LOLO KALABOSO SA RAPE NG APO

arrested124

(NI JULIE DUIGAN) KALABOSO ang isang 63-anyos na lolo makaraang ireklamo ng panggagahasa ng sariling apo, sa Tondo, Manila. Kasong rape o paglabag sa Republic Act 8353  ang haharapin ng suspek na residente ng Tondo, Manila dahil sa reklamo ng 13-anyos na dalagitang apo, Grade 9. Batay sa ulat ng Manila  Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, naganap ang panghahalay ng bandang ala-1:00 ng hapon nitong Lunes (Hunyo 10) sa loob ng kanilang bahay. Inaresto nina Kagawad Rodolfo Cabinbin at Ex-O Dennis Romio Marquez, ng  Barangay 232 Zone 21 District 2…

Read More

ENCHONG: WE ALL WANT A BETTER COUNTRY

(NI BOY ABUNDA ) Mahalaga para kay Enchong Dee ang pagkakaroon ng isang tao ng opinyon tungkol sa kung ano ang nangyayari ang bansa. Bilang isang artista ay naniniwala ang aktor na malaki ang maitutulong niya para sa pagbabago ng bayan. “It’s very important for me. First of all there’s a certain influence that are handed to celebrities. We have the power to make and affect change. And if you have that power, try to use it for the good. Try to use it to benefit the majority. So if…

Read More

BAHAY NG ROOKIE COP NILOOBAN NG MGA ‘BATANG HAMOG’

arested12

(NI GUILLERMO OCTAVIO) LIMANG kabataan ang nasakote, kabilang ang apat na menor-de-edad, matapos looban ang bahay ng isang bagitong pulis at tangayin ang salapi nito sa Valenzuela City, Martes ng gabi. Arestado si Jomel Ibabao, 18, ng 2144 Angeles St., habang nasa pangangalaga na ng Social Welfare ang nahuling 14-anyos na nene at tatlong totoy nasa nasa edad 16 at 17 matapos pasukin ang  bahay ni Patrolman Emerson Magallon, 23, nakatalaga sa District Mobile Force ng ­ Northern Police District (NPD) at nakatira sa 453 H. Maple Residence, Rambotan, Brgy.…

Read More

JENNYLYN NO-SHOW; HEART IPINAGTANGGOL SI JOSE

heart12

(NI VINIA VIVAR) HINDI nakarating si Jennylyn Mercado sa mediacon ng StarStruck 7 held last Monday night dahil may taping siya ng Love You Two. Pero nagpadala naman siya ng video greetings ang expressed how excited she is sa pagsisimula ng talent search na kanyang pinagsimulan. Fifteen years ago nang sumali si Jen sa kauna-unahang Starstruck wherein she emerged as the Ultimate Female Survivor. It’s amazing na mula sa pagiging hopeful, ngayon ay siya na mismo ang nagho-host ng nasabing artista search kasama ang original host na si Dingdong Dantes.…

Read More

EX-PARAK PATAY SA TANDEM

negros occidental12

(NI JESSE KABEL) NILIKIDA ng riding in tandem ang isang isang retiradong pulis, Miyerkoles  ng umaga sa Bonifacio Street sa Silay City, Negros Occidental. Patay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan  ang biktimang si Lindy Chan na isa rin dating barangay chair sanhi ng apat na tama ng punglo. Lumitaw sa pagsisiyaat ng Silay PNP na kasama ng biktima at ng saksi nang isagawa ang pananambang. Nag-uusap umano sila ng biktima sa gilid ng kalsada nang biglang lapitan ng mga gunman. Agad na pinaputukan ng mga suspect na naka-helmet si Chan.…

Read More

GASTOS KAY EDDIE GARCIA, SAGOT LAHAT NG GMA-7

eddie12

(NI ED DE LEON) HINDI mo naman masisisi kung may ilang personalities mula sa GMA-7 na medyo napipikon doon sa mga akusasyon na iniiwasan daw ng network ang kanilang responsibilidad sa aksidente ni Eddie Garcia sa pagsasabing nagkaroon iyon ng atake sa puso, ganoong ang totoo ay napatid pala sa cable. May nagsabi pang umiiwas daw ang network sa pananagutan sa nangyari sa actor. In fairness, ang pinagmulan naman ng mga naunang detalye ay kinikilalang mga members ng pamilya ng actor. Ungkatin na natin para maliwanag ha. Si direk Eddie…

Read More

UTOL TODAS KAY UTOL, 1 PA SUGATAN 

crime34

(NI SIGFRED ADSUARA) HULI na ang  pagsisisi ng isang 31-anyos na mangingisda  nang nahimasmasan sa sobrang kalasingan at nalaman niya na napatay niya ang kanyang nakababatang utol at nadamay pa ang kanyang kainuman  sa Maragondon, Cavite. Namatay noon din si Kenneth De Guzman, 29, ng Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite habang namatay din habang ginagamot sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH)  si  Mark Aries Mojica, , isa ring Mangingisda ng Bry Patungan, Maragondon, Cavite dahil sa saksak sa katawan. Nakakulong na sa Maragondon, Custodial Center ang suspek na si Sonnylet…

Read More

MISIS NILOOBAN, PINATAY

crime

(NI KOI HIPOLITO) WALA nang buhay at naliligo na sa sariling dugo ang isang ginang nang matagpuan ng kanyang mister na pinaslang ng hindi pa kilalang magnanakaw o akyat bahay, hapon ng Martes sa loob ng kanilang bahay sa Lot 5, Block 4, Saint Jude Street, Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Paranaque City. Nakilala ang biktima na si Cristina Torres, 29, habang kinilala naman ang asawa nitong nakadiskubre sa bangkay na si Noel Torres. Base sa inisyal na imbestigasyon ng Paranaque City Police Station at ayon na rin sa salaysay ng…

Read More

MALE STAR NAGSAWA SA MGA BAKLUSH KAYA LUMIPAT NG NETWORK?

malestar silhouette

(NI ED DE LEON) KAYA pala naging “favorite” siya noon sa dati niyang network,  dahil si male star naman pala ay “very accommodating”. Hindi nga lang siya suwerte dahil nang dumating siya sa network ay may mga boyfriends nang lahat ang mga gay executives, pero “natuto naman siyang makisama sa mas mabababa, kaya napapansin pa rin siya at naisasali sa mga shows”. Pero ngayon dahil “seriously in love” na ang male star sa kanyang girlfriend, tinigilan na niya ang pagiging “very accommodating” pero siguro naman tama na ang kanyang pakikisama noong…

Read More

BRGY CAPTAIN  SA LUMBAN, NIRATRAT SA LOOB NG  VAN

lumban12

(NI NILOU DEL CARMEN) WALA nang buhay nang datnan ng mga pulis sa loob ng kanyang minamanehong van ang isang barangay captain na pinagbabaril ng hindi nakilalang salarin sa Sta Cruz, Laguna, Martes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Rommel “Toktok” Pandakila, residente at chairman ng Barangay Bagong Silang, bayan ng Lumban. Batay sa report ng Sta Cruz police, sakay ng kanyang ipinapaarkilang   van, kasama ang barangay tanod ng Barangay Bubukal na si Mario de Lima, pupuntahan sana ng kapitan ang umarkilang  pasahero sa nasabing barangay nang makita ng mga…

Read More

10 BAHAY NAWASAK NG BUHAWI

buhawi12

NORTH COTABATO– SAMPUNG kabahayan ang nasawak sa buhawi sa Mlang, North Cotabato. Sinabi ni Bernardo Tayong, ng municipal disaster risk reduction and management, ang  buhawi ay buhat sa malakas na ulan sa bahagi ng Barangay Buayan bunsod ng Intertropical Convergence Zone. Wasak ang mga bahay nang mabagsakan ng mga puno ng niyog at saging. Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente. Nagpaabot naman ng tulong pinansiyal ang pamahalaang lokal ng Mlang sa mga apektadong pamilya.

Read More

4-ANYOS PATAY SA SUNOG

fire

(NI KIKO CUETO) ILOILO CITY — Hindi pinalad ang isang 4-taong gulang na batang lalaki nang mamatay dahil sa sunog na sumiklab sa kanilang bahay sa Barangay Rizal, Iloilo City Martes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Daniel John Peralta, na nakita ng mga bumbero sa loob ng banyo. “Duda kami na sarado ang pintuan kaya hindi siya nakalabas,” ani Iloilo City fire marshal Christopher Regencia. Sa imbestigasyon, sinasabing nagsimula ang sunog pasado alas-9 ng gabi ng Martes at mabilis na kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang…

Read More

WALA AKONG DAPAT IPALIWANAG SA KANILA — ARJO

arjomaine12

(NI LOLIT SOLIS) SPECIAL guest pala namin ni Cristy Fermin si Sylvia Sanchez sa online show namin kahapon at base sa mga sagot niya parang sina Arjo Atayde at Maine Mendoza na nga talaga. Masaya raw siya para sa anak niya dahil nakikita niyang masayang-masaya ito kapag kasama si Maine. Ipinakilala na nga raw sa kanya si Maine at magaaan daw ang loob niya. Mabait na bata raw si Maine at magalang, kaya gusto niya ito para sa kanyang anak. Ang laki raw nang ipinagbago ni Arjo magmula nang dumating…

Read More

LALAKI NANINGIL NG RENTA, BINUGBOG NG TENANT

crime145

(NI CHERK BALAGTAS) ISANG 41-anyos na negosyante ang bugbog-sarado  sa kanyang tenant nang mapikon sa sinisingil na renta sa Valenzuela City. Kinilala ang biktimang si Eddie Llena Manzanero, ng P. Faustino Street, Barangay Punturin, ng nasabing lungsod na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Valenzuela Medical Center matapos ng magtamo ng malalalang pinsala sa mukha at katawan habang ang suspek ay kinilalang si Mervin Gripon, 35, ng Block 3 Lot 23 Northville 13 ng nasabing lugar. Kusang  sumuko si Gripon matapos ang pambubugbog sa biktima. Sa ulat ng Valenzuela City Police,…

Read More

FOLAYANG KONTRA KING SA ONE

folaya12

(NI EM RUBIN) MALAKING hamon ang haharapin ni Eduard “Landslide” Folayang sa ONE: Dawn of Heroes sa Agosto 2 sa Mall of Asia Arena. Makakasagupa ng 35-anyos na si Folayang si dating Bellator at UFC lightweight champion Eddie “The Underground King” Alvarez sa kanyang pagbabalik-aksyon sa loob ng ONE Championship cage. “Syempre nagkaroon ako ng excitement kasi isang legend na naman ang makakalaban ko. Maganda kasi palaging legend ang nakakalaban natin,” ani Folayang sa panayam ng Radyo Pilipinas 2. Sa kanyang ikalawang laban ngayong 2019, asam ni Folayang na makabalik…

Read More

BULLYING KAYANG TALUNIN

STOP BULLYING-2

(Ni ANET VERGEL / HULING BAHAGI) SA ibang bansa, mara­ming grupo ang naitayo upang labanan ang bullying na sinasabing hindi lang nakakasakit ng damdamin ngunit nagiging daan upang ang isang bata o matandang biktima nito ay magbago ng ugali. Sinasabing nakakamatay din ang bullying sapagkat puwedeng ito ay maging pisikal, kung saan ay mismong katawan ng tao ang nasasaktan; verbal o pananalita, kung saan ang panlalait o mga salitang sinabi laban sa kapwa ay tumitimo sa puso at isipan; social o panlipunan, kung saan dahil sa pambubully sa kanya ay…

Read More

RIGHT OF WAY

ANO ang “right of way”? Bakit nagkakaroon ng ‘di pagkakaintindihan o alitan dahil lamang dito? Madalas tayong makarinig ng balita ng pag-aaway ng magkakapitbahay dahil lamang sa usaping “right of way”. Kadalasan, ito’y hango sa isang sitwasyon kung saan napaliligiran ng lupain ng ibang tao ang iyong lupain at nangangailangang makiraan ka sa lupain ng iba upang marating mo ang pampublikong daan. Kadalasan, pinagbibigyan ka na lang ng may-ari ng lupang dinaraanan mo, pero minsan — ayaw nila pumayag. Sa ganitong pagkakataon, maaari kang humiling sa hukuman na bigyan ka…

Read More

AGAWAN NG LUPANG SAKAHAN: 3 PATAY

crime

(NI BONG PAULO) NASAWI ang tatlo katao makaraang sumiklab ang labanan sa pagitan ng Islamic Liberation Front (MILF) at mga armadong sekyu ng isang plantasyon ng saging sa Barangay Tukanalugong sa Datu Abdullah Sangki (DAS), Maguindanao, Lunesng hapon. Sinabi ni Maguindanao PNP Director, Police Col. Ronald Briones, nagkasagupa ang grupo nina Kumander Tommy at Adrex Cali sa plantasyon ng saging sa Barangay Tukanalugong ng naturang bayan, alas-2:30 ng hapon. Ang mga nasawi sa panig ng MILF ay kinilalang sina Datu Ila Mohammad at Toy Taha, habang ang nasawi sa panig…

Read More

DAPAT IPAHULI NI DUTERTE ANG MGA NASA LIKOD NG BENTAHAN NG CHINESE FLAGS SA LUNETA

CHRISTIAN BOMB

ISA sa naging mainit na isyu ngayong Araw ng Kalayaan ay ang tungkol sa pagbebenta ng mga vendor ng Chinese flags sa Luneta o Rizal Park sa Maynila. Nag-viral ito sa social media, na itinaon pa ang bentahan ng Chinese flags apat na araw bago ipagdiwang ng Pilipinas ang ika-121 Araw ng Kalayaan. Umani ito ng batikos sa netizens, na ayon sa kanila ay malinaw na pagyurak sa pagiging makabayan ng mga Pilipino. Ang hindi kagandahan, imbes na ito ay batikusin ng gobyernong Duterte ay nag-post pa sa social media…

Read More

1 PANG INVESTMENT FIRM SINALAKAY NG PNP

cebu mandaue12

(NI JESSE KABEL) MATAPOS salakayin ng Philippine National Police ang tanggapan ng  Kabus Padatuon (KAPA) Community Ministry International Inc.,  isinunod ng mga tauhan ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 7 ang tanggapan ng isa pang investment company sa Cebu. Martes ng umaga, isang araw matapos na madiskubre ang pagsasara ng tanggapan ng Organico Agribusiness Ventures Corporation sa A.C. Cortes Avenue sa Mandaue City ay isinagawa ng mga pulis ang raid. Nabatid na nagsimulang dumagsa sa naturang tanggapan ang mga investor ng Organico matapos malamang isinara ito nang walang…

Read More