2-ANYOS BATA ISINILID SA CONTAINER NA MAY TUBIG

crime600

(NI NICK ECHAVARRIA)

NATAGPUANG nakasilid sa loob ng isang container na may tubig ang bangkay ng isang 2-taong gulang na batang paslit na lalaki sa isang boarding house malapit sa kanilang bahay sa Misamis Oriental, Miyerkules ng gabi.

Nakilala ang bangkay ng paslit na si Renz Gubat, ng Barangay Casinglot, Tagolaon.

Sa ulat ni P/Corporal Jackilou Malagamba, hepe ng Women’s and Children’s Desk ng Tagolaon Municipal Police Station (MPS),maaaring sinadya ang insidente dahil may nakitang sugat sa ulo ng  biktima habang naka- lock ang takip ng pinaglagyang container nang madiskubre ang bangkay  nito sa loob.

Imposible rin na malunod ang bata sa loob ng container dahil kaunti lang ang tubig na laman nito, ayon sa pulisya.

Nadiskubre ang  bangkay ng biktima bandang alas-7:00 ng gabi nang kumuha ng tubig ang  kapitbahay na si Aries upang gamitin sana sa kanyang pagbabanyo na ikinagulat nito.

Patay na nang idating  sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima, ayon sa doctor na sumuri dito.

Naniniwala ang pulisya na may foul play sa pagkamatay ng bata dahil kung aksidente man na nahulog ito sa loob ng container dapat ay una ang ulo nito at hindi nakatihaya ang katawan sa loob ng container.

Huling nakitang buhay ang biktima na nakikipaglaro sa kanyang nakatatandang kapatid noong hapon bago natagpuan ang bangkay subalit hindi na nakasalo ng kanyang pamilya sa hapunan.

Patuloy na inaalam ng pulisya kung sino ang responsable sa nangyaring krimen.

 

 

Please follow and like us:
Read More

6 SA ARMED ROBBERY GROUP, PATAY SA PAMPANGA 

armed robbery12

(NI GINA BORLONGAN)

ANIM na hinihinalang miyembro ng robbery group na kumikilos sa Pampanga at iba pang lugar sa Central Luzon ang napatay sa hiwalay na pakikipagbarilan sa pulisya  sa Apalit at Bacolor, Pampanga nitong Hunyo 13.

Dalawa sa apat na robbery hold-up suspects ang napatay ng mga pulis sa Brgy Cabetican, Bacolor, Pampanga makaraang mangholdap sa Shell gasoline station sa  Brgy. Sta. Ines at nakipagbarilan nang maharang habang lulan ng asul na Toyota Hi-lux pick-up truck (XTF628).

Kinilala ang dalawang napatay na sina Ariel Moguil, residente ng Mabalite Tadian, Mountain Province at Dexter Tinguey, 21, residente ng Bermuda Hills, Brgy. San Carlos, Baguio City. Nakatakas naman ang dalawang kasamahan nila lulan ng motorsiklo.

Makaraan ang ilang oras, nakipagbarilan sa mga pulis ang grupong lulan ng pulang Toyota Innova (NCF 4091) matapos holdapin ang  Alfamart sa Brgy. San Vicente, Apalit, Pampanga kaya napatay ang apat na hindi pa kilalang mga suspek.

“Due to quick police reporting, we were able to locate these lawless elements promptly and the necessary police action was conducted. One criminal off the street accords citizens with sound sleep and I continue to appeal to our public to continuously help us in this fight,” sabi ni PRO3 Regioal Director Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel.

 

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NILUSOB; LALAKI NIRATRAT SA HARAP NG PARTNER

crime

(NI JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Isang lalaki na hinihinalang sangkot sa operasyon ng iligal na droga ang binaril at napatay sa loob ng kanyang bahay sa lungsod na ito noong Huwebes.

Sa report ng pulisya, masayang nagkukuwentuhan sa loob ng kanilang bahay ang biktimang si Christian Nuera, 28, at ang kanyang live-in partner na si Chris Chenery Datinguinoo, nang biglang pumasok sa loob ng tahanan ang dalawang lalaki na armado ng hindi pa matiyak na kalibre ng baril na parehong may suot na maskara.

Batay sa testimonya ni Datinguinoo, inutusan umano si Nuera ng dalawang armadong bisita na ilabas ang iligal na droga na nasa pag-iingat ng biktima.

Nang hindi sundin ang utos ay bigla na lang binaril sa ulo ang biktima na siya nitong dagliang ikinamatay.

Iniwan ng mga namaril si Datinguinoo na hindi naman sinaktan.

Hindi kinumpirma sa report kung may talagang kinalaman ang biktima sa lokal na sindikato ng droga.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang kilalanin ang mga pumatay.

 

Please follow and like us:
Read More

COMPUTER SHOPS MALAPIT SA SCHOOL BABANTAYAN

ncrpo12

(NI LYSSA VILLAROMAN)

IPINAG-UTOS ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang mahigpit na pagbabantay sa lahat ng computer shop sa Metro Manila lalo na ang mga shops na malapit sa eskwelahan upang maiwasan ang paglalaro ng mga estudyante ng mga online games sa oras ng klase.

Ang kautusan ni Eleazar ay bunsod nang maaktuhan ang 12 estudyante na senior high school habang ang mga ito ay naglalaro ng online games sa isang computer shop sa Makati City dakong alas-2:00 ng hapon ng Huwebes.

Ayon kay Eleazar, batay sa Department of Education Order No.86 series of 2010 bawal pumasok sa mga computer shop, mall at sinehan ang mga estudyante kapag oras ng klase.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang NCRPO sa mga local government  units na maging aktibo sa pagbabantay sa mga estudyante na hindi pumapasok sa kanilang klase at inuubos ang kanilang oras sa paglalaro ng online games sa mga computer shops.

Ayon kay Eleazar, may kapangyarihan din ang lahat ng local government unit na magsagawa ng inspeksiyon sa mga naturang establisiyemento.

Maliban dito, sinabi ni Eleazar na nakikipagtulungan din sila sa mga opisyal ng mga paaralan upang matiyak na hindi pakalat-kalat ang kanilang mga estudyante sa lugar na malayo sa paaralan.

Babala naman ni Eleazar na kanyang ipasasara ang mga computer shop at ilang establisyemento kapag pumayag sa mga estudyante na maglaro ng online games sa oras ng klase.

Sinabi pa ni Eleazar na hihingi rin sila ng tulong sa mga pamahalaan lokal ng mga lungsod na sa oras na makakita o makahuli sila ng mga estudyante na naglalaro  sa loob ng mga computer shop ay kanilang ipapasara ito.

 

 

Please follow and like us:
Read More

4 VINTAGE BOMB NAKITA SA RIZAL

bomba12

(TEKSTO/PHOTO BY JC TUMBADO)

APAT na piraso ng ‘vintage bomb’ ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Rodriguez, Rizal.

Dagliang kinordon ng rumespondeng mga tauhan ng Rizal Provincial Police Office-Bomb Disposal Unit (RPPO-BDU) ang lugar sa Sitio Wawa, Barangay San Rafael at ipinalayo ang mga residente na malapit sa pinagkatagpuan sa mga bomba dahil sa posibleng sumabog pa ang mga ito.

Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station, isang tawag sa telepono mula sa Barangay ang kanilang natanggap kaugnay sa pagkakatagpo sa mga bomba nitong Biyernes ng umaga.

Sinasabing nahukay sa isang construction site ang apat na vintage bomb na posible pa umanong sumabog.

Nasa pangangalaga na ng RPPO-BDU ang narekober na mga bomba.

Please follow and like us:
Read More

TRIKE DRIVER BINARIL; LASING NA PULIS HULI

arested12

(NI KNOTS ALFORTE)

ISANG tricycle driver ang binaril ng umano’y pasaherong pulis habang nagmamaneho sa Antipolo City.

Kinilala ang biktima na si John Paul Obar, 20, ng Olalia Ave. Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Ayon sa report na nakarating kay Rizal Police Provincial Director P/Col Lou Frias Evangelista, mula kay Antipolo City Chief of Police P/Lt.Col Villaflor Bannawagan, dakong ala-1:30 ng madaling araw ng Biyernes, minamaneho ni Obar ang kanyang tricycle para ihatid ang kanyang pasahero mula Assumption Hospital patungong Cogeo ng lalaking nagpakilalang pulis at lasing na lasing.

Sa hindi pa batid na dahilan, bigla na lamang umanong bumunot ng baril at derektang ipinutok sa kanya ng suspect ang baril. Mabuti na lamang umano at hindi tinamaan ang driver na agad nakatakbo para humingi ng tulong.

Saktong nagpapatrolya ang mga PNP Antipolo sa lugar kaya mabilis na nahuli ang suspek na lasing.

Kinilala itong si Police Corporal Jay Mar Espiritu, 32, kasalukuyang nakatalaga sa Camp Karingal, Quezon City.

Nakuha naman ang baril na ginamit na Glock 17.

Nakakulong sa Antipolo jail ang suspect at inihahanda ang posibleng kasong kakaharapin.

 

Please follow and like us:
Read More

16TH, 17TH CONGRESS ANG ‘DI NAGPALUSOT SA PRANGKISA NG ABS-CBN

jimmy bondoc12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

UMARANGKADA ulit ang singer na si Jimmy Bondoc sa kanyang pagbatikos sa isang network. Pero ngayon wala na siyang sinasabing sexual harassment. Ang mga issue niya ay ang pagbabayad ng tamang buwis, pagbabayad ng utang sa bangko at ang labor problems. Mas mabigat ang sinasabing iyan ni Bondoc dahil kung sexual harassment lang, naku kahit na mag-alok siya ng libreng abugado walang kakagat.

Sino ba namang lalaki ang aaming naging syota ng bakla. Sino ring babae ang aaming nakipaglaro siya sa tomboy o sa isang DOM? Mahirap mong asahan na lalantad ang mga iyan.

Anyway hind issue iyong sinabi ni Jimmy Bondoc. Ang issue riyan ay ni hindi nga pinag-usapan sa Kamara ang RA 4394 na inihain ni Congresswoman Micaela Violago ng Nueva Ecija. Nang maitanong tungkol doon ang outgoing speaker na si Gloria Macapagal Arroyo, ang naging sagot niya ay simpleng “tapos na ang session namin. Adjourned na ang 17th. Congress”. Ibig sabihin kailangang maghintay ang ABS-CBN ng kasunod, susubukan nila ulit sa 18th  Congress.

Pero, iyan palang batas na iyan, iniharap na ni dating Congressman Giorgidi Agabbao ng Isabela noon pang 16th congress. Ibig sabihin hindi lang pala minsan kundi dalawang beses nang butata iyang panukala na mai-extend ang franchise ng ABS-CBN. Noong 16th Congress kung kailan unang nabutata iyan ay hindi pa presidente si President Digong. Panahon pa ni Noynoy iyon. Bakit hindi rin lumusot?

Noon hindi pa masyadong pinag-uusapan iyan dahil ilang taon pa bago mag-expire ang kanilang franchise, eh ngayon, kumbaga sa karera photo finish na iyan eh, at saka lahat ng franchise ng ibang networks nakalusot na. Iyong kanilang kalabang GMA-7, siguradong makakapag-broadcast sa susunod na dalawampu’t limang taon. Sigurado na iyon hanggang 2040, sila nanganganib na masara sa loob ng susunod na siyam na buwan.

Kailangan din ng milagro diyan. Subukan kaya nilang magdasal ng rosaryo araw-araw sa harapan ng ABS-CBN. Ano kaya ang masasabi riyan ni Bro.Jun Banaag? Pati programa niya sa DZMM, sabit. Dapat manawagan na rin sina Ka Tunying, DJ Richard at Gerry Baja sa mga kasama nila sa INC, manalangin naman sila doon sa may gate ng ELJ Building. Baka sakali, ano malay ninyo magkaroon ng milagro. Huwag na ninyong isasama iyong KAPA, mayayari kayo.

HANGGANG MAY PANANAMPALATAYA, MAY MILAGRO

Pinag-uusapan na rin lang ang milagro, hindi totoo ang naunang tsismis na aalisin na ang life support sa actor na si Eddie Garcia, dahil ang pamilya niya ay naniniwala sa isang milagro, at naniniwalang siya ay gagaling pa. Hindi na nga siguro magaling na magaling, dahil naroroon ang katotohanan na apektado ng aksidente ang kanyang spinal column, at kung makaligtas man, naroroon ang posibilidad na siya ay maging paralyzed na mula leeg hanggang paa. Pero may milagro.

Tandaan ninyo iyan, walang imposible sa may pananampalataya.

BAKLUSHES NA PRODUKTO  NG REALITY SHOWS SA ANGELES  CITY ANG RENDEZVOUS

Bading to the max talaga ang isang kasali sa isang reality show, at mapapatunayan iyan dahil nagkaroon siya ng relasyon sa isang sumali rin sa isang talent search sa isang TV station na mahina na ngayon. Pogi rin, pero sinasabing bisexual din ang talent doon sa kabilang istasyon. Hindi sila affected ng network war, basta silang dalawa ay nagkasundo noon, at take note Tito KC, madalas daw sila sa Angeles City. Doon ang kanilang rendesvouz.

 

Please follow and like us:
Read More

RIDER NA SENIOR CITIZEN PATAY SA BMW

accident12

(NI KEVIN COLLANTES)

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 63-anyos na rider matapos na makasagian ang isa pang sasakyan sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, nitong Huwebes.

Naisugod pa sa San Juan Medical Center si Venerando Franklin Rosal, 63, ngunit idineklara na rin itong patay ng mga doktor dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga pulis ang suspek na si Jennevie Cabactulan, 36, na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng Mandaluyong City Police na dakong alas-5:45 ng hapon nang maganap ang aksidente sa Araullo Street, kanto ng Montessori Street, sa Barangay Addition Hills.

Binabagtas umano ni Rosal ang Araullo Street patungong Shaw Boulevard, lulan ng kanyang Honda motorcycle (Enduro) na may plakang NA 4523, nang aksidenteng makasagian nito ang BMW Wagon (WRQ-315) na minamaneho naman ni Cabactulan, na noon ay lumiliko sana pakaliwa  mula sa Montessori Street, patungong Araullo Street.

Dahil sa lakas ng impact ng banggaan, ay tumilapon pa ang biktima ng may 10 metro mula sa kanyang motorsiklo, na nagresulta sa matinding pinsala sa kanyang ulo at katawan.

Mabilis namang naisugod ng mga rumespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Juan ang biktima sa pagamutan ngunit patay na ito.

 

Please follow and like us:
Read More

INDIAN NATIONAL HULI SA ‘RENT A CONDO’ SCAM

arrested12

(NI KOI HIPOLITO)

ARESTADO ang isang Indian national sa isang entrapment operations ng mga operatiba ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police Station matapos itong ipagharap ng reklamo ng biktima na kinuhanan nito ng bayad sa pinauupahang condominum unit umano ng suspek, Huwebes ng hapon sa ground floor ng SM Mall of Asia sa Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Krishna Chaitanya Ravichander, 32, ng No.23 G, Green Belt Madison Condominium, Salcedo St.,Makati City, habang kinilala naman ang biktima na si Rosendo Zarco, 28, residente ng B-14, Lot 16, Dove St., Camella Spring Ville, Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Base sa report ng biktima nagkakilala umano sila ng suspek na si Ravichander at hiningan umano siya ng halagang P20,000 bilang down payment kapalit ng susi ng condo unit noong June 7.

Subalit nang sumunod na araw ay muling  pinuntahan ng biktima ang unit at tinangkang buksan ngunit hindi umano ito mabuksan at napag-alaman din na may umookupa sa unit. Sinubukan umanong tawagan nito ang Indian national subalit hindi na ito sumasagot dahilan para magreklamo sa mga otoridad ang biktima at inilatag ang nasabing operasyon laban sa suspek.

Nadakip ito matapos tanggapin ang iniabot na boodle money sa isang nagkunwaring naghahanap ng condo unit na kaibigan ng biktima.

Mahaharap sa kasong Estafa (swindling) ang nakakulong ng suspek sa Pasay City Prosecutors Office.

 

Please follow and like us:
Read More

ZUMBA INSTRUCTRESS BINISTAY NG BALA

crimeshooting12

(NI JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Isang babaeng zumba instructor sa lungsod na ito ang niratrat at napatay noong Huwebes.

Sunud-sunod na bala ang tumama sa katawan ni Regina Orbes, 41, habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo matapos siyang paulanan ng putok ng hindi pa nakikilalang salarin.

Dead on the spot ang biktima sanhi ng mga grabeng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Naganap ang pagpaslang sa isang bahagi ng national highway sakop ng Barangay Mayao Crossing bandang alas-6:00 ng gabi.

Ang biktima ay kilala sa siyudad bilang instructress ng zumba at iba pang sayaw.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang bumaril at ano ang motibo sa pagpatay.

Please follow and like us:
Read More

ALDEN RICHARDS PARARANGALAN NG MGA MANGYAN

alden33

(NI GEORGE VAIL KABRISTANTE)

PERSONAL driver  noon si Sevillo B. Tamayo ni JQ ‘Take It Away’ Quirino kaya na-penetrate niya ang showbiz.

Naging ka-sparring partner pa niya si Eddie Garcia sa mga so-so actioner. Extra din siya sa mga pelikula ng Da King Fernando Poe, Jr.

Nag-attempt manligaw kay Janice De Belen who only had  eyes for Aga Muhlach. Basted siya. Aray ko!

Nagpakadalubhasa siya  sa larangan ng alternative at herbal medicines.

Iniskolar pa siya ni First Lady Imelda Marcos sa China hannggang sa naging most-sought after Doctor of Naturopathy locally and internationally.

All through the years ang

frustration niya kay Janice De Belen triggered Doctor Tamayo to become world-famous that he is now.

Dahil sa kanyang discovery to neutralize, and drink as well the fatal compounds of Muriatic Acid, he was officially declared “The World’s Muriatic Drinking Man” ng Guinness World Records 2019.

May implications ito sa specially formulated  Alkaline Powder na naging trade secret ni Dok. Tamayo sa kanyang cure-all properties for age-related at degenerative diseases, pati na cancer, etc.

Sa June 24 – 25 ay magkakaroon si Dok Tamayo ( Ph. D. holder din siya) ng “1st National Conference On Herbal and Indigenous Medicine” na  isasagawa sa Riverside Hotel & Resort, Salitran, Dasmarinas, Cavite. Sa mga gustong dumalo tumawag lamang sa 09214822885.

Dito pararangalan, among others, si Alden Richards dahil sa tulong niyang maitayo ang isang eskwelahan para sa mga Mangyan ng Sablayan,  Occidental Mindoro.

Beneficiaries din ni Dok. Tamayo ang pitong tribu ng mga Mangyan sa  Mindoro na supplier din niya ng mga indigenous  herbal plants, fruits, and root crops.

Inimbitahan din niyang dumalo si Janice De Belen hoping na magkakaroon siya ng final closure nito sa kanyang  naunsyaming bukal na pagmamahal ilang dekada nang nakaraan. “Coitus interruptus” ang tawag nito, ‘di ba KC?

 

Please follow and like us:
Read More

TORONTO RAPTORS, NBA CHAMP!

raptors21

WAGI sa NBA ang Toronto Raptors sa kauna-unahang pagkakataon.

Tinalo ng Raptors ang Golden State Warriors sa 114-110 sa  Game 6 ng NBA Finals, Huwebes ng gabi (Biyernes ng umaga sa Manila)

Nanalo ang Raptors sa 4-2 series na pumigil sa Warriors sa ikatlo sanang straight championship.

Sina Kyle Lowry at Pascal Siakam ay pumuntos ng tig-26 para sa Raptors, sina Fred VanVleet at Kawhi Leonard naman ay may tig 22.

Si  Klay Thompson ay umiskor ng 30 sa Golden State ngunit nagkaroon naman ng knee injury. Si Andre Iguodala ay nakapuntos ng 22 at si Stephen Curry ay may 21 sa Warriors.

Na-miss ni Curry ang 3-pointer sa nalalabing 5 seconds.

Please follow and like us:
Read More

‘KAANAK’ NI SEN. REVILLA HULI ARMAS

arrested124

MATAAS na uri ng armas ang nakumpiska sa lalaking nagpakilalang kaanak umano ni Senador Bong Revilla sa police checkpoint sa Imus City, Cavite.

Nang sitahin, ayon kay Police Lt. Col. Junar Alamo, hepe ng Imus City Police, nagpakilala umanong bayaw sa pinsan ng senador ang lalaki na hindi na pinangalanan.

Nabatid na bandang alas-2:00 ng madaling araw ng Biyernes ay nagsasagawa ng checkpoint sa naturang lugar nang parahin ang Toyota Innova ng lalaki sa Bayang Luma.

Nang siyasatin, nakuha sa lalaki ang anim na matataas na kalibre ng baril gaya ng M16 at dalawang Uzi na pawang walang mga papeles.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang lalaki.

 

Please follow and like us:
Read More

BLESSING IN DISGUISE: BIG PLANS FOR VICKIE RUSHTON

vickie12

(NI THE 1ST  NOEL FERRER)

MUKHANG tama nga si Jason Abalos sa sinabi nito sa akin pagkatapos hindi pinalad ang kanyang girlfriend na si Vickie Rushton na manalo na anumang korona o title sa nakaraang Bb. Pilipinas Beauty Pageant kahit siya ang nag-uwi ng pinakamaraming sponsor awards.

Ang sabi ni Jason, “Sayang lang, kasi kaya nyang sagutin ‘yon sa Q&A Sir eh, nadistract lang siya sa nag-ingay na audience. At naisip ko, baka hindi rin siguro para sa kanya ang kahit anong crown du’n Sir; may ibang plano si Lord 🙂

Maganda lang ay ipinapakita ngayon ni Jason ang kanyang suporta kay Vickie after ng nangyari.
Nakatutuwa lang na sa social media post ni Direk Joey Reyes kahapon ay nagsabi na “Meeting with Vickie Rushton for big plans ahead #behappy”. Kasama sa meeting ang Regal heiress na si Roselle Monteverde.
Abangan na lang natin ang niluluto nilang “big plans” na mukhang blessing-in-disguise.

CLARITA NI JODI, “LAST” NA NIYA?

Masaya ang napagtanungan naming theater distributors sa naging resulta ng mga pelikulang nagbukas this week.
Expectedly naka 21M opening day gross ang “Men In Black 2” na tunay daw na entertaining ayon sa mga nakapanood nito.

At ang tangkang pambata nating local film na “Clarita” mula sa Blacksheep Productions starring Jodi Sta. Maria ay naka 7M naman daw. Ok na ‘yun sa isang local film ngayon.

Mas maganda pa sana kung madadagdagan pa ang manonood ng Graded A na pelikulang ito ni Derick Cabrido dahil katulad ng sinsabi ng mga kaibigan ni Jodi na sina Direk Rowell Santiago at Ara Mina, marahil ito na ang BLhuling beses na gagawin ni Jodi ang ganitong materyal kasi bukod sa ubod ng galing, sobrang nakakapagod ang

ginawa niya rito sa pelikulang ito.
“Last ko na ito,” sabi ni Jodi sa ganitong nakakapagod at mapanghamon na film genre.

Tara, nood na ng “Clarita”!

 

 

Please follow and like us:
Read More

3 SAKAY NG MOTORSIKLO PATAY SA BUS

accident121

TOBOSO, Negros Occidental—Patay lahat ang tatlo kataong sakay ng motorsiklo matapos sumalpok sa kasalubong na bus sa Barangay Tabu-ac sa bayang ito, Huwebes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Junrey Bawaan, Arnel Selma, at isang 15-anyos na lalaki.

Magkakaangkas umano ang tatlong nakamotorsiklo at mabilis ang takbo dahil may hinahabol umanong isang pang motorsiklo.

Nabangga sila ng kasalubong na bus nang makarating sa pakurbadang daan sa naturang barangay.

Dead on the spot si Bawaan, habang sa ospital na binawian ng buhay ang dalawa niyang kasama.

Nakakulong na ngayon sa istasyon ng pulisya ang driver ng bus.

 

Please follow and like us:
Read More

PAGKILALA SA ARAW NG MGA AMA

FATHERs DAY

(Ni Anet Vergel)

TUWING ikalawaang Linggo ng Mayo, ipinagdiriwang ang Araw ng Mga Ina kung saan binibigyang pagkilala ang mga kabutihang nagawa ng mga “ilaw ng tahanan” sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga anak.

Ngayong ikatlong Linggo naman ng Hunyo, ipagdiriwang ang Araw ng mga Ama kung saan kailangang bigyan din sila ng pagkilala sa lahat ng sakripisyong kanilang ginagawa at pinagdaraanan para lang maitaguyod ang kaniyang asawa at mga anak.

Kung ang ina ang ilaw ng tahanan dahil ito ang nagbibigay liwanag at gumagabay sa kanyang pamilya tungo sa magandang buhay at kinabukasan, ang ama naman ang tumatayong “haligi ng tahanan” dahil ito ang  nagiging pundasyon at lakas ng pamilya sa pagharap sa lahat ng hagupit at lupit ng buhay maliban pa sa ito ang nagbibigay ng lakas tungo sa pagtahak sa landas ng kabutihan at magandang kinabukasan.

Ang ama ang nagiging sandalan ng kanyang asawa at mga anak lalo’t nangangailang ito ng proteksyon, pagkanlong mula sa panganib at mabibigat na suliranin.

Sa ama rin kumukuha ng lakas at gabay sa pagsuong ng mabibigat na problema at sila rin ang kinukuhanan ng karunungan dahil sa kanilang malalaking karanasan sa pagharap sa unos ng buhay.

Simula ng araw ng ama

Ang pagdiriwang ng araw ng ama ay nagsimula noong panahon sa pagitan ng pagbagsak ng Imperyong Roma at simula ng maagang Makabagong Europa. Ito ay ginaganap tuwing Marso 19, ang araw ng kapistahan ni San Jose na kinikilalang asawa ni Maria na ina ni Hesukristo para sa mga katoliko.

Ang pagdiriwang ay dinala sa Amerika at Latin America ng mga Kastila at Portuguese na hanggang ngayon ay ipinagdiriwang pa rin.

Nadala sa Pilipinas ang pagdiriwang ng araw ng ama panahong sinakop ng Espanya ang ating bansa.

Pagdiriwang sa Pilipinas

Base sa pinakahuling proklamasyon, ang araw ng ama ay hindi opisyal na walang pasok ang mga empleyado lalo na ang mga ama bagaman ito ay ipinagdiriwang na araw nila. Ang pagdiriwang ay ginagawa tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo at ito ay impluwensiya sa Pilipinas ng mga Amerikano. Siyempre, base na rin sa proklamasyon noong 1988 ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Ang pagdiriwang ng “Father’s Day” ay hindi lang para sa mga ama na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa kanilang asawa at mga anak subalit puwede rin ito sa mga nagnanais na magpaka-ama.

Ang isang ina ay puwede ring batiin ng “Happy Father’s Day” lalo na kapag single parent ito na siyang tumatayong ama at ina ng kanilang tahanan. Maraming ina sa ating bansa ang tumatayong ama sa kanilang mga anak  dahil tulad ng isang ama, nais rin nilang maibigay ang pagmamahal ng isang ama sa kanilang anak na hindi mahanap lalo na kung wala namang ama na puwedeng gumawa nito para sa bata.

Pagkakataong ama na, ina pa

DAHIL makabago na ang panahon, nagtutulungan ang ama at ina sa paghahanap buhay upang mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang pamilya.

Dati-rati, ang ama ang naghahanap buhay para makakain ng tatlong beses sa isang araw ang kanyang mga anak, makapag-aral ang mga bata sa maganda at pribadong paaralan at higit sa lahat ay maibigay ang nais na laruan, damit at iba pang bagay na nais ng kanilang mga anak, subalit ngayon, kahit pagod na ang katawan sa maghapon paghahanap buhay ay may pagkakataong ang haligi pa rin ng tahanan ang gumagawa ng mga gawaing pambahay sapagkat may trabaho ang ilaw ng tahanan at pagod na pagdating ng bahay.

Noong hindi pa makabago ang panahon, ang ama lang ang nagtratrabaho para sa kanyang pamilya at ang ina ang naiiwan sa bahay upang mag-alaga ng mga bata subalit ngayon na kapwa nagtratrabaho ang mga magulang ay nagtutulong ang ama at ina upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak.

Bukod pa ito sa ilang pagkakataon na ang ina ay nasa abroad upang magtrabaho habang ang ama bukod sa pagbabanat ng buto ay siya ring gumagawa ng gawaing bahay upang may mag-asikaso sa kanyang mga supling. Kaya naman sa madaling salita, siya ang haligi ng tahanan  na upang huwag mabuwag  ang pundasyon ng kanyang pamilya ay siyang naghahanap buhay rin katuwang ang ilaw ng tahanan, bukod pa sa siya ang nagdidisiplina sa kanyang mga anak, humuhubog ng ugali at karakter ng mga bata at gumagabay sa lahat upang maging matatag sa lahat ng usapin at aspeto ng buhay.

Sakripisyo ng ama

Hindi biro ang sakripisyo ng magulang para sa kanilang mga anak. Madalas ay buong araw sila nagpapakapagod sa trabaho para lang masustentuhan ang kanilang pamilya. Halimbawa na rito ang amang si Christopher, na kahit iisa lamang ang paa, ay patuloy na naglalako ng ice cream upang kumita para sa kaniyang pamilya.

Ating alamin ang kuwento ng isang ama na kahit na pinagsakluban ng kalangitan ay tuloy-tuloy pa rin ang pagsisikap para sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Sa mga Kristiyano at Katoliko, higit ang naging sakripisyo ng Ama sa langit dahil sa pagsusugo ng kanyang anak na si Hesukristo sa mundo upang iligtas sa kasalanan ang sanlibutan. Pinakamataas na pagkilala ang dapat ipaabot sa Amang nasa langit dahil sa pagbibigay ng buhay sa lahat ng tao at hayop sa lupa, tubig at himpapawid, sa paglikha ng sanlibutan at higit ang pangangalaga sa kanyang mga nilikha sa pang-araw-araw na gawain.

Please follow and like us:
Read More

MALAWAK NA KARANASAN SA PAGIGING MATAPAT ANG KAILANGAN

BAKBAKAN NATIN

MAY panibagong katiwalian na naman sa ­Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Noong pangulo si Benigno Aquino Cojuangco Aquino III, P10.6 bilyong pondo ng PhilHealth para sa senior citizens ang ginamit sa pagpapatayo ng Department of Health (DOH) ng barangay health centers sa mga lalawigan.

Sinampahan na ng kasong “graft and corruption” sina dating DOH Secretary Janette Garin at dating PhilHealth chief executive officer Alex Padilla sa Office of the Ombudsman.

Si Garin ay nanalong kongresista nitong eleksyong Mayo 13.

Noong 2009, naglabas ang pamunuan ng PhilHealth ng P38.708 milyon bilang “performance incentive bonus.”

Umabot naman sa P36.4 milyon ang inaprubahan ng pamunuan ng PhilHealth bilang “Christmas bonus” at P5.69 milyon bilang “anniversary gift” noong 2010.

Ipinabalik ng Commission on Audit (COA) ang mga nasabing halaga sa PhilHealth.

Noong 2015 naman, ipinasasauli rin ng COA ang P79.367 milyong “educational assistance allowance” at P3.695 milyong halaga ng “cash birthday gifts.”

Hindi sinampahan ng kaukulang kaso ang mga taong nag-apruba ng nasabing napakalaking pondo ng PhilHealth na ipinamigay lang sa mga opisyal at kawani ng naturang kompanya.

Halos taun-taon na lang ay mayroong nasisiwalat na katiwalian at korapsyon sa PhilHealth.

Ngunit, wala pa ring napaparusahan at nakukulong.

Ngayon naman ay pekeng kidney dialysis treatment na nangyayari sa WellMed Dialysis and Laboratory Center (WellMed) upang makakuha ng malaking halaga mula sa (PhilHealth), ayon sa pagbubunyag ng dating empleyado ng nasabing kompanya.

Sa isang media forum, ipinaalala ni Garin ang ibinunyag n’ya noong kongresista s’ya noong 2015 ang mga kabuktutang nagaganap sa PhilHealth.

Idiniin niya na hindi lang sa pamamagitan ng pekeng dialysis treatment nananakaw ang pera ng PhilHealth kundi maging sa pneumonia, cataract at dengue kung saan ang mga nagpapatingin nito sa mga pribadong pagamutan at health center ay pawang huwad na mga pasyente.

Pero, ‘nilinis’ daw niya noong maging kalihim siya ng DOH noong 2015 hanggang 2016 sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga opisyal at kawani na sangkot sa inihayag niyang katiwalian at korapsyon, s’yang pagyayabang ni Garin sa nasabing forum.

Pero, si Garin na nagbabalik sa Kamara del Representantes, ay tahimik sa P10.6 bilyong pondo ng PhilHealth na ginamit sa pagpapatayo ng health centers sa mga lalawigan sa halip na ilaan sa mga kasapi nitong senior citizens na s’yang totoong paggagamitan ng nasabing halaga, marahil dahil sinampahan na siya at si Atty. Padilla ng kaso sa Office of the Ombudsman hinggil sa sinasabing naganap na katiwalian at korapsyon.

Bilang DOH, si Garin ang “chairman of the board” ng pamunuan ng PhilHealth.

Pagkalipas ng ilang araw mula nang mabunyag ang panibagong katiwalian at korapsyon sa PhilHealth sa pamamagitan ng WellMed, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang magkaroon ng reporma sa nasabing insurance company na pag-aari ng pamahalaan.

Dahil dito, maraming naglabas ng kanilang opinyon hinggil sa pagbabagong magaganap sa PhilHealth.

Mayroong senador na nagsabing kailangang financial management expert ang dapat mamuno sa PhilHealth upang mapangalagaan daw ang bilyun-bilyong pondo ng nasabing kompanya.

Ayon naman sa isang opisyal ng PhilHealth, walang problema sa pamunuan ng PhilHealth dahil ang mga nakaupo rito ay mayroong “malawak na karanasan sa iba’t ibang larangang nakaugnay sa ginagawa ng PhilHealth” para sa mamamayang Pilipino, kabilang na ang pagiging eksperto sa pamamahala sa pinansiya.

Tama ang naturang opisyal, sapagkat iyan naman ang kalibre ng mga taong bahagi ng pamunuan ng PhilHealth.

Ngunit, bakit walang tigil ang katiwalian at korapsyon sa PhilHealth?

Bakit, walang pakundangang nilalapastangan ang pondo ng PhilHealth na galing mismo sa mga kasapi ng nasabing kompanya?

Hindi sila tapat!

Ang kulang sa mga katangian ng mga dalubhasang tao na itinalaga sa PhilHealth ay hindi sapat ang katapatan nila sa paglilingkod sa mahihirap at pamahalaan.

Ang kailangang mapabilang ngayon sa pamunuan ng PhilHealth ay mga taong mayroong malawak na karanasan sa pagiging matapat.

Mga taong hindi matatawaran ang kalibre ng katapatan ng paninilbihan at paglilingkod nang tapat sa puwestong ipinagkatiwala ng pangulo at pagiging tapat sa mamamayang kanyang paglilingkuran.

Kapag ganito, pihadong hindi papalaot ang pondo ng PhilHealth sa anomang porma ng katiwalian at koraspyon. (BAKBAKAN NATIN)

Please follow and like us:
Read More

PHILHEALTH MAY DIALYSIS SCAM NA, MAY PNEUMONIA SCAM PA

CHRISTIAN BOMB

MATAPOS aminin ni Sec. Francisco Duque III ng Department of Health (DOH) na matagal nang nangyayari ang mga pekeng claims sa PhilHealth, ay isiniwalat naman ni incoming Anak Kalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na bukod sa dialysis scam ay mayroon pang nangyayaring pneumonia scam.

Ayon kay Defensor, aabot sa P10 Billion ang ibinayad ng PhilHealth sa ospital at iba pang health care providers kahit wala namang naitalang ­epidemya ng pneumonia nitong nakaraang taon.

Paliwanag ni Defensor, walang kailangang dokumento sa ospital o health care provider para sa P15,000 na basic case rate para sa pneumonia.

Dahil dito, ipinangako ni Defensor na sa pagbubukas ng 1st regular session ng 18th Congress sa July 1 ay isusulong niya na maimbestigahan din ang pneumonia scam.

Dapat lang talagang magkaroon ng masusing imbestigasyon dito, lalu’t inamin ni Sec. Duque na matagal nang may mga nagaganap na anomalya sa PhilHealth.

Ibig sabihin, matagal na palang napasok ng mafia ang PhilHealth. Matagal nang ginagatasan ng sindikato ang mga miyembro ng PhilHealth.

Sana, hindi lang magtapos sa imbestigasyon o House inquiry ang tungkol sa isyung ito, kundi dapat hubaran ng maskara ang lahat ng sangkot sa anomalyang ito at pagkaraan ay papanagutin sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso upang sila ay makulong.

Hindi kasi katanggap-tanggap sa mga miyembro ng PhilHealth na puwersahan silang kinakaltasan at naghuhulog ng buwanang butaw, tapos ang pinagkakatiwalaan nilang PhilHealth na kanilang lalapitan sakaling magkaroon sila at ang kanilang mga pamilya ng sakit, ay tadtad pala ng corruption.

Sa parte ni Sec. Duque, kung may delicadeza siya sa kanyang sarili, dapat ay magbitiw na siya sa kanyang posisyon.

Sa bibig na rin kasi niya nanggaling, na matagal nang may sindikato sa PhilHealth, at hindi lang isa, kundi dalawa ang scam na nagaganap dito. May dialysis scam na, may pneumonia scam pa. (CHRISTIAN’S BOMB)

Please follow and like us:
Read More

E-SABONG SA OTBS BINULABOG NG GAB

e sabong12

(NI DENNIS INIGO)

TINOTOO ng Games and Amusement Board (GAB) ang kanilang giyera,  ang masawata ang illegal on-line sabong sa mga Off Track Betting Stations (OTBS).

Pitong OTBS ang sinalakay ng GAB matapos makatanggap ng sumbong na ginagamit ang mga ito sa on-line sabong noong Sabado.

Sa report ng Horse Racing Betting Supervision Division kay GAB Chair Abraham ‘Baham’ Mitra, ang mga sinalakay ay ang Moysterious OTB sa Molino 4 Cavite; Project 4OTB sa Quezon City; PingPing OTB sa La Loma, Quezon City; Winford Hotel Casino & OTB sa Sta. Cruz, Manila; San Andres OTB sa Malate, Manila; Manukan OTB sa Ermita, Manila at Leveriza OTB sa Leveriza, Manila.

Ayon sa GAB report, ang mga nahuling teller ay isinailalim sa booking procedure, ngunit kaagad ding pinakawalan  matapos magpiyansa. Pansamantalang ipinatigil ang operasyon sa nasabing mga OTB.

Talamak ang illegal online sabong o e-sabong na halos kinakain na umano ang atensyon ng mga mananaya mula sa mga legal na OTB ng karera.

Nauna nang nagpalabas ng kautusan ang Philippine National Police (PNP) Directorate For Operations ang agarang pag-imbestiga at magsagawa ng pagkilos upang masawata ang umano’y illegal na e-sabong na isinasagawa ng Manila Cockers Club, gayundin sa mga Off Cockpit Betting Stations (OCBC) gamit ang Manila Jockey Club Off Track Betting Stations (OTB).

Sa kautusan ni Police Major General Mao Aplasca, PNP Director for Operation noong Mayo 27, 2019 sa PNP Director for Operation, inatasan niya ang Regional Director of Police Regional Office 4A, PNP Intelligence Unit and Criminal Investigation and Direction Group na imbestigahan,  i-validate at magsagawa ng tamang hakbang sa nasabing reklamo.

Inalabas ang kautusan,  batay na rin sa reklamo ni Ian O. Dela Cruz ng Muntinlupa City,  hinggil sa aniya’y talamak na ilegal na pasugalan (e-sabong) na isinasagawa ng Manila Cockers Club, sa pamamagitan ng off-track betting station (OTB) ng Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite.

Please follow and like us:
Read More

AIRBNB, ‘DI PWEDENG IPAGBAWAL NG ASOSASYON

GO FOR GOLD final

GINIGIPIT ba kayo ng inyong condo association sa pagpapa-upa ninyo sa mga transients via Airbnb, booking.com, Agoda Homes, atbp.?

Well, as long as walang prohibition sa inyong Master Deed with Declaration of Restrictions … hindi nila kayo puwedeng pagbawalan.

Ngunit, ibang usapan kung nakasaad sa inyong Master Deed na bawal itong iparenta sa transients.

Pero, kung House Rules lang o board resolution, hindi ito puwedeng manaig sa inyong karapatan sa inyong pag-aari.

‘Yan ang nakasaad sa Legal Opinion ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) nung Disyembre 21, 2017 ayon sa Director ng Legal Services Group ng HLURB na si Atty. Cesar A. Manuel, MNSA.

“A registered condominium unit/lot owner/lawful possessor thereof has the right to rent out his or her property absent any express prohibition or restriction in the master deed with declaration of restrictions in case of condominium project and a deed of restrictions as stipulated in the contract to sell or in the title of the property itself in case of subdivision project,” sabi ni Manuel sa kanyang opinion.

Dagdag pa niya, “As the registered owner, he or she has the right to the possession of the property, which is one of the attributes of ownership. Possession, under the law, is the holding of a thing or the enjoyment of a right. Parenthetically, and in answer to the issue at hand.”

Ang isyu na hinain natin sa HLURB nuon ay “Whether a Homeowner/s Association or Condominium Corporation/Association can prevent owners from renting out homes or units to transients, balikbayan, tourist on short term basis?”

Malinaw rito na saklaw rin nito ang Homeowners Associations sa mga exclusive village o subdibisyon.

Paliwanag pa ni Manuel, “At the outset, under Article 428 of the Civil Code of the Philippines it is provided that: The owner has the right to enjoy and dispose of a thing, without other limitations than those established by law.”

So, para sa mga reader na nagreklamo tungkol sa panggigipit ng kanilang asosasyon, hindi po kayo pwedeng pagbawalan kung hindi ito pinagbabawal sa inyong Master Deed. Malinaw po yan. Pwede nyo itong paupahan sa mga guest nyo sa Airbnb, atbp.

Ito rin ang payo ni outgoing Mayor Mauricio Domogan, “Hindi kayo pwedeng pagbawalan. Karapatan nyo yan. Huwag nyo sundin ang iligal na utos ng inyong asosasyon. Ituloy nyo lang ang pagpapaupa ninyo.”

Paano kung harangin ang inyong guests at hindi papasukin?

“Idemanda ninyo! With damages!” giit pa ni Domogan.

Paano kung utusan ang security guards na huwag patuluyin ang guests?

“Isama nyo rin ang security agency sa demanda. Humingi kayo ng danyos. Nasa Civil Code yan,” pagtatapos ni Domogan.

Kaya panawagan sa mga asosasyon at security guards, huwag ninyong gipitin ang karapatan ng mga may-ari sa kanilang bahay o condo unit kundi mananagot kayo sa batas! (GO FOR GOLD / Paul Sison)

Please follow and like us:
Read More

LOLO NABURYONG, SARILI SINAKSAK

crime34

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

ISANG lalaking nawawala na umano sa sarili matapos makagat ng asong gala ang nagtangkang magpakamataay sa pamamagitan ng pagsasaksak sa sarili  sa Valenzuela City.

Itinakbo sa Valenzuela City Medical Center ng kanyang apo si Ricardo Del Rosario, ng 585 Coloong St., ng lungsod matapos ang tangkang pagpapatiwakal ng biktima.

Ayon sa apo ng biktima na si Joshua Bagas, 22, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang lola alas-8 ng gabi na nagsaksak ang kanyang lolo sa loob ng silid nito.

Tinungo ni Bagas ang bahay ng lolo at nakitang duguan itong nakabulagta sa kanyang kama kaya’t itinakbo sa nasabing ospital.

Napag-alamang nawala sa sarili si Del Rosario matapos na makagat ng asong gala noong Mayo 19 at hindi agad nadala sa pagamutan upang mainiksyunan ng anti-rabies vaccine.

 

 

Please follow and like us:
Read More