MISIS AYAW MAKIPAGBALIKAN SA MISTER ITINUMBA

crimeshooting12

(NI JEDI PIA REYES)

TODAS makaraang pagbabarilin ng dating kinakasamang lalaki ang 41-anyos na babae nang tumanggi itong makipagbalikan at ipagpalit sa ibang lalaki sa Quezon City.

Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktimang si Edna Camino Asis, 41, housewife,  at residente ng Duhat St., Brgy. Payatas ng nasabing lungsod.

Tinutugis naman ng mga otoridad ang suspek na si Ben Ogsemer Matiga, construction worker, at naninirahan sa Salvador St., San Isidro, Montalban, Rizal.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-8:00 ng Linggo ng gabi sa Duhat St., ng nasabing barangay.

Katatapos lamang umanong makipag-inuman ng biktima sa kanyang bagong kinakasamang lalaki na nakilalang si Dennis Martija.

Lumabas umano ng bahay ang biktima subalit mabilis din itong pumasok at sinabihan ang bago niyang ka-live in na nasa labas ang dati niyang mister kasama ang kanilang anak na lalaki.

Nagpasyang kausapin nina Martija at Camino si Asis subalit papalabas pa lamang ang dalawa sa bahay ay pinaputukan na sila ng improvised firearm ng suspek. Hindi tinamaan ang kinakasama ng biktima.

Matagal na umanong nakikiusap ang suspect sa biktima na magbalikan ang mga ito ngunit tumanggi ang biktima.

Nang duguang bumulagta ang babae ay agad na tumakas ang suspek habang isinugod naman ni Martija sa East Avenue Medical Center ang biktima subalit namatay din makaraan ang ilang oras dahil sa  tinamong mga tama ng bala ng baril sa kanan at kaliwang kamay.

Please follow and like us:
Read More

VIRAL DONNALYN BARTOLOME DAPAT MAGPA-SEXY

(NI ED DE LEON)

pwede ed deleon

Napanood namin iyong music video noong si Donnalyn Bartolome, na aabot na rin sa milyon ang views sa internet. Music video iyon noong kanyang “Di Lahat”, na ang tema ay hindi lahat ng magandang babae ay manloloko. Kaya tama “sorry ka Andrew E”.

Pero ang nakatawag sa aming pansin, iyong eksena ng music video sa bath tub. Nakalubog namang si Donnalyn sa tubig, pero napaka-sexy ng dating. Kaya ang sinasabi nga nila, mas ok kung mag-artista rin iyang si Donnalyn. After all wala na tayong medyo batang sexy sa ngayon. Iyan ang masasabi mong ang dating parang si Alma Moreno talaga noong araw.

Please follow and like us:
Read More

SEX VIDEO NG 2 MINOR PINAALIS NG PNP SA PORNHUB

pnp

(NI JESSE KABEL)

PINAGBIGYAN agad ang kahilingan ng Philippine National Police (PNP) na alisin ng Canadian pornography streaming websites na Pornhub ang self-made sex video  ng dalawang senior high school students mula sa private schools sa Cagayan de Oro.

Sa ulat ng PNP Headquarters sa Quezon City , nakipag ugnayan ang PNP Anti-Cybercrime Group-10 na nakabase sa Northern Mindanao sa Porhub para alisin ang sex video scandal ng dalawang menor de edad

Ayon kay P/Staff Sgt. Ritchel Tesoro, ACG 10 investigator, agad silang nakipag-ugnayan sa nasabing Canadian website matapos dumulog sa kanilang tangapan ang ama ng 17-anyos na senior high school student na nasa sex video.

Nabatid na sa pagdulog sa kapulisan ay lumapit din ang ama ng isa sa mga nasa sex video sa National Bureau of Investigation (NBI) para maghain ng reklamo laban sa 16-anyos na ex-boyfriend ng anak dahil sa pagkuha at pagpapakalat ng malaswang video.

Posibleng maharap ang dating boyfriend sa paglabag sa  video voyeurism at violations of anti-child pornography law and laws on violence against women.

Nagbabala rin ang PNP sa mga tgaong nag-iingat ng nasabing video, dahil maari rin silang maharap s akaukulang kaso dahil sa pagtatago, pag shared, o maging instyrumento para distribution ng videos.

Nagpaskil ang PNP-ACG 10 sa  social media na nagsasaad na public warning against spreading the pornographic videos or they would be liable under the law.

Citing Section 4 of the Anti-Child Pornography Act (RA 9775), ACG 10 said it would be unlawful to “publish offer, transmit, sell, distribute, broadcast, advertise, promote, export or import any form of child pornography” or even to access or posses it.

Please follow and like us:
Read More

MAHIGIT P60-M SHABU NASAMSAM SA BATANGAS FARM


(NI JG TUMBADO)
NASA kabuuang P68 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang drug suspek sa Lipa City, Batangas, Lunes ng hapon.
Binubuo ng 10 selyadong Chinese tea bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa 10 kilo ang bigat ang nasamsam ng awtoridad.
Kasabay ng operasyon ay ang pagkakadakip sa suspek na si Eugene Fernandez, nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Batangas Provincial Police Office (BPPO)-Provincial Intelligence Branch, Mobile Force Company-SWAT, Drug Enforcement Unit, Lipa City Police at Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office 4, dakong alas-2:30 ng hapon sa Barangay San Francisco.
Bukod sa nakuhang kontrabando nasamsam din sa posesyon ni Fernandez ang isang cal. 45 pistol colt MK IV, isang magazine na may 8 bala, mga tuyong dahon na hinihinalang marijuana, dalawang halamang marijuana na nakatanim sa paso at isang digital weighing scale. 
Ikinasa ang operasyon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Cynthia Mariño Ricablanca ng Regional Trial Court (RTC)-Tanauan City.
Mahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions.

Please follow and like us:
Read More

KADAMAY NAG-RALLY SA CRAME


(NI AMIHAN SABILLO)

SINUGOD ng nasa 70 miyembro ng Kadamay bitbit ang kani-kanilang mga banner na may nakasulat na “itigil ang gawa gawang kaso” sa gate 2 ng Camp Crame, Lunes.
Panawagan ng grupo na itigil ang patuloy na pag-atake sa mga mahihirap sa pamamagitan ng mga polisiya at kampanya na hindi makatao.
Kabilang na dito ang Oplan Tokhang ng PNP, Oplan Kapayapaan ng AFP at Martial law sa Mindanao.
Tinuligsa rin ng grupo ang tatlong matataas na opisyal ng sandatahang lakas ng Pilipinas na sina AFP Chief of Staff Benjamin Madrigal, AFP Deputy Chief of Staff for Military Operations Major General Antonio Parlade Jr at PNP Chief Police General Oscar Albayalde.
Giit ng grupo, sa tatlong taon na pamumuno ni Pangulong Duterte ay patuloy ang mga paglabag sa karapatang pantao dahil sa bukod sa mga inosenteng napapatay ay mayroon ding mga naarestong human rights worker.
                  

Please follow and like us:
Read More

DOLE PUMASOK NA SA PAG-IIMBESTIGA NG PAGLABAG NG GMA-7

eddie garcia12
pwede ed deleon

(NI ED DE LEON)

NASIMULAN na ba ang imbestigasyon ng GMA-7 kung bakit walang medic at ambulansiya sa set nila noong maaksidente si Eddie Garcia?

Sinasabi naman nila na requirement nila iyon sa kanilang mga tapings at shooting. Ibig sabihin alam nila, hindi lang dahil si Eddie Garcia iyon, kundi iyon ay itinakda na ng batas.

Iyang Occupational Safety and Health Standards ay nagsimulang ipatupad noon pang 1978 at nakatutuwang hanggang ngayon ay hindi pa naipapatupad iyan nang tama. Maski nga si Congresswoman Vilma Santos ay nagsabi noong isang gabi na mukhang nagkakaroon nga ng pagkukulang sa pagpapatupad ng batas na iyan lalo na sa showbusiness.

Ngayon tingnan natin kung ano ang mangyayari.

Sinabi na ni Secretary Silvestre Bello na mag-iimbestiga ang DOLE, sa pamamagitan ng Occupational Safety and Health Center na pinangungunahan ni Noel Binag bilang executive director, ang imbestigasyon sa kaso sa shooting na iyon ng GMA-7. Hindi dahil si Eddie Garcia ang nadisgrasya kung di dahil kahit na sino pa ang nadisgrasya riyan, dapat mayroong mga qualified medical personnel at isang ambulansiya para mabilis ang aksiyon kung may emergency.

Ang tagal, dalawang linggo na at hindi mo malaman kung ano ang resulta ng imbestigasyon ng GMA, o kung nasimulan na ba nila iyon. Kasi ano man ang kalabasan ng imbestigasyon nila, sabihin man nilang may nagpabaya, lalabas na tauhan din nila iyon at may pananagutan sila. Kaya mabuti na kung ang DOLE na mismo ang magsasagawa ng imbestigasyon. Una trabaho naman nila iyon. Ikalawa tiyak na ang kalalabasan ng imbestigasyon ay parehas.

 “Hindi ito ang panahon para tayo magturuan. Dapat ngayon buksan na natin ang mga mata natin na kailangan ngang mahigpit na ipatupad iyang occupational safety law. Kung kailangan pa ng amendment para mas mapalakas iyan at mapanagot talaga ang hindi susunod, iyan ang asikasuhin natin sa kongreso. Hindi lang dahil kay Manoy. Maaaring mangyari iyan kahit na kanino, kahit na sino sa mga 25,000 manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon,” sabi ni Ate Vi.

Please follow and like us:
Read More

ROOKIE COP SINAKSAK NG TARI; 6 ARESTADO SA TUPADA

(NI FRANCIS SORIANO) 

PATUNG-PATONG na kaso ngayon ang haharapin ng anim na sabungero matapos arestuhin sa iligal na tupada makaraang manlanban at manaksak ng isang pulis sa sa Kiko Camarin, Barangay 178, Caloocan City, nitong Linggo.

Kinilala ni P/Col Noel Flores, Chief of Police ng Caloocan City Police Station, ang mga suspek na sina Romy Quisay Caasi, 24, ng Goyoden, Bolinao Pangasinan; Joel Esptero, 53, residente sa Amparo Village Anahaw Barangay 18, Caloocan City; Gerald Gonzaga Batislaon, 50, residente ng Bahay Bukid, Area D, Camarin, Caloocan City; Aries Dioneda, 31, Joevito Batasan, 34, at Ruel Nebrejay, kapwa residente sa Kiko Camarin Barangay 178, Caloocan City.

Habang sugatan at agad naman dinala sa Dr. Jose Rodriguez Hospital si PCpl Lord Byron Tolentino at kalaunan ay inilipat sa FEU Hospital, Fairview, Quezon City para sa medical treatment.

Ayon sa ulat ni P/Maj Rammel Ebarle, hepe ng Police Community Precint 5, dakong alas-11:00 ng umaga noong June 23 ay isang tawag ang natangap ng naturang police station na may nagaganap umanong ilegal gambling activity sa Agape Street, Barangay 178.

Dito ay naaktuhan ng mga operatiba ang kasalukuyang tupada pero nang arestuhin na ang mga ito ay nanlanban ang sa operatiba at inundayan ng ‘tari’ si Tolentino sa tiyan.

Narekober din sa mga suspek ang dalawang fighting cock; dalawang  ‘tari’ at bet money na nagkakahalaga ng P1,000

Bunsod, nito kasong paglabag sa PD 1602 ang haharapin ng limang suspek habang si Quisay ay nahaharap naman sa Direct Assault at Frustrated Homicide.

Please follow and like us:
Read More

TOMMY: ‘I WAS GETTING VERY DEPRESSED!’

(NI BOY ABUNDA)

boy abunda

KAMAKAILAN ay nagkahiwalay na bilang magkasintahan si Tommy Esguerra at ang modelong si Kelly Day. Tumagal din ng dalawang taon ang naging relasyon ng dalawa.

Sa ngayon ay wala pang bagong kasintahan si Tommy at nasa estado pa umano ang binata ng soul-searching.

“I really needed time away. You know like when you’re so focused on what you’re doing, you almost lose sight of why you are doing it or you lose sight of the perspective of how far you’ve made it, where you’re at in life. I was getting very depressed. This is something I know people don’t talk about or my parents saying I shouldn’t say so much about what I’m going through. Whatever it’s true, it’s real life. I was going through a lot of stuff and I needed a break. My priorities were wrong. I was focusing so much on everything else but myself and what I wanted to do. I lost track of who I was. And when that happens, you’re trying your best but then nothing’s working to make you happy in a relationship. That uneasy feeling is going to come out and is going to affect you. It’s going to affect your relationship. So I had to take a hard look at myself and it’s good,” makahulugang pahayag ni Tommy.

Dumating pa raw sa puntong ayaw nang bumalik ng dating Pinoy Big Brother housemate sa Pilipinas at manirahan na lamang sa Amerika kasama ng pamilya.

“It’s kind of hard not to think about it. Because I got away and I got to relax. It’s like when you’re on vacation and you’re thinking. ‘Can I just live here forever?’ And I was with my family. I got that idea but I also was really excited to come back because I was able to fix myself and come back stronger,” kwento niya.

Huling napanood ang model-actor sa pelikulang ‘Three Words To Forever’ na pinagbidahan nina Sharon Cuneta, Richard Gomez at Kathryn Bernardo noong isang taon. Kung mabibigyang muli ng pagkakataon ay marami pang proyekto ang gustong gawin ni Tommy.

“I want to do acting, I will do it. I wanted to take a break and I did. But I also realized that I’m being blessed with the opportunity that I have. I just have to be able to balance because I need my rocks, things to keep me grounded. So I’m going to do it. I’m going to go try for what I can and join any projects to keep myself active,” pagbabahagi ng binata. -Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More

COVERED COURT GUMUHO; 9 STUDENTS SUGATAN

(NI JG TUMBADO)

SIYAM na high school students ang sugatan nang mabagsakan ng bubungan ng gumuhong covered court ng paaralan sa Zamboanga City, araw ng Lunes.
Isinugod sa Labuan Public Hospital ang mga estudyante bunsod ng tinamong mga sugat sa kanilang ulo at katawan.
Ayon sa pulisya, alas 8:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Sinubong National High School habang nasa kalagitnaan ng pagkaklase.
Ang naturang covered court ay ginagamit ng ilang mga mag-aaral bilang pansamantalang classroom.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng pagguho.

Please follow and like us:
Read More

MISTER VS LOVER NI MISIS: KAPWA SUGATAN SA SAKSAKAN

stab100

(NI KOI HIPOLITO)

NAUWI sa madugong saksakan ang pagtatalo ng dating mag-asawa nang saklolohan ng kinakasam ng babae ang pananakit ng mister sa Pasay City, Linggo ng gabi.

Nabatid na nagtungo si Rodley Warren Delos Reyes, 26, sa bahay ng dating asawang si Rochelle, para paalagaan ang iniwan na anak sa De Guzman St., Malibay, Pasay, bandang alas-10:00 ng gabi.

Habang nag-uusap umano ang dating mag-asawa ay napunta ang usapin sa kanilang relasyon na mahigpit namang tinutulan ni Rochelle.

Doon na umano naging bayolente si delos Reyes at sinakal sa Rochelle.

Humingi ng saklolo ang mga bata sa bagong kinakasama ng babae na si si Brix Alcantara, 21, at doon ay siya ang pinabalingan ng galit ni delos Reyes.

Bumunot ng patalim si Alcantara at nagpambuno ang dalawa dahilan upang kapwa sila nagtamo ng saksak sa katawan.

Isinugod ang mga ito sa ospital at patuloy na inoobserbahan.

Please follow and like us:
Read More

JOLLIBEE SA STA ROSA HINOLDAP

crime robber12

(NI NILOU DEL CARMEN)

PINASOK ng mga armadong holdaper  ang isang Jollibee store sa loob ng business park sa  Sta Rosa City, Laguna, nitong Sabado.  

Ayon sa Sta Rosa City police, nangyari ang insidente sa Jollibee Paseo de Sta. Rosa II na nasa  Sta Rosa -Tagaytay highway sa  Barangay Balibago, alas 2:35 ng madaling araw.

Batay sa imbestigasyon, patay-malisyang pumasok ang tatlong suspek sa 24 hour outlet at nagkunwaring mga customer.

Bigla na lamang lumapit ang isa sa gwardiya at tinutukan ito ng baril bago nagdekara ng holdap.

Matapos makuha ang baril ng sekyu, tinangay ng mga hindi nakilalang suspek ang pera na nasa cash register na nagkakahalaga ng halos na nasa P10,000.

Tumakas ang mga suspek na naglakad lamang patungo sa direksyon ng Balibago.

Pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV at inaalam ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek.

Please follow and like us:
Read More

AKALA’Y JOKE TIME; LALAKI NALUNOD

lunod1

 

(NI JUN V. TRINIDAD)

ATIMONAN, Quezon – Isang lasing na construction worker ang namatay sa pagkalunod sa karagatan ng Lamon Bay sakop ng bayang ito matapos na hindi pansinin dahil akala ay nagbibiro lang habang nagpipiknik noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Nelson Eliquino, 49, at residente ng Barangay Zone III.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sumama ang biktima sa piknik ng kanyang kasamahang si Arnold Parafina at pamilya nito na ginanap sa tabing-dagat sakop ng Barangay Caridad Ibaba bandang umaga.

Matapos ang masayang inuman at kainan dakong tanghali ay solong nagtungo ang lasing na si Eliquino sa dagat upang magpahulas sa paglalangoy.

Sa report, napansin ng siyam-na-taong gulang na anak ni Parafina na nagkakaway ang biktima habang lumulubog at lumilitaw sa tubig.

Sinabihan ng bata ang kanyang nanay tungkol sa kanyang nakikita subalit binalewala na lang ito ng ina sa pag-aakalang nagbibiro lang si Eliquino.

Subalit nang hindi na gumagalaw sa tubig ang biktima ay dagling dinaluhan na ito ng mga kasamahan.

Mabilis itong isinugod sa Doña Martha Memorial District Hospital sa kabayanan subalit hindi na umabot nang buhay ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, possible umanong inatake sa puso si Eliquino na siyang naging sanhi ng kanyang pagkalunod.

Please follow and like us:
Read More

3 NEGOSYANTE, 2 PA HULI SA ILIGAL NA ARMAS

batangas1

(NI CYRILL QUILO)

ARESTADO at kumpiskado ang mga baril ng tatlong negosyante sa San Jose, Batangas madaling-araw ng Lunes at dalawa katao ang arestado naman sa Talisay, Batangas.
Sa bisa ng search warrant ni Judge Cynthia Marino Ricablanca, ng Regional Trial Court, hinalughog ang bahay ng mga negosyanteng sina Mario Hernandez, 48, Sofrimo Cale,49, ng Brgy. Balagtasin at Marcelo Luna, 24, residente ng Brgy. Banay-banay, ng San Jose, Batangas.
Ang dalawa katao na nababaan din ng search warrant ni Hon.Judge Librado Chaver ng MCTC ng Talisay ay sina Julio Amores at Reymundo Balinado ng Brgy. Sampaloc,Talisay,Batangas.
Sa pangunguna ng San Jose Municipal Police Station Pol. Maj. Jopia, nakuha kay Hernandez ang 1 cal.45 pistol na loaded ng magazine ,1 cal.5.56 rifle,5 pcs. long magazine na may laman 139 pcs.ng cal.5.56 habang kay Cale naman ay kumpiskado ang 1 pc.cal.45 pistol,2 magazines at 22 pcs ammunition sa cal.45 at isa pang negosyanteng si Luna naman nakuhanan ng 1 pc. cal.38 revolver.
Samantalang sa pangunguna naman ni Pol.Capt. Aldrin Jay Baysa ng Talisay Municipal Police Station, kumpiskado ang armas ni Amores na X9 9mm na may magazine, 23 bala ng 9mm.,1magazine loaded ng 4 live ammos ng 9mm,2 boxes (100pcs live ammos ng 9mm),2 boxes(100 pcs) live ammos of cal.45 at kay Balinado naman 1 cal.22 rifle,1 magazine sa nasabing caliber, 6 pcs.live ammos sa cal.,1.
Ang lima ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive firearms and ammunition Regulation Act.
Ito ay isang patunay  na seryoso ang Philippine National Police sa kampanya bilang proteksyon sa mamamayan at pagpapanatili ng peace and order sa lugar laban sa mga expired na lisensya ng armas.

Please follow and like us:
Read More

CONG. LUCY AT MAYOR GOMA BALAK SUNDAN SI JULIANA

ang kulit ni Lolit

(NI LOLIT SOLIS)

KAHAPON na iniuwi ang mga abo ni Eddie Garcia sa kanyang tahanan sa Alabang.       

Base sa kuwento ng mga nandun, naghahanap pa raw sila ng columbary  na paglalagakan ng urn ni Manoy.

Pero alam nyo, sa pagpanaw ni Manoy, nag-iwan siya ng leksyon sa lahat na mga taga-showbiz na mag-ingat sa set sa taping o shooting.

Isa nga sa very vocal na dapat paghahanda sa set ay si Mayor Richard Gomez na noon pa man ay nagsasalita tungkol sa gadget na ito na dapat daw gamitin sa set.

Tsika nga ni Gorgy sa akin na nakipagtsikahan dun sa mag-asawang Richard at Lucy, sinasabi na raw ni Mayor na dapat meron daw tayong gadget na ginagamit sa set kapag may mangyari sa isa sa mga nagtatrabaho sa taping o shooting.

Sabi raw ni Mayor Goma; “Our job is very stressful no?

 “We start taping or shooting early in the morning, then natatapos ng late evening or early morning the next day.

 “It’s important that the production takes care not only  just the actors but also of everybody –the staff, the crew, by at least providing a medical staff on standby all the time sa set.

And it’s also important to have an AED an Automated External Difribilator. In fact, the movie industry people should know how to do CPR.

“What if somebody all of a sudden biglang ma-unconscious ma-heart attack, mawalan ka ng heartbeat, somebody na have to know the CPR.”

Matagal na palang tini-train nina Richard at Lucy ang  mga estudyante sa Ormoc na mag-CPR. Kaya kung anu’t-ano mang merong aksidenteng mangyari sa school, marunong na raw ang mga estudyante gumawa ng CPR.

Marami na ang nagsa-suggest ng ganun dahil nga sa nakita natin sa nangyari kay Manoy Eddie.

At least, nagkaroon ng leksyon sa lahat na mga industriya. Okay na siguro yun, huwag na lang manisi ng dapat ganito, dapat ganyan.

Mag-move on na tayo at mabuting may natutunan tayo sa nangyari kay Eddie Garcia.

Isipin nyo, umalis lang siya, nag-iwan pa siya ng magandang aral sa ating movie and TV industry.

Bukod pala sa isyung yan, napag-usapan din pala ang magkaroon uli ng baby nina Richard at Lucy.

Ikinuwento ni Mayor Goma na pinag-usapan na raw nila ni Cong. Lucy na magpa-freeze ng eggs at sperm cell niya para kung sakali, puwede nang i-fertilize para mabuo ang embryo.

Okay si Richard sa ganung ideya at pinag-iisipan na rin daw iyun ni Lucy.

Ayaw lang daw ni Richard ng kumuha ng surrogate mother dahil ang gusto niya si Lucy pa rin talaga ang magbuntis.

Pero kung tanungin nyo naman si Lucy, parang ipinaubaya raw niya sa Diyos lahat.

Naniniwala raw siya na kung gusto talaga ni Lord, ibibigay ito sa kanila. Pero tingnan daw natin baka gagawin din nila iyun.

Please follow and like us:
Read More

ROTC, MILITARY TRAINING SA KABATAAN

ROTC-1

Pinagmulan at kasaysayan

(NI DAN SALCEDO)

INAPRUBAHAN na ng House of Representatives ang kontrobersyal na panukalang batas na mandatory Reserve Offi­cers’ Training Corps (ROTC) para sa Grades 11 at 12.

Ayon sa House Bill 8961,  ang pagsasanay militar sa ilalim ng ROTC ay para sa lahat ng estudyante sa Grades 11 at 12 sa lahat ng senior high schools sa pampubliko at pri­badong paaralan.

Ang lalaki at babaeng estudyante ay parehong isasailalim ng military training na ang layunin ay makintal ang pagmamahal sa bayan,  at maihanda ang mga reservist sa serbisyong militar at sibiko. Bukod pa rito ang kabutihan ng kaugalian at ispiritwal.

Sa ilalim ng HB 8961, ang mga estudyante na sa palagay ng doktor ng Armed Forces of the Philippines o ng kanyang medical officer bilang hindi akma sa pisikal at sikolohikal para sa programa ay maaaring malibre sa programa, alinsunod sa rekomendasyon ng eskuwelahan na pinapasukan ng estudyante.

Hindi na rin dadaan sa pagsasanay ang mga varsity player sa mga kompetisyon pampalakasan, mga nagsasanay sa parehong military training, at ang iba na hindi i­noobliga ng Department of National Defense dahil sa ibang wastong dahilan o rason.

Ang estudyante na hindi makakukumpleto ng mandatory ROTC ay hindi papayagan maka-graduate. Magiging dahilan din ito para sa sapilitang military training.

Kahit malayo pa ang martsa nito bago maging ganap na batas,  ay mainit na ang talakayan sa isyung ito.  Hinati muli ang mabusising pananaw ng mga indibidwal – may pabor,  may kontra.

Bakit kinakailangan  maging mandatory ang ROTC?  Sulyapan natin ang ugat at pinagmulan nito,  at ungkatin muna ang kasaysa­yan ng ROTC.

ANO ANG ROTC?

Ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Pilipinas ay isa sa tatlong ba­hagi ng National Service Training Program  (NSTP) para sa mga estudyante sa kolehiyo. Layunin ng ROTC na bigyan ng kaalaman at pagsasanay sa militar ang mga estudyante bilang kahandaan sa pambansang depensa.

Inihahanda ang mga estudyante para sa serbisyo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa oras ng kagipitan at ang kanilang pagsasanay na maging reservist at posibleng opisyal na AFP.

Ang ROTC sa mga kolehiyo at unibersidad ay inorganisa ng Department of Military and Tactics (DMST) pinangasiwaan ng administrasyon ng eskuwelahan at ng Department of National Defense.

UMPISA NG ROTC

Nagsimula ang ROTC sa Pilipinas noong 1912 nang umpisahan ng Philippine Constabulary ang pagtuturo ng military sa University of the Philippines. Nagkaroon ng representasyon ang Board of Regents ng unibersidad sa United States Department of War at tumanggap ng serbisyo ng opisyal na US Army na naging propesor ng Military Science. Naitatag ang unang opisyal na ROTC unit  sa University of the Philippines (UP) noong Hulyo 3, 1922.

Taong 1921, ang National University  (NU) ay naging unang pribadong kolehiyo sa Pilipinas na nagkaroon ng ROTC unit.

Noong 1936, binuhay ang Office of the Superintendent for ROTC Units sa ilalim ng Philippine Army (PA) upang pangasiwaan ang lahat ng ROTC  sa bansa.

Noong 1939, naglabas si Presidente Manuel L.  Quezon ng Executive Order No.  207 na ginawang obligasyon ang ROTC sa lahat ng kolehiyo at unibersidad na may 100 estudyante o higit pa

Nang sumiklab ang   World War II, ang mga kadete ng ROTC ay sumabak sa Battle of Bataan, ang ilan ay sumama sa United States Army Forces in the Far East (USAFE).  Ang ibang unit ay bumuo ng Hunters ROTC guerilla group.

Kinansela ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Exe­cutive Order (EO) 207 noong Pebrero 8, 1967 at naglabas ng kautusan na gumawa sa ROTC na mandatory sa lahat ng kolehiyo at unibersidad na ang bilang ng mga lalaking estudyante ay 250 o higit pa. (May karugtong)

Please follow and like us:
Read More

MEDIA TOUR SA MGA DUMAGAT, NAGING MAKABULUHAN SA BULACAN

TODO PASA

HINDI inalintana ang layo at ilang mahihirap na daan, halos 50 mamamahayag sa Bulacan ang tumanggap ng hamon na pumunta sa mabundok na bahagi ng Norzagaray sa Punduhan ng mga Dumagat, Brgy. San Mateo kama­kalawa upang personal na matunghayan ang pamumuhay ng mga Dumagat.

Sa isang araw na aktibidad na tinawag na “Media Tour 2019” na inorganisa ng Provincial Public Affairs Office (PPAO), nagkaroon ng pagkakataon ang mga lumahok na makasalamuha at matutuhan ang kultura at pag-uugali ng Tribong Dumagat, gayundin ay masilayan ang mga makapigil-hiningang tanawin sa lugar.

Isa si Bro. Martin Fransisco, nagtatag ng Sagip Sierra Madre Environmental Society, Inc., sa nagbahagi ng kanyang kaalaman tungkol sa nasabing tribo.

Sabi ni Francisco: “Ang mga Dumagat ay iba sa mga Aeta. Hindi sila ‘yong mga nanlilimos sa kalsada. Sa katotohanan, mas pipiliin nila na mamatay sa gutom kaysa humingi ng tulong sa iba dahil sila ay mahiyain. Bagaman karamihan sa mga Dumagat ay hindi marunong magbasa o magsulat, sila ay nakikipagpalitan ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga dahon.”

Dagdag pa niya, ang mga Dumagat ay tinatawag ding Agta at mahilig silang ngumuya ng nganga bilang libangan, upang makayanan ang malamig na panahon at maipahayag ang kanilang damdamin sa kanilang katribo.

May mahalagang gampanin din ang mga Dumagat sa panganga­laga sa kalikasan at mga likas yaman nito.

“Ang mga Dumagat po ay sumailaim sa pagsasanay ng Provincial Government of Bulacan para maging mountain rangers upang makatulong ng lokal na gob­yerno sa pangangalaga sa mayaman nating kalikasan. Karamihan po sa mga punong inyong nakikita rito ay itinanim namin dahil dati po, ang lupa dito ay sinusunog at kinakaingin,” diin ni Francisco.

Ibinahagi rin ni Francisco na regular na nagbibigay si Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado sa mga Dumagat ng sako-sakong bigas mula pa noong taong 2013 at nagkaloob din ang PPAO ng apat na sakong bigas na may katumbas na 25 kilo kada sako at 10 supot ng bigas na tigatlong kilo bawat isa mula sa kagandahang loob nina Bokal Rino Castro, Alex Castro, Abgd. Emelita Viceo, Abgd. Enrique Dela Cruz, Jr. at Allan Andan.

Samantala, ipinahayag ng mga lumahok ang kanilang kagalakan sa nasabing tour.

“Marami akong natutuhan tungkol sa mga Dumagat. Sa pamamagitan ng Media Tour na ito, nalinawan at natuto tayo tungkol sa kanilang kultura, kaugalian at pamumuhay. Tunay na educational ang tour na ito,” ani Dustin Fischer, kolumnista ng Dyaryo Bulacan.

“Success! Congratulations sa PPAO dahil successful ang media tour na ito. Dahil dito ay mas nakilala namin ang mga Dumagat at nagkaroon pa kami ng pagkakataon na makita ang magagandang lugar dito tulad nung inakyat namin na tuktok ng Monte Cristo,” pahayag ni Evelyn Sevilla, mula sa Radyo Bulacan.  (TODO PASA /ARIEL BORLONGAN)

Please follow and like us:
Read More

AKSIDENTE O INSIDENTE?

yourservice

TILA buong bansa ang nagalit sa nabalitaang “aksidente” na nangyari sa ating mga kababayang mangingisda sa may Recto Bank nang sila’y banggain umano ng isang “Chinese vessel”. Ayon sa ulat at maging sa mga salaysay ng mga mangingisda — sila’y binangga at iniwan na lamang sa dagat. Mabuti na lamang may dumating na Vietnamese boat na sumaklolo sa kanila. Kung hindi sila naagapang saklolohan ng mga Vietnamese, malamang may mga nasawi na sa kanila sa karagatan.

Natural, umalma ang ating mga opisyal mula sa Department of National Defense at ma­ging sa Department of Foreign Affairs. Lahat ng ating mga kababayan — mula sa iba’t ibang antas ng buhay ay nagalit, at sumisigaw ng kataru­ngan para sa mga kababayan nating pininsala na at iniwang harapin ang malamig at nakatatakot na elemento ng gitnang karagatan. Ngunit, bumuwelta naman ang bansang Tsina na sinasabing hindi naman sila binangga at ito’y isang aksidente.

Aksidente man o insidente, may mga nakasaad na alituntunin tungkol sa mga ganitong bagay — hindi mo iniiwan ang taong nasalanta sa karagatan. Tungkulin ng bawat tao — anoman ang kanyang pagkamamamayan o bansang pinanggalingan — ang tumulong sa mga taong nangangailangan ng saklolo sa karagatan. Lalong-lalo na tuwing may delubyo o kalamidad. Kaya nga makikita natin na tuwing may naaaksidente o insidenteng pagkasira o paglubog ng barko sa karagatan, rumeresponde agad ang mga barkong malalapit sa lugar ng aksidente.

Ngunit hindi ganito ang nangyari sa ating mga mangingisda. Sila na nga ang binangga, sila pa ang iniwan. Ang mga ganitong tao ay walang konsensya, walang moralidad at walang pagkatao dahil nagagawa nilang hayaang mahirapan at posibleng mamatay ang mga taong pinerwisyo nila.

Ang masahol pa dito, hindi na nga sinaklolohan at tuluyang iniwan, hindi man lang umamin at nagpahayag pa ng kasinungalingan na hindi nila binangga ang mga kababayan natin. Dito ipinamalas nila ang mga katangiang pagka-arogante, pagka-duwag at pagka-sinungaling. Mga katangiang madalas na nating makita sa kanila hindi lamang sa insidenteng ito kundi sa iba pang mga bagay — tulad ng pagkuha ng mga trabahong dapat ay para sa mga Pilipino dito sa sarili nating bansa, tulad ng pagkuha nila nang pwersahan sa mga isla na pagmamay-ari natin kahit hinatulan na sa The Hague na hindi nila dapat pakialaman ito.

Sa aking munting palagay, hindi lamang ito ang insidente natin sa bansang ito — ang nangyari sa ating mga kababayang mangingisda sa karagatan ay nagpapatunay kung ano ang tingin nila sa atin — bilang tao at bilang Pilipino. Ganito rin naman sila sa ibang mga bansa ngunit ang kaibahan ay ang mga katabi nating mga bansa ay lumalaban — sa salita, maging sa gawa. Siguro naman, panahon na nating rebisahin ang ating pambansang pananaw at pakikitungo sa bansang ito at ipakita naman natin na bagaman tahimik at mapayapa tayong mamamayan, ay hindi tayo tatanggap ng ganitong pagtrato sa anomang larangan. Tayo’y isang soberenyang lipunan. Madali man sabihin ngunit mahirap gawin. Maaari lamang tayong magpakita ng isang malakas na paninindigan kung tayo’y tatayo kasama ang ating mga kapitbahay sa kalakhang Asya.  (@YOURSERVICE / ATTY.  DAVID AQUINO)

Please follow and like us:
Read More

ANG BATAS AY BATAS KAYA’T DAPAT NANG IBASURA ANG NOMINASYON NI CARDEMA SA DUTERTE YOUTH PARTYLIST

CHRISTIAN BOMB

HINDI kwalipikado para ma­ging kinatawan ng youth sector o kahit mga propesyonal si dating National Youth Commissioner (NYC) Chairman Ronald Cardema.

Sa en banc hearing ng Comelec, tinanong ni Commissioner Rowena Guanzon si Atty. Rani Angeli Supnet, abogado ni Cardema kung kuwalipikado ang kanyang kliyente bilang nominee ng Duterte Youth Party­list, na tinugon nito na hindi dahil 34-anyos na si Cardema.

Nang tanungin din ni Guanzon si Supnet kung college graduate si Car­dema para kumatawan naman sa mga propesyonal, hindi ang naging tugon ng abogado, na ibig sabihin hindi rin ito puwedeng maging representante ng mga propesyonal sa Kongreso.

Dahil hindi kuwalipikado si Cardema na maging youth representative at professional representative ay wala nang saysay ang hirit nito na maging representante ng Duterte Youth partylist sa Kongreso.

Sa una pa lang ay gusto nang baluktutin ni Cardema ang batas patungkol sa partylist, at kabilang dito sa isyu nga ng edad, dahil ang dapat na edad na pang-represen­tante ng youth partylist ay 30-anyos pababa, at siya (Cardema) ay edad 34 na, bukod pa sa May 12, 2019 siya nag-file ng substitution sa kanyang misis na 1st nominee ng kanilang partylist, na dapat ay ginawa niya ito nuong last filing ng substituion nuong Nob. 29, 2018.

Nang matantiya ni Cardema na hindi siya uubrang maging youth representative, ang palusot nito ay mga young professionals naman daw ang kanyang ire-represent sa Kongreso, dahil kabilang daw ito sa adbokasiya ng kanilang partylist na Duterte Youth.

Sa panibagong palusot na ito ni Cardema ay pagpapakita na nais nitong walanghiyain ang batas sa partylist, dahil malinaw ang pangalan ng kanilang partylist ay Duterte Youth at hindi Duterte Youth and Young Professionals.

Dapat manindigan sa isyung ito ang Comelec at ipaglaban nila ang batas dahil ang batas ay batas at hindi ito puwedeng baluktutin ni Cardema kahit siya ay kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mga isyung iyan, wala na talagang dahilan para ipagpatuloy pa ang apela ni Cardema na maging congressman siya ng Duterte Youth, kaya’t dapat tanggalin na ang kanyang pangalan sa mga nominado ng kanilang partylist. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

MAXENE, NAGBAGO ANG LIFESTYLE DAHIL SA ASAWANG MODELO

(NI BOY ABUNDA)

MAHIGIT isang taon nang kasal sina Maxene Magalona at Rob Mananquil. Ayon sa aktres ay maraming mga bagay na ang kanyang natutunan at nabago sa kanyang buhay mula nang magkaroon ng asawa. “It definitely changed me for the better. Because of Rob, I learned how to love and discovered the true meaning of love. That’s not about taking, and it’s not always about you. But love requires giving of yourself,” nakangiting bungad ni Maxene.

Magkasundung-magkasundo raw ang mag-asawa pagdating sa fitness at sa kanilang mga kinakain ngayon. Nagbago na rin ang lifestyle ni Maxene dahil sa pagkakaroon ng asawang modelo. “It actually started when Rob and I were preparing for the wedding. It’s not because I just wanted to slim down but actually it’s to relieve stress from the preps and I wanted to feel good about myself. So Rob invited me to go to the gym and do yoga with him.

Then eventually I became conscious na of what I feed myself or put inside my body. Before kasi I eat when I’m stressed tapos junk food pa, and I didn’t really exercise. There were times that my husband had to push me but eventually I learned to love and prioritize fitness. And the practice of yoga really helped me to be kind to myself and respect my body. Now I eat healthy, I keep a balanced diet. I now feel healthier more than ever and I am actually more energetic because of these lifestyle changes,” pagdedetalye ng aktres.

Matatandaang bata pa lamang nang magsimula sa show business ang anak nina Francis at Pia Magalona. Ngayon ay tatlumpung taong gulang na ang aktres kaya mas naging maalaga na rin sa kanyang balat. “Now that I am in my 30’s, I’ve become more conscious of my skin. Making time to get facial and keeping a skin regimen at home. At home I make sure that I remove my makeup before going to bed. I keep my routine simple since I am busy and always on the go. So I do the basic, cleansing, toning, exfoliating twice a week, moisturizing and putting on sunblock,” pagbabahagi ni Maxene. -Reports from JCC-  

Please follow and like us:
Read More

AKALA’Y JOKE TIME; LALAKI NALUNOD

lunod1

(NI JUN V. TRINIDAD)

ATIMONAN, Quezon – Isang lasing na construction worker ang namatay sa pagkalunod sa karagatan ng Lamon Bay sakop ng bayang ito matapos na hindi pansinin dahil akala ay nagbibiro lang habang nagpipiknik noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Nelson Eliquino, 49, at residente ng Barangay Zone III.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sumama ang biktima sa piknik ng kanyang kasamahang si Arnold Parafina at pamilya nito na ginanap sa tabing-dagat sakop ng Barangay Caridad Ibaba bandang umaga.

Matapos ang masayang inuman at kainan dakong tanghali ay solong nagtungo ang lasing na si Eliquino sa dagat upang magpahulas sa paglalangoy.

Sa report, napansin ng siyam-na-taong gulang na anak ni Parafina na nagkakaway ang biktima habang lumulubog at lumilitaw sa tubig.

Sinabihan ng bata ang kanyang nanay tungkol sa kanyang nakikita subalit binalewala na lang ito ng ina sa pag-aakalang nagbibiro lang si Eliquino.

Subalit nang hindi na gumagalaw sa tubig ang biktima ay dagling dinaluhan na ito ng mga kasamahan.

Mabilis itong isinugod sa Doña Martha Memorial District Hospital sa kabayanan subalit hindi na umabot nang buhay ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, possible umanong inatake sa puso si Eliquino na siyang naging sanhi ng kanyang pagkalunod.

Please follow and like us:
Read More