PINAY BOXER PANALO SA LADY BOXER NG JAPAN

LADYBOX12

(NI ARIEL BORLONGAN)

UMISKOR si Filipina light flyweight boxer Renz Dacquel ng 4-round unanimous decision laban sa Haponesang si Nanako Zusuki Linggo ng gabi sa Hong Kong Convention Center sa Wanchai.

“The taller, more effective, more aggressive Renz Dacquel moved well around the ring, landing repeatedly with hooks and straight rights over the strong Nanako, rocking the Nippon warrior down to the black canvas during the rough action of round one,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

“Big-heart Nanako Suzuki, wearing white and pink, got up on her feet to keep on fighting Renz until the sound of the final bell, though it was clear that the slim Filipina was the superior boxer,” dagdag sa ulat.

Matapos ang apat na round, umiskor ang mga hurado ng 39-36, lahat ay pabor sa 21-anyos na tubong Abra Province na si Dacquel.

Napaganda ni Dacquel ang kanyang rekord sa 2 panalo, 1 talo na may 1 pagwawagi sa knockout samantalang bumagsak ang kartada ni Suzuki sa 3 panalo, 2 talo na may 1 pagwawagi sa knockouts.

 

Please follow and like us:
Read More

KAYA LAGING SARIWA, SUNSHINE, RELAX-RELAX LANG

SUNSHINE123

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

SINASABI ni Sunshine Cruz, mas masaya nga raw siya na hindi siya involved sa anumang political campaigns sa nakaraang elections.  Alam naman niya kung gaano kahirap ang kampanya dahil naranasan naman niya iyan in the past.

Noong una, ang akala nila ay magiging busy nga siya sa kampanya sa Quezon City dahil ang erpat ng kanyang boyfriend na si Macky ay kandidato rin para mayor, pero sabi nga ni Sunshine, “mukhang hindi naman siya naghahabol na manalo talaga. Gusto lang niya para hindi naman makalimutan ng mga tao iyong pangalan nila. Siguro he has other plans in the future,” sabi pa ni Sunshine.

“Kahit kailan naman magulo basta involved ka sa campaign, at saka nakakapagod talaga. Iniiwasan ko rin ang samaan ng loob. Kasi may mga kaibigan ka, na ang kalaban mga kaibigan mo rin. Pareho hihingi ng tulong sa iyo eh kanino ka?

Kaya sinasabi ko na lang, ang dami kong trabaho, hindi ako talaga maaaring asahan sa kampanya, which in a way is totoo rin naman. At saka kung sasama pa ako sa ganyan, mababawasan pa ang time ko para sa mga anak ko,” sabi pa ni Sunshine.

Kaya noong election daw, habang ang iba ay tensiyonado, si Sunshine ay relax-relax lang na maganda naman para sa kanya. Sa totoo lang kailangan niya ang pahinga, dahil iyon ang dahilan kung papaano niya name-maintain ang hitsura niya.

Tingnan nga ninyo si Sunshine, iyong hitsura niya ngayon mas maganda pa kaysa sa hitsura niya twenty years ago. Eh kasi naman noon marami siyang kunsumisyon. Eh ngayong wala na siyang iniisip na anumang kunsumisyon, mas beauty siya.

Hindi kagaya ng iba, na bata pa, losyang na.

Natawa kami doon sa isang nabasa namin, marami raw ang nagulat sa Mexican star na si Thalia, kasi sinasabi nila, kahit na 47 years old na siya ay mukha pa rin daw siyang bata. Si Thalia iyong original na Marimar na naging big star din sa Pilipinas.

Pero natatandaan namin, noong unang dumating sa Pilipinas si Thalia, medyo may edad na ang kanyang hitsura. Hindi na siya kasing ganda noong panahon ng Marimar, kaya nga marami ang nadismaya at ang mga sumunod niyang serye hindi na rin kasing lakas ng Marimar.

Ilang beses bang bumalik iyang si Thalia sa Pilipinas? Ang tanda namin ay dalawa. Nag-concert pa iyan dito eh, na hindi naman naging hit dahil hindi maintindihan ang kanyang mga kanta na puro Mexican ang lyrics.

     SIKAT NA MALE STAR DAPAT AY ACTION STAR

Ang sinasabi nila, ang dapat daw ay gawing action star na lang ang isang sikat na male star, at ang una niyang action pic ay dapat na tawaging “Alyas Boy Bukol”. Huwag na ninyong itanong sa amin kung bakit, pero naroroon ang mga pictures niya na nagpapaliwanag kung bakit ganoon ang title.

Sinasabi nga nila, may mga artistang lalaki na malakas ang sex appeal talaga kaya nagiging pantasya ng mga babae, maging babae mang tao o kabayo. Tama ba Tito KC?

 

Please follow and like us:
Read More

POLL CASUALTIES: 20 PATAY, 24 SUGATAN — PNP

PNP BLOOD

(NI FRANCIS SORIANO)

UMAABOT na sa 20 ang patay habang 24 iba pa ang sugatan sa naitalang election related violence ng Philippine National Police (PNP)  sa pagtatapos ng May 13 midtern elections.

Ayon kay PNP spokesperson, Police Colonel Bernard Banac, ang nasabing bilang ay mula January 13 hanggang May 11 umpisa ng kampanyahan.

Dagdag pa Banac, mas mababa ito kumpara sa nakaraang halalan base sa talaan ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC). Lumobo rin anya ang bilang ng vote buying sa bansa makaraang makapagtala ng mahigit 100 katao ang nadakip sa vote buying habang mahigit 186  naman ang naaresto sa liquor ban.

“Number has been increased by the PNP to respond to numerous complaints from the public on vote buying/selling. We urge the public to help document suspected violations, preserve the evidence, and inform authorities of the incident right away,” ayon kay Banac.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS PATAY SA ATAKE HABANG NASA POLLING CENTER

BATANGAS CITY12

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang isang pulis nang atakihin sa puso habang nasa kalagitnaan ng pagbabantay sa polling center sa Batangas City, umaga ng Lunes.

Hindi na umabot nang buhay sa Jesus of Nazareth Hospital si Police Staff Sergeant Ramil Dagle, 26, nakatalaga sa Batangas City Police Station (BCPS) at isa sa mga pulis na idineploy para mangalaga ng seguridad sa mga bumoboto sa Soro-Soro Karsada Elementary School sa Barangay Soro-Soro Karsada.

Ayon kay Police Major Arnold Bianzon, deputy chief of police ng Batangas, una umano siyang tinawagan ni Dagle sa telepono pasado alas 8:00 ng umaga at nagpaalam na uuwi muna saglit dahil sa hirap itong makahinga.

Nang makarating sa bahay ay dito na inatake sa puso si Dagle at tuluyang bumagsak sa sahig.

Please follow and like us:
Read More

VICE MAYORALTY CANDIDATE, ARMAS HULI  SA CHECKPOINT

zamboanga del norte

(NI NICK ECHEVARRIA)

KULONG ang  tumatakbong bise-alkalde na isang retiradong police major at kasama nito makaraang masabat sa isang Comelec checkpoint, Lunes ng madaling araw sa Zamboanga del Norte.

Sa report ni P/BGen. Emmanuel Licup, Director ng Police Regional Office (PRO) 9, kinalala ang mga nadakip na sina retired Police Major Sergio Bihag, 57, kandidatong vice mayor sa bayan ng Salug sa nasabing lalawigan at kasama nitong si Jetro Ybanes, 38.

Nakumpiska sa mga nadakip ang isang kalibre .38 baril, isang Thompson submachine gun at mga bala.

Ayon sa tagapagsalita ng PRO 9 na si Police Major Helen Galvez, nasabat ang dalawa bandang alas-2:45 sa Barangay Pucay ng nasabing bayan sakay ng isang itim na Hilux na may conduction sticker na VZ 5600.

Katwiran naman ng mga suspek, gamit lamang nila ang mga nakumpiskang armas at bala para sa kanilang seguridad dahil sa mga banta sa  kanilang buhay lalo na sa vice mayoralty candidate.

Hindi naman umubra sa mga awtoridad ang alibi ng dalawa at dinala ang mga ito kasama ang mga  nakuhang ebidensya sa Salug Municipal Police Station (MPS) at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comelec gun ban.

Please follow and like us:
Read More

ERAP, LIM, ISKO BUMOTO; VCM PUMALYA SA ARAULLO HS

maynila12

 

(NI JULIE DUIGAN)

NAGKAABERYA  ang  voters registration verification machine sa Araullo High School, sa panimula ng botohan Lunes ng umaga sa panulukan ng United Nations Avenue at  Taft Avenue,sa Ermita Manila.

Ayon kay  board of election inspectors na si Antipas Masalunga, nagkaproblema sandali ang RVM , dahil bumagal ang pitong machine pero  nalutas na rin matapos na mag manual na lamang at hindi na gumamit ng voters registrarion verification machine.

Ang Araullo High School ay sumasaklaw sa mahigit na 10,000 botante, 12 barangay, 17 polling precinct, 17 clustered precincts at sila ay may 17 VCMs.

Nagsimula ang pagboto alas-6:00 ng umaga at matatapos alas-6:00 ng gabi.

Sa entrada ng eskuwelahan ay maraming namimigay ng mga polyetos ng mga kandidato, puno rin ng mga vendor ang harap ng school.

Sa kabila naman ng daragsaang bilang ng mga botante, nananatiling mapayapa at tahimik ang paligid, ayon sa team ng Manila Police na naka-deploy dito.

Dahil naman sa init ng panahon,  mayroon na ring sinumpong ng asthma, may tumaas ang blood pressure at may iba pang nakatatanda na pinagpahinga muna sa booth ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

 

MAYORAL BETS BUMOTO

Kaugnay nito, naunang bumoto si Alfredo Lim , at halos kasabay si Isko Moreno , habang bandang umaga rin, nang makaboto si Manila Mayor Joseph Estrada sa magkakahiwalay na lugar sa Manila.

Nabatid  na bumoto ng bandang  alas- 7:30 ng umaga si dating Manila Vice Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa Manuel L. Quezon Elementary  School sa  Perlas St. sa Tondo, at bandang 8:00 naman ng makaboto sa  Rosauro Almario  Elementary School sa  Kagitingan St. Tondo si Alfredo Lim.

Naging asiwa naman sa kanyang pagboto si Lim at lumipat ng upuan dahil nakatutok sa kanyang balota ang camera at nakikita ang kanyang mga iboboto.

Habang si Manila Joseph  Estrada ay bumoto ng bandang 10:30 ng umaga sa  P. Burgos Elementary School sa Altura St. Sta.Mesa .

Si Erap ay nakasuot ng “all white” at nang tanungin ng mga mamahayag kung bakit  nakasuot siya ng puti, sinabi nito na nais umano nitong magkaroon ng  malinis na halalan.

 

Please follow and like us:
Read More

JOEM BALAK NANG PAKASALAN ANG LONG-TIME GF

joem12

(NI BOY ABUNDA)

MASAYANG-MASAYA si Joem Bascon sa relasyon nila ni Crisha Uy. Ayon sa aktor ay maraming mga bagay ang magkasama nilang ginagawa ng dalaga kaya umabot na ng walong taon ang kanilang relasyon.

“Siyempre may kanya-kanyang sikreto ‘yung mga couples. I think dahil adventurous kaming dalawa. We try different things na magkasama. We do stuff together. Hindi ko alam kung magiging bonus na lang sa akin ‘yung lagi akong may work. Lagi din siyang may work. So parang ‘pag nagsasama kami, talagang sobrang miss namin ‘yung isa’t isa. So hindi kami ‘yung nagkakasawaan. Kasi usually ‘pag everyday we have responsibilities and things to do kaya ‘pag nagsasama kami, magkukulitan na kami,” pagbabahagi ni Joem.

Sa ngayon ay nag-iipon na ang aktor upang makapag-propose na ng kasal sa kasintahan. “Pwede na kaming magpakasal, nag-iipon na, konti na lang. I’m hoping sa lahat ng mga films na ginagawa ko ay makaipon ako. Hindi ko pa masasabi kung may grand proposal, basta may proposal. Hindi ko lang alam kung paano ko gagawin,” natatawang pahayag ng binata.

Sobrang nagsusumikap si Joem upang makahanap ng mga bagong trabaho. Kapag may nababalitaang bagong proyekto ay talagang nag-o-audition ang aktor kapag mayroong nababagay na role sa kanya. “I still audition. I go to look test. I go to auditions. Every time naman I’m very blessed with work and I’m just happy na kinukuha nila ako palagi. Baka dahil kaya ko mag-change ng character from time to time and flexible kasi ‘yung schedule ko. Kasi siyempre kahit makuha ka nila pero hindi flexible ‘yung schedule mo, hindi mo rin talaga magagawa,” paglalahad ng aktor. -Reports from JCC-  

 

Please follow and like us:
Read More

BGY OFFICIAL BINARIL MATAPOS BUMOTO

GUN FIRE-2

CLARIN, Misamis Occidental – Binaril at sugatan ang isang opisyal ng barangay ng hindi pa kilalang gunman ilang minuto matapos itong bumoto, Lunes ng umaga.

Ayon sa Clarin Municipal Police, pauwi na ang biktimang si Barangay Poblacion Uno Kagawad Ric Isidro Moreno matapos bumoto sa Antero Uy Elementary School alas-8:00 ng umaga nang barilin ng lalaking naka-helmet.

Tumakas ang gunman matapos ang insidente sakay ng isang motorsiklo.

Ayon sa anak ng biktima, posibleng may kinalaman sa politika ang pamamaril lalo na’t maimpluwensiya sa mga botante ang biktima na nagsilbi rin ng tatlong termino bilang punong barangay sa lugar.

May mga suspect na umano sa pamamaril ngunit hindi muna binanggit ng kapulisan para sa gagawing followup.

Ang asawa rin ng biktima ang kasalukuyang punong barangay sa lugar.

 

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NG SEKRETARYA NG ALKALDE SINABITAN NG GRANADA

isabela12

NAGULANTANG ang kaanak at residente nang makita ang isang granadang nakasampay sa gate ng bahay ng sekretarya ng alkalde sa San Jose Norte 2, Mallig, Isabela, Lunes ng umaga.

Bandang alas-5:45 ng umaga nang makita ang nakasampay na granada sa gate ni Diosdado Granado, 57-anyos, private secretary ng alkalde at residente ng  Barangay San Jose Norte 2.

Dahil dito, agad tinungo ng mga tauhan ng 5th Infantry Division, kasama ang kanilang bomb expert, upang kunin at kontrolin ang granada.

Hindi pa batid kung sino ang naglagay ng granada sa gate at wala ring saksi na makapagbibigay ng karagdagang impormasyon sa kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

6 SUGATAN SA BARILAN HABANG BUMOBOTO SA SULU

crime100

(Ni NELSON S. BADILLA)

ANIM na tauhan ng magkalabang kandidato sa pagka-alkalde sa Panglima Estino, Sulu ang nasugatan nang magkabarilan habang bumoboto, Lunes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga sugatan na sina Asiri Sajaani, 65, Ibno Sahipa, 64, Barree Abih, 46, Ommal Hasan, 57, Nadzra Munib, 41, at isang alyas “Aduwin.”

Ayon sa tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WesMinCom) ng Philippine Army (PA) na si Colonel Gerry Besana, nagkaroon ng ‘armed confrontation’ ang mga tauhan ng dalawang kandidato sa pagkaalkalde ng nasabing bayan kung saan anim sa kanila ang sugatan.

Ani Besana, alas-6:35 ng umaga nang maganap ang insidente o mahigit kalahating oras mula nang magsimula ang pagboto ng mga botante sa nasabing bayan.

Aniya, natigil lamang ang barilan nang dumating ang tropa ng mga sundalo.

Itinakbo sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatan.

 

Please follow and like us:
Read More

36 VCM SA MAGUINDANAO SIRA; MANO-MANONG BILANGAN INIUTOS

maguindanao12

 

 

(NI NICK ECHEVARRIA)

MANO-MANO ngayon ang ginagawang botohan sa ilang mga presinto sa  Pagalungan, Maguindanao makaraang mag-malfunction ang 36 na mga Voter Registration Verification Machines (VRVMs).

Ayon sa election officer na si  Tahir Abo , nauna nang tinesting ang nasabing mga machines bago ang eleksiyon at maayos namang gumana subalit nag-bog-down sa mismong araw ng halalan, maging ang mga back-up nito.

Dahil sa mga naranasang problema, agad iniutos ni Abo sa mga personnel ng bawat precinct-level ang manual voting.

Parehong problema rin ang naranasan sa iba’t-ibang mga presinto sa Cotabato City, partikular sa L. S. Sebastian Elementary School, Rojas National High School, P.C. Hill Elementary School at Vilo Elementary School. Sinisikap naman ng mga technicians ng Commission on Elections (Comelec) na agad maisaayos ang naturang mga makina.

Please follow and like us:
Read More

OPISYAL NG PHIL. NAVY PATAY SA AMBUSH

GUN FIRE-3

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang Navy Commander matapos tambangan ng riding in tandem sa Zamboanga City, Linggo ng gabi.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni P/BGen. Emmanuel Luis Licup, Director ng Zamboanga Peninsula Police Regional Office (PRO) 9, nakilala ang biktima na si Commander (Lt. Col.) Nestor Tenoro Yapit, 53,  ng Sangley Point, Cavite City at nakatalaga bilang Provost Marshal sa Western Mindanao Command.

Naganap ang isindente bandang 7:51  sa kahabaan ng Veterans Road, malapit sa Exit  Zamboanga City Medical Center kung saan pinagbabaril ng dalawang riding in tandem suspects ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib. Idineklara ang biktima na dead on arrival sa nabanggit na hospital.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas- 7:30 ng gabi nang lumabas sa naturang kalye ang biktima kasama ang isang Roselyn Omar at habang papasakay ito sa kanyang Mazda service nang ratratin ng mga suspek.

Mabilis namang tumakas ang mga hindi pa nakikilalang salarin matapos ang krimen na kasalukuyan ngayong iniimbestigahan ng Zamboanga City Police Station 11.

Please follow and like us:
Read More

MAYORALTY CANDIDATE ARESTADO SA RAMBOL SA ABRA

abra12

(NI NELSON S. BADILLA)

INIMBITAHAN ng pulisya ng Bangued, Abra ang isang kandidato sa pagkaalkalde na si Ryan Luna at mga tauhan ng kanyang kampo at mga tagasuporta ni Mayor Dominic Valera makaraang pumutok ang rambol sa magkalabang grupo habang nagaganap ang halalan sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat na ipinarating sa pulisya, sinuntok ni Luna ang isang tagasuporta ni Valera na nauwi sa suntukan at batuhan ang mga tauhan at tagasuporta ng dalawang kampo.

Tahasang itinanggi ni Luna ang paratang.

Aniya, sinita lang niya ang isang opisyal ng barangay sa ginagawa nitong labag sa Omnibus Election Code.

Hindi malinaw sa ulat kung ano ang eksaktong isyung pinag-ugatan ng rambol.

Ayon sa pulisya, hindi nagtagal ang rambol dahil agad silang inimbitahan sa himpilan ng pulisya, kabilang na si Luna, upang ayusin ang sigalot at huwag nang maulit ang rambol.

Please follow and like us:
Read More

2 PAGSABOG SA COTABATO

cotabato12

(NI NICK ECHEVARRIA)

BAGO magsimula ang eleksyon, dalawang pagsabog ang gumulantang sa mga residente ng Cotabato City, Linggo ng gabi.

Bandang alas-10:00 nang makarinig ang mga pulis na nagbabantay sa Bagong City Hall ng pagsabog mula sa Purok Omar, Malagapas na agad nilang tinungo kasama ang iba pang units ng PNP.

Nabatid sa ulat ni  Cotatabo City Police Station 2 Deputy Commander  P/Lt. Teofisto Ferrer Jr. na dalawang bala ng M203 grenade launcher ang magkasunod na pinasabog.

Matatandaan na ang Cotabato City ay isa sa  mga lugar sa bansa na isinailalim sa Comelec control dahil sa mainit na banggaan ng dalawang tumatakbo sa pagka-alkalde sa pagitan nina Cytnhia Guiani at Bai Sandra Sema.

Wala namang iniulat na nasaktan sa naturang pagsabog habang patuloy na nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad kung sino ang nasa likod at motibo sa ginawang pagpapasabog at kung may kinalaman ito sa halalan.

Please follow and like us:
Read More

PACQUIAO vs THURMAN BOUT, TULOY!

pacman12

(NI ARIEL BORLONGAN)

SA Hulyo ngayong taon na magaganap ang unification bout nina WBA “regular” welterweight champion Manny Pacquiao ng Pilipinas at walang talong si WBA “super” welterweight titlist Keith Thurman ng United States.

Nabatid mula sa  BoxingScene.com, sa Hulyo 20 na ang unification bout nina Pacquiao at Thurman. Inaasahang gaganapin ito sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

“The long-expected announcement of the Keith Thurman-Manny Pacquiao fight finally was made Saturday night during FOX’s telecast from Fairfax, Virginia. Thurman-Pacquiao has been scheduled July 20,” ayon sa ulat.

“Their welterweight title bout will headline a FOX Pay-Per-View show. Their 12-round fight is expected to take place at MGM Grand Garden Arena in Las Vegas.”

Maliban sa laban nina Pacquaio at Thurman, mapapanood din sa pay-per-view show ang unang title defense ni IBF super middleweight champ Caleb Plant laban kay Mike Lee.

Inaasahang magiging kapanapanabik ang laban ng 40-anyos na si Pacquiao at sampung taon na mas bata sa kanyang si Thurman.

Kapwa galing sa panalo ang dalawa, si Pacquiao ay nagwagi sa 12-round unanimous decision laban sa Amerikanong si Adrien Broner habang si Thurman ay nanalo sa 12-round majority decision laban kay Josesito Lopez ngayong Enero.

May rekord ang 30-anyos na si Thurman na perpektong 29 panalo, 22 sa pamamagitan ng knockcouts kumpara kay Pacquiao na may kartadang 61.7-2 win-loss-draw na may 39 pagwawagi sa knockouts.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGO ANG BOTOHAN; MUNISIPYO HINAGISAN NG GRANADA

maguindanao map12

HINDI pa man nag-uumpisa ang botohan, pinasabugan na ng hindi kilalang grupo ang harap ng Datu Odin Sinsuat municipal hall sa Maguindanao bandang ala-1 ng madaling-araw ng Lunes.

Ang bayan ay itinuturing na hotspot dahil sa matinding away sa politika.

Base sa CCTV footage, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang umalis sa lugar galing sa municipal hall.

Ilang saglit pa ay naganap na ang pagsabog.

Walang iniulat na nasaktan.

Nabawi ng mga elementio ng explosive ordnance disposal team ang bakas ng granada sa lugar.

Sinabi ng awtoridad na ang pagsabog ay posibleng bahagi ng planong huwag matuloy at takutin ang publiko para hindi bumoto.

 

Please follow and like us:
Read More

MAHIRAP MASUGPO ANG VOTE BUYING – COMELEC

vote buying-2

(Ni Nelson S. Badilla)

IGINIIT kamakailan ng pinuno mismo ng Commission on Election (Comelec) na si She¬riff Abas na haharapin ng ahensiya ang talamak na suliranin hinggil sa bilihan ng boto.

Anang Comelec chair,  binuhay ng Comelec ang Task Force Kontra Bigay upang tutukan ang nasabing problema.

HINDI KAYANG SUGPUIN ANG VOTE BUYING – JIMENEZ

NGUNIT, inamin kamakailan ng tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez na “mahirap” sugpuin ang bilihan ng boto kahit sa papamagitan ng automated teller machines na bumoboto ang mga tao, sapagkat ginagawa ang bilihan at bentahan ng mga boto nang “sikreto.”

“Hindi ito kayang resolbahan ng automated elections. Ito ay pangmamamayang suliranin. Ito ay suliranin ng mamamayan na bahagi ng buong kalagayan,” paliwanag ni Jimenez.

Anang tagapagsalita ng Comelec,  totoong malalaman kung sinong politiko ang makikinabang sa pagbili ng boto, sapagkat ipararating ang kanyang pangalan sa botanteng nabili ang boto.

Ngunit, inamin ng opis¬yal na hindi matutukoy kung ang nakinabang sa vote bu¬ying ay siya mismo ang utak ng pamimili ng boto dahil nangangailangan ito ng konkretong patibay bilang ebidensiya na nagaganap nga ang ipinupukol na gawain.

Maraming paraan o diskarte sa pagpapadala ng pera, tugon pa niya.

NAMILI AT BUMILI NG MGA BOTO ANG TUTUTUKAN NG COMELEC

AMINADO si Jimenez na dahil  mahirap masukol ang utak ng pamimili ng boto, itutuon ng Comelec ang ‘baril’ nito sa mga taong bumili at nagbenta ng boto.

Aniya, maraming mga taong nagpaparating sa Comelec tungkol sa bilihan ng boto sa kanilang lugar, ngunit, walang nagsusumbong sa Comelec laban sa mga politikong siyang may utos na bumili ng mga boto ng mga botante upang matiyak ang kanilang panalo sa eleksyon.

Tiniyak ni Jimenez na mas madaling masukol at mahuli ang mga taong bumibili ng mga boto ng mga botante at mga botanteng nagbebenta ng kanilang mga boto, kaya sila ang aabangan ng Comelec.

Ayon sa Omnibus Election Code, ang pamimili ng boto ay iyong pamimigay ng pera o kaya ng mga produktong may halaga tulad ng nood¬les, de lata, pagkain at iba pa sa mga botante.

Maaari rin itong gawin sa pamamagitan ng pamimigay ng proyekto, regalo, donasyon at iba pang kahalintulad na aksyon sa panahon ng kampanya, saad sa nasabing batas.

POLITIKO ANG TOTOONG “UTAK” SA VOTE BUYING

MALIBAN sa kasong binabanggit ng PACC, mayroon nang sampung kaso ng vote buying ang sisimulang imbestigahan ng Comelec.

Ayon kay John Rex Laudiangco, hepe ng Task Force Kontra Bigay ng Comelec, kasama ang isang kilalang politiko sa Cavite sa sampung inireklamo ng pamimili ng boto.

Umaasa ang opisyal na mayroong matibay, malakas at sapat na ebidensya upang madiin at makasuhan ang politikong sinasabing lumabag sa Omnibus Election Code.

Ani Laudiangco, ang pagtatayo ng naturang task force ay patunay na seryoso ang Comelec na harapin, resolbahin at sampahan ng kaukulang kaso ang mga taong sangkot sa bilihan at bentahan ng mga boto, kabilang na ang mga politiko.

Idiniin rin niya na umaasa ang Comelec na hindi matatakot ang mamamayan na magreklamo laban sa mga taong namimili at mamimili pa ng mga boto upang sila ay masampahan ng kaukulang kaso hinggil sa krimeng nagawa nila.

Ayon naman kay Michael Defensor, dating opisyal ng administrasyong Macapagal – Arroyo at ngayon nominee ng Anakkalugan party-list, sana ang Comelec ay  kusang-loob na magsagawa ng imbestigasyon laban sa bilihan at bentahan ng mga boto, sapagkat nagaganap ito maging sa Quezon City.

Hindi dapat naghihintay ang Comelec na mayroon mag¬hain ng pormal na reklamo sa kanilang tanggapan bago ito mag-imbestiga ng mga kasong bilihan at bentahan ng mga boto.

KAWAWA ANG MGA NASA LIBLIB NA LALAWIGAN

NABATID ng manunulat na ito na sobrang lantaran ang pamimili ng boto ng mga beteranong tradisyunal na politiko.

Ayon sa mga residente ng bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro, ang bilihan ng boto ng kampo ng tumatakbong  kandidato sa pagka-alkalde na si Jerrie Maliwanag ay isinagawa sa pamamagitan ng mga opisyal ng mga barangay.

Ang ilang opisyal ng barangay ang namimigay ng pera sa mga botante, wika nila.

Namigay na rin noon sila inidoro, bigas at noodles sa mga residente ng Mansalay, banggit nila sa manunulat ito.

Hinakot din nila ang mga katutubong Mangyan at ‘ikinulong’ sa compound ng tradisyunal na politiko kung binigyan sila ng pera at pinakain pa, patuloy ng mga residente.

Isa lang ang bayan ng Mansalay na hindi inaabot ng media upang makatulong sa pagsisiwalat ng samu’t saring katiwalian at anomalya, kabilang na ang bilihan at bentahan ng mga boto, sa nasabing ba¬yan dahil sa sobrang layo nito sa kabihasnan.

Please follow and like us:
Read More

PANGHA-HARASS NG MGA ONLINE LENDING COMPANY, TRENDING!

TINIG NG MANGGAGAWA final

MULA nang magpalabas ng babala ang kolum na ito hinggil sa naglipanang “raket” sa ONLINE CASH LOAN, sunod-sunod na rin ang reklamo na natatanggap ko sa ating “E-mail o online”.

Pansamantalang hindi ko papangalanan ang kompanyang inirereklamo dahil sa pangha-harass sa isa sa kanilang mga kliyente na nagoyo. Hindi na bago sa aking pandinig ang ganitong gawain ng mga nagpapautang.

Ito ‘yung estilong PAGBABANTA, PAGPAPAHIYA at PANANAKOT sa mga creditor na nabigong makapagbayad ng kanilang inutang na pera sa pamamagitan ng ONLINE CASH LOAN.

Ayon sa liham ni Mariel (‘di tunay na pangalan), “Nagpapa-loan po sila ng pera 14-days term, pero bukod po sa malaking deduction dahil bawas na po ang interes at service fee, maya’t maya ang tawag at nagre-remind ng pagbabayad gayung wala pa sa takdang araw ang kanilang due date.”

Ngunit dumating sa puntong hindi nga nakapagbayad sa itinakdang petsa ang nagrereklamo, kaya’t  pinutakte ng tawag ang kanyang cellphone mula sa mga representante raw ng lending company na kanyang inutangan.

“Kapag tinatawagan namin ‘yung tumawag sa akin, hindi naman nakokontak. Ang nakapagtataka po kung papaano nila nakukuha ang numero ng CP ng aking mga kaibigan at katrabaho at isa-isa nilang napapadalhan ng TEXT at tawag para maipaalam ang utang ko,” paglalahad pa ng nagrereklamo.

Sa pag-imbestiga ng TINIG NG MANGGAGAWA, lumilitaw na masuwerte pa pala itong nagrereklamong si Mariel. Dahil mas masahol pa ang ginawang PAMAMAHIYA sa ibang UMUTANG, dahil Facebook ang ginagamit para IPAHIYA ang umutang na hindi nakapagbabayad.

oOo

Sa isa pang reklamo na ipinadala sa kolum na ito ng isang taga-Antique na itago natin sa alyas na Gloria, nakababahala ang reaksyon ng nagrereklamong ito dahil sa dumating na raw sa puntong gusto na n’yang MAGPAKAMATAY.

Ito ay dahil sa labis na kahihiyang dulot ng pangha-harass ng isa ring kompanya ng ONLINE CASH LOAN.

Ang hindi umano katanggap-tanggap na pangyayari ay ang palilitawin umanong nangutang siya sa lending company gayung wala naman siyang inutang at ni hindi binalak na umutang. Narito ang kanyang reklamo:

“Iginigiit po nila sa akin, na sa akin daw nakapangalan ang ONLINE CASH LOAN sa lending company na may pangalang “FAST CASH,” ayon sa nagrereklamo.

Giit pa ng nagrereklamo, “hindi po ako nag-loan sa kanila, ayaw nila maniwala. Nakuha ko raw po ang pera sa M.L. Lhuiller, P4,000 daw po. Nagmamatigas po ako na hindi bayaran kasi wala naman po talaga akong nakuha. Tapos ngayon po ay araw-araw na po silang tumatawag sa mga contact ko at ipinapaalam ang pagkakautang ko raw.”

“Nu’ng nakaraan po may tumawag sa akin, pinagmumura po ako. Ang sabi po, patay gutom daw ako, walang-hiya, garapal. Labis-labis na pong kahihiyan ang tinatanggap ko at pangha-harass nila,” dagdag pa sa reklamo ni Gloria.

Ang masahol pa, strategy ng mga dorobo na ito, na i-post sa FB page ng kompanya ang mga nangutang daw sa kanila at ise-send ito sa FB account ng ‘nangutang’ kaya malalantad ito sa kahihiyan sa mga kaibigan nito.

Sa susunod na isyu ng kolum na ito ang iba pang TRENDING na “Modus” ng mga kompanyang ONLINE CASH LOAN.  Abangan!

oOo

Ang kolum na ito ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga manggagawa. Ipadala ang inyong mga karaingan, sumbong, reklamo o maging solusyon sa mga problema sa inyong kapaligiran. Iliham lang sa Diaryo Bomba o kaya ay i-email sa dongbvaleza@gmail.com.  (TINIG NG MANGGAGAWA / DONG VALEZA)

Please follow and like us:
Read More

MAINE NALALAOS NA; PDA KAY ARJO WA EPEK

maine23

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

PAKI-EXPLAIN mo sa akin Tito KC, masasabi bang “exclusively dating” lang iyang sina Maine Mendoza at Arjo Atayde eh doon sa nakita naming video na kuha ng isang fan, “tinutuka:” ni Arjo sa batok si Maine kahit na nasa harap sila ng maraming tao, at hindi mo naman kinakitaan ng pagtutol si Maine.

Kung noong araw iyan, aba malaking gulo na iyan. Malamang kalbuhin pa ng magulang ang babae para hindi na makababa ng bahay. Noon masyadong conservative pa ang mga Pilipino eh, pero ngayon mukhang ok na nga iyang halikan in public na kung tawagin nila ngayon ay “public display of affection”.

Pero ang gumagawa nang ganyan ay iyong talagang mag-syota lang. Bakit nga ba ayaw pang aminin nina Maine at Arjo na talagang mag-syota na sila eh nagtutukaan na nga sa harap ng tao? O baka naman ang iniisip nila, hindi na kailangan ang kahit na anong sasabihin nila, nagtutukaan na nga eh.

May mga kritiko na nagsasabing mukhang ang kanilang relasyon ay hindi naman nakakatulong sa kanilang career. Medyo bumaba kasi ang popularidad ni Maine nang umurong na ang fans ni Alden sa kanya. Si Arjo naman, ganoon pa rin, wala naman siyang nagawang hit na pelikula. Ibig sabihin, walang epekto sa kanyang career ang relasyon nila ni Maine. Talagang relasyon lang.

Pero personal na nila iyon eh. Ano pa nga ba ang pakialam natin sa mga bagay na iyon? Hindi na iyon dapat na pinanghihimasukan pa, kaya lang nakikita kasi eh.

Magtukaan man sila nang magtukaan kung hindi nakikita ng ibang tao, at hindi nakukunan ng video ng mga fans, aba eh sino nga ba ang makikialam sa kanila. Kung nakikita ng publiko, ibang usapan na nga iyan. Mayroong hindi makikialam dahil nangyayari naman talaga iyon ngayon eh. Minsan nga kahit na sa MRT siksikan may naghahalikan eh. Minsan nga may makikita ka pang kahit dalawang lalaking naghahalikan. Pero doon sa medyo conservative, parang malabo pa rin iyon.

HAPPY BIRTHDAY MY FRIEND MAYOR HERBERT BAUTISTA

Bago nga pala namin makalimutan, ngayon mismo ang birthday ng kaibigan naming si Mayor Herbert Bistek Bautista. Ok lang naman siyang banggitin Tito KC dahil hindi naman siya kandidato ngayon para sa kahit na anong posisyon. Gusto na muna ni Mayor Bistek na magpahinga sa pulitika. Ang sabi ay haharapin daw muna niya ang pagiging “tatay” niya.

Aba eh malalaki na rin naman ang mga anak niya. Iyong isa nga niyang anak, si Race, pumirma na sa Viva para mag-artista at director na rin yata, dahil nag-aral iyan ng film making sa New York at nanalo na ng award bilang director ng isang short film.

Sa totoo lang, magandang panahon ito para magbalik pelikula si Mayor Bistek, kasi mukhang sawa na ang mga tao doon sa ibang comedians na laging sila na lang ang napapanood, kaya nga laos na eh. Kailangan natin ang bubuhay sa comedy. Iyong totoong comedy, hindi iyong pang gay show lamang.

MADAM AURING, MADAM VENUS AT MADAM SARAH TINAMAD SA PANGHUHULA

Napansin lang namin, mukhang walang hulang lumabas si Madam Auring kung sino ang mananalo sa eleksiyon. Hindi rin nakuha ang hula ni Madam Sarah.

Pati ang kaibigan ni Shalala na si Madam Venus wala ring hula. Mukhang mahirap hulaan ang mananalo sa eleksiyon.

Hindi nila matunugan kung ano ang ilalabas ng mga computer, hindi gaya noong araw na tao lang ang nagbibilang kaya nahuhulaan nila gamit ang baraha. Ang tinitingnan naman namin noon, kung sino ang sinasabi nilang hindi mananalo, dahil mas malamang iyon ay makakaupo sa puwesto.

Hula nga lang eh.

 

Please follow and like us:
Read More

ELEKSYON NA, BAGUHIN ANG PULITIKA, IBOTO ANG TAMANG KANDIDATO

CHRISTIAN BOMB

ELEKSYON na. Sa totoo lang, mangilan-ngilan na lang sa mga kandidatong tumatakbo sa isang posisyon sa gobyerno ang nasa isipan ay tunay na pagmamahal sa bayan at ‘di ang personal na interes sa kayamanan at kapangyarihan.

Iilan na lang sa kanila ang may hangaring itama ang mga mali sa politika. O baguhin at paunlarin ang buhay ni Juan dela Cruz.

Ito ang mga tanong na dapat nating pagtuunan ng pansin bago tayo pumunta sa mga presinto upang bomoto. Pag-isipan mabuti ang mga pangalang isusulat sa ating balota.

Hindi porke siya ay nagpagawa ng ating mga kalsada, o nagpadala ng relief goods sa mga evacuation, o nagpalibing ng ating mga patay, nagpaaral ng ating anak, ninong o ninang ng ating mga apo, magaling magsalita, gwapo, artista at sikat, ay atin nang iboboto.

Ang pagboto ay katumbas ng ating kinabukasan. Gusto pa ba nating magdusa ng tatlo o anim na taon? Gusto pa ba nating magtiis na mangibang bansa para lamang may maipakain sa ating pamilya? Gusto pa ba natin na walang mananagot sa mga anomalya ng kasalukuyan at nagdaang rehimen? Gusto pa ba natin na apak-apakan ang karapatang pantao ng maliliit na mamamayan? Gusto pa ba natin ang mataas na bilihin na halos lahat tayo ay magdildil na lang ng asin? Gusto pa ba natin na ang ating mga anak ay makapag-aral man, ay di mabigyan ng tamang kaalaman at kalinga ng lipunan?

Ang lahat ng sakit ng lipunan ay kagagawan ng isang lider na mali ang patakaran, pamantayan at prayoridad. Kung ang isang lider ay tiwali, wala siyang karapatang magsugpo nito, subalit ito ay kanyang kinukunsinti upang ang sariling katiwalian ay magpatuloy. Kung ang isang lider ay nasusuhulan, siya rin ay manunuhol kung kinakailangan para sa kanyang sariling survival. Di nga ba ito ang kalakaran ng kasalukuyang gobyerno?

Pagkatapos ng halalan ay may mananalo at ang mga hinalal ay susumpa ng serbisyong bayan di lamang sa tao na kanyang kinasasakupan subalit pati na rin sa Diyos. Pero bakit pag sila ay may nagawang kabutihan tulad ng kalye, imprastraktura, nagpabahay ng mga iskwater, nagpakain ng mahihirap, ay dapat pa nating itanaw na utang na loob ito sa kanila? Bakit kailangan natin silang papurihan? Di nga ba’t ito ay kanilang sinumpaan na gagawin sa Diyos at bayan?

Pera ng bayan ang kanilang ginagamit sa mga ito, saan ngayon ang utang na loob dun?

Sa ibang bansa na ang kanilang mga lider ay nagre-resign at ang iba ay nagpapatiwakal pa dahil lamang sa mga pagkakasangkot sa katiwalian. Pero dito sa ating bayan, huli na, ayaw pang bumitiw sa pwesto ng kapangyarihan. At yung iba ay tumaas pa ang kinalalagyan! Parati nilang sinasabi, “Kung may katibayan, idulog sa tamang venue”. Ngunit anong venue ba ang dapat nating dulugan?

Di nga ba’t ito ay atin nang sinubukan? At ano ba ang nangyari? Di nga ba’t sila-sila rin ang ating sinusumbungan? Sila-sila rin ang magdedesisyon kung ito ay may katotohanan?

Hay naku Juan! may magagawa ka pa kaya?

Ito ngayon ang hamon sa ating mga kababayan. Itama ang pulitika sa bayan. Pumili ng tamang taong mamumuno.

Gamitin ang inyong karapatang bumuto na panlaban sa katiwalian. Palitan ang takbo ng politika sa Senado, Kongreso at sa lokal na posisyon upang ang buong bansa ay tuluyan nang umusad tungo sa pagbabago at kaunlaran.

Harinawa tayo ay patnubayan ng nasa itaas sa ating laban sa eleksyon na ito. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

BUMOTO KA NANG TAPAT, HUWAG KANG PASAWAY

yourservice

MAGAGAMIT natin ngayong araw na ito ang isa sa pinakamahalagang karapatan natin sa ilalim ng saligang batas — ang karapatang bumoto ng ating mga representante sa Kongreso at mga tatayong tagapangasiwa ng ating komunidad bilang alkalde, bise-alkalde, mga konsehal, gobernador, bise-gobernador, at kasapi ng mga sanggunian.

Mula nang magsimula ang kampanya, dinumog na tayo ng patalastas ng mga kandidato sa telebisyon, sa radyo, maging sa social media. Nakakabalita rin tayo ngayon ng mga pagbili ng boto at mga paglabag ng mga alituntuning pinalabas ng COMELEC ukol sa halalan.

Ngayong dumating na ang araw ng halalan, maiging alalahanin natin ang mga alituntunin na inilabas ng COMELEC.

Ayon sa COMELEC, bago pa man dumating ang araw ng pagboto, dapat nakagawa na kayo ng listahan ng mga kandidatong iboboto at alam n’yo na kung saang voting center kayo pupunta.

Sa araw mismo ng halalan, pinaaalalahanan tayo ng COMELEC na dalhin ang ating listahan kasama ang isang valid ID o ang inyong registration stub. Mas mainam daw na maagang magtungo sa inyong voting center at tingnan din ang pangalan ninyo sa nakapaskil na voter’s list. Tandaan, ang polling center at polling precinct ay bukas mula 6AM hangang 6PM. Nagkaroon ng adjustment sa oras ang COMELEC dahil sa mas malaking bilang ng botante ngayon.

Inuulit din ng COMELEC na huwag bumoto nang labis sa takdang bilang na iboboto at iwasang kumuha ng larawan ng ballot box at ng VCM screen.

Kapag kayo’y nasa loob na ng voting area, pumila patungo sa inyong precinct, ibigay ang pangalan, ang valid ID at precinct number sa Board of Election Inspectors. Kunin ang inyong balota, secrecy folder, marker at tumungo na sa lugar kung saan kayo magsusulat ng inyong boto. Tignan mabuti ang balota, siguraduhing malinis ito at walang mga marka.

Tandaan ulit, bawal ang bumoto nang labis sa iboboto. Kapag bumoto kayo ng labis na bilang ng mga kandidato sa inyong balota, hindi po isasama ang inyong boto. Ngunit, ayon din naman sa COMELEC, maari namang bumoto ng kulang sa bilang ng kandidato sa inyong balota o mag-abstain.

Sa pagboto, takpan ang inyong balota ng secrecy folder at markahan ang buong oval na katapat ng mga kandidatong inyong napili. Pagkatapos mo gawin ito, hintayin mo ang voter’s receipt receptacle mula sa VCM at ibibigay sa inyo ng precinct supervisor ang resibo mula sa makina. Pagkakuha ng resibo, i-verify ang inyong boto at ihulog sa ballot box. Isoli nyo ang secrecy folder at marker at magpamarka ng indelible ink sa inyong daliri at lisanin na ang polling precinct.

Ang prosesong ito ay isa sa mga natatanging karapatan natin bilang mamamayang Pilipino at naglalarawan ng isang matatag at progresibong demokrasya na nasasailalim sa ating saligang batas. Kaya’t nakalulungkot na maraming kandidato na nagtatangkang bumili ng boto. Ngunit mas nakalulungkot at nakakatakot, na marami rin sa ating kababayan na tumatanggap ng bayad at ipinasusubasta ang kanilang boto. Tila hindi na mahalaga sa kanila ang prosesong ito at ganun na lamang kadali ibenta ang kanilang boto — ang kanilang dangal at kinabukasan.

Ngunit sa aking munting palagay, may pag-asa pa tayong magbago. Manindigan tayo sa kung sino talaga sa ating palagay ang dapat mamuno sa ating bansa. Itigil na natin ang pagiging pasaway, bumoto na tayo nang tapat sa ating paninindigan. (@YOURSERVICE / ATTY DAVID ROBERT AQUINO)

Please follow and like us:
Read More

CHIENNA NAGPARETOKE NG ILONG

boy abunda(NI BOY ABUNDA )

INAMIN Chienna Filomeno na nagparetoke siya ng ilong. Ayon sa miyembro ng Girltrends ay kinailangan niya itong gawin upang maging maayos ang tinamong pinsala noon sa kanyang ilong.

“There’s a story behind it. Kasi noong pinanganak ako, I was born in Japan. Gusto ng mommy normal delivery. It took her siguro whole day na mag-labor, hindi kaya. Eh 50-50 na kailangan ko nang lumabas. So emergency CS (Caesarean Section) ako. Since emergency, ‘yung doctor paghiwa niya, natamaan ang ilong ko. Tapos sabi nila magre-regenerate daw kasi baby pa naman ako. So okay, tapos 14 (years old) na ako, wala. Hindi pa tumubo ‘yung buto. Si mommy ko, daddy ko, lahat matangos ang ilong. So ‘yung sa akin tinamaan. If you can see there’s a scar here. ‘Yon ang tama ng scalpel,” pagdedetalye ni Chienna.

Para sa aktres ay nagkaroon siya ng confidence mula nang naging maayos na ang kanyang ilong. “Mas naging confident ako dahil napaayos ‘yung naging insecurity ko. It helped me a lot like I got a lot of projects. ‘Yung confidence siyempre since alam ko na, ‘Ayan na may buto na. Nandiyan na siya.’ Mas naging confident ako at nakita ng tao na ‘yon,” paliwanag ng dalaga.

Dahil sa pagpapaayos ng ilong ay napagkakamalang nagpadagdag rin ng kanyang dibdid si Chienna. “That’s real, wonder bra, the right bra. I’ll tell you next time and ‘yung puwet ko, ‘yan lang malaki sa akin,” natatawang pahayag ng aktres. -Reports from JCC-  

Please follow and like us:
Read More

ADMIN CANDIDATES NAKAUNGOS AGAD SA BILANGAN

wi9nners123

(NI BERNARD TAGUINOD)

TULAD ng mga lumabas sa mga survey, dinodomina ng mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 12 bakanteng upuan sa Senado matapos manguna ang mga ito sa partial at unofficial result ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Sa unang bugso ng canvassing of votes ng PPCRV, nanguna si Sen. Cynthia Villar sa botong 93,660 votes na sinundan ni Sen. Grace Poe sa 83,250 at ikatlo si Bong Go na nakakuha ng 73,786.

Sumunod ang nagbabalik Senado na si Taguig-Pateros Rep. Pia Cayetano na may botong 72,105 at dating Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa botong 67,102 boto na nakuha.

Nasa ika-6 ang Sen. Sonny Angara na nakakuha ng botong 65,918 boto at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na mayroong 65,816 boto habang si dating Sen. Lito Lapid ang ika-8 sa botong 65, 763.

Pumasok sa ika-9 na puwesto si Francis Tolentino na may botong 56,274 votes; Nancy Binay sa ika-10 puwesto na nakakuha ng 55,616 votes; dating Sen. Ramon “Bong” Revilla na may 53, 528 votes; ika-12 si Sen. JV Ejercito na may 52,097 votes.

Naka-13 puwesto naman ang Otso Diretso candidate na si Sen. Bam Aquino sa botong 51,605 votes sumunod si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel sa botong 51,017 botong nakuha, ika-15 si dating Sen. Jinggoy Estrada sa botong 43,508 boto na nakuha at dating Sen. Mar Roxas sa ika-16 puwesto sa nakuha nitong 36,004 boto.

Sa top-16 na nangunguna sa bilangan, tanging sina Poe, Lapid , Aquino, Roxas, Binay ang hindi kandidato ni Pangulong Duterte

Please follow and like us:
Read More