BUGAW TININGGA SA ULO

cebu city12

(NI NICK ECHEVARRIA) PATAY ang isa umanong bugaw na  miyembro ng LGBT makaraang taniman ng bala sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa Cebu City, Miyerkoles ng madaling araw. Sa report ni P/Master Sargeant Gerry Genilaso, ng Station 2 ng Cebu City Police, naganap ang insidente ganap na ala-1:00 ng madaling araw habang nakatayo sa gilid ng kalsada ang biktima na nakilala lamang sa alyas na “Danica”. Isang motorsiklo na sakay ang isang lalaki ang biglang huminto sa harapan nito at makalipas ang ilang saglit na pag-uusap ay bumunot…

Read More

MAINE PANAY GUESTING HABANG NASA NEW YORK SI ALDEN

aldub23

(NI GORGY RULA) OBVIOUS na nagkakanya-kanya na nga talaga sina Alden Richards at Maine Mendoza. Habang nasa New York si Alden para sa GMA Pinoy TV nung nakaraang linggo, panay naman ang guesting ni Maine at mataas ang rating ng guestings  niya ha? Guest co-host si Maine sa Sunday Pinasaya nung nakaraang Linggo dahil absent nga roon si Alden. Mataas ang rating nito na nakakuha ng 5.3 percent ayon sa AGB NUTAM, at 4.8 percent ang katapat na ASAP. Kinagabihan naman sa The Boobay and Tekla Show ay wagi rin…

Read More

BABAE NA-TRAP, PATAY SA SUNOG

fire

(NI CHERK BALAGTAS) ISANG babae ang patay matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Lungsod ng Caloocan, Martes ng hapon. Natusta na nang matagpuan sa loob ng kanilang sunog nang bahay ang biktimang si Alice Simbulan, 46, ng Barangay 49, ng nasabing lungsod. Sa ulat ng Caloocan City – Bureau of Fire Protection (BFP), ganap alas – 4:30 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa residential area sa kanto ng 4th Avenue at Nadurata Street sa nasabing lugar. Agad naman nakaresponde ang mga tauhan ng iba’t ibang brigada kung saan…

Read More

DRIVER LUMUWA ANG BITUKA SA SAKSAK; ISINIKSIK SA LIKOD NG TAXI

stab100

(NI CHERCK BALAGTAS) ISA na namang taxi driver na tadtad ng saksak ang natagpuang patay sa back seat ng pinapasadang taxi sa Lungsod ng Caloocan, Miyerkoles ng madaling araw. Sa ulat ni Caloocan police deputy chief for administration P/Lt. Col. Ferdie Del Rosario, kinilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang driver’s license na si Pablo Damot, Jr. ng Bocaue, Bulacan. Nadiskubre siya ng isang streetsweeper na si Clarita Castro, 59, ganap na alas- 4:30 ng madaling araw sa kahabaan ng C-4 Road, Barangay 8, ng nasabing lungsod. Ayon sa nakasaksi, napansin…

Read More

3 BATA INIWAN SA LOOB NG KOTSE, PATAY

crime12

(NI JG TUMBADO) PATAY  na nang matagpuan ang tatlong bata matapos iwan ang mga ito sa loob ng kotse sa bayan ng Orion, Bataan. Nakilala ang mga biktima na sina Agatha Morales, 9, , Shamel Alghela Morales, 8, at Pauline Keziah Morales, 6, na pawang magpipinsan. Batay sa naantalang ulat ng Orion police, huling nakita ang mga bata na naglalaro sa loob ng kanilang kotse sa Barangay Calungusan, ilang metro lamang ang layo sa plantasyon ng petrolyo nitong araw ng Lunes, May 13. Mismo ang ama ng isa sa mga…

Read More

HEART WILLING TUMIRA SA SORSOGON TO BUILD SHELTER FOR DOGS

(NI VINIA VIVAR) Hindi na senator’s wife si Heart Evangelista kungdi Governor’s wife na dahil nga sa pagkakapanalo ng kanyang asawang si Chiz Escudero bilang governor ng Sorsogon. Kaya naman ngayon, we could expect na mas madadalas na ang aktres sa Sorsogon para suportahan ang mga proyekto ng mister. And of course, isa rin si Heart sa pinaka-unang nag-congratulate sa bagong Sorsogon Governor. “Congratulations to my Governor Chiz Escudero!  You’ve worked in the senate for such a long time, but now, it’s time for you to concentrate in your beloved…

Read More

LALAKI MAY BITBIT NA BALA, ARESTADO SA MRT3

mrt312

(NI JEDI PIA REYES) KALABOSO ngayon ang isang lalaking pasakay na ng Metro Rail Transit Line 3 makaraang makumpiskahan ng magazine at mga bala sa kanyang bag, Miyerkoles ng umaga. Nakita sa x-ray machine sa North Avenue station ng MRT 3 ang bag ng suspek na si Don Ray Adina na naglalaman ng isang magazine ng baril gayundin ang walong piraso ng bala ng 10mm pistola. Patungong southbound ng Edsa si Adina nang sitahin ng guwardiya sa istasyon si Adina dakong alas-8:00 ng umaga dahil sa kahina-hinalang mga gamit sa…

Read More

2 SUSPEK SA PAGSUNOG NG COUNTING MACHINE LAGLAG

vcmsuspect12

(NI NICK ECHEVARRIA) NAARESTO na ng mga awtoridad nitong Martes ng gabi ang dalawang suspek na nanunog ng vote counting machine at mga election paraphernalia sa Jones, Isabela. Kinilala ni Cagayan Police Regional Office spokesperson Lieutenant Colonel Chevalier Iringan ang dalawang nadakip na sina Jayson Leaño at Rodel Pascual, kapwa nakatira sa Brgy. Sta Isabel sa bayan ng Jones. Unang naaresto si Pascual sa isang hot pursuit operations bandang alas-10:30 sa Barangay Diarao habang si Leaño naman ay kusang sumuko sa barangay captain ng kanilang barangay ganap na alas-9:30 ng…

Read More

EX-COP HULI SA MURDER NG KALAGUYO SA OLONGAPO

pnpsuspect12

(NI KOI HIPOLITO) NALAGLAG sa kamay ng mga pinagsanib na elemento ng Regional Intelligence Division (RID-NCRPO), Regional Drug Enforcement Unit (RDEU-NCRPO) at ng Police Station 1 ng Olongapo City Police Station ang dating pulis na Absent without leave o (AWOL) na sinasabing suspek umano sa pagpaslang sa tiyahin ni dating world champion billiard hall of fame Efren “Bata” Reyes matapos itong matiyempuhan ng mga otoridad dakong alas-11:00 ng umaga nitong Lunes sa West Bajac, Olongapo City. Nakilala ang suspek na si dating Patrolman Elias Gamboa, 45, na na-recruit noong 1999…

Read More

OLIVAREZ, GOLEZ PROKLAMADO NA SA PQUE

oli23

(NI ROSE PULGAR) NAIPROKLAMA na ng Commission on Election ang nanalong Mayor at Vice Mayor ng Paranaque City sa naganap na midterm election Martes ng gabi.          Dakong alas-11:00 ng gabi nang itinaas ng City Board of Canvasser ang mga kamay nina Edwin Olivarez na muling wagi bilang alkalde at si Rico Golez sa pagka-bise alkalde. Si Olivarez ay nakakuha ng 169,224 na boto sa kanyang ikatlong termino bilang mayor ng lungsod habang si Golez naman ay nakakuha ng 141,433 na votes. Ginanap ang proklamasyon sa Parañaque City Sports and Social…

Read More

MAYNILA IPINAUBAYA NA NI ERAP KAY ISKO

erap100

(NI HARVEY PEREZ) IBINIGAY na ni outgoing Manila Mayor Joseph Estrada ang Lungsod ng Maynila sa kanyang katunggali na si incoming Manila.Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at nagwagi sa natapos na national and local elections. Sa opisyal na pahayag ni Estrada, sinabi nito na nagdesisyon na ang mga mamamayan ng Maynila at mayroon nang bagong liderato na papasok at inihahanda na niya ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa isang maayos na turn-over. “By June 30, my 50 years in politics and public service will come to an end with…

Read More

5 BIKTIMA NG TRAFFICKING NAPIGIL

arrestwomen12

(NI MINA DIAZ) HINDI nagawang makalusot ng limang kababaihan sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City, Pampanga matapos matuklasang hindi dokumentadong overseas Filipino workers (OFWs) ang mga ito nang tangkaing umalis ng bansa na nagkunwaring mga turista. Sinabi ni BI port operations division chief Grifton Medina, ang mga pasahero na pawang kababaihan ay naharang sa dalawang magkahiwalay na insidente noong Mayo 8, ng mga enforcement officer habang pasakay ng kanilang mga flight sa Malaysia at United Arab Emirates. Nabunyag na ang…

Read More

KATATAGAN NI CHYNNA SA GITNA NG DALAMHATI

chynna12

(NI ROSE GARCIA) NAPAPAHANGA kami sa ipinakikitang katatagan ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza sa gitna ng pagdadalamhati ng kanilang pamilya. Pumanaw na ang ama ni Chynna na si Gryk Ortaleza noong mismong election day. Malapit sa amin ang pamilya nila kaya alam namin kung gaano ka-close si Chynna sa mga magulang. Siguradong hindi madali para sa kanila ang pagpanaw ng ama na sa mga hindi nakakaalam, former record producer at nakagawa rin ng ilang mga kilalang O.P.M. songs. Naging producer rin ito ng pelikula at dahil sa kanyang…

Read More

TSERMAN  NADAKMA, 1 PATAY, SA INDISCRIMINATE FIRING

GUN FIRE-3

(NI NILOU DEL CARMEN) ISANG barangay chair ang naaresto samantalang isa ring lalaki ang napatay matapos magresponde ang mga pulis sa dalawang kaso ng indiscriminate firing sa Batangas nitong Martes. Batay sa report ng Batangas Provincial Police Office, dakong alas-10:30 ng umaga nang maaresto si Barangay Captain Leodegario Roxas, 44, matapos na ito ay walang habas na magpaputok ng kanyang baril sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Sampalocan, Balete, Batangas. Narekober dito ang isang kalibre .45 baril. Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election code…

Read More

NARCO POLITICIAN LANDSLIDE WINNER

san rafael12

(NI ELOISA SILVERIO) TINULDUKAN na ang kontrobersyal at pinakaaabangan resulta ng local election sa bayan ng Bocaue at San Rafael sa mayoralty race makaraang iproklama ang mga nanalong alkalde sa mga nasabing bayan sa kakatapos lamang na national at local midterm election. Sa bayan ng Bocaue, ang tinaguriang “Toss Coin Mayor” na si Mayor Joni Villanueva ay pormal na ipinroklama bilang opisyal na waging kandidato sa pagka-alkalde makaraang ilampaso nito ang kanyang katunggali na si Jim Valerio via landslide win. Si Villanueva ay umani ng kabuuang boto na 32,083 mula…

Read More

ATBP NG POLITIKA

JOY-GIAN-2

JOY-GIAN  APRUB NA NAPROKLAMA na ng Commission on Elections – Board of Canvassers ang magkatambal na Vice Mayor Joy Belmonte at Councilor Gian Sotto bilang bagong alkalde at bise-alkalde ng Quezon City. Tinalo ni Belmonte at Sotto ang mahigpit na katunggaling si 1st District Representative Vincent “Bingbong” Crisologo at Jopet Sison. Inaasahang mas pauunlarin pa ng tambalang Belmonte at Sotto ang lungsod Quezon. (Joel Amongo) ISKO NAGTAGUMPAY TINALO ni dating Vice Ma­yor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Mayor Joseph Estrada sa ginanap na 2019 midterm election. Maging ang katambal ni…

Read More

POKPOK NG MGA INTSIK SA SUBIC

ANG TOTOO

MULA nang nag­lipana ang mga Intsik sa Subic dahil sa malawakang Online Gambling Operations dito, naglipana na rin ang mga “pokpok” na parausan ng mga ito. Ito Ang Totoo: pala-palapag at meron pang buong hotel mismo ay ginagamit sa Online Gambling na ang mga em­pleyado ay pawang mga Intsik mula sa Tsina. Meron pang dating eskuwelahan na ginawa nang sugalan at pati mga dapat opisina ay sugalan na, tirahan pa ng mga intsik na hindi matiyak kung lahat ay dokumentado. Mga Pinoy na residente mismo ang lumapit sa atin upang…

Read More

PANGAKO NG MGA NANALONG KANDIDATO TUPARIN!

CHRISTIAN BOMB

LAHAT ng mga kandidato ay ina­aming dumarami ang naghihirap na mga Pilipino. Ito ang katotohanang hindi nila kayang itago. Isang katotohanan na lagi na lang may “solusyon” sa panahon ng kampanya ng eleksyon. Katotohanan na ang “solusyon” diumano ay kung si ganito o si ganoon ang mananalo at makaupo sa pwesto. La­ging ganito ang naririnig at nababasa ng taumbayan, laluna ng manggagawa at maralita tuwing sasapit ang halalan. “Malinis na pamahalaan”, “matino at tapat na taong nasa pwesto”, walang kurakot sa gob­yerno”, “libreng edukas­yon”, “trabaho”, “tamang sahod”, “lupa”, “pabahay”. Ito…

Read More