‘DI KINAYANG MAWALA SI MAHAL

suicide12

(NI FRANCIS SORIANO)

TILA ending sa pelikula nagtapos ang buhay ng isang 22-anyos na lover boy, makaraan nitong wakasan ang kanyang buhay gamit ang piraso ng tela sa pagbibigti matapos tapusin na ng relasyon ang kanilang pag-ibig noong Biyernes ng gabi, sa Valenzuela City.

Kinilala ni PCOL Carlito Gaces, hepe ng Valenzuela City Police Station ang biktima  na si Johnbert Antolin, residente sa 5030 Sitio Kabatuhan, Brgy. Gen. T. De Leon.

Ayon kay Gaces, natagpuan umano ang biktima ng kanyang trabahong si Mark Joshua Tioxon, 23, na nakasabit sa kanyang kuwarto gamit ang piraso ng tela at nakapulupot sa kanyang leeg na wala nang buhay, dakong alas 9:00 ng gabi.

Agad naman ipinagbigay alam ito sa kanyang live-in-partner na si May Nidua at kaibigan ng biktima na mabilis isinugod sa Valenzuela Medical Center pero idineklarang dead on arrival, dakong alas 10:05 ng gabi.

Lumalabas sa paunang ulat ng Valenzuela City Police Station Investigation Unit (SIU), nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at live-in-partner nito at gusto na umanong wakasan ng babae ang kanilang relasyon.

Samantala, hinihintay naman ng awtoridad ang resulta ng autopsy examination  na isinagawa PNP Crime Laboratory sa labi ng  biktima upang malamang kung may foul play na naganap.

Please follow and like us:
Read More

LEONARD-GEORGE TEAM SA CLIPPERS 

KUNG may Lebron James at Anthony Davis ang Los Angeles Lakers, may Kawhi Leonard at Paul George naman ang Clippers.

Ayon sa ESPN at The Athletic, plantsado na ang bagong tandem nina Leonard at George sa Clippers.

Sa ulat ni ESPN’s Adrian Wojnarowski, tinanggap na ni Leonard ang alok na four-year $142 million maximum contract ng Clippers habang hindi nabanggit kung magkano ang kontrata ni George.

Sina Clippers’ guard Shai Gilgeous-Alexander, forward Danilo Gallinari at apat na  unprotected first-round draft picks ang kapalit ni George sa Oklahoma City.

Si George, 29-anyos at may offseason home sa Los Angeles area, ay may averaged 28 points at 8.2 rebounds per game sa Thunder sa nakaraang NBA season.

Nabatid na hiniling niya sa Thunder na ma-trade sa Clippers makaraang malaman na nakipagkasundo na rito si Leonard.

Samantala, hindi na nagulat ang marami sa desisyon ng 28-anyos na si Leonard na lumipat sa Clippers lalo’t Southern California native ito at noong nasa San Antonio Spurs pa ay dito na niya gustong ma-trade.

Si Leonard na naging susi sa kauna-unahang NBA championship ng Toronto ay may  averaged 26.6 points at 7.3 rebounds sa mahigit 60 regular-season games niya sa Raptors sa 2018-19. Nag-improved pa ito sa 30.5 points at 9.1 rebounds sa 24 playoff games ng naturang team.

Please follow and like us:
Read More

PULIS NA SUSPECT SA PAGPATAY SA ABOGADO, HULI

arrested124

(NI KEVIN COLLANTES)

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang pulis na itinuturong suspek sa pagpatay sa isang abogado, sa ikinasang Oplan Paglalansag Omega, sa bayan ng Rodriguez, Rizal, Sabado ng umaga.

Batay sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, nabatid na si P/Cpl Alberto Umali ng Rodriguez Municipal Police Station, ay naaresto dakong alas-6:00 ng umaga sa Block 20, Lot 1, Summitview Subdivision, Barangay San Rafael, Rodriguez.

Ang suspek ay inaresto ng kanyang mga kasamahan sa bisa ng search warrant sa kasong paglabag sa Republic Act 10591, o The Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act, na inisyu ni Hon. Judge Cynthia R. Mariño- Ricablanca, Executive Judge, Sta. Cruz, Laguna, na inisyu noong Hunyo  26, 2019.

Kaagad nang binitbit sa presinto ang suspek nang makumpiskahan ng isang magazine para sa 5.56 kalibre ng baril; 52-rounds ng live ammunition para caliber 5.56; apat na rounds ng fired cartridges para sa caliber 5.56; 36-rounds ng empty shell para sa caliber 9MM; 12-rounds ng empty shell para sa caliber 45; at isang itim na cartridge case.

Ayon sa pulisya, si Umali ay itinuturo ring suspek sa pagpatay kay Atty. Edilberto Golla, na pinagbabaril at napatay ng riding in tandem habang minamaneho ang kanyang sasakyan sa harapan ng Eastwood Greenview Subdivision, Rodriguez, Rizal noong Mayo.

Please follow and like us:
Read More

MAGSASAKA PATAY SA TAGA NG MAGTATAY

crimebolo123

QUEZON – Parang puno ng saging na pinagtataga hanggang sa mamatay ang mag-ama ng nakaalitan nilang magsasaka sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito noong Biyernes.

Sa report ng pulisya ay kinilala ang biktima na si Lito Jariño, 47, residente ng Barangay Jongo sa bayang nabanggit.

Bandang alas-6:30 habang patungo ang biktima sa isang tindahan para bumilina ng hapunan hapunan ay bigla na lang sumulpot sa daan ang naghihintay na si Anthony Ayana kasama ang anak na si Christian na parehong may hawak na itak.

Bigla na lang umanong sunud-sunod na pinagtataga ng dalawang suspek si Jariño.

Naliligo na sa sariling dugo ang biktima nang tantanan ng dalawa na agad na tumakas.

Mabilis na isinugod ng mga taga-barangay ang biktima sa Magsaysay Memorial District Hospital sa kabayanan subalit hindi na ito umabot nang buhay sanhi ng mga tinamong grabeng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa follow-up operation ng pulisya sa bahay ng mga nakilalang suspek ay natagpuan ang dalawang kaluban subalit wala ang mga itak na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na ilang araw na ang nakalilipas ay nagkaroon ng alitan at pag-aaway ang mga suspek at si Jariño na posibleng siyang naging motibo sa pamamaslang.

Please follow and like us:
Read More

KRIS BERNAL MAGMUMULTO

MARAMI ang naiintriga sa bagong suspense-thriller teleserye ng GMA-7 na ‘Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko’ na pagbibidahan nina Kris Bernal, Rayver Cruz, Kim Domingo at Megan Young.

Umani ng papuri ang teaser ng teleserye at marami ang nasindak sa acting ni Kris na mukhang gaganap bilang isang multo na gagambala sa buhay mag-asawa nina Megan at Rayver.

Sabi pa ng isang Youtube user , “Infairness ah bagay sa kanya ang role kontrabidang multo.”

Tunghayan ang nakagigimbal na istorya ng ‘Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko’ simula Hulyo 22 sa GMA-7 Afternoon Prime.

Aba, dito yata sa series na ito ay ka-eksena ni Megan Young ang Urian Best Supporting Actress  nominee na si Isadora.

 

Please follow and like us:
Read More

DALAGA BINAUNAN NG BALA SA SENTIDO

crimeshooting12

(NI JULIE DUIGAN)

NAMATAY habang inoobserbahan sa Tondo General Hospital ang isang 40- anyos na dalaga, makaaang malapitang barilin sa sentido sa Tondo, Manila Biyernes ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Amy Ignacio, vendor, ng Building 22 Aroma, Temporary Housing, Tondo.

Tumakas ang dalawang suspek na nakilalang si Edmar Boco, alyas ‘Abigael’ , 19, binata ; jobless ng Aroma, Temporary Housing ,Tondo at isang alyas ‘Aries’ ng nasabing lugar.

Batay sa ulat na nakarating kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:50 ng gabi, nang maganap ang krimen sa loob ng Building 26 sa Aroma Temporary Housing sa Tondo.

Dalawa sa kaanak ng biktima ang nagbigay ng salaysay sa pulisya, na umano’y narinig nila ang isang malakas na putok ng baril na sinasabing nag warning shot si alyas ‘Aries’ dahil kasunod niyon ay nagsalita ang biktima na “Bakit ganoon Aries, nagpaputok ka alam mo naman na hindi na ako naggaganyan nagbago na ako.”

Bigla na lamang umanong nagbunot ng baril si Boco, at malapitang binaril sa kaliwang sentido ang dalaga, at muli itong pinaputukan ni Aries, pero sumablay itong tamaan, saka lamang nagsitakas ang dalawa at naiwang nakahandusay ang biktima.

Dito na siya isinugod sa pagamutan, at isang security guard ng ospital ang naka rekober  ng anim na nasa plastic sachet na hinihinalang shabu sa katawan ng dalaga.

Dakong alas-10:20 ng gabi, nang ideklarang patay ang biktima. Gayunman, malaki ang hinala ng pulisya na tulak ng droga ang dalawang suspek at gusto umanong magtulak ng shabu ang biktima na mariin naman  nitong itinanggi.

Please follow and like us:
Read More

P10-M HALAGA NG TELA, UNDERWEAR NATUPOK SA PABRIKA

(NI KOI HIPOLITO)

AABOT sa hindi bababa sa higit P10 milyon ang natupok na mga tela at ari-arian sa pabrika ng Metro Index Garments Incorporated bandang alas-7:51 ng gabi nitong Biyernes sa Timothy St., Brgy. Moonwalk sa Parañaque City.

Base sa report ng Paranaque City Fire Department, isang tawag sa telepono ang kanilang natanggap  galing sa guwardiya ng nasabing pabrika para ireport ang sunog sa kanilang warehouse na pinag-iimbakan umano nila ng mga tela gamit sa paggawa ng mga branded na underwear.

Mabilis ang naging responde ng mga kagawad ng pamatay sunog sa lugar at iniulat ang unang alarma dakong alas-7:56 ng gabi na umabot din sa ika-limang alarma bandang alas-8:24 ng gabi at under control na kaninang alas-8:03 ng umaga, ayon kay Fire Supt. Pacis.

Inaalam na din ngayon ng mga imbestigador kung saan nagsimula at paano nangyari ang  sunog na masuwerte naman na walang napaulat na nasugatan at namatay.

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NG EX-COP VS KIDNAP NI-RAID:  P1.3-M CASH, ARMAS NAKUHA

(NI DAVE MEDINA)

NAKAKUMPISKA ang mga awtoridad ng P1.3 milyong halaga ng pera at ilang armas sa bahay ng isang dating pulis na umano’y sangkot sa kaso ng kidnapping sa limang Chinese national sa Las Piñas City.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga tauhan ng Las Piñas City Police at Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang bahay ni dating Staff Sgt. Magdaleno Fernandez Pacia Jr. at live-in partner nitong si Andrelyn Gayumali Naldoza sa Barangay Pulang Lupa Uno alas 5:00 ng madaling-araw ng Biyernes.  Naaresto si Naldoza  sa kanilang bahay sa Pulang Lupa Uno ngunit wala si Pacia nang magsagawa ng operasyon ang pulisya.

Maliban sa pera, nakuha rin sa tinitirhang bahay ni Naldoza ang 9mm pistol,  dalawang kalibre .45 na baril, ilang bala para sa iba’t ibang uri ng baril,  granada at ilang cellphone.

Kasamang nasamsam ang police uniform ni Pacia na may name plate, bull cap at mga badge na may logo pa ng National Bureau of Investigaton (NBI).

Nakuha rin sa bahay ang 30 piraso ng credit card , 150 card ng Visa at pitong identification card na may pangalang Angel Vertucio.

Dating nakatalaga si Pacia sa Southern Police District (SPD) pero nasibak sa puwesto noong April 2018 dahil sa kasong pagnanakaw at illegal possession of explosives.

Please follow and like us:
Read More

9-ANYOS BUGBOG-SARADO SA LIVE-IN PARTNER NG NANAY

agusan del sur12

(NI ANNIE PINEDA)
KRITIKAL ang kalagayan ng isang batang babae matapos himatayin sa tindi ng bugbog na inabot mula sa kanyang stepfather sa Purok-5, Barangay Del Monte, sa bayan ng Talacogon, Agusan Del Sur.

Huling iniulat na agaw-buhay ang biktima na tinukoy lang si alyas Diding, 9, habang ang suspek ay ang ka-live in ng kanyang ina na si Bulam Kembriya, 42, residente ng nasabing lugar.

Napag-alamang nagreklamo sa Talacogon Municipal Police Station ang lola ng biktima na si Ernita Estrilla at isinalaysay na kahit maliit ang pagkakamali ng bata ay lagi itong sinasaktan ng stepfather.

Kamakalawa ay dumanas ng matinding pananakit ang bata hanggang mawalan ito ng malay kaya isinugod sa Davao Regional Center habang tumakas naman ang kanyang stepfather.

Please follow and like us:
Read More

2 SAKO NG CHOP-CHOP NA KATAWAN, NATAGPUAN

crime44

(NI ANNIE PINEDA)

DALAWANG sako na naglalaman ng chop-chop na katawan ng lalaki ang natagpuan sa ilog at ang isa ay sa kalapit na barangay, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Camarines Sur.

Inaalam na ngayon ng Libmanan-PNP, ang pagkakakilanlan ng biktima na natagpuan ng ilang residente ng Barangay Potot, Libmanan.

Kuwento ng mga residente, iniahon nila mula sa ilog ang sako saka binuksan, bumulaga sa kanilang harapan ang pira-pirasong katawan ng biktima habang nasa isang sako na nangangamoy at sa pag-aakalang basura lamang at nang kanilang buksan ay halos hindi na makilala ang pugot na ulo ng biktima at iba pang parte ng katawan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa karumal-dumal na krimen at pagkakakilanlan sa suspek.

Please follow and like us:
Read More

VERA ‘DI PA MAGRERETIRO

(NI EM RUBIN)

HINDI pa sumasagi sa isip ni ONE Heavyweight World Champion Brandon Vera ang pagreretiro sa kabila ng kanyang edad at mahabang career sa mixed martial arts.

Labimpitong (17) taon nang lumalaban sa MMA si Vera at sa Oktubre ay ipagdiriwang niya ang kanyang 42nd birthday, pero sinabi nitong malayo pa ang tatakbuhin ng kanyang karera sa loob ng cage.

“I just feel that the work is not yet done. As a fighter I don’t know when I’m going to retire,” sabi ni Vera sa isang panayam.

Nakaharap na ng Filipino-American sa UFC ang ilan sa mga malalaking pangalan sa MMA tulad nina Frank Mir, Randy Couture, Jon Jones at Mauricio Rua.

Mula nang lumipat siya sa ONE Championship noong 2014 ay hindi pa natatalo si Vera sa kanyang apat na laban para iakyat ang kanyang overall record sa 16-7.

At sa darating na Oktubre ay panibagong hamon ang kanyang haharapin sa katauhan ni ONE Light Heavyweight Champion Aung La N Sang ng Myanmar.

“I want to get in as many titles and fights as I can before I get the feeling that I need to retire. I am still learning and improving,” paliwanag ni Vera.

Pero aniya, kung dumating na ang panahong magreretiro na siya ay sisiguraduhin niyang hindi na magbabago pa ang kanyang desisyon.

“I want to be sure that I’m ready to retire. It really depends on my body and my mind, and what else I’m doing, what other things I have going in the works. When I do make that statement that I’m retired, I’m really retired,” ayon kay Vera.

Sa ngayon, makakaasa ang kanyang fans na tuloy ang kanyang laban.

“I am relishing the opportunity that I was given by ONE Championship. As long as my body does not tell me to stop, I will keep on pushing forward,” dagdag ni Vera.

Please follow and like us:
Read More

DENISE GUSTONG GUMANAP BILANG ‘VALENTINA’

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MASAYANG-MASAYA  si Denise Laurel dahil sa pagkakasama niya ngayon sa teleseryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ayon sa aktres ay ibang-iba ang klase ng trabaho mayroon ang lahat sa nasabing serye. “Sobrang happy ako and thankful that finally I’m part of the show. I love the show. The energy over there, ‘yung vibe, ‘yung work ethic. ‘Yung bilis ng takbo ng set is riveting and fun,” nakangiting kwento ni Denise.

Sa ngayon ay hindi raw alam ng aktres kung hanggang kailan mananatili ang kanyang karakter sa serye bilang si Major Alex Romero na isa ring Pulis. May posibilidad kayang maging hadlang ang karakter ni Denise sa pagmamahalan nina Cardo at Alyana na ginagampanan nina Coco at Yassi Pressman? “Hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin,” giit ng aktres.

Mahilig si Denise sa mga proyektong aksyon ang tema kaya sobrang ikinatuwa raw ng aktres nang malamang mapapasabak siya bilang isang Pulis sa nangungunang Primetime teleserye sa Pilipinas.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto rin daw mapabilang ng aktres sa pelikulang ‘Darna.’ “I admire the role of Darna. I grew up watching Ms. Anjanette (Abayari) and Angel (Locsin) but I think that would be untouchable for me. I have so much respect for the role. I would love to be either Black Darna or Valentina,” pagtatapat ni Denise.-Reports from JCC-   

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

ANAK NG EX-MAGUINDANAO GOV, 4 PA PATAY SA CHECKPOINT

north cotabato 12

COTABATO CITY – Napatay ang anak ng dating Maguindanao Governor Norodin Matalam at apat pang iba sa isang checkpoint, Biyernes ng gabi sa Barangay Inug-ug, Pikit, North Cotabato.

Lulan ng kanyang Nissan Patrol van ang napatay na si Datu  Hashim Matalam kasama ang apat na  iba pa nang harangin sa checkpoint, ayon kay Wesmincom Commander Lt. General Cirilito Sobejana.

Isang engkwentro na umano ang naganap nang sa halip huminto ay agad nakipagbarilan ang grupo ng nasawi sa mga namamanman na sundalo sa naturang lugar.

Kinumpirma naman ng mga kaanak na anak ni Norodin Matalam, dating governor ng Maguindanao at mayor ng Pagalungan sa Maguindanao, ang nasawi.

Sinabi ni Brig. Gen. Alfredo Rosario na naghihigpit sa naturang lugar matapos ang sunud-sunod na engkuwentro sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kalapit lugar dahil sa nagaganap na clan war o Rido.

Nabawi sa mga nasawi ang high-powered firearms at granada sa loob ng sasakyan.

Please follow and like us:
Read More

OGIE PUMALAG SA BLOGGER VS LIZA BUNTIS ISSUE

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

PARANG nai-imagine na namin ang expression ni Ogie Diaz, at ang high note na boses niya, habang nanggagalaiti sa galit sa isang blogger na gumawa ng blind item daw na masyado namang indentifiable, dahil sabi nga ni Ogie binanggit pa ang pangalan niya. Isipin ba naman ninyong nananahimik si Liza Soberano at nahihirapan na nga iyong bata dahil pangatlong operasyon na nga yata iyon sa kanyang finger dahil sa nangyaring infection, tapos sasabihin mo pang nagtatago dahil buntis?

Ano naman ang naging reaksiyon ng blogger nang magbunganga si Ogie? Mabilis na inalis ang blog. Alisin man eh nai-download na nga ni Ogie at naipadala na sa abugado. Tapos gumawa ng isang public apology ang blogger kung saan sinasabi niya “alam ko pong ang ginawa ko ay mali. Kaya humihingi po ako ng tawad sa mga nasaktan”.

Iyon namang istasyon ng radyo kung saan sinasabing kunektado rin ang blogger at kung saan umeere rin ang mga reports noon ay nagsabing “kung ano man ang naka-post sa aming webpage, ang may gawa noon ay aming mga tauhan at walang kinalaman ang istasyon doon”. Naloko na!

Pero normal iyan sa broadcast media eh. Lagi silang may disclaimer, na “the opinions dicussed herein are those of the speaker and does not reflect the opinion of this station”.

Iyong blogger naman, palibhasa amateur ang approach eh, inamin ang kasalanan niya. Papaano kung hindi siya patawarin nina Ogie at Liza at ituloy ang demanda, di iyong public apology pa niya ang bibikti sa kanya. Inamin na niya ang kasalanan niya eh. Kasi nataranta, hindi komunsulta sa abugado.

Madaling madali na ang kaso niyan. Wala nang kailangang burden of proof mula kina Ogie at Liza na ang aktres nga ang tinutukoy sa blind item. Iyong sitwasyon, at aksiyon ng blogger ay umaamin na. Inamin pa niyang “alam ko pong mali”. Eh alam mo palang mali eh, bakit mo ginawa. Naroroon na ang malisya na siyang pangunahing elemento sa kaso ng libelo.

Iyan ang malaking kaibahan ng isang lehitimong diyaryo na may mga editors, at ang nagsusulat ay mga professionals, kaysa diyan sa mga blogger na akala nila ay wala silang responsibilidad

 KUNG ‘DI BELONG SA KALABANG NETWORK BAKA PINABATI SI ARJO SA 4TH ANNIV NI MAINE SA SHOWBIZ

“Ay ang dami niyang cake,” sabi ni Allan K nang sabihin nilang anniversary pala, bale apat na taon na sa showbusiness si Maine Mendoza. Pero kapansin-pansin, dumaan nang ganoon lamang ang anniversary ni Maine na kung tutuusin ay naghatid sa Eat Bulaga sa mataas na ratings noon. Kapansin-pansin din na hindi concerned ang kanyang naunang ka-love team na si Alden Richards sa kanyang ikaapat na taon sa showbusiness. Pero ang mga fans pinatunayan na naroroon pa rin sila.

Baka kung hindi magkalabang network, pinapunta pa roon ang totoong boyfriend ni Maine na si Arjo Atayde para bumati kay Maine sa kanyang anniversary. Pero si Kuya Germs lang ang nakagagawa noon na nagko-cross networks ang mga artista basta kinumbida niya.

  TANGGAP NG PAMILYA NI VICE PERO ‘DI PA READY MAG-OUT SA PRIDE MARCH

Natatanungan sila, bakit daw hindi kasama ng modelong si Sebastian Castro ang sinasabing lover niya na si Vice Mayor Aidel Belamide ng Silang Cavite noong pride march. Ang statement lang ni Seb, “hindi pa siya ready sa ganoon”. Mukhang tanggap na naman ng pamilya ni Vice ang kanilang relasyon at kung ano siya talaga, pero hindi pa siya ready na lumantad nga nang ganoon sa publiko. May karapatan din naman siya kung ayaw niya.

 

Please follow and like us:
Read More

MAGNOLIA PINAPAK NG ELITE

(NI RAVENSON BIASON)

UMABOT sa overtime bago naitakas ng Blackwater Elite ang panalo kontra Magnolia Hotshots ngayong gabi sa MOA Arena, 104-99.

Binuhat ni She Roj Sumang  ang Elite nang kumamada ng 19 puntos kabilang ang 2 for 2 field goals sa overtime.

Mula sa deadlock 87-87 score, agad umatake sa 7-0 run ang Elite para lumamang sa pagsisimula ng overtime period, 94-87.

Sa simula pa lamang ng laro ay naging dikdikan na ang laban ng dalawang koponan kung saan ilang beses silang nagtabla, 61-61 sa third, 84-84 at 87 all sa pagtatapos ng fourth quarter.

Hindi na sana umabot sa overtime kung naisalpak lang ni Bobby Ray Parks ang kanyang left handed jumper sa huling limang segundo ng regulation period.

Nagtala si Parks ng 11 puntos, 14 si Allien Maliksi, habang nagambag ng 14 puntos at 5 blocks ang halatang nangangapa pa sa laro sa PBA na  bagong import ng Elite na si Staphon Blair.

Sa panig naman ng Magnolia, tumikada ng  kabuuang 25 puntos, 6 rebounds at 8 assists si Paul ‘Angas ng Tondo’ Lee, na nakapagtala ng kanyang 5,000 career points sa naturang game.

Nagdagdag si Hotshots import James Anthony Farr ng 23 puntos, 20 rebounds at 4 blocks, habang nagposte ng tig-14 puntos sina Mark Barroca at Jiovanni Jalalon.

Dahil sa nalasap na kabiguan ay naputol ang 5-game winning streak ng Hotshots habang napaganda ng Elite ang kartada nito sa 6-3 panalo-talo.

 Box scores:

Blackwater 104 – Sumang 19, Digregorio 15, Maliksi 14, Blair 14, Parks 11, Belo 9, Al-Hussaini 9, Alolino 5, Cortez 4, Sena 4, Banal 0.

Magnolia 99 – Lee 25, Farr 23, Jalalon 14, Barroca 13, Brondial 6, Sangalang 4, Dela Rosa 4, Melton 3, Pingris 3, Herndon 2, Pascual 2, Simon 0.

Quarterscores: 23-23, 39-43, 61-61, 84-84, 104-99

 

 

Please follow and like us:
Read More

MARAMING UMAASA SA EO 51 NI PRRD

manggagawa-3

(Ni Edzer Lanuza /Huling bahagi)

SA kabila ng kaliwa’t kanang pagpapatupad ng matalinong employers sa endo, marami pa rin ang umaasa sa  Executive Order No. 51 na inisyu noong May 1, 2018 nagbabawal sa illegal contracting at subcontracting.

Kinikilala nito ang karapatan ng  workers sa security of tenure. Ang paglagda sa EO 51 ay bahagi ng katuparan sa pagwawakas ng illegal contractualization na “end of contract” at labor-only contrac­ting.

Sa Labor Code,  nagpapahintulot sa  job contrac­ting at fixed- term employment contracts, at project o seasonal workers.

Pero sa nasabing legal form ng contractualization, tumitiyak sa protection  ng labor rights at beneficial sa ating bansa na nagtatangkang sumuhay sa manufacturing sector .

Sinasabi ring ang tulu­yang pagpuksa sa lahat ng uri ng contractualization, ay may pang-ekonomiyang kahihinatnan partikular sa firms’ hiring decisions at sa employment level, nagpapahinang mara­ting ang  mabilis,  inclusive, at pagpapanatili sa economic growth.

Ang  katawagan sa mga manggagawa:

Casual workers – sila ang mga manggagawang ang trabaho ay hindi kadalasang mahalaga at kanais-nais sa karaniwang negosyo o gawain ng employer.

Contractual/project-based workers – mga manggagawang ang  employment ay nakapirmi sa isang specific project o trabaho, ang completion o termination ay ipinapatupad sa takdang panahon ng pinagkasunduan.

Seasonal workers – sila ang mga manggagawang ang employment, partikular sa  ti­ming at duration, ay may malaking impluwensya sa seasonal factors.

Probationary workers – mga manggagawang sa kanilang trial period ang emplo­yer ang magsasabi kung sila’y fit o qualify para sa regular employment, base sa reasonable standards.

Apprentices/Learners – sila ang mga manggagawang sakop ng TESDA apprenticeship/learnership programs. Hin­di kasama rito ang apprentices o student on-the-job trainees na walang regular compensation.

Kuwalipikasyon para sa benepisyo ng ‘Magic 87’

Ang retirement sa ilalim ng RA 660 kilala bilang ‘Magic 87’, ay maaaring makuha ng members na  52 years old na nagtrabaho sa gobyerno sa loob ng  nagdaang 35 taon.

Pumasok sa government service sa o bago ang May 31, 1977;

Ang last three years sa service bago ang retirement ay kailangang tuloy-tuloy, maliban sa kaso ng pagkamatay, disability, abolition, at phase- out ng posisyob dahil sa reorganization;

Ang appointment status ay kailangang permanente;

Nasa age at service requirements sa ilalim ng “Magic 87” formula. Base sa  formula, ang edad ng retiree at mga taon sa serbisyo ay kailangang na­dagdagan at nasa  total na 87.

Pero hindi lahat ng mga kumpanya ay tumutupad sa kauutusan.

Marami sa  contractual jobs ay maaaring mauwi sa permanent positions kung ang empleyado ay nagpapakita ng mabuting work performance.

Contractual jobs, kaila­ngang may kaparehong benepisyo at terms ng employment bilang permanent positions.

Kaila sa marami, ang ating gobyerno ay gumagawa ng mga hakbang para matiyak  na ang contractual employees ay protektado ng batas bilang permanent employees.

Noong  2011, ipinalabas ng Department of Labor and Employment ang Department Order 18-A, Series of 2011, kung saan nakatala ang lahat ng employees’ rights (Section 8) na ang contractual employees ay entitled sa, gayundin ng guidelines para sa employment contract.

Narito ang mga karapatan ng isang contractual employee:

  1. Kaligtasan at nakakapagpalusog na working conditions

Kahit ang iyong posisyon ay  isang desk job o nagtatadhana ng maraming  physical labor, kailangang matiyak ng iyong employer na ang kalusugan mo ay hindi nakokompromiso sa trabaho.

Kailangang gumawa ng mga hakbang ang iyong employer para mapangalagaan ang iyong kalusugan at pagkatao habang nasa tungkulin.

  1. Service incentive leave, rest days, overtime pay, holiday pay, 13th month pay, at separation pay

Maliban sa suweldo, kailangan bigyan ka ng paid time off, gayundin additional pay para sa anomang trabaho na ginawa mo sa labas ng iyong contract’s work hours, 13th month pay at separation pay kung ang iyong employment ay maagang nagwakas.

  1. Retirement benefits sa ilalim ng SSS o retirement plans ng contractor, kung mayroon

Kung ang iyong  employer ay may retirement plan para sa kanilang permanent employees, kailangan mo ring mapagkalooban ng kaparehong benepisyo.

  1. Social security at welfare benefits

Kailangan ka ring mabigyan ng iyong employer ng SSS, PhilHealth, at Pag-Ibig benefits, gaya ng iba pang permanent employee.

  1. Self-organization, collective bargaining at peaceful concerted action

Ang contractual emplo­yees ay maaarinng umanib o magtatag ng  employee unions, collective bargaining agreements, at join peaceful demonstrations o protests.

Please follow and like us:
Read More

PAANO ‘PAG HINATAW NA NG MGA PINOY ANG CHINESE WORKER?

TODOPASA

MAY katwiran si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na hindi dapat magkaroon ng “great wall” o dambuhalang pader na nagbibigay ng proteksiyon sa mga manggagawang Chinese na hindi nagbabayad ng wastong buwis sa Pilipinas.

Nagbigay ng ultimatum kamakailan ang Department of Finance (DOF) sa mga Chinese employer at empleyado na sundin ang batas sa buwis sa a­ting bansa hindi iyong puro “palusot” lamang sila.

Iginigiit kasi ng DOF at mga finance manager ng bansa na magtaas nang magtaas ng buwis ang Kongreso sa pamamagitan ng TRAIN LAWS ngunit hindi nakakakolekta nang maayos na buwis at patuloy ang katiwalian sa Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, at Department of Labor and Employment (DOLE).

Diin ni Recto: “Baka kaya nagdagsaan ang mga dayuhang ito sa Pilipinas ay dahil masyado tayong maluwag. Nalulusutan ang BIR, DOLE at Bureau of Immigration.”

Hindi tamang mahigpit ang BIR sa pagbubuwis sa mga Pilipino pero niluluwagan ang mga manggagawang Chinese na hindi nakakaltasan ng tax ang kanilang suweldong mas malaki kaysa mga kababayan natin.

Kawalang katarungan ang ginagawa ng ating economic managers at hindi habang panahon ang pagtitiis ng mga Pilipinong nanonood lamang ngayon sa pang-aabuso ng mga Chinese. Huwag na nilang hintayin na mag-alsa ang mga manggagawang Pilipino na nagpapasan ng hindi patas na pagbubuwis ng ating gobyerno.

Kapag sinasaktan na ng mga Pilipino ang mga manggagawang Chinese na nalilibre ng buwis, marahil kikilos na ang mga nasa Malakanyang lalo ang mga maka-Chinese na sina Pa­ngulong Rodrigo Duterte at Presidential Spokesman Salvador Panelo. (TODOPASA /ARIEL BORLONGAN)

Please follow and like us:
Read More

2 TODAS SA HEAD ON COLLISION

accident121

(NI JG TUMBADO)

TODAS ang dalawang lalaki habang sugatan naman ang isa pa matapos silang sumalpok sa isang sasakyan sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, Huwebes ng gabi.

Nabatid kay Police Lt. Col. Alvin Saguban, hepe ng Pagadian City police, dead on the spot sa lakas ng impact sina Aljun Mong Andales at Bryan Dela Peña habang kritikal naman sa Zamboanga Del Sur Medical Center si Roal Villetes Salvador.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang tatlo kung saan si Andales ang nagmamaneho sa motorsiklo habang binabagtas ang national highway sa Barangay Balintawak nang bigla silang sumalpok sa kasalubong na isang kotse sa North Diversion Road pasado alas 9 ng gabi.

Patungo sana ang mga biktima sa bayan ng Dumalinao.
Patuloy naman ang pag iimbestiga ng pulisya kaugnay sa insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng driver ng kotse.

Please follow and like us:
Read More

JAKE: I’M LOOKING FORWARD TO MARRYING THE WOMAN I LOVE!

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

UNANG napabalita noong isang taon ang pagpo-propose ng kasal ni Jake Zyrus sa kasintahang si Shyre Aquino. Excited na ang international singing sensation ngayon dahil nakikitang mangyayari ang kanilang pag-iisang dibdib ng dalaga.

“I don’t know what the future brings but I am looking forward to marrying the woman I love and be with the family I choose,” pahayag ni Jake.

Sa loob ng dalawang taon ay naging maayos ang relasyon ng magkasintahan. Ayon sa transgender man singer ay tagahanga lamang niya noon si Shyre. Malaki raw talaga ang paghanga ng dalaga sa singer kahit noong mga panahon na Charice Pempengco pa lamang si Jake.

“She started as a fan and I only met her in one of my shows. She is the outgoing type of person and I describe myself as an introvert. We both have learned to walk in each other’s shoes and manage to be the best versions of ourselves,” pagbabahagi niya.

Para kay Jake ay ibang klase rin talaga ang pagmamahal sa kanya ni Shyre kahit noong nagsisimula pa lamang sila. “It was how we handled the bad times. Doon ko na-realize, ‘I’m going to keep this person. Hindi lang dahil sa love and iyon ang pinakamaganda doon. Usually sa isang relationship, first year pabebe ka pa. First month pa lang ng relationship namin, naging kumportable ako sa kanya. Noong time na nag-top surgery ako, siya ‘yung nag-alaga sa akin. Sinabi ko, I was going to transition. Nakilala niya ako noong Charice ako at sabi niya sa akin, ‘Mahal kita kasi ikaw ‘yan,’” paglalahad ng singer.

Hanggang maaari ay ayaw nang isapubliko ng magkasintahan ang lahat ng mga pangyayari sa kanilang buhay. At mayroon daw sikreto sina Jake at Shyre kaya nananatiling maayos ang pagsasama. “Respect and understand each other’s beliefs, reach your dreams together, and enjoy success with the people who believe in you when no one else does,” makahulugang pagtatapos ni Charice. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

BABALA SA MODUS NG “ONLINE CASH LOAN”

TINIG NG MANGGAGAWA final

MAGSILBING babala sana ang isyu ng kolum natin sa mga naglipanang “online” CASH LOAN sa panahon ngayon.

Trending sa kasalukuyan ang ganitong uri ng pagpapahiram ng pera na UMANO’y walang kahirap-hirap, ayon sa kanilang “ads” online. Resulta nito, maraming nagogoyo sa ating mga kababayan na kadalasan nasa huli ang pagsisisi.

Hindi po hangarin ng kolum na ito ang makapanira ng negosyo basta’t lehitimong proseso ang pinaiiral. Nais ding linawin ng kolum na ito na hindi lahat ng ganitong uri ng pagpapautang ay may kaakibat na MODUS o RAKET.

‘Ika nga, “transact at your own risk!” Nasa inyo pa rin ang pagsusuri sa bawat transaksyon na pinapasok n’yo. Kaya nga nagbibigay tayo ng babala o paalaala.

Kapansin-pansin ang pagsusulputan nga­yon itong nauusong sistema ng pagpapautang sa pamamagitan ng internet. Bagama’t iba’t iba ang estilo nila, iba’t iba ang proseso, ngunit halos iisa ang resulta. Pauutangin ka ng CASH ngunit dakong huli malalaman mo na may kaakibat itong interes na walang iniwan sa estilo ng “5-6” o may interes na 20 percent kada utang sa loob ng isang buwan.

Halimbawa, sa isang online company, hihikayatin kang umutang ng P6 na libo na walang interes kuno. Ngunit kakaltasan naman ito ng halagang P500 bilang service fee para sa express approval kuno. Bukod dito, kailangan mabayaran mo ang pinahiram na P6 libo sa loob ng 10 araw, sa isang bigayan.

Kapag hindi mo ito nabayaran sa itinakdang panahon, dito manganganak ang INTERES bilang penalty. Halimbawa, 20 percent ng halagang ni-loan ay para raw sa Loan Extension Fee matapos na ‘di mabayaran sa loob ng 10 araw ang hiniram na P6 na libo.

Aabot naman ng 30% ang penalty ng utang na hindi mababayaran sa loob ng isang buwan at palaki ito nang palaki hangga’t hindi nakukumpleto ang bayad. Resulta, mababaon ka rin sa utang.

Sa ibang punto, panganib din ang kinakaharap ng isang naghahangad mangutang. Ayon kasi sa ilang proseso, kailangang sagutan ang mahahalagang impormas­yon na hihingin “online”. Darating pa raw sa puntong kailangang ipakita mo ang mahahalagang detalye sa isa sa inyong government issued “ID”. Ngunit ang masaklap nito, matapos mong sagutin ang mga tanong, sasabihin ng kompanya na wala raw sapat na pondo. Reject ang inyong application.

Sa madaling kuwento, na-bogus ang naghahangad mangutang. At kapag muli raw bubuksan ang site na humingi ng maraming impormasyon hinggil sa pagkatao ng borrower ay bigla itong magba-block o hindi na mabubuksan.

Ang masaklap pa rin nito, ang mahahalagang detalye ng iyong pagkatao at itinuturing na “confidential” ay ipapasa mo sa mga taong hindi mo kilala. Ang pagbibigay n’yo nito ay delikado. Magiging mapanganib sa parte ninyo kung sakaling gamitin ang mga impormasyong ito sa hindi magandang layunin. Kayo ang talo sa bandang huli.

Panawagan na rin ito sa mga kinauukulan. Aksyunan ang problemang ito, bago pa man makapaminsala nang husto ang lumalalang “MODUS” na ito.

oOo

Ang kolum na ito ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga manggagawa. Ipadala ang inyong mga karaingan, sumbong, reklamo o maging solusyon sa mga problema sa inyong kapaligiran. Iliham lang sa Diaryo Bomba o kaya ay i-email sa dongbvaleza@gmail.com.  (TINIG NG MANGGAGAWA / DONG VALEZA)

Please follow and like us:
Read More

BANTAYAN ANG MGA HINDI TAPAT SA BAYAN

RESPONDE.jpg

NAGSIMULA na sa tungkulin ang mga hinirang na lokal na opisyal sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Umusbong ang mga tila bagito pa ngunit puno ng mga ideyang maaaring magpabago sa mga lokal na pamahalaan sa ating bansa.

Mula man sa mga kilalang pamilya ang ilan ngunit may bitbit na bago at sariwang mandato para sa taumbayan. Nandyan si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, Mayor Vico Sotto ng Pasig City, Mayor Isko Moreno ng Manila City.

Eto na ang maulan na panahon. Kinakabahan muli ang taumbayan sa mga baha at sakuna na dala nito. Nakita natin ang agarang responde ng a­ting mga bagong halal lalo na sa lungsod ng Quezon. Ikinatuwa ng mga estudyante at magulang ang maaga at maayos na pag-anunsyo ng walang pasok. Magandang pangitain ito na maagap ang ating mga opisyales.

Nangunguna rin sa aksyon itong si Mayor Isko Moreno na nagbigay ng magandang balitang 50% discount sa tuition fee sa Emilio Aguinaldo College sa ilang estudyanteng residente ng Maynila. Ito ay pagkatapos na rin ng sunod-sunod na clearing operations na kanyang isinagawa sa Blumentritt, Divisoria at Carriedo. Sabi nga nila, hindi na basura, tindero at pansamantalang istruktura ang naglipana sa mga daan ng Maynila. Unti-unti nang may liwanag sa daan at patungo na sa tunay na sadya – ang maga­mit ito ng mga motorista.

Hindi rin nalalayo ang mga plano ni Mayor Vico Sotto sa Pasig nang ilabas ang unang executive order na bumuo ng task force na pag-aaralan ang sitwasyon ng trapiko. Kasama na rito ang pagpapatigil muna sa odd-even scheme sa kanilang siyudad. Mainam ngang “unified” or isahan na lang ang patakaran sa lahat para na rin maibsan ang problema sa daan na nakaaapekto sa buhay at negosyo ng bawat Pilipino.

Maliwanag na sabik sa pagbabago ang taumbayan lalo na at mara­ming natibag na dinastiya sa nakaraang halalan. Bumabalik ang usapan ukol sa Anti-Political Dynasty Bill. Ilang dekada na itong nais gawing batas mula pa nang patalsikin sa Pilipinas ang mga Marcos. Hindi maipasa dahil na rin tila ayaw ng mga mambabatas na mawala sila sa kanilang mga pugad lalo pa at sunod-sunod na ang pag-upo ng kani-kanilang mga kapatid, asawa, anak at malapit na kamag-anak. Ang tanong – sila ba ay nagbibigay serbisyo sa bayan o sa kanilang pamilya at pangsariling kapakanan.

Suportahan natin ang mga bagong halal na buo ang loob para sa bayan. Bantayan ang mga politikong hindi tapat sa tungkulin at mapanlinlang. (RESPONDE ORA MISMO / KUYA JOE)

Please follow and like us:
Read More