BASHED PATI ACCENT NI DANIEL SA Q&A NG BB. PILIPINAS

daniel222

(NI ED DE LEON)

PINUNA ng mga bashers pati ang accent ni Daniel Padilla nang magtanong siya sa question and answer segment ng Binibining Pilipinas.

Bakit hindi ba naintindihan ang tanong ni Daniel? Si Daniel naman ay isang Pilipino, hindi naman siya Kano. Bakit kailangang hanapin sa kanya ang accent ng isang Kano?

Ang mas nakatatawa iyong masyadong Kano na bano kung magsalita ng Tagalog. Nasa Pilipinas po tayo.

MALUBHA ANG KALAGAYAN NI MANOY

Kuryente, one hundred percent ang sinasabing inatake sa puso si Eddie Garcia doon sa set ng Rosang Agimat.

Nagkakaturuan na ngayon. Wala naman kasing medical bulletin na inilabas iyong Mary Johnston Hospital dahil humingi ng privacy ang pamilya. Iyon pala doon pa lang alam na nila na hindi inatake si Manoy kung di bumagsak nang medyo masama, at nagkaroon ng severe cervical fracture. May nabaling buto sa gawi ng leeg.

Iyan ay naka-konekta sa spinal column, kaya siya nag-comatose. Apektado na ang nervous system ng kanyang katawan. Nang ma-review namin ang video ng aksidente na naka-slow motion, noon namin napansin na mukhang nasabit nga ang paa niya sa isang cable, at nadapa nga siya.

Nagkakaturuan na ngayon, at mismong ang GMA 7 na nagpalabas din ng ganoong balita, ganoon din ang iba pang media entity, ang nagsabing ang source ng kanilang information ay son-in-law raw ni Manoy na ang pangalan ay Nick. Ngayon hindi na lumabas si Nick. Parang na-Bikoy lahat ng tao.

Anyway, malubha ang kalagayang iyan ni Manoy, at iyon ay pinatotohanan na ng kanyang doctor na si Dr.Enrique Lagman. Siya ay nasa ICU ng Makati Medical Center. Iyon ang totoo. Ipanalangin nating sana nga makabawi pa si Manoy.

 

 

Please follow and like us:
Read More

VENDORS NA NAGBENTA NG CHINESE FLAGS SINERMUNAN

chinese flag12

(NI DAVE MEDINA)

SERMON ang natanggap ng apat kataong nakuhanan ng video na nagbebenta ng Chinese flag sa Luneta nitong Linggo.

Ayon kay National Parks Development Committee (NPDC) Executive Director Penelope Belmonte hindi dapat na nagpagamit ang apat na babae sa pagbebenta kunwari ng Chinese flags sa Luneta.

Sinabi pa ng  NPDC na sa kuha ng  closed circuit television footage (CCTV), nakitang ang mga vendor ay binayaran upang magpose na kunwari ay nagbebenta sila ng Chinese flags.

Nakita rin sa video ng komprontasyon ni Belmonte sa mga vendors na umamin silang tumanggap ng bayad na isangdaang piso sa kunwaring pagbebenta ng Chinese flags.

“So kunwari lang? Binayaran kayo ng isang daang piso..sa tingin ninyo tama ang ginawa ninyo dahil kailangan nyo ng pera. Sana hindi kayo ganon ibinibenta nyo sarili nating bayan,”  naiiritang sermon ni Belmonte sa bayarang poser.

Nauna rito ay nag-circulate sa social media na ibinebenta ang Chinese flags sa Luneta Park  na umani ng batikos sa mga mamamayan sa harapang pambabastos umano sa mga Filipino at National Hero na si Dr. Jose Rizal.

Samantala, sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kanyag tweet sa publiko na huwag mag-alala dahil magbebenta rin ang mga vendor ng American flags sa Philippine-US Friendship Day sa July 4.

Ang June 9 ay deklaradong Filipino-Chinese Friendship Day.

Nauna nang ipinaliwanag ni Locsin na may mga bansang kaibigan ng Pilipinas ang ipinagdiriwang ang araw ng pagkakaibigan at itinataas ang mga bandera ng dalawang bansa.

Alinsunod aniya ito sa nilagdaang batas ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

 

Please follow and like us:
Read More

OVERLOADED NA JEEP NAHULOG SA BANGIN; 8 PATAY, 3O SUGATAN

jeep12

(NI JESSE KABEL)

UMAKYAT na sa walo ang iniulat na nasawi habang may 30 iba pa ang nilalapatan ng lunas sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital matapos bumulusok ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa 10 metrong lalim ng bangin sa bayan ng San Mariano lalawigan ng Isabela.

Sa ulat ng Isabela Provincial Police Office, nitong Linggo ng hapon itinawag sa kanilang himpilan ang isang pampasaherong jeep na nahulog umano sa bangin nang mawalan ng kontrol sa manibela.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, pauwi ang mga biktima mula sa pamamalengke nang biglang nawalan ng preno ang jeep na kanilang sinasakyan sa bahagi ng Barangay Balagan.

Ibinangga pa umano ng driver na si Jeffrey Calibgal ang jeep sa burol para hindi tuluyang mahulog sa bangin ngunit sa bigat ng karga nito ay bumulusok pa rin ito pababa sa may 10 metrong lalim ng bangin.

Ayon sa sinumiteng report ni  P/Lt. Jess Alonzo, deputy police chief sa San Mariano Police station, sinasabing overloaded ang jeep na nahulog sa bangin.

Pahayag pa ni Alono, “overloaded” ang jeep dahil 30 katao lamang ang dapat na sakay nito ngunit higit pa dito ang bilang ng pasahero bukod pa sa umano’y kargang sako ng abono at semento.

Kabilang sa mga naitalang nasawi si Geoffrey Cajigal, ang driver ng jeep at mga pasahero nitong sina John Lloyd Rivera, Carmelita Zalun, Mayolen Gammad, Gina Magusib, Ines Tapaoan at Anacleto Cadiente.

Dinala naman sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital ang mga nasugatang pasahero.

 

Please follow and like us:
Read More

2 SA 3 SUSPECT SA BANGKAY SA STORAGE BOX HULI

strudent12

(NI CYRILL QUILO)

NAARESTO ang dalawang suspect at isa naman ay patuloy na tinutugis sa pagpatay at pagtapon sa bangkay ng Arellano University student sa Brgy. Canlalay, Biñan, Laguna.

Kinilala ni Biñan Chief of Police Col. Danilo Mendoza ang biktimang si Carl Laurence Demerey, 24, ng No.14 Aerospace St. ATO Village Brgy. BF Inter CAA, Las Piñas City.

Ayon sa salaysay kay Laguna Provincial Director Pol.Col.Eleazar Matta ,kumakain ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa Nepa Resto Bar sa Brgy. San Vicente, Biñan City, bandang alas 10:00 ng gabi ng Hunyo 2 nang magpasya ang biktima na magpaiwan.

Ang mga suspek naman na sina Najir Macaorao, Abdul Gaus, at si Esmael Sultan ay sinabing nag-iinuman din sa nasabing resto bar. Nakita ang bangkay ng biktima kinabukasan na isiniksik sa plastic storage box.

Kasalukuyan ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad si Sultan.

Nakuha sa mga suspek ang mobile phone ng biktima at kusa namang isinurender ni Mercedita Buensuceso ang may-ari ng motor na may sidecar na may plate no. Honda CCG 125 WHF na siyang ginamit sa pagtatapon sa katawan ni Carl sa bakanteng lote.

Samantala, paalala naman ni CALABARZON Regional Director Brig.Gen.Edward Esperat Carranza na huwag mag atubili na tumawag sa RDs Hotlines na 09087779992 o 09457644414 bukas ito 24/7 para sa mabilisang tugon upang malutas ang kriminalidad sa buong rehiyon.

 

Please follow and like us:
Read More

THAI PUGS ‘KO’ SA 3 PINOY 

ifugao21

(NI ARIEL BORLONGAN)

MAGAANG na nagwagi si Ifugao bantamweight sensation Carl Jammes Martin na pinatulog ang kalabang Thai na si Yutthichai Wannawong sa 1st round ng kanilang sagupaan nitong Linggo  sa Sanman-ESPN5 Studio sa Novaliches, Quezon City.

“The taller Thai tried to keep the distance by using his longer reach but Martin’s speed and brutal combinations was just too much for him,” ayon sa ulat ng Philboxing.com. “A barrage of punches caught him with a powerful right straight to the head ending the night for the visiting Thai.”

Sa co-main event, pinatulog din ni world rated flyweight prospect Jayson Mama si dating WBA minimumweight champion Ekkawit Songnui ng Thailand sa 3rd round ng kanilang sagupaan.

Sa kanyang pagbabalik sa ring, nagwagi rin si ex-light flyweight world champion Randy Petalcorin nang patulugin sa 3rd round si Worawatchai Boobjan ng Thailand.

“Boonjan came in game but Petalcorin’s superior skills battered the slower opponent,” dagdag sa ulat. “A flurry of punches caught the Thai in the third stanza and referee saw that he had enough punishment thus the stoppage.”

Please follow and like us:
Read More

PUGANTE HINDI NAKATAKAS KAY KAMATAYAN, ISA PA NASAKOTE

PATAY-3

(Ni JESSE KABEL)

ISANG pugante mula sa Maguindanao District Jail ang nasawi habang isa pang kasamahan nito ang nasakote nang manlaban sa mga otoridad sa Cotabato.

Kinilala ng Cotabato Provincial Police Office ang napaslang na takas na si Thorag Sandalan Sabal alyas Erick Pasanggalan habang naaresto naman ang kanyang kasama na si Nasser Makabangen Usman.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na nakasagupa ng pinag-sanib na puwersa ng pulis at Philippine Army ang mga suspek nang matunton ang kanilang pinagtataguan sa Brgy Olandang Midsayap North Cotabato.

Desidido umano si Sabal na hindi ito magpapahuli ng buhay kaya nanlaban ito hanggang sa mapaslang ng mga pulis at military habang nahuli naman si Usman.

Nabatid na si Sabal, ay kasama ng  anim na bilanggo naay tumakas sa Maguindanao Provincial Jail sa lungsod ng Cotabato noong Mayo 24, 2018.

Ito’y nahaharap sa mga kasong murder, illegal drugs at illegal possession of firearms.

Nakuha sa posisyon ni Sabal ang isang kalibre.45 na pistola habang .38 revolver naman kay Usman,mga bala,shabu at drug drug paraphernalia.

Agad kinuha ang bangkay ni Sabal ng kanyang pamilya habang nakapiit ngayon sa lock-up cell ng Midsayap PNP si Usman at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Please follow and like us:
Read More

LOISA, BALAK PANG MAGDAGDAG NG NEGOSYO

LOISA ANDALIO-2

boy abundaNakalipat na ang buong pamilya ni Loisa Andalio sa bagong bahay na naipundar ng aktres. Masayang-masaya ang dalaga dahil sa murang edad ay mayroon na siyang mga naipundar mula sa kanyang mga trabahong pinaghirapan.

“Di ko sinasabing bahay ko. Bahay nila, para sa kanila. Dati kami nakikitira lang talaga kami sa tita ko. Eh ngayon wala na kami doon, lumipat na kami. Una sa salon, nagkaroon ako ng salon. Mayroon do’n na kwarto na isa. So do’n sila umuuwi, doon lang sila umuuwi sa salon. Tapos naisip ko, parang hindi naman pwede na dito lang kami sa salon. So do’n na nagpagawa na ako ng bahay para sa kanila,” kwento ni Loisa.

Hindi naging madali para sa aktres na makapagpundar lalo pa’t siya ang tumatayong breadwinner sa kanilang pamilya. “May time na nasisimutan talaga ako ng pera. As in nasisimot talaga. As in hindi ako makahingi ng pera kay mama kasi alam kong walang pera. Kahit ngayong artista na ako as in no’ng last year. Hindi ako nakakahingi ng pera kay mama kasi alam kong wala talaga,” pagbabahagi ng dalaga.

Bukod  sa sariling salon ay nagbabalak umanong magbukas ng iba pang negosyo na pwedeng pagkakitaan si Loisa para sa kinabukasan ng aktres. “Kasi sa trabaho ko hindi naman ako sure kung hanggang kailan ako may trabaho eh. Kumbaga hindi ko pa din masasabi kung kailan ako may trabaho eh. So gusto ko mayroon pa din kaming siguradong pagkukuhaan,” paliwanag niya.

-Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More

PROVINCIAL PROSECUTOR TINAMBANGAN, KRITIKAL

GUN FIRE-2

(Ni JG Tumbado)

TINAMBANGAN ng hindi pa mabatid na bilang ng mga armadong lalaki ang provincial prosecutor ng Oriental Mindoro kaninang umaga.

Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa MMG Hospital sa Calapan City bunsod ng limang tama ng bala ng baril ang biktimang si Josephine Olivar.

Ayon kay Police Lt. Col. Soc Faltado, tagapagsalita ng Police Regional Office 4 B, tinambangan ng armadong grupo si Olivar sa bahagi ng Barangay Bayanan Uno pasado alas-9 ng umaga.
Sakay sa kotse si Olivar at patungo na sa kanyang tanggapan nang isagawa ang tangkang paglikida sa kanya.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kasabay ang pagsasagawa ng follow-up operation laban sa mga nasa likod ng pananambang.

Please follow and like us:
Read More

KILLER, MASTERMIND SA PAGPATAY SA ASAWA NG EX-VICE MAYOR, NADAKMA

GUNMAN-3

Hawak na ng otoridad ang umano’y mastermind at gunman sa pagpaslang sa asawa ng dating Santo Tomas, Batangas vice mayor na ang bangkay ay natagpuan sa Lipa City noong nakaraang Linggo.

Sinampahan na ng kaso ang mga suspek na kinilalang si Joan Zara Ramos alias Jei, na naaresto sa kanyang tahanan sa Barangay Tambo, Lipa City; Florina Malolos Ramos na naaresto sa kanyang bahay sa Barangay 2, Sto Tomas, at ang sinasabing gunman na si Jerry Rabano y Albitos na kusang loob na sumuko sa mga otoridad sa Barangay Cabatang, Tiaong, Quezon.

Ayon kay  Calabarzon Police Regional Office (PRO 4A) Regional Director Chief Supt. Edward Carranza, ang mga nasabing suspek ang nagsabwatan umano upang patayin ang biktimang si Edelina Ramos y  Tolentino, 55-anyos,  na ang bangkay ay natagpuan sa gilid ng kalsada sa Barangay Halang, Lipa City  noong June 3.

Ang biktima ay asawa ni dating Santo Tomas Vice Mayor Ferdinand Ramos y Malolos na pinagbabaril at napatay ng mga hindi nakilalang salarin noong July 14, 2018.

Ayon kay Carranza, benggansa ang motibo sa krimen kung saan ang biktimang si Edelina ang pinagbibintangang nagpapatay sa asawang bise alkalde.

Sina Joan at Florina ay kapwa malapit na kaanak ng yumaong bise alkalde.

Please follow and like us:
Read More

EARLY PREPARATIONS SA KASAL NINA RICHARD AT SARAH

RICHARD-SARAH

ANG GARA NI VINIANext year na pala ikakasal sina Sarah Lahbati and Richard Gutierrez at kasalukuyan na silang nagpe-prepare for the wedding. Ito ang ibinalita ng aktres sa kanyang mga followers sa Instagram sa kanyang recent post.

Nag-upload si Sarah ng mga larawan nila ni Richard at panganay na anak na si Zion habang nasa Hawaii sila at sa caption, ibinahagi niya ang kanilang wedding plans.

“That afternoon in Hawaii with my family.
(kai was with his granny ). As we officially prepare for our wedding next year, I can’t help but feel grateful for this life I have, for my beautiful and amazing family, for my best friend who also happens to be the love of my life.

“I thank God for all the lessons, for His guidance and for growth.

“Being able to experience new things and places with the person you love and grow at the same time is something magical.
I thank God everyday for what I have and for what’s to come,” ang caption ni Sarah.

Sa larawan ay makikia naman talaga how much Sarah and Richard love each other na parang bagong magdyowa pa lang sila kahit 2 na ang kanilang anak.

For sure ay aabangan ng lahat ang Richard-Sarah wedding next year.

oOo 

3RD ISTORYA NG PAG-ASA FILM FESTIVAL TAGUMPAY

Tagumpay na namang nairaos ni Vice President Leni Robredo ang 3rdIstorya ng Pag-asa Film Festival (INPFF), a nationwide all-digital film competition which seeks to promote hope and inspiration on a wider scale, featuring positive narratives that showcase the triumphs of ordinary Filipinos over life adversities.

Ginanap ang gala night and awarding ceremony ng INPFF last Saturday night sa Cinema 7 ng Trinoma Mall kung saan ay pinarangalan ang mga deserving short stories.

Ang nagwaging Best Film and a cash prize of P80,000 ay ang Ka Dodoy nina Meg Seranilla at Mark Aposaga.  First Runner-up naman with P50,000 cash prize ang Maglabay Ra In Sakit ni Mijan Jumalon habang 2nd runner-up ang Litratista ni Allan Lazaro who took home a P30,000 cash at siya ring nagwaging Best Director.

Ang nabanggit na top 3 films ay mapapanood sa Ayala Mall Cinemas from June to October this year.

Ang iba pang awards na ipinamigay sa awarding ceremony ay ang sumusunod: Best Cinematography and Ayala Foundation Community Development Award for Ka Dodoy, Best Editing for Mijan Tumalon for “Maglabay Ra In Sakit,” People’s Choice Award for “Yapak” by Rommel Mondragon Lozada at ang The Office of the Vice President Special Recognition Award for “Modern Day Hero” by  Roy Robert Rusiana.

Of course, present si VP Leni sa naturang gala and awarding ceremonies na masayang-masaya sa successful outcome ng INPFF this year. Nsroroon din sina Dingdong Dantes at Iza Calzado na nagsilbing hosts nang gabing iyon.

Ang INPFF ay proyekto ng Office of the Vice President (OVP) in partnership with the Ayala Foundation and the Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Please follow and like us:
Read More

DANCE INSTRUCTOR NAKALIGTAS SA 9 NA BALA

crime85

(NI TJ DELOS REYES)

NAKALIGTAS ang isang dance intructor sa siyam na bala na ibinaon  sa kanyang ng isang lalaki, Sabado ng gabi sa Quezon City. Ligtas na sa anumang panganib ang biktima na nakilalang si  Michael Allan Velasco, 40, residente ng 102 C. Benitez St., Cubao.

Nakilala lamang ang suspek sa pangalang ‘Ronnie’.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Benjamin Gabriel Jr., hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5, naganap ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi sa Champaca St, Brgy. Pasong Tamo. Nauna rito, nakatanggap ng mensahe ang biktima mula sa kanyang Facebook account na kailangan ni ‘Ronnie’ ang serbisyo ni Velasco bilang dance instructor para turuan ng sayaw ang mga kawani ng isang hardware.

Nagpadala rin ng paunang bayad na P1,000 si ‘Ronnie’ kay Velasco para sa pamasahe ng biktima papuntang Champaca St. mula Cubao.

Pagdating ni Velasco sa Champaca St., nagkita sila ni ‘Ronnie’ at saka inutusan  ng suspek si Velasco na umangkas sa dala-dala nitong motorsiklo.

Dinala  ng suspek ang biktima sa isang open court sa Champaca St. din at saka inagaw ang cellphone ng biktima bago pinaputukan ng siyam na beses.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo habang si Velasco ay dinala sa ospital ng mga tumulong na taumbayan.

Patuloy naman nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam ang tunay na motibo sa pamamaril.

 

Please follow and like us:
Read More

 POPS LEVEL-UP NA

pops12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

AYON kay Pops Fernandez ay hindi naman niya tinatalikuran ang pag-aartista. It’s just that mas gusto niyang mag-focus talaga sa negosyo at sa kanyang DSL Productions.

Pero kung may maganda naman daw offer in the future, bakit naman daw hindi.

Nag-level up na nga ang kanyang produksyon dahil from a concert producer ay movie producer na rin siya ngayon.

First venture niya ang pelikulang Feelennial (Feeling Millennial) starring Ai Ai delas Alas and Bayani Agbayani directed by Rechie del Carmen. Showing na ito sa June 19 co-produced by Cignal Entertainment.

Bilang first time movie producer, aminado si Pops na mahirap pero nag-enjoy naman daw siya lalo pa nga’t napakaganda raw ng finished product at sobrang nakakatawa raw ang pelikula.

Wala raw siyang love life ngayon, pati na rin sex life. Pero hindi naman daw niya sinasabing hindi na siya magmamahal ulit. Basta kung darating ay darating daw.

    MUST-SEE TRENDING VIDEOS

Mas madali nang mapapanuod online ang auditions at exclusive interviews ng StarStruck hopefuls sa official YouTube channel ng programa. Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng online show
ang StarStruck na tatawaging Inside StarStruck.

Starting this Monday, (June 10), masusubaybayan na online ang must-see at trending videos ng original reality-based artista search kagaya ng episode highlights at behind-the-scene footages na mismong ang Kapuso
actress na si Kyline Alcantara ang magho-host.

Masaya si Kyline na siya ang naatasang maging host ng naturang online show lalo pa’t sa Inside StarStruck unang ire-reveal ang Top 22 hopefuls.

Kaya naman mag-subscribe na sa Youtube channel ng programa para maging updated sa latest news on the StarStruck hopefuls.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PINASLANG NA MEDIAMAN WALA SA DRUG WATCHLIST

adam21

(NI TJ DELOS REYES)

WALA  sa drug watchlist ang napatay na mediaman sa Quezon City na isang freelance Account Executive ng mga pahayagan na pinagbabaril ng riding in tandem malapit sa tahanan nito.

Ito ang sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Brigadier General Joselito Esquivel base sa inisyal na impormasyon na nakarating sa kanya.

Dahil dito, pinag-iisapn ngayon ng QCPD ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) na siyang tututok para na agarang pagresolba sa pamamaslang kay Adam Moraleta, isang freelance account executive ng Daily Tribune.

Magugunita na June 6 araw ng Huwebes, dakong 8:15 ng umaga nang pagbabarilin ng riding in tandem si Moraleta sa kanto na kalapit lamang ng bahay nito.

Lumalabas na bibili lamang sa tindahan ang biktima nang siya ay pagbabarilin dahilan bakit wala itong dalang identification card kaya ideneklara ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na unidentified male person ito.

Unang inakala ng mga pamilya na dinukot si Moraleta subalit nang iulat na ng QCPD na mayroong napatay na isang lalaki sa Barangay Holy Spirit saka nakita ng pamilya ang labi nito sa morgue.

Sinabi naman ni Esquivel na patuloy ang ginagawang imbestiagsyon ng CIDU at ng QCPD Station 6 at tinitingnan ang lahat ng anggulo at masusing pinag-aaralan upang malaman ang tunay na motibo.

Samantala kinondena ng pamunuan ng National Press Club (NPC) ang pamamaslang kay Moraleta na isang active member ng kanilang samahan at nanawagan sila sa mga indibidwal na posibleng mayroong impormasyon na makapagtuturo sa salarin.

Ayon kay NPC Vice President Paul Gutierrez si Moraleta ang ikatlo na pinatay na miyembro ng NPC sa loob ng limang taon na kinabibilangan ni Rubylita ‘Ruby’ Garcia, reporter at  Joaquin ‘Jun’ Briones na isang columnist.

 

Please follow and like us:
Read More

AKALA’Y BABOY-RAMO, PAMANGKIN PATAY SA TIYUHIN

south cotabato12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Nabaril at napatay ang isang 26-anyos na babae ng mismong tiyuhin nito makaraang mapagkamalang baboy-ramo nang magsagawa ng ‘animal hunting’ ang suspek sa Sitio Alyong, Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato,  Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Lenza Dayanton Dialang, magsasaka na nabaril umano ng tiyuhin gamit ang 12 gauge shot gun.

Sa report ng Tampakan PNP, pumunta umano ang biktima kasama ang tiyuhin nitong si Ciano Dayanton Dialang at iba pang kamag-anak sa bulubunduking bahagi ng Sitio Alyong upang mangaso.

Dahil iba-iba ang direksiyon ng mga ito, napagkamalan umanong baboy ramo ng tiyuhing si Ciano ang gumagalaw sa hindi kalayuan mula sa kanyang harapan dahilan upang barilin niya ito, pasado alas-10:00 ng umaga.

Bumungad na lamang sa kanya na ang kanyang pamangkin ang nabaril nito. Sugatan sa tiyan ang biktima na agad isinugod sa ospital habang tumakas naman ang suspek sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

LALAKING NANG-HOSTAGE NG MAG-IINA PATAY SA PULIS

crime

(NI JULIE DUIGAN)

NAMATAY noon din ang isang 33- anyos na lalaki makaraang umawat sa kanilang bisita na nang-hostage sa mag-iina.

Patay din ang nang-hostage nang paputukan ng mga nagrespondeng pulis, Sabado ng gabi sa Baseco Compound sa Port Area, Manila.

Dead on the spot ang biktimang si Rolando Salazar Vendello Jr., alyas “Onyok”,  residente ng Block 15-B, Baseco Compound, dahil sa tinamong saksak sa dibdib.

Wala namang tinamong sugat ang mga hinostage na mag-iina na si Resaly Castillo, at  apat na mga menor de edad na anak. Si Vendello ay bayaw ni Resaly.

Samantala, patay din ang isang Roy Castillo, residente ng Mabini, Batangas City, nang magresponde ang mga pulis.

Batay sa inisyal na ulat ni Det. Marlon San Pedro kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:30 ng gabi nitong Sabado  nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng mga biktima.

Nabatid na bisita lamang umano si Castillo ng kapatid ni Resaly na nag-iinuman sa eskinita sa labas ng kanilang bahay kasama pa ang ilang kaibigan.

Sa gitna ng kuwentuhan ay nagkaalaman sila na magkamag-anak ang pamilya ni Resaly at ang suspek dahil sa parehong apelyido.

Sa hindi pa maipaliwanag na dahilan, pumasok umano ng bahay ng mga biktima si Castillo na lasing habang hawak ang patalim at pinigilang makalabas ng bahay ang mag-iina. Nauwi umano sa tensiyon ang ginawa ng suspect.

Sa pagresponde ang mga tauhan barangay at Baseco Police Coomunity Precinct (PCP) upang arestuhin ang suspek ay nakitang pumasok na si Onyok upang pigilan ang suspek subalit nasaksak siya sa dibdib.

Tinangkang tumakas ng suspek kaya dinakma na siya ng iba pang nagresponde na tinangka rin niyang saksakin dahil upang siya ay paputukan ng mga tauhan ng Baseco PCP at mapatay.

 

Please follow and like us:
Read More

GERALD PUSPUSAN ANG PAGPAPAGANDA NG KATAWAN

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MULA nang magkaroon ng negosyong gym ay mas puspusan na raw ngayon ang ginagawang pagwo-workout ni Gerald Anderson.

Matatandaang binuksan ng aktor ang The Th3rd Floor sa Quezon City kamakailan na kanyang pag-aari. May pagkakataong tumatakas pa si Gerald sa trabaho kapag mayroong bakanteng oras para lamang makapag-gym. “Mga two hours pero minsan twice of thrice a day.

So minsan six hours or four hours sa isang araw. Kung may taping naman ako during lunch break, tatakas muna ako. Magwo-workout muna ako sa bahay kung malapit lang ‘yung location,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Hanggang maaari ay gusto lamang daw ng aktor na mapanatiling maayos ang kanyang kalusugan at maganda ang pangangatawan.

“More than ‘yung body parts ko, more on ‘yung performance ko sa bawat workout. ‘Yung sikreto do’n is kung paano mo talunin ‘yung last workout mo or ‘yung last personal record mo. Dati gano’n ako eh lalo na ‘yung sa showbiz na alam ko maghuhubad ako bukas, may eksena ako, may love scene ako, kailangan maganda katawan. Parang hindi siya pangmatagalan na goal. Pero kung may goal ka na gusto mo talunin ‘yung sarili mo, ‘yun ‘yung mas may weight,” paliwanag ng binata.

Maging sa pagpili ng pagkain ay maingat din umano si Gerald. “Alalay lang sa pagkain. Wala man akong specific diet ngayon but sa dami ko ng exercise na ginagawa, kasi may basketball practice ako and then hindi ako nagkukulang sa exercise,” giit niya.

Samantala, proud din ang aktor bilang isang Philippine Coast Guard auxiliary officer. Ngayon ay ganap nang lieutenant ng PCG si Gerald. “Going strong ang malapit naman talaga sa puso ko ‘yung military. Siyempre ‘yung tatay ko ex-miliraty and iba ‘yung binibigay nila para sa bansa natin na minsan na-o-overlook natin kaya ako nae-excite dito sa bagong TV series na ginagawa namin. Makikita natin kung ano pinaghahandaang nila,” pagbabahagi ng aktor. -Reports from JCC-   

 

Please follow and like us:
Read More

BATA, BATA, BULLY O BIKTIMA KA BA?

SCHOOL BULLY

(Ni Dan Salcedo / Unang bahagi)

ANG bullying ay nangyayari kapag ang isang tao o grupo ng tao ay paulit-ulit at intensyunal na gumagamit ng salita o aksyon laban sa isang tao o grupo ng tao upang mabalisa o magkaroon ng panganib sa pagkatao nito.

Ang pambu-bully ay kadalasang ginagawa ng mga taong may impluwensiya o kapangyarihan laban sa isang tao o kaya naman ay nagnanais na maramdaman ng isang tao na siya ay walang lakas o kaya naman ay kaawa-awa.

Ang bullying o pananakot ay malaki ang pagkakaiba sa hidwaan o alitan sa isang tao na puwedeng mauwi sa suntukan o awayan o kaya naman ay pag-ayaw sa isang tao, pero ang tao ay puwedeng manakot sa kapwa dahil naman sa kanilang hidwaan o pag-ayaw sa pagkatao.

Sa mga bata, ang simpleng tuksuhan ay bahagi ng kanilang paglaki at totoong ang bawat bata ay nakakaranas nito. Subalit ang ordinaryong biruan ay posibleng mauwi sa bullying o pananakot sa kapwa bata kapag masasakit na salita na ang ginagamit bukod pa sa ginagawa nang paulit-ulit.

Ang pagbabansag ng pangalan sa isang tao ay posibleng masabing bullying. Puwede ring masabing bullying ang pagkakalat ng mga balitang hindi naman totoo at nais lang sirain ang pangalan at pagkatao ng taong pinatutungkulan nito.

Obligasyon ng paaralan

Nakasaad sa Republic Act 10627 o “Anti-Bullying Act of 2013” na obligasyon ng paaralan na aksiyunan ang mga nangyayaring pambubuska sa loob ng eskuwelahan.

May mga tuntunin dito na dapat sundin ng mga paaralan.

Maliwanag na hindi matututo ang mga mag-aaral lalo na ang mga bata at tined­yer kapag magulo at bayolente ang kanilang kapaligiran tulad ng paaralan kung saan sila nakakaranas ng pambubuska, pamimikon at pang-aasar.

Kaya naman, kailangang ang nasa pamunuan ng paaralan, mga guro at mga magulang ay magtulungan upang maiwasan ang mga kaso ng pambubully.

Kailangang magkaroon ng programa ang mga paaralan upang mapigilan ang bullying sa paaralan.

Dapat ding magkaroon ng mga tuntunin at polisiya kaugnay sa bullying ang mga paaralan upang hindi dumanas ang mga mag-aaral ng pananakot at pang-aapi mula sa mga batang mag-aaral na nais ay makilala ang kanilang impluwensiya at kapangyarihan sa kanilang paaralan.

Maaaring tanggalan ng Department of Education ng lisensya ang eskuwelahan kapag napatunayang ito ay may pagkukulang sa pag-imbestiga ng bullying na nangyari.

Bully o biktima, paano malalaman?

Madalas mangyari ang bullying sa eskwelahan. Ang school campus ay isa nang lugar na dumarami ang bullying na hindi lang pambubuska, pananakot at   pang-iinsulto ang nangyayari kundi sa pisikal na paraan. Maraming paraan o porma ng pananakot. Direkta o hindi. Pisikal, emosyonal o sa isipan. Hindi makapalag ang mga biktima at wala ring boses ang mga saksi na pigilan ang baluktot na aktibidad ng bully.

Ang panlalamig at pagbalewala ng mga nakakakita ay isang paghihikayat sa bully na ituloy ang mga aksyon.

Isa sa mga dahilan kaya nambu-bully ang mga mag-aaral ay dahil wala silang tiwala sa sarili at sila ay naiinggit, ginanahan sa maling ginagawa sapagkat nakukuha nila ang atensyon na kulang sa kanila, at sa pananakot nila mararanasan. Nararamdaman ng bully na sa pananakot o pananakit, sila ay nagiging mapangyarihan,  sikat at  pinag-usapan.

Madalas maging biktima ang sa tingin nila ay mahina, hindi kilala at madaling matakot.

Batang biktima ng bullying

Hindi kaagad nalalaman ng mga magulang ng mga batang mag-aaral na biktima na ang kanilang mga anak ng bullying sa eskuwelahan. Bilang magulang, dapat nyong makilatis at mabatid ang mga senyales na binubully ang iyong anak.

Hindi ka makaaasa at makasisiguro na bibigyan ka ng impormasyon ng iyong anak dahil ayaw nilang mag-alala ka o kaya naman ay ma­lagay pa sa gulo kapag nangbatid ang nangyayari sa kanila sa eskuwela.

Narito ang mga ideya na maaaring makatulong sa pagtukoy ng mga palatandaan.

  1. Pakinggan ang mga sinasabi o kwento ng mga bata. Karamihan sa mga bata ay hindi direktang inilalarawan ang kanilang karanasan. Alamin ang nangyari kung atubili ang mga bata na ilarawan ang nararandaman at kung ito ay insidente na ng pambubuska. Payuhan ang mga bata kung paano malalagpsan ang bullying. Tiyakin sa kanila na hindi sila ang dahilan ng bullying.
  2. Pansinin ang nawawalan mga kaibigan. Ayon sa Verywell family, bilang magulang, ikaw ang higit na nakakikilala sa mga kaibigan ng iyong anak. Bigyan ng pansin kung ang kaibigan ng iyong anak ay hindi na pumapasyal o sumasama sa iyong anak. Bahagi ng yugto ng paglaki ng bata ang paghahanap at pabago-bago ng mga kaibigan, ngunit, may pagkakataon na ito ay isa nang indikasyon na nangyayari na ang pambubully sa iyong anak.
  3. Pagbabago ng saloobin. Alamin ang pagbabago ng ugali at personalidad ng bata.. Ang batang nabubully ay madalas na balisa, nagiging mahiyain at, malungkutin at nawawalan ng tiwala sa sarili. Dahilan man o hindi ang bullying, ang mga ugali at kilos ng mga bata ay hindi binabalewala.
  4. Pagbabago ng nakagawian sa pagkain. Nagpapakita ang mga bata ng pagbabago ng gawi sa pagkain, tulad ng hindi pagkain sa eskwelahan dahil iniiwasang mabully.Gutom kaya malakas silang kumakain pag-uwi ng bahay. May mga bully na inaagaw ang pagkain ng kanilang biktima.
  5. Alamin ang sanhi ng sugat at reklamo sa kalusugan. Ang nabubully na bata ay madalas na magreklamo na sumasakit ang ulo, tiyan at iba pang pisikal na sakit. May mga galos, sugat at mga gasgas sa balat. Kakikitaan din ang bata ng pagbabago sa pagkain. Ugaliing magtanong kung ano ang kanyang nararam­daman.
  6. Sira o nawawala ang mga gamit. Kapag umuwi ang inyong anak na wala o sira ang mga personal na gamit at gamit sa pag-aaral ay dapat ninyong alamin ang dahilan. May mga bully na kinukuha o sinisira ang gamit ng biktima.
  7. Bigyan pansin ang pagbagsak ng grado. Ang binubully ay nawawalan ng konsentrasyon sa pag-aaral kaya maaaring bumagsak ang kanyang grado. Alamin ang iskedyul ng bata. Ayon sa Verywell Family,  ang pagliban sa mga aktibidad o dahilan na kanselado ang klase ay posibleng dahilan na nabubully ang iyong anak. Bigyan din ng pansin kung ang iyong anak ay nawalan ng interes sa hilig na laro at aktibidad.
  1. Palatandaan ng pagbabago sa pagtulog. Ang pagbabago sa nakagawiang pagtulog ay pahiwatig na may problema ang inyong anak. Ang mga biktima ay nakararanas ng bangungot, pag-ihi sa kama at biglang pag-iyak.
  2. Sinisira ang sarili. Ang biktima ng bullying ay maaa­ring magkaroon ng nakasasamang ugali, tulad ng paglayas sa tahanan, depresyon, at sinasaktan ang sarili.
Please follow and like us:
Read More

OFW HOSPITALS

TINIG NG MANGGAGAWA final

MALAKING tulong sa mga kababayan nating Overseas Filipino Worker (OFW) ang pagkakaapruba ng Kongreso sa panukalang batas na naglalayong magtatag ng mga ospital para sa kanila at kanilang pamilya.

Sa botong 180-0 ay pinaboran ng mga mambabatas ang House Bill 9194, na nagsasaad ng pagtatatag ng Overseas Filipino Workers Hospital.

Sa ilalim ng panukala, itatayo ang mga OFW hospital para magbigay ng komprehensibong health care services sa lahat ng migrant workers na kabilang sa mga nagbibigay ng kontribusyon sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Kapag naitayo na ang naturang mga pasilidad, ito ay pangangasiwaan ng Department of Health.

Bukod dito, nilalayon din ng panukala na mabigyan ng medical examinations para masiguro ang physical at mental capability ng mga overseas contract workers na may kaukulang job order.

Magsisilbi rin itong primary referral hospital para sa mga repatriated OFW’s na manga­ngailangan ng medical assistance and support.

Nitong Mayo, pinasinayaan sa San Fernando City, Pampanga ang kauna-unahang ospital na laan sa mga OFW. Target daw itong matapos sa taong 2020 para mapakinabangan na ng mga OFW at kanilang pamilya.

Maganda ang layu­nin ng panukalang batas na ito kaya karapat-dapat itong agad ipatupad. Para naman maramdaman ng mga itinuturing nating ‘makabagong bayani’ ang pagpapahalaga sa kanila ng pamahalaan.

Malaking tulong ang ipinapasok nilang dolyar na padala sa kanilang pamilya sa pag-angat ng ekonomiya ng ating bansa kaya nararapat itong suklian ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng programa.

May alinlangan lang ako dahil posibleng makasilip ng pagkakataon ang mga kurakot na pagkakitaan ang mga ganitong proyekto.

Milyon-milyon ang pondong ilalaan sa pagtatayo ng mga ospital na ito kaya dapat nating bantayan na sa proyekto nga ito gagamitin at hindi ibubulsa ng ilan. Tingnan nyo na nga lang iyang ali­ngasngas ngayon sa Philhealth.

Marami talagang walang kaluluwa sa panahon ngayon at puro pagkakaperahan ang nasa isip. Mantakin nyong pati ang pagpapagamot ng mga probre nating kababayan ay nagawang kupitan.

Mabuti na lang at may mga naglakas ng loob na ibunyag ang ‘raket’ ng ilang klinika na sumisingil kahit patay na pala ang pasyente na nagpapa-dialysis sa kanila. Kumbaga, ‘ghost’ dialysis.

Hindi lang yan mayroon din umanong ‘ghost’ patients, false claims, misrepresentation at upcasing sa PhilHealth.

Mahilig pala sa multo ang ilan dyan sa Philhealth at nagawa nilang makipagsabwatan sa ilang wellness clinic.

Multuhin sana kayo ng mga pinagkakitaan ninyong patay na e ipinangongolekta nyo pa ng benepisyo.  (TINIG NG MANGGAGAWA / DONG VALEZA)

Please follow and like us:
Read More

GULO SA POC RERESOLBAHIN NI VARGAS

vargas12

(NI ANNE ENCARCACION)

HIHILUTIN ni Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas ang hidwaan sa mayoryang miyembro ng 12-kataong POC Executive Board sa nakatakdang expanded board meeting sa Huwebes, Hunyo 13, sa POC office sa Philsports Complex sa Pasig City.

Layon ni Vargas na mahilom ang sugat bunsod nang naganap na reorganisasyon sa mga miyembro ng POC Executive Board pati na rin ang ilang namumuno sa mga komite.

Umaasa si Vargas na matapos ang nakatakdang board meeting ay magkakaisa na ang lahat para sa tagumpay ng 30th Sutheast Asian Games hosting ng bansa mula Nobyermbre hanggang Disyembre ngayong taon.

Umaasa ang mga miyembro ng POC Executive Board na mapaplantsa na ang gusot sa paghohost ng bansa sa SEAG at maging ang mga bumubuo sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Ilan sa mga isyung gusto nilang mabigyan ng linaw ay tungkol sa uniporme ng pambansang koponan at pag-aalis sa mga dating itinakdang responsibilidad ng mga miyembro.

 

Please follow and like us:
Read More

PINAGKAIT NA EDUKASYON

yourservice

MAAARI bang ipasara ng isang paaralan ang isang programa o kurso nila dahil kakaunti lamang ang nag-een­rol dito? Halimbawa, may isang inalok na programa o kurso ang isang unibersidad ngunit sa ikatlong taon ay nakita nilang kakaunti ang kumukuha nito at nalulugi ang paaralan. Maaari ba nilang agad itigil ito at ilipat na lamang ang mga naka-enrol na sa ibang kurso o programa?

Ito’y sinagot ng Kataas-taasang Hukuman sa kasong Valmores vs. Achacoso, hango sa 831 SCRA 442, na nailathala noong July 19, 2017.

Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, hindi natin maaaring maliitin ang halaga ng edukasyon. Inulit ng hukuman na mga binigyan ng mandato ng batas ang ating mga unibersidad na bigyang daan ang mga mag-aaral na ito na tapusin ang kursong kanilang napili. Tinawag ito ng hukuman bilang “fair opportunity to complete the courses.” Inulit dito ng hukuman ang sinabi nito sa kasong Regino vs. Pangasinan Colleges of Science and Technology, hango sa 443 SCRA 56, nuong 2004), kung saan sinabi nito na hindi kailanman nasusukat ang edukasyon bilang isang bagay na pangkalakal. Oo, maaaring gamitin ang nakukuhang grado upang malaman ang antas ng edukasyon ng mag-aaral ngunit mas kailangan nating isaisip na ang edukasyon ay siyang daan tungo sa pagkuha ng trabaho at ma­buting kabuhayan. Kaya inaasahan na hahayaang magtapos ng piniling kurso o programa ang mga mag-aaral na nagbayad ng tuition fees, nakamit ang mga kinakailangang grado sa bawat aralin, nakumpleto ang requirements para magtapos, at pagkilala sa alituntunin ng paaralan.

Maaalala rin natin sa kasong Alcuaz vs. PSBA, kung saan naobserbahan ng hukuman na ang relasyon ng paaralan sa mag-aaral ay maihaha­lintulad sa isang kontrata. Kasunod dito, pinaliwanag din ng hukuman sa Non vs. Dames II, ang “termination of contract theory”. Ito’y nagsasabi na ang relasyong kontraktwal ng paaralan at mag-aaral ay hindi lamang sa isang semestre kundi sa kabuuang tagal upang matapos ang kursong pinili.

Kung babalikan natin ang ating katanungan — hindi maaaring alisin o tigilan ang isang kurso o programa kung may mga mag-aaral pang pumili nito — kahit kakaunti lamang sila sa kadahilanang may kinikilalang kontrata sa pagitan ng paaralan at ng mag-aaral. Ang obligasyon ng mag-aaral ay magbayad ng tuition fee, abutin ang antas o grado na kinakailangang ipasa ang mga klase nito, sumunod sa mga alituntunin ng paaralan, at kumpletuhin ang mga klase upang maaari itong magtapos sa kursong pinili. Sa panig naman ng paaralan, nararapat nitong ibigay ang mga klaseng kinakailangan sa kurso, magbigay ng mga guro upang magturo rito, gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang programa at hayaan silang magtapos.

Sa aking munting palagay, hindi negosyo ang edukasyon. Totoo na kinakailangan ng pera upang magpatakbo ng paaralan ngunit dapat mangibabaw sa puso at isipan ng mga tagapamuno ng ating mga paaralan — pribado man at lalo na sa mga pampubliko — na ang edukasyon ay karapatan ng lahat — bata, matanda, lalaki man o babae. Ito’y likas na karapatan na naisasaad din sa Universal Declaration of Human Rights at maging sa mga pahina ng ating Saligang Batas. Huwag naman sanang maging batayan lamang kung kumikita ang unibersidad sa isang kurso o hindi. Ang edukasyon lamang ang katangi-tanging kayamanang maiiwan natin sa susunod na henerasyon.  (@YOURSERVICE / ATTY. DAVID AQUINO)

Please follow and like us:
Read More

GRAB DRIVER NANG-HOLDAP NG PASAHERO, HULI

arrested124

(NI KOI HIPOLITO)

HIMAS rehas na ngayon ang isang suspek na Grab driver na nangholdap at lumimas sa gamit ng kanyang isinakay na pasahero matapos itong maaresto ng mga operatiba ng Tactical Management Response Unit (TMRU) na nagpapatrolya sa lugar ng Hilario St.,CCP Complex, Barangay 76, Pasay City, Linggo ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Roberto Dajero, 45, residente sa Blk.3, Phase 2,  West Plain Subdivision, Trece Martirez, Cavite. Kinilala naman ang biktimang si Mary Joy Villanueva, 36, dalaga, at residente ng Gramercy Residences, Kalayaan St., Brgy. Poblacion  Makati City.

Base sa inisyal na report na ipinadala kay Pasay City Police acting Chief of Police PCol. Bernard Yang,  kasalukuyan umanong nagpapatrulya sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sina PMSgt. Joseph Alaska, nang makasalubong nila ang biktima na tumatakbo patungo sa kanilang mobile car at sumisigay ng “Tulungan ninyo ako, Tulungan ninyo ako, Hinoldap ako,” mabilis naman ang naging tugon ng mga otoridad at dito na napag-alaman ng mga pulis na ang suspek ay isang Grab driver matapos itong maharang ng mga nagmagandang loob na bystanders habang tumatakas patungo sa direksyon na patungo sa Makati City.

Narekober sa posisyon ng suspek ang mga gamit ng biktima kabilang ang mga sumusunod; isang bracelet, wrist watch, cellphone at cash.

Kasama rin nakumpiska sa loob ng sasakyan ng suspek ang isang piraso ng bolo knife na may habang 15 pulgada, isang Toyota Vios na kulay pula at meron plaka na VZ 3450 at isang piraso ng plastic sachet na may laman ng pinaghihinalaang shabu.

Mahaharap ngayon sa kasong Robbery at paglabag sa Violation of Sec. 11 ng  RA 9165 o (Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act.of 2002) ang nakakulong ng suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

TAMA SI SEN. LACSON, MALI SI PRES. DUTERTE

CHRISTIAN BOMB

KUNG para kay Pangulong Duterte ay tama lang na gamitin ang pondo ng Marawi Rehab Fund sa ibang bagay, para naman kay Sen. Panfilo Lacson ay mali ito.

Pinagsabihan kasi ni Pangulong Duterte ang Commission on Audit (COA) na huwag gipitin si Task Force Marawi Head Secretary Eduardo del Rosario kaugnay sa P5 milyong pondo na ginamit sa Hajj pilgrimage ng mga taga-Marawi sa Saudi Arabia.

At ang babalang ito ay ginawa pa ng Pangulo sa selebrasyon ng Eid’l Fitr sa Davao City nuong Huwebes ng gabi kung saan kinuwestiyon ng COA ang pondo ng Task Force Marawi na ginamit sa pilgrimage sa halip na para sa pagpapatayo ng mga bahay ng mga biktima ng giyera.

Ang sabi pa nga ng Presidente, mas mahalaga raw ang pilgrimage kaysa mansyon.

Para kay Sen. Lacson, isyu ng technical malversation ang paggamit sa P5-M pondo para sa Marawi rehabilitation para gastusan ang pilgrimage ng ilang residente ng Marawi sa Mecca, Saudi Arabia.

Reaksyon ito ni Sen. Lacson sa ginawang pagdepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa paggamit sa pondo ng Marawi sa pilgrimage na pinuna ng COA.

Ayon kay Lacson, ang paggamit sa pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi ay hindi usapin ng kung ano ang mahalaga sa pagitan ng relihiyon at bahay.

Ito aniya ay technical malversation o paggamit sa pondo na hindi sa tunay na pinaglaanan nito.

Sa isyung ito, maling-mali si Pangulong Duterte sa kanyang sinabi na ginigipit daw ng COA si Sec. Del Rosario, dahil ang ginagawa lang naman ng COA ay sundin kung ano ang mandato nila na nakasaad sa Kons­titusyon, at ito ay ang suriin kung nagagamit sa wasto ng mga opisyal ng gobyerno ang pondo ng bayan na nasa kanilang mga tanggapan.

Ika nga, tama si Sen. Ping at mali si Pres. Duterte sa isyung ito. (CHRISTIAN’S BOMB/CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

HEART BRIMMING WITH EXCITEMENT

heart23

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

DESIDIDO si Heart Evangelista na ituloy ang plano niyang pagtatayo ng parang shelter for animals sa Sorsogon na pinamumunuan ngayon ng Governor husband na si Chiz Escudero.

Noong kapapanalo pa lang ng mister niya ay nabanggit na ni Heart sa isang interview ang plano niyang ito and one month later, heto’t may hakbang na siyang isinagawa.

Nag-post si Heart ng larawan niya habang nakatayo sa isang madamong lupa at sa caption, aniya ay ito raw ang site na pagtatayuan ng shelter.

“As you all know, I’ve always had a soft spot for animals and it’s a dream of mine to be able to do more to champion their welfare. This will be the site of one special endeavor that is near and dear to my heart— building a facility which provides services such as spaying, neutering, tagging and shots, and a community that welcomes
animals and treats them with love.

“This is step one and I am already brimming with excitement for this special project and I can’t wait to finally turn this dream into reality! Doing this one step at a time until we get there. I am very honored to be part of what Sorsogon is building,” ang caption ni Heart.

Marami namang netizens niya ang natuwa sa post na ito at may mga nag-offer na nga na kung kailangan ni Heart ng volunteers ay willing sila.

Please follow and like us:
Read More