REMULLA, REVILLA PA RIN NAMAYAGPAG SA CAVITE

jolog12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NANALO sa pagka-gobernador ng Cavite si Juanito Victor “Jonvic” Remulla laban sa dati ring gobernador na si Erineo “Ayong” Maliksi.

Si Remulla ay nakakuha ng 820,890 na boto mula sa 92.97%  mula sa lahat ng voting precincts kumpara sa 493,085 boto na nakuha ni Maliksi.

Si Maliksi ay dating governor ng Cavite  mula 2001 hanggang 2010 hanggang sa natalo ito ni Jonvic at naninilbihan itong governor mula 2010 hanggang 2016 matapos na palitan siya ng kanyang kapatid na si Jesus Crispin “Boying” Remulla na nanalo naman sa pagka-congressman ng ika-7 Distrito ng Cavite.

Muli naman naluklok sa pagka Bise Gobernador si Ramon “Jolo”  Revilla na walang nakalaban nitong nakaraang midterm election.

Sa Trece Martires City, nanalo naman si Gemma Lubigan, biyuda ng napatay na si dating Vice Mayor  Alex Lubigan sa huling tala sa 08.91% na polling precincts.

Si Lubigan ay nakakuha ng 27,981 na boto laban sa katunggaling si Melencio De Sagun Jr na nakakuha lamang ng 21,197 na boto mula sa 98.91 %  na polling precincts.

Matatandaan  na binaril at napatay ang asawa ni Gemma na si Alex Lubigan noong July 2018 kung saan inakusahan si  Melandres de Sagun.

Sa Bacoor City Cavite, napanatili naman ni incumbent Mayor Lani Mercado ang pagiging mayor matapos na nakakuha ng botong 141,848 laban sa katunggaling si Jose Francisco na may boto ng 18,903 (As of 8:12 am).

Mananatili naman Mayor ng Tanza, Cavite si Mayor Pacumio matapos na nakakuha ng mataas na boto laban sa katunggali at dating mayor na si Marcus Ashley Arayata habang maluluklok naman na Vice Mayor si dating board Member Raymundo del Rosario laban sa katunggaling si Arleen Arayata.

Mananatili namang Mayor ng Gen Trias City  si Antonio Ferrer at Vice Mayor Murito Sison habang si

Indang Mayor Perfecto Fidel at Vice Mayor Ismael Rodil at  Mendez Mayor Eric Vida ay mananatili sa kanilang puwesto dahil sa walang nakalaban nitong midterm election.

Please follow and like us:
Read More

ASTIG-ASTIGAN LOOK NI ALDEN LUV NA LUV NG MGA FANS

alden32

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

Natatandaan pa namin noon, ang daming nangba-bash kay Alden Richards makita lang ito na may katabing ibang babae sa picture, kahit pa co-star niya. Kapag may ginawang project na hindi si Maine Mendoza ang kasama, iba-bash.

Yung dapat lahat ng ginagawa ni Alden, sang-ayon sa kagustuhan ng mga fan. Lahat ng mga yun, hindi na lang binigyan ng pansin ng Pambansang Bae. Ang ginawa niyang panlaban siguro, ang hindi na ito magpa-apekto.

Madalas na ibato sa kanya, kesyo kung hindi dahil kay Maine, kung hindi dahil sa Aldub, hindi naman daw makikilala si Alden. Nakalimutan na nilang bago pa ang Aldub, Alden Richards na siya ng Kapuso network at ilang teleserye na ang pinagbidahan na halos lahat ay nag-rate.

Fast forward ngayong obviously, wala ng Aldub, puwedeng-puwedeng sabihin na good karma ang actor. Aba, e, yung pagre-reinvent niya lang sa looks niya. Yung pagpayat at mas gumanda niyang katawan, yung hair style niya at parang astig-astigan look ay pinupuri talaga ng netizen.

Jetsetter rin talaga na from shooting his movie with Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye” sa Hongkong, heto’t sa New York naman na pinagsabay ang trabaho at pictorial. After ng successful KPS7 Musikalye Goes to Brooklyn” ay nag-pictorial naman ito.

First international endorsement shoot pala ni Alden ang collaboration niya with fashion designer Avel Bacudio.

Sabi nga, you’ll never go wrong with kindness.

 

Please follow and like us:
Read More

SPD, ZERO-CRIME RATE SA 12-ORAS MIDTERM ELECTION

spd14

(NI ROSE PULGAR)

IPINAGMALAKI ng Southern Police District (SPD) sa 12-oras na ginanap na midterm election nitong Lunes ay walang anumang insidente ng karahasan na naitala o namonitor.

Ayon kay SPD Director, Police Brigadier General Elisio Cruz, generally peaceful o tahimik sa pangkalahatan ang mga lungsod ng Makati, Pasay, Paranaque, Las Piñas, Taguig, Muntinlupa at sa Bayan ng Pateros.

Sinabi ni Cruz, wala na rin silang naitalang vote buying at vote selling habang nagaganap kamakalawa ang halalan 2019.

Maliban lamang aniya noong bisperas ng eleksiyon kung saan nasa 60 katao ang nadakip sa Makati at 17 naman sa Muntinlupa City.

Aniya, mayroon mga report silang natanggap na insidente ng vote buying, ngunit sa pag responde ng mga pulis ay negatibo naman ang resulta.

Sinabi pa ng opisyal sa kasagsagan ng botohan, isang malaking restaurant sa Roxas Blvd ang kanilang binantayan makaraang makatanggap ng impormasyon na may magaganap na vote buying at vote selling, ngunit sa kalaunan ay negative naman ang resulta.

Bukod sa tahimik ang kapaligiran, naobserbahan din ng opisyal na malinis sa mga polyetos o election paraphernalias ang mga eskwelahan o mga polling center na kanilang inikutan, tulad ng Makati at Muntinlupa at iba pang lugar.

Pinasalamatan naman ni Police Brigadier General Cruz,

ang buong kapulisan ng SPD sa naging mapayapang naganap na midterm election.

 

 

Please follow and like us:
Read More

‘TOPAK’ NAG-AMOK; MISIS, 2 KAPAMILYA, TIGBAK

crimebolo123

(NI JG TUMBADO)

TATLONG miyembro ng pamilya ang nasawi sa naganap na pag aamok ng isang lalaking may problema sa pag iisip sa Negros Occidental, araw ng Martes.

Gamit ang isang itak ay pinagtataga ng suspek na nakilalang si William Magbato, 48, ang kanyang asawa na si Merlinda, ang pamangkin na si Ryan Olitan, ang pinsan na si Ramonita Magbato at ang Kagawad ng Barangay na si Nelson Balsomo.

Base sa impormasyon mula sa Ilog Municipal Police Station, naganap ang karumal dumal na krimen sa bahay ng Magbato sa Barangay Balicotoc bago mag alas-12:00 ng tanghali.

Ilan sa mga kapitbahay ng pamilya Magbato na nakasaksi sa insidente ang nagulat na lamang sa biglaang pag aamok ng suspek kung saan isa-isang dinaluhong ng taga ang kanyang miyembro ng pamilya sa loob ng kanilang bahay.

Nasawi ang tatlo habang ginagamot sa ospital bunsod ng tinamong malalalim na sugat sa kanilang katawan si Balsomo na tinangkang umawat sa pangyayari.

Sugatan din ang dalawang residente na sina Jessie Terones at Jamie Tiaga na hinabol din ng taga ng suspek.
Isang sundalo naman ang nagkataon na napadaan sa lugar ng insidente at nabaril nito si Magbato sa kanyang kamay dahilan para mapigilan ang pag aamok nito.

Nasa kostudiya na ng Ilog police ang suspek na nahaharap sa patong-patong na mga kaso.

Please follow and like us:
Read More

‘WAG SISIHIN SI LUIS;  EDU 2 BESES INILAMPASO NI BINAY

edudu12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MUKHANG mali naman yata Tito KC na sisihin si Luis Manzano dahil sa Lipa siya bumoto. Kahit bawasan mo ng isandaan pa ang boto ni Ate Vi, siya pa rin ang congresswoman ng Lipa dahil lampaso naman ang kalaban niyang si dating mayor Maynard Sabili.

Si Edu Manzano naman, dagdagan mo pa ng isandaang boto, hindi pa rin niya matatalo si Congressman Ronnie Zamora. Isipin ninyo, iyon ngang kinapitang mayor ni Edu na si Janella Ejercito pinabalibag din ni Francis Zamora eh. Mukhang minalas ngayong 2019 ang mga Estrada. Talo si Erap. Talo si ER sa Laguna. Talo si Gary sa Cainta. Tagilid pa si JV. Talo na si Jinggoy.

At saka iyang si Edu, nanalong vice mayor ng Makati. Noong sumunod na eleksiyon, tumakbo iyang mayor, inilampaso iyan ni Jojo Binay. Noong sumunod na eleksiyon, tumakbo namang vice president ni Gibo Teodoro, inilampaso din siya ulit ni Jojo Binay. Lumabas pang pan lima lang siya.

Noong nakaraang eleksiyon, tumakbo naman siyang senador, lampaso na naman. Mukhang hindi siya bagay talaga sa pulitika. Mas bagay siyang comedian talaga.

Kaya mukhang maling analysis iyong sinasabing hindi kasi siya ibinoto ng anak niyang si Luis Manzano na sa Lipa bumoto. Eh doon rehistrado si Luis eh, dahil hindi ba may panahon na nagkaroon din siya ng interest sa pulitika, pinigil lang ng nanay niya.

Kung sasabihin mong ang ikinatalo lang ni Edu ay dahil hindi siya ibinoto ni Luis, talo mo pa ang nakainom ng syoktong. Naku Tito KC, hindi maganda ang lasa ng syoktong, mapait na maanghang na akala mo may luya. Kung mag-aambisyon lang akong uminom ng alak, aba eh Dom Perignon na ang pipiliin ko.

                                                                           

 MGA NIYAKAP NI LUCITA SORIANO AT WINWYN

MARQUEZ LAST ELECTIONS; MALAS ANG ENDORSO NG KABAYO 

Mukhang talagang friend naman ng aktres na si Lucita Soriano ang isang showbiz-political family, iyong mga Estrada. Ang higpit ng pagkakayakap ni Lucita. Tinalo ng actor na si Isko Moreno si Erap bilang mayor ng Maynila. Tinalo ni Francis Zamora ang anak ni Jinggoy na si Janella Estrada sa San Juan, na strong hold ng pamilya sa loob ng limampung taon ha.

Nasama sa yakap ni Lucita si ER Ejercito sa Laguna, at si Gary Estrada sa Cainta. Pabitin-bitin pa ang senatorial bid ni JV Ejercito, at si Jinggoy Estrada wala na. May panahon na parehong senador sina Jinggoy at ang nanay niyang si Dra. Loi. Aywan kung bakit ganyan ang pagkakayakap sa kanila ni Lucita.

May isa namang showbiz family na mukhang nayakap ng WInwyn Marquez. Mukhang lusot pang senador ulit ni Bong Revilla. Mayor ang asawa niyang si Lani. Vice Governor ang anak niyang si Jolo. Iyong mga kapatid niya may iba-ibang posisyon. WInwyn nga ang yumakap eh.

Marami pang mga artistang nanalo sa eleksiyon. Kabi-kabila iyong nakikita namin eh. Pero marami rin ang “Luz Valdez” na sinamahan pa ni “Lucita Soriano”. Pero isang bagay lang ang matatandaan namin Tito KC, sinasabi nila na suwerte kung makakapulot ka ng sapatos ng kabayo, pero iyong pulitiko ka tapos ieendorso ka ng kabayo, malas iyon. Lahat ng inendorso ng kabayo Lucita rin.

Mahirap na rin kung magpapa-endorse ka sa babaing naka-dilaw, baka diretso ka sa basurahan pagkatapos.

Marami tayong natutuhang leksiyon sa eleksiyon ngayon. “Noted”?

Please follow and like us:
Read More

BRITISH NATIONAL, 2 PA, TIMBOG SA SHABU

shabu kulong 12

(NI JULIE DUIGAN)

BINITBIT ng mga tauhan ng Manila Police District ang tatlo katao, kabilang ang isang British national matapos makunan ng shabu sa isang anti-criminality operation, Lunes ng hapon sa Malate, Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina Philip Joseph, 47, Collection Legal Manager, ng 19-E, Echelon Tower, A. Mabini St., Malate, Maynila; Josephine Olayao, 38, ng 135 P. Manahan St., Pasay City; at Rodolfo Del Rosario, 42,  ng 133 P. Manahan St., Pasay City.

Batay sa ulat ng MPD Malate Police station 9, ang mga suspek ay naaresto sa  A. Mabini St., sa  Malate, bandang 5:00 ng hapon.

Sinita umano ang mga suspek ng mga  pulis na nagsasagawa ng anti-criminality operation at nang kapkapan ay  nakuha sa kanila ang  apat na sachet ng shabu.

Nakadetine ngayon sa MPD-GAIS, ang dayuhan at nahaharap sa kasong paglabag sa   Sec. 5 at 11,ng  Art. II ng  R.A. 9165 (Distribution and Possession of Dangerous Drugs) sa Manila Prosecutors Office.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO PATAY SA BUMULUSOK NA JEEP

accident135

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

LUBOS na ikinataranta ng isang 68-anyos lolo na driver ng Isuzu jeep ang pagkakaatras nito sa isang bakal na signage dahilan para iarangkada ang sasakyan at bumangga sa isang beauty salon, sa Valenzuela City.

Hindi na umabot nang buhay nang maipit sa sasakyan ang biktimang si Felicimo Hamor, Jr., ng 32 A. Luna St., Concepcion, Malabon City.

Nabatid na nagmamaniobra ng kanyang jeep na Isuzu  na may plakang NYB-283, ala-1 ng madaling-araw sa kahabaan ng M.H. Del Pilar, Poblacion Street, Brgy. Polo, si Hamor nang bumangga ang likuran ng jeep sa bakal na poste ng isang no loading at unloading signage.

Dala marahil ng pagkataranta ay dumire-deretso ang sasakyan hanggang sa sumalpok ito isang beauty salon.

Isinugod ng Valenzuela Rescue Team sa nasabing ospital ang biktima kung saan siya idineklarang dead-on-arrival.

 

Please follow and like us:
Read More

RETIRED MILITARY, POLICE, PANALONG MAYOR

police mayor12

(NI JESSE KABEL)

NAHALAL na bagong alkalde ng Baguio City si dating Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) Benjamin Magalong.

Nakakuha ng 41,207 na boto si Magalong miyembro ng Philippine Militay Academy Class 82 kontra sa  kalabang si Edison Bilog na may 22,609 batay sa 99.56 percent ng election results.

Si Magalong ang tumayong chief investigator sa malagim na pagkamatay ng 44 na miyembro ng  Special Action Force (SAF) sa inilunsad na  Mamasapano operations.

Nagretiro si Magalong noong 2016 ngunit itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang board member ng Philippine National Oil Co. noong nakaraang taon.

Samantala, iprinoklama na rin ng  Municipal Board of Canvassers si retired Army Gen. Jon Aying bilang  bagong  mayor ng Sara, Iloilo.

Tinalo ni Ayin si  incumbent vice mayor JR Salcedo, ng mahigit isang libong boto lamang para wakasan ang 30 pamamayagpag ng pamilya Salcedo sa bayan ng Sara.

Ayon kay Aying lubhang napakahirap kalabanin ang angkan ng mga Salcedo. Idineklarang panalo rin ang running mate nito sa pagka-bise alkalde at tatlong niyang konsehal.

Please follow and like us:
Read More

COMELEC VOTE COUNTING MACHINE  SINUNOG

vcm isabela12

(NI JESSE KABEL)

SINILABAN ng mga  hindi pa nakilalang armadong kalalakihan  ang isang vote counting machine (VCM) at iba pang election paraphernalia sa bayan ng Jones, Isabela, itinuturing na isang hotspot ng Philippine Army at Philippine National Police sa Region 2.

Sa inisyal na ulat mula sa Police Regional Office-2 (PRO-2), bandang alas 6:20 Martes ng umaga ay ihahatid ng mga miyembro ng board of election inspectors ang VCM at election paraphernalia sa municipality ng Jones nang bigla silang harangin ng mga armadong suspek .

Pinababa umano ng mga suspek ang mga BEI na sakay ng isang dump truck at ipinasuko ang VCM  saka sinilaban ng dalawang lalaki ang mga ito.

Ang sinunog na VCM at election paraphernalia ay mula sa polling precinct numbers 0037A, 0037B, 0038A, 0038B at 0038P1 mula sa Barangay Dicamay I at polling precinct number 0039A, 0039B, 0039C, 0040 A 0040B at 0040P1 na mula naman sa Barangay Dicamay II.

Ang Jones ay binubuo ng  42 barangays na may  30,263 registered voters at  762 ng mga botante ay mula sa  Dicamay I.

Ayon kay election officer Darius Perdines  nahirapang mag-transmit ng resulta ng botohan ang mga barangay ng Dicamay I at Dicamay II dahil sa mahinang internet signal.

Dalawang babae ang naglalaban para sa  mayoralty post sa bayan ng Jones na  sina incumbent mayor Leticia Sebastian at ang  businesswoman na si Melanie Uy.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng military at pulis sa  insidente.

Please follow and like us:
Read More

SOTTO, ABALOS, TEODORO WAGI SA KANI-KANILANG LUNGSOD

NEW12

(NI KEVIN COLLANTES)

TINAGURIANG ‘Millennial Mayor’ si Councilor Vico Sotto matapos na magwagi sa May 13 midterm elections at maagaw ang mayoral post ng Pasig City mula sa pamilyang Eusebio na may 27- taon nang namumuno sa lungsod.

Nakakuha ng landslide victory sa katatapos na halalan ang 29 taong gulang lamang na si Sotto, na anak ng komedyante at television host na si ‘Bossing’ Vic Sotto, sa beteranang aktres na si Connie Reyes.

Madaling-araw ng Martes nang tuluyang iproklama ng City Board of Canvassers si Sotto bilang susunod na alkalde ng Pasig matapos na makakuha ng 205,380 boto, laban sa kanyang mahigpit na kalaban na si incumbent Mayor Bobby Eusebio, na nakakuha lamang ng 119,222 votes.

Tiyak din naman ang panalo sa pagka-bise alkalde ng unopposed na incumbent vice mayor na si Iyo Carucho Bernardo.

Bago ang kanyang proklamasyon, nagpahayag ng pagpapasalamat si Sotto dahil sa pagtitiwala sa kanya ng mga residente ng Pasig City.

Nangangako rin ang batang alkalde na magkakaroon ng bagong uri ng politika sa kanilang lungsod ngayong siya na ang uupo sa puwesto.

Samantala, tinalo rin ni dating Pasig Rep. Roman Romulo sa botong 220,895 si incumbent Rep. Ricky Eusebio, na kapatid ni Bobby, matapos na makakuha lamang ng 96,604 votes.

Sa kabilang dako, sure winner din naman sa Mandaluyong City si Mayor Menchie Abalos na nakakuha ng 128,661 boto, laban sa kanyang katunggali na si Florencio Solomon na nakakuha lamang ng 8,589 votes.

Wagi rin naman ang runingmate ni Abalos na si Anthony Suva na may 111,922 votes habang si Boy De Quinto ay may 18,981 boto lamang.

Bagama’t wala ring kalaban sa eleksyon, nabinbin pa ang proklamasyon ni incumbent Marikina Mayor Marcy Teodoro para sa kanyang ikalawang termino, dahil kinailangan pang hintayin na mabilang ang lahat ng boto sa katatapos na halalan, bago isagawa ang proklamasyon nitong Martes.

Nanalo rin sa pagka-bise alkalde ng Marikina si Doc Marion Andres sa botong 101,416, laban kay Eva Aguirre, na mayroon lamang 50,095 votes.

 

Please follow and like us:
Read More

POST ELECTION BLAST SA COTABATO, LANAO

cotabato

(NI JESSE KABEL)

TATLO pang pagsabog ang naitala matapos ang ginanap na May 13 midterm poll sa Cotabato City at Lanao, ayon  sa ulat ng militar.

Kinumpirma ni Col. Gerry Besana na may dalawang pagsabog bandang alas 10:00 Lunes ng gabi malapit sa City compound sa may Purok Omar, Malagapas Rosary Height 10.

Ayon kay Col Besena , tangkang panggugulo lamang ito at walang nasaktan.

Kinumpirma rin ni Police Lt. Teofisto Ferrer Jr. ng City Police Precinct 2 ang dalawang pagsabog  sa Cotabato City ilang oras matapos magsara ang mga polling precincts pagkatapos ng eleksyon Lunes ng gabi.

Sinasabing bukod sa pagsabog, nagkaroon ng magkakasunod na putok ng baril na sinundan ng pagsabog sa gitna ng malakas na ulan sa lugar.

Una rito ay may twin explosions sa parehong lugar na ayon sa mga otoridad ay wala namang kinalaman sa eleksyon.

Inilagay ng Comelec ang buong Mindanao sa categorty red election hot spot

Samantala, inaalam naman Philippine Army 103rd Brigade Commander Col. Romeo Brawner ang grupong kinaaaniban ng mga nadakip na nasa likod ng pagsabog sa Marantao, Lanao del Sur ilang metro lamang ang layo sa polling centers.

Ayon kay Brawner, sumabog ang isang improvised explosive device sa loob mismo ng sasakyan ng mga suspek nang sumabit ito sa bintana nang inihagis palabas sa direksyon umano ng mga nakabantay na sundalo.

Ayon kay Brawner , inihagis ng suspek ang IED sa direksiyon kung saan nakapwesto ang mga sundalo na nagbibigay seguridad pero sumabit ito sa bintana ng sasakyan at saka sumabog.

Tuliro sa lakas ng pagsabog ang mga sugatang suspek na hindi na nakalabas ng sasakayan at agad na nadakip ng mga tauhan ng Philippine Army .

Inaalam na rin ng militar na umano’y miyembro ng MILF ang mga suspek na ginagamit bilang private armed groups ng ilang mga politiko.

 

Please follow and like us:
Read More

FOR MOTHERLAND: KAHIT MAY SAKIT BUMOTO

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

NAKAHABOL naman pala sa botohan si Kris Aquino last Monday kahit masama ang kanyang pakiramdam.

Nag-post siya bandang gabi ng larawan niya na nakalagay ang kamay sa dibdib at sa darili ay makikita ang indelible ink na senyales na bumoto siya.

“Yesterday we expressed love for all our mothers for guiding us, nurturing us, and loving us… today let’s honor our MOTHERLAND by voting, and help in tho the shaping & protecting of the Philippines’ destiny.

“Kagaya ng pakiramdam ng bawat anak, na ayaw mapahiya o maging pabigat sa nanay, na ang hangarin ay pwede syang ipagyabang ng kanyang ina dahil napalaki syang mabuti, masipag, matulungin, matalino, at mapagkakatiwalaan, ganun sana ang adhikain nating lahat tungkol sa Philippines. To make the country we love proud that we are her children,” ang caption ni Kris sa kanyang larawan.

Noong maaga pa kasi ay nagpahayag si Kris sa kanyang IG na hindi siya makaboboto dahil nilalagnat siya.  She also expressed her dissapointment na hindi niya maiboboto ang mga sinusuportahang kandidato for senators.

Pero mukhang gumanda na ang pakiramdam ni Kris later in the day kaya pinilit niyang bumoto at hinangaan naman siya rito ng kanyang followers.

“Good example Ms Kris! Kahit may sakit ka, bumoto ka pa rin!” komento ng isang netizen at marami pang similar comments.

ANDREA NAGLULUKSA

Nagluluksa si Andrea Brillantes dahil sa pagpanaw ng kanyang itinuturing na lolo. Ipinost ng young actress sa kanyang Instagram ang kanyang pagdadalamhati at ramdam na ramdam mo ang sakit ng kanyang kalooban sa kanyang mga pahayag.

“To the best lolo and one of my number 1 fan (dahil isa dun si mami susan) , thank you sa pag tayo bilang tatay saakin at sa mga kapatid ko kahit hindi man kita kadugo naging tunay na lolo ka parin samin.

“Maraming salamat sa walang kapaguran na pag alaga sa aming lahat. Isa ka sa pinaka matatag at matapang na kilala ko kaya salamat sa pagiging isang good role model sakin, Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako matatag ngayon.

“Salamat dahil lagi kang naniniwala sakin at lagi mo kong sinusupportahan sa mga pangarap ko… promise mas pag iigihan ko ang trabaho ko at tutupadin ko ang mga pangarap natin.

“Mamimiss ko mga kakulitan natin daddy jun.. mamimiss ko din mga jokes mo, ngiti mo, adventures natin pero alam ko na nasa mas mabuting lugar ka ngayon.

“Proud ako sayo dahil lumaban ka till the end i love you Daddy jun thank you for everything,” ang caption ni Andrea na ramdam na ramdam namin ang sinseridad.

Kalakip ng caption ay mga larawan ng kanyang “daddy Jun” at nakapa-touching ng isang picture na tinabihan pa niya ito sa hospital bed noong buhay pa.

Umapaw naman ang simpatiya at “condolences” messages ng kanyang mga kaibigan and supporters sa comments section.

Please follow and like us:
Read More

LUBID SA DUYAN GINAMIT SA SUICIDE NG OFW

cebu200

(NI JESSE KABEL)

BUMOTO muna bago nagbigti ang isang overseas Filipino worker dahil sa umano’y away nilang mag-asawa sa Toledo, Cebu, Lunes ng gabi.

Ayon sa Toledo City Police Office, kauuwi lamang ng bansa ng biktima sa Brgy. Dinagat Soriano, ng nasabing  lungsod nang maganap ang insidente.

Bago makitang nakabigti ang biktima ay nagtalo umano ang mag-asawa dahil sa madalas nitong pag-uwi ng gabi . Ilang oras pa ay nakita nang nakabigti ang biktima gamit ang lubid ng duyan ng anak.

Please follow and like us:
Read More

ARMED GROUP ARESTADO; BARIL, BALA NASAMSAM

armas12

(TEKSTO/PHOTO BY CYRILL QUILO)

ANIM na armadong lalaki ang naaresto habang isa ang nakatakas matapos takutin ang publiko sa Binan City, Laguna, Lunes ng gabi.

Kinilala ni Laguna Provincial Director Pol. Col. Eleazar Matta ang mga suspek na sina Antonio Llarenas 48, ng lot 40 Phase 4, San Mateo Rizal; Edward Tubusa ,54, isang retired army, ng Blk 67, Lot 2 St. Claire St. Deca Homes Subd. Loma de Gato, Marilao Bulacan; Arnel Guzman, 2,VIP security ng Montalban Rizal; Edgine Pelagio 37, driver, ng 246 E Rodriguez Quezon City; Ruben Apable,44, protection Agent ng AdminTala, Caloocan City; Aven Barra,49, protection agent, Zone 44, Sigamot Libmanan, Camarines Sur; at isang nakatakas na kinilala ng pulisya na si Col. Rey Liwag na syang umanong tumatayong lider ng grupo.

Ayon sa report ni Pol. Col Danilo Mendoza, Chief of Police ng Binan City Police Station, lulan ng isang puting Urvan van na may plate no.TQH 836 ang anim na armadong kalalakihan at umiikot at may dalang mga baril malapit sa

Pagkakaisa Elementary School, Brgy. San Antonio, Binan City Laguna.

Agad dinampot ng grupo ni Police Maj. Henry Gonzalo, ng Binan Police at 10 Police officer ang mga kalalakihan.
Iniharap ang mga suspek kay Calabarzon Pol. Brig. Gen. Edward Esperat Carranza kasama ang mga de kalibreng matataas na uri ng baril na nasamsam sa mga ito.

Patuloy na iniimbestigahan ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag ng Violation of RA 10591 o mas kilalang Illegal Possession of Firearms and ammunition in relation to CR 10429 Omnibus Election Code.

 

Please follow and like us:
Read More

SHARON MASAMA ANG LOOB SA NANG-IWAN SA KAPATID

sharon12

(NI GORGY RULA)

MALUNGKOT si Sharon Cuneta nang mag-guest ito sa radio program na Level Up Showbiz Saturdate dahil a night before nawindang siya sa malaking twist ng political career ng kapatid niyang si Chet Cuneta na tumatakbong  alkalde ng Pasay.

Doon sa miting de avance na dinaluhan niya nalamang iniwan na pala ang kuya niya ng running mate ito pati ang ilang konsehal.

Masamang-masama ang loob ni Sharon dahil ang taas pa naman daw ng respeto niya sa mga kapartido ng kuya niya lalo na itong kanyang running mate.

“I remember when I first met him kuya was so proud. That’s what makes me bleed, kasi my brother was so proud to say na ‘yung anak niyan sa konseho parang merong pinapirma na ano hindi niya pinirmahan kasi mali parang ganyan.’

So I was so believed sa kanila.

“Sa halagang ilang milyon, binili siya nung kalaban na hindi yung incumbent. Another kalaban.
“Ang natirang limang magigiting na lalaking hindi nila nabili kasama ng kuya ko,” pahayag ni Sharon na pinigilan lang ang sobrang galit.
“Ito naman ang interpretasyon after my outburst.
“Ang kuya ko parang awang-awa ako na cool na cool na parang…no, ang turo sa atin ng Daddy at Mommy when you’re in the right never be afraid to make a stand. Kaya palaban.
“Pag tama ka ba’t ka matatakot kasi sila ang mali. Kaya gusto kong puntahan kuya kasi gusto ipamumukha sa kanya.
“Sana hindi ako mabait para mapapalampas ko lahat. Pero pag mabait ka at nagtiwala ka sa tao at na bilib ako na feeling ko wow, lalabanan ang korapsyon at hindi magpapaapekto.
“Eh ang halaga pala ng pangalan niya at saka ng karangalan at ng pagkatao niya, kulang pa sa isang suweldo ko sa isang ano,” dagdag na pahayag ng megastar.

Kaya isa raw ito sa mga di magandang dahilan kung bakit ayaw niya talagang pasukin ang pulitika.
“Wala akong sikmura para sa pulitika dahil sa mga taong ganyan,” pakli ni Sharon.

Pero noon pa man ay  talagang naturuan daw sila ng Mommy at Daddy nilang maging malapit sa mga tao, lalo na sa mga maliliit.

“Eversince bata kami ang tao ang kaibigan, hindi sa husga kundi pinipili mo according to the quality ng puso, ng pagkatao hindi ng estado sa buhay.

“Marami akong kilalang mayaman na kaya yumaman dahil marunong mambola, yung ganun,” saad pa ng bida ng Kuwaresma.

Isa yan sa mga dahilan kung bakit malungkot talaga siya. Kung puwede lang daw na umalis siya, gagawin niya para makapagpahinga. Pero kasagsagan pa ng promo ng Kuwaresma na magsu-showing na bukas.
Hindi niya napigilang maiyak sa radio program ni Noel dahil sa ganitong panahon doon daw niya naaalala ang Daddy at Mommy niya.

Sobrang na-miss daw niya yung buo ang pamilya niyang nasa Dasmarinas Village pa sila.
“From all angles I’m going hit, except my work. My work is very good. But I’m going through so much, their betrayals left and right, my kuya lang, ang dami kong pasan, I’m so tired,” malungkot niyang pahayag.

“Yung ano ko ‘Lord, kelan yung ako naman?
“Puwede namang umupo lang ako, gusto ko lang maramdaman yung ganito. Gusto ko lang maramdaman yung ganun, hindi yung lahat iniintindi mo. Deka-dekada na.
“Dati kasi wala akong problema, isang tawag ko lang sa Daddy eh,” sabi pa ni Sharon.
Bumigay na ito at umiiyak na niyang sinasabing na-miss niya ang kabataan niyang siya ang little princess ng Daddy at Mommy niya.

“I like being bunso. I’m so tired.
“I miss my Mom and Dad. I miss my childhood. I miss Dasma. I miss my house, I miss my life.
“I still see my…you know going quietly near a dragonfly who would land by the pool and holding it and then letting it go with my brother, and swimming and having my Dad and Mom watched us from their window.
“I miss my bedroom. I miss my life as a little princess.
“I miss being a daughter,” lumuluha na niyang pahayag.
“Alam nyo, na-master ko na yung ano…siguro sa tagal ko sa showbiz na wala namang kinalaman yung audience kung ano ang dinadala mo. Na-master ko na yung  ngingiti ka kahit wala kang nararamdaman.
“Marami akong pinagdadaanan,” dagdag na pahayag ng megastar.

Please follow and like us:
Read More

SAMU’T SARI SA HALALAN 2019 SA METRO MANILA

ELEKSYON 2019

MARAMING botante ang nag-abang sa kanilang mga kandidato na maagang magtungo sa mga presinto upang bumoto subalit karamihan ay halos tanghali na nagsidating.

Maagang dumating  si Mayoralty Candidate Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manuel L. Quezon Elementary School sa Tondo Manila para bumoto. Ipinakita ng dating bise-alkalde sa kanyang mga taga suporta ang kanyang kagustuhan na manalo.

Samantala, bandang Bandang alas 11:15 bago magtanghali nang dumating si Estrada sa P.Burgos Elem. School at agad na bumoto sa precint number 2591-B na sakop ng Barangay 571, Altura St., Sta.Mesa.

Hindi alintana ng alkalde ang sobrang init sa loob ng kanyang presinto lalo pa’t dinumog ng media na nagkokober ang kanyang pagboto.

Si dating Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na tumatakbong kongresista sa unang distrito ng Taguig ay bumoto bandang 10:30 am sa Cipriano P. Santa Teresa Elementary School, sa Barangay Bagumbayan at sinamahan ito ng kanyang asawang si Taguig City Mayor Lani, tumatakbong kongresista sa ikalawang distrito.

Bukod kay Alan Peter at misis nitong si Lani, tumakbong senador ang kapatid nitong si Pia, samantalang si Lino ay sa pagka-alkalde sa nabanggit na lungsod.

Iginiit ni Cayetano na ang pagtakbo nilang mag-asawa ay malinaw na serbisyo publiko.

Sa Paranaque City, bandang 1:30 ng hapon bumoto si incumbent Mayor City Edwin Olivarez sa Paranaque High School sa Barangay San Dionisio habang ang kanyang katunggali na si dating Mayor Florencio Bernabe ay bumoto sa Tahanan Village Multi Purpose  Hall , sa BF Homes alas-10 ng umaga pa lang.

Si Pasay City Mayor Antonio “Tony” Calixto, tumatakbong kongresista,  ay bumoto naman sa Andres Bonifacio Elementary School habang ang kanyang kapatid na si Pasay City Congresswoman Imelda “Emee” Calixto-Rubiano ay tumatakbo naman sa pagka-alkalde ay bumoto rin.

Sa presinto naman sa Villa Carolina Subd., sa Barangay TUnasan bumoto si Muntinlupa incumbent Mayor Jaime Fresnedi.

Sa San Juan City,  dakong 7:40 a.m. nang magkasamang nagtungo sina San Juan City Mayoral Candidate Francis Zamora at reelectionist San Juan Congressman Ronaldo Zamora upang bumoto sa Xavier School, kasama ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Magkasama rin namang bumoto ang mag-amang si dating Sen. Jinggoy Estrada at incumbent vice mayor at mayoralty candidate Janella Estrada sa Xavier School dakong 11:25 ng umaga.

Ang mag-inang sina reelectionist Sen. JV Ejercito, at outgoing San Juan Mayor Guia Gomez, ay sa naturang paaralan rin bumoto kahapon ng umaga. Subalit hindi sila magkasabay bumoto.

Sa kabila naman ng pagdiskwalipika sa kanya ng  ikalawang dibisyon ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa isyu ng citizenship, maaga ring bumoto si Edu Manzano, kandidato sa pagka-Kongresista sa lungsod, na kalaban ng nakatatandang Zamora.

Maging ang mag-inang sina reelectionist Sen. Grace Poe at Susan Roces, ay maaga ring bumoto sa San Juan.

Sa Pasig City, si  Mayoralty Candidate Vico Sotto ay dumating dakong alas-8:43 ng umaga kasama ang kanyang inang si Connie Reyes.

Ang kanya namang katunggali sa eleksyon na si reelectionist Pasig City Mayor Bobby Eusebio ay nakaboto rin naman kaagad sa Rosario Elementary School.

Samantala, nakaboto na rin naman sina  incumbent at reelectionists Mandaluyong City Mayor Menchi Abalos at Marikina City Mayor Marcy Teodoro, na halos nakakatiyak na ng panalo dahil wala naman silang mahigpit na kalaban sa eleksyon.

Please follow and like us:
Read More

46 NARCO POLITICIANS, POLITIKONG KORAP AT POLITICAL DYNASTY

BAKBAKAN NATIN

ANG 46 narco politicians, mga politikong korap at mga pamilyang nagtayo ng political dynasty ang tatlo sa mga resulta ng eleksyon na dapat antabayanan nating lahat.

Napakahalagang mabantayan ang resulta ng halalan upang malaman kung ang mga politikong korap, partikular ang tukoy at bantog na bantog na larangan ng katiwalian at korapsyon, mga pamilyang nagtayo ng political dynasty at mga politikong inakusahang sangkot sa iligal na droga, sapagkat dito natin malalaman kung anong klaseng mga tao ang gusto ng mamamayang Pilipino na maging opisyal at pinuno ng ating bansa sa susunod na tatlong taon (para sa mga pamahalaang lokal) at anim na taon (naman para sa 12 senador).

Kapag nanalo ang 46 narco politicians o kahit ilan sa kanila, mga kilala at tukoy na corrupt politicians, partikular sa Kongreso at mga politikong napakatagal nang nagtanim at naglatag ng political dynasty, ay huwag tayong magreklamo, sapagkat kasalanan natin kung bakit sila nagwagi sa halalan ngayong 2019.

Kung totoong sukatan ng pagsulong at pag-angat ng ekonomiya ng isang bansa ang gorss domestic product (GDP), walang dudang maunlad at angat ang ekonomiya ng Pilipinas, sapagkat pumapalo ang GDP ng bansa sa mahigit anim na porsiyento nitong mga nakalipas na taon.

Maaari ring maging pamantayan ang nagkalat na mga condominium, mall at napakaraming pribadong sasakyan.

Ngunit, umikot tayo sa mga gilid at sulok ng bansa mula Luzon hanggang Mindanao upang makita nating lahat ang napakaraming mahihirap na mga Pilipino.

Pinatunayan at pinagtibay pa ito ng mga malayang pag-aaral ng iba’t ibang pangkat ng mga mananasaliksik.

Kahit nga ang mga sinasabing mauunlad at nakaaangat na mga lungsod tulad ng Makati, Quezon City, Taguig, Muntinlupa, Cebu at iba, ngunit sinlapad ng Pacific Ocean ang lawak ng pamayanan ng mga mahihirap na mamamayan.

Napakaraming politiko, kabilang na iyong pasok sa iligal na droga, mga korap at mga politikong bahagi ng political dynasties ay nangako sa mga botante ng pag-angat ng kanilang buhay mula sa kahirapan, trabaho, pagtaas ng sahod at napakarami pang iba.

Mga pangakong palaging binabanggit ng mga politiko tuwing eleksyon, ngunit karamihan, kundi man lahat, ay hindi naganap.

Halimbawa, hindi malaki ang itinaas ng sahod ng mga manggagawa nitong nakalipas na tatlong taon, sapagkat P10 hanggang P25 lamang ang pinayagan ng mga Regional Wage and Productivity Boards (RWPBs) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Hindi rin tumaas ang sahod ng mga guro, mga nars at maraming iba pa.

Napakaraming Pilipino rin ang hindi nagkaroon ng trabaho, sapagkat napakanipis ng bilang ng trabahong kayang ibigay ng pamahalaan at ng mga pribadong kompanya.

Napakarami ring hindi naging regular sa kanilang trabaho, kabilang na iyong mga nagtatrabaho sa iba’t ibang ahensiya ng pambansang pamahalaan hanggang sa mga pamahalaang lokal.

Naganap ang lahat ng kapalpakan at suliraning iyan sa panahong ang mga nakaupo sa nakalipas na taon ay ang mga politikong ilang ulit nang nakapuwesto sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

Iyong iba sa kanila ay nagbabalik uli upang magkaroon lamang ng posisyon sa pamahalaan at ipagpatuloy ang pagyaman ng kani-kanilang pamilya.

Totoong mayroong mga bagong kandidato, ngunit mahirap sumugal sa kanila, sapagkat wala pa silang napapatunayan sa larangan ng paglilingkod sa bayan.

Kapag nanalo ang narco politicians, mga korap na politiko at mga politikong mayroong political dynasty ay huwag kayong magrereklamo at magagalit sa kanila, sapagkat kayo ang bumoto sa kanila. (BAKBAKAN NATIN / Nelson Badilla)

Please follow and like us:
Read More

ANG OUR LADY OF FATIMA AT ANG HALALAN 2019

GO FOR GOLD final

Ongoing pa rin ang botohan habang sinusulat ko ito.

Kayo naman, habang binabasa niyo ito, tapos na ang halalan at maaaring meron nang resulta ang front runners sa Senado.

Alam naman natin na ang midterm elections ay sandata ng mamamayan para hatulan ang nakaupong administrasyon, kahit sino pa man ito.

Kung satisfied ang Pinoy sa kasalukuyang pamamalakad … ang mga kandidato ng Malakanyang ang mamamayagpag. At kung hindi … mas marami namang oposisyon ang maluluklok sa Senado.

So ano kaya ang hatol?

Credible naman kaya? Sa awa ng Diyos, sana naman. Para sa ikabubuti ng ating Inang Bayan, sana naman. Para sa ating mga kapwa Pilipino … dapat naman!

Ngunit nakakatayo ng balahibo at nakakakabog ng dibdib ang 1-2-3 punch ng Comelec last week: ang pagkakatanggal ng papel sa eleksyon ng Namfrel, ang desisyon na NP ang minority party na siyang entitled sa poll watchers at kopya ng election returns, at ang corrupted disks ng counting machines.

Parang twilight zone ang feeling. Parang dark ages ng Marcos years ang peg!

Sa resulta, malalaman natin kung tayo’y patuloy na pinarurusahan ng Mahal na Ama, o kung tayo ay tuluyan na niyang pinatawad.

Hindi kasi basta coincidence na ang araw ng eleksyon na May 13 ang siya ring araw ng Kapistahan ng Our Lady of Fatima.

Marami sa nananampalataya ang nabuhayan ng loob at nagkaroon ng pag-asa. Tiyak sila na may mirakulong magaganap sa araw ng eleksyon. Mag dilang anghel nga sana sila.

Ang mensahe kasi ng Fatima ay tungkol sa kapayapaan o world peace. Kaya umaasa ang mga deboto na iiral na muli ang katahimikan at kaayusan sa ating bansa.

Ngunit, ang Fatima rin ay kilala para sa panawagan ng Mahal na Ina na prayers, conversion, penance. Ang tanong … sumagot o tumalima ba tayo sa mahalagang panawagan na ito?

Dumami ba ang nagdasal para sa divine intervention? Dumami ba ang bilang ng mga nagbalik-loob sa Diyos? Marami ba sa atin ang nagsakripisyo at humingi ng kapatawaran dahil sa kasalanan ng ating bansa sa Panginoon?

Aber, eh kung wala naman palang malaking bilang ng mga kababayan natin ang nagsisi at nagbago … eh walang mirakulo na magaganap sa halalang ito.

Mananaig pa rin ang evil forces. Patuloy pa rin ang ating dinaranas na chastisement hanggat hindi tapat at sapat ang reparation na ating inaalay para sa ating mga kasalanan bilang isang bayan.

At kapag ganito nga ang senaryo sa mga darating na araw … I fear for my children.

But, who knows? Sabi nga nila, may oportunidad sa bawat krisis.

Kapag siguro maranasan ng mga milenyal ang hirap at pasakit ng mga Marcos years, baka naman dadami na ang bilang ng mga tutugon sa panawagan ng Our Lady of Fatima?!

Then and only then magaganap ang divine intervention na ating inaasam.

Gaano katagal? Nasa sa atin na yon.

Sinabi ko naman sa inyo nuon pa man – spiritual ang labang ito, kaya’t spiritual din ang solusyon. (GO FOR GOLD / Paul Sison)

Please follow and like us:
Read More

ADMIN CANDIDATES NAKAUNGOS AGAD SA BILANGAN

wi9nners123

(NI BERNARD TAGUINOD)

TULAD ng mga lumabas sa mga survey, dinodomina ng mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 12 bakanteng upuan sa Senado matapos manguna ang mga ito sa partial at unofficial result ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Sa unang bugso ng canvassing of votes ng PPCRV, nanguna si Sen. Cynthia Villar sa botong 93,660 votes na sinundan ni Sen. Grace Poe sa 83,250 at ikatlo si Bong Go na nakakuha ng 73,786.

Sumunod ang nagbabalik Senado na si Taguig-Pateros Rep. Pia Cayetano na may botong 72,105 at dating Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa botong 67,102 boto na nakuha.

Nasa ika-6 ang Sen. Sonny Angara na nakakuha ng botong 65,918 boto at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na mayroong 65,816 boto habang si dating Sen. Lito Lapid ang ika-8 sa botong 65, 763.

Pumasok sa ika-9 na puwesto si Francis Tolentino na may botong 56,274 votes; Nancy Binay sa ika-10 puwesto na nakakuha ng 55,616 votes; dating Sen. Ramon “Bong” Revilla na may 53, 528 votes; ika-12 si Sen. JV Ejercito na may 52,097 votes.

Naka-13 puwesto naman ang Otso Diretso candidate na si Sen. Bam Aquino sa botong 51,605 votes sumunod si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel sa botong 51,017 botong nakuha, ika-15 si dating Sen. Jinggoy Estrada sa botong 43,508 boto na nakuha at dating Sen. Mar Roxas sa ika-16 puwesto sa nakuha nitong 36,004 boto.

Sa top-16 na nangunguna sa bilangan, tanging sina Poe, Lapid , Aquino, Roxas, Binay ang hindi kandidato ni Pangulong Duterte

Please follow and like us:
Read More