18 HULI SA VOTE BUYING SA MUNTI, MALABON

boto12

(NI ROSE PULGAR, KOI HIPOLITO)

LABING-WALO katao ang naaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa vote buying sa magkahiwalay na insidente sa Muntinlupa at Malabon City, nitong Sabado.

Nakakulong ngayon sa NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig ang 17 nadakip pawang mga taga Muntinlupa City.

Ayon sa report na natanggap ni NCRPO Director Police Major General Guillermo Eleazar, dakong alas-11:00 ng umaga nang madakip ang mga suspect sa loob ng Minerva Compound, National Road, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Ito ay matapos silang makatanggap ng report hinggil sa nagaganap umanong vote buying sa naturang lugar.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspect ang halagang P45,100 na ang denomination ay nasa tig P500 , P300 at P100 na nakalagay sa mga puting sobre, listahan ng mga botante at mga sample ballots.

Base pa rin sa report ng NCRPO, alas-9:30, Biyernes ng gabi ay nadakip naman Joel Adora, 48, ng no.10 Burgos St. Barangay Concepcion, Malabon City dahil din sa vote buying sa Governor Pascual Avenue Brgy. Concepcion ng nabanggit na lungsod.

Habang nagpapatrulya ang mga tanod sa lugar ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen,  na ang  nabanggit ay sangkot sa vote buying.

Nakumpiska sa suspect ang 17 pirasong kulay puting sobre na naglalaman ng tig P300 at voting paraphernalias.

Ayon kay Eleazar ang mga suspect na nadakip ay nahahrap sa kasong palglabag sa Omnibus Election Law (Vote Buying and Vote Selling).

 

Please follow and like us:
Read More

MISYON NG HOTSHOTS: TAPUSIN ANG DYNASTY

basket12

(NI ANNE ENCARNACION/ PHOTO BY MJ ROMERO)

HANGAD ng Magnolia Hotshots na muling maangkin ang pinakaprestihiyosong titulo sa PBA na huli nitong nahawakan  limang taon na ang nakararaan, at tapusin ang dynasty ng San Miguel Beer na apat na magkakasunod na taon nang kampeon ng Philippine Cup.

Makapwersa naman ng Game 7 ang tatangkain ng San Miguel Beer ngayong gabi sa Game 6 ng Philippine Cup best-of-seven championship sa Araneta Coliseum.

Naagaw ng Magnolia, huling nagkampeon sa All-Filipino Conference noong 2013-14 , ang bentahe sa serye (3-2) makaraang silatin ang defending champ Beermen Biyernes ng gabi sa iskor na 88-86.

Ilang segundo na lang ang nalalabi sa game, patas ang iskor sa 86 ngunit nagawang maipasok ni Marc Barroca ang bola na nagpanalo sa Hotshots.

“Hindi kami susuko. Kahit na noong up kami ng 13 points, sabi namin delikado pa rin kami dahil grabeng team ito (San Miguel). Pero nag-stay positive lang kami, hanggang dulo positive kami,” sabi ni Barroca sa post-game inerview.

Itinala ni Barroca ang kabuuang 22 puntos, limang rebound at limang as sists upang ilapit ang Hotshots sa pinakamimithing titulo ng lahat ng PBA teams.

Nahalikan naman sa sobrang tuwa ni coach Chito Victolero si Barroca.

“Halos everyday nakikita ko itong batang ito na ginagawa niya yun. Yun kanyang extra practice, yung mga ganung tira ginagawa niya. Talagang papasok dahil ginagawa niya,” ani  Victolero patungkol kay Barroca, na tinanghal na PBA Press Corps finals MVP nang magkampeon ang Magnolia sa Governors Cup noong nakaraang taon.

“Ang puso nito parang bakal. Gustong-gusto niya yung ganyang tira,” pagmamalaki pa ni Victolero.

Samantala, umaasa si San Miguel coach Leo Austria na magagawang nilang mai-tie ang serye, bagama’t aminado siyang hindi ito magiging madali.

 

Please follow and like us:
Read More

TILL DEATH DO US PART

fire

(NI JESSE KABEL)

MAGKASABAY na namatay ang mag-asawa nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Carreta, Cebu City.

Sa ulat ng Cebu City PNP at Bureau of Fire Protection, bandang alas 4:00 ng madaling-araw nang  sumiklab ang sunog sa isang  residential area sa Sitio Ponce 2, Barangay Carreta na tumupok sa may 50 kabahayan.

Ayon sa mga arson investigator ng Cebu City Police Office,  na-trap sa nasusunog na bahay sina Nicasio Orcullo, 62, at asawa nitong si Prosefina Orcullo, 57.

Lumitaw pa sa imbestigasyon na mabilis na kumalat ang apoy at kinailangan itaas sa ikatlong  alarma ang sunog. Patuloy namang inaalam ng awtoridad kung saan nagmula ang sunog na naka apekto sa mahigit 60 pamilya.

Please follow and like us:
Read More

3 PATAY, 8 SUGATAN SA BANGGAAN NG VAN, TRIKE

accident121

(NI JG TUMBADO)

TATLO katao ang nasawi habang nasa walong iba pa ang sugatan nang magsalpukan ang isang closed van at tricycle sa bayan ng Himamaylan, Negros Occidental, Biyernes ng gabi.

Kabilang sa mga nasawi ang driver ng tricycle na si Kevin Jade Montano at mga pasaherong sina Joshua Valdez, 15, at Joy Faith Hontiveros, 9.

Naisugod sa magkakahiwalay na ospital ang anim pang mga pasahero ng tricycle na karamihan ay pawang mga menor de edad.

Sugatan din ang driver ng closed van na si Danny Boy Sanny at pahinante nito na si Roy Daguia.

Nabatid kay Police Lt. Col. Ervin Glenn Provido, hepe ng Himamaylan Police, nang-agaw umano ng linya ang tricycle habang binabagtas nito ang kahabaan ng national highway at tuluyang nabulaga sa kasalubong na van na nagmula sa pakurbadang daan.

Posible umanong nawalan ng kontrol ang tricycle dahil overloaded ito ng pasahero.

Nasa kostudiya ng pulisya ang driver ng van na si Sanny at nahaharap sa patung-patong na kaso habang nangako namang tutulong ang may-ari ng van sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan.

Please follow and like us:
Read More

P1.2-M SHABU NAKUMPISKA SA MNLF MEMBER, TIYUHIN SA QC

shabu12

(NI LILY REYES/PHOTO BY JACOB REYES)

ARESTADO  ang isang aktibong miyembro ng  Moro National  Liberation  Front (MNLF) , kasama ang tiyuhin nito na nagresulta  sa pagkakakumpiska  sa P1.2 milyon shabu  sa isang buy bust operation, Biyernes ng gabi sa  Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala  ni  Quezon City Police District (QCPD) Director , Police Brigadier Gen Joselito Esquivel, Jr. ang mga suspek na sina Bismar Sabtula Nadduha, alias Best, 25, aminadong miyembro ng MNLF  at ang tiyuhin nitong si  Jinsir  Abduhaddi Jhol, 40, kapwa mga nakatira  sa  inuupahan nitong kuwarto  sa No. 359 3rd St.,  Santa Catalina, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ang pagkakaaresto sa magtiyuhin  ay  nag- ugat  sa anti-drug operation ng Police Station 8 ng QCPD  sa pamumuno ni PLTCol  Jeffrey Bilaro.

Agad namang iniharap ni  Esquibel  kasama si NCRPO Chief, PMaj General  Guillermo Lorenzo Eleazar, sa mga mamamahayag ang  mga naarestong suspek.

Nabatid na  ang magtiyuhin na suspek ay inginuso  ng mga naunang naaresto sa  drug bust operation ng PS-8 na sina  Nemia Castillo at Marites Dela Cruz.

Makaraang ma-validate ang mga impormasyon, isinagawa ang  buy-bust operation sa inuupahang  kuwarto ng mga suspek.

Ang mga droga umano ay galing sa East  Asian countries sa pamamagitan ng illegal backdoor channel.

Kaugnay nito, kinilala rin ng magtiyuhin ang  kanilang source na ngayon ay hinahanting sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency .

Nabatid na ang nasabing source  ay responsible  sa shipment  ng kontrabando  mula Zamboanga papuntang Metro Manila.

Napag-alaman  mula kay Gen. Eleazar na  ang suspek na si Jhol ay naaresto ng Talipapa Police Station 3 ng QCPD noong 2003 sa Brgy. Culiat sa kasong illegal drugs  kung saan ay nasentensiyahan ito ng 13 taon na pagkakabilanggo.

Sasampahan ng kasong  violation of RA 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magtiyuhin.

Please follow and like us:
Read More

RAPE SA HALAGANG P200; DRIVER KALABOSO

rape

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

ARESTADO ang isang sabik sa sex  na pedicab driver nang dalawang beses gahasain ang isang 16-anyos na dalagita at dalawang beses ding daliriin ang ang ari ng 12-anyos na kaibigan nito  kapalit ng P200 sa Valenzuela City.

Kinasuhan ng two counts of rape, two counts of attempted rape in relation to R.A. 7610 o Anti-Child Abuse Law at two counts of illegal detention ang kakaharapin ni Remmy Custodio, alyas “Roldan”, 38.

Sa mismong bahay niya sa 42 Ilang-Ilang St., Balangkas dinampot ang suspek matapos makapagsumbong sa kanyang ina ang 12-anyos na biktima.

Pumunta  ang 16-anyos na biktima kasama ang kaibigang 12-anyos sa bahay ng suspek noong umaga ng Mayo 8, upang kunin ang kanilang damit na hiniram ng kanilang kaibigan.

Nakasilip ng pagkakataong makaiskor si Custodio at dagling pinapasok ang mga nene at hindi na pinakawalan hanggang sa tuluyang magahasa ang 16-anyos at laruin ang 12-anyos.

Nang makaraos ay ikinandado ng suspek ang pinto at muli na namang ginahasa ang dalagitan dakong alas-7 ng gabi.

Kinabukasan, binigyan ng suspek ng P200 ang dalawang biktima at pinalaya ngunit binantaang huwag ipagsabi ang kanyang ginawa kung ayaw nilang mapasama.

Alas -8 nitong Biyernes ng gabi bumalik sa bahay ng suspek ang magkaibigan upang makiusap na makuha na ang damit na hiniram sa kanila.

Dito ay dinaklot muli ni Custodio ang dibdib ng dalagita.

Pag-uwi sa bahay ay nagsumbong na ang mga biktima sa kanilang nanay dahilan para humingi ng tulong sa pulisya at ipadakip ang suspect.

Please follow and like us:
Read More

EX-ARMY TIGOK SA BUY-BUST SA LUCENA

crimeshooting12

(NI JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Isang dating sundalo ng Philippine Army ang napatay ng mga awtoridad matapos umanong manlaban ito sa mga pulis na darakip sa kanya sa kaso ng pagbebenta ng shabu, Biyernes ng hapon.

Sa report ni Col. Reydante Ariza, Lucena police chief, napaslang si Isidro Katigbak nang pumalag sa pag-aresto at tinangka pa umanong manlaban sa mga pulis sa Barangay Ibabang Iyam, bandang 5:20 ng hapon.

Una rito ay pinaiskor ni Katigbak ng shabu ang isang ahente ng pulisya.

Subalit nang poposasan na ang suspek matapos ang bentahan ay tumakbo ito sa loob ng kanyang bahay, kumuha ng paltik na shotgun at binaril ang mga pulis ngunit walang tinamaan.

Gumanti ng baril ang isang operatiba at agad na napatay ang suspek.

Walang detalye sa ulat ng pulisya tungkol sa military record ng suspek.

Please follow and like us:
Read More

BILIHAN NG BOTO SA BRGY HALL, 4 ARESTADO

vote buying 12

(NI NICK ECHEVARRIA)

ARESTADO ang apat na suspek sa  kasong vote buying sa Purok 2, Barangay New Kalibo, Mlang Cobatabo, Biyernes alas-4:30 ng hapon.

Sa natanggap na ulat ni P/BGen. Eliseo Tam Rasco, Director ng PRO 12, nakilala ang mga inaresto na sina Mateo Cabrillos Cuarteros, 52, driver, Christine Punzalan Esparagoza, 33, ng residente ng Poblacion, Carmen, Cotabato; Sonny Dafielmoto Pasquin, 55, at Joel Forden Bolero, 55, kapwa magsasaka at nakatira sa New Rizal, Mlang, Cotabato.

Sa ipinadalang report ni P/Lt.Col. Geovanni E. Ladeo , Chief Of Police ng  Mlang Municipal Police Station (MPS), isang tawag mula sa isang concerned citizen ang kanilang natanggap kaugnay sa nagaganap na vote buying ng ilang mga armadong grupo sa nabanggit na Purok, partikular sa Barangay Hall mismo na agad nilang nirespondehan kasama ang mga miyembro ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Mabilis namang nagtago ang mga suspek nang maramdaman ang pagdating ng mga awtoridad at nagkulong sa umaandar na nakaparadang kulay puting pickup na Mitsubishi Strada na may plakang LGM 741.

Nabatid na nakahimpil ang naturang sasakyan ng mga suspek sa loob ng covered court ng Barangay New Calibo, Mlang, Cotabato na limang metro lamang ang layo mula sa barangay hall.

Ilang beses pinakiusapan ng mga awtoridad ang drayber nito na ibaba ang bintana ng pickup, subalit tumanggi at sa halip ay patuloy na nag-lock at nagkulong sa loob ng halos tatlong oras.

Bumaba lamang ang apat na suspek sa sasakyan na positibong itinuro ng mga nakasaksi na sila nga ang mga taong namimili ng boto sa lugar, nang dumating ang kanilang tinawagang legal counsel.

Narekober sa mga suspek ang cash money na 2,660 piraso ng tig-one hundred peso bill na may kabuuang halaga na P266,000, apat na piraso ng papel na listahan ng mga botante, at ang sinasakyang Strada ng mga ito na minamaneho ng isang Mateo Cabrillos Cuarteros.

Dinala sa Mlang MPS custodial facility ang nadakip na mga suspek makaraang sumailalim sa medical examination at nahaharap ngayon sa kasong vote buying at disobedience to a person in authority sa provincal prosecutors Office sa Kabacan, Cotabato.

 

Please follow and like us:
Read More

‘RAPIST’ NG 6-ANYOS NA PAMANGKIN ARESTADO

arested12

(NI KOI HIPOLITO)

NASAKOTE sa isinagawang follow-up operations ng mga otoridad ng Kalayaan Police Community Precinct ng Pasay City Police Station ang isang suspek na construction worker na gumahasa sa kanyang pamangkin na 6-anyos na batang babae sa Central Kalayaan,  Balagbag Barangay 20, ng Pasay City, Biyernes ng alas-11:00 ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Jhun Lagumot, 42, binata, at ang biktimang menor de edad naman ay itinago sa alyas na “Neneng”, anak ng pinsan ng suspek.

Ayon sa ipinadalang report ni Pasay City Chief of Police P/Col. Bernard Yang kay SPD District Director P/BGen. Eliseo DC. Cruz personal umanong inireport ng lola ng biktima ang ginawang pangmomolestiya at kahalayan ng suspek sa batang biktima.

Mabilis naman ang naging pagresponde ng mga operatiba, sa pangunguna ni P/Lt.Romeo Ubiña, at inilatag ang isang Special Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa pamamagitan ng Oplan Galugad laban sa suspek na ikinadakip nito.

Nakakulong na ngayon sa Pasay City Custodial Facility ang suspek at nai-turn over na ang kaso sa Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) habang iniimbestigahan ng Station Investigation and Detective Management Branch ang isasampang kaso na paglabag sa RA 8353 (Rape) in relation to RA 7610 (Violence Against Women and Children).

 

Please follow and like us:
Read More

FOREIGNER KINALIWA NG MISIS, NAGBARIL

crime12

(NI NILOU DEL CARMEN)

GINAGAMOT ngayon sa isang ospital sa Batangas City ang isang dayuhan na nagtangkang magpakamatay sa   bayan ng Ibaan  matapos na malaman na kinaliwa siya ng kanyang misis.

Batay sa report ng Ibaan police station, nagbaril sa tiyan ang Cyprus national na si Antonis Tsiakkiros, sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Munting Tubig dakong alas 9:30 ng umaga nitong Biyernes.

Ayon sa imbestigador, natuklasan umano ng biktima na may kalaguyo na isang  21-anyos na binata ang kanyang misis na si Adora Gonzales Tsiakkiros.

Sinita umano ng dayuhang mister ang kanyang misis at sa tindi ng sama ng loob ay pinaputok muna nito ng dalawang ulit sa lupa ang ginamit kalibre .38 revolver bago itinutok sa tiyan.

Agad itong isinugod sa Queen Mary Hospital at nilapatan ng pangunang lunas bago inilipat sa Batangas Medical Center para sa mabilisang operasyon.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

BGY KAGAWAD NA SUPPORTER NG VICE MAYOR PINATAY

bgy12

(NI DAN RIVERA)

SAN ANDRES,QUEZON – Patay ang isang aktibong barangay kagawad matapos
umanong pasukin, looban at pagbabarilin ng hindi nakilalang dalawang suspek ang bahay nito sa Sitio Bahay Brgy.Tala, bayan ng San Andres.

Kinilala ni Police Captain Joseph Java, hepe ng pulisya ang biktima na si Rodini Boot, 37-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Base sa report ni Java, dakong alas 2:00 ng madaling araw May 10 habang natutulog sa kanilang kwarto ang kagawad kasama ang kanyang asawa nang magising umano ang mag-asawa dahil sa ingay sa loob ng kanilang bahay.

Batay sa report ng pulis agad umanong bumangon ang asawa ng kagawad upang tingnan ang pinagmulan ng ingay, subalit paglabas nito ng kanilang kwarto ay agad sinalubong ito ng isang suspek sabay tinakpan ang bibig nito, habang ang isang namang suspek ay pinasok sa kwarto ang biktima at pilit na ipinalalabas ang kanilang pera, ayon ito sa maybahay ng barangay official.

Ayon pa sa asawa ng kagawad sunud sunod na putok ng baril ang kanyang narinig na nagmula sa kanilang kwarto at nakita nito ang kanyang asawa na may tama ng bala ng baril sa katawan at wala nang buhay.

Mabilis na nakatakas ang dalawang suspek matapos maisagawa ang pamamaril sa biktima at tangay umano ang hindi malamang halaga ng pera ng mag asawa.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente at nagsagawa ng hot pursuit police operation ang mga awtoridad. Samantala, ayon sa mga residente at kapitbahay ng biktima na tumangging banggitin ang mga pangalan, hinala nila hindi lamang panloloob at pera ang motibo ng krimen dahil isa ito sa masigasig na supporter ng kumakandidatong mayor sa kanilang bayan na si incumbent Vice Mayor Serson Emprese.

Please follow and like us:
Read More

KAHIT MAY SAKIT; KRIS ‘DI NAGPATALO SA BASHERS

kris123

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

KAHIT may dinaramdam sa kanyang kalusugan, matapang pa rin talaga si Kris Aquino at hindi nagpapatalo sa mga bashers.

Isang bully na naman ang sinagot niya nang magkomento ito nang hindi maganda sa kanyang ipinost na larawan kung saan ay makikitang kumakain sila ng balot ng bunsong anak na si Bimby.

Ang nakakalokang komento ng basher, “malason sana kayong dalawa.”

Syempre, hindi ito pinalampas ni Kris. Reply niya, “I am so done being bullied by insane people like you who do it with fake accounts. Kung gusto mo talaga kaming lasunin JUST DO IT and stop hiding behind freaking made up IG accounts. Tulog ka na raw, your dad Satan says it’s time for bed.”

Kaaliw din ang sagot niya nang may magkomento na nami-miss na ang kanyang show at wish nitong magbalik siya sa ABS-CBN.

“Not likely to happen… i perfectly understand- ayaw naman ng @abscbn lalong pahirapan ang proseso para ma renew ang broadcast franchise nila,” sagot ni Kris.

Napuna rin ng netizens ang sobrang pagpayat niya ngayon at aniya, she’s trying hard to gain weight pero mahirap daw talaga.

 

Please follow and like us:
Read More

UAAP: RONDINA, LAURE NG UST, PANALO NA

wagi12

MATAPOS ang 12 taon, isang University of Santo Tomas player ang hinirang na Most Valuable Player ng UAAP women’s volleyball tournament sa katauhan ni Sisi Rondina.

Si Rondina ang team captain ng UST Lady Tigresses na umakay sa team tungo sa UAAP Season  81 Finals na magsisimula ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tinalo ng UST ang defending champ La Salle Lady Spikers para umabante sa best-of-three final series kontra Ateneo Lady Eagles, na tinalo naman ang FEU Lady Tamaraws.

Si Rondina, graduating open spiker ng UST, ang league leading scorer (259 points), second most efficient spiker (33.38 percent), at ninth-best digger (3.98 digs per set) sa pagtatapos ng elimination round, dahilan kaya’t nakopo niya ang top individual award.

Si Venus Bernal ang pinakaunang UST player na naguwi ng MVP honors noong Season 69 o 12 taon na ang nakararaan.

Pinangunahan ng tubong Cebu na si Rondina ang Tigresses sa 10-4 win-loss record, at naging susi rin sa playoff win kontra De La Salle University, na tuluyan nilang dinispatsa sa Final 4 patungo sa finals. Huling pumasok sa finals ang UST noong Season 73.

Magugunitang matapos nilang talunin ang Lady Spikers noong Linggo ay dumagundong ang hiyawang  “M-V-P” na labis na ikinatuwa ni Rondina.

“They’re happy lang talaga,” paliwanag niya sa reaksyon ng crowd. “I’m thankful na MVP ako sa kanila, sa mga mata nila.”

Pero mismong stats ni Rondina ang nagpatunay nito nang makakolekta ng 259 points mula sa 231 kills, 15 blocks, at 13 service aces.

Samantala hinirang naman na Rookie of the Year ang teammate niyang si Eya Laure matapos pumangalawa sa scoring race sa pagtipon ng 230 points (196 kills, 19 blocks, 15 aces), at most efficient spiker sa liga (35.9%).

Napantayan ni Laure ang achievemeng kanyang older sister na si EJ, na co-Rookie of the Year noong Season 78.

Magkasunod na taon na isang UST player ang tinanghal na ROY awardee. Noong Season 81 ay napanalunan din ito ng Fil-Italian na si Milena Alessandrini.

Ang awarding ng outstanding players ay magaganap bago ang Game 2 ng UAAP Season 81 Finals sa Miyerkoles sa MOA Arena, Pasay City.

 

Please follow and like us:
Read More

INABANGAN SA ESKINITA: BABAE PATAY, PARTNER SUGATAN SA BALA

crime

(NI JULIE DUIGAN)

NAGMAMAKAAWA pa nang marinig ng ilang kapitbahay ang palahaw ng isang 20-anyos na ginang ngunit itinuloy pa rin ng gunman na pagbabarilin at mapatay habang sugatan naman ang live-in partner nito, Sabado ng madaling araw sa Tondo, Manila.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo General Hospital ang ginang na nakilalang si Heidi Garde habang patuloy na inoobserbahan ang kinakasamang si Rommel Abalos, 38, kapwa residente ng Bldg.14 Unit 312 Permanent Housing sa Tondo.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. John Charles Duran, kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District- Homicide Section,  bandang alas- 3:45 ng madaling araw , nang maganap ang pamamaril sa likurang gusali ng Bldg.18 sa Permanent Housing sakop ng Brgy.128 sa Tondo.

Sa report ng pulisya, naglalakad  sa eskinita ang mga biktima, nang sumulpot ang gunman at hinarap ang mag live-in partner.

Dalawa sa residente malapit sa lugar ang nakarinig nang pagmamakaawa, pero itinuloy pa rin na paputukan ng ilang beses ang dalawa.

Ilang barangay tanod ang nagsugod kay Garde sa pagamutan, pero hindi na umabot ng buhay , habang si Abalos naman ay nakapaglakad pa at nakatawag ng tricycle para dalhin ang sarili sa nasabing ospital.

Gayunman , patuloy na iniimbestigahan  ang motibo ng pamamaril kung may kaugnayan ito sa droga. Nakakita ng 9MM na bala ng kalibreng baril sa mga biktima.

Please follow and like us:
Read More

TUNAY NA DIVA SA UGALI ANG SINGER NA MAY PLATINUM AWARD

singersilhouette12

(NI SHALALA)

ANG kilalang diva ay  perfectionist sa kanyang kanta.  Churang nasa entablado na siya.  Isa siya sa mga sikat na mang-aawit sa bansa.  Kilala rin sa ibang bansa. Dami rin siyang hit songs. Gold at platinum awarded naman ang kanyang mga album.

Kaya naman ganun na lang siya kaingat sa pag-perform lalo na sa stage.

Nagkapelikula na rin siya,

Kaya naman kung diva-divahan lang ang pag-uusapan  una siya sa listahan. Sa mga performance sa telebisyon late siya madalas. Ang  tagal niya ring magpa-make-up.

Mapili sa mga damit at pag may color motiff madalas iba ‘yong kanya.

Ayaw niya rin ang nauuna ‘pag nakakasama niya ang ibang diva .

Dapat sa bandang huli siya (o diva nga!).

Sa isang production sa concert na guest lang siya with other divas, nagulantang ang lahat lalo na ‘yong mga kasama niya sa stage pati ang banda dahil pinatigil niya ang performance nila sa dahilang nagkamali siya sa isang linya ng song. Parang walang nangyari at pinalakpakan naman siya ng mga utaw at ng mga kasama sa production number.

Chika na mga ka-join niya, totoo nga sya talaga ang divang ayaw magkamali kahit na nasa harap ng plenty of pipol. Wa siya keber kung pinahinto niya man ang kinakanta nila. Mabuti na raw ‘yong ganoon kesa naman pagtawanan sila ng mga utaw na nagbayad ng tickets para makarinig ng mga magagandang awitin mula sa mga totoong diva.

Please follow and like us:
Read More

PINAKAMATAAS NA PARANGAL KAY JERWIN ANCAJAS

jerwin

(NI ARIEL BORLONGAN)

INIHAYAG ng International Boxing Federation (IBF) na si IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas ng Pilipinas ang tatanggap ng pinakamataas na karangalan para sa tatlong matagumpay na depensa noong 2018 sa Annual Awards Banquet sa pagsasara ng 36th Annual Convention sa Wynn Palace Cotia sa Macau, China sa May 30, 2019.

Ayon sa IBF, napili nito si Ancajas dahil sa matagumpay na depensa kina Mexican Israel Gonzalez noong February 3, 2018 via 10th round TKO, Jonas Sultan ng Pilipinas noong May 26, 2018 via 12-round unanimous decision at pagtabla kay Mexican Alejandro Santiago Barrios noong September 28, 2018 sa mga sagupaang pawang ginanap sa United States.

“The organization’s highest honor, the Jersey Joe Walcott Award, will go to Jerwin Ancajas. Having recently made his seventh successful defense of his IBF junior bantamweight title, Ancajas’ success in the ring has earned him this recognition,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

Nakuha ni Ancajas ang kanyang IBF title noong September 2016 nang manalo laban kay McJoe Arroyo ng Puerto Rico.

Sa kanyang huling depensa nito lang May 4 sa Stockton Arena, Stockton, California sa US pa rin, tinalo niya si No. 1 mandatory contender Ryoichi Funai ng Japan via 7th round KO upang matagumpay na maidepensa ang kanyang korona sa ikapitong pagkakataon.

Samantala, pumayag na ang bagong WBC junior bantamweight champion Juan Francisco Estrada ng Mexico na magkaroon ng title unification kay Ancajas.

“I would like to unify with any champion, I want Jerwin Ancajas, the Filipino IBF champion, that is the fight I want,” ani Estrada matapos agawin ang WBC belt  kay Thai boxer Srisaket Sor Rungvisai.

Nauna nang sinabi ni Ancajas, bago pa siya lumaban kay Funai, na gusto niyang makasagupa si Estrada. “Kung mabibigyan ng pagkakataon,” sabi pa nito.

Ayon naman kay Estrada, sakaling matuloy ang paghaharap nila ng Pinoy champ, ito na ang magiging huling laban niya bago siya umakyat sa bantamweight class.

 

Please follow and like us:
Read More

PAANO NAGSIMULA ANG MOTHER’S DAY?

MOTHERS DAY-3

SA mga Pilipino, mahalaga ang pagbibigay pugay sa “Araw ng mga Ina” dahil isa itong paraan ng pagpapakita ng respeto at pagkilala sa kanilang kadakilaang nagawa upang mailuwal ng maayos, mapalaki, mapag-aral, mabihisan at maalagaan ang kanilang mga anak.

Mahirap o mayaman ay kapwa nagdiriwang ng “Mot¬her’s Day bilang pagbibigay halaga sa ating mga ina na gagawin ang lahat upang mabigyang buhay ang kanilang mga anak.

Siglo na ang inabot nang masimulang ipagdiwang ang araw para sa mga ina, na u¬nang inakala ng marami na sa Estados Unidos nagsimula. Noon pa mang panahon ng mga Griyego, ipinagdiriwang na ang “Mother’s Day” kung saan kinikilala si Rhea, ang Ina ng mga Diyos. Maging sa mga Kristiyano, noong 1600 ay inirerespeto na at kinikilala si Maria, ang ina ni Jesus. Dahil na rin sa pagkilala ng marami kay Maria, kinilala na rin ito ng Simbahang Katolika at lumaganap kung kaya’t ipinagdiwang ang nasabing okasyon.

Maging ang Reyna ng Englatera ay nagsimulang palaganapin ang pagkilala sa mga Inang nagsakrispisyo hindi lang para sa kanilang mga anak subalit sa kanilang buong pamilya.

Noong panahong iyon sa Inglatera, ang mahihirap na tao ay nagsisilbi para sa mga mayayaman kung kaya’t iniiwan nila ang kanilang pamilya upang maghanapbuhay at tumitira sila sa bahay ng kanilang mga nagiging amo.

Subalit kapag dumara¬ting ang ika-apat na Linggo ng buwan, ang mga  namamasukan bilang tagapagsilbi ay pinapauwi sa kanilang tahanan upang makapiling ang kanilang pamilya lalo na ang kanilang ina. Kinilala ang pagdiriwang na “Mothering Sunday.  Isang espesyal na kakanin ang kanilang inihahanda na kilala sa tawag na “Mothe¬ring Cake.”  Sumisimbulo ang cake na ito sa mayabong na pagmamahal.

Kasabay nang paglaga¬nap ng Kristiyanismo, sa buong Europa, ang pagdiriwang ay lumaki at napalitan ng pagdiriwang sa pagkilala ng “Inang Simbahan” kaugnay na rin sa paniniwalang ang kapangyarihan ng ispiritu ay nagbibigay sa ina na handing magbigay buhay at proteksyson mula sa kapahamakan.

Sa paglipas ng panahon, ang  masaya at magarbong pagdiriwang ay nagkahalo-halo na at nalagyan pa ng ibang kasayahan kung kaya’t  nauwi sa pagdiriwang at pagkilala sa “MOTHER’S DAY.”

Ang mga tao ay nagsimula na magdiwang ng “Araw ng mga Ina” kasabay nang pagkilala at paggunita sa “Mo¬thering Sunday.”

Subalit dumating ang panahon na  unti-unti humupa at halos walang ningning  ang pagdiriwang dahil sa pagda¬ting ng mga mananakop na nagpatigil ng “Mothering Sunday” dahil na sa kakulangan ng oras.

Ngunit noong 1870, ang social activist na si Julia Ward Howe ay nagsimulang buha¬yin ang sigla ng pagdiriwang ng araw ng mga nanay. Bagaman mag-isa, sinimulan ni Howe ang krusada at  apila sa mga kababaihana na magkaisa upang tumulong sa pagpa¬panatili ng kapayapaan.

Noong 1872, nagtungo sa London si Howe upang palaganapin ang kaisipan sa “Mother’s Day for Peace”  na unang ipinagdiwang noong June 2 na matagumpay na ipinagdiriwang sa loob ng 10 taon.

Nagpatuloy ang paggunita ng araw para sa mga ina na walang inisip kung hindi ang kabutihan at magandang kinabukasan para sa kanilang mga anak.

Sa paglipas ng panahon, naging modern na ang pagdiriwang ng “Mother’s Day” kung kaya’t maliban sa pag-ihip ng kandila na nakatusok sa magandang cake, maraming paraan na ang pagdiriwang at paggunita sa sakripisyo ng mga ina. Kabilang ang pagkain sa mga restaurant, pano¬nood ng sine, pagpunata sa mga parks at mall at marami pang iba.

Sa mga mayayaman, ang araw ng mga ina ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagbibigay ng pumpon ng rosas, mamahaling regalo at pagkain sa mga mamahaling restaurant.

Kinasanayan na rin ng mayayamang pamilya na ang pagdiriwang ng Mother’s Day ay gawin sa ibang bansa kung saan makakapamasyal sila nang sama-sama.

Naging masaya na para sa mga mahihirap at pangkaraniwang pamilyang Filipino na ang araw ng dakilang ina ay ipinagdiriwang ng sama sama sa pamamagitan ng pagsisimba.

Kahit paanong paraan ipagdiwang ang “Mother’s Day” wala dapat maging problema basta ang mahalaga ay maalala at mabati ang taong lubos na nagpakahirap at naglaan ng panahon para sa kanyang mga anak. HAPPY MOTHER’S DAY SA LAHAT NG NANAY, INAY, MAMA. MOMMY, MOMSHIE, MA, NAY at kung ano pa mang tawag.

Please follow and like us:
Read More

BAHAAAA!

BOMBAHAN NA FINAL

UNANG Linggo pa lamang ng buwan ng Mayo ay nagsimula na namang umulan.

Kaya ang mga nakatira sa tabi ng mga sapa, ilog at creek ay nangangamba na naman.

Ang matataas na lugar na dating hindi binabaha ay nakararanas na rin ngayon ng pagbaha pagdating ng tag-ulan.

Isa na rito ang Novaliches na dating sinasabing probinsya ng Quezon City.

Ang Novaliches ay nasa Norte at dulong bahagi na ng Quezon City dahil nasa boundary na ng Valenzuela at Caloocan City.

Mabagal ang pag-angat ng Novaliches kung ikukumpara sa iba pang lugar ng Quezon City kaya naman minsan ay gusto nilang humiwalay sa siyudad.

Nagtangka ang ilang Novaleño na humiwalay sa Quezon City dahil maraming nagdaang administrasyon na umupong Mayor ay pinabayaan mang lugar na ito.

Ang Novaliches ang pinakamalaking lugar sa Quezon City at noong araw, ang ika-60 porsiyentong kabuuang kita (income) ng Quezon City ay nanggagaling dito.

Karamihan sa kita nito ay nagmumula sa mga pabrika dahil dito matatagpuan ang industrial subdivisions.

Dahil sa laki ng lot area at populasyon ng Novaliches ay nilagyan ito ng mini-city hall na matatagpuan sa Jordan Plains Subdivision, Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Pinamumunuan ito ng Secretary to the Mayor na si Mr. Tadeo ‘Tady’ Palma.

Makalipas ang matagal na panahon, ngayon unti-unti nang umaangat ang Novaliches.

Maraming establisimyento na ang itinatayo kaya naman kasabay nito ang naglalabasang mga problema. Tulad ng pagbaha, tuwing sasapit ang tag-ulan.

Ang Novaliches ay mataas na lugar sa buong Quezon City. Dati, hindi ito nakararanas ng pagbaha, ngayon lagi nang binabaha.

Bakit kamo? Dahil marami sa mga sapa, ilog at creek nito ay tinayuan ng mga gusali.

Kabilang sa mga ito ay ang itinayong gusali ng Honda Prestige sa may tulay na dinaraanan ng Tullahan River sa Quirino Highway, Novaliches.

Ang pagitan ng McDonalds at Nova Mall sa sentro ng Novaliches ay tinambakan ang sapa kaya tuluyan na itong nawala.

Tinambakan din at tinayuan ng gusali ang sapa sa may kanto ng Ramirez St. tagos sa may Susano St., Brgy. Novaliches proper.

Kaya naman hindi nakapagtataka na nung manalansa ang Bagyong Ondoy ay umapaw ang Tullahan River at binaha halos lahat ng parte ng Novaliches.

Babalik po ako sa nakaraan noong ako’y nasa elementarya pa sa dating Novaliches Elementary School na ngayon ay Susano Elementary School sa Brgy. Gulod, Novaliches. Dati ay nakaliligo pa kami sa Tullahan River.

Kaya tinawag itong Tullahan River dahil nakakukuha kami ng mga tulya noong araw rito.

Pero ngayon, ang makukuha na rito ay puro basura at dumi na nanggagaling sa mga nakatira sa paligid nito.

Tanong tuloy ng mga silipero kina Secretary to the Mayor Tady Palma, dating Rep. Annie Susano at QC District 5 Coun. Joe Visaya kung anong masasabi nila sa mga tinambakang ilog, sapa at creek sa may tulay sa Quirino Highway, Novaliches pagitan ng McDonalds at Nova Mall at sa dulo ng Ramirez St.?

Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim sir, sana masilip n’yo ang Novaliches para matingnan nyo kung anong ginawa nila sa mga daluyan ng tubig.

Kaya naman ang ganti ng Kalikasan ngayon ay baha tuwing umuulan.

Kaya ‘wag tayo magtaka tuwing umuulan kung ang Novaliches na dating hindi binabaha ay binabaha na ngayon.

Hindi masamang umunlad ‘wag lang sirain ang kalikasan.

Happy weekend, God Bless Po!

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA! sa email joel2amongo@yahoo.com o itext sa cel# 0917-120-40-74.

Please follow and like us:
Read More

GAMITIN ANG ISIP, HUWAG PADALA SA AGOS

TINIG NG MANGGAGAWA final

ELEKSYON na sa Lunes. Handa ka na ba?

Alam mo na ba kung sino-sino ang mga isusulat mo sa balota?

Napakahalaga ng magaganap na halalan sa Mayo 13. Hindi lang para sa ating mga ka-manggagawa kundi sa pangkalahatan.

Sana ay maging matalino na tayo sa pagpili at bigyang-pansin ang plataporma ng mga kandidato at hindi ng kung sino ang nag-eendorso sa kanila o kaninong partido sila kaanib.

Lalong huwag magpagoyo sa mga boladas ng mga kandidato.

Marami sa kanila ang paulit-ulit nang tumatakbo, hindi first timer kaya halos kilala na natin ang likaw ng kanilang bituka, ika nga.

Nitong mga nakaraang linggo ay kanya-kanya silang papogi at paganda. Hindi nawawala sa kanilang mga ibinibida ang pagtaas ng sahod nating mga manggagawa.

Totoong kailangan na ng dagdag na sahod ng mga obrero. Sabagay, marami sa atin ang sanay nang hindi kumain ng tatlong beses sa isang araw.

Sanay tayong maghigpit ng sinturon dahil mula pa noon ay napapabayaan tayong mga manggagawa.

Oo nga’t nakakatsamba tayo minsan ng wage increase pero kakarampot. Utang na loob pa natin dahil pinagbigyan ng mga nasa gobyerno ang ating hiling.

Kailangan pa nating magmartsa nang magmartsa at mamaos sa kakasalita bago nila tayo pakinggan.

Yun mga panay ang bida ngayong kampanyahan na tutulungan ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pagsusulong ng P710 na taas-sahod, bantayan natin sila. At singilin natin kapag naupo na.

Huwag hayaang dumaldal sila nang dumaldal pagkatapos kapag nakapwesto na ay bye-bye na sa mga pangako.

Sa pagboto sa Lunes, isipin natin ang kapakanan at kinabukasan ng ating mga anak.

Isipin natin ang kinabukasan ng ating bansang Pilipinas.

Pag-isipan at himaying mabuti ang bawat kandidato. Tingnan ang kanilang pagkatao, plataporma at hindi ang partido o grupo para makapili tayo nang maayos at tapat na manunungkulan sa bayan.

Kung tingin mo nagkamali ka sa pagpili sa mga nakaraang halalan, ngayon na ang pagkakataon para itama ito.

Sa Lunes, maaga tayong bumoto at umuwing taas ang noo.

oOo

Ang kolum na ito ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga manggagawa. Ipadala ang inyong mga karaingan, sumbong, reklamo o maging solusyon sa mga problema sa inyong kapaligiran.  Iliham lang sa Diaryo Bomba o kaya ay i-email sa dongbvaleza@gmail.com  (TINIG NG MANGGAGAWA / DONG VALEZA)

Please follow and like us:
Read More

2 KOLEKTOR NG PAUTANG UTAS SA TANDEM

crime100

(NI NICK ECHEVARRIA)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang holdaper ang dalawang kolektor ng isang micro financing bago tinangay ang perang dala ng biktima sa Alicia, Zamboanga Sibugay, Huwebes ng hapon.

Nakilala ang mga biktimang na natamo ng mga tama ng bala sa katawan na sina Philip Jhon Pontijon, 29, assistant manager at Nur Akram Sajili, 24, kolektor, kapwa empleyado ng ASA Foundation Micro Financing  sa Mabuhay ng nasabing lalawigan.

Sa report ni P/Major Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9,   naganap ang insidente dakong alas 3:25  sa kahabaan ng Barangay Road  ng Barangay Sto. Nino sa nasabing bayan.

Galing umano  sa paniningil ng pautang ang mga biktima sa Sitio Tarla, Barangay Tampalan nang tambangan sila ng dalawang suspek at pagbabarilin lulan ng  kulay dilaw na Honda XRM na motorsiklo.

Tumakas ang mga suspek tangay ang bag na  naglalaman ng koleksyon sa hindi pa mabatid na halaga.

Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, maaaring minanmanan ng mga suspek ang dalawa dahil planado at kabisado ng mga ito ang oras at dadaanan ng mga biktima.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

SARI-SARI STORE MENTALITY 

GO FOR GOLD final

SAKIT na nating mga Filipino ang tinatawag na sari-sari store mentality.

Ito yung kung ano ang kumikitang negosyo sa komunidad, ganun din ang papasukin na negosyo ng mga kapitbahay.

Masdan ninyo, dahil malakas ang benta ng tindahan nina Ate Ofelia sa kanto, ganun na rin ang papasukin na negosyo ng mga kapitbahay niyang sila Aling Monang, atbp. O, hindi ba?

Sa kalye nyo na lang, ilan ang sari-sari store diyan na magkakatabi o magkahilera?

Di ba nila naisip na sa pagtatayo nila ng tindahan na magkakalapit ay pinapatay nila ang pagkakakitaan nilang lahat? Natural, pag kakaunti ang mga kostumer at marami ang bibilhan nilang tindahan, hindi sapat ang kikitain ng bawat tindahan para kumita at lumago.

Pinoy na pinoy talaga. Parang isang uri rin ng crab mentality. Dahil, lahat damay. Lahat babagsak at malulugi.

Saan ba natin nakuha ang ganyang masamang pag-uugali?

Naalala nyo ba nung mauso ang lechon manok dahil sa Andoks? Marami rin ang nagtayo ng lechon manok sa kani-kanilang neighborhood. Eh, di sandali lang at marami rin ang nagsara.

Ganyan din ang nangyari sa shawarma. Di po ba?

Ngayon malinaw na sa inyo ang pattern. Iwasan po natin ang ganitong masamang ugali dahil lahat tayo apektado. Lahat tayo talo.

Kaya ang payo ko sa mga nais magtayo ng negosyo, wag po natin gayahin ang kung ano ang uso at kumikita na negosyo sa kasalukuyan. Matutulad lang tayo sa karamihan sa mga kababayan natin na napariwara at nalustay ang pinag-ipunang pera.

Hindi po dahil kumita si kumare o ang kapitbahay natin sa ganitong negosyo ay kikita rin tayo.

Sabi nga ni dating MMDA chairman Bayani “BF” Fernando, napakaliit ng success rate ng mga pumapasok sa negosyo. Halos 95% daw ang failure rate. Kaya nga ang payo niya sa mga residente ng Marikina noon ay mamasukan na lang kayo at maging empleyado.

Ito naman ay opposite ng GO NEGOSYO! advocacy na marami namang natulungan na umangat sa buhay mula sa ating mga OFW, retirees, etc.

Sana makatulong itong tips para tumaas ang tsansa ninyo na maging successful sa negosyo:

  1. Alamin kung anong produkto o serbisyo ang mataas ang demand ngunit kakaunti naman ang nagsu-supply sa lugar o trade area na inyong balak pagtayuan ng negosyo.
  2. Sapat ba ang dami ng potential customers sa inyong lugar?
  3. Mas mabuti kung ang pasukin ninyong negosyo ay malapit sa inyong puso. Yung tila ba enjoy kayong gawin ito kahit hindi kayo bayaran. Ganun din kung magaling kayo sa linyang ito at natural lang ito sa inyo. Marami sa mga nalugi ay dahil pinasok nila ang isang negosyo na wala silang kaalam-alam at walang ka-inte-interes.
  4. Napaka-importante ng lokasyon sa negosyo. Dapat strategic at sentro sa maraming tao at very accessible, madaling puntahan.
  5. Gawan nyo ng paraan para ipaalam sa mga potential customers ninyo na meron kayong ganung produkto o serbisyo. Importante ito. Dahil kahit na gaano kaganda ang iyong produkto o serbisyo, kung walang may alam or hindi ito alam ng tao, balewala rin.
  6. Gawin ninyong mas madali para sa customer na magdesisyon na bumili o tumangkilik sa inyo. At gawin nyo ring mas madali para ma-deliver nyo ito sa kanila.
  7. Pumili ng mga tapat at maabilidad na empleyado at tratuhin sila ng mabuti para pagmalasakitan nila ang inyong negosyo o kompanya.

Ilan lamang ito sa mga payo na pangnegosyo. Sana nakatulong ito kahit paano.  (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:
Read More

AFTER BALESIN; JEN, DENNIS BOUND FOR  A MORE ROMANTIC VACAY

jenden12

ANG GARA NI VINIA(NI VINIA VIVAR)

MAGANDANG birthday gift para kay Jennylyn Mercado ang mataas na ratings ng romantic-comedy series nila ni Gabby Concepcion na Love You Two. Magdiriwang ng kaarawan ang Kapuso Ultimate Actress sa May 15 at masaya niya itong ipagdiriwang dahil nga sa patuloy na na pagdating ng magagandang blessings sa kanya kabilang na ang success ng kanyang cookie business na Chunky Dough.

Bale halos magkasunod nga ang birthday nila ng boyfriend na si Dennis Trillo (May 12) at baka pag-isahin na rin nila ito dahil heard na nakatakda silang umalis.

Noon pa naipaalam ni Jen sa management ang bakasyon pero babalik din naman sila agad since hindi nga pwedeng mawala nang matagal ang aktres dahil sa kanyang serye.

Last year ay sa Balesin Island ipinagdiwang ng JenDen ang kanilang kaarawan kasama pa ang pamilya ni Dennis.

In fairness kina Jen at Dennis, napapanatili nilang pribado ang kanilang relasyon kahit pa nga pareho silang nasa showbiz. As we all can see, bihira silang mag-post sa kani-kanilang social media ng mga larawan nila together at bihira ring magbigayan ng mga sweet messages sa isa’t isa.

Matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa at marami ang humuhula na baka sa simbahan na talaga ang tuloy nito.

 

 

Please follow and like us:
Read More