WARRIORS ‘DI SUSUKO

green12

GAHIBLA na lang ang tsansa ng Golden State Warriors na magkampeon sa tatlong magkakasunod na pagkakataon matapos silang idiskaril ng Toronto Raptors noong Sabado at kunin ang 3-1 bentahe ngunit sa kabila nito ay ayaw pa rin nilang isuko ang laban. It’s “important to have that pride, to have the faith in what we’re capable of,” sabi ni Dryamond Green bago ang Game 5 ng Warriors-Raptors finals series sa Toronto, Lunes ng gabi (Martes ng umaga, Manila time). “I’ve been on the wrong side of 3-1 before, why not make…

Read More

PUGANTE, PATAY; 1 PA ARESTADO SA SAFEHOUSE

crime43

(NI BONG PAULO) NORTH COTABATO – Napatay ang isang matagal nang wanted sa batas na isang pugante habang naaresto naman ang isa pang kasama nito sa shootout nang isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest laban sa suspek sa safehouse nito sa barangay Olandang sa bayan ng Midsayap, North Cotabato, ayon sa ulat nitong Linggo. Kinilala ang nasawing suspek na si Thorag Sandalan Sabal, alias Erick Pasanggalan, habang arestado naman ang kasama nitong si Nasser Makabangen Usman. Sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Eliseo Tam Rasco, pinuno ng…

Read More

GRADE 1 BDAY GIRL PATAY SA SANGA NG PUNO

negros occidental12

(NI JESSE KABEL) HINDI akalain ng pamilya ng isang anim na taong gulang na batang babae na ito na ang huling taon na magdiriwang siya ng kanyang birthday nang mabagsakan ito ng sanga ng puno sa loob ng kanilang paaralan na kanyang ikinamatay sa Negros Occidental. Sa report ng Negros  Occidental PNP, halos wala nang buhay nang idating sa pagamutan ang biktimang si Fei Francine Limsiaco, Grade one pupil ng Talaban Elementary School. Nabatid na masaya pang pumasok ang bata para ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa paaralan subalit iyon na…

Read More

MAG-UTOL ARESTADO SA RAPE

arrested12

(NI KEVIN COLLANTES) KAPWA naghihimas na ng rehas na bakal ang dalawang lalaking magkapatid na kapwa arestado dahil sa pagiging wanted sa kasong panggagahasa sa magkahiwalay na lugar sa Marikina City at Mandaluyong City, nitong Sabado. Batay sa ulat ng Marikina City Police, nabatid na magkasunod na naaresto ang mga suspek na nakilalang sina Ronnie Ric Paz, 27, parking boy at Ricky Ryan Paz, 38, sa kani-kanilang tahanan. Lumilitaw na dakong alas-12:50 ng hapon nang unang maaresto  ng mga tauhan ng Intelligence Branch si Ronnie Ric sa Saint Mary Street, Provident Village,…

Read More

IPINASASARANG KAPA OFFICE, NINAKAWAN, SINUNOG

kapa12

(NI JESSE KABEL) SINALAKAY ng mga magnanakaw at sinunog pa ang tanggapan ng KAPA Community Ministry Foundation, isang religious organization na sinasabing sangkot  sa investment scam  sa bayan ng Compostela sa Cebu, Sabado ng madaling araw. Naganap ang sunog ilang araw matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang Surigao del Sur-based religious corporation at isara kapag napatunayan na sangkot sa investment scam. Ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 10, may mga pagkilos na silang gagawin kaugnay sa kautusan ni Duterte na isara na operasyon ng…

Read More

NAKAIINTRIGANG POST TUNGKOL SA CHEATING NG EX-NI DEREK

joanne12

(NI GORGY RULA) MUKHA may ipinaparating ang dating girlfriend ni Derek Ramsay na si Joanne Villablanca sa ilang post niya sa kanyang Facebook account. Isang netizen ang nakapansin sa kanyang Facebook account na ni-repost niya ang blog post ni Maricar Reyes tungkol sa isang article on cheating. Nag-react pa siya tungkol sa isang blind item na paghihiwalay ng celebrity couple dahil sa third party. Kaya parang ipinapahiwatig niyang may third party involved sa paghihiwalay nila ni Derek. Pero sabi ni Derek sa interview sa kanya sa DZRH, wala raw third party…

Read More

BABAENG KUKUHA NG SWELDO, PATAY SA SAGASA

jeep accident12

(NI JULIE DUIGAN) HINDI na nagawang maisalba ng mga manggamot sa Claire Medical Center ang isa babae, makaraang masagasaan ng pampasaherong jeep sa Malate, Manila iniulat ng pulisya. Nakilala ang biktimang si Christina Flores habang sumuko naman sa nakasasakip na presinto sa Manila Police Station 9 si Nerio Jumawan, ng 2467 Coral St.,Sta. Ana,Manila. Sinasabi na kukuha lamang ng sweldo sa banko ang biktima nang maganap ang aksidente. Batay sa ulat ni P/Staff Sgt.Gregory Catalan na isinumiti kay P/Capt.Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Section ng MPD-Traffic Enforcement Section, bandang alas-2:00…

Read More

6 SAF TRAINEE NAKURYENTE SA KAMPO

saf21

(NI NILOU DEL CARMEN) OSPITAL ang binagsakan ng anim na trainee ng PNP SAF Commando nang ang mga ito ay makuryente sa kanilang training camp sa Calatagan,  Batangas, nitong Sabado. Ayon sa report ng Batangas Provicial police office, apat sa mga ito at nagtamo ng mga sugat sa iba’t bahagi ng katawan samantalang dalawa sa mga ito ang nagtamo ng mga minor injuries. Ginagamot pa ang apat  sa Metro Balayan Balayan Medical Center na sina Patrolman John Gardoce,  John Efren Cachero,  Ian Mariano at Pat.  Nathaniel Danga. Nasa Don Manuel…

Read More

14-ANYOS ‘CARNAPPER’ ARESTADO

arrested12

(NI MAC CABREROS) LALONG tumindi ang kahilingan na ibaba ang minimum age of criminal liability ng menor de edad. Ito’y matapos maaresto ng awtoridad ang 14-anyos na itinago sa pangalang ‘CP’ na nangarnap ng isang motorsiklo sa Pasig City. Narekober naman ang motorsiklo ni Dariush Maneses, 40, ng 15 M B Tanangco St. Brgy. Buting, nasabing lungsod. Alas-2:45 ng madaling araw ng Linggo nang maaresto si ‘CP’ sa Brgy. Buting at umaming siya ang nagnakaw sa motor ni Meneses at dinala sa J.P. Rizal, Makati.  

Read More

WE ARE PAID TO WAIT –EDDIE GARCIA

eddie12

(NI LOLIT SOLIS) DITO mo talaga nakikita kung gaano kamahal ang isang tao, kapag marami ang nagdarasal para sa yo. Talagang dagsa ang post ng mga taga-showbiz na ipagdasal si Eddie Garcia. Nakikita mo talagang well-loved siya dahil ang daming nag-aalala sa kanya nang napabalita ang nangyari sa kanya sa taping ng bagong drama series ng GMA 7 na Rosang Agimat. Kasali pa naman diyan ang alaga kong sina Tonton Gutierrez at Amy Austria. Alam ko si Manoy Eddie ang ama diyan ni Tonton. Marami silang mga eksena, pero nung…

Read More

LALAKI TIGOK SA SUNTOK

crime200

(NI NILOU DEL CARMEN) NASAWI ang isang lalaki matapos malusutan ng suntok sa ulo ng kanyang nakasuntukan sa Biñan City, nitong Sabado. Dead on arrival sa Ospital ng Binan ang biktimang kinilalang si Joey Berroya samantalang tumakas ang suspek na si John Paulo Delejos. Batay sa report ng Binan City police, sa hindi malamang dahilan, nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang dalawa nang magkatagpo sa Barangay Timbao mag-alas-7:00 ng umaga. Nauwi sa suntukan ang away ng dalawa hanggang sa tamaan ng isang solidong suntok sa ulo ang biktima. Nawalan ito…

Read More

TRAHEDYA NG PAMAMANHIKAN; 2 IKAKASAL, 11 PA, PATAY, 25 SUGATAN 

accident121

(UPDATED) (NI JESSE KABEL) NASA 13 katao na ang iniulat na nasawi habang 25 ang sinasabing sugatan nang mahulog sa bangin ang truck na sinasakyan ng magkasintahang ikakasal at mga kamag-anak na kasamang namanhikan sa lalawigan ng Camarines Sur. Sa ulat ng Camarines Sur PNP at local disaster risk reduction management office, mula sa naunang ulat na walo tao ay umakyat na sa 13 ang bilang ng nasawi nang mawalan ng preno ang sinasakyan nilang truck sa Brgy. Tagpocol, San Fernando, Camarines Sur. Sinasabing biglang mawalan ng preno ang truck…

Read More

QCPD HANDA NA SA PAGDAKIP SA MAY-ARI NG WELLMED

welmedd

NAKAALERTO ang Quezon City Police District sa pag-deploy ng mga tauhan para arestuhin ang may-ari ng WellMed Dialysis Center sa nabuking na ‘ghost dialysis’ sa Philhealth kung saan umabot sa bilyong pisong halaga ang pinekeng ‘claims. Sinabi ni QCPD director Brigadier General Joselito Esquivel na gayung wala pang kautusan sa pag-asiste mula sa National Bureau of Investigation (NBI) , nakahanda na umano ang mga operatiba anumang oras magka-go signal ang NBI. Nasa Quirino Avenue, Novaliches, Quezon City ang naturang dialysis center. Mahaharap ang mga may-ari nito sa estafa. Nauna nang…

Read More

BGY. TREASURER PATAY SA RIDING IN TANDEM

crime55

PATAY ang municipal treasurer ng Occidental Mindoro sa riding in tandem sa bayan ng Sta. Cruz, Sabado ng gabi. Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Reydante Bernardo De Lara, 53, ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro, nang pagbabarilin ng mga suspect na lulan din ng motorsiklo bandang alas-6:30 ng gabi. Namatay noon din ang biktima. Nabatid na pagdating sa national road ng Barangay Mulawin ay biglang niratrat ang biktima ng mga suspect na naka-bonet. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pagtugis sa mga gunman.  

Read More

TARA, LARO TAYO! BALIKAN ANG LARONG PINOY

VIDEO GAME ADDICTION-2

(Ni Dan Salcedo / Ikalawang  bahagi) PAKINABANG NG VIDEO GAMES PINATATAAS nito ang pagtalas ng pag-iisip. Ang paglalaro ng video o digital games ay nagpapaunlad  ng lohikal na galing ng mga bata sa pangangatwiran. Pinagbubuti ang kilos at galaw. Isa sa pinakamatandang bentahe ng teknohiya ay ang paglalakad sa koordinasyon ng mata at kamay ng mga bata. Ang regular na pagsasanay ay magpapaganda sa kasanayan ng mga galaw na maaaring makatulong sa bata na magtagumpay sa mga pag­lulunyagi. Walang limitasyon ang makabagong mga laro at nakatutulong ito na matuto ang mga…

Read More

MAIBA KAYA ANG PANGAKO NI MAYOR ISKO?

RATSADAHIN NATIN

THROWBACK muna tayo. Taon 1998-2001 nang maging konsehal ng Maynila si Isko Moreno. Na­ging vice mayor siya ni Lim noong 2007-2013. May 2012, hinikayat siya ni Estrada na maging running mate nito sa pagtakbong alkalde ng lungsod. Sabi sa kanya ni Estrada, one term lamang ito at ‘di na muling tatakbo sa mga darating pang mayoral race. Nag-bise nga siya kay Estrada noong halalan ng 2013. At kapwa sila nagwagi sa May 13, 2013 elections. Pero ang pangako kay Moreno ni Estrada na “one term” lang na magme-ma­yor ay hindi…

Read More

PAGPAPALA SA MATUWID

PINOY ABROAD

FOR You, O LORD, will bless the righteous; with favor you will surround him as with a shield. Psalm 5:12 NKJV Ayon kay David, the Lord will bless the righteous. Ang tanong sino ang righteous o matuwid? Sila ba ‘yung mga tao ‘who walk in sinless perfection’? Maging si David ay sinasabi na, “There is none who does good, No, not one.” Walang taong hindi nagkakamali o nagkakasala. Sa katunayan nito, si David ay hindi rin papasa sa sinasabing bless the righteous. Dahil siya mismo ay mayroong mala­king kasalanang nagawa…

Read More

‘NBI OFFICER’ ALYAS ELYWIN, BOSS NG SAKLAAN SA CAVITE

BAKBAKAN NATIN

KAPAG opisyal o ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), dapat sumusunod at ipinatutupad ang lahat ng batas sa bansa. Ang lahat ng opisyal at ahente ng NBI ay inaasahan ng mamamayan na hindi gagawa ng masama, lalo na iyong ipinagbaba­wal ng batas. Dapat hindi guma­gawa o pasok sa iligal na negosyo. Ngunit, tila balewala ito sa isang taong nagpapakilalang “NBI officer” daw siya. Isang alyas “Elywin” na ayon sa intelligence report ng Philippine National Police (PNP) sa Cavite ay isang “NBI officer” na boss ng mga saklaan o saklang-patay…

Read More

TRUCK NG SAN FERNANDO GOV’T TUMAOB; 8 PATAY!

CAMSUR12

(NI JG TUMBADO) WALO ang patay habang nasa 35 ang nasugatan na pawang sakay sa naaksidenteng utility truck na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng San Fernando sa Camarines Sur. Ayon kay Police Colonel Roderico Roy Junior, director ng Camarines Sur Provincial Police Office, dakong alas-5:20 ng hapon ng Sabado nang madisgrasya ang trak sa bahagi ng Barangay Tagpocol ng nabanggit na bayan. Lumabas sa paunang imbestigasyon na binabagtas ng trak ang pababang bahagi ng mabundok na daan sa nasabing barangay nang mawalan umano ng preno. Lima sa mga biktima ang…

Read More