SUPPORTER NG OPOSISYON DINUKOT, PINALAYA

crime kidnapping12

(NI ELOISA SILVERIO)

ISANG dating barangay captain at kasalukuyang barangay kagawad at supporter ng mga opposition candidates ang umano’y dinukot ng mga naka-bonet na armadong kalalakihan at umanoy tauhan ng Civil Security Unit ng Lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulacan, Huwebes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Kagawad Arnel Aspile ng Barangay Citrus at supporter nina mayoralty candidate Rey San Pedro at Congressman candidate Irene Del Rosario.

Sa ginanap na press briefing, Biyernes ng hapon, sinabi ni Del Rosario na illegal ang pagkakaaresto sa kanilang political leader na si Aspile dahil wala umanong search and arrest warrant.

Kinuwestyun din ni Del Rosario kung bakit mga tauhan ng CSU ang umaresto gayun hindi naman awtorisado ng PNP at Comelec ang nasabing grupo.

Ayon kay San Pedro, positibong ginagamit ng kasalukuyang administrasyon ng lungsod ng SJDM ang mga security personnel bilang mga private armies.

Nabatid na bandang alas-9:45 ng gabi habang nagpupulong nang makatanggap sina Del Rosario at dating mayor San Pedro na dinukot ang kanilang supporter sa nasabing barangay.

Pinuntahan nina Del Rosario ang City Police Station subalit wala doon ang kagawad ngunit bandang alas-10:15 ng gabi ay dumating ang tropa ng CSU bitbit si Aspile at dun pa lamang itinurn-over sa kapulisan.

Ayon sa report ng PNP, si Aspile ay inaresto sa reklamong grave threat dahil sa umano’y harassment na ginagawa nito sa kanilang barangay.

Nabatid pa na nakuha sa bag ni Aspile ang isang .45 caliber at tatlong sachet ng shabu.
Ayon kay Del Rosario, planted ang baril at droga na sinasabing nakuha kay Aspile.

Napag-alaman pa na hindi nagtutugma ang report ng pulis sa pahayag ng mga witness.

Kinuwestyon ni Del Rosario kung bakit hindi agad sa pulis dinala ng mga taga CSU si Aspile at napag-alaman na sa motorpool una itong dinala.

Please follow and like us:
Read More

TRAFFIC ENFORCER, SINAPAK, HINABOL NG SAKSAK NG HINULI

arrested134

(NI CHERK BALAGTAS)

NASAPAK na nga ay hinabol pa ng saksak ng isang aircon technician ang isang traffic enforcer na humuli sa kanya sa traffic violation sa Lungsod ng Navotas, Huwebes ng gabi.

Mabuti na lamang at mabilis na nasaklolohan ng mga barangay tanod kundi ay malamang nasaksak ng galit na galit na suspek si Ferdinand Lauriano, ng Padilla Street, Barangay San Jose ng nasabing lungsod ang biktimang si Troy Tuazon, 46, tauhan ng Navotas City Traffic and Parking Management Office (CTPMO).

Sa ulat ni Navotas City police chief P/Col. Rolando Balasabas, kasalukuyan umano noong nagmamando ng trapiko sa kahabaan ng C4 Road, Barangay Bagumbayan – North si Tuazon at kasamang traffic enforcer ding si Philip Salvador ganap na alas – 7:15 ng gabi nang pahintuin nila ang motorsiklong minamaneho ni Lauriano matapos itong mag-counterflow.

Ngunit sa halip na huminto ay tinakbuhan ng suspek ang dalawang traffic enforcers kaya’t hinabol siya ni Tuazon hanggang sa ma-corner na siya sa Padilla Street, Barangay San Jose.

Doon na galit na galit na pinagsasapak ni Lauriano si Tuazon ngunit nang hindi niya mapuruhan ay doon na siya bumunot ng balisong sa akmang uundayan ng saksak ang biktima na agad namang nagtatakbo palayo sa suspek.

Nakahingi ng saklolo sa mga rumoronda noong mga barangay tanod ang biktima na nauwi sa agarang pagkakadakip sa suspek na ngayon ay nahaharap sa patong – patong na kasong grave threat, unjust vexation at paglabag sa batas trapiko.

 

Please follow and like us:
Read More

SUPPORTERS NG MAYOR BINARIL NG VM: 1 PATAY, 3 SUGATAN

zamboangadel sur12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASAWI ang isa habang tatlong iba pang mga supporters ni incumbent Molave, Zamboanga del Sur Mayor Ireneo Glepa, makaraang pagbabarilin umano ni Vice Mayor Rico Amigo at mga tauhan nito, Huwebes  ng gabi sa Barangay Madasigon ng nasabing bayan.

Sa report ng pulisya, kinilala ang nasawi na si Joseph Aljo, 34, habang sugatan naman ang mga kasamahan nitong sina Lorenzo Canlom Jr., Jason Aljo, at Jessie Gapol, pawang mga supporters ni incumbent Mayor Glepa.

Nadakip naman ng mga miyembro ng Molave Municipal Police Station (MPS) ang dalawang tauhan ni incumbent Vice Mayor Amigo na nakilalang sina Junard Barrientos, 37, at Jerjun Alforque, 27.

Sina incumbent Mayor Glepa at Vice Mayor Amigo ay magkalaban sa mayoralty post sa midterm elections.

Ayon kay Police Brig. General Emmanuel Licup, Regional Director ng PRO 9, naganap ang insidente dakong alas 6:45 ng gabi sa Blancia St. Purok Mangga, Barangay Madasigon, ng nabatid na bayan.

Sakay umano ng dalawang motorsiklo ang mga biktima nang harangin ang mga ito ng isang Fortuner at Navarra pick-up lulan ang anim na armadong kalalakihan kabilang umano si Vice Mayor Amigo na armado ng mahabang kalibre ng baril.

Ayon sa mga sugatang biktima tinutukan umano sila ng dalang M4 carbine ni Amigo dahilan upang magmakaawa sila para sa kanilang buhay subalit pinaputukan pa rin umano sila ng Vice Mayor dahilan upang tamaan ang mga biktima na ikinasawi ni Joseph Aljo.

Narinig naman ng mga napapatrulyang mga  pulis ang mga putok ng baril na nasa  hindi kalayuan  kalayuan sa lugar ng krimen kaya agad na nakaresponde ang mga ito at naabutan pa nilang  tumatakbo ang mga tauhan ni Amigo na sina Barrientos at Alforque.

Sinubukan  pahintuin ng mga pulis ang Fortuner at Navarra pick-up kung saan nasa loob si Amigo at ilang tauhan nito subalit nakatakas pa rin ang mga ito.

Patuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng pulisya para sa agarang pagdakip kay Vice Mayor Amigo at mga tauhan nito.

 

Please follow and like us:
Read More

GINANG ARESTADO SA ITINAKAS NA ATM CARD

arrested

(NI CYRILL QUILO)

ISANG ginang ang arestado nang itakas ang isang ATM card na ipinakisuyong i-withdraw ng biktima sa ATM machine na hindi nito alam gamitin , sa isang bangko sa CM Recto Avenue, Poblacion, Lipa City, Batangas, Biyernes ng umaga.

Kinilala ng Lipa City police ang arestadong suspect na si Lunalyn De Pedro, ng Gustillo Dike 2, Lapaz, Iloilo City.

Mahaharap sa kasong paglabag ang  suspek An Act Regulating the Issuance and Use of Access Devices, Prohibiting Fraudulent Acts Committed na kasalukuyang nakapiit sa Lipa City police station.

Dakong alas-6:30  ng umaga nang magtungo sa ATM machine ang biktimang si Nelia Nadela upang mag-withdraw ng pera subalit dahil sa hindi nito alam gamitin ay ipinagkatiwala nitong ipinakisuyo kay De Pedro ang pagwi-withdraw.

Iniabot umano niya ang ATM casrd sa suspect ngunit nilansi umano siya nito nang sabihang lapitan ang mga guwardiya sabay takbo dala ang ATM card ng biktima.

Agad humingi ng tulong ang biktima sa ilang nagdaraan na tao at mabilis namang naaresto ang suspek saka dinala sa pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

SHABU TIANGGE OPERATOR ARESTADO SA NBP

shabu

(NI MAC CABREROS)

MULING ‘inaresto’ ng awtoridad ang tinaguriang ‘Drug King’ sa Eastern Metro Manila na kasalukuyang nakakulong sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Armado ng warrant of arrest na inilabas ni Pasig City RTC Branch 167 Judge Divina Gracia Lopez Pelino Jr., dinakip ng Warrant Section ng Mandaluyong City Police si Amim Imam Boratong, 47, dahil sa kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Act of 2001.

Si Boratong ay nakakulong sa NBP dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 0f 2002. Sinasabing siya ang nagpapatakbo sa shabu tiangge na nadiskubre ng awtoridad sa Pasig City.

Noong 2006, naaresto ng awtoridad si Boratong kasama ang kanyang asawa. Nahatulan siya ng habambuhay na pagkabilanggo at pagmumulta ng P10 milyon ng Pasig Regional Trial Court noong 2009.

Please follow and like us:
Read More

KOREANO KUMUHA NG LITRATO NG BABAENG NAKAHUBAD, KULONG

porn vid12

(NI KOI HIPOLITO)

MAHAHARAP ngayon sa kaso ng RA 9995 o (Anti- Photo and Voyeurism Act.) ang isang Korean national nang ipagharap ito ng reklamo ng isang babaeng biktima na kinunan nito ng mga hubad na larawan habang natutulog sa Crosswind Hotel Airport Road, Baclaran sa lungsod ng Parañaque City, hapon ng Huwebes.

Nakilala ang biktima na si Mary Grace Man, 31, ng Pasay City at ang suspek ay si Kim Jinseop, 45, pansamantalang natuloy sa nasabing hotel.

Base sa sumbong ng biktima sa mga otoridad ng Parañaque City Police Station, nalaman niya na kinunan sya ng mga hubad na larawan ni Kim nang magsumbong sa kanya ang kaibigan na si Rhea Audal, 37, ng Parañaque.

Base sa reklamo, kinunan din umano ng suspect ang maselang bahagi ng kanyang katawan at ipinakita pa umano sa mga kaibigan ng suspek. Agad naman inaresto ng mga pulis ang suspek at kinumpiska ang cellphone nito na may mga larawan ng biktima.

Pansamantalang nakadetine ngayon sa Parañaque City Custodial Facility ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso sa piskalya.

Please follow and like us:
Read More

MAY ‘MABUO’ KAYA SA PIA-VHONG MOVIE?

vhong12

(NI ROMMEL PLACENTE)

PAGKATAPOS makatambal si Gerald Anderson sa pelikulang “My Perfect You” ang susunod namang makakatrabaho at makakatambal ni  Pia Wurtzbach sa pelikula ay si Vhong Navarro, sa isang dark comedy film. Excited na nga raw ang tinanghal na Miss Universe 2015 na makatrabaho ang komedyante.

“MagsIsimula na kami ng shooting next week,”sabi ni Pia

Nu’ng gawin ni Pia ang “My Perfect You” ay nagkamabutihan sila ni Gerald, na naging dahilan para makipag-break dito si Bea Alonzo. Pero naayos din naman ang gusot sa relasyon ng dalawa, nagkabalikan sila.

Ngayong si Vhong naman ang makakasama sa pelikula ni Pia,  magkaroon din kaya sa kanila ng something? Magka-develop-an din kaya sila? Sinasabing ang mga komedyante ay romantiko,  kaya posibleng ma-fall kay Vhong si Pia, ‘di ba, lalo na’t single ito ngayon?

At si Vhong naman, kahit may live-in partner na, posible rin siyang magkagusto kay Pia dahil  maganda ito. Well, abangan na lang natin kung may mabubuong relasyon kina Vhong at Pia kapag ginawa na nila ang pelikulang pagsasamahan nila.

Tungkol pa rin kay Pia, walang katotohanan na naging girlfriend siya ni Kit Thomson gaya ng napababalita noon. Nilinaw ni Kit sa interview niya sa Tonight With Boy Abunda nu’ng Wednesday, na naging close lang daw sila ni Pia at never nagkaroon ng relasyon, kahit lumalabas sila.

At hindi naman daw siya na-attact dito. O di ba, sa gandang ‘yun ni Pia at tinanghal pa na Miss Universe, ay hindi nagkagusto sa kanya si Kim. Wala pala siyang dating kay Kit.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BUNGO SA PLASTIC CONTAINER, NAHUGOT SA FALLS

twin falls12

(NI NILOU DEL CARMEN)

LAKING gulat ng isang lifeguard sa resort  sa Kalayaan, Laguna nang madiskubre nito ang plastic container na may laman ng bungo ng tao at itinago sa ilalim ng falls.

Ayon kay Rosauro Sadsad, dakong alas-3:00 ng hapon nitong Huwebes, nang mapansin niya ang brown plastic container sa ilalim ng tubig sa Twin Falls Resort, sa Barangay San Juan.

Agad niya itong iniahon subalit nang buksan ay tumambad sa kanya ang nabubulok nang bungo ng tao.

Iniimbestigahan naman ng mga awtoridad kung paano napunta doon ang container.

Inaalam na rin ng pulisya kung sino ang biktima na umano ay posibleng chop-chop murder.

 

Please follow and like us:
Read More

PINOY ARTISTS TUTULUNGAN NG ANAK NI KUYA GERMS SA INT’L MARKET

FEDERICO12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MATAGAL ang naging kuwentuhan namin ni Federico Moreno, ang anak ng master showman na si Kuya Germs. Actually nagkita lang kami dahil sa contract signing ng bago niyang endorser para sa kanyang negosyong X Cess Salon, na si Bianca Umali. Pero bukod doon may iba pa palang plano si Freddie.

“Noong una sinasabi ko hindi ko mundo ang showbiz eh, pero hindi ko naman mapabayaan ang mga projects na naiwan ng papa, at saka napasok pa ako sa MTRCB. Kaya ngayon tanggap ko nang hindi ko talaga maiiwan ang showbusiness. Ang iniisip ko ngayon, dahil entrepreneur ako eh, iyon ang haharapin ko, kung ano ang mga negosyong makakatulong sa showbusiness,” sabi ni Freddie.

Isa raw sa naiisip niya ay isang international talent management firm.

“Ang totoo, sa nakikita ko, lalo ngayon na lagi akong nakakapanood ng pelikula at serye sa telebisyon dahil sa MTRCB, iyong mga artistang Pilipino, puwedeng makipaglaban sa talents noong mga foreigners. Tapos minsan pinag-uusapan nga namin, iyon daw hitsura ng mga artistang Pilipino, babae man o lalaki, iyan ang hitsurang acceptable sa international market.

Ang problema, hindi lang sila nakikita sa abroad. Nakikita lang sila sa ilang pelikulang Pilipino na nailalabas sa mga festivals doon, na alam naman natin hindi rin masyadong napapanood dahil sa kakulangan natin sa budget. Isa pa, ang isang artista para makakuha ng assignment doon, kailangan may local agent ka at kung maaari nandoon ka dahil sa mga auditions. Pero may iba nang sitwasyon ngayon, maaari na ang audition videos na lang, ang kailangan lang iyong tamang representation. Kaya nga iniisip ko ang isang international talent agency,” sabi pa ni Freddie.

Kung magagawa nga naman niya iyon, maitutuloy niya ang isa pa sa mga nasimulan na ni Kuya Germs, iyong makatulong sa mga kabataang may ambisyong maging artista.

 

***

 

Nagsisimula na namang maglabasan ang “nominations” ng iba’t ibang award giving bodies. Alam ba ninyo na itong Pilipinas isa sa may pinaka  may maraming award giving body. Mas marami pang awards natin  kaysa sa Hollywood.

Pero iyong mga awards, mukhang wala nang pumapansin at nakikita mo na lang sa mga social media platform.  Ni hindi na sila halos pinapatulan ng lehitimong media, kasi nga karamihan naman ay medyo questionable ang mga pinamigay na awards at mga naging desisyon nila nang mga nakalipas na panahon.

Hindi ba nakatatawa, may isa pa ngang nakakulong na drug lord na nagsabi sa isang hearing sa senado na nanalo raw siya ng award mula sa isang award-giving body. Hindi ka ba matatawa doon.

Iyang mga award giving bodies, palagay namin ang kailangan muna nilang isipin ay kung papaano sila mas magkakaroon ng kredibilidad bilang isang award giving body. Kasi kung bigay lang sila nang bigay ng award, iyon namang kanilang kredibilidad at image bilang isang award giving body ay bulok, wala na ring maniniwala sa kanila.

Aba eh may mga notorious na talagang harap-harapan ang bentahan ng awards eh, na akala mo isang subastahan, na ibibigay sa highest bidder, sino ba naman ang maniniwala pa riyan.

Kami sinasabi naman namin, diyan sa mga awards na iyan, dalawa lang ang pinaniniwalaan namin. Iyong matindi ang corruption, bakit mo naman paniniwalaan pa?

Please follow and like us:
Read More

BRGY KAGAWAD SA QUEZON PATAY SA 2 GUNMAN

fire22

(NI JUN V. TRINIDAD)

SAN ANDRES, Quezon – Isang barangay kagawad sa bayang ito ang pinatay madaling araw ng Biyernes sa hindi pa matiyak kung isang insidente ng nakawan o murder.

Nagising na lang ang asawa ng biktimang si Rodini Boot, 37, nang mapansin na may dalawang armadong lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tala bandang alas-2:00 ng umaga.

Bigla na lang sinunggaban ang babae, kasabay sa pagtatakip sa bibig nito at humingi ng pera ang dalawang armado.

Matapos ibigay ang hinihinging salapi ay nakarinig ang babae ng putok ng baril mula sa loob ng kanilang kwarto.

Nang pasukin niya ang silid ay nakitang naliligo na sa sariling dugo ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang mga suspek at mabatid ang tunay nilang motibo – pagnanakaw ba o sadyang patayin ang kagawad.

Please follow and like us:
Read More

CAMPAIGN LEADER NG KANDIDATO, TINODAS SA KUBO

alitagtag

(NI NILOU DEL CARMEN)

NASAWI ang isang campaign leader ng kandidato sa pagka bise-alkalde sa Alitagtag, Batangas matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sa nasabing bayan Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Del Mundo, 74, residente ng Baranga Dominador East.

Ayon sa report ng Alitagtag police, nakahiga at nagpapahinga sa isang kubo ang biktima nang lapitan ito ng isa sa mga suspek at pagbabarilin dakong alas 9:10 ng gabi.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril at  sumakay sa isang motorsiklo.

Agad namang isinugod sa  Martin Marasigan District Hospital sa bayan ng  Cuenca ang biktima subalit nasawi rin ito habang ginagamot  dahil sa dalawang tama ng bala sa leeg.

Ang biktima ay campaign leader umano ng isang kumakandidato sa pagka-bise alkalde sa nasabing bayan.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung sino ang mga suspek at kung may kinalaman sa pulitika ang pangyayari.

Please follow and like us:
Read More

2 MOTORISTA TODAS, 1 SUGATAN SA AKSIDENTE SA QUEZON

accident12

(NI JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Dalawang motorista ang patay at isa ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Quezon araw ng Huwebes at Biyernes.

Sa report ng pulisya, dead on the spot si Pastor Minguillan Jr., 65, nang sumalpok ang sinasakyan niyang Nissan Urvan van sa punong-kahoy sa tabi ng Maharlika Highway sa Barangay Lungib, Calauag, bandang alas- 9:25 ng gabi ng Huwebes.

Sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang tsuper ng van na si Eugene Danghel, 54, matapos umanong magulat sa kasalubong na sasakyan habang binabagtas ang palusong na kurbada ng highway na nagresulta sa kanyang pagsalpok sa punong-kahoy.

Nagtamo lang ng sugat ang nasabing tsuper.

Samantala, todas din ang motorcycle driver na si Manny Escote, 23, nang sumalpok ang kanyang sasakyan sa konkretong poste ng isang tulay sa Barangay Baguio dakong alas-12:30 ng madaling araw ng Biyernes.

Mabilis na isinugod sa Tayabas Community Hospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Ayon sa imbestigasyon, posibleng lasing sa alak ang biktima nang maganap ang aksidente.

 

Please follow and like us:
Read More

NCMH BALIK-OPERASYON NA MATAPOS ANG TRAHEDYA SA WARD

crime12

(NI MARC CABREROS)

BALIK-OPERASYON na ang National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City matapos ang madugong insidente na ikinasawi ng dalawa katao, Huwebes ng hapon.

Nagpatupad na rin ng mahigpit na seguridad sa pamamagitan ng masusing pag-iinspeksyon sa mga dala ng mga papasok sa naturang ospital.

Bagama’t hiniling ng pamilya ng nasawi ang confidentiality sa kaso, masusing iimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Nagulantang ang buong NCMH nang umalingawngaw ang putok ng baril alas-2:30 ng hapon sa isang ward dito.

Isang 27-anyos na psychaiatric patient ang nasawi at pagkaraan ay nagbaril din umano sa sarili ang lolo, gayundin ang  babaeng pinapalagay na asawa nito, ayon sa pulisya. Walang ibang pasyente o personnel ang nadamay sa insidente, dagdag pulisya.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI 2 BESES NAGBARIL SA SARILI, BUHAY!

crime22

(Ni FRANCIS SORIANO)

HIMALANG nabuhay at kasalukuyang nakaratay sa Valenzuela Medical Center sanhi ng dalawang tinamong tama ng bala sa dibdib ang isang 53-anyos na driver sa No. 10 Pag-asa Subdivision, Brgy. Marulas, Lungsod ng Valenzuela.

Kinilala ni Police Colonel David Nicolas Poklay, Chief of Police ng Valenzuela City Police Station, ang biktima na si Jervin Ganaden.

Ayon sa ulat, nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili gamit ang isang cal. 38 revolver ang biktima habang nasa loob ng banyo, bandang alas-7:15 ng Huwebes ng umaga.

Nang marinig ang putok ng baril, agad humingi ng tulong ang mga kaanak sa Valenzuela Rescue Unit at isinugod si Ganaden sa pagamutan.

Agad din isinuko sa pulisya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala at dalawang basyo ng bala sa mga tauhan ng Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 3 na rumesponde sa naturang lugar.

 

Please follow and like us:
Read More

SURIGAO DEL SUR MAYOR ARESTADO SA ARMAS, DROGA

MAYOR12

(NI KOI HIPOLITO)

NALAGLAG sa kamay ng mga pinagsanib na elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Surigao del Sur, PNP Special Action Force at Lingig Municipal Police Station ang narco-politician na alkalde ng bayan ng Lingig nang magsagawa ng search operation, Huwebes ng madaling araw sa Barangay Poblacion ng Lingig, Surigao del Sur.

Nakilala ang inarestong suspek na si incumbent Mayor Roberto M. Luna Jr., na isang high value target at kasama sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga at tinanggalan na ng police power ng National Police Commision (Napolcom).

Ayon sa report ni Regional Director (PRO13) P/BGen. Gilberto DC. Cruz, sinalakay ng mga otoridad ang bahay ng alkalde matapos magpalabas ng search order ang korte. Nadiskubre sa paghahalughog sa bahay ng suspek ang mga sumusunod: isang Colt cal.45 pistol isang magazine na loaded ng mga bala para sa nasabing kalibre ng baril, isang magazine na may laman na mga bala para sa cal.9mm na baril, isang KG9 rifle grenade at mga pinatuyong dahon ng marijuana na meron kasamang mga tangkay.

Nasabat din ang halagang P2 milyong cash na pawang mga tig-P100 na nakalagay sa mga white envelope kasama ng mga sample ballot na pinaniwalaang gagamitin para sa vote buying o pamimili ng boto.

Mahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act.of 2002), violation of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Regulation Act.) at violation of RA 9516 (Illegal Possesion of Explosive) ang isasampa sa nakakulong ng suspek na mayor.

 

Please follow and like us:
Read More

ZAMBO DEL NORTE JUDGE PINASLANG SA PARKING LOT

zambo

PINASLANG ang isang Zamboanga del Norte judge, ang ikaapat na judge na napatay mula 2017, Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Police Major Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office 9, ang biktimang si Judge Reymar Lacaya.

Si Lacaya ay binaril habang nasa parking lot ng Bulwagan ng Katarungan sa Barangay Poblacion, Liloy.

Isinugod ito sa Liloy District Hospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang hukom mula sa nag-iisang suspect.

Kinumpirma naman ni Chief Justice Lucas Bersamin ang ambush ni Lacaya, ng Sindangan, Zamboanga del Norte Regional Trial Court Branch 11.

Kinondena ni Bersamin ang pagpaslang at hinimok ang kapulisan na gawin ang lahat upang malutas at mahuli ang nasa likod ng pamamaslang.

Si Lacaya umano ang ika-30 judge na napatay simula 1999.

Ang pagpaslang umano rito ay pitong buwan matapos barilin at mapatay din si Ozamiz City Judge Edmundo Pintac ng tandem habang pauwi na noong Oktubre 8, 2018.

Noong Agosto 2017, binaril at napatay din si Butuan RTC Branch 4 Presiding Judge Godofredo Abul, Jr. at ang kanyang misis.

Si Camarines Sur Judge Ricky Begino ay pinatay din sa harap ng kanyang bahay.

 

Please follow and like us:
Read More

MASAMANG EPEKTO NANG PAG-INOM NG ALAK

ALAK

(Ni ANET VERGEL)

SINASABING nakabubuti rin sa katawan ang katamtamang pag-inom ng alak dahil maraming sakit na posibleng ­maramdaman ng katawan ang napipigilan nito.

Subalit kapag labis na sa itinakdang dami ng alkohol sa katawan, posibleng hindi na maganda ang epekto nang pag-inom ng alak.

Ayon sa mga manggagamit, ang  labis na pag-iinom ng alak ay nagdudulot ng hindi magandang epekto sa ­ating katawan at maging sa ating isipan. Ito ay posibleng mauwi sa mild hanggang life threatening na sakit gaya ng mga sumusunod

Emphysema. Ang baga o lungs ay ­nangangailangan maging elastic at ­flexible upang tayo ay makahinga ng maayos. Ngunit ang ­paninigarilyo ay maaring magdulot ng pagkasira ng ating lungs na magbibigay-dahilan upang masira ang pagiging elastic nito. Ito ay posibleng maging sanhi ng emphysema na kung saan tayo ay nahihirapan huminga. Ayon sa tala ng PDRHealth, ang paninigarilyo ang pangunahing sanhi sa lahat ng kaso ng emphysema.

Lung Cancer. Ang labis na paninigarilyo ang pangunahing dahilan ng lung cancer, kasama na rito ang mga first-hand smoker at second-hand smoker. Ang mga second-hand smoke ay maaaring magtagal pa ng ilang oras loob sa isang kwarto kahit ang wala na doon ang smoker.

Erectile dysfunction. Maaa-ring magkaroon ng erectile dysfunction ang isang lalaki kung siya ay malakas manigarilyo at uminom ng alak, Upang makamit ang tamang erection, nararapat din na maayos ang daloy ng dugo patungo sa kanyang penis.

Kulubot sa noo at mukha. Ang ating balat o skin ay binubuo ng mga elastin at collagen fiber. Ang nicotine at iba pang harmful chemicals ay nakakasira ng collagen at elastin na nagdudulot upang magkaroon ng premature wrinkling. ito ay maaaring makaapekto sa ating katawan pati na rin sa ating mukha at braso

High Blood Pressure o pagtaas ng presyon. Ang madalas na pag-inom at pani-nigarilyo ay maaaring maging sanhi upang magkaroon tayo ng high blood pressure. Kapag ito ay hindi naagapan posibleng ito ay mauwi sa mas malalang sakit gaya ng atake sa puso, pagkasira ng kidney, stroke, vision lost at congestive heart failure.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga nabanggit na sakit, dapat na iwasan ang sobrang pag-inom ng alak.

Ang pangunahing dahilan nang pagtataas ng pamahalaan ng  presyo ng buwis sa alak ay upang hindi na makabili ang marami subalit tila balewala ito sa mga lulong na.

Bukod sa mga sakit na posibleng idulot ng sobrang pag-inom ng alak, malaki rin ang posibilidad na may iba pang problemang kaakibat ito.

UMAAKIT NG ­DISGRASYA

Kapag ang isang tao ay lasing o pinasukan na ng ­sobrang alkohol ang katawan at utak, malaki ang epekto nito sa kanyang kakayahang magdesisyon. Kaya naman nagkakagawa ng pagkakamali na kapag nawala ang kalasi-ngan ay malaki ang pagsisisi.

Isang halimbawa ay ang kakayahang magmaneho kung kaya’t nagkakaroon ng disgrasya na pangunahing sanhi ng aksidente at kamatayan sa Pilipinas.

Maaari ring mapaaway ang mga lasing na pwede ring magbigay-daan sa aksidente. Importante rin, ang kalasi-ngan ay maaaring magdulot sa high-risk sexual behavior dahil ­inaalis nito ay hiya o inhibisyon sa mga tao.

Habang lasing, sira rin ang kakahayan na balansehin ang katawan. Maaaring matumba, madapa, matapilok, o makaranas ng iba’t ibang aksidente habang lasing.

NAKAKASIRA NG PAMILYA, BUHAY

Disgraya nga ang hatid ng sobrang pag-inom ng alak kaya’t maituturing ding disgraya sa ngalan ng pamilya at buhay ng manginginom.

Sa paglalasing lalo na kapag naging adik na sa alak, nauubos ang panahon sa pag-iinom sa halip na sa pag-aaral, trabaho o kapaki-pakinabang na gawain na hindi lang sarili ang makakakuha ng benepisyo subalit maging ang pamilya at lipunan.

Kaya naman, dapat ay hindi magpaalipin sa alak. Walang masama kung uminom subalit dapat ay katamtaman lang tulad nang pag-inom ng isang boteng beer o isang basong alak sa loob ng isang araw.

Subalit kapag sobra na at nauuwi na sa pagiging adik sa alak o alcoholic na ang pag-inom nararapat lang na kumonsulta na sa manggagamot. Hindi dapat mag-atubiling humingi ng tulong sa doktor sapagkat malaki ang maitutulong nito upang mapigilang maging sugapa sa alak.

Maisip sana ng taong palainom ng alak na hindi lang buhay niya ang kanyang sinisira sa sobrang pag-inom ng alak subalit maging ang buhay ng kanyang pamilya at mga kaanak na nasasangkot sa ­kanyang maling desisyon kapag nasa impluwensiya na ng alak.

Please follow and like us:
Read More

MMDA: WALANG CARMAGEDDON PERO MATINDING TRAFFIC ASAHAN

traffic edsa12

NAGBABALA ang Metro Manila Development Authority ng mas mabigat na daloy ng trapiko ngayong Biyernes, ang simula ng huling weekend bago ang eleksiyon sa Lunes.

Sa kanyang Facebook post, ibinigay na dahilan ni Bong Nebrija ang limang dahilan ng posibleng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan o maging sa mga secondary roads.

Una umano ang pagsuspinde ng coding sa mga provincial bus sa Edsa at ang pagdaga ng pasahero sa 47 terminal sa Edsa sa Pasay at Quezon City. Marami umano ang uuwi sa kani-kanilang probinsiya para bumoto.

Ikalawa umano ang pagkakaroon ng motorcade sa ilang bahagi ng Edsa at iba pang pangunahing lugar mula umaga hanggang gabi.

Ikatlo ang pagkakaroon ng political rallies at huling buga na rin ng kampanya sa buong Metro Manila kung saan apektado ang inner road na posibleng makarating sa pangunahing lansangan o maging sa Edsa.

Ikaapat ang 60% tsansa ng pag-ulan sa hapon base na rin umano sa kanyang iPhone Weather at ang ikalima ay dahil sa simpleng araw ng Biyernes

“Meron bang Carmageddon? Wala!!!” sabi ni Nebrija sa kanyang post. “God bless us all!,” pagtatapos nito.

Please follow and like us:
Read More

GEN. CARRANZA BITBIT NI ‘GEO’ SA ILIGALIDAD

BAKBAKAN NATIN

ALAM nating lahat na napakatalamak ng iligalidad sa Rehiyong Calabarzon ­(Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) o Region 4 – A.

Lahat ng uri ng iligal na sugal ay matatagpuan sa mga lungsod at munisipalidad ng limang malalaking lalawigan sa Calabarzon.

Nariyan ang jueteng na nagtatago sa small town lottery (STL) ng ­Philippine ­Charity Sweepstakes Office (PCSO), pergalan, saklaan at video karera.

Ang matindi rito ay ginagamit na ‘prente’ ang saklaan at video karera ng bentahan ng iligal na droga.

Napakalaking ­kasinungalingan kung itatanggi ng mga opisyal at kasapi ng Philippine National ­ Police (PNP) ng ­Calabarzon na laganap ang iba’t ibang uri ng iligal na sugal sa ­Calabarzon.

Kahit napakalala, hindi aktibong kumikilos ang PNP sa Calabarzon na pinamumunuan ni Brig. Gen. Edward Carranza laban sa mga gambling ­operator sa rehiyon.

Hindi na nga aktibo sa iligal na sugal, mukhang hindi rin masigla si ­Carranza pati sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Bakit ganito ang mistah ni General ­Oscar ­Albayalde sa ­Philippine Military Academy (PMA)?

Sinadya bang magpabaya ng PNP sa Rehiyong Calabarzon upang samantalahin ang iligal na sugal sa nasabing rehiyon?

Sa ganitong pangyayari, malayang-malayang nakakaikot ang isang tao na “Geo” ang alyas.

Bitbit ng alyas Geo na ito ang pangalan ni Carranza sa pag-iikot sa lahat ng iligal na pasugalan mula Cavite hanggang Quezon upang ­mangolekta ng lingguhang tara.

Kahit ang mga iligal na pasugalang prente ng iligal na droga tulad ng mga saklaan at video karera ay pinupuntahan at kinukuhaan ni alyas Geo ng lingguhang padulas.

Walang gumagalaw kay Geo na kahit sinong opisyal ng pulisya sa ­alinmang lalawigan sa Region 4A kahit lantaran itong tumatanggap ng lingguhang tara gamit ang ­pangalan ni­ Carranza.

Alam kaya ni Brig. Gen. Carranza na ­ipinangungolekta siya ni alyas Geo?

Upang matigil ang kasamaan ni alyas Geo, walang ibang dapat gawin si Carranza kundi ipahuli itong si Geo na walang takot kung gamitin ang ­pangalan niya sa pag-ikot at ­pangungolekta sa lahat ng iligal na pasugalan sa buong Rehiyong ­Calabarzon.

BAKIT HINDI HINUHULI NG CIDG – ­CALABARZON SI ALYAS ZALDY?

ITONG si alyas “Zaldy” ng Cavite ay mayroong saklaan sa Cavite Cockpit Arena, ngunit hindi ito ipinatitigil ni Col. William Sagun.

Kahit lantaran ang saklaang ito ni alyas Zaldy ay walang puwedeng gumalaw o magpasara rito, kahit si ­Sagun pa ang hepe ng PNP sa Cavite.

Ang impormasyong nakarating sa BAKBAKAN NATIN! ay kolektor ang alyas Zaldy na ito ng ilang ‘iskalawag’ na pulis ng Task Force Maverick ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Rehiyong Calabarzon.

Si alyas Zaldy ang nangongolekta at tumatanggap ng lingguhang tara ng mga iskalawag sa Task Force Maverick mula sa mga gambling operator sa Calabarzon.

Hindi binanggit ng nagparating ng imporma-syon kung si alyas Zaldy na rin ang kumokolekta sa mga iligalidad sa buong Calabarzon.    (BAKBAKAN NATIN / Nelson S. Badilla)

Please follow and like us:
Read More

NEWLY GRAD, 2 PASLIT, NATUSTA SA SUNOG

sunog

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang dalaga na bagong graduate sa kolehiyo habang dalawang mga paslit naman ang nasawi makaraang malitson sa nasunog na boarding house sa Salem Street Barangay Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat, hapon nitong Miyerkoles.

Kinilala ang mga nasawi na sina Sweetzel Mae Natabio, 22, dalaga;  Prince Ryan Gillona, 5, at Julliane Heart Hitalia, 5, pawang mga residente sa lugar.

Tatlong bahay ang tinupok ng apoy sa isang compound na pag-aari ni Arlene Relator.

Ayon kay Marivic Natabio, ina ni Sweetzel Mae, nangyari ang sunog alas-3:30 ng hapon  kung saan bigla umanong nagliyab ang boarding house. Dahil sa laki ng apoy ay hindi na nakalabas ang mga biktima.

Naabo na ang bahay nang abutan ng mga bombero dahil gawa lang ito sa kahoy o light materials.

Please follow and like us:
Read More

BOMOTO NANG MAAGA SA LUNES

CHRISTIAN BOMB

MAGTATAGAL na ng hanggang alas-sais ng gabi ang oras ng botohan sa darating na 2019 midterm elections.

Ito ang ­naging pasya ang Commission on Elections (Comelec), na ­palawigin o pahabain ng isang oras ang ­voting time sa mga presinto sa bansa.

Ayon kasi kay Comelec ­spokesperson James ­Jimenez, lumobo ng ­mahigit 60 milyon ang ­ inaasahang boboto sa Lunes, Mayo 13, 2019 kumpara sa P58 milyon noong 2016.

Mula sa dating alas-sais ng umaga hanggang alas-singko ng hapon ay paaabutin na ito hanggang alas-sais ng gabi.

Sa tantiya kasi ng Comelec, ­hahaba ang pila sa mga ­presinto at lalagpas ito sa alas-singko ng hapon na dating deadline ng pagboto.

Tiniyak din ng Comelec na papayagan pa rin makaboto ang mga botanteng nasa loob ng 30 ­meter-radius ng mga polling center kahit na lagpas na sila sa oras ng pagboto.

Napakaganda ang naging bagong desisyon na ito ng Comelec na bigyan ng mahabang oras ang mga botante sa pagboto.

May pagkakataon ang mga hindi nakaboto nuong nakaraang halalan na maiboto ang kanilang mga ­napipisil na kandidato.

Gayunman, ­dapat ay mas agahan ng mga botante ang pagtungo sa mga polling precint upang sila ay makaboto, dahil kung sa bandang hapon pa sila magtutungo ay baka hindi rin sila makaboto kapag inabot ng alas-sais na pagtatapos ng botohan.

Bomoto nang mas maaga para ang kandidatong ­napipisil ng mga botante ay maiboto at maipanalo nila. (CHRISTIAN’S BOMB)

Please follow and like us:
Read More

DUTERTE MAG-IIKOT SA SPORTS FACILITIES

duterte45

(NI ANNE ENCARNACION)

IINSPEKSYUNIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ipinagagawang pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa darating na 30th South East Asian Games na iho-host ng bansa.

Kasabay nito’y personal na aalamin din ng Pangulo ang kalagayan ng mga pambansang atletang sasabak sa naturang biennial meet.

“Mabuti na rin na ang Pangulong Duterte na mismo ang makakita sa mga nirerepair na mga pasilidad at lumang-luma equipment na patuloy na ginagamit ng mga pambansang atleta,” sabi ng isang sports official sa Diaryo Bomba.

Nagreklamo kamakailan ang Wushu Federation of the Philippines (WFP) dahil sa pagkakasakit ng kanilang mga  atleta dahil sa kawalan ng maayos na tirahan at kawalan ng malinis na pasilidad para makapag-ensayo.

Dahil dito ay binatikos ni dating Asian Games Wushu gold medalist Agatha Wong ang kawalan ng suporta sa mga atletang Pinoy na nasasayang ang talento dahil sa kawalan ng maayos na pasilidad na pagpapraktisan at mga gamit na luma na ay substandards pa.

Excited naman ang mga atleta na pansamantalang naninirahan sa mga naturang pasilidad sa pagdalaw ng Pangulo.

Samantala, hiniling ng isang mataas na opisyal ng isang national sports association na huwag banggitin kung kailan pupunta si Duterte para na rin sa seguridad nito at para na rin umano makita ng Chief Executive ang totoong kalagayan ng mga atleta at ng sports facilities ng bansa.

 

Please follow and like us:
Read More

ANG BAGONG DAR  

@yourservice

MINSAN akong dumulog sa Department of Agrarian Reform o DAR sa Quezon City Circle ukol sa isang kaso na matagal nang nabinbin sa isang regional office nito. Ninais ko lamang malaman kung ano na ang kalagayan ng kaso upang makapaghanda sa susunod na paglilitis kung meron mang ­naitalang araw para rito. Pagpunta ko, hindi ko masyadong ­inasahan na may ­mangyayari sa aking lakad dahil sa tagal ko nang pumupunta sa mga ahensya ng pamahalaan, lagi na lang kaming pinababalik o di kaya’y pahirapan sa pakikipag-usap. Laking gulat ko na lamang nang kami’y mabilis na tinugunan ng isang opisyal ng DAR at nasagot ang lahat ng aming katanungan. Ibang-iba na ang DAR ngayon, nalaman ko na lamang na marami palang programang inilunsad ang kalihim nito upang maging maayos at makabuluhan ang DAR hindi lamang sa mga magsasaka, kundi sa sinomang dudulog dito.

Nabalitaan ko rin na binalaan kamakailan ni Secretary John ­Castriciones ng DAR ang mga kawani ng ahensya na tumulong o masangkot sa pagproproseso ng mga aplikasyon sa paglipat ng mga lupa na hawak ng DAR sa mga taong hindi naman kwalipikadong ­tumanggap nito. Sinabi niya na hindi siya mag-aatubiling patawan ng kaparusahan ang sinomang mahuli na gumagawa nito.

Bukod dito, noong una pa mang umupo si Secretary Castriciones sa DAR, minabuti na niyang rebisahin ang mga tao at baguhin ang mga lumang patakaran at proseso ng ahensya. Ayon din sa kanya, nais niya na matugunan ng DAR ang matagal nang hinaing ng ating mga kababayang magsasaka na magkaroon na ng sariling lupang sasakahin. Kaya kita naman natin na mula nang siya’y naupo bilang kalihim ay umikot na ang DAR at mga kawani nito sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas upang maipamahagi ang mga lupa sa ilalim ng programang repormang agraryo.

Ngunit hindi rin naman lingid sa kaalaman ng marami na sa bawat ahensya ng pamahalaan ay may mga taong nais gumawa ng kalokohan upang kumita lamang, kaya’t minabuti ng kalihim ng DAR na magsagawa ng pagsusuri at pagbabantay sa gawain ng mga kawani nito upang masupil o matigilan na ang mga modus nila.

Nabalitaan ko rin na hindi tumitigil dito ang ­ating kalihim. Nagsimula na rin silang baguhin ang mga patakaran at alituntunin tungkol sa ­maraming bagay, isa na rito ang ­proseso ng pag-lilitis sa Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB). Ginawa nilang mas simple, at mas mabilis ang proseso at iniwasan na ang pagpasa-pasa ng kaso o pagpapaikot nito sa iba’t ibang opisina ng Kagawaran.

Ayon sa isang bagong kawani ng ahensya doon — isa pang magandang pagbabago sa DAR ay ang transparency na tinatawag kung saan lahat ng galaw nito — maging sa pagbibigay ng lupang sakahan, o pag-aayos ng mga problemang nilalapit dito — ay buong tapat nang ipinagbibigay-alam sa lahat, walang tinatago, walang sikreto, walang panloloko.

Sa aking munting palagay, maganda na ang nasimulan ng ating ­butihing kalihim ng DAR. Naisip ko rin na ito’y sa kadahilanang hindi naman siya politiko kundi isang taong nais lamang maglingkod sa abot ng kanyang makakaya. Tandaan natin na hindi man pansinin ang DAR kesa sa ibang ahensya tulad ng DepEd, DOH, DILG o DTI — mahalaga ang mandato nito sa ilalim ng ating saligang batas at ng batas ukol sa reporma sa agraryo — nasa DAR ang responsibilidad na ipatupad ang matagal na nating hangarin na ­maging realidad ang isang tunay at makabuluhang reporma sa pagsasaka. Sa wakas ay makakamit na ng ating mga kapatid na magsasaka ang matagal na nilang mithiin na magkaroon ng sariling lupang masasaka. (@YOUR SERVICE / ATTY. DAVID ROBERT AQUINO)

Please follow and like us:
Read More

PAGPAPASARA NG MARCOS BRIDGE INILIBAN MULI

marcos123

(NI ROSE PULGAR)

INIANUNSIYO, Huwebes ng umaga, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na muling ipinagpaliban ang closure o pagsasara ng Marcos Bridge.

Dahil dito, ang closure at rehabilitation ng eastbound portion ng Marcos Bridge sa Marikina City ay hindi pa tiyak kung kailan masisimulan.

Ayon sa MMDA, bigo ang private contractors ng Marcos Bridge rehabilitation project na makapaglagay ng signages at makapaghanda ng mapagkakasunduang traffic rerouting plan sa oras na magsimula ang proyekto.

Sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia, makikipagpulong sila sa private contractors ng proyekto para talakayin ang update at preparasyon at magpasya kung kailan na sisimulan ang repair ng tulay.

Ang eastbound portion ng Marcos Bridge ay dapat na isasara simula sa Mayo 11 para sa rehabilitasyon na tatagal ng apat na buwan.

Nauna nang ipinagpaliban ng MMDA ang pagsisimula ng proyekto, na naka-iskedyul talaga noon pang Mayo 4.

Ayon pa sa MMDA, nasa 3,000 motorista ang inaashaang maapektuhan ng closure ng Marcos Bridge.

 

Please follow and like us:
Read More