CALOOCAN FIRE: 200 PAMILYA APEKTADO

fire

(NI CHERK BALAGTAS)

NASA mahigit 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay 73, Lungsod ng Caloocan, Martes ng madaling araw.

Sa ulat ni Fire Marshall Lt. Col. Stephen Requina, ganap umanong alas – 3:00 pasado ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bahay ng isang Percival Amba at mabilis kumalat dahil sa kalakasan ng hangin at puro pa gawa sa light materials ang mga kabahayan sa lugar.

Agad na inakyat sa Task Force Alpha ang sunog na nag-iwan ng P6 milyong mga ari – ariang naabo.

Agad namang nagbigay ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng lungsod.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS MAYNILA, TIMBOG SA KIDNAPPING

arrested124

(NI JULIE DUIGAN)

DAHIL sa bisa ng arrest warrant, naaresto Martes ng umaga, ang isang pulis Maynila, sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention, apat na taon na ang nakakaraan sa Antipolo City .

Si P/Staff Sgt. Alejandro Ruz  ay inaresto alas-9:30 ng umaga , sa harap ng Manila Police District –Ermita Police Station 5 .

Dahil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma.Consejo Gengos-Ignalaga ng Regional Trial Court Br.B -98 ng Antipolo City, inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Integrity Monitoring & Enforcement Group, Manila Police District-General Assignment Investigation Section at ng MPD-PS 5, si Ruz.

Ang kaso ay naganap umano noong July 30, 2015 .

Si Ruz ay dating nakatalaga sa Manila City Hall  and  Action Special Assistant (MASA) sa ilalim ni Manila Joseph Estrada.

Nasa kustodiya na ng  IMEG sa Camp Crame si Ruz, upang mapanagot sa ibinibintang dito.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS NA HUHULIHIN SA EXTORTION NANLABAN, SUGATAN

crimeshooting12

(NI JG TUMBADO)

SUGATAN ang isang aktibong pulis matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Mabalacat City Police sa ikinasang entrapment operation sa bayan ng San Fernando City, Pampanga.

Nakilala ang suspek na si Police Corporal Joeton Samson na ginamot pa ang kanyang sugat ng mismong tauhan ng PNP-IMEG sa lugar ng engkwentro.

Nabatid kay Police Col. Romeo Caramat Jr, hepe ng PNP-IMEG, nangyari ang entrapment operation sa bahagi ng Mc Arthur highway, Barangay Maimpis.

Si Samson ay nakatalaga sa Mabalacat City Police bilang jailer  sa Pampanga Police Provincial Office (PPPO).
Nakipagbarilan si Samson sa mga pulis na aaresto sa kanya matapos nitong tanggapin ang boodle money na P150,000.

Ang naturang halaga umano ay para sa suspek na pulis bilang kapalit ng sasakyang kinumpiska nito.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang kotse subalit na korner din siya sa nabanggit na lugar.

Nagpaputok pa si Samson dahilan para gumanti ang pulisya kung saan tinamaan ito sa kaliwang balikat.

Nakuha sa suspek ang boodle money at baril nito na kanyang service firearm.

Inihahanda na ng IMEG ang kaukulang reklamong isasampa laban sa pulis.

Please follow and like us:
Read More

ALYSSA, KIEFER, WALANG TIME SA ISA’T ISA

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

NOONG April ay ipinagdiwang nina Alyssa Valdez at Kiefer Ravena ang kanilang ikatlong taong anibersaryo bilang magkasintahan.

Isang simpleng selebrasyon lamang daw ang kanilang ginawa ayon sa volleyball player.

“Very simple lang Tito Boy, dinner lang and exchange ng gifts to each other. ‘Yung grand kasi Tito Boy as in grand talaga. May class siya Tito Boy, he needed to perform a song. So he invited me saying, ‘Panoorin mo lang ako.’ Kasi kakanta daw siya. Tapos ang ending, for me pala ‘yon. Tapos he asked me kung pwede niya ba raw akong maging girlfriend that time. Siyempre ‘yes’ ang sagot ko. But right now, I really appreciate na mas nagpo-focus siya sa mas kailangan. Maliliit lang na bagay like five minutes na magkikita lang kami dahil wala kaming time talaga because of trainings. Magdadala lang siya ng food, dadaan lang siya sa trainings ko. Maliliit lang na things, but ‘yung mga maliliit na bagay na ‘yon, kapag pinagsama-sama mo, it’s really grand,” pagbabahagi ni Alyssa.

Para sa dalaga ay malaking bagay na  magkaibigan muna sila ng basketbolista bago pa man naging opisyal ang kanilang relasyon. “Siguro one thing what works for us, the friendship. Every day parang bago pa rin ‘yung relationship namin. We care for each other. We feel the love, the care for each other,” giit niya.

Sa June 29 ay ipagdiriwang naman ni Alyssa ang kanyang ika-26 na kaarawan.  Nagbigay si Kiefer ng kanyang mensahe para sa kasintahan. “Happy Birthday! I wish you all the best, hopefully lahat ng wishes mo matupad. People know that you’re a great person. We want nothing but the best for you ‘coz that’s what you deserve. Hopefully we’ll celebrate more birthdays together.  Always have faith in the Lord. Alam ko naman, na Siya ‘yung palagi mong inaasahan. Hindi ka Niya iiwanan, always so God-fearing. Inuuna mo talaga si God and ‘yung family mo. Happy Birthday, nandito lang ako to support you. Every step of the way, every step of the journey. I’m looking forward to spending more birthdays together. Happy birthday, and I love you,” mensahe ng basketbolista kay Alyssa.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay nasubukan na rin ng volleyball player ang pagiging isang artista. Kabilang si Alyssa sa pelikulang ‘My Letters to Happy’ na ipalalabas na sa mga sinehan simula sa July 17. Kasama rin ni Alyssa sa bagong proyekto sina TJ Trinidad at Glaiza de Castro.-Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

2 RETIRADONG GURO, NALITSON SA SUNOG

fire

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang dalawang retiradong guro na na-trap sa  nasusunog nilang bahay sa magkakahiwalay na insidente sa  lalawigan ng Pangasinan at Batangas, Martes ng madaling araw.

Sa unang insidente na iniulat ng  Pangasinan Police,  alas -12:20 ng madaling  araw  nang masunog ang bahay ni Nora Erfe , 89, biyuda, retiradong guro at residente sa Brgy. Poblacion, San Fabian, Pangasinan.

Sa salaysay ng  isa sa mga kapitbahay at kapamilya ng biktima na si Ann Erfe, 37, nagsimula mismo ang sunog sa silid ng matanda  sanhi ng natumbang kandila sa altar kung saan mabilis kumalat ang apoy nito.

Dahil sa nilalamon ng malaking apoy ang buong kabahayan, hindi nagawang mailigtas pa ang biktima.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang matanda nang marekober ito sa loob ng banyo nang maapula ang sunog ganap na ala-1:00 ng madaling araw.

Samantala sa  isa pang insidente ng sunog ang naganap dakong alas- 2:30 naman ng madaling araw sa isang tahanan sa Brgy. Sampaga, Batangas City kung saan nakulong din ng apoy ang isa pang retiradong guro na si Celering Alday Sultera .

Nagulantang na lamang umano ang mga residente sa lugar nang makitang nilalamon ng apoy ang tahanan ni Alday na nasawi sa insidente matapos na ma-trap sa sunog.

Naapula naman ang apoy ng mga nagrespondeng pamatay sunog bandang alas-3:32 ng madaling araw  at narekober  ang sunog na katawan ng biktima.

Inaalam pa ang lawak ng pinsala at halaga na iniwan ng sunog.

Please follow and like us:
Read More

GINANG PUPUNTANG DOKTOR NABUNDOL, PATAY

accident12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NASAWI ang isang 66-anyos na ginang na  magpapa-check up lang sana sa doktor  nang mabundol habang tumatawid sa tapat ng ospital sa  Bacoor City, Cavite.

Namatay habang ginagamot sa Metro South Medical Center ang biktimang si Amelia Reyes, isang balo at  negosyante ng Blk 10 Lot 7 George town Heights Brgy. Molino IV, Bacoor City, Cavite

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isinampang kaso laban sa driver ng isang kulay blue na closed van  Isuzu Elf na may plakang RNN 699 na si  Elmer Ginete, 45,  ng 141 Brgy. III Tanza, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Edison Fetalculin ng Bacoor City Police Station, dakong alas-6:25 Martes ng umaga nang maganap ang insidente kung saan tumatawid ang biktima sa tapat ng Metro South Medical Center sa Molino-Paliparan Road sa  Brgy Molino 4 , Bacoor City, Cavite.

 

Please follow and like us:
Read More

P2K PARA SA SEX VID NI MALE STAR, EX-GF

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

IBA  naman ang raket ng isang “aspiring male star” sa isang internet site. Kung magpapadala raw sa kanya ng dalawang libong piso sa pamamagitan ng cash transfer, magpapadala siya ng 29 minute sex video nila ng kanyang ex girlfriend, at anim na solo sex video niya. Iyan bang mga ganyan dapat na itinuturing na mga artista rin? Hindi ba prostitute na iyan?

Iyang mga ganyan, palagay namin iyan ang dapat na hulihin agad. Hindi na kailangan ng complainant dahil huling gumagawa ng kalaswaan eh.

 

Please follow and like us:
Read More

KAGAWAD TINODAS SA PIYESTAHAN

crime

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISANG kagawad ng barangay ang nasawi makaraang pagbabarilin sa habang ipinagdiriwang ang kapistahan sa kanilang lugar sa Esperanza, Masbate, Lunes ng gabi.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktimang si Domingo Barotil, 47, kagawad ng Barangay Putingbato sa nasabing bayan. Agad itong namatay habang hindi pa nakikilala ang mga salarin na na tumakas.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame mula sa Police Regional Office (PRO) 5, nangyari ang insidente bandang alas-10:30 ng gabi sa Sitio Lunas 1, Barangay Putingbato, Esperanza.

Nakikisaya umano ang kagawad sa pagdiriwang na kapistahan ng Brgy. Putingbato nang bigla na lamang sumulpot ang mga hindi pa nakikilalang  suspek at pinagbabaril ang  biktima gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Patuloy na inaalam ng pulisya sa kanilang imbestigasyon ang pagkakakilanlan ng mga salarin at kung ano ang motibo ng mga ito sa pamamaslang.

Please follow and like us:
Read More

DUDANG MAY LOVER; MISIS NA OFW KINATAY NI MISTER

crime34

(NI JG TUMBADO)

DAHIL sa tindi ng galit bunsod ng sobrang selos, nagawang pagsasaksakin ng isang mister ang kanyang misis na isang overseas Filipino worker (OFW) sa Lebak, Suldan Kudarat.

Namatay habang isinusugod sa pagamutan ang 39-anyos na biktima na si Daisy Villar, domestic worker sa United Arab Emirates (UAE), bunsod ng tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang ang suspek naman na si Anjo Villar ay nasa kostudiya na ng pulisya nang sumuko dalawang oras matapos ang krimen.

Ayon sa report ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, nangyari ang karumal-dumal na krimen sa bahay ng mag-asawang Villar sa Barangay Poblacion Uno pasado alas-4:00 ng hapon nitong Lunes.

Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng matinding pagtatalo ang mag-asawa bago nangyari ang pananaksak.

Naririnig pa umano ng ilang mga kapitbahay ang sigawan at komosyon sa loob ng bahay ng mag-asawa kung kaya’t agad silang tumawag sa pulisya.

Nadatnan na lamang ng mga awtoridad na naliligo sa sariling dugo ang biktima at nakahandusay malapit sa kanilang sala kung saan ay sinubukan pang dalhin sa ospital para isalba ang kanyang buhay.Lumalabas sa imbestigasyon na naghihinala ang suspek na may ibang lalaki ang biktima sa UAE na dahilan ng krimen.

Napag-alaman na nitong araw lamang ng Sabado, Hunyo 22, dumating ng Pilipinas si Daisy mula UAE.

Please follow and like us:
Read More

KASO VS ASSET SA KIAN SLAY ISINAISANTABI

(NI ALAIN AJERO)

ISINAISANTABI ng Caloocan Regional Trial Court (RTC) ang kasong murder at pagtatanim ng baril at droga laban sa umano’y adik na nagsilbing asset ng mga pulis na pumatay kay Kian delos Santos matapos mabigo ang tagausig na makapagharap ng testigo sa dalawang pagdinig.

Iniutos ni Judge Rodolfo Azucena Jr. ng Caloocan RTC Branch 125 ang provisional dismissal ng kaso matapos na hindi matagpuan ang 14-anyos na neneng na sinasabing nakasaksi sa pamamaslang para tumestigo laban kay Renato “Nonong” Loveraz.

Si Loveraz ang umano’y asset ng mga ikinulong na sina S/Sgt. Arnel Oares, Patrolman Jeremias Pereda at Patrolman Jerwin Cruz na napatunayang nagkasala sa papatay kay Delos Santos sa isang umano’y operasyon laban sa droga dalawang taon na ang nakararaan.

Napag-alamang natagpuan si Loveraz ng korte nang matuklasan ng tagausig na nakapiit ito dahil din sa pagkakasangkot sa droga.

Nakasaad sa provisional dismissal, na hindi sinalungat ng panig ng tagausig at depensa,  na kapag hindi natagpuan ng tagausig ang kanilang testigo sa loob ng dalawang taon ay tuluyan nang maibabasura ang kaso.

Nabatid na nagpadala ng liham ang panig ng tagausig sa tanggapan ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na siya umanong may kustodiya sa testigo ngunit bumalik ang sulat sa nagpadala.

 

 

Please follow and like us:
Read More

SUSPENSIYON NG DOLE SA GMA-7 NAKAAMBA

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ANG konsulta ngayon sa isang pribadong doctor ay P700 ang pinakamababa. Magkano kaya ang babayaran kung naka-istambay siya sa isang shooting o taping na minsan ay inaabot ng maghapon at magdamag pa? Ang isang private nurse ay binabayaran ng 1500 piso sa maghapong trabaho, at karaniwang twelve hours lamang iyan. Magkano ang rental ng isang ambulansiya sa isang oras? Ang ambulansiya at kailangang kumpleto sa gamit, may stretcher, may oxygen tank, kumpleto ng lahat ng gamot at may crew para magpatakbo noon at bumuhat ng pasyente nang tama.

All in all, tinataya naming aabutin ng 20 libong isang araw ang dagdag sa gastos sa shooting kung magkakaroon lamang ng additional medical personnel kagaya ng itinatadhana ng Occupational Safety and Health law.

Sa isang network, karaniwan na ang dalawa hanggang tatlong tapings ng mga serye nila sa araw-araw. May mga pelikula ring nagsi-shooting. Kung bibilangin mo sa isang buwan, mas malaki pa ang gastos sa mga safety measures na iyan, kaysa sa puhunan sa isang indie film.

Mahigpit ang batas. Depende kung ano ang lalabas sa kanilang imbestigasyon, pero sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na posibleng mapagmulta ang GMA ng P100,000  at masuspinde ang network. Iyong P100,000 maliit iyan para sa network. Isang commercial lang nila milyon na ang halaga. Pero iyong suspensiyon, iyon ang matindi. Ibig bang sabihin noon ay wala silang broadcast?

Ang usapan noong isang gabi, lalo na raw dadami ang mga Koreanovela at mga Chinese drama sa telebisyon kung ganyan nga kahigpit ang batas. Mas mura kasi kung bibilhin mo na lang ang mga serye at ipapa-dub mo na lang. Wala ka pang sakit ng ulo at iintindihing madidisgrasya.

Kailangan ang batas na iyan, pero nakatatakot isipin na baka dahil diyan, umurong na nga ang mga film at television producers.

Parang joketime?

PORNHUB SINABIHAN NG PNP NA ALISIN ANG SEX VIDEO NG MGA UNDERAGE

Mayroon pang isang nakakatawang balita. Sinabihan na raw ng PNP ang porno site na Pornhub, na alisin ang mga sex videos ng mga kabataang Pilipino. Diyan sa pornhub na iyan may lumalabas talagang porno ng mga pinoy, at bukod doon, diyan kumakalat ang mga video scandal ng mga artista.

Ilan na nga ba iyong mga sex videos na nakita naming may nakalagay pang “Pornhub”.

Ipina-block na iyan ng National Telecommunications Commission, pero may nagagamit na mga applications para maitago at mapalitan ang IP address ng user at makaka-konekta pa rin siya sa nasabing porn site. Diyan dapat na pumasok ang pagdisiplina ng mga magulang. Katungkulan nilang bantayan kung ano na ang ginagawa ng kanilang mga anak.

 

 

Please follow and like us:
Read More

HIDDEN EAGLE DINAGIT ANG 5TH PPP RACE

(PHOTO BY JHAY JALBUNA)

ISANG makapigil-hiningang bakbakan sa meta ang nasilayan ng mga karerista  sa naganap na PHILRACOM Charity Race 5th PPP sa Santa Ana park, Naic, Cavite.

Pagsungaw ng rekta, nagkapanabayan sina Oasis at Lollipop , ngunit bigla lang nirematehan nina Hidden Eagle at Speak Easy.

Nagpakitaan ng talento ang dalawang hinete na sina class A riders John Alvin Guce na sinakyan si Hidden Eagle at Jeffril Zarate na sumakay kay Speak Easy.

“Ang galing ng mga hinete siyempre pati kabayo, sana palaging ganyan ang labanan,” hayag ni Lito Balbuena, veteran karerista.

Ulo lang ang nilamang ni Hidden Eagle kay Speak Easy, inilista nito ang tiyempong 1:19.8 minuto sa 1,300 meter.

Nakopo rin ng may-ari ng Hidden Eagle ang added prize na P20,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Club Inc.

Tumersero si Oasis habang dumating na pang-apat si Lollipop.

Please follow and like us:
Read More

BENTAHAN NG SHABU SA INMATES; 2 DINAKMA

arested12

(NI KEVIN COLLANTES)

DINAMBA ng mga pulis ang dalawa nilang duty police auxiliaries nang maaktuhang nagbebenta ng shabu sa mga inmate ng San Mateo Municipal Police Station (MPS), sa Rizal nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Rizal Police Provincial Director P/Col. Lou Evangelista, ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Joel Brabante at Erickson Llada, at mga duty police auxiliaries na nakatalaga sa San Mateo MPS, sa General Luna Street, Barangay Guitnang Bayan 1, San Mateo.

Ang mga suspek ay kapwa nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), nabatid na dakong ALAS-8:35 ng gabi nang maaresto ang mga suspek habang nasa aktong nagbebenta ng shabu sa mga inmate.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga custodial officer ng San Mateo MPS mula sa isang confidential informant na ang mga suspek ay nakatakdang magpuslit at magdeliber ng shabu sa loob ng kanilang custodial jail.

Minanmanan naman ng mga pulis ang mga suspek at kaagad na dinakma habang nasa akto na nagbebenta ng ilegal na droga sa mga bilanggo.

Narekober ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang isang P500 bill na pinaniniwalaang drug money habang kumpiskado rin ang isang pakete na may lamang .9 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,500.

Nabatid na ang naturang shabu, na ibinalot pa umano ng mga suspek sa P20 bill upang maipuslit sa bilangguan, ay nakumpiska ng mga awtoridad mula sa inmate na si Crispin Cervera, na inaresto rin ng mga awtoridad.

 

Please follow and like us:
Read More

MARINO MAY LIBRENG SAKAY SA MRT-3, LRT2

(NI KEVIN COLLANTES)

MAY kaloob na libreng sakay para sa mga Pilipinong marino ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ngayong Martes, Hunyo 25.

Nabatid na ito ay bilang pakikiisa ng Department of Transportation (DOTr), na siyang namamahala sa MRT-3, at ng Light Rail Transit Authority (LRTA), na siya namang nangangasiwa sa LRT-2, sa pagdiriwang ng ‘Day of the Filipino Seafarer 2019’.

“Magandang balita! May libreng sakay ngayon, ika-25 ng Hunyo 2019, sa MRT-3 at LRT-2 para sa mga Pilipinong marino!” anunsiyo ng DOTr.

“Bilang pakikiisa ito ng DOTr MRT-3 at LRTA sa taunang pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer,” dagdag pa nito.

Nabatid na ang libreng sakay sa mga Filipino seafarers ng MRT-3 ay nai-avail ng mga ito mula 5:30 ng madaling araw hanggang 10:30 ng gabi, habang ang free ride naman sa LRT-2 ay mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Kinailangan lamang ng mga Pilipinong marino na magprisinta ng kanilang Seafarer’s Identification at Record Book (SIRB) o MARINA ID sa mga ticket seller o Security Personnel sa istasyon kung saan sila sasakya upang maka-avail ng free rides.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe mula North Avenue, Quezon City hanggang sa Taft Avenue, Pasay City via Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), at pabalik, habang ang LRT-2 naman ang siyang nag-uugnay sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila at Santolan sa Pasig City.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

PACQUAIO PAHINGA MUNA SA TRAINING

(NI LOUIE AQUINO)

KINANSELA ang Saturday’s (Sunday sa Manila) fans day at gym activities ni fighting Senator Manny Pacquaio upang makapagpahinga ito mula sa matinding preparasyon para sa darating na laban kontra WBA “super” 147-pound champ Keith Thurman sa July 20 sa MGM Grand Arena, Las Vegas.

Ayon kay assistant trainer Roger “Haplas” Fernandez napagod ng husto si Pacquaio noong Biyernes sa training at pati na sa pitong oras na taping nito para Fox televison kaugnay sa promosyon ng laban nila ni Thurman.

Sa ulat na lumabas sa Manila Times, tiniyak ni Fernandez na nasa tamang kondisyon ang Pambansang Kamao bagama’t kailangan nito ng sapat na pahinga dahil may jet lag pa rin ito.

Sinegundahan naman ito ni Marvin Somodio, dating assistant ni coach Freddie Roach sa Wild Card Gym na kinuha ni Pacquiao para tumulong sa kanyang ensayo.

“Sa totoo lang, a person needs at least 14 days to fully recover from jet lag. In the case of Manny, he can recover in a short period of time because he’s an athlete.

“Problem is after only two days following his arrival in LA sumabak na agad sa ensayo. That’s not enough,” paliwanag ni Somodio,

Dumating  noong nakaraang Linggo ang 40-anyos na WBA regular welterweight crown champ at agad sumabak sa matinding training kabilang na ang gym workout sa Wild Card Gym, pagtakbo at pag-akyat sa Griffith Park mountains.

Please follow and like us:
Read More

COP KILLER PATAY SA ENCOUNTER

shoot

(NI CYRILL QUILO)

SA halip sumuko, pinili ng isang gun-for-hire suspect na makipagbarilan sa mga pulis na  maghahain ng search warrant, Martes ng madaling araw sa Batangas.

Patay si Aries Perez, alyas Randy Ferrer, nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis-Balayan.

Sinasabing akusado si Perez sa pagpatay sa isang pulis-Balayan  sa Sitio Lipatan Brgy. Lucsuhin, Calatagan Batangas.

Ang suspect ay miyembro umano ng Rodriguez gun-for-hire group na nag-ooperate sa 1st District ng Batangas.

Pangunahing suspect din si Perez sa pagkamatay ni SPO1 Botavara ng Balayan MPS.

Ayon sa Calatagan Municipal Police Station, papalapit pa lang ang mga pulis upang ihain ang search warrant sa kanyang tahanan, nang bigla na lang itong nagpaputok l kaya’t nakipagbarilan na rin ang mga otoridad.

Dinala sa Calatagan Medicare Hospital ang suspek ngunit ideneklara itong dead on arrival ng doktor.

Narekober sa crime scene ang 1 cal.38 revolver, 1 magazine ng cal.45 pistol at loaded ng mga bala.

Please follow and like us:
Read More

ROTC MAY KONTROBERSYA: BAKIT DI NA MANDATORY?

(Ni Dan Salcedo / Ikalawang bahagi)

BAGO tumapak ang 2000, umusbong na ang mga sama ng loob,  kawalan ng kasiyahan at reklamo  hinggil sa pangangasiwa at korapsyon sa programa.

Sa kasagsagan ng mga alegasyon at karaingan ay naganap ang isang trahedya na nagkaroon ng malakas at ma­tinding epekto sa programa ng ROTC.

Natagpuang patay ang estudyante ng University of Santo Tomas na si Mark Chua,  ang kanyang katawan ay nakalutang sa Ilog Pasig noong Marso 18, 2001.

Bago ang kanyang kamatayan, ibinunyag niya at ng isa pang estudyante ang umano’y korapsyon sa yunit ng ROTC ng nasabing unibersidad.

Ang insidente ay nagsindi ng galit, naging mitsa ng mga protesta.

Bilang tugon,  umaksyon sa hamon ang Kongreso.  Nagkaroon ng maraming panukalang batas at resolusyon sa dalawang kapulungan bilang sagot sa hiyaw ng pait at galit. Karamihan sa mga panukala ay kumilala sa pagkamatay ni Chua bilang dahilan ng pagbabago. 

Naging optional na ang ROTC noong 2001.

 ISINILANG ANG NSTP

Taong 2002, ang Republic Act No.  9163 o ang National Service Training Prog­ram Act ay ginawang batas, na pinapayagan ang mga estud­yante sa kolehiyo na pumili sa pagitan ng ROTC at community service bilang bahagi ng kinakailangang National Service Training Program.

Ang National Service Training Program (NSTP) Act of 2001  ay tugon ng Kon­g­reso sa sigaw at panawagan ng pagbabago sa programa ng ROTC.

Pinagtibay ito noong Ene­ro 23, 2002.

Sa   NSTP Program, ang lahat ng kumukuha ng degree at technical vocational na kurso sa pampubliko at pribadong paaralan ay obligadong sumailalim sa isa sa tatlong programa, isa rito ang ROTC,  ng dalawang semester.  Ang ROTC na kinakailangan para sa graduation ay hindi na ipinatupad.

Sa pagsasaliksik,  sa ma­higit sampung taon,  mula 2002 hanggang 2012, ang Civic Welfare ay nagkaroon ng 10,614,000 na nagtapos, habang ang ROTC ay may 1,435,000 reservists sa  Armed Forces of the Philippines  at ang  Literacy Training ay may  538,700 na nagtapos.

Noong 2006, naging sponsor si Alfredo Lim ng Senate Bill 2224 at si Rep.  Eduardo Gullas ng House Bill 5460, na naghahangad na maging mandatory uli ang ROTC.

Nagpahayag din ng kagustuhan na maging sapilitan ang ROTC si DND Sec. Voltaire Gazmin noong 2013 na sinalubong ng protesta ng mga grupo ng kabataan

Naghain naman ang mga miyembro ng House of Repre­sentatives 16th Congress na ilang panukalang batas na may kaugnayan sa programa ng ROTC

MANDATORY ROTC,  TRIP NI DU30

Noong 2017, inaprubahan ni President Duterte ang panukalang ibalik ang mandatory ROTC para sa mga estudyante sa senior high school.

Nauna nang naipasa ng House of Representatives ang bersyon nito noong Mayo 21, 2019.

Sinertipikahan ng Pa­ngulo  bilang urgent ang Senate Bill No.  2232 sa pamamagitan ng sulat kay Senate President Vicente Sotto.

Sa sulat,  sinabi ni Duterte na kailangan ang batas na magbabalik sa basic military at leadership training para sa mga kabataan upang pasiglahin ang nasyonalismo at pagkamakabayan na kailangan sa pagtatanggol sa bansa, at maitaguyod ang papel sa pagpapaunlad ng bansa.

Ang sertipikasyon ni Duterte ay nagpapahintulot sa Senado na ipasa ang panukala sa 2nd reading  gayundin ang ikatlo at pinal na reading sa parehong araw.

NAKABINBIN

Hindi pa maipapatupad ng DepEd ang ROTC sa Senior High School sapagkat pumasa lang ito sa House of Representatives, at hindi pa ito batas.

Hindi pa ito pasado sa Senado kaya hindi hahantong sa kasunduan ang dalawang kapulungan upang tapusin na ito bilang batas.

Ang panukalang batas ay ihahain muli sa sunod na Kong­reso at dahil sinertipikahan ito ng Pangulo bilang prayoridad na panukala ay may katiyakan na mabilis na aksyon dito.

Gayunman,  ang Kong­reso ay opisyal na magtitipon-tipon sa Hulyo 23.

May hakbang na ipatutupad ng DND at ng AFP ang ROTC sa 100 pilot schools.

Ayon kay Undersecretary for Administration Alain del Pascua,  hindi maiimplementa ang pilot program dahil may umiiral na batas na ginawang voluntary ang ROTC.

Hindi umano basta makapaglalabas ng memorandum o pumasok sa joint circular ng AFP at DND upang gawin itong mandatory kahit ito ay sa pilot schools.

Please follow and like us:
Read More

GREYHOUND NG BJMP-NCR ‘DI MAKATOTOHANAN

KAAA BOOM

MISTULANG bogus ang umano’y isinagawang greyhound sa mga jail facility ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP)- National Capital Region (NCR). Bakit ko nasabi?

Ito kasi ang siste, ayon kay BJMP-NCR Director P/Chief Supt. Ignacio Panti, apat na kulu­ngan na raw ang kanyang isinailalim sa greyhound kung saan nakarekober sila ng mga contraband gaya ng improvised weapons, cellphones at suspected shabu. Ano daw ‘yun suspected shabu? May magpapasok ba sa kulungan ng pekeng shabu? Nalintikan na e ‘di riot yun!

Ang siste pa, hindi binanggit ni Panti kung saang kulungan nakakuha ng pinaghihinalaang shabu at tanging sinabi lamang nito na kasama sa kanilang ininspeksyon ay ang Quezon City Jail (QCJ), Taguig City Jail male and female dormitory. Teka lang, ang tanong, sino sa mga ito ang nakuhanan ng suspected na shabu? Ang Quezon City Jail na naman ba?

Matatandaan na isinulat ko nitong nagdaang kolum ko ang pagkakatuklas na muling nakapapasok ang shabu sa Quezon City Jail na una nang idineklarang drug free ng PDEA sa pamumuno noon ni P/Supt Ermilito Moral. Subalit nasayang lamang ito.

Ano ba, magmimini-mini-may-nimo na lang ba tayo para malaman kung saan nakuha yung droga sa mga jail faci­lity na isinailalim sa greyhound ni General Panti? Hulaan blues, ika nga?

Ang problema kasi, paano maniniwala na nagsagawa ng mga pag­hahalughog ang BJMP-NCR sa mga kulungan e wala naman kayong isinasama na mamamaha­yag para siyang witness at makita ang totoong kalagayan ng isang jail at kung saan talagang mga kulungan sa kalakhang Maynila ang may iligal na droga.

Bakit kaya hindi nagsasasama ng media sa greyhound si General Panti?  May itinatago ba kayo sir? Mayroon bang hindi dapat na makita ng mga mamamahayag sa iyong greyhound operation?

Ang katanungan ko ngayon sayo, General Panti ay ganito – may iligal na droga ba sa NAVOTAS City Jail? may iligal na droga ba sa MALABON City jail? Sa CALOOCAN City Jail kaya? sa VALENZUELA City Jail? sa MANILA City Jail? sa Quezon City Jail? sa SAN JUAN? MANDALUYONG? MAKATI? PARAÑAQUE? sa MMDJ QC ANNEX? BICUTAN? PATEROS at RODRIGUEZ Rizal City Jail?

Isa pang tanong, sir Panti? Gaano kaya karami ang inyong nakumpiska na suspected shabu sa hinalughog na mga jail faci­lity? Hindi nga namin alam dahil kayo-kayo lang ang nakaaalam di ba?

Natatandaan ko kasi na noong si namayapang J/Chief Supt. Michael Vidamo ang director ng BJMP-NCR, laging siyang nag-iimbita ng media tuwing may greyhound operation para masabi na makatotohanan ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga sa mga jail facility.

Tanong ko rin sa inyo, Sir Panti, mga ilang gramo ng shabu kaya ang dapat na makuha sa isang jail para maalis sa pwesto ang warden? Ilang beses kaya dapat na makahuli ng illegal drugs bago masibak ang warden?

Nangako raw si Panti na magpapatuloy ang pagsasagawa nito ng greyhound operation sa mga city jail na nasasakupan nito.

Subalit wala itong kwenta o magiging bogus lamang ito kung hindi siya magsasama ng mamamahayag para malaman kung alin sa mga jail facility ang patuloy na napupuslitan ng iligal na droga.

Kaya naman ang hamon ko kay General Panti, sa mga plano nyo na paghahalughog e mag-imbita kayo ng media iyan ay kung wala kayong tinatago o ibig protektahan na warden.

oOo

Para sa inyong mga rek­lamo at sumbong, i-text lamang ang inyong lingkod 09568824903 o mag-email sa joelive1298@yahoo.com

Makinig sa DWWW 774 Your Ultimate NewSic Radio, OPINYON MO, OPINYON KO Lunes hanggang Biyernes, 5:30am – 9am. (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:
Read More

KAI SOTTO IMPRESIBO KONTRA AL RAYYAN

MAS impresibong Kai Sotto ang nanguna sa Gilas Pilipinas Youth sa 79-54 panalo nito kontra Al Rayyan kahapon sa Doha, Qatar.

Ang game laban sa Al Rayyan ay bahagi ng dalawang  tuneup games bilang preparasyon ng Batang Gilas para sa 2019 Fiba Under-19 World Cup.

Nagposte ang 7-foot-2 na si Sotto ng 19 puntos sa episyenteng 7-of-10 shooting, dalawang rebounds, dalawang assists, dalawang blocks at isang steal sa 26 minutong paglalaro nito.

Nagambag naman ang frontcourt partner niyang si AJ Edu ng six points, seven boards, five assists at three blocks; eight points at five rebounds mula kay Geo Chiu; at tig-nine points naman sina Rhayyan at Gerry Abadiano.

Nagpakita ng mas magandang ball movement ang Batang Gilas sa kabuuang 26 assists ng team at pinuwersa ang Al Rayyan sa 23 turnovers.

Lumamang ng hanggang 30 points, 79-49, pa ang 14-man lineup ni coach Sandy Arespacochaga, na ginamit ang lahat ng kanyang players sa naturang game.

Ayon kay Arespacochaga, gusto niyang makita ang laro ng lahat ng players bago niya madesisyunan ang kanyang final roster.

Muling haharapin ng Gilas Youth ang Al Rayyan sa Miyerkoles bago ito tumulak sa Heraklion, Greece para sa global youth basketball showpiece.

Please follow and like us:
Read More

BARIL NA HAWAK NI MANOY NUNG MATUMBA, KANINO?

PANALO KA

MAY naglabasan na mga ulat na ang ripleng hawak-hawak ng batikang actor na si Eddie Garcia, o mas kilalang Manoy, ang tumama sa kanya na posibleng isa sa mga sanhi ng pinsala sa kanya nang siya ay mapatid sa kable at madapa sa set ng teleserye ng GMA7. Noong Huwebes ng nakaraang linggo, binawian na ng buhay ang aktor makaraan ang ilang araw na pagkaka-ospital.

Sa footage, riple ang hawak ni Manoy nang siya ay madapa. Kung anong klaseng riple ito ay wala pa akong alam. Pero ang akin lang, marami akong tanong gaya nang kanino at rehistrado ba ang riple.

Sa batas, tanging military at pulis at iba pang sangay ng law enforcement units ng gob­yerno ang puwedeng magkaroon ng mataas na kalibre ng baril gaya ng M-16 at M14 at iba pang mataas na klase ng riple. Bawal ito sa sibilyan.

Kaya malamang ang ripleng hawak ni Manoy nang siya ay madisgrasya ay mula sa isang pulis o sundalo, posibleng rumaket ang may hawak nito. O kung hindi naman, “loose firearm” ito.

Tingin ko, dapat magpaliwanag ang production manager ng set ng GMA7. May mga importanteng bagay na dapat ipaliwanag niya sa Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philip­pine National Police (PNP) para makaiwas sa anomang pananagutan sa Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10591, o ang Firearms Law.

oOo

Para sa Malakanyang, tapos na ang boksing sa trahedyang sinapit ng 22 na mangingisda natin mula sa mga mapang-aping Intsik sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS). Hintayin na lamang natin ang resulta ng opisyal na imbestigasyon at “pag-aayos” sa gusot sa pagitan ng gob­yerno natin at gobyerno ng China.

Isaksak sa baga niyo ang joint PH-China investigation na ‘yan! Sa puntong ito, kakampi ako ni Teddy Boy Locsin, ang aking dating boss sa pahayagang Today na nga­yon ay kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Dahil sa paulit-ulit na insidenteng ito sa ating karagatan na ang sangkot ay mga Intsik laban sa a­ting mga mangingisda, baka bukas o sa susunod na araw ay ang kinakalawang na barko naman natin sa Ayungin Shoal ang babang­gain ng mga Intsik.

Ang kalawanging barko ay kung saan nagsisilbing detachment ng ilan nating sundalo ng Philippine Marines. Malapit lamang ito sa Pagasa Island kung saan meron din tayong mga sundalong nakadestino doon at mga sibil­yan. Ang Ayungin at Pagasa ay sakop ng munisipalidad ng Kalayaan Island Group (KIG), Palawan.

oOo

Kaabang-abang itong binubuong programa sa tele­radyo hinggil sa ating lumala­gong gun industry na dapat suportahan ng mga lehitimong kompanya na nasa negosyo. Well, nasa kamay ni FEO chief Police Brigadier General Valeriano De Leon kung matutuloy ito o hindi.

Alam niyo po, kapag u­sapin ng baril sa ating bansa ay marami ang natatakot dahil sa umiiral na paglipana ng private armed groups o PAGs. Nariyan din ang di matapos-tapos na rebelyon ng iba’t ibang grupo laban sa ating gobyeno. At mas takot ang mamamayan sa terorismong dala ng mga Islamist group.

Sa binubuong programa, sana matuloy, dito komprehensibong tatalakayin ang U­SAPANG BARIL sa pangu­nguna ng tanggapan ng FEO, paano maging responsible gun owner, ang kasanayan sa baril bilang sports, ang lumalagong gun industry sa ating bansa, at marami pang bagay na dapat talakayin at pag-usapan.  (PANALO KA! /  FLORANTE SOLMERIN)

Please follow and like us:
Read More

BAKIT WALANG AKSYON SI COL. DECENA SA MGA ILIGAL SA APALIT, PAMPANGA?

BAKBAKAN NATIN

ILALATAG ko lang ang nagaganap na iligalidad sa Apalit, Pampanga, pero kayo na ang mag-isip ng dahilan kung bakit walang aksyon si Col. Elmer Decena.

Kung jueteng ang pag-uusapan, walang dudang hanggang ngayon ay napakatalamak ng jueteng sa Apalit dahil bahagi ito ng Pampanga na kilalang teritoryo ng mga Pineda.

Ang bago lang dito ay walang silbi ang small town lottery (STL) ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa bookies ng STL.

Ngunit, walang napapabalita sa media na ipinahuli ni Col. Decena ang mga taong sangkot sa bookies ng STL, gayong hindi maikakaila ng hepe ng pulisya ng Apalit na ito na iligal ang bookies ng STL.

Tapos, merong color games at drop ball sina alyas “Raymond” at alyas “Gemma” sa Brgy. Capalangan na nakapuwesto mismo sa tapat ng Iglesia ni Cristo.

Malinaw na pambabastos ito sa pamunuan at mga kasapi ng Iglesia sa Apalit, ngunit hinahayaan lamang ni Col. Decena.

Ang pinakamatindi sa kapalpakan ni Col. Decena ay mayroong mga establisimyento sa Brgy. Capalangan na ayon sa intelligence report ay dalahan at taguan ng mga ninakaw o kinarnap na mga sasakyan.

Pero, ang mga sasakyang ito ay hindi na matutunton ng mga may-ari dahil natsaptsap na.

Samakatuwid, napaghiwa-hiwalay na ang mga piyesa ng nakarnap na mga sasakyan at ibebenta sa bilihan ng mga piyesa ng sasakyan.

Ayon sa sources, matagal nang nakara­ting sa tanggapan ni Col. Decena ang mga impormasyon tungkol sa mga pasugalan at kinarnap na mga sasakyan, ngunit hindi umaksyon si Col. Decena.

Ayaw kong isiping mayroong natatanggap si Col. Decena na lingguhang tara mula sa nagpapatakbo ng jueteng sa pamamagitan ng bookies ng STL, kina alyas Raymond at alyas Gemma at sa mga tindahan ng mga piyesa ng sasakyan na binabagsakan ng mga piyesa mula sa mga karnap na sasakyan, sapagkat wala akong “matibay, malakas at sapat” na batayan at katibayan laban kay Col. Decena.

Ngunit, kayong mga makababasa ng kolum na ito ay siyang mag-isip, magpasya at manghusga kung ano – anu-ano ang dahilan bakit walang aksyon si Col. Decena laban sa mga iligal na sugal at problema ng carnapping.

BOOKIES NG STL NI ‘JUETENG LORD’ TEE PANG

SA QC BALEWALA KAY GEN. ESQUIVEL

NAMAMAYAGPAG ang jueteng operations ni alyas “Dodong” mula distrito 1 hanggang 6, maliban sa distrito 4 at 5, ngunit hanggang sa sinusulat ito ay wala tayong nababalitaang may nahuli ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na hanggang ngayon nasa ilalim ng liderato ni Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr.

Ang madalas na­ting matanggap mula sa Public Information Office (PIO) ng QCPD na pinamumunuan naman ni Cap. Rohaina Asalan ay naglabas na ng direktiba si Esquivel laban sa jueteng ni alyas Dodong.

Habang mino-mo­nitor ko ang kongkretong aksyon ng QCPD upang madakip mismo si alyas Dodong, biglang may nagparating sa akin na tuluy-tuloy ang jueteng operation ni alyas “Tee Pang” kung saan ang base nito ay sa Cubao.

Ilang ulit nang lumulutang ang pangalan ni alyas Tee Pang kapag jueteng ang pinag-uusapan, ngunit hindi naman siya ginalaw ng QCPD kahit minsan laban sa jueteng.

Ang bago sa iligalidad ni alyas Tee Pang ay gamit niya ang STL ng PCSO tulad ng ibang jueteng lords.

Sa pamamagitan ng bookies sa STL, nakakapag-opereyt ang jueteng ni alyas Tee Pang kung saan walang dudang higit na malaki ang kinikita niya kumpara sa ligal at lehitimong operasyon ng STL, alinsunod sa alituntin ng PCSO rito.

Ang totoo, beteranong jueteng lord na itong si alyas Tee Pang na ang base ay Cubao noon pa man.

Bukod sa bookies ng STL/jueteng, may mga KTV Bar din ito na prostitusyon naman ang pangunahing putahe.

Kung tutuusin, maaa­ring sampahan ng kasong human trafficking si alyas Tee Pang dahil ang pagkaladkad sa kababaihan na pawang menor de edad ang karamihan ay ma­linaw na porma ng human trafficking alinsunod sa batas ng ating bansa.

Ayon sa sources, hindi lang sa jueteng beterano si alyas Tee Pang kundi maging sa prostitusyon at human trafficking.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi umaksyon si Esquivel laban sa iligalidad ni alyas Tee Pang at maging kay alyas Dodong na isa pa ring jueteng lord.

Tapos, naghahangad na maging direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Esquivel.

Wala ring aksyon si Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao laban sa bookies ng STL at mga club ni alyas Tee Pang.

Paano magiging colonel itong si Caliao kung palpak pag dating sa iligalidad ang pag-uusapan? (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More