SWEETNESS NINA ALDEN, MAINE ‘DI NAWALA — JOSE

 (NI GORGY RULA)

SA mediacon ng Starstruck nung nakaraang LUnes nang gabi, nahingan ng opinyon si Jose Manalo tungkol kina Maine Mendoza at Alden Richards.

Siya rin kasi ang madalas na nakakasama ng dalawa kapag nasa barangay sila sa labas.

Sabi naman ni Jose, nakikita naman daw niyang walang nabago kina Alden at Maine.

Okay naman daw ang dalawa, na tingin nga raw niya lalo silang naging close.

Kaya sa nakikita raw niya, malabong paghiwalayan sina Alden at Maine.

“Nakakasama namin sila sa Juan for All.

“Mas madalas…siguro sa isang linggo, isang beses, dalawang beses, kasama namin sila.

“Hindi naman siguro pinaghihiwalay.

“Hindi rin sila nag-iiwasan. Nag-uusap sila eh,” kuwento ni Jose.

“Parang mga bata nga yung dalawang yun pag nag-uusap, nagbibiruan sila.

“Naghaharutan pa yung dalawa. Yung sweetness, nandun pa rin eh,” dagdag na pahayag ng komedyante.

Hindi raw niya masabi kung ibabalik pa ang Kalyeserye.

Kung hindi man daw, baka darating ang araw may maisip ang mga taga-Eat Bulaga, at meron na naman silang gagawing segment na pagsamahan ng dalawa. Kaya hindi rin daw sure.

“Hindi pa natin masasabi yung sa Kalyeserye. Baka mamaya…eto na uli di ba?

“Wala akong nakitang pinaghihiwalay o pinaglalayo yung dalawa,” sabi pa ni Jose.

Ang isa lang daw sa  napansin niya lalong gumaling daw sa hosting si Maine. Iyun lang daw ang nabago sa kanya, pero bukod pa dun wala na raw at kagaya pa rin daw nang dati itong phenomenal star ng Eat Bulaga.

Samantala, excited si Jose dito sa bagong trabaho niya bilang Starstruck council kasama sina Heart Evangelista at Cherie Gil.

Bago raw niya tinanggap ito, ipinaalam daw niya kay Joey de Leon, dahil sinasabi na raw ng iba na parang inagaw niya ito Eat BUlaga host dahil matagal ding nagdya-judge si Tito Joey sa Starstruck.

Wala naman daw it okay Tito Joey, at hindi raw niya naiisip na siya na ang pumalit dahil nandiyan naman daw lagi ang Eat Bulaga host.

Kakaibang experience daw ito sa kanya ang mag-judge sa sikat na Starstruck na magsisimula na sa Sabado, sa June 15.

 

Please follow and like us:
Read More

ROAD CRASH SA DAVAO: 8 SASAKYAN INARARO; 9 UTAS

davao accident12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Siyam katao ang naiulat na nasawi kabilang na ang 2-anyos na paslit makaraang araruhin ng isang wing van truck ang mga sasakyan sa highway ng mawalan ito ng preno sa Guadalupe Km 5, Matina Pangi, Davao City, Martes ng umaga.

Sa ulat mula sa Talomo Police Station, kinilala ang drayber ng truck na si Joel Sinampay Aras, 36, ng Camaman-an, Cagayan de Oro City.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Traffic Section ng PNP, nasa harap pa lamang umano ng isang gasoline station ang truck na nasa CP Garcia Highway nang mawalan ito ng preno, bandang alas-9:30 ng umaga.

Pagdating sa nasabing lugar ay inaaro ng wing van truck ang nasa walong mga sasakyan na nagresulta sa pagkamatay ng siyam katao kabilang na ang mag-ina na nag-aabang sa highway.

Ang truck na nakarehistro sa BSBC trucking ay lulan ang mga sako-sakong bigas na umararo ng mga sasakyang nakaparada at ilang mga kabuhayan.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawing biktima na kinabibilangan ng anim na mga lalaki, dalawang babae kabilang na ang 2-anyos na bata na huling nakita makaraang matabunan ng sako ng bigas.

Kabilang sa mga nadamay na sasakyan ay ang Toyota High Ace Van (BCN661), KIA Sportage (KEP 343), Honda CRV (LGE978), Mitsubishi L300 (AAG 4913), TMX  SideCar (5013LV), Avanza (ZSE 506), Suzuki AVP (PPI830) at Multicab (JFG233).

Kasong Reckless Imprudence resulting to multiple homicide, serious physical injury and damage to property ang kakaharapin ng drayber.

 

Please follow and like us:
Read More

‘TITO EDDIE IS HOLDING ON ‘

eddie garcia1

(NI SIR NOEL)

AS of presstime, Eddie Garcia is holding on. Anak ng longtime partner, nananalangin na matanggap ng Ina na “God’s Will And Not Ours”

Nagbigay na ng pahayag ang isa pang anak-anakan ni Tito Eddie Garcia na si Congressman Michael Romero, anak ng partner ni Lilibeth, na longtime partner ni Tito Eddie.

Ang sabi nito, “Tito Eddie (Garcia) is holding on.  Kindly keep on praying for him as we still believe miracles can still happen.

Since I was 13, Tito Eddie has always played father to both my brother Nikki and I. He has not only taught us the very value of respect and kindness, but showed this trait in his daily life.

Kindly likewise pray for my mother Lilibeth.  May she accept that it is always GODS WILL and not OURS.”

Please follow and like us:
Read More

WARRIORS BUHAY PA

curry21

(NI LOUIE AQUINO)

BAHAGYANG nakahinga ang Golden State Warriors matapos maungusan ang Raptors, 106-105, sa Game 5 ng NBA finals sa Toronto kahapon.

Gaya nang inaasahan ng lahat, naglaro si Kevin Durant sa must-win game ng Warriors ngunit sa malas ay hindi rin ito nagtagal dahil sa kinatatakutan ng team na Achilles tendon injury.

Naglaro lang ng 12 minuto si Durant at nakapagambag siya ng 11 puntos, kabilang ang tatlong tres, ngunit naging sapat ito upang kahit paano ay mabuhayan ang kanyang teammates at piliting makuha ang napakaimportanteng panalo.

Sa pagkawalang muli ni Durant ay nag-step up ang Splash Brothers na sina Stephen Curry at Klay Thompson na umiskor ng siyam na puntos mula sa tatlong magkakasunod na tres higit dalawang minuto ang nalalabi sa game para agawin ang kalamangan at panalo sa Raptors.

Dahil dito ay nakapwersa ng Game 6 ang Warriors sa Oakland Arena sa Huwebes (Biyernes, Manila time) na magiging pinakahuling laro ng team dito.

DURANT GAME OVER

Inako ni Golden State Warriors general manger Bob Myers ang sisi sa paglala ng injury ni Durant, na pinilit maglaro galing sa mahigit isang buwan pagpapagaling sa kanyang calf injury.

“It’s an Achilles injury,” sabi ng mangiyak-ngiyak na si Myers matapos ang laro. “I don’t know the extent of it. He’ll have a MRI tomorrow.

“Prior to coming back he went through four weeks with a medical team, and it was thorough, and it was experts and multiple MRIs and multiple doctors, and we felt good about the process,” dagdag nito sa ESPN.
Nagkaroon ng right calf injury si Durant noong May 8 sa Game 5 ng Western Conference semifinals kontra Houston Rockets.

Ayon kay Myers “collaborative decision” ang paglalaro ni Durant kahapon. “I don’t believe there’s anybody to blame, but I understand in this world and if you have to, you can blame me.”

Kasunod nito ay ipinagtanggol ng Warriors GM si Durant sa mga kritiko nito. “He’s one of the most misunderstood people. He’s a good teammate, he’s a good person, it’s not fair. I’m lucky to know him. I don’t know — I don’t have all the information on what really the extent of what it all means until we get a MRI, but the people that worked with him and cleared him are good people. They’re good people.”

Samantala sa pamamagitan ng Instagram na lang ipinarating ni Durant ang kanyang nararamdaman sa panibagong pagsubok sa kanyang professional basketball career.
“I’m hurting deep in the soul right now I can’t lie,” ani Durant. “But seeing my brothers get this win was like taking a shot of tequila, I got new life lol.”

Please follow and like us:
Read More

PICK-UP SUMALPOK SA TRIKE; DRIVER PATAY, 6 SUGATAN

kidapawan12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Patay on the spot ang drayber ng pampasaherong tricycle habang anim naman ang sugatan matapos  banggain ng isang pick-up truck sa Barangay Paco KM 114, Kidapawan City, Lunes ng tanghali.

Nakilala ang nasawi na si Bejie Acquisa, 35, may asawa at ng Barangay Del Carmen, President Roxas.

Habang sugatan naman ang mga sakay nito na sina Lenie Bendon Magbanua, 57, Roselyn Acquisa, 33, negosyante at dalawang mga menor de edad na sina Magbanua Acquisa, 5; Brialle Magbanua Acquisa, 3, ng Brgy. Del Carmen, Pres. Roxas, Cotabato; at sina Rodolfo Magbanua, 57, at Ai-Ai Talium, 13, kapwa residente Brgy. Del Carmen, Pres Roxas, Cotabato.

Ang drayber naman ng pick-up truck na kinilalang si Eugene Eugenio Niedo, 47, isang OFW at residente ng Barangay Patindeguen, Midsayap ay hindi naman nasaktan.

Ayon sa ulat ng PNP,alas-12:00 ng tanghali nitong Lunes, tinatahak ng dalawang mga sasakyan ang national highway na nasa magkasalungat na daan at pagsapit nito sa barangay Paco sa harap ng isang simbahan ay nag-overtake ang forward truck sa isa pang sasakyan dahilan para bumangga sa kasalubong na tricycle.

Dahil sa impact, natapon ang dalawa sa malalim na parte ng daan at nasagi pa ng pick-up ang poste ng kuryente.

Agad namang dinala ang mga nasugatan sa pinakamalapit na ospital sa Kidapawan City.

Nasa kostudya na ng City PNP si Niedo habang patuloy ang imbestigayson sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

HEAVEN FACTOR SA NEW AD NI JIMUEL

jimuel12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

ILANG buwan na ring item sina Heaven Peralejo at ang 18-year-old son ni boxing champ Manny Pacquiao na si Jimuel. Noong Marso ay inamin nila ang kanilang relasyon dahil anila ay ayaw nila itong itago.

Ngayon ay mukhang sinusundan na rin ni Jimuel si Heaven sa showbiz dahil tinanggap ng binata ang offer na maging endorser ng BNY Jeans Company na ine-endorse rin ng Kapamilya teen star.

Humarap sa press launch si Jimuel for BNY Jeans Company kasama ang inang si Jinkee Pacquiao last Monday at inamin naman naman ng binata na malaking factor talaga ang girlfriend sa desisyon niyang tanggapin ang endorsement deal.

“And then, maganda rin naman po ‘yung offer, so, hindi lang po ‘yun ang reason kung bakit gusto kong maging part ng BNY,” sey ni Jimuel.

Six months pa lang ang relasyon nina Jimuel at Heaven at bago niya ito napasagot, talagang niligawan daw muna niya ang buong pamilya ng young actress.

“Actually, mostly her whole family and pinakita ko naman po na good intentions po,” he said.

‘Yun nga lang, may mga netizens na iniintriga ang kanilang relasyon na kesyo hindi raw bagay si Heaven kay Jimuel dahil sa mataas na estado nito bilang anak ni Pacman.

Ano ang masasabi rito ni Jimuel?

“Well, actually, hindi naman po talaga maiiwasan ang bashers kasi it’s normal naman po na we can’t please everybody po. So, ang masasabi ko lang po, siguro po, sa mga nangba-bash, they don’t know really who she is and what she is like.

“So, for me, like it’s okay, but they don’t really know who Heaven is.”

Nang matanong kung ano ang mga bagay na nagustuhan niya kay Heaven, ani Jimuel ay ang pagiging makapamilya nito. Magkapareho raw sila na mahal na mahal ang kanilang pamilya.

Natanong naman si Jinkee kung boto ba siya kay Heaven at aniya, “yeah, okay naman, mabait namang bata si Heaven. Nakakasama ko na rin siya.”

Samantala, siyempre ay masayang-masaya ang BNY family na nakuha nila si Jimuel bilang isa sa endorsers nila considering na mayaman ito at kayang-kayang isuot lahat ng branded clothes.

Ayon kay Jimuel ay nagustuhan daw niya ang mga jeans and shirts ng BNY at bukod dito, hindi naman daw siya mahilig sa mga signature clothes.

“Na-appreciate ko naman po ‘yung style ng BNY,” he said.

Please follow and like us:
Read More

4 SUSPECT SA SENIOR CITIZEN KILLING, ARESTADO

crime

(Ni FRANCIS SORIANO)

CAMP GENERAL ALEJO S. SANTOS, Malolos, Bulacan —Matapos ang 10-oras  ay naaresto na ang apat na suspek, na kinabibilangan ng dalawang menor-de-edad,  na pumatay sa mag-asawang senior citizen sa Brgy Mahalcan, Meycauayan, Bulacan.

Kinala ni P/Col Chito Bersaluna ang mga naarestong suspek na sina Antonio Delos Santos, 39, Russel Lamsen, 19, at dalawang menor de edad na kapwa 16-anyos, ng Brgy Malhacan, Meycauayan City, Bulacan.

Ayon sa ulat, dakong alas 2:30 ng madaling araw nang matagpuan ang walang buhay na mag asawang sina Felix, Bernabe 76, at Estelita Bernabe, 75, residente sa 129 Little Baguio Street, Barangay Malhacan, Meycauayan City.

Lumabas din sa imbestigasyon na ang mga biktima ay pinalo ng matigas na bagay sa ulo at katawan. Bukod pa sa nawawala ang kanilang kagamitan.

Bunsod nito ay agad na nagsagawa ng imbestigasyon at paghabol sa mga suspect matapos na lumutang  ang pangalan ng mga ito mula sa isang saksi.

Please follow and like us:
Read More

2 DAYO PINATAY SA TAYTAY

crime100

(NI KEVIN COLLANTES)

DALAWANG lalaking kapwa hinihinalang dayo ang pinagbabaril at napatay ng mga hindi kilalang salarin sa Taytay, Rizal, Lunes ng madaling araw.

Hindi pa batid ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima na ang isa ay inilarawan lamang na katamtaman ang laki ng pangangatawan, nakasuot  ng gray t-shirt, at brown shorts, habang ang isa ay inilarawan na medium built ang katawan, at nakasuot ng asul na sweat shirt, at gray shorts.

Lumilitaw sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, na dakong 2:25 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Block 1 Canada Street, Pag-Asa Floodway, Barangay Sta. Ana, Taytay.

Nasa kahimbingan umano ng tulog ang mga residente sa lugar nang magulantang sa sunud-sunod na putok ng mga baril.

Nang alamin ang pinagmulan ng mga putok, bumulaga sa mga residente ang bangkay ng mga biktima na may mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan kaya’t kaagad na inireport sa pulisya upang maimbestigahan.

Ayon sa pulisya, lumitaw sa pagsisiyasat na mga dayo lamang sa lugar ang mga biktima dahil hindi sila kilala ng mga residente roon.

Hinihinala ring may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen ngunit iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.

 

Please follow and like us:
Read More

SHABU SA SABUNGAN

sabungan12

(TEKSTO/PHOTO BY AJ GOLEZ)

ARESTADO ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela Police ang suspek na si Jojo De Jesus matapos magbenta ng pinaghihinalaang shabu sa loob ng Malanday Cockpit Arena Valenzuela
City.

Sinabi ng mga operatiba na matagal na nilang sinusubaybayan ang suspect matapos makakuha ng impormasyon na nagbebenta ito ng droga sa loob ng sabungan.

Narekober sa suspek ang apat na sachet ng shabu at buy bust money.

Please follow and like us:
Read More

DRIVER INUTAS SA LOOB NG JEEP

crimeshooting12

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang isang jeepney driver matapos pagbabarilin habang natutulog sa loob ng sasakyan sa Batangas City, Martes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Oserin, 39, tubong Mulanay, Quezon at residente ng Barangay Paharang West, Batangas City.

Batay sa report ng Batangas City police station, nangyari ang krimen ala 1:30 ng umaga sa national highway sakop ng Barangay Balagtas.

Natutulog ang biktima sa loob ng nakaparadang pampasaherong jeep nang pagbabarilin ito ng hindi nakilalang salarin gamit ang isang kalibre .45 baril.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Isinugod naman sa ospital ang biktima subalit ideneklara na itong patay ng doktor.

Inaalam pa ng mga pulis kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa krimen.

 

 

Please follow and like us:
Read More

‘JAMES IS NOT AS FRIENDLY AS DANIEL’

danjames12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NATAWAG ang aming pansin ng isang social media post ng kilalang model na si Patty Betita, na na-link din noong araw at may anak pa kay JV Ejercito. Natuwa si Patty dahil nagpakuha sila ng picture ng matinee idol na si Daniel Padilla, na nangyari noong Binibining Pilipinas pageant.

Mayroon siyang kaibigang nag-comment, “sa susunod naman si James Reid”.  Na mabilis na sinagot ng veteran model na “he’s not as friendly”.

Aywan kung ano ang nangyari at nagsabi siya nang ganoon, pero hindi magandang feedback iyan para kay James. Kung sa bagay maski naman noong araw pa, marami ang nagsasabing mas ma-PR talaga si Daniel. Ugaling Pinoy kasi si Dj. Iyan namang si James, ugaling dayuhan iyan talaga at hindi pa nga siguro siya lubusang nakakapag-adjust.

 

Please follow and like us:
Read More

9 sa 24 STRANDED SA RIYADH NAKAUWI NA NG PINAS

ofw12

(NI KIKO CUETO)

NAKAUWI na rin sa Pilipinas matapos ang ilang taon, ang nasa 26 na Pinoy na na-stranded sa Riyadh, Saudi Arabia.

Inakusahan ang mga OFWs ng pagnanakaw ng kanilang kompanya.

Sinabi ni Labor Attache Nasser Mustafa ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, na napauwi nila ang siyam na OFW matapos silang makakuha ng pahintulot sa Saudi Labor Office na mailagay sila deportation center.

“Masaya kami at may nauna nang siyam na nakauwi kamakailan matapos silang mabilhan ng OWWA ng pamasahe sa eroplano. Habang hinihintay pa namin na maisyuhan ng visa ang 13 pang naiwan,” sabi Mustafa.

Sa report, napag-alaman na nagpasya naman ang apat pang OFW na magpaiwan para ipagpatuloy ang pagharap sa kanilang dating pinagtatrabahuhan sa korte.

Ayon kay Mustafa, humingi ng tulong sa POLO ang grupo matapos silang akusahan ng kanilang kompanya ng pagnanakaw.

Kaagad umano silang nagbigay ng tulong tulad ng pagkakaloob ng mga personal na pangangailangan at pagkain dahil dalawang taon umanong inipit ang kanilang mga sahod.

“Inaasahan namin na makauuwi na sa lalong madaling panahon ang mga naiiwan pa kaya ‘wag po mag-alala ang kanilang mga mahal sa buhay,” pagtiyak ni Mustafa.

 

Please follow and like us:
Read More

RAFFY TULFO KINASUHAN NG BIGAMY

raffy21

(NI JEDI PIA REYES)

SINAMPAHAN ng reklamong bigamy sa Quezon City Prosecutor’s Office ang media personality na si Raffy Tulfo.

Isang Julieta Licup na nagpakilalang asawa ni Tulfo ang dumulog sa piskalya para kasuhan ang broadcaster.

Sa complaint ni Licup, iprinisinta nito ang marriage certificate ng kanilang kasal umano noong Oktubre 1982 na idinaos sa Tarlac at sila ay nagkaroon ng isang anak.

Sinabi ng ginang na dahil isang disc jockey (DJ) nuon si Raffy, may mga pagkakataon na malayo sa kanilang bahay ang nade-destino ang brodkaster at may mga pagkakataon na sila ay nagkakaroon ng argumento.

Dumating aniya sa puntong hindi na nagparamdam ang brodkaster habang siya’y nagdadalang-tao at inakala niyang patay na ang brodkaster dahil sa uri ng propesyon nito. Nagulat na lamang aniya siya na isa nang sikat na brodkaster at TV personality si Raffy.

Iginiit ni Licup na kinasuhan niya si Tulfo hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanilang anak.

Kalakip ng reklamo ay ipinakita rin nito ang Certificate of Marriage ng kasal umano ni Tulfo sa isa pang babae noong 1995.

 

Please follow and like us:
Read More

TATAPUSIN NG RAPTORS

kawhi43

WALANG planong magkampante ang Toronto Raptors at pokus na makuha ang ikaapat na panalo Lunes ng gabi (Martes ng umaga, Manila time) para angkinin ang kauna-unahang NBA championship at tuldukan ang Golden State Warriors dynasty.

“We’re focused,” sabi ni Raptors star player Kawhi Leonard.  “We know that it doesn’t mean anything until someone has four wins.”

Wala sa bokabularyo ni Leonard na magrelaks kahit 3-1 na ang serye at isang panalo na lang ang kailangan nila para tanghaling bagong hari ng NBA.

Maging si Raptors coach Nick Nurse ay ganito rin ang sentimyento. “There’s still a lot of work to do,” aniya.

Wala pang kumpirmasyon kung makalalaro si Kevin Durant ngayong araw bagama’t sumama na ito sa praktis kahapon, ngunit umaasa si Warriors coach Steve Kerr at maging si star guard Stephen Curry sa posibilidad na mangyari ito.

“It’s just a matter of, ‘Can you win one basketball game right now? Can you go play an amazing 48 minutes, quiet this crowd that’s going to be probably unbelievable, and slow down a team that’s been playing amazing, especially these last two games, and just win one basketball game?'” ayon kay Curry.  “If we focus on that mission, our history kind of speaks for itself in terms of being able to get that done.”

Please follow and like us:
Read More

BULLYING LABANAN

STOP BULLYING

(Ni Dan Salcedo at Anet Vergel / Ikalawang bahagi)

ANG mga estudyante na may malasakit sa pangkalahatang kapakanan nila ay malaking puwersa laban sa  bullying sa kanilang paaralan..

Boses ang kailangan.

Hindi dapat na matakot ang mga biktima ng ilantad at Ibahagi ang kanilang karanasan at kwento upang marandaman ng iba ang masamang epekto ng bullying.

Takot ang mga nakasaksi  na isumbong ang nangyaring insidente  dahil nangangamba sila na pagdiskitahan o resbakan ng bully.

Kung  hindi bibigyan ng agarang pagsopla ay uulitin ng bully ang  ginagawang pananakot, pagbabanta, pagpapakalat ng malisyosong balita,  at pananakit.

May tinatawag na berbal na bullying at ito ay sinasabi o sinusulat.

Kabilang sa verbal bullying ang hindi angkop na komentong sekswal, panunukso,  pang-iinsulto, pagtawag ng nakaiiritang pangalan, pagbabanta na sanhi ng pananakit at pag-alipusta.

Senyales na bata ay bully

  1. Ang mga kaibigan ay mga bully. Ang mga bully na bata ay mahilig makisama sa bully rin na mga bata. Dahil diyan, mahalaga sa mga magulang na malaman kung anong klaseng mga kaibigan ang kasa-kasama ng kanilang anak. Ang impluwensya ng kaibigan ay isa sa sanhi ng pagbabago ng ugali ng bata. Minsan ay hindi alam ng bata na sila ng mga kaibigan ay bully.  Tila inaakala niya na isang biro ang gingawa ng grupo, o kaya iniisip nila na ito ang trato na nararapat sa mga biktima.
  1. Obserbahan ang totoong ugali. Kapag inihahatid o sinusundo ang bata sa eskwelahan, dapat tingnan ng magulang kung paano tinatrato ng kanyang anak ang ibang bata, at kung ano rin ang trato ng mga bata sa kanyang anak.

Importante ring mabatid kung paano makatulog ang bata sa mga kapatid niya.

  1. Nasangkot sa pisikal o berbal na away.
  2. Nagiging agresibo
  3. May mga hindi maipaliwanag na sobrang pera at bagong gamit.
  4. Sinisisi ang iba sa kanilang problema.
  5. Hindi tumatanggap ng pagkakamali.

Uri ng pambu-bully

Maraming klase nang pambubully na puwedeng maranasan ng mga bata sa eskuwela. Ang mga ito ay puwedeng

  1. Verbal – kung saan masasakit na salita at nakakainsulto ang maririning ng isang bata mula sa isang ka­klase o mas senior sa kanya sa eskuwela na nambubully at nanghihiya sa kanya. Maliban sa masasakit na salita, puwede ring pananakot, at paulit-ulit na panunukso ang maranasan ng isang bata sa usaping verbal bullying.
  2. Social – hindi na masasakit na salita ang mararanasan ng isang bata mula sa kanyang kaklase o mas nakakataas ang antas sa kanya subalit pag-iwas o ayaw na pakikipagkaibigan, pagkakalat ng mga maling balita o pag­tsitsimis sa kanya at pagsasabi ng mga kung anu-anong masasakit na salita kapag siya ay nakatalikod na nakakasira sa kanyang pagkatao.
  3. Cyber – hindi man masasakit na salita ang maririnig o mararanasan mula sa kaklase o nakatatandang mag-aaral, ito naman ay pananakot sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga larawan na nakakasirang puri o kaya naman ay ang tinatawag na pamba-blackmail. Puwede itong pagpapakalat ng mga larawan o videos na dapat ay pribado lang na siguradong makakasira o makakaapekto sa pagkatao ng biktima.
  4. Pisikal – Ito ay ang direktang pananakit, pagnanakaw ng gamit o pagkain at paninira ng gamit ng isang batang alam ng bully na hindi lalaban sa kanya o kaya naman ay walang lakas ng loob na ipa­alam sa kahit kanino ang kanyang pinagdaraanan sa kamay ng kaklase o mas nakatataas ang antas sa kanya sa eskuwela.

PAANO PIPIGILAN ANG BULLYING?

Kailangan ng mga magulang pag-unawa at pag-analisa sa mga nangyayari  upang matutunan kung ano ang nangyayari sa  buhay ng kanilang mga anak

Makipag-usap sa anak kung ano ang nangyayari sa eskwelahan. Kausapin ang guro upang makita ang nasa loob ng kung ano ang nangyayari sa silid-aralan.

Maging aktibo sa mga aktibidad ng eskwelahan dahil makakasalamuha nyo ang ibang mag-aaral at mga magulang.

Nasa balikat ng mga magulang ang responsibilidad upang matulungan ang anak na binubully o mareporma ang anak na nambubully.

Marami ang pwedeng malapitan at mangan ng tulong at payo.  Nariyan ang mga guro, concerned citizens, at iba pang grupo na ang adbokasiya ay mabigyan ng solusyon ang nakababahalang isyu.

Hindi mawawala ang suliranin at bumabagabag kung hindi aaksyunan.

Please follow and like us:
Read More

ANG KAKAPAL NG MUKHA N’YO!

BAKBAKAN NATIN

WASAK na kasi ang mora­lidad ng bansang ito.

Kaya, hindi nakapagtataka kung bakit maraming opisyal at kawani sa pamahalaan ang saksakan ng kapal ng mga mukha.

Ang matindi sa mga opisyal ng Games and Amusement Board (GAB) ay wala na ngang nagagawang kagilas-gilas at kahanga-hanga hinggil sa mga trabaho, tungkulin at obligasyong ibinigay sa kanila ng Executive Order No. 392, tapos naglabas pa ng P2.92 mil­yon noong Disyembre ng nakalipas na taon para sa kanyang mga opisyal at kawani.

Trabaho, tungkulin at obligasyon ng GAB na walang iligalidad na nagaganap sa mga propes­yonal na sports sa ating bansa tulad ng karera, boksing  at iba pa.

Maganda pala!

Ngunit, bakit walang naibabalita sa media na isinasagawang operasyon ang GAB laban sa iligalidad sa karera.

Sa Metro Manila, napakatalamak ng bookies sa karera.

Kapag napakatala­mak ng bookies sa karera, may anomalya sa boksing, at mayroong iligalidad sa sabong, ang pumapasok sa isipan ng publiko ay mayroong kumikita sa mga opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan na dapat nagtitiyak na walang iligalidad at anomalyang nagaganap sa nasabing isports.

Palpak na nga sa trabaho, pero kumita pa ng P2.92 milyon ang mga opisyal at kawani ng GAB noong Disyembre bilang “performance incentives.”

Hindi ba’t kakapalan ng mukha ang tawag dito?

Kung hindi kakapalan ng mukha, ano ang tingin n’yong dapat, eksakto at tamang itawag sa kanila?

Hindi ko lang matukoy nang eksakto kung sino o sinu-sino ang mga tao sa GAB na mayroong napakataas na antas ng kakapalan ng mukha.

Ang tiyak ko ay mayroong mga opisyal sa GAB ang walang pakialam sa pera ng pamahalaan na galing sa mga nagbabayad ng buwis.

Ayon sa Commission on Audit (COA), ang P2.92 milyon sinasabing “performance incentives” ng GAB para sa mga opisyal at kawani nito ay ibigay nang walang ligal na batayan.

Dahil walang ligal na batayan, idiniin ng COA na iligal at labag sa batas ang ginawa ng pamunuan ng GAB.

Ang GAB ay nasa ilalim ng office of the President (OP).

Si Abraham Khalil Mitra ang pinuno ng GAB.

Tiyak kong alam ng pamunuan ng GAB, lalo na itong si Mitra, na ayaw na ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na winawaldas ang pera ng pamahalaan nang taliwas sa itinakda ng batas.

Alam din nilang inis na inis si Duterte sa mga opisyal ng pamahalaan na pagpapasarap lang sa buhay ang ginagawa habang nakapuwesto sa pamahalaan.

Wala tayong sinabing ibinulsa at inangkin na ng mga opisyal at kawani ng GAB, sa pangunguna ni Mitra, ang P2.92 milyong inilabas nitong performance incentives.

Ang punto ko ay mali, iligal at labag ang ginawa ng GAB, ayon na rin sa COA.

Ang utos ng COA, isauli ng GAB ang P2.92 milyon!

Abangan natin kung tutupdin ng GAB.   (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:
Read More

ROTC, RANGER MATEO, RESERVIST ROBIN

PANALO KA

HINDI ako pabor sa panunumbalik ng Reserve Officer Training Corps (ROTC).

Pero pabor ako sa pagpasok sa training ni showbiz actor Mateo Guidicelli sa Scout Ran­ger ng Philippine Army at ang napapabalitang pagpasok bilang reservist din sa Army ni “Bad Boy” Robin Padilla.

May tinatawag na CAT (Citizenship Advancement Training) noong nasa sekondarya ako. Noon pa man ay may paboritismo o “bata-bata system” na sa pagpili ng mga magiging opisyal dahil kahit mas angat ka sa academics at pisikal na katangian kung wala kang kapit sa mga humahawak ng CAT ay malas mo talaga. Naging first platoon leader ako sa CAT at yung may mga average na 75% hanggang 80% sa academics ay na­ging company at battalion commanders, adjutant at iba pa. Pati sa unipormeng fatigue ay ang may hawak na sundalo sa CAT na rin ang supplier. O, di ba? Dito pa lang may anomalya na! Pero di ko alam ‘yan noon.

Kalakasan noon ng New People’s Army (NPA) sa Cagayan. Tinambangan nga nila ang supply convoy ng Army sa may Kinali, Sta. Teresita at isa lamang daw ang nakaligtas na sundalo. Nakita ko mismo ang mga naka-brip na lamang na mga bangkay ng mga sundalong nakahilera sa tabi ng kalsada pagdaan ng aming sasakyan pagpasok sa eskwela.

Pero masaya ang CAT noong panahon namin sa St. Francis Academy sa Sta. Tere­sita, Cagayan. Sa CAT, natutunan ko ang tamang “kaliwa, kanan”, “harap sa kanan, harap sa kaliwa”, “talupad”, “tikas pahinga”; pagsaludo nang tama; paggamit sa espada at kahoy na riple nang tama sa drill; pagsunod sa utos ng opisyal; at higit sa lahat, disiplina.

Pero ni minsan ay walang nag-indoktrina na sundalo sa aming CAT para ipaliwanag kung ano ang patriotismo at maski na kung ano ang ibig sabihin ng digmaang isinusulong ng NPA.

Noong kolehiyo naman ako sa seminaryo, hindi ako pinaakyat sa entablado ng isang pari noong graduation day namin nang itsinuchu ng ilang sipsip kong ka­klase na binayaran ko ang last semester ng ROTC ko dahil puwede naman palang bayaran para di na pumasok pa kada Sabado. Sa ROTC, sangkatutak na kontribusyon ang sinisi­ngil sa amin. Para raw kay Sir.

Kaya ayokong ibalik ang ROTC kung sa bandang huli ay gagawing raket lamang ito ng mga tiwali sa serbisyo. Kaya sa ating Armed Forces of the Philippines (AFP), dapat natuto na po tayo sa nakaraan na nabahiran pa ng ilang madugong insidente laban sa mga biktimang kadete.

Ergo, para sa akin, mapakikinabangan ang ROTC kung gagamitin ito sa tamang oryentasyon at pakinabang ng bawat estudyante para mapanday sila sa tamang disiplina at pagtatanggol ng kasarinlan ng ating bansa.

oOo

Ayokong isipin na “PR stunt” lamang ng AFP ang pagpasok ni Guidicelli sa Scout Ranger course. Maski na ang pag-iingay ni Padilla na papasok siyang reservist sa Army. Trending nga sa social media si Guidicelli na ngayon ay sumasabak na sa pagka-musang.

Tingin ko, kayang-kaya ni Guidicelli ang pisikal na dala ng training dahil triathlon athlete naman siya. Ang inaabangan ko lang ay magagawa kaya ni Guidicelli sa mga susunod na panahon na maging mouthpiece ng AFP laban sa mga rebelde? Gaya na lamang ang pagkondena sa Communist Party of the Phi­lippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Aba, kung magagawa ito ni Guidicelli ay magandang “propaganda machine” siya ng AFP.

Ang isa pa na aking ina­abangan ay ang aktwal na pagsabak ni Guidicelli sa mission. Ipadadala kaya siya sa Sulu o Basilan laban sa Abu Sayyaf Group (ASG) o sa NPA-infested area?

Paano naman si Robin? Marami na siyang nagawang pelikula hinggil sa buhay ng sundalo at maski na pulis. Hayaan na natin siyang ma­ging reservist.  (PANALO KA! / FLORANTE SOLMERIN)

Please follow and like us:
Read More

ARMAS ‘DI PA ISINUSUKO NI ERWIN TULFO

ERWIN12

(NI JG TUMBADO)

HINDI pa rin isinusuko ng Radyo Pilipinas anchor na si Erwin Tulfo ang kanyang mga baril sa pulisya sa kabila ng pag-atas ng Philippine National Police (PNP) na isuko ang mga ito.

Ito ang nabatid mismo sa press briefing ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde batay na rin sa report sa kanya ng PNP-Firearms and Explosives Office. Nitong buwan ng Marso nang mapaso na ang License To Own And Possess (LTOPF) ni Tulfo.

Babala ni Albayalde, hindi na dapat paabutin ni Tulfo na gumawa pa ng operasyon ang pulisya at magpatupad ng search warrant para makuha ang mga baril nya.

Nabatid rin sa opisyal na hindi na rin nag re-apply ang magkakapatid na Tulfo para sila ay bigyan ng police security detail na una nang binawi sa kanila.

Nilinaw naman ni Albayalde na hindi lang ito partikukar sa magkakapatid na Tulfo kundi itoy ipinatutupad sa lahat.

 

Please follow and like us:
Read More

REY, RADING, HESER AT LARRY

GO FOR GOLD final

HINDI biro ang mahiwalay sa pamilya. Lalo na sa panahon na may problema ka.

Ngunit ganyan ang dinaranas araw-araw ng higit 2 milyong Pilipino na kung tawagin natin ay OFW o Overseas Filipino Workers.

Masuwerte tayo rito sa Pilipinas kasi andito ang ating mga mahal sa buhay kapag tayo ay may problema at nangangailangan ng lakas, motivation, o paggagabay. Ika nga, may support mechanism tayong matatakbuhan kapag may pinagdaraanan.

‘Yang 2.3 million na yan ay bilang ng documented OFWs nung 2018. So, alam natin na mas malaki pa ang bilang na ‘yan dahil marami pa ang TNT o tago nang tago.

Mahigit kalahati o 53.7% ay babae, at 46.3% lang ang lalaki.

37.6% ay domestic helpers at cleaners sa mga hotel at opisina. 18% ang service at sales. 13.7% ay nagtatrabaho sa mga planta bilang machine operators o assemblers. 11.4% ay craft at related trade workers. 8.7% ay working professionals. 5.8% technicians atbp. 3.4% clerical support. 1.1% ang managerial positions. At 0.4% lang ang sa skilled agricultural, forestry and fishery workers.

57.1% ang nasa Middle East. 18.1% ang nasa East Asia: Hongkong, Japan, Taiwan, China, South Korea. 9.5% ang nasa Southeast Asia. 6.4% sa Europe. 5.4% sa North and South America. 1.6% Australia. At 1.1% sa Africa.

Ang mga datos na yan ay kinalap ng Businessworld researchers na sina Joechebed Gonzales at Lourdes Pilar. Ang source nila ay ang Philippine Statistics Authority.

Naaalala nyo pa ba ang pelikulang “Anak” nina Vilma Santos at Claudine Barreto nung taong 2000? Dun mo makikita ang masamang epekto ng social dislocation. At ‘yan ay dinaranas ng halos lahat ng mga kapwa nating Pilipino na nagtatrabaho abroad.

Taas ang kamay ng mga naghiwalay ang mag-asawa o magulang dahil sa ang isa ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Ilan sa inyo ang nagrebelde at di nagtapos sa pag-aaral? Ilan ang nagwaldas ng remittance na pinadadala ng asawa at nakikiapid sa kumare o kumpare? Meron pa nga riyan na sa ibang babae nagpapadala ng mga balikbayan box na panay imported, pero sa tunay na asawa … wala ni isang kusing.

Matinding sakripisyo po talaga ang mawalay sa pamilya. Biro mo, hindi ka na kilala ng anak mo pagbalik mo dahil wala ka nung formative years niya?!

Ang oras na hindi mo kasama ang mga mahal mo sa buhay ay hindi mo na maibabalik. Bayaran ka man ng limpak-limpak, di mo pa rin mababawi ang mga panahon na wala ka sa pamilya mo.

Saludo ako sa inyong mga nagtatrabaho sa ibang bansa para lamang itaguyod ang inyong pamilya!

Kaya kapag umuuwi rito sa Pilipinas mula sa Yiwu, China ang aming mga Qua­lity Control Inspectors na sina RADING VALDERRAMA, REY FEBRER, HESER BERNARDO, at LARRY MACATIAG … binibigyan ko talaga sila ng oras at importansiya. Dahil ibang lebel ng malasakit ang iwanan ang pamilya para magtrabaho abroad.

Sana, ganoon din ang isukli ninyo sa mga mahal n’yo sa buhay na mga OFW. Iparamdam n’yo sana sa kanila na naa-appreciate ninyo ang kanilang sakripisyo para sa inyong pamilya.  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

KARAMBOLA NG 4 SASAKYAN: 2 PATAY, 3 MALUBHA

accident121

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang dalawa katao habang nasa malubhang kalagayan ang tatlong iba pa sa karambola ng apat na sasakyan sa Sorsogon, Lunes ng madaling araw.

Naganap ang karambola ng apat na sasakyan sa Maharlika Highway, Brgy. Trece Martirez, Casiguran ng nabanggit na lalawigan bandang alas-4:20.

Sa report na ipinadala ng Casiguran Municipal Police Station (MPS)  sa Sorsogon Police Provincial Office (PPO), kabilang sa apat na nagkarambolang sasakyan ang isang traysikel na Honda TMX na sinasakyan nina Ricky Detecio, Emma Detecio at John Ray Detecio, isang kulay pulang Mitsubishi Montero  na minamaneho ni Ruel Esmas, isang XRM na motorsiklo na minamaneho  ni Elmer Jarque kasama ang angkas nitong si Rammil Lareza at isang Grand transport bus  na may plakang WTS 695 na puno ng pasahero na minamaneho naman ng hindi pa kilalang drayber.

Pawang binabaybay ng tatlong sasakyan ang kahabaan ng Maharlika highway  patungo ng Sorsogon City nang mabangga ng Montero ang traysikel na sinasakyan ng pamilya Detecio.

Sa lakas ng impact ng pagkakabangga nagtuluy-tuloy ang traysikel at sinalpok naman ang likurang bahagi ng motorsiklo  ni Jarque na nawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa mapunta sa kabilang linya kung saan eksaktong  parating ang humaharurot na pampasaherong bus na nagresulta sa  head on collision.

Sa nangyaring insidente dead on the spot  sina Jarque at angkas nitong si Lareza samantalang malubha namang nasugatan ang mga Detecio na isinugod sa Sorsogon Provincial Hospital.

Matapos ang insidente, tumakas ang hindi pa nakikilalang drayber ng bus na ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya habang naaresto naman ang drayber ng Montero na si Esmas na nahaharap sa kaukulang kaso.

 

Please follow and like us:
Read More