kaklase.

Please follow and like us:
Read More

BRGY EX-O BINOGA SA ULO

crimeshooting12

(NI HARVEY PEREZ)

HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang Barangay Executive Officer (Ex-O) nang barilin  sa ulo habang nakaupo sa harapan ng kanyang motorcycle repair shop, Martes ng hapon sa Binondo, Maynila.

Patay na nang dumating sa Gat Andres Bonifacio Medical Center, ang biktimang si Dario Habal, 45, negosyante, Barangay Ex-O ng Barangay 275, Zone 25, at nagmamay-ari ng motorcycle repair shop sa 018 Gate 47 Area-B sa Parola Compound sakop ng Binondo.

Nakatakas naman ang hindi  nakilalang suspek na inilarawan na nasa edad 37 -39,  may taas  5’7″, nakasuot ng kulay puting t-shirt, naka-maong na pantalon at dark gray na bullcap.

Ayon sa imbestigasyon ng  Manila Police District –Homicide Section, alas 4:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa harap mismo ng repair shop ng biktima.

Lumapit umano ang suspek sa biktima na noon ay  kumakain ng ice candy  at saka ito binaril   gamit ang isang kalibre .9MM pistola.

Dinala  naman ng mga bystander sa pagamutan ang biktima pero hindi na ito  umabot nang buhay.

Samantala, inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa kanyang negosyo o sa kanyang trabaho sa barangay, ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

MAJA MALAPIT NANG MAPANOOD SA SERYE

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MALAPIT nang mapanood sa Kapamilya network ang teleseryeng ‘The Killer Bride.’ Pinagbibidahan ito nina Maja Salvador, Joshua Garcia at Janella Salvador. Malaki ang pasasalamat ni Maja sa pamunuan ng ABS-CBN dahil muli siyang pinagkatiwalaan na makapagbida sa isang serye. Tumatak sa mga manonood ang karakter ng aktres bilang si Lily Cruz sa ‘Wildflower’ na nagtapos noong isang taon.

“After ng magandang project na Wildflower na ibinigay sa akin, ito naman ngayong The Killer Bride. Sobrang challenging ng role. Parehas na about revenge, pero ito iba ang timpla. Nandoon ‘yung challenge sa akin kung paanong atake ‘yung ibibigay ko. Kasi ibang pain at ibang galit ang meron ‘yung charcter ko rito. So very excited ako,” nakangiting pahayag ni Maja.

Masayang-masaya ang aktres dahil ngayon lamang din nakatrabaho ang bagong tambalan nina Janella at Joshua. “Siyempre kay Joshua, napakagaling na aktor din. Then kay Janella na parehas kaming Salvador. Very excited ako kay Janella dahil parang ito ‘yung time niya naman na mag-shine kasi maganda ‘yung role. Maganda ‘yung tatakbuhin ng kwento niya,” giit ng dalaga.

Itinuturing din ni Maja na reunion project nila ni Geoff Eigenmann ang bagong serye. Huling nagbida ang dalawa kasama sina Jake Cuenca at Shaina Magdayao sa pelikulang Villa Estrella noong 2009. Magkasama rin dapat sina Maja at Geoff noon sa teleseryeng Moon River na hindi naman natuloy. “Yes, mayroon kaming teleserye dati na hindi natuloy. Tapos nag-Maalaala Mo Kaya kami before pero ito ‘yung perfect time para sa pagpapareha naming dalawa,” paglalahad ng aktres.

Samantala, kamakailan ay nakapagbakasyon sa Europe si Maja kasama ang kasintahang si Rambo Nuñez at ang pamilya ng binata. Ayon sa aktres ay matagal nang nai-book ang nasabing bakasyon. “Sobrang na-enjoy ko. Kasi this time naman kasama ‘yung family ni Rambo. Pero kahit na hindi kami (magkasintahan) ni Rambo, part pa rin ako ng trip na ‘yon. Because si Tita Marilen (ina ni Rambo), si mom, in-invite na niya ako before pa, na sana makasama ako sa Europe trip nila. So na-book na ‘yon nang hindi pa kami ni Rambo. Mas fun lang, nag-enjoy lang kaming lahat kasi siyempre kami na ni Rambo,” kwento ni Maja. -Reports from JCC-  

 

 

Please follow and like us:
Read More

KONSEHAL BINATO NG DUMI NG TAO SA SESYON

(NI BONG PAULO)

BAHAGYANG nagkagulo sa Sangguniang Panglungsod ng Cotabato City, Miyerkoles ng umaga matapos batuhin ng dumi ng tao ng hindi pa nakikilalang suspek si City Councilor Popoy Formento.

Nagkatensiyon sa City Council sa lungsod ng Cotabato nang hagisan ng dumi ng tao ang isang City Councilor.

Sinabi ni City Vice Mayor Graham Nazzer Dumama na papasok na sana sa session hall si Formento nang mangyari ang insidente.

Hinabol pa umano ni Formento at ng mga guwardiya ang suspek pero hindi na nila ito inabutan. Wala ng nagawa ang konsehal kundi umuwi na lamang para maligo at makapagpalit ng suot.

Bumalik din kaagad ito pagkatapos magbihis para dumalo sa ikalawang sesyon ng.

Naniniwala naman si Dumama na posibleng may personal na galit kay Formento ang nasa likod ng pagtatapon sa kanya ng dumi ng tao.

Sa ngayon, iniutos na ni Dumama sa mga gwardiya na magbantay nang mabuti sa bisinidad lalo na kapag may gagawing sesyon. Pinaiimbestigahan na rin nito ang pangyayari na ayon sa bise alkalde, ikalawang beses nang ginawa kay Formento. Noong unang sesyon ay binato rin ng dumi ng tao ang sasakyan ng konsehal.

Please follow and like us:
Read More

PAMPASAHERONG BARKO NASUNOG, 1 SUGATAN

(NI NICK ECHEVARRIA)

SUGATAN ang isang apprentice mate makaraang masunog ang pampasaherong barko na sinasakyan nito habang naka-angkla sa pantalan FF Cruz sa Mandaue City, Miyerkoles ng madaling araw.

Alas-6:00 na ng umaga nang maapula ang apoy sa nasunog na M/V Trans Asia habang nakilala naman ang nasugatan na si Green Ligit na mabilis namang nabigyan ng paunang lunas ng isang medical team bago dinala sa University of Cebu Medical Center.

Ayon kay Michael John Encina, information officer ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Central Visayas, faulty electrical wiring mula sa kusina ang sanhi ng pagkasunog ng nasabing barko na pag-aari ng Trans Asia Shipping Lines na may lulang 36 na mga bagong crew.

Tiniyak naman ng PCG Environmental Protection Unit na walang nangyaring oil spill sa lugar na pinangyarihan ng insidente kung saan nakaangkla ang nasunog na M/V Trans Asia, matapos magsagawa ng agarang inspection.

Please follow and like us:
Read More

GINANG PATAY SA LIPOSUCTION

(NI KOI HIPOLITO)

NAMATAY ang isang ginang matapos sumalang sa isang liposuction surgery sa Contours Advanced Face and Body Sculpting sa 2nd Floor ng South Park Plaza, Paseo De Magallanes sa Makati, na isinagawa noong Miyerkoles.

Kinilala ni Station and Investigation and Detective Management Section (SIDMS) Chief P/Maj. Gideon T. Ines Jr., ng Makati City Police Station,  ang biktima na si Nory Bobadilla, 43, may limang anak at isang negosyante, residente ng Villa Santa Maria Subdivision, Binalbagan, Negros Occidental, habang nakilala naman ang dalawang doktor na suspek na nagsagawa ng operasyon sa biktima na sina Dra. Claudine S. Roura at ang anesthaesiologist na si Dra. Katrina S. Bulseco.

Base sa inisyal na imbestigasyon, tumigil ang pintig ng pulso at paghinga ng biktima sa kalagitnaan ng liposuction surgery dito.

Sinubukan naman umanong lapatan ng first aid ng mga doktor ang biktima subalit hindi na ito humihinga kaya’t nagdesisyon ang mga ito na dalhin ang biktima sa Paranaque Doctor’s Hospital at inilagay sa Intensive Care Unit (ICU) kung saan ay naka-comatose condition ito hanggang sa binawian ng buhay noong Sabado, ng July 6.

Dahil sa pagkamatay ng biktima nagsampa ng demanda ang mga kamag-anakan nito kina Dra. Roura at Dra. Bulseco, na mahaharap ngayon sa Reckles Imprudence Resulting in Homecide sa Makati City Prosecutor’s Office.

Please follow and like us:
Read More

COTABATO NIYANIG NG 5.3 LINDOL; AFTERSHOCKS INAASAHAN

LINDOL-3

(NI KIKO CUETO)

NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang North Cotabato kaninang alas 8:56 ng umaga. Ito ay matapos ang lindol na intensity 5.3  na tumama ng Martes ng gabi.

Naramdaman ang intensity V sa Kidapawan City na nakaranas naman ng lindol kagabi na may Magnitude 5.3.

Suspendido ang mga klase ngayong araw sa Kidapawan City pati sa ibang bayan na apektado ng lindol.

Sinabi ng Phivolcs na tectonic ito in origin.

May lalim ito na 21 kilometers, ayon sa Phivolcs.

Naramdaman ang Intensity V sa Kidapawan City.

Habang ramdam ang instrumental intensities sa:

Intensity V – Kidapawan City

Intensity II – Tupi, South Cotabato

Intensity I – Alabel, Sarangani; Cagayan de Oro City

Hindi naman inaasahan ang anumang damage sa aftershocks.

Sinunspinde ngayong Miyerkoles ang klase sa Makilala town sa Kidapawan City at ilan pang paaralan na nakitaan ng pinsala.

 

Please follow and like us:
Read More

TINAWAG NA PANGIT; PAMANGKIN TINAGA

(NI KIKO CUETO)

DAVAO CITY — Pinagtataga ng magsasaka ang kanyang pamangkin nang kantiyawan at tawagin siyang “pangit,” sa Barangay Tambobong sa Baguio District.

Kinilala ang suspek na si Romeo Tamale Alonzo.

Ayon kay Alonzo lasing ang kanyang pamangkin na si Romullo Alonzo Pandian, nang mangyari ang insidente at tinawag siya na ‘pangit’.

“Nu’ng nalasing siya, kinantiyawan niya ako na pangit ang pagmumukha ko. Nagalit ako ng mga oras na iyon. Umuwi ako sa bahay, kinuha ang itak at pinagtataga ko siya,” sinabi ni Alonzo.

Inamin ng suspek na matagal na siyang may kinikimkim na sama ng loob sa biktima dahil noon pa man daw ay pinagtatawanan na siya ng kanyang pamangkin.

Tatlong beses tinaga ni Alonzo si Pandian gamit ang mahabang itak na nagresulta sa pagkamatay ng biktima, ayon sa pulisya.

Pero walang plano na magsampa ng kaso ang pamilya, dahil sa batas ng tribo na kinabibilangan ng magtiyo.

“May kaso na kaming inihanda sana, pero ang pamilya ng biktima, kabilang sa tribong Lumad. May customary tribal settlement sila sa pamamagitan ng kanilang tribal leader. Ang complainant mismo nagsabi na ise-settle na lamang nila sa tribal inquest ang pangyayari,” ani P/Maj. Achilles Bargio, Station Commander ng Baguio District Police Station.

Pinatawad na umano ng asawa ng biktima ang suspek na pansamantala munang ikukulong sa Baguio District Police Station.

 

Please follow and like us:
Read More

P2.4 MILYON MARIJUANA NASAMSAM SA CAVITE

arested12

(NI ROSS CORTEZ)

WALANG  pag-amin sa bahagi ng apat na taong inaresto sa 120 kilo ng marijuana bricks na nagkakahalaga ng halos P2.4 milyon sa ikinasang buy bust operation sa Barangay Salitran 3, lungsod ng Dasmariñas, Cavite, alas-3:00 ng hapon ng Martes.

Arestado ang mga drug suspect na sina Albert Abogadie, Don Ragracias, Maryrose Delapeñas at Raymond Austria, na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Nabatid na target ng buy bust operation ng Dasmariñas Drug Enforcement Unit, ang pangunahing suspek na si Abogadie, gamit ang P200 na marked money, nakabili ng droga ang poser buyer sa suspek.

Dito na sila inaresto at nadiskubre pa ang ilang sako na naglalaman ng 119 bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na mula pa umano sa Baguio City.

 

Please follow and like us:
Read More

TALIM ISLAND CASINO TARGET NI LUCIO TAN

TALIM ISLAND

(Ni Fernan J. Angeles)

SAWA na marahil si Filipino Chinese business tycoon Lucio Tan sa yaman mula sa kanyang negosyo ng paggawa ng nakakamatay na sigarilyo.

Bukod sa mataas na buwis bunsod ng sin tax law, kaliwa’t kanang kaso pa ang kanyang patuloy na hinaharap sa iba’t ibang sala ng husgado.

LUCIO TAN-4Bagamat hindi gaanong aktibo sa kalakalan, tahimik na itinutulak ng kanyang mga pinagkakatiwalaang business brokers ang isang bagong negosyong kinahuhumalingan ng maraming Pilipino (may kaya man o yaong mga pobre) — sugal.

Sa isang eksklusibong panayam sa ilang mga residente ng Talim Island na sakop at pinaghahatian ng mga bayan ng Binangonan at Cardona sa lalawigan ng Rizal, masigasig ang panghihimok sa kanila ng isang grupong umano’y kumakatawan sa mga kumpanya ng nasabing business tycoon na si Lucio Tan.

Anila, nais bilhin ng nasabing mga emisaryo ang kanilang mga lupain bilang bahagi ng isa umanong malaking proyektong pang turismong magbibigay raw ng ginhawa sa mga mamamayan ng nasabing pamayanan.

Ang Isla Talim ay isang nakabibighaning tanawin dahil sa ito ay matatagpuan sa pusod ng Laguna de Bay at matatanaw mula sa mga lakeshore ang mga munisipalidad na nakapalibot sa nasabing lawa.

Bukod sa salaping alok para sa kani-kanilang mga lupain, pangako anila ng nasabing grupo na bibigyan sila ng hanapbuhay at gagawan ng isang kominidad kung saan ilalagak ang mga pamilyang ma-aapektuhan ng kanilang bagong buisness venture — isang malaking casino na nakakubli sa likod ng world-class hotel and resort.

Di hamak na mas mataas kaysa sa “existing market value” ang alok na presyo sa kanilang mga lupain, dahilan upang ang ilan sa kanila ay tuluyang nakumbinsi at ganap nang naibenta ang kanilang lupain sa Isla Talim.

Gayunpaman, nanatiling may agam-agam ang marami sa kanila — kabilang si Chino Erasga Cerda na nagpahayag nang pagtutol sa nasabing proyekto ni Tan.

Si Cerde na kasaluku­yang nasa Estados Unidos ay nananatiling nagmamay-ari ng ilang mga lupain sa Talim Island. Ang nasabing mga lupa, aniya ay bahagi ng mana mula sa kanyang mga magulang na pawang tubong Isla.

Bagamat malayo sa kanyang tinubuang bayan, patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan at panaka-nakang pagbibigay ayuda sa mga taga Isla Talim na kanya umanong “kinamulatang tahanan.”

Aktibo din siya sa isang kilusang naglalayong pangalagaan at protektahan ang Isla Talim laban sa mga nagtatangkang “abusuhin o babuyin” ang kanilang isla.

Mayroon din siyang isang binuong grupo ng mga environmental advocates para sa Isla Talim.

Please follow and like us:
Read More

KIM PINUTAKTI

(NI GORGY RULA)

PINUTAKTI ng mga tanong si Kim Domingo tungkol sa isyung break-up sa

kanyang basketbolistang boyfriend na si Michael Acuna nang humarap ito sa mediacon ng bagong drama series ng GMA 7 na Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko.

Akala namin nagpagupit siya ng buhok, pero wig lang pala iyun. Sinubukan daw niyang magpa-short hair, dahil pinag-isipan daw niyang magpaikli ng buhok. Pero gusto raw niyang subukan muna, kaya nag-wig siya at baka mabigla raw siya.

Kung magpaputol daw siya ng hair, wala naman daw ito kinalaman sa break-up. Gusto lang daw niyang maiba naman.

Pero tipid ang mga sagot ni Kim kapag tungkol sa break-up nila ng kanyang boyfriend ang mga tanong.

“Basta happy ako, happy rin siya.

“Parehas ang desisyon namin, at in good terms kami.

“Walang halong galit sa isa’t-isa,” pakli ng Kapuso sexy actress.

Marami raw siyang magagandang alaala sa halos tatlong taong relasyon nila ni Michael, kaya wala naman daw siyang pinagsisihan sa lahat na desisyon niya.

“Hindi ko naman sinasabing nagkamali ako dahil lahat naman na desisyon sa buhay ko, wala naman akong pinagsisihan dahil ginusto ko yan,” saad ni Kim.

Sa ganda niyang yan, may mga nagparamdam na sa kanya na parang gusto siyang ligawan, pero deadma raw muna si Kim.

“Sa work muna ako. Dito muna ako sa soap mag-focus. Ayoko muna pasukin yan uli. Happy naman akong single ako ngayon,” nakangiti niyang pahayag.

Gustung-gusto ni Kim ang role niya rito sa Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko dahil may pagkamisteryoso ang role at medyo conservative daw siya rito.

Sa July 22 na ito magsisimula, pagkatapos ng Eat Bulaga.

 

 

Please follow and like us:
Read More

MUNGKAHI NA GAWING GAMOT ANG MARIJUANA, PAG-ARALANG MAIGI

HAGUPIT NI BATUIGAS BOMBA

NAIS ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pag-aralang maigi kung maaari nga bang gamitin ang Marijuana bilang gamot. Sa pana­yam ng inyong lingkod kay Director Carreon, sa aking programa sa social media live at youtube channel, sinabi nito na nakatakda nang umpisahan ang pagsasaliksik ng kanilang ahensya tungkol sa paggamit ng Marijuana bilang gamot.

Ang magiging resulta ng kanilang pag-aaral ay gagamitin sa Kongreso at Senado para makatulong sa deliberasyon kaugnay sa naturang panukala. Matatandaang noong nakaraang 17th Congress ay inaprubahan na sa Kamara ang panukalang paggamit ng medical marijuana subalit bigo itong makalusot sa senado.

Sinasabing sa pagbubukas ng 18th Congress, nakatakda itong muling talakayin kung saan nakapaloob sa nasabing batas ang:  (1). Paggamit ng medical Marijuana bilang gamot para sa malalang sakit. (2). Pagpapatayo ng Medical Cannabis Compassionate Center na siyang res­ponsable sa pagbibigay ng medical Marijuana sa mga kwalipikadong pasyente.

Nilinaw rin ni Carreon sa inyong lingkod na ang sinasabing medicinal Marijuana ay gamot na sasamahan o may sangkap lamang na Marijuana at hindi iyong mismong halaman na Marijuana.

Sa ganang akin, tama ang desisyon ng PDEA sa pamumuno ni Director General Aaron Aquino na pag-aralan muna ang pagsasabatas  ng medicinal Marijuana bago ito tuluyang aprubahan at tiyaking maigi kung may medicinal value ba talaga ito sa mga taong may sakit na gagamit nito.

Mahirap kasi kung hindi mapag-aralan ang nasabing panukala at sa sandaling ma­ging batas na ito ay baka naman maraming kabataan ang gu­mamit nito at makasira sa kanilang kalusugan at kinabukasan dahil ang Marijuana ay nakakaadik at nakaka-high din.

Bilib tayo kay PDEA Director General Aaron Aquino. May tapang at malasakit sa mga Pilipino at maging sa gobyerno kung saan dibdiban ang kanyang pagpupursige na malansag ang iligal na droga sa bansa.  (HAGUPIT NI BATUIGAS / MARIO BATUIGAS)

Please follow and like us:
Read More

PARKING ATTENDANT NI-RAPE, BINIGTI NG SINTURON

crime145

(NI FRANCIS SORIANO)

MALAMIG na bangkay na nang madiskubre ang katawang ng isang 41-anyos na parking attendant na may nakapulupot na sinturon sa kanyang leeg sa isang abandonadong gusali ng Cosmos bottling Corp. sa Mc Arthur Highway, Brgy. Potrero, Malabon City, Lunes ng gabi.

Kinilala nina Malabon City Police ang biktimang si Emma Limaas, 41, parking attendant sa nabangit na lugar.

Habang kinilala naman ang suspek na si Rafael Briones, 41, parking boy, residente ng 18 San Jacobo St. Brgy. Karuhatan, Valenzuela City, na naaresto sa follow-up operation ng mga tauhan ng PCP-2.

Ayon kina PCpl Joenel Claro at PCpl Michael Oben na may hawak ng kaso, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-6:50 ng gabi matapos itawag ng isang concerned citizen ang walang buhay na katawan ng biktima sa tinitirhan nito.

Lumabas din sa pagsisiyasat na may nakalupot na sinturon sa leeg ng biktima at pinalo din umano ito ng  kahoy na bangkito habang ang pang-ibaba nitong kasuutan ay nakababa na hanggang tuhod na hinihinalang ginahasa din ito.

 

Please follow and like us:
Read More

BOTO NG MGA KONGRESISTA ANG MAGLULUKLOK SA SPEAKER, HINDI SALITA NI DUTERTE

CHRISTIAN BOMB

KAHIT si Taguig City-Pateros Rep. Alan Cayetano ang pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte na unang maging Speaker ng Kongreso, na papalitan ni Marinduque Rep. Allan Lord Velasco makalipas ang isa at kalahating taon, base sa napagkasunduan nilang term sharing, ay hindi pa rin siya nakatitiyak na siya nga ang magiging lider ng House of Representatives sa 18th Congress.

Ang dahilan, sa Hulyo 22, 2019 pa magkakaroon ng botohan sa pagpili ng mamumuno sa Kongreso.

Bagamat si Cayetano ang inendorso ni Pangulong Duterte ay hindi ibig sabihin nito ay wala nang magaganap na botohan sa pagpili ng Speaker sa Hulyo 22. Nasa batas kasi, ang pagpili sa mamumuno sa Kongreso ay idinadaan sa botohan ng mga miyembro ng House of Representatives.

Ika nga, huwag munang magsaya si Cayetano na siya na nga ang unang magiging Speaker sa napagkasunduan nilang term-sharing ni Velasco, lalo’t hindi pa nagpapahayag nang pagsang-ayon dito ang magkapatid na mga anak ni Pangulong Duterte na sina Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte at Mayor Sara Duterte-Carpio, na ang gustong maging Speaker ay ang kapwa nila Davaeño na si Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab.

Dapat tandaan ni Cayetano na si Mayor Sara ang gumalaw nuon para mapatalsik sa pagiging Speaker si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, at ang pinili ng Presidential daughter na pumalit dito ay si dating Speaker, ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo.

Walang alam si Pangulong Duterte sa ginawang ito noon ni Mayor Sara, na ang pagpapalit sa liderato ng Kamara ay itinaon pa sa 2018 SONA (State of the Nation Address) ng Presidente.

Bukod diyan, ang mga taga-PDP-Laban na may pinakamaraming miyembro sa House of Representatives ay si Velasco ang nais na maging Speaker dahil ito ang kapartido ni Pangulong Duterte, at hindi nila kapartido si Cayetano na mula sa Nacionalista Party (NP).

Idagdag pa sa isyung iyan na unconstitutional ang pagpili ni Pangulong Duterte kay Cayetano na maunang ma­ging Speaker dahil nakasaad sa Saligang Batas na hindi puwedeng manduhan ng Presidente ang mga mambabatas, at tanging mga miyembro lang ng Kongreso ang puwedeng mamili ng nais nilang maging Speaker of the House.

Masalimuot pa ang isyung speakership, at hindi pa nakatitiyak si Cayetano na siya na nga ang mauunang maging Speaker, dahil sa oras na may mag-nominate kina Ungab, Velasco at maging kay Leyte Rep. Martin Romualdez sa Hulyo 22 para sa labanan sa pagka-Speaker, mas lamang ang talo ni Cayetano kaysa panalo, dahil kakaunti lang ang bilang ng mga kapartido niya sa NP sa Kongreso.

Siya nga ang napili ni Pangulong Duterte na unang maging Speaker, pero ang boto ng mga kongresista ang magluluklok kung sino ang nais nilang mamuno sa Kongreso, at hindi ang salita ng Presidente.  (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

ANG SALIGANG BATAS

yourservice

PABALIK-BALIK ang mga argumento mula sa iba’t bang grupo at personalidad tungkol sa kahalagahan ng tinatawag nating Saligang Batas. Ano nga ba ito? Mahalaga ba ito sa ating buhay ngayon o maari na ba nating isantabi sa kadahilanang hindi na ito angkop sa makabagong pananaw ng iba nating kapwa Pilipino? Tama ba ang sinasabi ng iba na ito’y basura na lamang, o di kaya’y isang “toilet paper” na hindi na sumasalamin sa tunay na adhikain at pangarap ng samba­yang Pilipino ngayon?

Kung titingnan natin ang ating kasaysayan — ang 1987 Philippine Constitution ay ikatlo ng saligang batas ng ating bayan mula nang tayo’y nagkaroon ng kasarinlan mula sa mga Amerikano. Maliban sa tatlo – ang 1935, ang 1973 at ang kasalukuyang 1987 Philippine Constitution — maaari nating isama ang panandaliang saligang batas na tinatawag ngayon ng kasaysayan na Malolos Constitution. Malalaman din natin mula sa ating sariling kasaysayan na ang 1935 Constitution ay hango mula sa saligang batas ng mga Amerikano, maging ang istraktura ng ating pamahalaan. Ang 1973 Constitution naman ay nahirang noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos at nagbigay bunga sa tinatawag nating Batasang Pambansa. Ang kaibahan ng 1973 Constitution ay nagkaroon tayo, bagamat sa sandaling panahon, ng isang “unicameral legislature” di tulad ng kamara sa ilalim ng 1935 at 1987 Constitution kung saan binubuo ito ng dalawang hanay — mga senador at mga kongresista. Sa ilalim din ng 1973 Constitution, nagkaroon tayo ng Pangulo at Prime Minister.

Nung nag-People Power ang bayan, pinalitan natin ang 1973 Cons­titution ng kasalukuyang 1987 Constitution. Sa ilalim ng saligang batas na ito, ibinalik ang Presidential system at ang tinatawag na Bicameral Congress — binubuo ng mga halal na Senador at mga Representante kada distrito sa bansa. Pinalitan din sa ilalim ng Saligang Batas na ito ang sectoral representatives ng tinatawag natin ngayong Party List representatives.

Balik tayo sa una kong tanong — makabuluhan pa ba ang ating Saligang Batas sa takbo ng ating bansa? O tama bang ituring na lamang natin itong isang “toilet paper” at isantabi na lamang?

Sa aking munting palagay — ang Saligang Batas natin, o maging Saligang Batas ng anomang bansa — ay siyang tumatayong balangkas ng uri ng ating pamahalaan. Nakapaloob sa Saligang batas natin ang mga karapatang pantao na siyang nag-iisang depensa ng isang mamamayan laban sa pang-aabuso ng pamahalaan at ng mga ahensya nito. Dito rin nakasaad ang mga kwalipikasyon ng sinomang nais maging pangulo, pangalawang pangulo, senador, representante, mahistrado — mga kwalipikasyong ipinundar ng taumbayan nung kanilang pinagtibay ang saligang batas. Hindi ordinaryong papel o dokumento ang Saligang Batas, sapagkat ito ang pisikal na anyo ng soberanya na nagmumula sa bawat Pilipino. Ito ang tinatawag nating kontrata sa bawat isa, kontrata sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan, kontrata sa pagitan nating lahat at sa Diyos sa itaas. Sa isang salita, ito ang pisikal na pamantayan na binigay natin bilang mamamayan kung saan nanggagaling ang ating sobe­renya bilang isang bansa, bilang isang mamamayan, bilang isang Pilipino. Hindi ito dapat isina­santabi, kundi ito ay dapat nasa gitna ng lahat ng pamamalakad ng pamahalaan at ng buong sambayanang Pilipino.  (@YOURSERVICE / ATTY. DAVID AQUINO)

Please follow and like us:
Read More