KIM HIWALAY NA SA BASKETBOLISTANG DYOWA

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

“SA wakas natauhan din. Good for you,” ang ilan sa nabasa naming komento ng netizen sa Instagram post ng Kapuso sexy star na si Kim Domingo.

Nag-post kasi si Kim ng picture niya na tila masaya at sa caption ang obvious announcement na single na ito at hiwalay na sa basketball/model boyfriend.

Sa caption ni Kim, “One day you’re going to see her holding hands with someone who took your chance. She won’t even notice you because she’s too busy laughing with the stupid jokes he makes. And it will burn your heart seeing that beautiful smile on her face and realizing that you’re not the reason anymore. And then it will finally hit you: it was her, it was always her.”

At saka niya sinundan ng hashtag na “single but happy.”

Alam namin, matagal-tagal na rin ang relasyon ni Kim sa ex-boyfriend na ngayon na si Mike Acuña at umamin na nga si Kim na live-in arrangement na sila.

Parang may alam ang nag-comment na buti natauhan na si Kim sa relasyon ng dalawa o sadyang hindi lang ito boto sa ex ng Kapuso star.

Ngayong wala ng lovelife, baka mas makapag-focus na si Kim sa kanyang work. Kasama rin ito sa pelikulang “Ki&ko en Lala” ng Backyard Productions at GMA Pictures.

MARAMI ANG NANGHIHINAYANG SA PAGKATANGGAL NI KYLE LUCASAN

Masuwerte si Kyle Lucasan, ang morena beauty ng StarStruck batch 7 dahil bago pa ang Top 14 finalist ay natanggal na siya. Pero surpresang nagkaroon ng wild cards at isa si Kyla sa nakasama.

In fairness naman, nang matanggal ito ay ang dami naming nabasa na nanghinayang para rito. Pero yun nga lang, maaaring outside StarStruck magsu-survive pa si Kyle.

Si Crystal Paras ang napiling makapasok sa top 14 among the wild cards.

Positibo naman itong tinanggap ni Kyle na nag-post pa.

Sey niya, “Thank you so much

@StarStruckGMA

for giving me a second chance

“I hoped i put on a good fight. Tho i failed yet again, i know in my heart that this

“you guys deserved that spot! You guys were amazing!”

 

Please follow and like us:
Read More

SUGALAN SA LAMAY; 1 PATAY

crimeshooting12

(NI JULIE DUIGAN)

NADILIG ng dugo ang isang lamay sa patay nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek sa Tondo,Manila, Linggo ng madaling araw.

Namatay habang inoobserbahan sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Alexis Encallado, ng Masikap St. sa Brgy.29 sa Tondo.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si Jr Concepcion ,26, ng Parola Compound.

Base sa ulat ni Det. Charles John Duran kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District -Homicide Section, bandang alas-3:18 ng madaling araw,nang maganap ang pamamaril sa panulukan ng Road 10 at Mabagos St. sakop ng Brgy. 30 sa Tondo.

Sa imbestigasyon, ginising umano si Encallado habang nasa kasagsagan ang lamay ng magkakapitbahay sa lugar nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa sugal na baraha.

Naawat naman ang biktima at ang suspek hanggang sa umalis na si Concepcion at nang magbalik ay armado na ito ng baril.

Dito na umano binaril si Encallado  ang biktima na tinamaan sa kaliwang kilikili.

Agad tumakas ang suspect.

Please follow and like us:
Read More

3 KATUTUBONG BADJAO HULI SA KINATAY NA PAWIKAN

(NI JG TUMBADO)

KALABOSO ngayon ang tatlong lalaking mga katutubong Badjao makaraang maaktuhang nanghuli ng isang pawikan na itinuturing na “endangered species” sa Barangay Mambaling, Cebu City araw ng Sabado.

Una rito ay hinuli ng mga suspek na nakilalang sina Barame Radja, 50, Barayan Alim, 32 at Julius Asamsa, 49, gamit ang isang improvised speargun ang naturang pawikan.

Ang mga suspek na pawang residente ng Sitio Puntod, ay magkakasabay na dinakip ng mga tauhan ng 701st Maritime Police Station (MARPSTA) seaborne patrol habang nagpapatrulya sa karagatang sakop ng Caohagan Island sa Lapu Lapu City bandang alas-2:00 ng hapon.

Napag-alaman kay Police Corporal Oscar Matbagon Jr., ng Lapu Lapu City Maritime Police Unit, naispatan ng seaborne patrol ang tatlo habang sakay sa kanilang motorized pump boat at naaktuhang nanghuhuli ng pawikan gamit ang speargun.

Tinangka pa umanong itago ng mga suspek ang patay na pawikan nang makitang paparating sa kanila ang pulisya.

Narekober mula sa posesyon ang patay na pawikan at dalawang speargun.

Ang patay na pawikan ay itinurn over sa DENR-Regional Police 7 habang inihahanda naman ang kaso ng mga suspek sa paglabag ng mga ito sa wildlife protection act.

 

Please follow and like us:
Read More

PROV’L BOARD MEMBER, PATAY SA RIDING IN TANDEM

ambush

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY  ang isang 2nd termer  provincial board member ng Dinagat Island province matapos tambangan ng riding in tandem sa Surigao City, Surigao del Norte, Linggo ng umaga.

Kinilala ng Caraga police ang biktima na si Wenefredo Diofernes, 52, na binaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Kilometer 2 ng Brgy. Luna bandang alas-9:18  habang minamaneho ang kanyang motorsiklo pauwi ng bahay.

Si Deofernes  ay nahalal at nanguna sa pagiging provincial board member bilang independent candidate sa katatapos na 2019 midterm election sa 1st District ng Dinagat Island na kilalang balwarte ng mga angkan ng Ecleo sa pulitika.

Naisugod pa sa Caraga Regional Hospital ang biktima subalit hindi na ito umabot nang buhay.

Mariin namang kinondena ni Dinagat Governor Arlene “Kaka” Bag-ao ang na pamamaslang sa biktima habang nag-iisa itong lulan ng kanyang motorsiklo.

Si Bag-ao na isang human rights lawyer ay isa lamang sa mga gumawa ng kasaysayan sa larangan ng pulitika matapos pataubin sa nakalipas na May 13 election ang kilalang angkan ng mga Ecleo.

Please follow and like us:
Read More

2 CONSTRUCTION WORKER NAKURYENTE

electrocution

(NI SIGFRED ADSUARA)

ISINUGOD  sa ospital ang dalawang construction worker nang makuryente habang nagtatrabaho sa ginagawang bahay sa Dasmarinas City.

Ginagamot ngayon sa UMC Hospital ang biktima na sina Jose Erwin Gallerde, 19, binata at Jun Candedo, 19, binata, kapwa residente ng Blk 49 Lot 2 Duplex St., Summerwind Village 4, Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Richard Domingo, ng Dasmarnas City Police Station, gumagawa ang mga biktima sa ikalawang palapag ng ipinatatayong bahay na pag-aari ng isang Pilomino Tanudra dakong alas-2:30 Sabado ng hapon nang mahawakan nila ang bakal sa pundasyon ng bahay  na nakakabit sa linya ng Meralco na nagresulta sa kanilang pagkakakuryente.

Nangako rin ang contractor nito ng pinansiyal na tulong  sa dalawa.

Please follow and like us:
Read More

P35-M COCAINE, NALAMBAT NG NAGPI-PICNIC NA PAMILYA

(NI JG TUMBADO)

TINATAYANG nagkakahalaga ng P35milyon ng cocaine ang narekober ng mga awtoridad sa bayan ng Mauban, Quezon Linggo ng hapon.

Pitong bloke ng cocaine na humigit-kumulang sa pitong kilo ang natagpuan sa baybayin ng Sitio Bulwagin sa Barangay Cagsiay Uno.

Ayon kay Police Lt. Col. Julio Reyes Go, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), unang nadiskubre ang mga ilegal na droga ng isang mangingisdang si Ruel Sendon Perez, 44, residente sa lugar habang nagpi-picnic ito kasama ang kanyang pamilya bandang alas-12:30 ng tanghali. Agad itong ipinaalam sa mga awtoridad ang insidente.

Ang naturang mga kontrabado ay nakabalot sa packaging tape nang matagpuan at dinala na sa Quezon Crime Laboratory para isailalim ang mga ito sa pagsusuri.

Please follow and like us:
Read More

JAILBREAK!

cell

(NI JG TUMBADO)

NASA walong bilanggo ang nakapuga sa piitan ng Lamitan City, Basilan, nitong Linggo ng umaga.

Dakong alas-8:00 ng umaga nang isakatuparan umano ng mga preso ang kanilang pagtakas.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Christopher Panapan, hepe ng Lamitan City Police, natutulog ang mga jail guard nang samantalahin ng mga bilanggo ang pagtakas.

Sinasabi pa sa ulat na tinangay din umano ng mga bilanggo ang dalawang M-16 rifle ng mga guwardiya ng city jail.

Tiniyak naman ng PNP at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mahigpit na pagtugis sa mga nakapugang preso lalo na at ikinukunsidera na silang “armed and dangerous”.

Sa walong presong nakatakas, isa ang may kasong murder at pito sa kanila ay may kaso sa ilegal na droga.

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWA, DRIVER, SUGATAN SA NAG-AMOK NA KUMPARE

stab100

(NI SIGFRED ADSUARA)

SAKSAK sa katawan ang tinamo ng mag-asawa at kanilang driver nang sugurin ng nag-amok nilang kapitbahay sa harap mismo ng kanilang bahay sa Alfonso, Cavite.

Pawang ginagamot ngayon sa ospital si Christian King Distura, 31, chef at asawa nitong si Miraflor, 29 at driver nilang si Antonio Cuadra, 39, may-asawa, pawang residente ng  Sitio Mataas na Pulo, Brgy. Luksuhin Ibaba, Alfonso, Cavite.

Nakakulong na ngayon sa Alfonso Custodial Center ang suspek na si Jilmor Jimeno, 31, may-asawa , isang construction worker ng Sitio Mataas na Pulo, Brgy. Luksuhin Ibaba, Alfonso, Cavite

Sa ulat ni PSSgt Boyet Soriano ng Alfonso Municipal Police Station, dakong alas-8:50 Sabado ng gabi nang naganap ang insidente sa labas ng bahay ng mga biktima matapos na nakarinig si Christian ng nagwawala kaya lumabas ito at nakita ang kumpare.

Paglabas ni Christian sa kanilang bahay, hinamon ito ng away ng suspek sabay inundayan ng saksak subalit nakipambuno ito.

Lumabas din ang asawa ni Christian at driver nila upang ito ay saklolohan subalit sila rin ang inatake ng suspek.

Naglabasan na rin ang kanilang kapitbahay kung saan naagaw nila ang hawak na balisong ng suspek kaya umalis ang huli at nagtungo sa kanilang bahay subalit bumalik na armado naman ng dalawang itak pero hindi na niya naabutan ang mga biktima dahil dumiresto ito sa ospital.

Naaresto naman ni Barangay Konsehal Fernado Roxas ang suspek at  ipinabitbit sa mga rumespondeng pulis.

Please follow and like us:
Read More

PULIS NA NAGBANTA, NAPIKON SA VIRAL VIDEO, SINIBAK

(NI KOI HIPOLITO)

IPINAG-UTOS ni NCRPO Chief P/MGen. Guillermo Eleazar kay Eastern Police District (EPD) Director P/BGen. Nolasco Bathan ang agarang pagsibak sa puwesto kay P/SMS Arnulfo Ardales na naka-assign sa San Juan City Police Station (PCP-4) ngayon araw ng Linggo.

Matatandaan na nag- viral sa social media ang pulis na si Sergeant Ardales matapos nitong pagmumurahin at bantaan ang biktimang si Aaron Estrada, 21, call center agent at residente ng Brgy. Ermitaño sa Lungsod ng San Juan, habang bumibili sa isang sari-sari store/karinderya sa Aurora Boulevard.

Hindi umano nagustuhan ng pulis ang umano’y hindi pagrespeto sa kanya ng biktima habang nakasabayan bumili ng pagkain sa tindahan na naging dahilan umano para murahin at pagbantaan ito ng suspek.

Pansamantalang inilipat muna si Ardales sa District Headquarters Service Unit (DHSU) ng Eastern Police District habang iniimbestigahan ang kanyang kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAMUTOL NG ARI SA SELOS, HULI

ARESTADO na ang lalaking sinasabing pumutol sa ari ng isang lalaki at pagkatapos ay itinapon ang bangkay nito sa septic tank sa Palawan.

Ayon sa report, inamin ni Jay-ar Colas ang pagpatay kay Erwin Guzman nitong nakaraang linggo dahil hindi umano nito matanggap na mahal pa rin ito ng nobya.

Natagpuan ang bangkay ni Guzman sa loob ng isang septic tank sa Barangay Bato-Bato, Narra, Palawan.

Nakakulong na sa Palawan Provincial Jail ang suspek matapos ma-inquest noong  Biyernes.

Inaresto ng mga awtoridad ang suspek sa isang construction site sa Roxas, Palawan kung saan siya nagtatrabaho.

Ayon sa suspek, nagdilim ang kanyang paningin nang madatnan niya ang biktima at ang kanyang live-in partner sa kanilang kuwarto sa kanyang bahay na kapwa nakahiga sa kama at natutulog.

Galing umano noon ang suspek sa Roxas para sunduin ang live-in partner at ang mga anak nito para doon na manirahan.

Nagulat daw siya sa kanyang nakita kaya’t nagawa ang krimen sa mismong bahay nilang tinutuluyan.

Sa press conference na ginanap, inamin ng live-in partner na mayroon silang relasyon ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

DEPRESSED NA NANAY NAGBIGTI

crime12

(NI ANNIE PINEDA)

DEPRESYON ang nakikitang motibo ng mga anak sa pagsu-suicide ng kanilang ina sa bayan ng Tboli, South Cotabato.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagbibigti ng biktimang kinilala ni P/Maj. Bernie Faldas, hepe ng Tboli PNP, na si Rosita Atam, 43, residente ng Prk. Lugan 3, Barangay Poblacion, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa imbestigasyon, dinatnan ng isang kamag-anak na nakabitin sa grills ng bintana ng kanilang bahay ang biktima.

Bago ito, nagpadala ng text messages ang biktima sa kanyang mga anak na parang nagpapaalam.

Kaya naman nakiusap ang panganay na anak ng biktima sa isang kamag-anak para puntahan ang kanilang nanay at doon na natuklasan ang pagpapatiwakal nito.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulisya ang pangyayari.

 

Please follow and like us:
Read More

TATLONG ARMADO, BULAGTA SA ENGKWENTRO

batangas1

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan na hinihinalang pawang mga Muslim,  matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng Batangas PNP sa Sto. Tomas, Batangas, Sabado ng gabi.

Ayon sa Batangas police, nangyari ang engkwentro sa inuupahang rowhouse ng mga suspek sa Valle Pio  Phase 1, Barangay  San Pablo Nayon, alas 11:30 ng gabi kung saan sa halip na sumuko ay nanlaban umano ang mga ito.

Alas 5:00 ng hapon nang unang mamataan ang mga suspek habang nagsasagawa ng surveillance operation ang mga tauhan ng Sto Tomas PNP Intelligence personnel sa nasabing lugar.

Napasugod din  sa lugar ang mga tauhan ng Sto Tomas MPS, SWAT team,  1st PMFC at PIB Batangas matapos na mapag-alamang armado ang dalawa sa mga suspek.

Nagkaroon ng standoff matapos na magkulong ang  mga ito sa loob ng rowhouse habang kinukumbinsing lumabas at sumuko.

Nagkaroon ng sunod-sunod na palitan ng putok na nagresulta sa agarang  pagkamatay ng tatlo.

Narekober sa crime scene ang dalawang kalibre .45 baril.

 

Please follow and like us:
Read More

SHABU SESSION SA SEMENTERYO; 3 HULI

(NI KOI HIPOLITO)

HULI sa akto ng mga operatiba ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) ng Pasay City Police Station ang tatlong adik matapos matiyempuhan sa shabu session sa loob ng Pasay City Cemetery sa Sgt. Mariano St., Brgy. 148 ng Pasay City, hapon ng Huwebes.

Nakilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Paular, 26, Jerico Lebrino, 30, at Romualdez Villaruel, 36, mga residente sa loob ng nabanggit na sementeryo.

Batay sa ulat na ipinadala ni TMRU Chief P/Capt. Mark Oyad kay Pasay City acting-chief of police Col. Bernard Yang, inaresto ng mga nagpapatrulyang mga kapulisan malapit sa lugar ang tatlong suspek dahil sa ibinigay na impormasyon ng isang concerned citizen na may grupo umano ng mga kalalakihan na nagsa-shabu session sa isang barung barong sa loob ng sementeryo.

Mabilis na tinungo ng mga nakamotor na mga otoridad ang sinabing lugar at naabutan sa akto ang mga suspek. Nakuha sa mga ito ang isang transparent plastic sachet na meron laman ng pinaghihinalaang shabu at mga ginamit na drug paraphernalias.

 

Please follow and like us:
Read More

SUNSHINE, ENZO, WALANG SPARK

MISCAST yata si Sunshine Cruz sa another entry ng Cinemalaya 2019, ang Malamaya.

Walang kilig kaming nai-imagine o nararamdaman?!

Dahil ba exposed kami sa social media.

Maya-maya kasi ay nasa IG at FB ang kaseksihan ng dating asawa ni Cesar Montano kasama ang kanyang new lover na di Macky Mathay.

So nakikita naming put on or acting lang talaga ang nagaganap.

So unlike sa Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

O miscast din si Enzo Pineda bilang hunk partner?

Hunk siya pero hindi perfect hunk.

May kulang sa sex appeal.

O kulang sa handsomeness?

O need ng konting brusquenness?

Tingnan na lang natin sa execution ng neophyte female directors ng Malampaya.

 

Please follow and like us:
Read More

BANKO NAABO SA PETROGAZZ 

PORMAL na umabante ang PetroGazz sa finals ng PVL Reinforced Conference matapos walisin ang BanKo 25-23, 25-18, 25-17 kahapon sa Ynares Sports Center, Antipolo.

Ito ang unang beses na nakatuntong sa finals ang Angels, na hindi pinaporma ang Perlas Spikers sa kanilang best-of-three semifinals series.

Gaya nang inaasahan, bumida sa panalo ng Angels ang mga import na sina Wilma Salas na umiskor ng  23 puntos at Janisa Johnson na pumalo ng 12 kills sa kabuuang 13 points, 13 digs at 13 excellent receptions.

Tumulong din ang mga local players na sina middle blockers Jeanette Panaga na may siyam na puntos; pitong puntos mula kay Cherry Nunag; Djanel Cheng, 21 excellent sets; at libero Cienne Cruz na may 11 receptions at nine digs.

“Nareach na namin yung target namin, kaya ngayon bigay todo na ‘to to get the championship. Ibang usapan na and finals,” nasambit ni PetroGazz head coach Arnold Laniog matapos ang kanilang panalo.

Please follow and like us:
Read More

NANGISDA MALAPIT SA SANGLEY POINT; 9 KATAO, INARESTO  

(NI SIGFRED ADSUARA)

INARESTO ng Cavite Maritime Group ang siyam katao, kabilang ang mga may-ari at kapitan ng fishing boats, mula sa Navotas City, matapos dumayong mangisda sa  dagat malapit sa Sangley Point sa Cavite City.

Kasong paglabag sa RA 19654 o Illegal Fishing ang isinampang kaso laban sa mga naaresto na sina Andrin Sabino, 64, may-ari; Joselito Estonanto, 51, Boat Captain at Alexander Ginosa, 55, Machinist, pawang sa FB Lady Donna at residente ng Brgy Tanza, Navotas City; Michael Mallari may-ari; Willy Marasigan, 48, Boat Captain at Emerito Villarin, 48, Machinist, pawang sa FBCA Herminia -B at residente ng Brgy NBBS, Navotas City; Rosario Marcelo Francisco, 67, may-ari; Nestor Francisco, 43, Boat Captain; at Warlito Dela Cruz, 40, Machinist, pawang sa FBCA Lola Queen at residente ng Market 3, Fishport, Navotas City.

Sa ulat ng Cavite Maritime Police Station, dakong alas-6:00, Sabado ng umaga, nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa tatlong fishing boats ang namataan sa dagat, may 5.08 kilometers ang layo mula sa Sangley Point sakop ng Cavite City, kung saan ipinagbabawal ang lugar para sa mga mangingisda.

Agad naman nagsagawa ng seaborne operations ang pinagsanib na puwersa ng 402nd Cavite Maritime Police Station at Cavite CPS  na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Bukod sa  tinatayang P1,600 halaga o 50 kilos na mga isda, kinumpiska rin ng Maritime police ang kanilang mga fishing boats, ang FB lady Donna, FBCA Herminia-B at FBCA Lola Queen at dinala sa Maritime Headquaters para sa imbestigasyon at safekeeping.

Please follow and like us:
Read More

PANGUNGUSAP NG BEBOT NA AYAW NG KELOT

BOY-GIRL

(Ni Edzer Lanuza )

MAY mga pangungusap o mga salitang ayaw marinig ng mga lalaki sa kanilang partner. Hindi man lahat,  pero maaaring karamihan sa kanila.  Bagaman malaki ang pagkakaiba ng babae sa lalaki, mahalagang malaman mo rin ito.

“Hindi ngayon, ­honey.”

Reklamo ng isang lalaki, ginagamit ng kanyang asawa ang sex bilang sandata para siya ay masaktan. Gusto ng sex ng mga lalaki pero may pagkakataong binibigkas ng babae upang hindi sila magkaroon ng pagtatalik.

Wala silang nakikitang problema para rito, at kinamumuhian nila kapag  pinapalubha ito ng mga babae. Siguro, may bagay na di kayo naiaayos kaya’t napuputol ang sexual desire.

Pero kapag sinabi mong “hindi ngayon, honey”, maa­ring mong masugatan ang kanyang damdamin.  Kung ganito, ibahagi at ipaalam sa kanya ang mga dahilan kung bakit “Hindi puwede”.

Karamihan sa mga lalaki ang pagtanggi ay nangngahulugang pagbabalewala sa kanila, o maaaring wala nang atraksyon  sila sa kanilang kapartner.

“Kailangan nating mag-usap.”

Ito ang mga salitang kinamumuhiang marinig ng mga lalaki. Kapag sinabi mong,”kailangan nating mag-usap,” iisipin ng  lalaki na may nagawa siyang mali at ngayon ay inaakusahan mo siya.

Kaya ang isa sa pinakasimpleng paraan para mapag-usapan ang mga bagay ay upuan ang isyu at pag-usapan itong mabuti. Mahalaga na huwag palakihin ang usapin.

“Mukha ba akong ­mataba?”

Ayaw ng mga lalaking pinag-uusapan ang tungkol sa inyong weight issues. Minahal ka ng lalaki sa kung ano ka. Marami pa nga sa kanila, mas gusto ng mga malulusog, para raw mapuno ang kanilang ‘meaty’ desires.

Bagaman, kapag sumagot siyang,”oo” sa iyong tanong, positibo itong tanggapin at simulang mag-work out sa  gym sa halip na umupo na lamang at kulungin ang sarili tungkol dito.

“Tumigil sa pag-inom.”

Kung mahal niya ang kanyang beer at pakete ng mga sigarilyo, hayaan mo na.  Alam mo na ito sa una pa lang na nakilala mo siya, hindi ba?

Ang tamang paraan para harapin ito ay ipunto ang halata namang panganib sa kanyang kalusugan kung sobra siyang lasinggero at sinusunog ang kanyang mga baga sa panini­garilyo. Ang susi sa kaligayahan ay “moderate” lamang.

“Magiging okey ako.”

Ang sinasabi mong, “magiging okey ako” ay isang puzzle sa kanila.

Wala silang ideya kung ano ang ibig ninyong tukuyin, ang mga lalaki ay di   “mind readers”.

Huwag kang magpanggap na magiging maayos ka, maliban kung kaya mo itong gawin. Iwasan ang mga pangungusap na ito lalo pa nga at katatapos lang ng inyong argumento.

Maari mo sigurong sabihin sa kanya na gusto mo ng ilang panahon para mapalamig ang isyu, o makapag-isip mabuti bago ka muling magsalita.

“Hindi nagawa ng ama ko iyan.”

Tama, ipinagmamalaki niya ang kanyang ina dahil sa pagiging mahusay na cook nito sa mundo, at kung paanong siya’y nagsisilbing isang perfect homemaker, pero huwag mong ikukumpara ang iyong ama.

Kung ayaw mong magsa­lita siya ng may pagkukumpara, pag-usapan ninyo ito. Dahil sa comparison, ang problema ay lalo lang sumisidhi.

Paikutin ang kapighatian sa paraang matututo siya ng aral o kayong dalawa sa pagharap sa mga bagay na madalas pinagmumulan ng pagtatalo.

“Isipin mo ito.”

Ipinaiisip mo sa kanya, o pinahuhulaan ang laman ng iyong utak. Ayaw ng mga lalaking pini-pressure na ipa- adopt sa kanila ang inyong mga opinyon.

Gusto ng mga lalaking isipin anuman ang kanilang nais, gawin ang kanilang mga gusto, at maging malaya sa pagiging sinuman sila.

Ayaw din ng mga lala­king isinasama sila sa lahat ng mga bagay. Gusto nila ang isang babaeng independent at masaya kahit hindi sila laging magkasama.

May mga lalaki ring ayaw maging responsable sa mga emosyon ng babae. Karamihan sa kanila, ayaw panagutan kung ano ang nararamdaman ng babae tungkol sa kanyang sarili.

Please follow and like us:
Read More

BAGONG BJMP CHIEF GENERAL IRAL, ISUSULONG ANG 4G’S!

KAAA BOOM

UNA sa lahat, binabati ko si Jail Director General Allan Iral sa pagkakatalaga nito bilang bagong hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Congratulations Sir! Alam ko naman na kwalipikado ka na pamunuan ang BJMP at alam ko rin na kaya ikaw ang itinalaga ni Tatay Digong ko ay dahil tiwala siya sayo na iyong pangangalagaan ang ahensya na iyong kinabibilangan.

Alam ko rin na suportado ka ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at kaya mong ayusin ang ahensya at linisin ang mga jail facility laban sa mga kontrabando partikular na ang iligal na droga.

Natatandaan ko nung OIC pa lang ng BJMP si General Iral ay nagawa nitong pababain sa 200 percent ang congestion rate ng mga jail facility sa bansa kaya naman lagi itong nakikipagpulong sa mga local chief executive para makapagtayo ng mga ka­ragdagang piitan sa bansa.

Ngayon na ikaw na ang BJMP Chief, natitiyak ko na maipatutupad mo na ang nais mong 4G’s o ang Guard the Gate, Guard the Badge, Guard the Purse and Guard the Life.

Sa Guard the Badge, sisipain ni Iral sa ahensya ang mga empleyado na scalawag na sangkot sa iligal na droga. Dapat lang Sir, tsugiin mo kaagad. Alam ko na marami sa mga BJMP personnel ang sangkot sa sindikato ng iligal na droga sa mga kulungan.

Bakit ko nasabi? Mantakin mo naman, paano kaya makakapuslit ang mga dalaw na may dalang shabu sa kulungan kung masusing hinahalughog ng mga jail guard ang dala-dalahin ng mga dalaw.

So, kung ganito kahigpit sa mga dalaw, sino ang magdadala ng droga sa kulungan? Sino kaya ang malayang nakapaglalabas-masok sa mga jail facility? Di ba ang mga BJMP personnel din? kaya dapat pag may nakapasok na droga ay may managot at gumulong ang ulo, di po ba sir Iral? May tama ako?

Ang akin lang naman, kung talagang gusto na malinis ni Iral ang mga jail facility sa bansa kontra iligal na droga ay dapat magpatupad ito ng polisiya na sa oras na mayroong marekober na shabu sa kulungan ay mananagot ang warden dahil sa command responsibility. Sibakin kung sino ang dapat na sibakin upang malinis ang ahensya.

Sinabi noon ni General Iral na magsasagawa siya ng mga greyhound sa mga kulu­ngan upang linisin ang mga jail ­facility laban sa mga kontrabando.

Tulad ng nasabi ko na noon, sana po Sir Iral, sa oras na magsagawa kayo ng paghahalughog ay magsama kayo ng mga mamamahayag upang hindi matawag na ‘bogus’ ang ginagawang greyhound sa mga kulungan.

Sakaling mangyari ito, tiyak na maghihigpit ang mga warden na makapuslit ang droga sa kanyang jail facility dahil magiging kahiya-hiya ito na mailalathala sa mga pahayagan o maririnig sa radyo, mapapanood sa telebisyon kung gaano karami ang droga na makukuha sa greyhound. Di ba may tama uli ako?

Inaasahan ko na magagawa ni General Iral ang mga nais nitong baguhin sa sistema ng BJMP. Alam ko rin na hindi nito sasayangin ang ibinigay na tiwala sa kanya ng Tatay Digong ko at ni secretary Año. Kaya po sir, aksyon na po agad! KABOOM!

Para sa inyong mga reklamo at sumbong, itext lamang ang inyong lingkod 09568824903 o mag-email sa joelive1298@yahoo.com

oOo

Makinig sa DWWW 774 Your Ultimate NewSic Radio, OPINYON MO, OPINYON KO Lunes hanggang Biyernes, 5:30am – 9am.

Please follow and like us:
Read More

FOLLOWING THE LORD

PINOY ABROAD

SA Psalms 23:4, ito ang awit ni Haring David ng Israel, sinasabing “Yeah, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil; For You are with me; Your rod and your staff, they comfort me,”

Sa paglalakbay natin sa buhay, mayroong magaganda at masalimuot na karanasan tayong nasusumpungan.

Life wasn’t always sunshine and roses, ika nga. Hindi lahat ay umaayon sa ating kagustuhan o nag­reresulta ng mga bagay na pabor sa atin.

Maganda sana kung laging umaayon at ayos ang takbo ng ating buhay. Obviously, hindi ganon ang buhay sa daigdig na ito.

Ang tanong, paano natin haharapin ang mga hamon sa buhay? Kaya ba natin nang mag-isa? Aasa ba tayo sa pamilya o sa mga kaibigan?

Ang problema kung sa sarili lang natin tayo aasa, limitado ang ating kakayahan. Ang mga kaibigan at ating pamilya naman ay maaaring makatulong su­balit hindi sila laging nariyan para tumulong o dili kaya ay wala sila sa posisyon o poder para makatulong. Maaari rin wala silang alternatibong solusyon para makatulong.

Sa panahon ng bagyo at kadiliman ng buhay hindi tayo makaaasa sa mga tao sapagkat sila rin ay ‘di reliable.

Sa paglalakbay sa buhay, si Haring David ay di umasa sa kanyang sarili o maging sa kanyang pamilya at kaibigan para sa direksyon at tulong sa takbo ng pamumuhay at pamumuno. Para kay David, ang Panginoon ang kanyang pastol (shepherd, Psalms 23,1).

Tanging sa Panginoon siya lumalapit sa paghingi ng tulong sa buhay na kanyang nilalakbay; maging sa bingit ng kamatayan.

Kaya, boldly sabi niya, “Oo, bagaman ako’y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka’t ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.” Sabi ni Haring David na isang magiting na hari at salmnis­ta (psalmist).

Sinabi pa niya na, “following the Lord is better than following anything or anybody else.”

Kung papaanong kumportable ang mga tupa sa mga pastol sa kanilang pag-aalaga at pagbabantay sa kanila laban sa mababangis na hayop at magnanakaw, gayundin si Haring David na kumportable sa presensya ng Panginoon sa kanyang buhay.

Alam niya na hindi siya pababayaan at babantayan siya sa tuwina laban sa kanyang mga kaaway at alalahanin sa buhay.

Kailanman ang Panginoon, “will not leave him nor forsake him.” The Lord is the Good Shepherd who lays down His life for the sheep.” (John 10:11)

Kabayan, kanino tayo magtitiwala at susunod? Sana sa ating Panginoon na ating mabuting Pastol!

(givalencia777@gmail.com for comments and prayer)  (PINOY ABROAD / GUILLER VALENCIA)

Please follow and like us:
Read More

IHALAL ANG TAMANG LIDER UPANG MABAGO ANG POC

BAKBAKAN NATIN

KUNG gulo rin lang ang pag-uusapan, walang dudang walang panama ang sigalot sa labanan sa pagka-speaker sa mababang kapulungan ng Kongreso kumpara sa Philippine Olympic Committee (POC).

Mayroong pangkat ng mga kapit-tuko sa kapangyarihan sa POC na ipini­pilit na gawing pangulo ang kanilang manok, samantalang malinaw pa sa sikat ng araw na hindi kuwalipikado ang taong ito.

Mabuti na lang nagpatawag na ng eleksyon si POC Chairman Abraham Tolentino sa Hulyo 28 upang magkaroon ng bagong mga opisyal ang POC.

Tinalakay ko ang POC, sapagkat nabalitaan ko na ‘mainit’ at ‘matindi’ rin ang labanan sa pamunuan nito tulad sa nagaganap ngayon sa Kamara de Representantes, ilang araw bago maganap ang halalan sa pagka-speaker sa Hulyo 22.

Sabi ng mga journalist sa sports beat, “ibang klase rin” ang labanan sa pamunuan ng POC.

Nakumbinsi ako nang lumitaw pa rin ang pangalan ni Jose “Peping” Cojuangco Jr. na kahit mayroon nang edad ay hindi umaalis sa POC.

Hindi iniiwan ang isports.

Pokaragat na ‘yan!

Kahanga-hanga o kaduda-duda?

Noong una, maganda na sana ang itinakbo ng “special elections” para sa pangulo ng POC na ipinatawag ni Tolentino makaraang magbitiw sa tungkulin si Ricky Vargas.

Nakabatay sa POC by-laws ang pagpapatawag ng special elections ng chairman ng organisasyon.

Ngunit, ayon sa mga kaibigan natin sa sports beat, halatang-halata na hindi tumupad sa patakaran ang pangkat ni Peping Cojuangco sapagkat ipinilit ng pangkat na ito si 1st vice president Joey Romasanta ang maging pangulo ng POC kapalit ni Vargas.

May problema sa ginawa nila, sapagkat hindi kuwalipikado si Romasanta na maging presidente saang anggulo man tingnan.

Una, ang Romasanta na ito ay bise-presidente ng National Sports Association (NSA)-Volleyball.

Ang kailangan ay presidente ng NSA na Olympic Sport at dapat ay nahalal mula sa kasaluku­yang pangulo ng NSA na kabilang sa Olympic sport.

Kailangan ding aktibong miyembro ng POC General Assembly sa dalawang magkasunod na taon sa panahon ng kanyang pagkahalal bilang presidente.

Ngunit, ayaw tumigil si Romasanta.

Pinilit niyang iproklama ang sarili na presidente ng POC.

Tapos, nag-isyu ng mga press statement at nagpainterbyu pa sa media si Romasanta kung saan nagpakilalang “presidente” raw siya ng POC.

Noong Hunyo 20, nagpalabas ng abiso ang POC Board na magkakaroon ng General Assembly (GA) ang POC sa Hunyo 25.

Pero, pagdating ng naturang petsa ay may tumayo at kinuwestiyon ang GA dahil labag daw ito sa POC by-laws.

Ang iginiit ay nakasaad daw sa by-laws na dapat ay sampung araw ang abiso para sa ­“extraordinary meetings” ng POC.

Sumang-ayon si POC Chairman Tolentino.

Kaya, idineklara niyang invalid ang GA.

Pero, sinabi niyang puwede naman itong magpatuloy bilang isang “impormal na pulong.”

Sa nasabing pulong, nagkaroon ng commitment sina Tolentino, Board members Clint Aranas at Cynthia Carrion, Auditor Junee Go at Treasurer Julian Camacho na lahat sila ay magbibitiw sa tungkulin upang makapaghalal ng bagong mga opisyal ng POC.

Ang problema, hindi pinandigan nina Go at Camacho ang kanilang pahayag.

Tanging sina Tolentino, Aranas at Carrion lang ang tumupad sa kaisahang magbibitiw sa posisyon.

Pokaragat na ‘yan! Wala namang “palabra de honor” at hindi pala mapagkakatiwalaan ang iba sa POC.

Nakababanas! Nangangako tapos hindi tutuparin!

Binalewala nila ang “olympic spirit” na kung tutuusin dapat sila pa ang nangunguna sa pagpapatupad nito.

Habang nangyayari ang lahat nang ito, kumikilos si Romasanta upang maging kuwalipikado siya bilang pangulo ng POC.

Ang nangyari ay bigla na lang siyang naging presidente ng NSA Volleyball at ng NSA Karate, kahit wala namang anunsiyo o nagpapatunay na totoong naganap ang mga ito.

Iginigiit ni Romasanta na kuwalipikado raw siya bilang POC president, ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit at paano nangyari ‘yon. May isa at natatangi siyang kakampi na alipores ni Peping Cojuangco na nagsabing maaaring pagsamahin ang termino ni Romasanta bilang pangulo ng mga organisasyon ng volleyball at karate para maging apat na taon ang kabuuang itinagal niya sa pagiging pangulo.

Sa ganitong konsepto, pasok umano si Romasanta sa rekisitong hinihingi ng POC by-laws.

Talagang kailangang ba­luktutin ang interpretasyon at intindi sa mga probisyon ng POC by-laws upang mailusot lamang si Romasanta sa eleksyon.

Ang kakapal din ng mukha ng mga taong may ganitong pananaw.

Upang manatili sa rurok ng kapangyarihan sa POC, guma­gamit ng maruming diskarte.

Isa pa itong si Charlie Ho na nagsabing POC secretary general daw siya, gayong ang posisyon na ito ay dapat itinalaga ng pangulo ng Pilipinas at aprubado ng POC Executive Board.

Sino ba ang Ho na ito?

Ang pinakamabuting gawin ay ituloy ang special elections sa POC para makapaghalal na ng bagong mga opisyal.

Nakakahiya sa International Olympic Committee at Olympic Council of Asia na parehong nakapansin sa kaguluhan sa POC.

Kaya, kailangan talagang magkaron ng kandidato na tatapos na sa marumi at baluktot na pamamalakad sa POC.

Si POC chairman Tolentino, ang kaakibat ni Vargas noon sa pagsusulong ng reporma sa POC, ay matunog na matunog na “karapat-dapat” na pangunahan ang organisasyon sa isang bagong simula na kung saan ang Philippine Sports ang tunay na bida, sa halip na ang mga opisyal na panay pansariling interes ang inuuna.

Sa mga miyembro ng POC, sana tubuan naman kayo ng konsensya at katinuan upang ihalal ang mga tulad ni Tolentino na ang puso at isipan ay nakatuon sa kapakanan ng mga atletang Pilipino.

Ibasura n’yo na ang mga nagpapayaman lang at walang pakialam sa kinabukasan ng Philippine Sports.

Iwan n’yo na ang bulok na sistema sa POC at ipatupad ang tunay na pagbabago sa orga­nisasyon.

Kailangang magkaroon ng bagong halal na mga opisyal  sa POC para maayos ang gusot sa organisasyon,  lalo na ngayong apat na buwan na lamang ang nalalabi bago magsimula ang Southeast Asian Games sa bansa.  (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More