FANS NI BARBIE AYAW TIGILAN SI JM

(NI GORGY RULA)

MUKHANG ayaw pa ring tigilan ng mga fans ni Barbie Imperial si JM de Guzman, dahil nga kaya kay Ria Atayde?

Hindi lang ako sure kung mga fans lahat ni Barbie ang nagku-comment nang di maganda sa mga pinu-post ni JM. Pero di na nakapagpigil ang Kapamilya actor at sinagot na niya ang ibang masyadong personal na ang kinukomento sa kanya.

Napansin ko nung nakaraang Sabado na kung saan may ipinost si JM na ‘bottle cap challenge’ na ginagawa rin ng ilang celebrities.

Nakatuwaan nila itong ‘bottle cap challenge’ na kung saan kanya-kanya silang gimik kung paano nila nabubuksan ang takip ng isang bote.

Merong sinisipa o bina-back flip ang pagbukas bottle cap gaya nang ginawa ni Martin del Rosario.

Nakiuso rin si JM dito, na akala mo meron siyang kakaibang gagawin, pero madrama ang ginawa niyang pagbukas ng kamay niya at saka nag-muwestrang mag-karate.

Natuwa naman ang karamihang nag-comment na mga kaibigan niya gaya nina Joross Gamboa, Billy Crawford at marami pa.

Pero may mga ilang followers na tila nagdududa kung ano na naman daw ang natira nito.

Sa mga komento nila, pinapalabas na hindi pa rin nakaalis ang aktor sa dating bisyo.

Meron pang nagku-comment ng “bog na bog ka na naman”.

Dito na nag-react si JM at sinagot niya ng “judgemental”.

Nung nakaraang Lunes ng umaga ay nag-post uli si JM ng isang prayer na ikinatuwa ng mga netizens at nagbibigay ng mga inspiring messages sa kanya.

Pero meron pa ring nagni-nega na obvious mga fans sila ni Barbie Imperial.

Pati si Ria ay nagba-bash, pero meron ding nagtatanggol at natutuwa sa kanila ni JM.

Ewan ko lang kung sila na ngayon, pero nung huli naming nakatsikahan si Sylvia Sanchez, tingin daw niya nanliligaw si JM kay Ria.

Hindi naman daw siya nakikialam sa lovelife ng mga anak niya, pero tinanong daw niya minsan si JM kung balak ba nitong ligawan si Ria.

Napangiti lang daw ang aktor at sasabihin naman daw sa kanya.

Close naman si Sylvia kay JM at wala naman siyang kontra kung magkaroon ng relasyon ang dalawa.

Please follow and like us:
Read More

HELPER TUMALON SA BUILDING, SUMALPOK SA TRANSFORMER

crime12

(NI HARVEY PEREZ)

PATAY ang isang helper matapos lumipad mula sa ika 11 palapag na gusali  at tumama pa ang mukha sa transformer ng isang poste ,Martes ng madaling araw, sa   Binondo, Maynila.

Nasunog at duguan ang mukha nang makitang nakahandusay ang biktimang si Danilo Lachida, 41, ng 539 Caballeros St., Binondo.

Ayon kay P Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide, bago tumalon ang biktima, nakipag-inuman muna ito sa kanyang kasamahang helper , barangay tanod at isang senior citizen sa lugar, dakong alas 9:00 ng gabi at nang malasing ay nagwala at pinagtatapon ang ilang gamit sa kusina bago pinaalis ang mga kainuman at saka nagkulong sa kuwarto.

Pasado alas 2:00 ng madaling araw nang makarinig ang mga residente ng isang malakas na pagsabog na nagmula sa transformer ng poste at kalabog sa kalsada.

Kasunod nito ay nakitang nakahandusay  na  sunog at duguan ang mukha ng biktima.

Dinala ng mga by-stander sa  Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktima  pero patay na ito nang dumating sa pagamutan.

Please follow and like us:
Read More

COSMIC CARABAO GIN BAWAL NANG IBENTA — FDA

(NI ROSE PULGAR)

IPINAGBAWAL na sa publiko ang pagbebenta ng isang brand ng gin na nakumpirmang nakalalason sa mga umiinom matapos na isailalim sa pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA) ang laman nito.

“In light of the development on the investigation of the Food and Drug Administration (FDA) with regards to the incident involving two  women who allegedly consumed ‘Cosmic Carabao Gin’, this Office shall order the seizure and/or confiscation of the product as the samples collected and subjected to FDA analysis were found positive for methanol,” base sa pahayag ng FDA.

Nabatid na ang methanol ay isang kemikal na ginagamit sa mga industriya, bahay at fuel para sa eroplano.

Meron din nitong hindi nakalalason na uri na matatagpuan sa mga fruit juices at maaaring ma-prodyus sa pamamagitan ng “fermentation”.

Nagkakaroon ng mataas na konsentrasyon ng methanol kapag inihahalo ito sa mga “alcoholic drinks” at nagreresulta ng sakit ng ulo, sakit ng tiyan, pagbilis ng tibok ng puso, kakapusan sa paghinga at maaari ring pagkabulag.

Nitong Hunyo 30, nakatanggap ang FDA ng ulat ukol sa dalawang babae na nagpakita ng naturang mga sintomas nang uminom ng ‘Cosmic Carabao Gin’ na hindi rehistrado sa ahensya.

Isa sa dalawang babae ang nasawi habang ang kasama nitong babae ay nanatili pa rin sa pagamutan.

Dahil dito, kinumpiska na ng FDA ang lahat ng Cosmic Carabao Gin sa merkado at hiniling sa lahat ng lokal na pamahalaan na tiyakin na hindi ito maibebenta sa kanilang mga pamilihan.

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 EGYPTIAN SUICIDE BOMBERS NASA SULU — INTEL 

(NI JESSE KABEL)

MAY mag asawang Egyptian national ang sinasabing nakapasok na sa area ng Sulu para magsagawa ng pagpapasabog at target ng dalawang suicide bomber ang dalawang simbahan sa nasabing lalawigan,

Ito ang intelligence information na ibinahagi sa media ngayong Martes ni  Prof. Rommel Banlaoi, chair of the Philippine Institute for Peace and Violence at Terrorism Research Professor.

Ayon kay Professor Banlaoi, misyon ng dalawang Egyptian national na isakatuparan ang iniatas na pagpapasabog sa mga target na ibinigay sa kanila.

Bukod dito, layunin din umano ng mga ito na hikayatin ang mga local terrorist na magsagawa ng suicide bombing.

“They are here to really carry out the instruction of the Islamic state to conduct intermittent bombing operations in the Philippines and to encourage the locals to conduct suicide bombings as their most effective weapons for jihad,” ani Banlaoi.

Ang sinasabing Egyptian couple ay may kaugnayan din umano  sa Indonesian couple na nagsagawa ng suicide attack sa Jolo cathedral noong nakaraang taon na kumitil ng pito katao. Kasalukuyang bina-validate ng military at kapulisan ang nasabing ulat hinggil

sa panibagong suicide bomber na nakapuslit papasok ng Pilipinas at umano’y kinukupkop ng Abu Sayyaf group sa ilalim ng pamumuno ni Hajan Sawadjaan.

Suportado umano ang mga ito ng iba pang foreign terrorists.

Sinasabing  target ng grupo na pasabugan ang  Carmel of Mary Immaculate at  Saint Therese of the Child Jesus Church sa  Bgy Bus-bus, Jolo, Sulu at isasagawa  ito ng Egyptian couple na kinilalang si alyas Abu Abdurahman at asawa nito.

Magugunitang may tatlong insidente na ng suicide bombing ang naitala ng mga awtoridad, kabilang na ang pinakahuling pagsabog na isinagawa umano ng isang  Filipino suicide bomber sa gate ng Army First Brigade Combat team, na ikinamatay ng walo katao.

Una rito, inihayag ng isang opisyal ng DILG na patuloy pa rin nilang pinaghahanap ang ilang trained suicide bombers na nakapuslit sa bansa.

” Kasi meron pa tayong foreign terrorists na hinahanap na trained suicide bombers, hanggat hindi natin na-neutralize itong mga ito, hindi natin masasabing safe talaga completely yung ating key cities sa Mindanao,” paliwanag pa ng opisyal.

Please follow and like us:
Read More

NAGLAHONG PANGARAP

(NI DAVE MEDINA)

NAGLAHO nang parang bula ang pangarap na pagsusundalo ng isang tindero ng pagkain nang maaresto dahil sa  ipinagbabawal na droga sa New Lower Bicutan, Taguig City, Linggo ng gabi.

Sa bisa ng  search warrant, nilusob at hinalughog ng mga operatiba ang bahay ni alyas Don,  22, aplikante sa Philippine Marines at isa ring tindero.

Nakumpiska kay alyas Don ang 53 sachet ng hinihinalang shabu, tatlong sachet ng hinihinalang marijuana at iba pang  drug paraphernalia.

Nagnegatibo sa pagkakasangkot sa krimen ang suspek nang siyasatin ang rekord ng pulisya.

Sa inisyal na ulat ng mga awtoridad, isinuplong si Alyas Don ng mga kapitbahay sa illegal activity nito kaya agad na nagsagawa ng test buy ang mga awtoridad sa suspek na nagpositibo kaya nakakuha sila ng search warrant.

Pero sa testimonya ng suspek ay itinanggi naman na kaniya ang mga nakuhang illegal drugs gayundin ang paggamit o pagbebenta ng kontrabando.

Nahaharap ngayon sa  kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek at imposibe nang matupad ang pangarap na maging miyembro ng Philippine Marines.

Please follow and like us:
Read More

PANGALAN NG MGA POLITIKO PINAAALIS SA MGA PAARALAN

(NI HARVEY PEREZ)

INIUTOS ni Manila  Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sa City School Board ng lungsod na tanggalin ang mga pangalan ng politiko na nakapintura  sa mga pader ng lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at high school sa Maynila.

Ginawa ni Moreno ang pahayag matapos makipagpulong sa mga opisyal ng City School Board na ginanap sa Manila City Hall ngayong Martes, Hulyo 9.

Bahagi umano ng adbokasiya ni Moreno na ihiwalay ang  public education mula sa tradisyunal na pamumulitika.

Sinabi ni Moreno sa mga politiko na huwag pulitikahin ang mga paaralan at ibigay sa mga academe

ang mga educational institutions.

“Walang epal sa pader ng eskwelahan. Walang epal sa mga basketball court, gymnasium na pinagawa ng mga politiko sa loob ng eskwelahan. Bawal ang epal. Tigilan na natin ‘yan,” aniMoreno.

Hinimok ni Moreno na maging ang kanyang pangalan ay  kanya ring  pinatatanggal sa mga paaralan.

“Pinatatanggal ko lahat ng pangalan, ultimo ang pangalan ko at pangalan ng mga politiko, na nakapintura o nakakabit sa mga eskwelahan,” ayon kay Moreno.

Sinabi pa ni Moreno hindi pag aari ng mga politiko ang ginastos sa pagpapatayo ng gusali kundi pera ito ng taumbayan.”

Please follow and like us:
Read More

GERALD IN; SERIES NI ANGEL TATAPUSIN NA?

(NI GORGY RULA)

TOTOO kayang sa September na matatapos ang The General’s Daughter ni Angel Locsin?

Ayon sa aming source, patapos na rin daw ang kontrata ni Angel sa Kapamilya network, at hindi pa alam kung iri-renew dahil pinag-uusapan na raw kung ano ang plano niya pagkatapos ng kasal nila ni Neil Arce.

Wala pa naman silang in-announce kung kailan ang kasal kaya hindi pa alam kung ano ang plano ni Angel kapag Mrs. Arce na siya.

Ang balak daw nilang ipalit sa teleserye ni Angel ay ang Take Life ni Gerald Anderson na tungkol din sa military ang kuwento.

Ang alam kong isa sa makakasama ni Gerald dito ay si Elmo Magalona. Ang isa pang kapansin-pansin kay Angel ay ang tila hindi na mapigil ang paglaki nito.

Mahirap na rin siyang mabigyan ng magandang role kung tuluy-tuloy ang paglaki niya.

Tingnan na lang natin kapag naplano na nila ang wedding at kung ano ang plano ni Angel pagkatapos ng  The General’s Daughter.

Family muna sabi ni mister…

MARIAN MATATAGALAN PA ANG PAGBABALIK SA TV

Marami ang naaliw na mga netizens sa post ng mag-asawang Dingdong

Dantes at Marian Rivera ng kuha ni Baby Sixto na magti-three months na sa July 16.

Kaya nga sabi ni Dingdong, parang matagalan pa raw makakabalik sa trabaho si Marian dahil talagang natutuwa pa siyang mag-alaga sa kanilang bagong baby.

Ibang enjoyment daw ngayon ang experience nila sa pag-aalaga kay Baby Ziggy dahil parang ngayon lang daw nila na-realize lahat dahil yung Zia noon ay wala pa naman daw silang naikukumpara pa gawa nang first time pa lang daw nila noon.

“Maganda dahil its like starting from the beginning again.

“Binigay sa amin ang ganung experience, yung kaba, yun excitement, tapos ngayon yung pagpapalaki.

“So, it’s a process that I wouldn’t mind doing over and over again,” saad ni Dingdong.

Kaya malabong si Marian nga raw ang makaka-partner niya sa Descendants of the Sun dahil hindi sila puwedeng magsabay ng taping.

Kailangang isa raw sa kanila ang maiiwan sa bahay para sa kanilang dalawang anak.

Please follow and like us:
Read More

2 PULIS SA VIRAL VIDEO SINIBAK NI ELEAZAR

(NI KOI HIPOLITO)

NAGPALABAS na ng pormal na pahayag sa media si NCRPO Chief P/MGen.Guillermo Eleazar, tungkol sa dalawang abusadong pulis ng Eastern Police District (EPD) na inireklamo ng pang-aabuso nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Eleazar na ininutos na niya kay  direktor ng EPD na si P/BGen. Nolasco K. Bathan, na alisin sa kanyang puwesto sa San Juan City Police Station at Marikina City Police Station ang  dalawang pulis na sina PSMS Arnulfo Ardales at PSMS Nicolas Lapie Jr., at ilipat sa Regional Headquarters Support Unit (NCRPO-RHSU) ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Matatandaan noong gabi ng Sabado ay sumabog at nag-viral sa social media ang pagkilos ni Ardales na pinagmumura at binantaan ang isang call center agent na nakasabayang bumili ng ulam sa isang karinderya sa Lungsod ng San Juan at dahil dito agad ipinag-utos ni PNP Chief General Oscar Albayalde ang pagdisarma at pagbawi ng tsapa ng pulis at inilagay muna sa District Holding Support Unit (DHSU-EPD).

Samantala, nakakulong naman ngayon si Lapie Jr.,  sa Pasig City Custodial Cell para sa kasong physical injuries in Relation to RA 7610 oThe Antii- Child Abuse Law dahil sa pananakit sa isang biktimang walong taon gulang na batang lalaki habang nanonood ng basket ball game sa covered court ng Barangay Bambang sa Pasig City noong gabi ng Linggo. Nag- viral din sa social media ang video.

Nakita sa video na sinakal ng pulis ang bata at pinagmumura subalit nagpumiglas ito at nakatakbo ngunit hinabol ito ng suspek at pinilipit ang braso bago hinatak patungo malapit sa kanya.

Dahil sa nangyari nagtakbuhan ang mga tao para awatin ang pulis na si Lapie at tulungan i-rescue ang bata.

Naawat ng mga rumespondeng pulis ang kanilang kabaro at kapwa dinala sa Womens and Childrens Protections Desk  (WCPD) ng Pasig City Police Station ang pulis at ang batang biktima.

Kapwa inirekomendang sumailalim sa Values Formation Seminar sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sina Ardales at Lapie Jr.

Hinikayat din ni Eleazar ang mga pamilya ng mga naging biktima na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawang abusadong pulis at siniguro rin nito na sila ay bibigyan ng proteksyon.

 

Please follow and like us:
Read More

8 SASAKYAN INARARO NG TRUCK; 13 SUGATAN

(NI NILOU DEL CARMEN)

LABINGTATLO ang sugatan matapos araruhin ng isang truck ang walong sasakyan sa national highway, Barangay Marawoy, Lipa City Lunes ng hapon.

Batay sa report ng Lipa City police, nawalan ng preno ang six wheeler truck na minamaneho ni Patrick Perillo at sinagasa ang dalawang pampasaherong jeep, isang kotse at limang tricycle, alas 2:30 ng hapon.

Ayon sa mga imbestigador, unang nabangga ng truck ang nakaparadang kotse sa gilid ng highway at kasunod na nasapol ang dalawang namamasaherong jeep na kapwa nasa unahan.

Dumiretso pa ang truck sa shoulder at natumbok naman ang limang nakapilang tricycle sa isang terminal.

Sa lakas ng pagkabangga tumagilid pa ang isang jeep na sinasakyan ng 13 nasaktan kabilang ang nagmamaneho na si Dennis Mantuano.

Isinugod ang mga nasaktan sa Metro Lipa Medical Center samantalang naaresto naman ng mga pulis ang nagmamaneho ng truck.

Please follow and like us:
Read More

TRAFFIC AIDE NG MARIKINA CITY HALL SINIBAK SA RAPE

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG empleyado ng Marikina City hall ang agad na sinibak sa trabaho ni Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro matapos  akusahang nanggahasa umano ng isang babaeng junior police volunteer sa loob ng Marikina Sports Center, at matuklasang nahaharap pa sa iba’t ibang kaso ng pang-aabuso sa piskalya.

Ayon kay Teodoro, inatasan na niya si acting City Administrator Adrian Salvador na kaagad na i-terminate ang kontrata ni Arren Atanacio bilang Traffic Aide 1 ng Office of Public Safety and Security (OPSS), kasunod ng akusasyon ng isang 23-taong gulang na junior police volunteer, na nagsabing ginahasa siya ng suspek sa loob ng Junior Police headquarters, na nasa ikatlong palapag ng Marikina Sports Center sa Barangay Sta. Elena, Marikina City noong Hunyo 6.

Nabatid na si Atanacio ay trainor ng “Junior Police” ng Marikina PNP, na nilikha para sa mga teenagers o indibidwal na nais na tumulong sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa lungsod.

Isang araw umano matapos ang training ay sinabihan ni Atanacio ang biktima na delikadong umuwi ng gabi at inalok siyang sa kanilang barracks sa loob ng Marikina Sports Center na lamang matulog.

Pumayag naman umano ang biktima, ngunit habang natutulog na siya ay saka aniya isinagawa ng suspek ang umano’y panggagahasa.

Sa medico-legal examination na isinagawa ng Eastern Police District -Crime Laboratory, nag-positibo naman na may laserasyon sa maselang bahagi ng katawan ng biktima, na indikasyong ginahasa nga ito.

Natuklasan din sa imbestigasyon na ang suspek ay sinampahan din ng iba pang mga kaso ng pang-aabuso, gaya ng hazing at sexual advances, na inihain ng 13 indibidwal, na nagkaka-edad lamang ng 14 hanggang 26-anyos sa Marikina City Prosecutors’ Office, ngayong taon.

Kaugnay nito, binalaan naman ni Teodoro ang iba pang city hall employees na huwag abusuhin ang kanilang posisyon dahil tiyak na masisibak sila sa trabaho at matutulad kay Atanacio.

“The local government of Marikina wants to ensure that government employees are not using their position to abuse other people,” paalala pa ng alkalde. “We will not tolerate such acts. I had enough. There are so many complaints against him that’s why I immediately ordered my City administrator.”

Please follow and like us:
Read More

GMA-7 PINIPIGILAN ANG PAG-ALAGWA NI ALDEN

(NI GORGY RULA)

MALAKI raw talaga ang posibilidad na masundan pa si Aldrn Richards ng isa pang pelikula sa Star Cinema dahil gustung-gusto siya ng mga taga-Star Cinema lalo na raw si direk Cathy Garcia-Molina.

Napakagaling daw ni Alden sa Hello, Love, Goodbye kaya gustung-gusto na raw siyang makatrabaho uli.

Ang inaayos daw nila ngayon ay kung puwedeng mag-promote si Alden sa ilan pang programa sa ABS-CBN 2 dahil dalawang programa pa lang ang ina-allow ng GMA 7.

Tinatanggihan daw nilang lumabas daw si Alden sa primetime shows ng Kapamilya network.

Please follow and like us:
Read More

TOLENTINO, JUICO PARA POC CHAIR

(NI ANN ENCARNACION)

SUSUNDIN ng Philippine Olympic Committee (POC) ang proseso na inaprubahan ng mayorya ng Executive Board Lunes ng umaga.

Naging maayos ang Special Executive Board meeting ng POC kung saan napagkasunduang ng mga ito na sundin ang atas ng International Olympic Committee at Olympic Council of Asia base sa ipinadala nitong sulat noong Hulyo 2.

Inaprubahan sa pulong ang tatlong punto: Una, pagsasagawa sa Hulyo 18 ng isang extra ordinary meeting at pagbuo sa isang election committee na gaganapin sa Manila Golf Club;

Pangalawa, pagdiskusyunan sa Hulyo 18 ang general assembly para sa ratification, at pangatlo ang pagtatakda sa Hulyo 28 ng extra ordinary general assembly kasama ang eleksiyon.

Inaasahang dadalo sa Hulyo 18 at 28 sina IOC at OCA representative James Macleod, Director of Olympic Solidarity and NOC Relations ng IOC at Husain Al-Musalim, Director General & Technical Director ng OCA.

Nagpahayag naman ng kanyang pagkandidato bilang POC Chair sina Abraham “Bambol” Tolentino at kasalukuyang presidente ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico.

Please follow and like us:
Read More

BABAENG RIDER SUMALPOK SA POSTE, PATAY

accident121

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Dead on arrival sa pagamutan ang isang 30-anyos na babae nang maaksidente sa bahagi ng Quezon Blvd. Kidapawan City, North Cotabato, gabi ng Lunes.

Kinilala ang biktima na si Ruth Majesca Delector Tulang, 30, isang private employee at residente ng Mariano Cuenco St. ng lungsod.

Ayon sa ulat ng Kidapawan City PNP traffic section, pasado alas 10:00 ng gabi minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na Yamaha Mio, kulay itim na may temporary license plate 12110 ng sumalpok ito sa poste ng Cotabato Electric Cooperative  (COTELCO).

Nabatid na binabaybay umano ni Tulang ang outerlane sa bahagi ng Quezon Blvd., partikular sa harap ng PhilHealth Office ng aksidente nitong nabangga ang electric post.

Dahil sa lakas ng impact, nagkasugat-sugat ang biktima sa kanyang ulo at katawan.

Sinasabing may nakalagay na reflector sa nabanggit na poste at may ilaw naman sa nasabing lugar pero posibleng hindi umano ito napansin ng drayber na nakainom.

Agad namang dinala ng City 911 ang biktima sa pagamutan pero idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Nabatid na matagal na rin umanong inirereklamo ng mga motorista ang poste sa gitna ng kalsada na hanggang ngayon ay hindi pa rin na aaksiyunan ng kooperatiba.

 

Please follow and like us:
Read More

SUSPEK SA PINATAY NA 15-ANYOS SA CLASSROOM, NATIMBOG

(NI NILOU DEL CARMEN)

CALAMBA, LAGUNA -Natimbog na ng mga  awtoridad ang sinasabing bading na security guard na suspek sa pamamaril at pagpatay sa 15-anyos na estudyante sa Calamba, Laguna.

Ayon kay Laguna police chief Col. Eleazar Matta, nadakip ang 36-anyos na si Renan Valderama dakong alas 4:00 ng madaling araw ng Martes sa Barangay Bucal.

Kaagad nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na nakita ang suspek sa nasabing lugar.

Si Valderma ang itinuturong bumaril kay Mark Anthony Miranda sa loob ng classrom sa Castor Alviar National High School na nasa Barangay Masili noong Huwebes, July 4.

Narekober dito ang isang balisong at ang service firearm nito na kalibre .38 revolver na posibleng siyang ginamit nito sa krimen

Nabatid na matapos ang krimen ay umakyat ng bundok ang suspek para magtago. Limang araw umano itong nanatili sa bundok at tubig lamang ang inilalaman ng tyan. Nang makaranas na nang matinding pagkagutom ay napilitan itong bumaba ng bundok para maghanap ng makakain hanggang maaresto.

Nitong lunes, nag-anunsyo si Governor Ramil Hernandez na magbibigaay ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna ng halagang P100,000 sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek.

Samantala, nakatakda namang ihatid si Miranda sa huling hantungan sa araw ng Huwebes, July 11.

 

 

Please follow and like us:
Read More

FACEBOOK CHEATING NAKAKASIRA NG PAMILYA

FACEBOOK CHEATING

(Ni Edzer Lanuza /Huling labas)

SA simula ay di mahahalata ang sinuman na may sikretong affair. Gumagamit sila ng private Facebook account para hanapin ang opposite-sex high-school classmate at magsulat sa kanyang wall.

Inililihim nila ito sa public viewing. Ang palitan ng mga pag-uusap ay nagiging mas interesting at personal. Ang pagkikita ay sinusundan na ng isang full-blown chea­ting at infidelity.

Nagagawa ang mga paraan para itago ang katotohanan sa nagaganap.  Gaya ng pag-iimbento ng mga paliwanag sa oras, pagtetext, o Facebook interaction sa sinasabing kaibigan.

Katotohanan sa Online Cheating

Akala ng iba, ang online affairs kailanma’y di peligroso, nagkakamali sila, nagbibigay ito ng napakaraming heartache at pain. Ang online affairs ay mapanganib dahil marami ang mapipinsala.

Nagiging daan ang internet, e-mail, at chat rooms  para mas mapadali sa mga taong maugnay sa pagtataksil.  Sa online affairs, laging nasasangkot ang emotional attachment.

Sa sandaling mahulog ang loob sa sinuman sa  online, nagdudulot ito ng pagwalang-halaga sa kanilang kasaluku­yang  romantic partners. Madali na nilang napapansin ang kapintasan at pagkukulang ng kabiyak.

Kahit hindi man nahahawakan ng iba ang katawan mo, maaari pa ring seryosong ma­pinsala sa online cheating ang relasyon mo sa iyong asawa o partner.

Noon, nagagawa ang pagtataksil sa lihim na pakikipagtagpo, nakasalalay sa “business trips” ang pagsisinungaling, pagkakaila maging tungkol sa amoy ng iyong pabango sa damit.

Samantalang ngayon, posibleng maugnay sa sinuman maliban sa iyong asawa o partner sa pamamagitan ng pagka-hook sa online. Pero kahit wala pa kayo sa physical contact, ang online cheating ay isa pa ring pagtataksil.

Kaya isipin mo munang mabuti bago ka mag-log in at makipagkilala sa iba, kung ikaw ay kasal na at may-asawa o nasa isang committed relationship.

Kahit sa paano pang paraan, “online cheating ay kataksilan”

Ang online infidelity ay isang uri ng emotional affair kung saan ang mga taong nauugnay ay nagkakaroon ng sexually intimate relationship kahit di aktuwal na nagkikita, tinatawag itong cybersex.

Hindi nakikita ang mukha, o naririnig ang boses ng bawat isa. Walang actual physical contact, aakalain mong ang intimacy sa pamamagitan ng Internet ay di isang tunay na affair.

Ngunit ang isang online affair ay sobrang kahalintulad ng isang physical fling, nagagawang makapaminsala sa isang relationship o maging sa buong pamilya.

Maaari nitong magambala ang atensyon sa real-life partner at mga anak, ninanakawan sila ng mahahalagang oras at atensyon at nagbubu­nga ito ng pakiramdam na sila’y napapabayaan o binabalewala.

At gaya sa traditional affairs, ang mga taong nauugnay sa internet ay nagtatago ng sikreto at nagsisinungaling, nagdudulot ng pagkawasak ng tiwala na nauuwi sa paghihiwalay.

Kahit pa ang taong niloko ay walang nalalaman sa nangyayari, ang bigkis ng pagtitiwala ay nasira na kapag ang isang asawa o partner ay hindi tapat.

Ang mga taong may affairs ay nababaling sa pagkagalit sa real-life partner, nakapananakit ng kanyang damdamin na sa huli ay nauuwi sa panlalamig sa kanya.

Panganib sa Online Affair

Sa sandaling masimulan ang cybersex, madali kang madadala sa makatotohanang tukso. Ang iba ay nagiging addicted sa online sex, na nagpapalala sa sitwasyon.

Ang taong addicted sa cybersex, ang oras na ginugugol niya sa harap ng computer o screen ay lumalaki, resulta ang pagkabawas niya ng a­tensyon sa asawa o partner at pamilya.

Isa pang panganib sa cybersex, ang dalawang taong nauugnay sa isang affair ay nagdedesisyong magtagpo ng personal. Sa puntong ito, ang online infidelity ay nagiging physical infidelity, pagtataksil sa ibang level.

Mahalagang tandaan na ang online infidelity, gaya ng real-life infidelity, ay karaniwang palatandaan na may mga problema sa isang relasyon. Kahit pa magwakas ang online affair, maaaring maghanap ulit ito ng iba.

Kaya sa halip na buma­ling sa Internet para maghanap ng kaligayahan, o  mapunan ang kakulangan ng kasaluku­yang relationship, makipag-usap sa iyong asawa o  partner.

Ikunsidera ring sumailalim sa couples counseling o therapy kung hindi mo kayang mapigil ang sariling maugnay sa sexually compulsive behavior.

Sa gayon, mailigtas mo ang iyong mga mahal sa buhay mula sa mga pasakit at maiwasan sa sarili ang guilt o labis na kahihiyan sa maraming tao.

Please follow and like us:
Read More

ROS NAGPALIT NG IMPORT

TULUYAN nang pinalitan ng Rain or Shine ang kanilang import na si Denzel Bowles makaraang ma-diagnosed na may medial meniscus tear at small medial collateral ligament tear sa kanang tuhod.

Nakuha ni Bowles ang injury kontra Alaska Aces nang magbanggaan sila ni Jeron Teng sa 2nd quarter ng laro nitong Sabado kung saan nagawa pa rin manalo ng Elasto Painters, 86-84.

Papalitan si Bowles, may averaged 28.9 points, 11.8 rebounds, 4.3 assists, at 1.3 blocks per game ni Carl Montgomery, huling naglaro sa JD Unicorns sa Malaysian Pro League.

Ayon kay RoS coack Caloy Garcia, bagama’t mahirap pantayan ang nagawa ni Bowles para sa kanilang team, umaasa siya na makakatulong si Montgomery sa defensive end ng Elasto Painters.

Ang 6-foot-8 at 30-anyos na si Montgomery ay kasama nang nagpraktis ng Elasto Painter at inaasahang sasabak na sa laro bukas (Miyerkoles) kontra Magnolia Hotshots sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ngayon ay nasa 6th place ang RoS Elasto Painters ka-tie ang Phoenix Pulse Fuel Masters na parehong may 4-5 panalo-talo at umaasang makakasama sa eight-team quarterfinalists ng  Commissioner’s Cup.

Please follow and like us:
Read More

MAG-INANG NALULUNOD SINAGIP NG LOLO: 3 PATAY

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang tatlong mag-anak makaraang malunod sa Dumaran Channel, Brgy. Poblacion, Dumaran, Palawan, Linggo ng hapon.

Sa report ni P/Lt. Col. Socrates Faltado, tagapagsalita ng MIMAROPA police, nakilala ang mga nasawi na sina Florentino Parangue Lagrosa, 64; Lea Lagrosa Gabo, 33, at anak nitong si Florence Andrie Lagrosa Gabo, 4, pawang mga residente ng Brgy. Bacao, Dumaran ng nabanggit na lalawigan.

Nabatid sa imbestigasyon na sakay ang mga biktima ng bangkang  de-motor kasama ang tatlong iba pa mula sa Brgy. Sta Teresita patungo sa  Bacao nang aksidenteng mahulog sa dagat ang mag-inang si Lea at Florence dahil sa malalaking alon.

Agad namang tumalon ang ama nitong si Florentino para sagipin ang kanyang anak at apo subalit kapwa hindi na lumutang hanggang sa malunod  ang mga ito.

Narekober naman ang bangkay ng mga biktima ng rumesponde ang rescue 165 sa pangunguna ni Samuel Gravamen at dinala sa Brgy. Poblacion Pier kasama ang mga nakaligtas at ang sinakyang bangka ng mga ito.

 

Please follow and like us:
Read More

KORAPSYON SA MAYNILA, AKSYUNAN NI MORENO

BAKBAKAN NATIN

NAPAKAGANDANG bantayan si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang alkalde ng Maynila mula ngayong taon hanggang 2022.

Una, ito’y dahil kapitolyo ng Pilipinas ang Maynila.

Ikalawa, iniwan ni dating Mayor Joseph “Erap” Estrada ang Maynila na napakarumi ng paligid, baradung-barado ang mga estero, talamak ang iligal na sugal, tala­mak ang iligal na terminal na ginawang ‘gatasan’ ng mga korap na pulis, nagkalat ang mga vendor sa bangketa at ang iba pa nga’y sa kalsada dahil ginawa ring gatasan ng mga korap na pulis, mga opisyal ng barangay at ng mga korap na opisyal sa pamahalaang lokal.

Nabalitaan ko na ipinag-utos ni Mayor Domagoso sa command conference ng Manila Police District (MPD) na ipatigil ang mga iligal na sugal sa Maynila tulad ng color games, drop ball at video karera.

Sa panahon ni Estrada, lantaran ang mga drop ball at color games sa kalsada tulad sa Ylaya, Quiapo at Blumentrit.

Sa Baseco Compound ay talamak ang video karera na pawang mga pulis ang may-ari.

Ipatigil din ni Domagoso ang mga bookies ng karera at ng small town lottery (STL), sapagkat luging-lugi ang Philippine Racing Commission (Philracom) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Napakalaking ha­laga ang nawawala sa pamahalaan, sapagkat napupunta lang ito sa mga illegal gambling ope­rator at protektor na mga pulis.

Ganoon din ang pa­ngongotong ng pulis na si alyas “Nepo” sa mga vendor sa Quiapo.

Iba naman ang kolek­tor sa mga vendor sa Divisoria, Recto, Carriedo, Pedro Gil at iba pang mga kalsada.

Hindi pahuhuli ang matunog na matunog na koleksyong nakukuha araw-araw sa mga iligal na terminal ng mga pampublikong sasakyan sa Liwasang Bonifacio.

Kung kikilos si Domagoso laban sa mga ito, sana hindi pakitang-gilas tulad ng ginawa ng mga nakalipas na alkalde, kasama na si dating Ma­yor Jose “Lito” Atienza Jr.

Maliban sa mga katiwalian at korapsyon sa kalsada na ayon kay Mayor Domagoso ay nasa P5 milyon kada araw ang padulas sa alkalde ng lungsod, hindi dapat kaligtaan ni Domagoso ang pamahalaang lokal ng lungsod na umapaw ang kuwento hinggil sa tala­mak na katiwalian at korapsyon.

Palasak na paksa kapag katiwalian at korapsyon ang pinag-uusapan ay ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), kontrata sa basura na pinag-awayan pa ng dalawang dating artista na parehong napakalapit sa buhay ni Erap, ang engineering department, business permit and licensing office at napakarami pang iba.

Sana mabawasan ang korapsyon sa mga dibisyong ito kundi man tuluyang matigil upang mabawasan din ang napakasamang imahe ng pamahalaang lokal ng Maynila na iniwan ni Erap.

Hindi ko pinasasama o tuluyang winawasak ang 6-taong administrasyon ni Estrada.

Binabanggit ko lang ang katotohanang dapat harapin ni Mayor Moreno – Domagoso upang sa gayon mayroon tayong pagsusukatan ng mga ginawa niya sa 2022 laban sa katiwalian at korapsyon.

Ipokrito naman tayong lahat kung sasabihin nating walang katiwalian at korapsyon sa administrasyong Estrada, samantalang minsan na nga siyang napatunayan ng Sandiganbayan na nagkasala sa kasong pandarambong noong siya pa ang pangulo ng bansa.

Mayroon, ngunit hindi natin sinasabing mismong si Estrada ang direktang sangkot o nakikinabang sa korapsyon.

Ang mahalaga sa ngayon ay tapat, seryoso at mapagpasyang kikilos si Domagoso at ang mga konsehal sa pa­ngunguna ni Bise- Alkalde Honey Lacuna laban sa katiwalian at korapsyon sa pamahalaang lokal ng Maynila.

Kailangang paghusayan ni Domagoso ang pagsugpo sa katiwalian at korapsyon, sapagkat ubod nang huhusay at madiskarte ang mga tiwali at korap na ito.

IPAHULI NI ISKO ANG ILLEGAL GAMBLING LORDS!

Kumalat sa social media kamakalawa ang video ni Mayor Isko Moreno – Domagoso hinggil sa mga video karera machines na nakumpiska ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD).

Nagbabala si Domagoso laban sa iligal na mga pasugalan.

Pagkatapos, ipinawasak ang mga lumang makina.

Ganito rin ang ginawa ng mga naging alkalde ng Maynila (Alfredo Lim, Jose Atienza Jr. at  Joseph Estrada) pagkatapos manumpa bilang alkalde, pero pagkaraan ng ilang araw ay tumahimik na sila.

Sa madaling salita, nagpasiklab lang.

Kung totoong seryoso si Domagoso na ayaw niya sa iligal na sugal sa Maynila, ipahuli niya ang mga gambling lord sa lungsod, kabilang na ang mga pulis na mga operator din ng video karare machines.

Sa operasyon ng MPD nitong Hulyo 2 laban sa video karera ay walang kagila-gilalas sa ginawa nito dahil wala namang nahuling mga manlalako at operators.

Kaya, dapat ipahuli ni Isko ang gambling lords sa Maynila at iharap sila sa media.

“Palabas” ang tawag kapag hanggang pagkumpiska lang ng mga video karera machines at pagsira sa mga ito ang gagawin.  (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More

P1-M SHABU ‘STOCK’ SA BAHAY; 1 ARESTADO

(NI ROSE PULGAR     )

HULI ang isang binata at nakumpiskahan ng P1 milyong halaga ng shabu sa loob ng kanyang bahay matapos pasukin ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics at Special Drugs Enforcement Unit (SWAT-SDEU) ng Taguig City Police, Linggo ng gabi sa Barangay New Lower Bicutan ng lungsod.

Sa pamamagitan ng search warrant, dakong alas-11:50 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng SWAT at SDEU, sa pangunguna ni P/Lt. Jesus Padua, hepe ng Police Community Precinct (PCP)-2,  ang bahay ng suspect na nakilalang si John Daryl Pili, 22, binata, at naninirahan sa no. 40 San Diego St. Barangay New Lower Bicutan.

Habang nakatakas naman ang kasamahan nito na si Christian Busa, nakatira din sa nasabing lugar.

Hindi na nakapalag ang suspect na si Pili nang pumasok ang mga pulis na bitbit ang search warrant.

Nakumpiska mula sa suspect ang 53 pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu  na nagkakahalaga umano ng P1 milyon.

Ayon kay Police Col. Alexander Santos, hepe  ng Taguig City Police, umaabot sa 18.0281 grams ng shabu na may street value na mahigit sa isang milyong piso. Sinabi pa ni Santos, bukod sa nakumpiskang shabu, nakakumpiska din sila ng tatlong plastic sachet ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng P1,000 at mga drugs paraphernalia.

Ang suspect ay nakakulong at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9166 o comprehensive dangerous drug act of the 2002.

Please follow and like us:
Read More

SARI-SARI STORE MENTALITY

GO FOR GOLD final

SAKIT na nating mga Filipino ang tinatawag na sari-sari store mentality.

Ito yung … kung ano ang kumikitang negosyo sa komunidad, ganun din ang papasukin na negosyo ng mga kapitbahay.

Masdan ninyo, dahil malakas ang benta ng tindahan nila Ate Ofelia sa kanto, ganun na rin ang papasukin na negosyo ng mga kapitbahay niyang sila Aling Monang, atbp. O, hindi ba?

Sa kalye nyo na lang, ilan ang sari-sari store diyan na magkakatabi o magkahilera?

Di ba nila naisip na sa pagtatayo nila ng tindahan na magkakalapit ay pinapatay nila ang pagkakakitaan nilang lahat? Natural pag kakaunti ang mga customer at marami ang bibilhan nilang tindahan, hindi sapat ang kikitain ng bawat tindahan para kumita at lumago.

Pinoy na pinoy talaga. Parang isang uri rin ng crab mentality. Dahil, lahat damay. Lahat babagsak at malulugi.

Saan ba natin nakuha ang ganyang masamang pag-uugali?

Naalala nyo ba nung mauso ang lechon manok dahil sa Andoks? Marami rin ang nagtayo ng lechon manok sa kani-kanilang neighborhood. Eh, di sandali lang at marami rin ang nagsara.

Ganyan din ang nangyari sa shawarma. Di po ba?

Ngayon malinaw na sa inyo ang pattern. Iwasan po natin ang ganitong masamang ugali dahil lahat tayo apektado. Lahat tayo talo.

Kaya ang payo ko sa mga nais magtayo ng negosyo, wag po natin gayahin ang kung ano ang uso at kumikita na negosyo sa kasalukuyan. Matutulad lang tayo sa karamihan sa mga kababayan natin na napariwara at nalustay ang pinag-ipunang pera.

Hindi po dahil kumita si kumare o ang kapitbahay natin sa ganitong negosyo ay kikita rin tayo.

Sabi nga ni dating MMDA chairman Bayani “BF” Fernando, napakaliit ng success rate ng mga pumapasok sa negos­yo. Halos 95% daw ang failure rate. Kaya nga ang payo niya sa mga residente ng Marikina nuon ay mamasukan na lang kayo at maging empleyado.

Ito naman ay opposite ng GO NEGOSYO! advocacy na marami namang natulungan na umangat sa buhay mula sa ating mga OFW, reti­rees, etc.

Sana makatulong itong tips para tumaas ang tsansa ninyo na ma­ging successful sa negosyo:

  1. Alamin kung anong produkto o serbisyo ang mataas ang demand ngunit kakaunti naman ang nagsusupply sa lugar o trade area na inyong balak pagtayuan ng negosyo.
  2. Sapat ba ang dami ng potential customers sa inyong lugar?
  3. Mas mabuti kung ang pasukin ninyong negosyo ay malapit sa inyong puso. Yung tila ba enjoy kayong gawin ito kahit hindi kayo bayaran. Ganun din kung maga­ling kayo sa linyang ito at natural lang ito sa inyo. Marami sa mga nalugi ay dahil pinasok nila ang isang negosyo na wala silang kaalam-alam at walang ka-interes-interes.
  4. Napaka-importante ng lokasyon sa negosyo. Dapat strategic at sentro sa maraming tao at very accessible, madaling puntahan.
  5. Gawan nyo ng pa­raan para ipaalam sa mga potential customers ninyo na meron kayong ganung produkto o serbisyo. Importante ito. Dahil kahit na gaano kaganda ang iyong produkto o serbisyo, kung walang may alam or hindi ito alam ng tao … bale wala rin.
  6. Gawin ninyong mas madali para sa customer na magdesisyon na bumili o tumangkilik sa inyo. At gawin nyo ring mas madali para madeliver nyo ito sa kanila.
  7. Pumili ng mga tapat at maabilidad na empleyado at tratuhin sila ng mabuti para pagmalasakitan nila ang inyong negosyo o kumpanya.

Ilan lamang ito sa mga payong pang negosyo. Sana nakatulong ito kahit paano.  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

SANA HINDI ‘NINGAS-KUGON’

PANALO KA

SA ngayon, kahanga-hanga ang simulain ni Manila Mayor Isko Moreno. Kaliwa’t kanan na ang papuri at maski na ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay binigyan na siya agad ng komendasyon.

Sa kalagayan ng politika sa ating bansa, kadalasan ang tinatawag na “political will” ay nabubura kapag nakaupo ka na at sa “1-to-sawa” na nakatuon ang iyong career bilang politiko. Ang pagkagahaman sa ganitong kapangyarihan ay dahil sa umaapaw na daloy ng pera.

Sabi nga ni Isko, P5 milyon kada araw ang alok sa kanya na payola, panatilihin lamang ang anarkiya sa mga lansa­ngan ng Maynila lalo na ang mga illegal vendor. Tumataginting na humi­git-kumulang P155M ang payola kada buwan!

Patok ang usapin, tamang-tama sa panlasa ng media lalo na ang target na masa. Asahan natin na marami pa ang kasunod na pasabog ni Isko. Huwag na kayong magtaka sa mga ganitong pasabog ni Isko dahil chief of staff niya ngayon si Cesar Chavez, nagbitiw na station manager ng DZRH ng Manila Broadcasting Company (MBC). The right man for the right job kung gusto mong magpakilala nang bongga.

Sa ngayon, pinabuka talaga ni Isko ang mga nagsisikip pero maluluwag na lagusan ng Maynila. Sana manati­ling nakabukaka ang lahat ng mga ito hanggang sa humirit siya muli ng pangalawang termino sa darating na 2022.

Ningas-kugon ang lahat ng ito kung hanggang simula lamang at mauulit sa mga unang buwan ng kanyang panunungkulan sa 2022, kung bibigyan siya uli ng pagkakataon ng mga Manilen­yo.

oOo

Sa mga RESPONSIBLE GUN OWNERS lalo na ang mga mahilig sa Practical Shooting, i-LIKE at i-FOLLOW niyo na ito: https://www.facebook.com/ValDeLeon89. Ito ang personal blog sa Facebook ni Firearms and Explosives Office (FEO) chief Police Brigadier General Val T. De Leon.

Very informative at educational ang page na ito lalo na sa mga usapin ng baril gaya ng paano mag-apply ng License To Own and Possess Firearm (LTOPF), gun registration/license, permit to carry from outside residence (PTCFOR), at iba pa.

oOo

Aking napag-alaman na sa panahon ng sikat na Filipino shooter na si Jethro “The Jet” Dionisio bilang presidente ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines (AFAD), napakaganda ang tinatakbo ng asosayon.

Sa ngayon, iba na ang liderato ng asosasyon.

Ang multi-bilyong gun industry sa ating bansa ay isang sektor ng ating lipunan na tahimik lamang. Pero kadalasan, ang hindi alam ng mga mamamayan ay malaki ang porsiyento sa araw-araw na krimeng nagaganap ay may kaugnayan sa baril.

Dapat magkaisa ang AFAD na ito at iba pa para tulungan ang FEO para sa tamang information and dissemination hinggil sa kahalagahan ng tamang paggamit ng baril laban sa krimen gaya ng “loose firearms”, hindi ang kita para sa sariling bulsa lamang ang iniisip.  (PANALO KA! / FLORANTE SOLMERIN)

Please follow and like us:
Read More