CHINESE NA UMIHI SA PADER, IPADEDEPORT

(NI JULIE DUIGAN)

IPADEDEPORT ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang dayuhang umihi sa pader at nanapak pa ng isang barangay tanod na sumita sa kanya sa Binondo, Manila, Linggo ng gabi.

Ayon  sa alkalde susulat ito  sa Bureau of Immigration (BI) hinggil sa suspek na si Chito Villaluz Y Keng , at kung talagang holder ito ng foreign passport, ipadedeport niya ito.

“Mayroong isang Chinese national, umihi sa pader ng Maynila. Sinita ng tanod. ‘Di lang nagalit ang Chinese, sinapak pa ng Chinese national ‘yung tanod. Nakarating sa akin,” anang alkalde sa isang pulong balitaan.

Napag-alaman pa kay Moreno na isang general rule ang hindi pag-ihi sa mga lansangan at kahit sino pa aniya ang gumawa nito ay kailangang arestuhin, maging ito’y isang dayuhan man na galing sa isang malaki at mayamang bansa.

Aniya, hindi welcome sa lungsod at hindi nila palalampasin lalo na kung nanakit pa ito ng mga awtoridad dahil lamang sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

“Please, foreigners, immaterial of where you came from, if you go to Manila, you need to follow simple rules,” anang alkalde.

“It is a generally accepted rule that you don’t pee in the streets. You will be arrested because that is illegal. If you hit an enforcer, if you attempt to hurt policemen, because you think your country is a superpower, you are not welcome in the City of Manila,” dugtong pa ni Moreno.

“If he is really a holder of a foreign passport, we will write to the Bureau of Immigration to have him deported. We will deport you and ban you from entering the country,” babala pa niya.

“Wag na wag ninyong gagawin yan sa Maynila. I hope you will not do it again,” pagtatapos ng alkalde.

Please follow and like us:
Read More

SHARON BACK TO OLD FORM

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MAY social media post si Sharon Cuneta na nagkukumpara sa hitsura niya noong tumaba siya nang husto, sa hitsura niya sa ngayon. Aba eh napakalaking pagbabago nga. Mapapansin mo na malaki na ang ipinayat ni Sharon, para siyang nakabalik na sa kanyang old form.

Bagama’t naging problema niya iyong pagtaba niya noong una, mukhang hindi iyong kanyang pangangayayat ang susi para makabalik ang kanyang career sa dating status noon. Wala sa pagtaba at pagpayat iyan eh, nasa diskarte iyan ng mga proyektong kanyang dapat gawin.

Ang tingin namin, mukhang mali iyong mga napipili niyang projects para sa kanyang sarili. Mukhang mali rin iyong napipili niyang mga kanta, dahil isipin ninyo matagal na rin siyang walang hit song. Kailangan nga sigurong pag-isipang mabuti kung papaano patatakbuhin ang kanyang career, kung gusto pa nga niyang makabalik sa dati niyang status.

HINDI NABIBILI O NAPIPILIT ANG PAGSIKAT

Natawa kami doon sa tsismis ng isang kritiko. Napanood daw niya ang isang pelikula at hindi ka nakaramdam ng kilig sa love scenes ng isang aktres at isang actually hindi na baguhang male star. Papaano ka ngang makakaramdam ng kilig, eh alam mo naman kasi ang mga kuwento tungkol sa male star. Nag-uumpisa pa lang iyan ganyan na ang tsismis eh.

Minsan kasi hindi talaga naipipilit ang pagsikat ng isang artista. Natandaan ninyo noong araw, may isang female star, nagtapon ng milyon ang tatay sa pag-gawa ng pelikula at tv show, hindi rin naman sumikat kaya tumigil at nag-asawa na lang.

Hindi mo mapipilit ang pagsikat ng isang artista.

 

Please follow and like us:
Read More

SUNDALO NABARIL NG LIVE-IN PARTNER SA MOTEL

(NI JESSE KABEL)

PATULOY na inaalam ng mga imbestigador ang motibo sa pagbaril at pagkamatay ng isang aktibong sundalo ng kanyang kinakasama sa loob ng motel sa Catbalogan, Samar.

Sa ulat ng Catbalogan City PNP masusi nilang ini-imbestigahan ang pagkasawi ng 31 anyos na si  PFC Carmelo Batocoy Jr. na umano’y aksidenteng nabaril ng kanyang kinakasama sa loob ng motel.

Si Batocoy ay kasalukuyang nakadestino sa 8th Infantry Division ng Philippine Army bilang miyembro ng kanilang banda.

Ayon sa report na hawak ng Samar Police Provincial Office, nag-check in sa naturang motel ang sundalo kasama ang kanyang live-in partner nang biglang magkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa.

Nakuha umano ng babae ang baril ng biktima at sa gitna ng pagtatalo ay nakalabit nito ang gatilyo at tinamaan ang biktima.

Please follow and like us:
Read More

MAHIGIT 20 ESTUDYANTE SINAPIAN NG MASAMANG ESPIRITU?

(NI JG TUMBADO)

MAHIGIT 20 estudyante ang umano’y sinaniban ng masamang espiritu at nagwala sa Can-Asujan National

Highschool sa Carcar City, Cebu.
Dakong alas-11 ng umaga ng Lunes habang nagsasagawa ng aktibidad sa loob ng eskuwelahan nang bigla na lamang mawalan ng malay isa isa ang mga estudyante at kinalaunan ay unti unting nagkamalay at biglang nagsisigaw ang mga ito.

Ang iba sa mga mag-aaral ay nanginginig at may mga binibigkas na hindi naiintindihan na tila may ibang espiritu na sumanib sa kanilang mga katawan.

Agad na isinugod sa ospital ang mga bata na patuloy na inoobserbahan sa lugar.

Sa inisyal na pagsusuri, posible umanong nakaranas ng hyperventilation ang mga bata habang ang ilan ay maaaring na-dehydrate dahil hindi rin sila nakainom ng tubig sa gitna ng init at pagod sa aktibidad.

Patuloy namang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang pamunuan ng naturang paaralan.

Please follow and like us:
Read More

P3.4-M SHABU NASABAT SA ZAMBO 

arrested124

(NI JG TUMBADO)

NASA kabuuang P3.4 milyon halaga ng high grade shabu ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa inilunsad na anti-drug operation sa Zamboanga City.

Kasabay ng naturang operasyon ang pagkakadakip sa courier na nakilalang si Nards Udto Adtis sa Purok Masagana, Barangay South Manuangan sa bayan ng Pigcawayan.

Nabatid kay Major John Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (Wesmincom), gamit ang boodle money na nagkakahalaga ng P750, 000, ang ipinangbili ng poseur buyer kay Adtis at sa isa pang kasamahan nito na nakatakas.

Magkatuwang na isinakatuparan ang operasyon ng Pigcawayan Municipal Police Station at mga operatiba ng 34th Infantry Battalion na dahilan ng pagkakasamsam sa milyong pisong halaga ng ilegal na droga.

“Rest assured of our continuous cooperation with law enforcement agencies to end illegal drug operations in western and central areas,”pahayag naman ni Lieutenant General Cirilito Sobejana, commander ng Western Mindanao Command.

Ang naturang droga ay pormal na nai-turn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Regional Office 12.

 

Please follow and like us:
Read More

BOYCOTT KATHDEN MOVIE DAHIL SA RAMI NG KISSING SCENES

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ANO na naman iyang may nagbabanta raw na i-boycott iyong pelikulang Hello Love Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Ang issue lang, hindi nila nagugustuhan ang sinasabing napakaraming eksena ng halikan sa pelikula. Umiiral ang fan mentality. Hindi ba nila maisip na iyan ay pelikulang lang naman? May gumawa ba naman ng love story na walang halikan? Aba mas una pa silang nagselos kaysa kay Daniel Padilla.

Halikan lang iyan eh. Sa iba ngang mga pelikula mas matindi pa riyan ang ginagawa. Ngayon pati iyong mga bed scenes natural na lang. Iyong hubaran, natural na lang. Ang ipinagbabawal na lang yata ngayon sa pelikula iyong “penetration”.

Isipin ninyo, 2019 na ngayon. Noong 1926, doon sa pelikulang Tatlong Hambog, naghalikan na nang lips to lips si Isabel Dimples Cooper at si Luis Tuazon. Matanong ko nga kayo, sino bang artista ang hindi nakipag-lips to lips. Kahit na si Vilma Santos o si Nora Aunor, nakipaghalikan na rin sa pelikula.

Palagay ninyo, ano ang magiging hitsura noong pelikula nina Kathryn at Alden kung walang kissing scene? May remedyo pa riyan, maaaring i-edit lahat ng kissing scenes. Pero ano ba ang mas marami, iyong manonood ng pelikulang iyan na walang pakialam, o iyong ayaw ng kissing scene?

Wala sa ayos iyong mga ganyang paniniwala. Ngayon tingnan natin, kung hindi sila patulan, gaano karami iyang magbo-boycott na iyan dahil lamang sa maraming kissing scenes sa pelikula. Kesyo may nagbabanta pa raw na iuurong nila ang balak nilang block screening, eh di umurong sila. May manonood naman sigurong iba kahit na hindi blocked screening.

Huwag ninyong sabihin sa amin na hindi manonood ng pelikula si Daniel Padilla.

 

Please follow and like us:
Read More

9 OPISYAL SA MPD -PS 11 SIBAK SA ILLEGAL VENDORS

(NI HARVEY PEREZ)

SINIBAK sa posisyon ni Manila Police District Director PBrig General Vic Danao ang siyam na opisyal ng MPD-Police Station 11 matapos mabuking ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno’ Domagoso na pinapayagan ng mga opisyal ang pagtitinda ng mga vendor sa gabi sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Nabatid na itinalaga ni Danao bilang bagong hepe ng MPD-PS11 si PLt. Col. Noel Calderon Aliño.
Habang kabilang sa mga sinibak na opisyal ng MPD-PS 11, sina PLt.Col Antonietro Eric Mendoza, PMaj Robinson Maranion, PMajor Alden Lee Panganiban, PCapt. Jerry Garces, PCapt. Bernardino Venturina, PCapt. Manuel Calleja, PLt. Jerry Caneda, PLt. Maricel Pili, at PLt. Maribel Fiedacan.

Sinabi ni  Moreno na ang aksiyon na ginawa sa mga nabanggit na opisyal ay magsilbi sanang babala sa lahat ng opisyal ng MPD na hindi nakikiisa sa isinasagawang pagsasaayos sa Lungsod ng Maynila.

Kasabay nito, tiniyak ni Moreno na hindi na niya aarestuhin kundi papoposasan na lang niya kaagad ang mga barangay chair na nasa likod ng mga illegal vendor.

Sinabi rin ni Moreno na hindi siya aaksyon kung wala siyang hawak na ebidensiya.
Tiniyak ni Moreno na hindi siya titigil sa isinasagawang pagsasaayos sa Maynila kaya huwag mag akusa na ningas kogon lamang ang kanyang ginagawa.

Kaugnay nito, nagpasalamat din si Moreno sa lahat ng opisyal ng pamahalaan na pumupuri sa isinasagawang pag aayos sa Maynila.

Sinabi ni Moreno na wala pa siyang nagagawa sa Maynila dahil nagsisimula pa lamang siya at ang nagaganap na pagbabago sa Maynila ay utang niya sa MPD at sa mga mamamayan na gusto ng pagbabago.

Please follow and like us:
Read More

BOTCHA NAKUMPISKA NA NAMAN SA MAYNILA

(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY KIER CRUZ)

AABOT sa 235 kilo ng pinaniniwalaang botcha na karne ng manok ang nakuha sa  kanto ng Ylaya sa Recto Avenue, Maynila.

Ang mga double dead na manok ay nakumpiska matapos ang biglaang inspeksyon na isinagawa ng Manila Veterinary Inspection Board.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng may-ari ng mga manok, dahil walang tao sa pwestong iyon nang mangyari ang inspeksyon. Ayaw naman magbigay ng pahayag ang mga tinderong naroon tungkol sa isyu.

Ito na ang ikalawang beses na may nakumpiskang botcha mula noong nakaraang Linggo sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno.

Aabot sa 400 kilo ng botchang manok ang unang nakumpiska ng mga awtoridad sa Paco Market sa Maynila.

Ipinag utos ni Mayor Isko na ipakain ang mga nakumpiskang karne sa mga hayop sa Manila Zoo.

 

Please follow and like us:
Read More

BAKER WANTED SA RAPE NG TEXTMATE

(NI ANNIE PINEDA)

PINAGHAHANAP ngayon ng mga awtoridad ang isang panadero makaraan ireklamo ito ng panggagahasa ng isang babaeng textmate na may problema umano sa pag-iisip, matapos silang magkita, sa Kalibo, Aklan.

Nahaharap ngayon sa kasong rape ang suspek na kinilala lamang sa alyas Manoy, stay-in panadero sa bakery sa Kalibo, Aklan at taga Roxas City, Capiz.

Batay sa report ng pulisya, sinamahan ng kanyang ina ang 25-anyos na biktima, upang pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Kuwento ng biktima, textmate niya ang suspek hanggang sa nagkasundo silang magkita, pero dinala siya ng suspek sa isang lodging inn sa Kalibo.

Sa loob ng lodging inn, isinakatuparan ng suspek ang makamundo nitong pagnanasa sa biktima at pagkatapos ay pinauwi na niya ang biktima na parang walang nangyari.

Nagsumbong naman ang biktima sa kanyang ina tungkol sa ginawa ng suspek kaya agad silang nagtungo sa himpilan ng pulisya , pero nakatakas ang suspek at pinaniniwalaan umuwi na ito sa kanyang probinsya para magtago.

 

Please follow and like us:
Read More

CHURCH ADVISER PATAY SA AMBUSH

(NI ANNIE PINEDA)

NALILIGO sa sariling dugo ang isang lalaking church adviser makaraan tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakasakay sa tricycle , iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Negros Oriental.

Kinilala ang biktimang si Salvador Romano, church adviser ng Iglesia Independiente Filipinas Youth group sa Negros Oriental at probinsya ng Siquijor, at residente ng Majuyos, Negros Oriental.

Batay sa report ng pulisya, dakong ala 1:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, galing sa Philippine Independent Church ang biktima at pauwi na sana ito sa kanilang bahay sakay ng tricycle nang biglang sumulpot ang mga armadong kalalakihan.

Dito na pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay habang mabilis naman tumakas ang mga suspek.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agarang pagkadakip sa mga ito.

Please follow and like us:
Read More

LUCY, GOMA MAS GUSTONG SA PINAS MAGKOLEHIYO SI JULIANA

boy abunda(NI BOY ABUNDA )

KAHIT abala sa paglilingkod sa bayan ay tutok pa rin sina Richard at Lucy Torres-Gomez sa pag-aalaga sa kanilang nag-iisang anak na si Juliana. Mayor pa rin ngayon ang aktor sa Ormoc, Leyte habang ang misis naman ay nanunungkulan bilang Congresswoman sa 4th District ng Leyte.

Isa raw sa mga napagkasunduan nina Juliana at mga magulang ay ang hindi paglisan ng dalagita sa Pilipinas upang magkolehiyo sa ibang bansa. Ngayon ay naka-enroll si Juliana sa University of the Philippines. “Hindi talaga siya aalis. Bata pa siya, na-program na siya na, ‘Juliana, you don’t have to.’ I have nothing against those parents who chose to send their kids, otherwise and I always tell her , ‘You know our schools here are  good enough plus you’re only one child. Mama’s heart will break if you leave. Dito ka lang,’” nakangiting bungad ni Lucy.

Kamakailan ay pinag-usapan sa social media ang mga larawan ni Juliana na kasama ang anak nina Aga at Charlene Gonzalez-Muhlach na si Andres. Ayon kay Richard ay nagpaalam daw nang maayos ang anak nina Aga at Charlene kung maaaring maka-date si Juliana. “Nagkakontakan muna kami ni Aga sa phone. Nag-text then tumawag then sabi ko sa kanya, ‘Sabihin mo kay Andres tawagan na lang niya si Juliana,” pagbabahagi ni Richard.

Maihahalintulad naman daw ni Lucy sa isang eksena sa pelikula nang sunduin ni Andres ang anak sa kanilang bahay. “Parang pelikula, nakatalikod siya sabi ko, ‘Hi! Andres,’ Pagharap niya sa akin naka-James Bond, kasi naka-sharp suit. May dala siya, sabi ko, ‘Ang gwapo mo naman Andres!’” natatawang kwento ng Congresswoman.

Ang tanging hiling lamang nina Richard at Lucy para sa kaisa-isang anak ay mapabuti ito at matupad ang mga pinapangrap sa buhay. “My prayers always for Juliana are for her to be the person that God has designed her to be whatever that is. Kung ano ang pipiliin niya, kung ‘yon ang ukol para sa kanya and what’s God has planned for her,” pagtatapos ni Lucy. –Reports from JCC-

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 BEBOT TIMBOG SA MILYONG SHABU SA PARKING LOT NG OSPITAL

north

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Arestado ang apat katao matapos na makuhanan ng P6.8 milyung halaga ng shabu sa magkahiwalay na anti-drug operation ng mga otoridad sa Cotabato city at North Cotabato, nitong Sabado.

Ayon kay Director Juvenal Azurin ng Philippine Drug Enforcement Agency -Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM), alas-11:30 ng umaga ng unang matimbog ang tatlo katao sa compound ng Cotabato Regional and Medical Center sa inilatag na drug buy-bust sa parking area ng nasabing ospital.

Kinilala ang mga nahuli na sina Mogia Medzil at ang dalawang mga babae na sina Norma Mamalangkas at Paula Bayao kapwa nasa hustong gulang.

Nasabat ang nasa 10 jumbo-sized sachets ng shabu na tumitimbang ng 500 gramo na nagkakahalaga ng P3.4 milyun.

Nabatid na agad namang inaresto ang mga suspek ng kanilang ka transaksiyon na mga undercover na ahente ng PDEA.

HIGH VALUE TARGET

Samantala alas 6:00 ng gabi ay nahuli naman ng PDEA ang isang Nards Atis sa isinagawang drug operation sa Barangay South Manuangan, Pigcawayan, North Cotabato.

Ang suspek ay kinukonsederang high value target ng PDEA.

Abot naman sa P3.4 milyun ang halaga ng shabu na nasamsam sa suspek.

“Atis is our high value target, we placed him under surveillance for several days,” ayon kay Azurin.

Paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kakaharapin ng suspek.

Please follow and like us:
Read More

SEO KANG JOON GAGAWING LEADING MAN NG FILIPINO ACTRESS

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NABANGGIT lang naming minsan sa aming social media account ang tungkol doon sa pinanonood naming Korean series na nakatulugan namin, the next day may tumawag sa aming film producer na nagtatanong kung ano sa palagay namin ang potentials ng leading man sa sinasabi naming Koreanovela kung itatambal sa isang aktres na pinay.

Marami siyang tanong at kuwento, hanggang sa noong bandang huli, inamin na rin niya ang totoo na nagsisimula na raw siyang makipag-negotiate doon sa Fantagio. Nang tanungin namin kung ano iyong Fantagio, iyon para ang Korean entertainment company na tumatayong managers noong si Seo Kang Joon na siyang bida roon sa Are You Human. Sila pala ang managers noong si “Namshin”.

Nalaman din namin na may ka-collaborate naman siyang isang garments company, hindi iyong karaniwang kumukuha ng Korean models, para gawin ding endorser si Seo Kang Joon kung sakali at mapapayag nilang magpunta sa Pilipinas, gumawa ng pelikula at posibleng mag-concert din. Bago kasi naging artista sa pelikula at sa serye iyang si Seo Kang Joon ay singer pala iyan, at kasali doon sa grupong Surprise.

Balak nilang itambal si Seo sa isang sikat na female star, pero mali ang hula mo Tito KC, iyong female star ay wala sa top 3. Mukhang may mangyayari talaga sa negotiations dahil tinatanong niya kami ng iba pang marketing strategy para mas maging kapakipakinabang kung maparating nga nila sa Pilipinas iyang si Seo Kang Joon.

Ang mga pinaka sikat na Koreano na nagpunta na sa Pilipinas ay ang singer na si Rain, at si Lee Min Ho. Hindi pa ganoon ang popularidad ni Seo Kang Joon, pero dahil mas bata, at mas pogi nga, aba eh mukhang maraming magagawa iyan. Ikaw Tito KC, magkaka-interest ka rin ba kay Seo Kang Joon?

                                BIANCA HINDI HANGAD ANG MATAAS NA RATINGS

Ang sabi ni Bianca Umali, simula pa lang daw naman ng serye nila sa telebisyon, hindi nila inisip ang mataas na ratings. Alam kasi nila na sa simula pa lang dehado na sila. Ang mas concerned daw sila ay ang content ng kanilang serye, para nga naman iyong nakapagsimula na sa kanila, hindi na bumitaw dahil sa kuwento.

Ang paniwala niya, advantage nila iyong mas maaga sila dahil ang pre-programming nga nila ay iyong 24 Oras na mataas talaga ang ratings. Makatutulong din iyon sa show nila, at saka ang nanonood daw sa kanila ay mga bata, kaya mas ok ang mas maaga.

Iyon ang paniniwala niya. Kanya-kanya lang naman ng paniwala iyan eh.

                                            YUCK SI DIREK

Aywan kung saan kumukuha ng lakas ng loob si direk. Sa totoo lang, nakakadiri iyong ang tanda na niya nagpapa-sexy pa siya sa mga pictorial na alam mo namang ang mukha ay dumaan yata sa walong photoshoppe. Hindi naman masama iyong mag-ambisyong magmukhang bata, o magpa-kontrobersiyal pero sana ilagay naman sa ayos, iyong makatotohanan naman.

Nabobola kasi si direk noong mga nakapaligid sa kanya na “lagi niyang inaabutan ng one kiyaw”. Pero tumingin naman sana siya sa salamin. Sa totoo lang hindi maganda sa isang matandang bakla na umaarte pa nang ganoon. Hindi niya ikasisikat iyon. Nasisira pang lalo ang kanyang pangalan.

Aba kung ang basehan mo ay pictures, at makita mo siya in person, sasabihin mo “poser lang”.

 

Please follow and like us:
Read More

2 ARESTADO SA P700-K DROGA SA MAKATI HOTEL

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos salakayin ang hotel na tinutuluyan ng mga ito at masamsaman ng droga na nagkakahalaga ng mahigit sa P700,000, sa Makati City.

Hindi na nakapalag sina  Warrick Lemuel Tan Ngo at John Ivan Breva nang masakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA).

Nakuha sa mga ito ang hinihinalaang shabu na ibinebenta sa mga yuppies at party goers sa mga high-end bars sa Makati at Taguig.

Nahuli na umano si Tan Ngo noong 2014 sa katulad na kaso gayundin si Breva na nakulong noong 2011 at nakalaya taong 2014 at muling nasangkot sa droga.

Sinabi ni PDEA Special Enforcement Service chief Gregorio Pimentel na matagal nang minamanmanan ang dalawa.

Nabatid pa na sa mga brown envelope itinatago ng mga suspect ang droga dahilan para hindi ma-detect ang shabu sa kanilang pagpasok sa hotel.

Please follow and like us:
Read More

ANAK NAPATAY NG TATAY NA PULIS

(NI ANNIE PINEDA)

SABOG ang bungo ng isang dalaga nang barilin ito ng kanyang sariling ama na kasapi ng Philippine National Police (PNP) matapos umanong magkaroon ng sagutan, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Dumaguete City.

Kinilala ang biktimang si April May Ricaña Ege, 22, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si PSSG Levi Ege, 54 ,nakatalaga sa Dumaguete City Police Station at kapwa residente ng Purok Boguinvilla, Sitio Canday-ong, Brgy. Calindagan, Dumaguete City .

Batay sa report ng Dumaguete Police Station, dakong ala 1:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama sa nasabing lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat, dumating ang suspek sa kanilang bahay galing sa trabaho saka kumain ng tanghalian.

Ilang saglit, nagkaroon umano ng sagutan ang mag-ama hanggang sa barilin ng suspek ang biktima sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Kaagad naman rumesponde ang mga kasamahan pulis ng suspek at dinakip ito na ngayon ay nahaharap sa kasong parricide.

Nakuha sa suspek ang service firearm nitong 9MM na baril.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

BLACKWATER LUSAW SA KATROPA

(NI RAVENSON BIASON/PHOTO BY MJ ROMERO)

MULING pinangunahan ni Terrence Jones ang TNT Katropa sa paglusaw sa Blackwater Elite sa iskor na 115-97 Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor si Jones ng 36 puntos, 16 rebounds at 14 assists para itala ang ikatlong triple-double sa elimination round ng Commissioner’s Cup.

Naging katuwang niya ang teammates na sina Troy Rosario 14 puntos, Jason Castro 13 puntos, at Roger Pogoy 12 puntos sa pagsilat sa Elite.

Sa pagsisimula ng unang quarter ay nakasasabay pa ang Elite sa palitan ng field goals subalit pagsapit ng second at third quarter ay rumatsada na ang KaTropa, na lumamang ng hanggang 25 puntos.

Kumamada si Bobby Ray Parks ng 21 puntos para sa Elite, 19 si Michael Vincent Digregorio at 16 si Allein Maliksi. Ang import nilang si Staphon Blair ay nagtala lamang ng 16 puntos.

Bagamat natalo, matatag pa rin ang Elite na may 6-4 win-loss card at nasa ikatlong puwesto ng team standings habang kapit-tuko sa No. 1 spot ang Katropa sa halos perpektong 9-1 record nito.

SCORES:

 TNT 115 – Jones 36, Rosario 14, Castro 13, Heruela 12, Pogoy 12, Trollano 11, A. Semerad 8, Magat 4, Casino 3, Taha 2, Reyes 0, Golla 0, D. Semerad 0.

Blackwater 97 – Parks 21, Digregorio 19, Maliksi 16, Blair 16, Belo 10, Sumang 4, Alolino 3, Banal 2, Dario 2, Sena 2, Desiderio 2, Cortez 0, Tratter 0, Al-Hussaini 0, Jose 0.

Quarterscores: 25-23, 60-43, 91-66, 115-97

 

 

Please follow and like us:
Read More

INTERNET AGE, ONLINE AFFAIR

ONLINE AFFAIR

(Ni Edzer Lanuza / Unang labas)

TAYO ay patuloy nabubuhay sa Internet Age. Kung saan ang impormasyon ay naglalakbay sa daigdig sa loob lamang ng ilang segundo. Ito ang panahon para sa high-speed communications, nagtagpo ang computers at consumer electronics at wireless devices.

Ang internet age ay nagsimula noong August 9, 1995. At sa mga panahong ito, ang abilidad natin sa pakikipagkomunikasyon ay lalo pang pinabilis.

Binuksan ang mga bagong daanan para agad tayong magkaroon ng kaalaman at makakilala ng iba. Ang kahibangan sa internet ay nagdudulot  ng mabuti at masamang resulta na nagpapaikot sa ating buhay.

Ang Internet Affair o Online Affair

Ang isang internet relationship ay relasyon sa pagitan ng mga taong nagtagpo sa online, at sa maraming mga kaso nagkakilala lang sila sa pamamagitan ng internet.

Kahalintulad ang online relationships sa maraming paraan sa pen-pal relationships. Ang relation-ship na ito ay maaaring romantic, platonic, o base sa business affairs.

Ang internet relationship o online relationship ay karaniwang nakukuha sa isang panahon bago mataguriang isang tunay na relationship, gaya sa in-person relationships.

Pangunahing pagkakaiba rito, ang internet relationship ay natatamo sa pamamagitan ng computer o online service, at ang dalawang nilalang ay hindi pa nagkikita sa personal.

Kung di man, ang term ay malawak at maaaring maisama ang  relationships base sa text, video, audio, o maging sa virtual character.

Ang relationship ay maaaring nasa pagitan ng magkaibang rehiyon, bansa, magkaibang bahagi ng daigdig, o maging ng mga taong nakatira sa iisang  area pero di pa nagkikita.

May paglalarawan sa sinasabing “internet affair.” Ipinaliwanag ng psychology lecturers sa open university, ang tatlong karaniwang ginagamit para sa kataksilan.

Ang mga ito ay ang : sexual intercourse,  extra-dyadic sexual activities, at  emotional betrayal. Sa internet affairs, napapatnubayan ang physical ideas ng [pagtataksil para maging emotional infidel-ity.

Kung saan ang mga cheater ay hindi na kailangang magkaroon ng face-to-face na pagtatagpo pa-ra lang magkaroon ng isang extra-marital affair.

Lumabas sa research na, ang internet lalo na ang social media, ay may disinhibiting effect sa mga tao. Dahilan para mas mapadali ng cheaters na maugnay sa risky behaviors na naiiwasan sa real life.

Halimbawa, posible sa partners na nasa online affair ang magsagawa ng cybersex. Sila ay may kakayahang magpalitan ng sexual self-images, mag-online flirting at dating.

Paghihiwalay, mataas dahil sa social media

Sa isinagawang survey noong 2010 ang paggamit ng social media bilang ebidensya sa divorce cases ay mataas, at pinatunayan ito ng 81% divorce lawyers.

Ayon sa kanila, tumataas pa ang divorce cases dahil sa paggamit ng social media sa loob ng nag-daang mga taon. Nangunguna ang Facebook, kasunod ang MySpace at Twitter.

Madalas nauuwi sa counseling ang Facebook at iba pang social media users. Dahil ito sa pag-tataksil o hindi pagtatapat ng isa sa mag-asawa.

Nagaganap ang mga pagtataksil sa pamamagitan ng text messages, Facebook, telephone records, Twitter at iba pang electronic social media, bunga ng electronic age.

Early stage ang online cheating

Ginagamit ang social media para ma-develop ang nagsisimulang relasyon. Halimbawa, ang dala-wang tao na magkasama sa trabaho ay nagkasundo na mag-Tweet sa isa’t isa.

Ang iba ay gumagamit ng musika. Nagsasaliksik ng partikular na keyword ang sinuman sa social media site at sinusuri ang interes ng ibang tao.

Gumagamit ng keyword para makapagtago ng isang affair. O, mas direkta, ang married person na nasa trolling dating sites ay gumagamit ng alias o ng partially-true identity.

Please follow and like us:
Read More

KAMBAL-SWERTE

ITO ang pinatunayan ng kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino ng Lyceum nang talunin ang Letran sa pagbubukas ng NCAA Season 95 Linggo sa Mall of Asia Arena.

Magkatuwang na umiskor ang kambal ng 13 sa huling 15 puntos ng Pirates para sa kanilang 84-80 panalo kontra Knights.

Pinangunahan ni Jaycee ang opensa ng Pirates sa kanyang 24 puntos, walo dito ay sa huling bahagi ng laro, na sinamahan pa ng anim na rebounds, limang assists at tatlong steals. Nagambag naman si Jayvee ng 18 puntos kabilang ang game-sealing layup sa nalalabing 3.8 seconds sa laro, kasama ang anim na rebounds at dalawang assists.

Malaking tulong din si Reymar Caduyac na nagposte ng 16 puntos, limang rebounds at tatlong  assists para sa Pirates.

Kahit wala ang Cameroonian slotman na si Mike Nzeusseu dahil sa “jammed right index finger,” pinatunayan ng Lyceum na kaya pa rin nilang manalo lalo’t dumalo sa Season 95 opening ang mga dating star players nila na sina CJ Perez at MJ Ayaay.

“Sabi nga ni Jaycee, ‘Coach, tayo na ang pinakamaliit.’ But sabi ko nga sa kanila, we have two choices: it’s either we lose by just being the smallest team or we win by being the smallest team,” sabi ni coach Topex Robinson.

“We might be the smallest, but what we have is the quickest team in the league right now and we’re focusing on all our energy to being the smallest and the quickest team in the league, hoping that teams won’t catch up our quickness.”

Nasayang ang kabayanihan ng comebacking forward ng Letran na si Jerrick Balanza na nagtala ng 19 puntos sa fourth quarter, kabilang ang limang assists, apat na rebounds at apat na steals.

Lamang pa ang Knights ng lima, 76-71 sa nalalabing 3:37 bago nagrali ang Lyceum sa pangunguna nina Caduyac at Marcelinos twins na nagselyo sa panalo ng Pirates.
Box scores:
Lyceum 84 – Jc. Marcelino 24, Jv. Marcelino 18, Caduyac 16, Santos 8, David 6, Yong 3, Navarro 3, Ibanez 2, Valdez 2, Tansingco 2, Pretta 0.
Letran 80 – Balanza 19, Muyang 14, Ular 12, Ambohot 10, Olivario 8, Caralipio 5, Batiller 4, Reyson 3, Mina 3, Yu 2, Balagasay 0.
Quarterscores: 17-21; 47-39; 64-62; 84-80.

Please follow and like us:
Read More

HOLDAPER NA MGA BEBOT: 1 ARESTADO

ARRESTED WOMAN

(NI FRANCIS SORIANO)

ARESTADO ang isa sa apat na holdaper na kinabibilangan ng mga kababaihan na nagdeklara ng holdap sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Caloocan City, Sabado ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Noel Flores, hepe ng Caloocan City Police, ang suspek na si Faye De Los Santos, 24, ng 538 San Diego St. Brgy. 542 Sampaloc.

Habang positibong kinilala ni Jefferson Perez, 31, waiter at Julie Ann Garcia, 31, kapwa ng Brgy. San Agustin, Malabon City ang suspek bilang isa sa apat na babae na nangholdap sa kanila.

Ayon kay Flores, dakong alas-9:30 ng gabi, nang sumakay ang mga suspek sa pampasaherong jeep sa harap ng isang ng supermarket sa kahabaan ng Samson Road, Monumento Circle at nagpanggap na mga pasahero.

Habang nasa biyahe, lumapit ang mga suspek sa mga biktima na sila lamang ang pasahero ng sasakyan saka naglabas ang mga ito ng patalim sabay nagpahayag ng holdap.

Matapos kunin ang cellphone na nagkakahalaga sa P7,000 at wallet na may laman P15,000 cash mula kay Perez  at mobile phone na nagkakahalaga sa P18,000 mula kay Garcia, agad bumaba ang mga suspek sa kahabaan ng Samson Road.

Sa follow-up operation ay naaresto De Los Santos at narekober sa kanya ang mobile phone habang ang pera ay pinaghati-hati umano ng kanyang mga kasama.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-INGAT SA SINDIKATO SA EXPRESS ONLINE BANKING

TINIG NG MANGGAGAWA final

HABANG paunlad nang paunlad ang teknolohiya sa mundo, nagli-level-up din ang modus ng mga sindikato na ang layunin ay makapanloko at makapangulimbat ng malaking halaga ng pera.

Gamit ang modernong teknolohiya tulad ng CELLPHONE, COMPUTER at INTERNET, naisasakatuparan ang modus lalo na sa mga potential victim na mayroon ding paghahangad ng madaliang pagkita o kung tawagin sila ay “willing victims”.

Samantalang ang iba naman ay nabibiktima ng panloloko ng sindikato dahil sa kakulangan ng kaalaman sa proseso ng sinasabi nating “modernong teknolohiya” sa pamamagitan ng ONLINE BANKING TRANSACTION.

Nakapagtataka nga lamang, tila isang pattern ang nangyayari at isang bangko lamang ang napag-didiskitahan ng modus na ito. (Kung mayroon man sa ibang bangko, hindi pa ito nakarating sa ating kaalaman).

Isang karanasan ang ibinahagi ng ating kaibigan at dating kasamahan sa industriya na si JEPOY PANLILIO. Personal n’ya itong na-encounter matapos makatanggap ng mensahe mula sa Electronic Mail (E-mail) na nagmula umano sa Bank of Philippine Islands (BPI).

Ayon kay Mr. Panlilio, may na-receive siyang dalawang e-mail. ‘Yung una, March 15, 2019, na sinasabing may gumamit ng kanyang bank account online.  Ang transaksyon ay nangyari raw sa Singapore kung saan nag-purchase daw s’ya ng iphone 7 online.

“May tono pang pagmamalasakit ang mensahe na kung hindi raw ako ang gumawa ng transaksyon, pwede naman daw i-refund. Nasa unang screenshot, may attachment na word document na refund form kapag inopen yung attached file, jpeg file lamang at sa “screenshot 2”, wala naman ibang detalye kung ano ang gagawin. Seems legit, pero upon checking, hindi nagmula sa legit BPI registered email add ‘yung mail,” ayon sa paglalahad ni Mr. Panlilio.

After 10 days, muling nakatanggap ng e-mail from BPI (kuno) si Mr. Panlilio. Sinasabi sa mensahe na kailangan na raw nilang “I-DEACTIVATE” temporarily ang kanyang account. At para ma-activate muli ito, kailangan daw mag fill-up ng form.

Parang legit pa rin daw kasi ‘yung kulay at email ay parang BPI nga. Subalit kapag sinuri itong mabuti, ‘yung email add n’ya ay hindi galing sa BPI site. Ito ‘yung address, verify@bpiexpressonline.koms sa halip na bpiexpressonline.com.

Idinagdag pa ni Mr. Panlilio, “Though, ‘yung link na binigay n’ya ay legit naman. Pero upon clicking, lilipat siya sa isang page na same ng BPI online login page. Seems legit pa rin. Pero eto na, upon checking ulit, ang site host ay: peralatanresto.com. Boom! Click bait pala.”

Ayon pa sa depositor na si Mr. Panlilio, kapag ni-LOG IN mo ‘yung account mo dito, BINGGO, tiyak HACKED na ang account mo dahil naibigay mo na ang USERNAME at maging ang iyong PASSWORD.

Kung sakaling hindi ito alam ng bibiktimahing depositor at napasunod sa mapanlinlang na proseso ng sindikato, tiyak LIMAS ang inyong pinaghirapan na nakadeposito sa bangko.

Linawin lamang natin, hindi ko direktang dinadawit ang pamunuan ng BPI pero dapat ay mag-imbestiga kayo. Dahil malamang sa totoo, meron kayong malaking tao sa loob na sangkot sa modus na ito.

Alam ng sindikato na kahit saang anggulo, kapag ginamit ang inyong personal na detalye ng iyong pagkatao, KAYO ANG TALO. Bakit ‘ika mo? Palalabasin ng sindikato na kayo mismo ang nakikipagtransaksyon dahil gamit ang iyong pagkatao.

Magsilbing babala ito sa mga DEPOSITOR na naka-enroll online, hindi lamang sa BPI, kundi maging sa ibang bangko. Tiyaking mabuti na naiintindihan ang bawat binibigay na detalye sa alinmang transaksyon ONLINE. Sa isang pagkakamali, tiyak TODAS ang inyong pinaghirapan.

Nagpapasalamat ang kolum na ito kay Mr. Jepoy Panlilio. Dahil sa pagbahagi mo, marami tayong kababayan ang maliliwanagan at posibleng makaiwas sa ganitong uri ng “modus” ng sindikato.

Tandaan! Maging mapagmatyag sa lahat ng oras at pagkakataon.

oOo

Ang kolum na ito ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga manggagawa. Ipadala ang inyong mga karaingan, sumbong, reklamo o maging solusyon sa mga problema sa inyong kapaligiran. Iliham lang sa Diaryo Bomba o kaya ay i-email sa dongbvaleza@gmail.com.  (TINIG NG MANGGAGAWA / DONG VALEZA)

Please follow and like us:
Read More

2 PAMANGKIN GINAHASA NG ‘GUARDIAN’  NA GRAB DRIVER

(NI DAVE MEDINA)

TIMBOG ang isang Grab driver na guardian ng mga bata dahil sa reklamong panggagahasa sa mga ito.

Ilang oras matapos gawin ang kahalayan sa mga alagang estudyante ay idinulog sa pulisya ng  complainant na kapwa grade 7 students ang reklamo laban sa suspek na si  Michael Nacional Tasarra, 38, Grab driver ng Las Pinas City.

Sa salaysay ng mga biktima, na ang edad ay 14 at 12 anyos, sa Women and Children’s Complaint Desk ng Las Pinas City Police, ipinasok ng suspek na si Tasarra ang kanyang ari sa mga kaselanan ng mga biktima habang wala ang asawa  ng suspek,  dakong alas 8:00 ng umaga, nitong Sabado.

Makailang beses umanong ginawa ng suspek na si Tasarra ang panggagahasa sa kanila at hindi na nila makayanan ang pang-aabuso sa kanila kaya nagsumbong sa kanilang tiyahin na nagsama sa kanila sa istasyon ng pulisya.

Sa mabilis na aksyon ng mga pulis makaraan ang pagrereklamo ng mga biktima at tiyahin  dakong ala-1:00 ng hapon ay nadakip ang suspek sa kanilang tinitirhan.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Rape si Tasarra sa Las Pinas City Prosecutors Office.

Please follow and like us:
Read More

P6.8M SHABU TIMBOG SA BUY BUST, 4 ARESTADO

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASAKOTE ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement  Agency(PDEA)  sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) ang apat na suspek na nahulihan ng P6.8 milyon ng shabu sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Cotabato City at Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon kay PDEA-BARMM director Juvenal Azurin, unang naaresto ang magkapatid na sina Mogia at Norma Medzil sa isang buy bust operation sa parking lot ng isang pampublikong hospital sa Cotabato City at isang nakilala lamang sa alyas na “Bai” bandang alas-11:50 bago mananghali nitong Sabado.

Nakumpiska sa tatlong drug dealer umano ang 10 malalaking pakete ng shabu na tumitimbang ng 500 gramo na may katumbas na halagang P3.4 milyon.

Naaresto naman sa ikalawang operasyon bandang alas-6:00 ng gabi ng parehong araw si Nards Atis, sa Brgy, South Manuangan sa bayan ng Pigcawayan na itinuturing na isang high value target na nasa listahan ng PDEA, matapos ang tatlong buwan na surveillance.

Si Atis na nakumpiskahan din ng 10 malalaking pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4M ay may operasyon ng ilegal na droga sa Cotabato City, Pigcawayan at sa mga bayan malapit sa North Cotabato at mga lalawigan sa Maguindanao.

Kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng PDEA sa Cotabato City ang apat na nadakip habang inihahanda ang kasaong kakaharapin kaugnay sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

EJK UMINIT NA NAMAN SA UN SA PAGKAMATAY NI MYKA SA DUTERTE DRUG WAR

CHRISTIAN BOMB

UMINIT na naman ang isyung extrajudicial killings (EJK) sa Pilipinas dahil may isang bata na naman ang napatay sa drug war ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinukoy ng Human Rights Watch (HRW) ang batang pinakahuling biktima na si Myka Ulpina, 3-taong gulang na nasawi matapos mabaril sa kasagsagan ng police operation sa Rodriguez, Rizal.

Target ng operasyon ng pulisya ang ama ni Myka na si Renato, na napatay rin sa anti-drug operation ng mga awtoridad.

Ang pahayag ng pulisya, ginawang human shield daw ni Renato ang anak habang binabaril ang mga awtoridad at dahil sa palitan ng putok, kaya nadamay raw at napatay ang bata.

Hindi pinaniwalaan ng HRW ang palusot ng pulisya dahil marami na umanong pagkakataon na nagtatanim ng ebidensya gaya ng armas at iligal na droga ang mga pulis para mapangatwiranan ang pagpatay.

Dahil sa pinakabagong karahasang ito na ikinamatay ng bata, ay mahigit 24 na mga bansa ang pormal nang nanawagan sa United Nations (UN) na imbestigahan ang bloody drug war ng gobyernong Duterte.

Batay sa inihaing draft resolution ng Iceland na sinuportahan ng halos lahat ng bansa sa Europe, nanawagan din sila sa gobyerno ng Pilipinas na pigilan ang mga nangyayaring EJK sa bansa.

Ito ang kauna-unahang resolusyon na humihiling sa UN-Human Rights Council na tutukan ang nabanggit na usapin.

Sana, magpursige na ang UN-Human Rights Council na imbestigahan na ang mga patayang nagaganap sa Pilipinas.

Hindi na kasi biro sa dami ang napapatay sa drug war, na ayon sa data ng Philippine National Police (PNP) ay nasa 5,000 na ang nasawi sa paglaban nila kontra-droga, pero sa data naman ng HRW ay mahigit 27,000 na raw ang napapatay, at sa bilang na iyan, kasama na ang 3-taong gulang na si Myka.

Panahon na talagang tutukan ng UNHuman Rights Council ang isyung ito at bigyan ng babala ng anomang sanction ang gobyernong Duterte upang matigil na ang EJK at hindi na madagdagan ang mga biktima ng pagpatay, na nagdudulot pati ang mga walang muwang na tulad ni Myka ay napatay sa bloody drug war ni Pangulong Duterte.  (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

WALANG KATAGANG “AUTONOMY” SA GENERAL WELFARE CLAUSE

yourservice

NAGULAT ako nung ika-1 ng Hulyo, pagpasok na pagpasok ng buwan, ay may nabasa akong paalala mula sa bagong alkalde ng Maynila na sinabihan ang Pamantasan ng Silangan (University of the East) na makiisa sila sa siyudad sa isyu ng pagsususpinde ng klase tuwing malakas ang ulan dulot ng bagyo. Nag-umpisa ang isyu nang magpalabas ng direktiba ang lungsod ng Maynila na suspendido ang klase sa lahat ng antas nito, pampubliko man o pribadong paaralan. Ngunit ang UE ay nagsuspinde lamang mula kinder hanggang Grade 12 pagkatapos ng isang oras, inilabas ang direktiba ng Maynila. Ayon sa ating bagong alkalde, marami siyang natanggap na reklamo ukol dito. Aniya — marami na raw syang natanggap na reklamo laban sa UE, makisama naman sana sila sa lungsod. Ngunit eto ang medyo malaman niyang sinabi — kung ayaw ng UE na makinig sa lungsod, e di umalis na lang sa Maynila. Sinundan pa ng alkalde na pinaiiral lamang niya ang kaligtasan ng mga mag-aaral dahil nga nag-aalala na rin ang magulang ng mga ito.

Sa mga mag-aaral ng UE, at maging sa mga kalapit na mga paaralan — alam na nila na pag umulan nang malakas, ang kasunod nito’y pagbaha at dahil sa baha, nawawala o nahihirapan makakuha ng pampublikong transportasyon. Malimit na nangyayari ay stranded ang mga mag-aaral, maging ang mga nagtatrabaho sa Maynila dahil na nga sa baha.

Ano nga ba ang autonomous status na sinasabi ng mga pamantasan? Dahil ba dito’y maaari na nilang balewalain ang mga direktiba ng lungsod o maging ang pamahalaang nasyunal sa isyu ng pagsususpinde ng klase?

Ayon sa aking munting pagsasaliksik — ang isang pamantasan na binigyan ng “autonomous status” ay maaring magdesisyon at maglatag ng mga sariling pamantayan, misyon at mga layunin — tulad ng mga kwalipikasyon ng mga magtuturo dito, mga aklat na gagamitin, oras ng pagtuturo at mga pamamaraan kung paano maaabot ng pamantasan ang mga adhikain at layunin nito.

Ngunit ang karapatang binigay na ito ay hindi lubos — sapagkat kinakailangang ding sumunod ang pamantasan sa mga batas na umiiral dito tulad ng Local Government Code kung saan matatagpuan ang tinatawag nating “General Welfare Clause” kung saan pinahihintulutan ang lokal na pamahalaan — tulad ng lungsod ng Maynila, sa pamamagitan ng tinatawag nating “police power” na magbigay ng mga alituntunin o mga direktiba para sa seguridad at kapakanan ng nakararami.

Mainam na balikan natin ang sinabi ng ating Kataas-taasang Hukuman sa isang nakaraang kaso — Lupangco vs. Court of Appeals, 160 SCRA 848, April 29, 1988 — kung saan naobserbahan nito na datapuwat may pinataw sa isang pamantasan na karapatang magpasya tungkol sa misyon, layunin at pamamaraan ng pagturo, at ligtas mula sa pakikialam mula sa labas — ito’y nangangailangan at maaaring pigilan sa ngalan ng kapakanan ng nakararami.

Sa aking munting palagay — hindi naman magkasalungat ang tinatawag nating “autonomous status” ng isang pamantasan at ang paggamit ng lokal na pamahalaan ng kanilang “police power” batay sa “General Welfare Clause.” Atin lamang tandaan na iisa ang layunin ng mga ito — ang kapakanan ng ating mga mag-aaral, sa anomang antas. Kaya’t maaaring gamitin ang awtonomiya ng isang pamantasan alinsunod sa direktiba ng lokal na pamahalaan. Oo, may awtonomiya ang pamantasan, ngunit kung kinakailangan, ay marapat na sumunod ito sa lokal na pamahalaan. At pagkatapos ng bagyo o anomang insidente, ang pamantasan ay may karapatang mag-isip o maglatag ng plano upang mabawi ang mga araw na nasuspinde. Iisa lang ang dapat nating isipin — kapakanan ng ating mga mag-aaral. (@YOURSERVICE /  ATTY. DAVID AQUINO)

Please follow and like us:
Read More