2 CHINESE NATIONAL HULI SA PAGNANAKAW SA KOMPANYA

cell

(NI ROSE PULGAR)

SA rehas na bakal ang bagsak ng dalawang Chinese national nang nakawin umano ang P50, 000 cash sa safety vault ng pinagtatrabahuan nilang kompanya sa Paranaque City, Sabado ng umaga.

Nahaharap ngayon sa kasong qualified theft ang mga suspect na sina Runmo Gao, 24, at Jiyong Fang, 25, kapwa Chinese nationals at empleyado ng Flying Dragon Network Philippines na matatagpuan sa 8th Floor Aseana 3 BPO Building, Macapagal  Boulevard, Barangay Tambo,Paranaque City, mga residente sa Shore Residence Sunrise Drive,Pasay City.

Samantala, nagsilbing complainant naman si Arnold Sumido Sabado, security officer ng kompanya.

Base sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pagnanakaw sa loob ng Flying Dragon Network Philippines sa Paranaque City, dakong alas-11:00 ng umaga.

Base sa inisyal na imbestigasyon, agad na tumawag ang supervisor at translator ng kompanya sa security department kaugnay sa pagtangay ng dalawang suspect sa P50,000 cash sa safety vault na nasa VIP room.

Mabilis na pinigil ng guwardiyang si Francis John Diago Plasabas ang mga suspect bago pa man lumabas ng nasabing opisina.

Narekober sa loob ng bag ni Jiyong Fang ang naturang pera na sanhi ng kanilang pagkakadakip ni Gao na sinasabing kasabwat nito sa insidente.

Isinasailalim naman sa imbestigasyon sina Fang at Gao sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB).

Nakakulong ang dalawang Chinese sa detention cell ng Paranaque City Police.

 

 

Please follow and like us:
Read More

8-ANYOS NALUNOD SA POOL NG MAKATI HOTEL

lunod2

(NI ROSE PULGAR)

ISANG walong taong gulang na batang babae ang namatay nang malunod sa swimming pool ng isang hotel sa Makati City, Huwebes ng gabi.

Binawian nang buhay sa Makati Medical Center ang biktima na kinilalang si Patricia Ghail Del Castillo,ng Barangay La Paz, Makati City.

Sa inisyal na ulat ni Police Colonel  Rogelio Simon, hepe  ng Makati City Police, dakong alas-9:26 ng gabi nang maganap ang insidente sa Jade Hotel and Suites sa Pasong Tamo, Barangay La Paz sa nasabing lungsod.

Lumalabas sa report  na ang biktima at ang kanyang pamilya ay pawang guest sa naturang hotel.

Naliligo sa pool ng hotel ang biktima nang bigla umanong malunod kaya dali-daling sinagip ng isang hotel guest na si Cristina Carreon at binigyan ng paunang lunas bago dinala ng kanyang pamilya sa nasabing pagamutan subalit nalagutan ng hininga bandang alas-9:47 ng gabi.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring insidente at sisilipin din nila ang closed circuit television (CCTV) camera para sa karagdagan imbestigasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

POC BANK ACCOUNT ON-HOLD; MGA ATLETA ‘NAIPIT’

poc12

(NI ANNE ENCARNACION)

NABITIN ang allowances at iba pang pangangailangan ng mga atletang Pinoy na sasabak sa 30th South East Asian Games.

Ito ang nabunyag sa mensahe ni Philippine Olympic Committe (POC) General Manager Art Aro noong Hunyo 14, kung saan ipinaalam nito na ganap na alas-4 ng hapon noong Biyernes ay pansamantalang nalagay sa “on hold” ang lahat ng pondo ng asosasyon.

“For the urgent information of the POC executive board: The POC Finance Department found out today that ALL POC accounts with BDO has been put on hold by BDO Legal,” sabi sa mensahe.

“According to the bank, Mr. Camacho went to them and submitted a board resolution (passed during the April 30 meeting of the 7 members of the board) changing the combination of the authorized signatories. Because of this incident, the release of payroll today of staff is affected. To rectify this unfortunate situation SG Pato used his personal money to fund the payroll of our staff,” nakasaad sa liham ni Aro.

“This will also affect the following: (1.) SEAGames 100k subsidy to NSA’s (2.) NSAs AF/IF membership dues, (3.) Annual NSA financial subsidy, (4.) allowances of OS Scholars, (5.) P1.5M OCA subsidy for Toyota sponsored POC coaster for the use of athletes (6.) Other important operating expenses,” ayon pa kay Aro.

Napag-alaman na si Camacho, inihalal bilang POC Treasurer, ay inalis sa puwesto noong Abril 2018 sa lahat ng mga financial transactions ng POC.

Please follow and like us:
Read More

PEKENG LTFRB EMPLOYEE HULI SA ENTRAPMENT

kulong

(NI GINA BORLONGAN)

ISANG lalaking eksperto sa panggogoyo sa kanyang mga ka-transaksiyon ang naaaresto ng pulisya sa entrapment operation sa Barangay San Roque, San Jose Del Monte City (SJDMC), Bulacan, nitong Biyernes.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan PNP, naaresto si Jasper Cabrion, 50, residente ng 56 Phase 1, Brgy Malanday, Valenzuela City, matapos ireklamo ng biktimang si Evelyn Anito, 48, overseas Filipino worker at residente ng  Brgy. Kaypian, SJDMC, Bulacan.

Nabatid sa ulat na gustong iparehistro ni Anito ang kanyang taxi kaya nakipagkita siya kay Cabrion nitong Hunyo 6 sa Brgy. Kaypian, SJDMC sa pag-aakalang empleado ito ng LTFRB NCR.

Nagkasundo sila na magbabayad si Anito ng P58,000 para sa kabuuang prangkisa ng taxi at nagbigay ng paunang P35,000 kay Cabrion.

Ngunit nitong Hunyo 11, nagduda ang biktima kaya nag-verify sa LTFRB at natuklasang hindi ito empleado ng ahensiya kaya nagsumbong siya sa pulisya at naaresto si Cabrion na nahulihan nng iba’t ibang identification cards ng mga ahensiya ng gobyerno.

 

Please follow and like us:
Read More

AT LAST MAY BOX-OFFICE HIT SI JODI

jdpi33

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

MAGANDA pala ang resulta sa boxoffice ng first day of showing ng pelikulang Clarita ni Jodi Sta. Maria.

Ayon sa source namin, naka-7M daw ang first day earnings nito sa mahigit 150 theaters na pinalabasan nito nationwide.

Diyos ko day! Sa panahon ngayon na masaya na ang mga producers kapag naka-mahigit isang milyon ang kinita sa unang araw, bongga na yang 7M.

Naka-Grade A pa ito sa Cinema Evaluation Board, kaya okay na yun talaga.

Malakas pa ang katapat na Hollywood movie na Men in Black na sabi nila naka-21M naman daw ito, kaya malaking bagay na yung kumita ng ganun kalaki ang Clarita.

Sabi nga raw ni Jodi, last na raw niya iyung ganung klaseng pelikula dahil napagod daw siya nang bonggang-bongga sa pelikulang yan.

Pero ang isa pang tsikang narinig namin, kaya raw ang daming nanood sa Clarita dahil dito pala unang ipinalabas ang teaser ng Hello, Love. Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Excited daw ang mga fans nila dahil hindi pa ito kumalat online, doon sa Clarita raw unang mapanood, kaya nagdagsaan daw ang mga tao na panoorin ito.

Ganun sila ka-excited na mapanood ang pelikulang iyun.

Magandang strategy rin itong ginawa ng Star Cinema, kaya tinangkilik nga ang Clarita.

Sana tuluy-tuloy na yang magandang resulta ng pelikula natin.

Sa susunod na linggo ang Feelennial naman nina Aiai delas Alas at Bayani Agbayani ang ipalalabas, at very positive ang dalawang bida na tatangkilikin ito.

Pero ano tong narinig naming ibu-boycott daw ito ng mga Anti-Duterte dahil maka-Duterte raw kasi sina Aiai at Bayani.

Hindi ko pa alam kung nakarating na ito sa kanila, kaya hingan natin yan sila ng reaksyon.

PROUD TO BE PART OF SHOWBIZ OF DZBB; EXTENDED NA AT MAY GMA NEWS TV PA!

Proud naman ako bilang nagsu-showbiz ako sa DZBB dahil na-extend na

sila ngayon na mapapakinggan  sa DZBB at mapanood pa sa GMA News TV.

Mula 6 ng umaga hanggang alas-dose nang tanghali at Lunes hanggang Linggo na sila napapanood.

Kaya sa Sabado at Linggo ay mapapakinggan at mapapanood nyo ang mga paborito nyong radio anchor at reporters sa DZBB at GMA News TV.

Kaya natutuwa ako na part ako sa programa nina Arnold Clavio, Ali Sotto at Joel Reyes Zobel.

Pero siyempre, alam  nyo namang first love ko rin ang DZRH, dahil love ako nina Papa Juan Elizalde.

Sa nakaraang mediacon ng DZBB, natanong si Mike Enriquez kung kaya pa ba ng kalusugan niya dahil sa medyo matrabaho na itong ginagawa niya.

SInagot naman ni Papa Mike na hindi naman daw niya itinatago ang karamdaman  niya at kung ano ang pinagdaanan niya para malagpasan niya itong lahat na sakit niya.

Sabi ni Papa Mike, hindi naman daw lingid sa lahat na dumaan siya sa four block quadruple bypass, at tatlong beses siyang dina-dialysis.

Inihahanda na rin daw siya ng doktor niya na baka i-kidney transplant na siya. Kasi kung matutuloy itong kidney transplant, parang bago na rin talaga gaya ng quadruple bypass.

Hindi na siya magpapa-dialysis linggo-linggo.

Ang hirap daw kasi talaga kapag dumadaan ka sa dialysis, para kang binugbog at parang lutang ka raw.

Kaya tingnan pa kung matutuloy siya sa kidney transplant, dahil inoobserbahan pa siya ng mga doktor.

Sabi naman niya, masunurin daw siya sa doktor niya. Lahat daw na ginagawa niya sa radio at TV ay may clearance daw ng doktor.

“Wala akong ginagawa na walang clearance ng doktor.

“Hindi ako gagawa nang hindi alam ng doktor at walang pahintulot ng doktor.

“Ngayon, kung tatanungin nyo ngayon kung ano ang pakiramdam ng katawan ko?

“Minsan kasi iba ang sinasabi ng doktor, iba rin ang sinasabi ng katawan mo.

“May kasabihan sa English, ‘listen to your body. I will do that, I am extremely well,” pagmamalaki ni Papa Mike.

Kaya nakakatuwa naman na okay na okay ang kalusugan ni Papa Mike.

Nakahanda raw siya kung sakaling i-extend pa raw sila nang i-extend ng GMA 7.

Kaya tutukan nyo na lang sa DZBB at GMA News TV kung ano yung mga news programa na mapakinggan at mapanood mula alas-sais ng umaga hanggang alas-dose nang tanghali, Lunes hanggang Linggo.

Ang bongga-bongga di ba?

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 BAGETS NA HOLDAPER NG BUS ARESTADO

arrested

(NI FRANCIS SORIANO)

KALABOSO ang dalawa sa anim bagets  matapos maaresto dahil sa pangingikil at panghoholdap ng isang bus sa Caloocan City.

Ayon kay P/Col. Noel Flores, Chief of Police ng Caloocan City Police Station, tinatahak ng AC trans bus galing Malanday patungong Baclaran nang magdeklara ng holdap ang mga suspek sa kahabaan ng Bonifacio Monument Circle alas-4:00 ng madaling araw.

Dito ay pumalag ang kondoktor na si Mark Antony Suva, 35, ng DM Compound, Heroes Del 96 St. Brgy 73, Caloocan City ngunit nagulpi ito ng mga suspek.

Nakuha din ng mga suspek sa biktima ang kanyang cellphone at P4,000 cash.

Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek habang humingi naman ng tulong ang mga pasahero ng bus na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawa sa anim na binatilyo na edad 16 at 17-anyos, subalit wala na ang cellphone at pera.

 

Please follow and like us:
Read More

HOTEL SINALAKAY, HIGIT P5-M ECSTASY, COCAINE NASAMSAM

drugs

(NI KOI HIPOLITO/PHOTO BY JACOB REYES)

NAHAHARAP ngayon sa kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act.of 2002) ang isang suspek na nagrenta ng isang safety deposit box na nilagyan umano ng mga illegal party drugs sa isang high-end hotel sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Ito ay matapos madiskubre ng mga pinagsanib na elemento ng mga operatiba ng PDEA Regional Office NCR na pinangunahan ni Intelligence Agent V.Joel Villorente at ng Taguig City Police Community Precint (PCP-7) at ng Station Drug Enforcement (SDEU) sa direktiba naman ni Taguig City police chief Col. Alexander Santos, ang pagsasagawa ng search operation dakong alas-11:00  ng gabi nitong Biyernes.

Nakilala ang suspek na nagrenta sa naturang safety deposit box na si Domingo Uy Jr., 44, residente ng No.1 Balete Drive Andres North Condominium 2803 ng Quezon City.

Base sa report ng PDEA NCR kay Pdea Director General Aaron Aquino, isinagawa umano ang paghahain ng search warrant laban sa nirentahang safety deposit box ng suspek matapos ipag-utos ni Judge Rossana Fe Romero-Maglaya, Second Vice Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 88 ng Quezon City.

Nasamsam sa ginawang paghahalughog ang 2,750 piraso ng mga pinaghihinalaang ecstasy na meron standard market price na P4,675.000, 14 piraso ng transparent plastic cartridge ng mga pinaghihinalaang cocaine na meron timbang na 200 grams at meron market value na P1,060,000.

Nakakulong ngayon sa Taguig City Police Station ang suspek na si Uy matapos na masakote sa isang follow up operation.

 

Please follow and like us:
Read More

KONSEHAL PATAY, 3 SUGATAN SA TANDEM

crime85

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isang konsehal ng barangay, na miyembro rin ng isang banda, habang sugatan ang tatlong iba pa, na kinabibilangan ng dalawa niyang kasamahang gitarista, at ang driver ng sinasakyan nilang tricycle, nang pagbabarilin ng riding in tandem, habang pauwi na sa kanilang tahanan, pagkagaling sa isang gig sa Barangay San Miguel, Pasig City, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) director P/BGen. Christopher Tambungan, ang nasawi na si Bobby Nazareth, 43, konsehal ng Barangay Sagad, Pasig City, at miyembro rin ng isang banda, ng 5 E. Angeles Street.

Nasugatan naman at nilalapatan na ng lunas sa Pasig City General Hospital ang kasamahan sa banda ng biktima na sina Ramon Balbastro Jr., 61, gitarista, ng 63 B Gen. Julian Cruz, Barangay Barangka, Marikina City at Anthony Salazar, 43, gitarista, ng 21 Garnett Street, Concepcion Subdivision, Barangay Concepcion 1, Marikina City; gayundin ang tricycle driver na si Larry Anto, 46, residente ng 1 D. Dr. Pilapil Street, Barangay Kapasigan, Pasig City.

Batay sa initial report ni P/MSg Oliver Baquiran ng Pasig City Police, dakong 2:45 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa kahabaan ng Mercedes Avenue, sa Barangay San Miguel.

Nauna rito, tumugtog umano sina Nazareth, Balbastro at Salazar sa Inapuyan Resto Grill, at matapos ang naturang gig ay sumakay sila ng tricycle na minamaneho ni Anto, upang umuwi na sana sa kani-kanilang tahanan.

Gayunman, pagsapit nila sa Mercedes Avenue ay bigla na lang silang pinagbabarilin ng dalawang suspek.

Dead on the spot si Nazareth na siyang naka-backride habang tinamaan rin ang kanyang mga ka-banda at minalas na nadamay rin ang tricycle driver na si Anto.

Nang maisagawa ang pagpatay ay mabilis na ring nagsitakas ang mga salarin patungo sa di nabatid na direksiyon.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Pasig Emergency Rescue team ngunit hindi na naisalba pa si Nazareth habang isinugod naman sa pagamutan ang tatlong sugatang biktima.

Masusi nang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga awtoridad sa krimen para sa agarang ikaaaresto ng mga suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

JAKE ON KYLIE: MAHAL NA MAHAL KO SIYA!

jake cuenca12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

ILANG buwan nang nagsisilbing inspirasyon kay Jake Cuenca ang Miss International 2016 na si Kylie Verzosa. Magkasama ang dalawa sa teleseryeng ‘Los Bastardos’ sa Kapamilya network. “I do love her. From the bottom of my heart, mahal na mahal ko siya. This is the happiest I’ve ever been. We’ve been dating for seven months. It’s that good,” pagtatapat ni Jake.

Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil nagkakilala sila ng dalaga. Unang nagkita at nagkakilala sina Jake at Kylie noong 2017 nang gawin ang pelikulang Ang Panday na pinagbidahan ni Coco Martin. “Kylie is such an amazing person.

Noong una ko pa lang siya nakita sa Ang Panday, parang naging crush ko na siya. But she was in a relationship at that time parang I knew na magkakatrabaho ulit kami. Nagkataon na pinag-partner kami sa Los Bastardos. I’m happy that I met her in this time of my life. At 31, I’m more mature when it comes to relationships.

Mas disiplinado na ako ngayon. Mas mature ako and I know na I can take care of her. That’s why I work everyday, I want to deserve her everyday,” pagbabahagi ng binata.

Ayon pa kay Jake ay malaki na ang kanyang ipinagbago pagdating sa personal na buhay mula nang makilala si Kylie.

“Two years ko inayos ang sarili ko. So two years ako nakapag-focus sa career. I was gonna do theater, I was gonna study sa States, do so many movies ang TV shows then I did. Ngayon two years later, I’m ready to be in a relationship,” pagtatapos ng aktor. -Reports from JCC-  

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

KUYA BINARIL, NAPATAY NI BUNSO

cebu200

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang 55-anyos na lalaki makaraang barilin ng kanyang nakababatang kapatid sa bayan ng Cordova, Cebu.

Nahaharap sa kasong parricide ang suspek na nakilalang si Eduardo Sitoy, 42, isang construction worker, sa pagpatay nito sa kanyang kuya na si Reynaldo, kapwa residente ng Sitio Atabay, Barangay Poblacion.

Nabatid sa imbestigasyon ni Police Staff Sergeant Reynato Inot ng Cordova Police Station, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay nitong Biyernes ng umaga.

Sa kalagitnaan ng alitan ay kapwa naghagilap sina Reynaldo at Eduardo ng mga armas na magagamit laban sa bawat isa.

Kumuha ng kutsilyo ang biktima at  kinompronta nito ang nakababatang kapatid subalit hawak naman nito ang .357 revolver at agad ipinutok.

Dead on the spot ang panganay na kapatid bunsod ng isang tama ng bala ng baril.

Sa kanyang pagsuko sa pulisya ay isinuko rin ng suspek ang baril na ginamit nito sa pagpatay sa kanyang kuya.

Hindi na ipinabatid sa ulat kung ano ang pinagmulan ng alitan ng magkapatid na Sitoy.

 

Please follow and like us:
Read More

TEACHER, PUPIL SUGATAN SA RIFLE GRENADE

crime23

(NI JG TUMBADO)

KAPWA sugatan ang guro at estudyante nito nang sumambulat ang isang rifle grenade sa loob mismo ng kanilang paaralan sa bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Liloy Integrated Hospital ang mga biktima na sina Desiderio Pizon Acain, 54, guro sa Ganase Elementary School at John Michael Fabraquel Baunillo, 12, grade 6 pupil sa nasabing paaralan.

Ayon kay Police Regional Office 9 director Police Brigadier General Froilan Quidilla, base sa inisyal na imbestigasyon,  pinaglalaruan ng bata ang granada nang bigla itong sumabog.

Napinsala rin ang bahagi ng isang silid-aralan ng naturang paaralan.
Inaalam pa sa imbestigasyon ng pulisya kung paano napasakamay ng estudyante at nadala sa paaralan ang granada.

Please follow and like us:
Read More

KILLER COP KULONG, SIBAK SA SERBISYO

rookie cop12

(NI ALAIN AJERO)

IPINAG-UTOS ng isang hukom sa Caloocan na ikulong ang pulis na nakapatay sa isang anim-na-taong-gulang na si Gian Habal dahil may probable cause umano para isailalim siya sa paglilitis.

Itinakda ni Judge Judge Eleanor Kwong ng Caloocan Regional Trial Court Branch 128 ang pretrial sa Lunes, Hunyo 17, makaraang isakdal si Corporal Rocky Delos Reyes noong nakaraang linggo para sa kasong murder, attempted murder at paglabag sa gun ban dahil sa pagdadala ng kalibre .45 pistola na walang permit noong election period.

Pinayagan ni Kwong ang paglilitiis matapos na hindi bigyang timbang ang motion for preliminary investigation ng nasasakdal na pulis dahil sa kawalan ng merito.

Magugunitang naglalaro ang biktimang si Habal sa labas ng kanilang bahay nang masapul ng punglo sa noo noong Abril 28.

Tinangkang pigilan ng lolo at lola ng bata na sina Elsa at Arsenio si Delos Reyes, na ikinatwirang nakikipagbakbakan siya sa isang tulak ng droga.

Kasunod nito ay binaril ni Reyes ang paa ng lola ng biktima para makapuslit ngunit sumuko rin kinalaunan.

Hindi rin pinaboran ni Judge Kwong ang kahilingan ni Delos Reyes na manatili sa Philippine National Police Custodial Center dahil papatayin umano siya kapag isinama sa mga dati niyang hinuli sa Caloocan City Jail.

Ipinalipat ng hukom  si Delos Reyes sa Valenzuela City Jail at sinabing bagama’t pinahahalagahan ang kaligtasan ng nasasakdal, maaari lamang iutos ng Korte ang pagkakapiit nito sa isang detention facility kung saan masusubaybayan siya ng Hukuman.

Kaugnay nito, iminungkahi  ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) ang pagtanggal sa serbisyo Delos Reyes.

Sa apat na pahinang ulat ng IAS, nakasaad na nakagawa si Delos Reyes ng grave misconduct at ang parusa rito ay pagsibak sa serbisyo.

Bigong napatunayan ni Delos Reyes na naaayon sa police operational procedures ang at rules of engagement ang pagpapapaputok niya ng baril na nagresulta sa pagkamatay ni Habal,  ayon sa IAS.

 

Please follow and like us:
Read More

LADY BRGY TREASURER TINAMBANGAN

crimeshooting12

(NI KEVIN COLLANTES)

SUGATAN ang isang barangay treasurer nang tambangan at pagbabarilin ng motorcycle riding criminals matapos kumuha sa bangko ng perang pasuweldo sa mga barangay officials sa Antipolo City, nitong Biyernes.

Ang biktima ay nakilalang si Belinda Manahan, barangay treasurer ng Barangay San Luis, Antipolo City, habang nakatakas ang mga hindi nakilalang salarin, lulan ng kanilang motorsiklo.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang pananambang sa C. Lawis Extension sa Barangay San Luis.

Bago ang krimen ay nagtungo ang biktima at kanyang driver, na hindi na ipinabanggit ang pangalan, sa Landbank upang kunin ang pasuweldo para sa mga barangay officials sa kanilang lugar.

Sakay ng isang Toyota Revo, binagtas nina Manahan at ng driver ang naturang lugar upang bumalik sa barangay ngunit lingid sa kanila ay may mga nag-aabang sa kanilang riding in tandem.

Nang malampasan nila ang mga ito ay kaagad na silang binuntutan at pinaulanan ng bala, sanhi upang masugatan ang biktima.

Masuwerte namang hindi tinamaan ang driver kaya’t pinaharurot ang behikulo upang makatakas at isinugod ang biktima sa RPH Cabading Hospital, kung saan ay nasa maayos na itong kondisyon.

Hindi na rin naman sila hinabol ng mga salarin, na tumakas na lamang patungo sa Empress Road.

Ayon sa pulisya, inaalam na nila ang pagkakakilanlan ng mga salarin sa pananambang.

Hinala ng mga awtoridad, panghoholdap ang motibo ng pananambang ngunit iniimbestigahan pa nila ito.

 

Please follow and like us:
Read More

MERALCO, NEW IMPORT vs TNT

jimmie12

(NI ANNE ENCARNACION)

MASUSUBUKAN ng Meralco Bolts ang bago nitong import na si Jimmie Taylor sa pagsagupa ngayong hapon sa TNT Katropa sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Pinalitan ni Taylor si Gani Lawal na ngayon ay nasa injured/reserve list.

“Our import, Gani Lawal, has been bothered by a hamstring injury lately so we have placed him in the injured list,” paliwanang ni Meralco head coach Norman Black.

“Jimmie will play versus TNT.  He is 6’9, 250 lbs and is a defensive presence in the paint area,” pagmamalaki ni Black kay Taylor, na tumapos na sixth all-time sa kasaysayan ng Crimson Tide na may 205 blocks sa 133 games.
May 3-3 record ngayon ang Bolts at umaasang mapipigilan ang isa sa mga nangungunang team sa reinforced conference na TNT Katropa sa kanilang paghaharap ngayong 4:30 ng hapon.

Sa tampok na laro ay maglalaban naman sa ganap na ala-7 ng gabi ang naghahangad maputol ang sunod-sunod na talo na Phoenix Fuelmasters at solo sa ikalawang puwesto ngayon na Alaska Aces.

Please follow and like us:
Read More

VICE GANDA AGAW-EKSENA ANG GOWN, HAIRSTYLE

vice ganda12

(NI GORGY RULA)

TAWANG-TAWA ng kaibigan naming dumalo sa nakaraang Equality Ball ng

Mega PH magazine na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza nung nakaraang Miyerkules nang gabi.

Namataan daw niya kasi ang dalawang aktor na parehong nanggaling sa talent reality search na pinupuntiryang pormahan ang magandang aktres na younger sister ng mas sikat na aktres.

Nung dumating ito sa ball, takaw-pansin siya sa  sexy gown na suot niya kaya napalingon ang mga kalalakihan sa kanya.

Narinig ng kaibigan naming nagbubulungan sila at pinag-uusapan itong pagdating ni magandang aktres.

Nakatambay lang sila sa bar at walang nangahas na lapitan o tsikahin itong si magandang aktres.

Maya-maya, pagbalik ni magandang aktres malapit sa kinatatayuan nila, tsinika na siya ng isang aktor, at sinundan ng isa pa.

Smile lang si magandang aktres at sinagot naman sila pero parang hindi siya interesado.

Tinanong ako ng kaibigan kong nakasaksi ng eksenang iyun kung totoo bang tiborsya itong si magandang aktres, kaya parang deadma lang siya sa paporma ng dalawang aktor.

Mataginting na “yes!” ang sagot ko. Inamin naman ni magandang aktres na kapwa girl ang type niya at na-link nga ito sa ilang magaganda ring young actress na pinagdududahan ang kasarian.

Equality kasi ang konsepto ng ball na iyun ng Mega magazine kaya wagi ang rampahan doon ng mga miyembro ng LGBTQIA community.

Isa nga sa nakaw-eksena sa red carpet ay si Vice Ganda na naka-gold gown at kinarir ang hairstyle na suot.

May kasama pa siyang mga angels niyang beki na naka-outfit din, at isa nga sa mga angels ay ang batang si Awra Briguela.

Pagpasok ni Vice sa loob ng ballroom, ilang sandali lang lumabas na siya at pinaayos uli sa hairstylist ang buhok dahil nasira raw ito sa kabebeso at kahahawak sa kanya ng mga nakatsikahan niya roon.

Parang nairita pa raw si Vice Ganda nang nasira ang hair niya dahil hindi siguro maganda ang pagkagawa.

Kaya pagkatapos ng event, nagpalit na ito ng outfit at pati buhok nang bumalik siya para sa after-party.

 

Please follow and like us:
Read More

KATRINA NO LOVELIFE

katrina halili12

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

IBANG Katrina Halili raw ang mapapanood sa Kapuso actress sa pelikula ng Bell Films na ‘Kontradiksyon’.

Isang PDEA agent si Katrina sa movie at malayong-malayo raw ito sa mga characters na ginagampanan niya sa mga teleserye niya sa GMA. Hindi rin daw siya kontrabida rito.

“Sobrang layo, action! Action talaga ko rito na totoong action. Actually, parang noong unang in-offer sa akin, parang nagdalawang-isip pa ko kung tatanggapin ko kasi nga action.

“Eh, iniisip ko, magiging believable ba ko na mag-action. Parang ang ginawa ko lang action, Darna, Majica e, ang tagal na saka, parang action-action lang ako dun, Ha ha ha!”

Na-challenge rin daw siya kaya nag-training siya bago sumabak sa shooting. Nakaragdag din daw sa confidence niya yung sobrang tiwala sa kakayahan niya ng director nila, si Njel de Mesa na isang Palanca Award-winning writer/director.

Kapansin-pansin din ang kaseksihan ni Katrina ngayon. As in, bumalik alindog na siyang talaga even before pa ng body niya na wala pa siyang anak.

Nakakapagpa-happy din daw sa kanya yun na talagang nagtuloy-tuloy na ang katawan niya. Ngayon daw, nagpapa-lean na lang siya kaya nagwe-weights siya.

At bago pa namin itanong, inunahan na niya kami sa pagsasabing “no lovelife.”

Consistent si Katrina na wala siyang lovelife at seven years na raw. Katwiran niya, masaya siya ngayon.

“Totoo, masaya ko na ganito. Lalo na ngayon, ang sexy ko, ‘di ba? Ha ha ha! Hindi ko naman sinasabi na ayoko na, alam ko kasi na one day, darating din yung tamang guy for me.

“Pero, hindi ko na siya yung hinahanap. Hindi na yung gaya ng dati na parang feeling ko, yung happiness ko, naka-depend sa may boyfriend ako. Ngayon talaga, hindi na.”

Ang hinahanap lang daw niyang talaga kung sakaling dumating na yung tamang panahon at tamang guy ay seryosong relasyon na.

Bukod sa ‘Kontradiksyon’ kunsaan, kasama niya rin sina Jake Cuenca, Kris Bernal, Ritz Azul, Paolo Paraiso ay nagsimula na rin mag-taping si Katrina sa bago niyang serye sa GMA, ang “Primadonna” kasama si Aiko Melendez.

SCARLET NAG-ENJOY KAY ALDEN

Pati ang anak nina Dra. Vicki Belo at Doc. Hayden Kho na si Scarlet Snow ay hindi pinatawad ng karisma ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Recently kasi ay nakipag-bonding ang Kapuso actor sa cute na cute na anak ni Dra. Vicky Belo na si Scarlet Snow.

Mapapanood sa video na pinost ni Dra. Belo sa Instagram na nag-enjoy talaga si Scarlet na  makipaglaro kay Alden. Nalungkot nga ito nang magpaalam na ang aktor sa kanya kaya naman ang higpit ng yakap ni Scarlet kay Alden dahil ayaw niya itong pauwiin. Nagpromise si Alden na mas tatagalan niya ang pagbisita sa kanya next time. Ipinost din ni Alden ang larawan nilang dalawa sa kaniyang IG na may caption na, “Don’t be sad @scarletsnowbelo. I’ll be right back.”

Ipinalabas na rin ang trailer ng ginawa niyang pelikula sa Star Cinema kapareha si Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye.”

Feeling namin, good karma lang itong si Alden na trailer pa lang, ang ingay na at ang dami ng excited sa movie.

Bakit nga ba hindi, nakakatuwa ang ginawa ni Alden sa mga Mangyan sa Mindoro. Nagpatayo ito ng classroom para makapag-aral ang mga kapatid nating Mangyan.

Sa totoo lang, maraming sumikat na artista, yung iba, mas matagal pa ang bilang ng taon sa industriya. Baka mas mayaman pa kay Alden, pero si Alden ang isa sa kilala naming talagang ibinabahagi ang tagumpay na natatanggap niya.

Please follow and like us:
Read More

SALAMAT ITAY SA MGA SAKRIPISYO MO

HAPPY FATHER_S DAY

(Ni Anet Vergel)

MARAMING isinasakripisyo ang isang ama upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga mahal na supling. Unang isinasakpisyo nito ay ang sarili niyang kaligayahan.

  1. Estilo ng pamumuhay. Kung noon ay halos araw-araw laman ng mga lugar na may inuman ang isang ama, nagsasakriprisyo ito na mabawasan o mawala ang kanyang paglabas-labas upang makatipid para sa gastusin ng kanyang mga anak lalo na sa pag-aaral.
  2. Prayoridad. Kung madalas ay nag-iinom o naninigarilyo ang isang ama, binabawasan na niya ang mga tulad na ganitong bisyo at inuuna na ang trabaho upang maging maayos ang kanyang puwesto sa tanggapang kanyang pinapasukan. Sa pag-asenso ng isang ama sa kanyang opisina, magiging dahilan ito ng pagtaas ng kanyang posisyon at suweldo na para rin naman sa kanyang pamilya.
  3. Oras. Bagaman nababawasan ang oras na laan para sa sarili, bisyo at barkada, nababawasan din ang oras para sa pamilya, subalit ito ay bilang sakripisyo para sa paghahanda sa magandang kinabukasan para sa bata. Bihira man at kulang naman ang oras para sa mga anak, de kalidad na panahon naman ang dapat ilaan at ibigay sa mga anak.
  4. Pera. Natututong magtipid sa sarili upang madagdagan ang perang laan naman para sa pag-aaral at paglaki ng mga bata. Ang mga kasarapan para sa sarili ay nababawasan habang pampasarap at magpapaligaya sa mga anak ang inuuna.
  5. Tulog. Dati, nagagawang matulog ng isang ama ng napakahabang oras lalo na kapag walang trabaho subalit dahil lumalaki ang mga bata, lumalaki ang gastusin ay nababawasan naman ang oras ng tulog ng isang responsableng ama dahil naghahanap ito ng iba pang pagkakakitaan upang ma­dagdagan ang kita niya na pantustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
  6. Pangarap na hanapbuhay o trabaho. Noong medyo bata pa, mapili ang isang lalaki sa trabahong nais niyang pasukin sapagkat para sa kanya ay mahalagang tugma ito sa kanyang pinag-aralan. Subalit kapag na­ging isang ama ang isang responsableng lalaki, wala na itong pili sa nais na pasuking trabaho sapagkat hindi na sariling kapakanan ang kanyang iniisip at di na rin porma na hinahangaan sa kanya ng mga kababaihan. Hangad na niya ang trabaho na magbibigay sa kanya ng oportunidad na kumita upang may maipanggastos sa kanyang pamilya.
  7. Porma. Walang lalaki na nais maging tingin sa kanya ng mga tao lalo na ng kanyang mga katrabaho ay baduy. SIyempre, nais ng mga lalaki na maging maporma at presentable sa lahat lalo na sa mga boss at kliyente. Subalit kapag isang ama na, madalas, akala lang ay okay ang porma nila dahil malinis ang damit, plantsado at maging ang kanilang buhok ay maayos ang pagkakasuklay. Ngunit ang hindi batid ng haligi ng tahanan ay baduy at hindi maganda ang kanyang porma dahil luma ang damit, wala sa uso ang pantalon at hindi maayos ang gupit at hagod ng buhok. Dahil hindi na rin nakakapunta sa gym para mag-ehersisyo, nadadagdagan ang timbang at lumalaki ang tiyan sa halip na maging sexy ang pangangatawan. Bukod pa sa nalalagas ang buhok at hindi na uso ang isinisipol na awitin dahil hindi na kilala ang mga bagong sikat na mang-aawit. Balewala sa mga tatay na wala silang porma basta ang mahalaga ay ‘Superman” sila sa mata ng kanilang mga munting anghel.
  8. Pagiging tagahanga nawala. Dati rati, nakikipag-agawan sa panonood ng telebisyon para sa paboritong basketball team, nakikipila sa para makakuha ng ticket para sa boxing o kaya naman ay concert sa ilang mga kilalang malalaking lugar ang isang lalaking pamil­yado pero kapag naisip na niya ang papala­king pangangailangan ng kanyang pamilya, biglang nawawala ang kanyang gana na gumastos para pambili ng ticket o kaya naman ay pumusta para sa paboritong manlalaro. Sa halip, magtitiyaga na lang sa pakikinig sa balita kaugnay sa larong nais na masaksihan o kaya naman tulad ng basketball ay makikinig na lang sa radyo habang papauwi sa bahay. Wala na rin ang hilig sa panonood ng concert ng paboritong grupo ng mang-aawit at sa halip ay nagpaparaya na lang sa anak na siya naman ang nagiging masidhing taga hanga ng mga sumisikat na mang-aawit sa kanyang henerasyon. Mas ibibigay niya ang perang dapat ay gagastusin niya sa kanyang luho sa kanyang anak na mahal at ayaw mapag-iwanan sa uso.
  9. Mga koleksyon at bagay na nais. Dati, ang ama ng tahanan ang nasusunod sa gusto niyang palabas sa telebisyon kapag gabi subalit natututong magparaya sa anak lalo na kapag babae sa gusto nitong “soap opera” o kaya ay “Koreanovela” upang hindi na ito maglalabas pa ng bahay lalo na sa gabi. Natututong magparaya din ang ama sa kanyang mga anak sa mga bagay na dapat ay maganda at top of the line ang kanya tulad ng mobile phone. Maraming pangyayari na ang isang ama ay gu­magamit lang ng mumurahing cellphone samantalang ang kanyang anak na ayaw mawala sa uso ang gamit ay “Apple” o “Samsung” na top of the line ang gamit na mobile phone mapuwera pa sa laptop at tablet na nais ng mga ito.
  10. Pagkakaroon ng bagwis. Pinakamahirap para sa isang ama ang pagbibigay ng Kalayaan sa kanyang anak. Sa pagkabata pa lang, sa pagtuturo nang pagsakay at pagpapatakbo ng bisikleta, hirap ang isang ama na pakawalan ang kanyang anak o bitiwan ito sa takot na baka matumba ang sinasakyan nito at masaktan ang bata. May pagkakataong ang ama ang nagdadala sa kanyang anak sa unang araw ng eskuwela at hindi rin niya ito maiwan kahit pa may pasok din siya sa opisina sa takot na baka umiyak ito dahil sa takot sa guro, inis sa mga kaklase o sa takot na iwang mag-isa sa paaralan ng kanyang magulang. Mahigpit ang akay ng ama sa kanyang anak at inaalalayan ito upang walang masamang mangyari. Pagkasilang pa nga lang ng isang anak, nagsasakripisyo ang ama na magpaypay sa bata o maglagay ng kulambo upang hindi dapuan ng langaw o kaya naman ay lamok. Sa pagtanda ng anak, lalo’t babae, pinakamahirap para sa isang ama ang ibigay o ipasa na lang ito sa lalaking kanyang napupusuan o mapapangasawa. Maiisip niya na siya ang nagpakahirap sa pagpapalaki ng kanyang anak na halos ayaw niyang utusan sa gawaing bahay subalit sa pagdaan ng panahon at maisipang mag-asawa ay mawawala na lang sa kanya at ang masakit ay magsisilbi sa asawa at siyang gagawa ng mga trabaho sa bahay.

Anak, nagkaroon ng pundasyon

Tunay  na hindi matatawaran ang sipag at dedikasyon ng mga ama para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya sapagkat anumang tindi ng sakripisyo at kabigat ang pinapasang problema at hamon  ng buhay, pilit pa ring itinataguyod ng haligi ng tahanan ang kanyang pamilya kung saan mas higit sa ilaw ng tahanan na mas maging matatag ang ama.

Maraming anak ang sa una ay hindi naiintindihan ang ginagawa ng kanilang ama at kung kailan wala na ito ay saka lang nila naiintindihan ang ginagawang kabutihan nito para sa kanilang pamilya.

Sa huli na rin nila naiisip na magpasalamat sa kanilang ama dahil nabigyan sila ng marangal na buhay at naging maayos ang kanilang pagkatao dahil sa maayos ding pagpapalaki nito sa kanila. Nahubog ang kanilang pagkatao at natutong tumayo bagaman binabayo ng problema at matinding pagsubok sa buhay.

Hindi naiisip ng mga anak ang hirap at pighati na dinanas ng kanilang ama para lang maiayos ang buhay na kanilang tinatamasa sa ngayon.

Panalangin para sa isang ama

Sana, sa espesyal na araw para sa mga ama, maalala nating mga anak ang hirap na pinagdaanan nila para lang mabigyan tayo ng magandang bukas. Ipanalangin din  natin ang mga sundalong ama ng mga batang iniwan nila sa pangangalaga ng kanilang mga asawa upang maipagtanggol ang kapwa at maiayos ang kapayapaan sa ating bayan. Ipanalangin din ang mga amang nasa ibang bansa na nagbabanat ng buto at nagpapatulo ng pawis maibigay lang ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Ipanalangin din natin ang mga amang nagsisinungaling sa kanilang anak na hindi sila nahihirapan sa kanilang trabaho pero ang totoo ay halos wala na silang lakas upang tapusin ang ginagawa sa maghapon sa pagnanais na makapag-uwi ng malaking suweldo. Ipanalangin natin ang lahat ng ama na natitiis na malayo sa kanilang pamilya para lang makapag-uwi ng malaking pera. Mas higit na ipanalangin natin ang kaluluwa ng mga amang pinatay dahil lang sa pagtupad sa kanilang trabaho at gawain upang maging maayos ang kalagayan ng kanilang pamilya na ang tingin sa kanila ay bayani. Nawa’y mabigyang hustisya ang mga amang pinatay sa walang kawawaang dahilan.

Panalangin para sa ama ng bansa

Hilingin din nawa ng mga Pilipino na maging maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ama ng ating bansa, upang sa gayun ay magawa nito nang maayos ang tungkulin niya bilang puno ng bansa at nawa’y malampasan ng Pilipinas ang problema nito at ang iba’t ibang krisis na kinakaharap.

Gabayan nawa ng Ama sa itaas ang gawain ng president at sa halip na batikusin ay tulungan at unawain sa kanyang adhikain na tunguhin natin ang landas ng katotohanan, katarungan at kapayapaan tungo sa mas maunlad na Pilipinas.

MALIGAYANG ARAW NG AMA SA LAHAT!

Please follow and like us:
Read More

UTOL NI RAM REVILLA, 5 PA INABSUWELTO NG KORTE

not guilty12

(NI ROSE PULGAR)

PINAWALANG sala kahapon  ng Paranaque Regional Trial Court ang anim na akusado sa pagpatay sa aktor na si Ramgem Revilla noong taon 2011.

Batay sa inilabas na desisyon ni Paranaque City RTC Acting Presiding Judge Betlee-Ian J. Barraquias ng Branch 274 , ‘ Not Guilty’ ang hatol sa mga akusadong sina Ramon Joseph Bautista, kapatid ni Ramgen, Michael Jay Nartea, Roy Francis  Tolisora, Glaiza Visda, Jan Norwin dela Cruz , at Ryan Pastera sa mga kasong murder at frustrated murder dahil sa kawalan umano ng mga sapat na ebidensya.

Dakong alas- 2:00 ng hapon nang isagawa ang pagdinig sa sala ni Judge Barraquias na kung saan ang mga mga nabanggit na akusado ay kinasuhan ng murder dahil sa pagpatay kay Ramgen Revilla noong Oktubre  2011 at frustrated murder sa kasintahan naman nito na si Janelle Manahan.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ng korte ang agad na pagpapalaya sa mga nabanggit na akusado maliban lang kung may iba pa silang mga kaso bukod dito.

Samantala, pinag-iisyu naman ng korte ng warrant of arrest laban sa kapatid ni Ramgen at akusado rin sa kaso na si Ramona Belen Bautista na nananatili pa ngayong at large.

Si Ramgen ay napatay matapos mabaril at masaksak sa kanyang bahay sa BF Homes Parañaque noong Oktubre 28 ng nasabing taon.

Kung saan nabaril din ang kasintahan ni Ramgen si Janelle Manahan sa mukha at balikat, ngunit nakaligtas mula sa pag-atake.

 

Please follow and like us:
Read More

WALANG KADALA-DALA

BOMBAHAN NA FINAL

MARAMING beses nang nabiktima ang mga Pilipino sa mga pyramiding scam na umiikot sa Pilipinas.

Subalit sa kabila nito ay marami pa rin ang hindi ata nadadala.

Maraming style ang mga nasa likod ng scam na ito para maging kapani-paniwala at pagtiwalaan sila sa kanilang sinasabi.

Kamakailan, nasa General Santos City si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at habang nasa kainitan ng kanyang pananalita sa harapan ng maraming tao ay ipinag-utos niya sa National Bureau of Investigation (NBI) at pulisya na ipatigil ang operasyon ng lahat ng branch ng KAPA Community Ministry International.

Sabi ng Pangulo, ayaw niyang magpatuloy ang operasyon nito dahil ayaw niyang mara­ming Pilipino ang lalong maghirap.    Aniya pa, hindi kapani-paniwala ang sinasabi ng KAPA na kapag nag-invest ng P30k ang kanilang mga miyembro, pagkalipas ng isang buwan ay madudoble ito.

Wow! Mucho Di­nero!

Imposible ang ganitong sinasabing sistema ng investment na tutubo ng ganyang kalaki.

Sinabi pa ng Pa­ngulo, sa mga bangko nga tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay 3% lang ang tubo per annum.

Kaya ang mga susunod na mag-i-invest sa samahang ito ay wala nang makukuhang pera tulad ng mga nangyari sa iba pang mga pyramiding scam na nakulong na ang mga nasa likod nito at ang iba ay nangamatay na.

‘Wag po tayong maniniwala sa matatamis na pananalita lalo na pag ang ginamit ay ang salita ng Diyos.

Dapat po ay mapanuri tayo, dahil ang pagi­ging magaling sa pananalita ay pinag-aaralan nila yan para makakumbinsi sila ng mga kasapi.

Hindi po lahat ng nagsasabi ng tungkol sa Panginoon at lalo na ay may kaakibat na pera ay maganda ang kanilang pakay.

Magtaka po tayo kung bakit ganun kalaki ang tutubuin ng ating investment na pera sa ganun kadaling panahon.

‘Wag din po tayong masisilaw sa mabilisang malaking kita ng pera dahil dyan po tayo mabibitag ng mga mapagsamantalang tao.

Malinaw po ang sinabi ni Pangulong Duterte na sori dun sa mga maaapektuhan ng kanyang kautusan sa NBI at pulisya na ipasara at habulin ang nasa likod ng KAPA.

Iisa lang ibig sabihin ni Pangulong Duterte, ayaw niyang mas dumami pa ang mabiktima ni Joel Apolinario na kinikilalang lider ng KAPA.

Malinaw rin na may kasinungalingan ang KAPA. Simula nang pumutok ang isyung ito ay sinasabi nila na ang kanilang inilagak na pera sa samahan ay donasyon lang.

Kung donasyon lang ang kanilang inilagay na pera sa KAPA na mula P5k hanggang milyong piso, bakit pa sila nag­hahabol ngayon?

Ang ibig sabihin ng donasyon ay bigay, hindi investment at walang tutubuin ito.

Ngayon, bakit niyo sisisihin si Pangulong Duterte sa ginawa n’yang pagpapasara sa KAPA?

Natural lang gawin ng Pangulo yan dahil may nakita siyang problema riyan.

Inisyuhan na ng permanent cease and desist order (CDO) ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang KAPA-Community Mi­nistry International Inc. na nakabase sa Surigao del Sur.

Dahilan ng SEC ay ang “soliciting investments from the public in a manner resembling a Ponzi scheme”.

Ang resolution ay ipina­labas noong nakaraang Marso 14 ng SEC en banc para sa permanent order matapos hindi makapag-file ng motion to lift sa CDO sa loob ng ibinigay na panahon ang KAPA.

Sori po sa mga miyembro ng KAPA na namuhunan ng malaking pera, ang iligal kahit kelan ay hindi magiging legal o ang mali kahit kelan ay hindi magiging tama.

Mas makabubuti po sa inyong mga biktima ng KAPA ay makipagtulungan na lang sa gobyerno at sumunod sa payo ni Pangulong Duterte dahil siya ang nakaaalam kung paano kayo mapabubuti.

Baka mabigyan pa kayo ng puhunan at makapagsimula kayo ng bagong negosyo na legal.

Alam niya ang kahahantungan bandang huli ng KAPA kaya mas maaga niya itong pinatigil.

Magmahalan po tayo, mahalin po natin ang Inang Bayan, atin po ito. God Bless Us!

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA sa email joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:
Read More

MAGAGALIT NA BA SI PRES. DUTERTE SA BFF N’YA?

TINIG NG MANGGAGAWA final

MATINDI na ang pambu-bully ng mga Intsik sa mga mangingisdang Pinoy. Kung noon ay itinataboy lang ang mga ito sa pamamagitan ng pagbomba ng tubig kahit pa nasa loob mismo ng bahagi ng sakop ng ating karagatan, nga­yon ay nagawa na nilang banggain at palubugin ang bangka na may lulang 22 mangingisdang Pilipino.

Hindi natin masasabing aksidente o hindi nila sinadya ang pangyayari dahil kung ganun nga, sana ay tinulungan nila ang mga mangingisda nang papalubog na ang bangka ng mga ito. Pero hindi ganun ang nangyari dahil matapos nilang banggain ay umalis ang Chinese vessel at iniwan ang mga mangingisdang kanya-kanyang langoy para mailigtas ang sarili.

Mabuti na lang at may mga Vietnamese na agad nakaresponde at natulungan ang ating mga kababayan kaya nakaligtas ang mga ito.

Imbes namang humi­ngi ng dispensa ang China sa ginawa ng kababayan nila, ang sabi ni China foreign ministry spokesman Geng Shuang, ito ay isang “ordinary maritime accident.”

Hindi pa ba maliwanag na tinatarantado na tayo ng China?

Nagbabala pa si Shu­ang laban sa aniya’y ires­ponsableng pamumulitika sa naturang insidente.

May gana pang magbanta ang tinamaan ng lintik!

Naghain na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) na siyang nararapat na aksyon dahil hindi dapat palampasin ang barbarikong asal ng mga singkit na yan.

Ang magandang marinig ang reaksyon ay kay Pangulong Duterte.

Pero mukhang tahimik si Tatay Digong at wala tayong marinig na kaunti man lang na pagpalag sa ginawa ng BFF niyang mga Intsik.

Ang sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ay nagalit si Presidente sa pangyayari. Pero hindi nya masabi kung kinakailangan pang iakyat sa United Nations ang barbarikong ginawa ng ilang Chinese.

Tingnan nga natin kung sa pagkakataong ito ay magagalit talaga si Pangulong Duterte sa kaibigan niyang China o tatahimik na lang siya at ida-divert ang atensyon natin sa ibang isyu.

oOo

Nitong pagpasok ng buwan ng Hunyo ay magkasunod ang holiday kaya masaya ang iba nating mga kapwa manggagawa partikular ang mga nasa pribadong sektor.

Paano nga kasi’y dalawang double pay ang ibig sabihin ng magkasunod na holiday. Una ay noong Hunyo 5 na Eid’l Fitr at nitong Hunyo 12 na Independence Day.

Nag-isyu ng advisory si Labor Secretary Silvestre Bello III, para ipaalala ang double pay na dapat ibigay sa mga empleyado.

Nakasaad sa advisory, na ang mga empleyadong hindi papasok sa mga naturang araw ay dapat na bayaran ng 100 percent ng kanilang sweldo ([Basic wage + COLA] x 100 percent), habang ang mga nagtrabaho naman sa nasabing mga araw ay pagkakalooban ng 200 percent ng kanilang regular salary para sa unang walong oras ng trabaho ([Basic wage + COLA] x 200 percent).

Sana naman ay makonsensya ang mga employer na magugulang. Ibigay ninyo ang nararapat na sahod sa mga empleyado niyo para naman ganahan silang magtrabaho. Kapag masaya ang mga yan ay siguradong maganda rin ang output ng kanilang trabaho na ang makikinabang ay ang inyo rin namang kompanya.

oOo

Ang kolum na ito ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga manggagawa. Ipa­dala ang inyong mga karaingan, sumbong, reklamo o maging solusyon sa mga problema sa inyong kapaligiran. Iliham lang sa Diaryo Bomba o kaya ay i-email sa dongbvaleza@gmail.com  (TINIG NG MANGGAGAWA / DONG VALEZA)

Please follow and like us:
Read More

ABANIEL, PORRAS LUHAAN SA US

sports21

(NI ARIEL BORLONGAN)

KAPWA nabigo sina dating world champion Gretchen Abaniel at ex-world rated Glenn Porras sa kanilang mga laban nitong Biyernes sa Avalon, Hollywood, California sa United States.

Natalo kay WBC female silver light flyweight beltholder Seniesa Estrada (17-0, 7 KOs) si Gretchen Abaniel (18-11, 6 KOs) sa knockout sa 4th round, ayon sa Fightnews.

“Abaniel quit on her stool after the end of round four,” dagdag sa ulat.

Nakipagsabayan naman si Porras kay WBC No. 6 super bantamweight Azat Hovhannisyan ng Armenia hanggang sa naputukan ito sa kaliwang pisngi at itigil ng Amerikanong referee ang sagupaan eksaktong 2:08 sa 4th round.

“Super bantamweight Azat Hovhannisyan (17-3, 14 KOs) punished Glen Porras (32-9, 20 KOs) until their bout was stopped in round four. Time was 2:08. No knockdowns,” dagdag na ulat ng Fightnews.

Please follow and like us:
Read More

MABUHAY ANG PILIPINAS!

RESPONDE.jpg

SABAY-SABAY nating sinalubong ang Araw ng Kalayaan ng ating bansang Pilipinas! Ang kalayaan na ating natamo nuong 1898 mula sa bansang Espanya ay simbolo ng katatagan ng ating mga ninuno na nagbuwis ng buhay upang tayo ay umabot sa panahong ito. Napakahalaga ang magbalik-tanaw lalo na sa mga kabataan nga­yon na tila hindi nagkaroon ng pagkakataong masilayan ang istorya ng nakaraan.

300 taon na ang lumipas. Napakaraming bayani ang humarap sa tawag ng ating bayan. Marami ang mga lumaban sa sulat-kamay at gayundin sa kamaong bakbakan. Sila ay kinilala at binigyang pugay. Marami rin ang tahimik lamang lumaban at s’ya namang bumago sa ating kasaysayan.

Sa Pilipinas man o sa ibayong bansa, patuloy ang laban ng bawat Pilipino para sa kani-kanilang bersyon ng kalayaan. Kung kaya atin ding ipagdasal sa Poong Maykapal na gabayan tayong lahat sa ating hamon sa buhay.

Matatandaang tumindig ang Administras­yong Duterte laban sa basura ng Canada. Eto muli ang pagsubok mula naman sa Tsina pagkatapos ng banggaan ng mga bangka sa West Philippine Sea. Ang “collision” sa dagat ay minsan hindi maiiwasan. Ngunit ang pag-abandona sa ating mga Pilipinong mangingisda ay isang paglabag sa internasyonal na kasunduan sa ilalim ng UNCLOS. Kung kaya ito ay hindi dapat palagpasin at ating labanan.

Kung ating susuriin ay mahusay ang ating liderato, sapat ang ating mga batas. Ngunit, sa suma total, nasa ating mga kamay pa rin nakasalalay ang ating buhay at kinabukasan. Lumaban tayo pag tayo’y inaapi. Patuloy na isulong ang kalayaan laban sa pang-aalipusta ng ibang bansa at gayun na rin sa iligal na droga, krimen, at korapsyon.

Mainam na naglipana ang pagdiriwang ng bawat isa mula sa gobyerno at pati na rin sa pribadong sektor, dito sa atin at sa bawat sulok ng mundo. Ang paggunita ng sambayanang Pilipino ay nagbibigay pag-asa na kahit anoman ang a­ting pagkakaiba sa ating paniniwala at sa ating pinagmulan, isa lamang ang ating hangarin – ang magbuklod bilang isang malayang Pilipinas kung saan masaya, malusog, maayos at maunlad ang bawat Pilipino.

Binabati kita sa iyong kalayaan! Mabuhay Pilipinas! (RESPONDE ORA MISMO / KUYA JOE)

Please follow and like us:
Read More

CONSULTANT NAHULOG MULA 9TH FLR NG CONDO

crime12

(NI FRED SALCEDO)

PALAISIPAN pa rin sa mga pulis kung tumalon o nahulog ang isang consultant ng isang kompanya, sa Quezon City.

Ito ang iniimbestigahan ng mga awtoridad makaraang matagpuan ang katawan nito na duguan at lasug-lasog  sa garden ng isang condominium sa Barangay Bagumbayan, Quezon City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ni P/Captain Juan B. Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit CIDU, ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Jose Miguel Del Rosario, 56-anyos, consultant ng Kawasaki at residente ng Olympia Heights  Condominium na matatagpuan sa Orchard Road, Eastwood City, Cyber Park , Bagumbayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng hapon natagpuang duguan at lasug-lasog na katawan ni Del Rosario sa garden sa ground floor ng nasabing condominium.

Una dito ay namataan ang biktima at ang live-in partner niya na nakilalang si Roselle Ann Mae Palma na nagtalo at nauwi sa matinding away sa parking lot ng condominium.

Nilapitan umano ito ng guwardiya upang pag-ayusin.

Bagama’t naawat naman ang pagtatalo ng mag-live-in ay nagdesisyon umano ang babae na umakyat sa 9th floor at tuluy-tuloy na nagtungo sa kanilang silid at inimpake ang kanyang mga damit at kagamitan.

Nabatid na nagpasama pa umano si Palma sa sekyu sa unit at habang palabas ng silid ang babae ay panay naman ang habol ni Del Rosario at pinipigilan itong umalis subalit nagpatuloy pa rin ang una at naiwanang nakatayo sa hallway ang biktima.

Nabatid pa na habang nasa loob ng elevator si Palma ay nakatanggap ng tawag ang sekyu sa handheld radio na nahulog si Del Rosario mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ng condo.

 

Please follow and like us:
Read More