NAPIKON SA SELOS NG BF; BEBOT NANAKSAK

crime85

(NI ALAIN AJERO)

SAKSAK ang isinukli ng isang lasing na bebot sa bintang ng kanyang lasing ding kinakasama  na nakikipag-sex siya sa ibang lalaki, sa Malabon City Linggo ng hapon.

Nananatiling nakaratay sa Ospital ng Malabon sanhi ng  saksak sa likod si Jonathan Gamba, 43, habang dinampot naman ang suspek na nakilalang si Marissa Parawan, 37.

Alas-2:24 pa lamang ng hapon ay matutulog na sana ang dalawa dala ng kalasingan sa loob ng kanilang bahay sa 129 Sitio, Sto. Niño, Brgy. Concepcion.

Mula sa kawalan ay kinompronta ni Gamba si Parawan ukol sa umano’y palihim na pakikipagtagpo nito sa isang alyas “Junior.”

Dito na napikon ang suspect sa tila hindi matapos-tapos na akusasyon ng biktima.

Kumuha ang suspect ng kitchen knife saka inundayan ng isang saksak sa likod ang biktima.

Bagama’t may saksak ay nakalabas ng bahay ang biktima at nakahingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay na nagsugod sa kanya sa naturang pagamutan.

Kusa namang sumuko sa pulisya si Parawan at isinuko rin ang ginamit na patalim.

Please follow and like us:
Read More

HIGIT P5-M COCAINE NATAGPUAN SA ALBAY

albay12

(NI JG TUMBADO)

AABOT sa P 5.3 milyon halaga ng cocaine ang natagpuan ng mga mangingisda sa dalampasigan ng Minaulang Palay, Brgy. Calanaga, Rapu-Rapu, Albay.

Ayon kay Police Major Malou Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5 (PRO5), pasado alas-3:00 ng hapon nitong Biyernes nang maispatan ang mga cocaine na palutang-lutang sa karagatan.

Napansin umano ito ng mga mangingisda na sina Adonis Bellen at Alvin Alfonso na kapwa residente sa lugar.

Ani Calubaquib, tinatayang isang kilo ang bigat ng cocaine na agad naman nai-turn over sa mga opisyal ng barangay.

Isinailalim na rin sa laboratory examination ang mga cocaine at nakatakdang i-turnover sa PDEA.

Please follow and like us:
Read More

GERALD AMINADONG ‘PLAYBOY’

gerald12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay pinag-usapan ang naging tuksuhan kina Kim Chiu at Gerald Anderson. Guest co-host noon ang aktres sa ‘It’s Showtime’ kung saan ay nag-guest naman si Gerald upang mag-promote ng pelikulang ‘Between Maybes.’

Hindi maiwaasan na tuksuhin ng mga kasamahan ding hosts sa naturang noontime show ang dating magkasintahan. Ikinatuwa naman ang nangyari ng mga tagahanga ng tambalan ng dalawa. “Oh yeah! Sinundan ko siya. Nakakatuwa lang, kasi wala ako dito ngayon if not for her. To have that kind of dynamics pa rin. You know, it’s nice. Just to greet her a belated happy birthday. May small talk ng konti. We were talking about ‘yung nangyari sa stage,” nakangiting kwento ni Gerald.

Ngayon ay ilang taon nang kasintahan ng aktor si Bea Alonzo. Madalas na nagpo-post ang aktres ng mga larawan nila ni Gerald sa social media. Para naman kay Gerald ay hindi na dapat ibinabahagi sa publiko kung ano man ang mayroon sa kanila ng dalaga. “I’ve said kung ano’ng meron kami, and it’s nothing na parang we have so many moments together and hindi ko naman kailangang i-share lahat,” giit ng binata.

Samantala, hindi maipagkaila ni Gerald na nabansagan siyang ‘playboy’ noon. “Kaya ko nga idol si Iron Man eh ha-ha-ha! Hindi na po ako nabo-bother. Nasanay na po ako. There was a time Tito Boy, I’ve had that stage, dumaan ako doon,” pagtatapat niya.

Isa pang bagay na hindi alam ng publiko tungkol kay Gerald ay maaksaya ang aktor sa kuryente dahil hindi nakakatulog kapag hindi nakabukas ang telebisyon. “Sobrang totoo, naging bad habit ko na hindi ako makatulog kapag hindi bukas ang TV,” pagtatapos ng aktor. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

PRENO ‘DI KUMAGAT: TEACHER PATAY, 2 KRITIKAL SA JEEP

accident121

(NI JULIE DUIGAN)

PATAY ang isang hindi muna tinukoy na teacher, habang dalawa ang nasa malubhang kalagayan , makaraang mabundol ng pampasaherong jeep , nitong Lunes sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at  Pureza St. Sta. Mesa, Manila.

Dahil dito, nahaharap sa kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide at  reckless imprudence resulting to double serious Physical Injuries at nakapiit ang driver na si Fernando Florida.

Sinabi nito na nawalan siya ng preno at nadale  rin matapos masalpok ng motorsiklo ang closed van na  minamaneho  ni John Lee Espiritu.

Kaugnay nito, aalamin naman ni Master Sgt. Mark Anthony Ramirez, may hawak ng kaso, ang pangalan ng dalawa pang nasa malubhang kalagayan sa pinagdalhang pagamutan.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI SINAKSAK NG DATING ASAWA NG LOVER

stab

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG mister ang nasugatan nang pagsasaksakin ng dating asawa ng kanyang kinakasama, na dati na umanong kaalitan sa Barangay Mauway, Mandaluyong nitong Linggo.

Nilapatan na ng lunas ngunit inoobserbahan pa sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Victor Domingo, 42, habang nakatakas naman ang suspek na si Ronnel Ehiga, dating miyembro ng Bantay Bayan at residente rin ng naturang lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, dakong alas-5:10 ng hapon nang maganap ang insidente habang nakaupo si Domingo sa harapan ng kanilang tahanan sa Block 5, Barangay Mauway.

Bigla umanong dumating ang suspect saka bumunot ng isang ‘Rambo knife’ at ilang ulit na pinagsasaksak ang nabiglang biktima.

Dalawang saksak sa dibdib ang tinamo ng biktima.

Matapos ang pananaksak ay tumakas ang suspek habang isinugod naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa pagamutan.

Nang makapanayam naman ng mga imbestigador ang biktima sa emergency room ng pagamutan,  sinabi nito  na ang suspek ay dating asawa ng kanyang live-in partner.

Dati na umano silang may alitan ng suspek dahil sa kasong kriminal na isinampa niya laban dito, ngunit hindi naman na tinukoy ang pinag-ugatan ng naturang kaso.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek upang panagutin sa krimen.

 

 

Please follow and like us:
Read More

3 SASAKYAN NAGKARAMBOLA, 1 PATAY, 1 KRITIKAL

road mishap12

(TEKSTO/PHOTO BY BONG PAULO)

ISA ang naiulat na nasawi habang isa pa ang kritikal matapos magsalpukan ang tatlong sasakyan sa national highway ng Isulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Lunes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Rene Apurada, 43, ng Esperanza, Sultan Kudarat habang kritikal naman ang drayber ng wing van na si Nilo Tabuhay, 47.

Sa ulat ni SPO4 Elmar Segura, ng Traffic section ng Isulan PNP, pasado alas-6:00 Lunes ng umaga nang patungo sana ng bayan ng Esperanza ang wing van (CYL 420) nang makabanggaan ang isang forward truck (GHA 910) at ang isang Mazda Town-Ace (temporary plate 1201-388003) na minamaneho ni Afdal Usok.

Lulan ng mga produktong oil palm ang wing-van at kumalat sa kalsada ang mga karga nitong African palm oil kung saan wasak at nayupi naman ang harapan ng wing van at forward truck gayundin ang isang Mazda.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasiyon sa nasabing aksidente.

 

Please follow and like us:
Read More

KALACHUCHI TREE 21ST ANNIV GIFT NI GOMA KAY LUCY 

gomez12

(NI GORGY RULA)

SA gitna ng kampanya sa Ormoc nung nakaraang election season, nag-

effort talaga si Mayor Richard Gomez na i-uproot ang isang puno ng kalachuchi at itinamin ito sa kanilang tahanan.

Iyun ang regalo niya kay Congresswoman Lucy Torres-Gomez nang sinelebreyt nila ang kanilang 21st wedding anniversary kamakailan lang.

Pagkagising daw ni Lucy, iyun ang bumungad sa kanya at sobrang touched siya dahil meron na raw siyang puno ng Kalachuchi.

Iyun daw kasi ang official flower ng Ormoc kaya kahit nga raw ang welcome dance nila sa mga bisita nila ay Kalachuchi dance.

Kainitan na raw kasi yun ng pangangampanya nila kaya wala na raw silang panahong magpa-party pa dahil marami pa raw silang iikuting mga barangay.

Nasulit naman ang lahat ng hirap nila dahil talagang nanalo silang landslide nung nakaraang eleksyon. Ang laki ng margin ng panalo nila sa kalaban kahit pinuputakti raw sila ng kung anu-anong paninira na imbento lang.

Hindi raw sila gumastos ng malaki dahil sa mga proyekto at malaking pagbabagong nagawa nila sa Ormoc, sapat na iyun para ma-realize ng mga taga-Ormoc na ihalal sila uli.

“Your work is your truth. Kasi, nobody can hide it eh,” pakli ni Cong. Lucy.

“Ang dali lang kasi ng lip service.

“Madali lang mag-promise pero sa tatlong taon na everytime you see them na may ipinapangako na may sinasabihan ka na aayusin natin, hanapin natin at nagawa, yun talaga,” dagdag niyang pahayag.

Alam naman daw ng mga Ormocanon na marami pang puwedeng gawin si Mayor Goma sa kanilang lungsod, kaya iniluklok siya uli bilang alkalde sa pangalawang term.

Marami pa rin daw talagang puwede pang gawin sa Ormoc sabi ni Mayor Richard Gomez, dahil napakaganda raw ng lugar ng kanyang asawa.

Nagugulat nga raw si Cong. Lucy tuwing lumalabas si Richard, marami na raw itong kuwento pagbalik niya,

Marami raw itong nakikita kung ano ang magandang gawin sa ilang lugar ng Ormoc. Kaya purisigido si Mayor Goma na pagandahin ito lalo at i-improve habang nakaupo siya bilang alkalde ng naturang lungsod.

LEA SALONGA NAG -PERFORM NA NAKA-SNEAKERS SA SRO VENUE

Ina-update ako through messenger ng kaibigan kong taga-Arizona, USA nang mag-concert doon si Lea Salonga nung nakaraang Biyernes, May 17 ng gabi.

Ginanap daw ang concert sa Scottsdale Center for the Performing Arts, at sold-out daw ito.

Hanggang ngayon ay mabenta pa rin talaga si Lea dahil laging iba-iba raw ang repertoire at magaling naman kasi.

Kaagad napuno raw ang venue, at nang pumasok na si Lea, ang lakas ng sigawan at palakpakan.

Ipinaliwanag pa niyang naka-sneakers siya kahit naka-gown ito dahil nagti-therapy pa pala siya pagkatapos niyang maaksidente sa skiing vacation niya nung nakaraang January.

Hindi pa rin nagbabago ang boses at lalo pa nga raw yatang gumaling kaya keri niyang magtaray kung type niya.

Nung nasa pangalawang kanta raw niya, nabigla raw si Lea nang may tumunog na ring ng cellphone sa audience.

Pagkatapos daw ng second song niya, nagp-dialogue daw ito ng tipong; “I heard a phone ringing over there and I will stop and ask you to answer because it could be emergency.

“Emergency happens and just go ahead and answer it. I’ll wait, that could be an emergency.”

Medyo nakataas daw ang kilay ng lola mo dahil isa kasi yan sa ikinairita niya talaga habang nagpi-perform.

Bago magsimula ang concert, may warning naman na i-off ang mobile phone o kaya i-mute para hindi maka-distract sa performance ng artist.

Kaya hindi pinalagpas ‘yun ni Lea.

Masaya naman ang nanood sa concert niya na karamihan mga Pinoy. Mabenta talaga ang concert ni Lea dahil sulit naman daw ang biniling ticket na nagkakahalaga ng 35 at 85 US dollars.

 

Please follow and like us:
Read More

EX-TRAFFIC CHIEF, BULAGTA SA DRUG OPERATION

crime43

(NI NILOU DEL CARMEN)

NASAWI ang dating hepe ng traffic enforcer   ng bayan ng Siniloan,  sa buy-bust operation sa Pagsanjan,  Laguna, Linggo ng gabi.

Kinilala ng Pagsanjan police ang suspek na si Leodigario Recide, alyas Odec.

Isinagawa ng mga tauhan ng Laguna PIB /DEU , PDEA 4A at Pagsanjan police ang operasyon sa tinutuluyang apartment ng suspek sa Jubillee Subdivision,  Barangay Sampaloc, alas 6:15 ng gabi.

Subalit, nauwi sa engkwentro ang operasyon matapos magpaputok ang suspek nang makatunog na pulis ang ka-deal.

Dead on the spot ang suspek na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Si Recide na tubong Siniloan ang responsable umano sa paglaganap ng iligal na droga sa mga bayan sa 4th district ng Laguna, partikular sa Pagsanjan at Siniloan, kung saan nakapag bebenta ito ng nasa 50 gramo ng shabu linggo-linggo.

Please follow and like us:
Read More

PINATAY NA PASLIT ISINILID SA ECO BAG

sta cruz laguna1

(NI NILOU DEL CARMEN)

KALUNUS-LUNOS na kamatayang ang sinapit ng isang batang babae na matapos saksakin ng isang hinihinalang drug addict ay isinilid na lamang ang bangkay nito sa eco bag sa Sta. Cruz, Laguna, nitong Sabado.

Narekober ng mga awtoridad  ang bangkay ng  5-anyos na biktimang si Redelyn Sumague sa isang bahay sa Sityo 1, Barangay Patimbao, na nakasilid sa eco bag at may tama ng icepick sa leeg matapos na ito ay i-report ng may-ari ng bahay na siyang nakadiskubre sa krimen.

Naabutan at naaresto naman ng mga pulis ang suspek na si Glenn Ford Manzanero, 30, na nakikitira lamang doon.

Batay sa report ng Sta. Cruz police, huling nakita ang biktima dakong alas 4:00 ng hapon na naglalaro sa labas ng kanilang bahay, mga dalawapung metro ang layo sa crime scene.

Ayon kay Col. Armie Agbuya, hepe ng Sta. Cruz police, inamin ng suspek ang krimen at dinala niya ang bata sa bahay na noon ay walang tao.

Nasaksak nito umano ang biktima dahil lango ito sa iligal na droga nang mangyari ang insidente.

Isinailalim na sa pagsusuri ang labi ng paslit at inaalam pa kung ginahasa ito   bago pinatay.

Napag-alaman na ang suspek ay dati nang naaresto sa iligal na droga na nakalaya lamang  at Tokhang surrenderee din sa nasabing bayan.

Please follow and like us:
Read More

5 BRANCH NG PERYAHAN NG BAYAN IPINASARA NG NBI, PCSO

perya12

(NI KIKO CUETO)

BACOLOD CITY — Ipinasara ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa limang branch ng Peryahan ng Bayan sa Negros Occidental.

Ayon sa NBI, ito ay dahil na rin sa iligal na pasugal.

Armado ng search warrant, pinasok ng mga operatiba ang mga branch ng Peryahan ng Bayan sa lalawigan nitong Linggo.

Agad na naaresto ang 36 na kolektor at staff ng peryahan.

Sinabi naman ni Atty. Renoir Baldovino, hepe ng NBI Bacolod, 2014 nang bigyan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng deed of authority ang isang kompanya na mag-operate ng peryahan games sa Negros Occidental.

Pero lumalabas na hanggang 2016 lamang ang deed of authority na ito at hindi na ito na-renew.

Paliwanag ng NBI, dahil diyan ay malinaw na maituturing nang ilegal ang patuloy na operasyon ng mga Peryahan ng Bayan.

Noong 2018, dalawang branches din ang nagawang maisara ng PCSO sa tulong ng NBI.

Ilan sa mga paglabag na nakita ng NBI ang kawalan ng point of sale (POS) device, na siyang naglalabas ng resibo para sa mga taya.

Kinakailangan din na magkaroon ng kinatawan ng PCSO sa bawat gagawing draw.

Bukod dito, hindi rin umano nagre-remit ang mga peryahan ng kanilang kita sa PCSO.

Ipinasara ang mga branch na nasa bayan ng Murcia, E.B. Magalona, Hinigaran, Himamaylan City at Victorias City.

Haharap ng kasong paglabag ng Republic Act 9287 ang mga nahuli na kasalukuyang nasa kustodya ng NBI Bacolod.

 

 

Please follow and like us:
Read More

1 PATAY, 15 SUGATAN SA BANGGAANG JEEP, BUS

roadmishap12

(Ni JUN V. TRINIDAD)

LOPEZ, Quezon – Isang babaeng pasahero ng jeep ang namatay at 15 naman ang sugatan matapos salpukin ang kanilang sasakyan ng isang pampasaherong bus sa bayang ito,  araw ng Linggo.

Sa report ni Major Elizabeth Capistrano, Quezon police public information officer, patungo sa kabayanan ng Lopez ang pampasaherong jeepney na minamaneho ni Rey Losa nang bigla na lang itong banggain ng  bus na patungong Bicol na minamaneho ni Eduardo Boyano, sa bahagi ng Barangay Danlagan bandang alas-12:25 nang tanghali.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay bumaligtad ang jeep sa gitna ng kalsada.

Isinugod ang mga sugatang biktima sa Magsaysay Memorial Hospital at Saint Jude Hospital.

Sa follow-up report ni Police Major Noel Divino, Lopez police chief, sinabi nito na ang isang biktima na si Haide Bondesto Caliso, 55, ay namatay habang ginagamot ang grabeng sugat sa Magsaysay Memorial Hospital bandang alas-5:00 ng hapon noon ding Linggo.

Ang driver ng bus ay pansamantalang nasa ilalim ng kustodya ng Lopez police jail.

Ayon kay Capistrano, nakahanda namang makipag-ayos ang mga biktima sa Eaglestar Transit Corp, ang may-ari ng bus na may terminal sa Pasay City.

 

Please follow and like us:
Read More

2 NAGBENTA NG NAKAW NA MOTORSIKO SA SOCMED HULI

arrest22

(NI KOI HIPOLITO)

NALAMBAT ang dalawang magnanakaw ng motorsiklo matapos kumagat sa isang entrapment operation ng mga operatiba ng Taguig City Police Station at ng Rodriguez Rizal PNP habang ibinibenta ang isang nakaw na motorsiklo, Linggo ng hapon sa harap ng Taguig City Hall, General Luna St., Brgy. Tuktukan.

Nakilala ang mga suspek na sina Ruel Jan Del Rosario, 23, at Michael John Gardava, 24. Kinilala naman ang biktima na si Mark Crisan Monton Almosa, 31, residente ng Green Rose Subdivision ng San Mateo, Rizal.

Base sa report ng biktima, noong May 4 ay ipinarada niya sa tapat ng kanilang bahay ang kanyang motorsiklo subalit makalipas ang ilang oras ay nadiskubre umano niyang nawawala na ito.

Agad niyang ipinagbigay alam sa Rodriguez Rizal Police Station ang insidente.

Makalipas ang dalawang linggo ay nakita umano niya ang kanyang motorsiklo na ibinibenta na sa social media sa halagang P38,000.

Nakipag-transaksyon ang biktima sa mga suspek at nang positibong ibinebenta ang motorsiklo ay sinabi niyang bibilhin niya ito. Inireport ng biktima sa Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Taguig City ang pangyayari at inilatag ang operasyon na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga suspek.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa Taguig City Police Station ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa violation of RA 10883 (Anti- Carnapping Law) at Presidential Decree 1612 (Anti-Fencing Law).

Please follow and like us:
Read More

‘DI AASENSO ANG INDUSTRIYA SA TULAD NI DIREK JP

direkjp12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NANG tanungin ang director na si JP Laxamana kung kumita ba ang kanyang huling pelikula, maliwanag ang kanyang sagot, “hindi ko alam, at wala na akong pakialam doon. Ang kailangan ko lang gawin ay isang magandang pelikula. May suweldo naman ako,” sabi niya.

Iyan ang karaniwang katuwiran ng mga director ng pelikula ngayon. Basta ang kailangan makagawa sila ng isang magandang pelikula, maipagmalaki nilang nananalo sila ng awards, at bahala na kung kumita iyon o hindi. Ang pananaw ng mga director ng pelikula noong araw, iyong panahong sinasabing “golden era” ng pelikulang Pilipino, “kailangang magustuhan ng publiko at kumita ang pelikula mo. Kung hindi wala nang kukuha sa iyo”.

Hindi na tayo kailangang humanap pa ng kung anu-anong dahilan. Maliwanag na ang goal ng halos lahat ng mga director sa ngayon, lalo na iyong mga baguhan at mga independents, makagawa ng pelikulang gusto nila, sukdulang kumita man o hindi.

Aba eh hindi aasenso ang industriya ng pelikula kung ganyan. Tingnan ninyo kung ano ang nangyayari. Iyong pelikula ni Aiai delas Alas, na minsan ay naging box office queen ay bumagsak. Iyong pelikula ni Gerald Anderson hindi rin naman kumita. The worst, iyong pelikula ng megastar na si Sharon Cuneta na minsan ay napabagsak sa mga international movies na kagaya ng Rambo at Rocky, naghilahod din naman sa takilya. Ano dahilan?

Sasabihin ba ninyong kaisipang kolonyal ang nangyayari dahil hinakot ng Avengers ang lahat ng pera ng mga movie goers? Kami walang kaisipang kolonyal, pero pumila kami, nagbayad nang mas malaki, nagtiis na maghintay ng screening noong Avengers. Pero sa totoo lang, ni hindi kami nagtangkang panoorin ang alin man sa mga pelikulang Pilipinong kasunod noon. Wala lang. Naiisip lang namin na napanood na namin ang lahat ng magagandang pelikulang Pilipino noong araw. Baka madismaya lang kami kung mapapanood pa namin ang hindi naman namin gustong mga bago.

                                                            

            BAKIT NGA BA KAILANGANG MAGPALIWANAG NG MGA JUROR?

Mukhang masyadong malakas ang lobby para sa isang contestant sa isang singing contest, iyong si Luke Baylon. Maski iyong singer na mahilig magmura sa concerts, iyong si JK Labajo inis na inis noong hindi pinaboran ng judges si Baylon.

Pati ang mga judges na sina James Reid at Moira dela Torre biktima ng bashing at pinagpapaliwanag kung bakit hindi nila pinili si Baylon. Kailan ba nangyari na kailangang magpaliwanag ang mga jurors sa kanilang desisyon? Nang sumali si Baylon, alam na niya kung sino ang mga jurors na hahatol sa kanya just in case. Nang ituloy niya ang pagsali, maliwanag na sumasailalim na siya sa panghuhusga ng mga jurors. Kung ano man ang desisyon nila iyon na iyon.

Bakit kailangang magpaliwanag ang mga juror?

 

 Bakit naging kawawa si Ann?

 CHUPA CHUPA THE WHOLE DAY NI ERWANN VIRAL!

Ang bastos naman kasi ng isip ninyo eh. Binigyan ninyo ng masamang kahulugan ang posts ni Erwann Heussaf na sinasabi niyang “chupa chupa the whole day”. Iyon ay isang Spanish word na ang ibig sabihin ay sipsipin, at tama lang dahil ang tinutukoy niya ay shell foods. May isa pang kahulugan ang salitang iyan, bilang isang noun, iyan ay ingles ng “gatang” o panukat ng bigas. Mayroong walong gatang sa isang salop. “There are eight chupas for one ganta”.

Ito namang mga beki binigyan agad ng masamang kahulugan ang sinabi ni Erwann. May nag-post pa agad na “kawawa naman si Ann, maghapon?”

 

Please follow and like us:
Read More

EX-WORLD CHAMPS JARO, ASIS TALO SA THAILAND, NZ

asis jaro12

(NI ARIEL BORLONGAN)

DALAWANG Filipino boxers na dating kampeong pandaigdig ang lumasap ng masaklap na pagkatalo via knockouts sa mga laban nila sa Thailand at New Zealand, Sabado ng gabi.

Natalo si ex-WBC at Ring Magazine flyweight champion Sonny Boy Jaro via 7th round knockout kay WBC ranked No. 6 bantamweight Nawaphon Sor Rungvisai sa Bangkok, Thailand.

Umakyat ng timbang at nabigo rin si dating IBO super featherweight champion Jack Asis via 3rd round knockout kay Kiwi Bowyn Morgan sa kanilang sagupaan para sa bakanteng World Boxing Union welterweight title sa Christianchurch, New Zealand.

“A body shot put the 37-year-old Jaro on the deck to end it as Nawaphon retained his WBC Asia bantamweight title,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

Si Nawaphon ay mayroon ngayong 45-1-1 win-loss-draw record na may 35 pagwawagi sa pammagitan ng knockout, habang bumagsak ang record ni Jaro sa 45-15-5 na may 32 pagwawagi sa pamamagitan ng knockout.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NANUHOL PARA SA BABAENG PAKAKASALAN, KULONG

suhol2

INAKALA ng isang lalaki na lulusot ang dala niyang paper bag na punumpuno ng pera bilang suhol sa babaeng kanyang nililigawan na unang naaresto sa buy bust sa Taguig City.

Gayunman, nang iaabot na ng lalaki ang pera sa loob mismo ng tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), agad na siyang pinosasan para ikulong at haharap sa kasong panunuhol sa public officials.

Ginawa umano ng lalaki ang ‘operasyon’ kapalit ng kalayaan ng babaeng kanyang nililigawan. Nangako rin umano ang mga kaanak ng babae na ipakakasal ito sa kanya sakaling makalaya.

Naaresto ang suspek na si “Lina” sa isang buy-bust operation sa Maharlika Village sa Taguig City, Linggo ng hapon.

Dahil dito, kinausap ang lalaki ng mga magulang ni Lina na suhulan ang mga PDEA agents ng aabot sa P399,000 na nakalagay sa paper bag.

Nabulisyaso ang plano at ayon sa lalaki, ginawa lamang niya iyon dahil sa labis na pagmamahal sa babaeng gusto niyang pakasalan.

Nakuhanan mismo ng video ang abutan ng pera sa loob ng intelligence office ng ahensya.

“Ang PDEA, hindi iyan tumatanggap [ng suhol], ‘Pag huli, huli talaga iyan,” sabi ni PDEA Special Enforcement Service director Levi Ortiz.

Iniimbestigahan naman ang 11 pang indibidwal na kasama ng lalaki na nagtungo sa opisina ng PDEA.

 

Please follow and like us:
Read More

PAISA-ISANG PARTY-LIST NG MGA MANGGAGAWA ANG NANANALO SA HALALAN

Partido Manggagawa

(Ni NELSON S. BADILLA / Ikaapat na Bahagi)

INATASAN ng Konstitusyong 1987 ang mga kasapi ng Kongreso ng Pilipinas na bumuo ng sistemang party-list sa bansa.

Kaya, isinilang ang Republic Act 7941 o Party-list System Act noong Marso 3,1995.

Ang unang eleksyon sa party-list ay isinagawa noong 1998.

Pagkakataong lumahok ng mga manggagawa

NAPAKAGANDANG pagkakataon sa mga organisadong manggagawa na bumuo ng sarili nilang pampolitikang partido upang sumali sa eleksyon at kung mananalo ay magkakaroon ang uring manggagawa na kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa unang pagkakataon.

Ngunit, batay sa rekord ng Mababang Kapulungan, paisa-isang nananalo ang mga manggagawa sa halalan ng party-list.

Dahil ganito ang kinahinatnan ng mga party-list ng mga manggagawa, mistulang lumulusot sa butas ng karayom ang pag-usad ng mga panukalang batas ng mga kongresistang lider-manggagawa.

Napansin ng mga mamamahayag na nadestino sa Kamara, na nahihirapan ang mga kinatawan ng mga manggagawa na kumbinsihin ang mga tradisyonal na politiko at political warlords na kampihan sila sa kanilang pakikibaka sa loob ng Kongreso laban sa kapitalista at mapagsamantala at mapang-aping lipunan.

Magtubo, Beltran mga lider-manggagawang naging kongresista

HINDI maipagkakailang beteranong mga lider-manggagawa sina Renato Magtubo at Crispin Beltran.

Si Magtubo ay naging pangulo ng unyon ng mga manggagawa ng sigarilyo sa Lungsod ng Valenzuela, bago nahalal na maging tagapangulo ng Partido Manggagawa (PM).

Si Beltran naman ay matagal na kumilos sa iba’t ibang samahan ng mga manggagawa sa iba’t ibang kompanya hanggang maging pinuno ng Kilusang Mayo Uno (KMU) noong si Corazon Cojuangco Aquino ang naging pangulo ng bansa.

Unang naging kongresista si Magtubo noong 1998 kung saan siya ang naging kinatawan ng Sanlakas.

Alyansa ng mga organisasyon ng iba’t ibang sektor sa lipunan ang Sanlakas, kaya kinatawan ito ng Masang Pilipino, sa Kamara.

Naging kasapi ulit ng Kamara si Magtubo noong 2001 at 2004 kung saan siya ang naging kinatawan ng PM.

Ang PM ay totoong pampolitikang Partido ng manggagawa.

Pagkatapos ng 2004, hindi na nakabalik si Magtubo at PM sa Kongreso.

Hindi na rin nanalo ang Sanlakas.

Si Beltran ay naging kongresista noong 2001 bilang kinatawan ng Bayan Muna party-list.

Naging kinatawan muli sa Kamara si Beltran noong 2004 at 2007, ngunit para sa Anakpawis party-list.

Ang Bayan Muna at Anakpawis ay inakusahang party-list ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Bukod kay Beltran, naging kinatawan ng Bayan Muna si Satur Ocampo at naging tagapagsalita ng National Democratic Front (NDF).

Ang NDF ay alyansa umano ng mga lihim na organisasyong nagsusulong ng armadong pakikibaka laban sa pamahalaan na itinatag ng CPP noong 1974.

TUCP naman ang pumalit sa PM

PAGKATAPOS magwagi ng PM ng dalawang beses, ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) naman ang humalili rito.

Lumahok ang TUCP sa eleksyong party-list noong 2006, ngunit natalo.

Sumabak ito muli sa eleksyon ang TUCP noong 2010 at nanalo naman.

Nagpatuloy ang panalo nito sa 2013, 2016 at nitong katatapos na halalan.

Ngunit, ayon sa tagapagsalita ng TUCP na si Alan Tanjusay, ang problema ay palaging isa lang ang kinatawan ng TUCP party-list sa Kamara.

Ang TUCP ang sinasabing pinamalaking alyansa ng mga union ng mga manggagawa sa Pilipinas sa panahong ito at siya na ring ipanarehistro sa Commission on Elections (Comelec) bilang party-list group.

Ganito ang paliwanag ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP kung bakit hindi bumuo ng hiwalay na pampolitikang Partido ang TUCP: “Kailangan kasi i-maintain ang identity ng TUCP as workers organization. So, kailangan itayo ang TUCP party-list to legislate workers agenda and get more political power in the face of strengthening capitalists’ power.”

Ani Tanjusay, dahil sa desisyong ito ng pamunuan ng TUCP, naging political party ang TUCP party-list, samantalang nanatili ang orihinal na TUCP bilang alyansa ng mga unyon ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Aniya, parehas na pangalan ngunit magkaiba ang pagkakakilanlan at trabaho ng dalawa tungo sa pagsusulong at pakikibaka sa mga interes at karaingan ng mga manggagawa.

Sa pagkapanalo ng PM at TUCP, ibig sabihin, paisa-isa lang ang kinatawan ng “totoong” partido ng mga manggagawa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Tatlong kinatawan bawat party-list ang pinakamataas na bilang na maaaring makapasok sa Kamara, alinsunod sa R.A. 7941. (Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More

DATA SA CP KAYANG I-HACK/CLONE NG ONLINE LENDING COMPANY?

TINIG NG MANGGAGAWA final

TINATAWAGAN natin ng pansin ang dalawang ahensya ng gobyerno na nakasasakop sa problemang dulot ng isang ONLINE LENDING company na inuulan ng reklamo dahil sa kanilang pang-aabuso, panggigipit at iligal umanong panghihimasok sa PRIVACY ng kanilang kliyente.

Huhubaran natin ng ‘maskara’ ang kompanyang TRENDING sa reklamong PAMAMAHIYA, PANGGIGIPIT at PANANAKOT. Dagdag pa ang pagnanakaw umano sa mga pribadong impormasyon ng kanilang parokyano.

Ito ay ang ONLINE LENDING company na PONDO PESO, kung saan sangkaterba nang reklamo ang natatanggap ng kolum na ito mula sa mga taong nakaranas ng MODUS ng nasabing kompanya.

Direkta nating ipinararating sa tanggapan ng Securities and Exchange Commission (SEC) at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) dahil sila ang nakasasaklaw sa mga problemang gaya nito. Lubhang nakaaalarma ang sumbong ng mga umano’y nabiktima.

Anila, ‘SCAM’ ang kompanyang ito dahil ONLINE ang transactions, walang malinaw na virtual office address ang PONDO PESO at maging ang contact numbers nito ay paiba-iba.

May ilang nagsabi na nakapagpapautang daw ng mula P10 libo pataas ang PONDO PESO ngunit hindi nakukuha nang buo dahil ibinabawas na ang interes at ang service fees. Ang itinatakdang termino ay kalahating buwan at kapag hindi nabayaran sa takdang oras, ito ay tutubo dahil sa interes at penalty.

Wala naman daw gaanong problema sa ganitong polisiya. Ang problema ay sumisibol dahil sa kanilang estilong ‘modus’. Kapag malapit na raw ang DUE DATE ng kanilang pagbabayad, hindi na nila mabuksan ang ONLINE transactions.

Dahil dito, ang isang creditor na wala namang intensyon na pumalya sa pagbabayad, magkakaroon ng penalty at interes.

Ang problema ay manganganak pa ito sa pamamagitan ng dati nang estilo ng mga nagpapautang na kapag hindi nabayaran, HIHIYAIN, PAGBABANTAAN at TATAKUTIN ang pobreng parokyano o nangutang.

Tulad ng nabagggit ko, hindi na bago ang estilong ito. Ang malaking kaibahan ngayon ay ang paggamit nila sa makabagong teknolohiya at estilo para abusuhin ang karapatan ng kanilang parokyano.

Sa pamamagitan ito ng pag-HACK at pag-CLONE sa telepono ng isang debtor. Nagagawa nilang kopyahin ang CONTACTS at ilang DATA sa telepono ng umutang. Kasunod nito, ISA-ISANG padadalhan ng mensahe ang mga nakuha nilang numero sa layong ipahiya ang debtor.

Bunsod nito, tinatawagan natin ang DICT bilang ahensya ng gobyerno na may saklaw sa ganitong problema, para imbestigahan ang ginagawang HACKING at pagnanakaw sa mga pribadong impormasyon ng isang indibidwal.

Sa puntong ito, hindi lamang ang kompanyang PONDO PESO ang dapat BUSISIIN. Nararapat ding imbestigahan kung hindi man MAPAHINTO ang operasyon ng ONLINE LENDING na nauuso sa kasalukuyan.

Bagama’t SIMPLE lamang na problema at ang mga biktima ay karamihan nakinabang naman sa kanilang inutang. Ngunit, ‘ika nga, malinaw na may paglabag sa batas ang mga naturang kompanya.

Samantala, sa mga kababayan nating kadalasan biktima ng KAGIPITAN, iwasan nang KUMAPIT sa ganitong sistema. Tandaan, ang pagsisisi, laging nasa huli!

Bukas ang espasyong ito sa paliwanag ng PONDO PESO.

-o0o-

Ang kolum na ito ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga manggagawa. Ipadala ang inyong mga karaingan, sumbong, reklamo o maging solusyon sa mga problema sa inyong kapaligiran. Iliham lang sa Diaryo Bomba o kaya ay i-email sa dongbvaleza@gmail.com. (TINIG NG MANGGAGAWA / Dong Valeza)

Please follow and like us:
Read More

AYUSIN MUNA ANG JUSTICE SYSTEM BAGO IBALIK ANG DEATH PENALTY

CHRISTIAN BOMB

MATAPOS ang eleksyon at magwagi ang mga kandidato ni Pangulong Duterte ay naging mainit na naman ang usapin patungkol sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Isinusulong ng Malacañang na mapanumbalik ang death penalty kahit tutol dito ang Simbahang Katolika.

Ngayong nananalo ang mga kaalyado ni Pangulong Duterte ay nasa kamay na ng Senado ang desisyon kung maibabalik ito, partikular sa drug related cases at mga karumal-dumal na krimen.

Matagal na ang mga pagtatalo sa isyung ito, ayon nga sa mga pumapabor ay dapat na umanong maibalik ang death penalty dahil na rin sa mga krimen na nagaganap sa bansa, pero sa mga tutol dito, hindi ito sagot para mapigilan ang nagaganap na krimen.

Ang paglilitis ng mga kaso, maraming taon ang binibilang bago madesisyon na ito muna ang dapat na unahin kaysa sa pagdebatehan sa kasalukuyan ang parusang kamatayan.

Sa tagal umano nang paglilitis sa isang akusado, ilang taon na silang nagsilbi sa kulungan at sa ilang pangyayari ang iba ay napapawalang sala. Pero komo nga matagal ang desisyon naubos na ang kanilang panahon sa loob ng kulungan at saka lang mababatid na hindi sila nagkasala.

Sa ilan naman na pabor, mistulang ang Pilipinas, kung mapapansin na walang death penalty, ang madalas na makapagtala ng mga karumal-dumal na krimen.

Maituturing na ‘deterrent’ ang parusang bitay para kung hindi man tuluyang masawata ay mabawasan man lang ang matitinding krimeng nagaganap.

Sa totoo lang, dahil sa bulok na justice system na umiiral sa bansa, hindi pa muna dapat ibalik ang death penalty.

Kung susuriin ang mga nangyayari sa ating lipunan, karaniwan ay mahihirap lang ang naparurusahan sa mga kasong kanilang kinasasangkutan, at ang mayayaman ay laging nakalulusot sa parusa.

Dapat, unahin na maisaayos muna ang justice system sa bansa bago talakayin ang pagbabalik ng parusang kamatayan, upang hindi lang mahihirap ang masasalang sa bitayan, kundi pati ang mayayaman. (CHRISTIAN’S BOMB)

Please follow and like us:
Read More

DEFENDING CHAMPION CARIñO MAY MISYON SA LE TOUR

king12

(NI ANN ENCARCACION)

PANGUNGUNAHAN ni defending champion El Joshua Cariño ang Philippine National Team sa paglarga ng ika-10th taon ng Le Tour de Filipinas.

Aarangkada ang limang yugto na Category 2.2 event na inorganisa ng Ube Media Inc., sa Hunyo 14 hanggang 18.
Nagkampeon si Cariño sa nakaraang edisyon ng Le Tour na nagtapos sa Burnham Park sa Baguio City bitbit  ang Philippine Navy-Standard Insurance (PNSI) Team.

Ikatlong Pilipinong rider si Cariño na nagkampeon sa International Cycling Union race maapos mauna sina Baler Ravina (2012) at Mark John Lexer Galedo (2014).

Sinabi ni PNSI team owner Ernesto “Judes” Echauz, isa sa PhilCycling major stakeholders, pumayag siya na ang Philippine Team ang dadalhin nila bilang parte ng preparasyon ng national riders sa 30th Southeast Asian Games sa Disyembre.

Makakasama ni Cariño sina veterans Jan Paul Morales, Ronald Oranza, Junrey Navarra at Jhon Mark Camingao.

Ang ibang national team members na papadyak para sa kanilang mother clubs ay sina Felipe Marcelo ng 7-Eleven Roadbike Philippines-Air21 (continental) at last year’s Le Tour Best Young Rider, at nakababatang kapatid ni Cariño na si Daniel Ven Cariño ng Go For Gold (continental).
Pang-apat na local squad ang Bike X Philippines na haharapin ang 11 tigasing foreign teams.

Please follow and like us:
Read More

BASURA, BASURA

yourservice

ETO na naman tayo. Balik na naman ang atensyon natin sa isyu ng basura na dinaong sa ating lupa mula sa bayan ng Canada. Panahon pa ni dating Pangulong Noynoy Aquino nangyari ito at minana ng pamahalaang Duterte. Basurang nabubulok araw-araw. Basurang nagdudulot ng sakit.

Nabalitaan natin kamakailan na pinauuwi ng ating pamahalaan ang lahat ng mga empleyado ng ating embahada sa Canada bilang senyales ng pagprotesta natin sa di pagbawi ng Canada ng kanilang basura. Sang-ayon ba kayo sa desisyon ng ating pamahalaan tungkol dito?

Hati — di lamang sa pananaw kundi maging sa emosyon ang ating mga kababayan tungkol sa isyung ito. Sa isang banda, marami ang sumasang-ayon sa ginawang pagpapauwi sa mga tauhan ng ating embahada roon. Ayon sa kanila, tama lang na ipakita na natin ang ating pagkadismaya at protesta sa bagal ng pag-usad ng Canada sa pagbawi ng kanilang basura. Sabi ng ilan, puro na lamang pangako ang Canada at dapat lang nating kalampagin upang magkaroon ng aksyon. Ito’y isang pagpapatunay na ang Pilipinas ay may soberanya at hindi kailanman maaaring gawing basurahan ng ano mang bansa.

Ngunit, ayon naman sa kabila, nakababahala ang pangyayaring ito dahil ang pagbawi ng mga tauhan natin sa embahada sa Canada ay maaring maging senyales o umpisa ng isang hidwaan na di natin kayang panindigan. Dinagdag pa nila na maaapektuhan ang mga kababayan nating naninirahan at naghahanap-buhay sa bayan na iyon. Dapat sana humanap daw tayo ng iba pang paraang pang-diplomatiko upang malunasan ang suliraning ito. Ito’y naaayon sa ating karakter na mahinahon at mapayapang pamayanan ayon sa ating saligang batas.

May punto ang bawat panig — sa isang dako, siguro napuno na ang pasensya dahil sa kabagalan ng pagkuha ng basura kahit may pangako na ang Canada na babawiin nila ito. Sa kabilang dako naman, natatakot lamang ang ating mga kababayan sa maaaring buwelta ng Canada dulot ng pagpapauwi ng ating mga tauhan sa embahada. Siguro naman aayon ang lahat na mas magandang ayusin ang gusot na ito sa mabuting usapan at hindi sa marahas na paraan. Sa isang paraang naaayon naman sa batas ng mga komunidad ng mga bayan.

Sa aking munting palagay, hindi pa naman huli ang lahat. Sa unang tingin, pinakita lamang natin ang ating pagkainis at maaari pa naman nating pag-usapan kung paano mapabibilis ang pagbalik ng mga basura — mga basurang nabubulok na at maaaring magdulot naman ng sakit sa atin.

Pero may mas dapat tayong pagtuunan ng atensiyon — dapat din panagutan ito ng mga taong nagbigay daan sa paglipat ng basura sa ating bayan. Sila dapat ang managot sa taumbayan. Hindi naman kasi mapadadala ng Canada ang kanilang basura rito kung walang tumulong at nagpabayad na mga kababayan nating walang hangad kundi kumita ng pera. Paano ito naisakay sa barko? Paano ito lumusot sa ating daungan? Sana sila ang pilitin nating mag-ayos sa suliraning ito. Hindi dahil inako na ng pamahalaan ng Canada ang pagbawi ng mga basura e hindi na natin hahabulin ang mga taong may pakana nito. (@YOUR SERVICE  / ATTY. DAVID ROBERT AQUINO)

Please follow and like us:
Read More

MATUNOG SA BEST ACTOR: PIOLO VS. DANIEL VS. COCO VS  OGIE

piolo12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

PORMAL nang inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga opisyal na nominado para sa 35th PMPC Star Awards For Movies, na nakatakdang ganapin sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, sa ika-2 ng Hunyo, 2019.

Ngayong taon, bilang pakikiisa sa  ika-100 taong selebrasyon ng Pelikulang Pilipino, ang pamunuan ng PMPC ay magbibigay ng karangalan sa mga Natatanging Bituin ng Siglo. Sila ang mga natatanging bituin na nagningning sa loob ng 100 taon.

Pagkakalooban din ng karangalan ang Outstanding Pillars of PMPC na sina Ethel Ramos, Ronald Constantino, Veronica Samio at Letty Celi.

Ipagkakaloob naman ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award kay Dante Rivero at tatanggapin ni Ms. Laurice Guillen ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award.

Mula sa pamunuan ng Pangulong Sandy Es Mariano, mga opisyales at miyembro, ang 35th PMPC Star Awards For Movies ay mula sa produksyon ng Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino at direksyon ni Bert de Leon.

Naririto ang mga nominado:

 

MOVIE OF THE YEAR

Ang Dalawang Mrs. Reyes – Star Cinema, Quantum Films, The Idea First Company

  • Buy Bust – Reality Entertainment and Viva Films
  • Goyo:  Ang Batang Heneral – TBA Studios and Globe Studios
  • Rainbow’s Sunset – Heaven’s Best Entertainment
  • Signal Rock – Regal Entertainment and CSR Productions
  • The Hows Of Us – Star Cinema
  • Through Night And Day – Viva Films, Octo Arts Films, MavX Productions

 

MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR

  • Cathy Garcia-Molina – The Hows Of Us
  • Joel Lamangan — Rainbow’s Sunset
  • Erik Matti – Buy Bust
  • Jun Robles Lana – Ang Dalawang Mrs. Reyes
  • Chito Roño – Signal Rock
  • Jerrold Tarog — Goyo:  Ang Batang Heneral
  • Veronica Velasco – Through Night And Day

 

INDIE MOVIE OF THE YEAR

  • Bakwit Boys – T-Rex Entertainment Productions
  • Citizen Jake – Cinema Artists Philippines
  • Distance – Cinemalaya Foundation, The Idea First Company, CMB Film Services
  • Hintayan Ng Langit – QCinema, Project 8 Corner San Joaquin Projects, Globe Studios
  • Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon – Cinemalaya Foundation, Cleverminds Inc., Cineko Productions
  • Liway – Cinemalaya Foundation, VY/AC Productions, Exquisite Aspect
  • ML – Cinemalaya Foundation, Lonewolf Films, CMB Film Services

 

INDIE MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR

  • Carlo Enciso Catu — Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon
  • Mike De Leon – Citizen Jake
  • Perci Intalan – Distance
  • Jason Paul Laxamana – Bakwit Boys
  • Benedict Mique — ML
  • Kip Oebanda — Liway
  • Dan Villegas – Hintayan Ng Langit

 

MOVIE ACTOR OF THE YEAR

  • Ogie Alcasid – Kuya Wes
  • Nonie Buencamino — Distance
  • Paolo Contis – Through Night And Day
  • Dingdong Dantes – Sid And Aya:  Not A Love Story
  • Eddie Garcia – Rainbow’s Sunset
  • Coco Martin – Jack Em Popoy
  • Daniel Padilla – The Hows Of Us
  • Piolo Pascual – Ang Panahon Ng Halimaw
  • James Reid – Never Not Love You
  • Vic Sotto – Jack Em Popoy

 

MOVIE ACTRESS OF THE YEAR

  • Kathryn Bernardo – The Hows Of Us
  • Iza Calzado – Distance
  • Anne Curtis – Buy Bust
  • Glaiza De Castro — Liway
  • Alessandra De Rossi – Through Night And Day
  • Sarah Geronimo – Miss Granny
  • Nadine Lustre – Never Not Love You
  • Gina Pareño – Hintayan Ng Langit
  • Gloria Romero – Rainbow’s Sunset
  • Judy Ann Santos – Ang Dalawang Mrs. Reyes

 

 

MOVIE SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR

  • Art Acuña – Goyo:  Ang Batang Heneral
  • Arjo Atayde – Buy Bust
  • Joem Bascon – Double Twisting, Double Back
  • Tirso Cruz III – Rainbow’s Sunset
  • Gabby Eigenmann – Citizen Jake
  • Teroy Guzman – Citizen Jake
  • Tony Labrusca – ML
  • Joel Lamangan – School Service
  • Jeffrey Quizon – Goyo:  Ang Batang Heneral
  • Aaron Villaflor – Mamu And A Mother Too

 

MOVIE SUPPORTING ACTRESS OF THE YEAR

 

  • Ria Atayde – The Hows Of Us
  • Angeli Bayani – Walwal
  • Max Collins – Citizen Jake
  • Sunshine Dizon – Rainbow’s Sunset
  • Jean Garcia – The Hows Of Us
  • Cherie Gil – Citizen Jake
  • Therese Malvar – Distance
  • Aiko Melendez – Rainbow’s Sunset
  • Daria Ramirez – Signal Rock
  • Nova Villa – Miss Granny

 

NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR

  • Atom Araullo – Citizen Jake
  • Darren Espanto – The Hows Of Us
  • Danzel Fernandez – Otlum
  • Dennis Garcia – Hapi Ang Buhay
  • Tony Labrusca – ML
  • Iyah Mina – Mamu And A Mother Too
  • Donny Pangilinan – Walwal
  • Ricci Rivero – Otlum
  • Ryle Santiago – Bakwit Boys
  • Brandon Vera – Buy Bust

NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR

  • Iana Bernardez – Gusto Kita With All My Hypothalamus
  • Garie Concepcion – The Lease
  • Kisses Delavin – Walwal
  • Mai Fanglayan – Tanabata’s Wife
  • Ali Forbes – Rainbow’s Sunset
  • Sanya Lopez – Wild And Free
  • Winwyn Marquez – Unli Life
  • Gabby Padilla – Billie And Emma
  • Heaven Peralejo – Harry And Patty
  • Mia Suarez – Hapi Ang Buhay

 

MOVIE CHILD PERFORMER OF THE YEAR

  • Harvey Almoneda – The Lease
  • Noel Comia, Jr. – Rainbow’s Sunset
  • Jill Demski – The Lease
  • Mackie Empuerto – Bakwit Boys
  • Miel Espinoza – Pan De Salawal
  • Alessandra Malonzo — Distance
  • Kenken Nuyad – Liway

 

 

TECHNICAL AWARDS:

MAINSTREAM CATEGORIES:

 

MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR

  • Noreen Capili and Alessandra De Rossi — Through Night And Day
  • Eric Ramos — Rainbow’s Sunset
  • Carmi Raymundo, Gillian Ebreo, Cathy Garcia-Molina – The Hows Of Us
  • Jun Robles Lana and Elmer Gatchalian – Ang Dalawang Mrs. Reyes
  • Rodel Naciancieno – Jack Em Popoy:  The Puliscredibles
  • Rody Vera – Signal Rock
  • Rody Vera and Jerrold Tarog — Goyo:  Ang Batang Heneral

 

MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR

  • Neil Daza — Signal Rock
  • Neil Derrick Bion — Buy Bust
  • Pong Ignacio — Goyo:  Ang Batang Heneral
  • Shayne Sarte – First Love
  • Noel Teehankee – The Hows Of Us
  • Noel Teehankee — Through Night And Day
  • Rain Yamson, II — Rainbow’s Sunset

 

MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR

  • Jay Custodio — Rainbow’s Sunset
  • Michael Español and Roma Regala — Buy Bust
  • Marxie Maolen Fadul — Ang Dalawang Mrs. Reyes
  • Roy Lachica — Goyo:  Ang Batang Heneral
  • Erik Manalo — Through Night And Day
  • Mark Sabas — Signal Rock
  • Norico Santos – The Hows Of Us

 

MOVIE EDITOR OF THE YEAR

  • Mai Calapardo — Rainbow’s Sunset
  • Jay Halili — Buy Bust
  • Marya Ignacio and Noemi Paguiligan – The Hows Of Us
  • Carlo Francisco Manatad — Signal Rock
  • Maynard Pattaui — Ang Dalawang Mrs. Reyes
  • Jerrold Tarog — Goyo:  Ang Batang Heneral
  • Noah Tonga — Through Night And Day

 

MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR

  • Len Calvo – Miss Granny
  • Jessie Lasaten – The Hows Of Us
  • Jessie Lasaten — Through Night And Day
  • Erwin Romulo and Malek Lopez — Buy Bust
  • Jerrold Tarog — Goyo:  Ang Batang Heneral
  • Emerzon Texon — Ang Dalawang Mrs. Reyes
  • Emerzon Texon — Rainbow’s Sunset

MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR

  • Lamberto Casas, Jr. and Aian Louie Caro — Through Night And Day
  • Lamberto Casas, Jr. and Albert Michael Idioma – Ang Dalawang Mrs. Reyes
  • Albert Michael Idioma — Goyo:  Ang Batang Heneral
  • Albert Michael Idioma — Signal Rock
  • Albert Michael Idioma and Alex Tomboc – Rainbow’s Sunset
  • Allen Roy Santos – The Hows Of Us
  • Steve Vesagas and Whannie Dellosa — Buy Bust

 

MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR

  • Buy Bust – Reality Entertainment and Viva Films
  • Goyo:  Ang Batang Heneral – TBA Studios and Globe Studios
  • Rainbow’s Sunset – Heaven’s Best Entertainment
  • Signal Rock – Regal Entertainment and CSR Productions

 

MOVIE THEME SONG OF THE YEAR

  • “Akala” — From the movie The Day After Valentine’s / Composed, arranged, and interpreted by Marion Aunor
  • “All Tonight” – From the movie Exes Baggage / Composed and arranged by Len Calvo, interpreted by Midnight Meetings
  • “Dahil Kasama” – From the movie Fantastica / Composed by Obra Maestra, arranged by Theo Martel, interpreted by Vice Ganda and Obra Maestra

 

Please follow and like us:
Read More